54 minute read
NEWS
Mga progresibo sa Timog Katagalugan, nagprotesta laban sa maanomalyang eleksyon
Samantala, binigyang-linaw naman ng fact-checking teams ang pagkalat ng mga pekeng balita, disimpormasyon, at malawakang pagbaluktot ng kasaysayan na nakatulong sa pagkapanalo ng anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Advertisement
NI EJ LASANAS STAFF WRITER
Naglunsad ng “Black Friday protest” ang iba’t-ibang sektor sa harapan ng Cultural Center of the Philippines (CCP) noong ika-13 ng Mayo upang kondenahin ang mga anomalya sa nakaraang halalan.
Nagsimula ang mga mobilisasyon noong gabi ng ika-9 ng Mayo, araw ng botohan. Nagpatuloy ito kinabukasan sa Commission on Elections (COMELEC) office sa Intramuros, Maynila, kung saan nanawagan ang mga nagprotesta para panagutin ang COMELEC sa maanomalyang eleksyon.
Tinuligsa rin ng mga nagprotesta ang pagbabalik ng Marcos-Duterte tandem sa Malacañang. Ang mga ama nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Pangalawang-Pangulong Sara Duterte ay kilala sa mga paglabag sa karapatang pantao sa kani-kanilang administrasyon.
Ang Batas Militar ni Marcos Sr. ay nagbunsod sa libo-libong kaso ng arbitrary arrests at detentions, tortyur, desaparecidos, at pagpatay. Samantala, ang Drug War naman ni Rodrigo Duterte ay nagbunsod sa pagkakapatay ng humigit-kumulang 30,000 indibidwal, ayon sa Center for International Law (Centerlaw).
Noong ika-17 ng Mayo, natanggap ng Korte Suprema ang isang petisyong naglalayong kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Marcos Jr. Ang nasabing petisyon ay nauna nang inihain noong Nobyembre ng isang grupo ng civic leaders, na inungkat ang tax conviction ni Marcos Jr.
Noong 1995, nahatulang guilty si Marcos Jr. para sa hindi niya pagbabayad ng buwis at sa hindi niya pagsasaayos ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985. Kinumpirma rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Presidential Commission on Good Government (PCGG) na sinubukan nilang kolektahin ang estate taxes ng mga tagapagmana ni Marcos Sr. – sina Imelda Marcos at Marcos Jr – na hindi pa rin nababayaran. Sa tantiya ng mga abugado, pumalo na sa mahigit P200-bilyon ang utang ng mga Marcos.
Samantala, maliban sa pagkondena sa pagbabalik ng Marcos-Duterte, ipinagsigawan din ng mga nagprotesta ang “COMELEC palpak!” noong araw ng mobilisasyon. Libo-libong mga anomalya sa buong bansa ang naiulat noong mismong araw ng botohan.
Laksa-laksang anomalya
Iniulat ng election watchdog na Kontra Daya Southern Tagalog (ST) sa isang Facebook post noong ika-9 ng Mayo ang 272 na anomalya sa buong Timog Katagalugan kaugnay ng eleksyon. 100 vote-counting machine (VCM) errors ang naiulat sa rehiyon habang halos 2000 makina naman ang nag-malfunction sa buong bansa.
Dagdag pa rito, may mga kaso ng invalid ballots at paper jams ang naitala. Naiulat ding kaso ang mga hindi binasang boto ng mga VCM, lalo na sa mga pangalan ng ilang mga kandidato sa pagka-senador.
DATOS MULA SA KONTRADAYA ST | PAGLALAPAT NI ANGELYN CASTILLO
Bunsod ng mga anomalya, ilang botante ang hinimok na iwan na lang ang kanilang mga balota.
Idiniin naman ng Kontra Daya na nararapat lang na bigyan ng karapatan ang mga botante na sila mismo ang magpadaan ng kanilang mga balota sa makina at makatanggap ng resibo. Ito ay matapos sabihin ni COMELEC Commissioner George Garcia na wala umanong “choice” ang mga botante kundi iwan ang mga balota sa Board of Election Inspectors (BEIs) dahil sa bawat anomalya ng mga VCM.
Bagaman maaaring pahintulutan ng mga botante ang pagpapadaan ng kanilang balota sa mga BEI sa pamamagitan ng paglagda sa isang waiver, inirekomenda ng election watchdog na pinakamainam pa ring hintaying magawa o mapalitan ang mga VCM upang sila mismo ang maglagay ng kanilang balota sa mga makina.
“We cannot blame voters for refusing to leave their ballots to the BEI because of the general distrust with the automated polls,” ani ng Kontra Daya sa isang Facebook post. [“Hindi natin masisisi ang mga botante sa kanilang hindi pagpayag na iwan ang kanilang balota sa BEI, dulot ng kawalan ng tiwala sa automated polls.”]
Mga paglabag at kaso ng karahasan
46 na paglabag sa proseso ng botohan ang naiulat sa buong Timog Katagalugan.
Sa ilang mga probinsya, ipinamahagi ang campaign flyers sa mismong araw ng botohan. Naiulat din ang illegal campaigning, sapagkat may sample ballots at campaign materials pa ring ipinamahagi sa mismong araw ng halalan.
Sa Cavite, may ipinamahaging salaping nakasobre. Sa Laguna naman, bigas at pera ang ipinamahagi kasama ng campaign materials. Sa Quezon, ilang botante ang sinabihang magtungo sa barangay outpost, kung saan sila maaari umanong pumirma upang makatanggap ng salapi.
Samantala, may naiulat na 42 kaso ng karahasan sa Timog Katagalugan na may sa isang pahayag.
kaugnayan sa halalan.
May mga pulis at militar sa ilang presinto. Naiulat din na ang ilang mga pulis ay kumukuha umano ng litrato ng mga balota. Sa Rizal naman, naiulat ang presensya ng mga armadong pulis.
Ayon sa Kontra Daya Southern Tagalog, mahigpit na ipinagbabawal ang mga pulis sa loob ng voting at poll-watching site.
Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10728, sa araw ng halalan, walang sinuman ang pinapayagang magbitbit ng armas. Maliban dito ang mga regular na miyembro ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at ibang law enforcement agencies na inatasan sa kanilang trabaho sa mismong araw ng halalan. Idinagdag ng resolusyon na dapat na unipormado ang pulisya, at ang kanilang pagganap ay sang-ayon sa pagtatalaga ng COMELEC.
Samantala, may naitala ring insidente ng red-tagging sa Timog Katagalugan. Kabilang na rito ang mga tarpaulin na ni-red-tag ang mga progresibong party-list mula sa Makabayan Bloc.
Kaugnay pa nito, isang araw bago ang halalan, nagpatawag ng emergency press conference ang Makabayan Bloc upang kondenahin ang pagkalat ng isang pekeng COMELEC resolution na nagpapahayag ng pagka-diskwalipika umano ng party-lists ng Makabayan Bloc, at ni senatorial candidate Neri Colmenares.
Sinabi ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate na tiyak silang ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nasa likod nito, bilang talamak ang panre-red-tag ng nasabing task force sa mga progresibong grupo at indibidwal.
“Apila namin sa COMELEC na sunsunin ito at kasuhan ang mga nagpakana dahil malala nitong ginamit ang logo at letterhead ng komisyon sa mga pekeng dokumento at umasta talagang mula sa kanila. Misyon talaga nitong linlangin ang mga botante, at isabotahe ang kandidatura ng mga progresibong party-list at ni Neri Colmenares,” dagdag pa ni Anakpawis National President Ariel Casilao
Makinarya ng disimpormasyon
Samantala, binigyang-linaw naman ng fact-checking teams ang pagkalat ng mga pekeng balita, disimpormasyon, at malawakang pagbaluktot ng kasaysayan na nakatulong sa pagkapanalo ni Marcos Jr.
Ayon sa ulat ng Rappler, mas pinalakas ang disimpormasyon at historical distortion sa social media, at karamihan dito ay may kaugnayan sa mga Marcos at Batas Militar.
“Sinalaula na ng kampanyang Marcos-Duterte ang eleksyong 2022 maraming taon bago pa ito nagsimula. Nagpapakalat sila ng baha ng palsong balita, baluktot na kasaysayan, at walang basehang paninira’t red-tagging,” pahayag ng Akademya at Bayan Laban sa Disimpormasyon at Dayaan (ABKD).
Ang mga pahayag ay sumusubok na baguhin ang kasaysayan sa pamamagitan ng pagkakalat ng mga maling impormasyong pinapalabas nila bilang “katotohanan”, at siyang itinatago umano sa publiko ng mga historyador. Ginawa ito upang linisin ang imahe ng mga Marcos, at lubha itong nakatulong sa kanilang pagbabalik sa Palasyo.
Kabilang pa sa mga propaganda ang pagtanggi sa mga kaso ng pagnanakaw at paglabag sa karapatang-pantao noong panahon ng Batas Militar. Nagkalat din ang mga impormasyon tungkol sa mga pekeng parangal ni Marcos Sr.
Kaugnay nito, sa fact-checking naman ng Tsek.Ph, iniulat nila ang maraming pagtatangka sa social media ng pagbura sa “discreditable record” ni Marcos Sr.
“The martial law fact checks indicated how disinformation was used to rehabilitate Marcos who held power from 1965 to 1986 when he was ousted by the people-led uprising. The Marcos dictatorship was responsible for human rights violations, extrajudicial killings, press censorship and plunder. It also plunged the country into an economic crisis,” pahayag ng Tsek.Ph. [“Ang fact-checks kaugnay ng Batas Militar ay nagpakita kung paano ginamit ang disimpormasyon upang pabanguhin ang imahe ni Marcos. Ang diktadurya ni Marcos ay nagbunsod sa maraming paglabag sa karapatang pantao, extrajudicial killings, pagpapatahimik sa midya, at mga kaso ng pandarambong. Ang Batas Militar din ang nagdulot ng krisis pang-ekonomiya sa bansa.”]
Ang mahabang kasaysayan ng makinarya ng disimpormasyon ni Marcos Jr. ay kanyang napakinabangan para sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo ng bansa.
“Nagbuhos sila ng milyon-milyon sa makina ng disimpormasyon hanggang halos hindi na makaagapay ang mga nagtataguyod ng katotohanan at mga mananalaysay ng mga tunay na kwento ng bayan,” pahayag ng ABKD sa kanilang Facebook page.
“Ang mga bihasa sa pagnanakaw ay nakakagawa ng bagong mga paraan para magnakaw ng eleksyon,” dagdag pa ng ABKD.
Protesta de Mayo sa UPLB, ikinasa upang tutulan ang pagbabalik nina Marcos-Duterte sa ehekutibong posisyon
NI HOPE SAGAYA STAFF WRITER
Nagsimula noong ika-25 ng Mayo ang Protesta de Mayo na inilunsad sa Carabao Park, UPLB bilang pagtutol sa pagbabalik ng Marcos-Duterte sa Palasyo.
Ito ay inilunsad ng Youth Defy Marcos and Duterte Southern Tagalog (ST), isang malawakang alyansa ng mga kabataan na binubuo ng iba’t-ibang mga organisasyon, institusyon, at indibidwal na ang layunin ay tutulan at labanan ang alyansang Marcos-Duterte.
Nagpatuloy ang programa hanggang ika-27 ng Mayo, at nagtampok ng mga tagapagsalita, artista, at mga pelikulang nagpapakita ng realidad sa ilalim ng rehimen ni Ferdinand Marcos Sr. at ang paghihirap na dulot nito sa sambayanang Pilipino.
“Nakakatuwang aktibong lumalaban ang kabataan para biguin ang Marcos-Duterte. Sa kasaysayan ng UPLB, dito nabuo ang unang USC [University Student Council] sa ilalim ng Martial Law,” saad ng 1983-1984 UPLB USC Chair na si Bani Cambronero sa kanyang pambungad na pananalita.
Binigyang-diin din niya kung paanong hindi totoong “golden age” ang Batas Militar. Aniya, nilusaw nito ang mga samahan at ipinagbawal ang mga pagtitipon. Sa ilalim ng Batas Militar, libo-libo ang inaresto at ikinulong nang walang matibay na batayan. Libo-libo rin ang mga desaparecidos, at kaso ng mga tinortyur at pinatay.
“Napakalupit ng Batas Militar. Pero kung ang namumuno ay katulad ni Marcos, wala tayong national development. Hindi tayo aasa sa Marcos-Duterte,” dagdag pa ni Cambronero.
Samantala, binalikan naman ni Defend Southern Tagalog Spokesperson Charm Maranan kung paano naging saksi ang UPLB at Southern Tagalog sa bagsik at lagim ng Batas Militar at ng administrasyong Duterte. Ayon sa kanya, walang ginawa ang dalawang rehimen
PHOTO CREDIT: POLO QUINTANA
kundi pahirapan ang mga mamamayang Pilipino.
“Hindi natatapos sa eleksyon ang ating laban. The more we mobilize, organize people, the greater our chances against a MAD tyranny,” dagdag pa niya. [“Kung tayo’y magmomobilisa, mag-oorganisa, mas malakas ang ating tsansa laban sa tiraniyang MAD.”]
Dumalo rin sa protesta ang Kabataan Partylist (KPL) ST. Pinuri ng party-list ang pagdalo ng mga kabataan sa protesta, at sila’y nagpasalamat para sa 500,000 na botong natanggap ng KPL noong eleksyon.
“Gayunpaman, kaliwa’t kanan ang pag-redtag sa KPL at sa kabataan. Hindi ito malayo sa karanasan noong rehimen ni Marcos Sr. Kung kaya tumindig ng kabataan noong First Quarter Storm, kaya rin natin ngayon ipaglaban ang ating demokrasya!” dagdag pa ni Jainno Bongon ng KPL ST.
Sa gitna ng protesta, nagkaroon ng maikling educational discussion ang Youth Defy ST tungkol sa disqualification case ni Marcos Jr. Samantala, kinanta naman ang “Awit ng Kabataan” para igiit ang pagtutol ng nasabing sektor laban kina Marcos at Duterte.
Napuno ang buong gabi ng makabuluhang pagtatanghal ng iba’t ibang mga artista ng bayan, kabilang sina Ka Armand na dating estudyanteng aktibista at manggagawa ng Los Baños, at ang bagong tatag na grupo ng artistang Artist Resist Marcos at Duterte (ARMADA). Ang bawat pagtatanghal ay nagsasaad ng mga kwento noong Batas Militar at kung paano tumindig ang mga mamamayang Pilipino laban sa malagim na pamumuno ng dalawang rehimen.
Opisyal namang tinapos ni noo’y UPLB USC Chairperson-elect Gean Celestial ang programa sa unang gabi. “Lahat ng pumunta dito, iisa ang mithiin natin. Hindi matatapos ngayon ang laban natin, patuloy ang ating pagtindig,” aniya.
Ang pagtutol ng kabataan
Hinihikayat ng Youth Defy Marcos and Duterte ST ang mga kabataan na tutulan ang pag-upo nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte sa dalawang pinakamataas na posisyon ng bansa.
Layunin din ng grupo na pigilan ang malawakang disimpormasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pag-aaral, porum, at iba pang pagtitipon upang ipaalala sa mga mamamayan ang mga naging kasalanan ng rehimeng Marcos at Duterte sa Pilipinas.
“Sa pag-upo ng Marcos-Duterte sa dalawang pinakamataas na posisyon sa ating bansa, titindig ang mga kabataan upang hindi sila hayaang makabalik sa Malacañang at maghasik na naman ng napakaraming pang-aabuso sa karapatang pantao,” ani ng alyansa.
Binigyan-diin din ng Youth Defy Marcos and Duterte kung paano nakaupo sa kapangyarihan sina Marcos Jr. at Duterte, at kung paanong ang kanilang pagkapanalo ay resulta ng samu’t-saring dahilan ng bulok na pampulitikang sistema na nag-ugat sa kanilang mga ama, at kung paano ring ang malawakang disimpormasyon ay binaon ang kanilang mga kasalanan sa sambayanang Pilipino.
Maliban pa rito, binigyang-linaw rin ng fact-checking initiatives ang malawakang pagkalat ng mga pekeng balita, disimpormasyon, at pagbaluktot ng kasaysayan na nakatulong sa pagkapanalo ni Marcos Jr. Ang mga maling impormasyong nagpapabango sa imahe ng mga Marcos ay naging mas laganap na dahil sa social media.
Ayon sa Youth Defy Marcos and Duterte, nagbabadya ang malalang kalagayan ng bansa kapag naupo sa pwesto ang alyansang Marcos-Duterte.
Nagbabadya rin ang banta ng malawakang pagbabago ng kasaysayan, na tila naging mas malinaw pa nang inanunsyo ni Marcos Jr. na ang magiging sekretarya ng Kagawaran ng Edukasyon sa kanyang administrasyon ay si Duterte. Matatandaang may plano rin si Duterte na ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa bansa, na nagbabanta ng malawakang militarisasyon sa loob ng mga eskwela.
Mga konseho, organisasyon sa UPLB, naglunsad ng online protest matapos ang halalan
NI CALEB LUKE BUENALUZ STAFF WRITER
Isang araw matapos ang halalan, nagsagawa ng online na protesta ang UPLB USC, kasama ang College Student Councils (CSC), mga organisasyon, fraternity, at sorority ng unibersidad upang ilabas ang kanilang mga hinaing at panawagan, matapos makapagtala ng laksa-laksang mga anomalya ang nakaraang halalan.
“Tila pikit-bulag ang COMELEC [Commission on Elections] sa mga nangyaring isyu ng pandaraya kapalit ang kinabukasan nating mga kabataan. Kaya ngayon, panahon na para tumindig at lumaban sa harapang pambabastos sa demokrasyang ito ng ating bansa,” ani ng isang tagapagsalita mula sa UP Communication Arts Society.
Mariin ding kinondena ng mga mag-aaral ang pagbabalik ng Marcos-Duterte. Binigyang-diin nilang hindi dapat kalimutan ang mga kalupitan sa ilalim ng rehimen ni Marcos Sr.
“Hindi dapat malimutan ang lahat ng biktima ng diktaduryang Marcos noon, lahat ng pinatay, dinakip, tinortyur at pinatahimik. Dahil alay natin sa kanila, at sa taumbayan, ang pagtindig laban sa panganib ng isa na namang Marcos na mauupo sa pagkapangulo,” ani ng tagapagsalita ng College of Arts and Sciences Student Council (CAS SC).
Kinilala rin ng mga mag-aaral ang naging paghihirap ng sambayanang Pilipino noong diktadurya ni Marcos Sr., at ang maaaring implikasyon nito ngayong ang anak naman niya ang mamumuno bilang pangulo.
Binalikan ng UP Agricultural Society ang karanasan ng mga magsasaka sa ilalim ng diktadurya, na naging sentro ng malalang militarisasyon at liberalisasyon.
“Hindi natin masasabing bunga ng demokrasya ang naganap na eleksyon [...] Dahil sa mga isyu ng agrikultura, kritikal ang eleksyon na ito, kritikal dahil hindi na kaya ng ating mga magsasaka ang anim pang taon ng militarisasyon at liberalisasyon,” ani ng UP Agricultural Society.
Sa ilalim ng administrasyong Duterte, malinaw pa rin ang malalang militarisasyong ito sa kabukiran, lalo na sa probinsya ng Quezon. Noong 2021, pinatay ang mga magniniyog na sina Jorge Coronacion at Arnold Buri, na pinagbintangang mga kasapi ng New People’s Army (NPA). Sa kaparehong taon, 485 na magniniyog naman ang sapilitang pinasuko at inakusahan bilang mga kaalyado ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Samantala, nagpahayag ng pangamba ang College of Development Communication (CDC) SC tungkol sa pagbabalik ng Marcos-Duterte, dahil sa pag-atake ng dalawang pamilyang ito sa mga mamamahayag. Patunay pa ang mga pag-aaral na nagpapatotoo sa pagkalat ng disimpormasyon at mga pekeng balita, na umaatake sa katotohanan.
Sa kabila nito, nanindigan ang konseho na patuloy nilang ipaglalaban ang malayang pamamahayag.
“Mariin naming isusulong ang tunay na malayang pamamahayag lalo na sa mga journalist dahil sa kasalukuyang panahon, mas kinakailangan ng taumbayan ang katotohanan upang malaman ang tunay na estado ng ating bansa,” pahayag ng konseho.
Ang programa ay tinapos ng UPLB USC, na nanawagan sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral upang tutulan ang Marcos-Duterte tandem.
“Hinding-hindi natin sasayangin ang mahabang kasaysayan ng paglaban at pagbuwis buhay ng kapwa mag-aaral. Patuloy tayong lalaban para sa kanila, sa atin, at sa mga susunod pang henerasyon. Tuloy ang laban, iskolar at mamamayan ng bayan,” ani ng konseho.
Mga prominenteng dinastiya sa CALABARZON, nanguna sa Halalan 2022
NINA ALEX DELIS AT SHELOW MONARES STAFF WRITERS
Binigyang pokus sa artikulong ito ang dalawang pinakamataas na posisyon sa mga pamahalaang panlalawigan, partikular ang mga gobernador at bise-gobernador ng CALABARZON. Bagaman may pagbanggit sa ibang mga posisyon, hindi saklaw ng artikulo ang kabuuan ng dinastiyang politikal sa ibang mga lokal na puwesto sa rehiyon.
Tagumpay na nadepensahan ng mga prominenteng dinastiya sa CALABARZON ang kani-kanilang mga base-politikal matapos ang nagdaang halalan. Reelected ang mga gobernador sa Cavite, Laguna, at Batangas, na ang mga pamilya’y may nabuo nang dinastiyang politikal sa kani-kanilang mga lalawigan. Sa Rizal, anak naman ng nakalipas na gobernador ang umuupo bilang bagong pinuno ng probinsya. Samantala, sa Quezon, tuluyan nang nagapi ang dinastiyang Suarez matapos makuha ng mambabatas at doktor na si Helen Tan ang posisyon sa pagka-gobernador. Bakas din ang mga dinastiyang politikal sa naging resulta ng pambansang eleksyon. Maliban sa pagiging anak ng mga dating pangulo, sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Pangalawang-Pangulo Sara Duterte-Carpio ay may kani-kanila ring kapamilyang kasalukuyang nakaupo bilang mga politiko. Kasalukuyang senador ang kapatid ni Marcos Jr. na si Imee Marcos, samantalang nasa Kongreso naman ang anak niyang si Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos bilang kongresista ng unang distrito sa Ilocos Norte. Muli ring nangibabaw ang dinastiyang Marcos sa nasabing lalawigan matapos magapi ang dinastiyang Fariñas. Ito ay bunga ng pagkawagi sa pagka-gobernador ni Matthew Marcos Manotoc, anak ni Imee Marcos. Si Cecilia Araneta Marcos, na asawa ng yumaong pinsan nina Marcos Jr, ang kasalukuyang bise-gobernador sa probinsya. Nasungkit din ni Michael Marcos Keon ang pagiging alkalde sa lungsod ng Laoag. Sa kabila nito, hindi sinuportahan ng angkan ng mga Marcos ang pagtakbo ni Marcos Keon matapos ang umano’y hindi pagkakaunawaan. Malaki ang gampanin ng social media sa pamamayagpag ng mga Marcos sa parehong lokal at pambansang halalan ngayong taon. Patunay rito ang pag-usbong ng sandamakmak na propaganda at disinformation sa Facebook pages at groups, YouTube channels, at iba’t ibang websites tungkol sa mga nangyari noong Batas Militar at rehimeng Marcos. Ayon pa sa inilabas na datos ng fact-checking initiative na Tsek.ph, pabor sa tambalang Marcos-Duterte ang mga lumalabas na fake news sa iba’t-ibang plataporma ng social media noong kasagsagan ng halalan. Isa sa mga pangunahing disimpormasyong makikita sa social media ang umano’y katahimikan at kaayusan ng bansa noong ipinatupad ang Batas Militar. Ito ay sa kabila ng kaliwa’t-kanang human rights violations na nauwi sa pagkawala at pagkamatay ng maraming Pilipino. Pumalo sa mahigit 11,000 ang mga kaso ng human rights violations mula 1972 hanggang 1986. Kabilang dito ang mga kaso ng tortyur, pagpatay, enforced disappearance, rape, detention, at involuntary exile, ayon sa tala ng Human Rights Victims’ Claims Board. Gayundin, sa ilalim ng administrasyong Duterte ay tinatayang nasa 30,000 na indibidwal ang pinatay sa ilalim naman ng Drug War, ayon sa human rights group na Center for International Law (Centerlaw). Kaliwa’t-kanan din ang pag-atake sa mga progresibong grupo at indibidwal. Patunay rito ang Bloody Sunday massacre sa Timog Katagalugan, kung saan siyam na progresibo ang pinatay noong ika-7 ng Marso, 2021. Samantala, maliban sa pananatili sa ehekutibong posisyon ng mga Duterte, hawak pa rin ng naturang angkan ang lalawigan ng Davao. Ito ay matapos magwagi ang parehong anak ni Rodrigo Duterte na sina Paolo Duterte bilang 1st District Representative ng Davao City at Sebastian “Baste” Duterte bilang alkalde ng parehong siyudad. Sa Senado, anim sa 24 na senador ang kabilang sa tatlong political families. Ito ay buhat ng pagkapanalo nina Allan Peter Cayetano na kapatid ng kasalukuyang senador na si Pia Cayetano; Mark Villar na anak ng kasalukuyang senador na si Cynthia Villar; at magkapatid na JV Ejercito at Jinggoy Estrada.
PAGLALAPAT NI JOHANNE SEBASTIAN GONZALES
Dinastiya sa Cavite
na si Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang kongresista ng ika-pitong distrito ng Cavite. Nito lang ika-23 ng Mayo, pinili ni Pangulong Marcos Jr. si Boying Remulla bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ). Ito ay sa kabila ng pag-red-tag ni Remulla sa mga progresibong indibidwal, at maging sa mga tagasuporta ni Leni Robredo noong nakaraang kampanya. Kasabay ng pagpili sa kanya bilang kalihim ng DOJ, sinabi ni Boying Remulla na maghihirang na lang umano siya ng “caretaker” sa kanyang pwesto bilang kongresista, o kaya ay magtatakda ng “special elections”. Walang appointment ban para sa mga nanalong kandidato. Kilala rin si Boying Remulla sa pagharang nito sa ikatlo at ikahuling reading sa Kongreso ng University of the Philippines - Department of National Defense (UP-DND) Accord, na naglalayong bigyan ng proteksyon ang kaestudyantehan ng UP system sa anumang presensya ng militar o kapulisan nang walang abiso ng administrasyon ng unibersidad. Samantala, nanalo rin ang anak ni Boying Remulla na si Ping Remulla bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng ikapitong Provincial District. Nag-ugat ang dinastiya ng mga Remulla kay Juanito “Johnny” Remulla Sr., ama ng magkakapatid na Remulla, na pinakamatagal na naglingkod bilang gobernador ng lalawigan mula 1979 hanggang 1986 at mula 1988 hanggang 1995. Samantala, magpapatuloy pa rin ang dinastiya ng mga Tolentino sa Cavite matapos ang landslide na pagkapanalo ng running-mate ni Jonvic Remulla na si Athena Tolentino. Si Athena Tolentino ay anak ng nagbabalik na alkalde ng Tagaytay City na si Abraham “Bambol” Tolentino. Kasama niyang mamumuno bilang bise-alkalde ang asawang si Agnes Tolentino. Samantala, papalit naman sa pwesto ni Abraham sa pagiging kongresista ng ikawalong distrito ang isa pa nitong anak na si Aniela Tolentino. Si Abraham Tolentino ay kapatid ng senador na si Francis Tolentino, na humawak din sa posisyon ng pagka-alkalde bago mahalal bilang senador noong 2019. Samantala, ang mga Revilla ang pinakamalaking angkang naghahari sa Cavite, ngayong anim na miyembro ng kanilang pamilya ang nahalal sa mga lokal na posisyon.
Dinastiya sa Laguna
Sa ikatlong pagkakataon, muling pamumunuan ni Ramil Hernandez ang lalawigan ng Laguna matapos itong magwagi sa pagka-gobernador. Nagwagi rin ang asawa ni Ramil Hernandez na si Ruth Mariano-Hernandez sa kanyang ikalawang termino bilang kongresista ng ikalawang Legislative District ng Laguna. Kasama ni Ramil Hernandez na manunungkulan ang kanyang katambal na si Karen Agapay para sa pagkabise-gobernador. Si Agapay ay anak ng dating board member ng Ikatlong Distrito ng Laguna na si Nelson Agapay at ng dating auditor ng Commission on Audit (COA) na si Vicenta Cartabio. Bago pa man magsimulang manungkulan bilang gobernador noong 2016, matatandaang tumayo na si Hernandez bilang gobernador noong 2013 upang humalili sa pwesto ni ER Ejercito, na nasibak dahil umano sa labis nitong paggamit ng pondo sa kanyang kampanya. Samantala, tumakbo naman bilang alkalde ng Calamba, Laguna si Ejercito
nitong nakaraang halalan, ngunit nabigo siyang makuha ang pwesto matapos manalo bilang alkalde si Ross Rizal. Binasag ni Rizal ang dinastiya ng mga Chipeco sa Calamba na nagsimulang maghari sa pagka-alkalde mula 2004 hanggang 2022. Parehong plataporma at programa pa rin ang inihandog ni Hernandez sa kanyang panibagong termino. Nakapaloob sa kanyang programa ang 8-Point Serbisyong Tama. Kabilang dito ang planong magsagawa ng libreng livelihood trainings para sa mga mamamayan ng Laguna, para matulungan ang paghahanapbuhay ng mga mamamayan. Gayunpaman, matatandaang sunod-sunod ang panghaharas ng mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), maging ang pwersa ng kapulisan at militar, sa mga unyonistang manggagawa sa Laguna na nagresulta sa takot at posibleng kawalan ng trabaho ng mga ito. Kabilang dito ang mga manggagawa ng Wyeth Philippines Inc. at Nexperia Philippines, Inc. Samantala, pormal na inendorso ni Hernandez noong kasagsagan ng kampanya si Sara Duterte para sa pagka-bise presidente sa pamamagitan ng pagdeklara sa kanya bilang “adopted daughter” ng Laguna. Sinuportahan din nito ang kandidatura ni Marcos Jr. para sa pagkapangulo. Matapos ang naganap na halalan, nanguna sina Marcos Jr. at Duterte sa karera ng pagka-presidente at bise-presidente sa Laguna.
Dinastiya sa Batangas
Tambalang Mandanas-Leviste ang muling mamumuno sa Batangas matapos magwagi sina Dodo Mandanas at katambal nitong si Mark Leviste sa pagka-gobernador at bise-gobernador. Ito ang ikatlong termino ni Mandanas at ikalawa naman ni Leviste. Hindi na bago ang apelyidong Mandanas sa politika sapagkat dati ring kongresista ng Marinduque at second nominee ng Anakalusugan Party-list ang asawa ni Dodo Mandanas na si Regina Reyes-Mandanas, bago ito pumanaw noong ika-5 ng Mayo. Samantala, ang angkan naman ng mga Leviste ay itinuturing na prominenteng politikal na pamilya sa Batangas. Nanungkulan bilang gobernador nang 24 taon ang patriyarkang si Feliciano “Sanoy” Leviste sa Batangas. Nanungkulan din bilang gobernador ang tiyuhin ni Mark Leviste na si Antonio Leviste, mula 1972 hanggang 1980. Si Antonio Leviste ay dating asawa ni Senador Loren Legarda bago ang naganap na annulment noong 2008. Nahatulang guilty si Antonio Leviste sa pagpatay sa kanyang aide noong 2007. Taong 2013 nang siya ay makalaya. Binigyan ng parole si Antonio Leviste sa kabila ng paglabas-pasok niya sa New Bilibid Prison (NBP) nang hindi awtorisado ng kapulisan. Samantala, sumabak na rin sa politika ang anak ni Mark Leviste na si Ronin Leviste bilang kasalukuyang bise-alkalde ng Lian, Batangas. Dati namang Board of Investments Governor ang ama ni Mark Leviste na si Conrad Leviste, samantalang dating konsehal ng Lipa ang kanyang inang si Patsie Leviste. Matatandaang nakitaan ng 84 kilo ng shabu na nagkakahalagang P420 milyon ang poultry farm na pagmamay-ari ni Conrad Leviste, na kakambal ni Antonio Leviste. Agad pinabulaanan nina Mark at Conrad Leviste ang paratang na mayroon silang kinalaman sa nasabing illegal drug trade sa kanilang pagmamay-aring poultry farm. Kabilang din sa mga miyembro ng angkan ng mga Leviste na dating nasa larangan ng politika ay sina dating Senior Provincial Board Member Sany Leviste, dating kongresistang si Expedito Leviste, at mga dating Constitutional Convention (Con-Con) Delegates na sina Joey at Oscar Leviste. Samantala, sa kanyang bagong termino, patuloy na isinusulong ni Mandanas ang programang HELP Batangas na naglalayong bigyang-importansya ang mga sektor ng kalusugan, edukasyon, kabuhayan, at pagpapaunlad ng Batangas. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang panggigipit sa ilang mga Batangueño. Nariyan ang malalang banta ng red-tagging at sapilitang pagpapalayas sa mga mamamayan na dulot ng pangkaunlarang agresyon.
Dinastiya sa Rizal
Nasungkit ni Nina Ynares ng National People’s Coalition (NPC) ang posisyon ng pagka-gobernador ng Rizal. Si Nina Ynares ay pumalit sa posisyon ng kanyang inang si Rebecca “Nini” Ynares. Patuloy na haharapin ni Nina Ynares ang mga banta sa kalikasan sa Rizal. Matatandaang sunod-sunod ang pag-atake sa rangers ng Masungi Georeserve, habang patuloy pa rin ang banta ng quarrying sa probinsya. Noong 2020, nag-isyu si Nini Ynares ng order na magbabawal sa pagmimina at quarrying sa Rizal. Noon namang nakaraang Hunyo, tatlong alkalde ng National Capital Region (NCR) ang naglabas ng pahayag na nag-uudyok na kanselahin ng lokal na pamahalaan ng Rizal ang quarrying agreements sa Masungi Geopark. Samantala, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng political clan ng mga Ynares matapos walang mabigo sa kani-kanilang tinakbuhang posisyon sa halalan. Ang nakababatang kapatid ni Nina Ynares na si Casimero “Jun” Ynares III ay papalit sa kanyang asawang si Andrea Ynares bilang alkalde ng Antipolo, Rizal. Si Andrea Ynares ay kapatid ni Bong Revilla na bahagi ng pinakamalaking naghaharing angkan sa Cavite. Ang ama nina Jun at Nina Ynares na si Casimero Ynares Jr. ay nanungkulan din bilang dating gobernador ng lalawigan. Matatandaang dating sinampahan ng apat na bilang ng graft si Casimero Ynares Jr. noong 2017 dahil sa umano’y overpricing ng mga fertilizer na binili ng Rizal Provincial Government noong 2004 hanggang 2005, na sakop ng kanyang panunungkulan bilang gobernador mula 2004 hanggang 2007. Samantala, wagi rin ang tambalan nina Engr. Cesar Ynares at Boyet Ynares, mga kapatid ni Casimero Ynares Jr., bilang alkalde at bise-alkalde naman ng Binangonan. Wagi naman sa pagka-bise gobernador si Junrey San Juan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP). Isang San Juan din ang manunungkulan bilang alkalde ng Cardona, Rizal na si Jun San Juan ng NPC. Kamakailan lang ay itinalaga rin ang dating bise-alkalde ng Rizal na si Engr. Frisco “Popoy” San Juan, Jr. bilang bagong general manager naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Maaalalang mula 1988 hanggang 1992, bago mabuo ang dinastiya ng mga Ynares sa pagka-gobernador, nanungkulan bilang pinuno ng Rizal ang isa pang San Juan na si Reynaldo San Juan.
Dinastiya sa Quezon
Pagtupad sa “Serbisyong Tunay at Natural” ang inaasahan ng mga mamamayan ng Quezon matapos mahalal bilang bagong gobernador ng probinsya ang dating kinatawan ng ikaapat na distrito at doktora na si Helen Tan. Saklaw ng plataporma ni Tan ang pagpapatuloy ng mga programa para sa Health, Education, Livelihood, Infrastructure, Nature and Environment, and Good Governance (HEALING) na kanyang sinimulan sa kanyang paninilbihan bilang kongresista. Papalit naman sa posisyon ni Helen Tan sa pagiging kinatawan ng ikaapat na distrito ang kanyang anak na si Mike Tan. Dating naharap sa mga reklamong administratibo at kriminal ang asawa ni Helen Tan na si Ronnel Tan, direktor ng Region 1 Department of Public Works and Highways (DPWH). Ito ay matapos umanong maghagis si Ronnel Tan ng perang nagkakahalagang P2-3 milyon upang pag-agawan ng mga bisita sa isang pagtitipon. Ayon sa nagsampa ng reklamo, nilabag ni Ronnel Tan ang Republic Act No. 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, na nagsasaad na “public officials and their families must live modest lives”. Pinabulaanan ito ni Helen Tan at dumepensang ang reklamo ay panghaharas lang sa kanila mula sa mga kalaban sa pulitika. Samantala, sa pagkapanalo bilang bagong gobernador ng lalawigan, binigo ni Tan ang re-election bid ni Danilo Suarez. Hindi rin pinalad na manalo bilang kongresista sa ikatlong distrito ang asawa ni Suarez na si Aleta Suarez, ngunit muling nanguna sa pagka-kongresista ng ikalawang distrito ang anak nilang si David Suarez. Tinalo ni David Suarez ang dating kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Proceso Alcala. Pinalitan naman ni David Suarez ang isa pang miyembro ng pamilyang Alcala na si Vicente “Kulit” Alcala. Samantala, mauupo naman bil ang bise-gobernador ng Quezon si Anacleto “Third” Alcala III ng NPC. Sa dako ng dinastiya ng mga Alcala, tambalang anak at ama ang namayagpag sa Lucena City matapos ideklarang alkalde si Mark Alcala, samantalang bise alkalde naman ang pinsan ni Third Alcala na si Roderick Alcala. Wagi rin sa ikalawang Provincial District si Vinette Alcala, na anak naman ni Vicente Alcala.
Delubyong dala ng dinastiyang politikal
Sa isinagawang pag-aaral ng Ateneo School of Government noong 2016, napatunayang mayroong tuwirang relasyon sa pagitan ng mga mahihirap na lalawigan at mga lalawigang mayroong prominenteng dinastiya.
Sa inilabas na datos ng Inquirer para sa mga taong 2007 hanggang 2016, kapansin-pansing mayroong malaking porsiyento ng mga politikong kabilang sa dinastiya at mga malalaking angkan ang namumuno sa mga pinakamahihirap na probinsya sa Pilipinas. Idiniin ng ekspertong si Ronald Mendoza, dean ng Ateneo School of Government taong 2016 hanggang 2022, ang pag-usbong ng “fat dynasties” noong rehimen ni Marcos Sr. Ayon kay Mendoza, kasabay ng pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas noong naturang rehimen ay ang pag-usbong naman ng mga dinastiyang politikal. “If you add [a] monopoly of political power and the discretion to distribute power minus accountability, the result is a lot of corruption,” dagdag pa niya. [“Kapag nagdagdag ka ng monopolyo ng politikal na kapangyarihan at ang pagpapasiyang ipamahagi ang kapangyarihan nang walang pananagutan, sangkatutak na korapsyon ang magiging resulta.”]
Marami nang naihaing bills sa Kongreso at Senado ukol sa pagbabawal ng dinastiya, ngunit nabigong maipasa ang lahat ng ito bilang batas.
“The Constitution entrusted to Congress the duty to end political dynasties. Unfortunately, we have failed in our duty and, hence, political dynasty still persists and so does poverty,” pahayag ni dating Senate Minority Leader Franklin Drilon. [“Ipinagkatiwala ng Konstitusyon sa Kongreso ang tungkuling wakasan ang mga dinastiyang politikal. Sa kasamaang palad, nabigo tayo sa ating tungkulin kaya patuloy ang paglaganap ng mga dinastiyang politikal at kahirapan.”]
Ito ay matapos ang kanyang muling paghain ng Senate Bill No. 11 sa 18th Congress noong 2019, na magbabawal sa mga dinastiyang nasa second degree of consanguinity. Sa kasalukuyan, ang nasabing bill ay pending pa rin sa Senado.
Ibig sabihin nito, karamihan sa political dynasties ay matatagpuan sa mga pinakamahihirap na probinsya ng bansa.
Bagaman nakasaad sa Artikulo II Seksyon 26 ng 1987 na Konstitusyon ang pagbabawal sa political dynasties, wala pa ring naipapasang batas na tuluyang magbabawal sa ganitong sistema sa politika.
MGA LARAWAN MULA SA:
CAVITE PROVINCIAL GOVERNMENT OFFICIAL WEBSITE GILBERT REMULLA / FACEBOOK PING REMULLA / FACEBOOK JONVIC REMULLA / FACEBOOK GOV. RAMIL L. HERNANDEZ / FACEBOOK TAGAYTAY CITY GOVERNMENT OFFICIAL WEBSITE MICHAEL “MICKO” TOLENTINO / FACEBOOK FRANCIS TOLENTINO / FACEBOOK ABRAHAM “BAMBOL” TOLENTINO / FACEBOOK ATHENA TOLENTINO / FACEBOOK ANIELA TOLENTINO / FACEBOOK RUTH MARIANO HERNANDEZ / FACEBOOK ATTY KAREN AGAPAY / FACEBOOK BATANGAS PROVINCIAL GOVERNMENT OFFICIAL WEBSITE GOVERNOR DODO MANDANAS / FACEBOOK LOREN LEGARDA / FACEBOOK MARK LEVISTE / FACEBOOK RIZAL PROVINCIAL GOVERNMENT OFFICIAL WEBSITE LPP OFFICIAL WEBSITE NINA YNARES / FACEBOOK RAMON BONG REVILLA, JR. / FACEBOOK DPWH OFFICIAL WEBSITE DOKTORA HELEN TAN WEBSITE ATORNI MIKE / FACEBOOK VICENTE J. ALCALA / FACEBOOK THIRD ALCALA / FACEBOOK CITY GOVERNMENT OF LUCENA OFFICIAL WEBSITE VINNETTE ALCALA / FACEBOOK MARK ALCALA / FACEBOOK JUN-ANDENG YNARES / FACEBOOK
Ika-124 na taon ng “huwad na kalayaan”, sinalubong ng kilosprotesta ng mga progresibo mula sa Timog Katagalugan
Iginiit ng delegasyon na ang nakalipas na 124 na taon ay pekeng kalayaan dahil sa imperyalismo at sa pagbabalik sa kapangyarihan ng alyansang Marcos-Arroyo-Duterte.
NI YANI REDOBLADO ASSOCIATE NEWS EDITOR
Nagtungo sa lansangan ang mga progresibong grupo mula sa Timog Katagalugan upang markahan ng kilos-protesta ang ika-124 na taon ng Araw ng Kalayaan, ika-12 ng Hunyo.
Paalala nila: “Bawat paggunita sa Araw ng Huwad na Kalayaan ay nagpapaalala sa atin sa mga tanikalang iginagapos tayo sa kahirapan.”
Kasama ang mga aktibista at progresibo, dinaluhan ng mga magsasaka, manggagawa, estudyante, at urban poor ang protesta sa Binakayan Market, Kawit, Cavite upang ipakita ang tunay na katayuan ng mga Pilipino at ipanawagan ang katapusan ng pasismo, pyudalismo, at imperyalismo sa Pilipinas.
Iba’t-ibang representante mula sa youth groups na Anakbayan Southern Tagalog, Gabriela Southern Tagalog, Kabataan Partylist Cavite, at Youth Advocates for Peace with Justice (YAPJUST) Southern Tagalog ang nanawagan sa mga kabataan na tumindig at isulong ang tunay na reporma sa lupa, pagpapataas ng sahod, at paggalang sa karapatang tao.
“Hindi tunay ang kalayaang tinatamasa ng ating bansa dahil mismong sa mga karapatan natin, makikita na patuloy ang mga atake hindi lamang ng mga imperyalista kundi ng mismong nasa kapangyarihan sa ating gobyerno,” ayon sa tagapagsalita ng YAPJUST ST.
Idinaing din ng mga grupong Samahang Magsasaka ng Tartaria (SAMATA) at Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang inhustisya at patuloy na kawalan ng paggalang sa karapatan ng mga magsasaka. Binigyang-diin din nila ang mga problema ng mga manggagawa sa presyo ng langis at bilihin, maliit na sahod, problema sa tubig at kabuhayan, at mahal na pamasahe.
Kinondena rin ng mga grupo ang pamamasista ng rehimeng Duterte sa masa at pagsupil sa karapatan ng mga progresibong grupo, indibidwal, at mga organisasyon.
Nagtanghal naman ang Southern Tagalog Cultural Alliance ukol sa inhustisya sa mga inosenteng taong pinaslang sa ilalim ng rehimeng Duterte. Ang Panday Sining Cavite ay nagbigay-pugay sa mga patuloy na nakikibaka upang ipaglaban ang tunay na kalayaan ng Pilipinas.
Sa Laguna, iba’t ibang sektor at grupo ang nagkasa rin ng mobilisasyon sa Los Baños at Cabuyao upang gunitain ang Araw ng Kalayaan.
“Sa isang bansang malaya, ang mga mamamayan ay hindi na kailangan pang magmakaawa para sa mga batayang serbisyong panlipunan. Ngunit dito sa Pilipinas, ang edukasyon [at] ang healthcare system ay ginagawang negosyo ng mga dambuhalang korporasyon,” pahayag ng isang kinatawan ng Lakapati Laguna.
“Kung tayo ay tunay na malaya, walang dugo na dadanak sa pagdepensa sa ating
MGA LARAWAN MULA KAY CLAIRE DENISE SIBUCAO | PAGLALAPAT NI RON JERIC BABARAN
soberanya, walang mamamayan na nagdurusa dahil sa labis na kahirapan at pananamantala na dulot ng panghihimasok ng mga dayuhang mananakop,” dagdag nila.
Bakas ng imperyalismo
“Napakaraming beses na pinatunayan na ang mamamayan ay may kadena pa rin sa kanilang mga leeg. 124 taon nang nakakalipas mula noon hanggang ngayon, walang pagbabago. Ang mahihirap ay kulong pa rin sa kahirapan buhat ng pananamantala ng imperyalistang Kano,” ani ng tagapagsalita ng Solidarity of Cavite Workers na si Marcus Confesor.
Dagdag pa ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Cavite Provincial Coordinator Jerry Caristia, mananatiling huwad ang kalayaang ipinagdiriwang nang higit sa isang siglo dahil sa impluwensya ng imperyalistang Estados Unidos sa pamahalaan.
Giit ng BAYAN Cavite sa kanilang opisyal na pahayag sa Facebook page, hindi makakamtan ng Pilipinas ang tunay na kalayaan habang hindi naitatakwil ang malalim na imperyalismo sa bansa, lalo na’t ngayon ay nagbabadya ang bagong administrasyong pamumunuan ng tambalan ng mga anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. at dating pangulong si Rodrigo Duterte.
Pahayag ng Panday Sining Cavite: “At tulad ng kanilang ama, ang tambalang Bongbong Marcos-Sara Duterte ay handang humalik sa paa ng mga dayuhan. Kamakailan lamang nang maganap ang eleksyon, tanaw pa lang ng US ang pagkaangat ng bilang ng boto kay Ferdinand Marcos Jr. bilang presidente ay agad na itong nagpakita ng suporta. Hindi ba’t hindi naman maaaring makatapak si Marcos Jr. sa Estados Unidos? Hindi malayong mangyari ang sabwatan sa pagitan nila!”
Noong Hunyo 9, sinabi ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman na maaaring gamitin ni Marcos Jr. ang kanyang diplomatic immunity upang maisagawa ang kanyang mga opisyal na tungkulin sa Estados Unidos nang walang pangambang harapin ang mga kaso laban sa kanya. Hindi pa nakahaharap si Marcos Jr. sa contempt judgment na inisyu ng korte sa Estados Unidos kaugnay ng human rights class suit laban sa ama niyang diktador. Ang halaga ng salapi kaugnay ng nasabing contempt judgment ay aabot na sa $353 milyon, o katumbas ng mahigit P18 bilyon.
Samantala, giit pa ng Panday Sining Cavite, mas lalong paiigtingin ng alyansang Marcos-Arroyo-Duterte ang walang pakundangang pang-aalipusta sa bansa ng mga tuta ng dayuhan.
Patuloy na panggigipit sa kalayaan
Sa mobilisasyon sa Los Baños, tinuligsa ng College Editors Guild of the Philippines Southern Tagalog (CEGP-ST) ang pag-atake sa mga organisasyong pang-midya sa ilalim ng rehimeng Duterte. “Walang respeto ang alyansang Marcos-Duterte sa pamamahayag kung kaya pinuno nila ang iba’t-ibang espasyo ng disimpormasyon at pinaiingay at pinapalabnaw ang mga importanteng diskusyon gamit ang mga bayarang personalidad at mga vloggers,” pahayag ng alyansa.
Ibinahagi rin ng University of the Philippines Los Baños University Student Council (UPLB USC) ang estado ng mga mag-aaral noong Batas Militar kung saan ipinagbawal ang pag-oorganisa at mga institusyon sa unibersidad na pinangungunahan ng mga lider-estudyante.
Samantala, isang kinatawan mula sa Kabataan Partylist Cavite ang nagsalita sa kilos-protesta upang tutulan ang pagtatalaga kay Sara Duterte bilang susunod na kalihim na Kagawaran ng Edukasyon. “Hanggang ngayon, patuloy pa rin tayong nagdurusa sa remote learning. Pinatunayan ng rehimeng Duterte ang pagkabulok ng sistema ng edukasyon kaya’t lalong tutulan ang pag-upo ni Sara Duterte sa Kagawaran ng Edukasyon,” aniya.
Dagdag ni Caristia sa post ng BAYAN Cavite: “Bongbong Marcos and Sara Duterte’s succession will pose a deadlier and more alarming human rights situation in the country. What happened in Tinang, Tarlac and alarming police brutality in Manila and other parts of the country is already a hint of what we should expect under the administration of Ferdinand Marcos Jr.” [“Ang pamumuno nina Bongbong Marcos at Sara Duterte ay magdadala lamang ng mas nakamamatay na human rights situation sa ating bansa. Ang nangyari sa Tinang, Tarlac at ang panghaharas ng mga pulis sa Maynila at iba pang lugar sa Pilipinas ay ilan sa mga pahiwatig ng kung ano ang maaaring asahan sa administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr.”]
Tatlong araw bago ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan, mahigit 80 magsasaka at food security advocates mula sa Brgy. Tinang, Concepcion, Tarlac ang iligal na inaresto matapos magsagawa ng bungkalan – isang paraan ng protesta kung saan iginigiit ng mga pesante ang kanilang pagmamay-ari sa lupain. Itinuturing ito ngayon bilang “single biggest mass arrest” sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Noong Hunyo 12, tagumpay na napalaya mula sa pagkakulong ang 83 na indibidwal matapos ang pag-isyu ng release order ng Municipal Trial Court, na noong una ay hinarang pa ni Philippine National Police (PNP) Concepcion acting police chief Reynold Macabitas.
Noong Hunyo 11 naman ay marahas na dinampot at inaresto ang environmental defender na si Daisy Macapanpan sa Pakil, Laguna, na itinuring ng YAPJUST UPLB bilang pagpapakita ng takot nina Duterte at Marcos sa mga tagapagtanggol ng kalikasan at karapatang pantao.
Bago ang panghaharas at pag-aresto ay nagsalita si Macapanpan sa isang pagtitipon hinggil sa pagpapatayo ng Ahunan Pumped-Storage Hydropower Project. Ang proyekto ay pinangangambahang magiging sanhi ng pagbaha sa mga karatig-bayan ng Sierra Madre dahil sa pagpuputol ng puno at pagkasira ng kalikasan. Kasama si Daisy sa mga nagpepetisyong Pakileño sa pagtigil ng pagpapatayo ng nasabing Hydropower Project.
Samantala, matatandaang noong ika-25 ng Mayo ay ilang riot police naman ang gumamit ng water canons upang harangin ang mga indibidwal at grupong nagprotesta sa Commission on Human Rights (CHR) laban sa mga anomalya kaugnay ng nakaraang eleksyon.
“Hindi pa man nakauupo ang tambalang Marcos-Duterte, talamak na paglabag sa karapatang pantao ang isinasagawa sa iba’t ibang panig ng bansa bilang paghahanda sa kanilang paghalili kay Rodrigo Duterte. Tiyak, walang ibang aasahan ang mamamayang Pilipino mula sa susunod na administrasyon kundi higit na pagkalugmok ng mga batayang sektor sa pagpapatuloy ng kanilang pagpapakatuta sa US-China,” pahayag ng Anakbayan Cavite.
Giit din nila na sa sunod-sunod na paglabag sa karapatang pantao ay walang ibang aasahan sa sambayanang Pilipino kundi ang mas mahigpit na pagtangan sa nagkakaisang layunin na pagkamit sa tunay na pambansang demokrasya. [P]
ONLINE
uplbperspective.org
Taunang ST Pride, inilunsad upang isulong ang karapatan ng LGBTQ+ community, tutulan ang tambalang Marcos-Duterte
Layunin ng Pride Month na lumaban para sa tunay na paglaya ng LGBTQ+ community, at maging ang paglaya ng bansa mula sa patriyarkal na lipunan.
NI RAINIE EDZ DAMPITAN STAFF WRITER
Nagtipon noong ika-28 ng Hunyo ang iba’t ibang progresibong grupo at indibidwal sa Carabao Park, UPLB upang ipagdiwang ang taunang Southern Tagalog Pride March na may temang “LGBT of Southern Tagalog, Speak Now! RAMPA PARA SA KINABUKASAN, KALAYAAN, AT KATOTOHANAN!”.
Layunin ng Pride Month na lumaban para sa tunay na paglaya ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ+) community, at maging ang paglaya ng bansa mula sa patriyarkal na lipunan at talamak na pekeng balita at disimpormasyon sa ilalim ng bagong administrasyon na pangungunahan ng tambalan ng mga anak ng pasistang Marcos-Duterte.
Kabilang sa mga layunin ng Pride March ay ang pakikiisa sa laban para maipatupad ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill, na naglalayong bigyan ng ligal ng proteksyon mula sa anumang diskriminasyon ang isang indibidwal batay sa kanilang SOGIE. 12 beses na itong inihain sa Kongreso sa loob ng dalawang dekada ngunit hindi pa rin naipapasa.
Ayon sa tagapagsalita ng UPLB Babaylan, nararapat na patuloy ang panawagan laban sa kahit anong porma ng diskriminasyon, at ang paglaban para maipasa ang SOGIE Bill at mga transgender and non-conforming policies sa UPLB.
Matatandaang ipinasa sa ika-52 na General Assembly of Student Councils (GASC) noong
LARAWAN MULA KAY CLAIRE DENISE SIBUCAO
nakaraang Pebrero ang Resolution 2022-005 o “A Resolution to Amplify Campaigns for Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, and Sexual Characteristics (SOGIESC) and the Institutionalization of UP KASARIAN as a Gender Alliance.”
Samantala, nagkaroon din ng Pride Fair sa Los Baños noong ika-24 hanggang ika-25 ng Hunyo, na may iba’t ibang aktibidad gaya ng human immunodeficiency virus (HIV) screening at pagbebenta ng mga produktong lokal.
Ang ST Pride ay nagsimula noong 2011, kung saan nagmartsa ang mga progresibong organisasyon ng Timog Katagalugan, sa pangunguna ng UPLB Babaylan, upang magprotesta para sa pantay-pantay na karapatan ng mga Pilipino, anuman ang kanilang kasarian.
Sa pamamagitan din nito, naitatag ang ST Pride Alliance na binubuo ng LGBTQ+ organizations at mga institusyong nananawagan para sa pagkakapantay-pantay ng karapatan at pagwawakas ng gender-based violences.
Noon pa man ay walang habas na ang paglapastangan sa mga miyembro ng LGBTQ+ community, kagaya na lang ng pagpaslang sa transwoman na si Jennifer Laude. Binigyan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pardon si Joseph Pemberton, na pumatay kay Laude. Nariyan din ang pagkitil sa mga buhay ng mga lider-estudyante at miyembro ng LGBTQ+ community na sina Ian “Ka Danoy” Maderazo at Kevin “Ka Facio” Castro.
Dagdag din ng Gabriela Youth Laguna sa kanilang opisyal na pahayag sa Facebook, marapat na paigtingin ang kampanya laban sa rehimeng Marcos-Duterte at labanan ang iba’t-ibang anyo ng karahasan laban sa LGBTQ+.
Ani naman ng Lakapati Laguna, “Sinasabi ng pamahalaan na ang bakla raw ang umaagaw ng lakas, pero kung titignan natin, ang pamahalaan, ang umiiral sa sistema sa lipunan – sila ang umaagaw ng lakas ng mga magsasaka, ng mga manggagawa, mga kababaihan, at mga mag-aaral sa buong bansa.”
Isang kinatawan naman mula sa sektor ng mga manggagawa ang nagsalita tungkol sa araw-araw na pagdurusa ng mga mamamayan sa pagpila sa mga terminal, sa gastos sa konsumo at pamasahe. Ipinanawagan nila ang pagsuspinde sa EVAT at excise tax sa langis, pati ang pagbasura sa oil deregulation laws na nagpapahirap sa mga mamamayan.
Samantala, binigyang-diin naman ng Kabataan Partylist ST na ang Pride ay isang deklarasyon ng laban para sa kalayaan.
“Sa pagmamartsa ng mga Pilipinong LGBT ngayong buwan at maging sa mga susunod pa, nagsisilbing deklarasyon ang Pride na hindi kailanman mapipigilan ang pagnanais ng sangkabaklaan at ng mga mamamayan na makamit ang mga karapatan at kalayaang nais matamasa,” ani ng grupo. [P]
Flores de Endo, idinaos ng grupo ng mga manggagawa upang ipanawagan ang pagtaas ng sahod, pagwakas sa kontraktwalisasyon
NI ARON JAN MITCHELL SIERVA NEWS EDITOR
Sa pangunguna ng Alyansa ng Manggagawa sa Probinsya ng Laguna (ALMAPILA), inilunsad ng mga manggagawa ang Flores de Endo sa Department of Labor and Employment (DOLE) Laguna Provincial Office noong ika31 ng Mayo.
Ang protesta ay ikinasa upang patuloy na ipanawagan ang pagtaas ng sahod, pagbaba ng presyo, at pagwakas sa kontraktwalisasyon.
Binigyang-diin ng isang tagapagsalita na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang panggigipit sa mga manggagawang Pilipino.
“Dito sa ating rehiyon, nananatiling mababa ang pasahod sa mga manggagawa. Naglalaro po sa P300 hanggang P400 ang sinasahod ng mga manggagawa, na kung tutuusin ay hindi sasapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga pamilya,” dagdag pa niya.
Sa katunayan, ayon sa think tank na IBON Foundation, nasa sa P1065 ang family living wage, o ang halaga ng salaping kinakailangan ng bawat pamilya upang magkaroon ng disenteng pamumuhay araw-araw. Ang kakulangan ng sahod ay lubha pang pinalala ng pandemya.
Binigyang-diin naman ng tagapagsalita ng Liga ng mga Manggagawa para sa Hanapbuhay na hindi maipagkakaila ang malaking ambag ng mga manggagawa para sa ekonomiya ng bansa.
“Mga kasama, lagi nating tandaan na ang mga manggagawa ay isa sa nagpapaunlad ng ating bansa, sa pamamagitan ng kinakaltas na buwis para sa ating gobyerno [...] Maninindigan tayo sa ating mga batayang karapatan para sa regular na hanapbuhay,” aniya.
Samantala, binigyang-linaw naman ng Nexperia ang kontraktwalisasyong patuloy na nagpapahirap sa mga manggagawa. Panawagan nilang maparasuhan ang mga kapitalistang hindi sumusunod sa mga batas.
“Ipatupad na ang regularisasyon na dapat ay matagal nang nakamtan ng mga manggagawa sa ating probinsya,” panawagan ng tagapagsalita ng ALMAPILA.
Kaliwa’t kanang pag-atake
Patuloy rin ang pagdanas ng pang-aabuso ng mga manggagawa. Noong Marso 2021, pinaslang ang mga lider-manggagawang sina Manny Asuncion at Dandy Miguel.
Patuloy rin ang panghaharas at umano’y pagbisita ng kapulisan sa bahay ng mga lider-manggagawa, katulad halimbawa ni Anakpawis Partylist Laguna Coordinator Red Clado. Inakusahan siya bilang high-ranking official umano ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Samantala, ikinuwento naman ng tagapagsalita mula sa NutriAsia kung paano sila nakaranas ng panghaharas mula sa hanay ng kapulisan, matapos silang magkasa ng kilos-protesta noong ika-6 ng Hulyo, 2019. Anila, binuwag ng kapulisan ang hanay ng mga nagmobilisa, habang binugbog pa ang ilan sa kanila.
Ayon sa Facebook post ng Anakbayan Southern Tagalog noong 2019, noong panahong ikinasa ng mga manggagawa ang kilos-protesta, nasa 1000 manggagawa ang kontraktwal. Hindi rin umano tama ang pagbabayad sa overtime at nagkakaroon pa ng mga iligal na deduction para sa uniporme at annual physical examination.
“Nandito kami upang itambol at isigaw na kami ay ibalik na sa pagawaan bilang mga regular na manggagawa!” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ng mga manggagawa na hindi ipinagbabawal ang pagbuo ng mga unyon, subalit sa kabila nito, patuloy pa rin ang insidente ng mga red-tagging, iligal na pag-aresto, at pagpatay sa hanay ng mga lider-manggagawa.
“Isang malaki at importanteng pahayag na kahit anong gawing paniniil, pananakot, paninira, at pag-atake, sama-sama pa rin pong titindig ang manggagawang Pilipino kasama ang iba’t-ibang sektor sa ating bansa upang ipaglaban ang sahod, trabaho, at karapatan.”
Mga progresibong grupo, patuloy na nananawagan sa paglaya ng inarestong environmental defender
Pilit idinadawit ng awtoridad si Vertudez “Daisy” Macapanpan sa isang 2008 rebellion case na nakapangalan sa isang “Tian/Tiyang/ Tyang/Tsen”, ngunit mariin niya itong pinabulaanan.
NI ALEX DELIS STAFF WRITER
Noong ika-12 ng Hunyo, nagsagawa ng press conference ang Defend Southern Tagalog, kasama ang mga progresibo at makakalikasang grupo, upang ipanawagan ang agarang paglaya ng environmental defender na si Vertudez “Daisy” Macapanpan mula sa kamay ng pulisya.
para sa mga nagtatanggol ng mas matiwasay at [mas] masaganang bukas para sa ating lahat,” giit ni Victoria Lavado, representante ng Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Timog Katagalugan (BALATIK), sa naganap na press conference.
Ito ay matapos iligal at marahas na inaresto ang biktima noong ika-11 ng Hunyo sa kanyang bahay sa Pakil, Laguna ng humigit-kumulang 24 na elemento ng Philippine National Police-Special Action Force (PNPSAF) nang walang anumang ipinakitang arrest warrant.
Kinilala ang biktima na dating propesor ng humanidades sa UP Baguio at tagapayo ng Outcrop, na opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng nasabing unibersidad, noong Dekada ‘80.
Si Daisy ay isa ring tagapagtanggol ng kalikasan at masugid na kritiko ng Ahunan Pumped-Storage Hydropower Project o Ahunan Hydropower Plant na itatayo sa bahagi ng Sierra Madre, partikular sa ibabaw ng bayan ng Pakil. Mariin ang pagtutol ng environmental advocates at mga mamamayan sa nasabing planta dahil sa magiging epekto nito sa kalikasan.
Kung itinuturing nilang krimen ang pagtatanggol sa kalikasan at interes ng mga katutubo, ito po ay naglalahad kung anong klaseng gobyerno ang mayroon tayo
Mga iregularidad sa pag-aresto
Sa nasabing press conference, isinalaysay ng pamangkin ng biktima na si Ryan Macapanpan ang serye ng mga pangyayari noong araw ng pag-aresto kay Daisy.
Nagkaroon umano ng pagtitipon sa Pakil Church ang mga residente kasama si Daisy, umaga ng Hunyo 11. Ito ay isang people’s consultation na pinangunahan ng biktima upang talakayin ang kanilang pagtutol sa pagpapatayo ang nasabing planta.
Noong hapon matapos ang konsultasyon, dumating ang hindi bababa sa 24 na PNP-SAF bitbit ang kanilang mga matataas na kalibre ng baril at sapilitang inaresto si Daisy. Wala rin umanong ipinakitang arrest warrant ang kapulisan at hindi rin binasahan ng karapatan ang biktima.
Mariing kinondena ng mga progresibo at makakalikasang grupo ang naturang pag-aresto. Ayon sa kanila, ito ay isang malinaw na pag-atake sa mga tagapagtanggol ng kalikasan.
Pahayag ng Kalikasan People’s Network for the Environment (PNE), “overkill” ang pagpapadala ng mahigit 20 PNP-SAF upang arestuhin ang isang 68-anyos na babae. Dagdag pa nila, puno ng mga iregularidad ang naganap na pag-aresto.
Sa panayam ng paralegal team ng Karapatan Southern Tagalog (ST), kinumpirma ng alkalde ng Pakil na si Vincent Soriano, maging ang chairman at konsehal ng Brgy. Burgos, na hindi umano ipinabatid ng PNP-SAF sa local government units (LGU) ang pag-aresto sa biktima.
Mariing kinondena ng naturang organisasyon ang anila’y kawalan ng koordinasyon ng kapulisan sa LGU hinggil sa naganap na pagdakip. Ayon sa kanila, ito ay isang “breach in protocol”.
Inilabas din ng Karapatan ST sa kanilang Facebook post ang bahagi ng liham galing kay Daisy, kung saan isinalaysay niya ang kanyang naging karanasan sa kamay ng pulisya sa General Nakar.
Ayon sa biktima, pilit na idinidikit sa kanya ang alyas na “Tian/Tiyang/Tyang/Tsen” na dawit umano sa 2008 rebellion case, na mariin naman niyang pinabulaanan.
Isinalaysay rin ni Daisy ang intimidasyon na ginawa ng mga pulis sa kanya at sa kanyang abogado, sa kabila ng kawalan ng matibay na ebidensya na ipinaparatang sa kanya.
Hinarang umano ng hepe ng General Nakar police station na si P/Lt. Jo T. Alvarez ang mga pangangailangang medikal at paralegal ng biktima. Iniipit din umano ni Alvarez ang pagkuha ng abogado ni Daisy ng mga dokumento tungkol sa nangyaring pagdakip. Ilang beses din daw pinagpabalik-balik ng hepe ang letter of request na isinumite ng abogado at inakusahan pang paso ang lisensya nito.
Hindi rin pinayagan ng istasyon na makipag-usap si Daisy sa Commission on Human Rights (CHR). Hinarang din ang pagdalaw ng mga kaanak ng biktima.
Samantala, iginiit ni Daisy sa kanyang liham na ang nangyaring iligal na pag-aresto ay dahil sa kanyang pagtindig laban sa itatayong Ahunan Hydropower Plant sa kanilang bayan.
“Tulungan niyo po akong kagyat na makalabas ng kulungan dahil wala po akong kasalanan… Tulungan niyo po akong makalaya para patuloy [na] makalahok sa pagsisikap na mapigilan ang pagtatayo ng malaking dam sa Sierra Madre, sa Pakil, Laguna, at iba pang lugar,” panawagan ng biktima sa kanyang liham.
Dambuhalang panganib
Ang Ahunan Hydropower Plant ay may kabuuang lawak na 299.4 ektarya at pinaplanong itayo sa munisipalidad ng Pakil, Laguna. Sakop ng proyekto ang apat na barangay sa Pakil kabilang ang Baño, Burgos, Rizal, at Taft. Layunin nitong maging isa sa mga pangunahing suplay ng kuryente sa Luzon, partikular sa pangangailangan ng mga kumpanyang pinaaandar ng kuryente.
Nagkakahalagang $1.1 bilyon ang nasabing proyekto na popondohan ng JBD Water Power Inc. at Prime Metro Power Holdings. Nakatakdang simulan ang naturang proyekto sa first quarter ng 2023 at inaasahang matatapos sa 2027.
Ayon sa pahayag ng Ahunan Power, mahalaga umano ang makukuha nitong hydropower energy upang masolusyonan ang mga suliranin sa climate change at akses sa enerhiya.
Subalit giit ng mga progresibong grupo, ang pagpapatayo ng naturang planta ay magkakait ng libreng akses sa tubig ng mga residente at magdudulot ng pagkatuyo ng mga anyong tubig sa lugar.
Ayon pa sa praymer na inihanda ng Protect Sierra Madre for the People (PSM) noong Pebrero 2022, ang pagpapatayo ng dam o hydropower plant ay magdudulot ng pagputol sa mga puno at pagyanig ng paligid dahil sa konstruksyon. Magdudulot din ang nasabing proyekto ng pagkasira ng tirahan ng mga halaman at hayop sa kabundukan.
Matapos maipatayo ang dam, magdudulot din ito umano ng pagbaha dahil sa paglihis ng agos sa loob at ilalim ng kabundukan. Posible ring magkaroon ng landslides at flashfloods sa lugar.
Paliwanag ng PSM, malaki umano ang posibilidad na bumaha sa mga mabababang lugar na nakapaligid sa Lawa ng Laguna sa oras na maipatayo ang Ahunan Hydropower Plant. Ito ay dahil mayroon na ring dalawang dam sa lugar na nagdudulot ng pagtaas ng lebel ng tubig sa lawa – Kaliraya Dam at Botocan Dam.
Kabilang din ang Pakil sa mga lugar na mayroong moderate to high seismicity dahil sa presensya ng active faults at subduction zones sa 150-km radius ng lugar. Ibig sabihin nito, maaaring makaranas ng lindol sa lugar na pagtatayuan ng planta na magiging delikado sa mga residente roon.
Bukod sa mga nakaambang peligro sa kalikasan, isa rin sa mga ipinaglalaban ng mga Pakileño ay ang pagiging sagrado ng lugar kung saan itatayo ang dam. Sagrado kung ituring ng mga katutubo at residente ng lugar ang bundok ng Ping-as sa ibabaw ng Pakil, kung saan idinadaos ang “Ahunan sa Pingas” tuwing huling Sabado ng Mayo, na isang pagpupuri sa kabanalan ng lugar.
Dahil dito, patuloy ang pangangalampag ng mga residente ng Pakil na pigilan ang nasabing proyekto. Nagkaroon ng samu’t-saring petisyon para sa pagtutol dito.
Kabilang ang alkalde ng Pakil na si Soriano sa mga patuloy na itinutulak ang proyekto sa kabila ng mga hinaing ng kanyang mga nasasakupan.
Matatandaang naglabas ng pahayag ang nasabing alkalde noong Araw ng Kalayaan hinggil sa warrantless arrest kay Daisy na hindi umano dumaan sa due process. Isang araw matapos ang kanyang pahayag, ipinaliwanag ni Soriano na nakatanggap umano siya ng mensahe mula sa “kababayan na aktibo pa sa serbisyo” na nagsasabing ang pagkakaaresto kay Daisy ay dahil umano sa pagiging top-ranking communist nito, at walang kinalaman sa pagiging environmental defender niya.
Taliwas ito sa sinasabi ng mga kaanak ng biktima at mga progresibong grupo. Idiniin nilang ang naturang pagdakip ay parte ng matinding crackdown laban sa environmental defenders at mga katutubo.
“Sana po ang hustisya ay bumalik sa matahimik at napakagandang bayan ng Pakil… Sinira po ito ng katakawan sa salapi ng kung sinumang pulitikong ganid. Gusto nilang sirain ang aming bundok na minana pa namin sa aming mga ninuno,” saad ng pamangkin ni Daisy.
Ilang dekada nang nakikipaglaban ang mga katutubo at residenteng naninirahan sa kahabaan ng Sierra Madre bunsod ng mga industriyalisadong proyektong itatayo sa bulubundukin. Sa kasalukuyan, niraratsada na ng pamahalaan ang pagpapatayo sa Kaliwa Dam, sa kabila ng banta nito sa Sierra Madre at sa kabuhayan ng mga katutubong Dumagat.
LARAWAN MULA SA KARAPATAN TK / FACEBOOK
ONLINE
uplbperspective.org
UPLB student leaders recount student militancy leading to victory of #OccupySU campaign
Former USC Chairpersons Bongon and Severino revisit the history of how students asserted their rights amid narrowing democratic spaces.
BY YANI REDOBLADO ASSOCIATE NEWS EDITOR
With the gradual return to limited face-to-face activities, UPLB students sustained the tradition of the #OccupySU campaign after students stayed in the Student Union (SU) Building from June 6 to June 17.
This was after the Learning Resource Center (LRC) approved the request of the University Student Council (USC) to open the learning hub at the SU Building 24 hours a day during the finals week of the second semester of A.Y. 2021-2022, marking the end of the second fully-online academic year in UPLB.
The SU Building, which was built as a student center in the 1960s, has always been recognized as a place for student activities. With this, the #OccupySU campaign aims to unite the students in the call for a genuine student center and continue to fight for their democratic rights. Specifically, the campaign calls for a student center that can cater to and prioritize the needs of the students who need Internet access and study areas.
The pandemic worsened the already existing challenges of learning, resulting in students who resort to going out of their homes just to find a suitable study area. Such challenges include Internet connectivity issues, unfavorability of the learning environment at home, and limited financial capability for utility bills, among others.
In an interview with the Perspective, BS Agriculture student Mj Flores said that the opening of the learning hub is helpful for students residing near the campus who are trying to reduce their electric consumption, or may not find their apartments conducive for learning and are then forced to go to cafés.
Former USC Chairperson Siegfred Severino added that being forced to go outside puts the students at risk: “Given na dis-oras na rin ng gabi, medyo threatening sa safety ng students kasi, halimbawa ‘yung mga GEs [General Education courses] at ‘yung mga practice ng mga performances, sa halip na secured sila [students] sa loob ng SU, napipilitan silang [students] lumabas sa campus.”
Both former USC Chairpersons Severino and Jainno Bongon stated that the administration under former Chancellor Fernando Sanchez Jr. was strict in implementing the 10 PM curfew. This led to numerous attacks against the campaign with closing of lights and countless dialogues with university police over curfew.
Struggle for a genuine student center
The #OccupySU campaign started in 2014, only that it was different from how the campaign is being conducted at present. Bongon said that it was a time when the student institutions, USC and the Perspective, faced removal of their offices from the Student Union Building.
“The issue at that time was pinapaalis ‘yung
PHOTOS BY CLAIRE DENISE SIBUCAO
offices ng student instis [institutions]. So, ang ginawa ng USC ay nag-stay tayo sa SU kasi kailangan i-defend na ‘yung mga opisina ng mga estudyante ay manatili sa Student Union Building, because ang proposal ng [UPLB] admin at that time ay i-move ‘yung student offices to a more remote location,” he recalled.
Back then, students successfully asserted that the institutions remain at the SU Building. Two years later in 2016, the campaign was relaunched with Rise for Education Alliance - UPLB (R4E UPLB) spearheading #OccupySU, giving students a venue to hold academic and extracurricular activities.
On May 19 and September 7, 2017, a guard on duty at the SU Building turned the lights off and pressured students to leave as soon as possible despite assertions of the UPLB USC, while another guard unplugged the extension cords of students from its socket located near the entrance of the building.
R4E UPLB reported that after being confronted, the guard said that a certain “Orly’’ from the Business Administrations Office (BAO), now Business Affairs Office, ordered the unplugging. The said extension cords were used by students who were at the SU for charging laptops while working on academic requirements.
In 2018, the UPLB administration filed Student Disciplinary Tribunal (SDT) cases against members of the USC at that time for trumpedup charges of harassment, disrespect, and even “unauthorized use” of the Student Union Building during the #OccupySU campaign.
Political organization Samahan ng Kabataan para sa Bayan (SAKBAYAN) wrote in a Facebook post that in several dialogues, the former UPLB administration maintained its position that curfew hours need to be observed, citing the safety and security of students.
On November 15, 2019, the University Police Force (UPF) turned the lights off despite the presence of students doing their academics, organization works, and practice at the building.
Severino also said in the interview that there were instances where students are asked to turn in their IDs.
“Sobrang lala ng anti-student policies during the #OccupySU campaign [in 2019] [...] Minsan hinaharas pa sila [students] na kinukuha ‘yung IDs nila, kinukuha ‘yung names, tapos ire-report sa OSA [Office of Student Affairs],” Severino added.
SAKBAYAN added that the former UPLB administration ”pit its constituents against each other”, as guards were reprimanded for being unable to keep students out of the SU, while “stern warnings were given to student leaders who militantly assert for the students’ center”.
Bongon said that although dialogues were held between students and Chancellor Sanchez, the chancellor had no definitive disagreement towards the campaign.
However, the UPLB administration’s contentions manifested in the attempts to keep students out of the building: “Makikita mo talaga ‘yung contention ng administration sa kampanyang ‘yon [dahil] pinapatayan kami ng ilaw, tinatanggalan ng kuryente ‘yung buong SU.”
As a response, the students persisted in occupying the student center with or without the administration’s approval.
“Hindi nagpapatinag ‘yung mga estudyante, kasi gabing-gabi na tapos papaalisin sila. Saan nila tatapusin ‘yung mga acads, activities nila e mas hindi safe sa labas,” Severino said.
Solidarity amid narrowing democratic spaces
During the #OccupySU campaign, UPLB is no stranger to food pantries and communal initiatives. Despite the attacks, Severino said that students feel a sense of community.
“Nakikita ‘yung community ng UPLB, na ‘yung Acad Union natin [at] mga orgs, nagbibigay sila ng food [for students], as in may pantry talaga,” Severino said.
For the duration of the campaign from June 6 to June 17, various student and faculty organizations, individual faculty members and administrative staff, and unions donated food, money, and supplies among others to sustain the days and nights when students stayed at the SU Building.
The incumbent and former USC chairpersons and R4E UPLB acknowledged that the recent campaign victories and developments were due to years of student militancy and assertion, as well as close coordination with the UPLB administration under Chancellor Jose Camacho Jr.
“It goes hand in hand: ‘yung nabuo nating alliance with the new [UPLB] administration and also ‘yung history ng militancy na pinakita ng mga student leaders para i-assert na 24/7 student center dapat ang Student Union Building,” Severino said.
Bongon also asserted: “Commendable na ‘yung administration ngayon ay pinapayagan ‘yung pag-stay lagpas ng curfew sa SU, pero lagi nating ibalik na ang tagumpay na iyon ay sa mga estudyante na mula pa noon ay ipinaglalaban na magkaroon ng student spaces.”
R4E UPLB also recognizes institutions like the Office of the Vice Chancellor for Student Affairs (OVCSA) who “remain steadfast in genuinely representing the students, and the Academic Union of UPLB who continuously fight for our democratic rights”.
Moreover, Severino also said that the recent “genuine opening” of the Student Union Building during the finals week of the second semester of A.Y. 2021-2022 is a testament to the possibility of a wider access to the building in the future.
“Malaki pa ‘yung pwede natin i-improve para magawa talaga natin na 24/7, hindi lang kapag hell week, pwedeng mag-stay ‘yung students sa SU,” he said.
Bongon stressed the need for the SU Building to remain open for students to convene and mobilize as the Marcos-Duterte tandem seeks to narrow democratic spaces.
“We’re expecting [that] under a Marcos-Duterte administration, mas paghihigpitan pa ‘yung mga estudyante. We’ve seen recent red-tagging spree ng both camps against students and faculty of the university. Kailangan mapangatawanan ng Student Union Building ‘yung purpose kung bakit siya andiyan: maging tahanan ng mga inaapi. Especially na may history siya, diyan nag-convene ang mga former student leaders para pangunahan ‘yung kampanya kontra Ferdinand Marcos Sr,” Bongon said. [P]