Tomo LXXXIX, Blg. 1 • Ika-31 ng Agosto, 2017 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG MAG-A AR AL NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS Maynila, Filipinas
LABAN SA PATAYAN. Kinondena ng iba’t ibang grupo ang sunud-sunod na patayan sa bansa sa naganap na protesta sa Edsa People Power Monument noong ika-21 ng Agosto. DEEJAE S. DUMLAO
Mga arsobispo, kinondena ang pagkamatay ng binata sa war on drugs ni Duterte Ni L.O. GARCIA
NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang dalawang arsobispo sa malawakang pagtanggap ng mga Filipino sa extrajudicial killings (EJK), matapos ang pagkamatay ng isang 17-anyos na mag-aaral sa senior high school sa isang operasiyon kontra ilegal na droga. Kinondena ni Arsobispo Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang mga Pilipino na naniniwala na umaayon sa patayan sa “Oplan Tokhang.” Sa ilalim ng Oplan Tokhang, kukumbinsihin lamang ng pulisya Arsobispo PAHINA 5
UST namayagpag sa occupational, physical therapy board exams NANGUNA ang Unibersidad sa katatapos lamang na physical at occupational therapy licensure examinations ngayong Agosto, kung saan siyam na Tomasino ang nakapasok sa top 10 ng occupational therapy (OT) boards. Nagtala ang UST ng 94.37-porsiyentong passing rate sa OT board exams kung saan 67 ang pumasa mula sa 71 na kumuha ng pagsusulit, ayon sa Professional Regulation Commission. Dalawang Tomasino ang pumasok sa ikalawang puwesto habang pito naman ang pumasok sa top 10. Pinangunahan nina Julian Elijah Deabanico at Eliza Camille Hugo ang bagong batch ng mga Tomasinong occupational therapists matapos magtala ng 82 porsiyento sa pagsusulit. Boards PAHINA 2
LIBRENG TUITION SA MGA SUC, APRUBADO Mga pribadong paaralan, maaaring magsara Ni MA. CONSUELO D.P. MARQUEZ SAPILITANG pagsasara ng mga pribadong unibersidad dulot ng posibleng pagbaba ng bilang ng estudyante ang magiging suliranin kapag ipinatupad ang Free Tuition Law sa state universities and colleges (SUCs). Noong Akademikong Taon 2016-2017, umabot ng 35,633 enrollees ang tinanggap ng Unibersidad, pinakamataas na bilang sa lahat ng pribadong unibersidad sa bansa. Ngunit nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act, iginiit ni Carlos Manapat,
dalubguro ng economics sa Faculty of Arts and Letters, na maaaring mabawasan ang bilang dahil sa posibleng “massive transfer” sa SUCs. Nakasaad sa batas na magkakaroon ng libreng matrikula, educational expenses at living allowance sa mga SUC at technicalvocational institutions (TVIs). “Ang mga paaralan ay kasama sa tinatawag nating pure competition kung saan sila ay dapat handa sa dagdag na pondo at kung hindi nila kayang makipagsabayan, maari silang magsara,” wika ni Manapat sa isang panayam sa Varsitarian. Mababawasan din ang mga program sa mga pribadong paaralan, dagdag ni Manapat.
Ayon kay Joseph Noel Estrada, legal counsel ng Catholic Educational Association of the Philippines, mawawalan din ng trabaho ang mga guro kung magsilipatan ang mga estudyante. “Maraming pribadong paaralan ang magsasara dahil mawawalan sila ng estudyante [kaya posibleng] maraming guro ang mawawalan ng trabaho,” sabi ni Estrada. Ngunit sinabi ni Prospero de Vera III, commissioner sa Commission on Higher Education (CHEd), na malilimitahan ang paglipat ng mga estudyante sa mga SUC dahil Tuition PAHINA 8
Bilang ng SHS freshmen dumoble, college freshmen nanatiling mababa SA IKALAWANG taon ng programang K to 12, dumoble ang bilang ng mga bagong mag-aaral sa buong UST Senior High School (SHS) ngayong akademikong taon, habang bahagya namang bumaba ang bilang ng mga bagong magaaral sa kolehiyo. Matapos magkaroon ng Grade 12 enrollees, umabot sa 8,614 ang bilang ng mga bagong mag-aaral sa SHS ngayong taon, mula sa 4,960 noong nakaraang taon. Bahagyang bumaba ang bilang ng mga bagong mag-aaral para sa Grade 11 mula sa 4,960 noong huling taon sa 4,008 ngayong taon, samantalang 4,606 naman ang Freshmen PAHINA 2
2 Balita
Mga patnugot: Maria Crisanta M. Paloma at Hannah Rhocellynia H. Cruz
IKA-31 NG AGOSTO, 2017
Mga bagong opisyal ng CSC, ipinroklama ALINSUNOD sa utos ng Central Judiciary Board, ipinroklama ng UST Central Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato na nakakuha ng pinakamatataas na boto sunod sa “abstain” bilang mga bagong opisyal ng Central Student Council (CSC) Executive Board. Sa isang resolusiyon na binasa ni Comelec Chairman Arvin Carlo Bersonda noong ika-25 ng Agosto, ipinroklama sina Steven Grecia bilang bagong presidente ng CSC, Gabriela Sepulchre bilang bise presidente, Daveson Nieto bilang treasurer at Richard Javier bilang auditor. Nauna nang naiproklama bilang CSC secretary at public relations officer, ayon sa pagkakasunod, sina Therese Gorspe at Francis Santos noong Hulyo 21. “We, acting as a regulatory collegiate body, have decided to abide by the final ruling of Central Judiciary Board in the interest of stability in our student government,” ayon sa resolusiyong binasa ni Bersonda. Nilinaw naman ng Comelec na hindi saklaw ng resolusiyong ito ang pagproklama sa mga kandidato ng local student council elections na natalo sa “abstain.” “The resolution of the [judiciary board] did not expressly state that its resolution would affect local elections and proclamation… therefore, [we] will not order local units to proclaim the candidates Opisyal PAHINA 11
Pangulo ng Artlets student council, tuloy sa tungkulin MAGPAPATULOY ang pangulo ng Faculty of Arts and Letters (Artlets) Student Council sa kaniyang tungkulin sa konseho, matapos ang matagumpay na operasiyon sa pagamutan. Matatandaang umamin ang political science senior na si Reymark Simbulan noong Hulyo 26 na dumanas siya ng matinding depression, sa isang pahayag sa Facebook page ng konseho. Noong Hunyo 28, tumalon si Simbulan mula sa ika-17 palapag ng gusaling condominium na kanyang tinitirahan. Pinahintulutang makapag-aral si Simbulan ng kaniyang mga doktor matapos siyang magtamo ng dislocated knee, broken hip at severe spine injury. “[M]y doctors have already given me both psychiatric and medical clearance, stating that I’m physically and mentally capable to go back to school,” wika ni Simbulan sa isang online na Artlets PAHINA 10
Unang ‘transnasyunal’ na doktorado sa arkitektura, ilulunsad ILULUNSAD ng Unibersidad ang kauna-unahang “transnasyunal” na doktorado sa arkitektura sa bansa sa susunod na akademikong taon. Ayon kay Marilu Madrunio, dekano ng Graduate School, ilulunsad ang bagong doktorado bilang double-degree program sa UST at sa University of Reading sa United Kingdom. Nagtulungan ang Commission on Higher Education (CHEd) at ang British Council, isang pandaigdigang organisasiyon para sa edukasiyon at kultura, upang ipakilala ang transnasyunal na mga programang pang-edukasiyon sa Filipinas. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga magaaral ng doktorado na pumunta sa United Kingdom upang ipagpatuloy ang nasabing programa. “It may follow the plan where the students will spend a year in UST and then two or three years at the University of Reading,” wika ni Madrunio sa isang panayam sa Varsitarian. “This means that after completing the requirements from two educational institutions, students will be conferred two separate awards. Each institution is primarily responsible for its own academic requirements,” dagdag pa niya. Bilang parte ng programa, dadalo ang mga mag-aaral sa mga pandaigdigang pagpupulong sa University of Reading taun-taon. Nakatakda pang kumpirmahin ng University of Reading ang nilalaman ng programa, wika ni Madrunio. “There is the United Kingdom quality code for higher education that needs to be observed. How the United Kingdom quality assurance standards will be made to blend with the Philippine [standards] will necessarily take some effort,” wika niya. JACOB MARVIN URMENITA
Dismayado si Comelec Chairman Arvin Carlo Bersonda matapos basahin ang resolusiyong nagpoproklamang panalo ang mga kandidatong nagtamo ng pinakamatataas na boto sunod sa “abstain.” DEEJAE S. DUMLAO
Journalism seniors, pamumunuan ang ‘V’ sa ika-90 taon nito PAMUMUNUAN ng tatlong journalism seniors ang Varsitarian, opisyal na pahayagang pangmagaaral ng UST, sa ika-90 na taon nito. Itinalagang punong patnugot si Amierielle Anne Bulan, dating patnugot ng Mulinyo, at si Alhex Adrea Peralta bilang katuwang na patnugot mula sa pagiging patnugot ng Balita. Ang dating tagapamahalang patnugot na si Bernadette Pamintuan naman ay mananatili sa posisiyon. Ang journalism senior na si Maria Crisanta Paloma ang pinangalanang patnugot ng Balita kasama ang Graduate School freshman na si Hannah Rhocellhynnia Cruz bilang katuwang na patnugot. Pinangunahan naman ng journalism seniors na sina Randell Angelo Ritumalta, Neil Jayson Servallos, Chelsey Mei Nadine Brazal, Jolau Ocampo at Audrie Julienne Bernas ang Palakasan,
Natatanging Ulat, Tampok, Filipino at Mulinyo (arts and culture), ayon sa pagkakabanggit. Tumatayong patnugot naman ng Pintig si Lea Mat Vicencio, political science senior. Sa unang pagkakataon, magkakaroon ng dalawang patnugot ang Online na gagampanan ni journalism senior Theodore Jason Patrick Ortiz at ng journalism junior na si Christian de Lano Deiparine. Patnugot ng Panitikan ang literature senior na si Nikko Miguel Garcia habang si Edris Dominic Pua, isang medical technology senior, ang patnugot ng Agham at Teknolohiya. Pinangalanang coordinator ng Dibuho ang Fine Arts senior na si Shaina Mae Santander at coordinator naman ng Potograpiya si Deejae Dumlao, isang sociology junior. Ang mga bagong manunulat
ng Balita ay ang mga estudyante ng journalism na sina Ianna Gayle Agus, Samantha-Wee Lipana, Jacob Marvin Urmenita at Pauline Faye Tria. Gagampanan din ni Tria ang pagiging video editor. Ang mga estudyante rin ng journalism na sina Jan Carlo Anolin, Mia Arra Camacho, Ma. Angela Christa Coloma at Ivan Ruiz Suing ang mga kabilang sa Palakasan. Kasama naman sa Natatanging Ulat sina Ma. Consuelo Marquez, isang journalism senior at si Arianne Aine Suarez, isang journalism junior. Kabilang naman sa Tampok ang journalism senior na si Daphne Yann Galvez at si Louise Claire Cruz, isang journalism junior. Binubuo nina Elmer Coldora, isang journalism junior, at ni Karl
Boards
Freshmen
MULA SA PAHINA 1
MULA SA PAHINA 1
Kasama sa top 10 ang mga Tomasinong sina Joy Marie Balamban sa ikaapat na puwesto (81.20 porsiyento); Gianina Arnette sa ikaanim na puwesto (80.60 porsiyento); Mark Blanco at Glenn Labrado sa ikapitong puwesto (80.40 porsiyento); Gabrielle Yulo sa ikawalong puwesto (80.20 porsiyento); at Seiji Sim at Marius Siy (80 porsiyento). Si Daisy Joyce Madali ng De La Salle University ang hinirang na topnotcher sa OT board exams matapos magtala ng 83.20 porsiyento. Umakyat ang national passing rate ng OT boards sa 72.64 porsiyento, kung saan 215 ang pumasa sa 296 na kumuha ng pagsusulit, mula sa 49.78 porsiyento o 114 na pumasa mula sa 229 na sumubok noong nakaraang taon. Sa hiwalay na pagsusulit para sa physical therapists (PT), nagtala ang UST ng 98.97 porsiyento na passing rate, kung saan 96 sa 97 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa. Walang Tomasinong nakasampa sa top 10. Bumaba ang national passing rate ng PT board exams sa 62.80 porsiyento o 802 na pumasa sa 1,277 na kumuha ng pagsusulit, mula sa 68.06 porsiyento o 846 na pumasa sa 1,243 na sumubok noong nakaraang taon. PAULINE FAYE V. TRIA
bilang ng mga mag-aaral para sa Grade 12. Bumaba naman ng halos pitong porsiyento ang bilang ng mga bagong mag-aaral sa kolehiyo sa 3,827 ngayong taon mula sa 4,121, ayon sa pinakahuling datos mula sa Office of the Registrar. Nagtala ng pinamalaking pagbaba sa bilang ng mga bagong mag-aaral ang Faculty of Engineering, kung saan isa lamang ang bagong magaaral mula sa 18 noong nakaraang taon. Sinundan naman ito ng Conservatory of Music na nagtala ng 30 bagong mag-aaral ngayong taon kumpara sa dating 243. Bumaba rin ang bilang ng mga bagong mag-aaral sa Faculty of Philosophy, College of Fine Arts and Design, Faculty of Civil Law, Faculty of Medicine and Surgery at Faculty of Sacred Theology. Nagtala naman ng pinakamataas na bilang ang Graduate School na mayroong 1,153 na bagong mag-aaral, ngunit mas mababa ito kumpara sa 1,471 noong nakaraang taon. Umakyat din ang bilang ng mga bagong mag-aaral sa College of Science sa 156 mula sa 89,
Ben Arlegui, isang accountancy junior, ang Panitikan. Ang Filipino ay binubuo ng mga estudyante ng journalism na sina Winona Sadia at Erma Edera kasama si Chris Gamoso, isang education junior. Isang political science junior naman, si Lexanne Garcia, ang manunulat sa Pintig. Binubuo ng communication arts junior na si Alyssa Carmina Gonzales at fifth-year na mag-aaral ng pharmacy na si Edson Tandoc IV ang Agham at Teknolohiya. Para sa Mulinyo, kasapi ang journalism senior na si Kathleen Therese Palapar at business economics junior na si Klimier Nicole Adriano. Kabilang naman sa Journalism PAHINA 10
pangalawang pinakamataas na naitala ngayong taon. Parehas tumanggap ang College of Commerce at Faculty of Arts and Letters (Artlets) ng 203 na bagong mag-aaral, mula 185 at 177, ayon sa pagkakabanggit. Ayon kay Narcisa Tabirara, katuwang na dekano ng Artlets, bahagyang tumaas ang bilang ng bagong mag-aaral sa 203 matapos buksan ang mga programang journalism at legal management ngayong taon. Dagdag pa ni Tabirara, muling bubuksan ng Artlets ang lahat ng 12 na programa nito pagdating ng Akademikong Taon 2018-2019, sa pagtatapos ng unang pangkat ng mga mag-aaral sa SHS. “However, there will only be a few third year students, those freshmen who entered in 2016 to 2017. We expect normal enrollment by academic year 2020 to 2021,” wika niya sa isang panayam sa Varsitarian. Nadagdagan din ang bilang ng mga bagong mag-aaral sa College of Architecture, Faculty of Canon Law, Faculty of Pharmacy, Institute of Information and Computing Science at UST-Alfredo M. Velayo College of Accountancy. Umabot sa 36,336 ang kabuuang bilang ng mga Tomasino ngayong taon. Mas mababa ito sa naitalang 41,730 noong nakaraang taon. PAULINE FAYE V. TRIA
Filipino 3
IKA-31 NG AGOSTO, 2017
Patnugot: Jolau V. Ocampo
Wikang Filipino, sangkap sa pagpapakilala ng kultura SA PAMAMAGITAN ng pagsusuri sa mga makabagong uri ng komunikasiyon tulad ng social media, maaaring matagpuan ang mga pagbabago sa kultura at lingguwistika ng ating lipunan, ayon sa mga dalubhasa. “Ang social media ay pangunahing ginagamit natin [sa paghahatid] ng mensahe, [isa ito sa mga pangunahing] proseso ng komunikasyon at hindi ito mahihiwalay sa kultura ng lipunang ginagalawan natin,” wika ni April Perez, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, sa ikalawang araw ng Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas sa Wikang Filipino. Lumabas sa pananaliksik ni Perez na higit na binibigyang-pansin ng mga magaaral ang nilalaman ng mga Facebook status ngunit tinitingnan pa rin nila ang wikang ginamit sa pagpapahayag nito. Ayon naman kay Ma. Althea Enriquez, isang propesor sa Unibersidad ng PilipinasDiliman, sa pagtuturo ng wika, kailangang ituon ang atensiyon ng mga guro sa anyo ng mga salitang ginagamit kaysa sa tungkulin nito sa pangungusap. Iminungkahi rin niyang pagtuunan ng pansin ang ugnayan ng mga salita sa isa’t isa. Nabanggit naman ni Imelda De Castro, propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas, ang kahalagahan ng tamang estruktura at gramatika sa Filipino upang makamit ang estandardisasiyon ng wika tungo sa mas progresibo at modernisadong Filipino. “Ang wika ay kailangang sumulong sa tinatawag na transpormasiyon para makaadapt ito sa [pagbabago ng] panahon,” ani De Castro. Paliwanag niya, hindi lamang wikang Filipino ang ginagamit upang mapaigting ang ugnayan sa mga mamamayan kundi lahat ng wika sa Filipinas upang magkaroon ng koneksiyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Dagdag pa niya, mayroong tungkulin
ang pamahalaan na manguna sa paggamit at pagpapalaganap ng wikang pambansa. “Dapat gawing competent sa Ingles at Filipino [ang mga opisyal] upang mahikayat ang iba na sumulat at gumawa ng pananaliksik at [sa gayon ay maitanghal] ang wikang Filipino [bilang] intelektuwalisado at modernisado”, aniya. Hindi namamatay ang wika Dinamiko ang wika, diin ni De Castro. “[Maaaring mawala ang wika] pero [mas madalas na] nag-e-evolve ito. Kaya meron mang mamatay, may nabubuhay at napapanatili na buhay ang wika,” dagdag niya. Sinang-ayunan naman ito ni Randolf David, isang kolumnista sa Philippine Daily Inquirer. Wika niya, may namamatay na wika araw-araw ngunit patuloy na nabubuhay ang ibang wika sa pamamagitan ng pagsusulat at pag-iisip.
Virgilio Almario
Wikang Filipino sa Unibersidad Isiniwalat ni Zendel Taruc, tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Unibersidad, ang planong pagkakaroon ng probisyon sa pagsulat ng tesis gamit ang wikang Filipino. “Hopefully, magkaroon ng provision na maging welcome sana ang wikang Filipino [sa] pagsulat ng tesis sa iba’t ibang kolehiyo at disiplina, kung saan man komportableng isulat ng mag-aaral ang tesis niya,” giit niya. Kabilang din sa plano niya ang makalikha ng mga kolokyum kung saan magkakaroon ang bawat kolehiyo ng pagkakataong gamitin ang wikang Filipino.
“Nagsisikap ang Departamento ng Filipino na makilala sa larangan ng pagtuturo at pananaliksik…[layon naming makasulat ng] instructional materials sa bawat disiplina sa wikang Filipino,” ani Taruc. Ayon pa sa kaniya, makakatulong sa mga mag-aaral kung maituturo sa wikang Filipino ang mga teknikal sa kurso. Maaari itong magbunga ng higit na pagkagagap sa sariling disiplina, at maaari ding pagmulan ng mas maraming orihinal na kaalaman. Inilahad ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, ang pakikiisa ng Philippine Studies Organization sa pagkakaroon ng
Usapang Uste
Paggamit ng ‘sound mirror’ sa mga nagnanais mag-aral ng wikang Filipino
Ni ERMA R. EDERA
Ni ERMA R. EDERA UPANG maiangat ang antas ng pagtuturo ng wikang Filipino sa Unibersidad, gumamit ang mga mag-aaral noon ng sound mirror o isang recorder na lumilikha at nagtatala ng tinig. Isa itong makabagong pamamaraan na ginamit ng mga Tomasino noon na kumukuha ng asignaturang Filipino upang maiwasto ang kanilang pagbigkas ng mga salita. Maihahalintulad ang sound mirror sa isang ponograpo na paulit-ulit na lumilikha at nagtatala ng iba’t ibang tinig. Malaki ang naitulong ng sound mirror sa mga m a g aaral na
nanggaling sa ibang lalawigan na hindi pa matatas sa wikang Tagalog. Naging kasangkapan din ito upang yumaman ang kanilang bokabularyo. Binili ni Padre Evaristo Bazaco O.P., ang dekano ng College of Education noong 1948, ang sound mirror sa halagang P776 sang-ayon sa kahilingan ng tagapangulo ng Akademya ng Wikang Filipino sa Unibersidad. Tomasino siya Isang Tomasino rin ang utak sa likod ng bantog na mga gusali Unibersidad ngayon tulad ng Quadricentennial Pavilion at UST Carpark and Alfredo M. Velayo College of Accountancy Building. Nagtapos ng kursong Architecture si Carmelo Topacio Casas noong 1957 at nasungkit ang ikapitong puwesto sa Architecture Board Exam noong 1978. Itinatag niya ang Recio+Casas Ltd. sa Hong Kong noong 1988, at pinangunahan ang pagdidisenyo ng mga gusali sa Macau at China. Hindi naglaon, umunlad ang kaniyang negosyo. Nagkaroon din ito ng opisina sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas, at maging sa Thailand. Isa rin si Casas sa naging pinakabatang kaanib ng Architects Hawaii Far East. Matapos ang mahigit 18 taong paninirahan sa Hongkong, nagpasya si Casas na bumalik sa bansa upang pangunahan ang mga magkakasunod na
VINCE CHRISTIAN C. IMPERIO
malalaking proyekto sa Pacific Plaza Towers sa Bonifacio Global City noong taong 1996. Itinalaga si Casas bilang direktor ng The United Architects of the Philippines mula taong 2012 hanggang 2013. Kinilala siya noong 2015 bilang “Outstanding Professional of the Year”, isa sa mga natatanging parangal na iginagawad ng Professional Regulation Commission. Kabilang rin si Casas sa mga pinarangalan sa The Outstanding Thomasian Alumni Awards noong nakaraang taon. Makalipas ang dalawang dekada, patuloy ang kaniyang pamamayagpag sa larangan ng pagdidisenyo ng mga gusali at pagpapanatili ng kaayusan ng kalikasan sa pagdidisenyo ng mga istraktura. Sa kasalukuyan, siya ang nangangasiwa sa pagdidibuho ng bagong itinatayong kampus UST sa Sta. Rosa, Laguna. Tomasalitaan usang (png). -tulo, patak ng kandila Hal. Tila usang ang kaniyang mga luha habang isinisigaw niya ang mga salitang mula sa nag-aalab niyang puso. Mga Sanggunian The Varsitarian Tomo XX Blg. 8, Agosto 10, 1948, p.A TOTAL Awards 2016
kumperensya sa wikang Filipino. “Dati kasi, ang Philippine Studies Conference ay puro sa Ingles. Ngayon lang gagawin sa Filipino at ‘yon ay sinadya namin,” wika ni Almario. Nilagdaan naman ng higit sa 400 kalahok sa kumperensya ang nabuong resolusyon tungkol sa bisa ng wikang Filipino bilang wika ng diskurso at karunungan sa iba’t ibang disiplina. Ang Philippine Studies Conference ang kauna-unahang pagtitipon upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika ngayong taon at idinaos ito sa Pambansang Museo noong Agosto 2-4. ERMA R. EDERA at CHRIS V. GAMOSO
Muling paggamit ng Baybayin, dapat bang pag-ibayuhin? BAWAL tumawid, may namatay na rito. Nang marinig ko sa unang pagkakataon ang mungkahing batas na ilangkap ang Baybayin sa mga babala sa kalsada, naisip ko agad ang mahabang islogan na ito. Nagalala ako na baka masyadong malaki ang espasyong hiramin nito sa mga lansangan. Kung isusulat sa Baybayin ang “No jaywalking,” halimbawa, daraan muna ito sa malalim na diskurso hinggil sa tunay at istandardisadong bersyon ng Baybayin sapagkat walang titik “J” sa orihinal nitong anyo. Ngunit kung nakaligtas ang maling balarila sa paalalang ito (‘rito’ dapat, hindi ‘dito’), makasasabay rin kaya ito sa mga posibleng pagbabago sa kasalukuyang sistema ng pagsulat? Sa ilalim ng House Bill no. 4395 o National Script Act 2011 na muling inihain noong nakaraang taon, hinihikayat ang muling pagtakda sa Baybayin bilang pambansang sistema ng pagsulat sa pamamagitan ng pang-araw-araw na paggamit nito. Nakasaad sa mungkahing batas ang paglalangkap ng Baybayin sa mga logo at islogan ng mga pribado at pampublikong organisasiyon, maging sa mga babala at paalala sa lansangan. Kapag naipatupad ito, kailangan nang isulat sa Baybayin ang Jollibee, Mercury Drug, Social Security System at iba pang mga lokal na kompanya at tanggapan. Bukod pa rito, inilunsad kamakailan lamang ang Baybayin Keyboard, isang libreng mobile application. Maaaring makatawag ito ng pansin ng ilang kabataan, at maging interesado rin sila na buhayin ang sinaunang sistema ng pagsusulat sa Filipinas. Nakatawag ito ng atensiyon ng
ilang kabataan, na iminungkahi rin ang muling pagbuhay sa sistema ng pagsulat na may makabuluhang ambag sa kasaysayan ng Filipinas. Magugunita ring nagsagawa ng serye ng mga palihan ang Pambansang Museo noong nakaraang taon para sa mga nais matutong magsulat sa Baybayin. Ngunit para kay Jose Victor Torres, Tomasinong historyador, hindi magiging madali ang pagudyok sa masa na ibalik ito bilang pambansang sistema ng pagsulat sa Filipinas. Ipinaliwanag ni Torres sa isang panayam sa Varsitarian na hindi magiging madaling ibalik ang Baybayin sapagkat ilang siglo na ang lumipas mula noong huli itong gamitin nang malawakan. Sa madaling salita, hindi na ito makasasabay sa daloy ng modernisasyon. Kung pasulat na pagpapahayag ng kaalaman naman ang paguusapan, hindi kaya dapat ding pagtuunan ng pantay na pansin at enerhiya ang pagsulong sa Filipino bilang pangunahing wika sa bansa? Sa gitna ng mga diskurso hinggil sa muling pagbuhay sa Baybayin, dapat alalahaning nananatili pa rin naman ito sa mga museo sa bansa bukod sa patuloy na pagtuturo nito sa klase. Dapat ding suriin kung ang muling paggamit sa Baybayin ay tunay na pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas o simpleng pagpapalamuti lamang. Kung gayon, kinakailangan munang aralin nang mabuti ang kasaysayan at kahulugan nito hindi lamang ng
Baybayin PAHINA 9
4 Opinyon
IKA-31 NG AGOSTO, 2017
Editoryal
Itigil ang dahas sa lansangan ni Juan! ISA SI Kian delos Santos sa higit 13,000 na nakatalang pinatay kaugnay ng kampanya ng administrasiyong Duterte laban sa ilegal na droga. Tatlong beses siyang binaril: isa sa likod at dalawa sa sentido. Ayon sa mga awtopsiya, “nakasubsob” na ang binata nang binutas ng mga bala ang bungo nito; ang may kagagawan, mga pulis. Ayon sa mga saksi, noong ika-16 ng Agosto, pasado alas-otso ng gabi nang makita nila si delos Santos na sinasampal at sinusuntok ng tatlong pulis malapit sa bahay niya sa Brgy. 160, lungsod Caloocan. Ilang metro mula roon, nahagip naman sa CCTV na kinakaladkad ng mga pulis ang binata. Ilang hakbang pa mula sa pook ng footage, natagpuan ang binata na walang buhay. May saksing nagsasabi na inabutan ng mga pulis ang umiiyak na binata ng baril bago siya inutusang tumakbo at iputok ang baril, bago siya paslangin ng mga naturingang alagad ng batas. Taliwas ang mga detalyeng ito sa salaysay ng ilan sa mga sangkot na awtoridad. Ayon sa kanila, bago tumambad ang bangkay ni delos Santos sa isang maduming eskinita sa gilid ng Ilog Tullahan, ilang kanto mula sa kanyang bahay, nanlaban daw ang menor de edad na binata kaya napilitan ang mga pulis na paputukan siya. Patunay raw nito ang kalibre-45 na baril sa kaliwang kamay ng bangkay. Dagdag pa nila, tulak ng droga si delos Santos: katibayan ang dalawang pakete ng shabu sa bulsa niya at ang mga report ng “intelligence community.” Para suportahan pa ang pilipit nang katwiran ng mga nasasangkot, ihinarap ng Philippine National Police (PNP) sa media ang katransaksiyon diumano ni delos Santos na umaming runner daw ng droga ang binata. Isa pang kuwento ang inilabas sa press, may natagpuan daw ang kapitbahay ni delos Santos na itinagong shabu sa mga sirang tubo ng tubig sa kanilang lugar. Samantala, sa isang pagdinig sa senado, sinabi mismo ng nag-awtorisa sa operasyon na kumitil sa buhay ni delos Santos at sa mahigit sampu pang indibidwal, ang tinanggal na hepe ng kapulisan ng Caloocan na si Senior Supt. Chito Bersaluna, na nakumpirma nila ang koneksiyon ni delos Santos sa ilegal na droga base sa social media. Higit na Editoryal PAHINA 5
ITINATAG NOONG IKA-16 NG ENERO, 1928 AMIERIELLE ANNE A. BULAN Punong Patnugot BERNADETTE A. PAMINTUAN Tagapamahalang Patnugot ALHEX ADREA M. PERALTA Katuwang na Patnugot MARIA CRISANTA M. PALOMA Patnugot ng Balita HANNAH RHOCELLHYNNIA H. CRUZ Katuwang na Patnugot ng Balita RANDELL ANGELO B. RITUMALTA Patnugot ng Pampalakasan NEIL JAYSON N. SERVALLOS Patnugot ng Natatanging Ulat CHELSEY MEI NADINE B. BRAZAL Patnugot ng Tampok NIKKO MIGUEL M. GARCIA Patnugot ng Panitikan JOLAU M. OCAMPO Patnugot ng Filipino EDRIS DOMINIC C. PUA Patnugot ng Agham at Teknolohiya AUDRIE JULIENNE D. BERNAS Patnugot ng Mulinyo THEODORE JASON PATRICK K. ORTIZ Patnugot ng Online Balita Ianna Gayle S. Agus, Samantha-Wee Lipana, Pauline Faye V. Tria, Jacob Marvin D. Urmenita Pampalakasan Jan Carlo Anolin, Ma. Angela Christa Coloma Natatanging Ulat Maria Consuelo D.P. Marquez, Arianne Aine D. Suarez Tampok Louise Claire H. Cruz, Daphne Yann P. Galvez Panitikan Karl Ben L. Arlegui, Elmer B. Coldora Filipino Erma R. Edera, Chris V. Gamoso, Winona S. Sadia Agham at Teknolohiya Alyssa Carmina G. Gonzales Mulinyo Klimier Nicole B. Adriano Dibuho Mariyella Alysa A. Abulad, Blessie Angelie B. Andres, Rocher Faye R. Dulatre, Joelle Alison Mae Eusebio, Shaina Mae L. Santander Potograpiya Deejae S. Dumlao, Vince Christian C. Imperio, Maria Charisse Ann G. Refuerzo, Michael Angelo M. Reyes, Vladlynn Nona Maryse L. Tadeo CHUCKBERRY J. PASCUAL JOSELITO D. DELOS REYES LEVINE ANDRO H. LAO Piling Panauhing Patnugot FELIPE F. SALVOSA II Katuwang na Tagapayo JOSELITO B. ZULUETA Tagapayo Tumatanggap ang Varsitarian ng mga sulat/komento/mungkahi/ kontribusyon. Tanging ang mga sulat na may lagda ang kikilalanin. Ang mga orihinal na akda ay dapat typewritten, double-spaced at nakalagay sa letter-sized paper, kalakip ang sertipikasyon na naglalaman ng pangalan ng may-akda, contact details, kolehiyo at taon. Maaaring gumamit ng sagisag-panulat ang may-akda. Ipadala lamang ang kontribusyon sa opisina ng THE VARSITARIAN, Rm. 105, Tan Yan Kee Student Center Bldg., University of Santo Tomas, España, Maynila.
Insulto sa tapat na peryodismo ISANG insulto sa pag-aaral at propesyon ng peryodismo ang pagpapatupad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng akreditasiyong nagbibigay ng access sa social media practitioners sa mga opisyal na pangyayari sa Malacañang. Nakasaad sa PCOO Department Order (DO) No. 15 o Interim Social Media Practitioner Accreditation na kahit sinong blogger o social media practitioner na nasa edad na 18 pataas at may 5,000 followers sa kanilang social media accounts ay maaaring mabigyan ng access na makapunta at makipanayam sa mga aktibidad ni Pangulong Duterte. Hindi lamang nito tinatapakan ang trabaho ng bumubuo sa Malacañang Press Corps (MPC), ang grupo ng mga peryodistang itinalaga sa Malacañang beat, kundi binabalewala rin nito ang integridad ng PCOO at ipinapahamak ang kalidad ng pagbabalita sa bansa. Ayon sa natatanging layuning nakasaad sa DO 15, mas maipalalaganap daw ng mga social media
Nakababahala ang nangyayaring pagbaluktot ng sistema sa larangan ng pamamahayag, lalo na at may pinapaboran at propagandang nagaganap. practitioners ang balita o impormasiyon mula sa Malacañang gamit ang iba’t ibang social media platforms kaya sila pinayagang manghimasok. Ngunit matagal nang laganap ang presensiya ng balita sa social media websites bago pa man mahalal si Pangulong Duterte. Hindi sapat na katwiran ang iginigiit ng PCOO na kailangan pang palakasin ang boses ng mga nagbabalita sa online news websites dahil halos lahat ng mga media outfit ay mayroong kaakibat na online platform. Marahil, tulad ng ibang desisyon ng administrasyon, nakaugat na naman ito sa utang na loob. Katulad
sa pagkaluklok ni Mocha Uson, karamihan sa mga blogger ang nagpasimula ng online buzz para kay Duterte noong kampanyahan para sa pambansang halalan. “Utang na loob ko ‘yan sa kanila because they offered their services free at the time na wala akong pera because they believed in me. Now, it’s my time to believe in them,” wika ni Duterte noong iniluklok niya si Uson bilang PCOO assistant secretary. Nakasaad naman sa unang bersyon ng interim social media policy na mahigpit na ipinagbabawal sa mga magiging accredited bloggers ang pagsisinungaling, pagpapalaganap ng pekeng
balita, pagmumura at ang paggamit ng maruruming salita. Ngunit agad nilang binura ang probisyon dahil nililimitahan daw nito ang “freedom of speech” ng mga blogger. “We had to delete the requirement limitation regarding the use of profanity because it might encroach on their freedom of speech,” sabi ni Kris Sablan, assistant secretary ng PCOO sa isang palace briefing. Lalo lamang nila ipinapahiya ang sarili nila. Ang layunin ng pakikipanayam ng mga matatapat na peryodista sa Malacañang ay dulot ng kanilang paghahanap ng makatotohanang ibabalita, alinsunod sa etika ng peryodismo. Ngunit parang kabaligtaran ang nangyayari. Ang lumalabas na layunin na lamang ng PCOO ay mabigyang papuri ang mga nagbigay ng todong suporta sa pangulo, alam man nila ang etika ng peryodismo o hindi. Nakababahala na may malasakit ang PCOO, ang Anastasis PAHINA 6
Delubyo mula sa bugso ng damdamin “RACE of veterans— Hindi imposible para sa race of victors! mundong Race of the soil, ready for conf lict—race of the mag-antabay sa conquering march! (No more credulity’s nasabing gyera sapagkat race, abiding-temper’ d tila kulog at kidlat sina race,) Race henceforth owning Kim at Trump sa ingay no law but the law of at gulat na dala ng itself, Race of passion and the kanilang mga banta. storm.” Race of Veterans, Walt nasisilayan Council sa pagpataw ng kailanman Whitman parusa sa North Korea ng mundo” (with fire and Tila isang “all bark, matapos nitong subukang fury, the likes of which no bite” ang pagpapalitan paliparin ang dalawang the world has never seen ng agresibong mga intercontinental ballistic before). Ipinagk ibitbalikat pahayag ng pinuno ng missiles patungong US ni Kim at nagbanta pa noong nakaraang buwan. North Korea na si Kim Jong Un at ng pangulo Sinundan ito ng paglabas siya na sa kalagitnaan ng Estados Unidos ng isang US intelligence ng Agosto bobombahin (US) na si Donald report na nagsasabing ng North Korea ang Trump. Gayumpaman, naging matagumpay ang Guam, isang teritoryo nakababahala mayroong North Korea sa paggawa ng US sa pagitan ng Peninsula ganitong sagutan sa ng miniaturized nuclear Korean pagitan ng dalawang warheads para sa mga at South China Sea. Malapit nang matapos lider ng mga bansang missiles. Sinagot ni Trump ang buwan at mabuting may nuclear weapons. nagyayaring Nagsimula ito ang balita. Tutugunan walang nang magdeklara ng daw ng US ang North pambobomba ng mga unanimous vote ang Korea gamit ang “apoy bansa. Maaaring binawi United Nations Security at galit, na hindi pa
ni Kim ang banta sa ngayon ngunit tila isang nagbabadyang bagyo ang posibilidad ng isang giyera sa pagitan ng North Korea at US na maaaring mangyari ayon sa bugso ng damdamin ng dalawang pinuno. Hindi imposible para sa mundong magantabay sa nasabing gyera sapagkat tila kulog at kidlat sina Kim at Trump sa ingay at gulat na dala ng kanilang mga banta. Maging epektibo sana sa pagpigil ng nabubuong delubyo ang mga gobyerno ng North Korea at US na dulot ng mga disaster-prone nitong mga pinuno. Nakasalalay ang mundo sa epektibong diplomasya upang maiwasan ang pagdami ng mga pamilyang lumilikas mula sa mga napinsalang tahanan, sa pagdanak ng dugo at sa paglaganap ng kaguluhan at pagkamuhi.
IKA-31 NG AGOSTO, 2017
Hanggahan sa pakikipag-usap “KUYA, pahingi ng barya.” Tila mayroong sinisingil na utang ang isang batang nakita ko. Ibinigay ng isang lalaki ang kaniyang tinapay sa bata nang walang pagaatubili at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakad. Ngunit ihinagis lang ng bata ang tinapay sa kanal at umalis. Kasama sa kultura nating mga Filipino ang konsepto ng pakikiusap. Nakatutulong ang paghingi ng tulong, simpatya, awa, at iba pa upang lumutas ng anumang suliraning tinatahak natin sa pangaraw-araw na buhay pati na rin sa bansa. Makikita natin ang kakayahan ng pakikiusap noong EDSA Revolution kung kailan nakiusap ang mga pari at iba pa nating mga kababayan upang itigil ang diktadurya. Ayon pa sa isang blog ni Michael “Xiao” Chua, isang historyador at propesor ng De La Salle University, “pinakamabisa sa Pinoy ang pakiusap, nanggagaling sa kalooban ang pakiusap.
Editoryal MULA SA PAHINA 4
nakapangingilabot na ang pagkumpirma raw na ito ay dumating matapos mapatay ang binata. Paanong hindi kukuwestiyunin ang kampanyang ito? Pinaputukan sa ulo, hindi lang isang beses, ang nakahandusay nang kapwa Filipino: tatlong armadong pulis “laban” sa isang menor de edad. At sa kabila ng nakalululang alokasyon para sugpuin ang problema ng droga ngayon 2017 (sa PNP, P111.6 bilyon; sa Philippine Drug Enforcement Agency, P1.8 bilyon; sa Dangerous Drugs Board, P125.1 milyon; Office of the President’s Confidential and Intelligence Funds, P2.5 bilyon; National Intelligence Coordinating Agency, P793.7 milyon; Department of Health Treatment and Rehabilitation Centers, P2.6 bilyon),
Arsobispo MULA SA PAHINA 1
ang mga pinaghihinalaang gumagamit at nagtutulak ng droga na sumuko ngunit kadalasang nauuwi ito sa pagpatay ng mga suspek. “Pumapalakpak ang kababayan at sumisigaw nang may ngiti, ‘Dapat lang!’ habang binibilang ang bangkay sa dilim. Kapag nanindigan para sa dukhang na-tokhang, tiyak na maliligo ka sa mura at banta,” wika ni Villegas sa isang liham pastoral na pinamagatang “Ang Kampanya ng Konsensiya.” Inutos ni Villegas na patunugin ang mga kampana sa mga simabahan sa LingayenDagupan sa loob ng 15 na minuto tuwing ikawalo ng gabi mula ika-22 ng Agosto hanggang ika27 ng Nobyembre, upang magsilbing paalala sa hindi makatarungang pagpaslang sa mga biktima ng EJK. “Ang tunog ng
Hindi makaaakyat ang isang bansa patungo sa kaunlaran kung ang tanging mga batas lamang na nagsisilbing hagdan patungo rito ay pinarupok ng mga lumalabag dito. Kaya hindi bumaril ang militar kasi ang mga tao ay nakaluhod, nakikiusap.” Isa pang halimbawa si Mary Jane Veloso na nailigtas mula sa death penalty dahil sa pakiusap nating kapwa niya Filipino. Kasalungat nito ang Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendicancy Law na itinatag pa noong 1978. Sinasabi ng batas na bawal manghingi ng limos, na isang uri ng pakikiusap. Isa sa mga dahilan ng pagpapatupad ng batas na ito ay dahil sa “there is an immediate need to provide appropriate services
to enable mendicants to meet their basic needs and develop self-reliance.” Isang pormal na paraan lamang ito upang sabihin na walang manlilimos kung walang nagbibigay ng limos. Bukod pa rito, ginagamit na rin ang exploitation ng mga bata upang makapanlimos. Kung iisipin, madaling mamuhay sa Filipinas dahil tiyak na mayroong tutugon sa mga pakiusap ng mga Filipino. Noong nalabag ng aking pamilya ang batas trapiko sa Dubai, agad kaming binigyan ng tiket at
hindi na pinakinggan ang dapat naming pakiusap, o maaaring sabihing palusot. 400 dirham ang kailangang multa—mahirap, ngunit tama. Sa Filipinas, 200 pesos at pakiusap, sapat na para makalusot sa nalabag nabatas trapiko. Naabuso na ng mga Filipino ang konsepto ng pakikiusap at bihasa na tayo sa kung paano gamitin ito. At dahil sa kahiligan natin sa paggamit nito, wala tayong ipinagkaiba sa mga inirereklamo nating kurakot na mga opisyal ng gobyerno. “Koneksiyon,” sabi nga nila. Pakikiusap din naman ang kanilang paraan upang makagawa ng mga bagay na sa kanila lamang papabor. Walang susunod sa batas na mayroong mga butas dahil kaya itong lusutan. At hindi makaaakyat ang isang bansa patungo sa kaunlaran kung ang tanging mga batas lamang na nagsisilbing hagdan patungo rito ay pinarurupok ng mga lumalabag dito.
kakatwiranan ng mga awtoridad ang kamatayan ng isang Filipino gamit ang mga “intelligence reports” mula sa social media—ang internet platform na pinipugaran ng mga kasinungalingan, fake news, trolls, at hackers. Pinakamasahol sa balitang ito: patay na si delos Santos bago ang “kumpirmasyon”—na, kayhirap ulitin, batay sa social media. Mayroong mali. Tinumbok ito ni Arsobispo Socrates Villegas nang sabihin niya: “Ang opisyal na pumatay ay may parangal. Ang pinatay ay sinisisi. Hindi na makapagpaliwanag ang mga bangkay sa bintang sa kanila ‘Nanlaban kasi.’” Noong Marso lang, ipinangako ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang malinis na kampanya kontradroga isang “bloodless campaign” na idinisenyo para masawata ang mga “high-value target.” Nangyari na nga, walang dugong dumanak mula sa malalaking pangalang
iniuugnay sa ilegal na droga. Karamihan pa sa kanila ay naabsuwelto, kahit iyong nahuli mismo sa raid sa imbakan ng droga. Kung hindi kasinungalingan ang “bloodless campaign,” malinaw itong kapalpakan. Sa nangyari kay delos Santos, saksi ang bayan na imbes na huminto ang karahasan, lalo pang tumapang ang mga utak-pulbura at gatilyo na nagkukubli sa loob ng uniporme—silang pumapatay base sa mga nakalagay sa social media, basta mahirap ang target, basta nanlaban kahit sa loob lamang ng kanilang isipan. Isa pa, nakadidismaya ring isipin na hinintay pa ng ating mga mambabatas na bumaha ng dugo sa mga kalye ng Kamaynilaan bago pagpasyahang magpulong upang paimbestigahan ang kapabayaan ng PNP. Nilagdaan ng mga miyembro ng mayorya noong ika-20 ng Agosto ang isang resolusyong
sisiyasat sa mga ilegal na operasiyon ng pulis kabilang na ang pagpaslang kay delos Santos. Nakasaad din sa dokumento ang isinusulong na pagrerebisa ng R.A. No. 8551 o Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998 kung saan nakapaloob ang tungkulin ng PNP Internal Affairs Service (IAS). Kinondena ng mga senador ang mabagal na pagkilos ng IAS upang imbestigahan ang kaso ng mga nagkakasalang miyembro ng PNP. Kung hindi lamang naging bulag at bingi ang bayan sa simula ng madugong kampanya, wala na sanang buhay na nasayang sa ilalim ng rehimeng hindi kinikilala ang Konstitusiyon. Hindi kamay na bakal o parusang kamatayan ang kailangan ng bansa sa kasalukuyan kundi responsableng kapulisan na lubog sa aral ng moralidad at pangangalaga sa buhay ng tao.
kampana ay tinig ng Diyos na sana ay gumising sa konsensiyang manhid at bulag. [A]ng bagting ng kampana ay tawag ng paggising sa bayang hindi na marunong makiramay sa ulila, nakalimutan ng makiramay at duwag na magalit sa kasamaan,” sabi niya. Kasamang namatay sa isang operasiyon kontra droga sa Caloocan ang Grade 11 na mag-aaral na si Kian Loyd de los Santos matapos siyang paghinalaan ng pulisya na sangkot sa ilegal na droga. Kasabay ng paghingi ng simpatiya ni Villegas sa mga namatayan sa laban kontra droga, nanawagan naman si Luis Antonio Cardinal Tagle, arsobispo ng Maynila, na makinig sa mga kwento ng mga Pilipino upang tunay na maintindihan ang realidad ng laban kontra droga sa bansa. “Families with members who have been destroyed by illegal drugs, [who] have been killed in the drug war especially
the innocent ones must be allowed to tell their stories. Drug addicts who have been recovered must tell their stories of hope,” sabi ni Tagle sa isa pang liham pastoral. Dagdag pa niya, mapaminsala ang problema sa illegal na droga ngunit hindi dapat ito ituring bilang krimen o political na isyu lamang. “It is a humanitarian concern that affects all of us. Given the complexity of the issues, no single individual, group, or institution could claim to have the only right response,” wika ni Tagle. Hinimok ni Tagle ang mga parokya sa buong bansa na tularan ang “Sanlakbay,” programa ng arkidiyosesis ng Maynila na kung saan nakikipagtulungan ang mga simbahan sa lokal na pamahalaan at pulisya sa drug rehabilitation. Nanawagan din siya sa mga parokya na mag-alay ng dasal sa mga Misa mula ika-21 ng Agosto hanggang ika-29 ng Agosto para sa
mga kaluluwa ng namatay sa laban kontra droga, mga nagdadalamhating pamilya at para sa pagbabalik-loob ng mga pumatay sa kanila. Naitala ang pinakamataas na bilang ng patay sa isang araw noong ika-15 ng Agosto kung saan 32 drug suspek ang namatay sa “One Time Big Time Operation” sa Bulacan. Ipinagtanggol ng hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Ronald de la Rosa ang kaniyang mga tauhan at sinabi na mas mainam na buhay ang pulisya sa bawat operasiyon. Sinabi naman ni ng Pangulong Rodrigo Duterte na ligtas mula sa legal na parusa ang pulisya at hukbong sandatahan sa pagsasakatuparan nila sa kaniyang laban kontra droga. Inulat ng Human Rights Watch na humigitkumulang 7,000 na Filipino na ang namatay at 2,000 sa mga ito ang nauugnay sa PNP sa laban kontra droga ni Duterte.
Opinyon 5
Sa pagitan ng sining at realidad ISINASALAMIN ng pelikulang “Respeto” ni Treb Monteras ang mga kasalukuyang pangyayaring may kaugnayan sa ilegal na droga, karahasan at krimen sa bansa. Gamit ang panitikan at musika, ikinuwento ni Monteras ang pakikipagsapalaran sa buhay ni Hendrix, isang binatang rapper na lumaki sa hirap ng buhay sa Maynila. Isa lang ang pangarap ni Hendrix: ang makakuha ng respeto mula sa mga miyembro lokal na underground rap battle na mag-aahon sa kanya sa hirap. Normal para sa kanya ang regular na ronda ng mga pulis sa kanilang komunidad, pati na ang mga kaibigang bigla na lang nawawala matapos dakpin ng mga awtoridad. Ngunit binago ang buhay niya ng mga salita ng isang makata, si Fortunato Reyes, biktima ng dahas ng Batas Militar. Siklo ng pang-aabuso at karahasan sa kasaysayan ang sentro ng pelikula. Nakapanlulumo man, makatotohanan ang kuwento ng ”Respeto.” Salaysay pa nga ni
Sana kasabay ng pagtatak ng pelikula sa gunita ng audience, manatili rin sa kanilang huwisyo na kung may mga aktwal pangyayaring akmangakma sa mga eksena ng ”Respeto,” Monteras sa isang panayam, nagkaroon mismo ng aktuwal na engkwentro ang pulis at mga pinaghihinalaang drug pusher malapit sa lugar ng kanilang shooting. Hindi iyon arte, kundi totoong pangyayari. Umani ng mga parangal ang “Respeto” sa ika-13 Cinemalaya Independent Film Festival, isa sa mga pinakamalaki at pinakatinatangkilik na film festival sa bansa. Kabilang sa napanalunan ng obra ang Audience Choice Award. Minsan, wala pa rin tayong takas sa pagkasakal sa atin ng sining dahil minsan, dito natin nakikita ang katotohanan. Sana kasabay ng pagtatak ng pelikula sa gunita ng audience, manatili rin sa kanilang huwisyo na kung may mga aktwal pangyayaring akmang-akma sa mga eksena ng ”Respeto,” malamang na may mga problema ring tinatalakay sa pelikula na kailangang bigyan ng pansin sa totoong buhay.
Simbahan MULA SA PAHINA 7
nakapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan si Lagarejos sa halagang P120,000. Kung mapatunayang may sala, maaari siyang makulong hanggang 12 taon. Bagaman nagpiyansa ang pari, nilinaw ni Cruz na walang ginastos ang Simbahan dito. Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang biktima at ang 16-taong gulang na bugaw na tinaguriang “children in conflict with the law” dahil sa paglabag sa RA 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. Ang kaso ng bugaw ay may P1 milyon hanggang P2 milyon na multa, at parusa na habangbuhay na pagkabilanggo. Tumangging magbigay ng karagdagang detalye ang Marikina WCPD dahil
sa pagiging confidential ng kaso. Hamon sa mga layko Bagaman naging mabilis ang pagtugon ng Simbahan sa kaso ng human trafficking laban kay Lagarejos, ikinalungkot ni Dy-Liacco ang pagkukulang sa pakikiisa ng mga layko laban sa nasabing isyu. “[They have acted] according to the protocol, offering assistance immediately to the victim and her family, immediately withdrawing the accused from public ministry and placing him on strict restrictions,” wika ni Dy-Liacco. Dagdag pa niya, kung may pagkukulang sa aksiyon ang Simbahan sa mga ganitong isyu, kinakailangang tumulong din ang mga layko dahil mas marami sila kaysa sa mga lider ng Simbahan. “I think we, as laity, can do more, and more active and concrete contributions from more of us will strengthen the fight against human trafficking,” wika ni DyLiacco. S.B. GARCIA at L. O. GARCIA
6 Tampok
IKA-31 NG AGOSTO, 2017
Ramiro: Tomasinong doktor, tanyag sa Estados Unidos MALAYO man sa pagdodoktor ang kaniyang unang pangarap, sinikap pa rin ni Lucila Ramiro na hasain ang abilidad sa panggagamot upang makapagbigay ng mahusay na serbisyo sa mga pasyente. Kaya hindi nagtagal, nagbunga ang kaniyang pagsisikap. Matapos ang mahigit 20 taong pagtatrabaho sa Tampa General Hospital sa Florida, USA, hinirang si Ramiro bilang bise-presidente ng general medical group ng ospital. Ang unang pangarap ni Ramiro ay mag-aral ng accountancy sa Unibersidad. Ngunit isinantabi niya ito para sundin ang kagustuhan ng kaniyang mga magulang na kumuha siya ng kursong medisina. Sa kabila nito, nagtapos siya bilang cum laude ng BS Psychology sa College of Science taong 1981. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral ng medisina sa Faculty of Medicine and Surgery at nagtapos siya bilang cum laude taong 1985. Sinimulan ni Ramiro ang kaniyang pre-residency sa radiology department sa Unibersidad ngunit hindi niya ito natapos dahil nagpasya ang kaniyang mga magulang
namanirahan sa Estados Unidos. Ipinagpatuloy ni Ramiro ang kaniyang residency sa St. Luke’s Medical Center sa Cleveland, Ohio. Pagkatapos, lumipat siya sa Tampa, Florida. Bilang dalubhasa sa larangan ng internal medicine, ginagamot ni Ramiro ang mga sakit tulad ng diabetes, hypertension, cholesterol, sakit sa puso, sakit sa baga at iba pang uri ng chronic diseases. Parte rin ng kaniyang specialization ang preventive medicine at chronic care management o ang pag-aalaga sa mga pasyenteng mayroong mga pabalik-balik na sakit. Bukod sa pagiging isang manggagamot, isa ring propesor si Ramiro. Nagtuturo siya sa mga medical at internal medicine resident sa University of South Florida. Sinikap ni Ramiro na palawakin pa ang kaniyang kaalaman kaya nakilahok siya sa mga gawaing administratibo at naging physician leader at medical director. Kumuha rin siya ng masteradong degree sa business administration sa University of South Florida kaya hindi maitatangging bunga ng kaniyang pagsusumikap ang pagluklok sa kaniya sa mataas na posisyon.
Panibagong adhikain Bilang bise-presidente, pinamamahalaan ni Ramiro ang mga manggagamot ng ambulatory care o panggagamot sa outpatients tulad ng diagnosis, observation, consultation, treatment at rehabilitation services. Siya rin ang namamahala sa mahigit-kumulang na 102 providers: mga manggagamot, nars at physician assistant. Nais din ni Ramiro na palaguin ang bariatric program, isang programang kumakalinga sa mga taong overweight at transplant institution ng ospital. “Sinusubukan kong suriin ang pangkalahatang lagay ng ospital at tingnan kung ano ang pwede pa naming palaguin. Pero ang pinakaimportante pa rin ay ang makapagbigay kami ng pinakamagandang serbisyo sa aming mga pasyente,” wika ni Ramiro. Hindi man niya nakamit ang kaniyang inisyal na pangarap, natutunan niya naman na may dahilan ang bawat hamon ng buhay. “Marami ka mang isinasakripisyo ngayon, makikita mo rin ang halaga ng mga ito sa hinaharap. Hindi madali [ang magsakripisyo] at hindi ito
Interior designer, dinaig ang pagsubok sa ibang bansa
Imahe mula kay Joji Castillo HINDI maipagkakailang maraming pagsubok ang pinagdaraanan ng mga Pilipinong naghahanap buhay sa ibang bansa. Tulad na lamang ng dinanas ni Maria Dolores Castillo, isang interior designer na graduate ng UST. Mahigit dalawang dekada na siyang nagtatrabaho sa Brunei. Nagtapos si Castillo sa noo’y College of Architecture and Fine Arts noong 1991 at nakamit niyaang pangalawang pinakamataas na puntos sa 1993 interior design licensure exam. Taong 1994 nang magsimula siyang magtrabaho sa Amadeo Development Corporation, ang pinakamalaking kompanyang pangkonstruksyon at disenyo sa Brunei. Ngunit bilang baguhan at dayuhan, hindi naging madali ang pakikibagay ni Castillo sa wika at kultura ng bansa. Mayroong mga panahong siya ang palaging ipinapagalitan o tinutukso ng kaniyang mga kasamahan. Minsan na raw siyang pinagsabihan ng isang site supervisor na umuwi na lamang at matulog. “What I experienced is something that any newcomer in an organization would often feel. You feel that you need to prove your worth? There [are] people who [will support] you and there [are people] who [will bully] you,” kwento ni Castillo. Ngunit makalipas ang ilang taon, kinailangang magsara ng kompanya. Napilitan si Castillo na pumasok sa industriyang hindi pamilyar sa kanya.
Taong 2000 nang maging bahagi si Castillo ng graphics team ng Empire Hotel and Country Club, ang nangungunang hotel sa Brunei. Nagsimula siya sa paggawa ng mga advertisement at brochure. Nang maglaon, nabigyan siya ng pagkakataong maging sekretarya at senior sales manager o tagapamahala ng wholesale business sa Australia, Japan, Middle East at Europe. “I took the job basically because I needed to. I was in between mortgage and tuition fees. I just bought a house and [I was] still helping my parents, I cannot afford to be jobless,” wika niya. Bagaman nasanay na siya sa bagong industriya, ninais pa ring balikan ni Castillo ang pagdidisenyo. Matapos ang 10 taon ng pagiging hotelier, nakatanggap si Castillo ng disenyong proyekto mula sa gobyerno ng Brunei. Naging tiket ito ni Castillo sa pagbalik niya sa pagiging interior designer. Sa kasalukuyan, Senior Interior Designer na si Castillo ng Nouvo Design Sendirian Berhad, isang interior design company. Kabilang sa kanyang mga kliyente ang Prime Minister’s Office ng Brunei, Ministry of Defense at Ministry of Foreign Affairs ng Brunei. Para kay Castillo, kaakibat ng pagtatrabaho sa ibang bansa ang culture shock at language barrier. Dagdag pa niya, “[A]lways remember that you [took] this job to earn and learn the trade. You must remain resilient but respectful at all times.” DAPHNE YANN P.
GALVEZ
Patnugot: atnugot: Chelsey Mei Nadine B. Brazal
magiging madali, ngunit tandaan na sa dulo ay may patutunguhan din ang lahat,” wika niya.
LOUISE CLAIRE H. CRUZ Ramiro
Ramiro (ikatlo mula sa kaliwa) kasama ang iba pang doktor ng Tampa General Hospital.
Takayama MULA SA PAHINA 7 Nang iutos ng “great unifer” ng Japan na si Toyotomi Hideyoshi na kailangang talikuran ni Takayama ang pagiging Kristiyano upang ipagpatuloy ang pagiging daimyo, pinili ni Takayama na umalis ng Japan. Kasama ang kaniyang asawa na si Doña Justa Takayama, dumaong sila sa Intramuros kung saan dating matatagpuan ang Santo Domingo Church, para ibigay ang imahen ng La Japona ng Our Lady of Rosary. Galing ang imahen ng La Japona sa dating gobernador heneral na si Luis Perez Dasmariñas, na nagbigay din ng imahen ng Our Lady of La Naval sa mga Pilipinong Dominikanong misiyonaryo. Nakapagtayo ang magasawang Takayama ng nihonmachi, ang komunidad ng Hapones sa timog-silangang Asya. Pumasok sa seminaryo ang ilan sa mga kasama nila na Kristiyanong Hapon. Hindi kalaunan, naging mga pari sila at tinawag na mga paring dilao. Una nang itinayo ang rebulto ni Takayama sa Plaza Dilao sa Paco, Maynila noong 1977 bilang pag-alala sa humigit kumulang 300 na Katolikong kasama niya na piniling mangibang-bayan dahil sa kanilang pananampalataya. Takayama bilang samurai Wika ni Ken Nakamura,
Anastasis MULA SA PAHINA 4 opisyal na communications arm ng gobyerno, sa freedom of speech ngunit wala man lang kahit anong bahid ng pagaalala sa natatapakang etiko at alituntuning dapat sundin ng mga manghihimasok sa pormal na talakayan. Dagdag pa ng PCOO, hindi
direktor ng Japan Information and Cultural Office, bunga ng mga desisyon ng mga matatapang at matapat na tao ang kasalukuyang pagtanggap ng pagkakaiba ng bawat isa at kalayaan sa pananampalataya. “Religious freedom, tolerance for diversity were consequences of crucial decisions made. Guided by the lives of the brave and upright such as that of Lord Takayama, it is my sincere hope we will continue to uphold what is right, just and true,” wika ni Nakamura nang ipagkaloob sa UST ang “Toyonocho marker” ng mga kinauukulan mula sa bayan ni Takayama sa Toyono, Osaka, Japan noong ika-29 ng Hulyo. Nang maipit si Takayama sa agawan ng teritoryo sa Osaka ng mga daimyo na sina Araki Murashige at Oda Nobunaga, pinagbantaan ni Nobunaga si Takayama na ipapapatay niya ang lahat ng Kristiyano at sisirain ang lahat ng simbahan sa Tatsuki kung hindi niya isusuko ang kaniyang kaharian. Bilang isang samurai, kinailangan ni Takayama na sumunod sa kaniyang daimyo na si Araki. Ngunit alam niya na ang pagsunod niya sa pagbibigay ng kaniyang palasyo kay Nobunaga ang magiging mitsa ng isang digmaan at kapahamakan ng kaniyang nasasakupan. Dahil dito, nagpakalbo si Takayama – ang tanging paraan na hindi niya susuwayin ang code of honor ng mga samurai at upang sagipin ang mga kapuwa niya Katoliko. Naging tanda ito ng kaniyang pagtalikod sa pagiging samurai. L.O. GARCIA
naman kailangan na lahat ng akreditadong social media practitioners ay makapaglabas ng balita. Maaari silang manghimasok, bumuntot sa pangulo, magkaroon ng access sa iba’t ibang sangay ng gobyerno ngunit hindi sila pagsusulatin ng balita tungkol sa mga pinuntahan. Tunay na nakababahala ang nangyayaring pagbaluktot ng sistema sa larangan ng pamamahayag, lalo na at may pinapaboran at propagandang nagaganap.
Tumatayong Patnugot: L. M. P. Vicencio
Pintig 7
IKA-31 NG AGOSTO, 2017
Simbahan, aksiyon agad sa kasong pang-aabuso MABILIS na tinugunan ng lokal na Simbahan ang kaso ng human trafficking na isinampa sa isang 55-anyos na pari na nahuling may kasamang 13-anyos na dalagita sa isang motel sa Marikina noong ika-28 ng Hulyo, ayon sa isang miyembro ng Pontifical Commission on Protection of Minors. Wika ni Gabriel Dy-Liacco, psychotherapist sa Emmaus Center for Psycho-Spiritual Formation, na nagbibigay serbisyong psychotherapy, pastoral counseling at konsultasiyon sa mga lider ng simbahan, relihiyoso, propesyonal at laiko, naging mabilis at mahigpit ang pagtugon ng mga obispo sa kaso ni Msgr. Arnel Lagarejos alinsunod sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Pastoral Guidelines on Sexual Abuses and Misconduct by Clergy o protocols. “Our bishops readily saw the need to be proactive in their fight against the scourge of abuse against minors and vulnerable adults in all its forms, and especially child sexual abuse by clerics and church personnel,” wika ni Dy-Liacco sa isang panayam sa Varsitarian. Una nang naglabas ng pahayag ang Diyosesis ng Antipolo na hindi na maaaring magsilbi bilang kura paroko si Lagarejos ng St. John the Baptist Parish at magsilbi bilang pangulo ng Cainta Catholic
College habang iniimbestigahan ang kaniyang kaso. Itinalaga ng Diyosesis ng Antipolo, na may hurisdiksyon sa kaso ni Lagarejos, ang dating arsobispo ng Lingayen-Dagupan na si Oscar Cruz upang pamunuan ang imbestigasiyon para sa ipapasang report sa Vatican. Nilinaw ng lokal na Simbahan na aktibo silang makikipagtulungan sa Estado sa mga kaso ng pangaabuso na sangkot ang mga pari. Isinasaad rin sa dokumentong ito na walang pari na may nakabinbin na kaso ang papayagan na lumabas ng diyosesis, at mananatili siya sa
“Throughout its history, the Catholic Church has viewed slavery as an evil that is directly against the dignity of the human person. I cannot emphasize enough how dehumanizing this modern form of slavery is both to the victims of the crime and its perpetrators, but most especially, to the victims,” wika ni Dy-Liacco. Matatandaang inilabas ng CBCP ang protocols nito sa mga kasong pang-aabuso noong 2003, kasunod n g paghingi ng tawad ng Papa Juan Pablo II sa pang-aabuso sa mga menor de edad.
ilalim ng hurisdiksyon ng obispo. Sa kabila ng kritisismo na pinagtatakpan diumano ng Simbahan ang mga ganitong kaso, nilinaw sa dokumento na sadyang confidential ang imbestigasyon upang protektahan ang biktima at iba pang sangkot.
Desisyon ng Vatican Nakatakdang maglabas ng desisyon ang Congregation for the Doctrine of Faith sa Vatican tungkol sa kaso ni Lagarejos. Itinuturing ng Canon Law na ““pedophilia,” “pedophilia ,” “grave” at “serious offense” ang isang kaso na mayroong biktimang 13-anyos pababa. Makatatanggap ng ““just penalties penalties”” ang mga
paring mapatutunayang sumira sa kanilang vow of celibacy kasama na rito ang pangmomolestya sa menor de edad. Paliwanag Dy-Liacco, sa oras na mapatawan ng just penalties si Lagarejos, hindi na maaaring magpakilala si Lagarejos bilang pari at mamuno sa mga sakramento tulad ng misa at pangungumpisal. “The legal status of the priest or deacon changes. He now has the status of a lay person, not a cleric,” wika niya. Ayon kay P. Jim Achacoso, executive secretary ng Canon Law Society of the Philippines, nananatiling inosente si Lagarejos habang nasa imbestigasiyon pa ang kaniyang kaso at hindi siya napapatunayang may sala.
“It is wrong that Fr. Lagarejos is being pilloried in the forum of public opinion instead of being given due process—which should include respect for his good name,” wika niya. Ayon sa isang imbestigador mula sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Marikina City police, sinampahan si Lagarejos ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act na nauugnay sa Sec. 13 ng RA 1034 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012. Noong ika-1 ng Agosto, Simbahan PAHINA 5
Papa Francisco sa mga kabataan: “Manalig at sundin ang Birheng Maria” Ni S. B. GARCIA HINIKAYAT ng Papa Francisco ang mga kabataan na manalig sa Birheng Maria at sundin siya bilang ehemplo ng pagiging misyonero at disipulo sa ika-7 Asian Youth Day sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-2 hanggang ika-6 ng Agosto. “His Holiness invites them to look to the Mother of the Lord as a model of missionary discipleship, to speak to her as they would to a mother, and to trust always in her loving intercession,” wika ni Cardinal Pietro Parolin, kalihim ng estado ng Holy See, sa isang telegramang ipinadala para sa mga kalahok sa Youth Day. “He prays that young people from across Asia will listen ever more attentively to God’s call and respond with faith and courage to their vocation,” dagdag pa ng kardinal. Binigyang-diin naman ng isang arsobispo ang pagkakaisa ng mga kabataang Katoliko sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang kultura at nasyonalidad. Wika ni Ignatius Suharyo Hardjoatmodjo, arsobispo ng Jakarta, ang pananampalataya ang dahilan ng pagkakaisa ng mga kalahok sa Youth Day. “In this event, we do realize and experience that those differences cannot separate us, but the differences show the richness of the united humanity instead. It proves that the power of faith, hope and love unites us,” wika ni Suharyo. Pinaalalahanan din ni Suharyo ang mga kabataang Katoliko na isabuhay at ibahagi ang kaligayahan ng Ebanghelyo. “If we really live the Gospel in our day-to-day life and experience the joy of the Gospel, o u r life will reflect the glory of the Lord,” ani Suharyo sa pagtatapos ng Misa ng taunang Youth Day. W i k a niya, isang paraan upang maibahagi ang pananampalataya sa kapuwa ang pagsasabuhay ng Ebanghelyo sa pangaraw-araw na buhay. “God’s glory is powerful to renew the life. It shines from individuals who are united by love,” wika niya. Para kay John Kit Estuya, regional
youth leader ng Central Luzon Regional Youth Ministry, pagkakataon ang Youth Day upang makisalamuha sa kapuwa Katoliko at mga kapatid na Muslim sa kabila ng mga pagkakaiba ng kultura at pananampalataya. “Hindi natin magagawang tanggapin ang ating mga kapatid sa pananampalataya kung hindi tayo magiging bukas sa katotohanang nilikha tayong may iba’t ibang kultura at pinangagalingan,” wika ni Estuya sa isang panayam sa Varsitarian. Wika niya, isang pagkakataon ang youth day upang magbalik-loob at mapalapit sa Panginoon sa kabila ng “spiritual dryness.” Wika niya, nagtutulak ito sa kaniya upang patuloy na ibahagi ang pananampalataya sa kapuwa bilang isang kabataang lider. “Natagpuan kong muli `yung init ng pagmamahal ni Kristo na siyang nagsilbing inspirasiyon ko noon upang maging isang kabataang lider sa aking parokya. Nabuksan ang aking mata para muling makita ang kahangahangang paggalaw Niya sa buhay ko,” wika ni Estuya. Maayos na paggamit ng social media Tinalakay ni Obispo Joel Baylon ng Legazpi, sa isang plenary session, ang lenguwahe ng mga kabataan, kung paano gamitin nang tama ang social media at paano ito maging isang instrumento upang maibahagi ang Ebanghelyo at pananampalataya. “Ito ay nag-iwan sa akin ng hamon na huwag matakot maging kakaiba sa panahon ng modernisasyon at matutong tumayo sa sariling paa nang may paninindigan gamit ang mga turo ni Hesus bilang gabay,” wika ni Kevin Macandile,
Youth Day PAHINA 10
Taka yama: Tul a y ng relihiyon at pagkakaibigan PINATUNAYAN ni Blessed Justus Takayama Ukon na walang kultura o lahi ang magiging balakid sa pagsunod kay Hesus. Naging samurai, daimyo at master ng tea ceremony man siya, tinalikuran niya ang lahat ng kayamanang dala ng mga titulong ito upang ipagpatuloy ang kaniyang buhay bilang Katoliko noong panahon na ipinagbawal ang Kristiyanismo sa Japan. Ipinatapon siya kasama ang 300 na Kristiyanong Hapon at tumungo sa Pilipinas upang manirahan dito. Pagkatapos ng 44 na araw ng pamamalagi ni Takayama sa Filipinas, namatay siya sa edad na 63 dahil sa mataas na lagnat. Sa nalalabing araw niya, pinagtulay niya ang Filipinas at Japan gamit ang pananampalataya. Itinuturing si Takayama na simbolo ng pagkakaibigan ng Filipinas at Japan dahil sa pagsisilbing alaala na nagkasundo ang mga Pilipino at Hapon bago ang trahedyang idinulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Filipinas. Noong ika-7 ng Pebrero, ginanap ang kaniyang beatificatio— ang huling hakbang sa pagiging santo —ni Takayama sa Osaka, kung saan siya ipinanganak. Pinamunuan ito ni Cardinal Angelo Amato, prefect ng
Congregation for the Causes of Saints. Matatandaang pinangunahan ng Arkidiyosesis ng Maynila ang unang petisiyon sa pagiging santo ni Takayama noong 1630 bilang pagkilala sa hindi niya pagtalikod sa pananampalataya sa kabila ng nakagisnang yaman at titulo sa lipunan. Si Takayama rin ang unang nirekomenda ng arkidiyosesis para sa pagkasanto sa Vatican. Ito naman ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng simbahan sa Japan na mag-isa ang pagproseso sa pagka-santo ni Beato Takayama Ukon. Kadalasang hinahati ng Vatican sa apat na pangkat ang mga kandidato sa pagiging santo. Ang beatification ni Takayama ang ika-lima sa Japan mula nang 1627. Paninindigan sa pananampalataya Wika ni Yoshihiro Shintani, alkalde ng Toyono, naging tapat si Takayama sa kaniyang pananampalataya kasabay ng mabuti niyang pamumuno bilang isang daimyo. “He was not just a samurai but also a good leader. He gave up everything because of the religion, Christianity. I think that is the best thing that he [had] done because he was a samurai and he was living in a castle,” wika ni Shintani sa isang panayam sa Varsitarian.
Takayama PAHINA 6
8 Natatanging Ulat
Patnugot: Neil Jayson N. Servallos
IKA-31 NG AGOSTO, 2017
Paninigarilyo sa paligid ng UST, ipinagbabawal KAAKIBAT ang Manila Police District (MPD), mahigpit na babantayan ng UST Security Office ang mga Tomasinong maninigarilyo sa paligid ng Unibersidad alinsunod sa pagpapatupad ng nationwide smoking ban order. Nakipagkasundo ang MPD sa Security Office sa pagbabantay ng mga lalabag sa no-smoking policy sa labas ng Unibersidad. Ayon kay Joseph Badinas, hepe ng Security Office, idiniin ng MPD na balaan ang mga estudyante na puwede silang hulihin kapag nilabag ang batas. “Nang pumunta rito `yong [Manila police] para makipagtulungan, [sinabi] nila na `yong students natin ay dapat paalalahanan na may mga lugar sa labas ng unibersidad na pwede silang [mahuli] kapag nanigarilyo sila roon,” wika ni Badinas sa isang panayam sa Varsitarian. Maaaring patawan ng Office of Student Affairs (OSA) ng “mabibigat na parusa” ang mga Tomasinong mahuhuling naninigarilyo sa loob at labas ng UST. “Sasama na kami sa pagpapatupad sa labas kaya kung may mahuhuli kaming mag-violate, i-aakyat namin sa OSA `yong kaso at sila na ang bahala,” sabi niya. Gayunpaman, hindi pa naglalabas ang OSA ng payahag tungkol sa mga maaaring parusa ng mga lalabag sa batas. Sinimulan ng Malacañang ang pagpapatupad ng Executive Order 26 o ang nationwide smoking ban order noong ika-23 ng Hulyo, matapos ito lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika16 ng Mayo. Ang mga lalabag sa batas ay mumultahan ng hindi bababa ng P500 at P1,000 sa una at ikalawang beses ng paglabag sa order, ayon sa pagkakabanggit.
Aalisan naman ng business permits at licenses to operate ang mga lalabag sa batas sa ikatlong beses, kasama ang multang hindi bababa ng P5,000. Ayon sa batas, maaaring managot ang “person-in-charge” ng bawat tanggapan kung mahuhuling hindi ipinapatupad nang maayos ang mga nakasaad na probisyon ng batas. Bukod sa Philippine National Police, magkakaroon din ng Smoke-Free Task Force ang mga lokal na pamahalaan para mapatupad nang mahigpit ang mga probisyon. Nasa diskresiyon ng lokal na pamahalaan ang pagpili sa mga bubuo nito. Ang executive order ay ginawa ng kalihim ng kalusugan na si Paulyn Jean Ubial sa utos ng Pangulong Duterte. Kakulangan sa pagpapatupad Bagaman nagsisimula na sa pagpapatupad ng batas, wala pa ring pondo ang mga lokal na pamahalaan para sa implementasiyon ng smoking ban, ayon kay Regina Bartolome, program coordinator ng Manila Health Department. Bukod dito, kulang pa rin ang tauhan ng mga lokal na health department para ipatupad ang kanilang programa na naglalayong tulungan ang mga lulong sa paninigarilyo. “Dahil sa limitadong schedule at location, hindi ma-fully utilize ang Smoking Cessation Clinic ng health department para tumulong sa mga nais tumigil sa paninigarilyo,” wika ni Bartolome. Mas nagagastos pa sa paggamot ng tobaccorelated illnesses ang tax na nakukuha sa tobacco industry, dagdag niya. Ikinuwento naman ni Corazon Barrera, 80-anyos na tindera ng mga produktong tobacco sa
Naninigarilyong estudyante ng College of Architecture sa isang bus stop sa España.
labas ng Unibersidad, malaki ang naging epekto ng smoking ban sa pagbaba ng kaniyang kinikita. “Dati kumikita ako ng 500, sa tubo lang `yon, pero mula noong paalisin kami malapit sa gate, bumaba na,” wika niya. Ngunit ilang ulit nang binigyan ng babala si Corazon ng punong barangay na umalis sa kanyang puwesto o tumigil sa pagtitinda ng mga produktong tobacco. Noong 2009, ipinatupad ng Civil Service Commission ang Memorandum No. 17 na
nagbabawal sa pagbebenta ng mga produktong tobacco sa loob ng 100 metro mula sa mga paaralan. Ayon sa dating ulat ng Varsitarian, kinumpiska ng mga opisyal ng Maynila ang mga pakete ng sigarilyo sa mga tindahang malapit sa Unibersidad. Ipinatupad naman ng Unibersidad noong 2002 ang polisiyang naglalayong gawing “smokefree” ang buong kampus, ang una sa buong bansa. ARIANNE AINE D. SUAREZ
Tuition MULA SA PAHINA 1
Ni MA. CONSUELO D.P. MARQUEZ TINIYAK ng Commission on Higher Education (CHEd) na ligtas mula sa drug-related police operations ang mga magaaral na magtatala ng positibong resulta mula sa mandatory drug tests na isasagawa sa mga kolehiyo at unibersidad. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpataw ng parusa sa mga mag-aaral na positibong gumagamit ng ipinagbabawal na droga, ayon kay Ronaldo Liveta, hepe ng CHEd Office for Student Development and Services. Hindi rin daw maaaring magkaroon ng drug operations ang Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang law enforcement agencies sa loob ng mga unibersidad at kolehiyo. “Nakatala sa isang provision ng bagong drug test memorandum na hindi papayagan ng kolehiyo o unibersidad ang pagsagawa ng drug-related operations ng law enforcement agencies nang walang coordination at walang prior written approval,” wika ni Liveta sa isang panayam sa Varsitarian. “Kung ang resulta ay positibo, pwedeng maisulong ng higher education institutions na hindi na dapat bigyan ng penalty o suspensyon ang estudyante,” dagdag niya. Nakasaad sa Dangerous Drugs Board Regulation No. 6, series of 2003, na kailangang bigyang halaga ang guidance, counseling at rehabilitation sa implementasiyon ng drug testing, alinsunod sa karapatan ng mga mag-aaral na makatapos sa kanilang pag-aaral. Inaprubahan ng CHEd ang Memorandum No. 64 series of 2017 noong ika-2 ng Agosto na nagtatakda ng mandatory drug testing sa lahat ng pribadong institusiyon bilang requirement para sa pagtanggap at retensyon ng mga mag-aaral para sa Akademikong Taon 2018-2019. Tatanggap naman ng sanctions mula sa student
handbook ng pribadong unibersidad at kolehiyo sa mga mag-aaral na tumanggi sa mandatory drug testing. ‘Striktong drug testing sa UST’ Paiigtingin ng Unibersidad ang implementasiyon ng sapilitang drug testing sa freshmen at random drug testing, ayon kay Rhodora de Lean, direktor ng UST Health Service. “Ang tanging makakaalam ng resulta ng drug test ay yung patient, magulang ng patient at yung [administrasiyon ng] kolehiyo o fakultad ng mag-aaral,” wika ni de Leon. “Tatantiyahin kung magpapatuloy pa ang estudyante sa pag-aaral pero naka-depende ito sa uri ng rehabilitasiyon ng magaaral.” Isinasagawa naman ng UST Health Service ang random drug testing sa mapipiling 10 porsiyento ng mag-aaral sa bawat section ng kolehiyo o fakultad. Dagdag pa ni de Leon, sa kanyang pamamahala sa Health Service, isa o dalawa pa lamang na estudyante ang nakakuha ng positibong resulta sa paggamit ng ilegal na droga. Binibigyang respeto ng CHEd ang “academic freedom” ng UST sa drug testing. “Ang mga pampubliko at pribadong institusiyon ay may kakahayang mag-design ng programa na ukol sa pangangailangan ng industriya at ng mga estudyante, at mayroon din silang kakayahan kung ano ang ilalaang requirements sa pagtanggap ng mag-aaral. Kasama ang mandatory drug tests dito,” sabi ni Liveta. Hindi kailangang kumuha ng mga p r i b a d o n g institusiyon ng approval mula sa CHEd kapag magsasagawa ng random drug tests dahil nabigyan ito n g
five-year autonomous status noong 2016. Magtatagal ang autonomous status hanggang 2021. “Magiging automatic ang implementasiyon pero bibigyan pa rin kami ng notifications, ‘yon ang benepisyo ng autonomous grant,” ani Liveta. Unang inilunsad sa UST ang implementasiyon ng random drug tests noong ikalawang semester ng Akademikong Taon 2006-2007, alinsunod sa Republic Act (RA) 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ‘Confidentiality ng magaaral’ Sa gitna ng lumalaking bilang ng mga pinapatay dahil sa pagiging sangkot sa operasiyon laban sa ipinagbabawal na droga, kailangang mas pangalagaan ang confidentiality ng bawat mag-aaral na mapatutunayang positibo sa resulta ng drug test, wika ni Raymond John Naguit, tagapangulo ng Youth for Mental Health Coalition. Drug operations PAHINA 10
MICHAEL ANGELO M. REYES
sa “no-transfer policy.” “Ang ibang [SUCs] ay may no-transfer policy sa second, third at fourth year students. Ang posibleng paglipat ay maaari lamang maapektuhan ang darating na freshmen batch,” wika ni de Vera sa isang pulong-balitaan sa Malacañang. Sa Unibersidad, nakabase ang pagtanggap ng mga transferees sa bilang ng mga bakanteng slot, resulta ng qualifying examinations, marka sa dating transcript of records ng estudyante at ang apruba ng secretary general. Ayon sa datos ng Planning, Research and Knowledge Management Office ng CHEd, 1,710 ang bilang ng pribadong paaralan habang 233 naman sa pampublikong paaralan. Ang Polytechnic University of the Philippines na tumanggap ng 66,011 enrollees ang may pinakamataas na bilang ng bagong mag-aaral sa lahat ng SUCs sa bansa noong nakaraang taon. ‘Kontrol sa SUCs’ May posibilidad na maging “anti-poor” ang batas dahil kaunti lamang ang mga mahihirap na magkakaroon ng benepisyo, ayon kay Emmanuel Lopez, tagapangulo ng UST economics department. “Ang realidad ay nasa mataas na estado ang nakakamit ng mas masaganang kaalaman kaysa sa mga mahihirap na kinakailangang magkaroon ng kinikita sa halip na mag-aral habang nasa batang edad,” wika ni Lopez sa isang panayam sa e-mail. Ayon kay Manapat, kailangang suriin ang background ng estudyanteng nais mag-apply sa SUCs. “Dapat linawin ng gobyerno ang pagsumite ng requirements tulad ng income tax return ng pamilya at mga certificate galing sa paaralang pinanggalingan ng aplikante,” sabi niya. Idiniin ni Sen. Loren Legarda na dadaan sa masusing proseso ang pagpili ng SUCs sa mga tatanggaping estudyante na makikinabang sa
libreng tuition. “Maaaring lumahok sa libreng tuition ang mga estudyanteng hindi kayang bayaran ang malaking tuition sa mga pribadong unibersidad at kolehiyo ngunit may katiyakang may limitasiyon ang mga SUCs sa pagtanggap,” sinabi ni Legarda sa isang panayam sa Varsitarian. Tertiary education subsidy Nakasaad naman sa tertiary education subsidy for Filipino students ng RA 10391 na magbibigay din ang pamahalaan ng benepisyo sa mga mag-aaral ng pribadong kolehiyo at unibersidad, diin ni Estrada. Ang mga mag-aaral na makakatanggap ng libreng matrikula ay dapat parte ng Listahanan 2, ang management system ng Department of Social Welfare and Development na nagbibigay impormasiyon tungkol sa per capita household income ng mga mahihirap, o makakapagbigay ng proof of income na dadaan sa pagsusuri ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o Unifast ng Ched. Subalit hindi naniniwala si Manapat na maaaring mabigyan ng pamahalaan ng tulong na salapi ang lahat ng kwalipikadong mag-aaral. “Hindi mabibigyan ng prayoridad ang mga nasa pribadong paaralan dahil sa ownership issues. Kung kailangan nila ng pondo maaari sila makakuha mula sa mga bangko at mga private individuals,” ani Manapat. Kawalan naman ng pondo ang magiging kahinaan ng batas, ayon kay Lopez. “Ang pinaka-crucial na problema na maaaring makaapekto sa batas ay ang kawalan ng pondo na magpapatibay sa dito,” ani Lopez. Kahit napirmahan na ang batas, problema pa rin ang pondo ng libreng tuition at kinakailangan pa ng konsultasyon, ayon kay Pangulong Duterte sa isang press conference sa Malacañang noong ika-7 ng Agosto. Sa unang taon ng implementasiyon ng batas, P16.8 billion ang nakalaan na pondo para sa 112 SUCs, P16 billion sa local universities and colleges at P3 billion sa TVIs habang halos P20 billion pesos ang kakailangang budget sa taong 2018.
Patnugot: Edris Dominic C. Pua
IKA-31 NG AGOSTO, 2017
Agham at Teknolohiya 9
UST Central Laboratory: Pagsabay sa sulong ng teknolohiya ISANG makabagong camera na ipinapakita ang proseso ng pagsusuri o dissection ng katawan ng tao, isang eight-camera system na kayang suriin ang bawat paggalaw at instrumento sa paggawa ng syrup at iba pang klase ng gamot. Matatagpuan lahat ng ito sa bagong UST Central Laboratory na itinayo malapit sa P. Noval gate ng Unibersidad. Dito inilipat ang mga laboratoryong dating nasa Main Building mula pa noong 1928. Mayroon ngayong 40 laboratoryo sa walong palapag na gusali. “Ito ang problema sa Main Building. Dahil sa angkin nitong kasaysayan, hindi tayo maaaring magexpand o magtayo pa ng mga panibagong laboratory,” ayon kay Ross Vasquez, administrador ng Laboratory Equipment and Supplies Office (LESO). Bawat kurso ay may lugar sa Central Laboratory, wika niya. Sakop ng Pharmacy ang ikalawa, ikatlo at ikaapat na palapag ng gusali. Dito matatagpuan ang Manufacturing and Dosage Forms Laborator kung saan sinasanay ang mga mag-aaral ng Parmasya sa paggawa ng iba’t ibang anyo ng mga dosis ng gamot. Tampok sa laboratoryong ito ang Brookefield Viscometer, isang aparato na sumusukat sa lapot ng isang likido. Mahalaga ito sa paggawa ng mga gamot. “Bago na ‘yong environment, maayos na rin ‘yong mga gamit,” wika ni Ernesto Gutierrez, isang laboratory technician ng Department of Biochemistry. Ipinakita niya sa Varsitarian ang mga cubicle sa loob ng mga laboratoryo na nakalaan para sa mga pananaliksik o
thesis ng mga estudyante. Ilan pa sa mga laboratoryo ng Fakultad sa naturang gusali ang Pharmaceutical Chemistry, Physiological Pharmacy at Chemistry sa ikaapat na palapag, Quality Control, Biochemistry, Pharmaceutical Biochemistry sa ikatlong palapag, at Biochemistry at General Chemistry sa ikalawang palapag ng gusali. Saklaw naman ng mga laboratory ng College of Science ang ikalima hanggang ikapitong palapag. Sa ikaanim na palapag ng gusali matatagpuan ang mga laboratoryong nakalaan para sa iba’t ibang aspeto ng kimi katulad ng Inorganic and Organic Chemistry, Biochemistry, at Analytical Chemistry. Nakalaan para sa iba’t ibang laboratoryo ng Biology ang ikalimang palapag. Tulad ng Pharmacy, nakahiwalay din ang silid para sa tesis at leksyon, ayon kay Ilano Rasonada, isang laboratory technician galing sa kolehiyo. Samantala, saklaw ng College of Rehabilitation Science angkabuuan ng unang palapag. “Nilalaman ng mga pasilidad na ito ang mga makabagong kagamitan para sa pagtuturo at pananaliksik,” sabi ni Cheryl Peralta, ang dating dekana ng kolehiyo sa isang panayam sa Varsitarian. “Isa sa mga ito ay ang Anatomy Laboratory kung saanpinangangalagaan at pinagaaralan ang mga cadaver.” Nilalaman nito ang isang projection camera na nagpapakita ng live presentations ng proseso ng dissection at pagsusuri ng mga bahagi ng katawan ng tao. Laman naman ng Speech Language Laboratory ang mga kagamitan para sa pagsusuri ng problema sa pandinig at pananalita. Kasama rito ang computerized speech lab system, nasometer, audiometer at tympanometer. Sa Human Performance Laboratory ng kolehiyo matatagpuan ang isang eight-camera system na nagpapakita ng isang three-dimensional analysis ng paggalaw ng isang tao. “Naipapakita rin nito ang kilos ng ating mga kalamnan,” sabi ni Peralta. E. C. TANDOC IV
Paggamit ng alternibo sa plastic straw, hinikayat SANGKATUTAK na plastic straw ang tinatayang itinatapon kada araw at marami rito, hindi naman sumasailalim sa recycling. Kaya ang resulta, bumabara sa mga estero at iba pang daluyan ng tubig. Seryoso ang problema kaya minabuti ng Central Student Council (CSC) na gumawa ag maliit na hakbang; hinikayat nila ang mga Tomasinong gumamit na lang ng metal straw. “Giving away free metal straws is just a first step to lessening the carbon footprint in our society,” wika ni Nina Pasno, dating sekretarya ng CSC, makaraang ilunsad ang proyektong #USTrawless: Towards a Plastic StrawFree University noong ika26 ng Mayo. Layunin ng proyektong ito na palawakin ang kaalaman at kamalayan ng publiko tungkol sa paggamit ng mga plastik na materyal at tuluyang mahikayat ang mga kabataan na gumamit ng alternatibo
na mas makabubuti para sa kalikasan. Madalas na ginagamit ng mga mag-aaral sa mga kainan ang plastic straw subalit isang malaking banta sa kalikasan ang patuloy na paggamit nito. Gawa sa isang uri ng plastik na tinatawag na propylene, kombinasyon ng hydrocarbon ang plastic straw na arawaraw na nakikita sa basurahan kasama ang iba pang mga basurang plastik. Bukod sa malubhang epekto nito sa kapaligiran kagaya ng pagbabara sa mga kanal na nadudulot ng baha sa kalsada, isa rin ito sa mga nakaaapekto sa mga organismong naninirahan sa mga anyong tubig ng bansa. “Providing metal straws to the Thomasian community is a small step towards change, but the one who’ll make it ‘big’ would be their consistent participation on the change that we’ve started,” wika ni Romulo
Terrado, dating awditor ng CSC. Ay o n sa dating mga opisyal, umaasa silang magsilbing paalalaang k a n i l a n g pinamigay na 500 metal straws na “wala namang mawawala sa kanila kung magsasakripisyo sila nang kaunti para sa kaligtasan ng kalikasan.” “It’s a simple act of kindness and stewardship to our environment,” wika ni Terrado. ALYSSA CARMINA A. GONZALES
KUHA NI E. C. TANDOC IV
Tiger Paddlers
Tigresses
MULA SA PAHINA 12
MULA SA PAHINA 11
yung pinagdadaanan ko. Hindi ako nakapag-training [nang maayos] dahil sa nararamdaman ko,” wika ng fifth year na mag-aaral ng Sports and Wellness Management. Sumasailalim ngayon ang manlalaro sa chemotherapy at medikasyon. Si Maldia ang nakatakdang maging team captain ng koponan ngunit napilitan si head coach Que na baguhin ang kaniyang desisyon at bigyang pansin ang kalusugan ng manlalaro. “Importante siya (Maldia) sa team dahil siya ‘yong dapat maglalaro sa doubles. Hindi natin sigurado kung makapaglalaro siya, kaya doon tayo nahihirapan ngayon. Baka magkulang tayo sa players,” wika ni Que. Noong nakaraang taon, 14 na laro ang naipanalo ng UST, kaya nabawi ang kampeonato mula sa La Salle.
team coach. Para naman kay team captain Jhenn Angeles, malaking tulong sa koponan na bumalik sa basic drills dahil ito ang naging suliranin nila noong nakaraang taon. “[H]indi kami aalis sa isang drill hangga’t hindi nagagawa nang [maayos] lahat,” wika ng fifth year na mag-aaral ng Sports and Wellness Management. Pinagtibay din ng Tigresses ang kanilang koponan sa mga susunod na taon sa tulong ng mga bagong recruit na sina Tabitha Valera, anak ni dating Growling Tiger Boy Valera, at ang 6’3” Congo-native na si Grace Irebu. Hindi muna makapaglalaro ang dalawa dahil sa isang taong residency rule ng UAAP. Para kay Ong, marami pang pagdadaanan ang dalawa ngunit magandang asset sila para sa koponan. Dagdag pa niya, plano ng koponan na makakuha ng limang panalo sa first round para mas malaki ang tiyansa nila sa susunod na round. Season 77 pa nang huling pumasok ang Growling Tigresses sa Final Four kung kailan kinapos sila ng isang puntos lamang, 61-62, kontra Far Eastern University. Nagtapos sila sa ikalimang puwesto sa nakaraangdalawang taon.
Baybayin MULA SA PAHINA 3 mga nangunguna sa pagsulong nito, kundi pati ng mga gagamit nito. Ika nga ni Jerry Gracio, komisyoner para sa mga wika sa Samar-Leyte sa Komisyon sa Wikang Filipino, sa isang panayam sa Varsitarian: “’Yong pag-aaral ng Baybayin ay kailangan para malaman natin kung saan tayo nanggaling. Pero ang importante ay hindi lamang ‘yung ating pinagmulan kundi [pati] ‘yung ating kasalukuyan.”
WINONA S. SADIA
10 Buhay Tomasino
IKA-31 NG AGOSTO, 2017
THE FRESHMEN TOUR NINA MARIYELLA ALYSA A. ABULAD, BLESSIE ANGELIE B. ANDRES AT JOELLE ALISON MAE EUSEBIO
Youth Day MULA SA PAHINA 7
youth coordinator ng Diyosesis ng San Pablo. Para kay Macandile, ipinapaalala ng Youth Day sa mga kabataan na ipalaganap ang Ebanghelyo sa harap ng mga pagbabago sa lipunan. “Sa panahon ng materyalismo, modernisasyon at pagkakaiba-iba ng kultura, ito ay masasabi kong mahirap o ‘suntok sa buwan’ ngunit ang pagiging ganap ng hamon na ito ay magbibigay ng kaligayahang tanging ang Panginoon lamang ang makakapagbigay sa atin,”
Artlets MULA SA PAHINA 2
panayam sa Varsitarian. Ayon kay Simbulan, pagtutuunan niya ng pansin ang pagrerebisa ng konstitusiyon ng Artlets Student Council matapos ang pagpaplano ng mga proyektong isasagawa ng konseho bago pa man siya maospital. “[My projects] will focus on amending the current [Artlets Student Council] constitution and consolidating the Artlets student body’s voices… [I] and the ABSC
Journalism MULA SA PAHINA 2
Drug operations MULA SA PAHINA 8 “Kailangan nating siguraduhin na ang confidentiality ng resulta ng mandatory drug tests ay binibigyan ng prayoridad. Dapat may katiyakang hindi magiging instrumento ang ating Unibersidad sa ruthless war on drugs at sa human
rights violations nito,” sabi niya. Tiniyak naman ng inilabas na memorandum ng CHEd na may “confidentiality at integrity sa resulta ng drug test” ng bawat mag-aaral. Papatawan ng parusa ang bawat miyembro ng fakultad, tagapangasiwa o empleyadong lalabag sa confidentiality ng resulta ng drug test ayon sa RA 9165. Sinabi ni Tetsuya Makino, pangulo ng UST
Medicine Student Council, na kailangan lamang pakinggan at hindi husgahan ang mga problema ng estudyanteng gumagamit ng ipinagbabawal na droga. “Bago bigyan ng rehabilitasiyon ang mga mag-aaral na gumagamit ng ilegal na droga, kailangan nating malaman ang kanilang kalagayan at imulat sila sa mga pinsalang dulot ng paggamit ng ilegal na droga,” ani Makino.
Dibuho ang mga estudyante ng fine arts na sina Blessie Angelie Andres at Rocher Faye Dularte kasama si Joelle Alison Mae Eusebio, isang journalism senior, at Mariyella Alysa Abulad, isang legal management junior. Kasama naman sa Potograpiya ang mga magaaral ng fine arts na sina Ann Margaret De Nys, Vince Christian Imperio, Maria Charisse Ann Refuerzo at Rhenwil James Santos, si Miah Terrenz Provido, isang medical technology senior, si
wika ni Macandile. Ayon naman kay Estuya, hinikayat ang mga kalahok ng AYD na maging “online missionaries of God” sa panahon ng social media at fake news na sabi niya ay nagdudulot ng pagkakawatak-watak. “Sa panahon ngayon na inaabuso ang paggamit ng social media, napapanahon ang naging session – workshop upang bigyang-diin na marapat na gamitin ang social media ayon sa kung bakit nga ba ito ginawa, at ito ay ang maghatid ng pagkakaisa at pagtatagpo,” wika ni Estuya. Dinaluhan ng mahigit 2,000 kabataan mula sa 22 bansa sa Asya ang Youth Day na may temang “Joyful Asian
Youth! L iving the Gospel in Multicultural Asia.” Pinamunuan ito ng Federation of Asian Bishops’ Conferences Laity and Family Office Youth Desk. Una itong ginanap sa Hua Hin, Thailand noong 1999 habang ginanap naman ang ika5 na Youth Day sa Imus, Cavite noong 2009. Gaganapin ang susunod na Asian Youth Day sa India sa 2020. Naghahanda na rin ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth sa National Youth Day na gaganapin sa Zamboanga City sa ika-6 hanggang ika-10 ng Nobyembre.
[executive board] have already met to plan and plot our events for the year,” wika ni Simbulan. Pinlano ng nagdaang administrasiyon ang pagrebisa sa konstitusiyon ng Artlets sa pangunguna ng dating pangulo na si Ysabela Marasigan. Sa isang pahayag na isinapubliko ng konseho sa kanilang pahina sa Facebook noong ika-26 ng Hulyo, sinabi ni Simbulan na bibitiw siya sa posisiyon sakaling hindi siya payagan ng kaniyang mga doktor na mag-enroll ngayong semester. Humingi ng paumanhin si Simbulan sa natagalang pag-amin tungkol sa kaniyang
kalagayan at pagtamo ng multiple injuries. Ayon kay Simbulan, hindi man inasahan ng ilang tao ang kaniyang pagbabalik, kinumbinsi niya ang kaniyang mga doktor na payagan siyang makapag-enroll. “I guess some people did not expect me to be enrolled, but I fought a long and difficult bargaining with my doctors for them to agree,” wika ni Simbulan. Nanalo si Simbulan sa pagkapangulo sa nagdaang Artlets local student elections noong Abril matapos magtamo ng 1,148 na boto. J.M.D.
Vladlynn Nona Maryse Tadeo, isang communication arts senior, at si Michael Angelo Reyes, isang architecture senior. Editorial assistant naman ang library and information science junior na si Miguel del Rosario. Nananatiling tagapayo ng pahayagan ang patnugot sa Arts and Books ng Philippine Daily Inquirer na si Joselito Zulueta, kasama pa rin ang lecturer at mamamahayag na si Felipe Salvosa II bilang katuwang na tagapayo. Nagdaan ang mga bagong manunulat sa matinding proseso ng pagpili na binubuo ng dalawang pagsusulit, isang panayam sa komite ng pagpili, at iba’t ibang staff development
activities upang mapabilang sa pahayagan. Ang komite ay pinangunahan ni Eldric Paul Peredo, abogado at dalubguro sa Commerce na dating punong patnugot ng Varsitarian. Kasama ni Peredo ang Palanca awardee at dating katuwang na patnugot ng pahayagan na si Carlomar Daoana at si Christian Esguerra, mamamahayag ng ANC at dating punong patnugot ng Varsitarian. Kasama rin sa komite ang direktor ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies na si Cristina Pantoja-Hidalgo at direktor ng Research Center for Culture, Arts and Humanities na si Joyce Arriola.
Urmenita Tria
and
P.F.V.
Patnugot: Randell Angelo B. Ritumalta
Pampalakasan 11
IKA-31 NG AGOSTO, 2017
UST Lady Jins gutom sa kampeonato MAS MABABANGIS na UST Lady Jins ang inaasahang sasabak sa UAAP Season 80 matapos nilang bigong makuha ang kampeonato sa nakaraang tatlong taon. Para kay head coach Jasmine Strachan-Simpao, kailangang pag-ibayuhin ng mga manlalaro ang ensayo. “Dapat mag-double time na, kasi ‘nung nakaraang taon hanggang pangalawang karangalan lang naaabot namin at syempre pagod na rin kami ‘dun. Gusto namin championship na,” wika ni Simpao sa isang panayam sa Varsitarian. Bukod sa pag-eensayo, hangad ni Simpao na mapalakas ang stamina ng Lady Jins gamit ang dagdag na strength at conditioning drills. Huling nakatikim ng kampeonato ang Lady Jins noong 2013. Susubukin naman ngayon ni bagong team captain Marjelle Sy na pamunuan ang Lady Jins tungo sa kampeonato. Papalitan nya ang graduate nang si Abigail Cham. Lumalaban si Sy sa kategoryang welterweight kung saan nagkamit siya ng ginto noong Season 78 at pilak noong Season 79. Nagsimula nang mag-ensayo ang Lady Jins noong Mayo. “Tinutulungan ko sila kapag may nakikita ako nanahihirapan sa training drills at pati na rin sa labas
ng pagiging atleta. Binibigyan namin ng suporta ang isa’t isa bilang grupo sa positibo o negatibo man na mgapangyayari,” wika ni Sy. Malaking banta man para sa Lady Jins ngayong taon ang defending champion na National University, tiwala pa rin si Simpao na mananaig sila dahil naaral na nila ang laro ng ibang mga koponan sa UAAP. Ngayong taon, mas pinili ng koponan na hindi lumahok sa mga pre-season tournaments sa taekwondo sa kagustuhang ilaan ang oras sa masidhing pagsasanay. “Mas kailangan naming magsikap dahil mayroon kaming target. Sinisigurado namin na kada ensayo, na kalagay sa isipan ng mga manlalaro na hindi kami nakatuon sapagkuha n g pangalawa o pangatlo kundi ‘yung ginto na talaga,” wika ni Simpao. Sisikaping matamo ng Lady Jins ang kanilang panlanbing-isang
kampeonato sa darating na season. Sila ang may pinakamaraming korona sa UAAP taekwondo history. M. A. C. CAMACHO
Growling Tigresses, sisikaping bumalik sa Final Four Ni JAN CARLO ANOLIN
KARANASAN at mas pinaigting na coaching system ang puhunan ng UST Growling Tigresses upang mamayagpag sa papalapit na UAAP Season 80. Sa ikalawang taon ni head coach Haydee Ong, iginiit niya na mas handa at mas magiging palaban ang UST dahil nasanay na ang mga manlalaro sa kaniyang sistema. “They now embrace the system. Not like last year, talagang nangangapa kami,” wika ni Ong sa isang panayam sa Varsitarian. Dagdag pa ni Ong, mas tumaas ang kalidad ng physical conditioning at skill level ng kaniyang mga manlalaro dahil sa mga sinalihan nilang pre-season tournaments. Nasungkit ng UST ang
ikaapat na puwesto sa Fr. Martin Cup noong Abril at lumahok din sa isang invitational tournament sa China mula ika-28 ng Mayo hanggang ikalawa ng Hunyo. Nakalaban nila sa China ang iba’t ibang mga manlalaro na kasapi sa Southeast Asian Games tulad ng Thailand at ChineseTaipei. Iginiit ng dating UST point guard na mahalagang maging mas mataas ang kompyansa at moral ng mga manlalaro para sa darating na season. “For the past few years, parang ayos lang sa kanila matalo. ‘Yon ang gusto kong palitan na mindset sakanila, [to make them realize] that they are a good team and they can be contenders,” wika ni Ong na dati ring national Tigresses PAHINA 9 Growling Tigresses
Batang Gilas, bagong sandigan ng Tiger Cubs
MULA SA PAHINA 2
NGAYONG di na maglalaro para sa UST Tiger Cubs si UAAP Mythical Five member Inand Fornilos, mas mabigat na responsibilidad ang haharapin ni Batang Gilas big man Bismarck Lina sa darating na UAAP Season 80. Si Lina ang tatayong starting center ng Tiger Cubs matapos mapagpasiyahan ng FilipinoNigerian na si Fornilos na maglaro para sa La Salle-Greenhills (LSGH) Greenies ng NCAA. Nakapagtala si Fornilos ng 11.5 puntos at 10.6 na rebounds noong nakaraang UAAP season. “Medyo nakaka-pressure din sa akin kasi halos apat lang kami na big men. ‘Yong nawala kay Fornilos, sinusubukan kong pantayan,” ayon kay Lina sa isang panayam ng Varsitarian. Nagpakitang gilas ang dating miyembro ng Chiang Kai Shek Blue Dragons sa finals ng Southeast Asian Basketball Association U-16 Championships nang magtala siya ng 13 puntos at 10 rebounds kontra Malaysia para sa ginto. Si Lina ang sumunod na Tomasinong napabilang sa U-16 national team mula nang mapasama si dating UAAP juniors Most Valuable Player at dating King Tiger Kevin Ferrer sa koponan noong 2009.
with the most votes next to abstain.” Ipinagsawalang-bisa ng judiciary board ang resolusiyon ng Comelec noong ika-10 ng Mayo na nagdeklarang bakante ang mga posisiyon para sa pagkapresidente, bise presidente, treasurer at auditor. Idiniin ng judiciary board na hindi dapat sinama ng Comelec ang “abstain” sa mga balotang ginagamit tuwing halalan dahil nilabag nito ang Article 10, Section 5 ng UST Student’s Election Code of 2011. Hindi nakadalo sa proklamasiyon ang mga bagong halal na CSC officers. Dumalo sa retreat si Grecia nang maganap ang proklamasiyon. Nasa isang leadership conference sina Gorospe at Santos sa Thailand, habang nasa klase naman sina Sepulchre, Nieto at Javier, ayon sa isang text message na ipinadala ni Bersonda sa Varsitarian. Hindi pa kinukumpirma nina Grecia, Sepulchre, Nieto and Javier ang pagtanggap nila sa kanilang mga posisiyon.
Kampante si Lina na kaya niyang makipagsabayan sa mga kapwa Batang Gilas big men tulad nina Geo Chiu at Kai Sotto ng Ateneo, at Raven Cortez ng De La Salle-Zobel, dahil pamilyar na siya sa kanilang estilo sa paglalaro. “Siguro, advantage ‘yon kasi alam ko na rin ‘yong totoong laro nila. Kasi dati, tinitingnan ko lang sila at iniisip ko lang kung paano ko sila dedepensahan. Noong nalaman ko ‘dun sa Gilas, medyo na-relax na lang ako,” wika niya. Inatasan na rin si Lina ni head coach Chris Cantonjos na manduhan ang depensa sa loob. “Dedepensahan ko ‘yong post area. Hangga’t maaari, hindi ko papatirahin ang mga bantay ko sa poste. Tapos ‘yong mga rebound, dadamihan ko,” wika ni Lina. Ayon kay Cantonjos, magandang karanasan ang international tournaments para kay Lina upang mahasa pa ang kaniyang laro. “Iyon ang kagandahan ng napupunta ka ‘dun sa higher league. Kasi kahit nawala ka sa team, mabilis kang makakabalik sa atin kasi nga ‘yong mga experience na nakukuha ang bilis mong magagamit pagbalik mo rito,” wika ni Cantojos sa isang panayam. Pinuri naman ni team captain
CJ Balingit ang tapang at bangis ni Lina sa pakikipagsapalaran sa depensa. Dagdag pa niya, malaki rin ang iginaling ng sentro matapos ang torneo ng Batang Gilas noong Mayo. “Hindi naman lahat ng mga kasingbata niya, may tapang n a
kagaya ‘nung [sa] kaniya. Malaki na ‘yong progression niya,” wika ni Balingit. Nagtala si Lina ng 4.1 puntos at 7.4 rebounds noong Hulyo sa nakaraang Filoil Cup kung saan nagtapos ang Tiger Cubs sa ikaapat na pwesto. MA. ANGELA CHRISTA COLOMA AT I. R. L. SUING
Lina
Opisyal
Pampalakasan
IKA-31 NG AGOSTO, 2017
Dating PBA players, pasok sa UST coaching staff PASOK sa coaching staff ng UST Growling Tigers ang mga dating PBA players na sina Gerry Esplana at Bobby Jose. Makakatulong sila ni head coach Rodil “Boy” Sablan na pinutakti ng kontrobersya matapos malaglag sa ikawalong puwesto ang koponan noong nakaraang season. Nagreklamo rin ang dating Tiger na si Mario Bonleon dahil nagbabayad daw ang ibang manlalaro kaya mas mahaba ang playing time sa ilalim ni Sablan. Dati nang pinabulaanan ni Sablan ang mga akusasyon. Dating coach ng Emilio Aguinaldo College si Esplana habang naglaro para sa noo’y UST Glowing Goldies si Jose. Naging Rookie of the Year si Esplana para sa PBA team na Presto Tivolis noong 1990 bago lumipat sa Sta. Lucia Realtors noong 1993. Naging parte naman si Jose ng San Miguel Beermen na nagwagi ng tatlong sunod na kampeonato noong 1989. “Pinagkakatiwalaan ko silang dalawa kasi malaki ang naitutulong ni coach Gerry sa mga point guard at marami siyang experience na naibigay. Si coach Bobby naman, sa
big men at forwards naka-focus,” wika ni Sablan. Walo ang rookies na sasabak para sa Growling Tigers sa darating na UAAP. Pero umaasa si Sablan na mas maganda ang ipakikita ng koponan. Handa nang maglaro ang Cameroonian big man na si Steve Akomo na kinailangan munang tapusin ang isang taong residency. Siya ang inaasahang sagot ng UST sa reigning Most Valuable Player na si Ben Mbala ng defending champion na De La Salle University. Si Marvin Lee ang bagong team captain ng koponan na kabilang pa rin ang mga beteranong sina Zachary Huang, Jeepy Faundo, Justin Arana, Joco Macasaet, Enrique Caunan, at Oliver de Guzman. “Sinasabi ko na lang sa kanila na tulungan tayo, kasi kami rin naman ang magkakasama hanggang dulo,” ani Lee. Makakaharap ng Tigers ang University of the Philippines Fighting Maroons sa ika-10 ng Setyembre sa Mall of Asia Arena. I.R. L. Suing
Jose Esplana
IMAHE MULA SA SPIN.PH
Lady Booter, pasok UST beach volleyball handang depensahan ang korona sa nat’l team Ni RANDELL ANGELO B. RITUMALTA
PASOK ang Lady Booter na si Charisa Lemoran sa national women’s football team na sumabak sa Southeast Asian Games (SEAG) noong ika-14 ng Agosto “Masaya siyempre kasi lahat naman gustong kumatawan sa bansa at pagkatapos ng pitong taon, makakapaglaro na ulit ako para sa bansa,” wika ni Lemoran sa panayam ng Varsitarian. Naging bahagi si Lemoran ng under-13 national team na sumali sa Asian Football Confederation U-13 Girls Festival of Football sa Vietnam noong 2010. Kinuha rin siya ng coaches para mag-ensayo at maglaro sa ilang tune-up games sa Japan bilang paghahanda para sa SEAG. Malaking tulong si Lemoran para makabalik ang Lady Booters sa finals noong isang taon. Huli nila itong nagawa noong 2012. Bagaman natalo ang koponan sa La Salle, napabilang si Lemoran sa mga Mythical Strikers. Si Lemoran a n g nagbuslo ng 11 sa 16 na goals ng UST sa buong Season 79.
SISIKAPING depensahan ng UST beach volleyball teams ang kampeonato sa darating na UAAP Season 80 pero hindi ito inaasahang magiging madali. ‘Di makakalaro para sa UST Lady Spikers si Jem Nicole Gutierrez. Nagpasya itong sumabak sa Philippine Army sa kahilingan ng kaniyang mga magulang. “Medyo malayo-layo pa ang hinahabol namin. Kay [Cherry] Rondina, wala nang problema, pero di pa namin makita kung sinong ipapartner sa kaniya,” ayon kay head coach Paul Jan Doloiras. Inaalam ngayon kung sino ang pwedeng humalili para kay
Gutierrez. Nariyan sina Season 79 Rookie of the Year Caitlyn Viray at Jinggay Bangan na dating miyembro ng Team B. “Tinatiyaga [pa] naming parehas ‘tong dalawa na nanggaling sa Team B kaya [medyo] hilaw pa [ang kanilang laro],” wika ni Doloiras. Noong nakaraang taon, isang beses lang natalo ang Lady Spikers bago masungkit ang korona kontra sa Far Eastern University (FEU). Sakaling makuha ng Lady Spikers ang ikalima nilang titulo, sila na ang tatanghaling pinakamatagumpay na koponan sa UAAP. Graduating naman sina Anthony
Arbasto at Kris Roy Guzman ng Tiger Spikers kaya aminado si Doloiras na hirap sila ngayon sa ensayo. Pero malaking tulong ang paglahok nila sa Beach Volleyball Republic noong Hulyo. Nasungkit ng dalawa ang ikalawang puwesto. “Tinutulak namin ang sarili namin para lumakas at tumagal pa lalo sa loob ng court kasi alam naming malalakas ‘yung teams na makakaharap namin,” wika ni Arbasto. Matapos maging runnersup sa tatlong magkakasunod na taon, naiuwi ng Tiger Spikers ang kampeonato noong nakaraang taon nang matalo nila ang FEU. MA. ANGELA CHRISTA COLOMA
Tiger Paddlers, susulong sa bagong liderato Nina JAN CARLO ANOLIN at M.A.C. CAMACHO MATAPOS bawiin ng UST Tiger Paddlers ang kampeonato mula sa karibal na De La Salle University noong isang taon, kampante ang koponan na mapapanatili nila ang titulo ngayong UAAP Season 80. Sisikaping punan ng senior player na si Paul Que ang binakanteng puwesto ni dating team captain at Season 79 Most Valuable Player Norielle Pantoja at ng mga beteranong sina Gil Ablanque at Alberto Bazar. Ayon kay head coach Jackson Que, mabigat man ang pagkawala ng tatlong beterano, nananatiling malaki ang tiwala niya sa koponan, lalo na sa mga manlalarong galing sa Team B. “Nasanay na sila sa [sistema] kasi wala tayong rookies. Alam na nila ‘yong procedures at alam na nila ‘yong gagawin,” wika ni Que sa isang panayam sa Varsitarian. Sa pagsasara ng Season 79, hindi naging madaling desisyon
Lemoran
Tiger Paddlers
para sa bagong team captain na si Paul ang magpatuloy sa paglalaro dahil nakapagtapos na siya sa kursong accountancy. “[N]aging malapit na rin ako sa kanila at gusto ko pang makatulong sa UST. Inisip ko rin ‘yong pagaaral kasi sayang ‘yong scholarship, kaya nagpasya ako na ituloy ‘yung master’s degree [at makapaglaro pa.]” Kumukuha si Que ng masteradong degree sa Developmental Studies sa Graduate School ng Unibersidad. Bukod kay Que, inaasahang magiging sandalan din ng koponan ang beteranong si Rian Maldia. Ngunit noong Enero, napag-alaman ng manlalaro na positibo siya sa stage 1 ng lymphoma o kanser sa lympathic system kaya’t walang kasiguraduhan na makakapaglaro siya sa kaniyang huling playing year. “Mahirap, kasi hindi basta-basta
Tiger Paddlers PAHINA 9