The Varsitarian P.Y. 2018-2019 Issue 01

Page 1

Volume XC, No. 1 • Ika-30 ng Agosto, 2018 ANG OPISIYAL NA PAHAYAGANG PANG MAG-A AR AL NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS Maynila, Filipinas

Paglilitis ng kasong hazing laban sa Aegis Juris, umusad MAG-IISANG taong nakalipas matapos ang pagkamatay ng UST law freshman na si Horacio “Atio” Castillo III, umusad ang paglilitis ng kaso laban sa mga akusadong miyembro

ng

Aegis Juris Fraternity. Emosiyonal ang naging salaysay ng unang testigo sa kaso na si Marc Ventura laban sa kaniyang mga kasamahan sa fraternity. Si Ventura ang pangunahing

testigo ng Department of Justice (DOJ) sa nasabing kaso. Pinasalamatan ni Carmina Castillo, ang ina ng biktima, si Ventura sa kaniyang pagbibigay ng salaysay na, ayon sa kaniya, ay malaking

tulong sa pag-usad ng kaso. “Talagang nais niyang sabihin iyong totoo, kung ano talaga ang nangyari para hindi na maulit ito. Mahirap talaga sa kaniya iyong ginawa niya pero kailangan niyang

gawin ito para lumabas ang katotohanan at para matigil na ang ganitong klase ng dahas,” ani Castillo. Mahirap umano para kay Ventura na tumestigo laban Atio PAHINA 5

Sentro ng Salin sa UST, inilunsad OPISIYAL nang nilagdaan ng Unibersidad at ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Memorandum ng Unawaan para sa isang Sentro ng Salin na itatatag sa UST. Nilagdaan nina Virgilio Almario, tagapangulo ng KWF, at ni Prop. Allan de Guzman, dating dekano ng Kolehiyo ng Edukasiyon, ang nasabing kasunduan noong ikalawang araw ng Kongreso ng Wika na ginanap din sa Unibersidad mula ika2 hanggang ika-4 ng Agosto. “Maraming nilapitang institusiyon si Almario ngunit sa palagay ko ay sa UST niya narinig ang commitment na talagang kunin ang Sentro; bigyan ito ng tahanan at magkaroon ng matagalang plano para rito,” wika ni Alvin Ringgo Reyes, tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Unibersidad, sa isang panayam. Binigyang-diin ni Reyes ang kahalagahan ng isang organisasiyon na tutugon sa unang pangarap ng mga tagasalin sa Filipinas na magkaroon ng propesyunalisasiyon. “Panahon na para magkaroon ng iisang mapagkakatiwalaang organisasiyon na magsisilbing tagapagsanay ng mga tagasalin… Ito ang magbibigay ng sertipikasiyon na magpapatunay na kwalipikado ang mga tagasaling ito, magsusuri ng awtput ng mga tagasalin at magbibigay ng pagtataya sa mga pagsasalin,” paliwanag ni Reyes. Dagdag pa niya, magbibigay rin ang Sentro ng selyo ng kalidad na magsasabi kung maganda ang pagkakasalin ng gawain at kung maaari nang ilabas at mapakinabangann ng masa.

Si Virgilio Almario, tagapangulo ng KWF, at si Prop. Allan de Guzman, dating dekano ng Kolehiyo ng Edukasiyon sa lagdaan ng kasunduan noong ika-2 ng Agosto. KUHA NI ENRICO S. SILVERIO

UST, sabay sa makabagong teknolohiya sa MyUSTe app INILUNSAD noong ika-14 ng Mayo ang mobile application ng myUSTe Student Portal ng Santo Tomas e-Service Providers (STePs). Sa pamamagitan nito, makikita na ng mga mag-aaral ng UST ang kani-kanilang student profile, mga grado, class schedule, lab breakages, curriculum, course offerings at natitirang balanse. Ayon kay Polly Blanco, katuwang na direktor para sa pagpapaunlad ng software at applications ng STePs, ginawa ang aplikasiyon upang mas mapabilis ang “pag-access” ng mga Tomasino sa kanilang impormasiyon gamit lamang ang kanilang mga telepono. “Mas accessible na ang myUSTe Student Portal gamit ang app[lication]. Hindi na kakailanganin ang desktop o laptop at pagbisita sa mismong website sa tuwing gusto nilang mag-login,” wika ni Blanco sa isang panayam sa Varsitarian. Ang STePs ang responsable sa pag-aasikaso ng computerized systems, network, cabling at iba pang pangangailangan sa aspeto ng information technology sa UST. Maaaring i-download ang myUSTe Student Portal sa Google

Pinag-aaralang mabuti Ipasasailalim muna ang Sentro sa Departamento ng Filipino ng Unibersidad upang tiyakin ang kabihasaan sa unang taon nito. “Maingat ang Unibersidad sa mga programang pinapasok nito at tinitiyak na hindi gagawa ng malaking pagkilos nang hindi napag-aralan nang mabuti…gusto muna nitong tingnan ‘yong feasibility nito sa mas kontroladong antas,” ani Reyes. Inilatag ng ikalawang artikulo ng kasunduan ang pagsasanay sa pagsasalin at mga araling pagsasalin ng guro at tauhan.

Sentro PAHINA 5

Mag-aaral ng biology, ‘excluded’ dahil sa kaso ng pang-aabuso PINATALSIK na ng Unibersidad ang mag-aaral mula sa College of Science na si Kyle Viray matapos ang panibagong reklamo ng pisikal na pang-aabuso na isinampa ng isang kapuwa Tomasino. Ito na ang pangalawang beses na napatunayang lumabag sa Code of Conduct and Discipline ng UST ang 20-anyos na si Viray kaya tuluyan na siyang inalis sa listahan ng mga mag-aaral. Hindi na rin siya maaaring makapag-aral sa ano mang programa sa loob ng Unibersidad. Isinampa ni Gil Nicole Morales, isang mag-aaral mula sa USTAMV College of Accountancy, ang

reklamong pisikal na pang-aabuso ng dating kasintahang si Viray na ‘di umano ay nangyari sa iba’t ibang okasiyon at sa iba’t ibang lugar noong nakaraang taon. “Napanatag ang aking loob dahil sa wakas ay naibigay na ang tamang hatol. Umaasa ako na marami ang matututo sa pangyayaring ito,” ani Morales sa wikang Ingles sa isang online na panayam sa Varsitarian. Noong ika-20 ng Hulyo, binigyan ng pagkakataon si Viray upang ipaliwanag ang kaniyang panig. Itinanggi ni Viray ang mga paratang ni Morales at sinabing

wala raw silang relasiyon nito at hindi niya kailanman ito inabuso o pinahiya sa publiko o sa kahit anong pribadong pagkakataon. Nagtakda ng pagkikita ang Office for Student Affairs noong ika-30 ng Hulyo upang dinggin ang magkabilang panig. Gayunpaman, noong ika-26 ng Hulyo, nagsabi ang abugado ni Viray na ang kaniyang kliyente ay hindi makararating sa nasabing pagdinig. Si Viray ay nauna nang nakasuhan ng pambubugbog sa kaniyang dating kasintahan at kapwa mag-aaral sa College of Science na si Diane Arcena noong

MyUSTe PAHINA 8

NILALAMAN

UNIBERSIDAD

Balik sa 40,000 ang populasyon ng UST dalawang taon makalipas ang pagpatupad ng K-12. MyUSTe PAHINA 5

Namayagpag ang Unibersidad sa board exams na ginanap ngayong Agosto. PAHINA 2

Isang konsiyerto ang idinaos ng mga orkestra ng UST at ng ABS-CBN sa simbahan ng Santisimo Rosario noong ika-30 ng Agosto. PAHINA 7

Abuso PAHINA 10

EDITORYAL

Isang mapusok na ambisiyon ang ipinipilit ipatupad ng administrasiyon ng Pangulong Duterte sa pagpbago ng Saligang Batas tungo sa isang pederalismong uri ng pamahalaan sa bansa. PAHINA 4

NATIONAL ID

Solusiyon nga ba ang dala ng isang National ID system o magdudulot lang ito ng mas maraming perhuwisyo sa mga Filipino? PAHINA 5

SAPAT NA PASILIDAD

Hamon para sa Faculty of Arts and Letters na tugunan ang pangangailangan ng sapat at kaaya-ayang pasilidad sa pagdagdag nito ng bagong programa. PAHINA 5

DEATH PENALTY

SIYENTISTA

PAHINA 8

PAHINA 9

Suportado ng mga paring Dominiko ang pagbawal ng Santo Papa sa parusang kamatayan.

Pinarangalan ang isang Tomasinong siyentista sa saliksik nito tungkol sa mga halamang panggamot.

FRATERNITIES

COURTSIDE REPORTER

PAHINA 6

PAHINA 11

Umalma ang mga fraternities sa UST sa pagsuspende ng OSA sa kanilang mga operasiyon.

Kilalanin ang bagong courtside reporter ng UST sa nalalapit na UAAP Season 81.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.