The Varsitarian P.Y. 2018-2019 Issue 12

Page 1

Volume XCI, No. 12 • Ika-31 ng Hulyo, 2019 ANG OPISIYAL NA PAHAYAGANG PANG MAG-A AR AL NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS Maynila, Filipinas

Duterte, mas kontrolado na ba ang Kongreso?

NANGANGANIB ang mekanismo ng “checks and balances” at kalayaan ng kongreso sa pagdomina ng mga kandidato ng administasyon sa halalan noong Mayo, ayon sa mga dalubhasa. Siyam sa labindalawang senador na nanalo noong midterm elections ay mga kaalyado ng Pangulong Duterte. Kabilang rito ang mga baguhan na sina Christopher “Bong” Go, ang dating assistant ng Pangulo; Bato de la Rosa, ang namuno sa Philippine National Police sa madugong kampanya ng pamahalaan laban sa droga; Imee Marcos na anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos at Francis Tolentino na dating tagapayong pampulitika ni Duterte. Muling nahalal naman sina Cynthia Villar, Pia Cayetano, Sonny Angara, at Koko Pimentel, at Bong Revilla na akusado sa kasong pandarambong. Ani Amr Solon na nagtuturo ng political science sa Unibersidad, mas lalakas ang kakayahan ni Duterte na itulak ang kaniyang legislative agenda base sa resulta ng naging halalan. “Maari rin itong magpakita na mas may leverage siya (Duterte) laban sa oposisyon para sa mga natitirang taon niya bilang pangulo,” aniya sa wikang Ingles sa isang panayam sa Varsitarian. Ngunit dagdag ni Sison, mayroon pa ring posibilidad na magkaroon ng mga koalisyon ng iba’t ibang partido politikal na maaaring kontrahin ang agenda ng Pangulo. Para naman sa tagapangulo ng UST political science department na si Dennis Coronacion, ang isang kongreso na puno ng mga kaalyado ng administrasyon ay maaaring magpabilis ng pagpapasa ng mga batas tulad ng pagpapabuti ng social at medical na serbisyo ng pamahalaan. Kongreso PAHINA 10

Sinusunog ng mga raliyista ang isang effigy ni Pangulong Duterte kasabay ng pangatlong State of the Nation Address ng Pangulo noong ika-22 ng Hulyo. DEEJAE S. DUMLAO

‘Sliding effect’ o tuition hike?

Four Monkeys Bar and Kitchen na si Jheylyn Baluya, ang layo ng kanilang restawran ay lagpas sa 200 metro kaya kahit na nabigyan na ng babala mula sa Manila City Hall, sila ay patuloy na nagbenta ng alak. Ngunit noong kalaunan, nagsara rin ito. Ngunit ayon sa Google Maps, ang layo ng Fusebox Food Hub

NILINAW ng isang opisyal mula sa Finance Office ng Unibersidad na hindi nagpatupad ng pagtaas sa tuition ang UST sa Taong Akademiko 2019-2020 para sa mga mag-aaral sa ikalawa hanggang ikaapat na taon. Ayon kay Agripina Corpuz, student accounts supervisor ng Unibersidad, mas mataas ang tuition kumpara sa nakaraang taon dulot ng “sliding effect.” “Kung ano ang rate mo noong first year ka, ‘yun din ang rate mo sa second year. [‘Yun ang] sliding effect,” aniya sa isang panayam sa Varsitarian. Ang paglilinaw ay matapos almahan ng ilang mag-aaral sa social media ang umano’y nagtaas na matrikula para sa kolehiyo. Isang Twitter user ang nagbahagi ng kaniyang pagkadismaya matapos ipakita ang pag-angat ng matrikula sa programang political science, mula sa P56,976 para sa second year noong nakaraang taon. Naging P59,842 ang bayad ngayong taon. Halos isanlibong piso ang itinaas ng matrikula sa third year, habang wala namang pagbabago sa matrikula ng fourth year sa nasabing kurso. Ayon kay Corpuz, nakadepende rin sa bilang ng mga units ang pagiiba-iba ang halaga ng matrikula kada taon. “[Y]ung tuition last year, P1,611 per unit. [Dahil sa] sliding effect, ‘yung first year [dati] na papasok sa second year, dala ‘yung P1,611 [na rate] at hindi siya tataasan,” dagdag ni Corpuz. Nagkaroon ng 5 porsiyentong pagtaas sa matrikula ang mga freshman sa Akademikong Taon 2019-2020. Sa nakaraang taon, 6 porsiyento ang itinaas ng matrikula ng mga estudyante sa first year. Katumbas ito ng dagdag na P81 kada lecture unit at P162 kada lab unit sa matrikula ng freshmen. Umabot sa 15,000 ang mga papasok na freshmen ngayong taon sa Unibersidad. Naging sunod-sunod ang pagtaas ng matrikula sa Unibersidad simula noong 2017, habang ipinatutupad ang K to 12 na nagpababa sa numero ng mga enrollees sa kolehiyo. Nakasaad sa batas na 70 percent sa bawat pagtaas ng tuition ay dapat mapunta sa sahod ng mga propesor habang ang natitirang 30 percent ay nakalaan naman sa pagsasaayos ng mga pasilidad sa mga unibersidad. Bilang isang autonomous higher education institution sa bisa ng isang memorandum mula sa Commission on Higher Education (CHEd), maaaring magtaas ng tuition ang

Inuman PAHINA 5

Tuition PAHINA 10

NILALAMAN UNIVERSITY

Itinalaga ang mga bagong dekano at opisyal ng mga kolehiyo at tanggapan sa Unibersidad sa pagsisimula ng bagong taong akademiko. PAHINA 2

EDITORYAL

Panahon na para manindigan ang Tomasinong kabataan para sa pagpapanatili ng Filipino at Panitikan sa kurikulum sa kolehiyo.

PAHINA 4

CINEMALAYA

Tampok ang iba’t ibang mga pelikula sa taunang Cinemalaya Independent Film Festival na nagdiriwang ng ika-15 na taon nito.

PAHINA 7

Patuloy ang pagkukumpuni ng mga trabahador sa ginagawang flood control project ng Unibersidad.. NADINE ANNE M. DEANG

‘Tapsi,’ iba pang inuman, ipinasara NAGSARA na ang ilang mga restawran na nagbebenta ng alak sa paligid ng Unibersidad, alinsunod sa utos ng bagong alkalde ng Maynila na si Franciso “Isko Moreno” Domagoso na pagigtingin ang liquor ban sa kapitolyo, lalo na malapit sa mga paaralan. Sa isang panayam kay Krishtelle, empleyado ng Qanto sa loob ng Fusebox Food Hub sa

Dapitan, ang nakaatang na liquor ban ay mahigit na nakaapekto sa kanilang negosyo. “Sa ngayon, halos wala po talaga kaming customer [...] may dumating, hanap [lang] alak, ‘di naman po kami makapagbigay,” ani ni Krishtelle. Dagdag niya, pagkain na lang ang kanilang binebenta simula noong ipinatupad ang liquor ban. Ayon naman sa manager ng


2 Balita

Patnugot: Kevin A. Alabaso

IKA-31 NG HULYO, 2019

UST, nanguna sa Student Quill Awards

NANGUNA ang UST sa Student Quill Awards sa ikapitong taon nito matapos magkamit ng 26 na parangal. Sa 74 na parangal na ipinamigay, siyam ang nakamit ng Varsitarian, opisyal na pahayagang pang magaaral ng UST, ang organisasyong may pinakamaraming panalo mula sa Unibersidad. Kasama sa mga nagwagi ng parangal ang De La Salle College of Saint Benilde, De La Salle University sa Dasmariñas, University of Rizal System sa Binangonan, Holy Angel University at UST Angelicum College. Ilan sa mga akdang napabilang sa listahan ay ang “BOTOmasino Supplement” o ang special coverage ng Varsitarian sa taunang halalan sa UST Central Student Council, The Varsitarian “News Wrap” at ang “Remembering Horacio” na interactive website na inilathala ng pahayagan sa unang anibersaryo ng pagkakapatay sa UST law freshman na si Horacio Castillo III dahil sa hazing. Nagmula naman sa Tomasian Media Circle and Talents, The Flame ng Faculty of Arts and Letters, at mga mag-aaral mula sa mga programang journalism at communication arts ang ilan pang sa mga napiling akdang bibigyang parangal. Ang Philippine Student Quill Awards, na isinasagawa ng International Association of Business CommunicatorsPhilippines, ay isang patimpalak na kumikilala sa mga akdang pangkomunikasyon ng mga mag-aaral galing sa iba’t ibang unibersidad sa buong bansa. UST ang nagkamit ng titulong “School of the Year” sa nasabing patimpalak sa nakalipas na limang taon. Kikilalanin ang mga nagwagi sa patimpalak at ang School of the Year ngayong taon sa ika-30 ng Agosto sa Marriott Grand Ballroom sa Pasay. CHARM RYANNE C. MAGPALI and CAMILLE ABIEL H. TORRES

Rehabilitation Sciences, namayagpag sa licensure exams NAMAYAGPAG ang Unibersidad sa ikatlong sunod na taon sa occupational therapy (OT) licensure exam habang pumangalawa naman ito sa physical therapy (PT) licensure exam. Nagtala ang UST ng 94.87 porsiyento o 74 na pumasa mula sa 78 na kumuha ng pagsusulit sa OT board exam, mula sa 97.18 porsiyento o 69 na pumasa sa 71 na kumuha sa nakaraang taon. Pinangunahan ni Ira Gabrielli Delos Reyes ang walong Tomasinong pasok sa top 10 matapos sungkitin ang ika-apat na puwesto sa 82-porsiyentong marka. Ikalimang puwesto sina Christopher Añes at Tiara Ojeda na parehong nakakuha ng 81.80 persyentong marka. Si Karyll Marie Valdepeñas ang nagtapos sa ikaanim na puwesto matapos magtala ng 81.60-porsiyentong Licensure PAHINA 5

UST alumnus, bagong dekano sa Las Vegas

ISANG alumnus ng Unibersidad mula sa Fakultad ng Medisina at Pagtitistis ang itinalaga bilang pansamantalang dekano o interim dean ng University of Nevada Las Vegas School of Medicine (UNLVSOM), epektibo sa unang araw ng Setyembre. Si Dr. John Fildes, na nagtapos ng medisina noong 1982 at nakatanggap ng parangal na meritissimus o highest merit mula sa Unibersidad, ang hahalili sa dating dekano ng UNLVSOM na si Barbara Atkinson. Simula 1996, si Fildes ay nagsilbi bilang doktor sa Trauma Center at tagapangulo ng Department of Trauma and Burns sa University Medical Center sa Las Vegas. Si Fildes ay isang propesor sa Department of Surgery sa UNLVSOM, kung saan siya rin ang tagapangulo. Pinarangalan siya bilang Nevada’s Distinguished Physician noong 2016, Healthcare Hero noong 2012 at isa sa Best Doctors of Southern Nevada mula 2015 hanggang 2018. CHARM RYANNE C. MAGPALI at RAIMEE ROSE L. ARUGAY

Binaha ang kampus ng Unibersidad matapos ang malakas na pag-ulan na nagdulot ng suspensyon ng klase at pasok sa mga tanggapan.

M.J.F. UY

Bagong mga dekano, opisyal sa UST itinalaga

ITINALAGA ang mga mga bagong opisyal ng iba’t ibang tanggapan at kolehiyo sa Unibersidad sa pagsisimula ng bagong taong akademiko. Si P. Gerard Francisco Timoner III, O.P. ang bagong chancellor ng UST sa bisa ng pagkahalal niya bilang pinuno o Master ng Order of Preachers nitong Hulyo. Nagsilbi siyang vice chancellor noong siya ay prior provincial o pinuno ng mga Filipinong Dominiko. Itinalaga bilang bagong dekano ng College of Tourism and Hospitality Management (CTHM) si Gezzez Giezi Granado na nagsilbing direktor ng Office

of Admissions (OFAD), kapalit ni Asst. Prof. Ma. Cecilia Tio Cuision na naging dekano sa halos isang dekada. Si Granado, isang alumnus ng CTHM, ay isang abodago na pumasa sa Bar examinations noong 2005. Siya ay naging faculty secretary ng CTHM noong 2013 at direktor ng OFAD noong 2016. Pinalitan ni Assoc. Prof. Imelda Abao-Dakis mula sa Faculty of Medicine and Surgery si Granado bilang pinuno ng OFAD. Siya ay nagsilbing executive asisstant ng secretary general ng Unibersidad na si P. Jesus Miranda Jr., O.P.

Itinalaga naman ang mga fellows ng UST Center for Creative and Literary Studies sa Departamento ng Panitikan at programang creative writing para sa Taong Akademiko 20192020. Si Assoc. Prof. John Jack Wigley ang bagong chairman ng Panitikan sa Unibersidad, kapalit ni Asst. Prof. Joselito de los Reyes na siya namang bagong coordinator ng creative writing. Pinamunuhan ni Wigley ang UST Publishing House bilang direktor noong 2017, deputy director noong 2012, officer in charge noong 2009 at katuwang na direktor naman

noong 2008. Siya ay nagtapos ng kaniyang masterado at doktorado sa panitikan sa Unibersidad. Si de los Reyes ay nagkamit na ng National Book Award at ng titulong “Makata ng Taon” noong 2013 mula sa Komisyon sa Wikang Filipino. Itinalaga bilang direktor ng UST National Writers Workshop sa 2020 si Assoc. Prof. Nerisa del Carmen Guevara na nagkamit na ng parangal mula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards. Si Benedict Parfan, isang resident fellow, ang bagong deputy director ng UST Publishing House. Dekano PAHINA 10

Usapang Uste

Ang diksyunaryong Jose Villa Panganiban sa loob ng 30 taon ALAM ba ninyong umabot ng 30 taon

ang pagkalap ng mga datos sa pagbuo ng Diksyunaryo-Tesauro Pilipino-Ingles ni Jose Villa Panganiban? Natapos ni Panganiban, ang itinuturing na “Ama ng Varsitarian,” noong 1972 ang diksyunaryo kasama sina P. Evergisto Bazaco, O.P. at Dr. Euforbia Alip. Nag-ugat ang unang sanggunian ng diksyunaryo mula sa mga magsasaka at mangingisda sa Bungkalot,

Tinurik, Wawang Balili, Ambulong, at Bañadero ng Tanauan sa Batangas. Nakibahagi rin sina Dr. Jose Henandez, Antonio Zacaria, Julian Cruz Balmaseda at Lope K. Santos sa pagbuo ng diksyunaryo. Sa kabila ng giyera noong 1945, naingatan ang manuskrito ng diksyunaryo sa tulong ni Remigio Maiquis, na kapitan ng mga gerilya noon. Nagpatuloy ang pagbuo sa sangguniang ito sa tulong nina Teodoro Valencia, Arsenio Afan at Dr. Jose Arruego, at nailimbag ang

English-Tagalog Vocabulary noong 1946. Taong 1945 naman nang sinimulang gawin ang manuskrito na itinago at iningatan ni Maiquis. Nagpatuloy ang pagbabalangkas ng diksyunaryo dahil sa panunuri nina Marcelo Garcia at Leonardo Dianzon hanggang sa nailathala ng magasin na Liwayway ang “Talahuluganang Tagalog-Ingles” na bahagi ng manuskrito mula Oktubre 1953 hanggang Oktubre 1964. Ibinahagi ang 10,000 salitang Usapang Uste PAHINA 3

Panulaang Filipino, malaki ang papel sa mga isyu sa bansa – makata BINIGYANG-DIIN ng isang premyadong makata na mayroong malaking papel na ginagampanan ang panulaang Filipino sa mga isyung kinahaharap ng bansa. “Sa mahabang kasaysayan ng panulaan, lagi namang sangkot ang makata o sinasangkot ng makata ang kaniyang sining para masuri ang lipunan, [makapamulat at] makapagpa-alingawngaw ng protesta,” wika ni Allan Popa sa isang panayam sa Varsitarian. Dagdag pa niya, nakikita rin ang mga makata bilang tagapag-ugnay at instrumento sa pagpapadama upang lubos na maintindihan ng mga tao ang bigat ng bawat isyu. Iginiit din ni Popa, dalubguro ng panitikan at pagsulat sa Ateneo de Manila, hindi lamang hanggang

sining ng pagsusulat at tugmaan ang makata. “Marami sa kanila ang aktibo na pumapailalaim o lumulubog sa iba’t ibang komunidad lalo na ‘yong mga nangangailangan ng tulong, [m]ay pagkakataon talagang kinakailangan isantabi ang pagtula upang higit na maging epektibo sa pagtulong sa kapuwa,” giit ni Popa. Nagwagi si Popa ng National Book Awards for Poetry dahil sa kaniyang libro na “Morpo: Mga Pagsasanaysay sa Tula” noong 2001. Ayon naman kay Jerry Gracio, kinatawan para sa mga wika ng Samar-Leyte ng Komisyon sa Wikang Filipino, dapat payabungin ang pagsasalin ng mga akda sa bansa upang lubos na maintindihan Makata PAHINA 5


Patnugot: Joselle Czarina S. de la Cruz

Katutubong wika, ugat ng yaman ng Filipinas PUNONG-PUNO ng yaman ang Filipinas at isa na riyan ang mga wika na isinusulong ngayong Buwan ng Wika ang pagpapahalaga sa mga ito. Ayon sa Atlas ng mga Wika sa Filipinas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), mayroong 130 katutubong wika ang bansa. Sa tala pa rin ng KWF, limang wikang katutubo sa bansa ang tuluyan nang namatay: Inagta Isarog ng Camarines Sur; Ayta Tayabas ng Tayabas, Quezon; Katabaga ng Bondoc Peninsula, Quezon; Agta Sorsogon ng Prieto Diaz, Sorsogon; at Agta Villa Viciosa ng Abra. Idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco) ang taong 2019 bilang International Year of Indigenous languages. Sa datos ng Unesco, mayroong 2,680 wika sa buong mundo ang nanganganib nang mamatay. Binigyang-diin ni Virgilio Almario, tagapangulo ng KWF, hindi dapat balewalain ang mga katutubong wika at kultura ng bansa na siyang pinag-ugatan ng mga yaman ng Filipinas. “Sinasayang natin ang napakayamang katutubong karunungang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno kapag hindi natin ganap na inadhika ang tungkuling alagaan at pangalagaan ang ating mga wikang katutubo, at hindi nailahok ang mga katutubong karunungang ito sa wikang Filipino,” wika ni Almario sa kaniyang Ulat sa Estado ng Wika ngayong taon.

Filipino 3

IKA-31 NG HULYO, 2019

Iginiit din ni Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, kung ang mga banyagang kaalaman lang ang bibigyang-pansin, maglilikha ito ng mga ideya at saliksik na maglilingkod sa banyagang pangangailangan. “[A]ng agham at teknolohiyang sumibol mula sa isang katutubong kultura ay higit na maaasahang may oryentasyong sumagot sa pangangailangan ng sariling lupain at magdulot ng pagbabagong batay sa nasaliksik na pangangailangan ng sariling bansa,” giit ni Almario. Dagdag pa niya, hindi naman talaga maiaalis sa kulturang Filipino ang impluwensiya ng mga banyaga pero dapat na mapaunlad ang sariling yaman ng bansa. Ayon naman kay Abdon Balde, Jr., kinatawan ng Wikang Bikol ng KWF, maraming mga kaalaman sa bansa ang nasa katutubong wika na dapat maitaguyod sa buong kapuluan. “Habang nililinang ang isang Wikang Pambansa na inaasahang magbibigkis sa sambayanang Filipino, ay kailangang mapangalagaan ang mga wikang katutubo sa iba’t ibang pook ng bansa,” wika ni Balde sa isang panayam ng Varsitarian. Mayroong malaking pangangailangan sa mga aklatang maglalagak ng mga panitik ng mga katutubong wika, dagdag ni Balde. Winika rin ni Balde na karaniwang hindi makaiintindi ng higit sa isang wika ang isang

Filipino kaya’t layunin din ng tema ngayong buwan ng wika ang pagsasalin ng mga katutubong akda sa wikang pambansa. Hinimok ni Victor Emmanuel “Vim” Nadera ang kabataan na gamitin ang teknolohiya at social media upang manguna sa pagpreserba ng kani-kanilang wikang sinasalita. “Ang mga bata ngayon nakikita ko sa simpleng pag-fo-forward, pag-click ng like button ay minsan maaaring tawagin nating keyboard warriors, puwedeng doon simulan pero hindi dapat doon matapos,” wika ni Nadera sa isang panayam sa Varsitarian. Ayon din kay Nadera, dating punong patnugot ng Varsitarian, mahalagang magkaroon ng pagbalik-tanaw sa mga pinag-ugatan ng mga wika sa bansa at bigyan ng malalim na pag-aaral upang maipaunawa sa mga Filipino ang kahalagahan ng mg ito. “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino” ang tema ng buwan ng wika ngayong taong 2019.

Agham, teknolohiya sa Wikang Pambansa Ayon kay Almario, isang malinaw na katotohanan ang hindi pagmulat sa mga Filipino sa kamulatang siyentipiko. “Itinakda sa patakaran ng edukasyong bilingguwal na manatiling itinuturo ang agham at matematika sa Ingles, upang manatili itong banyaga sa pang-araw-araw na wika at buhay ng mga Filipino. [N]agdudulot ng layaw na hindi naman tunay na kailangan; tumutuklas ng mga tulay sa pangarap na magsilbi sa banyagang lupain,” wika ni Almario. Dagdag pa niya, nagdudulot ito ng pagiging banyaga ng mga pormula o komposisyon sa agham at teknolohiya na hindi maiintindihan ng ordinaryong Filipino. Iminungkahi ni Almario na sa pamamagitan ng “isang intelektuwalisadong wikang pambansa,” magiging demokratisado ang kaalamang siyentipiko na lubos na mapakikinabangan ng lahat ng mamamayan. “Anupa’t ang Filipino bilang Wikang Pambansa ay kailangang magparangalan sa lahat ng maipagmamalaking sariling karunungan samantalang nag-aangkin ng mataas na kakayahang ibukas ang pinto ng makabago’t progresibong karunungan para sa lahat ng nais gumamit,” wika niya. Sinang-ayunan naman ito ni Nadera na sinabing dapat pairalin ang adaptasyon sa mga pagbabago sa lipunan at isang mahalagang bagay na makasunod din dito ang wika. “Sa halip na awayin mo ang pag-unlad ng agham at teknolohiya, at matematika, yakapin mo ito, gamitin mo sa misyon mo o bisyon mo na buhayin ‘yong nanganganib na anyo o nilalaman ng isang bagay sa Filipinas,” wika ni Nadera. Dagdag pa niya, hindi maiiwasan na maagang mamulat ang mga kabataan sa mga salitang dulot ng bagong teknolohiya pero hindi dapat ito pigilin. JOSELLE CZARINA S. DE LA CRUZ may ulat Nagbibigay si Virgilio Almario ng mensahe sa pambansang kumperensiyang “Hasaan” sa noong ika-5 ng Agosto. BIANCA JOLENE S. REDONDO mula kay VIVIENNE AUDREY P. ANGELES

Usapang Uste: Ang diksyunaryong Jose Villa Panganiban sa loob ng 30 taon MULA PAHINA 1

nagsilbing donasyon sa Surian ng Wikang Pambansa upang magamit ng bayan at magkaroon ng kita ang kanilang opisina. Nakapaglimbag ng 13,000 na sipi ng diksyunaryo na naubos noong 1970. Nakatulong ang mga impormante mula sa iba’t ibang lugar sa Filipinas upang makatipon ng mga kasing-kahulugan at kabaligtaran ng mga salita sa iba’t ibang wika. Tomasino Siya Namayagpag ang isang Tomasino sa loob at labas ng bansa dahil sa kahusayan niya sa larang ng arkitektura. Kilala si Abelardo “Jojo” Tolentino Jr., nagtapos ng kursong arkitektura sa Unibersidad noong 1987, bilang tagapagtatag at tagapamahala ng Aidea Philippines, Inc., isang kilalang architectural firm sa bansa. Bago naging matagumpay na arkitekto sa Filipinas, nagsilbi siya sa ilang Hong Kongbased firms tulad ng HOK Asia Pacific, John Lei Architects Ltd, at Robert Matthew Johnson Marshall (RMJM). Taong 2003 nang simulan ni Tolentino ang pagtatatag ng Aidea Philippines, Inc. na nagsilbing rebranding ng RMJM Philippines. Dahil sa ipinamalas na galling sa arkitektura, kabilaang parangal ang natanggap niya tulad ng South East Asia Property Awards, Philippines Property Awards, at International Property Awards. Taong 2007 nang kilalanin siyang Ernst and Young Innovation Entrepreneur Awardee at Outstanding Thomasian Alumni Awardee naman sa sumunod na taon. Napabilang rin siya sa Top 10 Architects ng BCI Asia noong 2011. Ginawaran si Tolentino noong 2013 ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ng Ani ng Dangal for Architecture and Allied Arts at nagging rehistradong arkitekto ng Association of Southeast Asian Nations noong 2014. Kasalukuyan siyang bahagi ng Council for New Urbanism, Society of Environmental Graphic Design, at Urban Land. VIVIENNE AUDREY P. ANGELES Tomasalitaan: Puksâ (pnr.) – lipol, said, ubos, giba Huwag na sana nating hintayin ang panahon na hindi na kayang puksâin ang karahasan at krimen sa bansa. Sanggunian: ● TOTAL Awardee ● Diksyunaryo-Tesauro Pilipino-Ingles ni Jose Villa Panganiban

Sentro sa Salin at Araling Salin sa UST, ganap nang operasyonal MAKALIPAS ang isang taon mula nang ilunsad sa Unibersidad ang Sentro ng Salin at Araling Salin, ganap na itong operasyonal ngayong Agosto 2019. Binigyang-diin ni Wennie Fajilan, tagapagugnay ng Sentro, na mahalagang maisulong ang propesyonalisasyon ng pagsasalin sa bansa. “Magandang pahalagahan ‘yong pagsasalin bilang isang mas mataas na appreciation sa wikang pangkalahatan, hindi lang sa Filipino kundi sa lahat ng wika sa mundo. [L]ahat ng uri ng salin ay kailangan ng pagpapakadalubhasa. Kailangan na mayroong mga eksperto at pagsasanay,” wika ni Fajilan sa isang panayam sa Varsitarian. Isinagawa nitong ika-5 hanggang ika-7 ng

Agosto ang “Hasaan 7” na isang Pambansang Kumperensiya sa Pagsasalin. Isinulong nito ang adbokasiya sa propesyonalisasyon ng pagsasalin. Sa pagtatapos ng “Hasaan 7,” isang technical working group ang nabuo na mayroong kinatawan mula sa iba’t ibang bansa at ang Sentro ang tatayong secretariat ng grupo. Ayon pa kay Fajilan, dapat pahalagahan ang pagsusulong ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina upang mas maraming makaunawa ng kanilang mga pag-aaral. Noong ikalawang semestre ng taong akademiko 2018-2019, sinimulan nang ituro sa Unibersidad ang Filipino 2: Panimulang Pagsasalin

Wennie Fajilan, direktor ng Sentro sa Salin at Araling Salin ng Unibersidad

bilang pagtugon sa pagsasalin ng mga saliksik sa wikang Filipino mula sa iba’t ibang disiplina. Ngayong unang semestre ng taong akademiko 2019-2020, magkakaroon na ng mga infomercial na nasa wikang Filipino para sa Biolohiya at ng salin sa Filipino ng mga pananaliksik sa disiplinang ito. Itutuloy ngayong unang semestre ang pagtuturo ng Filipino sa mga kurso sa pilosopiya mula sa batsilyer at gradwadong antas. Estado ng larang ng pagsasalin sa bansa Maraming dapat pagdaanang proseso upang maituring na ganap na propesyonal ang isang tagasalin, giit ni Fajilan. “[D]apat nakapagsanay talaga sa translation. [A]lam niya ‘yong etika, ‘yong mga responsibilidad, at karapatan din ng mga tagasalin, tapos bukod doon, nakatatanggap na rin siya ng mga proyekto ng pagsasalin nang propesyonal,” ayon kay Fajilan. Dagdag pa niya, dapat ding maunawaan ang economic rights ng isang tagasalin upang makilala ito bilang ganap na propesyonal. Winika rin ni Fajilan ang kahalagahan ng pagsasalin ng mga saliksik at mga pampanitikang akda sa wikang Filipino dahil ito ang lingua franca ng bansa. “[D]apat maging malinaw na mayroon siyang makabayang intensiyon na kinikilala natin na mayorya ng mga Filipino ay mahirap... at lahat ng ‘to, malaki ang papel ng wika roon kasi kung halimbawa, hindi ka makapag-aral at dahil dito, limitado ‘yong access nila sa mga impormasyon,” wika ni Fajilan. Hasaan 7 para sa propesyonalisasyon ng pagsasalin Iminungkahi ng tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na gawing tunguhang lengguwahe o target language ang wikang Filipino bilang simula ng “malinaw na agenda” sa

pagsasalin sa bansa. “[U]nang-una, may libo-libo tayong guro ng Filipino na nagtuturo at gumagamit ng Filipino sa pagtuturo. Walang ganitong lakas pa ang alinman sa ating mga wikang katutubo,” wika ni Virgilio Almario noong “Hasaan 7.” Idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco) ang taong 2019 bilang International Year of Indigenous languages. Kung susundin ang Unesco, kailangang magkaroon ng pagsisikap na maisalin sa 130 wikang katutubo sa bansa ang anumang akda, wika ni Almario. “[H]indi puwedeng walang patnubay sa dapat maging direksiyon at oryentasyon ng pagsasalin. Malinaw na agenda, ang ibig kong sabihin sa malinaw ay makatotohanan. Hindi puro pangarap,” giit ni Almario. Iginiit naman ni John Enrico Torralba, pinuno ng Sangay ng Salin ng KWF, malaki ang pangangailangan sa pagkakaroon ng modipikasyon at mandato sa larang ng pagsasalin sa bansa na wala sa mandato sa Komisyon. “‘Yong batas na nagpanukala sa amin ay walang ngipin para mag-penalize. Sinasabi lang na magpanukala ng mga palatuntunan. Wala sa mandato namin ‘yon, kaya hirap kami ngayon,” wika ni Torralba. Sinang-ayunan naman ito ni Romulo Baquiran, Jr., tagapangulo ng Filipinas Institute of Translation, at sinabing kailangan ng isang ahensiya na mayroong pagsisikap tungo sa propesiyonalisasiyon ng larang na ito. “Kailangan nating magtulungan, mangunguna ang KWF pero mahalaga ‘yong cooperation ninyo. ‘Yong commitment para dito. [K]olektibong pagkilos, pagsasanay, kagamitan, upang maging institusyonalisado ang gawain,” wika ni Baquiran. JOSELLE CZARINA S. DE LA CRUZ na may ulat mula kina NEIL JOSHUA N. SERVALLOS at MA. JASMINE TRISHA L. NEPOMUCENO


4 Opinyon

IKA-31 NG HULYO, 2019

Editoryal

Laban para sa wika ay laban ng bayan ISANG malaking insulto at kahihiyan ang naging desisyon ng Korte Suprema na katigan ang utos ng Commission on Higher Education (CHEd) na gawing optional na lamang ang Filipino at Panitikan bilang mga asignatura sa kurikulum sa kolehiyo. Sa bansang ito lamang yata hindi prayoridad ang pagkatuto ng sariling mamamayan ng kanilang wika. Ang naging pagpapasya na ito ay isang halimbawa ng ating neokolonyal at imperyalistang pag-iisip. Tanging sa Filipinas lang pangalawa ang sariling wika–ang kaluluwa ng isang bayan–at mas tinitingala pa ang mga maalam sa wikang Ingles o Espanyol kaysa sa Filipino. Mabilis tanungin ng iilan: Ano naman kung gawing optional ang Filipino sa kolehiyo, gayong aaralin din naman ito sa Senior High School? Sa makitid ang utak, nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ay marahil may punto ito. Ngunit para sa totoong nauunawaan ang kontribusyon ng wika sa pagkatuto ng mga magaaral, ang sagot ay ito: Ang wikang Filipino, bilang parte ng ating kultura, ay nagpapatibay ng ating identidad bilang mga Filipino. Sa pangunguna ng kontra-wika at kontrakulturang CHEd, ang pagbaba ng Filipino bilang isang pagpipilian na asignatura ay pagbaba ng pagtingin ng mismong mamamayan ng bansa sa sarili nilang wika. Nakapanggagalaiting isipin na mismong CHEd ang kontra-wika at kontra-kultura na siyang nangunguna sa pagbaba ng tingin ng mga mamamayan sa sarili nilang wika sa pamamagitan ng pagbaba ng Filipino bilang isang asignaturang puwedeng pagpili-pilian lang. Marahil ay hindi na nakagugulat na ang ganitong pagtingin ng mga lider ng bansa sa ating wika ay naipapakita sa kung papaano nila tratuhin ang mga nagluklok sa kanila sa kapangyarihang pinag-gaganid-ganiran nila: Inferior sa banyaga at hindi inuuna ang kapakanan ng sariling mamamayan. Hindi na rin kataka-taka kung bakit ang mismong lider ng bansa ay bahag ang buntot pagdating sa paglaban ng ating soberanya sa West Philippine Sea. Lahat ito ay binubuo ng pag-iisip na bilang mga Filipinong kilala sa mundo bilang “hospitable,” dapat palaging mas inuunang isipin ang kapakanan at karapatan ng dayuhan kaysa sa sariling kababayan. Ano ang magiging epekto nito sa milyonEditoryal PAHINA 10

ITINATAG NOONG IKA-16 NG ENERO, 1928 CHRISTIAN DE LANO M. DEIPARINE Punong Patnugot KLIMIER NICOLE B. ADRIANO Tagapamahalang Patnugot LEXANNE O. GARCIA Katuwang na Patnugot JULIA CLAIRE L. MEDINA Patnugot ng Online KEVIN A. ALABASO Patnugot ng Balita MA. ANGELICA D. GARCIA Patnugot ng Pampalakasan ARIANNE AINE D. SUAREZ Patnugot ng Natatanging Ulat LOUISE CLAIRE H. CRUZ Patnugot ng Tampok ELMER B. COLDORA Patnugot ng Panitikan LYON RICARDO III M. LOPEZ Patnugot ng Mulinyo JOSELLE CZARINA S. DE LA CRUZ Patnugot ng Filipino DEEJAE S. DUMLAO Hepe ng Potograpiya NATHANAEL JONAS S.J. RODRIGO Direktor ng Dibuho Balita Raimee Rose L. Arugay, Ahmed Khan H. Cayongcat, Charm Ryanne C. Magpali, Angelika V. Ortega Pampalakasan John Ezekiel J. Hirro, Rommel Bong R. Fuertes Jr., Faith Yuen N. Ragasa, Ivan Ruiz L. Suing, Theresa Clare K. Tañas, Justin Robert Valencia Natatanging Ulat Lady Cherbette N. Agot, Job Anthony R. Manahan, Klyra V. Orbien, Francis David T. Perez Tampok Ma. Jasmine Trisha L. Nepomuceno, Jade Veronique V. Yap, Neil Joshua N. Servallos Panitikan Karl Ben L. Arlegui, Jessica Joy C. Buenafe, Leigh Anne E. Dispo, Matthew Dominic D. Dimapawi, Hailord N. Lavarias Mulinyo Jiselle Anne C. Casucian, Nolene Beatrice H. Cruicillo, Katrina Isabel C. Gonzales, Neil Paolo S. Gonzales Filipino Vivienne Audrey P. Angeles, Francis Agapitus E. Braganza Pintig Eugene Dominic V. Aboy, O.P., Ma. Alena O. Castillo, Malic U. Cotongan Mariel Celine L. Serquiña Agham at Teknolohiya Miguel Alejandro IV A. Herrera, Beatriz Avegayle S. Timbang and Therese Marie F. Ungson Dibuho Mariane Jane A. Cadiz, Alisa Joy T. del Mundo, Mari Kloie D. Ledesma, Gwyneth Fiona N. Luga, Jury P. Salaya, Rica Mae V. Soriente, Catherine Paulene A. Umali, Edward Jefferson Uy Potograpiya Nadine Anne M. Deang, Jean Gilbert T. Go, Renzelle Shayne V. Picar, Hazel Grace S. Posadas, Bianca Jolene S. Redondo, Enrico Miguel S. Silverio, Jose Miguel J. Sunglao, Mark Darius M. Sulit, Mary Jazmin D. Tabuena, Camille Abiel H. Torres, Marvin John F. Uy, Arianne Maye D.G. Viri Editorial Assistant Jose Miguel S. del Rosario JOSELITO D. DE LOS REYES Piling Panauhing Patnugot FELIPE F. SALVOSA II Katuwang na Tagapayo JOSELITO B. ZULUETA Tagapayo Tumatanggap ang Varsitarian ng mga sulat/komento/mungkahi/at kontribusiyon. Tanging ang mga sulat na may lagda ang kikilalanin. Ang mga orihinal na akda ay dapat typewritten, double-spaced at nakalagay sa letter-sized paper, kalakip ang sertipikasiyon na naglalaman ng pangalan ng may-akda, contact details, kolehiyo at taon. Maaaring gumamit ng sagisag-panulat ang may-akda. Ipadala lamang ang kontribusiyon sa opisina ng THE VARSITARIAN, Rm. 105, Tan Yan Kee Student Center, Unibersidad ng Santo Tomas, España, Maynila.

Ang magmulat sa pag-uulat N A K A L U L U N G K O T. Siguro mas tama ang salitang nakakatakot. Nakakatakot mang balikan, Agosto noong nakaraang dalawang taon ay narinig o nabasa ng bayan ang dalawang sa pinakakontrobersyal na balita sa madugong gyera laban sa ilegal na droga ng kasalukuyang administrasiyon. Dalawang taon na ang nakalilipas nang pumutok ang balita tungkol sa pagkamatay ni Kian de los Santos, isa sa mga pinaka pinag-usapang biktima ng extrajudicial killings o EJK na nag-ugat sa war on drugs. Kasabay rin nito ang balitang “one time, big time” provincewide police operation sa Bulacan kung saan nakapagtala ang Philippine National Police ng 32 patay sa loob lamang ng bente-kwatro oras na operasyon. Ang balita sa pagkamatay ni Kian, isang menor de edad, ay nagpamulat sa marami sa kung gaano nga ba kalaki ang butas at ang problemang dulot ng bara-barang pagpatay ng mga pulis sa kung sino man ang mapagbintangang tulak ng ilegal na droga. Samantala, ang balita naman sa Bulacan kung saan 32 ang patay sa magkakasunod na 66 police operations sa iisang araw ay nagbigay-daan para tingnan ng

Sa hirap ng landas na tinatahan ng mga mamamahayag, napakainam na mayroong mga platapormang humuhubog sa kabataang nagnanais tahakin ang mundo ng pagbabalita. mundo ang sitwasyon ng bansa sa ilalim ng rehimeng Duterte. Ganitong klaseng mga ulat ang nagpapamulat sa mga mamamayan sa kung ano nga ba ang tunay na sitwasyon ng ating bansa. Sa panahon kung kalian talamak na ang mga peke o minamanipulang istorya, kailangan pa lalong paigtingin ng mga peryodista ang pagpapatibay ng demokrasya sa pamamagitan ng paghahatid ng wasto at makatarungang balita. Ngunit habang tumatagal ang gyera kontra droga ng administrasyong Duterte ay tila nananawa na ang mga mamamahayag sa araw-araw na pagbabalita ng mga biktima ng EJK. Dahil sa pauilit-ulit na kwento, kung saan dumidipensa ang pulisya at sinasabing nanlaban daw ang kanilang

target at dinidipensahan lamang umano nila ang kanilang sarili, ay tila paulit-ulit na lamang din ang balita sa diyaryo, online o TV: Pinaghihinalaang tulak ng droga, patay. Dahil sa nasasanay na ang bayan sa patayan ay tinitignan na lamang ang mga biktima ng EJK bilang statistics at sinasabi na lamang sa balita kung ilan ang namatay at saan napapatay ang mga ito. Ngunit hindi dapat natatapos sa numero ang kwento -- may buhay na nawala, may pamilyang naulila. Hindi dapat nananawa ang mga peryodista sa paulit-ulit na pagbabalita ng patayan sa bansa, hindi dapat mapagod ang mga mamamahayag sa patuloy na paghahanap at pagbabalita sa totoong kwento sa likod ng mga numero, dahil ang pag-uulat

ang magmumulat sa publiko na hindi normal ang pagpatay at hindi dapat masanay ang bayan sa patayan. Hindi man ito maintindihan ng lahat, ganito kahalaga ang papel na ginagampanan ng peryodismo sa pagpapatakbo ng demokrasya kaya’t mataas ang pagtingin ko sa mga mamamahayag na patuloy na ginagampanan nang masigasig at tapat ang kanilang bokasiyon. Sa hirap ng landas na tinatahak ng mga mamamahayag, napakainam na mayroong mga platapormang humuhubog sa kabataang nagnanais tahakin ang mundo ng pagbabalita, at sa mahigit siyam na dekadang pagsisilbi ng The Varsitarian sa Unibersidad, maswerte akong napabilang ako sa piling mga estudyanteng minulat ng ‘V’ sa realidad ng pagbabalita at maswerteng tinuran kung paano mag-ulat para sa Unibersidad at magmulat ng mga kapwa Tomasino sa mga napapanahong isyu. Sabi nga ni Manuel Mogato, isang Filipinong mamamahayag na naparangalan ng prestihiyosong Pulitzer Prize for International Reporting dahil sa kaniyang istorya Trails PAHINA 10

Ganito ako pinalaki ng ‘V’ DALAWANG taon na ang lumipas noong sinubukan kong maging manunulat ng Varsitarian at ang unang pagkakamali ko ay ang pagaakalang pagsusulat lamang ang ginagawa rito. Higit pa pala roon ang trabaho ko at higit pa sa kasanayan sa pagsusulat ang natutuhan ko. Pumasok ako nang walang ibang bitbit kung hindi ang tiwala sa sarili ngunit wala pang isang buwan ay napuno na ako agad ng pagdududa kung kaya ko ba talaga. Naramdaman kong walang-wala ako kung ikukumpara sa lahat ng mga kasama kong hamak na mas magagaling at mas may mga kasanayan sa pagsusulat. Pero sadyang may kakayahan ang ‘V’ para ipaintinding ang pagdududa ay hindi kahinaan, bagkus isang oportunidad upang magpakumbaba at amining hindi mo alam lahat. Pinalaki ako ng ‘V’ bilang isang manunulat na marunong tumanggap ng kritisismo mula sa iba, na ang tunay na magaling na manunulat ay nakikinig sa mga payo at pagpuna ng kanyang mga kapwa manunulat. Tinulungan ako nitong mas maging mulat sa katotohanan ng buhay at tunay na takbo ng realidad sa mundo. Sinagip ako ng ‘V’ sa kamangmangan

Pinalaki ako ng institusyong ito bilang isang isang hindi marunong sumuko, na “hindi puwedeng hindi puwede” at “lahat ng bagay ay ginagawan ng paraan.” ko at kawalang-malasakit sa lipunan at sa ibang tao. Sa pakikisalamuha ko sa ibatibang mag-aaral mula sa ibat ibang kolehiyo, natutuhan ko kung paano makisama at makibagay. Pinalaki ako ng institusyong ito bilang isang taong hindi marunong sumuko. Lumaki ako na “hindi puwedeng hindi puwede” at “lahat ng bagay ay ginagawan ng paraan.” Walang lugar dito ang mga walang kapararakan na palusot at mahihinang loob. Higit sa pagiging isang newsroom o opisina, tahanan ito para sa mga batang gustong matuto, matitibay ang loob at handang mag-sakripisiyo. Tinuruan ako nito kung paano panindigan ang mga responsibilidad na nakakabit sa pagiging miyembro ng Varsitarian.

Natuto akong huwag iwanan ang trabaho at magbigay ng higit pa sa hinihingi. Ang mga katagang “kung walang gagawa, ako na” ang naging prinsipyo ng bawat miyembro para walang trabahong hindi magagawa. Tunay na trabahong maituturing ang mga responsibilidad sa ‘V’ at hindi biro ang pagsabayin ang pagaaral at ang pagiging isang staffer. Tinaya ko rito ang oras, pagod, luha at lahat ng natutuhan ko at talagang sinubukan nito ang kakayahan at pasensiya ko, pero sigurado akong hindi ako nagsisising tumaya ako. Marami akong isinakripisyo noong paulit-ulit kong piniling manatili rito, tulad ng oras sa pamilya at sarili, ngunit alam kong wala ako pinagsisisihan dahil dito ko natutunan kung paano makita ang mga bagay na

nararapat ipaglaban. Utang ko sa ‘V’ ang mga natutuhan ko tungkol sa sarili ko noong una nito akong pagkatiwalaan. Nang dahil dito, marami akong nagawang mga bagay na hindi ko aakalaing kaya ko palang gawin. Tinuruan ako nito kung paano hindi magpadaig sa pagdududa at magpalugmok sa sariling lungkot. Kasama ng trabaho ang pag-iyak, pero hindi kasama ng trabaho ang pagsuko. Hiram lamang ang oras at bilang ang mga araw ko ngunit alam kong marami akong babaunin na aral mula sa dalawang taong pagsusulat at pagiging miyembro ng ‘V.’ Bilang huling pagkakataon ko na ito, nais kong pasalamatan ang mga taong naging kaagapay sa paglalakbay na ito: Kina G. Joselito Zulueta, G. Felipe Salvosa at G. Christian Esguerra, sa walang sawang paggabay at pagtulong sa aming mga naghahangad na maging mga manunulat. Lahat ng aral ay aming babaunin sa aming pagsabak sa totoong mundo ng peryodismo. Sa aking mga magulang, hindi ko mararanasang maging bahagi ng ‘V’ kung hindi dahil sa hindi natitinag Dear Theodosia PAHINA 5


IKA-31 NG HULYO, 2019

Gintong kayamanan ang kultura NINAKAWAN ng mga dayuhan ng katauhan at kayamanan ang Filipinas noong World War 2. Panahon naman ng Martial Law, muling ninakawan at ibinaon pa sa utang ang mga Filipino ng isang “mautak” na diktador. Ngayon nama’y hinaharap natin ang isa pang uri ng magnanakaw—ang dakilang kawatan ng konsiyensya na hindi lamang kumukunsinti sa mga kurakot na opisyales at mga dayuhang nais makinabang sa likas na yaman ng bansa, kundi harap-harapang gumagawa ng taliwas sa sensibilidad ng isang matinong tao. Marahil, ang tanging kayamanang di mananakaw sa atin bilang mga Filipino ay ang ating kultura. Subalit mahirap kilanlin ang sariling kultura sa kasalukuyang panahon kung saan nangingibabaw ang layunin ng globalization. Ang buong pang-unawa ng mga tao, lalo na ng kabataan, ay gayahin kung anuman ang uso sa ibang bansa. Hindi naman ito masama. Sa katunayan, kailangang matutong tumingin at makibagay sa kasalukuyang panahon – ito ay layunin ding masigasig na sinikap kamtin ng “pambansang bayaning Filipino” na si Gat. Jose Rizal, isang espesyalista sa mata, inhinyero, pintor at atleta, at bukod pa roon, isang makabayang manunulat na kinilala at hinangaan sa buong mundo. Ngunit si Rizal ‘din ang nagsabi na “ang hindi marunong magmahal ng sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.” Bagama’t marami tayong napupulot at natututuhan sa pagsisikap nating pumantay sa kung anumang nakikita natin sa ibang bansa, mahalaga pa ring simulan ang pakikinig sa sariling kultura. Ang ating wika ang kaluluwa ng ating kultura. Sa pagmamahal natin

Inuman

MULA PAHINA 1

mula sa UST Gate 11 ay 180 metro, habang ang Four Monkeys Bar and Kitchen ay 170 metro ang layo mula sa UST Gate 10. Kinumpirma naman ng isang empleyado ng Tapsi, isang kilalang restawran sa Dapitan, magsasarado sila dahil sa lapit nito mula sa University of Perpetual Help, hindi dahil sa lapit nito mula sa University of Santo Tomas. Hindi na nagbigay ng panayam ang may-ari at mga empleyado ng Tapsi kung ano ang susunod nilang hakbang. Ang layo ng Tapsi mula sa UST Gate 11 ay 170 metro. Samantala, ayon sa isang empleyado ng Acustica Bar and Grill sa Espana, patuloy pa rin silang nagbebenta ng alak.

Licensure MULA PAHINA 2

marka. Ikapito si Jaira Mitra na may markang 81.40 porsiyento. Nasungkit ni Celeste Irah Ruzgal ang ikawalong puwesto kasama sina Jan Michelle Abad ng Southwestern University at Ethel Grace Aparri ng Cebu Doctors University na kapwa nakakuha ng 81.2-porsiyentong marka. Nasa ikasiyam na puwesto si Nicholette Robin Lim na nakapagtala ng markang 81 porsiyento. Si Frances Kate Ballesta ang ikasampung puwesto na may 80.80-porsiyentong marka. Tumaas ang national passing rate sa 71.48 porsiyento o 213 na pumasa sa 298 na kumuha ng pagsusulit

Buhay ang kultura at ang mga mamamayan ang nagbibigay-hugis dito. Kung ang wika ang kaluluwa ng ating kultura, kultura naman ang kaluluwa ng ating pagkatao. sa sarili nating wika, inilalapit tayo sa pag-unawa sa sarili nating kultura. Ano ba ang kulturang Filipino? Ito ba ay ang kulturang makikita natin sa mga katutubo at mga lumad lamang? Sa larangan ng musika, maraming iskolar ang magsasabi na ang musikang nauukol sa mga katutubo ng bawa’t rehiyon, ang mga musikang ginagamit sa mga seremonya at rituwal, ay ang orihinal na musikang Filipino. Isang departamento sa kolehiyo ng musika ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman ang nagpapakadlubhasa sa pagaaral ng musikang katutubo. Dapat lamang nating pagaralan ang mga ito, ngunit ang kabuuan ng musikang Filipino ay higit na mas malawak dito. Sa higit tatlong-daang taong kolonisasyon sa atin ng España, ang musika ng Filipinas ay nahaluan ng mga musikang uso sa Europa. Isa sa pinaka-sikat na pinagdedebatehan ay kung Filipino nga ba ang kundiman, isang uri ng awiting romantikong napulot ng mga Filipino sa mga Kastila sa panahong sinakop ng Espanya ang Filipinas. Hindi naman maitatanggi na mayrong mga pagkakatulad ang kundiman

sa ritmiko at istraktura ng mga katutubong musika o sayaw ng mga Kastila, gaya ng mga pandangguhan, valse at iba pang sayaw na galing sa Europa. Ngunit ang kundiman, base sa mga bagong pag-aaral, ay nanggaling sa isang awiting matatagpuan sa mga lugar sa tabing-ilog ng Pasig – ang tawag dito ay “Kumintang.” Sa mga awiting Tagalog mahahanap ang ugat ng kundiman. Ito ay kinakanta ng mga dalaga sa katagalugan para sa mga naglalakbay sa ilog Pasig, o kaya para lamang sa kanilang katuwaan. Ang kundiman ay hindi purong Filipino ngunit ito’y naging bahagi na ng ating kultura. Sa kasalukuyang panahon naman ay pinagdedebatihan kung ano ang tunay na OPM – ito ba’y nabuhay lamang sa mga tugtugan noong 1970s at 80s katulad ng mga awitin ng bandang “Hotdog” at “Asin,” o kaya mga kanta ng folk singers na sina Florante at Freddie Aguilar? Hindi na ba OPM ang mga kinakanta ngayon tulad ng mga awitin ng “Maybe the Night” ng folk-pop na bandang Ben&Ben o ang “Buwan” ni Juan Carlos Labajo? Bilang isang mag-aaral ng musika, naniniwala akong ang mga awitin at musikang naglalaman ng sentimiyento at karanasang Filipino ay bahagi

“We are compliant with the City Ordinance since we are more than 200-300 meters away from the nearby schools’ radius,” aniya. Ang layo ng Acustica Bar and Grill mula sa UST Main Gate ay 210 metro. Noong Hulyo 25, pumirma si Isko Moreno ng executive order na nagmamandato ng mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa na ipinagbabawal ang pagbenta ng alak malapit sa mga paaralan sa Maynila. “There are ordinances already in place, namely Ordinances 3532 and 8520. So what he did was merely to tighten the implementation of the said statutes and make them fully functional,” aniya. Inaatasan ng Executive Order No. 8 ang Bureau of Permits and License Office, City Treasurer’s Office at ang

mga restawran na mahigpit na sundin ang Ordinansa Blg. 3532 at Ordinansa Blg. 8520 sa Maynila. Nakapaloob sa Ordinansa Blg. 3532 ang pagbabawal sa pagbenta ng alak sa mga establisimento sa loob ng 200 metro mula sa mga eskwelahan, habang ang Ordinansa Blg. 8520 naman ay nagbabawal sa pagbenta ng kahit anong alak sa mga menor de edad sa kahit anong tindahan, mall o restawran sa Maynila. Sinubukan ng Varsitarian na kunin ang panig ni Moreno ngunit hindi pa ito nagpapaunlak ng panayam. ‘Mabuti para sa moral ng kabataan’ Ayon kay Froilan Calilung, nagtuturo sa UST Department of Political Science, ang pagpapatupad ni Moreno ng liquor ban ay magpapatibay lamang ng “moral fiber” ng

kumpara sa 68.09 porsiyento o 209 na pumasa mula sa 307 na kumuha ng pagsusulit sa nakaraang taon. Samantala, tumaas naman ang passing rate ng Unibersidad sa PT board examinations. Nagtala ang UST ng 99.08 na porsiyento o 108 na Tomasinong pumasa sa 109 na kumuha ng pagsusulit kumpara sa 94.23 porsiyento o 98 na Tomasinong pumasa mula sa 104 na kumuha ng pagsusulit sa nakaraang taon. Idineklarang topperforming school ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na nagtala ng 100-porsiyentong passing rate. Bumagsak naman ang national passing rate sa 64.57 porsiyento o 833 na pumasa sa 1,290 na kumuha ng pagsusulit mula sa 67.51 porsiyento o 931 na nakapasa sa 1,379 na kumuha ng pagsusulit sa nakaraang taon.

Makata

MULA PAHINA 2

ng lahat ang mga panitikan mula sa rehiyon. “Napakahalagang parte [ang pagsasalin] sa pagtataguyod ng panitikan,” aniya. “Kailangan natin isalin ang panitikan mula sa mga rehiyon at isama sila sa diskurso ng pambansang panitikan,” dagdag pa niya. Dagdag pa ni Gracio, malaki ang papel ng pagsasalin upang mapagbuklod at mapaigting ang bawat panitikan sa bansa na tumatalakay sa iba’t ibang isyu. Isa ang Panimulang Pagsasalin sa mga kursong Filipino sa Unibersidad sa susunod na taon.. VIVIENNE AUDREY P. ANGELES

ng kabuuan ng musikang Filipino, gaya rin ng musikang katutubo. Mahaluan man ang mga ito ng “dating” na dayuhan, katanggap-tanggap pa rin ito bilang Filipino. Ang ating musika, tulad ng iba pang aspekto ng ating kultura, ay patuloy na nililikha ng iba’t-ibang Filipino– ito’y uusbong at yayaman habang patuloy ang mga lumilikha. Buhay ang kultura, at ang mga mamamayan ang nagdadala at nagbibigay-hugis sa kanikanilang mga kultura. Bunga ito ng kanilang mga karanasan at pagmumuni-muni sa buhay. Kung ang wika ang kaluluwa ng ating kultura, kultura naman ang kaluluwa ng ating pagkatao. Dapat nating patatagin ang ating pang-unawa sa ating sariling kultura, lalo na’t nahaharap tayong muli sa ibat-ibang uri ng magnanakaw --lalo’t higit sa mga magnanakaw ng kaluluwa na nagbabalatkayong kaibigan o di kaya’y…presidente. Bago ako matapos, nais ko lamang magpasalamat sa lahat ng mga gumabay sa akin sa aking pagpupumilit na magsulat, sa wikang Ingles man o Filipino; sa Varsitarian at sa lahat ng mga nakilala ko dito, kina Sir Lito, Sir Ipe at iba pang mga advisers, kina Deips at Klimier, at sa seksyong Mulinyo at sa mga manunulat nitong sina Kat, Jayce, Bea at Neil. Isama ko na rin sa buong staff; marami akong napulot sa inyong lahat. Labis akong nagpapasalamat sa aking mga magulang na hindi ipinagkait sa akin ang mga natutuhan nila sa pagmumuni-muni’t pagdanas nila sa buhay – siguro’y nairaos ko ang column na ito dahil sa inyo, at dahil sa inyo’y patuloy kong hahanapin ang aking lugar bilang alagad ng sining.

mga Manileño. “From a social domain, the said ruling intends to strengthen the values and moral fiber of the people in Manila, especially the students,” wika niya. Dagdag pa niya, pinapakita nito ang “political will” ng alkalde na magpatupad ng mga batas o ordinansa. Noong Agosto 1, personal na ipinasara ni Moreno ang mga inuman malapit sa De La Salle University na abot sa 200 metro. Noong ika-apat na State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte, hinimok niya ang Kongreso na magpatupad ng midnight curfew sa mga restawran sa pagbenta ng alak sa buong bansa. LADY CHERBETTE N. AGOT at KLYRA V. ORBIEN

Dear Theodosia MULA PAHINA 4

na suportang ibinigay niyo lalo na noong pinili kong pasukin ang magulong mundo ng pamamahayag. Atin ang tagumpay na ito. Sa aking mga kaibigan, matagal na siguro akong sumuko kung hindi dahil sa inyo. Sa mga pagkakataong pinanghinaan ako ng loob, sa mga araw na naramdaman kong parang pasan ko ang bigat ng mundo, salamat sa hindi pag-iwan. Utang ko sa inyo ang mga masasayang araw ko sa ‘V.’ At panghuli, sa Varsitarian, laging magiging kulang ang pasasalamat sa tiwala, sa pagiging tahanan sa dalawang taon at sa mga espasyong inilaan mo para sa lahat ng gusto kong sabihin. Ikaw, lagi’t lagi.

Opinyon 5

Pagkawala ng búhay ng mga wika, sagipin, buháyin TAUN-TAON ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa ating bansa. Iba’t ibang paraan ng pagkilala sa wikang Filipino ang ginagawa. Ngunit lingid yata sa kaalaman ng iilan ang katotohanang hindi lamang iisang wika ang dapat ipagdiwang tuwing Agosto. Isang pamanang pangkultura o intangible heritage ang wika–isang kayamanan. At ayon sa Atlas ng mga Wika ng Filipinas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), naitalang mayroong 130 na katutubong wika sa bansa. Nakalulungkot lang na ilan dito ay nanganganib nang mawala. Sa datos ng KWF, limang wikang katutubo na ang maituturing na patay: Inagta Isarog ng Camarines Sur; Ayta Tayabas ng Tayabas, Quezon; Katabaga ng Bondoc

Huwag sanang umabot sa punto na pagluluksa sa mga wikang namatay ang maging usapang ng pagdiriwang ng mga susunod na Buwan ng Wika. Peninsula, Quezon; Agta Sorsogon ng Prieto Diaz, Sorsogon; at Agta Villa Viciosa ng Abra. Apat sa mga wikang katutubo sa bansa ang sinasalita na lamang ng higit sa 100 katao: Arta ng Nagtipunan, Quirino na 11 na lamang ang nagsasalita; Inata ng Cadiz, Negros Occidental na mayroon na lamang 30 na nagsasalita; Inagta Iraya ng Buhi, Camarines Sur na 113 na lamang ang nagsasalita; at Ayta Ambalá ng Subic, Zambales na 125 na lamang ang nagsasalita. Mayroon pang higit sa 10 mga wikang katutubo sa bansa ang nanganganib mamatay. Hindi na dapat pang itanong ang dahilan ng pagkamatay ng mga wika dahil simple lamang ang sagot dito–hindi na ito binibigyang-pansin. Sa madaling salita, hindi na napangangalagaan ang mga yamang ito. Pero dapat maunawaan ng lahat na mayroon pang magagawa upang masagip ang mga wikang ito. Kaugnay rito ang ilang programa na isinasagawa ng KWF upang mailigtas ang mga wika sa panganib na pagkamatay. Una, ang “Lingguwistikong Etnograpiya ng Filipinas” na isang proyektong pagdodokumento ng iba’t ibang aspekto ng wika. Pangalawa, ang “BantayogWika” na pagdadambana ng mga wika sa mga lugar upang maipakita ang pagbibigay-halaga sa yamang ito. Pangatlo, ang “Bahay-Wika” kung saan tinuturuan ang mga batang nasa edad 2-4 na taon ng mga magulang upang maisalin ang sinasalitang wika. Ilan lamang ito sa mga pagsisikap upang mapangalagaan ang mga wika. Marahil, maraming hindi nakaaalam na may mga ganitong proyektong isinasagawa para sa mga wika. O baka naman, marami ang walang pakialam sa pagkamatay ng mga wika. Hindi dahil nakasaad sa Konstitusyon na ang Komisyon ang dapat na magsikap na pangalagaan ang mga wika sa bansa ay pababayaan na lamang natin na sila lamang ang kumilos. Sa katunayan, hindi naman ganoon karami ang kasapi ng KWF. Hindi sapat ang kanilang bilang upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga wika sa bansa. Ayon na mismo kay Virgilio Almario, sa mga tao magsisimula ang pag-unlad ng mga wika. Walang silbi ang mga proyekto na kanilang isinasagawa kung ang mismong ang mga taong nagsasalita ng mga wikang ito ang hindi nakikiisa. Hindi rin naman maitatago na may mga bumabatikos sa mga proyektong isinasagawa ng Komisyon. Hindi naman talaga maiiwasan ang pagtatalo sa wika–usaping politikal man o kultura. Pero, kung sa tingin ng ilan ay hindi epektibo at progresibo ang mga hakbang na ginagawa, mas mainam siguro kung magbibigay sila ng suhestiyon para sa problema at hindi lang puro negatibong salita. Sa kahit ano naman kasing pagsubok ng bansa, hindi mawawala ang iba’t-ibang opinyon kaya nagkakaroon ng pagkakahati sa mga ideya. Isang resulta nito ang pagkakawatak-watak ng mga tao. At hindi ito dayuhan sa usapin sa wika. Pero ayon kay Almario, sa kaniyang Ulat sa Estado ng Wika ngayong taon, dapat maunawaan ng lahat na ang wikang Filipino ay hindi lamang nakabatay sa iisang wikang katutubo bagkus sa iba’t-ibang wika sa bansa. Isa ring wikang katutubo ang wikang Filipino. Kahit iba’t-ibang wika ang sinasalita ng bawat kapuluan sa Filipinas, hindi dapat mawala sa atin na isa tayong bansa at hindi dahilan ang pagkakaiba sa wika para hindi magkaisa. Huwag na sana nating paabutin na madagdagan pa ang mga wikang namamatay o nanganganib. Magsimula na sana sa ating ang inisyatiba para ito ay mapangalagaan. Alisin na rin ang diskriminasyon sa wika. Magsaliksik, makialam, at magsalita. Ang panganganib sa mga wika ay hindi lamang sa bansa kung hindi pati na rin sa buong mundo. Kaya idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco) ang taong ito bilang International Year of Indigenious Languages. Sa pagdiriwang na ito, matatak sana sa kaisipan ng bawat isa ang seryosong usapin sa pagkamatay ng mga wika. Hindi lang sana sa buwan ng Agosto makita ang pagtangkilik sa wikang pambansa at iba pang wika sa bansa. Huwag sanang umabot sa punto na pagluluksa sa mga wikang namatay ang maging usapin sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.


6

Patnugot: Lyon Ricardo III M. Lopez

CIRC

Cultural preservation, kalakip ng pag-alaga sa memorya ISANG TOMASINONG propesor ang isa sa mga nangunguna sa cultural heritage preservation sa Filipinas. Binigyang-diin ni Assoc. Prof. Eric Zerrudo ng UST Graduate School na ang pag-aalaga sa heritage ng bansa ay isang paraan ng pagpapanatili ng mga alaala at kasaysayan nito. “When you work on heritage, you are embedded in that dimension of memory,” aniya sa isang panayam sa Varsitarian. “The biggest challenge is how do peple conserve memory and what happens if memory changes.” Si Zerrudo ay ang kasalukuyang direktor ng Center for Conservation of Cultural Property and Environment in the Tropics ng Unibersidad. Nitong Hunyo lamang ay napabilang ang Tomasinong propesor sa isang cultural heritage team na naatasang ng Diyosesis ng Dumaguete na magsagawa ng isang conservation management

plan sa mga lumang simbahan at makasaysayang pook pasyalan sa nasabing probinsya. Bilang isang komisyoner sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco), nagkaroon ang Filipinas ng pagkakataong makaupo sa Unesco World Heritage Committee mula 2013 hanggang 2017. “I was given the opportunity to defend some of the important sites of the world,” ani Zerrudo. “I heard how they were able to look at heritage and what were the conservation practices that they would operationalize in the different countries.” Matapos makamit ang degree sa programang economics sa Pamantasang De La Salle, kumuha si Zerrudo ng kaniyang masterado sa cultural heritage sa Deakin University sa Australia. Sa UST naman siya nagtapos ng kaniyang doktorado sa development studies. Nagsisilbing world heritage expert si Zerrudo sa Unesco at International

Council on Monuments and Sites na nakabase sa Paris, France. Nilalayon ng Unicef, kasama si Zerrudo, na mapabilang ang Mt. Mantalingdajan sa Palawan sa listahan ng mga world heritage sites. “[The mountain range] is very high in biodiversity. It is attractive to all these mining companies, palm plantations, and large swaths of land for development. The pressure has mounted considerably and dramatically,” aniya. “The moment you work in the field, that’s when you realize how you negotiate and navigate all this knowledge that you have so that you will be able to push for your advocacy.” “Advocacy is good because it would always have motherhood statements, the nice words will always reverberate in print or Kultura PAHINA 10

Ang pagtanim ng pangalan sa sariling bayan SA ISANG coffee shop sa Megamall dumating ang isang lalaking simpleng itim na kamiseta at maong na shorts lamang ang kasuotan. Hindi aakalain na isa siyang respetadong manlilikha ng sining sa ibang bansa. Umani ng samo’t saring parangal sa bansang Jordan ang talento ni Elmer Dumlao sa pagguhit ng mga disensyo sa damit, mga logo at mga patalastas. Ngayon ay kinikilala na rin siya rito sa larangan ng pagpipinta at iskultura. Nagtungo siya sa Jordan noong 1994 matapos siyang bigyan ng trabaho ng isang kaibigan sa itinatayo nitong advertising firm. Ang una niyang proyekto sa advertising firm na iyon ay para sa Coca-Cola, sumunod naman ang Royal Jordanian Airlines. Si Dumlao ay nagtapos ng advertising sa Unibersidad noong 1981 at ngayon ay isang creative at design supervisor sa Royal Protocol Office ni King Abdullah II sa Royal Palace sa Jordan. Bilang isang creative director, siya ang nag-iisip ng mga konsepto para sa mga advertisements na ipinapalabas ng royal family ng Jordan sa mga importanteng okasyon, at siya rin ang nagdidisenyo ng mga uniporme ng mga royal guard. “Basta disenyo o kailangan ng materyales sa advertising, ako ang gumagawa,” sabi ni Dumlao sa panayam ng Varsitarian. Iginiit niyang hindi kailangang magarbo o makulay ang isang disenyo. Maaring simple lamang ito ngunit nababagay sa isang hari. “Iba kasi kapag nagdidisenyo ka para sa hari, hindi basta lagay lang ng korona, dapat may disiplina, class, majestic ang dating,” wika niya. Isang kaibigan Hindi papasok sa isipan ni Dumlao na sumabak sa larangan ng pagpipinta at sining kung hindi dahil sa isang kaibigang nakilala habang nagtratrabaho sa hari simula noong 2006. Ikinuwento niya kung paano niya iginuhit nang madalian ang Petronas Towers para sa isang Dutch protocol expert na si Mark Verheul, na hindi pa nakakapunta sa lugar na iyon. “Mga labinlimang segundo ko iginuhit ‘yon at pagkatapos ko ipakita sa kaniya sabi niya ‘it could be a work of art,’ at doon ako nagkaideya na gagawa ako ng mga on-the-spot art na iginuhit sa lapis,” sabi niya. Si Verheul ang unang tagahanga ni Dumlao sa larangang ito. Dinala ni Verheul sa Holland ang mga likha ni Dumlao mula sa

binubuo ng mga luma at bagong obra ng alagad ng sining. Ginanap naman ang “Raw Series” sa Altro Mondo, Makati noong nakaraang Hunyo kung kailan ipinamalas ni Dumlao ang talento sa pagguhit ng mga likha na nagbibigay ng iba’t-ibang danas sa tumitingin. Isa sa mga karangalan ni Dumlao ang kaniyang koleksyon ng mga likha na matatagpuan sa Jordan National Gallery of Fine Arts. Hindi karaniwan ang mga paksa o estilo ni Dumlao at iyon ang gusto niyang maging imahe niya bilang isang artista. “Ang konsepto ang importante, parang binabalikan ko rin ‘yung dati kong gawa, sumusunod din ako sa trend at syempre ‘yung disiplina hindi nawawala iyon,” sabi niya. “Yung ‘consistently inconsistent,’ hindi nawawala yung disiplina at kalidad pero hindi pare-pareho ang paksa.”

Ipinamalas ni Elmer Dumlao ang kaniyang “consistently inconsistent” technique sa kaniyang exhibit na “Raw” sa Altro Mondo noong ika-22 ng Hunyo sa Makati. M.J.F. UY isang eksibit. “Sa unang eksibit ko, mga big time yung [naroon] pero siya ‘yung isa sa mga nagpakilala sa akin, siya ang naging susi sa lahat,” sabi ni Dumlao. Sa mundo ng sining Nilapatan ng mga kaalaman sa advertising ang unang solo eksibit ni Dumlao na pinamagatang “Jordan Through the Eyes of Elmer” (2010) na ginanap sa Zara Gallery, Amman. “Sa advertising kasi dapat may teaser, thematic kaya ginamitan ko ng teorya…importante rin ‘yung disiplina,” wika niya. Pagkatapos ng kaniyang unang eksibit, nasundan ito ng “Eye to Eye” (2011) at noong bumalik siya sa Pilipinas, ang “Ground Zero” (2018). Pinamagatang “Eye to Eye” ang unang eksibit ni Dumlao, ipinakita niya ditto ang usaping pag-ibig, kasarinlan at iba pa. Tinitignan ng isang dumalaw sa exhibit ni Elmer Dumlao ang gawa ng UST alumnus sa Ang ikalawang eksibit naman pangalawang solo exhibit nito sa Filipinas. ni Dumlao, “Ground Zero,” ay M.J.F. UY

Pagtatanim ng pangalan sa Pilipinas Dahil sa kaniyang desisyong tumungo sa ibang bansa, nakapagpundar siya ng isang bahay sa Antipolo na naging tahanan ng kaniyang pamilya at ng kaniyang mga likha. “Labinlimang taon ko inipon ‘yung para sa bahay, kasi siyempre may pinag-aaral ako tapos papadala sa pamilya kaya ‘yong ‘yung pinagtiyagaan ko na ngayon hindi pa tapos pero may makikita ka,” salaysay niya. Sa kabila ng mga tagumpay na inani niya sa ibang bansa, ninanais pa rin ni Dumlao na kilalanin siya sa sariling bansa. “May nagsabi sa akin na hindi basta-basta ang labanan dito [sa Pilipinas] hindi naman ako nagmamadali, sinasamantala ko lang ‘yung oras kasi tumatanda na rin,” wika niya. Sa pagbabalik ni Dumlao sa kaniyang hanap-buhay sa Jordan, pinapangarap niyang mag-eksibit muli sa Filipinas sa mga susunod niyang pag-uwi. Inihalintulad niya ang pagtatanim at ang kaniyang kagustuhang makilala ang kaniyang likha rito sa Pilipinas. “Hindi medaling magtaguyod ng sariling pangalan sa larangan ng sining sa Pilipinas,” wika ni Dumlao. “Ngunit naman ako nagtatanim ng labanos o patatas--na mabilis anihin--- sa larangan ng sining, [ayos lang] sa akin magtanim ng niyog at buko, kahit kailangan maglaan ng mahabang oras bago anihin. KARL BEN L. ARLEGUI AT KATRINA ISABEL C. GONZALES


CLE

7

IKA-31 NG HULYO, 2019

Cinemalaya, pinalawig sa mga rehiyon DOBLE ang pagdiriwang ngayong taon sa ika-15 na Cinemalaya Independent Film Festival kasabay ng sentenaryo ng Pelikulang Filipino sa Cultural Center of the Philippines sa Pasay. Sa unang pagkakataon ay ipinalabas ang mga entry sa Cinemalaya sa iba’t ibang panig ng bansa tulad na lamang sa Pampanga, Naga, Legazpi, Iloilo, Bacolod at Davao. Tampok ang 10 full-length feature films sa Cinemalaya ngayong 2019: Ang “Ani” nina Kim Zuñiga at Sandro Del Rosario, “Belle Douleur” ni Joji Alonso, “Children of the River” ni Maricel Cabrera–Cariaga, “Edward” ni Thop Nazareno, “Fuccbois,” ni Eduardo Roy Jr., “Iska” ni Theodore Boborol, “John Denver Trending” ni Arden Rod Condez, “Malamaya (The Color of Ash)” nina Danica Sta. Lucia at Leilani Chavez, “Pandanggo Sa Hukay” ni Sheryl Rose M. Andes at “Tabon” naman ni Xian Lim. Ang “Ani,” ang unang CGI film na sumabak sa Cinemalaya, ay tungkol sa misyon ng isang

bata at kaniyang kaibigang robot na naghahanap ng mahiwagang “grains” upang matulungan ang kaniyang lolo. Ipinakita naman sa “Belle Douleur” ang paglalakbay ng isang matapang na babae sa paghahanap niya ng tunay na kaligayahan sa buhay sa kabila mga hangganang linalatag ng lipunan sa kababaihan tulad niya. Umikot sa apat na magkakaibigan ang istorya ng” Children of the River” kung saan isinadula ang mga pagsusubok sa pagiging ganap na may edad. Tinatalakay sa “Edward” ang kuwento ng batang si Edward na tumira na sa pampublikong ospital upang bantayan ang kanyang may sakit na ama. Ang “Fuccbois” ay isang pelikula tungkol sa dalawang magkaibigan na handang gawin ang lahat upang matupad ang kanilang pangarap na maging artista. Makabagbag-puso ang inihandog ng “Iska,” isang istorya ng mapagmahal na lolang naghahanapbuhay para masustentuhan ang mga pangangailangan ng kaniyang

apong may autism. Ipinakita sa “John Denver Trending” ang panganib ng nagagawa ng social media sa hindi pagpapakita ng dalawang panig ng balita, at kung paano ito nakaaapekto sa mga taong nasasangkot. Ang pelikulang “Malamaya” ay tungkol sa pagsibol ng romantikong relasyon ng isang 45-taong-gulang na babaeng pintor at isang 30-taong-gulang na lalaking potograpo. “Pandanggo sa Hukay” ay kuwento ng isang komodrona na naghahangad na makapunta sa kanyang job interview ngunit siya’y sinalubong ng mga pagsubok bago makamit ito. Magkahalong katakutan at thriller ang bumuo sa “Tabon,” ang unang pelikulang ginawa ng aktor na si Lim. Tomasino, Cinemalaya Nagkamit

wagi naman

sa ng

Cinemalaya PAHINA 8

Mga Tomasino, gumanap sa 'Noli Me Tangere’ ILANG MGA TOMASINO ang nakibahagi sa ikatlong pagtatanghal ng “Noli Me Tangere, The Opera” sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay na pinangunahan ni Herminigildo Ranera bilang musical direktor at konduktor. Ang opera ay obra ng

dalawang Pambansang Alagad ng Sining: ang libretto ay isinulat ni Guillermo Tolentino at ang musika naman ay mula kay Felipe Padilla de Leon. Ani Ranera, ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa nasabing opera ay nagpapakita na mas “kailangan natin magpakita pa ng mga ganitong klaseng pagtatangahal.” Ang voice performance alumnus na si Jose Mari Javato ay isa sa mga kabilang sa nagtanghal

sa Noli Me Tangere na gumanap bilang ang prayle na si Padre Salvi. “Ang Noli ay ang paborito kong nobela at kilailangan kong basahin muli [ito] upang mas maintindihan ko kung paano magisip at gumalaw si P. Salvi,” aniya sa isang panayam sa Varsitarian. Unang sumubok mag-audition si Javato bilang parte ng ensemble ngunit hindi niya ito nakuha. Naniniwala siya na ang pagkuha sa isang kilala at minamahal na nobela tulad ng Noli ay mainam na makakukuha ng interes ng mga kabataan. “Hindi gaano karami ang mga tao na mahilig manood ng opera rito sa Filipinas,” wika niya. “Pero kung kumuha ka ng materyal na kilala at may mensahe

na tumatatak sa kabataan, mahihikayat mo silang manood.” Ang voice major namang si Mheco Manlangit ay sumabak sa una niyang pagtatanghal bilang si Maria Clara habang si Nomher Nival naman ang gumanap bilang si Crisostomo Ibarra. Gumanap naman bilang katuwang na musical director at pianista si Heliodoro “Dingdon” Fiel na kilalang piyanista sa buong mundo. Kabilang din ang mga Tomasinong sina Bernadette Mamauang bilang Sisa, Micah David Galang bilang Andeng, Rare Jireh Columna bilang Victoria, Ronaldo Abarquez bilang si Padre Damaso at Kapitan Tiago, at si Paul Dominique Galvez bilang Albino. Mahigit dalawandaang tao ang bumuo ng produksyon ng nasabing opera. Kumpara sa mga nakaraang Noli, ang pagtatanghal ngayong taon ay nagkaroon ng LED screens at projectors na ipinakita sa likod upang mas madama ng

mga manonood ang kuwento at pangyayari sa bawat eksena. Ayon sa mga executive producers ng Noli na sina Edwin Josue at Jerry Sibal, isang magandang plataporma ito upang maibahagi ang talentong Filipino. “Sana ay patuloy nating ibahagi at ipagmalaki ang sariling atin lalo na sa ating mga kabataan,” ani Josue. Hinimok naman ni Sibal ang mga manonood na patuloy na mahalin at ipagmalaki ang sining at kultura ng bansa. “Ang pagmamahal sa isang bansa ay walang hangganan o limitasyon, alalahanin natin na ang bansa na walang puso ay bansang walang diwa,” wika niya. Ang operang “Noli Me Tangere” ay hango sa nobelang isinulat ni Gat. Jose Rizal kasama ng isa pa niyang akda na “El Filibusterismo” na humikayat sa mga Filipino na mag-alsa laban sa pamumuno ng Espanya sa bansa ng mahigit tatlongdaang taon. Ang opera ay nagsilbi ring bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 taon ng CCP. K.I.C. GONZALES


8 Pintig

IKA-31 NG HULYO, 2019

Simbahan, ‘di patitinag sa sedisyon Maging liwanag sa mga nawawala ang pananampalataya – Timoner

(L-R) Si P. Flaviano Villanueva at mga obispong sina Teodoro Bacani, Socrates Villegas, Pablo Virgilio David at Honesto Ongtioco na nahaharap sa kasong sedisyon kasama ang ibang mga personalidad na bahagi ng oposisyon.

ILANG personalidad ng Simbahan at pamahalaan ang nahaharap sa kasong “inciting to sedition” dahil sa umano’y pagplano na pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon. Ngunit ayon sa kanila, hindi ito dahilan para tumigil sa pagpanig sa katotohanan. Ika-18 ng Hulyo nang magsampa ng kasong inciting to sedition ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group laban sa 36 na indibidwal kabilang ang mga miyembro ng oposisyon at alagad ng Simbahan. Ayon sa kasong isinampa, nasa likod sila ng “Ang Totoong Narcolist,” ang serye ng video na ikinalat ni Peter Advincula o “Bikoy.” Sina Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, P. Flaviano Villanueva, P. Robert Reyes at P. Albert Alejo ang ilan sa mga sinampahan ng kaso. Ayon kay Bacani, isang panibagong antas ng pagmamalupit sa Simbahan ang kasong isinampa sa kanila. “Never have been before that bishops are charged sedition or inciting to sedition. I am happy that people are reacting. [It

is] time for Catholics to protest,” wika ni Bacani sa isang panayam sa Varsitarian. Dagdag pa niya, hindi makatotohanan ang kasong ito dahil malinaw na wala itong ebidensiya. Iginiit naman ni Villegas na alam niyang wala siyang ginawang mali at inihihingi niya ng tawad sa Diyos ang mga kinauukulan sa maling paratang sa kanila. “The good Lord knows I am innocent of the crime they charge me with. [I]f the process will be fair and truthful; I know the authorities will see it too. I pray to the Lord to forgive those who accuse us falsely,” giit ni Villegas sa isang pahayag. Ayon naman sa Tomasinong Heswita na si Alejo, palaging kalakip ng pagiging mabuti ang pagiging totoo. “Hindi sapat ang hayaan mo ang mga biktima ng pagpatay, kailangan usisain kung sino ang mastermind ng pagpatay. Hindi sapat ang pag-rehabilitate ng mga drug addicts, kailangan usisain natin kung sino ang utak ng sindikato ng droga,” wika ni Alejo sa isinagawang solidarity Mass at candle lighting para sa mga sinampahan ng kaso. Dagdag pa niya, dapat mamulat ang publiko sa mga nangyayari.

“Kailangang madama nating niloloko tayo. [T]his is not the time to fold up. [W]e need to provide sanctuary to the victims, and one victim is truth. Therefore, we need to provide sanctuary for truth,” wika ni Alejo. ‘Gising ang Simbahan’ Winika ni P. Flaviano Villanueva, mula sa Society of the Divine Word, na kailangan pang magsaliksik sa katotohanan lalo na sa naunang pahayag ni “Bikoy.” “Kung talagang tunay tayong nagsasaliksik ng katotohanan, tignan muna natin ‘yong mga una niyang pamamaratang, ‘yong mga una niyang affidavits, tignan muna natin ‘yon. Suriin natin nang mabuti kung tunay tayong nanalig at nakikiisa sa katotohanan,” wika ni Villanueva sa isang panayam. Para kay P. Robert Reyes, isang aktibistang pari, pang-aabala lamang ang kasong isinampa sa kanila. “[I]’m very happy that the Church is coming alive, finding its voice again, and performing its sacred duties on moral vigilance,” wika ni Reyes. MALIC U. COTONGAN

‘Mga balakid ng pamahalaan sa relihiyon, ugat ng pag-uusig’ MAHALAGA ang religious freedom sa isang bansa at anumang paghihigpit dito ay maaaring gamitin ng mga tutol sa relihiyon sa pag-uusig sa mga mananampalataya, ayon sa mga eksperto. Isang karapatang pantao ang reiligious freedom para sa mga indibidwal o grupo nang walang diskriminasyon mula sa estado. Binigyangdiin ni Gary

Doxey, associate director ng International Center for Law and Religion Studies ng Brigham Young University sa Amerika, na maaring maaring sanhi ng karahasan sa lipunan ang kahit anong pagbabawal sa gawain ng mga relihiyon. Dagdag pa ni Doxey, malaking tulong ang pagsuporta ng isang gobyerno sa religious freedom para sa pag-unlad ng bansa. Ang hindi makatarungang paghihiwalay ng mga pamilya, pang-aalipin, at diskriminasyon sa relihiyon ay ilan sa mga hamon na ugat ng pagbagsak ng religious freedom sa buong mund o , wika ni Doxey. Sa pag-aaral ng Pew Research Center sa 198 na bansa, 52 ang mayroong mataas na lebe l ng restriksiyon sa relihiyon sa nagdaang 40 dekada. Nasa 86 porsiyento o 6.5 bilyong tao sa mundo ang kasama sa mga nakararanas ng restriksiyon sa relihiyon. Hinimok ni Michel Goffin, embahador ng Belgium, na kailangang isaalangalang ang iba’t-ibang mga antas ng religious freedom tulad ng karapatang baguhin ang relihiyon. “Freedom of religion is not just a right that you can

either have or not have in your society. It’s linked to all fundamental rights a society should abide including gender equality and freedom of expression,” wika ni Goffin. Binigyang-pansin naman ni Mark VierstraeteVerlinde, isang counselor mula sa European Union Delegation to Indonesia and Brunei Darussalam, ang pagkakaiba sa relihiyon ang bawat bansa, at sinabing hindi ito hadlang para pahalagahan ang karapatang pantao. “Human rights are the shield for all individuals facing violence and discrimination. [H]uman rights have to be the same for all regardless of [faith] and skin color,” wika niya. Naitala ng United Nations na nasa 70.8 milyong tao sa mundo ang forcibly displaced persons dahil sa pag-iwas sa pag-uusig sa relihiyon. Religious freedom sa bansa, protektado ng batas Winika ni Gwendolyn Pimentel-Gana, kinatawan ng Commission on Human Rights (CHR), na pinoprotektahan ng Konstitusyon ang kalayaan sa relihiyon sa bansa. “Our Constitution ensures and mandates an unconditional tolerance without regard to whether those who seek to profess their faith belong to the majority or the minority. It is emphatic in saying that the free exercise and enjoyment of religious profession and worship shall be without discrimination or preference,” wika ni Gana. Binigyang-diin naman ni Edmund Tayao, isang political analyst at dating propesor sa UST, hindi maaaring paghiwalayin ang usapin sa batas at relihiyon dahil walang lipunan ang yumayabong nang walang relihiyon. “[Law and religion] are very much connected, no matter how you try to separate them,” wika ni Edmund Tayao sa isang panayam sa Varsitarian. “It is also traced in history that even if the Enlightenment [period] emphasized secularization or the separation of church and state, you really can’t detach one from the other.” Bahagi ng isang lipunan ang isang tao, at mahalagang parte ng pagkatao ng isang mamamayan Relihiyon PAHINA 10

HINIMOK ng bagong pinuno ng Dominiko sa buong mundo na maging liwanag ang mga miyembro ng orden sa mga mananampalataya na nawawala ang pananalig sa Diyos. “Dominic is light of the Church, very much like the light Jesus speaks about in the Gospel. [T]his is what the fathers of the Church call as a lunar ministry, to illuminate the light of Christ, than merely shine,” wika ni P. Gerard Francisco Timoner III, O.P. sa kaniyang homiliya sa pagtatapos ng General Chapter ng ordeng Dominiko sa Biên Hoà, Vietnam noong ika-4 ng Agosto. Dagdag pa niya, si Hesus ang nagsisilbing araw ng mundo at ang mga Kristiyano ang buwan na dapat maging repleksiyon ng Kaniyang liwanag. Winika rin ni Timoner, dating vice chancellor ng Unibersidad, na ang mismong orden ang “enduring sermon” ni Santo Domingo at dapat pagnilayan ng mga Dominiko kung nagagawa nila ang kanilang tungkulin. “We are all the homily of St. Dominic in our world today. We are part of the everexpanding text of his sermon. [H]e called the first convents not as a house for preachers but Holy Preaching itself,” wika ni Timoner. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagiging iisa ng mga Dominiko sa buong mundo. “Paradoxical as it may seem, even as we part ways and go to different directions, we continue to walk together… and we have one goal: to radiate the light of Christ, the WordIncarnate, to the world,” sabi niya. Nagpahayag din ang 21 na miyembro ng kanilang solemn profession sa orden.

Cinemalaya MULA PAHINA 7

“Audience Choice Award” ang “Heist School,” isang maikling pelikulang gawa ng UST alumni mula sa taunang gabi ng parangal noong ika-11 ng Agosto. Noong 2018, ang pelikulang ito ay ginawa bilang isang school requirement sa kanilang film class ng magkakaklaseng sina Julius Renomeron Jr., Johmar Damiles, Klaire Dulay, John Paolo Barrameda, Pauline Carlos, Zhino Koe, Ezren Caneda, Alvin Jamora at Keanu Managuas. Ang maikling pelikulang ito ay isang komedya na nakasentro sa dalawang magkaibigang sina Omar (Bryan Bacaiso) at Joedel (Jemuel Satumba) na may masamang plano para pumasa sa isa sa kanilang mga klase. Tinangka ni Joedel na nakawin ang answer key sa kanilang preliminary examinations mula sa faculty room. Kasabwat ni Joedel si Reymarie (Ella Mae Libre) at Jerique (Son De Vera), mga kaklase nilang nanganganib din ang grado. “Our film, although lighthearted also speaks about how the high school environment is a factor in shaping our moral compass as a person,” ani Renomeron, direktor ng pelikula. “Our current school system here in the Philippines is not without its flaws but we didn’t want our film to be preachy about it.” Unang kumuha ng programang electronics and communications engineering noong 2009 si Renomeron bago siya lumipat ng information technology noong 2010. Noong 2016, lumipat muli si Renomeron at nag-aral ng communication arts na natapos niya ngayong taon. Habang siya ay nag-aaral sa kursong communication arts, nanungkulan siya bilang vice president for productions ng Thomasian Film Society mula taong 2018 hanggang 2019. “Yung diskarte kung paano magsusurvive sa eskwelahan ang isa sa pinakamalaking influence ng istorya namin,” dagdag pa niya. Wagi rin ang “Heist School” bilang “Best Picture” sa taunang kompetisyon ng mga magaaral ng communication arts sa UST, kasama na ang “Best Screenplay,” “Best Trailer” at “Best Sound.” Nakasama rin ang nasabing pelikula sa Un-film Festival at Maginhawa Film Festival. Kasama rin sa listahan ng mga pelikulang kabilang sa Cinemalaya ang “Signal Rock.” Si Neil Daza, isang fine arts alumnus ng Unibersidad ang cinematographer ng nasabing pelikulang idinerek ni Chito Roño Nakamit ng “John Denver Trending” ang Cinemalaya PAHINA 10


Hepe: Deejae S. Dumlao

IKA-31 NG HULYO, 2019

Lenspeak 9


10 Buhay Tomasino

IKA-31 NG HULYO, 2019

Direktor: Nathanael Jonas S.J. Rodrigo

CACA Ni JURY P. SALAYA

BUHAY BILLY YATO Ni MARI KLOIE D. LEDESMA

TOMAS U. SANTOS Ni MARIANE JAYNE A. CADIZ

Editoryal MULA PAHINA 4

milyong Filipinong magaaral? Lalaki silang bawas ang pagpapahalaga sa sariling wika dahil nga naman hindi na nila ito aaralin pagtungo sa kolehiyo. Ayos nang kabisaduhin at isapuso ang gramatiko at diksyon sa wikang Ingles. Ayos nang hindi alam ang pagkakaiba ng paggamit ng “ng” at “nang” o na ‘di kaya naman ay marami sa ating mga diyalekto at lenggwahe ay onti-onting namamatay na. Tutal, tila ang layunin lang naman ng edukasyon sa bansang ito ay pagtapusin ng kolehiyo ang mga mag-aaral ‘di para matuto ngunit para maging “marketable” na empleyadong magre-remit ng dolyar mula sa ibang bansa. Kung mahina o mababa man ang tingin ng Filipino sa kaniyang sarili ay dahil hindi matibay ang pundasyon ng kaniyang identidad–ang kultura niya ay pinaghalong Espanyol at Amerikano. Nasaan ang pagiging Filipino? Kaninong responsibilidad ang paghubog sa kaniyang pagkatao, pagkaFilipino? Hindi ba’t nasa sa mga kolehiyo at unibersidad din at sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng CHEd? Dito sa Unibersidad, ayon sa huling ulat ay bagamat tuloy ang Filipino at Panitikan bilang mga asignatura sa kolehiyo ay wala pang pinal na pasya ang Academic Senate na binubuo ng mga dekano ng iba’t-ibang kolehiyo at iba pang opisyal ng UST. Karapat-dapat lamang na himukin ng mga Tomasino ang administrasyon na panatilihin ang mga nasabing asignatura sa kurikulum. Isa itong laban na hindi dapat isuko, sapagkat ang kultura’t kalinangan ng bawat Tomasino ang nakasalalay rito. Sa mga nakaraang taon, naipakita na ng Tomasino na kaya niyang labanan ang pagbabalik ng mandatory Reserved Officers’ Training Corps at ang patuloy na patayan sa kampanya ng gobyerno laban sa droga. Marahil ay kaya niya ring tumindig para sa kaniyang wika, sa kaniyang kultura at sa kinabukasan hindi lang niya ngunit ng sarili niyang bayan. Tomasino, oras nang lumaban para sa wikang Filipino!

Relihiyon

Kultura

MULA PAHINA 8

MULA PAHINA 6

ang relihiyon, dagdag ni Tayao. Iginiit ni Amr Sison, isang propesor ng agham pampulitika sa Unibersidad, na wala sa panganib ang estado ng relihiyon sa Filipinas sapagkat ito ay pinoprotektahan ng Konstitusyon. “The Constitution protects the sanctity of faith or the freedom of practice of religion. The state does not promote one group over others. However, there are instances when religious dogmas, teachings, and beliefs fall into conflict with policy initiatives by the state (i.e. the RH law, divorce and etc.),” ani Sison sa isang panayam sa Varsitarian. Ayon naman Jovito Cariño, isang propesor ng pilosopiya mula sa

Fakultad ng Sining and Panitik, ang dignidad ng tao ang nag-uugnay sa karapatang pantao at relihiyon. “Both human rights and religion recognize the human person a certain element of sanctity that is both inalienable and unalterable,” wika ni Cariño sa isang panayam. “This special character belongs to the human person by nature, regardless of race, gender, social class, age or religion and to trample upon such character is fundamentally a crime before God and man.” MA. ALENA O. CASTILLO

Tuition

Kongreso

MULA PAHINA 1 Unibersidad nang hindi na nangangailangan ang pag-apruba ng CHEd, basta’t ipaalam lang sa komisyon bago magsimula ang bagong taong akademiko. RAIMEE ROSE L. ARU-

Dekano

MULA PAHINA 2

Mga tagapangulo Ang mga associate professors na sina Rachelle Lintao, Archie Resos at Jovito Cariño ay itinalagang tagapangulo ng mga departamento ng English, history at philosophy. Nagsilbi bilang research associate sa UST Research Center for Social Sciences and Education si Lintao bago palitan si Assoc. Prof. Camilla Vizconde bilang tagapangulo ng Department of English. Pinalitan naman ni Resos, na nagtapos ng kaniyang doktorado sa UST, si Assoc. Prof. Augusto de Viana bilang tagapangulo ng Department of History, habang si Cariño naman ang pumalit kay Prof. Paolo Bolanos sa philosophy. Noong 2018, nakatanggap ng Silver Award at International Publication Award mula sa UST si Cariño para sa kaniyang pagsasaliksik. Ang mga departamento ng English, literature, history at philosophy ay nakahanay sa Faculty of Arts and Letters ngunit nagsisilbi sa buong Unibersidad. RAIMEE ROSE L. ARUGAY at CHARM RYANNE C. MAGPALI

MULA PAHINA 1

“Sa tingin ko, hindi lahat ng kaalyado ng Pangulo ay agad-agad na magbibigay ng suporta dahil bilang mga politiko, may sari-sariling interes pa rin silang pino-protektahan,” aniya sa wikang Ingles. “Kahit sabihin nating mga kaalyado sila ng Pangulo, may mga ambisyon din sila.” Sa mababang kapulungan ng Kongreso, nahalal bilang speaker ang dating running mate ni Duterte na si Alan Peter Cayetano, sa bisa ng isang kasunduang “term sharing” sa pagitan niya at ni Lord Allan Velasco, isang UST alumnus, na kinatawan ng Marinduque sa Kongreso. Sa isang Kongreso at Senado na puno ng mga kaalyado at kapartido ng Pangulo, nakaambang maisabatas ang mga kontrobersyal na panukala na mahigpit na tinututulan ng Simbahang Katolika sa bansa, tulad ng death penalty at diborsyo. Mainit din ang usapin sa pagbabalik ng mandatory Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) na binuwag noong 2001 matapos ang pagkamatay ng Tomasinong si Mark Welson Chua mula sa kamay ng kaniyang mga kasamahan sa ROTC. Ang minority sa Senado ay binubuo na lamang ngayon ng apat na miyembro: sina Franklin Drilon, Francis “Kiko” Pangilinan, Risa Hontiveros at Leila de Lima na nakapiit pa rin sa kulungan. Nagbabala si Hontiveros na may matinding panganib sa pagsasawalang-bahala sa konsepto ng checks and balances sa pamahalaan. “Pahihintulutan nito ang administrasyon na mag-railroad ng batas kasama na rito ang posibilidad ng charter change ngayong may super majority na sila sa Kongreso at Senado,” aniya sa wikang Ingles sa isang panayam sa Varsitarian. “Ang

Kongreso ay dapat malaya mula sa impluwensya ng ehekutibo, ngunit paulit-ulit ito sa pangingialam sa kalakaran sa lehislatibo.” Pinasaringan din ng senadora ang naging pagtugon ng pamahalaan sa insidente sa Recto Bank kung saan binangga at nilubog ng isang Chinese vessel ang bangka ng mga Filipinong mangingisdang pumapalaot sa pinagtatalunang bahagi ng West Philippine Sea. “Tinangka nilang ipasa ang mandatory ROTC sa mga huling sesyon ng ika-17 na Kongreso at sinertipika pa nga bilang ‘urgent.’ Ngunit ang naging pagtugon nila sa insidente sa Recto Bank ay naging nakadidismaya,” ani Hontiveros. Para kay Sison, masyado pang maaga para umasang lahat ng panukala ng administrasyon ay madaling maisasabatas at hindi na dadaan sa butas ng karayom. “Ang mga panukalang ito ay dadaan sa kritisismo ng iba’t ibang mga grupo tulad ng Simbahan, kaya hindi garantisado na dahil lamang itinutulak ng administrasyon ay tiyak na papasa na ito agad,” aniya. Para kina Hontiveros sa Senate minority, patuloy silang magiging kritikal sa mga hakbang na tatahakin ng administrasyong Duterte sa natitirang kalahati ng kanilang termino, at nangakong sisiguraduhin na mga makataong reporma lamang ang lulusot sa Senado. LADY CHERBETTE N. AGOT na may ulat mula kay KLYRA V. ORBIEN

Trails

MULA PAHINA 4

patungkol sa mga nangyaring patayan sa bansa nang magsimula ang war on drugs, “Journalism is at its purest in the campuses.” At dahil sa karanasan ko sa ‘V’, ako ay lubos na naniniwala dito. Sa pahayagang ito ko nakilala ang mga taong handang ialay ang sarili para lamang sa pagbabalita, ang mga taong hindi nadadala sa takot o hindi napanghihinaan ng loob sa tuwing may kinahaharap na problema, at ang mga taong handang lumaban bitbit lamang ang prinsipyo at matinding respeto sa peryodismo. At sa pagtahak namin sa mas matinding mundo ng pamamahayag sa labas ng Unibersidad ay hindi namin makalimutan ang lahat ng aral na natutuhan sa Varsitarian at mas mapaigting pa ito habang pinagsisilbihan ang bayan sa iba’t ibang plataporma ng peryodismo. Salamat sa pagmamahal at pagtitiwala. Minsan, mananatili.

media,” dagdag pa niya. Sa kaniyang pamumuno, sinisikap ng CCCPET na magbukas ng doktorado sa cultural heritage studies sa Unibersidad. Hinimok din niya ang mga administrador at mag-aaral ng UST na ugaliing bumisita sa mga museo lalo na ang Museum of Arts and Sciences sa Main Building. “I think it is very important for all the students, faculty and administrators always to touch ground with the University. They should visit our archive and museum and try to harness this wealth of memory, this wealth of heritage materials that not all the universities would have.” Ayon kay Zerrudo, magtatalaga ng science track sa programa para sa mga nais magpakadalubhasa sa material conservation at ng management track para sa management planning, tourism planning at site development planning. “These two tracks are needed by the Philippines now. We lack the specialists with regards to material conservation. We also lack the manager and policymakers who would overlay how to use heritage as an ingredient of development,” aniya. Bukod sa pagiging dalubhasa sa cultural heritage conservation, naging direktor na rin ng iilang museo sa bansa si Zerrudo, tulad na lamang ng Metropolitan Museum of Manila, Museo ng Maynila at ang Government Service Insurance System Museum. Ilan sa mga naging kontribusyon ni Zerrudo ay ang cultural heritage mapping project sa San Nicolas, Ilocos Norte, ang Banaue Rice Terraces at ang pamosong Puerto Princesa Subterranean River National Park. NEIL JOSHUA N. SERVALLOS

Cinemalaya MULA PAHINA 8

“Best Film for Full Length Feature” habang ang “Iska” naman ay ay nakakuha ng “Best Screenplay for Full Length Feature.” Nanalo naman ng “Best Film for Short Feature” ang pelikulang “Wag Mo Kong Kausapin” at naiuwi naman ng pelikulang “Kontrolado ni Girly and Buhay Niya” ang “Best Screenplay for Short Feature.” Ang mga pelikula ng Cinemalaya 2019 ay nailabas sa mga nabanggit na sinehan mula ika-2 hanggang sa ika-13 ng Agosto. J.A.C.CASUCIAN at N.B.H. CRUICILLO


Patnugot: Ma. Angelica D. Garcia

IKA-31 NG HULYO, 2019

Pampalakasan 11

Cansino, bagong UST team captain

Nagbabalik si CJ Cansino mula sa injury na natamo noong UAAP Season 81 bilang team captain ng Tigers ngayong taon.. FILE PHOTO

NAKATAKDANG magbalik si CJ Cansino mula sa injury ang pangungunahan ang Growling Tigers bilang team campaign sa darating na UAAP. Higit walong buwan din ang inabot ng rehabilitasyon ni Cansino na nagtamo ng anterior cruciate ligament injury sa kanyang kaliwang tuhod noong nakaraang season. Muli syang sumabak sa ensayo noong Hulyo. “Feeling ko nga ngayon mas malakas ‘yong lower body ko kasi last season di ako masyadong nag-work out ng lower legs,” ani Cansino sa isang panayam sa Varsitarian. “Ngayon feel ko na mas malakas talaga siya.” Ikinatuwa ni coach Aldin Ayo ang pagsisikap ni Cansino na makabalik mula sa injury. “Mas skilled na [si CJ]. Understandable kasi ‘nong time na nag-rehab siya, wala siya’ng ibang itrinabaho kundi ‘yong skills niya,” ani Ayo. “Lahat ng kaya niya’ng gawin, ginagawa niya. Disiplinado ‘yong bata.” Sa kabila ng kanyang mga

pinagdaanan, buo ang loob ni Cansino na kaya niya’ng gampanan ang pagiging kapitan ng Tigers. “Gagawin ko lahat. Lahat ng ibibigay sa’kin ng coach, basta manalo,” ani ng natatanging sopomore na kapitan. Sa usapin ng kaniyang plano matapos ang preparasyon at pagbabalik, walang alintana kay CJ ang titulong MVP. Para kay Cansino, hindi na bale ang makakuha ng pangsariling gantimpala, bagkus ay mas importante ang pangkalahatang tagumpay. Nagpakitang gilas si Cansino ng isang makasaysayang rookie year matapos gumawa ng “tripledouble” na hindi pa nagagawa ng isang baguhan maliban noong 2003. Pumoste siya ng 12.8 PPG, 10.3 RPG, at 3.6 APG. Ang unang laro ng UAAP Men’s Basketball ay kontra sa UE Red Warriors sa darating na ika1 ng Setyembre sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay. ROMMEL BONG R FUERTES JR

Male Trackster, nagtapos bilang magna cum laude MADALAS isipin ng marami na kapag atleta ka, mahirap din mamayagpag pagdating sa academics. Pero pinatuyan ni UST Male Trackster Jay Patrick Nieles na hindi laging totoo ang ganitong stereotype. Katunayan, nagtapos siya bilang magna cum laude sa kursong electronics engineering ng may 1.42 general weighted average nitong Hunyo. Si Nieles ang kauna-unahang student-athlete na nagkamit ng naturang parangal mula sa Faculty of Engineering. “As a student, mahirap pagsabayin kasi mahirap ‘yong course ko tapos as an athlete kailangan kong mag-training everyday,” ani Nieles sa isang panayam sa Varsitarian. “Ang exhaustion ko ay physical, mental and emotional pero once na-reach ko ‘yong goal ko, sobrang sweet victory kasi nakita ko na ‘yong fruits ng sacrifices ko.” Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Nieles dahil kinailangan niyang isakripisyo ang oras niya sa kaniyang pamilya, kabilang na rin ang kaniyang social life kapalit ng training. Umabot na rin sa puntong kinailangan niya munang umalis sa team noong huling taon niya para mapagtuunan niya ng pansin ang kaniyang thesis at internship. “Priority setting talaga eh kasi alam ko naman na magiging worth it din lahat sa huli. Also, ‘yong family ko, they always support me kung saan ako

masaya and they support my dreams kaya very encouraging din talaga,” dagdag pa niya. Nagsimula ang kaniyang karera nang mapabilang siya sa top 25 sa fun run noong first year high school siya sa Chiang Kai Shek College. Nakitaan siya ng potensiyal nina Arthur Fronda at Diana Sy, ang dati niyang mga coach, kaya napabilang siya sa varsity team. Na-recruit siya sa Unibersidad noong regional meet sa Bacolod. Nakatanggap si Nieles ng alok mula sa Ateneo de Manila, De La Salle at University of the East ngunit mas pinili niya ang UST dahil sa mga benepisyong mabibigay nito. Nakakuha ng dalawang tansong medalya si Nieles sa kaniyang apat na taong karera sa UAAP. Nito lamang Agosto, itinuring na Top Young Student Scientist si Nieles dahil sa kaniyang proyektong “Brain Computer Typing Interface” sa Bank of the Philippines Islands Foundation and Department of Science and Technology (BPI-DOST) Science Awards, isang national competition para sa mga mag-aaral na na may angking galing sa agham at teknolohiya. Para kay Nieles, hindi madaling bitawan ang pagiging atleta ngunit mas maiging magpursigi na lamang siya sa pagiging inhinyero dahil walang professional league ang athletics dito sa bansa. MA. ANGELICA D. GARCIA AT JUSTIN ROBERT VALENCIA Nieles

Yumaong ama, inspirasyon ng kampeong Tiger Paddler

Sevilla

HINDI magiging possible para sa Tiger Paddler na si Alvin Sevilla na makamit ang mga parangal kung hindi dahil sa kaniyang yumaong ama. Ikinuwento ng sports and wellness management sophomore na malaki ang naging impluwensya ng kaniyang ama na si Arnaldo Sevilla sa kaniyang paglalaro ng table tennis. Walong taong gulang nang magsimula sa naturang laro si Sevilla at isinali ng kaniyang ama sa iba’t-ibang torneo para mahasa sya. “Tinayaga niya ako, sinali niya ako sa mga tournaments, and dinala niya ako sa iba’t ibang coaches para mabigyan ako ng tips para mag-improve,” ani Sevilla sa isang panayam sa Varsitarian. Sa kasamaang palad, yumao ang kaniyang ama noong 2015 dahil sa heart failure tatlong araw matapos manalo anak ng pilak sa High School Individual event ng Southern Tagalog Calabarzon Athletic Association Regional Sports Competition. “Masaya siya pero siguro may iniisip din siya’ng ibang problem kaya bumigay puso niya,” ayon sa nakababatang Sevilla. Matapos ang libing ng ama, ipinagpatuloy ng anak ang kaniyang

pagsasanay at muling lumahok sa iba’t ibang patimpalak. Noong 2016, nag-kampeon siya sa 6th Leg United Batangeno Table Tennis Club Table Tennis Tournament sa High School at College event at nasilat ang pilak sa Palarong Pambansa noong 2017. Isa sa mga naging tulay ni Sevilla sa kanyang pagpasok sa UST ay ang dating kapitan ng Tiger Paddlers na si Noriel Pantoja. Ang 19 anyos na manlalaro ay tinapik din ng National University, De La Salle University, Colegio De San Juan De Letran, San Beda University, at University of the East. “Pinili ko UST dahil organized ‘yong team, parang buo talaga compared to the other teams.Kahit saan magkasama talaga kami,” wika niya. Sa unang taon niya sa UST, naibalik ng Tiger Paddlers ang kampeonato mula sa National University Bulldogs noong 2018 matapos manalo ng dalwang laro sa finals. “Dinala ko UAAP medal ko sa cementery, naiiyak na nga lang ako sa puntod kasi parang sa loob ko sana nandito pa siya para maabutan niya ito.” Natuwa si Tiger Paddlers head coach

Jackson Que sa kaniyang kasipagan patungo sa paglalim ng kaniyang kaalaman sa paglalaro. “’Yong time na namatay ang dad niya, medyo nag-stop ang growth niya. Then pagpasok niya sa atin, nag-train siya ng maayos at na-correct ang mga mali niya’ng tira. Mas gusto niyang gumaling at pinipilit niyang i-adapt ‘yong mga tinuturo sa kanya. That is why ang bilis niya mag-improve,” ani Que. Aasahan ng koponan si Sevilla sa darating na UAAP Season 82 bilang isa sa mga beterano. Para kay Sevilla, kakailanganin ng koponan na mas maging tutok upang mapanatili ang korona sa España. “Kung gusto talaga namin magchampion, focus lang talaga kami kung ano ang gusto namin makuha para madefend namin ang championship.” Ang Tiger Paddlers ay nagtala ng 26 mga kampeonato, pinakamataas na bilang ng pagkakampeon sa kasaysayan ng UAAP Table Tennis. Muling sasabak sa UAAP 82 ang Tiger Paddlers sa ika-10 ng Oktubre. IVAN RUIZ L. SUING at THERESA CLARE K. TANAS


Pampalakasan

IKA-31 NG HULYO, 2019

Tigresses, pinataob ang Lyceum sa PVL

Pinataob ng UST Golden Tigresses ang Lyceum of the Philippines University Pirates sa Premier Volleyball League noong ika-18 ng Agosto sa San Juan Arena. M.J.F.UY INILAMPASO ng UST Golden Tigresses ang Lyceum of the Philippines University, 25-18, 25-13, 25-2, sa Premier Volleyball League sa San Juan Arena noong ika-18 ng Agosto, Linggo. Pinangunahan ni Janna Torres ang 5-1 run para makalayo ang Tigresses noong pangatlong set. Maagang nanguna ang Pirates sa iskor na 8-7, ngunit ito ay tinapatan ng 4-0 run sa tulong ng baguhang si Joyce Abueg para sa UST. Bitbit ng koponan ang lamang sa simula ng ikalawang set sa pamamagitan na rin ng 8-2 run. Pero sunud-sunod ang errors

Gold medal, nabusto ng Tiger Jins KINATAWAN ng mga atleta mula sa koponan ng UST TaekwondoPoomsae ang bansa na nagkampeon naman sa nakaraang 2019 World Taekwondo Hanmadang Competition na ginanap sa Pyeongchang, South Korea noong ika-26-30 ng Hulyo. Nakabuslo ng gintong medalya sina Nasstassja Limos, Miguel Baladad at ang rookie na si Jade Ashley Carno sa larangan ng Taekwon Chejo. Nagtala sila ng 8.00 puntos na nakatalo sa dalawang koponan mula sa China na nagtala ng 7.73 at 7.07 na puntos lamang. Muling umani si Carno ng ikalawang ginto para sa koponan kasama sina Aljana Erece, Darius Venerable, Vincent Rodriguez at UST team captain Jerel Anthony Dalida sa group category. Nakakuha sila ng 58.8 na puntos at tinalo ang mga koponan mula China (55.5), USA (49.8) at Malaysia (44.8). Bukod sa malaki ang naitulong ng mga Tomasinong atletang nakilahok sa torneong ito para sa tagumpay ng bansa, magandang handa din and kompetisyon para sa nalalapit na UAAP 82 wika ng Tiger Jins Poomsae head coach at national team head coach Rani Ann Ortega. “Dito kasi sa Hanmadang sinasanay yung mga players,” ani Ortega sa isang panayam sa Varsitarian. “Ang pina-practice rito is the ability to perform under pressure at ‘yong pag-perform ng hindi nahihiya at natatakot. Malaki natutulong noon sa confidence ng

FILE PHOTO

players.” Dagdag ng kapitan ng Tiger Jins na si Dalida, magandang exposure din raw ang kompetisyon para sa mga lalaro sa UAAP. “Kapag off-season kasi madaming hindi masyado nag-training kasi nga summer. Dahil sinali rito, na-push para mag-work hard ‘yong players,” aniya. “Dahil doon mas ready na kami for UAAP kasi i-maintain na lang ‘yong intensity ng training.”

ng LPU kaya nasungkit ng Tigresses ang pangalawang set. Nanguna ang UST sa blocking department kung saan nakakuha sila ng pito habang tatlo lamang ang naitala ng Lady Pirates. Umuskor si Imee Hernandez ng siyam na puntos, kabilang na ang limang attacks, tatlong blocks, at isang ace para sa Tigresses. Nanguna naman si Mady Joy Onofre para sa Pirates sa pamamagitan ng siyam na puntos, anim na attacks, dalawang block, at isang ace. MALIC U. COTONGAN at ROMMEL BONG R. FUERTES JR.

Lady Spikers, kampeon sa Bicol beach volleyball invitational DINOMINA ng UST Lady Spikers and ikapitong Ibalong National Women’s Beach Volleyball Open Invitational 2019 na ginanap sa Legaspi noong (PLACE EXACT DATE). Pinulbos ng tandem nina Babylove Barbon at Genesa Eslapor ang mga manlalaro ng Santa Lucia Realtors na sina Jackie Estoquia at DM Demontano sa finals sa iskor na 21-17, 21-12. Pinataob din nila ang Ateneo de Manila University Lady Eagles, De La Salle Lady Spikers at Jose Rizal University Lady Bombers sa eliminasyon. Ginapi naman ng tandem nila Barbon at Eslapor ang Bicol sa quarterfinals at Far Eastern University Lady Tamaraws sa semifinals. “Dito tinitignan namin kung sino ‘yong makakalaban naming sa UAAP at kung ano ‘yong pattern [ng kalaban],” ani Paul John Doloiras, head coach ng UST. Ayon kay Doloiras, maglalaro ang tandem nina Barbon at Eslobar sa nalalapit na UAAP. Inorganisa ni Noel Rosal, Mayor ng Legaspi ang torneo na ginanap noong ika-16 hanggang ika-18 ng Agosto. MALIC U. COTONGAN

Matapos mahulog sa kampeonato nakaraang UAAP, ginamit ng Tiger Jins ang karanasan sa internasyonal na laban upang mapaghandaan ang pagbawi ng corona ngayong taon. Ang Tiger Jins ang pinakamaraming panalo sa kanilang rekord na tatlo mula sa anim na kampeonato simula noong idineklarang opisyal na palakasan ang laro sa UAAP. FAITH YUEN WEI N. RAGASA (Kuha mula kay Paul Jan Dolorias)


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.