PUPUNTA KA BA DITO?
KUNG MAY LAGNAT O SIPON, MAGANDANG SA BAHAY NA LANG MUNA TUMIGIL PARA MAIWASAN ANG PAGKALAT NG TIGDAS O ANUMANG KARAMDAMAN
A PUBLIC HEALTH INFORMATION SERVICE FROM
Ano ang TIGDAS? Ang Tigdas (MEASLES) ay isang nakakahawang sakit na dulot ng virus (Morbilivirus)
Sino ang maaaring magkasakit? Mga bata ang pangunahing nagkakaroon ng tigdas ngunit maaari ring magkasakit ang mga matanda na hindi pa nababakunahan o nagkakasakit nito. A PUBLIC HEALTH INFORMATION SERVICE FROM
Paano ito kumakalat? • Ang Tigdas ay maaaring makuha sa paglanghap ng respiratory secretions / droplets mula sa pag-ubo, pagbahing o pagsasalita ng taong may tigdas. • Pinaka-nakakahawa ang tigdas apat na araw bago at matapos lumabas ang mga rashes sa katawan ng may sakit.
A PUBLIC HEALTH INFORMATION SERVICE FROM
KUNG IKAW AY MAYROONG: Mataas na lagnat na tumatagal ng apat hanggang pitong araw
Pagkakaroon ng sipon at ubo Pamumula at pangangati ng mata na may kasamang di pangkaraniwang pagkasilaw (photosensitivity)
Paglitaw ng mga maliliit na puting butlig sa loob ng pisngi ng bibig (Koplik spots). Paglabas ng mapulang pantal na nagsisimula sa likod ng tenga, at mukha, pababa ng leeg at buong katawan
HUMIGIT KUMULANG 2-3 LINGGO MAAARING MAGTAGAL ANG TIGDAS. A PUBLIC HEALTH INFORMATION SERVICE FROM CPH
Nakamamatay ba ang Tigdas? Maaaring maging sanhi ng pagkamatay ang tigdas dala ng mga komplikasyon lalo na sa mga pasyenteng kulang sa nutrisyon (malnourished), mga mahina ang pangangatawan (immunocompromised), at kung ito ay sanggol. MGA KOMPLIKASYON NG TIGDAS Pagkabulag, impeksyon sa tainga, pagtatae at dehydration, pagkalat ng virus sa utak (encephalitis), at pneumonia
Sa mga buntis na may tigdas, maaaring magdulot ng pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan. A PUBLIC HEALTH INFORMATION SERVICE FROM
Mga lugar sa Metro Manila na may measles outbreak
Paano ito maaagapan? Walang tiyak na gamot sa sakit na tigdas pagka’t kusa itong gumagaling matapos ang 2 hanggang 3 linggo. Upang maiwasan ang mga komplikasyon, gawin ang sumusunod:
Magpasuri sa doktor kung mapuna ang mga sintomas na nabanggit. Uminom ng gamot para sa lagnat at pananakit ng katawan. Kumain ng masustansyang pagkain at uminom ng maraming tubig o ORESOL (kung may diarrhea) upang maiwasan ang dehydration at tuluyang panghihina ng katawan.
Kailangan ng sapat na pahinga. Bigyan ang may sakit ng Vitamin A mula sa center o sa klinika. UMIWAS AT LUMAYO SA IBANG TAO UPANG HINDI MAKAHAWA A PUBLIC HEALTH INFORMATION SERVICE FROM
ANG TIGDAS AY MAIIWASAN, BAKUNA AY KAILANGAN! Gabay sa pagpapabakuna: Pabakunahan ang mga sanggol na 6-9 buwan ng Measles vaccine Pagtuntong ng 1 taon pataas, pabakunahan naman ng MMR (Measles, Mumps, Rubella) vaccine Pagtuntong ng 4-6 taon gulang magpabakuna booster dose.
ng MMR
Kung ikaw ay may edad na at di pa nabakunahan kailan man, maaari pa rin po kumuha nito. A PUBLIC HEALTH INFORMATION SERVICE FROM
ANG TIGDAS AY MAIIWASAN! BAKUNA ANG PANGUNAHIN AT PINAKAEPEKTIBONG PARAAN UPANG MAIWASAN ANG TIGDAS!
Isang paalala mula sa College of Public Health, UP Manila