25 minute read

CULTURE

Next Article
NEWS

NEWS

BY POLO QUINTANA STAFF WRITER

Hip-hop, despite its brash flaunting of wealth and pseudo-masculinity, has never shied away from speaking against abusive state forces, corrupt government officials, and the unfair system Americans are up against. With roots in militant spoken-word groups like The Last Poets and The Watts Prophets who used their art to champion black nationalism in the 60s, it’s not hard to see why the culture’s rhythm and rhymes are being used today to speak out against injustices no matter the skin color. From the concrete jungle streets of New York to the sun-smooched boulevards of Los Angeles, rappers have injected their lyrics with as much animosity against America’s imperialist system as they can, even dubbed by Public Enemy’s Chuck D as “black America’s CNN.”

Advertisement

Eventually, when the subculture arrived in the Philippines during the early 90s, Filipinos quickly embraced this piece of America. Prominent figures of early Filipino hip-hop are the controversial Dongalo Wreckords founder Andrew E. and the late rap legend Francis Magalona. The early 1990s soon experienced a hip-hop revolution as the genre attained mainstream status caused by its popularity among the youth of Manila.

Progressive hip-hop in the Philippines

After getting a tiny taste of the American rap game, I wanted to check out the Philippine scene because, as overly-saturated-alpha-male-grind set, local streetwear business owners would say, “support local.” It wasn’t until 2019 that I saw how big of an impact hip-hop could have in the politics of the country. In 2019, a 12-track album “KOLATERAL” was dropped by Sandata headed by Calix and BLKD, two known local rap artists. KOLATERAL takes a deep dive into Duterte’s failed drug war. Local rap group Kartell’em and BLKD turn into young impoverished boys killed by policemen to finish the ‘quota’ for the day in the track Boy. Tao gives voice to a young couple whose lives are both taken from them by cops in Hawak. In the album’s 12th song, Sandata, various artists use their voices to express the rage they feel against Duterte using colorful words that could get anyone kicked out from Catholic schools.

In KOLATERAL, hip-hop doesn’t just take the form of another album.

and a form of hope that the condition of the country doesn’t call for another album like it. From this album, more artists came under my radar. Pasya highlights the decriminalization of abortion in the legal system with music geared towards empowering women. It is a reclamation of the body’s ownership back to its owner. Periodt by Muro Ami and Tao explores safe and unsafe sex plus the toll of unwanted pregnancies. Regla by Muro Ami, SHNTI, and Tao highlights the societal and cultural pressures and barriers that women experience with regards to their bodily autonomy and reproductive health.

Naga city emcee Sgimi criticizes political figures with their unfair treatment and killing of the country’s farmers and indigenous people in Rehas ng Silanganan. San Roque 21 explores the failure of Duterte’s pandemic response. Sgimi underlines the cruel arresting of 21 protesters from Sitio San Roque who were asking the government for food and assistance during the first wave of lockdowns.

Another example of a local rapper using their art politically is Gloc-9’s reclamation of his political anthem Upuan during the Baguio Leni-Kiko people’s rally. The track implores politicians to put themselves in the shoes of the masses, the same people they abuse and take from. For the longest time, followers have been pointing out the contradictions between his socially relevant music and political endorsements. During the 2016 elections, he was seen performing sortie gigs for then Makati mayoral candidate Abby Binay and other local trapos. In a 2016 Inquirer article, Gloc’s camp says “It was just a regular sortie gig for a local candidate一no different from the sorties before it, and the sorties that will come after.” Aside from being a socially relevant song, Gloc performing Upuan during the rally was a chance for him to finally use his influence against oppressors and legitimize Upuan’s meaning. He said it himself before performing, “mayroon akong isang awitin, ang dami-dami kong atraso sa awitin na ‘to pero ngayong araw babawi ako sa kanya,” – poetic justice. All that’s left is for him to junk his NutriAsia endorsement (baby steps). Gloc-9, with all his influence from the rap scene, widens the possibility for local and mainstream Filipino emcees to reconnect with the progressive roots of hip-hop.

Hip-hop becomes a memorial to remind its listeners that the victims of the Duterte regime are not mere numbers but real people with real lives unjustly taken from them Rhythm, Rhymes, and Revolution:

Hip-hop in the country’s political landscape

[P] GRAPHICS BY FIONA MACAPAGAL

In the political landscape

Where does the Philippine hip-hop scene belong in the political climate of the country? It belongs to the masses, from its humble beginnings in America to the industry giant it is now.

Aside from providing outlets for underrepresented groups and shining a spotlight to the fight for national democracy, hip-hop is also potent in stoking the fires inside people from dissatisfaction and anger against the system. An example of this is when Calix recently performed with his LIAB studios labelmates for activists who camped in Liwasang Bonifacio right after the protests against the deception and lies of the COMELEC. With this, they hyped up protesters, and stressed that another Marcos and Duterte not be put into power. Calix’s assertive and in-your-face music directly correlates to the message he shares: people should rage against the government’s atrocities and the perpetrators that get away.

The genre has expanded beyond the borders of black America, it’s grown to become the voice of a variety of communities and people. Although the commercialization of hiphop created a flood of music that is devoid of social meaning, there will always be artists who see hip-hop as an art form that brings about social change. I’ve highlighted only a fraction of artists and activists fighting for a better Philippines through lyrics and sick beats but there are hundreds— even thousands out there. All we need to do is open our ears and, eventually, our eyes.

To end my long love letter to the Philippine hip-hop scene, I’d like to quote BLKD from his track Gatilyo: “pagmulat ay pagkasa, tayo ang gatilyo.”

Hip-hop is a widelyaccessible and unfiltered instrument to circulate revolutionary and progressive ideas. It is an art form, a culture, and a political movement.

SPOTIFY

The media have all the power to signify events in a particular way.

HALL (1982)

In this century where media’s reliability is being questioned, widespread disinformation and misinformation are at the center in tarnishing the reputation of mass media. According to a report released by the researchers at Oxford University, the Philippines is part of taking and having social media manipulation, troll farms, and disinformation, specifically aided by its politicians and political parties alike. Recently, the country has just elected a new president through the help of rampant disinformation. Marcos Jr.’s upcoming presidency will therefore be a battle between disinformation and truth. While most of the masses still recognize mainstream media as a reliable source of news, social media also remains to be one but is often the source of misinformation and disinformation. Classes D and E are the most affected and often the victims of such because they can only do so much with limited free data. Fact-checking is not included in this. It is now evident why all aspects and forms of media - television, radio, internet, etc. - are the politicians’ and political parties’ primary targets. The media has the platform to disseminate both information and ideologies to the public. It does not only assist in creating ideas but also promotes them. Therefore, media greatly influences people’s ideology, especially their political views. As another Marcos comes back to the seat of power, what would be the greatest threats that the media would experience under his administration? If the administration of Duterte successfully shut down the ABS-CBN Network, how will the next administration control and silence the media?

Media and Political Ideology

Media has the widest scope of lenses; it is the most successful carrier of ideologies because it reaches varying numbers of audiences. It extremely affects people’s ideology and sometimes political attitude. It is the site of ideology dissemination where most ideas are powerfully circulated and contested. Some Philippine media are state-owned. The government has jurisdiction over three television stations and one radio network in the country, namely, PTV 4, RPN 9, IBC 13, and Radyo ng Bayan. RPN 9 broadcasts the CNN Philippines channel, which tops in Pahayag 2022 First Quarter Survey as the most trusted news outlet, along with GMA7. Radyo Pilipinas, also government-owned under the Presidential Communications Operations Office, ranks among the most trusted stations. The fact that these state-owned media outlets have a high trust rating is concerning. We cannot ignore the fact that these government media outlets can be biased toward the administration in their releases. Radio Philippines Network (RPN 9) and Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC 13), for instance, had a history of censorship and was owned by Marcos’ eldest daughter after the end of her father’s regime. Meanwhile, ABS-CBN and Rappler continue to hit their lower trust ratings in the past years; coincidentally, both media brands are the most attacked by the Duterte

MEDIA:

A BATTLEFIELD OF IDEOLOGIES, CLASSES, AND POLITICS

BY HOPE SAGAYA, STAFF WRITER

PHOTOS FROM UNSPLASH | LAYOUT BY ARIANNE PAAS

administration. ABS-CBN, the Philippines’ largest media network, was shut down in May 2020, resulting in almost 11,000 employees losing their jobs. In July 2020, the House Committee rejected ABS-CBN’s franchise application. President Rodrigo Duterte accused the network of tax evasion and for allegedly not airing his political ads in 2016. Former House Speaker Allan Cayetano also accused the network’s coverage, saying they favored other candidates during the past elections (Cayetano was Duterte’s running mate in the 2016 election polls). ABS-CBN was then branded with the ideology of being “leftist” and “biased” against the government. The last time ABS-CBN was shut down by the government was in 1972. It was the year when the two-decade Martial Law dictatorship started under the late dictator Ferdinand Marcos who had also manipulated and controlled the media. On the other hand, SMNI, owned by Apollo Quiboloy, an FBI-wanted person for his alleged participation in unlawful activities and who publicly expressed his support to President Bongbong Marcos and Vice President Sara Duterte, doubled its trust rating from 16% last year to 32% in April 2022. People who support Bongbong Marcos and Sara Duterte labeled the network as unbiased and called the mainstream media, especially ABS-CBN and Rappler, as biased and left-leaning. The proposition that ABS-CBN and Rappler are biased to the left is forcibly established as a fact through the power of hearsay and disinformation. The “right-wing” tries to prove its claim by showing how these networks feature news that only show the negative side of its candidate while saying that these same news outlets favor the left. However, legitimate news media is, in fact, the bearer of truth - the selection of issues and stories that will be broadcasted is nothing but a reportage of reality. What differentiates ABS-CBN and Rappler to SMNI then is that, while the latter favors certain political figures, the former only favors the truth. And if this is what it means to be biased, then ABS-CBN and Rappler are biased towards the truth. But the state seems to hate how the media only reports the reality. Under the Duterte administration, Rappler CEO Maria Ressa became the subject of attacks, with Duterte himself pronouncing and undermining the credibility of Rappler. The attacks started when Rappler uncovered the propaganda network of the Duterte administration. And soon after, Rappler faced a number of state-led lawsuits.

Class Does Matter

While it reports the truth, there are instances wherein the media does not reflect the real world. What the lenses show differs from what the reality is. Media, in this way, is considered a form of communication that gives privilege to certain sets of ideas while downplaying the reality of others.

For example, in the class system of society, capitalists have always been exploiting the workers by capitalizing on their labor. And in the defense of the private corporations, they might say that they are “the economy that works for everyone.” But accepting this idea requires having a capitalist ideology, which people may come to reject due to their social reality. And such rejections often result in onground mobilizations. At this event, the media will get to present “both” sides: the laborers or the union and the employers or the capitalists. For the union, this is worrisome as the strike is more likely to be misinterpreted by the public depending on how the media will report it. We can only understand the grievances and progressiveness of the union when we look much deeper. But the capitalists are given such a privileged platform to talk in news media under the assumption of having the authority and credibility to speak. And sad to say, these voices are assumed to matter the most. From this, it is easily shown how the media has an obvious “class element” on it.

Marxism’s view on ideology reflects this. It sees ideology as a powerful mechanism of social control that is used by the ruling class to forward their own interests. In other words, the ruling class extremely influences the people, from what people should be thinking and what ideas are favorable to a capitalist society, through an ideology that masks their own interests as the general interests of everyone. They successfully spread such ideology because they have the ‘means of mental production,’ from entertainment and culture to news and media industries.

This Marxist view also mirrors the presidency of another Marcos. To control the ‘means of mental production,’ the threat of silencing the media continues to exist. During the Martial Law regime of Ferdinand Marcos Sr., numerous journalists were killed. The Marcos regime censored and manipulated the information. Their wealth and money, in addition to his political power, hid the truth about the Philippine situation for two decades. All information about the Marcoses during that time were kept secret, if they are not “the true, the good, the beautiful.” On the other hand, during Marcos Jr.’s presidential campaign, reporters had difficulty reaching him for an interview. Widespread misinformation and disinformation had also been laid out to the public; and historical revisionism and distortion became Marcos Jr.’s greatest allies. Despite the fact that the “legitimate” media holds greater credibility, it is now being accused of appealing to sensationalism, misinformation, and disinformation ever since Marcos Jr.’s public appearances during the campaign period.

Indeed, media being the lens of ideology might concentrate on some particular ideological perspectives where the ruling class often takes charge of controlling the steering wheel. Media is not a mere carrier of the dominant ideology, but media itself is a battleground of both class conflicts and multifaceted politics. This is clear by how Bongbong Marcos Jr. won the presidential race with the help of disinformation and manipulation of the media, particularly social media. With such, this became a threat to mass media’s credibility, cementing the extension of the ability to manipulate information from the dictator father to the son. With the media being shut down in the past and another Marcos coming back to the seat of power, the threat of history being repeated is already there. But let’s hold our ground and firmly resist it. Let’s defend our press freedom.

Nasaan ang mga bakla sa panahon ni Marcos?

Nasa pakikibaka. ni Edie Palo

Hindi na bago ang mga kaso ng diskriminasyon at rebisyunismo para sa mga Pilipinong LGBTQIA+ sa loob at labas ng bansa. Dekada sitenta noong umupo si Ferdinand Marcos, Sr. bilang pangulo at ipinatupad ang Martial Law. Sa ilalim ng kanyang diktadurya, 70,000 na Pilipino ang kinulong kung saan karamihan ay hindi dumaan sa tamang proseso, 34,000 ang nakaranas ng labis na pagpapahirap sa ilalim ng kapulisan at militar, habang 3,240 naman ang mga pinaslang, bukod pa sa mga taong bigla na lang nawala at hindi na muli pang nakita.

Kabilang sa mga numerong ito ang mga bakla na pilit rin tinanggalan ng boses ng administrasyon. Ang panahon ng mga Marcos ay panahon ng patriyarkal, machopyudal, at pasistang lipunan. Panahon ito ng pagtatanggi ng estado sa espasyo at karapatan ng mga baklang Pilipino. Noon pa man, layunin na ng mga Marcos na “ituwid” ang bansa ayon sa interes ng sariling pamilya at ng Imperyalistang US. Ang sinumang hindi sumang-ayon dito ay agad na itinuturing na kaaway ng estado.

Kaya hindi rin nakakapagtaka na noon pa man, sa kabila ng takot at pangamba, madami nang bakla ang piniling makiisa sa pakikibaka laban sa mga Marcos, lalo sa uri ng kultura at pulitika na isinusulong ng kanyang diktadurya.

Ang bakla sa pakikibaka

kababaihan noong 1980s. Pero dahil sapilitang pinatahimik at kinitil ni Marcos ang anumang progresibong kilusan noon, maraming bakla ang napilitang umalis sa bansa patungong US kung saan naumpisahan na ang kilusan ng mga LGBTQIA+. Doon, sumali sila sa mga progresibong grupo at, nang matapos ang rehimeng Marcos, bumalik sila sa bansa para ipakilala ang konsepto ng “gay” at “lesbian” na ngayon ay ganap nang niyakap ng mga bakla bilang uri ng sexual orientation.

Panahon rin ng mga Marcos noong inilimbag ang lokal na edisyon ng “Tears in the Morning” (1979) ni Eddie Karnes—isang anti-LGBTQIA+ na libro—sa utos mismo ni Imelda Marcos. Laman ng libro ang maduming propaganda laban sa LGBTQIA+ community sa mga kalunsuran ng Amerika. Pilit nitong inilalarawan ang kanilang mga espasyo bilang “madudumi” at “hindi kaaya-ayang” bahagi ng lipunan dahil sa kanilang pamumuhay sa loob ng mga ito.

Bilang pangontra, gumamit rin ng sining at akda ang mga manunulat-artista noong Martial Law. Isa ang “Manila by Night” (1980) ni Ishmael Bernal sa mga unang pelikulang Pilipinong nagtampok ng mga LGBTQIA+ na karakter bilang bida. Ipinapakita ng mga ganitong akda kung paano tinanggihan ng mga bakla ang pagtatangka ng estadong alisin ang kanilang mga espasyo upang gawing “malinis” at “kaaya-aya” ang lipunan sa mata ng mga dayuhang nananamantala.

Naging paraan rin ang mga pelikula gaya ng “Manila by Night,” kasama ang iba pang mga LGBTQIA+ akda at sining na sumibol noong panahon na ito sa kabila ng maigting na media censorship, upang abutin ang mga bakla hanggang sa pinakasuluk-sulukan ng bansa.

Malikhain rin ang mga bakla pagdating sa pakikibaka kahit noon. Panahon ng Martial Law nang umusbong ang swardspeak o gay lingo sa mga maliliit na grupo ng mga bakla na napilitang maghanap ng pamilya labas sa kanilang mga tahanan o komyunidad dahil sa labis na diskriminasyon. Naging paraan ang swardspeak para malayang makapag-usap ang mga bakla kahit sa mga espasyong hindi sila tanggap at para muling angkinin ang sarili sa mga wika—Ingles, Espanyol, Hapon, at kahit Tagalog—na gamit-gamit ng mga tao para saktan sila.

MGA LARAWAN MULA KINA POLA RUBIO AT DY SANCHEZ | PAGLALAPAT NI JONAS ATIENZA

Ang bakla, patuloy nakikibaka

Sa muling pag-upo ng isang Marcos bilang pangulo bago matapos ang taunang pagdiriwang at pagsulong ng sangkabaklaan tuwing Pride Month, buwan ng Hunyo, ‘di maiwasang takot at pangamba ang muling nararamdaman ng bawat Pilipino, bakla man o hindi. Higit pa ngayong katambal ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pagpapatuloy ng pasistang rehimen ni Rodrigo Duterte sa ngalan rin ng kanyang anak. Salik ang panunungkulan ng parehong pamilya sa mga danas at kahirapan—mula sa tipo ng kultura at pulitika ng kanilang mga ama hanggang sa mga libo-libong paglabag ng karapatang pantao sa labas ng batas—na patuloy pa rin na binabaka ng mga bakla hanggang ngayon. Nitong 2020 lang, biglaang pinalaya mismo ni Duterte ang US militar na pumatay sa transwoman na si Jennifer Laude, habang diniinan naman ng anak niyang si Sara Duterte ang baluktot na pagtanaw sa trans community pagdating sa usapin ng pampublikong banyo.

Sa kabilang banda, matatandaan na “thumbs down” ang same-sex marriage para kay Marcos, Jr. nitong nagdaang kampanya para sa eleksyon, bagay na sinang-ayunan rin ng kanyang kapatid na si Imee noong kasagsagan ng paglilitis ng senado sa Anti-Discrimination Bill na matagal na ring mithi ng LGBTQIA+ community.

Hamon para sa ating mga bakla ang patuloy na manindigan laban sa rehimeng Marcos-Duterte. Dapat lang nating yakapin ang lugar natin sa pakikibaka — lugar na puno ng pagmamahal at pagtanggap sa ating mga sarili. Tandaan na ang pagiging bakla ay isang porma na agad ng pakikibaka. Ang pagiging bakla ay tugon mismo sa patriyarkal, machopyudal, at pasistang lipunan na sinusubukang buuin ng mga Marcos, noon at ngayon. Kaya sa kabila ng nagbabantang pagpapahirap at pananamantala, ang mga bakla ay dapat manatiling matapang at malikhain sa pakikibaka. Ang mga bakla ay dapat manatiling bakla.

ONLINE

uplbperspective.org

Karaniwang tagpo kapag malapit na ang Araw ng Kalayaan ay ang pagpapaguhit sa mga mag-aaral ng watawat ng Pilipinas upang maisabit sa bawat bintana ng silid-aralan. Sumasabay sa indayog ng hangin ang mga nakahilerang maliliit na bandilang papel na siyang simbolo ng paggunita sa ika-12 ng Hunyo. Ito ang araw na napagwagian ang rebolusyon at napalaya ang bayan mula sa tatlong daang taong pananakop ng Espanya.

Para sa isang bata at mag-aaral, nakakatuwang malaman ang mga yugtong ito sa ating kasaysayan. Ngunit, lingid sa kanyang musmos na pag-iisip, ang araw na ito ang siyang nagpapaalala sa atin ng mga nakaugat pa rin na sakit ng bayan. Sa pagbabago ng Pilipinas sa modernong mundo, patuloy pa ngang nabago ang pananaw ng karamihan sa atin patungkol sa kasaysayan. Marami na ang nalilito sa pag-usbong ng iba’t ibang bersyon at naratibo nito lalo na sa social media, kahit iisa lang naman talaga ang katotohanan.

Sa muling pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, sariwain natin ang kahalagahan ng mga pambansang araw katulad nito—sa pagbabalik-tanaw ng ating kasaysayan at sa patuloy na pagharap sa kasalukuyang estado ng lipunan.

Kalayaan at Kasarinlan

Tuwing Araw ng Kalayaan, malimit marinig ang mga salitang “kalayaan” at “kasarinlan.” Sa unang tingin ay tila ba magkasingkahulugan lang ang dalawa, ngunit kung susuriin, higit itong mas komplikado. Ayon sa pagtalakay ng historyador na si Xiao Chua, mas karaniwan nating ginagamit ang salitang kalayaan bilang malapit ito sa alam nating konsepto ng laya o freedom. Ang kasarinlan naman ay mas malalim ang ugnayan sa salitang sovereignty o ang lubos na pagsasarili ng isang grupo o bansa mula sa impluwensiya ng iba.

Sa kabila ng magkalapit na kahulugan, malinaw ang pagkakaiba ng dalawang konseptong ito. Malaya tayo sa ating pananaw dahil napaalis natin ang mga makapangyarihang dayuhang nanakop sa ating lupa, subalit nariyan pa rin ang malawakang bakas ng kolonyalismo at imperyalismo sa ating lipunan na pumipigil sa atin na maabot ang tunay na kasarinlan. Kaya patuloy pa rin ang pagtatanong natin sa ating sarili kung lubusang lumaya nga ba talaga ang ating bayan.

Hindi nga ba matapos maideklara ni dating Pangulong Aguinaldo ang paglaya ng Pilipinas sa Espanya noong Hunyo 12, 1898 ay isinuko niya rin ang bansa noong 1901 sa Estados Unidos makalipas ang halos tatlong taong pag-aklas ng bayan sa mga Amerikano. Nagmarka ito ng pagbabalik ng bansa sa halos limang dekadang kolonyalismo sa ilalim naman ng Amerika. Sa ilalim ng kolonyang ito, muli tayong inalisan ng karapatang iwagayway ang sarili nating bandila. Ito ay matapos iproklama ang Flag Law of 1907 na nagbawal sa mga Pilipino na gamitin ang ating sariling watawat sa kahit saang lugar, maging sa kani-kaniyang tahanan.

Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinakop tayo ng Imperyong Hapon. Idineklara nila na may kalayaan ang bansa sa ilalim ng isang puppet government na kanilang itinalaga noong 1943. Sa pagbagsak ng mga Hapon sa digmaan, muli lamang tayong isinuko sa Amerika noong 1945. Halos isang taon pa ang hinintay bago ganap na naabot ng Pilipinas ang soberanya noong Hulyo 4, 1946, kung saan ito ay sadyang itinapat ng Estados Unidos sa mismong araw ng kanilang kalayaan. Sa kabila ng proklamasyong ito, mas higit pa nga tayong umasa sa Amerika sa mga sumunod na taon dala

Nasaan ang napagwagiang kasarinlan

BY FEDERICK BIENDIMA, STAFF WRITER

MGA LARAWAN MULA SA [P] FILES | PAGLALAPAT NI JOHANNE SEBASTIAN GONZALES

ng matinding pagkasira ng bansa mula sa kamay ng mga Hapon.

Ibinalik lamang ni dating Pangulong Diosdado Macapagal sa Hunyo 12 ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan matapos hindi tuparin ng Kongreso ng Amerika ang pagbibigay nito ng $73 milyon na suporta sa danyos ng mga nagdaang digmaan.

Kaalinsabay nito ay ang pagsisimula ng cold war sa pagitan ng Amerika at Soviet Union. Muling ginamit ng Estados Unidos ang impluwensiya sa Pilipinas upang isulong nito ang anti-communist agenda. Kaya naman ganap ang suporta ng Amerika sa diktaduryang Marcos, dahil para sa kanila, siya ang susi sa pagsugpo ng anumang uri ng gawain o ideolohiyang ugat sa komunismo rito sa bansa. Sa kasalukuyan, muling pinalalakas ng Amerika ang presensiya nito sa Pilipinas at sa Timog-Silangang Asya upang labanan naman ang umiigting na impluwensiya at militarisasyon ng Tsina sa rehiyon.

Sa mabilis na pagbabalik-tanaw natin sa mga tagpong ito, higit na napapalitaw na napakaraming pagkakataon na nakamit na sana ng bansa ang kalayaan. Ngunit, nagpatuloy lang ang impluwensya at puwersa ng mga imperyalistang bansa sa polisiya at takbo ng Pilipinas. Kung ganoon, nasaan ang ating ganap na kasarinlan?

Sa Pagbabago ng Kasaysayan

Isang Marcos na naman ang nagbalik sa Malacañang at umupo sa pinakamataas na posisyon sa kapuluan. Bunga ito ng dekadang pagsisikap ng pamilyang Marcos sa “pagre-rebrand” ng kanilang pangalan sa harap ng publiko. Nakakabit dito ang isyu ng historical revisionism lalo na noong nagdaang eleksyon kung saan ginamit ng kanilang kampo ang mga baluktot na naratibo upang patatagin ang kampanya ng anak ng dating diktador. Sabi nga ni Sen. Imee Marcos, “What’s most important to us is of course, our name, the family name that has become so controversial— the legacy of my father is what we hope will be clarified at last.”

Sa pagkaproklama kay Bongbong Marcos bilang bagong halal na pangulo, marami ang nagtanong sa akademya, midya, at iba’t ibang sektor kung ano ang magiging implikasyon nito sa kasalukuyang estado ng kasaysayan.

Maraming limbag na aklat, academic journal, at mga archives na naglalaman ng mga tala ng pang-aabuso ng rehimeng Marcos noon ang pinangangambahan ng ilan na tuluyang ipatatanggal ang access sa publiko. Kasama na rito ang maaaring pag-aalis ng ilan sa mga pangunahing pambansang pista opisyal na gumugunita sa batas militar.

Isa sa mga ito ay ang maaaring pagtanggal sa Setyembre 21 bilang Pambansang Araw ng Protesta. Ang petsa ang siya ring komemorasiyon ng deklarasyon ng batas militar sa ilalim ng diktaduryang Marcos. Idineklara ito ni Pangulong Duterte noong 2017 kung saan inaatasan ang mga lokal na pamahalaan na pahintulutan ang lahat ng uri ng mobilisasyon.

Ang araw ng protesta ay pagkilala sa iniwang bakas na takot at pang-aabuso sa karapatang pantao noong batas militar at ng iba pang pagkakamali at pagkukulang ng pamahalaan. Simbolo ito ng patuloy na pakikibaka at pakikipaglaban ng masa para sa kanilang karapatan.

Ito rin ang pinangangambahan na sasapitin ng Agosto 21, ang Araw ng Pagpatay kay Ninoy Aquino. Bagama’t hindi direktang napatunayan na sangkot ang mga Marcos sa pagpatay sa pangunahin nilang oposisyon, ang araw na ito ay nagsisilbing simbolo sa marami bilang manipestasyon ng lubhang pang-aabuso sa kapangyarihan ng diktadurya. Hindi rin maikakaila na ito ang higit na pumukaw sa maraming Pilipino na tumindig upang patalsikin na ang diktador.

Kaya nga atin namang ginugunita tuwing Pebrero 25 ang EDSA People Power na nagpatalsik sa diktaduryang Marcos. Kung isang Marcos na naman ang nakaupo at handang baguhin ang kasaysayan sa ngalan ng kanilang pangalan, mahirap na hindi isiping kasama ang pagdiriwang ng people power sa mga babaguhin ng susunod na administrasyon.

Sa tulong ng liderato ng bise presidente, Sara Duterte, sa Kagawaran ng Edukasyon, hindi malayong gagamitin nila ang edukasyon at kultura para bigyang-katwiran ang mga nilalaman ng kasaysayan na kaso ng brutalidad na nakakabit sa kanilang mga pangalan. Totoong nakakabahala na ang mga posibleng pagbabagong ito ang siya ring magdudulot ng malawakang pag-iiba ng pananaw ng kasalukuyang henerasyon patungkol sa kasaysayan.

Pinangangambahan din ang magiging relasyon ng bagong administrasyon at ng sektor ng midya. Tahasang pag-iwas sa mga panayam at debate ang naging taktika ng tambalang Marcos-Duterte noong nakaraang eleksyon, kaya marami ang nagsasabi na maaaring pag-iwas din ang gawin nila sa midya.

Sa ilalim ng rehimeng Duterte, naging mapanganib din ang sitwasyon ng midya dahil sa patuloy na red-tagging at panggigipit ng pangulo sa mga kritiko ng gobyerno. Hindi rin ito malayong mangyari sa ilalim ng bagong administrasyon dahil paninira sa kredibilidad ng mga mamamahayag ang siyang naging gawi nila noong kampanya.

Kaalinsabay nito, hinamon pa ang sektor ng malawakang pagpapakalat ng maling impormasyon. Isa na nga sa manipestasyon nito ay ang isyu na itinatapat ang mga vlogger sa mga mamamahayag. Ipinapalitaw lang nito na patuloy ang pagdami ng mga nawawalan ng tiwala sa midya at paglakas naman ng mga personalidad na nagpapakilalang bagong mukha ng balita at katotohanan.

Higit sa mga usaping ito, pinangangambahan din ng marami kung ano ang magiging papel ng susunod na administrasyon sa nananatiling impluwensya ng mga imperyalistang bansa sa Pilipinas. Magiging handa nga ba sila sa pagsulong sa tunay na reporma sa bayan, o mga polisiyang ang dinastiyang pamilya nila at mga kasamang oligarkiya lang ang makikinabang?

Nakagapos pa rin ang Bayan

Marami na ang nagtatangkang baguhin ang ating mga pananaw at paniniwala sa lahat ng mga ito. Hindi natin maikakaila na ang mga pambansang araw at ang kanilang mga simbolo ay maaaring mabago bilang daan sa patuloy na propaganda ng mga nasa posisyon. Ginamit nila ang kultura ng kasinungalingan para linlangin tayo. Lumaya tayo sa pwersa ng dayuhan pero huwad pa rin ang ating kalayaan dahil marami sa atin ay alipin pa rin ng mga naghahari-harian sa bayan.

Hangga’t nananatili ang pagbabaluktot ng katotohanan, panggigipit sa kalayaan ng pamamahayag, pamamayani ng bulok na sistema ng dinastiyang pulitika, at kawalan ng reporma sa nananatiling tatsulok na istruktura ng lipunan, walang tunay na kasarinlan.

Higit sa pagiging petsa, ang mga araw na ito ang nagpakita sa atin ng pinaka- madidilim na tagpo ng ating kasaysayan. Mula sa ating paggunita ng Araw ng Kalayaan, mas lalo tayong dapat manindigan sa katotohanan sa pagharap sa ating kasalukuyang sitwasyon. Huwag nating hayaang mabaon sa limot ang mga ito, na sa loob ng ilang dekada ay nagpapaalala sa bawat Pilipino na huwag matakot balikan at sariwain ang kasaysayan.

Higit sa lahat ng panahon, ngayon natin sikapin na tumindig at mag-aklas laban sa patuloy na lantarang pagrerebisa ng kasaysayan.

This article is from: