Scientia Vol. 26 Issue No. 2 (The Nurture Issue)

Page 20

w ri t te n by Sam Peniano

NAHIRAPAN KA BA SA MGA ASIGNATURANG agham at matematika noong bata ka pa? Hindi ka nag-iisa. Napakarami nga naman talagang mga terminolohiyang kakaiba at prosesong komplikado na kailangang alalahanin, kaya mas mahirap itong intindihin.

PAANO GAMITIN ANG WIKANG FILIPINO SA AGHAM

sa sariling salita:

s i y en s i ya

g r a p hi c s by Hanz Salvacion

Ngunit marami ring estudyante ang mas nakakaintindi ng mga paksa sa paaralan kung ginagamit ang wikang Filipino o ang wikang nakalakihan nila sa kanilang bayan. Dahil dito, marahil ay kailangang mas lalo pang gamitin ang wikang Filipino sa agham, matematika, at teknolohiya. Ngunit, paano? Tingnan natin at gawing basehan ang mga iminumungkahing paraan ng pagsasalin ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF): ang pagtutumbas, paghihiram, at paglikha ng mga salita. 1. Pagtutumbas Ang pagtutumbas ay ang paghahanap ng direktang salin ng isang dayuhang salita. Oo, may hamon itong dala dahil “walang dalawang wika sa mundo ang may magkatulad na bokabularyo”. Subalit mainam kung gagamitin ito sapagkat kilala na ang salita, kaya posibleng mas madaling maipalaganap. May dalawa itong yugto: a. Paghahanap ng pantumbas sa kasalukuyang koleksyon ng Filipino. Kung mayroon naman, bakit hindi gamitin, diba? Halimbawa: • patunay = proof • singaw = vapor b. Pagtuklas ng pantumbas sa ibang wikang katutubo ng Pilipinas. Sumasang-ayon ito sa layon ng KWF na isangkot ang mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng Wikang Pambansa. Hindi totoo ang kuro-kurong walang ideyang siyentipiko ang mga wikang katutubo! Kung tutuusin, ang “parisukat” na nangangahulugang “square” sa Ingles ay isang sinaunang konsepto. Halimbawa: • dagsin (Ilokano, “bigat”) = gravity • sikway (Hiligaynon, “itakwil”) = repel, repulsion • tiláw (Hiligaynon, “subukin”) = trial, experiment

scientia vol 26 no 2


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.