Haliya : E-Portfolio

Page 1

H l y

H A L I Y A: TINTA BILANG PAKIKIBAKA SA KONTEMPORARYONG PANAHON

ACOSTA• ALBAÑO• PIDLAOAN• REYES


H A L I Y A Katha nina Acosta, Charizza Joy Albano, Diantha Ysabel Pidlaoan, Atasha Dominique Reyes, Mikaela Angela Ipinasa sa ganap na ika- 3 ng Hunyo , taong 2021 Ipinapasa kay G. Khen Nemuel Lacaba


ISTORYA

SA

LIKOD

NG

PABALAT

Ang kulay ng lila ang namayani sa larawan magmula sa kaniyang buhok hanggang sa kaniyang pananamit. Ang lila ay madalas na isang pahayag ng kalayaan at madalas na ito ay isang palatandaan ng kagitingan.

H A L I Y A

TINTA BILANG PAKIKIBAKA SA KONTEMPORARYONG PANAHON

A.Y.

2020-2021


Prologo

Isinulat ni Acosta, Charizza Joy

Ang titulo ng E-portfolio ay Haliya, na sumasalamin sa mga may akda na sina Charizza Acosta, Diantha Albano, Atasha Pidlaoan, at Mikaela Reyes. Ang salitang Haliya ay nagmula sa isang diyosa na kilala sa pagtatago ng kanyang kagandahan gamit ang isang maskara. Tulad ng E-portfolio na ito, nais ng mga may akda, na habang tumatagal ang mga mambabasa sakanilang paglalakbay sa laman ng portfolio, mas makikilala nila ang mga sumulat, lalo na, ang kagandahan ng kanilang proyekto na palay check para sa mga magsasaka at mamamayan ng San Luis Pampanga. Ang E-portfolio na ito ay naglalaman ng iba’t-ibang orihinal na uri ng akademikong sulatin na ang hangad ay magbigay kaalaman at gabay sa mga taong makababasa nito. ISTORYA

SA

LIKOD

NG

PABALAT

Ang E-portfolio na ito ay magsisilbing silya ng pagkakumpleto nina Charizza Acosta, Diantha Albano, Atasha Pidlaoan, at Mikaela Reyes sa asignaturang Filipino sa Piling Larang sa taong 2021 at iniaalay para sa mga taong matutulungan ng proyekto at pati na sakanilang punong guro sa Filipino na si G. Khen Nemuel Lacaba. Nais din magpasalamat ng mga may akda sa kani-kanilang mga kagrupo dahil sa hindi pagtalikod sa mga gawain at sa paggawa dito ng may buong kakayahan. Sunod ay ang kanilang punong guro sa Filipino na si G. Lacaba dahil sa hindi niya pagbigo at patuloy na pagbibigay suhestiyon at paalala sa mga ito. At panghuli, nais ng grupong pasalamatan ang Diyos, dahil sa pagbibigay ng ispirituwal na gabay sa panahon ng kahirapan.


Prologo

Isinulat ni Albano, Diantha Ysabel

Ang portfolio na ito ay ipinamagatang Haliya na nagmula sa pangalan ng isang diyosa na nakasuot ng maskara upang maitago ang kanyang kagandahan. Ito ang napiling pamagat ng may akda sapagkat katulad ni Haliya, ang portfolio na ito ay nagtataglay ng mga gawa ng may akda na tila may tinatagong kagandahan sa loob ng pabalat. Binubuo ito ng serye ng kaisipan na kinakailangan ng kritikong pagiisip at pagkamalikhain sa bawat sulating ginawa. Gayundin, ibinuhos ng may akda ang kanyang mga kasanayan at oras sa pagbuo ng portfoliong ito upang ito ay magawa at maging possible. Ang nilalaman ng portfoliong ito ay iba’t ibang uri ng orihinal na akademikong kasulatan na mayroon layuning makapagbigay impormasyon sa madla. Ito ay nakatanyag na ipasa sa Filipino sa Piling Larangan bilang isa sa mga kinakailangang awtput ng ikalawang termino. Nakapaloob sa portfoliong ito ang mga kasulatan katulad na lamang ng sariling bionote, maikling bionote ukol sa sikat na personalidad, adyenda, talumpati, at panukalang proyeto. Nais pasalamatan ng may akda ang kanyang mga kamag-aral na walang sawang tumulong at naglapat ng kanilang mga kahusayan upang matapos at makagawa ng isang magandang portfolio. Si Ginoong Khen Lacaba na nagsilbing gabay sa pagbuo at pagsasagawa ng mga nakapaloob na kasulatan. Ang pamilya ng may akda para sa walang tigil na pagsuporta. At higit sa lahat, ang Diyos na siyang palaging nandyan at nagbigay ng kakayahan at talento na ginamit ng may akda sa kanyang mga sulatin.


Prologo

Isinulat ni Pidlaoan, Atasha Dominique

Ang sulating nilalaman nito ay layuning makatulong sa mga estudyante upang mas madagdagan ang kanilang kaalaman ukol sa akademikong sulatin. Ang E-portfolio na ito ay naglalaman ng labing dalawang akademikong sulatin sa asignaturang Filipino sa piling larangan, isa na ang talumpati na isinulat ni Atasha Pidlaoan na may kaugnayan sa importansya ng edukasyon sa kasalukuyan ,ang Eportfolio na ito ay para sa mga taong nangangailangan ng tulong tungkol sa akademikong sulatin, ang kaalaman na nakapaloob sa Eportfolio ay hindi lamang para sa mga mag-aaral kundi para sa mga taong nais matuto at madagdagan ang kaalaman. Nagpapasalamat ang mga manunulat sa kanilang Pamilya na labis ang suporta sa kanila, sa kanilang guro na si G. Khen Nemuel Lacaba , Sa pagbabahagi ng mga iba’t-ibang leksyon lalo na sa pagsulat ng akademikong sulatin at pagbibigay gabay sa mga aralin, mga alituntuning dapat isaalang-alang sa pagsulat at sa Poong maykapal sa pagbibigay sa kanila ng lakas at tibay ng loob sa pang araw-araw nilang buhay.


Prologo

Isinulat ni Reyes, Mikaela Angela Ang portfolio na ito ay pinamagatang Haliya na nanggaling sa pangalan ng isang Diyosa sa lalawigan ng Bicol. Si Haliya ay ang diyosa ng buwan na nakakubli ang mukha sa isang maskara. Siya rin ay isang mandirigma na nakilala sa kaniyang natatanging katapangan, kung kaya’t di katakataka ang pagsamba at pagpuri sa kaniya ng kapwa niya kababaihan. Napili ng mga may-akda ng portfolio na ito ang pamagat na Haliya sapgakat sila ay naniniwala na kagaya ng Diyosang si Haliya, na kahit nakakubli ang kanilang mga mukha sa pluma at kani-kanilang akda ay magagawa pa rin nilang makibaka sa pamamagitan ng paghahasa ng kani-kanilang angking talento na maipahayag ang kani-kanilang saloobin. Ang Haliya na naglalaman ng mga indibidwal at pangkatang mayingat na kinatha na isang patunay ng patuloy na pakikibaka ng mga magigiting na manunulat na sina Charizza Acosta, Diantha Albano, Atasha Pidlaoan, at Mikaela Reyes. Nagpapasalamat ang mga manunulat una, sa Maykapal na siyang nagbigay ng angking karunungan at talento sa mga manunulat upang mabisang maipabatid ang kanilang mga saloobin; pangalawa, sa kanilang mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kanilang mga adhikain; at panghuli, kay Ginoong Khen Nemuel Lacaba na siyang nagsilbing kanilang gabay upang matagumpay na mailathala ang Haliya at sa kaniyang patuloy na paniniwala sa aming potensiyal at kakayahan bilang mga manunulat.


namalaliN gn naalaT

BIONOTE NG MGA PERSONALIDAD 02 04 06 08

Lea Salonga Jessica Soho Vico Sotto Vico Sotto

PANUKALANG PROYEKTO 11 Panukalang Proyekto 14 Adyenda 15 Katitikan ng Pulong

PIYESA NG TALUMPATI 20 22 24 26

Ang Hindi Nabuburang Kagandahan Ang Lagay ng Edukasyon Ngayong Pandemya Bakit Nasira ang Tiwala ni Juan sa Siyensiya? Kabataan Isipin ang Kinabukasan

EPILOGO 28 29 30 31

Charizza Joy Acosta Diantha Ysabel Albano Atasha Dominique Pidlaoan Mikaela Angela Reyes

RUBRIK SARILING BIONOTE 34 36 38 40

Charizza Joy Acosta Diantha Ysabel Albano Atasha Dominique Pidlaoan Mikaela Angela Reyes


ng mga

Bionote Personalidad

1


Bionote ng mga Personalidad Si Maria Lea Carmen Imutan Salonga na mas kilala bilang, Lea Salonga ay ipinanganak noong Pebrero 22, 1971. Pinarangalan bilang isa sa pinakamahusay na gumaganap ng musikal at entablado sa Pilipinas at sa ibang bansa, si Lea Salonga ay isang napaka talentadong artista sa industriya. Kilala para sa kanyang malakas na tinig at mahusay na tono, siya ay nakakuha ng maraming mga parangal, pagkilala at katanyagan sa larangan ng musikal na teatro. Nagsimula ang kaniyang pagtatrabaho sa larangan ng pag-awit noong siya ay sampung taong gulang pa lamang at nagkaroon na siya ng sarili niyang album na "Small Voice". Nagsumikap siya na maging mang-aawit at aktres na naging bantog dahil sa kanyang pagganap sa musikal na Miss Saigon bilang Kim, kung saan siya ay nagwagi ng Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics at Theatre World Awards, ang kauna-unahang nanalo sa iba't ibang international awards para sa iisang pagganap. Siya ang kauna-unahang Asyano na gumanap sa musikal na Broadway na "Les Miserables," na ginampanan ang papel nina Eponine at Fantine. Nag-host din siyang ng kaniyang sariling musical TV show na "Love, Lea". Pinahiram ni Lea ang kanyang malakas na tinig sa maraming mga animated na tampok. Noong 1992, ibinigay niya ang boses ng pagkanta ni Princess Jasmine sa Disney na "Aladdin", na ginampanan ang awiting "A Whole New World" sa tapat ni Brad Kane. Pinahiram niya muli ang kanyang malalakas na tinig para kay Fa Mulan noong "Mulan" noong 1998 at "Mulan II" noong 2005. Bilang karagdagan, siya ay kredito sa soundtrack ng 2008 animated film na "Dayo: Sa Mundo ng Elementalia ".

2


Lea Salonga

3


Jessica Soho

4


Bionote ng mga Personalidad Si Maria Jessica Aspiras Soho o mas kilala sa tawag na "Jessica Soho" ay nagtapos ng kursong Mass Communication sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay isang batikang mamamahayag, direktor ng balita, dokumentaristang pilipina, at kilalang personalidad ng bansa na mula sa GMA Network. Noong una, siya ay pumasok sa kursong political science, ngunit dahil sa kaniyang takot sa matematika, siya ay nagdesisyong tumigil, at dahil sa kaniyang mga lola na sina "Apong Ittang" at "Cion" na nagimpluwensiya sakaniya sa paglalahad ng mga istorya at isang journalist na si Luis Beltran, siya ay naengganyo at nagkaroon ng inspirasyon na magpagtapos sa kursong Mass Communication. Noong taong 1998, nagkamit siya ng parangal na "George Foster Peabody Award" para sa "Kidneys for Sale" at "Kamao" na kaniyang inilahad kasama ang grupo ng IWitness. Siya rin ang kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng gantimpala sa New York Film Festival para sa kaniyang paglalahad sa istoryang isang hostage crisis sa Cagayan Valley. Magpasa-hanggang ngayon siya ay kinikilala parin bilang "the Asia's Powerhouse Journalist" at sa kasalukuyan ay kaniyang pinapangunahan ang pagbibigay istorya sa programang "Kapuso mo, Jessica Soho".

5


Vico Sotto

6


Bionote ng mga Personalidad Si Victor Ma. Regis "Vico" Nubla Sotto ay anak ng dalawang pinakakilalang tao sa Philippine entertainment industry. Nagtapos siya ng B.S. Political Science sa Ateneo de Manila University ng may master's degree sa Public Management. Nang makatapos ay nagtrabaho siya mula 2013 hanggang 2015 sa Sangguniang Panglungsod ng Quezon City bilang legislative staff officer. Taong 2016 nang naging Councilor ng Pasig City si Vico dahil nakakuha siya ng pinakamataas na boto para dito. Pagtapos noon ay sumali siya sa Aksyon Demokratiko party at nahalal bilang Alkalde ng Pasig noong May 2019 na may platapormang nakapokus sa pamayanan, maayos na pamamahala at panglahatang kalusugan ng mga mamamayang kanyang nasasakupan. Prayoridad nito na makapagbigay ng maayos na tahanan, edukasyon, at lugar na ligtas mula sa korapsyon. Sa taong 2021, nabigyang pansin si Sotto bilang isa sa labin-dalawang tumanggap ng gantimpala mula sa International Anti-Corruption Champions Award dahil sa kanyang mga galaw laban dito.

7


Bionote ng mga Personalidad Si Victor Ma. Regis "Vico" Nubla Sotto, sa edad na tatlumpu't isang taong gulang ay kinilala na bilang isa sa mga impluwensiyal na politiko sa bansa. Taong 2016 ng pasukin ni Vico ang politika, bilang isang konsehal sa lungsod ng Pasig. Taong 2019 naman ng siya ay mahalal bilang alkalde ng parehong lungsod. Sa kaniyang termino ay nakapagtalaga na ng mga 'di matatawarang kontribusyon ang batang alkalde kagaya na lamang ng pagsaayos ng batas trapiko sa Pasig, pagsugpo sa mga iligal na transaksiyon kaugnay ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), at iba pa. Sa kasalukuyan, sa pangunguna pa rin ni Vico, 'di maitatanggi ang maaksyon na tugon ng lokal na pamahalaan ng Pasig sa lumalaganap na pandemya. Ilan na lamang dito ay patuloy na pag-didisimpekta ng mga pampublikong lugar, pagbibigay ng ayuda, at ang paninigurado sa pagkakaroon ng bakuna kontra COVID para sa mga Pasigeno. Kasabay nito, nito lamang 2021 ng kilalanin si Vico ng United States Department of State bilang isa sa mga nagkamit ng karangalang International Anticorruption Champions Award.

8


Vico Sotto

9


Panukalang Proyekto Palay Check para sa Magsasaka at Mamayan ng San Luis Pampanga

10


Pamantasang De La Salle -Dasmariñas Dibisyon ng Senior High School Filipino sa Piling Larangan Akademiko sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng San Luis

Palaycheck para sa magsasaka at mamamayan ng San Luis, Pampanga I. Titulo ng Proyekto Panukala: PalayCheck System Organisasyon: Lokal na pamahalaan ng San Luis Petsa at Lugar: Disyembre 1, 2021 hanggang Disyembre 23, 2021 sa munisipalidad ng San Luis, Pampanga II. Abstrak Isa sa mga suliraning araw-araw na kinakaharap ng mga magsasaka sa bayan ng San Luis sa probinsya ng Pampanga ay ang mga salot na nakakapinsala sa mga sakahan, partikular ang mga “mabait”. Ang panukalang proyektong ito ay naglalayong mabigyan-solusyon ang pamiminsalang ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malawakang rodent proofing sa apektadong sakahan. Kalakip sa panukalang proyektong ito ay ang pagsasagawa ng pantas-aral ukol sa mga maaring paraan panlaban sa mga salot, at gayundin ang malawakang pag-iimplementa ng panlaban sa peste sa sakahan. Pamumunuan ang proyektong ito ni Atasha Pidlaoan, ang punong tagapagpamahala sa nasabing proyekto katulong ang lokal na pamahalaan ng San Luis. May kabuuang badyet ito na P 100,000.00. Magsisimula ang proyekto sa Disyembre 1 at inaasahang matatapos sa Disyembre 23 ng taong ito. III. Katwiran ng Proyekto Ang pagdami ng bilang at ang kasunod na pananalasa ng balang ay palagiang banta sa isang agrikultural na bansa kagaya ng Pilipinas. Taon-taon, sampu hanggang animnapung porsyento ng mga palayan sa Pilipinas ang sinisira ng mga daga, partikular na sa bayan ng San Luis sa Pampanga. Bagong pag-asa sana ang dala ng panibagong taon para sa mga magsasaka. Pero paano kung mula sa pagtatanim hanggang sa pag-ani, may pesteng sumasalakay sa kanilang pinaghirapan. Gumagawa sila ng lungga sa mga libangan, garahe, hardin, at bahay. Kapag ayos na ang kanilang tinitirhan, sila ay laging nagdudulot ng pinsala sa pag-aari at nagbibigay panganib sa kalusugan ng tao. Maaari din nilang sirain ang mga lokal na negosyo. Sa pagsasagawa ng PalayCheck System maaaring mas mapadali ang pagkontrol ng mga peste para sa kalusugan ng mga mamamayan ng San Luis at maiwasan ang pagkalat ng sakit.

11


IV. Layunin Nais ng panukalang proyektong ito na kontrolin ang kasalukuyang dami ng populasyon o bilang ng mga daga para sa seguridad ng buhay ng mga tao, hayop, at mga pananim. V. Target na Benepisyaryo Ang target na benepisyaryo ng proyekto ay ang magsasaka at mamamayan ng probinsya ng Pampanga partikular sa bayan ng San Luis. VI. Implementasyon ng Proyekto A. Iskedyul

Mga Gawain

Iskedyul

Mga Responsibilidad

1. Pagsasagawa ng canvassing sa mga kompanyang maaaring pagkunan ng mga pantanggal-peste sa sakahan.

Disyembre 1 - Disyembre 8, 2021

Punong tagapamahala ng proyekto

2. Paghahanda at pagsusumite ng listahan ng mga kompanya at mga bibilhin na mga kagamitang pang rodent proofing

Disyembre 9 - Disyembre 13, 2021

Punong tagapamahala ng proyekto at tagapamahala ng kompanya

3. Pagpupulong ng mga kawani ng munisipalidad ukol sa pipiliin na kumpanya na magtutustos ng mga panlaban sa peste.

Disyembre 14, 2021

Punong tagapamahala ng proyekto, tagapamahala ng kompanya, at mga kawani ng munisipalidad

4. Pagpapaapruba at paglabas ng inilaang budget para sa proyekto.

Disyembre 15, 2021

Punong tagapamahala ng proyekto

Disyembre 16 - Disyembre 19, 2021

Punong tagapamahala ng proyekto

5. Pagsasagawa ng isang pantas-aral para sa mga magsasaka bilang paghahanda sa isasagawang rodent proofing sa lugar. 6. Pagsisimula ng malawakang rodent proofing sa sakahan

Punong tagapamahala ng Disyembre 20 - Disyembre proyekto at tagapamahala ng 23, 2021 kompanya

12


B. Badyet Mga Gastusin 1. Pesticides (3100 pakete) 2. Sahod para sa mga trabahador (34 trabahador, dalawang araw na pag bobomba)

Halaga ₱ 62,000.00 ₱ 26, 520.00

3. Spraying aids (34 piraso)

₱ 6,800.00

4. Gloves (34 piraso)

₱ 2,380.00

5. Respirator Masks (34 piraso)

₱ 1,190.00

6. Safety glasses (34 piraso)

₱ 1,020.00

7. Leaflets

₱ 90.00

C. Pagmomonitor at Ebalwasyon Matapos maisagawa ang proyekto upang mamonitor kung ano ang naging kalakasan/kahinaan nito, ang lokal na pamahalaan ay magsasagawa ng mga sarbey online na sasagutan ng mga mamamayan kung nakatulong ang proyektong ito sa pagbabawas ng mga kumakalat na daga sa loob lamang ng isang buwan. Matapos maisagawa ang sarbey at naitalang record ng progreso sa komunidad, maaaring ito’y gamitin din sa mga susunod na proyekto upang maging gabay sa pagsasagawa ng mabisang programa na nakatuon sa ikabubuti ng komunidad.

Inihanda nina: Pidlaoan, Atasha Dominique- Mag-aaral 1 Acosta, Charizza Joy- Mag-aaral 2 Reyes, Mikaela Angela- Mag-aaral 3 Albaño, Diantha Ysabel- Mag-aaral 4

13


ADYENDA Adyenda ng Pulong

Lokasyon: MS Teams Petsa: Mayo 4, 2021 Oras: 4:20pm Tagapangasiwa: Ginoong Khen Nemuel Lacaba, gurong tagapayo sa asignaturang Filipino sa Piling Larang

I. Introduksyon Ang adyenda ng unang pagpupulong ay magsisilbing gabay ng mga mag aaral upang maabot ang kanilang mithiing makabuo ng isang proyekto na malaki ang maitutulong sa mga mamamayan ng San Luis at pati na rin sa bansa. Sa pagpupulong na ito, ilalatag ng grupo ang mga proyektong kanilang nais isakatuparan sa bayan ng San Luis Pampanga at ang mga kahingian upang ito ay maging matagumpay. II. Pagtatala ng mga dumalo Lahat ng miyembro ng grupo ay inaasahang dumalo sa paunang pagpupulong para sa panukalang proyekto. Simula kay mag-aaral 1 hanggang kay mag-aaral 4, ang mga inaasahang dadalo sa unang pagpupulong ay sina Bb. Atasha Pidlaoan, Bb. Charizza Acosta, Bb. Mikaela Reyes, at si Bb. Diantha Albano. III. Pagpresenta at pagtalakay sa adyenda 1. Pagpaplano para sa gagawing proyekto na nakatuon sa mga palayan at pagtatanim. a. Listahan ng mga proyektong gagawin b. Iskedyul ng mga magsasaka at mga tao sa bayan c. Mga kagamitang kakailanganin upang maisagawa ang proyekto 2. Pagpaplano para sa isasagawang pantas-aral ukol sa mga paraan kung paano matagumpay na mapupuksa ang mga salot sa taniman. a. Daloy ng pantas-aral b. Iskedyul kung kailan isasagawa ang pantas-aral c. Paraan upang makipag-ugnay sa lokal na pamahalaan ng San Luis at sa mga organisasyong dipampamahalaan na may pagkakaugnay sa agrikultura. IV. Karagdagang Impormasyon V. Pangwakas na salita ni mag aaral 1 VI. Pangwakas na dasal ni mag aaral 4

14


SAGIP PALAY

FOUNDATION

KATITIKAN NG PULONG PARA SA PALAY CHECK SYSTEM PARA SA MAGSASAKA NG SAN LUIS, PAMPANGA NG SAGIP PALAY FOUNDATION

Petsa: Mayo 4, 2021 Oras: ika-4:20 n.h Daluyan: MS Teams Mga Dumalo: Pidlaoan, Atasha Dominique (Tagapangasiwa) Acosta, Charizza Joy Albaño, Diantha Ysabel Reyes, Mikaela Angela Mga lumiban: Wala Ang pagpupulong ay nagsimula sa pamamagitan ng panalangin ni Bb. Albaño. Diskusyon

Desisyon

1. Isa-isang inilahad nina Bb. Albaño, Bb. Acosta, at Bb. Reyes ang sari-sariling ideya at mungkahi para sa ilulunsad na pangunahing proyekto. 1.1. Inilahad ni Bb. Albaño ang pagsasagawa ng malawakang rodent proofing na siyang saklaw ang pageelimina ng nesting sites at implementasyon ng repellents sa apektadong sakahan. 1.2. Inilahad naman ni Bb. Acosta ang pagdidistribute ng mga pesticides kalakip ang nasabi ni Bb. Albaño. 1.3. Paghahanda at pagsusumite

ng

Desisyon 1: Sa pangunguna ni Bb. Pidlaoan, napagdesisyunan ng komite na isagawa ang malawakang rodent proofing sa sakahan. Gayundin, napagkasunduan rin sa pulong na bago simulan ang nasabing rodent proofing ay magsasagawa muna ng isang pantas-aral para sa mga magsasaka.

listahan ng mga kompanya at mga bibilhin na mga kagamitang pang rodent proofing.

15


Diskusyon

Desisyon

2.Inilahad nina Bb. Pidlaoan, Bb. Acosta, Bb. Albaño, at Bb. Reyes ang mga mungkahi sa pag iskedyul ng mga aktibidad para sa panukalang proyekto. 2.1 Narito ang tala ng mga iminungkahing aktibidad 2.1.1. Pagsasagawa ng canvassing sa mga kompanyang maaaring pagkunan ng mga pantanggal-peste sa sakahan. 2.1.2. Paghahanda at pagsusumite ng listahan ng mga kompanya at mga bibilhin na mga kagamitang pang rodent proofing. 2.1.3. Pagpupulong ng mga kawani ng munisipalidad ukol sa pipiliin na kumpanya na magtutustos ng mga panlaban sa peste. 2.1.4. Pagpapaapruba at paglabas ng inilaang budget para sa proyekto. 2.1.5. Pagsasagawa ng isang pantas-aral para sa mga magsasaka bilang paghahanda sa isasagawang rodent proofing sa lugar. 2.1.6. Pagsisimula ng malawakang rodent proofing sa sakahan.

Desisyon 2: Sa pangunguna ni Bb. Pidlaoan, nagkasundo ang lahat sa iminungkahing iskedyul ng aktibidad para sa panukalang proyekto.

3.Inilahad nina Bb. Pidlaoan, Bb. Acosta, Bb. Albaño, at Bb. Reyes ang mga suhestiyon sa kagamitan na kakailanganin para sa panukalang proyekto at gayundin ang karampatang badyet na ilalaan dito. 3.1 Sinabi ni Bb. Pidlaoan na may ₱ 100,000.00 ang nakalaan isasagawang proyekto. 3.2 Narito ang iminungkahing badyet

para

breakdown

sa

ng

16


Diskusyon

Desisyon

Aytem

Presyo

Pesticides

₱ 20

Bilang

Kabuuang Presyo

3,100

₱ 62,000

2 araw, Sahod sa ₱ 390 34 na ₱ 25,520 mga kada araw trabaha trabahador -dor Spraying ₱ 200 ₱ 6,800 34 Aids Gloves ₱ 70 34 ₱ 2,380 Respirator Masks

₱ 35

34

₱ 1,190

Safety Glasses

₱ 30

34

₱ 1,020

Leaflets

₱ 90

--

KABUUANG HALAGA

₱ 90 ₱ 100,000

4.Inilahad ni Bb. Albaño ang pangangailangan na magkaroon ng tagapagsalita sa isasagawang pantasaral. 4.1 Nagbigay-suhestiyon si Bb. Acosta tungkol sa pagkuha kay Lourdes Geraldo, na isang batang advocate. 4.2 Nagbigay-suhestiyon naman si Bb. Reyes sa pagkuha kay Kapampangan Development Foundation Chairman Benigno Ricafort. 4.3 Nagkaroon ng botohan sa kamay kung

sinong tao ang nais italaga na siyang responsable sa pagkontak ng mga iminungkahing tagapagsalita.

Desisyon 3: Sa pangunguna ni Bb. Pidlaoan, nagkasundo ang lahat sa mga aytems na inilahad sa listahan at gayundin, sa mismong badyet.

Desisyon 4: Sa pangunguna ni Bb. Pidlaoan, itinalaga si Bb. Albaño sa responsibilidad na pakikipag-koordinate sa mga

natipuhang magsasalita at sa mga possible pang magsasalita.

17


Diskusyon

Desisyon

4.3.1 Ninomina ni Bb. Acosta si Bb. Albaño para sa posisyon. 4.3.2 Lahat ay sumang-ayon sa nominasyong ito.

Nagwakas ang pagpupulong sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Bb. Albaño. Natapos ang pagpupulong sa ganap na ika-4:40 ng hapon.

Nagtala ng katitikan ng pulong:

Bb. MIKAELA ANGELA REYES Sekretarya Inaprubahan ni:

Bb. ATASHA DOMINIQUE PIDLAOAN Presidente ng Sagip Palay Foundation

18


19


Ang Hindi Nabuburang Kagandahan

20


21


Ang Lagay ng Edukasyon NGayong Pandemya

22


23


24


Bakit Nasira ang Tiwala ni Juan sa Siyensa

25


Kabataan, Isipin ang K 26


Kinabukasan 27


Epilogo

Isinulat ni Acosta, Charizza Joy

Matapos maisaayos ang E-portfolio na Haliya, ang isa sa may akda na si Charizza Acosta ay nakaramdam ng galak sa kanyang puso, sapagkat lahat ng paghihirap, pagtatrabaho, at mahabang mga paguusap at pagsusulat, sa wakas ay magkakaroon na ng magandang epekto. Pagkatapos niya dito, kaniyang napagtanto kung gaano karami ang kaniyang mga naisulat at kung gaano ito nagiging mas maganda habang tumatagal, kasabay ng pagunlad ng kaniyang abilidad sa pagsusulat sa wikang Filipino. Noong una, siya man ay nahihirapan at nawawalan na ng lakas ng loob tumapos ng mga gawain, nairaos at natapos naman ng may akda ang lahat ng gawain sa asignaturang Filipino, na may buong puso at kakayahan. Sa huli, naisip din niya, na lahat ng mga gawain sa asignaturang Filipino ay nakapagbigay ng maraming bagong kaalaman tulad ng mga bagong salita na kaniyang magagamit sa hinaharap, at nakatulong din ito upang maitatak sa kaniyang isip, na sa pagsusulat, ang may akda ay dapat maagap at dapat may alam sa lahat ng sulok ng kaniyang gustong sulatin, ng sa ganoon, magiging mas makatotohanan at mas mapagkakatiwalaan ang resulta nito, dahil may sapat na plano.

28


Epilogo

Isinulat ni Albano, Diantha Ysabel

Matapos maisagawa ang portfolio na ito, ang may akda ay labis na naligayahan sapagkat kanyang napagtanto kung gaano mas napabuti ang kanyang kakayahan sa pagsulat. Dito niya rin naipakita ang pagiging produktibo at pagkamalikhain niya sa mga gawain sa paggamit ng mga iba’t ibang kasanayan na kanyang natutunan

sa

ikalawang

termino.

Bagamat

madaming

pinagdaanang pagsubok, katulad na lamang ng kaalaman na mahirap ang paglikha ng akademikong papel, nairaos at nakumpleto ng may akda ang kanyang mga kinakailangan para sa asignaturang Filipino. Nakapagbigay ito sakanya ng aral na ang pagiging maagap at masipag sa gitna ng lahat ng problema ay siyang makakapagbigay sakanya ng kanyang pinakamagandang likha.

29


Epilogo Isinulat ni Pidlaoan, Atasha Dominique

Sa paggawa ng mga halimbawa ng Akademikong Sulatin nung mga nagdaang oras, at araw sa aming E-Portfolio ay marami natutunan ang mga manunullat kung paano sumulat nito at hindi lang pala iisa ang nasa akademikong sulatin, marami ang uri nito at

ito'y nakapaloob sa aming E-Portfolio. Ang mga nasabing

akademikong sulat na nakalagay sa e-portfolio na ito ay orihinal na sinulat ng mga may-akda. Napagtanto rin nila ang mga kahalagahan at importansya ng bawat isa na dapat talagang matutunan. Kanila'y naranasan pa na gumawa ng bidyo upang magtalumpati. Nilinang nito ang kanilang kasanayan sa paggawa ng Akademikong Sulatin. Nakatulong din ito upang mahasa ang kanilang malikhaing isip.

30


Epilogo

Isinulat ni Reyes, Mikaela Angela

Matapos tuluyang mailathala ang Haliya ay maraming mga pagsubok at balakid ang kinaharap ng mga manunulat upang matiyak ang kakayahan ng nasabing E-Portfolio na maihayag ang kanilang angking talent sa madla. Ang Haliya ay sumasalamin sa paglago

ng

mga

may-akda

bilang

mga

manunulat

sa

kontemporaryong panahon. Sa proseso ng pagsulat ng Haliya ay masasabi ng mga manunulat na hindi naging madali dahil kapwa kalaban ang oras na siyang gugulin upang makapagbigay ng dekalidad na gawa sa masa. Subalit kasabay ng prosesong ito, ay ang mga aral na kanilang napulot na ‘di lamang magagamit sa pagsusulat kung hindi pati na rin sa reyalidad. Ngunit ang pinakamahalagang aral na napulot ng mga manunulat sa paglalakbay na ito ay ang natatanging kapangyarihan ng mga salita na maihayag ang sari-sariling saloobin na hindi isinasaalangalang ang kahingian ng akda na sumalamin sa katotohanan.

31


Rubrik 32


Sariling Bionote

33


Charizza Acosta 34


Sariling Bionote Si Charizza Joy R. Acosta ay isang estudyante na kasalukuyang tinatapos ang unang taon ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics o STEM na sangay ng Senior Highschool sa Unibersidad ng De La Salle Dasmarinas. Ang taong ito ay nakapagtapos ng mga pangunahing edukasyon tulad ng elementarya at junior highschool. Nakapasa si Charizza sa paunang eksaminasyon ng kaniyang nakaraang paaralan sa junior higschool para makapasok sa Special Science Curriculum. Bilang isang estudyante, siya ay taon-taong may karangalan sa paaralan. Siya ay aktibo sa pagsali sa mga kompetisyong may kinalaman sa matematika at pagguhit na kung saan, isa sa kaniyang gawa noong elementarya ay nakarating sa Hong Kong upang ilaban sa iba pang bansa sa Asya, na sa huli, ay naguwi ng pangatlong gantimpala. Naging parte rin ang taong ito ng iba’t ibang organisasyon sa kaniyang dati at kasalukuyang paaralan. Siya ay naging taga-representa ng kaniyang baitang sa Pamahalaan ng Magaaral noong junior highschool, business manager ng teatro club, at sekretarya ng arts club. Sa kasalukuyan, maliban sa pagiging isang estudyante ng Senior Highschool, siya rin ay miyembro ng Lasallian Peer Facilitators at pang-akademikong barsiti ng DLSUD. Kung saan, siya din ay naghahanda na sa papalapit na Biology Olympiad na isinaayos ng Unibersidad ng Pilipinas Los Banos.

35


Sariling Bionote Si Diantha Ysabel D. Albano ay nagtapos ng elementarya sa St. Jude College Dasmarinas na may gantimpalang 2nd Honorable Mention. Aktibo siya sa pagsali sa mga kompetisyon na may kinalaman sa pagguhit at pakikipagtalastasan, pati na rin sa mga rampa at pagandahan. Inilaban siya sa ASMEPPS nung ika-6 na grado para sa isang beauty contest kalaban ang ibang mga eskwelahan sa Dasmarinas City, Cavite, kung saan hinirang siyang kampeon. Naimbitahan siyang dumalo para sa sunod na laban naman ng mga lungsod. Iba pa sa kanyang mga napanalunan ay ang pagsulat ng tula, kung saan mayroon siyang angking galing. Nagtapos naman siya ng Hayskul sa De la Salle University Dasmarinas ng may High Honors. Kasalukuyang tinutuloy niya ang pag-aaral ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) ng ika11 baitang sa DLSU-D. Siya ay nagtapos ng kanyang unang semestre ng may High Honors at siya ay kasalukuyang nasa ikalawang semestre. Sa taong ito, si Diantha ay naghahanda para sa kukunin niyang kurso, Arkitektura, sa kolehiyo.

36


Diantha Albano 37


Atasha Pidlaoan 38


Sariling Bionote Atasha Dominique C. Pidlaoan. Isinilang sa Sampaloc, Maynila at kasalukuyang nakatira sa lungsod ng Cavite, siya ay panganay sa kaniyang pamilya at ang nagtatanging babaeng apo sa kaniyang “father side". Mula sa kaniyang pagtatapos ng “Junior HighSchool” nang may karangalan sa paaralan ng Colegio San Agustin Biñansa lungsod ng Southwoods, nagpatuloy siya ng pag-aaral sa De La Salle UniversityDasmariñas sa ika-unang baiting sa ilalim ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) strand. Aktibong nagsisilbi bilang miyembro sa “G- force Dance Team”, isang organisasyon sa maynila na sumasalin sa mga sayawan sa telebisyon, mga mananayaw na may gustong mapahiwatig na positibo sa kanilang mga madla o taga-suporta at nagbibigay ng oportunidad na makapagturo ng sayaw sa mga taongmay nais na matuto sa larangan ng pagsasayaw. Taimtim at matiyaga siyang naninilbihan bilang miyembro ng “Youth Organization” at noong nakaraang taon. Ang organisasyon na kaniyang sinasalihan ay nagsasagawa ng iba’t ibang kaganapan kabilang ang “Stellar” isang konsyerto, na gumanap ang iba’t ibang mga musikero, “Acquaintance Party”, atbp. Nakapagkamit rin siyang mataas na grado sa kaniyang pananatili sa nasabing paaralan bilang estyudante , at masigasig pa ring napapasama sa mga mag-aaral na may parangal sa kasalukuyan. Pangarap niyang maging isang IT para sa kaniyang kinabukasan at dahil dito kaniyang kinuhaang elektibo na “programming” upang mas lalo niyang mapag-aralan ang pinapangarap niyang trabaho.

39


Sariling Bionote Si Mikaela Angela B. Reyes o mas kilala ng nakararami sa taguring Mika, ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang na kasulukuyang tinatahak ang strand ng Science, Technology, Engineering at Mathematics sa Pamantasang De La Salle - Dasmariñas. Bata pa lamang ay hindi na maitatanggi ang husay ni Mika sa silid-aralan. Elementarya pa lamang ay inilalaban na si Mika biling kinatawan ng kanilang paaralan sa mga paligsahan katulad ng Metrobank Math Challenge, Math Olympiad, DSPC, Mind Challenge, Mar Dunong, at iba pa. Bunsod ng mga ito, siya ang nagkamit ng titulong pinakamataas na dangal sa kanilang paaralan. Pagtungtong ng sekondarya ay palagian pa rin siyang nakatatanggap ng mga akademikong patimpalak. Sa apat na taong kaniyang nilagi sa mababang sekondarya ay napanatili ni Mika ang pagiging iskolar. Magpahanggang ngayon, patuloy pa rin siyang gumagawa ng marka para sa kaniyang pangalan. Sa kasalukyan, kasapi si Mika ng opisyal na pahayagan ng kaniyang kasulukyang paaralan, ang La Estrella Verde, bilang isang manunulat ng balita. Gayundin, nito lamang ng siya ay muling maging iskolar sa kasalukuyang paaralan.

40


Mikaela Reyes 41


H a l i y a


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.