AugustiniAn the
M A P A G T U G O N
•
M A P A G - U N L A D •
Ang Opisyal na Pahayagan ng Unibersidad ng San Agustin
. Lungsod ng iloilo, Pilipinas
M A P A G S I Y A S A T Tomo LX Bilang 1
. Agosto 28, 2014
LARAWAN NG USA PUB/ JOHN ELMER BALAN
ang DuloT ng k-12
Ano ang patutunguhan ng Unibersidad?
PATULOY NA PAG-AAYOS
EDITORIAL
Nagtatrabaho pa rin ang Unibersidad para sa darating na PAASCU
Halungkatin at alamin kung bakit dapat manatili ang Filipino sa Kolehiyo
BOSES ANG PUHUNAN Naririnig pa rin ang Agustinong tinig saan man sa mundo sa tulong ng USA Troubadours
Augustinian the
THE
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
MGA PUNONG PATNUGOT
M A P A G T U G O N
•
M A P A G - U N L A D •
Ang Opisyal na Pahayagan ng Unibersidad ng San Agustin
LARAWAN NG USA PUB/ JOHN ELMER BALAN
Joyce Gem M. Cañete Joel S. Sastrillo
AUGUSTINIAN . Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
M A P A G S I Y A S A T Tomo LX Bilang 1
. Agosto 28, 2014
Stephanie Kay L. Urquiola
TAGAPAMAHALANG PATNUGOT ANG DULOT NG K-12
Seulgi J. Han Gizelle Anne D. Villa Victoria Jade V. Estrada
MGA KATUWANG NA PATNUGOT
Stephanie Kay L. Urquiola Gizelle Anne D. Villa
MGA PATNUGOT NG PANITIKAN
Edrylle G. Cofreros
PATNUGOT NG WALLNEWS
Daryl S. Selerio
DIREKTOR NG SINING
John Elmer J. Balan
PATNUGOT NG RETRATO
Jordan C. Galache
TAGAPAMAHALA NG SIRKULASYON
Edrylle G. Cofreros Rochelle Louise D. Doromal Hannah Grace S. Taba Edcel B. Fajutag Resty John L. Palete
MGA PUNONG MANUNULAT
Kevin Jerrol C. Erebaren Frennie M. Tababa Kristin Joseff R. Gagajena Aimee Andrea D. Gaje MGA MANUNULAT
Maria Clarisse T. Jaro ARTIST
Mara Elaiza A. Flores Mary Joshyen T. Pabalinas Shalayne G. Del Pilar MGA TAGAKUHA NG RETRATO
Ano ang patutunguhan ng Unibersidad?
PATULOY NA PAG-AAYOS
EDITORIAL
Nagtatrabaho pa rin ang Unibersidad para sa darating na PAASCU
Halungkatin at alamin kung bakit dapat manatili ang Filipino sa Kolehiyo
Tungkol Sa Pabalat Patuloy ang konstraksyon ng Edgar Injap Sia II na gusali upang mapaglagyan ng mga silid ng Continuing Education Program ng Unibersidad. Sa tulong nito at ng mga iba pang butihing mga alumni ng institusyon, mawawaring isa sa may dekalidad na edukasyon pa rin ang Unibersidad ng San Agustin. Araw-araw may nagaganap pa ring pag-aayos sa loob ng Unibersidad, hindi lang sa pisikal nitong anyo kundi pati na rin sa pagpapabuti pa lalo ng mga pang-akademikong programa para sa mga mag-aaral.
BOSES ANG PUHUNAN Naririnig pa rin ang Agustinong tinig saan man sa mundo sa tulong ng USA Troubadours
SALITA NG MGA EDITOR Bagong mga pangalan, malaking responsibilidad.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, masusing pagpili ang dinaanan ng lupon ngayon para makarating sa nasabing pwesto. Kaakibat ng posisyon ay ang malapad na obligasyon na aming pinanghahawakan. Karamihan sa bumubuo ng publikasyon sa taong ito ay mga baguhan. Sa nasabing kadahilanan, isang pagsubok sa amin ang magpalabas ng isyu sa tamang oras. Oo, mahirap ang aming naging simula sapagkat kailangan naming maki-ayon sa mga pangyayaring humahatak sa amin. Kailangan naming habaan ang aming pasensya upang gabayan ang aming mga kasamahan. Kaakibat ng pagbabagong ito ay ang hamon na panatilihing dekalidad ang aming mga awtput – at sinisiguro namin iyan. Matapos ang maraming pawis na inilaan sa pagsusulat at pagpatay ng oras sa paghihintay sa pagresponda ng mga taong sasagot sa mga katanungan, nasa kamay ninyo ngayon ang produkto na aming ginawa. Hatid namin sa inyo ang unang isyu ng The Augustinian, isang newsletter. Nasa ikatlong beses na ito ng pag-imprinta sa ganitong anyo upang tugunan ang adbokasiyang pagbabawas sa ginagamit na papel. Mas makahihikayat din ito sa mga mambabasa sapagkat mas kasinlaki ng aming magasin at madaling hawakan upang basahin. Siniguro din namin ang tamang disenyo para sa inyong kumportableng pagbasa. Bakit Filipino? Bakit naman hindi? Hindi lang sa tuwing Buwan ng Wika dapat bigyang pansin ang Filipino, kundi pati na rin sa araw-araw nating mga gawain. Sa mabilis na takbo ng panahon, nakakalimutan na natin ang paggamit ng pormal ng wikang Filipino. Imulat sana ng babasahing ito ang pagpapahalaga natin sa sariling wika sapagkat ito ang ating identidad, simbolo ng mayaman nating kultura. Hatid namin sa inyo ang mga kaganapan sa Unibersidad. Kalakip nito ang mga panayam mula sa mga awtoridad. Ang mga naisulat ay pawang totoo, balanse at may pinagbasihan. Maimulat nawa tayo nito sa realidad upang tigilan na natin ang pagiging manhid sa mga kaganapan sa ating palibot. Magalit, matawa, maging seryoso – ihanda na ang halo-halong emosyon. Magbasa na. Ito ay para sa inyo.
Karen Pearl E. Amburgo Jessa Madeleine P. Gange Marie Julienne V. Caballete
MGA APPRENDIS NA MANUNULAT
Jefferson B. Magbanua TAGAPAYO
Dr. Erwin S. Sustento LANGUAGE KRITIK
COLOPONO Ang newsletter na ito ay ginawa sa kompyuter gamit ang InDesign CS5, Adobe Photoshop CS5, at Adobe Illustrator CS5. Ang mga font na ginamit dito ay Optima, Cambria, at Helvetica. DISENYO NG NEWSLETTER Joel S. Sastrillo
Ang THE AUGUSTINIAN ay ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin. Inilathala ito sa patnubay at superbisyon ng USA Publications. Sa mga interesadong magbahagi ng kanilang komento, suhestyon, at kontribusyon, mangyaring makipag-ugnayan sa lupon ng mga patnugot. Walang anumang parte ng phayagang ito ang pwedeng makopya sa kahit anong paraan kung walang pormal na pahintulot mul sa USA Publications at sa mga nagmamay-ari ng artikulo, grapiks, o larawan. OPISINA 2/F Alumni Building, University of San Agustin General Luna Street, Ililo City, Philippines 5000 Pwedeng basahin ang online edition ng THE AUGUSTINIAN sa aming website. I-scan lang ang QR Code na ito gamit ang inyong device.
TELEPONO (+63-33) 337-48-41 to 44 local number 189 EMAIL usa.publications@rocketmail.com WEBSITE www.usa-pub.blogspot.com BLOGSITE www.usa-publications.journ.ph
Augustinian the
Balita .
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
Tomo LX Bilang 1
. Agosto 28, 2014
Pagbisita ng PAASCU sa Unibersidad, ipinagpaliban NI JOYCE GEM M. Cañete
IPINAGPALIBAN ang akreditasyon ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and Universities (PAASCU) sa Unibersidad ng San Agustin. Ayon sa abiso ng opisina ng PAASCU, itutuloy ang nasabing akreditasyon sa susunod na Pebrero o Marso 2015. Ang nasabing rekomendasyon ng PAASCU ay ukol na rin sa kadahilanang ang ilang mga aytem sa mga report na ipinasa ay kailangan pang ayusin. “The items in the submitted forms were deficient and lacking evidences. They used an old form so [the University] was asked to fill up again using an updated form. [Ang isinumeteng papeles ng Unibersidad ay hindi ‘updated’ kaya sinabihan ulit ang Unibersidad na mag‘fill up’ gamit ang ‘updated’ na pormas.]” pagpapahayag ni Fr. Frederick C. Comendador, presidente ng Unibersidad. Dagdag pa niya, “The last time we were visited [by the PAASCU] was on 2008 and that was for the core programs. When they visit us, they check if all those [recommendations] were implemented and that’s why we did our best to implement them. But if you’re asking if we’re ready or not, it’s the accreditors who will really determine whether we have complied or not [Huli tayong binisita (ng PAASCU) noong 2008 at para iyon sa mga ‘core’ na programa. Kung binibisita nila tayo, tinitingnan nila kung naisakatuparan ang implementasyon ng mga rekomendasyon. Ngunit kung nagtatanong ka kung handa na ba tayo o hindi, depende iyon sa mga akreditor].” Nakasaad sa Circular No. 07 na ang muling pagbisita ng PAASCU ay gagawin sa mga sumusunod na erya at programa: College Community Involvement, Library, Physical Plant and Student Services; mga programa sa ilalim ng Kolehiyo ng Arts and Sciences, Elementary at Secondary Education, Medical Technology, Doctor of Philosophy in Education at Masters of Arts in Education. Ayon kay Dr. Alex B. Facinabao, Direktor ng Quality Management Office (QMO), “Maliban sa mga naisaad na programa, ang Pharmacy ay magsasagawa ng “re-accreditation” ngayong taon samantala ang Civil and Mechanical Engineering, Computer Engineering, Hotel and Restaurant Management, Tourism at Nursing ay pwede nang mag-apply para sa survey ngayong taong pang-akademiko 2014-2015 kung ang mga rekomendasyon (ng PAASCU) ay naimplementa.”
TIIS LANG AT MATATAPOS DIN. Pinipinturahan ng manggagawang ito ang isang bahagi ng Urdaneta. Ito ay hindi lang paghahanda sa darating na PAASCU; ito ay parte rin ng pagpapaganda at pangagalaga sa mga gusali ng Unibersidad para makapanghikayat ng karagdagang mag-aaral.
(LARAWAN NG USA PUB/ JOHN ELMER
J. BALAN)
Ang nasabing akreditasyon ay isang opurtunidad para magkaroon ang institusyon ng sariling pag-analisa tungo sa pagkakaroon ng dekalidad na serbisyo, operasyon at naglalayong humubog ng mataas na antas ng edukasyon sa pamamagitan ng mga prinsipyo at mga panuntunan para matamo ito. “All the things we do are to comply with either PAASCU recommendations or to fulfill the 10-year strategic plan that we came up with in the past. This is not only a single individual’s effort, but requires the participation of the faculty, the students, and the whole Augustinian community [Ang lahat ng mga bagay na ginagawa natin ay upang sundin ang mga rekomendasyon ng PAASCU o maisakatuparan 1
ang sampung taong strategic plan na ginawa noong nakaraan. Ito ay hindi gawain na para sa isang tao lamang sapagkat kinakailangan nito ang pakikilahok ng mga guro, mag-aaral at ng buong Agustinong komunidad],” wika ni Comendador. Nang tanungin ng The Augustinian kung ano ang maibabahagi ng mga Agustinong mag-aaral sa nasabing akreditasyon, ito ang naging mensahe ni Comendador: “Mga payak na bagay gaya ng patitipid sa paggamit ng kuryente, pagpapanatili ng kalinisan at pagaaral nang mabuti upang mapataas ang ‘board passing rate’ - ilan lamang ito mga paraan kung paano makatulong ang mga mag-aaral sa nalalapit na pagbisita ng PAASCU.”
Balita
Augustinian the
Tomo LX Bilang 1
. Agosto 28, 2014
Silid-aralan sa Unibersidad, kinulang NI FRENNIE M. TABABA AT KAREN PEARL E. AMBURGO
NAGDULOT ng kakulangan sa mga silidaralan ang pagbabawas ng araw ng klase sa akademikong taon na ito. Simula noong Hunyo, mula lima, naging apat na araw na lamang ang pasok sa loob ng isang linggo. Kasabay ng pagbabagong ito ang paghaba ng isang piryud ng klase - mula sa isa hanggang sa isa at kalahating oras. “Sa pinapatupad na bagong kurikulum, ang
pagkakaroon ng ‘free day’ tuwing Miyerkules ay isa sa mga dahilan kung bakit naranasan ng iba ang pagkakaroon ng kakulangan sa silid-aralan,” pahayag ni Prof. Sofia Cossette Monteblanco, Associate Vice President for Academic Affairs (VPAA). Hindi inaasahan ng Unibersidad na magkakaroon ng kakulangan sa silid-aralan ngunit ang populasyon ng mga estudyante sa Unibersidad ay 9,595, mas mataas ng 0.85 na porsyento kung ikukumpara sa unang semestre ng nakaraang taon.
DAGDAG-BAWAS. Makikitang ang dating Printing Press Office ay ginawang silid aralan upang tugunan ang kakulangan nito; ang nasabing opisina ay isinalin sa Mercado Hall. (LARAWAN NG USA PUB/ JOHN ELMER J. BALAN)
“Napakaraming estudyante ang hindi alam kung saan pupunta at hindi maintindihan kung ano ang nakalagay sa kani-kanilang mga Registration Form (RF). May sitwasyong umabot pa sa puntong nagkasabay ang magkaibang seksyon sa isang silid-aralan samantalang marami namang silid ang bakante pa,” reklamo ni Mae Quinqero, isang mag-aaral ng Kolehiyo ng Management at Accountancy. Hindi lamang ang mga mag-aaral ang nahihirapan, ang mga guro rin sa Unibersidad ay nalito sa sitwasyon sa dahilang nasanay sila na mayroon nang silid sa asignaturang ini-atas sa kanila. “Ang mga gurong katulad ko ay inaasahang sundin ang ‘time table’ sa umpisa ng akademikong taon at inaasahan ding matatapos naman ito sa inilaang oras. Dahil hindi pa tiyak ang silid-aralan na gagamitin, kami ay hindi pa pormal na nakapagsisimula ng aming klase at leksiyon sa oras na itinakda sa amin,”pagbabahagi ni Edda Brenda Yerro, isang guro sa Biology Department. Ipinaliwanag ni Monteblanco na ang paggamit ng assisted scheduler at ang mas mabuting pagpaplano at koordinasyon sa pagitan ng Registrar, VPAA, mga dekano at direktor ng General Education Curriculum ay makakatulong nang malaki sa pagkakaroon ng mabuting alokasyon ng mga silid-aralan sa susunod na semestre.
Augustinian Student Planner, inilabas ng USASC NI Kevin JERROL C. Erebaren
Sinimulang ibenta ng USA Student Council (USASC) ang Augustinian Student Planner upang magsilbing bagong attendance sheet para sa mga mag-aaral na Agustino noong Agusto. Sa halagang 50 pesos, papalitan nito ang dating pira-pirasong papel na nagsisilbing attendance sheet ng bawat departamento. “Hindi na mahihirapan ang mga estudyante sa pagkuha ng kanilang attendance sheet. Ito’y kanilang i-prepresenta at lalagyan ng marka ng taga-monitor ng attendance,” pahayag ni Jeremiah Vardeleon, presidente ng USASC. Dagdag pa ni Vardeleon, maliban sa paggamit nito bilang attendance sheet, naglalaman din ito ng mga aktibidades ng Unibersidad sa loob ng akademikong taon at ito ay paraan din upang manuot sa kamalayan ng pamayanan ang mga gawaing kaganapan sa eskwelahan. “Sa pamamagitan ng pagbili ng Student Planner, makatutulong ang bawat Agustino sa Unibersidad upang paghandaan ang kakulangan ng mga mag-aaral sa 2016 dahil magsisilbi itong isang uri ng promosyon para manghikayat pa sa
mga estudyanteng makakakita nito na pumasok sa ating Unibersidad, ” wika ni Vardeleon. Dagdag pa, ayon na rin sa panayam ng The Augustinian sa isang Agustino, makatutulong ang bagong proyekto ng Student Council sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbigay ng dagdag na organisasyon, hindi lang para sa mga departamento kung hindi para na rin sa mga estudyante. “Dahil sa Augustinian Planner, nagiging mas organisado at mabilis ang pagkuha namin ng attendance. Hindi na kami mahihirapan magtago ng mga papel hanggang sa katapusan ng semestre,” pagbabahagi ni Mary Johsyen Pabalinas, isang mag-aaral ng Bachelor of Medical Laboratory Science. Ipinahayag rin ni Vardeleon na ang bawat proyekto ng organisasyon ay nakakabit sa pitong pang-Agustinong adbokasiya: culture and arts (kultura at sining), sports (isports), academic excellence (akademikong kahusayan), leadership (pamumuno), research and development (pananaliksik at pag-unlad), environment and health (pagkalinga sa kapaligiran at kalusugan) at Augustinian formation and mission (Agustinong pormasyon at misyon). Lahat ng mga plano ng USASC ay 2
sinusuportahan ng administrasyon sa pamamagitan ng pangangasiwa at pagpapatupad ng mga programa. Ang paglikom ng karagdagang pondo ay isasagawa ng nasabing organisasyon sa tulong ng USASC Shop at sa pakikipagugnayan ng mga isponsor.
ORGANISADO. Binabasa ng dalawang estudyante ang ASP para sa impormasyon ukol sa Unibersidad. Ito ay isang pagbabago o inobasyon dulot ng USASC. (LARAWAN NG USA PUB/
JOHN ELMER J. BALAN)
Tomo LX Bilang 1
. Agosto 28, 2014
Augustinian the
NAGLULUTO NG LIGAYA. Masusing hinihiwa ng mga estudyante ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto. Ito ay isa sa mga programang nakapaloob sa short-term course na ihahain ng Unibersidad. (LARAWAN NG USA PUB/ JOHN ELMER BALAN)
Paghahanda sa K - 12, inilagak ng Unibersidad NI JOEL S. SASTRILLO
Upang patuloy na makatayo para tugunin ang hamon at saluin ang mga opurtunidad na dala ng K-12, naglagak ang Unibersidad ng mga istratehiya sa pamamagitan ng pagbuo ng “Task Force on K-12” na pinamumunuan ni Fr. Frederick C. Comendador, OSA, presidente ng Unibersidad ng San Agustin. Katuwang din ni Comendador ang mga bubuoing Technical Working Groups (TWGs), na pinamumuan ni Fr. Rommel D. Par, OSA, Vice President for Academic Affairs bilang chair. Sila ang titiyak sa mga bahaging maaapektuhan ng implementasyon ng nasabing programa ng gobyerno. Kabilang sa parteng maaapektuhan ng implementasyon ay ang: Curriculum, Personnel/Administration and Administration and Organizational Marketing and Linkages, Infrastructures and Facilities at Finance. “Ang TWGs ay magpa-plano at magrerekomenda ng iba’t ibang istratehiyang dapat gagawin ng Unibersidad upang matugunan ang epekto ng kabuuang
implementasyon ng K-12 kurikulum sa 2016,” pahayag ni Prof. Sofia Cosette Monteblanco, Associate Vice President for Academic Affairs. Isa sa nakitang solusyon ang pagpapalakas at pagpapaganda ng Program Offerings ng Unibersidad ayon na rin sa Professional at Development Center nito. “Sinisigurong mabibigyan nang sapat na continuing education ang mga gradweyt at kaukulang ‘short-course requirements’ ang mag-eenrol sa mga programa. Ang sentro ay magbibigay ng karagdagang programa para sa ‘personal enrichment’ ng mga estudyante,” wika ni David Pelaez, Direktor ng Professional and Development Center ng Unibersidad. Binubuo ng anim na basehan ang nasabing program offerings: review classes, short-term courses, continuing education, seminars/ workshops/conferences, teaching excellence seminars at enhancement programs. Sa panayam kay Monteblanco, napagalaman ng The Augustinian na nag-apply na ang Unibersidad sa Department of Education para sa Senior High School Program Implementation para sa akademikong taon 2016 -2017 at sa mga susunod pa. 3
Balita
Karagdagang Kompyuter Lab, ipinagawa NI EDRYLLE G. COFREROS
Upang ma-iangat ang sistema ng edukasyon ng mga Agustinong mag-aaral, dalawang laboratoryong pang-kompyuter (Lab A at Lab B) ang ipinatayo sa San Agustin Hall. Ang nasabing laboratoryo ay nagkaroon ng mga bagong pasilidad tulad ng karagdagang airconditioning units, internet, ceiling-mounted multimedia projector at ang ikakabit pa lamang na mga CCTV camera. Ayon kay Rowena D. Gazote, tagapanagasiwa ng Computer Laboratory, kabilang sa ginawang pagbabago ay ang layout ng laboratoryo, computer tables, electrical outlets, server room at networking cables subalit sila pa rin ay nagpaplanong magdagdag ng LCD monitors, bagong computer units sa Lab B at mga lisensyadong software tulad ng Adobe. “Ngayon na nabuksan na ang bagong laboratoryo na may kapasidad na 50 na estudyante sa Lab A at gayundin sa Lab B at anim na units para sa networking at hardware classes ay magbibigyan na nang sapat na pasilidad at mapapadali ang pagmomonitor sa mga estudyante,” dagdag pa ni Galzote. Ayon naman kay Dominico A. Laude, Cloud Computing/ IT Special Projects InCharge, na ang pagpapatayo ng bagong laboratoryo ay bahagi ng paghahanda sa papalapit na akreditasyon ng Philippine Accreditors Association of Schools, Colleges, and Universities (PAASCU) at para na rin sa pagtugon sa implementasyon ng master plan ng Unibersidad. “Sa katunayan, malaking tulong ang laboratoryo sa mga estudyante. Magbibigay sila [mga estudyante] nang sapat na atensyon sa kanilang mga aktibidades dahil ang bagong laboratoryo ay may mas malawak na espasyo sa bawat unit sa rasong mas mapapadali ang pagmonitor sa mga estudyante,” dagdag ni Laude.
MAKABAGONG PASILIDAD. Dalawang laboratoryong pang-kompyuter ang ipinatayo sa San Agustin Hall upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon. (LARAWAN NG USA PUB/ JOHN ELMER
J. BALAN)
AugustiniAn the
MABILISANG BILANGAN
Mga impormasyon ukol sa Dengue mula sa City health Office ng Lungsod ng Iloilo (Enero-Agosto 2014) niLiKOM ni AIMEE ANDREA D. GAJE
66.88% Estimadong porsyento ng pagbaba ng bilang ng biktima ng dengue sa mga buwang nasakupan
0 Naitalang namatay sa Dengue sa loob ng buwan ng Enero hanggang Agosto
BULLeTPROOF Pahina 6
ng gobyerno natin masolusyunan ang problema ng mga batang manggagawa, ang kahirapan ng ating bansa ang dapat na pagtuunan ng pansin sapagkat ang child labor ay itinuturing na resulta lamang nito. May mga batang nagbibilad sa init ng araw na hindi nagrereklamo, mga batang makapag-aral bilang tanging dasal bago matulog sa gabi. Sa mura nilang mga edad, karga na nila ang mabigat na responsibilidad. Hindi nila kasalanan ang kahirapan na kanilang kinagisnan, pero bakit sila ang pumapasan? Iilang taon pa lang ang pamamalagi sa mundong ito, pero bakit napakalaki na ng utang na kanilang binabayaran? Bata, bata. Utang mo, magkano? INQUISITIVe Pahina 6
mga lalaki ang inaasahang kumayod para sa kanilang pamilya. Naalala ko tuloy ang sabi ng socio-anthropology teacher namin na si Prof. Maria Cristy Daguay na dulot ng mataas na paniniwala ng sosyedad sa mga kalalakihan kung kaya’t mas minamabuting kimkimin ng mga lalaki ang mga problema kaysa naman ipagsabi ito sa ibang tao. Ang implikasyon nito ay ang kahalagahan ng pagiging bukas at
Tomo LX Bilang 1
. Agosto 28, 2014
bCE at ASL, ipapatupad ng SAWO ni RESTY JOHN L. PALETE
ANG bagong Beyond the Classroom Learning (BCE) at Academic Service Learning (ASL) ay ilan sa mga programang ipapatupad ng Student Affairs and Welfare Office (SAWO) para sa Agustinong komunidad upang panindigan ang visyon at misyon mula sa karisma ng Unibersidad at maging sa labas ng institusyon. Ang programang BCE na isinasailalim sa General Education Curriculum kung saan ang mga estudyante ay kinakailangang kumuha ng mga asignaturang lagpas sa matututunan sa loob ng silid-aralan na binubuo ng extracurricular o co-curricular activities katulad na lamang ng mga aralin, seminar, workshop at gawaing pampamayanan. Ang balangkas ng programang ito ay nakasandig sa pitong pang-Agustinong adbokasiya na nakadugtong sa tatlong adhikain ng Unibersidad na Good Governance, Augustinian Formation at Mission o Augustinian Community at Culture of Excellence. Pinaliwanag ni Prof. Eric C. Divinagracia, Director ng SAWO na, “Mapagtantong kung ang BCE ay mabilang sa General Education Course o ipakilala sa mga partikular na kolehiyo at kung bukas loob ang pagtanggap na maaring itu-on ito sa araw ng Miyerkules (Activity Day) o tuwing National Service Training Program (NSTP),” dagdag pa niya, “Ang BCE ay tumutugon sa Seven Augustinian Advocacies pati na rin ang tatlong tema na ipinahayag sa bagong estratehiyang plano ng Pamantasan.” Ang ASL ay konseptong magpapabago sa mga silid-aralan bilang katuwang sa paglahok sa komunidad na maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagkaroon ng proyekto ng bawat klase upang isabuhay ang disiplinang magbibigay pansin sa mga proyektong pangkomunidad. “Ang programang ASL ay maaring maging proyektong pangkomunidad, na makatutulong sa komunidad, pero matututo sa pamamagitan ng mismong proseso. Ito ay magiging epektibo upang maging midyum pang-edukasyon para sa mga estudyanteng kalahok sa programa, pero ito ay mapakikinabangan ng komunidad,” ayon kay Divinagracia. Ang dalawang programang isinagawa ng
SAWO ay makakatulong at mapakikinabangan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglantad sa makabuluhang exta-curricular at co-curricular activites para maging maayos ang paghahanda patungo sa pagtugon sa kanilang pangangailangan. Pagbabago sa sarili at kabutihan ng komunidad ang layunin ng programang ito o bahagi ng mga proyektong isinulong ng Unibersidad. Ang BCE at ASL ay sumasandig sa makabagong edukasyon kalakip ang mga bagong kaalaman sa Agustinong kalagayan na nakabase sa “Virtus et Sciencia” bilang mga patnubay. Layunin nitong maitaguyod ang mga manggagawa para sa komunidad at maging isang ahente ng pagbabago sa lipunan. Paglilinaw ni Divinagracia, “Kami ay gumagawa ng balangkas at ideya para sa ikalawang semestre o sa susunod na taong panuruan. Nararamdaman ko na mayroon nang progreso sa mga ginagawang plano at kinakailangan pang isa-proseso ang impormasyon, pagbubuo at susunod na ang pagbabago. Sa pamamagitan ng positibong suporta, maaring maging malinaw ang mga ideya ng isang aktwal na programa. Pagkatapos ng isang pananaw, papasok na dito ang pamumuno at ito ay isang malaking hamon kung paano isasagawa.” Hatid ng BCE at ASL ang maunlad na pagbabago ng edukasyon sa kompromisong panlipunan.
mapagbahagi ng nararamdaman sa kapwa. Sa kabilang dako, mas maraming babae ang nagtangkang magpakamatay kaysa sa mga lalaki sa Pilipinas ngunit sa ibang bansa, mas mataas pa rin ang porsiyento ng mga lalaking nagpapakamatay. Ayon sa pag-aaral ni Redaniel noong 2011, walang malinaw na paliwanag sa ganitong pagbabago, ngunit may kaukulang kontribusyon dito ang kahirapan at hindi pantay na pagsasahod sa magkaibang kasarian.
Ang mga dahilan upang makatulong na maibaba ang posibilidad ng pagtitiwakal ay ang sumusunod: mahigpit na spiritwalidad, suporta ng pamilya, suporta ng mga kaibigan at positibong pananaw sa buhay. Gayunpaman, ang opisyal na tala ng nagpakamatay sa Pilipinas ay mas mababa kumpara sa ibang bansa sa Western Pacific Region dahil likas na relihiyoso ang mga Pilipino at hindi ito tanggap ng Simbahang Katoliko. Isa pang dahilan ay may kaakibat na
4
GRAPIKS NG USA PUB/ MARIA CLARISSE T. JARO
Balita
Tomo LX Bilang 1
. Agosto 28, 2014
Augustinian the
COE Faculty,nagawaran bilang ‘Ulirang Guro’ NI JOEL S. SASTRILLO
Pinarangalan si Dr. Erwin S. Sustento, isang guro ng Kolehiyo ng Edukasyon ng Unibersidad ng San Agustin, bilang isa sa mga “Ulirang Guro sa Filipino 2014” sa buong bansa sa isang seremonya na ginanap sa University Hometel, West Visayas State University, ika-19 ng Agosto. Matapos ang masusing pagpili ng lupon mula sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), nakuha ni Sustento ang isang pwesto at nag-iisa mula sa Rehiyon VI, mula sa mahigit isandaan at dalawampung kalahok. “Labis akong natuwa dahil napansin at nabigyan ng halaga ang pagod na aking naisagawa tungkol sa pagtataguyod at pagtatanod ko sa Wikang Filipino sa RehiyonVI,” pahayag ni Sustento. Kinabibilangan ng mga sumusunod ang batayan sa pagpili ng Ulirang Guro: lisensiya sa pagtuturo, mga natapos na edukasyon, mga
publikasyon, mga inisyatiba sa pagtataguyod ng Filipino at mga gawad at parangal na natanggap. Ilan sa mga publikasyon at mga inisyatiba sa pagtataguyod ng Filipino na pinamunuan at nilahukan ni Sustento ay ang pagsusulat ng mga aklat na ginagamit sa pagtuturo sa Filipino. “Gusto kong ipagbigay-alam sa lahat na sa isyu ng Wikang Filipino, hindi lamang ito usaping matatagpuan sa Sentro (Kamaynilaan) subalit maging sa mga rehiyon na matatagpuan sa ating bansa,” dagdag pa niya. Napag-alaman din ng The Augustinian na pinarangalan si Sustento ng Pambansang Samahan ng mga Tagataguyod at Tagamasid ng Filipino (PASATAF), Commision on Higher Education at Department of Education ng “Gawad Balagtas Para sa Pinakamahusay na Guro sa Filipino sa Kolehiyo sa Buong Pilipinas” noong taong 2008. Si Sustento ay nagsilbi ring moderator ng USA Publications noong 2008 hanggang 2010.
Balita
Dagdag na benipisyo sa mga atleta, ini-indorso ng SAWO NI SEULGI J. HAN
Maliban sa 100% scholarship program na iniaalay ng Unibersidad sa mga atleta nito sa antas-tersyarya, nagpaplano ang Student Affairs and Welfare Office (SAWO), kasama ang Sports Office na plawakin pa ang benepisyong makukuha nila, kung saan kasama rito ang libreng “board at lodging.” Magiging malaking tulong ito sa mga atletang hindi nakabase sa siyudad ng Iloilo at nagrerenta pa ng matutuluyan. Naglalayon din ang nasabing panukala na matugunan ang kakulangan ng mga pasilidad para sa mga atletang nagrerepresenta ng Unibersidad sa panrehiyon at pambansang kompetisyon. “Isa sa mga ‘concerns’ namin ay bigyan ng sariling kwarto ang ating kupunan na napabilang sa Tennis na nakakuha ng ikalawang pwesto sa National Private Schools Athletic Association,” wika ni Eric Divinagracia, direktor ng SAWO. Nakabuo na ang Sports Office ng mga plano para sa nasabing panukala subalit nangangailangan pa rin ito ng sapat na pondo na manggagaling sa administrasyon. “Ang pangunahing layunin ng programang ito ay ang kinabukasan ng mga mag-aaral pero kailangan ang mapursiging sigasig ng administrasyon sa pag-iindorso. Ang sinumang estudyanteng may magandang karanasan sa Pamantasan ay instrumento sa pagpapalaganap ng magandang balita, dahil dito mas higit ang pananatili sa Pamantasan,” pahayag ni Divinagracia.
Ibahagi ang iyong nalalaman!
GANTIMPALA. Ipinipresenta ni Dr. Erwin S. Sustento (ikalawa mula sa kaliwa) ang sertipiko ng pagkawagi bilang “Ulirang Guro” kasama ang mga kasapi ng Komisyon ng Wikang Filipino.
(LARAWAN NG USA PUB/ SHALAYNE G. DEL PILAR)
kahihiyan at nakakapanirang-puri sa pamilya ang pagpapatiwakal. Higit sa lahat, ang pagpapakamatay ay hindi isang solusyon sa mga problema at mas lalong hindi ito katanggap-tanggap sa lipunan. Sabi nga nila, habang may buhay may pagasa. Hindi pagbibigti ang magpapalaya sa isang tao kundi ang kanyang kagustuhan na harapin at bigyang linaw ang kanyang mga pasanin. Dumaan man ang unos at bumabaon man sa hukay ng problema ang mga Pinoy,
*Inbox! Magpadala na!
hindi nakakaligtaan ang pagiging positibo sa buhay. Ngunit minsan ang maliit na problema ay napapabayaan at sa bandang-huli ay lumalaki at unti-unti na nitong kinakain ang buong pagkatao ng isang indibidwal. Sa huli ay nauuwi sa depresyon at naaapektuhan na ang ating pakikitungo sa sarili at sa ibang tao. Malaki ang kontribusyon ng pamilya sa ganitong isyu at sana ay maging isang paalala ito na dapat din nating bigyang halaga ang ating mga nararamdaman at subukang labanan ang mabigat na ekspektasyon ng lipunan. 5
Huwag ng matakot magsalita at maging parte ng mga kaganapan sa paligid. Kung mayroon kayong mga pananaw o opinyon tungkol sa Unibersidad, pwede ninyo itong i-text sa 09982645051 o magpadala ng pribadong mensahe sa aming Facebook page (facebook.com/usa.publications). Sinisiguro naming hindi mabubunyag ang inyong identidad.
Augustinian the
Opinyon .
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
editoryal
Laban Filipino!
Buwan ng Hunyo nang ipinalabas ng Commision on Higher Education (CHED) ang CMO No.20 series of 2013 na naglalaman ng pag-alis ng mandatoryong Filipino subjects sa General Education Curriculum sa tersaryong antas. Nakapaloob sa nasabing memorandum na ang GEC units, kasalukuyang 63 units ( para sa humanities at social sciences majors) o 51 units (para sa agham, inhinyero, at major sa matematika), ay magiging 36 na units na lamang para sa lahat. Kasabay nito, ang mandatoryong units sa Filipino ay ituturo na lamang sa Grade 11 sa loob ng 108 na oras na nakapaloob sa Senior High School Curriculum ng programang K – 12. Dahil sa isang desisyong ipinalabas ng CHED, umalab ang makabayang puso ng mga mamamayang Pilipino. Hindi kami sang-ayon sa disposisyong ito ng CHED sapagkat ang asignaturang Filipino ay patuloy na pinag-aaralan at pinayayabong. Katulad din ng ibang asignatura, bigyan
sana natin ito ng pansin at ang nasabing memorandum ay pag-isipan pa lalo ng nasa posisyon. Bawat bansa ay may kanya-kaniyang sariling wika na pinapayabong sa pamamagitan ng pag-aaral nito. Kung inyong namamalayan, tayong mga Pilipino ay nagsusunog ng kilay upang maisaulo ang lingguwahe ng iba’t ibang bansa. Naitanong na ba natin sa ating sarili kung pinag-aaralan din ba nila ang wikang Filipino? Sa mababang antas pa lamang, itinuturo na ang Filipino. Subalit sa loob ng ilang taong pagtuturo sa elementarya at sekondarya, hindi ito katibayan na naisasapuso na ng mga mag-aaral ang sariling wika. Sa ngayon katutubong wika ang ginagamit na paraan sa pagtuturo sa elementarya, marami pa rin ang nahihirapang intindihin ang kanikanilang mga leksyon? Isa itong malinaw na ugat upang puspusan pang ituro ang Filipino sa mataas na antas. Kaakibat ng identidad ng 6
Tomo LX Bilang 1
. Agosto 28, 2014
pagkatao ay ang kultura. Nakalimutan na yata ng CHED na ang Pilipinas ay binubuo ng mga kapuluan na may kaniya-kaniyang diyalekto. Isa tayo sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong mundo. Salat man tayo sa pera, mayaman naman ang Pilipinas sa kultura. Wikang Filipino rin ang sumisimbolo sa legasiyang inilathala at ibinuwis ng buhay ng mga bayani. Kung mawawalan man ng lugal ang asignaturang Filipino sa GEC, masasabing kataksilan at paglimot na ito sa sariling bayan. Ang National Commision for Culture and the Arts-National Committee on Language and Translation (NCCA-NCLL) ay nagsumite ng pangalan ng 10,000 full-time na guro at 20,000 part-time na guro ang mawawalan ng trabaho dahil sa pag-alis ng Filipino subjects sa kolehiyo. Sa datos na nakalap ng The Augustinian, mayroong 12 guro sa Filipino ang Unibersidad (dalawa ang regular). Kung iyong titingnan, kulang na kulang ito sa humigitkumulang 2000 na Agustino na kumukuha ng asignaturang Filipino. Araw-araw, dugo’t pawis ang puhunan ng mga guro upang maiparating sa mga mag-aaral ang tamang kaalaman. Sana naman, bigyang pansin na lamang nila kung paano maipapataas ang sahod ng mga guro. Hindi na ‘yung kakarampot na nga ‘yung kita, pagkakaitan pa. Sa kasalakuyang takbo ng panahon at pagbabago ng pananalita, nakakalimutan na ng karamihan ang pagsasalita ng Filipino. Kaya nariyan ang mga guro na handang magturo at gumabay sa mga mamamayan tungo sa makabansang adhikain. Klarong-klaro din na nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV, Section 6 na ang gobyerno ay mangunguna sa paggawa ng mga hakbang sa paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon. Kaakibat nito ang kahalagahan ng paggamit ng Filipino bilang epektibong salik ng pagkatuto. Mistulang ang sangay ng pamahalaan pa mismo ang sumusuway rito. Sa huli, sinasabing kasabay ng implementasyon ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Integration 2015 ang pagpapatupad ng rebisyon ng kurikulum sa kolehiyo ng CHED. Hindi layunin ng ASEAN ang pagbubura ng asignaturang Filipino sa GEC. Ang gusto nitong iparating ay ang pagbabahagi ng kultura ng iba’t ibang bansang kasapi nito. Ano pa ang maibabahagi ng bansa kung ang mga mamayan nito ay pinagkaitan ng malaya at makabansang edukasyon? Bago pa man natin pag-aralan ng lubos ang iba’t ibang wika ng mga karatig-bansa, sana naman maisapuso muna ang sariling wika. Kawari ng sigaw ng pagsuporta sa Gilas Pilipinas - Laban Filipino! Puso!
Augustinian the
INQUISITIVE
“ ”
JOYCE GEM M. CAÑETE
...nagagawang ikubli ng mga Pinoy ang kalungkutan sa pamamagitan ng pagiging makwela at masayahin.
Ayoko na Biglang binaha ang social media ng mga larawan ng isang sikat na komedyante noong kabataan ko. Ipinagluluksa ngayon ang pagkamatay ng isang batikang artista sa Hollywood na si Robin Williams noong ika-11 ng Agosto. Sa kabila ng lahat, mas nakagugulat ang pinaniniwalaang dahilan ng pagkawala ng kanyang buhay – siya mismo ang kumitil nito. Dahil sa kanyang nakatutuwang papel at sa pagbigay-buhay ng karakter sa mga pelikukang tulad ng Dead Poets Society, Good Will Hunting and Mrs. Doubtfire, hindi inaasahang tinapos ng 63 na taong gulang na si Williams ang kanyang pakikipagsapalaran kahit na napag-alamang nakikipaglaban siya sa depresyon mula pa taong 2003. Ang tanong, paano ang tulad ni Williams,
BULLETPROOF
Stephanie Kay L. Urquiola
na hinahangaan ng marami at kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat, makakadama ng takot sa pag-iisa? Kung iisipin, hindi naman nalalayo ang kwento ni Robin Williams sa isang tipikal na Pilipino. Kilala bilang natural na masayahing tao ang mga Pinoy. Sa kabila ng samu’t saring problema ay nagagawang ikubli ng mga Pinoy ang kalungkutan sa pamamagitan ng pagiging makwela at masayahin. Sa katunayan, madalas ipinahiwatig ni Europian Union Ambassador Guy Ledoux ang kanyang paghanga sa mga Pinoy na palangiti sa gitna ng mga pagsubok sa buhay. “It’s always a pleasant experience to wake up every morning with people smiling. People here are always smiling [Nakakatuwang karanasan
“ ”
Bakit parang mas marami pa yatang batang nagtatarabaho kaysa naglalaro?
Utang mo, magkano? Palabas ako ng eskwelahan nang mabaling ang aking tingin sa tatlong bata sa tapat ng kalsada na pilit na hinahabol ang isang babae at humihingi ng limos. Hindi ito isang pangyayari na bago sa paningin ng kahit na sino. Kahit saan ka naman pumunta, mayroon talagang mga batang pulubi. Ngunit sa araw na iyon, hindi agad na napawi sa aking balintataw ang aking nakita. Hindi lang ako ang nakakita sa mga batang iyon, sa katunayan nga hindi na nakapagtataka ang hingan ka ng limos ng mga bata; inis pa nga ang karaniwang nararamdaman natin sa mga batang ganito.
Bakit kaya? Bakit parang mas marami pa yatang batang nagtatrabaho kaysa naglalaro? Ayon sa isang pananaliksik na ginawa nang National Statistics Office or NSO noong 2011 pa, may 5.5 milyong batang manggagawa sa Pilipinas at 3 milyon dito ang may pasan na mabibigat at delikadong trabaho. Naitala rin na tumaas ang bilang ng mga batang manggagawa nang rumagasa ang bagyong Yolanda na siyang nagpalala ng kundisyon ng kahirapan sa mga naapektuhang lugar. Ang ugat ng child labor sa Pilipinas ay ini-uugnay sa ating matinding kahirapan. 7
ang gumising bawat umaga at nakikita mong ngumingiti ang mga tao. Palangiti sila rito.”] Nakangiting banggit niya na tila ba’y nahawaan na rin ng masayahing kulturang Pilipino. Ayon sa mga pag-aaral ng National Statistics Office (NSO), ang kaso ng pagpapakamatay sa buong bansa ay tumaas sa lumipas na 21 taon. Karamihan dito ay mga kabataang nasa edad 24 na taon at pababa. Ang yugto ng adolescence ay isang yugto ng pagbabago sa buhay ng tao kung saan karamihan sa mga kabataan ay nakikibaka sa mga isyung tulad ng “independence,” pagpapaunlad ng “sense of identity,” at sistema ng mga pagpapahalaga at responsibilidad. Ang mga kaso ng pagpapatiwakal at dami ng namamatay ay karaniwang mas mataas sa mga kabataan kaysa sa matatanda. Malamang ito ay dulot na rin sa laganap na bullying at cyber-bullying. Sino nga ba ang hindi makakaranas ng depresyon kung may maglathala ng iyong litrato, at gawing meme o bloopers sa Facebook? O yung aawayin ka sa “status” mo ng tinatawag nating “FB friend?” Dagdag pa rito, ang suicide rate mula taong 1984 hanggang 2005 ay tumaas mula 0.46 patungong 7 sa bawat 200,000 na kalalakihan; at mula 0.24 patungong 2 sa bawat 200,000 na kababaihan, ayon sa NSO. Mapapansin na mas mataas ang posibilidad ng mga kalalakihan na magpakamatay lalo na sa panahon ng kagipitan. Ito ay dahil sa ang INQUISITIVE Pahina 4
May ilan na nagsasabi na normal lang sa isang third world country na magkaroon ng mga batang manggagawa dahil nga sa ating kasalukuyang estado, pero dahil ba inaasahan at nakasanayan, nagiging tama na? Sakit na nating mga Pilipino ang pagpikit ng ating mga mata sa mga nangyayari sa ating bansa—mula sa korupsyon hanggang sa kahirapan. Ganito na ba tayo kamanhid sa karahasan? O sadya bang mas madali lang magbulag-bulagan sa mga bagay na hindi tayo mismo ang dumaranas? Noong taong 2012, idineklara ng gobyerno ang kagustuhan nila na maging “child labor-free” ang ating bansa at edukasyon ang iginiit ng nakararami na pangunahing solusyon. Kahit pa libre ang matrikula sa mga pampublikong paaralan, hindi pa rin ligtas sa gastos ang mga magulang dahil sa baon at mga gamit na kanilang kinakailangan. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit may mga magulang na mas pinipili na lang patrabahuhin ang kanilang mga anak kaysa ipasok sa eskwelahan. Sa ibang lugar kung saan mas laganap ang kahirapan, may mga pagkakataon na ibinebenta na lang ng mga magulang ang sarili nilang mga anak para lang makaraos sa pang-araw-araw na pangangailangan. Alam nating lahat na kung nais nga talaga BULLETPROOF Pahina 4
Augustinian the
Lathalain .
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
Tomo LX Bilang 1
. Agosto 28, 2014
MAKAANTIG NA TINIG, MAPA-BUONG DAIGDIG HANGGANG SAAN NGA BA ANG MAAABOT NG MUSIKA NA HATID NG USA TROUBADOURS? Nina Edcel B. Fajutag at Kristin Joseff R. Gagajena
H
imig ng hangin ay may dating haplos ng maninipis na tinig at dahan-dahang dumarampi sa bawat tainga– nakakapanindig-balahibo ang mga lirikong dala nito at kurot sa puso ang naiiwan sa mga nakikinig.
USA Troubadours, isa sa mga sagisag ng Unibersidad ng San Agustin sa larangan ng musika. Isang pangkat ng mga mahuhusay na Agustinong mang-aawait na pinamumunuan ni Prof. Arne S. Lubasan. Hindi mo akalaing ang mga munting tinig na siyang minsan lang marinig nga Pilipino ay nagayo’y napahanga at napaantig na ang buong mundo. Nitong nakaraan lang ay naanyayahan ang grupo na makalahok sa Orientale Concentus VII, isang patimpalak na ginanap sa bansang Singapore noong Hulyo 9-13, 2014 na nilahukan ng iba’t ibang mga koro mula sa Asya. Ito ay isang napakalaking pagkakataon at isang biyayang biglang bumungad sa grupo sapagkat dala-dala nila ang pangalan bansa sa nasabing pandaigdigang kompetisyon. 8
Himig ng hangin ay may dating haplos ng maninipis na tinig at dahan-dahang dumarampi sa bawat tainga – nakakapanindig-balahibo ang mga lirikong dala nito at kurot sa puso ang naiiwan sa mga nakikinig. HIMIG, DUGO AT PAWIS Habang binibilang ang araw na natitira sa nalalapit na kompetisyon, walang pagkakataong sinayang ang USA Troubadours. Sa oras ng pag-eensayo, maririnig mo ang tila hindi natitinag na puwersang lumalabas sa bawat lalamunang humuhugot at bumubuga nang walang humpay na hangin kasama ang nakakaantig na huni ng bawat melodiya. Ilang patak rin ng pawis ang tumulo sa kanilang mga mukha at ‘di mabilang-bilang na nakonsumong bote ng tubig ang siyang pumawi sa kanilang
Tomo LX Bilang 1 . Agosto 28, 2014
BAYANI NG MUSIKA. Ginagabayan ni Prof. Arne Lubasan ang kanyang mga mang-aawit sa gitna ng kompetisyon. (LARAWAN NG USA TROUBADOURS)
mga lalamunang nanunuyo. Subalit, hindi pa natatapos ang kanilang problema sa loob ng lugal na ineensayuhan. Malaking pera ang gagastusin ng koro patungong Singapore at hindi ito matutugunan ng buo ng Unibersidad. Kaya, gamit ang kanilang talento, nakalikom sila ng salapi sa pamamagitan ng mga Fund Raising Concert. Isa sa mga nasabing programa ay ginanap sa USA Main Chapel noong ika-23 ng Mayo. “Anim na buwan ang aming inilagak sa pag-eensayo bago ang kompetisyon. Sa loob nito, pinilit naming matugunan ang perang kakailanganin namin sa biyahe. Hindi naman kami binigo ng kasalukuyang administrasyon sapagkat sila ay tumulong upang maghanap ng mga benefactors at mga kakantahan para makaipon ng sapat na halaga,”paliwanag
Augustinian the
ni Amelia Vieve Lopez, kasapi ng USA Troubadours. Sa pagitan ng patuloy na pagkanta ng mga miyembro ng liriko bilang paghahanda sa nalalapit na kompetisyon, hindi pinabayaan ng grupo ang kanilang pag-aaral. “Nahirapan kaming hatiin ang oras sapagkat karamihan sa mga miyembro ay magtatapos na ngayong taon at ang iba naman ay nahihirapan pa ring mag-balanse ng pagaaral at pagkanta,” dagdag ni Lopez. Nagsilbi itong hamon sa kanila bilang estudyante at pagiging Troubadours. Naitanim sa isipan ng grupo na kailangan nila ang pag-aaral para sa inaasam na pangarap at pagtatagumpay sa buhay. “Patuloy naming sinasabi sa sarili na huwag sumuko agad at tutulungan lang namin ang isa’t isa,” giliw na pahayag ni Lopez. TATLONG GINTO, INAWIT MULA SA PUSO Ika-9 ng buwan ng Hulyo nang dumating na ang unang araw ng patimpalak. Kasabay nila sa patimpalak na ito ang mga kapwa nila mang-aawit mula sa Singapore, Indonesia, Malaysia, China, Hong Kong at iba pang koro mula sa ating bansa: Tarlac Chamber Choir, Mapua Cardinal Singers, University of Batangas Chorale, The Voices of Davao at Boscorale. Pagod man sa biyahe at naninibago sa Singapore, hindi inakala ni Lubasan na higit pa sa kanyang ekspektasyon ang kanilang maipapasalubong sa kanilang pagbalik sa bansa. Tila ba umabot hanggang kalangitan ang kanilang mga ngiti nang nailabas na ang mga resulta ng paligsahan. Nakasungkit ang grupo ng tatlong gintong medalya sa mga kategoryang kanilang nilahukan (Mixed Choir A1, Chamber Category at Folkloric Category). “Ito ay isang malaking kaganapan sa buhay ko bilang isang estudyante. Napalitan ng higit pa sa inaasam ang bawat lirikong aming binitawan. Sadyang biyaya,” ngiting pagpapahayag ni Lopez ukol sa kanyang karanasan.
GANTIMPALA. Ang mga naiuwing sertipiko at tropeyo ng USA Troubadours mula sa katatapos lang na Orientale Concentus VII sa Singapore. (LARAWAN NG USA TROUBADOURS) 9
Lathalain
Ang mahawakan ng kanilang mga kamay at malasap ang bawat piraso ng mga medalya ay higit na nagpapahumpay ng kanilang pagod. Ngunit higit pa sa kanilang pagkawagi, ang mga panahong higit na umaantig sa kanilang mga puso – ang makaranas ng kakaibang pagkakataong makasalamuha ang ibang mangaawit mula sa ibang nasyon. BAON-BAONG KARANASAN SA KANILANG PAGHAHARAP Habang ang grupo ay nasa ibang bansa, kanilang sinadya ang kakaibang pagkakataon na makilala ang grupo ng mga koro. Mapapansin ding ito ay isang paraan upang matambad sa kultura ng mga lumahok sa patimpalak. Ang harap-harapang makilala at makapitang-kamay ang ilan pang mga grupo, kondaktor, komposer at mga opisyales ng paligsahan ay ilan pang mga bagay na higit na kinasisiyahan ng mga Troubadours. “Itong karanasan na ito ay nakakapagpayaman ng aming pinagdaanan. Hindi lamang sa pagtatanghal kung hindi maging sa pag-unawa ng iba’t ibang kultura ng ating mga karatig-bansa sa Asya,” ilang makabuluhang pahayag mula kay Lubasan. Ayon kay Lopez, isang mailap na opurtunidad ang makasali sa international competition at isang pabor para sa kanya ang maibahagi sa buong mundo kung paano umawit ang isang Agustino. Ang karanasang iyon ay higit ding nakatulong sa grupo hindi lamang upang higit pang mapagbuti ang kanilang mga abilidad kung hindi upang matutunan na rin ang mga gawi ng kanilang mga kapwa sa karatig na bansa. INAASAHAN SA HINAHARAP Kahit tapos na ang kompetisyon ay pursigido pa rin silang higit pang mapaghusay ang kanilang mga likha upang makasungkit ng iba pang mga medalya sa mga susunod na patimpalak. Kanila ring tinitiyak na sila ay isa sa mga pinakamahusay na grupo hindi lang ng bansa kundi pati na rin ng buong mundo. Umaasa rin silang dahil sa karanasang ito ay kanilang mai-angat ang kanilang lebel sa pagtatanghal at lubos pang mapabubuti ang kanilang pagkaunawa sa standard choral repentoire. Ang mabigyang dangal ang pangalan ng Unibersidad, ng lungsod at ng ating bayan sa labas ng bansa ay isang napakalaking karangalan sa USA Troubadours. Kung kaya’t kanila ring pinatunayan na ang kanilang mga tinig ay hindi lang natatapos sa kung saan man ang marating nito kung hindi ay siya ring nararapat sa nauuhaw na pandinig ng iba pang mga tao saang dako man ng mundo. Hindi rin nila binigo ang mga taong naniniwala sa kanila. Si Lopez, miyembro ng USA Troubadours ay naniniwala sa salita ni San Agustin na, “A heart that sings well, prays well.” Siguro, hindi lang siya ang naniniwala rito kundi pati na rin ang lahat na Agustinong mang-aawit.
Augustinian the
Tomo LX Bilang 1
. Agosto 28, 2014
DIBUHO NG USA PUB/ DARYL S. SELERIO
Lathalain
Spotify: Ang Pagsikat ng Online Music Streaming nI hannah grace s. taba
a pagsilang ng teknolohiya at pagdating ng modernong panahon, naging mabilis ang pagbabago sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay lalo na sa larangan ng musika. Ang mga cassette mix tapes at compact discs na madalas gamitin noon ay unti-unti nang napalitan ng mga mp3 players at iba pang uri ng gadgets. Sa muling pagpasok natin sa panahon kung saan halos lahat ng ating mga pangangailangan ay kaya ng ibigay ng Internet, unti-unti na ring nagiging sikat ang social media sites at online music streaming services.
S
Sa online music streaming, hindi na kinakailangang i-download ang mga paborito mong kanta. Maaari na itong patugtugin at pakinggan sa tulong ng Internet. Kadalasan, walang bayad ang mga ganitong uri ng serbisyo, maliban na lamang kung gusto mo ng ad-free service. Isa sa mga pinakasikat na online music
streaming service ang Spotify na mayroong 24 milyong bilang ng mga taong gumagamit at 30 milyong listahan ng mga kanta na maaaring mapakinggan hindi lang sa pamamagitan ng desktop computers kundi pati na rin sa mga tablets at mobile devices. Nagsimula ang Spotify noong Oktubre 2008 sa bansang Sweden. Ngayon, ito ay 10
nasa 56 na bansa na tulad ng US, Australia, France, Italy, Spain, Germany, New Zealand at Argentina. Gayun din sa ilang mga bansa sa Asya gaya ng Malaysia, Singapore, Hong Kong at Taiwan. Noong ika-8 ng Abril, nagsimula na ring ilunsad ang Spotify dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng Spotify, maaari ka nang maghanap at tumuklas ng mga bagong
Tomo LX Bilang 1 . Agosto 28, 2014
mayroon kang Wi-Fi access o kaya nama’y 3G access para sa mga mayroong subskripsyon sa Spotify Premium. Maraming bentahe ang online music streaming sa industriya ng musika. Isa na rito ang nagagawang tulong sa mga musikero o recording artists. Noon, ang tanging paraan para makagawa at makabenta ng album ay sa pamamagitan ng pagpirma sa mga record deals ng mga major recording labels. Ngayon, maaari nang i-upload at i-stream ang mga kanta upang mapakinggan ng lahat. Nagkakaroon rin ng malawak na pagpipilian ang mga tagapakinig dahil sa dami ng kantang matatagpuan sa mga online music streaming sites. Dahil dito, parehong nakikinabang ang mga recording artists at ang mga tagapakinig. Ngunit kung nakatulong ang online music streaming, mayroon din itong mga negatibong epekto gaya na lamang ng music piracy. Ito ay ang ilegal na pamamahagi at pagdodoble ng sound recordings. Isa ito sa mga nagiging dahilan ng pagbagsak ng industriya ng musika. Ito rin ang dahilan kung bakit bumababa ang kita ng album ng ilang mga recording artists na itinuturing na isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng kita ng industriya ng musika.
GRAPIKS NG USA PUB/ DARYL S. SELERIO
kanta, gumawa at magbahagi ng mga playlists, at subaybayan ang iyong mga paboritong artista o kaibigan nang walang bayad. Gayunpaman, asahan ang madalas na pagsingit ng mga audio advertisements sa pagitan ng bawat kanta. Kung kaya’t binibigyan ang mga tagapakinig ng opsyon na kumuha ng subskripsyon sa Spotify Premium kung saan maaari mong madownload at mapakinggan ang mga paborito mong kanta online o offline nang walang mga sagabal na audio advertisements. Mas magiging mabilis at madali na rin ang pakikihalubilo sa iyong mga kaibigan at mga kakilala sapagkat maaari nang maibahagi ang Spotify sa social networking sites gaya ng Facebook, Twitter at iba pa. Isa rin sa mga features ng Spotify ang unlimited storage. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na isa sa mga pinakamadalas na problema sa pagda-download ng kanta ang kawalan ng sapat na storage para sa mga ito. Dahil pinapakinggan ang mga kanta online, hindi ito kinakailangang i-download kung kaya’t mas madali at hassle-free ang paggamit nito. Maaari mo ring mapakinggan ang mga gusto mong kanta saan ka man magpunta basta’t
Augustinian the
11
Lathalain
“
Ngunit kung nakatulong ang online music streaming, mayroon din itong mga negatibong epekto gaya na lamang ng music piracy.
”
Dahil maaari nang mag-download ng kanta sa mababang halaga, nagiging malimit ang pagbili ng mga CD albums sa record stores at record bars. Sa pagsikat ng online music streaming, mabibigyan na ang mga tao ng kalayaan sa pagpili ng mga kantang gusto nilang mapakinggan nang hindi nag-aalala sa halagang dapat nilang bayaran. Maituturing nga itong isang napakalaking pagsulong sa larangan ng musika. Wari’y magsilbi itong unang hakbang tungo sa patuloy na paglago ng industriya ng musika.
Augustinian the
Pasundayag .
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
teleserye
Ikaw Lamang
LARAWAN NG ABS-CBN NETWORK
nI ROCHELLE LOUISE D. DOROMAL at marie julienne v. caballete
Kapalaran – ating kakambal mula kapanganakan. Kapalaran na ating matutuklasan sa hinaharap. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana, nasa isang kisap ng mga mata’y maaaring malihis sa tamang daan. Paano nga ba mababago ng pag-ibig at respeto ang itinakda? Pag-ibig at respeto na hahamak sa batas ng sanlibutan. Lumaki si Samuel Severino, na ginagampanan ni Coco Martin, sa panahon kung saan may humahati sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Isang panahon kung saan hindi maaaring makipaghalubilo ang dalawang taong nanggaling sa magkaibang estado sa sosyodad. Naipapamalas ito sa karakter ni Franco Hidalgo, na ginagampanan ni Jake Cuenca, na mula pagkabata ay tila may angking galit na sa mga mahihirap lalung-lalo na kay Samuel. Salungat naman nito ang pakikitungo ni Isabelle Miraveles, na ginagampanan ni Kim Chiu, kay Samuel at Mona, na ginagampanan ni Julia Montes, na hindi alintana ang estado ng dalawa. Natawag nito ang pansin ng ama ni Franco at pinayuhan siya na kahit ano man ang estado ng tao sa buhay ay dapat pa rin silang igalang at tratuhin nang patas. Upang makuha ang loob ng kanyang ama, kinaibigan ni Franco si Samuel. Nagsisimula pa lamang ang pagsibol ng pagkakaibigan sa pagitan ng apat na karakter na pinaglaruan ng tadhana at humantong sa pagkakahiwalay nang kanilang landas.
WALA NA PARKING SPACE
Tomo LX Bilang 1
. Agosto 28, 2014
Hango sa pangyayari sa totoong buhay, ang teleseryeng Ikaw Lamang ay nagpapakita na kahit ano ang antas ng iyong pamumuhay ay hindi ito magiging basehan upang husgahan ng iba ang iyong pagkatao. Makikita din sa teleseryeng ito na, kadalasan kung ano man ang mga desisyon na ginagawa ng mga magulang ay makaka-apekto sa takbo ng buhay ng mga anak. Sa modernong panahon, marami pa ring makikitang panghuhusga at pag-aalipusta sa kapwa. Sa kabutihang palad, nakikita rin ang kagustuhang makamit ang respetong nararapat sa kanya. Sa pamumuno ni Malu L. Sevilla and Avel E. Sunpongco, ang Ikaw Lamang ay para sa mga taong mahilig sa “period historical drama.” Ang Ikaw Lamang ay tumatalakay rin sa mga isyung pulitikal na mainam para sa mga taong mahilig dito. Makikita rin dito ang iba’t-ibang estado ng pamumuhay, na maaring magturo sa mga tagapanood na dapat maging bukas sa pagtanggap sa kapwa kahit na malayo ang agwat ng ating pamumuhay. Naipapamalas din ng teleserye kung paano ginagamit ng mga gahamang pulitiko ang kanilang kapangyarihan sa kasamaan. Sa bagong kabanata na nasa modernong panahon ay makikita ang kaibahan ng panahon noon. Ang dating ala-Maria Clara na mga babae ay naging “liberated.” Marami rin itong kabanata na kapana-panabik na dapat abangan. Saan kaya hahantong ang kanilang kuwento? Saan sila dadalhin ng kanilang mga kapalaran?
nI MARIA CLARISSE T. JARO
SUNDAY ESTE MONDAY MORNING
nI DARYL S. SELERIO
12
Augustinian the
Retrato .
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
Tomo LX Bilang 1
. Agosto 28, 2014
Ang pagdiriwang ng ika-110 na taong anibersaryo ng unibersidad nI john elmer J. balan at Mara Elaiza A. Flores
13
GRAPIKS NG USA PUB/ DARYL S. SELERIO