TOMO XCI / BLG. 9 · SETYEMBRE 20, 2020 · ANG OPISIYAL NA PAHAYAGANG PANG MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS · Maynila, Filipinas ON SOCIAL MEDIA
facebook/varsitarian
twitter@varsitarianust
youtube/TheVarsitarianUST
PINTIG p.7
instagram varsitarian.ust
BREAKING NEWS & REAL-TIME UPDATES at www.varsitarian.net
MULINYO p.8
Mensahe sa pista ni Santo Domingo:
‘MAMULAT, MAGING INSTRUMENTO NG PAG-ASA’
Dibuhista ng V, nakabuo ng P34K para sa iba’t-ibang COVID-19 beneficiaries
PAMPALAKASAN p.11
Pole vaulter na si Obiena, wagi sa torneo sa Monaco
EDITORYAL
Batas militar, iwaksi at laging tutulan
UST, UNYON LUMAGDA SA BAGONG KASUNDUAN SA PAGTAAS SA SUWELDO PABOR ang 1,232 na miyembro ng UST Faculty Union (USTFU) sa bagong Collective Bargaining Agreement (CBA) sa pagtaas sa suweldo at benepisyo ng mga guro.
HABAMBUHAY nakaukit sa kamalayan ng mga biktima ng Martial Law ang kalapastanganan na natamo nila noong panahong unang pinamunuan ng diktador na si Ferdinand Marcos ang Pilipinas. Subalit mas malaking pambabastos sa ala-ala ng mga nakaranas nito ang pagtatakip at pagsasaisang-tabi ng mga kasamaang naganap noong mga panahong iyon kahit sila ay nabubuhay pa. Editoryal PAHINA 4
UST Hospital nagtalaga ng bagong assistant medical director, mga hepe ng iba’t ibang kagawaran
Sa “online” na botohang isinagawa noong ika14 hanggang 16 ng Setyembre, 2,186 na miyembro ng USTFU ang lumahok. Bukod sa bumoto ng “yes,” 204 ang bumoto ng “no” at 721 ang “abstain” o di bumoto. “Void” naman ang mga labi. Pinamunuan ng Rector ng Unibersidad na si Fr. Richard Ang, O.P. at pangulo ng USTFU na si Dr. George Lim noong ika-2 ng Setyembre ang paglagda ng bagong kasunduan na sumasakop sa kaguruan para sa mga taong 2016 hanggang 2021. Sa isang pahayag, sinabi ng parehong panig ng Unibersidad at ng unyon na nakasentro sa
kapakanan ng mga tauhang akademikong at ng Unibersidad ang negosasyong nagsimula noong Hunyo, at isinasaalang-alang ang “dynamic context” ng institusyon ngayong sinusubukan nitong umayon sa nagbabagong pamamaraan ng edukasyon. Noong ika-27 ng Agosto, sinabi ni Lim sa isang liham sa mga miyembro na ang bagong CBA ay nagtuon lamang sa mga probisyong tungkol sa sahod at benepisyo at isinantabi ang mga pulitikal na probisyon. Ito umano ang kagustuhan ng mahigit 700 na miyembro ng kaguruan na tumugon sa isang survey. Nagbabala rin siyang kapag hindi naipagtibay ang bagong CBA ay magkakaroon ng mas maraming pagkaantala sa pagtaas ng suweldo at benepisyo ng mga guro. Sa ilalim ng bagong CBA, ang suweldo ay tumaas ng P64.29 kada yunit para sa Taong Akademiko (TA) 2017-2018 at P59.82 para sa TA 2018-2019.
Ang iba pang mga benepisyo tulad ng birthday at goodwill bonus, medical cash allowance, emergency loans, bigas na in-cash o in-kind, taunang pagbibigay ng “goods” batay sa taon ng paglilingkod, at loyalty gift kapag nagretiro ay tumaas rin kumpara sa nakaraang CBA noong 2011 hanggang 2016. Ang transportation allowance, mid-year bonus at meal allowance ay idinagdag na rin sa 13th month pay. Bibigyan rin ang mga miyembro ng tulong sa pagpapaospital at gamot, pati na rin ng “pandemic assistance” na P10,000 sa gitna ng paglaganap ng sakit na Covid-19. Ang CBA ay isang kontrata sa pagitan ng isang employer at isang labor union kung saan nakalatag ang mga kundisyon sa pagtatrabaho, tulad ng sahod, oras ng pagtatrabaho at mga benepisyong. Ang huling CBA na pinagtibay ng kaguruan ay noon pang 2014, kung saan nalutas ang “deadlock” sa negosasyon sa pamamagitan ng “backchannel talks.” CHARM RYANNE C. MAGPALI AT LAURD MENHARD B. SALEN
Balita PAHINA 2
‘Roarientation’: Virtual campus tour para sa freshmen, isinagawa sa larong Minecraft Balita PAHINA 3
DIBUHO NI MARIANE JANE A. CADIZ