Tomo LXXXVII, Blg. 1 • Ika-29 ng Agosto, 2015 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG MAG-A AR AL NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS Maynila, Filipinas
Imahen ng Santo Niño de Cebu, bumisita sa Maynila MULING pinaalalahanan ang mga laiko na kanilang responsibilidad ang alagaan ang kalikasan bilang bahagi ng kanilang misyon at pananampalataya. Itinampok sa pagbisita ng imahen ng Santo Niño de Cebu sa Kalakhang Maynila ang prusisyon sa Ilog Pasig noong ika-16 ng Agosto. Tugon ito ng mga paring Agustino sa Laudato Si’, ang ikalawang ensiklika ng Santo Papa Francisco na inilathala noong Hunyo 18. Ayon kay P. Harold Rentoria, O.S.A., direktor ng ika-450 na anibersaryo ng “Kaplag” o ang pagkakatagpo ng imahen ng Santo Niño sa Sugbu, idinaan ang prusisyon sa Ilog Pasig upang ipakita sa mga tao ang patuloy na pagkasira ng kalikasan. “The historic fluvial procession in Pasig River of the image of Santo Niño de Cebu is in support of the call of Pope Francis in his encyclical Laudato Si’ to be good stewards of God’s creation and Imahen PAHINA 8
PIT SENYOR! Dinagsa ng mga deboto ang pagbisita ng imahen ng Santo Niño de Cebu, ang pinakamatandang relikong Katoliko sa bansa, sa Parokya ng Nuestra Señora de Gracia sa Makati. G.L. CADUNGOG
Senior high school, ilulunsad na UST nanguna sa Medicine, Nutrition, OT, PT exams NAMAYAGPAG ang mga Tomasino sa nagdaang licensure examinations para sa Medicine, Nutrition and Dietetics, Occupational Therapy (OT) at Physical Therapy (PT). Muling pumangalawa ang Unibersidad sa katatapos na NutritionistDietitian Licensure Examinations. Nagtala ng 98.77-porsiyentong passing rate ang UST kung saan 80 sa 81 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa. Higit na mataas ito sa 90.53-porsiyentong passing rate noong nakaraang taon o katumbas ng 86 na Tomasinong pumasa mula sa 95 na kumuha ng pagsusulit. Nasa ikapitong puwesto sa listahan ng 10 na nakakuha ng pinakamatataas na marka ang Tomasinong si Chelsea Rae Mercadillo na nagtamo ng 83.15-porsiyentong marka. Bahagyang tumaas ang pambansang passing rate ng nutrition
pagsasalaysay ni Joselito Z u l u e t a , patnugot ng Philippine Daily Inquirer sa Lifestyle Arts and Books, sa kasaysayan ng Baybayin sa UST. Ayon dito, taong 1911 nang unang nasilayan ng mga Filipino ang sulatin ng Baybayin habang ipinagdiriwang ng Unibersidad ang ika-300 na anibersario nito. “As against the claim of the American
UPANG makasunod sa pambansang reporma sa edukasyon, nakatakdang ilunsad ng Unibersidad sa akademikong taon 2016-2017 ang Senior High School (SHS), na magdaragdag ng ika-11 at ika-12 na baytang sa mataas na paaralan. Ayon sa opisyal na pahayag ng UST sa Facebook PAHINA nito, ang SHS ay alinsunod sa mga pamantayan sa ilalim ng Philippine Qualifications Framework at ASEAN Qualifications Framework, kung saan inuuri ang antas ng kasanayan at edukasyon na kailangan bilang kuwalipikasiyon sa iba’t ibang trabaho. Si Pilar Romero, kasalukuyang supervising teacher ng Christian Living sa Education High School ng Unibersidad, ang magiging punongguro ng SHS na magbubukas ng klase sa Gusaling Buenaventura Garcia Paredes, O.P. sa isang taon. Ayon kay Romero, malaki ang maitutulong ng SHS sa pagiging handa ng mga mag-aaral na tutuloy sa kolehiyo. “It is expected that after two years in SHS, the students have acquired a certain degree of maturity not only with the age, but in the sense that they are ready enough to handle what’s there in college. It will give them an advantage because the SHS is a great pre-university training,” ani Romero sa isang panayam sa Varsitarian. Dagdag pa niya, ihinahanda na ng Unibersidad ang mga silid-aralan na gagamitin ng SHS at inaasikaso na rin ang pagkuha sa mga guro. “The SHS will be a seedbed of innovations as we aim not only to ensure, but also enhance the quality of education that we are giving in the University,” ani Romero. “We are conceptualizing a better type of learning space for the students and we will be getting faculty members who have experience, competence and those who are experts at their field.” Samantala, UST Junior High School (JHS) na ang tawag sa dating UST High School, ayon sa isang memorandum na inilabas ng Office of the Secretary General noong ika-31 ng Hulyo. Mananatili naman ang Education High School bilang laboratory school ng College of Education. Sinimulan ng UST ang pagtanggap ng aplikasyon para sa SHS noong ika-15 ng Hunyo. Magtatapos ito sa ika-22 ng Enero ng 2016. Nakatakdang isagawa ang UST Entrance Test o USTET para sa SHS sa ika-27 ng Setyembre at
Baybayin PAHINA 3
Senior PAHINA 5
Dating rektor at iba pang Tomasino, nominado sa Nat’l Book Awards KABILANG ang dating rektor ng Unibersidad sa mga Tomasinong manunulat na nominado para sa taunang National Book Awards. Ang sanaysay na “We Become What We Love” ni P. Rolando V. de la Rosa, O.P. ay nominado sa Essay Category-English Language ng nasabing patimpalak. Magaganap ang opisyal na paglulunsad ng kaniyang bagong libro, na inilimbag ng UST Publishing House (USTPH), sa mismong araw ng parangal sa Setyembre. Tumayong rektor ng Unibersidad si de la Rosa noong 1990 hanggang 1998, at muli noong 2008 hanggang 2012. Nagsilbi rin siyang tagapangulo ng Commission on Higher Education noong 2004 hanggang 2005. Ginawaran siya ng National Book Award noong 1991 para sa kaniyang akda na “Beginnings of the Filipino Dominicans: A Critical
Inquiry into the Late Emergence of Native Dominicans in the Philippines and Their Attempt at Self-Government.” Ang iba pang mga akdang nailimbag ng USTPH na nominado sa patimpalak ngayong taon ay ang “For Love and Kisses” ni Andrea Pasion-Flores, para sa kategoryang Fiction Category-Short Stories; at “KRITIK/CRITIQUE: Essays from the J. Elizalde Navarro National Workshop on the Criticism of the Arts and Humanities, 20092012” na pinamatnugutan ni Oscar Campomanes, para sa kategoryang Anthology. Samantala, ang “Hiwatig: Pagsipat sa mga Tekstong Poetiko at Popular” ni Romulo Baquiran Jr. ang isa sa mga napili para sa kategoryang Literary Criticism/ Literary History-Philippine Language, kasama ang “Hidden Codex: Fictive Scriptures” ni Jose
Marte A. Abueg para naman sa Poetry-English Language. Ilang tanyag na Tomasino ang napabilang rin sa listahan ng mga nominado. Isa na rito si Joselito de los Reyes, may-akda ng “Paubaya” na inilabas ng USTPH, para sa kategoryang Poetry-Philippine Language. Nominado rin siya sa kategoryang Essay para sa “Istatus Nation.” Nangibabaw naman ang tatlong akda ni J. Neil Garcia sa Literary Criticism/Literary History-English Language. May mga pamagat ito na “Homeless in Unhomeliness: Postcolonial Critiques of Philippine Literature” at “The Postcolonial Perverse” vol. 1 at vol. 2. Hinirang din na isa sa mga nominado para sa NonLiterary Division-Food Category, ang “Espiritu” ni Lourd de Veyra na Awards PAHINA 3
Exams PAHINA 10
UST Baybayin, inilimbag sa Lumina Pandit II PATULOY ang UST Archives sa pagpapabatid ng kahalagahan ng katutubong sistema ng ating pagsusulat, isang taon makalipas pormal na igawad ang titulong National Cultural Treasure (NCT) ng National Archives of the Philippines (NAP) ang koleksiyon ng sinaunag mga dokumento na nasusulat sa Baybayin na pawang matatagpuan lamang sa Arkibo ng pinakamatangdang pamantasan sa Asya. Ang Baybayin ang alpabeto ng mga sinaunang Tagalog bago pa man dumating ang mga Kastila na nagpakilala ng pagsusulat sa alpabetong Romano. Binubuo ng 14 katinig at tatlong patinig ang Baybayin na nagmula sa panahong bago pa man dumating ang mga Kristiyano o mga Muslim sa Filipinas. Kasunod ng pormal na pagkilala sa tinaguriang “UST Baybayin Scripts” ni
NAP Direktor Victorino Manalo noong ika22 ng Agosto ng nakaraang taon, kasamang inilimbag ang mga dokumento at pagaaral ng Baybayin sa “Lumina Pandit II: A Continuum,” isang aklat sa kasaysayan na inilusad noong ika-16 ng Mayo sa pangunguna ng UST Miguel de Benavides Library at sa pakikiisa ng Union Bank of the Philippines. Sinabi ni UST Arkiwista Regalado Trota Jose na tanging ang mga dokumentong nadeklarang NCT ang nailimbag nang buo samantalang bahagi lamang ito ng sa iba pang documento sa Baybayin na nasa pangangalaga ng UST. Isang buong kabanata ang inilaan sa libro para sa paglalahad ng mga pag-aaral tungkol sa Baybayin. Kasama sa inilimbag na libro ang