LIT UP 2022 Guerilla Zine

Page 1


Nilalaman Manifesto �������������������������������������������������������������������3 Class Struggle �����������������������������������������������������������5 Sa Umaga ng Aking Paglalakad �����������������������������7 Adaptasyon ng Harlem ni Langston Hughes ���������9 WALANG TALINHAGA SA PAGDURUSA ��������11 i am not capable of forgiving ��������������������������������� 13


Manifesto

Umaalab ang puso ng mga artista at manunulat na nais isulong ang mga panawagan ng masang api. Sa bawat pagkakataon, pumapagitna ang sining at panitikan sa digma laban sa pagkamkam ng kapangyarihan at pagyurak ng karapatang pantao. Kailan man, itinuturo ng kasaysayan na takot ang mga represibong rehimen sa malaya at mapagpalayang sining kaya pilit itong kinikitil. Sa kasalukuyan, isang pag-anyaya muli sa mga artista at manunulat na pulutin ang armas na kanilang hinasa: ang pluma, at gamitin ito alay sa mga masang kinahaharap ang terorismo ng estado. Ang pagtangka rin ng pagbabalik ng mga berdugong pamilya sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ay senyales na tahakin ang landas ng manunulat para sa bayan. At kahit tunay na hindi sa tula ang magsasalba sa bansa, hindi maitatanggi ang kapasidad nito na pukawin, pagkaisahin at pakilusin ang mga tao mula sa iba’t iabang hanay na labanan ang pasisimo na umaanino sa lipunan. Magsisilbi ang mga likha ng mga alagad ng sining na mitsang magsisimula sa liyab ng mga taong naghahangad ng pagbabago na magsisilbi bilang ilaw sa panahon ng dilim. Kayang tiyaking ng isang nobela ang rebolusyon subalit ang mga mambabasa lamang ang kayang magsusulong nito.

3



Class Struggle The provenance of truth: the labor of the argument Finds expression in the flesh The first gash courts blood, whispers through cogon grass Where he lies, flat on his belly, the very picture of apprehension History proceeds with stealth (is surefooted) A peasant bides his time, the overture to debt settlement Calibrated in the deadly sequence of justice Here, in the courtroom of the jungle Mortality’s bated breath And the poet whose nourishment he ordains We are infinitely grateful for your largesse The profusion of wild things, beauty that stalks our fields Memory will verify itself Each tragedy accounted for: a precise body count Every harvest ravaged by typhoon Soon, he breaches his contract and is summarily dismissed Deterritorializing vitality as they dream of empire Elsewhere, the rustling of leaves Holographic siege There will be no excuses

5



Sa Umaga ng Aking Paglalakad Kakatirik lang ng araw, Kalahit palang ng mataas na dingding ang nasisilawan Sa malamig na hanging Dinala ako ng aking paa sa Kung saan man Pero sa malapit lang, at Kasama dito ang iba rin na Kung saan-saan dinadala ng kanilang paa Minsan mabilis, iba bahagyang bumabagal Sa iba’t ibang direksyon Kaya napaisip ako na Kaya nating madala ng ating paa nang Sama-sama sa iisang direksyon

7



Adaptasyon ng Harlem ni Langston Hughes Ano ba nangyayari sa pangakong binali? Nabubulok ba Tulad ng saging ‘di mabili? O nakakalbo— Tapos gumuguho? Binabahayan na ba ng amag? O tinatarantado— Gamit ang matitingkad na salita? Baka naaagnas Parang lumang balat

O di kaya namumulaklak?

9



WALANG TALINHAGA SA PAGDURUSA ni hunino

walang talinhaga sa pagdurusa, walang sining sa danas. hindi ko na pipilitin maghanap ng kapupulutang saysay. walang saysay sa pagpaslang nila sa Bataan at lalo nang walang hustisya. walang metapora, walang maitatawid na tugma, walang talinhaga. sa lahat ng kawalan, wala ring laman ang kamaong nakatikom, walang tinapay na mababato, walang mga itlog na pwedeng ihagis, walang laman ang kaban ng bayan, walang tumutubo sa lupang diniligan ng dugo, walang tumatalbos sa tanim na bala, walang nakakapagtanim, walang makakain. walang laman ang kamaong nakatikom, walang mapapakain sa kalam ng hustisya. ang masa ay gutom at walang nang makakain kundi… ?

11



i am not capable of forgiving because time does not in fact heal all wounds but leaves the seams open to fester, for maggots to nibble at the corners. decades have passed since that time of darkness but we still live in its long shadow. and that’s why i am not capable of forgiving. i am incapable of forgiving on behalf of lives lost, of displaced homes, of the grains of rice traded for diamonds and monuments impossible to digest. i am incapable of forgiving the way these people make us forget how they pocket billions, millions even, and remember how they’d hold fifty-peso bills over our heads for us, feigning acts of grace. and now we’re conditioned to feel ashamed for asking too much when in fact we barely have anything at all, how filling our stomachs for a few days somehow obligates us to support them unconditionally. every day, i look out the window and i cannot forgive on behalf of generations of families fed into the workforce only to barely eke out a means of living. i cannot forgive the parades, the speeches, the performances with so-and-so actors, the caravans with their empty waves and emptier smiles as they sit in the comfort of their car, the names plastered on tarpaulins, on posters, on bus stops, on buildings, on public property. i do not forgive on behalf of long nights i spent thinking about how long six years, how six years takes up too much of my life, how six years can be so filled with empty promises, how there could be six years more of this or worse. i will not forgive because to forgive means that there was an awareness of guilt, that reparations were sought for and made, that even an ounce of shame was felt and even if all that was fulfilled there is still nothing, nothing at all for me to forgive. -- miranda 13


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.