2
N E WS
M A Y-J U N E 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G
Mga progresibo sa Timog Katagalugan, nagprotesta laban sa maanomalyang eleksyon Samantala, binigyang-linaw naman ng fact-checking teams ang pagkalat ng mga pekeng balita, disimpormasyon, at malawakang pagbaluktot ng kasaysayan na nakatulong sa pagkapanalo ng anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. NI EJ LASANAS STAFF WRITER
sa isang pahayag.
Makinarya ng disimpormasyon
N
aglunsad ng “Black Friday protest” ang iba’t-ibang sektor sa harapan ng Cultural Center of the Philippines (CCP) noong ika-13 ng Mayo upang kondenahin ang mga anomalya sa nakaraang halalan. Nagsimula ang mga mobilisasyon noong gabi ng ika-9 ng Mayo, araw ng botohan. Nagpatuloy ito kinabukasan sa Commission on Elections (COMELEC) office sa Intramuros, Maynila, kung saan nanawagan ang mga nagprotesta para panagutin ang COMELEC sa maanomalyang eleksyon. Tinuligsa rin ng mga nagprotesta ang pagbabalik ng Marcos-Duterte tandem sa Malacañang. Ang mga ama nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Pangalawang-Pangulong Sara Duterte ay kilala sa mga paglabag sa karapatang pantao sa kani-kanilang administrasyon. Ang Batas Militar ni Marcos Sr. ay nagbunsod sa libo-libong kaso ng arbitrary arrests at detentions, tortyur, desaparecidos, at pagpatay. Samantala, ang Drug War naman ni Rodrigo Duterte ay nagbunsod sa pagkakapatay ng humigit-kumulang 30,000 indibidwal, ayon sa Center for International Law (Centerlaw). Noong ika-17 ng Mayo, natanggap ng Korte Suprema ang isang petisyong naglalayong kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Marcos Jr. Ang nasabing petisyon ay nauna nang inihain noong Nobyembre ng isang grupo ng civic leaders, na inungkat ang tax conviction ni Marcos Jr. Noong 1995, nahatulang guilty si Marcos Jr. para sa hindi niya pagbabayad ng buwis at sa hindi niya pagsasaayos ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985. Kinumpirma rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Presidential Commission on Good Government (PCGG) na sinubukan nilang kolektahin ang estate taxes ng mga tagapagmana ni Marcos Sr. – sina Imelda Marcos at Marcos Jr – na hindi pa rin nababayaran. Sa tantiya ng mga abugado, pumalo na sa mahigit P200-bilyon ang utang ng mga Marcos. Samantala, maliban sa pagkondena sa pagbabalik ng Marcos-Duterte, ipinagsigawan din ng mga nagprotesta ang “COMELEC palpak!” noong araw ng mobilisasyon. Libo-libong mga anomalya sa buong bansa ang naiulat noong mismong araw ng botohan.
Laksa-laksang anomalya Iniulat ng election watchdog na Kontra Daya Southern Tagalog (ST) sa isang Facebook post noong ika-9 ng Mayo ang 272 na anomalya sa buong Timog Katagalugan kaugnay ng eleksyon. 100 vote-counting machine (VCM) errors ang naiulat sa rehiyon habang halos 2000 makina naman ang nag-malfunction sa buong bansa. Dagdag pa rito, may mga kaso ng invalid ballots at paper jams ang naitala. Naiulat ding kaso ang mga hindi binasang boto ng mga VCM, lalo na sa mga pangalan ng ilang mga kandidato sa pagka-senador.
DATOS MULA SA KONTRADAYA ST | PAGLALAPAT NI ANGELYN CASTILLO
Bunsod ng mga anomalya, ilang botante ang hinimok na iwan na lang ang kanilang mga balota. Idiniin naman ng Kontra Daya na nararapat lang na bigyan ng karapatan ang mga botante na sila mismo ang magpadaan ng kanilang mga balota sa makina at makatanggap ng resibo. Ito ay matapos sabihin ni COMELEC Commissioner George Garcia na wala umanong “choice” ang mga botante kundi iwan ang mga balota sa Board of Election Inspectors (BEIs) dahil sa bawat anomalya ng mga VCM. Bagaman maaaring pahintulutan ng mga botante ang pagpapadaan ng kanilang balota sa mga BEI sa pamamagitan ng paglagda sa isang waiver, inirekomenda ng election watchdog na pinakamainam pa ring hintaying magawa o mapalitan ang mga VCM upang sila mismo ang maglagay ng kanilang balota sa mga makina. “We cannot blame voters for refusing to leave their ballots to the BEI because of the general distrust with the automated polls,” ani ng Kontra Daya sa isang Facebook post. [“Hindi natin masisisi ang mga botante sa kanilang hindi pagpayag na iwan ang kanilang balota sa BEI, dulot ng kawalan ng tiwala sa automated polls.”]
Mga paglabag at kaso ng karahasan 46 na paglabag sa proseso ng botohan ang naiulat sa buong Timog Katagalugan. Sa ilang mga probinsya, ipinamahagi ang campaign flyers sa mismong araw ng botohan. Naiulat din ang illegal campaigning, sapagkat may sample ballots at campaign materials pa ring ipinamahagi sa mismong araw ng halalan. Sa Cavite, may ipinamahaging salaping nakasobre. Sa Laguna naman, bigas at pera ang ipinamahagi kasama ng campaign materials. Sa Quezon, ilang botante ang sinabihang magtungo sa barangay outpost, kung saan sila maaari umanong pumirma upang makatanggap ng salapi. Samantala, may naiulat na 42 kaso ng karahasan sa Timog Katagalugan na may
kaugnayan sa halalan. May mga pulis at militar sa ilang presinto. Naiulat din na ang ilang mga pulis ay kumukuha umano ng litrato ng mga balota. Sa Rizal naman, naiulat ang presensya ng mga armadong pulis. Ayon sa Kontra Daya Southern Tagalog, mahigpit na ipinagbabawal ang mga pulis sa loob ng voting at poll-watching site. Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10728, sa araw ng halalan, walang sinuman ang pinapayagang magbitbit ng armas. Maliban dito ang mga regular na miyembro ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at ibang law enforcement agencies na inatasan sa kanilang trabaho sa mismong araw ng halalan. Idinagdag ng resolusyon na dapat na unipormado ang pulisya, at ang kanilang pagganap ay sang-ayon sa pagtatalaga ng COMELEC. Samantala, may naitala ring insidente ng red-tagging sa Timog Katagalugan. Kabilang na rito ang mga tarpaulin na ni-red-tag ang mga progresibong party-list mula sa Makabayan Bloc. Kaugnay pa nito, isang araw bago ang halalan, nagpatawag ng emergency press conference ang Makabayan Bloc upang kondenahin ang pagkalat ng isang pekeng COMELEC resolution na nagpapahayag ng pagka-diskwalipika umano ng party-lists ng Makabayan Bloc, at ni senatorial candidate Neri Colmenares. Sinabi ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate na tiyak silang ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nasa likod nito, bilang talamak ang panre-red-tag ng nasabing task force sa mga progresibong grupo at indibidwal. “Apila namin sa COMELEC na sunsunin ito at kasuhan ang mga nagpakana dahil malala nitong ginamit ang logo at letterhead ng komisyon sa mga pekeng dokumento at umasta talagang mula sa kanila. Misyon talaga nitong linlangin ang mga botante, at isabotahe ang kandidatura ng mga progresibong party-list at ni Neri Colmenares,” dagdag pa ni Anakpawis National President Ariel Casilao
Samantala, binigyang-linaw naman ng fact-checking teams ang pagkalat ng mga pekeng balita, disimpormasyon, at malawakang pagbaluktot ng kasaysayan na nakatulong sa pagkapanalo ni Marcos Jr. Ayon sa ulat ng Rappler, mas pinalakas ang disimpormasyon at historical distortion sa social media, at karamihan dito ay may kaugnayan sa mga Marcos at Batas Militar. “Sinalaula na ng kampanyang Marcos-Duterte ang eleksyong 2022 maraming taon bago pa ito nagsimula. Nagpapakalat sila ng baha ng palsong balita, baluktot na kasaysayan, at walang basehang paninira’t red-tagging,” pahayag ng Akademya at Bayan Laban sa Disimpormasyon at Dayaan (ABKD). Ang mga pahayag ay sumusubok na baguhin ang kasaysayan sa pamamagitan ng pagkakalat ng mga maling impormasyong pinapalabas nila bilang “katotohanan”, at siyang itinatago umano sa publiko ng mga historyador. Ginawa ito upang linisin ang imahe ng mga Marcos, at lubha itong nakatulong sa kanilang pagbabalik sa Palasyo. Kabilang pa sa mga propaganda ang pagtanggi sa mga kaso ng pagnanakaw at paglabag sa karapatang-pantao noong panahon ng Batas Militar. Nagkalat din ang mga impormasyon tungkol sa mga pekeng parangal ni Marcos Sr. Kaugnay nito, sa fact-checking naman ng Tsek.Ph, iniulat nila ang maraming pagtatangka sa social media ng pagbura sa “discreditable record” ni Marcos Sr. “The martial law fact checks indicated how disinformation was used to rehabilitate Marcos who held power from 1965 to 1986 when he was ousted by the people-led uprising. The Marcos dictatorship was responsible for human rights violations, extrajudicial killings, press censorship and plunder. It also plunged the country into an economic crisis,” pahayag ng Tsek.Ph. [“Ang fact-checks kaugnay ng Batas Militar ay nagpakita kung paano ginamit ang disimpormasyon upang pabanguhin ang imahe ni Marcos. Ang diktadurya ni Marcos ay nagbunsod sa maraming paglabag sa karapatang pantao, extrajudicial killings, pagpapatahimik sa midya, at mga kaso ng pandarambong. Ang Batas Militar din ang nagdulot ng krisis pang-ekonomiya sa bansa.”] Ang mahabang kasaysayan ng makinarya ng disimpormasyon ni Marcos Jr. ay kanyang napakinabangan para sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo ng bansa. “Nagbuhos sila ng milyon-milyon sa makina ng disimpormasyon hanggang halos hindi na makaagapay ang mga nagtataguyod ng katotohanan at mga mananalaysay ng mga tunay na kwento ng bayan,” pahayag ng ABKD sa kanilang Facebook page. “Ang mga bihasa sa pagnanakaw ay nakakagawa ng bagong mga paraan para magnakaw ng eleksyon,” dagdag pa ng ABKD. A K A D E M I YA AT B AYA N K O N T R A D I S I M P O R M A S Y O N AT D AYA A N ( A B K D ) PAHAYAG