31 minute read

OPINION

Next Article
FEATURES

FEATURES

Pula ang unang kulay ng bahaghari

NO FURY SO LOUD

Advertisement

NI LJ VERASTIGUE STAFF WRITER

Bilang isang lesbiyana, personal kong naranasan ang kaliwa’t kanang diskriminasyon sa ating lipunan. Taliwas sa itinalagang “normal” ang paraan ko ng pagpapakita ng aking sarili. Isa akong babaeng hindi mayumi at walang hinhin, tulad ng ating nakasanayang hulma ng pagiging babae. Hindi man direktang sabihin ay ramdam ko ang bigat sa bawat tingin ng aking makakasalubong sa daan dahil lamang sa aking paraan ng pagkilos at pananamit. Madalas pa ay hindi maikakaila sa kanilang mga titig ang pandidiri sa mga katulad kong hindi sumusunod sa itinalagang pagkakakilanlan ng lipunan.

Maraming iginagapos na karapatan ang mga mapanghusgang mga tingin, kagaya na lamang ng kasalukuyang ipinapasang SOGIE bill na hanggang ngayo’y pagulong-gulong lamang sa parehong Kamara at Senado. Ang pagsasantabi sa isang batas na naglalayong protektahan ang mga kababaihan at LGBTQIA+ community sa gitna ng tumitinding pang-aabuso ay isang dagok sa reyalidad na walang pakialam ang estado sa mga nasasakupan nito.

Ang mga mapanghusgang tingin ay naisasalin din sa karahasan. Sa mga nagdaang taon, sandamakmak at patuloy pa rin ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa bansa, lalo na sa ilalim ng administrasyong Duterte. Kabilang dito ang walang awang pagpaslang sa transgender woman na si Jennifer Laude. Walang habas na kinitil ang kanyang buhay ng isang dayuhang sundalo na si Joseph Scott Pemberton, ngunit kalaunan ay pinatawan ng absolute pardon ni Duterte. Patunay lamang ito na lantad ang kabulukan ng umiiral na sistemang panlipunan sa ating bansa dahil sa pagiging sunod-sunuran ng papet na administrasyon sa mga imperyalistang bansa tulad ng US.

Dagdag pa rito ang kaso ni Heart De Chavez na biktima ng extrajudicial killings ng administrasyong Duterte. Walang awa siyang binaril dahil siya umano’y kabilang sa drug watch list ng kanilang barangay.

Si Chad Booc, isang kilalang guro ng mga kabataang Lumad, ay pinatay ng mga elemento ng militar sa Davao De Oro. Kasabay ng kanyang paglilingkod ang araw-araw na banta sa kanyang buhay dahil sa matinding militarisasyon kasapakat ng mga dambuhalang korporasyon na nais kamkamin ang lupang ninuno ng mga katutubo.

Ilan lamang ang mga ito sa marami pang kaso ng inhustisya at kapabayaan ng rehimeng Duterte sa mga kapwa Pilipinong LGBTQIA+. Miski sa itinuturing na “pag-ibig” ng mga LGBTQIA+ ay may kaakibat ding panganib. Si Barbie Ann Riley, dating beauty queen sa mga transgender pageants sa bansa, ay pinatay ng dating nobyong si Tsai Che Yu o alyas Jayson Santos. Natagpuan ang kanyang bangkay na nakasilid sa suitcase sa isang Expressway sa Cavite ika-3 ng Hunyo 2016. Patunay ito na ang mga pang-aabuso ay nangyayari mismo sa loob ng mga tahanan, paaralan, pagawaan, at komunidad sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa.

Ang mga karanasan nina Laude, Chavez, Booc at Riley ay manipestasyon na hindi lamang ito usapin ng kasarian bagkus ay usapin kung sino ang naghaharing kapangyarihan sa lipunan. Ang mga haring kumakampi sa dayuhan, pinupuntirya ang mahihirap, at kinikitil ang mga progresibong mamamayan. Makikita na hindi lamang ito laban sa usapin ng kasarian bagkus ay napapaloob ito sa mas malaki pang laban ng kahirapan at kagutuman sa ating lipunan. Ang sistemang nagpapahirap sa mga LGBTQIA+ ay kaparehas ng sistemang lumulumpo sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Ang pang-aaping nararanasan ng LGBTQIA+ ay nakaugat sa paghihirap ng masang-api. May baklang humuhubog ng kabataan sa loob ng silid-aralan. May lesbyanang nag-aararo ng lupa sa mga bukirin sa kanayunan. May bisekswal na kumakayod para sa pang-araw-araw na pangangailangan. May sangkabaklaang tumatangan ng mga panawagan ng bayan. Pula ang unang kulay ng bahaghari dahil ito ang kulay ng pakikibaka; ng pagbuwag sa isang nabubulok at pahirap na sistema.

Ako, kasama ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng LGBTQIA+ community ang buhay na patunay na nakaukit na sa kasaysayan ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang labanan ang karahasan, pang-aapi at pananamantala.

Tiyak na sa gitna ng kadiliman ay marami pa ang bahaghari na sisibol upang tuldukan ang makauri at pangkasariang tunggalian sa ating lipunan.

On reading Karl Marx

MUMBLINGS

BY GLEN CHRISTIAN TACASA OPINION EDITOR

I started reading about Karl Marx, and the ideas of Marxism as early as I was in Senior High School. I bought my copy of the Communist Manifesto when I was in Grade 12. I remember how I tucked it under my mattress so that my parents could not find out what I was reading. By that time, I had not grasped the ideas that the readings wanted to infer. I had yet to understand when Marx & Engels said “the first step in the revolution by the working class, is to raise the proletariat to the position of ruling class, to win the battle of democracy”.

It was also around the same year that I started to join the expanding picket line of the masses. My first mass mobilization was an indignation rally against the state burial of dictator Ferdinand Marcos. On that day, I collected pamphlets, leaflets, and other reading materials, and like the Manifesto they were also tucked under my mattress. As I joined several mobs, I learned so much from educational discussions, our discourses with different sectors, and from different pamphlets. The next thing I knew there was a library under my mattress–a revolution hidden away under something comfortable. I never actually have a safe space to read it in the open. Oftentimes I read it at night, when everyone is already asleep.

Fast forward to the present day, I still get those uneasy feelings on my stomach whenever I pull out any Marxist reading materials. On any occasion that someone asks me why am I reading Marx, my excuse would always be “ay readings ko po iyan sa school”, which is masked with half truth. As a Sociology student, we have tons of readings on sociological theories, which often includes Marx’s theory on conflict, class struggle, and political economy among others.

Perhaps, my uneasiness–or fear to say the least, was aggravated when the current administration emboldened the armed forces and police to continue their communist witch hunt in the name of “counterinsurgency”. Anyone, who is brave enough to take a stand and be critical of the administration is accused of being a communist or worse, accused of being an armed combatant. The dangers of redtagging lies when someone may be subjected to surveillance, trumped-up charges, and redtagging can be life-threatening.

I already cannot count how many times I think twice, revise a draft, or completely delete what I was writing at the moment because of the fear of being tagged as subversive, or “NPA”. I cannot remember how many times I held back to cite Karl Marx, or Amado Guerrero in several critical essays or discussions due to our sociology classes, especially when the topic seeks to criticize and challenge the status quo.

It also does not help the fact that most of the challenged provisions from Anti-Terror Law, that might be used to curtail our civil liberties, was upheld by the Supreme Court. In today’s era, what was loosely tagged as ‘seditious’ and ‘subversive’ before, now has a new rhetoric–progressives are unjustly tagged as ‘terrorist’.

In October of last year, the government barred our right to critical thinking and academic freedom, libraries from different State Universities and Colleges pulled out progressive and critical literatures deemed by CHED and NTF-Elcac as materials to terrorism. This attack on academic freedom and critical thinking continues, some independent bookshops that sell progressive titles were vandalized and redtagged.

To set things straight, reading Karl Marx, or any Marxist and neo-Marxist literatures is not

PHOTOS BY GLEN CHRISTIAN TACASA AND POLA RUBIO | LAYOUT BY MICHAEL IAN BARTIDO

terrorism. Spaces for critical thinking, critical literature, and critical pedagogy and andragogy must be protected and asserted. Our rotting concrete living conditions are a pretext to necessitate Marxist critical analysis–needless to say, we need to be critical.

One may be discouraged because reading such materials entail so many risks under our current political climate. However, it should be the opposite, the current political climate demands us to read, analyze, and dissect our society critically.

First and foremost, Marxist readings are relevant now more than ever. It helps us to raise awareness of our social realities, and it helps us to be critical of the status quo. Our concrete living conditions today, atop of the systematic exploitation and oppression of the masses, urges us to uphold Marxist traditions. It is true that “the real fruit of their battles lies not in the immediate result, but in the ever-expanding union of the workers”, that is why we need to organize, unionize, to collectively assert the people’s agenda, and mobilize our collective action against state oppression, feudalism, imperialism, and the bureaucratic capitalist system–until we triumph. After all, we have a world to win.

I mentioned earlier that as a Sociology student, we read a lot about Karl Marx, but such rationale on reading Marx only unmasks half of the truth. Besides my degree program, reading Karl Marx is deeply rooted in my political beliefs, my decision to join the mass struggle, and foremost, to equip my practice with theories vis-a-vis. As Marx himself said “practice without theory is blind, and theory without practice is sterile”.

Two steps forward, ten steps back

POINT OF VIEW

BY GLEN CHRISTIAN TACASA OPINION EDITOR

Ang artikulong ito ay mga sipi mula sa panayam ni Glen Christian Tacasa kay Prof. Veronica Alporha ng UPLB Department of Social Sciences.

Magiging mahirap para sa mga historyador, at mga nag-aaral ng ating kasaysayan na kilatisin ang kasaysayan ng Pilipinas habang patuloy itong binabaluktot ng mga Marcos. Ang pagbabalik ng mga Marcos sa Malacañang ay isang napakabigat na manipestasyon ng kanilang tahasang pagsisinungaling at pagbabago sa naratibo ng kasaysayan. Mula sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan, ano na nga ba ang saysay ng kasaysayan ng Batas Militar na binaka at ipinaglaban ng hene-henerasyong pilipino?

Bilang historyador, ano ang inyong inisyal na reaksyon noong nakita n’yong nangunguna na sa bilangan si Bongbong Marcos sa pagkapangulo?

Bilang isang historian, it felt like, ano ‘yung ginawa namin for the past years. Ako, relatively, bilang mas batang historyador, nandun din ‘yung panghihinyang [at] ‘yung feeling that we could really have done more. I mean maraming mga material conditions ‘yung nag-determine nung resulta ng eleksyon, pero mahalaga talaga ‘yung factor nung tagumpay ng mga Marcos when it comes to reconstructing their image. And, consequently, when it comes to distorting history, marami naman nang pag-aaral at artikulo na lumabas tungkol d’yan, tungkol sa proyekto nila. I think ‘yung devastating victory ng anak ng diktador talagang sinementuhan ‘yung tagumpay ng maraming mga taong efforts ng mga Marcos at kanilang mga friends, kanilang mga kaalyado, dun sa pagbabalik nila sa kapangyarihan at pagbabaluktot nila ng kasaysayan.

Anu-ano ang implikasyon sa kasaysayan ng pagbabalik ng mga Marcos sa kapangyarihan?

Ako nakita ko talaga ito bilang isang; parang ano tayo e ‘two steps forward, ten steps back’. So I think that when it comes to the history of the nation, as a whole, this Marcosian victory really set us back for, I don’t know, we can say for at least fifty years. I think, what really devastated me, you know, the knowledge that, una wala akong kahit kaunting benefit of the doubt na kayang ibigay dito sa papapasok na administrasyong Marcos. Pangalawa, nakakalungkot isipin na akala natin uunlad ‘yung Pilipinas, at least in terms of governance, [or] in terms of our chances for a more progressive country, economically speaking [and] socially speaking, parang mukhang hindi mangyayari sa lifetime natin.

Ano ang implikasyon ng Marcos restoration para sa mga historyador?

It definitely made our job harder, kasi ‘di ba, imagine mo paano mo ituturo ‘yung EDSA [People Power]? Paano mo ituturo ‘yung 1986? Paano mo ituturo ‘yung First Quarter Storm? Paano mo ituturo ‘yung Diliman Commune? Paano mo ituturo ‘yun sa mga tao na mayroon isang buong henerasyon ang nagsakripisyo ng kanilang buhay, ng kanilang husay, [at] ng kanilang kagalingan para laban ‘yung diktador at para manumbalik ‘yung demokrasya noong 1986. And then, 36 years later, ito na naman tayo. Sobrang hirap ipaliwanag n’on ngayon.

For a lot of us historians, personal ‘yung struggle. Hindi na magiging ganun kadali ‘yung pagsusulat tungkol sa kasaysayan ng Batas Militar, [at] ng struggle. Ako personally, ang [research] interest ko din ay nandun rin sa period na ‘yun: the contemporary history of Martial Law, [and] of the mass movements that fought it for many decades. Totoo, na med’yo nakakatakot. The academe or the university really cannot cushion you forever, there will always be some threats to it. And speaking truth to power should not be hard, but with the current context, it will definitely be [hard].

Mula sa mga nangyari, bilang historyador, ano ang kahulugan at bigat ng panawagang ‘Never Again, Never Forget’?

It’s not only about forgetting, it is also about giving them something to remember. What are the things that we should remember from our Marcosian past, I think kailangan nating maalala ‘yun inspirasyon at idealismo ng mga nakaraang henerasyon na lumaban din sa diktadurya. We should not only clamor against forgetting, we should also clamor for the things that are worth remembering.

How spectacular it was in 1986, when the people ousted a dictator after 25 years in power. Siguro ngayon ang hirap i-imagine na matatalo natin ‘yung pinagsanib na pwersang Marcos at Duterte, pero noong 1970s at 1980s, mahirap rin i-imagine na matalo ang mga Marcoses. If there’s one thing that history tells us or history allows us to do–it actually reminds us of the things we are capable of, as a people. In 1986, we have proven that we are capable of ousting a dictator, despite everything on his side [such as] the military [and] the economic elite. I believe we can do it again.

Kaakibat ng panawagang ‘Never Again, Never Forget’ ang responsibilidad sa bayan, at hamon sa atin ng panahon. Sa mga susunod na buwan at taon, magiging mahirap ang ating laban. Kaakibat rin nito ang pagpapaalaala sa atin na mayroong buong henerasyon noong panahon ng diktadura na silang nagtibay ng kampanya kontra Batas Militar at kontra sa mga Marcos.

Si Prof. Veronica Alporha ay isang assistant professor mula sa UPLB Department of Social Sciences, na nagtuturo ng HIST 1 - Philippine History at KAS 4 - Ang Kababaihan sa Kasaysayan ng Pilipinas.

Ang hamon ng panahon sa sektor ng kaguruan

POINT OF VIEW

NI AIRA ANGELA DOMINGO ASSOCIATE OPINION EDITOR

Ang artikulong ito ay mga sipi mula sa panayam ng UPLB Perspective kay Prof. Karlo Mikhail Mongaya

Ano pong reaksyon niyo sa pagtatalaga kay Sara Duterte as DepEd secretary?

‘Yung teacher sector are watching Sara, we are vigilant. We challenge kung anuman ang gagawin niya given na ito nga yung track record ng kanyang father. If babalikan natin, si Sara Duterte herself, nagkaroon din siya ng girian sa local chapter ng ACT in Davao. Instead of resolving ‘yung mga hinaing ng mga guro doon, ang ginawa niya [ay] ni-redtag pa niya ‘yung mga guro dahil ‘yung mga ACT daw ay rebelde etc etc. ‘Yan ‘yung stand namin kay Sara Duterte, given this kind of track record, we are watching Sara Duterte. Vigilant kami kung anuman ang mga nais niyang gawin.

So problematic ‘yun para samin [kung saan] nandito tayo sa ngayon sa Pilipinas, may krisis sa edukasyon. Mas mataas yung sahod ng mga pulis at sundalo kaysa sa mga guro, bulok ang ating facilities, hindi pa nakakabalik [sa faceto-face classes]. You have the incoming DepEd secretary prioritizing ‘yung kanyang concept of national security, peace and order, discipline which is nothing more than sa balak nila na kitilin o paghigpitan ‘yung mga malayang mga tinig, kritikal na tinig sa loob ng akademya. We have to be vigilant in protecting academic institutions as safe spaces for critical thinking.

Anu-ano po ang mga posibleng epekto at implikasyon sa pagtatalaga kay Sara Duterte bilang DepEd secretary sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas?

Recently, under the Duterte admin, itinalaga yung executive order no. 70 o yung whole of nation approach ng counterinsurgency. Lahat ng government agencies ay kinulumpon sa ilalim ng National Task Force to End the Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC). Bahagi ng kanilang “drive against terrorism and communism”, ‘yung pag-target sa mga dissenters and critical thinking academia.

Tinangka nilang i-confiscate ‘yung mga books in public libraries, universities in the north, in Panay island. Lately din, ‘yung redtagging sa mga bookstores. Ganito ‘yung sinabi ni Sara na priority niya, then we would see siguro na ‘yan ‘yung continuation of these kinds of assaults and human rights.

Secondly, if yun yung priority niya, hindi mareresolba yung matagal nang kinakaharap na krisis ng sektor ng edukasyon. If we continue to focus ang sa counterinsurgency sa paghihigpit at pagbabantay sa mga kritiko ng gobyerno, isa ‘yang problema. If hindi mahusay yung education system mo, then hindi ka magiging competitive, even sa point of view ng globalization. Hindi nagtutugma ‘yung mga pino-produce mo sa mga estudyante at sa global markets. If magpapatuloy yung ganito, hindi lang ito krisis ng edukasyon kundi krisis panlipunan. We would have upcoming generations na walang kakayahang maiahon ‘yung krisis na kinakaharap ng lipunan natin. Usapin na ito kung paano ka makakaunawa sa katotohanan at sa kasinungalingan. Paano ka masanay na makatugon sa pangangailangan ng isang bayan. At ‘yun yung di matutugunan kung ang education system mo ay problematic.

Sa tingin niyo po bakit itinutuloy pa rin nila Duterte ang militaristang edukasyon?

From a limited amount of time, mapagpapatuloy mo ang paghahari mo. You have this Marcos-Duterte na click yung ruling faction, sa pag way nila kung paano i-govern ang ating lipunan. Nag far out way ‘yung self-interest for the perpetuation ng kanilang power over the needs of a nation-building. Kung kaya karugtong rin niyan, isa rin sa mga nakikita naming dapat harapin, itong spector of historical distortion. Dahil nga Bongbong Marcos and Sara Duterte ran on a platform in continuing the tyrannical platform of their dads, papabanguhin nila yon.

Nabanggit niyo po ‘yung different struggles gaya ng historical distortion at pangre-redtag ng estado sa mga guro at sangkaestudyantehan, sa tingin niyo po ano ang mga posibleng paghahanda na maaring gawin ng mga nasa sektor ng edukasyon gaya ng mga guro at sangkaestudyantehan?

Una, kailangan mag-organisa yung mga guro at estudyante. Hindi pwedeng watak-watak tayo hindi pwedeng paisa-isa. Iisa-isahin ka ring tatargetin ng mga nasa kapangyarihan. Kailangan na nagkakaisa [at] organized. Kailangan din na vigilant mag-ingay, at mag-assert sa mga pang araw-araw na mga usapin at mga isyu na kinakaharap ng ating sektor and inuugnay ito sa pangkabuuang kalagayan ng ating bayan. Kaya bukod sa pago-organize within the academia, being vocal in our education issues, we have to link up din yung mga hinaing ng ibang mga sektor ng lipunan. Sa mga manggagawa, mga magsasaka.

Kagaya ng nabanggit ni Prof. Karlo, ang edukasyon ay hindi nakakulong lang sa akademya. Lumalabas at tumutugon ito sa pangangailangan ng mga manggagawa, magsasaka at ng iba’t iba pang sektor ng lipunan. Subalit, imposible ang epektibong edukasyon kung nagkukulang ang benepisyo ng mga guro, kung hindi pa rin nakakabalik sa pisikal na paaralan ang mga estudyante at kung sinusupil ang mga kritikal na tinig ng ating bayan.

Nakalugar ang tindig ng mga guro at estudyante sa makatotohanan at makatarungang kinabukasan. Dati nang nagsimula ang paglikha ng mga lugar para sa paninindigan. Ngunit, hindi na tayo dapat magtira ng espasyo para sa mas pahirap na estado. Higit kailanman, ang lugar ng ating tindig ay mas lalong dapat tibayan ngayon kasama ang mulat na masa.

Si Karlo Mikhail Mongaya ay isang assistant professor sa University of the Philippines Diliman at secretary general ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND).

Nagkakaisang daing sa lumalalang sitwasyon ng online learning

KONTEKSTO

NINA CHARLES JR CHANG, MARKUS FABREAG, AT RAINIE EDZ DAMPITAN STAFF WRITERS

Ang artikulong ito ay mga sipi mula sa panayam nina Pierre Hubo, Shelow Monares, at Aira Domingo kina Gean Celestial at Mj Flores.

Hindi inaprubahan ni UPLB Chancellor Jose Camacho, Jr. ang panawagan ng UPLB University Student Council (USC) na i-extend ang deadline ng course requirements hanggang ika-17 ng Hunyo. Ito ay upang ganap na mamarkahan ang lahat ng course requirements kabilang na ang final examinations, nang higit na makapaghanda ang mga guro sa pagsumite ng mga marka sa darating na ika-23 ng Hunyo.

Matatandaang nagpadala ng panawagan ang USC sa Office of the Chancellor noong ika-5 at ika-6 ng Hunyo dahil sa pagdulog sa kanila ng mga estudyante na humingi ng isang linggong palugit upang matapos ang final requirements.

Ang hirap na dinaranas ng mga estudyante sa gitna ng online learning ay sinabayan pa ng pagputok ng Mt. Bulusan noong ika-5 ng Hunyo. Ayon kay UPLB USC Chairperson Gean Celestial, nasa 56 na mag-aaral ang malapit o nasa mismong lugar na apektado ng pagputok ng bulkan.

Kaugnay ng mga isyung ito, kinapanayam ng UPLB Perspective si Celestial upang mapalalim ang karanasan at panawagan ng mga magaaral sa kasalukuyang semestre, at sa kalakhan ng online learning.

Ano ang kadalasang complaints ng mga estudyante kaugnay ng academic workload?

Nag-resort tayo sa pagpapa-extend na lang ng deadlines until June 17 kasi yun din naman yung pinaka-feasible na mangyari given na ‘yung pasahan ng grades ng faculty ay June 23. ‘Yung mga na-raise na concerns kung bakit yun ‘yung nangyari sa mga estudyante natin: Una, ‘di naman maiiwasan na parang may mga areas na wala talagang connection. Nawawalan ng connection from time to time so mahirap makapag-comply. Nandiyan din yung nare-raise na reasons ng mga estudyante natin ‘yung [election] campaign. Naging busy kasi sila sa pag-volunteer sa campaign.

Dapat na bang maging University Policy ang konsiderasyon sa sitwasyon ng estudyante at kaguruan, pati na rin ang flexibility sa schedule, deadlines, at academic calendar?

Yes. Matagal na natin kino-call na for as long as nasa pandemic, dapat na may ease na nararanasan. Although ang academic ease, mas naka-focus tayo sa online setup. Need natin ma-consider na same din ba ang demands para sa paparating na semester na magiging wider ang reopening.

Dahil sa bigat ng mga problema at hirap na dinaranas ng mga estudyante ay mas lalong pinaigting ang mga panawagan para sa face-toface learning setup. 81 na mga estudyante ng UPLB ang naunang sumabak sa limited faceto-face setup nitong ikalawang semestre ng taong akademiko 2021-2022 (BASAHIN: 81 UPLB students approved for limited face-toface activities).

Ayon kay Dr. Analyn Codilan, Ad Hoc Committee Chair for the Gradual Reopening and Conduct of Limited F2F Class Activities, limited face-to-face activities pa rin ang ibibigay para sa 3rd year hanggang 4th year students para sa darating na midyear classes.

Samantala, sa balitang inilabas ng UPLB Perspective noong Pebrero ng kasalukuyang taon, idinaing ng mga mag-aaral ang mabagal na Internet connection at madalas na pagkawala ng kuryente lalo na sa mga rural na lugar. Sa gitna ng mabibigat na course requirements, dagdag na pasakit pa sa kanila ang pandemya at mga nakalipas na sakuna. (KAUGNAY NA BALITA: UPLB students, faculty confront persisting challenges 2 years into remote learning)

Upang makapagbigay ng Internet access at mga kakailanganing gadget para sa mga estudyante, binuksan nang 24 oras ang UPLB Learning Resource Center (LRC) mula noong ika-6 ng Hunyo at nagpatuloy hanggang ika17 ng Hunyo.

Kaugnay ng mga isyung ito, nakapanayam ng UPLB Perspective si MJ Flores, BS Agriculture student, mula sa College of Agriculture and Food Science, upang mapalalim ang karanasan at panawagan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang semestre, at bigyang konteksto ang naganap na Occupy SU.

Paano nakatulong ‘yung pagbubukas ng LRC 24/7 para sa mga estudyante na may pangangailangan ng learning space?

Sobrang helpful ng LRC, kasi kumbaga may nagtatao nang students sa LB. And kahit naman may apartment eh minsan ay napipilitan ka pa ring magcafe o pumunta [sa campus] kasi hindi rin naman conducive sa loob ng apartments. [Sa LRC], ayon may food nga and may mga gadgets sila tapos 24/7 siya, ‘yung atmosphere din [nakakatulong kasi] nag-aaral ‘yung mga tao, so nakaka-help na mag-aral ka rin. Feel ko ‘yung mga students na kailangan ng Internet o saksakan o nagtitipid sa kuryente sa mga apartment, helpful siya for them para matapos ‘yung sem.

Gaano kahalaga para sa’yo ang panawagang Occupy SU at pagkakaroon ng espasyo para sa mga estudyante?

Ang ginawa ng students ay pinaglaban nila ‘yung spaces, so importante talaga na hanggang ngayon, kung saan nasa ilalim pa rin tayo ng remote learning, na ganoon pa rin ma-uphold ‘yung diwa na mag-assert sa space natin. Ngayon nga na nakikita natin na onti-onti nang bumabalik ang mga estudyante sa paaralan, onti-onti nang binubuksan ang campus. Kita naman natin ang mga tao sa Freedom Park ang dami, mga naglalakad sa campus ang dami, pero hindi pa rin tayo fully na nakakabalik o parang wala pa ring space ang students. So isa sigurong pagpapatibay ng panawagan para sa Ligtas na Balik Eskwela at saka sa pag-assert ng rights nating students at ng espasyo natin sa university [ang Occupy SU]. Kaya lagi akong nandito kasi pinaglaban siya at kailangan nating i-assert ‘yung right for LNBE [Ligtas na Balik Eskwela].

Ano ang general assessment mo sa kondukta ng kasalukuyang 2nd semester?

Last semester nilaban talaga natin ‘yung i-postpone muna ‘yung school year kasi kita naman natin ‘yung kabi-kabilang [COVID-19 cases] surge at nakita natin na parang wala pang

LARAWAN MULA KAY CLAIRE SIBUCAO | PAGLALAPAT NI MICH MONTERON

concrete plan ang UP [System] o UPLB for LNBE, t’saka hindi pa resolved ‘yung students sa pagod mula sa nakaraang semester. Humingi rin tayo ng accountability sa CHED [Commission on Higher Education], DepEd [Department of Education] at kay [Pangulong] Duterte given that the set-up ay nagpahirap [sa students at faculty]. Ngayon naman, nag-request tayo ng acad extension pero hindi pinakinggan. Ang request kasi ngayon ay multi-sectoral, from students to professors, kasi nga kita naman natin ‘yung hirap. Kaya ngayong sem, dahil hindi napakinggan [ang mga panawagan] kahit na may “No Fail Policy” and such at malaking tulong sila, hindi niya pa rin maaaksyunan ‘yung ugat ng paghihirap, which is online learning and ‘yung pagkakaroon ng space sa campus. Hindi niya na-take into account [ang ibang panawagan] at parang band-aid solution lang siya sa need ng students at sa paghihirap ng students.

Sapat ba ang panahon na nakalaan para sa 2nd semester?

Kumbaga ay may divide sa pag-extend o pagpapaigting ng semester, personally feel ko kulang siya kasi minsan ‘yung implementation ng policies, like for example, ‘yung sa deadlines or leniency [ay] hindi nai-implement [ng maayos]. Although hindi ko naman masisisi ang faculty kasi sila ang maaapektuhan, pero hindi talaga nagkaroon ng maayos na implementation based din sa experiences ng mga kaibigan ko. Hindi rin siya sapat kasi hanggang ngayon ay ang dami pa ring naghahabol, pati ang faculty ay naghahabol, so obvious na ‘yon na kulang talaga ‘yung binigay na time for the semester.

Ano ang panawagan mo sa UP Admin patungkol sa kondukta ng semester?

Kailangan pang i-intensify ang panawagan natin for the extension of deadlines at Ligtas na Balik Eskwela. Hindi lang naman ang students ang nagpapatawag kundi ang faculty na rin kasi maghahabol din sila ng grades. Kailangan [ang ligtas na balik eskwela] kasi ang online learning ay nagpalala pa sa pagiging anti-student ng edukasyon, kumbaga sinong mas privileged [lang sa online learning]. Pagod na rin tayo after two years.

Compromised din ‘yung learning kasi nagpapasa na lang tayo ng requirements, so kailangan talaga we really achieve it. Tapos nand’yan pa rin ang mga problema sa education, for example ‘yung unwanted fees and neoliberalism. Kaya sana ay mapakinggan ‘yung panawagan for academic extension and Ligtas na Balik Eskwela for students and faculty.

Makikita sa panayam na ito na lalong lumalala ang kalagayan ng lahat habang tumatagal tayo sa ilalim ng online learning. Ang kawalan ng stable internet connection, at kaaya-aya at akmang espasyo para makapag-aral, kasabay ng lumalalang mental health conditions, at napakaraming requirements na kailangang ipasa ng mga estudyante.

Sa dalawang taon ng online learning ngayong pandemya, tuwing katapusanan na lamang ng semestre ay umiigting ang panawagan para sa academic ease at leniency. Tuwing katapusan na lamang ng semestre ay pasan-pasan ng kaguruan at mga estudyante ang kondukta ng buong semestre, lalo na’t mas napaikli pa ang academic calendar ngayong pandemya. Kaakibat nito ang iba’t ibang hamon na kinakaharap, hindi lang sa mga estudyante, kundi maging sa kaguruan. Gahol na gahol na ang mga estudyante at kaguruan sa mas pinaikling semestre. Hindi pa ba napapansin ng UP admin ang hirap na dinadanas ng mga estudyante at faculty sa ilalim ng online learning?

Dapat nang maging pangkalahatang polisiya ng pamantasan ang leniency at flexibility sa academic calendar at deadlines. Hindi sapat ang kakarampot na panahong inilalaan sa kada semestre. Ang nagagawa lamang nito ay pilitin ang mga estudyante na magpasa ng requirements bago ang nakapataw na deadline kahit na hindi siya nasisiyahan sa kanyang output, at wala nang tunay na pagkatuto mula sa mga kurso. Taon-taon na lamang din naman nagmamakaawa ang mga estudyante at guro para sa tunay na academic ease, kaya oras na para pakinggan ng admin ang mga hinaing at ipatupad ang mga panawagan. [P]

ONLINE

uplbperspective.org

Tungo sa multisektoral na pagtingin sa isyung remote learning

Nakapanayam ng Perspective si Prof. Laurence Marvin Castillo, Vice President for Faculty ng All UP Academic Employees Union - UPLB upang pag-usapan ang mga dinanas ng kaguruan sa pagtatapos ng semestre at ikalawang sunod na taon ng remote learning.

KONTEKSTO

NINA SAM DELIS AT EJ LASANAS STAFF WRITERS

Ang artikulong ito ay mga sipi mula sa panayam ni Sam Delis kay Prof. Laurence Marvin Castillo ng All UP Academic Employees Union - Los Baños

Upang makapagsumite ng mga grado ang mga guro sa itinakdang deadline nito noong ika-23 ng Hunyo, hindi inaprubahan ni UPLB Chancellor Jose Camacho, Jr. ang panawagan ng UPLB University Student Council (USC) na i-extend ang deadline ng course requirements ng mga mag-aaral hanggang ika-17 ng Hunyo.

Upang mas bigyang-linaw pa ang karanasan ng mga guro sa kasalukuyang semestre at sa kalakhan ng online learning, nakapanayam ng Perspective si Prof. Laurence Marvin Castillo, vice-president for faculty ng All UP Academic Employees Union - UPLB.

Kumusta po ang inyong kalagayan bilang isang faculty member sa katatapos lamang na semestre?

We have encountered a lot of political upheaval. Of course, we are familiar with what happened with the campaign, and many students participated in the campaigns. May mga faculty members din s’yempre na very invested from a distance kasi we understand we cannot really engage in campaigning (…) And then after the elections, s’yempre, bahagi din niyan yung demoralization na naranasan ng mga estudyante, and we are very familiar with this feeling. And we, of course, are not alien to that kind of feeling. kalagayan. Usually naman kasi sa pagtuturo, laging nararanasan ng mga guro ‘yung pinakahuling bahagi ng semester in terms of the torment, the toil, ‘yung work that comes with the checking, ‘yung mga last-minute na paghahabol ng mga estudyante sa kanilang academic standing – ito ‘yung kasalukuyang nararanasan namin. Nasa Check Republic kami ngayon, and of course we are expected to turn in our grades by June 23. Dito sa Department of Humanities, makikita mo talagang busy ang mga tao sa paghahabol ng mga checkables at syempre kaakibat niyan ‘yung pagpapakita ng standing sa mga estudyante. So it’s really practically a very difficult time for faculty members at this point.

Ano po ang inyong general assessment sa conduct ng 2nd semester?

Napakaraming mga pinagdaanan ng semester na ito, and the foremost concern about that ay ‘yung mga disasters na naranasan ng mga estudyante, kagaya ng Typhoon Odette at the beginning of the semester, at ngayon ‘yung sa Sorsogon din, may isyu din ng volcanic eruption, tapos ‘yung elections pa. So it was really, very difficult for us in terms of how we [will] assess the semester. Tingin ko, ito ‘yung karanasan ng maraming guro ngayon e, hindi lang guro s’yempre lahat ng sektor–how we would navigate ‘yung tension sa pagitan ng existing schedule at pagiging humane ng university. I would say that hindi talaga completely masa-satisfy lahat ng mga nangyari kasi ‘yung isyu ng grades deadline ay isang multisectoral na isyu. I don’t think that faculty members are lacking sympathy sa mga nangyayari kasi, individually, ang mga faculty members ay nagbibigay ng mga considerations [at] naga-adjust ng kani-kanilang mga kalendaryo, although we understand that we are all constrained by all of these events na external sa university operations. It’s really a very difficult balancing act for all the sectors involved and it’s more crucial at the same time dahil mayroon tayong malakihang elections. I think ito talaga ‘yung nagpapaiba ng semester na ito kumpara sa mga nakaraang semesters. May isa kasing malaking political upheaval, and that makes this semester distinct from the previous ones.

Sa konteksto po ng mga gawain ng faculty ngayon, kailangan niyo rin po ba ng extension for the submission of grades?

In all fairness kasi, may coordination naman talaga ang USC [University Student Council] at AUPAEU [All UP Academic Employees Union], and I think ito dapat ‘yung panatilihin ano – ‘yung multisectoral conversation [at] ‘yung multisectoral coordination – in terms of issues related on how to handle the semester kasi it’s an issue that affects students and faculty members. Noong nag-broach ng idea na magre-request ng extension [for requirements deadline] ang USC, naipaalam naman ito sa AUPAEU. And of course, understandably, maraming kasapi ng unyon ang medyo careful sa ganitong klase ng call. Kami naman, open kami for the possibility na i-extend [ang deadline of requirements] pero dapat ay may kalakip na extension din for grades [submission]. We are very careful in terms of responding to the call [for extending the deadline of requirements]. Sa end namin, meron din kaming panawagan kaugnay ng pagpapagaan ng aming mga workload.

Ano po ang masasabi niyo sa hindi pag-apruba ni Chancellor Camacho sa request ng USC?

In the absence of the move to adjust the deadline, it’s very sensible actually, kasi parang we also have to devote an ample amount of time [for us]. Pero may clause naman si Chancellor Camacho [sa memo], ‘di ba, na para dun sa mga affected sa volcanic eruption sa Sorsogon – we also have to make specific adjustments for those students. It’s also something na we encourage sa members ng mga union, [na] while hindi nagkaroon ng adjustment [sa memo], tayo [faculty members] mismo individually ay mag-provide ng necessary consideration. Kasi kahit ‘di naman na-approve ni Chancellor Camacho [ang request], may recognition ang ating mga kaguruan sa pangangailangan na mas maging considerate sa mga estudyante in the face of the various issues. While the administration understands the need to be more cautious about addressing these concerns, we also have to take into consideration na ‘yung ganitong klaseng administrative concerns ay hindi dapat magsara ng posibilidad sa tuloy-tuloy na koordinasyon sa hanay ng mga guro at estudyante. Kaya nga importante talaga yung komunikasyon para masiguro na may dayalogo for learning and survival. Kasi we’re still in survival mode, [thus] it is necessary to maintain coordination.

Ano po sa tingin ninyo ang dapat na ipanawagan sa admin para matugunan ang sentiments ng mga guro at mga mag-aaral?

Well, s’yempre sa mga guro, nararamdaman natin ang kanilang mga sentimyento at mga pagtatanong na nilinawin ‘yung plano hinggil sa pagbubukas ng unibersidad. Until now, nag-aantabay pa rin tayo ng mga updates kung ano ang magiging footing natin for the next few semesters. I think ‘yun ang panawagan talaga, ang Ligtas na Balik Eskwela. Pero s’yempre kaakibat niyan ‘yung paglilinaw ng mga kondisyon na kinakailangang ilapag ng administrasyon upang tiyakin na ‘yung pagbabalik-eskwela ay magiging ligtas. Sa hanay ng mga staff at kaguruan ay ‘yung tuloy-tuloy na suporta sa usaping teknikal na aspeto gaya ng pag-secure ng safety sa paggamit ng mga opisina at pagtitiyak ng maayos na internet connection para rin maging efficient ang paggampan sa ating mga tungkulin. I think isa itong issue na hindi nakakulong sa university – ‘yung pagtitiyak na mayroong maayos na healthcare situation para sa ating mga kawani. Alam nating napakabigat na implikasyon ng pagbabayad ng premium ng PhilHealth na nadagdagan ‘no, pero s’yempre, nandiyan ‘yung matinding demand na nakikita o nararamdaman natin sa kinakaltas sa ating sahod. Ang isang comprehensive na healthcare system ay isa sa mga pangangailangan ng ating mga kawani – mga guro, administrative staff, at REPS.

Nakikiisa din ang unyon sa ganitong klase ng solidarity na magkaroon ng parang pagre-relax ng requirements - ‘yung panawagan ng Office of Student Regent na itigil ‘yung mga gawain after the elections.

I think that’s the very important principle dito, na walang iwanan. “Dapat All”, ika nga ng aming unyon. It’s a very welcome proposal and possibility but we must ensure that all the voices of stakeholders and UP constituents should be heard.

Tingin niyo po ba ay dapat nang maging isang University Policy ang consideration sa sitwasyon ng estudyante at kaguruan, pati na rin ang flexibility sa schedule, deadlines, at academic calendar?

I think maganda siyang pag-usapan. Naniniwala akong kailangang mas maging makatao ng university sa lahat ng mga sektor na kabahagi nito. I think yung pagtatalaga ng malinaw na mga patakaran sa academic ease ay isang pangangailangan. It’s the COVID situation that compelled us to really consider all of these policy changes. Of course, doon pa rin ako magba-bank sa pangangailangan na ‘yung drafting sa ganitong klaseng patakaran ng academic ease, bilang isang university-wide na move, ay it should be a multisectoral effort para ma-ensure na nobody gets left behind.

Dapat bigyan ng venue at espasyo sa pagfo-formulate ng academic ease bilang isang policy.

Si Prof. Laurence Marvin Castillo ay isang assistant professor sa UPLB, at Vice President for Faculty ng All UP Academic Employees Union - UPLB.

ONLINE

uplbperspective.org

This article is from: