2009-09-14-18.32.28

Page 1

i


V

Mga Estratehiya at mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino para sa Elementarya (Baitang 1-3) ISBN

PAUNANG SALITA Sa paaralang elementarya, ang araling Filipino ay tinatawag na Sining ng Komunikasyon sa Filipino mula Kinder hanggang Ikaanim na Baitang. Sa araling ito, magkakaugnay na itinuturo ang mga makrong kasanayang nauukol sa Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, at Pagsulat. Makikita sa Pang-elementaryang Kasanayan sa Filipino (Philippine Elementary Learning Competencies) na ipinamamahagi ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepED ) ang mga batayang kasanayan na dapat matamo ng mga mag-aaral sa bawat taon ng kanilang pagaaral sa elementarya. Simula noong 1998, ang DepED ay nagsasagawa na ng mga pangunahing hakbang upang rebyuhin ang umiiral na kurikulum. Sa mga konsultasyong isinagawa sa iba’t ibang sektor, naririto ang karaniwang naging obserbasyon.

978-971-07-2457-4

Karapatang-ari

 2007 ng Vibal Publishing House, Inc.

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang pelikula, nang walang nakasulat na pahintulot ang tagapaglathala at may-akda. Hindi sakop ng karapatang-ari ang suring-aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin. Lahat ng drowing na ginamit sa aklat na ito ay pag-aari ng Vibal Publishing House, Inc. at di-maaaring kopyahin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot ang tagapaglathala. Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng

v

Vibal Publishing House, Inc.

Punong Tanggapan: Tanggapang Panrehiyon:

1. Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuro mula sa elementarya hanggang sa tersyarya. Hindi panlinggwistika ang pagsusuri at pagaanalisang ginagawa.

1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City Unit 202 Cebu Holdings Center, Business Park, Cardinal Rosales Avenue, Cebu City

2. Hindi naihahanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang hinihingi sa kolehiyo.

Kalamansi St. cor. 1st Avenue, Juna Subdivision, Matina, Davao City Unit 6, 144 M. H. del Pilar St., Molo, Iloilo City

3. Hindi lubusang nililinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo (kaalamang gramatikal, kaalamang diskors, kaalamang strategic, at kaalamang sosyolinggwistik).

Unit 4. Bldg. A, Pride Rock Business Park, Gusa, Cagayan de Oro City

4. Hindi wastong pagtalakay sa panitikan bilang isang disiplina. 5. Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan at kaalaman sa masining na pagbasa at malikhaing pagsulat.

Kasapi: Philippine Educational Publishers’ Association; Book Development Association; Association of South East Asian Publishers; Graphic Arts Technical Foundation

ii


ng masteri. Sa pagtatapos ng lebel 3, inaasahang ang lahat ng mag-aaral ay marunong nang bumasa at umunawa ng mga simpleng talata.

6. Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba pang asignatura na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo. 7. Nanatiling napakababa ng iskor sa National Secondary Achievement Test (NSAT) 64% sa loob ng tatlong taon.

Sa lebel 4-6 naman, ang pantulong na asignatura na ito ay lilinang sa kakayahan at kasanayan ng mga magaaral na gamitin ang Filipino sa malikhain at kritikal na pag-iisip at maging mahusay sa pakikipagtalastasan. At sa pagtatapos ng lebel 6, inaasahang ang mag-aaral ay nakapagbubuod ng binasa at pinakinggan, nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga sangkap ng iba’t ibang bahagi ng pananalita, nakagagamit ng diksyunaryo, thesaurus, at iba pang sanggunian sa paghanap ng impormasyon. Inaasahan ring nakapag-aayos ng napakinggang teksto at naililipat ang impormasyon tungo sa iba pang anyo ng pagpapahayag. Nagagamit ang iba’t ibang pangungusap sa pagpapaliwanag, nakapagbibigay-solusyon sa mga suliranin batay sa karanasan at mga natutuhang kaalaman sa anumang sitwasyon, at nakasusulat ng iskrip, paglalarawan, pictorial essay, o talumpati sa tulong ng mga ideya/tala na binuo ng klase.

Sa tulong ng mga obserbasyong nakalap mula sa mga isinagawang konsultasyon, nabuo ang kapasyahang nararapat na magkaroon ng pagre-refocus ang kurikulum ng Filipino sa batayang edukasyon. Narito ang mga naisagawang hakbangin tungo rito. 1. Naghanda ng isang batayang framework Sa nasabing framework, malinaw na ang pangunahing mithiin ng pagtuturo ng Filipino ay makalinang ng isang mag-aaral na maging mahusay sa pakikipagtalastasan sa Filipino, kinakailangang taglay niya ang apat na kasanayang makro – pagbasa, pagsulat, pagsasalita, at pakikinig. Dapat ding taglayin niya ang mga kaalamang hinihingi tulad ng kaalamang gramatikal, diskors, strategic, at sosyolinggwistik. Sa proseso ng pagkatuto, ang mga aralin ay hahanguin sa mga asignaturang pangnilalaman.

Sa kasaysayan ng pagtuturo ng wika, tayong mga guro ay nakaranas sa pagdating at paggamit ng maraming pamaraan na unti-unting kumukupas o nawawala sa paglipas ng ilang panahon. Isa itong siklikal na proseso ng pagbabago at pag-unlad ng pagtuturo at pagkatuto ng wika kung kaya patuloy na naghahanap ang mga guro ng mga estratehiya/ pamamaraan sa epektibong pagtuturo ng ugnayan ng mga makro ng komunikasyon tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Samantala, liwanagin muna natin kung ano ang pamaraan.

2. Tiniyak na deskripsyon bilang isang asignatura Sa binagong kurikulum para sa batayang edukasyon, ang Filipino ay makikilala bilang isa sa mga pantulong na asignatura. Bilang pantulong na asignatura sa elementarya, binigyan ng pokus ang paglinang sa apat na makrong kasanayan at sa kaisipang Pilipino. Sa lebel 1-3, ang mga makrong kasanayan ay lilinangin sa mga komunikasyong sitwasyunal sa tulong ng iba’t ibang materyales tulad ng mga tugma, tula, kwento, at mga dayalog na ang layon ay makapagtamo

iii


Ganito ang tatlong hierarchy na elemento ng epektibong pagtuturo ng wika ayon kay Edward Anthony.

Sinikap na mailahad sa aklat na ito ang mga napapanahong kaalaman at impormasyon hinggil sa mga praktikal at epektibong dulog sa pagtuturo ng Filipino sa una hanggang ikatlong baitang. Ibinatay ito sa mga teorya at simulaing magbigay-hugis at buhay sa mga ito upang mabisang magamit ng mga guro sa paglinang ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral.

(1) Pagdulog

Ang aklat na ito ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay tungkol sa mga pagdulog, estratehiya/pamamaraan/ teknik sa pagtuturo ng Filipino. Ang ikalawang bahagi naman ay mga banghay-aralin na may iba’t ibang mungkahing estratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa apat na makro: pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Integratibo ang mga aralin dito sapagkat nagkakaroon ng pag-uugnayan ang mga kasanayan at paksang-aralin gayundin ang mga seleksyong tinatalakay sa wika at pagbasa.

(2) Pamaraan

(3) Teknik

(3) Teknik

Binigyang-diin ang paggamit ng dating kaalaman/iskema ng mga mag-aaral upang maunawaan nila ang tekstong pakikinggan, babasahin, o isusulat. Ang pag-uugnayan ng wika sa pagsulat; pagbasa at pagsulat ay binigyang-diin sapagkat kapwa prosesong kognitibo ang nililinang sa tulong ng dating kaalaman sa wika (linguistic knowledge) at kaalaman sa paksa (world knowledge).

(3) Teknik

Ayon kay Anthony, ang pagdulog ay isang set ng pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagtuturo, at pagkatuto. Ang pamaraan ay isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika at batay ito sa isang pagdulog. Ang teknik ay ang tiyak na gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo at konsistent sa isang pamaraan at katugong pagdulog.

Ang aklat na ito ay hindi lamang para sa mga datihang mga guro kundi lalong higit para sa mga malapit nang maging guro at mga bagong guro na nangangailangan ng tulong kung paano nila haharapin ang pagtuturo ng Filipino lalung-lalo na sa lebel elementarya sa una hanggang ikatlong baitang.

Sadyang inihanda namin ang mga hulwarang banghayaralin na gumamit ng iba’t ibang pagdulog, pamaraan, at teknik sa mabisang pagtuturo ng mga makrong kasanayang pangwika tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.

Ang mga May-akda

iv


MGA NILALAMAN Paghahanda ng Banghay-Aralin ............................................. A. Ang Banghay-Aralin Ayon sa Bagong Kurikulum Para sa Antas Elementarya, 2; B. Mga Mungkahing Gawaing Pansilid-aralan na Isinasagawa ng mga Guro Araw-araw, 2; C. Mabisang Pag-uugnay ng mga Gawaing Nakapaloob sa Pinagsanib na mga Aralin, 3

2

Ang Pagtuturo ng Pakikinig .................................................... A. Mga Uri ng Pakikinig, 3; B. Dulog sa Pagtuturo ng Pakikinig, 3; C. Pag-aangkop ng Pagtuturo ng Pakikinig sa mga Pangangailangan ng Mag-aaral, 4; D. Mga Proseso sa Pakikinig, 4; E. Ang Pamaraang Audiolingual (ALM), 5; F. Ang Suggestopedia, 5; G. Ang Silent Way, 6; H. Ang Total Physical Response (TPR), 6; I. Pagpaplano ng Isang Aralin sa Pakikinig, 7

3

Ang Pagtuturo ng Pagsasalita ................................................

7

Paglalapat ng mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Panimulang Pagbasa ................................................ 13 Read Aloud, 13; Mga Paraan ng Pagsasagawa ng Read Aloud, 13; Ang Pagtuturo ng Panimulang Pagbasa sa Modelong Interactive, Collaborative, at Integrative, 15 A. Mga Bagong Pananaw, 15; B. Mga Gawaing Lilinang sa Panimulang Literasi, 16; C. Pakikinig ng Kwento/Pagbasa ng Kwento, 17

Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Pagbasa Nang May Pang-unawa .................................................. 19

Iba Pang Teknik at mga Gawain sa Pagtuturo ng Talasalitaan ....................................... 24

Mga Pagdulog, Estratehiya/Pamaraan/Teknik sa Pagtuturo ng Komunikasyon sa Filipino ............. 26 I. Pagdulog na Nakabatay sa Nilalaman (Content Based Approached) ....................................... 27 II. Pagdulog sa Pinagsanib o Integratibong Pagtuturo (Integrative Approach) ............................... 28 III. Ang Integratibong Pagtuturo Batay sa mga Estratehiyang Brain Based ............................ 28 IV. Mga Estratehiyang Lilinang sa Multiple Intelligences (MI) .......................................................... 28 V. Mga Estratehiyang Magagamit sa Interaktibong Pagtuturo ......................................... 29 • Mga Modelong Estratehiya at Instruksyunal na Teknik (Model Strategies and Instructional Techniques) ............. 31 A. Mga Instruksyunal na Teknik..................................... 31 B. Ang Pagkatuto na Tulung-tulong (Cooperative Learning) ................................................ 32 C. Ang Pamaraang Silent Way ........................................ 32 D. Ang Pagkukumpol (Clustering) .................................. 33 E. Ang Pamaraang Four Pronged ................................... 33

Bagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika, 7 Ang Pagtuturo ng Pagbasa .....................................................

8

• •

Mga Hulwarang Teorya ng Pagbasa .......................... Mga Yugto ng Pagbasa ................................................... Yugto ng Kahandaan sa Pagbasa, 9; Yugto ng Panimulang Pagbasa, 10; Yugto ng Debelopmental na Pagbasa, 11; Yugto ng Malawakang Pagbasa, 11

9 9

• •

Palatandan ng Kahandaan sa Pagbasa .................... Ilang Pananaw at Paghahambing ng Pagtuturo ng Pagbasa Noon at Ngayon ........................................ Implikasyon sa Pagtuturo ng Pagbasa .....................

11

11 12

v


Ang Pagtuturo ng Pagsulat ................................................. • Kahandaan sa Pagsulat .......................................... • Panimulang Pagsulat .............................................. • Mga Batayang Pamatnubay ...................................

33 34 35 35

MGA BANGHAY-ARALIN Unang Baitang Aralin 1 ..................................................................................... A. Pakikinig: Pag-uulit ng Huni ng mga Hayop , 37; B. Pagsasalita: Paggamit ng Magagalang na Pagbati, 41; C. Pagbasa: Pagtukoy ng mga Bagong Salita at Kahulugan Nito, 43; Pagbasa nang may Wastong Galaw ng Mata, 44; D. Pagsulat: Pagsunod sa mga Pamantayan sa Pagsulat, 45

36

Aralin 2 ..................................................................................... A. Pakikinig: Pagtukoy sa Huling Tunog/Pantig ng Salitang Napakinggan, 47; B. Pagsasalita: Pagpapakilala ng Sarili, 48; C. Pagbasa: Pagkilala ng mga Bagong Salita at Kahulugan Nito, 50; Pag-uuri-uri ng Magkakatulad na Bagay Ayon sa Kulay, Hugis, Laki, 50; D. Pagsulat: Pagdurugtung-dugtong ng Putul-putol na Guhit, 51

46

Aralin 3 ..................................................................................... A. Pakikinig: Pagsasabi ng mga Tunog ng Katinig/Patinig na Pinagsama sa Napakinggang Pantig/Salita , 53; B. Pagsasalita: Pagkilala ng Gamit ng Ako, Ikaw, Siya, 55; C. Pagbasa: Pagkilala sa Kahulugan ng mga Bagong Salita sa Tulong ng mga Larawan, 57; Pagbuo ng mga Salita sa Pagsasama-sama ng mga Pantig, 58; D. Pagsulat: Wastong Pagsulat ng Titik N-n, 60

53

Aralin 4 ..................................................................................... A. Pakikinig: Pagbibigay ng mga Salitang Magkakatugma, 61; B. Pagsasalita: Pagtukoy sa mga Salitang Nagsasaad ng Kilos, 63; C. Pagbasa: Pagkilala sa Kahulugan ng Salita sa Tulong ng Puzzle; 65; Pagbasa sa Unang Tingin ng mga Label ng mga Bagay/Larawan, 65; D. Pagsulat: Pagsulat ng Malalaki at Maliliit na Titik ng Alpabeto, 67

61

Aralin 5 ..................................................................................... A. Pakikinig: Pag-uulit ng Mahahalagang Pangyayari sa Kwentong Napakinggan, 69; B. Pagsasalita: Pagbuo ng Payak/Pasalaysay at Patanong na Pangungusap, 71; C. Pagbasa: Pagkilala sa Salita sa Tulong ng Puzzle/ Pahulaan, 74; Pagtukoy sa mga Sagot sa Tanong na Literal, 74; D. Pagsulat: Pagsulat ng Pasalaysay at Patanong na Pangungusap na Idinidikta, 76

68

Ikalawang Baitang Aralin 1 ..................................................................................... A. Pakikinig: Pagtukoy sa Tunog ng mga Sasakyan at Pagsasabi ng Kahulugan ng Tunog Nito, 79; B. Pagsasalita: Magagalang na Pananalita sa: (Pagtanggap ng Panauhin, Paghingi ng Pahintulot, Pakikipag-usap sa Matatanda, Pasasalamat), 81; C.Pagbasa: Pag-uugnay ng Larawan sa Salita, 84; Pagbasa nang may Wastong Paglilipon ng mga Salita , 84; D. Pagsulat: Pagsipi ng Pangungusap na may Wastong Anyo at Hugis ng mga Titik ng Salita, 86 Aralin 2 ..................................................................................... A. Pakikinig: Pagsagot sa Tanong Tungkol sa Detalyeng Narinig, 87; B. Pagsasalita: Wastong Gamit ng Kami, Tayo, Sila, Kayo , 90; C. Pagbasa: Pagkilala ng Salita sa Pamamagitan ng Kahulugan, 92; Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Binasa, 92; D. Pagsulat: Wastong Pagsulat ng mga Titik na B, C, D, E, F, G, J, O, P, Q, R, at S, 94 vi

78

87


Aralin 3 ..................................................................................... A. Pakikinig: Pagsasalaysay na Muli ng Kwento, 97; B. Pagsasalita: Wastong Gamit ng Salitang Kilos , 98; C. Pagbasa: Pagsusunud-sunod ng mga Salita Ayon sa Alpabeto, 101; Pagsusunud-sunod ng mga Pangyayari, 102; D. Pagsulat: Wastong Pagsulat ng mga Titik na S, G, H, K, L, Q, at X, 103

96

Aralin 4 ..................................................................................... A. Pakikinig: Pagsasabi ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari, 105; B. Pagsasalita: Wastong Gamit ng Ngalan ng mga Buwan Bilang Pang-abay , 107; C. Pagbasa: Pagbibigay ng mga Salitang Pareho ang Kahulugan,109; Pagbibigay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari, 110; D. Pagsulat: Kabit-kabit na Pagsulat ng Ngalan ng mga Buwan, 111

104

Aralin 5 .................................................................................... A. Pakikinig: Pagtukoy ng Mahahalagang Impormasyong Narinig , 114; B. Pagsasalita: Pagkilala at Pagbibigay ng Halimbawa ng mga Pangungusap na Padamdam, 115; C. Pagbasa: Pagtatambal ng Salita sa Larawan , 118; Pagtatala ng Mahahalagang Impormasyong Nabasa, 118; D. Pagsulat: Paggamit ng Malaking Titik at Bantas na Pandamdam, 120

112

Ikatlong Baitang Aralin 1 ..................................................................................... A. Pakikinig: Wastong Bigkas ng mga Salitang may Tunog na /e/, /i/, /o/, at /u/, 122; B. Pagsasalita: Pagsasakilos ng mga Sinabi ng Tauhan,124; C. Pagbasa: Pagsasaayos ng Pantig sa Pagbuo ng Bagong Salita ,128; Pagtukoy sa Mahahalagang Detalye sa Kwento, 128; D. Pagsulat: Wastong Gamit ng Kuwit sa Serye ng mga Salita, 129

121

vii 1

Aralin 2 ..................................................................................... A. Pakikinig: Wastong Pagbigkas ng mga Salitang may Diptonggo, 131; B. Pagsasalita: Wastong Paggamit ng mga Pangngalan sa Pangungusap,133; C. Pagbasa: Pagkilala/Pagbasa ng mga Salitang may Diptonggo,135; Pagsusunud-sunod ng mga Pangyayari, 136; D. Pagsulat: Paggamit ng Malaking Titik sa Pagsulat ng mga Pangngalang Pantangi,138

130

Aralin 3 ..................................................................................... A. Pakikinig: Pagsasakilos ng Nagustuhang Bahagi ng Napakinggang Kwento, 142; B. Pagsasalita: Paggamit sa Pangungusap ng mga Salitang Inihahalili sa Pangalan ng Tao, 144; C. Pagbasa: Pagkilala sa mga Salitang Nakapaloob sa Mahabang Salita,146, Pagbibigay-hinuha sa Angkop na Pamagat ng Paksa/Talata,147; D. Pagsulat: Pagsulat ng Talata Tungkol sa Sariling Karanasan, 148

139

Aralin 4 ..................................................................................... A. Pakikinig: Pagtukoy sa Damdamin ng Tauhan,152; B. Pagsasalita: Paggamit ng Iba’t Ibang Aspekto ng Pandiwa,153; C. Pagbasa: Pagbasa nang Mabilis ng mga Salitang Hiram,156, Pagtukoy sa mga Bahagi ng Aklat, 156; D. Pagsulat: Pagsulat ng Maikling Kathambuhay, 158

149

Aralin 5 ..................................................................................... A. Pakikinig: Pagsasalaysay ng Napakinggang Kwento, 161; B. Pagsasalita: Pag-uuri-uri ng mga Pang-uring Naglalarawan ,164; C. Pagbasa: Pagtukoy sa mga Magkakaugnay na Salita, 167; Pagbuo ng Palagay Tungkol sa mga Pangyayari, 167; D. Pagsulat: Pagsulat ng Liham Paanyaya, 168

160


• MGA BANGHAY-ARALIN UNANG BAITANG ARALIN

1

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Four Pronged Approach sa Pinagsanib na Pagtuturo ng mga Makrong Kasanayan sa Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, at Pagsulat Pakikinig Paggamit ng: * Dating Kaalaman (Teoryang Iskema) * Komik Istrip/ Big Book * Pinatnubayang Pakikinig at Pagiisip * Graphic Organizer * Paraang Clustering (Pagkukumpol) * Laro * Paligsahan

I.

Pagsasalita

Pagbasa

Pagsulat

Paggamit ng:

Paggamit ng:

Paggamit ng:

* Dating Kaalaman (Teoryang Iskema)

* Dating Kaalaman

* Dating Kaalaman (Teoryang Iskema)

* Venn Diagram

* Modelo * Pakwadrong Pagsasalaysay * Demonstrasyon/ Pagpa(Story pakita ng Frame) Gawain

* Paligsahan * Larawan

* Big Book (Read Aloud)

* Laro

LAYUNIN A. Pakikinig • Nagkakaroon ng kawilihan sa pakikinig ng kwento sa pamamagitan ng paggaya ng napakinggang huni ng mga hayop

36

B. Pagsasalita • Nagagamit ang magagalang na pagbati sa umaga/ tanghali/hapon/gabi C. Pagbasa • Natutukoy ang mga bagong salita at kahulugan nito • Nakababasa nang may wastong galaw/hagod ng mata mula sa kaliwa-pakanan, itaas-pababa D. Pagsulat • Nakasusunod sa mga pamantayan sa pagsulat gaya ng pag-upo, paghawak ng lapis, posisyon ng katawan II. PAKSANG-ARALIN A. Pag-uulit ng Huni ng mga Hayop B. Paggamit ng Magagalang na Pagbati C. Naligaw si Kambing Liit • Pagtukoy ng mga Bagong Salita at Kahulugan Nito • Pagbasa nang may Wastong Galaw ng Mata D. Pagsunod sa mga Pamantayan sa Pagsulat Pagpapahalaga:

• Pag-aalaga/Pagmamahal sa hayop • Pagiging magalang

SANGGUNIAN/MGA KAGAMITAN Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa Filipino Unang Baitang; larawan o cut-outs ng mga alagang hayop; naka-tape na huni ng mga hayop; Big Book


III. MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO Gawain A — Pakikinig A. Bago Makinig * Paggamit ng Dating Kaalaman (Teoryang Iskema) Ipakita ang cut-outs ng mga alagang hayop. Itanong: “Alin sa mga hayop na ito ang kilala ninyo? Saan nakatira ang mga hayop na kilala ninyo? Sino sa inyo ang may alagang hayop? Paano ninyo inaalagaan ang inyong alagang hayop?” Pag-usapan ang pagpapahalaga sa mga alagang hayop. Ipaliwanag na isang kwento tungkol sa isang alagang hayop ang iparirinig ng guro sa klase. • Pagpapayaman ng Talasalitaan Ipakilala ang bagong salita mula sa iparirinig na kwento. 1. huni – ang tunog o sinasabi ng mga hayop. 2. alagang hayop – hayop na inaalagaan ng tao sa bahay. 3. kaparangan – malawak at madamong lupain. 4. naligaw – nasa maling direksyon, wala sa wastong pook na patutunguhan. 5. liit – pinaikling salita sa maliit. • Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig Itanong: “Upang maunawaan ninyo ang kwentong iparirinig ko, ano ang dapat ninyong gawin?” Inaasahang sagot: 1. Makikinig po nang mabuti. 2. Hwag pong makipag-usap sa kalapit na kaklase. • Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig Sabihin: “Makikinig kayo sa isang kwento tungkol sa pagkawala ng maliit na kambing.

Hinahanap niya ang kanyang ina at mga kapatid. Nagtanong siya sa mga hayop na nakita niya sa daan. Ginamit nila ang kani-kanilang huni sa kanilang usapan.” Papag-bigayin ng tanong ang mga mag-aaral upang maging gabay nila sa pakikinig. B. Habang Nakikinig * Paggamit ng Komik Istrip/Big Book * Pinatnubayang Pakikinig at Pag-iisip Gamitin ang Big Book upang makatulong sa pagkakaroon ng kawilihan ang mga mag-aaral sa pakikinig ng kwento. Basahin nang malakas ang kwento. Magtanong sa bawat napakinggang pahina upang masubaybayan/ malinang ang pag-unawa sa pinakinggang bahagi ng kwento. Naligaw si Kambing Liit Maganda ang panahon. Namasyal ang mag-iinang kambing. Nakarating sila sa malawak na kaparangan na sariwa ang damo. Meeh! Meeh! Busog na busog ako ng sariwang damo. Inay, maaari po bang maglaro doon sa lilim ng mga punungkahoy?

Meeh! Meeh! Sige. Hwag ka nang lalayo sa mga punong iyon.

37


Itanong: 1. Saan namasyal ang mag-iinang kambing? 2. Saan gustong maglaro ni Kambing Liit? 3. Ulitin ang huni ni Kambing Liit at ni Inang Kambing. Sa paglalakad, nasalubong niya si Tagpi. Laro nang laro si Kambing Liit sa lilim ng mga punungkahoy. Takbo! Lundag! Sirko! ang kanyang ginawa. Ilang saglit pa at natapos na siyang maglaro subalit napalayo siya sa kanyang ina. Hindi na niya matandaan ang daan pabalik sa kaparangan. Naligaw si Kambing Liit ! Meeh! Meeh! Naku! Wala na si Inay at ang mga kapatid ko. Naliligaw na ako.

Itanong: 1. Ano ang nangyari kay Kambing Liit? 2. Ulitin ang huni ni Kambing Liit. 38

Aw! Aw! Aw! Magandang umaga, Kambing Liit. Bakit ka nag-iisa? Hindi, Kambing Liit.

Meeh! Meeh! Magandang umaga, Tagpi. Naliligaw ako. Nakita mo ba si Inay at ang mga kapatid ko?

Itanong: 1. Sino ang nasalubong ni Kambing Liit? 2. Gayahin ang huni ni Tagpi.


Tanghali na. Patuloy pa rin sa paglalakad si Kambing Liit. Nasalubong naman niya si Inahing Bibi.

Hapon na. Napagod na sa paglalakad si Kambing Liit. Naupo siya sa tabi ng isang puno. Siyang pagdating ni Inahing Baka. Mooo! Mooo! Magandang hapon sa iyo, Kambing Liit. Bakit ka nag-iisa riyan?

Naliligaw po ako. Di ko po makita si Inay at ang mga kapatid ko.

Kwak! Kwak! Kwak! Magandang tanghali, Kambing Liit. Saan ka pupunta?

Naliligaw po ako. Di ko po makita si Inay at ang mga kapatid ko.

Itanong: 1. Sino ang nasalubong ni Kambing Liit ng tanghaling iyon? 2. Ulitin ang huni ni Inahing Bibi.

Itanong: 1. Nang mapagod si Kambing Liit, ano ang kanyang ginawa? 2. Ulitin ang huni ni Inahing Baka. 3. Ano ang kanilang pinag-usapan? 39


3. Ano ang ginawa ni Kambing Liit kay Inahing Baka? 4. Ulitin ang huni ng mga kambing at ni Inahing Baka. Mooo! Mooo! Aba! May naririnig ako. Boses iyon ni Inang Kambing.

C. Pagkatapos Makinig Magkaroon ng talakayan tungkol sa napakinggang kwento. Meeh! Meeh! Kambing Liit! Kambing Liit! Nasaan ka? Narito kami.

Itanong kung sinu-sino ang hayop sa kwento. Ipakita ang mga larawan ng mga hayop. Ipaulit/ Ipagaya ang huni ng bawat hayop. Pag-usapan at papunuan ang tsart ng tinalakay na iba’t ibang huni ng hayop. * *

Paggamit ng Graphic Organizer Paraang Clustering (Pagkukumpol) Huni ng mga Hayop

Meeh! Meeh! Nandiyan na po ako.

Nagpasalamat si Kambing Liit kay Inahing Baka. At mabilis siyang tumakbo patungo sa napakinggang huni ni Inang Kambing.

Tuwang-tuwa si Kambing Liit nang makita si Inang Kambing at kanyang mga kapatid.

Itanong: 1. Nakita rin ba ni Kambing Liit ang kanyang ina at mga kapatid? 2. Sino ang tumulong kay Kambing Liit? 40

Mga Hayop

Ginagawang Huni

Aso

Aw! Aw! Aw!

Bibi

Kwak! Kwak! Kwak!

Baka

Mooo! Mooo!

Kambing

Meeh! Meeh!


Maaaring dagdagan ang tsart o gumawa ng bagong tsart para sa iba pang mga hayop. *

*

Pagkakaroon ng Laro Pangkatin ang klase sa dalawa (A at B). Bigyan ang Pangkat A ng cut-outs ng mga hayop. Ipakikita ng bawat isa sa pangkat ang kanyang cut-out. Ipaulit sa bawat magaaral sa Pangkat B ang huni ng ipinakitang cut-out. Pagkakaroon ng Paligsahan Magpaligsahan sa pagbibigay ng mga huni ng hayop. Papagbigayin ang bawat pangkat ng mga ngalan ng isang hayop. Ipabigay ang huni ng mga ito. Ang unang makapagbibigay ng tamang huni ang mabibigyan ng puntos. Ang bawat pangkat na magkakaroon ng maraming puntos ang magwawagi.

IV. PAGTATAYA Ipakita ang mga ginupit na larawan ng mga alagang hayop. Tawaging isa-isa ang mga mag-aaral at ipaulit ang huni ng ipakikitang ginupit na hayop. Obserbahan kung magagawa ito ng mga mag-aaral. V. TAKDANG-ARALIN Magdrowing ng larawan ng mga alagang hayop. Isulat sa ilalim nito ang: Ang Aking Alagang Hayop.

Gawain B – Pagsasalita A. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman (Teoryang Iskema) Itanong: “Ano ang bati ninyo sa inyong guro sa umaga? sa tanghali? sa hapon?”

Pagpaparinig ng tugma. Ang bilin sa akin ng ina’t ama ko Gamitin ang “po” at “opo” sa matatandang tao. Itanong: “Ano ang bilin ng ama at ina sa anak?” Anong uri ng bata ang gumagamit ng “po” at “opo”? B. Paglalahad 1. Ipakitang muli ang Big Book. Buksan ito sa mga pahina na naghahanap si Kambing Liit sa ina at mga kapatid. Sabihin: “Sa paghahanap sa ina at mga kapatid, iba’t ibang hayop ang nasalubong at napagtanungan ni Kambing Liit. Ano ang magalang na salita na ginamit ni Kambing Liit sa: 1. pagbati kay Tagpi ng umagang iyon? (Buksan ang aklat, basahin ang magalang na salita. Ipakita ang plaskard, “Magandang umaga”.) 2. pagbati sa tanghali kay Inahing Bibi? (Gawin ang paglalahad ng magalang na pagbati na nasa Big Book.) 3. pagbati sa hapon kay Inahing Baka? (Gawin ang paglalahad ng magalang na pagbati na nasa Big Book.) 4. sa gabi, ano naman kaya ang magalang na pagbati? (Ipakita ang plaskard, “Magandang gabi”.) 5. Ano naman ang magagalang na pagsagot sa matatandang tao? (Ipakita ang plaskard, “Opo, Hindi po, po”.) 2. Paalala sa mga Guro Kung may araling ganito sa batayang aklat ng mga mag-aaral, gamitin ito sa paglalahad at paghahalaw ng araling ito. 41


C. Paghahalaw * Paggamit ng Venn Diagram Pag-usapan ang magagalang na pananalita na ginagamit sa umaga, tanghali, hapon, at gabi. Ipasuri/Papunuan ang Venn Diagram.

Pananalita Panahon 1. Umaga 2. Tanghali 3. Hapon 4. Gabi

Magagalang na Pananalita po opo

1. Magandang umaga 2. Magandang tanghali 3. Magandang hapon 4. Magandang gabi

D. Paglalahat Ipasagot ang sumusunod na mga tanong. 1. Ano ang magagalang na pagbati ang ginagamit sa ____________? a. umaga c. hapon b. tanghali d. gabi 2. Kailan ginagamit ang ____________? a. Magandang umaga d. Magandang gabi b. Magandang tanghali e. po, opo c. Magandang hapon 42

E. Paglalapat Itanong: 1. Kailan ginagamit ang sumusunod na magagalang na pagbati? a. Magandang umaga ang magalang na pagbati sa umaga. b. Magandang tanghali ang magalang na pagbati sa tanghali. c. Magandang hapon ang magalang na pagbati sa hapon. d. Magandang gabi ang magalang na pagbati sa gabi. 2. Ano ang magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa nakatatanda? Ang po at opo ang magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa matatanda. F. Pagsasanay * Pagkakaroon ng Paligsahan Gamitin ang batayang aklat sa bahaging ito. 1. Magkaroon ng paligsahan. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay magtatanong: “Ano ang magalang na pagbati sa ____________/ pakikipag-usap sa matatanda? Ang ikalawang pangkat ay sasagot sa tanong. Magandang ____________ ang magalang na pagbati sa umaga. Po, opo ang magagalang na pakikipagusap sa matatanda. Ang pangkat na magkakaroon ng higit na maraming puntos ang siyang mananalo.


*

Paggamit ng Larawan 2. Ilahad sa tsart ang mga larawan ng iba’t ibang hayop. Ipakuha ang larawan sa mag-aaral na tatawagin at ipabigkas ang huni nito.

*

Pagkakaroon ng Laro 3. Makinig sa babasahing pahayag ng guro. Itaas ang kanang kamay kapag tama ang sagot. Ipadyak ang paa kapag mali. 1. Ikapito nang umaga. Nasalubong mo si Doktor Silva, ang dentista ng inyong paaralan. Paano mo siya babatiin? a. Magandang tanghali po, Doktor Silva. b. Magandang umaga po, Doktor Silva. c. Saan po kayo pupunta, Doktor Silva? 2. Hapon na nang dumating ang tatay mula sa trabaho. Ano ang ibabati ng mga anak sa kanya? a. Magandang umaga po, Tatay. b. Magandang tanghali po, Tatay. c. Magandang hapon po, Tatay.

IV. PAGTATAYA Ibigay ang sumusunod na mga gawain. A. Pakinggang mabuti ang bawat sitwasyon. Anong magalang na pagbati ang sasabihin mo? 1. Nasalubong mo ang ina ng iyong kaibigan habang naglalakad ka patungo sa paaralan. 2. Isang tanghali, nakasabay mo sa pagpunta sa kantina ang inyong punungguro. 3. Sa pagpasok mo sa hapon, nakasalubong mo ang inyong guro.

B. Magbigay pa ng ibang sitwasyong magagamit ang magagalang na pananalita. Obserbahan ang bawat magaaral sa pagsagot sa bawat sitwasyon. V. TAKDANG-ARALIN Isulat sa inyong notbuk ang magalang na pagbati sa _____. 1. umaga 2. tanghali

3. hapon 4. gabi Gawain C – Pagbasa

A. Bago Bumasa • Panimulang Gawain * Paggamit ng Dating Kaalaman Sabihin: “Alamin natin ang kaliwa at kanang direksyon. Itaas ang inyong kaliwang kamay. Itaas ang inyong kanang kamay.” Ipadyak ang kanang paa/kaliwang paa. Ituro ang bintana na nasa kanan ng silid.” Ipakita/Ipakilala ang bagong batayang aklat sa Filipino. Ipaliwanag kung paano iingatan ang bagong aklat. Itanong: “Ibig ba ninyong makapagbasa na?” • Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin sa Pagbasa Sabihin: “Sa ating pagbabasa, saan tayo dapat magsimula, sa kanan o sa kaliwa? sa itaas o sa ibaba? Ito ang ating pag-aaralan ngayon.” • Pagpapalawak ng Talasalitaan Muling balikan ang mga bagong salita at kahulugan nito na tinalakay sa bahaging Pakikinig.

43


Basahin nang malakas ang bawat pangungusap sa tulong ng stick mula kaliwa-pakanan at pabalik sa dulong itaas, pababa sa kanan. Basahin ang kwento – unang pahina muna at isunod ang iba pang pahina na bumubuo ng kwento. Obserbahan ang mga mag-aaral kung nakasusunod ang bawat isa sa wastong pagbasa kaliwa-pakanan; pabalik sa dulong itaas, pababa sa susunod na linya.

Pagtatakda ng Pamantayan Sa pagbasa nang pabigkas, bumasa nang may katamtamang lakas ng boses.

B. Habang Bumabasa * Paggamit ng Big Book (Read Aloud) Ipakitang muli ang Big Book. Sabihin: “Babasahin kong muli sa inyo ang kwento ni Kambing Liit. Sasabay kayo sa akin sa pagbabasa.” *

Paggamit ng Pakwadrong Pagsasalaysay (Story Frame) Sabihin: “Ganito ang pagbasa nang mula sa kaliwa– pakanan.”

K

1

Kaliwa

C. Pagkatapos Bumasa • Pagtalakay sa Binasa Pagsagot sa mga pangganyak na tanong/Pagtalakay sa nilinang na kasanayan. •

Pag-unawa Tumawag ng mga mag-aaral. Ipagamit ang stick sa pagpapakita ng pagbasa sa mga linya ng pangungusap mula kaliwa-pakanan at pabalik mula sa dulong itaas, pababa sa kasunod na linya.

Pagpapahalaga Itanong:

K2

Ganito ang pagbasa nang mula sa itaas, pababa sa susunod na hanay:

➤ K

3

Muli, mula sa kaliwa-pakanan

➤ K4

At muli, mula sa itaas, pababa sa kanan.

Sabihin: “Babasahin ko nang malakas ang kwento sa Big Book. Susundan ninyo ako sa pagbasa. Gagamitin lamang ninyo ang inyong mga mata. Sundan ninyo ang stick na aking gagamitin habang binabasa ko ang kwento tulad ng pinag-aralan natin sa K1-K2-K3-K4.” 44

1. Sinu-sino ang hayop sa kwento? 2. Aling hayop ang inyong alaga? Paano ninyo maipakikita ang mabuting pag-aalaga at pagmamahal sa inyong alagang hayop? 3. Ano ang magagalang na pananalita sa kwento? Ginagamit ba ninyo sa araw-araw ang mga salitang ito? Kailan? Anong uri ng bata ang gumagamit ng magagalang na pagbati at ng po at opo sa pakikipagusap sa matatandang tao? IV. PAGTATAYA Ilahad sa pisara/tsart ang naritong pagtataya. Obserbahan ang bawat mag-aaral sa pagsasagawa nito.


Basahin ang ngalan ng mga nakalarawan mula kaliwapakanan at pabalik mula sa dulong itaas, pababa sa kasunod na linya.

kambing

inahing manok

aso

ibon

bibi

kalabaw

baka

pusa

V. TAKDANG-ARALIN Magdrowing ng dalawang kwadro ng mga alagang hayop. Gawin ito mula kaliwa-pakanan. ____________ ____________ K1 ____________ 2 K ____________ ____________ ____________ Gawain D – Pagsulat A. Bago Sumulat 1. Paghahanda * Paggamit ng Dating Kaalaman (Teoryang Iskema) Sabihin: “Ngayong kayo ay nasa unang baitang na, ano ang inyong ginagawa habang nagtuturo ang guro? (Inaasahang sagot: “Nakikinig po, Umuupo po nang maayos.”) Ano naman ang kagamitan ninyo sa pag-aaral? Ipakita nga ninyo ito sa akin.” 2. Paglalahad * Paggamit ng Modelo Ipakita sa klase ang wastong pag-upo, posisyon ng mga paa, at wastong paghawak ng lapis at papel.

Sabihin: “May mga pamantayan sa pagsulat. (Ipakita ang pamantayan sa pagsulat at ang pagsasagawa ng guro ng bawat pamantayan.) Tingnan ninyo kung paano ko ito gagawin.” 1. Umupo nang tuwid. 2. Ilapat sa sahig ang mga paa. (Ipakita naman ang pamantayan sa paghawak ng lapis at papel.) Sabihin: “Gagawin ko naman ang larawan sa pamantayan sa paghawak ng lapis.” 1. Ipakilala muna ang daliring hinlalaki, hintuturo, at gitnang daliri. Sabihin: “Hawakan ang lapis ng tatlong daliri: hinlalaki, hintuturo, at gitnang daliri isang pulgada mula sa dulo ng tasa ng lapis.” B. Habang Sumusulat Ipagaya sa mga mag-aaral ang wastong pag-upo, posisyon ng paa, at paghawak ng lapis na gagawing muli ng guro. C. Pagkatapos Sumulat * Demonstrasyon/Pagpapakita ng Gawain Ihanda ninyo ang silya na uupuan ng tatawaging mga mag-aaral at ipahanda sa kanila ang lapis. Pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat. Tawagin ang mga mag-aaral sa bawat pangkat. Sabihin: “Gagawin ninyo ang wastong paraan ng pag-upo, posisyon ng mga paa, at wastong paghawak ng lapis. Gagawin ninyo ang sasabihin ko.” 1. Umupo nang tuwid. 2. Ilapat ang paa sa sahig. 3. Hawakan ang lapis ng hinlalaki, hintuturo, at gitnang daliri isang pulgada mula sa dulo ng tasa ng lapis. 45


IV. PAGTATAYA Magpadrowing ng alagang hayop. Obserbahan ang bawat mag-aaral kung naisasagawa ang wastong pag-upo, posisyon ng mga paa, at paghawak ng lapis. V. TAKDANG-ARALIN Isulat sa inyong notbuk ang kahilingan sa ibaba. 1. Buo mong pangalan 4. Mga magulang 2. Tirahan 5. Mga kapatid 3. Kaarawan

46


BIBLIOGRAPI •

• •

Mga Aklat Agno, Lydia N., 2007 Principles and Strategies of Teaching, C. & E. Publishing, Inc. Quezon City Alcantara, Rebecca., 1996 Teaching Strategies I. Katha Publishing Co., Inc. Badayos, Paquito B., 1999 Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Mga Teorya, Simulain at Istratehiya. Manila. Grandwater Publication and Research Corporation Belvez, Paz M., 2000 Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila. Rex Book Store Jocson, Magdalena O., 2005 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Lorrimar Publishing Co., Inc. Quezon City Lalunio, Lydia P., 1985 Ang Pagtuturo ng Pagbasa sa mga Guro at Magiging Guro. Manila. Rex Book Store Lalunio, Lydia P., 2000 Manwal ng Guro - Ikalimang Baitang. Hiyas sa Wika at Pagbasa. Quezon City. LG & M Corporation Mallilin, Gabriel F. et al., 2002 Patnubay ng Guro sa Paglinang ng Kasanayan sa Wika at Literatura. Manila. Rex Book Store Martinez, Mary Ann I., 2005 Filipino: Wika at Pagbasa 4. Makati City. Diwa Publishing House Inc. Salandanan, Gloria G., 2005 Teaching and the Teacher. Lorrimar Publishing Co., Inc. Quezon City Salandanan, Gloria G., 2006 Methods of Teaching. Lorrimar Publishing Co., Inc. Quezon City Villamin, Arceli M., 1999 Innovative Strategies in Teaching Reading. Quezon City. Sibs Publishing House, Inc. Pamphlet Batayang Kurikulum sa Edukasyon (BEC), 2001 Departamento ng Edukasyon, Pilipinas Emperado, Arsenia R., Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Panimulang Pagbasa at Pagsulat sa Filipino Lalunio, Lydia P., 2005 Kalikasan at Development ng Panimulang Literasi Liwanag, Lydia B., 2003 Ang Wika sa Edukasyon (papel na binasa sa Forum ng Komisyon ng Wikang Filipino) Liwanag, Lydia B., 2003 Paghahanda ng mga Banghay-Aralin Ayon sa Bagong Kurikulum para sa Antas Elementarya Liwanag, Lydia B., Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Tekstong Pakwento Journal Hasik, Bolyum 1 Blg. 1 Samahan ng mga Edukador sa Pilipinas, Mayo 1996 Diksyunaryo Diksyunaryo ng Wikang Filipino, Sentinyal Edition, Quezon City. Komisyon ng Wikang Filipino, 1998 Panayam Jocson, Magdalena O. Mga Nilalaman at ang Makabagong Istratehiya sa Pagtuturo ng Filipino BEC 2002 – Kagawaran ng Edukasyon, Metro Manila PELC – Philippine Elementary Learning Competencies in Filipino. Bureau of Elementary Education, DepED, Metro Manila

170


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.