The Varsitarian P.Y. 2014-2015 Issue 02

Page 1

Tomo LXXXVI, Blg. 2 • Agosto 22, 2014 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG MAG-A AR AL NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS Maynila, Pilipinas

Suspensyon ng K to 12 hiniling

Tomasinong obispo bagong kinatawan sa UN ng Vatican

PANGAMBA ang dulot sa mga guro ng mga pagbabagong hatid ng K to 12. Dumaing ang mga guro at tauhan mula sa mga kolehiyong maaaring maapektuhan sa transition period sa 2016 na dapat nang pigilin ang K to 12 program dahil sa kakulangan ng paghahanda ng pamahalaan para sa pagpapatupad nito. Iginiit ng Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities of the Philippines (COTESCUP) na kailangang suspendihin ang K to 12 sapagkat wala pang maayos na plano ang pamahalaan para sa nakaambang pagkawala ng trabaho ng humigit kumulang 86,000 na manggagawa ng mga higher educational institutions (HEIs). Isa si Noel Moratilla, propesor sa St. Scholastica’s College Manila, sa libu-libong guro na nangangambang mawalan ng trabaho sa 2016 dahil sa K to 12. Pitong taon nang nagtuturo ng Communication Arts si Moratilla ngunit dahil sa malawakang retrenchment sa kanilang paaralan ay maaaring mapasama siya sa mga gurong mawawalan ng trabaho. Ayon kay Moratilla ramdam na sa kanilang paaralan ang epekto ng K to 12 lalo na at walang unyon ang mga guro doon. “Kagaya ko, nagtuturo din ako ng Gen[eral] Ed[ucation] subjects and we feel that there is no security kasi kahit full-time faculty ay posibleng ma-retrench,” aniya. “We are not disposable bodies. Dapat ma-realize ng mga administrations yan na hindi kami basta-basta na lang itatapon kapag hindi na kailangan ang aming serbisyo.” Ayon kay Rene Tadle, external vice president ng UST Faculty Union, malaki ang posibilidad na hindi magkatotoo ang mga planong inihahanda ng pamahalaan para sa ganap na pagpapatupad ng K to 12. “It seems as if these proposals particularly the [Tertiary Education Sector] transition fund is just a collection of empty promises. If it is necessary, we are willing to go to court to protect the rights and interest of our teachers,” ani Tadle, na siya ring pangunahing convenor ng COTESCUP, sa isang pagpupulong sa Unibersidad ng Pilipinas noong ika-29 ng Hulyo. Iminungkahi noong Hunyo ng Commission on Higher Education (CHEd), Department of Labor and Employment, Department of Education, at Technical Education and Skills Development Authority ang pagkakaroon ng Tertiary Education Sector Fund, kung saan maglalaan ng P29 bilyon bilang pinansyal na tulong sa mga guro at tauhan ng HEIs na mawawalan ng trabaho dahil sa K to 12. Sa pagdinig ng House Committee on Higher and Technical Education (CHTE) noong ika-15 ng Hulyo, binigyan ang mga nasabing ahensya ng hanggang Setyembre upang ipasa ang plano kung paano gugugulin ang badyet. Gayunpaman, hindi pa pinal ang panukala at sa katapusan pa ng taon ito inaasahang pumasa sa Kongreso. “It is a work in progress and entails consultation with relevant stakeholders and discussions with

ISANG Tomasino ang kaunaunahang Filipinong itinalaga ni Pope Francis upang maging permanenteng tagapagmasid ng Vatican sa United Nations (UN) noong Hulyo 1. Si Arsobispo Bernardito Auza, mula sa Talibon, Bohol ay kasalukuyang apostolic nuncio sa Haiti. Pinalitan ni Auza si Arsobispo Francis Chullikat ng India, na nagsilbing kinatawan ng Vatican sa UN mula 2010. Bilang bagong delegado sa UN, layunin ni Auza na sumubaybay sa mga usapin ng organisasyon at isakatuparan ang kaalaman ng Simbahan sa larangan ng hustisya at dignidad ng tao. Siya ay itinalaga ni Pope Emeritus Benedict XVI bilang apostolic nuncio sa Haiti noong Mayo 8, 2008. Matapos magkaroon ng matinding lindol sa Haiti noong 2010, agad na nagbigay ng tulong si Auza at sa mga nasalanta ng trahedya. Naging daan siya upang makarating ang mga pera at tulong sa Haiti mula sa Vatican at ibang simbahan. Siya rin ang nagsilbing gabay sa pagdedesisyon sa mga gastusin at pagsasakatuparan ng mga proyekto katulad ng pagpapatayo ng mga simbahan, paaralan at bahay. Bago ipinadala sa Haiti, nagsilbi rin si Auza bilang First Counselor ng Permanent Observer Mission ng Holy See sa United Nations noong 2006. Dito niya inasikaso ang mga isyu ng pagpapanatili ng seguridad, dignidad ng tao at kapayapaan sa mundo.

Kinatawan sa UN PAHINA 2

‘Pagbisita ng Santo Papa hindi dapat magarbo’ HINDI DAPAT gawing magarbo ang paghahanda para sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa susunod na taon, ayon sa ilang miyembro ng kaparian. Pormal na inanunsyo ng mga pinuno ng Simbahan sa bansa ang pagbisita ng Santo Papa sa Pilipinas sa ika-15 hanggang ika19 ng Enero 2015, pagkatapos ng kanyang pagbisita sa Sri Lanka. Inaasahang tutungo ang Santo Papa sa Leyte upang bisitahin ang mga biktima ng bagyong “Yolanda” sa Tacloban at Palo. Ayon kay P. Efren Rivera, O.P. propesor sa Fakultad ng Teolohiya sa Unibersidad, magiging iba sa nakasanayan ang pagbisita ni Pope Francis dahil ang layon ng Santo Papa ay ang makasama ang mga biktima ng bagyong “Yolanda.” "Naiiba ang papal visit ngayon dahil walang magaganap na World Youth Day o beatification. Dadating si Pope Francis upang ipakita ang malasakit niya sa mga Pilipinong dumaan sa trahedya,” ani Rivera. Santo Papa PAHINA 3

LEGASPI. Ang labi ng unang Filipinong rektor ay idinaan sa ilalim ng Arch of the Centuries. (Taas) Larawan ng yumaong arsobispo noong siya ay rektor. (Kaliwa) JOHN PAUL R. AUTOR

Unang Filipinong Rektor ng UST, pumanaw na Ni ANGELI MAE S. CANTILLANA PUMANAW ang kauna-unahang rektor na Filipino ng Unibersidad na si P. Leonardo Legaspi, O.P., arsobispo emerito ng Caceres, noong ika-8 ng Agosto sa UST Hospital sa edad na 78 anyos. Ito ay matapos ang ilang taong pakikipaglaban niya sa kanser sa baga. Nagsilbing rektor ng Unibersidad si Legaspi mula 1971 hanggang 1977. Naging katuwang na obispo rin siya ng Maynila bago siya itinalagang ikatlong arsobispo ng Caceres sa Naga noong 1984. Nagsilbing aktibong arsobispo si Legaspi sa loob ng 28 taon hanggang sa magretiro siya noong 2012. Pinamunuan rin ni Legaspi ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) mula 1988 hanggang 1991.

Legaspi PAHINA 3

For breaking news and real-time updates visit: www.varsitarian.net

K TO 12 PAHINA 5

Pag-aalis ng Filipino sa Kurikulum ng kolehiyo tinutulan TAHASANG tinutulan ng Unibersidad ang kautusan ng Commission on Higher Education (CHEd) na tanggalin ang Filipino sa kolehiyo bilang pakiki-ayon sa bagong curriculum ng K-12. Bilang pagtugon sa kinakaharap na suliraning pangwika ng bansa hinggil sa pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo, nakiisa ang Unibersidad sa pangunguna ng Department of Filipino sa pagdiriwang ng “Buwan ng Wikang Pambansa: Wika ng Pagkakaisa” sa pamamagitan ng pagdaos nito ng Saliksikan 2014 at Tanggol Wika noong ika-4 at ika6 ng Agosto sa AMV College of Accountancy Multi-Purpose Hall. Isang libreng simposyum ang Saliksikan na itinaguyod ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) na naglalayong

/varsitarian

tipunin at hikayatin ang mga guro, propesor, mag-aaral, iskolar at manunulat sa Filipino na makiisa at makialam sa mga pananaliksik ng iba’t ibang dalubhasa tungkol sa mga pagbabago at ebolusyon ng wikang Filipino. S a kabilang banda, isang kilusan naman ang Tanggol Wika na may paksang “ To m a s i n o para sa Wikang Filipino PAHINA 7

@varsitarianust

/TheVarsitarianUST


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Varsitarian P.Y. 2014-2015 Issue 02 by The Varsitarian - Issuu