29 minute read
FEATURES
Katulad ng tumatagaktak na pawis ng mga tsuper ng dyip dala ng mainit at nakakapagod na biyahe, tila patak-patak na rin lamang ang natitira nilang kita sa maghapon bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Hindi maikakaila ang bigat ng krisis na ito sa kanila, lalo na’t sa suliraning ito, sila ang talo.
“Lagi na kaming talo – kaming mga tsuper.”
Advertisement
Dama ang bigat sa mga salitang binitawan ni Mang Mario, isang tsuper at taga-pangulo ng pila ng pampasaherong dyip sa rutang Tanauan City-Calamba. Sa edad na 51 taong gulang, sampung taon nang namamasada ng pampasaherong dyip si Mang Mario. Isa siya sa mga biktima ng krisis sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na lubhang naapektuhan ang pamamasada ng mga pampublikong transportasyon gaya ng dyip.
Binansagan ang mga pampasaherong dyip bilang “hari ng kalsada”, ngunit dahil sa kasalukuyang krisis, ang mga tsuper ng dyip ang tila nakayukod.
Taas presyo, dagdag parusa
Mula nang sumapit ang taong 2022, labingwalong beses na nagkaroon ng oil price hike sa bansa. Ang nangyaring taas-presyo sa petrolyo sa unang sampung linggo ng 2022 ay higit pa sa taas-presyo noong buong taon ng 2021. Sa kasalukuyang tala, epektibo mula Hunyo 7 ang muling pagtaas ng presyo ng mga domestic oil products. Umakyat sa halagang 2.70 na piso kada litro ng gasolina at 6.55 na piso kada litro ng diesel; samantala, 5.45 na piso kada litro naman ang kerosene. Dagdag pa rito, inaasahan ding umakyat ng humigit-kumulang P1 kada litro ng diesel at gasolina at 0.50 sentimos kada litro ng kerosene bago matapos ang buwan ng Hunyo.
“Nagdadaingan ang aking mga miyembro, wala halos kinikita dahil mababa ang pamasahe tapos ang taas ng diesel. Sa diesel lang napupunta lahat.”, ani Mang Mario. Batid sa mga wika ni Mang Mario ang kanilang pag-inda sa taas ng presyo ng diesel para sa kanilang mga pampasaherong dyip.
Matatandaan nitong ika-15 ng Marso, ipinatupad ang pinakamalaking pagtaas ng presyo ng petrolyo kung saan umabot sa 13.15 pesos kada litro ang diesel, 7.10 pesos kada litro ng gasolina, at 10.50 pesos kada litro ng kerosene. Umani ito ng mariing pagtutol mula sa mga tsuper at mga progresibong samahan na nagdulot ng mobilisasyon at protesta sa iba’t ibang mga lugar. (Basahin: “Wakasan na!”: Laguna youth, student sector demands response to remote learning problems, oil price hike for 2nd lockdown anniversary)
Isang napakalaking dagok sa mga tsuper at motorista ang paglobo ng presyo ng produktong petrolyo ngayong taon. Kung ikukumpara sa presyo noong nakaraang taon, higit na 31 pesos ang nadagdag sa kada litro ng diesel, 20 pesos sa kada litro ng gasolina, at 25 pesos sa kada litro ng kerosene. Sa nakalipas na pitong taon, ngayon lamang umakyat ng $100 ang isang barrel ng Brent crude oil; habang ang Dubai crude oil naman ay pumalo na rin sa higit $100. Ang biglaan at malakihang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay dulot ng iba’t ibang mga kaganapan sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa Department of Energy o DOE, ang Russia-Ukraine War ang isa sa mga pangunahing dahilan ng taas-presyo ng mga produktong petrolyo. Hinadlangan ng European Union (EU) ang pag-angkat ng petrolyo mula sa Russia na pinagkukunan ng 40 porsyento ng gasolina sa mga bansang kabilang sa EU.
Ang bansang Russia ay pumapangatlo sa mga bansang may pinakamalaking produksyon ng petrolyo at pumapangalawa sa mga malalaking eksporter ng petrolyo sa buong mundo. Kaugnay nito, ang Pilipinas ay kumukuha ng suplay ng produktong petrolyo sa mga bansang China (31%), Singapore (18%), South Korea (15%), at Malaysia (9%) na direktang kumukuha ng suplay mula sa Russia. Ayon kay Rino Abad, bureau director ng DOE-Oil Industry Management, ang Pilipinas ay nagdurusa sa “indirect hit” dulot ng nasabing alitan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Dagdag pa rito, itinuturong dahilan ni Abad ang easing of lockdown sa Beijing at Shanghai, China sa pagkabawas ng suplay ng produktong petrolyo na siyang rason umano ng kasalukuyang oil price hike.
Isa ring salik na itinuturo sa taas-presyo ng petrolyo ang napipintong pagsasabatas ng NOPEC (No Oil Producing and Exporting Cartels) Bill sa Estados Unidos. Naglalayon ang batas na ito na tanggalin ang state immunity shield at sampahan ng antitrust lawsuit ang mga bansa sa ilalim ng OPEC dahil umano sa kanilang ginagawang market manipulation. Aakyat ng mula 200 porsyento hanggang 300 porsyento ang presyo ng mga langis sakaling ito ay mapatupad. Ang napipintong pagsasabatas ng NOPEC Bill ay diumano nakaaapekto na ngayon pa lang sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Samantala, pinabulaanan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) transport group ang mga dahilang itinuturo ng mga oil companies sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Ayon sa pahayag ng PISTON na ibinahagi ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel sa kaniyang personal Twitter account, hindi ang pisikal na suplay o ang ilang mga sigalot sa aktwal na bentahan ng langis ang dapat iturong dahilan sa taas-presyo ng langis. Ani PISTON, “Ang supply at demand at ang pagtatakda ng presyo batay dito ay pinagdedesisyunan lang ng mga monopolyo[ng] kapitalista, kartel at mga lokal na komprador. Layunin nilang kumamal ng malalaking tubo sa pinakamabilis na paraan.”
Deregulation at tax: Ang dalawang salarin
Matunog ang Oil Deregulation Law kasabay ng oil price hike sa buong bansa. Ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 (RA 8479) o mas kilala sa tawag na Oil Deregulation Law ay isinabatas noong administrasyong Ramos upang tanggalan ng kontrol ang gobyerno sa presyo, eksportasyon, at importasyon ng mga produktong petrolyo. Dahil dito, tanging ang pandaigdigang merkado lamang ang nagdidikta sa presyo ng petrolyo na iaayon depende sa oil price movements sa buong mundo. Samakatuwid, hindi pinahihintulutan ang kahit anong interbensyon ng gobyerno sa kabila ng walang tigil na paglobo ng presyo ng langis sa bansa.
Alinsunod nito, iminungkahi ng Department of Energy sa Kongreso na amyendahan ang Oil Deregulation Law sa pamamagitan ng paglikha ng framework na pahihintulutan ang interbensyon ng gobyerno sa kasalukuyang mula sa Chevron Philippines.
Samakatuwid, tanging sampung porsyento lamang ng Malampaya gas field ang hawak ng gobyerno; samantala, 90 porsyento nito ay kontrolado ng mga bilyonaryong negosyante at korporasyon.
Monopolyado rin ng kartel ang merkado ng produktong petrolyo sa bansa kung kaya’t nagagawa nilang itaas nang biglaan ang presyo ng langis. Mula sa infographics ng League of the Filipino Students - Cagayan Valley, makikitang 24.88% ng merkado ng langis ay hawak ng Petron. Samantala, 18.25% ang bahagi ng Shell, 6.7% sa Phoenix, 6.48% sa UniOil, at 6.13% sa Caltex.
Dahil sa dalawang salarin na Oil Deregulation Law at excise tax dulot ng TRAIN Law, mananatiling dehado pa rin ang masa, partikular na ang mga tsuper. Hangga’t monopolisado at hawak ng mga malalaking negosyante at korporasyon ang langis sa bansa, magpapatuloy pa rin ang kawalan ng kontrol sa paglobo ng presyo nito.
“TAYO ANG TALO”:
Pasakit ng Oil Price Hike
NINA SAM DELIS AT ALIAH ANNE ZYRELLE PIN STAFF WRITERS
isyu. Samantala, naglatag naman ng mga proposal si Albay Rep. Jose Salceda kabilang ang paglikha ng strategic petroleum reserve, pag-unbundle ng retail price ng gasolina, at pagpapaigting ng price transparency.
Dagdag naman ni DOE Undersecretary Gerardo Erguiza, dapat ding magkaroon ng amyenda ukol sa pagsuspinde ng excise tax sa produktong petrolyo sakaling umabot na sa $80 ang presyo ng kada barrel sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan. Bukod sa Oil Deregulation Law, isang malaking dagok din sa mga motorista at tsuper ang excise tax.
Sa ilalim ng administrasyong Duterte, ipinatupad ang TRAIN Law (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) kung saan nagpataw ng labindalawang porsyento ng value added tax o VAT (12% VAT) sa mga produkto kabilang na ang petrolyo. Patuloy ang pagkalampag ng mga tsuper at iba’t ibang samahan pang-transportasyon upang suspindehin ang 12% VAT at iba pang mga higher excise tax na isang mabigat na pasanin sa mga tsuper at motorista. Agad namang kinontra ng Department of Finance ang panawagang ito sapagka’t mawawalan diumano ng 141.7 bilyong piso ang gobyerno kung isususpinde ang sinasabing excise tax.
Dagdag pa rito, kontrolado ng mga malalaking negosyante ang pinagkukunan ng langis sa ating bansa. Kilala ang Malampaya gas field bilang pinakamalaki at tanging pinagkukunan ng komersyal na produktong petrolyo sa bansa. Sampung porsyento lamang ang bahagi ng Philippine National Oil Company, na kontrolado ng gobyerno, sa langis na galing sa Malampaya. Samantala, ang 90 porsyento ay hawak ng mga negosyante – 45% sa Shell Philippines Exploration B.V. at 45% sa Udenna Corporation. Matatandaang nitong 2019, binili ni Dennis Uy, isang bilyonaro mula sa Davao at kilalang taga-suporta ni Pangulong Duterte, ang 45% ng Malampaya gas field
MaGAStos
Gaano nga ba kapait ang naging sitwasyon ng mga tsuper dahil sa oil price hike?
Wika ni Mang Mario: “Ang problema talo kami. Sa buong maghapon, bibiyahe ka, let’s say kukuha ka ng apat na biyahe. Ang katawan mo bumabagsak, para lang makaabot ka sa kita, aabot ka ng gabi. Ito reyalidad lang talaga ha. Hapon na, magkano lang ang hawak mo? Iba-boundary mo pa. Hahabol ka pa sa gabi, latang lata na ang katawan mo.”
Isang mabigat na kalbaryo para sa mga tsuper ang pagkayod ng mahigit labindalawang oras para lamang kumita ng napakaliit na halaga. Pagod na katawan para lamang sa katiting na kita – tanging mga walang puso lamang ang hindi mahahabag sa binitawang mga salita ni Mang Mario.
Sa katunayan, marami sa mga tsuper ang
“TAYO ANG TALO”:
Oil Price Hike sa mga Tsuper at Masa
NINA SAM DELIS AT ALIAH ANNE ZYRELLE PIN STAFF WRITERS
MGA LARAWAN MULA SA PISTON | PAGLALAPAT NI ANGELYN CASTILLO
nagbabalak na ibenta na lamang ang kanilang mga pampasaherong dyip; anila, mas sigurado pa ang kikitain sa pagbebenta ng kanilang dyip kaysa sa pagpapasada. Dagdag pa rito, ang epekto ng pandemya sa mga tsuper ay dama pa rin hanggang ngayon.
Ayon sa datos, 98 porsyento ng mga pampasaherong dyip ang tigil-operasyon noong mga unang buwan ng pandemya sa Metro Manila pa lamang. Nang dahil sa oil price hike ngayong taong 2022, bahagya nang nakabangon ang mga tsuper sa sunod-sunod na suliraning kinakaharap nila.
Kaakibat na kalbaryo ng pandemya
Lagpas dalawang taon nang nananatiling pasakit ang pandemya na nagdulot ng pagpapahinto ng mga gawaing pang-akademiko sa ilang unibersidad. Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang dating puno ng mga estudyante at kaguruan na unibersidad, ngayon ay bihira na lamang ang makikitang kumpol ng mga tao. Kung kaya’t ang dating ruta ng ilang mga tsuper – pa-kaliwa, pa-kanan, o pataas man – sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas-Los Baños (UPLB) ay hindi na muli nila sinusubukang suungin.
Isang patunay sa daan-daang kuwento ng kalbaryong dulot ng pandemya ang karanasan ni Mang Ben, isang tsuper mula sa Batong Malake, Los Baños. Ayon sa artikulo ng LB Times, napipilitan pa rin siyang hindi iabandona ang trabahong bumubuhay sa kaniyang pamilya mula pa man dekada setenta, kahit pa man hindi lamang pisikal na pagod ang dulot nito kundi maging emosyonal na pahirap bukod pa ang kakarampot na kinikita. Noon ay sadyang hindi maikakailang malaking kita ang naibibigay ng maingay at ang kalsadang puno ng maraming tao sa loob at labas ng unibersidad. Magmula nang sumapit ang krisis ng pandemya, ang dating inaabot ng dalawang libong kita o higit pa ay naglalaro na lamang sa P300 hanggang P500 bawat araw. Ito ay kailanman hindi sasapat sa pang-araw-araw na pangangailangan, kung kaya’t ang solusyon na nakita ni Mang Ben ay ang pagsasabay ng iba pang maaaring trabahuhin nang sa gayon ay mapanatiling buhay at may panglaman-tiyan ang kaniyang pamilya.
Kaugnay nito ay ang kaakibat din na panibagong hamon mula sa napipinding malawakang jeepney modernization program ng UPLB kasama ang Local Government Unit (LGU) ng Los Baños at ang Samahan ng Nagkakaisang Drivers at Operators ng Los Baños (SNODLOB) sa pagpapalaganap ng “eLBeep” o electric jeepneys. Maganda ang hangarin ng nasabing inisyatibo, ngunit tila limitado pa rin ang kakayahan at kapasidad nito. Dagdag pa rito, hindi lahat ng mga tsuper sa Los Baños ay may kakayahang bumili ng nasabing e-jeepney, lalo na’t limitado lamang ang bilang ng unit ng mga ito.
Sa kasalukuyang oil price hike, ang kanilang lubog na hanapbuhay dulot ng pandemya ay mas lalo pang inilubog ngayon. Nang dahil sa epekto ng TRAIN Law ng administrasyong Duterte, doble ang parusa nito sa mga tsuper dahil sa pinagsamang deregulation at oil taxes. Mula 1996 hanggang 2018, lumobo ng 131 porsyento ang pagtaas ng presyo ng diesel sa Metro Manila. Samantala, 27 porsyento lamang ang itinaas ng minimum wage sa parehong time period. Ayon sa IBON Foundation, ang TRAIN Law ay mas lalo lamang nagpayaman sa mayayaman at nagpahirap sa mahihirap. Sa ganitong sitwasyon, dehado palagi ang masa at mga nasa laylayan.
Sigaw ng mga patuloy na lumalaban
Kaugnay ng matinding kalbaryo ng mga tsuper ay ang hindi patas na pag-uuri ng batas at ang tila pikit-matang pagtingin ng mga nasa itaas ng tatsulok. Hindi lamang ang pakikibaka sa lansangan ang kanilang kalaban, kundi pati na rin ang mga matang sila ang puntirya upang makapamulsa.
Matagal ng hinaing ng mga iba’t ibang grupo ng tsuper ang dagdag sa minimum na pamasahe. Matatandaang nanawagan noong Pebrero ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Associations of the Philippines (FEJODAP) na magdagdag ng 1.50 pesos kada kilometro sa tuwing lalampas ng apat na kilometro ang biyahe.
Nito lamang unang linggo ng Hunyo, nanawagan muli ang FEJODAP na tulungan ng gobyerno ang mga small operators sa pagbili ng e-jeepneys upang makatipid sa pagtaas-presyo ng langis. Dagdag pa rito, nagbanta ang PISTON transport group ng tigil-operasyon ng kanilang mga miyembro sakaling tumaas na naman ang presyo ng diesel at gasolina. Ani PISTON, wala na halos kinikita ang mga tsuper dahil sa parusa ng oil price hike.
Patuloy din ang sigaw ng mga local transport groups kagaya ng 1-United Transport Koalisyon (1-UTAK), Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), at ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) mula sa Central Luzon, Metro Manila, at CALABARZON sa petisyong itaas hanggang 14-15 pesos ang minimum fare sa dyip.
“Kitang kita naman nila na tumataas ang krudo at mas mataas pa sa gasolina. Kung pupwede lang ay gumawa sila ng tamang tuos. Bigyan nila kami ng taripa, mas mainam. Para lahat mababalanse. Pero dapat at least 12 pesos ang aming minimum. Gawin nila ng taripa ‘yung susunod na per kilometer. Pero sa totoo lang talaga, bagsak talaga [ang kita namin]... E wala e, napaka-unfair,” saad ni Mang Mario.
Kaugnay nito, isinusulong din kaakibat ng mga petisyong nasabi ang temporaryong dagdag na piso sa siyam na pisong minimum o ang tinatawag na ‘provisional P1 fare hike’. Matatandaan na nito lamang ika-walo ng Hunyo, inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasabing petisyon. Itinaas na sa sampung piso ang minimum fare ng mga PUJ sa NCR, Rehiyon III (Gitnang Luzon), at Rehiyon IV-A (CALABARZON).
“It is the mandate and duty of the LTFRB to judiciously balance the economic viability of the industry versus the welfare of the riding public.”, ani LTFRB. [Ito ay mandato at tungkulin ng LTFRB na ibalanse ang sigla ng ekonomiya sa industriya at ang kapakanan ng mga gumagamit ng pampublikong transportasyon.]
Ayon kay Mang Mario, mayroon pang pagkakabalanse noon sa parehong kinalalagyan ng mga drayber at pasahero. Ngunit ang problema ngayon, aniya’y sila ang mas malaki ang kawalan.
Sa bawat napipinding kaso at nababasurang petisyon, dito nakasalalay ang pag-asa ng mga tsuper na patuloy nilalaan ang kanilang mga pawis para sa isang serbisyong patuloy na naisasantabi at hindi napahahalagahan.
Mga aberya’t pagsuspide ng nakatataas
Ang ganitong mga uri ng petisyon ay direktang naka-address sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), isang ahensya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) na may mandatong isaayos ang mga land-based public transportation at panatilihin ang kaligtasan ng mga commuters at pampublikong mga sasakyan kaugnay sa pagsunod nito sa mga batas pantrapiko at mga regulasyon ukol sa fare adjustments.
Kaakibat ng labingwalong beses na oil price hike ngayong taon ay ang malakihang pagtaas din ng mga bilihin. Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), ang anumang petisyon ukol sa pagdaragdag ng bayad sa mga publikong transportasyon ay may direktang tama sa mga basic commodities at services na siya namang palaging kailangang isaalang-alang sa gitna ng krisis na ito.
Kaugnay nito, mapapansing sa tuwing may isyu at petisyong ipinaglalaban ang minorya, tatapatan ito palagi ng mga pinansyal na ayuda sa halip na bigyan ng isang pangmatagalang solusyon. Ang parating aksyon ng gobyerno: isang pansamantalang “solusyon” para sa isang pangmatagalang krisis.
Iniutos kamakailan ni Pangulong Duterte sa Department of Finance (DOF) ang dagdag na ayuda para sa mga mahihirap na pamilya na mula sa 200 pesos monthly subsidy na proposed budget ng DOF ay gawin itong 500 pesos. Inilunsad ang programang ito bilang pampalubag-loob diumano sa hindi pagsuspinde ng gobyerno sa excise tax sa gitna ng oil price hike.
Masasabing ang hakbang na ito ay isang sampal sa mga mahihirap dahil sa gawa-gawa lamang na kompyutasyon nito. Sa kasalukuyang isyu tungkol sa daily minimum wage rate ng mga taga-NCR, kung tutuusin ay dapat mas pagtuunan ng pansin ang mga panawagan sa kabila ng pag-apruba ng dagdag 33 pesos na sweldo na epektibo mula Hunyo 4 ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon sa IBON Foundation, ang pagdagdag sa minimum wage sa NCR ay hindi pa rin umabot sa kalahating porsyento (52.4%) ng P1,087 living wage na kinakailangan upang makapamuhay nang disente ang isang ordinaryong pamilyang Pilipino na may limang miyembro.
Dagdag pa rito ay ang hindi maayos na sistema ng fuel subsidy program ng gobyerno na pinamamadaling aksyunan noon ni dating senador Kiko Pangilinan. Subalit hanggang ngayon, ito ay puno pa rin ng mga aberya. Samantala, ayon naman sa kaka-proklama lamang at re-elected Senator Risa Hontiveros, ang fuel subsidy na ito na siyang ipamamahagi sa ilalim ng Pantawid Pasada Program ay hindi magiging sapat dahil sa patuloy na pagtaas ng langis. Dahil dito, kinakailangan na ng gobyerno na baguhin ang kanilang aksyon sa isyung ito upang mas matulungan ang mga transport group at commuters sa mahabang panahon.
“Lahat naman ay tumaas e, pati bilihin tumaas. Dapat naman ay matugunan ang problemang ito. Dahil hindi lang kaming mga drayber apektado, pati mga mamamayan.”, pahayag ni Mang Mario.
Ika nga, ang oil price hike ay simula pa lamang ng kalbaryo. Sa patuloy na paglobo ng presyo ng produktong petrolyo, apektado rin ang presyo ng mga bilihin. Lahat ng mga produkto at pagkain ay nangangailangan ng transportasyon, kung kaya’t lahat ng presyo ng bilihin ay patuloy ring tataas. Ang domino effect na ito ay hindi lamang pahirap sa mga tsuper, kundi pati na rin sa lahat ng mamamayan ng bansa.
Hindi lamang ang kuwento ni Mang Mario, maging ang daang libong mga paghikbi at paghihirap ng mga nasa laylayan ay dapat ding mapakinggan. Kung ang susunod na administrasyon ay wala pa ring maayos na mga plataporma at tulong sa masa, ano na nga ba ang kinabukasang naghihintay sa ating lahat? O kung may bukas pa nga ba tayong hinihihintay?
Dahil sa huli, kung walang pagbabago, tayo pa rin ang mananatiling talo.
Sir, open-pit mining will really disadvantage the Filipino, our farmers and fishermen, forever, for life.
Only in a flashback can we hear former Department of Environment and Natural Resources (DENR) secretary Gina Lopez appeal for the enforcement of the open-pit mining ban to President Rodrigo Roa Duterte.
Gina Lopez had written an open letter to the Mining Industry Coordinating Council (MICC) which listed the reasons for the ban: 1. The open pits are going to be there forever. 2. The existence of toxic open pits kills the economic potential of the area. 3. The existence of the open pits violates the constitutional rights of our people to a clean and healthy environment. 4. All open pits invariably hit a water table. 5. There will be a severe water shortage by 2030. 6. The Philippines is a geohazard zone and we are one of the most vulnerable countries in the planet to climate change.
Although she might have been successful in 2017, times have changed along with the DENR secretary, and thus the 9-year moratorium on granting new mining permits was lifted in April 2021 and the 4-year-old ban on open-pit metal mining was reversed last December 23, 2021.
The ban was meant to protect the Philippines’ rich biodiversity and prevent past major mine tailings spills that contaminated waterways in the provinces of Marinduque (1996) and Benguet (2012). Despite these cases, the DENR argued that open-pit mining’s negative impacts can be avoided or managed through new technologies.
From the government’s point of view, this is a move to revitalize the industry. It is expected that stalled and new mining projects will attract investments which will help the recovery of the pandemic-hit economy with an annual export revenue increase by up to $2 billion over the next five to six years.
According to the Chamber of Mines of the Philippines (COMP), through group vice president for communications Rocky Dimaculangan, the ban lift will make way for investment promotion, job creation and poverty alleviation.
In December 2017, COMP adopted the Towards Sustainable Mining (TSM) program in response to President Duterte’s pronouncement shortly after he assumed office that he supports mining so long as it follows Canadian and Australian standards. COMP completed the Filipinization process for TSM in 2020 to “ensure that the program is responsive to Philippine conditions.”
TSM is a program designed to promote sustainable mining and developed by the Mining Association of Canada (MAC) in 2004, is mandatory for COMP member-companies.
This positive outlook is not a surprise since the mines bureau reported that more than a third of the Philippines’ total land area has been identified to hold high mineral deposits. Only less than 5% of the 9 million hectares has been exploited so far.
Additionally, Mongabay reports that the country is estimated to hold mineral deposits worth at least $1 trillion, including copper, gold, nickel, aluminum and chromite. Unfortunately, the country’s large copper and gold deposits could only be extracted through open-pit mining.
Because of its economic potential, the Department of Finance (DOF) has expressed its support behind the ban lift. According to the DOF, data shows that there are at least 11 pending open-pit mining projects that, if pursued, could infuse about P11 billion worth of revenues to state resources, increase annual exports by around P36 billion, and create 22,880 jobs for local mining communities.
On the other hand, in an interview of BusinessWorld with political scientist Ruth R. Lusterio-Rico, associate dean of UP Diliman’s College of Social Sciences and Philosophy who studies environmental politics, she said that there have been several studies made on the consequences of mining on people’s lives as well as on the environment.
“There are communities that have been di vided because of the issue of mining, primarily because there are people who gain and there are those who lose,” she added. “In other words, even if the mining company can be a potential provider of employment, not everyone in the community can be hired by the mining company. There are also heavy consequences on communities, such as loss of
Digging Graves:
Reopening PH’s Open-Pit Mining Industry
BY RAINIELLE KYLE GUISON, STAFF WRITER
[P] GRAPHICS BY ILOIZA VITUG
livelihood, poor health conditions, etc. when accidents happen in mining areas.”
Due to the ban lift, projects of mining industry giants such as Sagittarius Mines Inc.’s $5.9-billion Tampakan copper project in South Cotabato, and St. Augustine Gold and Copper Ltd.’s $2-billion King-king copper-gold project in Compostela Valley may continue to operate again.
The Tampakan copper project is touted as the largest undeveloped copper-gold site in Southeast Asia and among the largest in the world. Advancement of this mining project will displace at least 4,000 indigenous Bla’an tribespeople and clear around 3,935 hectares of natural-growth, high-biodiverse forests and arable lands. It would also pose serious risks to the water provisioning & agriculture in central-south Mindanao since the mine is located in a critical watershed area.
According to the International Union for Conservation of Nature, dozens of environmental and land defenders have been killed in the struggle against the mine over the past 20 years. R e cently in February, through a public consul tation on the proposal to lift the ban, an informal online survey by the Office of the Vice Governor showed that there is strong resistance towards the lifting of the measure where 12,137 voted for the ban to remain, while only 499 wanted it removed. Additionally, nearly 100,000 signatures were also gathered by the local Catholic Church urging the provincial board to retain the ban on open-pit mining.
Misplaced priority
Although the government sees this as a progressive step, environmental activists are dismayed with the policy reversal. Alyansa Tigil Mina (ATM) called it as “a cruel Christmas gift and a truly ironic act of cowardice and betrayal from Cimatu and Duterte.”
The group released a statement on December 28, shortly after the passing of the order: “At this time when climate change brings devastating typhoons such as Odette, lifting the ban on open-pit mining is a shortsighted and misplaced development priority of the government. Once again, the Duterte regime puts more premium on its flawed economic agenda categorizing destructive mining as an ‘essential industry’ as part of the pandemic recovery.”
Despite the criticisms, DENR ensures that there will be enhanced parameters and criteria for the types of surface mining methods under the Declaration of Mining Project Feasibility. The criteria include safety of the public and environmental health, “proven and acceptable” techniques of chemical containment, comprehensive stakeholders’ involvement process, and proper assessment of mining processes.
ATM remained to continue its opposition to government efforts “to plunder our remaining forests and natural resources.” They also hoped that environmentalists would be more proactive in engaging in the 2022 elections.
What’s next?
A week after the national elections, Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. takes the lead in the partial unofficial results. In a one-on-one interview with Boy Abunda in January 2022, presidential candidates were asked about their stance regarding the lift of the moratorium on granting new mining permits and the reversal of the open-pit mining ban.
Lacson, Marcos Jr., Moreno, Pacquiao, and Robredo all believe in responsible and sustainable mining but have their own propositions when elected.
As per Marcos Jr., he believes that the country should take advantage of the natural resources since it is a “very valuable source of revenue for the government.” He recognizes that mining has caused disasters before but mentioned that these can be avoided through sufficient regulations and monitoring.
“We have the laws pero we are not able to implement them and fully enforce them sometimes. If we can do that, we can take care of making sure that the environmental impact is in accordance with the law then we can carefully exploit the natural resources to help the recovery of our economy,” the presumptive president said in the interview.
On the other hand, he says that he is wary of open-pit mining because the pollution and chemical leaks are difficult to control and are bad for the health of the people. He proposes conducting studies on new technology to ensure safe and sustainable open-pit mining.
With the current climate situation, openpit mining would not be the best way to go about boosting the economy, and thus, the ban would be better reimposed. While DENR claims that surface mining methods will be safer, there are still no assurances that mining giants will adhere to the parameters completely especially with the bureaucrat capitalism in the country. This issue is not a plain win or lose, as lives are at stake if the mining methods are unsafe; one error in the process and the elite’s goldmine could suddenly be the poor’s graveyard.
Ang tanging markang maiiwan ng rehimeng Duterte sa mga manggagawang Pilipino ay ang pinakamababa at pinakakaunting beses na wage hike makalipas ang 36 na taon matapos ang rehimeng Marcos. Tanging 9.4% lamang ang itinaas ng minimum wage sa bansa sa buong anim na taong administrasyong Duterte, at dalawang beses lamang nagkaroon ng nasabing hike. Malayo pa rin ito kumpara sa sumunod na pinakamababa, ang administrasyong Estrada, na may 26.3% na dagdag lamang.
“Filipino workers [and] Filipino people deserve better from this administration.”
Ito ang mga salitang binitawan ni Rochelle Porras, executive director ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER), ukol sa kasalukuyang mandato ng dagdag sa minimum wage sa lahat ng rehiyon sa bansa. Ang EILER isang labor non-governmental organization na ilang dekada nang nakikibaka para isulong ang labor standards at genuine trade unionism sa bansa.
Sa anim na taon ni Duterte, noong 2018 pa ang huling pagtaas ng minimum wage sa bansa. Isa itong malaking sampal sa mga manggagawang ilang dekada nang nakikibaka para sa isang patas na pasahod. Sa pagbagsak ng ekonomiya at pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang dagok ay pasan ng mga minimum wage earners sa bansa.
Hanggang saan nga ba ang mararating ng kakarampot na dagdag sa minimum wage?
Sa usaping kilometro at antas ng trabaho
Nito lamang ika-13 ng Mayo, inisyu ang Wage Order No. NCR-23 na nagmandatong itaas ng 33 pesos ang minimum wage sa kalakhang Maynila. Buhat nito, umakyat sa 570 pesos ang pinakamababang sahod para sa mga nasa sektor ng non-agriculture. Samantala, nakatakda naman sa 533 pesos ang minimum wage para sa iba pang mga sektor na nasa NCR. Ang 33-peso increase ng minimum wage sa NCR ay bunga ng mga kilos-protesta at panawagan ng iba’t ibang mga labor groups, labor organizations, at iba pang mga sektor.
Makalipas naman ang halos isang buwan, nagtakda ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng dagdag-sahod sa labing-tatlo pang mga rehiyon sa bansa. Tinawag ang wage board na ito na tripartite dahil kinakatawan ito ng tatlong sektor: ang gobyerno, mga manggagawa, at mga kapitalista. Ang bawat RTWPB ng kada rehiyon ay binubuo ng: (1) mga pang-rehiyon na direktor ng Department of Labor and Employment (DOLE), National Economic and Development Authority (NEDA), at Department of Trade and Industry (DTI) na kumakatawan sa sektor ng gobyerno; (2) dalawang kinatawan ng mga manggagawa, at; (3) dalawang kinatawan ng mga employer sector. Ipinatupad ito taong 1989 sa ilalim pa rin ng R.A. 6726 o Wage Rationalization Act.
Sa kasalukuyang ipinatupad ng RTWPB na minimum wage hike sa mga rehiyon sa labas ng NCR, ang CALABARZON ang may pinakamalaking halaga. Sa itinakda ng RTWPB na Wage Order No. IVA-19, nahahati sa dalawang tranche ang dagdag sahod ng mga manggagawa sa Rehiyon IV-A (CALABARZON). Sa unang tranche, makakatanggap ng 3-49 pesos na dagdag-sahod kada araw ang mga manggagawa; samantala, sa pangalawang tranche (anim na buwan pagkalipas ng unang tranche) naman ay makakatanggap ng 48 pesos na dagdag sahod kada araw. Sumatotal, 470 pesos ang bagong minimum wage para sa mga extended metropolitan areas
Dagdag-sahod, sapat ba para mabayaran ang pagod?
MINIMUM WAGE (NASA PHP)
500
400
300
200
100
570
85.78 NI SAM DELIS, STAFF WRITER
484.22
400
93.25
400
102.28
306.75
297.72 420
101.31 98.24
460
361.76
318.69 470
119.74
350.26 355
84.04
365
103.18
450
105.92 68.39
435
366.61 87.06
405
344.08
317.94 443
97.75
345.25
270.96
261.82 368
79.34
288.66 350
73.90
276.10
NCR CAR I II III IV-A IV-B V VI VII X XI XII XIII
MGA REHIYON SA PILIPINAS
** Walang wage hike na naganap sa mga rehiyong VIII, IX, at ARMM Datos mula sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) at PSA-Consumer Price Index Real minimum wage value Minimum wage Difference
ANG MINIMUM WAGE AT ANG REAL MINIMUM WAGE SA BAWAT REHIYON NG PILIPINAS
MGA LARAWAN MULA SA KILUSANG MAYO UNO - FACEBOOK | PAGLALAPAT NI KYLE HENDRICK SIGAYA sa Timog Katagalugan kagaya ng Bacoor, Dasmariñas, Biñan, Taytay, at Antipolo. Samantala, 429 pesos naman ang itinakda para sa component cities at first-class municipalities. Mas maliit pa rito ang natatanggap ng mga nasa agrikultural na sektor at lower-class municipalities.
Kung mapapansin, ang 470 pesos na bagong minimum wage para lamang sa mga extended non-agricultural metropolitan areas ng CALABARZON ay may isang daang pisong pagitan sa parehong sektor na nasa Metro Manila. Kung susumahin ang average, wala pang isang daang kilometro ang pagitan ng NCR sa mga lalawigan ng CALABARZON; ngunit pagdating sa sahod, isang daang piso ang pagitan.
Kung distansya mula sa kalakhang Maynila lang din ang basehan, hindi maipagkakaila na mas dehado ang iba pang mga rehiyon. Isa itong mapait na patunay na ang sistema ng pagpapasahod ay monopolisado at nakadepende pa rin sa antas o sektor na kinabibilangan sa lipunan.
Gaano ka-bare minimum ang minimum wage sa bansa?
Ayon sa independent research think-tank na IBON Foundation, pumapalo na sa 1,093 pesos ang family living wage ng isang pangkaraniwang pamilyang Pilipino. Ito ay bunsod ng walang-tigil na pagtaas-presyo ng mga bilihin. Samakatuwid, hindi magiging sapat ang dagdag sa minimum wage na hindi pa umabot sa limampung piso.
Dagdag pa ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO) at Kilusang Mayo Uno (KMU), “mumo” lamang ang wage increase na ito sapagka’t hindi pa rin ito sapat upang makarekober ang mga manggagawa sa nagdaang krisis.
“At papasok tayo ngayon sa real value ng [minimum] wages ay hindi na mataas dahil sa increasing prices ng basic goods and commodities. (...) In short, kulang, hindi ito sasapat (...) The wage increase, hindi pa siya ‘yung significant amount that we need to cope up man lang dun sa krisis that we’re experiencing right now.” Dama ang bigat ng mga salita ni Porras sa pag-giit na hindi pa rin sapat ang nangyaring wage increase kung ikukumpara sa gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Tinatawag na real minimum wage (RMW) ang “tunay na halaga” ng sahod na natatanggap ng isang manggagawa sapagka’t kaakibat na nito ang iba’t ibang salik kagaya ng inflation rate. Sa madaling salita, ang RMW ang dapat suriin dahil ito ang “tunay” na natatanggap na halaga ng isang manggagawa.
Ayon sa ulat ng Phlippine Statistics Authority, pumalo na sa 5.4% ang inflation rate nitong Mayo 2022 mula sa 4.1% noong parehong buwan ng nakaraang taon. Ito ay triple ng inflation rate noong Enero 2022 – isang manipestasyon na hindi na sasapat ang minimum wage na natatanggap sa kabila ng pagdagdag dito. Hindi matutugunan ng dagdag sa minimum wage ang pang-araw-araw na gastusin ng isang pamilyang Pilipino, sapagka’t bumagsak na rin ang presyo ng real minimum wage bunsod ng inflation rate. Makikita sa datos ng NWPC na humigit-kumulang P100 ang pagitan ng minimum wage at real minimum wage sa kada rehiyon. Samakatuwid, ang “halaga” ng minimum wage ay hindi na talaga sapat.
Hindi lang ito angkop sa Timog Katagalugan, kundi maging sa lahat ng rehiyon sa bansa. Ang isang standardized na minimum wage ay parte ng karapatan ng manggagawa, kung tutuusin, kakarampot na kahilingan lamang ito kumpara sa dapat na sinasahod ng isang manggagawang Pilipino. Bukod sa hindi makatwirang halaga ng minimum na pasahod sa bansa, ang diskriminasyon na umiiral ay isa ring usapin na dapat mabigyang-pansin. Simula nang ipatupad ang R.A. 6727 (Wage Rationalization Act), nakabase sa ilang mga salik ang natatanggap na sahod ng isang manggagawang Pilipino.
Sa paglobo ng inflation rate sa bansa, ang real minimum wage ay patuloy na bumabagsak. Hindi kung hanggang saan ang mararating ng minimum wage hike ang dapat na itanong. Dahil sa rumaragasang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasabay ng patuloy na pagbagsak ng ekonomiya, ang nararapat na itanong: May mararating pa nga ba ang kakarampot na dagdag sa minimum wage? [P]
ONLINE
uplbperspective.org