The Augustinian, August 2013

Page 1

AugustiniAn the

maPagTUgon • maPag-UnLad • maPagSIYaSaT

Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin • Lungsod ng Iloilo, Pilipinas

Tomo LIX Bilang 1 • Agosto 28, 2013

Larawan ng USa PUb / mara eLaIza a. fLores

laHaT F i l i P i n o!

g atin an “Wika n tuwid.” ma daang

PaasCu aCCRediTaTion Gaano ba kahanda ang Unibersidad sa mga darating na accreditors?

ang PosiTibong modeRnisasYon

Panahon na ng pagbabago ng anyo ng tradisyunal na newsletter

insTiTuTe FoR solidaRiTY in asia

Tulay ng Unibersidad sa tagumpay at kaunlaran sa kanyang mga plano

bagong sisTema ng PaRking

Pangongolekta ng karagdagang salapi o pagpapaluwag ng parking space?


SALITA NG MGA EDITOR

Hindi ito magasin

AugustiniAn the

Ang Opisyal na Pahayagan ng mga mag-aaral ng unibersidad ng san Agustin Lungsod ng iloilo, Pilipinas MGA PUNONG PATNUGOT

TAGAPAMAHALANG PATNUGOT MGA PANGALAWANG PATNUGOT

PATNUGOT NG PANITIKAN DIREKTOR NG SINING PATNUGOT NG RETRATO TAGAPAMAHALA NG SIRKULASYON MGA PUNONG MANUNULAT

una sa lahat, hindi magasin ang hinahawakan ninyo. Ito ay newsletter. alam naming magtataka kayo kung bakit parang mukhang magasin ang pagkakadisenyo ng pabalat nito. marahil, isang paraan ito ng pagaangat ng kaledad at istruktura ng isang ordinaryong pahayagan. pero bakit nga ba iba yung nakikita ninyo ngayon kaysa sa mga newsletter na nakikita ninyo sa ibang organisasyon, institusyon, o paaralan? Isang pagsubok ito sa UsA Publications na lumabas sa tradisyunal na pamantayan. Gusto naming ibahagi sa inyo ang aming adbokasiya sa pagtatakda ng paggamit ng papel. Dagdag pa dito, gusto naming maging inspirasyon ito sa inyo. minsan kailangan nating mag-iba ng anyo para makamtan ang pangangailan ng ating ‘target market’ – ang mga mag-aaral. sino ba naman ang babasa ng isang newsletter na puro salita at larawan ang nakikita at walang espasyo para makapahinga ang ating mga mata sa pagbabasa? Tatlong isyu sana ng diyaryo ang ipapalabas namin sa taong ito, ngunit pinalitan namin ang isang isyu ng newsletter para makabawas ng paggamit ng papel. sa pagbabawas na ito, halos 80,000 na short-sized bond paper ang natipid pero ang kaledad ng awtput ay magkasing-husay pa rin ng isang diyaryo. sa isang saglit, magasin agad ang magiging impresyon ninyo sa pabalat. Dinagdag namin ang ibang elemento ng isang magasin sa newsletter upang mas magiging interesado kayong magbasa ng mga artikulo sa loob nito. sayang naman ang binabayaran ninyo kung hindi kami magpapalabas ng ganitong klaseng pahayagan. ngayon, bakit naman kaya Filipino lahat ng mga nakasulat dito? Iyan ay dahil Buwan ng Wikang Pambansa ang Agosto. Gusto naming buhayin ang pagbibigay halaga ng mga Agustino sa ating lengua franca. Kami sa UsA Publications, ay hindi manhid at bulag sa unti-unting paglimot natin sa kinagisnang wika ng ating mga ninuno. Kailangan maiparating sa inyo na ang Filipino ay isang buhay na wika at mabubuhay ito kung tayo mismo ang gumagamit nito.

MGA MANUNULAT

ARTIST MGA TAGAKUHA NG RETRATO

MGA APRENDIS NA MANUNULAT

TAGAPAYO

ray adrian c. macalalag ric martin l. libo-on joel s. sastrillo

jerson e. elmido Wilhelm c. lizada jesanny i. yap

ayah danica v. Granada anne catherine d. malazarte thongenn lanz b. patiam jerson e. elmido stephanie Kay l. urquiola jeremiah john p. vardeleon joyce Gem m. cañete rochelle louise d. doromal edrylle G. cofreros seulgi j. han marylex G. sumatra christine joy a. saber Kinno o. florentino daniel p. abutas mara elaiza a. flores mary johsyen e. pabalinas hyacinth Grace t. paloma victoria jade v. estrada therese mae f. billones resty john l. palete marites p. cornel

ng ga mag-aaral hayagan ng m SA pa U na ng l n ya is ay ang op at superbisyo g u sT In Ia n st yon, sa patnubay Ang Th e au Inilathala ito komento, suhe . tin ng us la ni Ag ka n ng Sa gi alang ng ha W . ad ba ot id ag rs ug m Unibe n ng mga patn interesadong po ga lu m ong sa Sa an . ay t ns Publicatio ya sa kahi g makipag-ugn ga edeng makop m n, mangyarin pw yo sa g us at an rib ns nt ito io ko at USA Publicat pahayagang sa ng a ul rte m pa ot g ul anuman al na pahint walang porm o larawan. paraan kung buho, grapiks, di o, ul tik ar ng ri -a ay am nagm OPISINA

2/f alumni building, university of san agustin General luna street, iloilo city, philippines 5000

COLOPONO

ang newsletter na ito ay ginawa sa kompyuter gamit ang adobe indesign cs5, adobe photoshop cs5, at adobe illustrator cs5. ang mga font na ginamit dito ay optima, helvetica, at cambria. DISENYO NG NEWSLETTER

TELEPONO

(+63-33) 337-48-41 to 44, local number 189 EMAIL

usa.publications@rocketmail.com WEBSITE

www.usa-pub.blogspot.com

ray adrian c. macalalag BLOGSITE

www.usa-publications.journ.ph

Pwedeng basahin ang online edition ng THE AUGUSTINIAN sa aming website. I-scan lang ang QR Code na ito gamit ang inyong device.


Augustinian the

Balita

Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin • Lungsod ng Iloilo, Pilipinas

Tomo LIX Bilang 1 • Agosto 28, 2013

USA, ISA naglagda ng kasunduan

BUKAS SA BAGONG TAGUMPAY. Ipinapakita nina Rev. Fr. Frederick Comendador, OSA, presidente ng Unibersidad (nakaupo sa kaliwa), at Franciso Eizmendi Jr., presidente ng Institute for Solidarity in Asia (nakaupo sa kanan), ang bagong lagdang kasunduan sa pagitan ng dalawang institusyon. Kasama rin sa larawan ang mga miyembro ng Agustinong Komunidad at mga dekana ng iba’t ibang kolehiyo.(Larawan ng USA Pub / jerson e. elmido)

nI joel s. sastrillo

Kinomisyon ng Unibersidad ng San Agustin ang Institute for Solidarity in Asia (ISA), isang non – stock, non – profit na organisasyon, upang tulungan itong maglagak ng University Strategy Map at Governance Scorecard sa ikalawang yugto ng kanilang Strategic Process. Ito ang siyang magsisilbing baston sa 109 na taong institusyon. Tanda ng pagsisimula ng naturang proseso ang Seremonyang Paglalagdaan ng Kasunduan ng dalawang institusyon: and Unibersidad na kinakatawan ni Rev. Fr. Frederick C. Comendador, OSA, presidente ng USA, at ng ISA na kinakatawan naman ni Francisco C. Eizmendi Jr., kanilang presidente. Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng mga paring administrador at mga dekano mula sa iba’t ibang departamento ng Unibersidad. Ginanap ang paglalagdaang ito sa President’s

nosi ba lasi, sino ba sila? Ilan sa mga taong bumuo at humulma ng USA Publications at ang kanilang pamana

Conference Room noong ika-4 ng Hulyo. Upang matugunan ang pangangailangan ng Unibersidad na makamit ang mga mithiin nito, ang sinasabing Performance Governance System (PGS) ng ISA ay magbabantay kung ang mga plano ba’y nagiging realidad at magbibigay ng positibong epekto sa nasasakupan nito, ayon na rin sa ibinigay na Intervention Proposal ng ISA sa USA Pub. Ang PGS ay mula sa Balanced Scorecard Technology na ginawa ng Harvard upang magsilbing performance management tool kung saan ang mga pahayag para sa kinabukasan ay nagiging istratehiya at nangangakong magbibigay ng magandang resulta. Nakapaloob din sa kanilang Intervention Proposal ang paghati sa apat na bahagi ng ikalawang yugto ng Strategic Planning Process gamit ang PGS: First Phase (Setting-up Phase), Second Phase (Assessment Phase), Third Phase (Validation Phase) at Fourth Phase (Planning

Naging pangulo ng College Editors Guild of the Philippines si Wilfredo Segovia, ang dating punong patnugot ng USA Publications . Siya ang kaunaunahang pangulo na hindi nagmula sa Luzon.

Phase). Ang unang bahagi ay sinimulan noong ika-4 ng Hulyo kung saan nagkaroon ng PGS Orientation na pinangunahan ni Jeremy John A. Pintor, Senior Program Officer ng ISA, at ang pagbubuo ng PGS Core Team. Noong Hulyo 10-12 ay tumuloy na sa Assessment Phase ang grupo kung saan kabilang sa mga aktibidades ang University Tour, Focus Group Discussion, at Plenary Presentation sa mga taong kalahok sa programa. Samantala, ayon na rin sa datos na nakalap ng staff, walang nakakabatid kung hanggang kalian matatapos ang nasabing ikalawang bahagi ng Strategic Planning Process. Ang nabanggit na pagkontrata ng USA sa ISA ay siyang sagot sa sistemang hinahanap ng Unibersidad upang matulungan itong gumawa ng plano para sa mga susunod na taon na hindi naapektuhan ang mga oportunidad sa paligid, naisulat sa dokumentong nakuha ng USA Publications.

Si Raul Gonzales Sr., ang dating kalihim ng hustisya ng ating bansa at kongresista ng Lungsod ng Iloilo, ay naging punong patnugot ng USA Publications noong 1951-1952.


Augustinian Bagong sistema ng parking, ipinatupad 4

the

Balita

Agosto 28, 2013 • Tomo LIX Bilang 1

nI joyce gem m. cañete

Saan ba aabot ang sampung piso mo? Sa ganyang halaga, makakapasok na ang sasakyan mo sa loob ng Unibersidad. Upang makalikom ng kita para sa ikauunlad ng pasilidad at pagpapaayos ng daanan ng mga sasakyan, naglunsad ng makabagong sistema sa pagparada ang Unibersidad. Kaugnay rito, tatlong panukala ang inilahad para sa mga Agustinong may sasakyan: (1) Maaari silang kumuha ng car pass kada semestre, habang ang mga walang car pass naman ay (2) pwedeng maka-park nang libre malapit sa chapel area sa basehang first-come-first-serve (3) o magbayad ng P10 kung gustong pumarada sa kahit saang bahagi ng kampus. “Parking fee is more on parking space than entrance. More on privilege yan,” paliwanag ni Rev. Fr. Ian Ragodon, OSA, “paraan din ito upang mabawasan ang bilang ng mga taong nagdadala ng kotse. Makakatulong ito upang mapababa ang kaso ng polusyon sa Unibersidad.” Dagdag pa rito, naglabas ng panukala ang komite sa konbersiyon ng parte ng Jalandoni ng Universidad parang gawing lugar pangkomersyal kung saan posibleng ipatatayo ang mga hotels, fast food chains, at iba pang proyektong pangnegosyo gayun na rin ang pagpapagawa ng bagong paradahan na maaaring magamit ng mga may sasakyan.

SISTEMATIKO. Kinokolekta ng security personnel ang gate entrance fee mula sa kakapasok lang na motorista. (Larawan ng USA Pub / mary johsyen e. pabalinas)

Maliban sa bagong sistema pamparada, ang sumusunod na pagbabago ay inimplementa upang maitaas ang antas ng kaligtasan at kaginhawaan ng mga estudyante: (1) Ang harapang bahagi ng Unibersidad na dating parte ng driveway ay daanan na lamang ng mga estudyante; (2) Ang mga pickup areas ay inilagay malapit sa bookstore

at Dolce Garcia Building; at (3) dalawang magkahiwalay na daanan ay inilaan para sa pasukan at labasan. “Sa nakikita ko okay naman kaya nga sinusubukan naming iimplementa ang mga ito. Pag hindi magiging epektibo, pwede rin naman tayong bumalik sa dating sistema,” sabi pa ni Ragodon.

Laboratoryo ng MLS sa Mendel Hall: hindi pa kumpleto nI MARYLEX G. SUMATRA

HANDA NA PARA SA ESTUDYANTE. Kahit na kulang pa sa kagamitan, makikitang handa nang gamitin ang lab na ito sa Mendel. (Larawan ng USA Pub / daniel p. abutas)

Bilang tugon sa kawalan ng laboratoryong angkop sa mga estudyante ng Medical Laboratory Science (MLS) ng Unibersidad, dalawang bagong laboratoryo ang ipinatayo sa Mendel Hall at binuksan nitong Hulyo 8. Isang buwan na ang nakalipas mula sa pagbukas ng akademikong taon, ilang seksyon ng MLS 3 ang wala pa ring laboratoryo para sa kanilang propesyonal na asignatura. Ayon kay Propesor Merlina Candoleta, ang punong tagapamahala sa laboratoryo ng MLS, “inakala [nilang] lahat na matatapos ang mga bagong laboratoryo bago magsimula ang pasukan, kaya isinama ng dekana sa iskedyul ng mga estudyante ang dalawang laboratoryo bilang lugar na maaaring pagdausan ng klase.” Ngayon na nabuksan na ang dalawang laboratoryo, maayos na ang daloy ng mga klase ng MLS 3 habang patuloy na ginagamit ng mga MLS 4 ang lumang laboratoryo sa Urdaneta Hall.

“Sa katunayan, napapanahon ang pagpapatayo ng mga bagong laboratoryo dahil magpapa-akredit ang departamento sa darating na Setyembre. Sa ilang taon kong paninilbihan bilang propesor, may tatlong akreditasyon na ang nagdaan subalit ganun pa rin ang katanungan nila: ‘nasaan ang bagong lab?’” Sabi ni Propesor Helen Samson. Ayon kay Candoleta, mayroon pang kulang sa bagong laboratoryo kagaya ng maayos na bentilasyon, paglalagyan ng fire extinguisher, medical kit at ang mga paglalagyan ng mga parasites bilang exhibit at pagkaklasehan ng mga estudyante sa loob ng laboratoryo. “Ito ay mga minor na bagay lang naman kung ang pagbabasehan ay ang rekomendasyon ng PAASCU noong 2008. Ngayon, hinihintay na lamang ang bentelasyon na inaasahang matatapos sa Agosto,” dagdag pa ni Candoleta. Ang pagpapatayo ng bagong laboratoryo ng MLS sa Mendel ang simula ng pagsasakatuparan ng plano ng administrasyon na gawing sentralisado ang mga kursong pangagham sa iisang gusali.


Tomo LIX Bilang 1 • Agosto 28, 2013

Augustinian the

Admin handa sa pagbisita ng PAASCU nI christine joy a. saber

Apat na pang-akademikong programa ng Unibersidad ng San Agustin ang bibisitahin ng pangkat ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and Universities (PAASCU) sa darating na Hulyo 22, 2013. Kabilang sa talaan ng mga kursong napasama sa bubusisiin ng PAASCU ay: Narsing, Enhinyeria, Hotel Restaurant Management (HRM)/Turismo at Information Technology/ Computer Science. Pitong accreditors kabilang ang isang kumakatawan sa pangkat ng PAASCU ang pupunta sa Unibersidad. “Handa na ang Unibersidad sa pagpunta ng PAASCU,” ayon sa Quality Management Office (QMO) ng Unibersidad ng San Agustin. Ayon sa QMO, ang pagpapatupad ng mga nakaraang rekomendasyon ng PAASCU ang isa sa mga paghahandang ginagawa ng Unibersidad. “Pag-uupdate ng mga silabus at iba pang mga dokumento, rerepasuhin at babaguhin ang kurikulum, pagpapataas ng kwalipikasyon

ng mga guro at kasanayan sa pagtuturo sa pamamagitan ng mga seminars, pagsasaayos ng mga pasilidad, pagsasaayos ng organisasyon, pagrerepaso at pagbabago ng istratehiyang pagpaplano ng Unibersidad at pagsasagawa ng mga bagong opisina at posisyon para matugunan ang mga daing at pangangailangan ng mga Agustino ay ginagawa na rin bilang paghahanda,” dagdag pa nila. Inaasahang makakamtan ng apat na pang-akademikong programa ng Unibersidad ang inaasam na ‘accreditation status’ gayun din na sasang-ayunan ng mga accreditors ang pagkukusa at pagsisikap ng administrasyon sa pagtiyak ng kasiguruhan ng kalidad ng edukasyon at makakatanggap pa ang Unibersidad ng mga rekomendasyon para sa ikabubuti nito, ayon sa QMO. Magkakaroon muli ng pormal na pagbisita ang pangkat ng PAASCU sa Unibersidad para muling i-sorbey ang College of Arts and Sciences (CAS), College of Education (COE) at Bachelor of Medical Laboratory Sciences (MLS) sa darating na Setyembre 26-27, 2013 at ang Graduate School naman sa darating na Setyembre 27-28, 2013.

Balita

5

CBAA, CMA na; ilang programa inilipat sa kolehiyo nIna rochelle louise d. doromal at seulgi j. han

Sinalubong ng College of Management and Accountancy (CMA), dating College of Business Administration and Accountancy (CBAA), ang Department of Hospitality Management (DHM) na ngayon ay nasa ilalim niya. Nakasaad sa Memorandum no. 26 ang pagiging bahagi sa DHM ng mga programang HRM, TM, ND at CA upang maipasa ang rekomendasyon ng PAASCU, matiyak ang tamang pagpapatakbo ng mga programa at masuportahan ang pagsimula ng K-12. “Ang HRM at BS Tourism ay mga programang pangkalakal at sa dahilang ito, nirekomenda ng PAASCU at CHEd na pagsamahin ang mga ito sa iisang departamento,” ang paliwanag sa wikang Ingles ni Dr.Lucio T. Encio, dekano ng College of Management and Accountancy. Dagdag pa ni Dr. Lilia S. Teves, pinuno ng DHM, ang mga programang ND at CA ay inilipat din dahil ito ay may kaugnayan sa pamamahala ng pagkain.

“Ang HRM at BS Tourism ay mga programang pangkalakal at sa dahilang ito, nirekomenda ng PAASCU at CHEd na pagsamahin ang mga ito sa iisang departamento.”

KAUNTI NA LANG ANG NATITIRANG TRABAHO. Dinidikit ng karpintero ang bagong bintana malapit sa hagdanan ng Gamboa Hall. Hango sa rekomendasyon ng PAASCU, pinalitan ang mga lumang bintana ng mga gusali sa Unibersidad. (Larawan ng USA Pub / mara elaiza a. flores)

“Bago inilipat ang mga programa sa CMA, isang masusing pag-aaral at konsultasyon ang isinagawa ni Fr. Harold Rentoria, OSA, bisepresidente para sa akademiko, kasama ang mga dekanong maapektuhan ng nasabing pagbabago.” Tugon ni Dean Encio. Ipinahayag ni Dean Encio na ipinaliwanag sa mga guro at estudyante ng CMA ang tungkol sa paglilipat ng mga departamento at positibo ang kanilang mga reaksyon, habang ginagawa naman ng administrasyon ang lahat upang maintindihan ng mga estudyante ang paglilipat. “Sa aking opinyon, naintindihan ng mga guro at estudyante na kailangan at makabubuti ang paglilipat. Ito marahil ang dahilan kung bakit walang negatibong reaksyon ang mga apektado,” binahagi ni Dean Encio. Dagdag pa rito ang nasabing paglilipat ay oportunidad na maging isang malaki at masayang pamilya ang CMA.


Augustinian Pagdalaw sa mga Agustinong Simbahan, sinimulan

6

Balita

the

Agosto 28, 2013 • Tomo LIX Bilang 1

nI RAY ADRIAN C. MACALALAG

Inumpisahan na ng nangungunang pamantasan sa Kanlurang Visayas ang buwanang serye ng pagdalaw sa mga simbahang itinatag ng mga paring Agustino sa isla ng Panay. Sa simbahan ng San Nicolas ng Tolentino sa bayan ng Cabatuan sinimulan ang unang pagdalaw noong ika-30 ng Hunyo na sinundan naman ng simbahan ng Santa Monica sa bayan ng Pan-ay, Capiz noong ika-27 ng Hulyo. Sa sermong ibinahagi ni Rev. Fr. Basilio Sugata-on, OSA, sa misang ipinagdiwang sa Cabatuan, pinahalagahan niya ang pamana ng mga Agustino sa pagdala ng Kristianidad sa isla. “Sa tulong ng mga paring Agustino, ipinakilala sa mga tao ng Cabatuan at sa buong isla ng Panay ang Panginoon… panatilihin natin ang pananampalataya sa Poon habang pinapalago natin ang Simbahang Katoliko bilang mga responsableng Kristiano sa puso at isip.” Sabi pa ni Sugata-on sa wikang Ingles. Samantala, anim pang mga simbahan ang pupuntahan ng Agustinong komunidad hanggang sa katapusan ng taon. “Pinili [namin] ang mga simbahan ayon sa ganitong batayan: ang halaga ng kultura at kasaysayan ng istruktura, ang katiyakan ng pundasyong Agustino, integridad ng istruktura, at kasapatan ng espasyo.” Ipinahayag sa wikang Ingles ni Rev. Fr. Czar Emmanuel Alvarez, OSA, Director for Theological Studies and Formation ng Unibersidad. Ayon sa kanya, layunin ng Unibersidad na ipaalala ang naging kontribusyon nito sa pagunlad ng isla at ng buong bansa. Nagisimula ang pagdalaw sa isang misa; sinusundan ito ng isang video presentation na nagpapakita ng kasaysayan ng Unibersidad at maikling palabas na pinangungunahan ng USA Troubadours.

PAGHAHANDOG SA DIYOS. Si Rev. Fr. Donato Ellezar, OSA at si Rev. Fr. Basilio Sugata-on, OSA habang tinataas ang banal na ostiya. (Larawan ng USA Pub / DANIEL P. ABUTAS)

IMPETUS Mula sa Pahina 8

Huwag matakot magsalita!

*Inbox! ang solusyon! Mayroon ba kayong gustong ibahagi na pananaw o opinyon tungkol sa Unibersidad? Pwede ninyong ibahagi sa amin. Mag-text lang sa 09283206395 o magpadala ng pribadong mensahe sa aming Facebook page (facebook.com/usa.publications).

mithiin nila sa buhay. Kapag hindi na matiiis ang karahasan at pag-mamalabis ng mga banyagang employer, sila ay tumatakas at tumatakbo sa mga shelter natin sa ibang bayan na may buong pagaakala na sila’y ligtas at buong tiwala na walang panganib. Bahay Kalinga nga kung tatawagin. Akalain mo nga naman, doon pa mismo sa mga lupang sinasakupan natin sa ibang bansa nangyayari ang pang-aabuso at pagyurak sa dangal ng mga OFW. Dapat kapit-kamay ang pagtulong sa kanila at hindi kapit-leeg na halos mauubusan na sila ng hininga. Panahon na para ilabas ng pangulo ang bakal na kamay at bigyan ng sapat na pansin at konkretong lunas ang nasabing problema. Hindi sapat ang mga salitang matatamis na halos langgamin. Ang kinakailangan ay ang aksyon at patas na imbestigasyon sa lalong madaling oras.

EFFATHA Mula sa Pahina 9

mali mo ito ipinundar. Hindi masama ang maghangad na umahon mula sa kahirapan kung manggagaling din naman ito sa mabuting paraan. Hindi lahat ng kasiyahan ng isang tao ay mabibili ng pera. Kung iisipin, kung walang problema, paano mo masasabing napagtagumpayan ang isang bagay? Kung walang kahirapan, paano masasabing mayaman ang isang tao? At kung walang kalungkutan, paano masasabing masaya siya? Sa ngayon mayroong naiulat na 213 na kaso ng mga Pilipinong nagdala ng ilegal na droga sa ibang bansa kung saan 28 dito ay sinentensyahan ng kamatayan. Maghihintay pa rin ba tayo sa mga susunod na eksena o magdedesisyong buksan ang ating mga mata at makialam? Tama na ang minsan.


Tomo LIX Bilang 1 • Agosto 28, 2013

Augustinian the

Balita

7

Panrehiyong K-12 na pagsasanay ginanap sa USA Kaso ng Dengue, bumaba; ibang pagsasanay tulad ng Developing bilang ng namatay, tumaas Facilitation Skillls, Modeling Facilitation Skills,

nI edrylle g. cofreros

Upang maiangat ang kalidad ng edukasyon at maihanda ang mga guro sa bagong kurikulum na ipinapatupad ng DepEd, nagdaos ng panrehiyong pagsasanay sa K-12 ang Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon VI, kaanib dito ang Unibersidad ng San Agustin. Ginanap sa Unibersidad ang pagsasanay noong Abril 29-Mayo 3 para sa mga guro sa MAPEH at Mayo 6-10 naman para sa mga guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). “Naglalayong bigyan ang mga guro ng sapat na kaalaman sa iba’t ibang istratehiya at istilo sa pagtuturo para sa bagong kurikulum.” Ayon kay Propesor Frank Emboltura, miyembro ng Steering Committee at guro ng Kolehiyo ng Edukasyon. Itinampok sa programa ang iba’t

Understanding of the Curriculum by Subject Area, Developing Understanding of the Grade 8 Learning Standards, Understanding Content and Performance at marami pang iba. Karagdagan sa programang ito ang tukuyin ang mga hakbang sa pagpapatupad ng K-12 at hikayatin ang mga guro na magtulungan para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan. Nilahukan ito ng 618 na guro na nagtuturo sa asignaturang MAPEH at 582 sa asignaturang EsP, mga gurong humahawak sa mga estudyanteng nasa ikawalong grado. Pinangunahan ang programa nina Dr. Mildred Garay, panrehiyonal na direktor ng Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V1; Rev. Fr. Frederick Comendador, OSA, pangulo ng Unibersidad; at Dr. Alex Facinabao, dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon.

Ika-85 Taon ng USA Pub, ipagdidiriwang

MAKAKALIKASANG HENERASYON NG MGA AGUSTINONG MANUNULAT. Ginagamit ng nagnanais na maging miyembro ng USA Publications ang online application form para sa pagsusulit. Isa sa mga nanguna sa ganitong inobasyon sa buong bansa ang USA Publications. (Larawan ng USA Pub / thongenn lanz b. patiam)

nI ayah danica v. granada

Magdidiriwang ng kanyang ika-85 taong annibersaryo ng pagkakatatag ang pinakamatandang katolikong pahayagang pampaaralan sa buong Asia, sa labas ng Maynila. Kasabay ng paglunsad ng USA Publications sa kampanyang makakalikasan, itinalaga ang temang “Green and Digital Generation”. “Mula sa mga adbokasiya at mga pagbabago ng anyo ng USA Publications ang inspirasyon sa tema ng ika-85 na anibersaryo,“ binahagi ng kasalukuyang Editor-in-Chief, Ray Adrian Macalalag. Bilang simula ng kanilang isang taong

pagdiriwang, muling bubuhayin ang Gusting Journalism Seminar sa ika-24 ng Agosto na nawala sa loob ng walong taon. Kabilang din sa mga aktibidades na inihanda ng organisasyon ay ang pagdaos ng 6th SanAg Campus Press Awards sa Pebrero 22, 2014. Unang sinimulan ng USA Publications ang kampanya tungo sa pagpapahalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagpapalit ng gagamiting “font” at laki ng iniimprintang mga artikulo. Si Ginoong Jose Mijares at Ginoong Jose Sanchez ang tagapagtatag ng publikasyon, samantalang si Rev. Fr. Mariano Sapiña, OSA, ang naging unang tagapayo ng nasabing organisasyon.

nIna victoria jade v. estrada at resty john l. palete

Sabay sa pagdating ng tag-ulan ay ang pagtaas ng bilang ng mga namatay sa dengue kahit bumaba ang bilang ng mga biktima nito. Ayon sa lathalaing istatistiko ng Department of Health, bumaba ng 53.07 na bahagdan ang kaso ng dengue ngayon sa buong lungsod kung ihambing sa nakaraang taon. Samantala, sa Unibersidad ng San Agustin, walang kongkretong batayan ang klinika ng Unibersidad kung bumaba rin ang bilang ng kaso ng dengue. “Sa tinatayang populasyon na mahigit o kumulang 9,000, mahirap tukuyin ang dami ng estudyanteng apektado ng dengue. Kakaunti lamang kasi ang nailista at hindi ito maaaring maging basehan na bumaba ang bilang ng dengue dito sa Unibersidad.” Ibinahagi ng klinika. Upang masugpo ang problemang ito, gumawa ang klinika ng Unibersidad ng mga paraan upang maiparating sa bawat estudyante ang mga impormasyon tungkol sa dengue at mabigyan ng pagpapahalaga ang paksang ito sa pamamagitan ng pamimigay ng mga polyeto at pag-organisa ng mga simposyum. Iminungkahi rin nila at hinimok ang mga estudyante na linisin ang kapaligiran lalong lalo na ang mga estero, drainage systems, paso ng bulaklak, lumang gulong ng sasakyan at iba pang mga lugar na kadalasang pinamumugaran ng lamok na may dengue. Kaugnay rito inilunsad ang Universitywide Clean-up Drive Program upang labanan ang mga lamok na may dalang dengue. Ang paglilinis ay ginagawa kada Miyerkules 4:00 ng hapon at Sabado 8:30 ng umaga.

mabilisang bilangan

Mga impormasyong ukol sa dengue sa Kanlurang Visayas mula sa Department of Health Region VI (Enero 1 - Hunyo 1, 2013)

8 1849 0.5

Walo sa isang libong may dengue sa probinsya ng Iloilo ang namatay.

Mula sa 2,992 na apektado ng dengue sa nakalipas na taon, tumaas ito sa 4,841 na mga kaso.

Halos magkapareho na ang bilang ng kaso ng dengue noong 2012 sa bilang ng kaso sa unang kalahati ng taong 2013.


August

th

8

Apoy, Init, Liwanag impetus

ric martin l. libo-on

“Maapula kaya ng gobyerno ang apoy na nagbabadyang maging pampalagiang kalakaran?” Muling nagsilab ang isyu ng prostitusyon sa bansa at kailan lamang, ito ay nagdulot ng makapal na usok sa administrasyong Aquino. Ngunit ang nasabing usok ay hindi nagmula sa Pilipinas. Ito ay nanggaling sa layong halos limang libong milya mula sa kinatatayuan natin ngayon. APOY. Ang sanhi ng paglagablab ay ang pang-aabuso at ang pagbubugaw sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na kusang nakipagsapalaran sa ibang bayan. At ang ang tiket upang makabalik sa bansang sinilangan ay ang sariling laman. Matapos na ibinalita ni Akbayan Rep. Walden Bello ang alingasngas ukol sa sex-forflight scheme na pakana ng mga opisyales ng mga Embahada sa Gitnang Silangan, mabilis na kumalat ito sa apat na sulok ng Pilipinas. Ngunit ang tanong, maapula kaya ng gobyerno ang apoy na nagbabadyang maging pampalagiang kalakaran? Tawagin na lang natin sila sa pangalang Michelle, Angel at Analisa. Tatlong babae na may iba’t ibang mukha at kuwento subalit may iisang sigaw: hustisya. Sila ay mga sawimpalad na OFW mula sa Riyadh, Saudi Arabia na matapang na lumantad sa telebisyon at kinuwento ang mga baong exposé ukol sa masangsang na sistema at ang madilim na karanasan sa bansang banyaga. Unang ipinag-utos ng Department of Labor and Employment na umuwi na sa bansa si Assistant Labor Attaché Antonio Villafuerte ng Riyadh na di umano ang nang-molestiya ng tatlong babaeng OFW. Sinundan nito ang utos ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bumalik na rin sa bansa ang mga opisyales mula sa Philippine Overseas Labor Offices (POLO) na sina Charge d’Affaires Nestor Padalhan mula sa Syria, Ambassador Olivia Palala mula sa Jordan at Charge d’Affaires Raul Dado mula sa Kuwait at mga ambassador mula Hongkong, Malaysia at Singapore para imbestigahin. INIT. Agad na tiniyak din ng Palasyo ng Malakanyang na tutulungan ang mga nabiktimang OFWs, papanagutin ang mga sangkot sa pambabastos sa kanila at paparusahan ang mga nagkasala sa mata ng batas. Mga salita na pwede na nating itaga sa bato. Mga salita na sana’y hindi hanggang salita

lamang. Sa kahit anong anggulong tingnan, mali at ubod ng sama ang modus operandi ng mga opisyales na patagong ginagawa ang pang-aabuso sa mga nagdurusang OFWs lalo na sa mga kababaihan. Sa halip na sila ang mag-silbing mga bantay at magbigay ng tulong sa mga naghihirap na kababayan, sila pa ang humihila pa ilalim sa mga kababayang halos kapit na sa patalim. Hindi dapat tayo maging kampante sa pag-balik at sa pag-imbestiga sa mga “hayok sa laman at gutom sa salapi “ na mga opisyales ng embahada. Dapat na itigil ang kahayupan nila at bigyan ng sapat na leksyon at kaukalang parusa matapos na mapatunayan na sila ay nagkasala. LIWANAG. Sa ngayon, kumikilos na ang Department of Justice (DOJ) at ang InterAgency Council Against Trafficking (IACAT) na ayon sa Sec. 20, RA 9028 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ay ang kapulungan na magbabantay, mag-iimbestiga at magtatatag ng mga programa para sa mga taong biktima ng sexual exploitation, sa sapilitang paggawa at ang mga pagpapadala ng mga pinagbabawal ng ating batas gaya ng droga o bawal na gamot. Ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang bansa na may pinakamataas na export labor force na kinasasakupan ng 8.6 milyon na manggagawa na pinangalat sa buong mapa ng mundo lalo na sa Gitnang Silangan. Ang mga OFWs ay nakapag-uuwi ng 20 bilyong dolyares na remittances taun-taon. Hindi natin ipagkaila na napakaimportante ang puwersa nila sa paglago ng ating ekonomiya at ng buong bansa. Kahit nakalimutan lang naman sila ni PNOY noong nakaraang ika-apat na SONA at kahit mga letrang O-F-W ay hindi nasambit. Oo, maituturing natin na sila ang mga bagong bayani. Sila ang bumubuhay sa mga pamilyang naiwan nila sa Pilipinas. Dugo’t pawis ang puhunan nila para malabanan ang kahirapan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga mahal nila sa buhay. Sa radyo man o sa telebisyon, naririnig at nakikita natin ang hirap at kalungkutan na dapat nilang daanan para makamit ang mga IMPETUS Pahina 6

Opin

Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersida

editoryal

Hoy! Finoy Ako!

Minsan nang hinalay ang ating bansa ng mga dayuhan. Sa loob ng mahigit sa tatlong daang taon na pagkakasakop sa atin ng mga Kastila, natuto tayong lumaban sa kanila para sa ating kalayaan. Pagkatapos ng mga Kastila, mga Amerikano naman ang pumalit. Gaya nang nauna natuto rin tayong lumaban. Sa dakong huli, mga Hapon naman ang nakibahagi sa kasaysayan ng ating bansa. Bilang mga mamamayang Pilipino ng ating bansa, tayo ay naging matagumpay para ipaglaban ang ating karapatan. Pilipinas kung tawagin ang ating bansa. “Philippines” sa wikang Ingles; “Filipinas” sa wikang Espanyol. Noong ika-12 ng Abril 2013, nagsumite sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ng isang resolusyon sa pangunguna ni Prop. Virgilio Almario, isang Pambansang Alagad ng Sining, na nagmungkahing ibalik ang katawagang “Filipinas” bilang opisyal na pangalan ng bansa. Dagdag pa sa resolusyon, ipahinto ang paggamit ng katawagang “Pilipinas”. Ang sagot daw sa samu’t saring reaksyon ng publiko na nagnanais na maging moderno ang ating bansa ay ang pagpapalit ng pangalan nito. Dagdag pa rito, pinapahalagahan din daw ng Komisyon ang mayamang kasaysayan ng Pilipinas at ang pagunlad nito sa mga nakalipas na mga taon. Katunayan nirekomenda rin ng KWF ang paggamit ng pangalan ng bansa sa mga kompanya at mga institusyon sa kanilang mga lagda, logo, pangalan, at titulo. Subali’t hindi naman pinipilit sa kanila na gamitin ang “Filipinas” kung ipinatayo ang mga ito sa panahong bago pa nadagdag ang letrang “F” sa alpabetong Filipino. Dagdag pa ni Almario na nagbibigay umano ng kolonyal na mentalidad o kaisipang alipin sa mga Pilipino ang paggamit ng “Philippines” dahil ang mga Amerikano raw ang nagpasimuno sa paggamit ng katawagang ito. Mga Pilipino tayo at marahil sapat na ang naging impluwensya ng mga Kastila nang ibigay sa atin ang pangalang “Pilipinas”hango sa pangalan ng Hari Felipe 11 ng Espanya. Bagaman nauna ang katawagang “Filipinas”, higit na nakilala ang ating bansa sa tawag na Pilipinas. Ang dahilan marahil ay sa mga unang titik ng ating abakada bago pa man nasakop ang ating bansa ng mga dayuhan, wala ang letrang “F” at ang mababasa ay ang titik “P” na higit na magaang bigkasin ng ating mga kababayan kaysa sa titik “F” na naging impluwensiya lamang ng wikang Kastila sa wika natin. Katunayan higit na magaang bigkasin ang mga salitang


tiniAn

he

nyon

ad ng San Agustin

Tomo LIX Bilang 1 • Agosto 28, 2013

“Pilipinas”, “Pilipino”, at “Pinoy”. noong 1940, nadagdag ang letrang “F” sa alpabetong Filipino dahil sa matinding impluwensya ng mga Amerikano at Kastila. Ayon sa resolusyon ng KWF, nirerekomenda ang paggamit ng “Filipinas” sa lahat ng katawagan at mga pangalan ng mga institusyon, organisasyon, at kompanya na itinatag o tinayo noong 1940 hanggang sa kasalukuyan. nguni’t noong panahon ng dating Pangulong Ferdinand marcos nagsimulang gamitin ang katawagang “Pinoy”. ngayon ang tanong ay dapat nga bang baguhin ng bandang Bamboo ang pamagat ng kanilang sikat na awiting “noypi” ng “noyfi” at ang liriko nito mula sa “Hoy! Pinoy ako” patungo sa “Hoy! Finoy ako!”? marami pang dapat bigyang pansin ang KWF. Hindi lang ang pangalan ng bansa at ang wastong baybay nito. mas mabuti pang gumawa sila ng resolusyon kung paano mapapaunlad ang paggamit ng mga titik o letrang hindi nagmula o binuo ng mga dayuhan. Katunayan, mas magandang gamitin ang “Pilipinas” kaysa “Filipinas” at higit na mabuting pakinggan ang awiting likha ni Bamboo kung letrang “P” ang gagamitin at hindi “F”.

9

Tama na ang Minsan EFFATHA

joel s. sastrillo

“Magsilbi na sana itong leksyon na ang bawat bansa ay may mga batas na dapat sundin at irespeto.” TILA ba isang laro ng tadhana ng kamakailan lang napulot ko ang isang lumang dyaryo na inimprinta taong 2011 habang nililinis ko ang kwarto ng namayapa kong Lola. Bumulaga sa akin ang “headline” na naglalaman ng pagbitay ng tatlong Pilipino sa Tsina dahil sa salang pagpuslit ng illegal na droga sa naturang bansa. Para ngang tukso ang nangyari dahil noong ika-3 ng Hulyo, isang 35 taong gulang na Pilipina ang binawian ng buhay sa kamay ng mga Instik dahil na rin sa nasabing sala. Ang naturang ina na hindi pinangalanan ng gobyerno ay nakuhanan ng 6.198 kilo ng heroin ayon na rin sa prowebang naipakita ng korte ng Tsina. Dagdag pa rito, ang nasabing Pinay ay kumita ng 3 milyong piso sa pagpupuslit ng ilegal na droga. si maria Clara ay nahuli ng mga awtoridad sa isang “connecting flight” mula Dubai patungong Hong Kong bilang isang turista. Hindi naman daw nagsayang ng kahit konting panahon ang gobyerno ng Pilipinas dahil umapela naman ang ating Pangulo na maibaba ang parusang kamatayan. sa nasabing interaksyon ng dalawang bansa, hindi natin maikakaila na ang Pilipinas ay nagsisilbing maamong daga para sa bansang Tsina at tila sila ay parang pusa na naghihintay ng tamang pagkakataon upang tayo’y sakmalin. Kahit ano pang luhod ang gawin natin, hindi Tagapaglikha ang bansang Tsina upang tayo ay patawarin. Kung kamatayan ang siyang kaparusahan at naaayon na rin sa mapangil na batas ng naturang bansa, wala na tayong magagawa. Hindi ba mahilig ang mga Pilipino sa telenovela? Kung alam naman pala natin ang ending, eh bakit umaasa pa tayo sa himala na sana ang Tsina ay sumagot din? sabagay hindi naman talaga masama ang umasa – kahit alam nating ito’y huli na. Tama rin naman ang binitawang pahayag ni Rep. mel sarmiento ng Western samar at Rep. Jerry Trenas ng Iloilo City upang tawaging “nakakahiya” ang aksyon ng gobyerno ng Pilipinas sa naturang isyu. Ayun sa kanila, ang gobyerno ay nagdadala ng maling mensahe sa mamamayan ukol na rin sa paninindigan nito hinggil sa pagdala at

pagpuslit ng ilegal na droga sa loob at labas ng bansa dahil sa ginawang pag-apela ng Pangulo sa bansang Tsina. sumagot naman dito ang gobyerno na nagsabing, “kung umapela man ang Punong Ehekutibo, na kung maaari ibaba ang sintensyang ihahatol sa nasasakdal, patunay rin ito na nirerespeto rin natin ang batas nila.” Kung gaano man kaluwag ang batas ng bansa hinggil sa pagsugpo sa naturang suliranin, sana’y magising na rin tayo sa ating pagkakatulog. Ang lahat ng illegal at nakakasira sa pagkatao ay sugpuin na, ang mali at dapat sana’y matagal na itong itinama. oo, tama nga si Rep. sarmiento sa kanyang mga sinabing walang mabuting epekto ang ilegal na droga. Kung mayroon mang nasasakdal, tama na yung tumulong nang kaunti, bilang patotoong hindi sila pinabayaan. Hindi yung ipinapakitang malulusutan mo pa rin ang mga pangil ng pusa sa kasalanang iyong ginawa. magsilbi na sana itong leksyon na ang bawat bansa ay may mga batas na dapat sundin at irespeto. At kung sumaway man tayo dito, ihanda na sana ang sarili sa mga konsekwensyang haharapin. Kung gusto nating irespeto, respetuhin muna natin ang ating pagkatao. Idagdag pang hindi natin gugustuhing maging katawa-tawa sa mata ng ibang bansa dahil lang sa mga hakbang na ating ginagawa. Ang integridad ng Pilipinas ay nakasalalay sa mga mamamayan nito, sa gobyerno at sa kung paano ipinapatupad ang mga batas. Aminin na nating halos karamihan sa atin ay nagdidildil ng asin dahil na rin sa mga kakulangang hindi maibigay ng gobyerno at dulot na rin ng ating pagiging tamad; lagi na lang tayong umaasa. subalit, hindi ito rason upang gumawa ng isang mali na sa umpisa palang, alam naman nating mali na. Hindi ito rason upang maging martir ka kay kamatayan. Hindi rason ang kahirapan upang ipagpatuloy ang pangarap, gumawa ng naayon sa batas – at walang buhay na sana’y maibuwis pa. Hindi mailalarawan ng magandang bahay at magarbong mga gamit ang pananampalataya mo sa maykapal kung alam mo namang sa EFFATHA Pahina 6


AugustiniAn the

Lathalain

Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin • Lungsod ng Iloilo, Pilipinas

Tomo LIX Bilang 1 • Agosto 28, 2013

ANG TAGUMPAY NG USA PUB Ano nA nGA BA AnG nAABoT nG 85 TAon nA LUPon nG mGA mAG-AARAL nA mAnUnULAT

h

indi madali ang daan papunta sa isang matagumpay na buhay; kadalasan, dugo at pawis ang pinupuhunan upang makamtan ang hinahangad na karangalan. Ang University of san Agustin (UsA) Publications ay isa sa mga kilalang pahayagang pampaaralan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asya. Ito ang isa sa pinakamatandang pahayagang pampaaralan ng isang katolikong pamantasan sa labas ng maynila na pumapangalawa sa Unibersidad ng santo Tomas sa pagkakaroon ng pinakamatandang pang-kampus na pahayagan. maliban sa Augustinian mirror (magasin) may iba pang kaugnay na magasin ito gaya ng The Augustinian (dyaryo/talahayagan), IrongIrong (literary journal), Dingding ni Gusting (community wall newspaper) at iba pang mga

espesyal na isyu. nanatiling mataas ang kalagayang kinabibilangan ng The Augustinian mirror at ng The Augustinian. Katunayan tatlong taong sunud-sunod na natamo nito ang karangalang ‘Gawad Graciano Lopez Jaena Award’ at ang pagkamit ng mga parangal sa dinaluhang iba’t ibang seminar at pagsali sa mga paligsahan. Ang inaakala ng iba na tuwid na daan papunta sa tagumpay na tinahak ng UsA Publications ay hindi ganap na katotohanan. Ang totoo, isang daang liku-liko, lubak-lubak at mabatong daan ang tinahak nito. Ang lahat ng paghihirap na dinanas ng UsA Publications ay unti-unti nitong nalampasan. Pinili ng mga kasapi ng UsA Publications ang maging lantad sa tingin ng publiko. sinimulan nilang maging hayag ito sa publiko nang hinayaan nilang gamitin ang internet kung kaya may internet editions na sa bawat isyu ng The Augustinian mirror at The Augustinian. Dahil dito madaling

Larawan ng USa PUb / Thongenn Lanz B. paTIam

ninA stephanie Kay l. urQuiola At hyacinth Grace t. paloma


Augustinian the

Tomo LIX Bilang 1 • Agosto 28, 2013

Lathalain

11

INPOGRAPIKS

Parangal

Ang mga napanalunan ng pahayagang The Augustinian sa mga pambansa at panrehiyong patimpalak

•2013•

MGA NAKIPAGSAPALARAN. Mga miyembro ng USA Publications na dumalo sa Ika-38 na College Press Conference and Awards sa Lungsod ng Bacolod noong Disyembre 6, 2012. (Larawan ng USA Pub / thongenn lanz b. patiam)

naipararating sa mga estudyante ang nais nilang ipabatid at kasabay nito ang muli nilang pagpapatunay na nararapat ang kanilang parangal na nakakamit. Ngayon higit na bukas na ito sa mata ng publiko. Higit ding pinahahalagahan ng Publications ang kanilang mga paninindigan na nagbigay-daan sa paglunsad ng iba pang adbokasiya tulad ng pagpapahalaga sa kalikasan. Katunayan kaakibat nito ang paggamit sa mga online applications at online editions para mabawasan ang mga papel na gagamitin, naglunsad din ng web newscast, binawasan din ang laki ng kanilang magasin, at pinaliit ang font na kanilang ginagamit. Kahit ganito ang ginawa ng mga kasapi ng publications, hindi naman nawala sa isipan nila ang nais na muling magkamit ng karangalan at patuloy na makamit ang karangalang ‘Best College Magazine’ at ‘Best College Newspaper’. Ganoon din ang pagtamo ng patnugot (editor) ng pagkilalang ‘Outstanding Campus Journalists’ at iba pang karangalan hindi lamang sa taong ito

kundi sa darating pang mga taon. Dalawa lamang ang dapat pagpilian ng isang pahayagan: magtagumpay o mabigo. Kung titingnan ninuman ang kwento ng isang pahayagang matagumpay, makikita sa kuwentong iyan ang mga pinagdaanang kabiguan at paghihirap bago natamo ang tagumpay. Ika nga masasabing bago tinahak ng mga kasapi ng USA Publication ang daang matuwid at sementado, dumaan muna sila sa lubak-lubak at maputik na daan. Ngayon nasa rurok ng tagumpay ang USA Publications sa kanyang ika-85 na taon, isa ang pampaaralang pahayagang ito ang masasabing nangunguna sa mga pahayagang pampaaralan hindi lamang sa lokal kundi maging sa pambansang larangan. Tagumpay. Salitang madalas na nais sambitin at makamit ng sinuman. Salitang ipinaglalaban ng balana sa pagnanais na matamo ito. Salitang isinasabuhay ng USA Publications mula noon magpahanggang ngayon at kung papalarin maging sa susunod pang mga taon.

Irong-irong 8 bukas para sa kontribusyon

it Echo Summ 2nd CentraylAwards

ga Gawad Balan 12 Nobyembre 20

•2012•

2

best per newspa

E) Press (COPR 38th College ds ar w and A Conference 12

Disyembre 20

er Layout

st Newspap

1st Place, Be

st News Page

1st Place, Be

ge

st Sports Pa

2nd Place, Be

1

best per newspa

Fellowshipards 9th Spectrnaum ss Aw l Campus Pre The 3rd Natio 12 Nobyembre 20

aper Layout

Best Newsp

•2011•

5

best per newspa

E) Press (COPR 37th College ds ar w A d an Conference 11 Nobyembre 20

er Layout

st Newspap

4th Place, Be

st News Page

4th Place, Be

GRAPIKS ng USA PUB / ray adrian c. macalalag

Ang pabalat ng dating tomo ng Irong-irong

Tumatanggap na ngayon ang Irong-Irong 8, opisyal na literaturang diyurnal ng Unibersidad, ng mga kontribusyon. Mga kasaysayan, tula at sining tungkol sa Pitong Kasalanang Nakakamatay – kapalaluan kahalayan (lust), katakawan (gluttony), kapootan (anger), kasakiman (greed), katamaran (sloth) at kainggitan (envy) – ang mga submisyong karapatdapat. Anumang dyanra o topiko katugma sa pagkamalikhain ng awtor, sa medium na Filipino, Ingles, o kaya’y Hiligaynon man, ay maluwag na pinahihintulutan. Lahat ng mga kontribusyon ay dapat makinilyado at ipasa bago ika-17 ng Setyembre 2013. Para sa, pagsusumite, mga katanungan at paglilinaw, mangyaring makipag-ugnay kay Ayah Granada sa (033)3374841 local 189, IrongIrong08@ gmail.com, o bumisita sa Facebook page ng USA Publications sa facebook.com/usa.publications.

1

best per newspa


12

Lathalain

AugustiniAn the

Agosto 28, 2013 • Tomo LIX Bilang 1

BAGONG HENERASYON NG PANINIGARILYO GAAno nGA BA KALIGTAs AnG sUmIsIKAT nA ELECTRonIC CIGARETTE? ni therese mae f. billones

aring nasa alapaap si anthony* habang hinihithit ang kanyang sigarilyo at pinagmamasdan ang mga usok na nagsisilbing mga ulap na nakapaligid sa kanya. Kasing bilis lamang nawala katulad ng usok ang kanyang pagod at mga hinanakit. Inaaliw niya ang kanyang sarili sa mga hugis na kanyang ginagawa mula sa binubugang mga usok. gayon pa man, alam niya ang nagbabadyang peligro na naghihintay sa kanya dahil sa kanyang paninigarilyo. Kaya nga hindi ordinaryong sigarilyo ang kinahuhumalingan niya. Tinatawag niya itong electronic cigarette o mas kilala sa tawag na e-cigar.

w

si Anthony ay isang menor de edad na gumagamit ng e-cigarette. “Gumagamit ako ng e-cigarette dahil para na rin akong nagsisigarilyo ng tabako. Ang pagkakaiba lang ay hindi ito nakadadala ng panganib sa katawan,” wika niya. “Kung iisipin ng maigi, nakatutulong ang e-cigars sa kapaligiran dahil napapababa nito ang posibilidad ng pagtapon ng mga upos na sigarilyo sa kalsada o kung saan-saan man,” dagdag pa niya. Ang mga dalubhasa’y nakalikha na ng sigarilyong de baterya, maaaring i-charge, pwedeng lagyan ng pampalasa, at maaaring

maglaman ng nikotina o hindi. Ito ay tinatawag na e-cigarette o vaporizer na nagsisilbing alternatibo ng isang tipikal na sigarilyong tabako. Hindi na kinakailangang sindihan ang puwit nito. sa pagtanggal ng takip nito’y maaari nang sipsipin at higup-higupin ang usok na lumalabas. ngunit ang malaking tanong - ligtas ba sa kalusugan? mabenta ngayon sa merkado ang mga e-cigarettes. nakahihikayat ito ng mga mamimili dahil maraming kalamangan ang e-cigarette kaysa sa ordinaryong sigarilyong gawa sa tabako.

Walang mapaminsalang kemikal

Ang usok na pinapakawalan ng sigarilyong may tabako ay naglalaman ng iba’t ibang kemikal na pwedeng gibain ang balanse ng ating katawan lalung-lalo na ng ating baga. nagdadala ito ng samu’t saring sakit tulad ng kanser, tuberkulosis, sakit sa puso at iba pa. samantalang ang e-cigarette naman ay nakakapagpalabas ng usok o vapor sa pamamagitan ng pag-init ng likido o yung tinatawag na e-liquid sa loob ng kartutso nito. Hindi ito mapanira sa katawan dahil malaking porsiyento ng likidong ito ay binubuo ng


Augustinian the

Tomo LIX Bilang 1 • Agosto 28, 2013

Kahit sabihin mang ligtas nga ito, laging tandaan na ang paggamit ng sobra ay makasasama pa rin sa atin. tubig lamang sa halip na mga mapanganib na kemikal. Ang e-cigarette ay hindi rin naglalaman ng carcinogen – isang sangkap na pwedeng pagmulan ng kanser, kaya’t maliit ang posibilidad na matamaan ng kanser ang sinumang gumagamit nito.

Hindi ito nakakapangitim ng ngipin at labi

Ayon sa nagbebenta ng e-cigarette, kapag itinututok ang usok ng sigarilyong may tabako sa kuko ng tao, ang paglantad ng dilaw na kulay ay sanhi ng ‘tar’ na siyang may pakana ng pangingitim ng ngipin at labi. Inaakala ng ibang tao na nikotina ang may dulot nito. Ang hindi nila alam ang epekto ng nikotina ay ang pagluwag ng nadaramang istres o pagod.

Walang “second hand smokers”

Ang usok ng e-cigarette ay walang halong carbon monoxide na siyang nandadamay ng mga hindi naninigarilyo sa tuwing nakakalanghap ng usok. Posible itong gamitin sa mga lugar na may aircon o sentralisado dahil agad na nawawala ang usok na binubuga at hindi masangsang at masakit sa ilong ang amoy nito. Mayroon itong mga pampalasa tulad ng iba’t ibang uri ng prutas at nagkakaroon din ng halimuyak ang usok nito.

Maaari itong maging lunas ng adiksyon sa sigarilyo

Ang paggamit ng e-cigarette ay isang paraan na maaaring gamitin ng taong desididong bitiwan ang hilig sa paninigarilyo. “Kapag nasanay ka na sa paninigarilyo na hindi mo na maiwasang mapiligan ang sarili mo, simula’t sa unang sinubukan mo ito, pwedeng putulin ng e-cigarette ang iyong adiksyon. Sisimulan munang ilagay ang likidong naglalaman ng mataas na porsiyento ng nikotina, tapos paunti-unti, hanggang sa umabot sa puntong zero nicotine o walang nikotinang nilalaman na hudyat na ng pagliit ng pagkakataong manabik sa sigarilyo. Hindi rin kasi makatutulong ang biglaang pagtigil sa ‘nicotine intake’ ng isang tao,” wika ng taong nagbebenta. “Talagang mahilig akong manigarilyo dati. Humigit kumulang isang pakete ng sigarilyo ang aking nauubos sa isang araw. Ngunit nang nasubukan ko ang e-cigarette, nakokontrol ko na ang aking masidhing paghahangad sa sigarilyo. At mas ligtas ito kaysa sa sigarilyong may tabako,” dagdag pa niya. Nagkaroon ng experimento ang Unibersidad ng Athens sa pamumuno ni Prof. Chrsitina Gratziou tungkol sa epekto ng

Lathalain

13

e-cigarette sa iba’t ibang indibidwal kabilang ang mga hindi nagsisigarilyo at ang matagal nang nahuhumaling sa pagsisigarilyo. Sa pagaaral na kanilang inilunsad, napag-alamang napapabilis ng paggamit ng e-cigars ang paglaki ng airway resistance ng isang tao. “Hindi pa namin lubusang masasabing sobrang makasasama ang e-cigars sa mga gumagamit nito o mas kakaunti ang maaaring maidudulot nitong pinsala kaysa sa ordinaryong sigarilyo o yung tabako. Pero gumawa kami ng pag-aaral upang maipapakita na potensyal itong maging mapanira sa ating katawan,” ayon kay Gratziou. Marami pa ang dapat nating tuklasin tungkol sa e-cigarette kung kaya’t patuloy parin tayong magsaliksik at maging mapagmatyag upang maging mapag-alam sa mga epekto nito. Kahit sabihin mang ligtas nga ito, laging tandaan na ang paggamit ng sobra ay makasasama pa rin sa atin. Kung patuloy na pahihintulutan ng gobyerno ang pagbebenta ng e-cigars, hihigit pa ang bilang nga mga kabataang tulad ni Anthony ang makakagamit nito. Maaaring umabot sa sukdulan ang kanilang adiksyon hanggang sa hindi na nila mapigilan ito. *Hindi niya tunay na pangalan

mga dibuho ng USA Pub / jerson e. elmido


AugustiniAn the

Pasundayag

Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin • Lungsod ng Iloilo, Pilipinas

TELESERYE

My Husband’s Lover Larawan ng gma nETworK / jojIT Lorenzo

ni jesanny i. yap

IRONG-IRONG BLUES

ANG BAYAN KONG PILIPINAS

Tomo LIX Bilang 1 • Agosto 28, 2013

AnG my HUsBAnD’s LoVER ay tinaguriang pinaka-unang ‘gaythemed’ series sa kasaysayan ng telebisyon sa Pilipinas. nakakamangha kung paano duminahin ng pinakabagong drama ng GmA 7 ang gabi-gabing trending topics sa Twitter, dala-dala ang hashtag ng naturang drama. sa unang linggo nitong pag-ere ay agad itong tumatak sa publiko sa naiiba at mahusay na pundasyon ng istorya. nagkamit rin ito ng pagtanggap at puri mula sa komunidad ng LGBT o lesbian, gay, bisexual, and transgender. Ang my Husband’s Lover ay isang maliwanag na pamagat, maliban sa salitang ‘lover’ dahil sa kasong ito, ang kabit ay isa ring lalaki. Ang kuwento ay sinabi mula sa pananaw ng asawa, si Lally, na ginagampanan ni Carla Abellana. Gayon pa man, mula sa mga pananaw ng isang tao, maaari itong maging kalunus-lunos na representasyon ng kalagayan ng mga taong nabibilang sa tinaguriang ‘third sex.’ mayroong isang halatang pagpipigil o pagtitimpi sa mga reaksyon ng bawat karakter sa bawat paglilitis - walang pagka-isteriko, walang sampalan at walang matinding palitan ng mga salita, isang bagay na nakakapanibago. marahil ito ang dahilan kung bakit tayo ay madaling nadadala sa ganitong klase ng palabas. madali lamang balewalain ang mga papel ng mga homosekswal kung sila ay makikita bilang comedy bar hosts at entertainers. Ang makasama sila ay hindi nakakabawas sa ating pagkastraight at nagpapakita lamang ng lawak ng ating pagkaka-intindi. ngunit sa anumang pag-uugali na labas sa mga ‘stereotypes’ na ito ay hindi katanggap-tanggap.

ni anne catherine d. malazarte

ni jerson e. elmido


GRAPIKS ng USA PUB / JERSON E. ELMIDO


Augustinian the

Retrato

Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin • Lungsod ng Iloilo, Pilipinas

Tomo LIX Bilang 1 • Agosto 28, 2013

Ang Pagbubukas ng Akademikong Taon 2013-2014 mga larawian nI thongenn lanz b. patiam


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.