M AY 1 3 , 2 0 2 2
UPLB PERSPECTIVE
M A G S U L AT. M A G L I N G KO D . M A G PA L AYA .
UPLB PERSPECTIVE.ORG
B A L I TA | 2- 6
HAL AL AN 2022, PUNO N G A N O M A LYA
L AT H A L A I N | 7- 8
DEFEND SOUTHERN TA G A LO G
O P I N YO N | 9 -1 1
B U LO K N A M A K I N A R YA NI MARCOS
E D I TO RYA L | 12
2
B A L I TA
UPLBPERSPECTIVE .ORG
M AY 1 3 , 2 0 2 2
Halalan 2022, puno ng anomalya; kilos-protesta laban sa electoral fraud, ikinasa sa harap ng COMELEC Malawakang kilos-protesta ang naganap sa buong bansa, kabilang na sa harap ng mismong opisina ng COMELEC, para labanan ang naturang electoral fraud na pumapabor sa pagkapanalo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mabilisang transmission ng resulta ng eleksyon. Ilang anomalya sa eleksyon ang naiulat sa buong Timog Katagalugan sa araw mismo ng botohan, katulad ng mga sirang vote-counting machines (VCM), mga namarkahang balota, at sari-saring karahasan sa eleksyon. Mahigit 1000 na ulat ang naberipika ng election-watchdog na Kontra Daya. Iba pang uri ng anomalya ay mga ulat ng vote receipt incompatibility, vote-buying, flying voters, terror-tagging, iligal na pangangampanya, at pagkaputol ng kuryente. Mahigit 100 na pagkakamali sa VCM ang naganap sa Timog Katagalugan kabilang na ang mga hindi gumaganang makina. Halos 2000 na VCM naman ang nag-malfunction sa buong bansa. Sa kabila nito, walang naging tugon ang Commission on Elections (COMELEC). “Nag-malfuction ang karamihan ng mga VCM. Sa kalakhang mga presinto, sinabihan nalang ng EB [Electoral Board] ang mga botante na iiwan ang kanilang mga ballot para sa EB nalang ang mag-batch process,” saad ng Kontra Daya Southern Tagalog sa kanilang summary report. Samantala, nakapagtala rin ng aabot sa 46 na mga paglabag sa batas sa rehiyon katulad ng pamimigay ng campaign flyers sa mismong araw ng botohan, at paggamit ng cellphone sa loob ng presinto. Dumating din sa atensyon ng Kontra Daya ang insidente ng mga gurong
sumisigaw umano ng “Bongbong” sa loob ng voting area. Naiulat din ang mga kaso ng vote-buying sa pamamaraan ng mga sobreng may pera at bigas na may kasamang pangangampanya. Aabot sa siyam na kaso nito ang naitala sa mga lugar ng Cavite, Laguna, at Quezon. Samantala, may mga ‘di-unipormado at armadong pulis naman ang namataaan sa loob ng mga presinto sa lugar ng Cavite, Laguna, Batangas, at Quezon. Aabot naman sa 42 ang naitalang kaganapan ng karahasan sa Timog Katagalugan. May mga insidente rin ng red-tagging na naitala. May mga tarpaulin na tahasang ni-red-tag ang mga progresibong partylist at mga tumatakbong senador na inendorso o nagmula sa progresibong grupong Makabayan Bloc. Kaugnay nito, malawakang kilos-protesta ang naganap sa buong bansa, kabilang na sa harap ng mismong opisina ng COMELEC, para labanan ang naturang electoral fraud na pumapabor sa pagkapanalo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mabilisang transmission ng resulta ng eleksyon. Lamang din ang running mate niyang si Sara Duterte para naman sa pagkabise-presidente. Binigyang-diin ng ibang mga nagproprotesta na nakapagtataka ang naging bilis ng resulta sa kabila ng mga anomalya at mga sirang VCM, lalo na dahil hindi nagbigay ng dahilan o pa-
hayag ang COMELEC ukol dito. Sa partial, unofficial tally mula sa COMELEC transparency server, mahigit 16 milyong boto ang lamang ni Marcos Jr sa kalabang si Leni Robredo. Ito ay sa kabila ng pagtanggi ni Marcos Jr na dumalo sa mga debate, at sa kabila ng mga kontrobersiyang kinaharap ng kaniyang pamilya: ang korupsyon at human rights violations sa ilalim ng administrasyon ng ama niyang diktador, at ang utang na P203-bilyong estate tax ng pamilya Marcos. Ayon sa imbestigasyon ng Rappler, ginamit ng kampo ni Marcos Jr ang social media upang magpalaganap ng kasinungalingang pabor sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
Takot sila sa kung ano ang kayang gawin ng mga masang Pilipino na inoorganisa! Hindi lang tayo magpapatalsik ng presidente. Magpapatalsik din tayo ng bisepresidente! pahayag ng tagapagsalita ng Kabataan Partylist Southern Tagalog sa mobilisasyon sa Liwasang Bonifacio noong ika-10 ng Mayo [P].
UPLBPERSPECTIVE .ORG
B A L I TA
M AY 1 3 , 2 0 2 2
3
Mga unyonista, magsasaka sa Laguna, daing ang panghaharas ng mga pwersa ng estado Patuloy na hiling ng mga apektadong sektor ang kagyat na pagresponde ng mga maluluklok sa pwesto, at ang pagtupad ng mga ito sa mga pangako sa kanilang paglilingkuran.
S
a gitna ng ingay ng halalan, patuloy pa rin ang nakabibinging katahimikan ng mga lokal na opisyal sa mga suliraning nararanasan ng mga mamamayan ng Laguna. Nagdulot ng matinding panganib sa mga unyonista ng Laguna ang sunod-sunod na pag-red-tag ng mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Kabilang sa mga nakaranas nito ay mga unyonista ng Wyeth Philippines, Nexperia Philippines, at Coca-Cola Santa Rosa Plant. Simula nang maipatupad ang Executive Order No. 70 o ang pagbuo ng NTF-ELCAC at ang Senate Bill No. 1083 o Anti Terror Law sa ilalim ng administrasyong Duterte, naging laganap ang red-tagging ng estado sa mga progresibong indibidwal. Matatandaang inaresto sa Cabuyao ang mga unyonista at progresibong sina Steve Mendoza at Elizabeth “Mags” Camoral, maging si Nimfa Lanzanas ng Kapatid Southern Tagalog sa Calamba, noong nagkaroon ng isang organisadong crackdown noong ika-7 ng Marso. Ang crackdown na ito na tinawag na Bloody Sunday massacre ay nagbunsod din sa pagpatay sa siyam na progresibo sa Timog Katagalugan. Sa probinsya ng Laguna, kabilang sa mga principal authors ng Anti-Terrorism Act
sina 1st District Representative Dan Fernandez na nabigong makuha ang pwesto sa Sangguniang Panlalawigan ngayong eleksyon at si 2nd District Representative Ruth Mariano-Hernandez na kalaunan ay binawi ang kanyang authorship sa batas. Nagwagi sa parehong posisyon ngayong halalan si Mariano-Hernandez na asawa ng kasalukuyang gobernador ng Laguna na si Ramil Hernandez. Muli ring nagwagi si Ramil Hernandez sa kanyang ikahuling termino ng pagka-gobernador ngayong eleksyon, kung saan nakalaban niya ang kinatawan ng ikatlong distrito ng Laguna na si Sol Aragones at independent candidate Berlene Alberto. Noong kasagsagan ng kampanya, inendorso ni Hernandez ang pagtakbo ng anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Jr. sa pagka-pangulo. Nagpasa rin ito ng resolusyong gawing adopted daughter ng Laguna ang anak ng kasalukuyang pangulo na si Sara Duterte-Carpio, na nanalo bilang katambal ni Marcos Jr. sa pagka-bise presidente. Samantala, matatandaan ding sunod-sunod ang pagputok ng mga isyung panggigipit at panghaharas sa mga residente at magsasaka ng Sitio Buntog nitong nakaraang taon. Nagkaroon ng serye ng pagsusunog at paninira ng mga kabahayan, maging ang pagbugbog at pananakot ng mga goons sa mga residente at magsasaka. Ang Sitio Buntog ay parte ng Hacienda
Yulo estate na pinaplanong tayuan ng mga komersyalisadong proyekto ng mga Yulo-Ayala. Kasalukuyang alkalde ng Calamba si Justin “Timmy” Chipeco nang mangyari ang mga insidenteng ito. Nabigong makuha ni Chipeco ang pagiging district representative ng Calamba ngayong halalan, samantalang nabigo rin ang kanyang kapatid na si Joey Chipeco sa posisyong maging alkalde ng Calamba. Si Ross Rizal ang nanalo bilang bagong alkalde ng nasabing lungsod. Bukod sa mga eksena ng panghaharas, malaking dagok sa mga taga-Laguna, lalo na sa mga residenteng naninirahan malapit sa lawa, ang patuloy na pagbaha sa kanilang komunidad, mahina man o malakas ang pag-ulan. Maituturing ding suliranin ang mga komersyalisadong proyektong nais ilunsad malapit sa lawa. Sa termino ni Pangulong Duterte, inilunsad ang expressway na nagngangalang Laguna Lakeshore Road Network (LLRN) Project. Mariing kinondena ng mga grupo ng mangingisda ang proyekto dahil sa masasamang epektong maidudulot nito sa kabuhayan at tirahan ng mga residente at mangingisda. Maaari rin nitong mapalala ang pagbaha sa mga komunidad malapit sa lawa. Ngayong tapos na ang Halalan 2022, patuloy na hiling ng mga apektadong sektor ang kagyat na pagresponde ng mga maluluklok sa pwesto, at ang pagtupad ng mga ito sa mga pangako sa kanilang paglilingkuran. [P]
4
B A L I TA
UPLBPERSPECTIVE .ORG
M AY 1 3 , 2 0 2 2
Impyerno sa paraiso: Ang Quezon sa gitna ng panghaharas at militarisasyon Iba’t-ibang personalidad mula sa mga progresibong grupo sa Quezon ang nagbahagi ng mga malalagim na isyung patuloy na gumugulo sa probinsyang kinikilala nila bilang paraiso.
“Isa sana itong [Quezon] masiglang lupa ng mga masisipag na magsasaka [...] pero dahil sa mga banta sa buhay, nagmumukhang lugar ng ligalig. Nalulungkot ang mga magsasakang ayaw sana mag-bakwit [evacuate] pero naoobliga sila dahil ang kanilang paraiso, ginagawang impyerno ng militarisasyon.” Ito ang pahayag ni Victoria Lavado, na mula sa Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Timog Katagalugan (BALATIK) at convenor ng Tanggol Magsasaka Timog Katagalugan (TMTK), tungkol sa patuloy na panghaharas sa Quezon. Maiuugat ang kasaysayan ng militarisasyon sa probinsya sa rehimen ni Ferdinand Marcos Sr., kung kailan puwersahang kinolekta sa mga magniniyog ang coco levy funds. Napunta ang mga pondong nakolekta para sa mga personal na interes nina Eduardo “Danding” Cojuangco Jr., pamilyang Marcos, at iba pa nilang kaalyado. Ibinunyag ng pangrehiyong
tagapag-ugnay ng TMTK na si Ka Orly Marcellana ang paggamit sa usapin ng coco levy funds upang i-red-tag ang mga magsasakang nananawagan sa pamamahagi ng kinurakot na pondo. Samantala, umabot na rin sa pagpatay ang ilang operasyon ng militar sa probinsya; kabilang dito ang dalawang sibilyang magsasakang sina Jorge Coronacion at Arnold Buri. Patotoo pa sa malalang militarisasyon sa probinsya ang serye ng pambobomba at strafing ng militar noong Pebrero 2021, kung saan mahigit 26,000 na indibidwal ang nalagay sa peligro. Binigyang-diin ni Romeo Jara, tagapagsalita ng Anakbayan Quezon, na maliban sa malubhang trauma na nararanasan ng mga mamamayan dahil sa pambobomba, apektado rin ang kabuhayan ng mga residente. Apektado rin ng militarisasyon sa Quezon ang mga indigenous peoples (IP) sa kanilang laban kontra sa mga kapitalista at sa mismong gobyerno. Patuloy na tinututulan ng indigenous group na mga Dumagat ang Kaliwa Dam, proyektong bahagi ng programang “Build, Build, Build” ng administrasyong Duterte, na nagbabanta ng pagkasira sa kalikasan at pagyurak sa karapatan ng mga IP. Noong Enero 28, 2022, nagpatawag ng mahigit 100 na Dumagat ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para sa paglagda ng memorandum of agreement (MOA) sa
pagitan ng mga IP at ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS). Isiniwalat ng mga grupo ng IP na piling mga lider lang na sang-ayon sa Kaliwa Dam ang tanging inimbitahan ng NCIP, samantalang sinuhulan pa umano ang ibang mga Dumagat upang pumirma sa kasunduan. Noong Marso 7, 2021, kabilang ang mga Dumagat na sina Randy at Puroy dela Cruz sa siyam na progresibong pinaslang sa Bloody Sunday massacre sa Timog Katagalugan. Sinubukan ng Perspective na kunan ng pahayag si Gob. Danilo Suarez, ngunit hindi nagbigay ng tugon ang kaniyang panig tungkol sa kasalukuyan niyang tindig sa isyu ng Kaliwa Dam. Nabigo sa re-election si Suarez sa nagdaang eleksyon, kung saan tinalo siya ni Doktora Helen Tan sa pagkagobernador sa Quezon. Isa ang mga Suarez sa hindi bababa sa 18 na political families na mayroong dalawa o higit pang miyembro na nasa Kongreso, ayon sa in-depth report ng Rappler noong Agosto 30, 2019. Samantala, hiling ni Lavado na patampukin ang panawagang palayain ang mga katutubong bilanggong-pulitikal at magkaroon ng pakikiisa sa pagtutol sa Kaliwa Dam. “Sabay-sabay nating ipanawagan na ang lupang ninuno, depensahan [at] ipaglaban. Tumindig tayo sa hanay ng mga katutubo na hanggang ngayon ay nakakaranas ng malaking diskriminasyon at hindi nilulubayan ng mga paglabag sa mga karapatang pantao.” [P]
UPLBPERSPECTIVE .ORG
B A L I TA
M AY 1 3 , 2 0 2 2
5
Ang laban ng Batangas para sa makataong pamamahala Sa gitna ng mga demolisyon at sapilitang pagpapalayas, kasabay pa ng panghaharas sa mga mamamayang tumitindig para sa kanilang karapatan,hiling ng mga Batangueño ang pagpapatupad ng mga maka-mamamayang polisiya at isang makataong pamamahala.
A
ng mga bagong halal na opisyales s a B a t a n g a s ay maraming kakaharaping problema sa rehiyon: ang pagpapalayas ng mga mamamayan, pagkawala ng hanapbuhay, pagbakwit ng mga pamilya sa Taal, at ang paglabag ng mga pwersa ng estado sa karapatang pantao ng mamamayan. Laganap sa Batangas ang pangkaunlarang agresyon. Sa Sitio Maligaya, San Isidro Sur, Sto. Tomas, Batangas, giniba ang mahigit 20 tirahan upang magbigay-daan sa pagpapatayo ng Malvar-Sto. Tomas Diversion Road. Ito ay ginawa umano nang walang abiso o kompensasyon sa mga residente – isang malinaw na paglabag sa Urban Development and Housing Act. Tinanggalan din ng kabuhayan ang ilang manininda matapos palayasin ang ilang mamamayan sa piyer ng Batangas upang bigyang daan ang renobasyon ng binansagang “white elephant project” na Batangas Provincial Livelihood Center (BPLC). Maaari pa itong makasira sa kalikasan dahil sa pagtambak ng lupa at semento sa pangisdaan, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Batangas. Ilan din sa mga kababayan nating Batangueño ay hirap pa rin bunsod ng kamakail-
ang pagputok ng Bulkang Taal – dahilan upang sila’y sapilitang lumikas sa kanilang mga tahanan. 81 pamilya o mahigit 200 tao ang hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakakauwi sa kanilang tirahan. Mayroon pa ring mga pamilya na hanggang ngayo’y hindi pa rin nakatira sa ipinangakong pabahay ng gobyerno mula pa noong pag-alburoto ng bulkan noong 2020. Higit sa lahat, matinding karahasan ang nararanasan ng mga Batangueño mula sa estado. Nariyan ang iligal na pagpasok ng kapulisan sa bahay ni Lino Baez, coordinator ng BAYAN Batangas. Sinampahan si Baez ng mga gawa-gawang kaso. Samantala, iligal namang inaresto ang mga magbubukid na sina Lando Obal at Gilbert Orr. Dagdag pa rito, isang taong nakulong si Lamberto Asinas sa kabila ng walang-batayang pag-red-tag sa kaniya. Noong Bloody Sunday massacre, walang habas na pinatay ang mag-asawang progresibong sina Chai at Ariel Evangelista, na kaisa sa pakikibaka ng mga mamamayan sa Hacienda Looc na tutol sa pagpapatayo ng agropolitan residential subdivision. Hamon sa mga nahalal sa pwesto na lutasin ang mga suliraning ito at paglingkuran ang tunay na interes ng mga mamamayang Batangueño, sapagkat panahon na upang kumalas mula sa sistemang mapang-api sa mga tao. Sa nakaraang halalan, nanguna pa rin sa botohan ang incumbent Gob. Hermilando “Dodo” Man-
danas sa pagka-gobernador ng lalawigan. Siya ang tagapamahala ng Regional Development Council (RDC) na nangangasiwa sa flagship projects sa ilalim ng Build! Build! Build! Program sa Timog Katagalugan. Gayunpaman, ilang mga programang pang-imprastruktura mismo katulad ng Malvar-Sto. Tomas Diversion Road ang lubhang nakaaapekto sa buhay at kabuhayan ng mga Batangueño. Samantala, ayon naman sa Anakbayan Batangas, nagpalala sa patuloy na red-tagging at witch hunting sa mga progresibo ng Batangas ay ang paglagda sa “Stable Internal Peace and Security” Memorandum of Agreement sa pagitan ng mga opisyales ng lalawigan at Armed Forces of the Philippines (AFP) noong ika-10 ng Marso. Ang paglagda ay pinangunahan nina Gob. Mandanas at 2nd Infantry Division, Philippine Army Major General Greg Almerol. Hamon sa bawat mamamayan na patuloy na panagutin ang mga hinalal na opisyal ng gobyerno. Patuloy na panawagan ng mga Batangueño ang pagwawakas sa pagpapatupad ng mga hindi maka-mamamayang proyektong nagsisilbi lang para sa iilang makakapangyarihan. [P]
ONLINE Basahin ang mga nauugnay na balita sa aming website https://uplbperspective.org/
6
B A L I TA
UPLBPERSPECTIVE .ORG
M AY 1 3 , 2 0 2 2
Medical mission sa Quezon, ni-red-tag ng militar Matapos ang panggugulo sa isinagawang medical mission ng KASAMA-TK noong ika-10 ng Abril, tahasang ni-red-tag ng militar ang UPLB Perspective at mga progresibong grupong nagbalita ng insidente. “Hindi lamang mga mamamahayag ang minamaliit sa lantarang panghaharas ng estado, ipinagkakait din nito ang tapat at totoong impormasyon na kailangan ng mamamayan para sa mapanuri at demokratikong pag-iisip.” Bahagi ito ng pahayag ng UPLB Perspective [P] bilang tugon sa pag-red-tag ng 201st Infantry “Kabalikat” Brigade, Philippine Army sa nasabing pahayagan at iba pang mga progresibong grupo. Kabilang sa mga grupong ito ang Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK), Kabataan Partylist, at Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Laguna, na binansagan ng 201st Infantry Brigade bilang front organizations ng Communist Party of the Philippines - New People’s Army - National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Ito ay bunsod ng pagbabalita ng [P] tungkol sa libreng medical mission ng KASAMA-TK para sa mamamayan ng Agdangan, Quezon noong ika-10 ng Abril, kung saan nanggulo ang mga militar ng 85th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Naglagay rin ang militar ng tarpaulin na may nakasaad na mga katagang “Joint Medical Mission of Kasama-TK and 85IB, 2ID,PA”, kahit na itinanggi kalaunan ng KASAMA-TK ang kaug-
nayan ng mga militar sa kanilang proyektong tulong-medikal. Bagamat tinangkang tanggalin ito ng mga organisador ng medical mission, pinagmatigasan umano ng mga sundalo na ikabit ang nasabing tarpaulin. Sa ibinahagi sa [P], nilinaw ni Jerry Luna, taga-pangulo ng KASAMA-TK, na hindi kailanman makikipagtulungan ang kanilang organisasyon sa militar para maisagawa ang tulong-medikal. “Hindi kami makikipagtulungan sa berdugong AFP na pumatay sa isang daan na mga magsasaka, lalo na ang 201st [Infantry] Brigade,” aniya. Maliban sa pagkakabit ng tarpaulin, kinuhanan din ng mga militar ng bidyo ang mga volunteers at medical personnel, pati na rin ng litrato ang listahang naglalaman ng pribadong impormasyon ng mga pasyenteng kabilang sa tulong-medikal. Pinagtawanan umano ng militar ang isang pasyenteng kinakailangang isugod sa emergency room dahil may malubha itong karamdaman. Dagdag pa ng KASAMA-TK, nagkaroon din umano ng checkpoint sa Agdangan, Quezon matapos ang medical mission, kung saan binabantayan ng militar ang mga organisador at mga boluntaryong lumahok sa aktibidad. Anila, binisita rin ng mga sundalo ang mga bahay ng mga magsasaka upang interogahin sila tungkol sa nangyaring medical mission. Bagamat unang iginiit ng militar na “joint” ang nasabing
medical mission, kalaunan ay nagsalita naman ang 201st Infantry Brigade na nagsasabing expired umano ang mga gamot na ipinamahagi sa programa. Taliwas sa mga akusasyon ng 201st Infantry Brigade, agad namang inihain ng KASAMA-TK ang mga resibo ng biniling gamot mula ika-9 ng Abril hanggang sa araw na ginanap ang medical mission. “Patunay ito na bagong bili ang mga gamot. Hindi galing sa medical mission ng KASAMA-TK, ng mga pribadong donor at kabahaging organisasyon ang mga pinalulutang na mga ‘expired na gamot’ sa Facebook post ng 85th IB at 201st IB,” giit ng samahan sa kanilang pahayag noong ika-15 ng Abril. Dagdag pa ng KASAMA-TK, nakipag-diyalogo rin sila sa mga lokal na opisyal at munisipyo upang alamin kung ano ang mga pangunahing pangangailangang medikal ng mga mamamayan ng Agdangan. Samantala, nag-akusa rin ang militar na layunin umano ng KASAMA-TK na linlangin ang mga mamamayan sa Agdangan, Quezon upang makuha ang suporta ng mga ito para sa rebolusyonaryong kilusan. “Kahit sa pakanang red-tagging, intimidasyon, at pagkaepal ng AFP sa Quezon, mananatili kaming lingkod ng mga magbubukid sa probinsya at sa Timog Katagalugan,” huling mensahe ng KASAMA-TK sa kanilang bukas na liham. [P]
UPLBPERSPECTIVE .ORG
L AT H A L A I N
M AY 1 3 , 2 0 2 2
DEFEND
7
SOUTHERN TAGALOG! PAKIKIBAKA NG TIMOG KATAGALUGAN SA UNANG ARAW NG MALAWAKANG MOBILISASYON SA MAYNILA
Bunsod ng katatapos na Eleksyon na kinakitaan ng maraming mga porma ng iregularidad, dinala ng mga kilusang grupo mula sa rehiyon ng Timog Katagalugan ang kanilang laksang hinaing tungong Liwasang Bonifacio at Intramuros, Maynila, upang ipanawagan ang hinalang pandaraya, kapalpakan ng Commision on Elections (COMELEC) at paparating na delubyong pamamahala sa ilalim ng tambalang Marcos-Duterte sa Unang Araw ng malawakang mobilisasyon noong Mayo 10. Mariing tinututulan ng mga progresibo ang naging resulta ng halalan dahil muli, binigo ng COMELEC ang taumbayan sa pagsisigurong patas at maayos ang Eleksyon. Ayon sa Kontra Daya Southern Tagalog, naitala sa rehiyon ang 272 kaso ng mga anomalya sa pagsasara ng Eleksyon — isang manipestasyon ng hinihinalang manipulasyon ng boto na siyang salik sa napipintong pagkapanalo ng anak ng diktador na si Ferdinand “ Bongbong” Marcos Jr, bilang Pangulo at Sara Duterte bilang Bise Presidente. Subalit, ang nasabing protesta ay hindi lamang pagkondena sa palpak na Eleksyon at ang nakakatakot na pagpapalit-pahina ng administrasyon, kundi naging daluyan rin ito ng panawagan laban sa pandarahas at inhu
tisya na nararanasan ng iba’t ibang mga sektor sa rehiyon. Banta sa Aktibismo “Di kami papayag na ang susunod na manunungkulan ay manloloko, korap at diktador at di kami papayag na magpapatuloy ang legasiya ng kahirapan at pagpatay, hustisya pa rin lalo na sa mga aktibista ng Timog Katagalugan; panahon na ang nakalilipas ngunit malinaw pa rin ang alaala ng Bloody Sunday Massacre dito sa aming rehiyon”, sigaw ni John Peter Angelo Garcia, Chairperson ng Youth Advocates for Peace with Justice (YAPJUST) mula Laguna. Aniya, mas magiging karumal-dumal ang pandarahas, pagdakip, at pagkitil sa buhay ng mga aktibista at mga uring manggagawang nag aalsa sa Pamahalaang Marcos— mas malala pa sa Bloody Sunday Massacre, isa sa madugong isyu ng pagpatay sa rehiyon na kumitil ng siyam na aktibista at anim na sapilitang pagkakakulong. Nilimot na Kasaysayan Ayon naman kay Jerry Caristia, tagapagsalita ng Bagong Alyansang Makabayan-Cavite, isang pambababoy ang naging proseso at kinahinatnan ng Eleksyon, dahil aniya’y nakalulungkot tanggapin na hindi na tayo natuto mula sa madilim na bahagi ng kasaysayan. “Bilang isang guro, muli, dapat ipaalala palagi
ang kahalagahan ng Batas Militar ngayong lantaran tayong dinaya ng mga Marcos, ipinagkait sa atin ang demokrasya! Hindi pa tapos ang laban, nagsisimula pa lamang tayo”, mariing pahayag ni Caristia sa Liwasan. Tabi, Tabi, Dadaan kami! Mula sa Liwasang Bonifacio, dinala muli ng Timog Katagalugan ang kanilang panawagan sa Intramuros sa pagtatangkang puntahan ang COMELEC subalit hinarang ito ng hanay ng mga pulis na may pagbabantang takutin ang mga raliyista gamit ang kanilang armas at trak. Subalit, nanatili ang tikas ng mga lider ng mga progresibo—naglunsad ng programa ang mga ito sa harap ng mga kapulisan sa pag asang mamumulat rin sila. Hindi man naging maganda ang tugon ng mga ito ngunit batid ng mga lider ng rehiyon na naiparating nila ang kanilang mga panawagan sa malinaw at pinakamalakas na kaparaanan. Malayo man ang pinanggalingan, pagod at paos man ang inabot, at may panganib man sa buhay, tangan pa rin ng mga progresibong grupo ng Timog Katagalugan ang paninindigang lumabas ng lansangan at kolektibong lumaban, dahil hindi lamang dito nagtatapos ang mobilisasyon—simula lamang ito nang mas radikal, masidhi at rebolusyonaryong paglaban para sa bayan. [P]
8
L AT H A L A I N
UPLBPERSPECTIVE .ORG
M AY 1 3 , 2 0 2 2
Ang “Katotohanan” sa Likod ng Election Polls Bago pa man itiman ang bilog sa balota, mahalagang pakinggan masa sa pamamagitan ng mga election polls. Sinasabing ang dagundong ng boses ng masa ay maririnig sa mga polls na ito; ngunit gabundok na katanungan ang kaakibat nito, lalo na kung hindi nasasalamin ng polls ang “katotohanan” ng bawat isa. Samu’t-saring katanungan, pagdududa, at mga pangamba ang kaakibat ng election polls dahil sa diumanong kakayahan nito na ikondisyon at impluwensiyahan ang pag-iisip ng masa. Laganap sa buong midya ang iba’t ibang mga balita tungkol sa naganap na eleksyon noong ika-9 ng Mayo. Sa kasalukuyan, ang eleksyon na ito ay laman pa rin ng mga balita sa iba’t ibang mga plataporma. Sa mga isinagawang poll surveys ng Pulse Asia at SWS mula Oktubre hanggang Marso 2021, makikitang nasa rurok ng kompetisyon ang tambalang Marcos-Duterte. Kung ikukumpara ang mga poll surveys na ito sa kasakaluyang partial and unofficial count ng eleksyon, hindi maikakaila ang malaking pagkakawangis ng mga ito. Kapansin-pansin ang malayong agwat ng tambalang Marcos-Duterte na mayroong mahigit sa kalahati ng nakuhang boto ng tambalang Robredo-Pangilinan, ang kanilang pinakamahigpit na katunggali. Hindi rin nalalayo ang sitwasyon sa karera sa pagka-senador. Hindi kumakawala
sa labing-apat na pangalan ang laman ng mga senatorial polls na pareho lamang sa labing-dalawang nangunguna sa kasalukuyang tally ng halalan, liban na lamang kina Bautista at Binay. Kaugnay nito, kapansin-pansin ang pagkakaiba ng polls galing sa mga unibersidad at ng mga mainstream polls. Karamihan ng mga sarbey sa unibersidad ay nangingibabaw sina Robredo at Pangilinan. Sa karera naman ng pagka-senador, si Risa Hontiveros lamang ang tanging kandidato na laman din ng parehong mainstream at university polls. Ang malayong pagkakaiba ng mga ito ay manipestasyon ng magkakaibang kagustuhan at pangangailangan ng iba’t ibang mga sektor ng lipunan. Sa pagsapit ng dulong yugto ng halalan, ang mga suliranin na kaakibat ng pakikilahok sa proseso ng demokrasya ay unti-unting lumilitaw. Habang ang makinarya ng eleksyon ay hawak ng mga oligarko at pasista tulad ng Marcos-Duterte, patuloy ang mga anomalya at hadlang sa pagboto ng masa. Bunsod ng mga kadahilanang ito, laganap pa rin ang mga suliraning pang-halalan, kung saan pare-parehong mga mukha at pangalan pa rin ang naghahari sa ating bansa. Ang katotohanan sa likod ng mga poll at sarbey ay nakadepende kung paano ito titingnan - alinman sa pagtanggap o mariing pagtanggi sa resultang tila nabahiran ng mga anomalya. Nakakalungkot man isipin, ang mga poll surveys na ito ay maaaring
magsilbing kasabwat upang malayang dayain ang halalan bunsod ng manipulasyon na dulot nito sa isip ng mga tao. Isang malaking hamon ang pagkuwestiyon sa resulta ng halalan sapagka’t nabahiran na ng mga poll surveys ang kaisipan ng publiko. Sakaling may anomalya o pandarayang naganap, tila mahirap na ito paniwalaan lalo’t iisa ang naging resulta ng poll surveys at ng halalan. Tila sinasagot ng mga polls ang “paano”, habang sinasagot naman ng boses ng masa ang “bakit” ng kakaharaping resulta ng halalan. Sa kabila nito,
hindi pa rin nararapat na ituring bilang isang doktrina ang mga poll surveys tuwing halalan sapagka’t ito ay maaaring mabaluktot Nananatiling isang malaking katanungan pa rin kung sinasalamin ng boses ng masa ang resulta ng poll surveys o kung naimpluwensiyahan ng poll surveys ang boses ng masa. Upang masagot ang katanungang ito, nanaisin mo pa rin bang makibahagi sa mga poll surveys?
ONLINE Basahin ang mga nauugnay na balita sa aming website https://uplbperspective.org/
UPLBPERSPECTIVE .ORG
O P I N YO N
M AY 1 3 , 2 0 2 2
9
N O F U RY SO LO U D
Nasa peligro ang estado ng edukasyon Dalawang araw matapos ang Halalan noong ika-9 ng Mayo, pormal nang in-anunsyo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Sara Duterte bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa kanyang magiging gabinete. Nauna nang ipinahayag ni Duterte ang kanyang pagnanais na ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) kasabay ng sapilitang serbisyo sa militar para sa mga Pilipinong edad 18-anyos pataas. Dito pa lang, kitang-kita na na gaya ng kanyang ama, taliwas rin ang mga prayoridad ni Duterte pagdating sa sektor ng edukasyon. Mas mahalaga para sa mga Duterte ang militarisasyon ng kabataan kaysa tugunan ang mga kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral. Bilang Kalihim ng Edukasyon, pangungunahan dapat ni Duterte ang pagpapanukala at pagpapatupad ng mga polisiya, programa, at proyekto para sa mga elementarya at sekundaryang antas ng edukasyon. Nitong mga nakaraang taon, saksi ang bawat Pilipino sa mga dagok na dala ng K-12 Curriculum sa mga estudyanteng inabutan nito. Bukod sa karagdagang dalawang taon, maraming pagbabago ang isinagawa sa kurikulum ng elementarya at sekundaryang edukasyon para lamang i-ayon ito sa globalisasyon. Kabilang dito ang pagalis sa Philippine History bilang isang asignatura sa high school, desisyon na matagal nang
tinutulan ng mga progresibong grupo tulad ng Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers). Bagaman iginiit ni kasalukuyang Kalihim ng Edukasyon Leonor Briones na natatamaan pa rin ang Philippine History ng mga kursong ibinababa sa halip nito, gaya ng Asian Studies o World History, malaki pa rin ang epekto ng pagtanggal nito bilang isang sariling kurso. Mahalagang parte ang pag-aaral ng sariling kasaysayan sa pagkakakilanlan at kamalayan ng bawat estudyante. Sa silid ng mga kursong ito lamang nagkakaroon ang bawat Pilipino ng pagkakataon na kilalanin ang sariling bansa, ang madugo nitong kasaysayan, at ang pag-ibig sa bayan ng mga Pilipinong nauna satin—siyang tinatayuan ng tinatamasa nating kasarinlan ngayon. Sa pag-upo ni Duterte bilang Kalihim ng Edukasyon, asahan natin buburahin at babaluktutin niya ang ating kasaysayan mula sa modules at textbooks ng mga estudyante. Ngayon pa lang unti-unti na natin nakikita ang pagkalimot na ito. Matatandaang tinangka ng mga Marcos linisin ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng pagliban sa daan daang kaso ng karahasan noong panahon ng Martial Law ni Ferdinand Marcos Sr. Sa halip, pilit nilang itinatala ang mga imprastraktura nagawa noon upang maipilit ang kanilang ilusyon. Ganitong klase mismo ng historical revisionism ang maaasahan, at patuloy pang lalala, sa ilalim ni Duterte. Asahan natin na gaya ng pam-
ilyang Marcos, gagamitin rin ni Duterte ang kanyang kapangyarihan para linisin ang pangalan ng kanyang pamilya. Hindi sila titigil hanggang dumating ang araw na wala tayong mababasang kritikal tungkol sa panahon ng mga Duterte bukod sa Build, Build, Build program, ang binaluktot na tagumpay sa war on drugs, at pagtatago ng ebidensya ng pangungurakot sa panahon ng pandemya. Wala ang mga libu-libong pinatay sa kanilang laban sa droga, pati ang libu-libong pang sumunod sa gitna ng pandemya, gaya ng 3,257 na pinatay, 35,000 na pinahirapan, 77 na nawala, at 70,000 na ikinulong noong panahon ng Martial Law. Ngayon, higit kailanman, dapat natin silang mabatid at maalala.
Huwag natin silang kalimutan, gaya ng pagkalimot sa atin ng rehimeng Marcos-Duterte. Never Again. Never Forget. [P] ONLINE Basahin ang mga nauugnay na balita sa aming website https://uplbperspective.org/
10
O P I N YO N
UPLBPERSPECTIVE .ORG
M AY 1 3 , 2 0 2 2
N O F U RY SO LO U D
Ang bulok na makinarya ni Marcos Hindi lingid sa kaalaman ng iba na malaki ang naging gampanin ng makinarya ng mga Marcos upang supilin ang kasaysayang nailathala sa panahon ng Martial Law. Pinag-isipan at pinaghandaan nang ilang taon ng anak ng dating diktador ang mga hakbang upang maitanim sa isipan ng mga Pilipino ang mga kasinungalingang nais nilang gawing katotohanan ng iba. At hindi sila nabigo. Bago pa man ang eleksyon, naging talamak na ang iba’t ibang uri ng fake news na ginawa ng mga Marcos upang baguhin ang malagim na kasaysayan ng diktadurya na idinulot ng kanilang pamilya–ang kasaysayang nagdala sa mga alaala, pahirap, at mga dugong inutang ng pasistang rehimen.
Naging instrumento ni Marcos ang kaniyang lipon ng makinarya sa nagbabadya niyang pagkapanalo ngayong eleksyon Marami ang napaniwala sa kasinungalingang binuo ng kaniyang pamilya upang pabanguhing muli ang apelyidong Marcos sa Pilipinas. Bukod pa rito, ikinasangkapan rin ng pamilyang Mar-
cos ang kanilang oligarkiya at prominenteng pamilya sa mga lokalidad. Bunsod nito, mas lumawak ang galamay ng mga Marcos sa lokal na politika. Ang mga opisyales ng gobyerno na ipinagbili ang kanilang mga sarili ay parte rin ng kasuklam-suklam na taktika ng mga Marcos. Halimbawa na rito ang harapang pagiging bingi at bulag ng COMELEC sa lahat ng mga alegasyon laban kay Bongbong Marcos. Kibit-balikat na ipinagsawalang-bahala ng COMELEC ang mga ebidensyang hinain sa anak ng diktador na sapat na maging batayan upang ibasura ang kaniyang pagtakbo bilang Pangulo. Dahil sa patuloy na panlilinlang nila sa mga Pilipino, naging isang malaking sampal ito sa mga pilit pinatahimik, at mga naging biktima ng Batas Militar noon. Tila ba ay muling pinaalala sa kanila ang mapait nilang sinapit noong kasagsagan ng pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. Marami sa atin ay dismayado at hirap tanggapin nang makita na si Marcos ang nangunguna sa resulta ng eleksyon. Sa kabila ng kaliwa’t kanang patunay na may dayaan at irregularidad na sa nangyaring eleksyon, marami sa kaniyang mga taga-suporta ang nagpupumilit na tanggapin na lang ang desisyon ng ‘di umano’y “mayorya”. Ngunit dapat nga bang sabihin na ang desisyon ng ‘mayorya’ ay dala ng kanilang sariling pasya? Hindi! Ang desisyon mula
sa manipulasyon, disinformation, mga pekeng balita, at ang kanilang baluktot na bersyon ng kasaysayan ay hindi dapat ituring bilang “sariling pasya”. Kung tayo’y lalabas sa kalye, sa mga palengke, sa mga komunidad, makikita natin kung gaano nga ba kalala ang naging epekto ng ginawang pagmamanipula ng kanilang kampo sa katotohanan.
Maraming nabiktima at napaniwala ng anak ng diktador sa lipon ng kasinungalingang kanilang binuo Ngunit sabi nga ng iba, gaano man ito pilit pagtakpan, lalabas at lalabas ang katotohanan– at sa panahong mamulat ang iba sa mga pekeng naratibong isinubo sa kanila, ay sana hindi pa maging huli ang lahat. Maniningil ang masa, dahil kailanman ay hindi katanggap-tanggap ang pagbabalik sa Malacanang ng pinakaganid na pamilya sa kasaysayan ng mundo. Nararapat lang tutulan at huwag pahintulutan ang nagbabadyang rehimeng Marcos-Duterte! [P] ONLINE Basahin ang mga nauugnay na balita sa aming website https://uplbperspective.org/
UPLBPERSPECTIVE .ORG
O P I N YO N
M AY 1 3 , 2 0 2 2
11
MUMBLINGS
Sa pagbabasa ng mga akda ni Karl Marx Hindi ako mapakali, matahimik at laging may pangamba sa tuwing maglalabas ako ng mga akdang isinulat ni Karl Marx, o mga librong naglalaman ng mga ideyang Marxismo. Hindi na rin maipagkakaila na bunsod ito ng pagpapalakas ng administrasyon sa mga pwersa ng estado upang ipagpatuloy ang panunupil sa mga binansagan nilang “komunista”. Kung sino man ang mapangahas na tumindig at maging kritikal sa mekanismo ng lipunan ay inaakusahang komunista o ang malala pa ay inaakusahang armado. Sadyang mapanganib ang redtagging, inilalagay nito sa peligro ang sino man, maari kang manmanan, sampahan ng gawa-gawang kaso, at paslangin ng pwersa ng estado sa ngalan ng kanila “whole-of-nation approach”. Kasabay pa nito nang sabihin ng Korte Suprema na halos lahat ng probisyon mula sa Anti-Terror Law na sinampahan ng petisyon ay naayon sa konstitusyon, kahit na magiging kasangkapan ang mga ito upang supilin ang ating mga demokratikong karapatan. Kung noon ang bansag sa mga progresibo ay ‘subersibo’ at ‘seditious’--terorista na kung tawagin ang mga tumitindig. Kumakailan lamang nitong Oktubre 2021, inatake ng gobyerno ang ating kalayaan sa kritikal na pag-iisip at kalayaang akademiko, ito’y nang ipinatatanggal ng CHED at NTF-
Elcac ang mga aklat na itinuturing materyal sa terorismo. Kasabay nito ang pag-atake at redtagging sa mga bilihan ng aklat kung saan mabibili ang ilan sa mga progresibo at kritikal na akda. Upang bigyan linaw ang lahat, ang pagbabasa ng mga akda ni Karl Marx, o mga librong bitbit ang mga ideyang Marxismo at neo-Marxism ay hindi terorismo. Ang mga espasyo para sa kritikal na pag-iisip, mga kritikal na akda, at kritikal na pagtuturo ay kailangang protektahan at igiit. Ang nabubulok na antas ng ating pamumuhay ay siya mismong naghahamon sa atin upang magkaroon ng Marxismong pagtanaw sa lipunan; kailangan nating maging kritikal! Ang mga akda ni Karl Marx ay siyang magiging kasangkapan upang sunggabin ang ugat ng ating problema. Hinahamon nito ang mapang-aping sistema, sapagkat ang demokrasya ay dapat “ang kondisyon kung saan ang malayang pag-unlad ng bawat isa ay ang kondisyon ng malayang pag-unlad para sa lahat”. Marami sa atin ang nakarinig na sa katagang “mayaman ang Pilipinas ngunit naghihirap ang sambayanang Pilipino”, dahil hanggang ngayon, iyan pa rin ang realidad sa ating bansa. Dahil ang pag-unlad ay hawak lamang ng iilang makapangyarihan. Maaring marami ang nagdadalawang isip na mag-aral at magbasa ng Marxismo, bunsod ng pangamba dahil kasalukuyang lagay ng politika. Ngunit
ang kasalukuyang lagay ng politika mismo ang naghahamon sa atin upang magbasa, mag-aral, at kritikal na suriin ang ating lipunan. Ang nabubulok na antas ng ating pamumuhay, kasama ng sistematikong pananamantala at pang-aapi sa masa ang nag-uudyok sa atin upang isulong ang mga tradisyon mula sa Marxismo. Tama si Karl Marx,
ang tunay na bunga sa ating pakikibaka ay wala sa kagyat na resulta, kundi sa lumalawak na hanay ng mga manggagawa kaya’t mainam lamang na tayo ay mag-organisa, sama-samang isulong ang panawagan ng masa, at kumilos laban sa panggigipit ng estado, pyudalismo, imperyalismo, at burukrata kapitalismo–hanggang sa tayo ay magtagumpay. Katuwang sa pagkilos ang kritikal na pagaaral. ‘Ika nga ni Karl Marx: “ang pratika na walang teorya ay bulag, at ang teorya na walang praktika ay walang saysay.” [P]
ONLINE Basahin ang mga nauugnay na balita sa aming website https://uplbperspective.org/
12
E D I TO R YA L
UPLBPERSPECTIVE .ORG
M AY 1 3 , 2 0 2 2
HINDI NATATAPOS
U
SA HALALAN ANG LABAN
bod ng anomalya at pagkait ng karapatan sa pagboto ang naiulat sa iba’t ibang mga presinto sa buong bansa sa kamakailang naganap na pambansang halalan. Sa ulat ng Kontra Daya Southern Tagalog hindi bababa sa 272 ang bilang ng anomalya ayon sa iba’t ibang botante ng rehiyon. Kabilang dito ang pagkasira at pagkakaroon ng mali sa mga Vote Counting Machine (VCM), presensya ng pulis na walang malinaw na tungkulin, pamimigay ng sample ballot at iba pang ilegal na paraan ng pangangampanya, pati panre-redtag – partikular sa mga Makabayang kandidato at ibang grupong sumusuporta kina Leni Robredo mula sa iba’t ibang sektor at political party. Umabot pa sa puntong nagkaroon ng barilan sa Maguindanao kung saan patay ang tatlong miyembro ng barangay peacekeeping action team, at sa Negros Occidental kung saan pinatay ang isang guro. Pinanawagan ng mga poll watcher kasama ang malawak na populasyon ng mga botante na pahabain pa ang oras ng pagboto gawa ng anomalyang humaharang sa mga nais bumoto. Subalit kitang-kita sa mga pahayag ng DILG,
COMELEC, at iba’t ibang institusyon kung sino ang kinakampihan ng mga opisyal na ito. Hindi kulong sa araw ng halalan ang pandarayang naganap. Mula pa sa panahon ng pangangampanya, may insidente ng vote-buying, pag-eendorso ng mga kandidato mula sa isang opisyal ng gobyerno, pag-iikot ng pekeng pag-diskwalipika sa ibang progresibong kandidato. Sa ganitong paraan ay binabastos ang mamamayang Pilipino at ang kanilang demokratikong karapatan. Matagalang itinatanim ng tambalang Marcos-Duterte ang kanilang makinarya; nariyan ang Halalan 2019 kung saan pumutok ang misinformation at malawakang pandaraya matapos ang blackout na tumagal nang halos 8 oras. Naganap sa ilalim ni Duterte ang pagpapalibing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani, nang masemento ang pag-alyansa ng mga Marcos-Duterte sa pagbabaluktot ng kasaysayan. Pareho ang taktika ng administrasyong Marcos kina Duterte pagdating sa pangunguna ng dayuhang interes, pati sa paniniktik at pamamasista sa taumbayan. Hindi mawawala sa isang saglit ang mga suliraning kinakaharap ng masang Pilipino. Ang mga komunidad sa Quezon, hinaharap pa rin ang matinding militarisasyong kaakibat ng land conversion at pagmamadali ng mga proyekto
sa ilaim ng programang Build! Build! Build! (BBB). Nariyan din ang laban para ibalik ang coco levy funds sa mga magniniyog. Sa Batangas, hinaharap ng mga komunidad bukod sa panghaharas ang demolisyon gawa ng BBB, partikular ang Batangas Provincial Livelihood Center (BPLC). Patuloy pa rin ang land-grabbing sa Cavite at ang paggamit ng dahas sa para intimidahin ang mga upang gawing mga subdivision ang lupain nila. Kaya hindi nagtatapos laban para sa kabuhayan, karapatan, at kaligtasan. Katulad ng mga mapang-aping burukrata na nakaupo ngayon sa mga posisyon ng gobyerno, hindi bibitawan basta-basta ng alyansang Marcos-Duterte ang kapangyarihan nila. Mahigpit din dapat ang ating kapit sa mga prinsipyo natin habang isinusulong ang malawakang laban para sa pambansang demokrasya. Mula sa UPLB Perspective, tuloy pa rin ang militanteng pagbabalita at mangahas na lalaban ang pahayag sa malawakang pagsasamantala sa mamamayang Pilipino. [P]
ONLINE Basahin ang mga nauugnay na balita sa aming website https://uplbperspective.org/