![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/ca9def321f38eddf73a5e12e9f191d71.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/ca9def321f38eddf73a5e12e9f191d71.jpeg)
Sen-SURA: Panunupil sa pamamahayag
“Ay baka hindi ilabas,” isa sa mga kadalasang linya ng mga mamamahayag sa tuwing magbabalak silang maglathala ng mga balitang sasalungat sa mga patakaran ng kolehiyo o pamantasang kanilang kinabibilangan. Mula 2023 hanggang 2024 ay may naiulat na 206 na kaso ng panunupil sa mga campus journalist sa buong Pilipinas. Sa kabila ng pagsasabatas ng proteksiyon para sa mga estudyanteng mamamahayag, patuloy pa rin silang pinatatahimik dahil sa kanilang nagkikinangang patsada.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/ca9def321f38eddf73a5e12e9f191d71.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/c7253e3ea3fa360eff96989b21db1977.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/43d4a193889847c5ebb9b0c131f1a5cc.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/2fee23ca12b11af7b7a8348723677b17.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/c4af5edd135627f0223ec0adf5a05e23.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/c2c7dbcc6a12f2ee58ac3cc5a9d1b3a2.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/8e966714f6fcb871719c0f1b46675846.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/aacad5f33f9c62835b8de5cda2dc84a1.jpeg)
Iginuhit ni Earl Jenzen
B. Agoncillo
TANGLAW
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/fddc70048f3babf7b96f9d877c372530.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/79c4d295f0a0436f99aa77d9c12142c2.jpeg)
Ang LALIK Hayskul
EKONOMIYA NG PILIPINAS, PATULOY NA UMAARANGKADA
Sa nalalapit na pagtatapos ng 2024 ay muling masusukat ang kabuoang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa Pilipinas, isang mahalagang indikasyon ng paglakas ng pambansang ekonomiya.
Ibinahagi ng Association of Southeast Asian Nations Plus 3 Macroeconomic Research Office (AMRO) ang inaasahang Gross Domestic Product (GDP) growth ng Pilipinas na magtatapos umano sa 5.8%.
Sinabi ni National Statistician Undersecretary Dennis Mapa na naitala ng bansa ang 6.4% ng paglago noong ikalawang quarter, at 5.2% naman sa ikatlong quarter ng 2024.
Bagama’t mataas ang mga unang resulta, ang pagbaba ng GDP sa huling quarter ay nagdulot ng pangamba sa kalagayan ng ekonomiya.
Nagsimula ang gobyerno ng Pilipinas na itakda ang target ng 6 hanggang 7% na GDP growth rate para sa 2024, ngunit ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, kailangan pa ng mas mataas na 6.5% growth sa huling quarter upang matamo ang target
Sa kabila ng naitalang pagbabago sa growth rate na nagdulot ng paghina sa pangkalahatan, kinilala pa rin ang Pilipinas bilang pangalawa sa mga natatanging bansa sa Asya na nanatiling may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya.
Dagdag pa ng kalihim, nangunguna ang bansa sa Indonesia (4.9%), Tsina (4.6%), at Singapore (4.1%).
Batay sa AMRO, kabilang sa mga aspekto ng mabagal ng katayuan ng bansa ang hindi maayos na paglalaan ng pondo sa mga imprastruktura, malimit na pagpapabago ng panahon, pagbaba ng produksiyon ng hayop, at ang nananatiling epekto ng pandemya.
Sa mga pangunahing sektor ng ekonomiya, maipalalagay na isa sa mga lubhang apektado rito ang sektor ng edukasyon, dahil nakakaranas ang mga paaralan ng mga hámong hindi inaasahan, gaya ng sunod-sunod na suspensiyon ng mga klase dahil sa madalas na pagsamâ ng panahon.
Ang pitong bagyong dumaan ay nagdulot ng pagkaantala sa mabisang paghahatid ng edukasyon na nagresulta sa learning loss o pagkawala ng natutuhan—na patuloy na nararanasan ng mga mag-aaral.
Apektado rin ng pandemya ang mga estudyante, na nagdulot ng malaking hámon sa sektor ng edukasyon, lalo na sa kakayahan nilang magpatuloy sa kanilang mga aralin.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, “Handa ang gobyerno upang matiyak ang mabilis na paghahatid ng tulong sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyo upang muli tayong makapagtayo at makabangon nang mas mabilis.”
Habang inaasahang bababa ang inflation rate sa 3.2%, makikinabang dito ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
Sa kabila ng mga hámon, nananatili pa ring positibo ang pamahalaan na maipagpapatuloy ang pag-arangkada ng GDP growth rate ng Pilipinas at makakamtan ang hiling na GDP na papalo sa 6.5 hanggang 7.5%.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/c4e633c2d85aee37467856395fc468d6.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/36d12bc45120c71469433d2e46d18093.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/fa9efaa23c676011e6a07f5127e61fe4.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/d92d7a01f966b8569616604ef864c088.jpeg)
DEDIKASYON SA DSPC 2024 LALIK HAYSKUL, IPINAKITA ANG DEDIKASYON SA DSPC 2024
LALIK HAYSKUL, IPINAKITA ANG
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/c325526cdd504136ba56fe13c3c93650.jpeg)
Sa unang taon pa lamang ng bagong pahayagan sa Paaralang Integrado ay ipinamalas na agad ng Ang LALIK Hayskul ang kanilang husay at dedikasyon sa aktibong paglahok sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng indibidwal na pagsulat, Collaborative Desktop Publishing, Online Publishing, at Broadcasting na nagpapatunay ng kanilang pagsusumikap at galing sa pamamahayag Sa unang taon pa lamang ng bagong pahayagan sa Paaralang Integrado ay ipinamalas na agad ng Ang LALIK Hayskul ang kanilang husay at dedikasyon sa aktibong paglahok sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng indibidwal na pagsulat, Collaborative Desktop Publishing, Online Publishing, at Broadcasting na nagpapatunay ng kanilang pagsusumikap at galing sa pamamahayag
Noong 13 Nobyembre 2024, nagtipon-tipon ang mga mag-aaral mula sa buong Batangas para sa Division Schools Press Conference (DSPC) na nilahukan ng Ang LALIK Hayskul (ALHS) mula sa upang ipamalas ang kanilang kasanayan sa pamamahayag at makipagsabayan sa iba pang mga kalahok.
Habang maraming paaralan ang nakipagsabayan at nagtagumpay sa pagtatamo ng mga pangunahing gantimpala, hindi maikakaila ang dedikasyon at katapatan ng mga mag-aaral ng
ALHS sa pagtataguyod ng isang makatarungang media sa kabila ng hindi pagkapanalo. Ang mga guro ng ALHS na sina Bb. Lenlen D. Codico at G. Abner S. Hermoso ang nagsilbing gabay ng mga mag-aaral sa pagiging responsable, sistematiko, at patas sa bawat hakbang ng paggawa ng mga proyektong tumatalakay sa mahahalagang isyung panlipunan. Nagpatuloy ang mga mag-aaral ng ALHS sa pagpapalaganap ng mga prinsipyo ng makatarungan at responsableng pamamahayag sa kanilang kapuwa mag-aaral at sa Paaralang Integrado, na layunin nila sa kanilang paglahok sa mga kompetisyon. Ang karanasang ito ay nagsilbing mahalagang aral sa organisasyon at nagpapaalala ng kahalagahan ng mas maayos na paghahanda, masusing pagsasanay, at pagkakaroon ng makabagong kagamitan upang mapagtagumpayan ang mga hámon sa hinaharap.
PANGULONG MARCOS, NILAGDAAN ANG BATAS
PARA PALAWAKIN ANG MENTAL HEALTH PROGRAMS SA MGA PAARALAN
Pinirmahan ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. ang Basic Education Mental Health and Well-being Promotion Act sa Palasyo ng Malacañang noong 9 Disyembre 2024 upang ipalaganap ang mga programa para sa kalusugan ng pag-iisip ng mga mag-aaral at empleyado sa paaralan.
Ipinahayag ng Pangulong Marcos na, “Kapag ang ating mga mag-aaral at tauhan ng paaralan ay may malusog na pag-iisip, bumubuti ang akademikong pagganap, bumababa ang pagliban, at umuunlad ang kultura ng pakikiramay at pag-unawa. Higit sa pagiging pananggalang sa ating mga kabataan at tauhan ng paaralan, ang batas na ito ay isa ring pamumuhunan sa intelektuwal, emosyonal, at panlipunang kinabukasan at pag-unlad ng ating bansa.”
Ang mga programang ito ay ipatutupad sa mga pampubliko at pribadong paaralan, pati na rin sa mga batang may pangangailangan sa Special Education (SPED).
Layunin ng batas na tiyakin na ang kalu sugan ng emosyon at pag-iisip ng mga magaaral at guro ay nabibigyang-pansin, lalo na sa mga pagsubok na kanilang kinakaharap.
Ayon pa sa Pangulo, ang mga problema sa kalusugan sa pag-iisip ay nagdudulot ng pagbaba ng performance mataas na turnover rate guro.
Kaya naman, makatutulong daw ang batas na ito upang mapanatili ang katatagan ng mga estudyante at guro, mapabuti ang pagtuturo, at magbigay ng mas maraming atensiyon sa mga mag-aaral.
Wika pa ng pangulo, “isa itong mahalagang hakbang pasulong sa pagtiyak na ang ating mga mag-aaral ay hindi lamang mahusay sa
likong paaralan, na magsisilbing mga sentro para sa serbisyong pangkalusugan ng kaisipan upang masubaybayan ang kalagayan ng mga mag-aaral at guro. Sa ilalim ng batas, kinakailangang magtayo ng mga Mental Health and Well-Being Offices sa bawat school division office na siyang mangunguna at magpapalaganap ng mga programang ito.
Dagdag pa rito, inaatasan din ng batas na magkaroon ng mga bagong posisyon sa mga paaralan, kabilang na ang posisyon ng School Counselor, na siyang mangunguna sa mga programa at magbibigay ng gabay sa mga mag-aaral.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/022a1151709cdd2434f1c27a7f2abf1e.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/3a642e0c5c89b90cc612d69e8c1adb98.jpeg)
PAGKILALA: PHILSTAR
ni RHIAN GABRIELLE P. GABAY
ni LORENZ ROSH SERRANO
ni BERNICE MARIE D. GOINGO
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f98da1661abfdba608a43c88fbef3fae.jpeg)
MAHIGIT 8,000 TSUPER, KUMAWALA SA PUVMP
Mahigit 8,000 tsuper ng Public Utility Vehicles (PUV) ang kumawala sa programa ng gobyerno na layuning modernisahin ang pampasaherong sasakyan sa bansa, dahil sa mga pag-aalalang dulot ng mga pagbabago sa kanilang kabuhayan at operasyon kabilang ang 6,000 miyembro mula sa grupong MANIBELA at ang natitirang 2,000 mula sa Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).
Ayon sa mga lider ng mga grupong ito, nabawasan ang kanilang kita at mga biyahe dahil sa
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/27015b2ac3d43221fcb172b83af5cef1.jpeg)
Pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 83% na ng mga operators sa bansa ay nakikilahok sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Subalit kinontra ito ni Floranda ng PISTON, na nagsabing may 244 na biyahe sa Metro Manila at 2,600 sa buong bansa ang hindi pa nakikisali sa programa. Isang pasahero mula Quezon City, si CM Remada, ang nagsabi
na hindi pa rin niya nararamdaman ang epekto ng modernisasyon dahil sa patuloy na matinding trapik at mataas na pamasahe. Ang limitasyon sa tradisyonal na jeepney at ang kakulangan ng modernong bersiyon nito ay nagiging hadlang sa araw-araw na pagbiyahe ng mga estudyante, guro, at empleyado na umaasa sa mga pampasaherong sasakyan upang makarating sa kanilang mga destinasyon.
Umaasa naman ang mga nabanggit na grupo na maipagpatuloy ang kanilang biyahe sa mga Pasko at Bagong Taon kung kaya’t kanilang pakikiusapan ang Department of Transportation (DOT) payagan silang makapagparehistro at makapagpasa ng bagong pran-
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/ac5238877a7a72367328e88bdf37d61e.jpeg)
MERALCO,
NAG-ANUNSIYO NG TAAS SINGIL SA KORYENTE
Nag-anunsiyo ang Meralco ng dagdag-singil sa koryente na aabot sa ₱0.1543 kada kilowatt-hour (kWh) kasabay ng pagtataas ng presyo ng mga panggatong o fuel at ang suplay ng koryente mula sa mga planta.
Ayon sa Meralco, ang pagtaas ng presyo ng coal at ang epekto ng mga maintenance shutdown sa ilang planta ang naging sanhi ng karagdagang singil sa koryente.
Ang bagong singil ay magdudulot ng karagdagang ₱116 sa buwanang bill ng isang karaniwang pamilya na kumokonsumo ng 200 kWh, dagdag na ₱31 sa bill ng mga komokonsumo ng 200 kWh, ₱46 sa mga komukonsumo ng 300 kWh, ₱62 sa komukonsumo ng 400 kWh, at ₱77 sa komukonsumo ng 500 kWh kada buwan.
Dagdag pa ng Meralco, ang taas-singil ay dulot ng pagsipa ng
transmission charge na ₱0.2913 kada kWh, na nagmula sa mas mataas na ancillary service charge ng National Grid Corporation of the Philippines.
Para sa mga pamilya na may mababang sahod, ang dagdag-bayarin sa koryente ay magiging matinding pasanin sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Sa sektor ng edukasyon, inaasahan na magkakaroon ng epekto ang taas-singil sa operasyon ng mga paaralan at unibersidad, lalo na sa mga institusyong gumagamit ng maraming koryente para sa mga klase at gawaing panlab-
oratoryo.
Maaaring magdulot ang karagdagang gastos sa koryente ng pagkaantala sa mga serbisyo ng mga paaralan at sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa mga silid-aralan.
Ayon kay Ella, isang estudyante sa UP Diliman, magiging mas mahirap para sa mga katulad niyang estudyante na dumadalo sa mga online class kung tataas pa ang singil sa koryente. Dahil dito, maraming magulang ang nag-aalala dahil maaapektuhan nito ang pagbabadyet nila sa pagpapaaral sa kanilang mga anak.
Pgkisa kahit na hindi pa sila nakikiisa sa programang ito.
Inaprubahan naman LTFRB ang pagbibigay ng mga special permit sa mga transport operator para masiguro ang biyahe ng bawat commuter sa mga darating na okasyon.
Magsisimula ang LTFRB na tumanggap ng aplikasyon para sa mga special permit mula 15 Disyembre 2024, at ang bisa ng mga permit ay tatagal mula 20 Disyembre 2024 hanggang 4 Enero 2025.
Inaasahan naman ng LTFRB na pagsapit ng 2027, aabot na sa 40% ng mga jeepney sa Metro Manila ang magiging modernisado.porsyento ng mga jeepney sa Metro Manila ang magiging modernisado.
Samantala, patuloy ang Meralco sa pagsasabi na sinisikap nilang tugunan ang mga alalahanin ng kanilang mga konsyumer at nakikipag-ugnayan sila sa gobyerno at mga regulator upang magbigay ng mga solusyon.
Tiniyak ng kompanya na pinapababa nila ang kanilang mga operational cost at sinisiguro ang stability ng kanilang serbisyo sa kabila ng pagtaas sa presyo ng produksiyon.
Gayumpaman, ang mga sektor ng paggawa at mga organisasyong pangkababaihan ay nananawagan ng agarang aksiyon mula sa gobyerno upang matulungan ang mga pamilyang nahihirapan sa pagtaas ng singil sa koryente.
Ayon sa kanila, kinakailangan ng mga subsidiya at mga hakbang na tutulong sa mga pamilyang hindi kayang tustusan ang mataas na presyo ng koryente, lalo na sa panahon ng krisis.
BALITA 03 ANG PAGTAAS NG TUITION FEE SA INTEGRATED SCHOOL
PAGTATAAS NG MATRIKULA SA PAARALANG INTEGRADO, PINAG-AARALAN
Sa isang pagpupulong ng mga guro at magulang na ginanap noong 19 Nobyembre 2024 sa gymnasium ng unibersidad, ipinahayag ng pamunuan ng Paaralang Integrado na pinag-aaralan nila ang posibilidad ng pagtataas ng matrikula o tuition fee
Isang magulang ang sumang-ayon sa panukalang ito nang sa gayon ay matugunan ang mga pangangailangan sa pagpapabuti ng mga pasilidad at mga kagamitan ng paaralan.
Bagama’t walang tumutol sa nasabing panukala, nilinaw ng pamunuan na wala pang pinal na desisyon hinggil dito at patuloy pa nilang pinag-aaralan ang mga posibleng kahihinatnan nito.
Marami mang magulang ang sumuporta, may ilan pa ring nagpahayag ng pag-aalala sa magiging epekto nito sa kakayahan nilang magbayad ng mga karagdagang gastusin.
Sinabi ng pamunuan na patuloy nilang binabalanse ang mga pangangailangan ng paaralan at ang kapasidad ng mga magulang sa pagbabayad ng matrikula.
Magsasagawa rin ng mga karagdagang pagpupulong upang ilahad ang mas detalyadong paliwanag sa mga susunod na hakbang ng pamunuan.
Sa huli, tiniyak ng pamunuan na ang naturang panukala ay magiging makatwiran habang patuloy na hinihintay ng mga magulang ang pinal na desisyon sa pagtataas ng matrikula.
PISO, TUMAAS SA HULING
ARAW NG KALAKALAN NG 2024
Sa pagtatapos ng 2024, nagtala ng positibong pagbabago ang Philippine peso na tumaas ng 12.5 centavos at umabot sa ₱57.845 laban sa US dollar sa huling araw ng kalakalan. Ang pagtaas ng halaga ng piso ay sinabayan ng holiday remittances mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na may malaking epekto sa ekonomiya ng bansa.
Para sa mga estudyante, ang mga remittance mula sa mga OFW ay nagbibigay ng mga karagdagang pagkakataon na makapaglaan ng pondo para sa mga pangangailangan sa paaralan tulad ng mga proyekto at iba pang mga gastusin.
MULING BINATIKOS
inangunahan ni Batangas 2nd District Representative Congresswoman Gerville Luistro ang isang house hearing noong 25 Nobyembre 2024 upang kuwestiyunin si Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta bilang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa ₱125 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd) noong 2022, na nabigyan ng notice of disallowance
Isinalaysay ni Acosta kung paano niya pinirmahan ang tseke para sa dalawang tanggapan at inilabas ang malaking halaga ng pondo na nakapangalan sa kaniya, na kalaunan ay ipinasa kay “Col. Raymund Dante Lachica,” ang Ground Commander ng Vice Presidential Security and Protection Group.
Ayon kay Acosta, pinahintulutan siya ni Bise Presidente Sara Duterte na ipagkatiwala ang pera kay Col. Lachica, kaya’t panatag niyang ipasa ito sa nasabing opisyal.
Sa kaniyang pagtatanong, pinaalalahanan ni Luistro si Acosta na hindi dapat inihahabilin sa sinuman ang trabaho at responsibilidad ng SDO na pamahaláan ang daloy ng disbursement ng pampublikong pondo.
Kasabay ng imbestigasyon sa OVP, sumalang din sa nasabing hearing si dating DepEd SDO Edward Fajarda dahil sa isang kaparehong isyu kaugnay ng confidential funds
Noong unang quarter ng 2023, nagbahagi si Fajarda ng milyon-milyong confidential funds sa nakaatas na security officer ng DepEd na si Col. Dennis Nolasco. Ibinunyag ni Fajarda na siya rin ay binigyan ni Duterte ng direktang instruksiyon at binigyan ng mga sobreng naglalaman ng pera para ipamigay sa ilang piling opisyal ng DepEd. Binatikos rin ang kontrobersiya sa mahigit 700 acknowledgment re ceipts na walang pangalan ni pirma, na naging dahilan ng pagdududa
sa transparency ng paggamit ng pondo.
Inusisa rin sa hearing ang ilang personalidad, tulad nina Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin, na umano’y nakatanggap ng confidential funds samantalang sinabi ni Acosta na tanging si Col. Lachica lamang ang makapagsasabi kung sino-sino ang mga ito. Nakasaad sa accomplishment
paano ginastos ang mga ito. Bilang tugon sa mga isyung ito, ipinahayag ni Bise Presidente Duterte na ang mga pondo ay inilaan para sa seguridad ng bansa at sa mga isyu sa sektor ng pagtuturo, tulad ng kalidad ng edukasyon at mga ilegal na aktibidad na maaaring makaapekto sa mga mag-aaral, tulad ng kanilang kaligtasan. Sa ngayon, tinitingnan pa rin ng
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/c6ebeefa02c6cbdbcc35bdbac7fa5b8e.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/4cf7ef51d3c5aad8c709680ffa0de18e.jpeg)
Gayumpaman, ang pagtaas ng piso ay hindi ganap na nakatulong sa mga magulang at estudyante, sapagkat patuloy pa rin ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Sa kabila ng ilang magandang indikasyon sa ekonomiya, bumagsak ang halaga ng piso sa 2.475 o 4.28% mula sa 55.37 noong katapusan ng 2023, na patuloy na nagdudulot ng suliranin sa mga magulang na may mga anak na pinapaaral.
Dahil sa pagbaba ng halaga ng piso, mas nagiging mahirap para sa mga magulang na makapaglaan ng salapi para sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak, lalo na sa school supplies na kadalasang mga imported na produkto tulad ng mga laptop at libro.
Sa kabila nito, nakatulong ang holiday spending ng mga OFW sa pagpapasigla ng ekonomiya datapwa’t hindi pa agad makikita ang benepisyo nito sa mga estudyante dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/a2656f47f15a8b9dba4787075a0fd7a2.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/0869f29cb334d7debe6b1fcf5fd2ed73.jpeg)
PAGKILALA: STAR
PAGKILALA: MIKA JENYMAE RASING | DZRH
ni MIRA FINUEL G. ARELLANO ni AVRIL JOYCE P. YACO
PAGKILALA: TRANSMISSION PISTON
ni MANUNULAT
ni MANUNULAT
ni BERNICE MARIE D. GOINGO
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f98da1661abfdba608a43c88fbef3fae.jpeg)
PSA: MARY GRACE PIATTOS, WALANG REKORD
Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2 Disyembre 2024 na walang rekord ng pangalang “Mary Grace Piattos” sa anumang sertipiko ng kapanganakan, kasal, at kamatayan na mayroon ang tanggapan.
Isa si Mary Grace Piattos sa mga lumagda sa acknowledgment receipts na may pinakamalaking nakuhang pondo mula sa confidential funds na inilabas ng Department of Education (DepEd) noong 20 Disyembre 2022, na nagkakahalaga ng ₱70,000 na sinasabing nakalaan para sa mga medisina.
Nag-alala ang mga miyembro ng komiteng dumidinig sa kaso dahil sa mga resibong kanilang siniyasat na naglalaman ng mga di-makatotohanang pangalan, kulang-kulang na impormasyon, at pagkakapareho sa pagkakasulat ng mga pangalan.
Ayon sa mga pinuno ng Kamara, ang kumpirmasyon ng PSA ay nagpapatibay sa kanilang mga alegasyon na si Piattos ay kathang-isip na pangalan lamang na nilikha upang magsilbing cover sa mga pinagmulan ng confidential funds.
“Kasi it follows na ‘pag wala si Mary Grace Piattos, sigurado halos lahat ng tao na nandun is fictitious na,” dagdag ni Representative Jay Khonghun.
Nang tanungin si Vice President Sara Duterte tungkol sa pangalang ito, sinabi niyang hindi pa niya nakikita ang pangalan ni Piattos sa acknowledgment receipts.
Hindi rin nakapagbigay ng pahayag ang mga empleyado at opisyal ng Office of the Vice President (OVP) nang tanungin sila ukol dito.
Sa isang panayam sa Palasyo ng Malacañang, sinabi ni Public Accountability Committee Chair Jol Chua na patuloy nilang iimbestigahan ang iba pang mga pangalan na nakalista sa mga nakatanggap ng confidential funds mula sa OVP.
Ayon sa DepEd, ang pondong nagkakahalaga ng ₱150 milyon ay inilaan noong 2022 upang protektahan ang mga estudyante laban sa seksuwal na pang-aabuso, karahasan, korupsiyon, child pornography, at iba pang mga ilegal na isyu.
Nagpahayag ng pagkadismaya ang kasalukuyang Education Secretary Sonny Angara dahil sa pagbaba ng ₱12 bilyon mula sa orihinal na badyet na inilaan para sa DepEd sa taong 2025.
Dagdag pa ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro, hindi dapat magdusa ang mga estudyante at guro dahil sa mga isyung kinasangkutan ng DepEd noong nakaraang panunungkulan ni Vice President Duterte.
“Inilalantad nito ang malalim na problema sa transparency at pananagutan,” saad ni Khonghun.
Ayon sa kaniya, ipinapakita ng kontrobersiyang ito ang seryosong isyu ng kakulangan sa pagpapakatotoo at kredibilidad ng gobyerno sa mga mamamayan ng
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/9aab7db88fffdfc90fdfabc164a64236.jpeg)
TANGLAW 2024: PASKO NG PAGKAKAISA AT PAG-ASA PARA SA MGA MAG-AARAL NG BATSTATEU THE NEU
Nagbigay ng isang natatanging karanasan ang Tanglaw 2024 sa mga mag-aaral ng Batangas State University, The National Engineering University (BatStateU The NEU), na nagpatibay sa kanilang samahan at nagbigay ng inspirasyon sa patuloy na pag-unlad.
Sa ilalim ng temang “Gabay sa Tahanang
Red Spartans,” nagbigay ang selebrasyon ng pagkakataon sa mga mag-aaral na magsama-sama at magsaya pagkatapos ng isang taon ng mga pagsubok at hámon sa kanilang akademikong buhay. Ang mga programa tulad ng parada at pagpapailaw ng Christmas tree ay nagbigay-daan para mapalakas ang pagkakaisa ng mga mag-aaral, na isang mahalagang aspekto ng pagkakapatiran sa pamantasan.
Sa bawat pangyayari, naramdaman ng mga mag-aaral ang halaga ng pagtutulungan at ang epekto nito sa kanilang emosyonal at mental na kalagayan, na nakatulong sa kanilang pagbabalik-loob sa Diyos at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.
Nagsilbing pagkakataon ang selebrasyon upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang kasiyahan na nagpabuti sa kanilang relasyon sa isa’t isa at sa unibersidad.
Ang pagpapailaw ng malaking Christmas tree sa gitna ng kampus ay nagsilbing simbolo ng mga pangarap at pag-asa sa hinaharap, pati na rin ng diwa ng Pasko na
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/40b939a6af96a03bb3d3d20dce2739f6.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/9708b5845bc0241e631ce1203f9e5b9d.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/e7fce1f80e77d37196c4e997130011c9.jpeg)
PAGTAAS NG DOLYAR, MAY MALALIM NA EPEKTO SA EKONOMIYA AT PAMILYANG PILIPINO
Maraming sektor ng ekonomiya ang nakararanas ng matinding epekto ng patuloy na pagtaas ng halaga ng dolyar laban sa piso kabilang na ang mga pamilyang Pilipino at mga mag-aaral sa bansa.
Dahil sa mabilis na pagbaba ng halaga ng piso, nagdudulot ito ng matinding alalahanin sa mga ekonomista, negosyante, at mga karaniwang mamamayan na dahil direkta nitong naaapektuhan ang kanilang pang-araw-araw na buhay.
Ayon sa mga eksperto, ang paglakas ng dolyar ay dulot ng iba’t ibang pandaigdigang salik o factor tulad ng inflation, tumitinding tensiyon ng mga pangunahing ekonomiya sa mundo, at ang patuloy na pagtaas ng interest rate ng Federal Reserve ng Estados
Unidos.
Malalim ang epekto ng mataas na exchange rate sa iba’t ibang sektor ng ekonomiya, kabilang na ang sektor ng edukasyon.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng dolyar, nahihirapan ang mga estudyante, lalo na ang mga nag-aaral sa mga unibersidad at kolehiyo, na nakakaranas ng pagtaas sa presyo ng mga inaangkat o imported na produkto tulad ng mga libro, laptop, at iba pang kagamitang panteknolohiya.
Bukod dito, tumaas din ang gastos para sa mga internship,
fieldwork, at study tours na nangangailangan ng international services o pagpunta sa ibang bansa.
Ang mga negosyo naman na umaasa sa mga inaangkat na produkto ay nahihirapan din, dahil tumaas ang presyo ng kanilang materyales, na nagiging sanhi ng pagtaas sa presyo ng kalakal at serbisyo.
Dahil dito, nahihirapan ang mga mamimili sa pagbabadyet ng kanilang mga pangangailangan.
Sa mga ordinaryong Pilipino, patuloy na nagdudulot ng pasanin
ang pagbaba ng piso laban sa dolyar, lalo na’t tumaas ang presyo ng mga inaangkat na produkto tulad ng gasolina, pagkain, at mga gadget. Ayon sa isang pamilya sa Quezon City, ramdam nila ang hirap sa pagtaas ng bilihin, lalo na’t ang mga bagay na hindi nila kayang iwasan, tulad ng pagkain at gasolina, ay patuloy na tumataas. Bilang tugon sa paglaki ng exchange rate, nagsagawa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng mga hakbang tulad ng pagbili ng piso at pagpapalabas ng dolyar mula sa kanilang foreign reserves upang mapababa ang epekto ng pagtaas na dolyar.
Gayumpaman, sinabi ng mga ekonomista na mahirap pigilan ang natural na daloy ng palitan ng pera, lalo na kung may mga pandaigdigang salik na nakaaapekto sa ekonomiya. Bagama’t may mga nag-aalala sa kasalukuyang kalagayan, may mga positibong indikasyon na maaaring magbago ang ekonomiya sa mga darating na buwan.
DEPED, NAGLABAS NG BAGONG PATAKARAN SA PAGSUSPENDE NG KLASE TUWING MAY SAKUNA
nilabas ng Department of Education (DepEd) noong 27 Disyembre 2024 ang mga bagong patakaran para sa pagsuspende ng klase sa mga pampublikong paaralan tuwing may sakuna upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga kawani.
Sa ilalim ng bagong patakaran, suspendido ang klase sa preschool kapag nasa Signal No. 1 ang isang lugar, habang ang mga klase mula elementarya hanggang junior high school ay isususpende kapag ito’y umabot ng Signal No. 2, na magreresulta sa pagsasagawa ng modular o make-up classes upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante. Ang mga klase at trabaho naman ay awtomatikong ipagpapaliban kapag umabot ng Signal
No. 3 hanggang 5 lakas ng ang bagyo, isang hakbang na gagarantiya sa kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan sa bansa. Kapag umabot naman ang isang lindol sa Intensity V, ang Local Government Unit (LGU) ang magdedesisyon kung suspendido ang klase, at agad ding ipagbabawal ang pagkaklase kapag lumampas sa Intensity V ang lindol. LGU rin ang magpapasya kung kailangang suspendihin ang klase kapag masama ang kalidad ng
hangin tulad ng smog na tinaguriang “acutely unhealthy.” Samantala, hindi sa lahat ng pagkakataon ay isususpende ang klase kapag mainit ang panahon, datapwa’t bibigyan pa rin nito ng proteksiyon ang mga estudyante sa panahon ng tag-init.
Inaasahan ng DepEd na agad na ipapatupad ng mga pampublikong paaralan ang mga nabanggit na patakarang, at hinihikayat ang mga pribadong paaralan na sumunod din dito.
Ang mga bagong patakaran ito ay bahagi ng Kautusan Blg. 022 na nilagdaan ni Kalihim Sonny Angara upang panatilihin ang kaligtasan ng lahat tuwing may sakuna. Tiniyak naman ng DepEd na magsisilbing gabay ang programa nitong Learning and Service Continuity Plans (LSCPs) upang ipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral sa mga alternatibong paraan sa kabilang ng mga kalamidad na posibleng mangyari.
ni BERNICE MARIE D. GOINGO
ni BERNICE MARIE D. GOINGO
ni LORENZ ROSH SERRANO
PAGKILALA: STAR
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/c9cb330e423ddd0225d9ca4db782f975.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/79c4d295f0a0436f99aa77d9c12142c2.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/c9cb330e423ddd0225d9ca4db782f975.jpeg)
05 OPINYON
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/74559165f7d4ed3a74c89c99e31f59ff.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/8768ada039a13d250e58f549f721eed4.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/d3c3f3974fb112ec3104416f86762280.jpeg)
Sen-SURA: Panunupil sa Pamamahayag
“Ay baka hindi ilabas,” isa sa mga kadalasang linya ng mga mamamahayag sa tuwing magbabalak silang maglathala ng mga balitang sasalungat sa mga patakaran ng kolehiyo o pamantasang kanilang kinabibilangan. Mula 2023 hanggang 2024 ay may naiulat na 206 na kaso ng panunupil sa mga campus journalist sa buong Pilipinas. Sa kabila ng pagsasabatas ng proteksiyon para sa mga estudyanteng mamamahayag, patuloy pa rin silang pinatatahimik dahil sa kanilang nagkikinangang patsada.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/c9cb330e423ddd0225d9ca4db782f975.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/c9cb330e423ddd0225d9ca4db782f975.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/c9cb330e423ddd0225d9ca4db782f975.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/51d2e1d51409d61c5499d705d0f50b79.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/e09598e7d617a1f4605d9d3387a11e94.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/c9cb330e423ddd0225d9ca4db782f975.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/6e7522cbb8410f683ba872fc594efe81.jpeg)
PUNONG PATNUGOT
Gail Kim M. Maderazo PANGALAWANG
Bawat paaralan ay may kaniya-kaniyang publikasyon na naglalayong maghatid ng katotohanan at mga balita sa nasasakupan ng mga estudyante. Layunin ng Campus Journalism Act of 1991 na protektahan ang mga karapatan ng mga mamamahayag at ipataw ang karampatang parusa sa mga lalabag. Sa kasamaang palad, ginagamit lamang ang mga pahayagan upang mas lalong pagandahin ang imahen ng unibersidad, at itinatago ang malalagim na katotohanan. Sa pahayag ni G. Joenald Rayos, isang mamamahayag na tubong Batangas, may mas mataas na antas ng kalayaan sa pamamahayag ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan kumpara sa mga nasa pribado.
Lingid sa kaalaman ng ilan, sa mga nakalipas na dekada ay talamak na ang mga kaso ng
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/2854e35692eb122ccf6670aa8208a86b.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/191160b0b192d4f5cac5e5528d0b6517.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/d4f196a0c2c35f13b54dcf689939867e.jpeg)
Spanunupil sa mga mamamahayag sa bansa. Kamakailan lamang ay nagtamo ng libo-libong reaksiyon ang pagpapatanggal ng pamunuan ng Unibersidad ng Santo Tomas sa isang litratong nagpapakita sa mga estudyanteng Tomasino na papasok sa isang convenience store. Ipinatanggal ito matapos gawing katatawanan ng mga netizen ang pagkakatulad ng uniporme ng mga estudyante sa mga trabahador ng tindahan. Matapos ang nasabing pagpapatanggal ay sumiklab ang isyu ng kalayaan ng mga mamamahayag sa kani-kanilang mga institusyon, at ang paulit-ulit na pagsikil sa mga ito.
Patuloy na ipinaglalaban ng mga estudyanteng mamamahayag ang kanilang kalayaan mula sa mga mapanupil na administrasyon sa harap ng kongreso ngunit sa pang-13 taon ng pagsusulong ng Campus Press Freedom Bill ay nanganganib na naman itong maipagsawalang-bahala. Sa realidad ng kasalukuyang lipunan, naisasantabi ang kalayaan sa pamamahayag, at patuloy na napagsasamantalahan ang kalagayan ng mga mamamahayag.
Sa mahigit na isang dekadang pakikipaglaban para sa kalayaan ng pamamahayag, mahigit isang libong kaso na ng panunupil sa mga mamamahayag ang naitala. Kasama sa mga kasong ito ang pagsususpendi sa mga patnugutan ng publikasyon, pangingialam sa mga polisiya, pagkakait ng pondo, at ang panghaharang ng mga nakatataas. Ipinahihiwatig lamang nito ang pangangailangan ng proteksiyon ng mga estudyanteng mama-
BAG(Y)ONG SOLUSYON
mahayag sa lalong madaling panahon lalo na sa mga pagkakataong nalalagay sa panganib ang mga buhay nila dahil sa mga kaso ng red-tagging sa bansa. Ang ating lipunan ay kasalukuyang humaharap sa napakaraming problema dahil sa estado ng ating ekonomiya, at marahil ay hindi pa ito ang tamang panahon upang pagtuunan ng pansin ang sitwasyon ng mga pahayagang pampaaralan. Ngunit hindi na dapat pang magdusa ang mga estudyanteng mamamahayag na patuloy na nangangamba para sa kaligtasan ng kanilang buhay. At lalong hindi na dapat pang madagdagan ang mga binawian ng buhay dahil sa kagustuhang ipaglaban ang katotohanan. Nananahimik ang katotohanan sa patuloy na paguusig laban sa mga pahayagan. Sa kasamaang palad, ang pag-uusig na ito ay nagsisimula sa loob mismo ng mga paaralan. Libo na ang naging kaso ng pagsesensura sa mga pahayagan at sa mga estudyanteng mamamahayag kaya oras na upang sila’y bigyang-proteksiyon. Marahil nga ay nagiging mapanlason ang pamamahayag, ngunit kung patuloy itong sisikilin bilang instrumento ng katotohanan, pinatutunayan lamang nito ang pag-iral ng isang mapanupil na sistema. Ang pahayagang nagsisilbing tinig ng mga naaapi sa kabila ng mga patsadang nagmamalinis ay mga martir ng katotohanan, at ang mapanupil na sistema ang lumalason sa sambayanan.
olusyong pangmatagalan ang kinakailangan at hindi ang pantawid-gutom na tulong sa mga nasalanta ang dapat pagtuonan. Ilang bagyo pa ba ang dadaan at ilang takot pa ba ang kailangang maranasan bago aksiyunan ang mga tumataas na lebel ng tubig kapag nandiyan na ang sangkatutak na ulan? Ayon sa PAGASA, umaabot sa 20 tropical cyclone ang karaniwang pumapasok o namumuo sa Philippine Area of Responsibility kada taon kung saan walo hanggang siyam naman ang tumatama sa sangkalupaan. Hindi na bago ang taunang pagbaha at mga pagguho ng lupa na hanggang ngayon ay pangamba pa rin ng karamihan tuwing sasapit ang mga buwan ng tag-ulan.
Mayo pa lamang ngayong 2024 nang nagsimulang dumating ang mga bagyo. Sinimulan ng Bagyong
Aghon ang pananalanta sa taong ito. Inabot ng humigit-kumulang isang bilyong piso ang nasira nitong imprastruktura at pinsala nitong iniwan sa agrikultura ng bansa ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC). Hanggang sa pagsapit ng Hulyo, sa pagdaan ng bagyong Carina, nakapanlulumo pa rin ang mga nasira at naapektuhan ng bagyo. Nitong nakaraan lamang, nagkasunod-sunod ang paghagupit ng mga bagyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Luzon. Paulit-ulit ding hindi na natututo ang mga tao, nasanay na sa kaunting bigay ng gobyerno. Ilang baha pa ba ang raragasa? Bakit hanggang ngayon ay hindi maagapan?
Hindi siguro malilimutan ng bawat isa ang matinding paghagupit ng Bagyong Yolanda sa bansa. Mahigit 10 taon na ang nakalipas nang hagupitin nito ang bansa. Kakila-kilabot na takot ang naranasan sa mga araw ng pananalasa ng bagyo at libo-libong Pilipino
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/58b707c4a27a1ce47fcc704104dad8af.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/a5f4f44262d318cf7a2ab7fd4bb992ae.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/d4f196a0c2c35f13b54dcf689939867e.jpeg)
Aang nasawi. Naging isang malaking pagsubok ito na kinaharap ng mga tao lalo ng mga nahihirahan sa malaking bahagi ng Kabisayaan.
Baha ang naging pangunahing sanhi ng mga nasawi nang panahong ito. Bagama’t maraming pagkukulang sa kahandaan noon, maaari pa sanang nabawasan ang trahedyang dulot nito kung hindi barado ang mga kanal na siyang nagpataas sa lebel ng tubig sa pagdating ng bagyo. Sampung taon na ang nagdaan, bakit hanggang ngayon ay nararanasan pa rin ang ganitong sitwasyon ng bayan?
Kamakailan lang, Hulyo ng taong ito nang manalasa sa bansa ang Bagyong Carina. Ito sana iyong panahon kung saan balik-eskwela na ang mga bata ngunit dahil dito, naantala ang mga klase ng bawat paaralan. Naantala ang aktibidades sa mga paaralan dahil na naman sa matinding pagbaha. Sampung taon mula sa Yolanda, wala pa ring pinagbago, baha pa rin ang kalaban ng mga taong hindi nadadala.
Ilang buwan lamang din ang lumipas nang maram-
PAGKILLING
ng pagkiling ng publiko sa pagsuporta kay Duterte sa kabila ng pagsisiwalat niya ng katotohanan sa extrajudicial killings (EJK) ay totoong makabuluhan upang sang-ayunan ang pagkakakulong ng dating pangulo.
Naging mainit na usapin ang EJK noong administrasyon ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa mga nagdaang buwan, humarap sa senate hearing si Duterte kung saan pabiro niyang inamin ang mga ginawang pagkitil sa buhay sa panahon ng kaniyang panunungkulan.
Inanyayahan ng Makabayan bloc lawmakers nitong 29 Oktubre 2024 ang Senado upang ipresenta ang mga rekords ni Duterte tungkol sa admisyon nito. Ang pag-amin ng dating pangulo ay sumentro sa panunukso ng mga pulis upang “hikayatin” ang mga suspek na manlaban para gawing rason upang paslangin nang brutal ang mga ito. Batay rito, sadyang hindi makatwiran at propesyonal ang mga ipinahayag ng dating Pangulo. Una, nilabag ni Duterte ang karapatang pantao ng mga napaslang sa kaniyang kampanya kontra ilegal na droga. “Ang pag-amin niya sa panghihikayat sa mga pulis na pilitin ang mga suspek na lumaban bilang dahilan para sa pagpatay sa kanila ay hindi lamang nak-
ababaala; isa itong malinaw na paglabag sa karapatang pantao at nararapat na proseso,” saad ni House Deputy Minority Leader France Castro. Tunay na hindi katanggap-tanggap ang naging aksiyong iyon lalo na’t siya ang presidente noong panahong iyon. Dagdag pa roon, matagal nang inilalantad ni Duterte ang karumal-dumal na pangyayari sa kaniyang panunungkulan. Ang kaibahan lang ay nasa loob sila ng Senado, at ang kaniyang mga ihinayag ay sakop ng oath. “Karamihan naman ng sinabi niya kahapon, sinasabi din naman niya nung siya’y Pangulo pa,” sambit ni Senate President Francis Escudero. Nagmula na sa kaniya mismong mga salita ang mga pruweba upang siya ay mahatulan ng kaso.
daman ang hagupit ng Bagyong Kristine na kumitil din ng daan-daang buhay sa bansa, kabilang na sa malaking bahagi ng Timog Katagalugan. Ayon sa NDRRMC, dinaanan ni Kristine ang 17 rehiyon sa bansa at nakaapekto sa humigit-kumulang 7.1 milyong residente ng bansa. Tinatayang halos isang milyong residente rin ang umalis ng kani-kanilang mga bahay at nagtungo sa mga evacuation center o di kaya naman ay sa bahay ng kanilang mga kakilala at kamag-anak. Nang dahil sa hagupit nito, baha na naman ang naging pangunahing dahilan ng mga pinsala ng bagyong ito. Sa panahon ngayon, mas laganap na ang balita, mas napaghandaan sana ang mga ganitong klase ng kalamidad. Hindi na ito bago sa mga tao, kaya mas kailangan na nito ng solusyon. Marami na’ng namatay, maraming gumuhong bahay, hindi na puwede ang mga pantawid-gutom na bigay na kadalasang galing pa sa kawanggawa at hindi sa mabilisang aksiyon ng bawat gobyerno. Anupa’t silang mga naluklok sa posisyon ay pantawid-gutom lamang ang nagiging solusyon.
Bakit hindi pondohan ang pagpapagawa ng mga drainage system sa buong bansa? Gugustuhin pa ba ng mga tao na lumubog ang bansa bago kumilos? Sa simpleng pagtatapon ng mga basura sa tamang basurahan ay malaki ng tulong. Maiiwasan ang mga pagbabara ng kanal sa ganitong sitwasyon. Sa pagtagal, pabawas nang pabawas ang mga puno, datapwa’t nawala man ngunit magagawan pa rin ng paraan upang mapalitan. Bagama’t hindi maiiwasan ang pagdaan ng mga bagyo sa bansa lalo na sa lokasyon na kinaroroonan ng Pilipinas na siyang daanan mismo ng bagyo, may magagawa pa ang tao para maiwasan ang mga bagay na nagiging dahilan ng pagdurusa ng bawat Pilipino.
Higit sa lahat, ginamit lang ni Duterte ang sitwasyon upang “lumaban pabalik” sa mga biktima ng EJK at palabasing malinis at naaayon ang kanilang ginawa. “Maraming inosenteng buhay ang nasawi sa pagkukunwari ng ‘nanlaban,’ kahit na malinaw na hindi lumaban ang mga biktima,” wika ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro. Konsistent ang kaniyang palusot na ito upang matakasan ang kaso at mapalabas na wala siyang sala. Maaaring sumagi sa isipan na huwag na dapat kasuhan pa ang dating pangulo sapagkat hindi naman siya nagpumilit na itago ang katotohanan. Dulot niyon, mas napadali pang napatunayan na mayroon ngang mga nasawi sa pinanukala niyang giyera laban sa droga. Subalit, hindi sapat ang pag-amin niya upang makabawi sa pamilya ng mga biktima na naghahangad ng hustisya. Sa huli, talagang napakahalaga ng pagkontra ng taumbayan sa pagsuporta kay Duterte upang paboran ang pagkakakulong ng dating pangulo. Bagama’t tapos na ang panunungkulan niya sa ating bansa, hindi ito hadlang upang hindi makamit ng mga biktima ang katarungan. Manapa, sa pagkakataong ito, mas mainam kung tutulungan ng pamahalaan ang mga biktima sa pamamagitan ng masusing imbestigasyon at paggawa ng angkop na aksiyon hanggang makuha ang hustisya na inaasahan din ng publiko.
GAIL KIM M. MADERAZO
JAN RANDELE P. MACARAIG
Ang LALIK Hayskul
OPINYON
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/104fbf31c6882c81db92457832f229b7.jpeg)
PANGALAWANG PANGGULO
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/b83ef8336f5863ac86ab8bc726149ed4.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/d4f196a0c2c35f13b54dcf689939867e.jpeg)
SCEDRICK JOHN E. BAY
inayang ng Pangalawang Pangulo ang 32 milyong boto ng sambayanan. Sibakin ang hindi nararapat dahil ang kinabukasan ng bansa’y hinihila niya pababa. Mula sa kaniyang mga kahina-hinalang kilos, hanggang sa kaniyang pagiging makasarili, walang kaduda-duda kung bakit at papaano humantong ito sa kaniyang ikalawang impeachment complaint.
Hindi pa man nakakaisang linggo matapos matanggap ni Sara ang unang impeachment complaint laban sa kaniya ay naghain muli ang Bagong Alyansang Makabayan o Bayan ng isa pang impeachment complaint noong 4 Disyembre 2024. Umabot sa mahigit 50 indibidwal galing sa iba’t ibang mga progresibong organisasyon at mga mamamayan ang sumusuporta sa pagpapaapruba sa pagpapasibak sa kaniya sa puwesto. Nangangahulugang ito ay isang problemang patuloy na lumalaki at kinakailangang mapagtuonan ng pansin ng mga nasa itaas.
Matatandaang hindi pa nangangalhati ang taon sa kaniyang termino ay humiram na agad ang Bise Presidente ng ₱125 milyon para sa kaniyang confidential funds, na magilalas niyang winaldas sa loob ng lamang ng labing-isang araw noong 2022. Ayon sa pahayag ni Raoul Manuel mula sa Kabataan Partylist, ito ang kanilang basehan upang ihain ang reklamo dahil sa paulit-ulit na pagkabigo ng Bise na maging tapat sa kaniyang mga ikinikilos. Naging malawakang isyu ang hinihiling nitong halaga sapagkat sa laki nito ay hindi maisapubliko ang patutunguhan, dagdag pa ay nakakapagtaka sapagkat wala namang naging pagbabago sa mga imprastruktura ng mga paaralan kasama ang kalidad ng edukasyon. Sa isang hearing na ginanap, nahalungkat na ang mga elektronikong gamit para sa mga guro ay hanggang ngayon ay hindi pa rin naipamimigay. Dahil sa malaking halaga ng perang nakukuha sa Pilipinas ni Sara, marapat lamang malaman ng mga mamamayan kung ano nga ba ang motibo ng ating Bise Presidente sa patuloy na panghihiram, at kung saan nga ba ito tunay na napupunta. Sa press conference na naganap noong 3 Setyembre ngayong taon, napag-alamang hindi man lang nalaman ng opisyales ng Department of Education ang pinatunguhan ng ₱112.5 milyong confidential funds. Naisiwalat ito matapos lumabas ang mga dokumentong nagsasabi na kapiranggot na porsiyento ng pondo ang ginamit pambili
ng mga mesa, libro, at mga bagong laptop na napag-alamang nakatengga lamang sa isang warehouse kahit mahigit apat na taon na ang nakalipas.
Sa halip na matulungan ang mga pampublikong paaralan sa kanilang problemang hinaharap sa kawalan ng maayos na kagamitang panturo sa loob ng silid-aralan ay ginamit lang ito para masabing may binili nga para sa mga guro at mag-aaral kahit hindi naman napakinabangan ang mga ito sa mga paaralang nangangailangan.
Matapos suriin ng Commission of Audit (COA) ang mga dokumento sa pinaggamitan ng mga pondo, nakitang mahigit ₱73 milyon ang hindi inaprubahan, at ang kalahati ay ginamit sa medisina at iba’t ibang uri ng kagamitan. Sa pagkasasabi pa lang na hindi pumasa ang mga hinihiling na kagamitang bibilhin, maaaring hindi nga kagamitang pampaaralan lamang ang pinaplano, kundi mga bagay na masasabing imposible, walang-katuturan, at wari’y kalokohan sa mata ng hukom.
Kung para nga sa ating bayan ang pinaggagastusan ng Bise, karapatan ng kaniyang nasasakupan na malaman ang naitutulong ng mga ito. Ayon sa kongresista ng ikalawang distrito ng Batangas na si Gerville Luistro, pinipigilan sila ng Opisina ng Bise Presidente sa ipakita ang tunay na pinaggamitan ng mga pondo. Bakit kinakailangan pa nilang itago? Dahil ba winaldas niyang tunay o wala talagang pinuntahan kundi ang sarili niyang bulsa? Dumagdag lamang ito sa mga ispekulasyon at bintang laban sa kaniya na hindi siya mapagkakatiwalaan.
Triple na nga laki ang nabalitaang kalahatang nahiram ng Bise noong 2023 kung ikukumpara natin sa nakaraan nitong taon. Habang higit pa sa ₱600 milyon kung isasama natin ang pondong hiniram noong 2024. Isa ito sa nagtulak sa House of Representatives na bigyang-aksiyon na ang bagay na ito. Hindi lamang ang usapin ng confidential funds ang naging gatong upang pasiklabin ang pag-
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/7da2228404ec05db151713c764c1e026.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/c0bc00eb79a8700726e2efb5334a8f4c.jpeg)
SAMLANG: ANG KASO NG MGA PALIKURAN SA PAARALANG INTEGRADO
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/d4f196a0c2c35f13b54dcf689939867e.jpeg)
Bilang mga nilalang sa mundo, ipinanganak tayong kinakailangang dumumi o umihi, kung kaya’t tinuturuan tayong gawin ito nang may disiplina. Sa kaso ng mga palikuran sa loob ng Paaralang Integrado, himala na kung ang iyong madatnan ay may malinis at maayos ang daloy ng tubig. Ang kaso ng kasamlangan ng mga Batang IS ay pangita, sa kilos at paggawa ay hindi mahusay, mabuti, at mapanagutan.
Normal na sa mga mag-aaral sa loob ng Paaralang Integrado na dumayo ng ibang palikuran upang makagamit nang matiwasay. Halos lahat ng stalls sa mga palikuran ay nakakandado na dahil sa hindi pagpapasaayos. Mula sa mga umaalingasaw na mga amoy hanggang sa mga basurang nakakalat sa sahig, disiplina ang nawawala. Marahil isa na rin sa mga dahilan ang madalang na pagpapasaayos ng mga pasilidad na napapabayaan at nahahayaan na lamang masira kung kaya’t hindi ito magamit nang maayos. Ang suplay ng tubig na madalang na lamang magkaroon, at ang mga tubong umaapaw na. Ayon sa pahayag ni Reign Balitaan ng Baitang 11, “Kung wala po kasi talagang disiplina ang estudyante, talagang madumi ‘yan. Pero kung mine-maintain din naman s’ya, mapipigilan s’ya.” Ang isang toilet ay naglalaman na kaagad ng 50 uri ng bacteria kada kuwadradong pulgada. At kung umaabot sa ganoong kalalang estado ang mga palikuran, maaaring higit pa. Bukod dito, ang tubig na tumatalsik galing sa palikuran
ay maaaring magpakalat ng mga mikrobyo sa hangin na umaabot ng higit sa 10 pulgada mula sa toilet. Ang mga estadistikang ito ay nagpapalalim lamang ng importansiya sa pagpapanatili ng kalinisan ng palikuran upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo at bacteria na siyang nagdudulot ng sakit. Dahil sa hindi pagpapanatili ng kaayusan ng mga palikuran, paniguradong dadapuan ng mga mag-aaral ay iba’t ibang klase ng sakit na nakukuha mula sa maruming kapaligiran. Ang kasamlangan sa paggamit ng palikuran ay lubhang nakaaapekto sa kalinisan lalo na sa kalusugan ng mga gumagamit. Ilan sa halimbawa ng samlang na asal sa palikuran ay ang hindi pagpa-flush ng kubeta, hindi paghuhugas ng kamay, pagtatapon ng mga basura sa maling tapunan, at iba pa. Ang mga gawaing nasabi ay nagiging sanhi ng pagdami at pagkalat ng mga virus na nagdudulot ng mga sakit tulad ng lagnat, pagkapagod, at iba pang sakit na kaugnay sa gastrointestinal at urinary.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f98da1661abfdba608a43c88fbef3fae.jpeg)
papasa ng ikalawang impeachment complaint, kung ‘di dahil na rin sa mga pahiwatig niyang kagustuhang patayin ang Presidente. Sa isang online conference kasama si Sara Duterte noong 23 Nobyembre 2024, ipinahayag niya na may napaparinig daw siyang mga usaping nagbabalak ang ispiker ng House of Representatives na si Martin Romualdez na patayin siya. Kaya kung sakali nga raw gawin ito sa kaniya, nakahanda raw na paslangin ng kaniyang mga hitman sina Romualdez, Presidente Bongbong Marcos, at ang Unang Ginang Liza Araneta Marcos. Kahit hindi pa nasisiguro kung tunay nga ba ang mga bantang binibitawan ni Sara, maaaring hindi agad ito bigyang-pansin, at nadala lamang siya ng galit.
Dagdag pa rito, kung tunay nga ang layunin niyang pagsilbihan ang bansa, bakit nagawa niyang piniliing iwanan ang mga Pilipino sa gitna ng bagyo? Balikan nating muli ang ginawa ni Sara Duterte noong Hulyo 2024, habang ang Luzon ay nakararanas ng malalakas na hangin at buhos ng ulan dulot ng Bagyong Carina, ang ating Bise Presidente ay nangibang-bansa para magbakasyon kasama ang kaniyang pamilya. Maraming mamamayan ang nasaktan at nagulumihanan sa paglisang ito, sapagkat kahit ito man ay sabihin niyang planado noon pa, ibinabandera lamang ng Bise na wala siyang pakialam at nagkukulang sa empatiya sa kalagitnaan ng kalamidad. Ang desisyong ihain ang impeachment complaint ay may matagal na proseso sapagkat matapos ito mapagkasunduang isumite, may mga magaganap pang pag-uusap sa Senado. Sa pamamagitan nito, masisiyasat nila kung si Sara Duterte nga ba ay nagkasala. Sa mga pangako niyang napakong mapagaganda ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas gamit ang kaniyang opisina at sa mga seryosong death threats na kaniyang isinapubliko laban sa Pangulo, karapat-dapat lang ba siyang mamuno lalo pa’t umalis siya ng bansa sa oras ng pangangailangan ng mga Pilipino? Marahil tamang hakbang ang pagsasagawa ng ikalawang impeachment complaint upang mabigyan ng angkop na aksiyon ang katahimikan niya ukol sa mga kahina-hinalang kilos, at kapalit ng mga aksiyong nakakapagdulot lamang ng benepisyo sa kaniya. Dahil sa ugali niyang pagiging makasarili, marapat lamang na siya’y sibakin. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.” Sa napili niyang propesyon, walang lugar ang pagsasarili, maglingkod ka sa bayan, dahil ginusto mo ang posisyong iyong kinalagyan.
Ayon sa pagsusuri, 80% ng mga sakit ay dulot ng poor sanitation dahil ng maruming palikuran. Ang hindi pagpa-flush ng kubeta, ay nang-aakit ng mga peste gaya ng langaw—na siyang nagdadala ng mga sakit. Ang pag-iiwan ng mga basang sahig, na hindi lang nagdadala ng mga bacteria at mikrobyo kundi maaaring maging dahilan pa na ang isa ay matakid at madulas. Gayundin, ang hindi paghuhugas ng kamay ay nagdudulot ng pagkalat ang mga bacteria at mikrobyong nagdadala ng sakit. Kasamlangan at kulang sa atensiyon一ito ang mga pangunahing dahilan ng napakaruruming palikuran sa loob ng Paaralang Integrado. Oras na para bigyan ito ng atensiyon, ang mga daing at pahayag ng mga nakikinabang ay sapat na, sobra na. Para ito sa disiplina at de-kalidad na serbisyo sa pagpapanatili ng kaayusan ng mga palikuran. Ang ating pagtutulungan ay isang mabisang hakbang tungo sa pag-unlad. Sa panahon ngayon, disiplina ang siyang kailangan. “That’s why we can never have nice things”, sa mga susunod na buwan, nawa ay magsilbi itong paalala, ang disiplina ay dapat makasanayan tungo sa pagsasabuhay ng pagiging isang mahusay, mabuti, at mapanagutan.
EDUKASYONG PASAN: PAGAANIN PARA SA KINABUKASAN
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/704a36a474f358e0a787197041dc0397.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f85caa0ae4fc8b4420804767a7564077.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/97f071a6b426b166a9dea8bc6f9aa7bc.jpeg)
MARIA PAULA M. MENDOZA
Hsa mawalan ng pasok o ang tinatawag na academic break sa sobrang stress at tambak na gawaing akademiko.
Ang mga academic break ay pahinga sa nakakapagod na mundong akademiko na kinakaharap ng mga estudyante. Ang pag-aabang sa pag-aanunsiyo ng gobyerno sa kanselasyon ng klase ay nagiging motibasyon na ng mga estudyante, isang pagkakataon upang pansamantalang kumawala sa kanilang mga responsibilidad. Iyon na lamang, may mga pagkakataon na patuloy ang pagbibigay ng mga guro ng takdang-aralin na nagiging dahilan kung bakit nawawalan ng saysay ang academic break. Hindi masosolusyonan ng pagkawala ng pasok ang dami ng gawain na ipinagagawa sa mga estudyante maging ang mga aral na natitiim sa kanilang mga isipan. Kumbaga parang mas nananaig sa sistema ng edukasyon ngayon ang konsepto na “basta may naiipasa” na nakababawas sa halaga o sa dami ng nauunawaan ng isang mag-aaral.
Bukod pa rito, dahil ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire, madalas ding mawalan ng pasok dahil ng mga kalamidad tulad ng mga bagyo o pagsabog ng mga bulkan. Iba ang academic break sa panahong nakararanas ng kalamidad ng bansa, kaya’t kung magkakaroon pa nito ay madadagdagan pa lalo ang mga araw na walang pasok. Magbubunga ito ng mas mahirap na sitwasyon para sa mga mag-aaral dahil mapabibilis ang kanilang timeline sa pag-aaral dahil sa pag-a-adjust dito, na siyang nakababawas sa kalidad ng kanilang pagkatuto sa paaralan. Para sa akin, hindi nabibigyang-saysay ang tunay na kahulugan ng academic break na ito dahil ang mga panahong walang pasok ay hindi umaayon sa kaniyang layuning magbigay ng pahinga at kapayapaan ng loob. Sa halip ay nagbubunga pa ito ng dagdag na pasanin para sa mga estudyante, kung kaya’t marapat lamang na baguhin ng gobyerno ang sistema ng edukasyon para sa kapakanan ng lahat.
Ayon din sa isang pag-aaral ng mga eksperto sa isang banyagang unibersidad, ang pagbawas sa stress ay nakatutulong sa isang mag-aaral upang makabawi mula sa pagkapagod at makapagpokus sa isang gawain. Hindi ko man maitatanggi na ang pagkakaroon ng academic break ay nagbubunga ng mas produktibong pag-aaral ngunit sa larang ng edukasyon, mahalaga pa ring isaalang-alang ang kalagayan ng mga mag-aaral. Ang edukasyon ay isang napakahalagang salik o factor para sa isang mag-aaral at maging ang isang araw ng pagkawala ng pasok ay maaaring makaapekto sa magiging bunga ng kaniyang pag-aaral. Ang problema na umiiral dito ay marapat na mabigyan ng pangmatagalang solusyon. Magagawa lamang ito sa pamamagitan ng pagbabago sa sistema ng edukasyon at pagsasaalang-alang sa dami at kalidad ng araling na natatanggap ng bawat isang estudyante sa buong Pilipinas. kalidad ng araling na natatanggap ng bawat isang estudyante sa buong Pilipinas.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/10d00b0c38d4dc4347818746593053a9.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/8bdea2894319eb6f091d28676bd8e790.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/97b30fb9537d076f8dccb807c0b0313f.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/675e959db4ba6e77b58a0c814e6ddef3.jpeg)
ALEENA JIRAH A. BRONCE
ERYN CHLOE A. MAGSINO
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f98da1661abfdba608a43c88fbef3fae.jpeg)
Ang LALIK Hayskul
ISDAT SOLUSYON O SAKUNA?
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/df7290909ab3a97420280957dd7e2300.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/19381f99eb0761e23a61aad0d8a013fa.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/97f071a6b426b166a9dea8bc6f9aa7bc.jpeg)
Habang ang gobyerno ay patuloy na nag-aangkat ng isda upang matugunan ang kakulangan sa suplay at mapigilan ang pagtaas ng presyo sa panahon ng Kapaskuhan, isang mahalagang tanong ang sumulpot: hanggang kailan magpapatuloy ang ganitong sistema? Ang importasyon ng isda ay tila isang mabilisang solusyon sa kasalukuyang kakulangan, ngunit hindi ba’t isa itong pansamantalang tugon lamang na nagpapakita ng mas malalim na problema sa ating lokal na industriya ng pangingisda?
Ang hakbang na ito, bagama’t makikinabang ang mga mamimili, ay nagiging sanhi ng matinding dagok sa mga mangingisda sa bansa. Sa tuwing ang mga imported na isda ay dumarating sa merkado, bumabagsak ang presyo ng mga lokal na produkto. May direkta itong epekto sa kabuhayan ng mga mangingisda, na siyang pangunahing sektor na naaapektuhan. Ang presyo ng kanilang mga paninda ay bumababa, at dahil dito, nahihirapan silang makapag-impok at masustentuhan ang kanilang pamilya. Para sa kanila, ang importasyon ay hindi isang solusyon, kundi isang dagdag na pasanin. Hindi lamang ito isang ekonomikal na isyu. Mayroon ding seryosong problema tungkol sa kalidad at kaligtasan ng mga imported na isda. Bagama’t nakatutok ang gobyerno sa pagpapababa ng presyo, may mga alalahanin ukol sa mga panganib sa kalusugan na dulot ng mga isdang itinitinda na mula sa ibang bansa. Minsan, ang mga imported na isda ay hindi dumaan sa mahigpit na proseso ng pagsusuri at pamamahagi, kaya’t nagiging sanhi ito ng mga panganib sa kalusugan ng mga mamimili. Sa kabilang banda, ang mga lokal na isda ay may mas mahigpit na regulasyon dahil mas nakatutok sa kaligtasan ng publiko. Kaya’t ang patuloy na pag-angkat ng isda ay hindi lamang nagpapahina sa ating industriya, kundi naglalagay din ng panganib sa kalusugan ng mga mamimili.
Hindi sapat na mag-angkat ng isda tuwing may kakulangan sa pamilihan. Ang mga hakbang na ito ay hindi lumulutas sa pinagmulan ng problema. Ano nga ba ang sanhi ng kakulangan ng isda sa merkado? Ito ay ang mga natural na kalamidad, kakulangan sa makabagong kagamitan, at hindi maayos na polisiya na hindi nakatuon sa pagpapalakas ng lokal na industriya ng pangingisda. Ang mga mangingisda ay patuloy na lumalaban sa mga hamon ng kalikasan at ekonomiya, ngunit ang kanilang mga pagsisikap ay hindi sapat dahil sa kakulangan ng suporta mula sa gobyerno.
Upang tunay na masolusyunan ang isyu ng kakulangan sa suplay ng isda, kailangan ng komprehensibong solusyon. Hindi ito matatagpuan sa pag-aangkat ng isda, kundi sa pagpapalakas ng lokal na pangingisda. Ang pamahalaan ay dapat maglaan ng mga programang magbibigay sa mga mangingisda ng makabagong teknolohiya, sapat na kagamitan, at mga pagsasanay upang mapabuti ang kanilang kabuhayan. Kailangan din silang protektahan upang matiyak ang kanilang kaligtasan at magkaroon ng sapat na kita. Kung ang gobyerno ay magsasagawa ng mga hakbangin upang palakasin ang lokal na industriya, hindi lamang nito masusustentuhan ang kabuhayan ng mga mangingisda, kundi magiging matatag din ang suplay ng isda sa bansa. Sa halip na ipagpatuloy ang pag-aangkat na nagpapabigat sa lokal na industriya, dapat tayong magtulungan upang palakasin ang sektor ng pangingisda sa pamamagitan ng mga makatarungang polisiya at tamang pagsuporta. Hindi natin dapat hayaang maglaho ang ating lokal na pangingisda at ang kabuhayan ng mga mangingisda na siyang bumubuhay sa maraming pamilyang Pilipino. Ang tunay na solusyon ay hindi sa pag-aangkat, kundi sa pagpapalakas ng ating sariling industriya na magiging susi sa isang sustenableng suplay ng isda para sa mga susunod na henerasyon.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/79f2a034430c9ec71c3abbb29946b925.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/0ea4d8fbf615e0b61321580e960bc4d5.jpeg)
TALIKURAN
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/d4f196a0c2c35f13b54dcf689939867e.jpeg)
CLARE LIAN ROXANNE A. MARTINEZ
Pangalawang Pangulo ang 32 milyong boto ng sambayanan. Sibakin ang hindi nararapat dahil ang kinabukasan ng bansa’y hinihila niya pababa. Mula sa kaniyang mga kahina-hinalang kilos, hanggang sa kaniyang pagiging makasarili, walang kaduda-duda kung bakit at papaano humantong ito sa kaniyang ikalawang impeachment complaint.
Ginulat ni Sara Duterte, na noo’y alkalde pa ng Davao, ang bansa nang ianunsiyo niya ang pagpanig kay Bongbong Marcos, anak ng dating diktator na pangulo na hinayaang malibing ang kaniyang ama sa Libingan ng mga Bayani. Ayon kay Sara, siya ay inusap ng kapatid ni Marcos Jr. na si Imee na kumampi sa kanila upang matalo nang tuluyan si Robredo. Kasabay ng landslide nilang pagkapanalo, gumuho rin ang bansa at Kongreso sa pagpapalit-anyo ng kanilang samahan, mula sa magkakampi hanggang sa naging magkaaway. Ang hidwaang ito ay dagok sa sambayanan, isang Bise na lantarang ipinapahayag ang kagustuhang patayin ang Presidente ng bansa. Sa ekonomiyang kanilang pinamamahalaan, nanganganib ang bansa dahil sa nangyayaring hidwaan ng mga pinuno. Ayon sa isang investment bank ng mga Hapon na Nomura, sa pagsabog ng alitang ito, ginagawa lamang nilang mas vulnerable ang bansa laban sa mga tensiyon sa West Philippine Sea, inflation, at iba pang mga banta sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Marahil ang hidwaang ito ay nakapagpalabas naman ng katotohanan at nalantad ang mga gawaing pilit itinatago sa dilim. Naisapubliko na ang mga huwad na papeles na ginamit upang mailabas ang confidential funds ni Sara. Samantalang ang kaniyang ama naman ay kinukuwestiyon na sa mga kaso ng extrajudicial killings.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/b6056ac91c98777f6b59429a7d483978.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/826775111fd6a06b59e6c2d7e7c81abd.jpeg)
Ang masidhing pag-aaway na ito, magulo, maingay, at tumatatak sa sambayanang Pilipino na ang ating gobyerno ay isa lamang malaking palaruan ng mga gahaman at nagtatamasa ng kapangyarihan ngunit kapos sa aktuwal na kuwalipikasyon bilang isang responsableng lider. Napatutunayan ng hidwaang ito ang karupukan ng ating pamahalaan at ang pagkahumaling ng bansa sa mga pangakong walang pinatutunguhan. Sa kanilang hidwaan, ipinapakita lamang nito kung bakit naging katatawanan ang ating gobyerno. Makailang ulit na nilang binibigo ang mga Pilipino, dahil sa kanilang mga personal na hangarin at kababawan ng pamumuno. Nakalulungkot isiping ang bansa’y pinatatakbo ng mga pinunong walang
katuturan ang pagiging lider kung kaya’t tayo ang talo. Sa nalalabing apat na taon ng panunungkulan ng mga nasa puwesto, nawa’y sa susunod na halalan ay alalahaning ang kinabukasan ng bansa’y nakasalalay sa tamang pagboto. Isang masalimuot na realidad na ang mga namumuno sa ating bansa ay napaupo nang walang malinaw na hangarin para sa kinabukasan ng sambayanan. Sa hidwaan ng Presidente at Bise, tayo ang kaawa-awa, hindi tayo ang pinalad.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/245cf5e30479d8b6adf27100d8b8199c.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/746fea8942958f8bcb3a98d38be95289.jpeg)
SAWING DIKTADURA
Ang pagdeklara ng martial law ni Pangulong Yoon Suk Yeol sa South Korea noong 3 Disyembre 2024, ay nagbabadyang magtakda ng hangganan sa kalayaan at demokrasya. Ngunit, mabilis at nagkakaisang tumutol sa deklarasyong ito ang Pambansang Parlamento ng bansa, na nagbunga ng 190-0 boto na nagpapahayag sa di-malulupig na lakas ng mga mamamayan kontra sa hinahadlangang kalayaan. Ito ay nagpapakita ng matibay na pagtatanggol sa karapatang pantao laban sa maalipustang hilaga.
Kasabay pa nito ang masusi at matatag na pagbabantay ng Pambansang Asembleya sa mga hakbang ng ehekutibo at pagpapahayag ng matapang na pagtutol sa mga kontra demokrasya. Hindi hamak na malakas din ang pagtutol ng mamamayan, na nagpapakita ng kanilang pagiging mapanuri sa estadong kanilang mararanasan.
Isang pundasyon ng isang matatag, maunlad, at mapayapang bansa ang demokrasya, karapatang pantao, at kalayaan sa pamamahayag. Dapat magpatuloy ang pamahalaan sa pagtataguyod ng mas garantisadong demokrasya, hindi sa paglabag dito. Ang pag-unlad, pagkakaisa, at pagpapanatili ng integridad ng bansa ay dapat panatilihin at palawigin.
Ang pag-aalis ng martial law sa South Korea ay nagpapakita ng lakas ng mamamayan laban sa diktadura. Ang transparency, pananagutan, at pagiging maaasahan ang susi sa pagpapanatili ng integridad ng bansa. Sa pagtatanggol sa karapatang pantao at kalayaan, nagbuklod ang South Korea tungo sa isang maunlad at mapayapang kinabukasan.
Sa kabilang dako, ang pagsusulong ng martial
law ay isang mahusay na estratehiya upang mapanatili ang katatagan ng seguridad ng bansa, na nagbibigay ng proteksiyon sa mga mamamayan at nagpapabuti sa iniingatang ekonomiya. Ito ay naglalatag ng pundasyon para sa pag-unlad ng bansa, pagpapalakas sa hukbong militar, at pagpapabuti sa estado ng buhay ng lahat ng mga mamamayang nabibilang dito. Hinihimok din nito ang bansa na kumilos upang maging isang ligtas at maunlad na lugar para sa lahat. Gayumpaman, layunin man nito na magbigay ng pansamantalang katatagan at seguridad, hindi na bago sa kaisipan ng karamihan na mayroon itong malalim na negatibong epekto na mul ing magmamarka sa kasaysayan ng kanilang demokrasya. Tila ba kinakailangang mag-adjust ng taumbayan sa kanilang sariling bansa upang bigyang-daan ang maingay at magulong kilos batay sa utos ng nasa posisyon. Ang kasaysayan ng South Korea ay nagpapa kita na ang demokrasya ay hindi maaaring mawala sa kamay ng mga mamamayan. Ang pagtatang gol sa karapatang pantao at kalayaan ay dapat maging prioridad ng bawat bansa. Dapat nating
itaguyod ang malakas na institusyon ng hustisya. Ngunit ano kaya ang dahilan kung bakit ang ibang bansa ay nagkakaroon ng mabilis na pagtugon sa mga isyung ito, habang ang iba ay naghihirap pa rin?
Bilang paghahambing sa mga bansang kabilang sa Timog-Silangang Asya tulad ng Pilipinas, ang pagdeklara ng martial law ay nagdulot ng malawakang pagkakawatak-watak sa lipunan at paglabag sa karapatang pantao. Ang kawalan ng pananagutan ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala sa pamahalaan. Ngayo’y nagmarka kung gaano kahina ang ating sistema kumpara sa kanila. Ang mga Pilipino ay dapat magkaisa sa pagtatanggol sa demokrasya at karapatang pantao. Ang gobyerno ay dapat magpatuloy sa pagpapalakas ng sistemang pandemokrasya upang mapanatili ang integridad ng bansa. Ngunit paano natin mapalalakas ang ating demokrasya kung ang mga institusyon ng hustisya ay mahina pa rin? Ang pagkakaroon ng malakas na institusyon ng hustisya ay susi sa pagpapanatili ng integridad ng bansa. Ngunit kung ang mga mamamayan mismo ay hindi nagkakaisa, paano natin mapalalakas ang ating demokrasya? Ang pagdeklara ng martial law sa South Korea ay isang babala sa mundo: ang demokrasya ay
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/eacfc3c1240a7ca9d00f8dd925ebd258.jpeg)
karoon ng sapat ipagtanggol ang
RHIAN GABRIELLE P. GABAY
EARL JENZEN B. AGONCILLO
WINKEITH PENELOPE P. MACARAIG
Para kay Bb. Magnaye, Nakakalungkot
OPINYON
ASBAG NA LANG
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/79f2a034430c9ec71c3abbb29946b925.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/0ea4d8fbf615e0b61321580e960bc4d5.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/e6a4d030f8c1485b00875feb1ca4401a.jpeg)
Magulong pagdiriwang na kung hindi maiwasan ay hindi na lang. Halos tatlong buwan na matapos ang taunang pagdiriwang ng Asbagan Festival ng ating pamantasan, at halos dalawang buwan na rin matapos tayong masalanta ng Bagyong Kristine. Sa kabila ng mga naging bunga nito at ang babago pa lamang na pagbangon ng mga mamamayan, itinuloy ang pagdiriwang. Ang pagsusulong ng mga nasabing aktibidades ay marahil para sa kapakanan ng mga nag-oorganisa ng pagdiriwang, ngunit bukod sa pagiging balat-buwaya, naipakita lamang nito ang kahihinatnan ng mga ipipinilit na hindi dapat.
Sa kabila ng mga naglalakasang sigawan sa loob ng unibersidad habang ginaganap ang pagdiriwang ng 121st Founding Anniversary ng pamantasan at ang pampalakasan ng constituent campuses ng Pablo Borbon ay maririnig at makikita ang pagdaing ng mga kalahok dahil sa magulong sistema ng pamamalakad. Perwisyo ang inabot ng ilan na kasamaang palad ay nanggaling pa sa ibang lugar ng Batangas na dumayo pa ng lungsod upang makilahok sa mga nasabing paligsahan. Sa panig ng mga naperwisyo, hindi na dapat ito itinuloy kung ganoon din lamang ang magiging takbo ng kanilang mga pinaghirapan. Unang araw pa lamang ng aktibidades ay nakita na ang magiging takbo ng dalawang araw na nalalabi—magulo, nahuhuli, at naaantala. Ayon sa pahayag ni Breint Parto, isa sa mga mananayaw ng parada na naganap noong unang araw, “Magugulat na lang kami, tatawagan na kami for parade, pero
wala namang problema kung magpapalit ng oras at lugar, ngunit ang paiba-ibang ganapang ito ay hindi naiaanunsiyo sa mga kalahok. Tanging pagkagulat na lamang ang kanilang nakapitan. Isa rin sa mga nabangga at napagkaitan ng maayos na tanghalan mga nasa Gov. Feliciano Sanoy Memorial Gymnasium nang biglaang palipatin ang mga narito papunta sa Acacia Hall upang doon idaos ang mga natitirang kompetisyon noong hapong iyon. Ginawa ito upang bigyang-daan ang mangyayaring ‘Shaking Grounds’ na orihinal na gaganapin sa harap ng Tower of Wisdom, ngunit dahil nagbanta ang ulan napilitan itong ipasok sa gymnasium. Pinapatunayan lamang nito na nagbabanta padin ang masamang panahon dahil sa kalalampas lamang na bagyo. Kaya naman, nagulong muli ang pagkakasun od-sunood ng mga paligsahan. Napilitang mag tanghal ang mga
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/7929210f66bcb5aca81aefc30e18cded.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f98da1661abfdba608a43c88fbef3fae.jpeg)
Ang LALIK Hayskul
namin ay may maayos na sound system lalo na ang mic. Disappointing po but the show must go on,”— mga salita ng mga kalahok mula sa San Juan Campus na sina Jeremias Setenta Jr. at Lyka Blasco. Nagpahayag din ng saloobin ang isa sa mga hurado na si Bb. Marivic Lumanglas ukol sa mga nangyari, “As a singer myself, I think it’s hard to project the voice on a fully carpeted space. I felt the difficulty also in getting to listen to one’s partner. So they had to do adjustments on their deportment.”
Samantalang isa sa mga lubhang napuruhan ng napakagulong sistemang ito ang kompetisyon ng E-Sports na siyang pinagmulan ng samot-saring reklamo mula sa mga manlalaro. Dahil nga sa bagyo ay inilipat ito nang inilipat. Walang kasiguraduhan sa oras, araw, at set-up ang mga manlalaro dahil sa mga kompetisyong biglaan na lamang nakakansela na hindi man lang naipapaliwanag nang maayos sa mga manlalaro. Naglabas naman ng damdamin ang isa sa mga manlalaro ng Valorant Competition mula sa CTE na si Jieter Gube dahil nagulat na lamang daw siya noong inanunsiyo ng mga nag-oorganisa nito na hindi na bahagi ng Asbagan ang E-Sports, at mas lalo siyang nagulumihanan noong ipinakiusap sa kanilang sila na ang maghanap ng kanilang mga facilitators. Lantarang binas- tos ang mga manlalar-
mang ito upang matapos na ang mga kompetisyon at para hindi masayang ang mga naihanda na. Marahil ginawa na lamang ito upang makasunod sa kalendaryo ng mga okasyon. Ngunit naging katanggap-tanggap ba ang mga nangyari? Hindi. Nairaos nila ito, ngunit hindi sila ang naperwisyo—ang mga kalahok na hindi pa nakababangon mula sa masalimuot na sitwasyong dala ni Kristine, ang mga kalahok na nabastos nang paulit-ulit.
Itinuloy ang Asbagan at 121st sa kabila ng kondisyon ng buong rehiyon dahil sa pananalasa ni Bagyong Kristine. Sa kasamaang palad, ang mga kalahok sa mga nasabing pampalakasan ang napuruhan sa paggigiit na naganap. Ang mga nakanselang programa at paglilipat-lipat ng iskedyul at paggaganapan, ay nangangahulugan lamang na hindi na dapat na itinuloy ang mga paligsahan. Samakatuwid, nawa ay maging aral ang mga nangyari sa mga namamahala ng sistema, sapagkat ang naaagrabyado ay hindi sila. Asbag nga lang ba? Sa mga nangyari sa nakalipas na pampalakasan, ignorante lamang ang maaaring paglalarawan. Isa itong huwad na sistema kung saan baluktot ang pamamahala, at namamaluktot na ang pinamamahalaan.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f965ff525039ea23810bebb3b6fe0195.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/d968a775adada75aa8eea6cdd2b1442d.jpeg)
PARTIDA PAMILYA
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/704a36a474f358e0a787197041dc0397.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f85caa0ae4fc8b4420804767a7564077.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/d4f196a0c2c35f13b54dcf689939867e.jpeg)
Bagama’t tinitiyak nilang maganda ang kanilang layunin na maging tatak ng puso at isipan ang kanilang partido, marapat na hindi maihalal sa puwesto ang mga dinastiyang politikal, mga pamilyang ginagawang negosyo ang politika. Pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) nitong 3 Oktubre 2024 ang dating miyembro ng House of Representatives na si Vilma Santos-Recto. Muli niyang susubuking bumalik sa mundo ng politika at bawiin ang puwesto niya sa pagkagobernador ng Batangas. Kasabay niya ang kaniyang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto sa muling pagtakbo—si Luis bilang kaniyang bise at si Ryan para sa posisyon ng congressman. Isang lantarang pagpapahayag ng nepotismo ang pagsasama ni Vilma ang kaniyang mga anak bilang kaagapay pagtakbo niya sa pagkagobernador. Matapos ang paghain ng pagkandidato ay nagpunta ang pam ilya sa mga pagtitipon kung saan nila binati ang mga mamamayan na sumusuporta sa partido. Binanggit ni Vilma na sa 24 na taon niyang panunungkulan sa probinsiya ng Batangas ay ginawa niya ang lahat ng
Marapat na bigyang-pansin din ang posisyon ng asawa ni Vilma Santos-Recto na si Ralph Recto, na kasalukuyang nanunungkulan bilang kalihim ng Department of Finance. Kahit na patuloy na sinasabi ni Vilma Santos-Recto na hindi pera ang habol nila ay sumasalungat ito sa mga balita tungkol sa pandarambong ng kaniyang asawa sa pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Ang kaniyang mga ikinilos ay isang pagnanakaw ng pondong marapat mapunta sa mga dukhang walang kakayahang magpagamot sa mga ospital.
Isang bagay ang ikinatatakot ng mga mamamayan kung sakaling maupo ang buong pamilya ni Vilma Santos-Rectoay ang pagkawala ng checks and balances sa gobyerno sapagkat ang anak ay kongresista, ang
Gayumpaman, hindi naman maitatanggi ang mga pagpapabuti na nagawa ng kanilang inang si Vilma bilang dating mayor, gobernador, at kongresista sa Batangas. Malinaw man ang ipinahahayag ng kasaysayan pagdating sa kagalingan niya, hindi pa rin ito sapat upang sabihing magiging mabisa ang pamamalakad ng kanilang pamilya sa pagkakataong mahalal silang lahat.
Ang pagpapatuloy sa kasaysayan ng dinastiyang politikal sa Pilipinas na siyang paulit-ulit mula pa noon, ay marapat nang tuldukan para sa mas maayos na pamamalakad sa gobyerno. Bagama’t mabuting naglilingkod si Vilma Santos-Recto bilang dating kongresistang, hindi ito nagbibigay-katwiran sa kaniyang desisyon na ipasok ang kaniyang mga anak sa politika na matagal na niyang asawa. Kailanman, ang pamilyang naghahari sa politika simula’t
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/ab29421ea2148f9cd45ab2b9c538013f.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/5f0f58f6c20548a0b5519aab5c313ce9.jpeg)
CLARE LIAN ROXANNE A. MARTINEZ
sapul
MARIA PAULA M. MENDOZA
INDAK NG ALAALA, NGAYO’Y KULTURA. Masiglang ipinagdiwang sa BatStateU - Pablo Borbon Campus ang taunang selebrasyon ng pagkakaisa at kasiyahan.
PAGKILALA: NEWSKO
ANG LALIK HAYSKUL
ULAT NI JAIBER D. MACALALAD
Sa pag-usbong ng social media kung saan mabilis ang pagpapalit ng uso, isang kakaibang laruan ang nagbigay ng kaguluhan at aliw sa mga netizen. Isang makulay, masayahin, at walang sawang pakundangang pagdiriwang ng mga kakaibang koleksiyon at obscure na pop-culture references. Tinatawag ang mga ito bilang “Anik-Anik,” ang salitang ginagamit upang tukuyin ang mga bagay na “kung ano-ano,” ay nagkaroon ng panibagong transpormasyon sa natatanging kahulugan nito. Ngayon, ito ay tumutukoy sa maliliit na bagay na nagdadala ng hindi maiiwasang saya sa mga mukha ng tao, mula sa mga maliliit na figurines hanggang sa miniature na laruan, ang mga bagay na ito ay nagsisilbing paalala sa atin sa mga panahon ng kamusmusan at ang bumubuhay sa dating mga ngiti at tuwa ng ating pagkabata.
Sa gitna ng lahat ng ito, namumukod-tangi si “Labubu” bilang isa sa mga sagisag ng bagong yugto ng kasiyahan na ito. Isa sa mga pinagkakaguluhan at sikat na simbolo ng mga Anik-Anik, isang karakter mula sa Kilusang Sofubi na unang sumikat sa Japan. Ang hindi pangkaraniwang disenyo at itsura ni Labubu, na tila pinaghalong hayop at tao, ay nagbibigay ng misteryo at alindog na mahirap ipaliwanag, ngunit dahil dito ay madaling nahulog ang mga loob ng tao sa laruang ito. Dito sa Pilipinas, naging sikat ang mga Labubu sa mga kolektor na mahilig sa mga bagay na makulay, kakaiba, at puno ng karakter.
Ang pagkaakit ng mga Pilipino sa mga Anik-Anik ay maaaring maiugnay sa kanilang natural na pagiging masayahin. Sa gitna ng mga hamon ng pang-araw-araw na buhay, ang pangongolekta ng mga ito ay nagsisilbing daan upang makatakas sa realidad ng buhay at bumalik sa kasimplehan ng pagkabata.
Lihim ng Maliliit: Paano Nagtatago ang Ligaya sa mga Munting Bagay
Sa gitna ng mabilis na takbo ng buhay, ang tunay na kasiyahan ay tila nagkukubli sa mga bagay na madalas hindi pinapansin. Ang mga kakaibang koleksiyon ng maliliit na laruan at disenyo ay hindi lamang dekorasyon—ito’y paanyaya sa pagbabalik sa kamusmusan. Ang bawat piraso ay nagsisilbing kuwaderno at lagusan na nagdadala sa mundo ng simpleng tuwa, na nagbibigay ng saglit na pahinga mula sa magulong realidad. Ang kasiyahan sa maliliit na bagay ay paalala na minsan, ang mga pinakapayak na bagay ang pinakamakabuluhan.
Ang mga Anik-Anik ang nagbibigay sa atin ng tila mga piraso ng oras na bumabalik sa mga simpleng sandali ng pagkabata. Ang kanilang makukulay na disenyo at kakaibang anyo ay hindi lamang nagsisilbing paalala ng nakaraan, kundi nagsisilbing gabay upang muling mapansin ang mga bagay na madalas ay nagpapatigil sa ating mga abalang buhay. Habang ang mundo ay patuloy na umiikot, ang bawat koleksiyon ay isang pagkakataon na huminto, magmuni, at magpasalamat sa mga maliit na kaligayahan na nagbibigay-halaga sa ating paglalakbay. Ang simpleng munting laruan ay may dagdag na kasiyahang dala.
Munting Alindog: Ang Kasiyahang Dala
ng Maliit na Mundo
Hindi mo kailangang pumunta sa malalayong lugar upang matagpuan ang kasiyahan—minsan, sapat na ang isang maliit na laruan upang buhayin ang iyong malawak na imahinasyon. Ang makukulay at kakaibang disenyo ng mga ito ay tila kuwentong naghihintay na maibahagi, puno ng misteryo, at alindog na nagpapakilig sa puso.
Sa mundong puno ng ingay, ang maliit na koleksiyong ito ay nagiging tahimik na tagapagpaalala na ang ligaya ay maaaring kasinliit ng isang kamay ngunit kasinlalim ng iyong damdamin. Sa karamihan, natutukoy na ang kasiyahan ay basehan ng pinansiyal na kalagayan, dahil pinaniniwalaan nila na ang tunay na kasiyahan ay nagmumula sa mga alahas at pera, ngunit dahil sa mga laruan na ito ay may naganap na pagbabago sa pag-iisip ng mga tao, na minsan ang maliliit na bagay pa ang nagtatampok ng malalaking kasiyahan na hindi nabibili ng kahit anong kayamanan.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/eb2276c42bfb2481eb098cc423c9b276.jpeg)
Ang tanong ay hindi kung sino ang mas magaling—ang tanong ay kung bakit hindi natin naibibigay ang tamang suporta at atensiyon na karapat-dapat nilang makuha.
Isang mahalagang bahagi ng larang ng palakasan sa Pilipinas ang basketball. Sa kabila ng dedikasyon ng mga manlalaro ng UAAP Women’s Basketball, nanatiling malinaw at hindi sapat ang natatanggap nilang suporta at pagkilala, kumpara sa kanilang mga male counterpart.
Kapansin-pansin ang limitadong coverage ng women’s basketball kumpara sa men’s basketball. Karaniwang mas binibigyang-pansin ang mga sikat na liga tulad ng UAAP Men’s Basketball, na nagreresulta sa mas maraming sponsorships at maraming tagasuporta. Ang kakulangan ng promosyon ay hindi lamang nakaaapekto sa visibility ng liga kundi pati na rin sa inspirasyon ng mga kabataang atleta na nangangarap na maging bahagi nito.
Kung ang layunin ay itaguyod ang sports equality, kinakailangan ang mas malawakang pagtutulungan ng lahat ng sektor—hindi lamang ng media at komite, kundi pati na rin ng mga eskuwelahan at mga tagahanga. Ang pagbuo ng mas pinalawak na diskusyon at promosyon tungkol sa liga ay isang mahalagang hakbang upang maging inklusibo at makatarungan ang mundo ng palakasan sa Pilipinas.
Ang pagkilala at pagdiriwang ng mga tagumpay ng women’s basketball ay hindi lamang magpapalakas ng kanilang kumpiyansa, kundi magsisilbing inspirasyon din sa mga kabataang Pilipina upang ipagmalaki ang kanilang talento at makita ang kanilang sarili bilang bahagi ng hinaharap ng basketball sa bansa.
Dapat bang may mas angat? Dapat bang may mas sikat? Hindi, ang kailangan natin ay isang pantay-pantay na pagtingin sa lahat ng atleta, anuman ang kanilang kasarian, upang magtamo tayo ng isang makatarungan at bukas na sistema sa lahat ng aspekto ng buhay sa Pilipinas.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/0f2bd761f29835c234b4d9068c06ab6f.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/992977c67ac2749a096243c5869ee423.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/36511f936c4dd3c1a6f35837257a04c6.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/a5df7be5ba63dfdcc35daf1863050b23.jpeg)
ULAT NI JAN RANDELE P. MACARAIG
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/79c4d295f0a0436f99aa77d9c12142c2.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/fddc70048f3babf7b96f9d877c372530.jpeg)
12 AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Ang LALIK Hayskul
LAYANGLAYANG: HINDI WALA LANG
Ang pagdami ng layanglayang o Hirundu Rustica sa Lungsod ng Batangas ay nagdudulot ng
malubhang pag-aalala sa kalusugan ng publiko at kapaligiran. Ayon sa International Union for Conservation of Nature, ang layanglayang ay isang karaniwang ibon sa Pilipinas. Gayumpaman, ang kanilang pagdami sa mga urbanisadong lugar tulad ng Lungsod ng Batangas ay nagdudulot ng malulubhang problema.
Ang mga dumi na inilalabas ng layanglayang ay nagdudulot ng iba’t ibang sakit sa mga residente ng Lungsod ng Batangas. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (2020), ang mga sakit na ito ay kinabibilangan ng Histoplasmosis (fungus sa baga) na dulot ng Histoplasma Capsulatum. Ayon naman sa World Health Organization (2018), ang Cryptococcosis (fungus sa utak), dulot ng Cryptococcus Neoformans, ay isa pang delikadong sakit na nagdudulot ng sakit sa ulo, lagnat, at pagkawala ng malay. ng mga dumi nito ngunit maging sa kapaligiran ay nagdudulot din ng malubhang problema sa Lungsod ng Batangas. Nagiging sanhi ito ng pagdurumi ng mga gusali, kalsada, at mga pampublikong lugar. Na kapipinsala rin ito sa mga halaman, partikular sa mga ornamental na pananim. Dagdag pa rito, ang mga dropping ng mga ibon ay nagdudulot ng pagkasira ng mga ilog at lawa sa lungsod dahil sa mga kemikal
na nagmumula sa mga ito.
Upang malutas ang mga problema dulot ng mga layanglayang sa Lungsod ng Batangas, mahalaga ang pagtutulungan ng mga awtoridad, mga residente, at mga eksperto. Kailangang gumawa ng mga programa ang mga awtoridad upang kontrolin ang populasyon ng layanglayang. Mahalagang linisin ang mga pampublikong lugar at bigyan ng edukasyon ang mga tao tungkol sa mga epekto ng mga layanglayang. Ang mga awtoridad ay dapat ding
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/2a1574ca256cb8d42e7800bd83d5803a.jpeg)
Ito ang kadalasang naririnig ng mga kababayang Pilipino sa mga balita sa pagtutok nila sa kanilang mga telebisyon. Ang Pilipinas ay isa sa pinakamadalas na tamaan ng bagyo kumpara sa ibang mga bansa sa buong mundo. Ayon sa PAG-ASA, inaasahan na sa loob ng isang buong taon ay matatamaan ng mahigit 20 na bagyo ang Philippine Area of Responsibility – ang lugar kung saan pinagbabantayan ng ahensiya sa tuwing may bagyong namumuo sa karagatan.
Kung babalikan natin ang nakaraan, sa Pilipinas nanalasa ang sinasabing pinakamalakas at pinakamapaminsalang bagyo sa buong mundo sa kasaysayan, ang Bagyong Yolanda (o ‘Haiyan’ sa internasyonal na pangalan) noong 2013 sa Tacloban, Leyte. Milyon-milyong pinsala ang nadadala ng kada bagyo at maraming buhay ang nasawi kada patak ng malalakas na bugso ng ulan at hampas ng mapaminsalang hangin. Bakit nga ba ang Pilipinas ang mas malimit daanan ng mga bagyo? Paano nga ba ito nangyayari? At mayroon ba itong siyentipikong paliwanag sa likod ng mga mapaminsalang kalamidad?
LOKASYON NG
PILIPINAS
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/131510a1d060684f63f23e295152b96d.jpeg)
Ang lokasyon ng Pilipinas sa mapa ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang bansang ito ay nagiging daanan ng mga bagyo. Matatagpuan sa timog-silangang Asya at sa gitnang kanluran ng Karagatang Pasipiko, kung saan kalimitang nabubuo ang karamihan ng mga bagyo at mga low pressure areas. Hindi lang yan, ang Pilipinas ay matatagpuan din sa Pacific Typhoon Belt. Ito ay isang rehiyon kung saan
nabubuo ang mga bagyo na nanggagaling mula sa hilagang-kanluran ng Karagatang Pasipiko. Ang mga bagyong nabubuo rito ay naglalakbay at tumatahak patungong kanluran, at dahil sa lokasyon ng Pilipinas, mas malimit ang mga itong tumama at dumaan sa mga isla rito.
ANG HANGING HABAGAT AT AMIHAN
Mga monsoon wind ay isa pa sa mga salik o factor sa pagbubuo at pagdaan ng mga bagyo sa Pilipinas. Ang hanging habagat o tinatawag na southwest monsoon, at hanging amihan o tinatawag na northeast monsoon, ay nagdadala ng marami at malalakas na ulan at hangin na nagpapatindi sa lakas ng isang bagyo. Nagdudulot ng malakas na ulan at hangin ang hanging habagat na galing sa timog-kanluran. Habang ang hanging amihan naman ay nagdudulot ng mga malalamig at tuyong hangin mula sa hilaga. Ang dalawang monsoon winds na ito ay nagiging dahilan upang mabuo ang mga mapaminsalang bagyo na nananalasa sa Pilipinas.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/cd1ee3809a5bcd1aa7e274586c6c476a.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/0bcf2d79f4fac8d36528f278db4b9dd6.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/3e25c794400126913cfd9e8d4f3b4601.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/b3ac5395bebf31cea2602ba343866c8f.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/7fe90d148be8b422066ccc10babcc0e2.jpeg)
ANG MATAAS NA TEMPERATURA NG TUBIG-DAGAT
Tumataas ang temperatura ng tubig sa mga dagat ngayon at ang mainit na tubig mula sa Karagatang Pasipiko ay nagbibigay ng kakayahan sa mga bagyo upang mabuo at lumakas. Nangan gailangan ang mga bagyo ng mainit na tubigdagat upang makakuha ng enerhiya at lumakas. Ang mainit na tubig ay nagiging dahilan ng pags ingaw ng tubig na tinatawag na water vapor na sa pag-akyat nito sa langit ay nagiging mabibigat na ulap. Kapag mas mainit ang nagiging temperatura ng tubig-dagat, mas maraming water vapor ang naglalaho at sumisingaw kaya nakabubuo ng mas malalakas na bagyo.
ANG WARM POOL
Ang Warm Pool ay isang rehiyon na matatagpuan sa Kanlurang Pasipiko na may mainit na tubig-dagat at mataas na halumigmig na siyang perpektong kondisyon upang mabuo ang mga bagyo. Ang Warm Pool ay isang malaking lugar na ang tubig ay may temperaturang mas mataas o mas mainit kaysa sa tubig na nakapaligid dito. Ang pinagsama-samang mataas na tempera tura ng tubig at halumigmig ay nagbibigay ng saktong sangkap para mabuo ng mga bagyo na tumatama sa mga isla ng Pilipinas.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/e8e08b53b8e1d12f8e8bbd60d5e4408b.jpeg)
Samakatuwid, ang lokasyon ng Pilipinas sa Pacific Typhoon Belt, ang mga monsoon winds, ang mainit na tubig ng karagatan, at ang Warm Pool ang mga sanhi kung kaya’t madalas ang pagtama ng mga bagyo sa Pilipinas. Ang mga bagyong ito ay nagdudulot ng malalaking pinsala at pagkasawi ng mga buhay, kaya mahalaga ang pagiging handa at pagsunod sa mga ibinababang babala at paalala ng mga awtoridad sa isang partikular na lugar. Ang pag-unawa sa mga siyentipikong paliwanag tungkol sa mga bagyo ay mahalaga at makatutulong din upang mahusay na makapaghanda ang mga Pilipino sa mga mapaminsalang kalamidad na ito.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f9c2728958793118fa82bce1591f4761.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/5b3d50ed15e6bf7b553c2e3550da72f8.jpeg)
ni RHIAN GABRIELLE P. GABAY
NORJEEHAN AMEROL H. NASSER
ni SAMUEL E. ARELLANO
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f98da1661abfdba608a43c88fbef3fae.jpeg)
Ang LALIK Hayskul
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/b2b9af9c88a38f45fa24dccd79eca0f2.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/21a6cc1369da4056723bc32d7caf5e82.jpeg)
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
HAGUPIT NG MAPARAISONG TANAWIN
Bumubuga at kumakalat ang abo, sa umaapaw ang mainit at kumukulong putik, at sa yumayanig at gumuguho ang lupa. Ito ang mga nangyayari sa tuwing nag-aalburuto at pumuputok ang isang bulkan. Isang maliit pero aktibong bulkan na matatagpuan sa gitna ng Lawa ng Taal na may makasaysayan kamangha-manghang kagandahan ang Bulkang Taal. Ito ay isang isla na nakapaloob sa isang lawa, at isang natatanging tanawin na umaakit ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Bagama’t sa likod ng kagandahan nito nagtatago ang napakalakas na puwersa na may kakayahang magdala ng malawakang pinsala at pagkawasak sa mga lugar na nakapalibot dito. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, ang Bulkang Taal ay isa sa mga pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas, at ang kasaysayan nito ay napupuno ng mga pag-aalburoto na nag-iiwan ng malalalim na marka sa mga naninirahan sa paligid nito.
Isang halimbawa ng stratovolcano ang Taal; ito ay isang uri ng bulkan na nabubuo dahil sa paulit-ulit na pagsabog at paglalabas ng kumukulong putik at abo. At sa paulit-ulit na pag-aalburoto, kadalasan ay humahantong ito ay isang uri ng pagsabog na tinatawag na phreatomagmatic eruption na nangangahulugan na ang magma sa loob ng bulkan ay humahalo sa tubig na matatagpuan sa ilalim ng lupa. Dahil dito, nab- ubuo ang mga pagsingaw at pagsabog ng mga bato at abo. Ang mga ganitong uri ng pagsabog ay maaaring magdulot ng mga pinsala at panganib lalo na sa mga nakatira sa munisipalidad sa paligid ng Lawa ng Taal.
Enero 2020, kasabay ng pagsisimula ng pandemya, nagkaroon ng malakas na pagsabog ang Bulkang Taal na nagdulot ng pag-agos ng lava; pag-ulan ng abo sa mga karatig lugar tulad ng Talisay, Nasugbu, Tanauan, Santo Tomas, Tagaytay, Silang, Calamba, Cabuyao, Santa Rosa, Biñan, San Pedro, at San Pablo; at pagbuga ng mataas na eruption plume na binubuo ng carbon dioxide, sulfur oxide, abo, at mga bato na umabot ng ilang kilometro paitaas. Ang pagsabog nito ay nagdulot ng sapilitang paglikas ng libu-libong residente na nakapaligid sa bulkan, nagresulta sa pagsuspende ng klase, at pagsasara ng mga negosyo sa ilang lugar. Bukod dito,
DESISYON MO, KINABUKASAN MO
sang kritikal na yugto ang kabataan sa buhay ng tao, kung saan ang mga pangarap, pag-ibig at pagpapasiya ay nagbibigay ng malaking impluwensiya sa hinaharap. Mula sa bawat desisyon hanggang sa mga simpleng aksiyon ay tiyak na magdudulot sa temporaryong kahihinatnan tungo sa permanenteng takbo ng kanilang kinabukasan. Ang pagiging mulat ng puso at isipan ng bawat kabataan sa pag-ibig ay isang malaking bahagi ng kanilang damdamin at desisyon.
Gayumpaman, ang nagiging desisyon ng nag-iibigan na kabataan ay maaaring humantong sa teenage pregnancy, at problema sa pag-aaral at kalusugan ng pag-iisip. Nakaaalarma na isa sa limang kabataang babae ay nagbubuntis bago makaabot sa edad na 20, habang 75% ng mga kabataan ay nagkakaroon ng problema sa pagpapasya. Kaya naman, mahalaga ang tamang pagpapasya.
Kaugnay nito, ang teenage pregnancy ay isang kritikal na isyung kinakaharap ng Pilipinas. Ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH), may 3.5% hanggang 17.9% ng mga kabataang babae ang nagdadalantao sa iba’t ibang rehiyon. Kabilang sa mga rehiyon na ito ay ang ARMM, SOCCSKSARGEN, at Caraga na nagtataglay ng pinakamataas na porsiyento ng teenage pregnancy.
Ang kakulangan sa impormasyon ukol sa edukasyong seksuwal, mga nakagawiang arranged marriage ng kabataan sa ibang kultura, at kawalan ng suporta mula sa pamilya at komunidad ay mga pangunahing dahilan ng teenage pregnancy. Ang karahasan sa tahanan at kawalan ng oportunidad sa edukasyon at trabaho ay nagpapataas ng panganib ng teenage pregnancy.
Sa madaling salita, ang edukasyon sa seksuwalidad ay mahalaga upang mabawasan ang panganib ng teenage pregnancy. Nagbibigay ito ng kaalaman sa mga kabataan tungkol sa seksuwalidad, kontrasepsiyon, mga panganib ng teenage pregnancy, at kanilang mga karapatan at responsibilidad.
Ang mga benepisyo ng edukasyon sa seksuwalidad ay pagbaba ng teenage pregnancy, pag-iwas sa mga sakit, pag-unlad ng mga kabataan, at pagpapalakas ng mga relasyon ng mga magulang, guro, at mga kabataan. Ang edukasyon sa seksuwalidad ay nagpapabuti rin sa pag-unlad ng mga kabataan at nagbibigay sa kanila ng kaalaman sa pagpapasya sa kanilang sariling katawan.
Sa huli, ang pagtutulungan ng mga magulang, guro, komunidad, at pamahalaan ay mahalaga sa pagtugon sa hamon ng teenage pregnancy. Ito rin ay susi sa pag-iwas sa teenage pregnancy at nagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan tungkol sa seksuwalidad. Ang kabataan ay kritikal na yugto sa buhay ng tao. Ang mga desisyon na ginagawa sa kabataan ay nagiging hakbang patungo sa kinabukasan. Kaya mahalaga ang tamang pagpapasya at edukasyon sa seksuwalidad upang mabawasan ang panganib ng teenage pregnancy. Ang pagtutulungan ng mga magulang, guro, komunidad, at pamahalaan ay mahalaga sa pagtugon sa hamon ng teenage pregnancy. Kabataan ang siyang magpapatuloy sa pag-unlad ng bayan. Ang kanilang bukas ay nakasalalay sa ating mga kilos. Mahalagang mabigyan natin sila ng sapat na gabay at suporta. Kalusugan at kaalaman ang susi sa kanilang magandang hinaharap. Pagtutulungan ang magbibigay sa kanila
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/864686fe9f67df630ff2a9d4affe6ef7.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/e989ec245c10f9dbb0452258df531bc0.jpeg)
nasira din ang mga pananim sa sakahan at iba’t ibang imprastruktura. Nagpakita ng malalaking epekto ang Bulkang Taal noong sumabog ito noong 2020 lalo na sa mga taong naninirahan sa paligid nito. Napilitang lisanin ng mga residente ang kanilang mga tahanan at iwan ang kanilang mga kabuhayan. Nagambala rin ng pagputok ng bulkan sa mga transportasyon, komunikasyon, at suplay ng kuryente at tubig. Ang mga epekto ng pagsabog ay naramdaman hindi lamang sa lalawigan ng Batangas, ngunit sa mga karatig-lalawigan nito tulad ng Cavite at Laguna.
Sa kasalukuyan, patuloy na binabantayan ng PHIVOLCS at ng iba’t iba pang awtoridad ang aktibidad ng Bulkang Taal sa paglipas ng taon. Nagkakaroon ng ilang mga pagyanig sa paligid ng bulkan na maaaring nagpapahiwatig sa posibilidad ng muling pagputok nito. Ang mga pagyanig na nararamdaman ng mga residente ay nagpapabagabag sa kanila. Ang mga awtoridad naman ay patuloy na sinusubaybayan at binabantayan ang sitwasyon sa bulkan. Noong mga unang araw ng Disyembre 2024, muling sumabog ang Bulkang Taal; isang phreatomagmatic eruption na nagresulta sa pagbulwak ng maraming abo at volcanic plume na aabot ng humigit-kumulang 2,800 metro, at pagsingaw sa himpapawid ng Taal. Tuluyang itinaas sa Alert Level 3 ng PHIVOLCS ang bulkan noong ito ay nagparamdam ng aktibidad. Dahil dito, pinayuhan ang mga residente na lumikas at sumunod sa mga ibinigay na protocol mula sa awtoridad para sa kanilang kaligtasan. Ang mga eksperto at mga awtoridad ay mahigpit na binabantayan at mimanmanan ang kasalukuyang sitwasyon at patuloy na hinihimok ang publiko na maging mapagmatyag sa gitna ng aktibidad ng Bulkang Taal. Ang Bulkang Taal ay isang paalala na sa likod ng magagandang tanawin at atraksiyon ng kalikasan, nakatago ang isang malakas na puwersa na hindi natin kayang kontrolin. Ang pag-aaral ng kasaysayan ng isang bulkan at ang pagiging handa sa anumang posibleng pagbabago nito ay mahalaga sa para sa kaligtasan ng mga taong nakapaligid dito. Maging mapagmatyag at sumunod sa mga ibinilin ng mga awtoridad upang mabawasan ang panganib na maaaring idulot ng ganitong sakuna.
MANGROVE FARMING: HAKBANG TUNGO SA MALINIS AT MAAYOS NA KALIKASAN
Isang uri ng halaman na matatagpuan sa mga baybay-dagat, estuwaryo, o mga tabing-ilog ang mangrove o bakawan. Ang Pilipinas, isang arkipelago na may halos 36,000 kilometro ng baybayin, ay tahanan ng mga bakawan na may mahalagang papel sa kalikasan at ekonomiya. Sa pamamagitan ng mangrove farming, ang mga bakawan ay nagiging susi sa pagpapanatili ng ating likas na yaman.
Tulad ng mga hayop, mayroon ding iba’t ibang uri ng bakawan, at bawat isa ay may sariling katangian at kahalagahan. Katulad na lamang ng Red Mangrove o Rhizophora Mangle, na nakuha ang pangalan mula sa matingkad na kulay pula sa ilalim ng balat nito. Isa pang halimbawa ang Buttonwood o Conocarpus Erectus; bagama’t hindi ito kasama sa opisyal na listahan ng mga uri ng mangrove specie, kadalasang tumutubo ito sa mga lugar na tinutubuan ng bakawan kaya itinuturing na rin ito bilang isa sa kanila.
Ang mga bakawan ay nagsisilbing “unang linya ng depensa” laban sa mga alon na dala ng mga bagyo mula sa Karagatang Pasipiko at ng iba pang natural na kalamidad. Ang kanilang mga ugat ay nakatutulong upang pigilan ang tinatawag na “coastal erosion” at nagsisilbing tahanan ng mga isda at iba pang lamang-dagat. Ayon sa Muslaqui Philippines, may kakayahan ang mga bakawan na mag-imbak ng kemikal na carbon, na tumutulong sa pagsasaayos ng temperatura ng mundo, pagpapalago ng mga pananim, at pagbibigay ng enerhiya para sa ating ekonomiya. Bagama’t marami ang naitutulong ng mga bakawan sa atin, kinakaharap pa rin nila ang ilang mga banta sa ating bansa. Isa na rito ang urbanisasyon, dulot ng patuloy na pagdami at pagtatambak sa ibang bahagi ng baybayin upang bigyang-daan ang konstruksiyon ng mga komersiyal na gusali. Nariyan din ang problema dulot ng polusyon at iba pang kalamidad. Isa pa, ang kakulangan sa kaalaman at resources, pati na rin ang paglabag sa mga batas pangka-
likasan, ay nagpapalala sa sitwasyon. Hindi tulad ng ibang paraan ng pagsasaka, may mga partikular na aspekto na kailangang bigyang pansin sa pagtatanim at pagpaparami ng bakawan. Gaya na lamang ng lupang pagtataniman na kailangang malapit sa baybay-ilog o dagat upang matiyak ang masaganang paglago ng mga bakawan. Isa rin sa mga dapat nating bantayan ang salinity ng tubig dahil makasasama sa mga bakawan kung masyado itong mataas. Dapat nating pahalagahan ang mga bakawan sapagkat tayong mga tao rin ang makikinabang sa huli. Marami silang pak inabang sa atin sa iba’t ibang paraan. Isa ito sa mga solusyon sa mga isyu na ating kinaka harap sa kasalukuy an. Malaki ang ma gagawa ng ating pakikipagtu lungan sa mga lokal na eksperto at mga non-government organization (NGO) upang pangalagaan ang mga bagay katulad ng mga bakawan.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/5115d2882a9b1e157ee42f5309ae996d.jpeg)
WINKEITH PENELOPE P. MACARAIG
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
PINALAKI, PINAKAMAHINA
Isang hakbang tungo sa mas mahusay na karanasan ng tao ang Augmented Reality (AR) o pinalawak na realidad. Ito ay isang makabagong teknolohiya na naglalayong pagsamahin ang pisikal at digital na mundo. Nilikha ito upang tulungan ang mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay kung kaya’t ang AR ay mabilis na naging bahagi ng pang-araw-araw na buhay, mula sa edukasyon at trabaho hanggang sa libangan ng bawat isa.
Habang ang AR ay orihinal na dinisenyo upang mas mapagaan at mas mapabilis ang mga pang-araw-araw na gawain, ito rin ay may nagdudulot ng negatibong epekto sa kakayahang kumilos nang hindi nakasandal sa teknolohiya. Habang unti-unting dumedepende ang mga tao sa AR upang mapadali ang kani-kanilang buhay, ito rin ay nagiging sanhi ng isang mahalagang isyu: ang tao ay nagiging “weakest link” sa paggamit ng teknolohiya. Dahil sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya, tila nawawala na ang koneksiyon ng mga tao sa mundo sa labas ng kanilang mga gadget. Ang labis na pagtutok sa mga digital na aparato at ang pagtangkilik sa Internet ay nagdudulot ng labis na pagdepende sa online na mundo para sa pang-araw-araw na gawain. Bagama’t ang utak
ng tao ay may pambihirang kakayahan upang matuto at mag-adapt, mayroon din itong mga limitasyon, lalo na sa kakayahang magproseso ng maraming impormasyon nang sabay-sabay.
Sa AR, ang mga digital na elemento ay ipinagkaloob sa ating pisikal na kapaligiran, isang proseso na madalas nagiging sanhi ng cognitive overload o sobrang pagkapagod ng utak. Habang ang AR ay nakadaragdag ng bagong impormasyon, kinakailangan ng utak ng tao na sabay-sabay na i-proseso ang data mula sa dalawang magkaibang mundo—ang pisikal at ang virtual. Ang resulta nito ay mental fatigue, pagka-distract, at pagbagsak ng produktibidad na nagiging hadlang sa layunin ng teknolohiya na gawing mas madali at mas epektibo ang
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/ce21ebc44238a50a07dc04aff1e47936.jpeg)
Patuloy na itinuturo sa Pilipinas ang mga asignaturang matematika o sipnayan at agham sa mga paaralan gamit ang wikang Filipino, o ang wikang kinasanayan ng mga estudyante. Ito ay isang hakbang na dapat ipinagpapatuloy nang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang mga pangunahing konsepto ng mga itinuturo sa mga asignaturang ito. Sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino, mas madali ring maiintindihan at matututo ng mga estudyante ng mga mas komplikadong paksa sa hinaharap.
Ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo ng sipnayan at agham ay may mahabang kasaysayan sa Pilipinas. Noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano, Ingles ang naging opisyal na wika sa pagtuturo sa mga eskuwelahan. Ngunit pagsapit ng dekada 70, nagkaroon na ng pagbabago sa patakaran ng edukasyon, at ginawang pangunahing wika ang Filipino sa pagtuturo sa mga paaralan. Ipinatupad ang patakaran na may layunin na mas maunawaan ng mga estudyante ang mga konsepto at nang mas mapalakas ang pagkakakilanlan ng wikang pambansa.
Pinabuting Pang-unawa ng mga Mag-aaral
Pagtuturo ng matematika at siyensya sa wikang kinabihasnan ng mga mag-aaral ang isa sa mga susi upang mas maunawaan ang kanilang asignatura. Maraming pag-aaral ang nagpapakita at nagpapatunay na ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng matematika at agham ay nagkapagpapabuti sa pag-unawa ng mga estudyante. Ayon sa isang pag-aaral ni Julieta Inojales-Prianes sa kaniyang tesis na Using Filipino as a Medium of Instruction in Teaching Mathematics: Basis for Policy Formulation (2013),
ang paggamit ng wikang Filipino ay nakatutulong sa mga estudyante na mas madaling maunawaan ang iba’t ibang konsepto ng matematika at mas madaling paglalapat ng mga ito sa mga praktikal na sitwasyon. Naobserbahan ng pagaaral na ito na may makabuluhang pagkakaiba sa mga nakuhang grado ng mga mag-aaral sa ginawang eksaminasyon sa mga grupo ng estudyante na tinuruan gamit ng wikang Filipino at mga grupo ng estudyante na tinuruan gamit ang wikang Ingles. Lumabas sa resulta nito na ang mga estudyante na tinuruan sa midyum na Tagalog ay nakatanggap ng mean score na 8.14, kumpara sa mga estudyante na tinuruan sa midyum na Ingles na may mean score na 7.55 lamang. Mula rito, masasabi natin na mas madaling maintindihan ng mga mag-aaral ang asignatura kapag ginamit ang wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo ng matematika. Ayon din sa isa pang pag-aaral ni Krizza P. Bravo-Sotela sa kaniyang pananaliksik na Exploring the Tagalog-English Code-Switching Types Used for Mathematics Classroom Instruction (2020), pinakakaraniwan ang paggamit at ang paghahalo ng wikang Tagalog sa wikang Ingles sa pagtuturo ng mga asignaturang may kinalaman sa matematika, katulad na lamang ng paghahalo ng dalawang wika sa pagpapaliwanag o
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f98da1661abfdba608a43c88fbef3fae.jpeg)
Ang LALIK Hayskul
ating mga gawain. Nagdudulot ito ng mas maraming pagkakataon para sa mga cybersecurity threats dahil sa pag-imbak at pag papalitan ng sensitibong impormasyon tulad ng biomet ric data, lokasyon, at iba pang personal na impormasyon. Ang mga sistema ng AR ay nakadepende sa malalaking databases na madaling maging target ng mga hacker. Sa kasalukuyan, ang mga tao ang pinakamahina at pinaka binabanggit na “link” sa ganitong mga sitwasyon. Ang mga tao ay may kakayahang mag-isip at mag desisyon batay sa kanilang mga emosyon, karanasan, at hindi laging lohikal na motibasyon. Dahil dito, nagiging mahirap para sa mga sistema ng AR na ganap na magsync o mag-adjust sa paraan ng pag-iisip at pagkilos ng isang tao. Habang ang mga teknolohiya ay sumusunod sa mga pre-set na algoritmo at may kakayahang mag proseso ng data nang mabilis at eksakto, ang mga tao ay madalas kumikilos ayon sa mga personal na reaksiyon, kaya’t hindi natin basta-basta mawawari ang kanilang nagiging interaksiyon sa mga sistema. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang tao ay madalas na itinuturing na “pinakamahinang link” sa paggamit ng AR—ang hindi pagkakasundo ng teknolohiya at human behavior ay nagiging sagabal sa layunin ng teknolohiyang ito.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/d5c6510b272202c865617b3db2828e5b.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/3a07e1b65005f9308d394c0f74fd1393.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/626a3235cae9b298953458e85b600829.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f405dd531da133a0c1aba0fd56258057.jpeg)
BAGONG ERA NG AGRIKULTURA
Nagbibigyang pag-asa ang modernong agrikultura ng Pilipinas sa paglapit ng bagong henerasyon ng magsasaka. Ang mga lupang agrikultural, na dating naghihirap sa kakulangan ng teknolohiya, ay nagiging sentro ngayon ng pag-unlad at paglago. Ang pagtutulungan ng gobyerno, mga organisasyon, at mga magsasaka ay nagbibigay ng buhay sa mga lupang ito, at nagpapalakas sa pundasyon ng ekonomiya ng bansa.
Sa pamamagitan ng modernong teknolohiya, nagkakaroon ng pag-unlad ang mga magsasaka. Halimbawa, ang paggamit ng sistemang drip irrigation ay nagpapababa sa paggamit ng tubig at nagpapataas sa ani. Ang mga teknolohiyang tulad ng precision agriculture ay nagbibigay ng impor-
masyon sa mga magsasaka tungkol sa pag-aalaga ng kanilang pananim, pagkontrol sa mga peste at sakit, at pagpapataba ng lupa. Gayumpaman, may mga hamon ang pagpapalaganap ng mga teknolohiyang ito. Isa sa mga pangunahing balakid ay ang kakulangan sa kaalaman
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/d6508328ce93f8a6d7ec591e3a40b855.jpeg)
pagbibigay ng mga halimbawa na konektado sa isang konsepto na nais iparating ng isang guro sa kaniyang mga mag-aaral. Natuklasan na binubuo ng 58% ng mga pahayag na ang pagpapalit-palit ng wikang Ingles at Tagalog ang pinakamadalas na uri ng pagpapahayag ng mga guro ng matematika; ito ang pinakamalinaw na pagpapahayag kapag kinakailangang ipaliwanag ang mga konsepto, o magbigay ng mga halimbawa at mga karagdagang solusyon. Inirerekomenda rin ng pag-aaral na ito na maaari ding isaalang-alang ang paggamit ng Tagalog para sa pagtuturo ng mga aralin at takdang-aralin sa matematika, at pagpapaliwanag ng mga nilalaman ng asignatura.
Pinahusay na Pakikipag-ugnayan at Pakikisama sa Silid-aralan Hindi lang nakapagpapabuti ng pang-unawa ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng mga konsepto ng agham at sipnayan, nakakatulong din ito sa pagpapahusay ng pakikipag-ugnayan at pakikilahok ng mga estudyante sa loob ng silid-aralan. Sa paggamit ng kinagisnang wika ng mga mag-aaral sa pagtuturo ng asignatura, mas magiging madali para sa kanila ang pakikipagkomunikasyon, pakikilahok sa mga diskusyon, o pakikipag-usap sa kanilang mga kapuwa estudyante o mga guro upang maipahayag o magtanong tungkol sa mga nilalaman at konsepto ng isang aralin. Ayon sa isang pag-aaral ni Jasmin S. Galano sa kaniyang tesis na Effects of Using Tagalog as Medium of Instruction in Teaching Grade 6 Science (2021), ang paggamit ng wikang Tagalog sa pagtuturo ng asignatura ay nagbibigay-daan sa mga estudyante na mas aktibong makisama at makilahok sa mga diskusyon sapagkat mas nagiging komportable sila sa pakikipag-ugnayan at pakikipagpalitan ng impormasyon at konsepto gamit ang kanilang kinagisnang wika. Sa paggamit din ng wikang Tagalog bilang midyum ng pagkatuto ng mga mag-aaral, mas naeengganyo silang magtanong, tumuklas at maggalugad ng mas marami at iba’t ibang konsepto tungkol
at kagamitan ng mga magsasaka. Kaya mahalaga ang edukasyon at suporta mula sa gobyerno at mga organisasyon. Sa kabila ng mga hamon, nagkakaroon ng tagumpay ang mga proyekto sa agrikultura. Ang Department of Agriculture (DA) ay naglunsad ng mga programa tulad ng “Farm-to-Market Road” upang mapabuti ang imprastruktura at pagpapalaganap ng produkto.
Ang mga programa tulad ng Agri-Agra Reform ay nagbibigay ng suporta sa mga magsasaka sa pama magitan ng pagpapautang at pagpapalaganap ng te knolohiya. Ang Philippine Rural Development Project naman ay nagbibigay ng suporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapabuti ng imprastruktura, pagpapalaganap ng teknolohiya, at pagbibigay ng kaalaman sa pag-aalaga ng pananim.
Ang mga benepisyo ng modernong agrikultura ay malawak. Nagbibigay ito ng trabaho, pagkain, at kita
sa asignatura.
Potensyal na Kalituhan at Kalabuan sa mga Termino at Epekto sa Kasanayan sa Ingles
Bagama’t nagpakita ng maraming benepisyo ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo ng matematika at agham, mayroon din itong mga nagiging hamon. Una sa mga pangunahing hamon nito ay ang posibilidad ng pagkakaroon ng kalituhan at pagiging malabo ng depinisyon ng ilang termino. Ayon sa pag-aaral ni Alberth Dalen sa kaniyang tesis na Ang Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Asignaturang Agham sa Paaralan ng San Pedro (2023), tumataas ang kumpiyansa ng mga estudyante sa kanilang kakayahan sa agham at mataas na pagganap sa mga pagsusulit at takdang aralin kapag ginagamit ang wikang Filipino sa pagtuturo ng nabanggit na asignatura. Pangalawa, maaari ding maapektuhan ang pagiging bihasa ng mga estudyante sa wikang Ingles kapag ginamit ang wikang Filipino bilang pangunahing wika sa pagtuturo ng mga asignatura. Gayumpaman, maraming mga pag-aaral ang nagpapakita na ang paggamit ng wikang Filipino ay hindi nagiging hadlang at dahilan sa pagbaba ng kakayahan ng estudyante sa wikang Ingles.
Sa kabuoan, ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng mga asignaturang sipnayan at agham ay may maraming benepisyo. Ang paggamit ng wikang kinasanayan ng mga estudyante ay nakatutulong sa pagpapabuti ng kanilang pagkaunawa, pakikilahok sa mga diskusyon sa klase, at ang kanilang pangkalahatang pagganap sa loob ng kanilang mga silid-aralan. Bagama’t nagkaroon pa rin ng ilang hamon, mas nakalalamang pa rin ang hatid nitong benepisyo. Dapat nating ipagpatuloy ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng matematika at agham nang mas mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa matematika at agham, at mas mapaunlad ang edukasyon sa
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/2772632f37c136dd5e0207b528c8e0c2.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/2772632f37c136dd5e0207b528c8e0c2.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/2772632f37c136dd5e0207b528c8e0c2.jpeg)
sa mga magsasaka. Nagpapababa rin ito sa paggamit ng tubig at kemikal, na nagpapabuti sa kalikasan. Nagbibigay rin ito ng pagkakataon sa mga magsasaka na magkaroon ng malinis na kapaligiran. Sa huli, nagbibigay ito ng pag-asa sa mga magsasaka at sa Tila nga ba na ang pagpapalaganap ng modernong agrikultura sa Pilipinas ay isang mahalagang hakbang tungo sa pag-unlad ng ekonomiya at kalikasan. Sa pamamagitan ng edukasyon, suporta, at teknolohiya, nagkakaroon ng pag-asa ang mga magsasaka at ang bansa. Ang pagpapalaganap ng
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f28bee99f01ff53311d42b891b338f25.jpeg)
ni WINKEITH PENELOPE P. MACARAIG
PAGKILALA: EAST ASIA FORUM
NI SAMUEL E ARELLANO
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f98da1661abfdba608a43c88fbef3fae.jpeg)
Ang LALIK Hayskul
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/1347e5d971df4b20fc3048478151682f.jpeg)
Patuloy na itinuturo sa Pilipinas ang mga asignaturang matematika o sipnayan at agham sa mga paaralan gamit ang wikang Filipino, o ang wikang kinasanayan ng mga estudyante. Ito ay isang hakbang na dapat ipinagpapatuloy nang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang mga pangunahing konsepto ng mga itinuturo sa mga asignaturang ito. Sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino, mas madali ring maiintindihan at matututo ng mga estudyante ng mga mas komplikadong paksa sa hinaharap.
Ang West Valley Fault
Isang aktibong geological fault ang West Valley Fault na matatagpuan sa silangang bahagi ng Metro Manila. Ang West Valley Fault ay isa lamang mas maliit na segment ng Marikina Valley Fault System at kilala ito sa kakayahang magdulot ng mapaminsalang lindol. May kakayahan ang faultline na ito na biglang gumalaw na nagiging sanhi ng malalakas na lindol. Ang mga paggalaw na ito ay resulta ng pagbabanggaan ng mga tectonic plate sa ilalim ng lupa o tinatawag na plate motion o tectonic shift. Kapag gumagalaw ang mga ito, makabubuo at maglalabas ito ng enerhiya na magdudulot ng
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/2d60f47079007f31cb4ba93ee3dd86c9.jpeg)
Mga Lugar na Sakop ng West Valley
Dumadaan ang West Valley Fault sa mga lungsod at ilang munisipalidad sa Metro Manila at mga kalapit o karatig-lugar nito na tinatayang may 100 kilometro. Kabilang sa mga lugar nito ang Quezon City, Marikina City, Pasig City, Makati City, Taguig City, Muntinlupa City, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite. Maraming mga komunidad ang direktang maaapektuhan ng faultline, lalo na ang mga gusali, tahanan, at iba pang imprastruktura
na nakatirik malapit o sa mismong faultline. Ang pag-unawa sa lawak ng sakop ng West Valley Fault ay isa sa mga bahagi ng pagpaplano ng mga hakbang sa paghahanda nang mabigyan ng impormasyon ang mga residente at maging alerto sila sa mga lokasyon ng mga posibleng mas maliliit na segment ng faultline.
the big one
Ayon sa mga eksperto sa seismology, ang West Valley Fault ay magdudulot ng napakalakas na pagyanig na may magnitude na 7.2. Tinagurian itong “The Big One.” Ito ay isang malakas na lindol na maaaring magtagal ng ilang segundo o kaya naman ng ilang minuto na kayang magdulot ng matinding pinsala sa mga ari-arian. Maaaring magiba ang estruktura at masira ang matataas na gusali at mga imprastruktura na may mahinang pundasyon. Hindi rin mawawala ang posibilidad ng mas mahinang lindol na tinatawag na aftershocks at ng mas malakas na lindol o tinatawag namang foreshocks; ang mga ito’y tiyak na daragdag sa pinsalang dulot ng naunang lindol.
Sa isang mapaminsalang kalamidad, dapat maging handa ang mga residenteng maaaring maapektuhan nito. Ang pagiging handa ay ang pinakamahalagang hakbang nang mabawasan ang mga posibilidad ng kapahamakan ng isang malakas na lindol. Maghanda at magkaroon
ng emergency kit na may sapat na ready-toeat na mga pagkain na hindi nabubulok, sapat na inuming tubig, pera, flashlight, radyo, mga baterya, mahahalagang dokumento, first-aid kit, mahahalagang gamot, damit, hygiene kit, mga gamit pangkomunikasyon tulad ng smartphone, at iba pa na maaaring makatulong sa panahon at pagkatapos ng sakuna. Dapat mayroon ding lugar kung saan maaaring pumunta o mag-evacuate kung sakaling malala ang magiging epekto ng lindol. Ang pagsasanay at pakikilahok sa mga earthquake drill ay mahalaga rin upang malaman ang mga kinakailangang gawin sa panahon ng pagyanig ng lupa. Upang mabawasan ang posibleng pinsala, makatutulong din ang pagpapatibay ng mga pundasyon ng imprastruktura at tahanan.
Ang West Valley Fault ay isang aktibong 100 kilometrong faultline na seryosong banta sa Metro Manila at sa mga karatig lugar nito. Ito ay maaaring gumalaw pagkatapos makabuo ng maraming enerhiya at magdulot ng malakas na paglindol. Ang pag-unawa sa posibleng panganib at paghahanda nang maayos ay makababawas sa maaaring maging epekto ng isang malakas na pagyanig. Hindi lamang para sa kapakanan ng isang tao ang pagiging handa kung hindi para na rin sa lahat ng mga taong nakatira malapit dito. Ang susi upang makaligtas at payapang makabangon sa isang sakuna ay ang pagtutulungan at pagkakaisa.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/58138b95781d665b7e2aa9ebfa5264dc.jpeg)
ISANG PAGKAKAISA PARA SA PAG-UNLAD
Sa pagpapanatili ng kalikasan, mahalaga ang pagtutulungan sa mga proyekto tulad ng paglikha ng recycling center, pagtatanim ng mga puno, paglilinis ng mga ilog at lawa, pagprotekta sa mga hayop, at paglikha ng mga solar panel. Dahil dito, nagkakaroon ng malinis na kapaligiran at pag-unlad ang mga komunidad. Bilang resulta, nagbibigay rin ito ng inspirasyon sa mga tao na magbago ng kanilang mga ugali at maging mas responsable sa kalikasan.
Kabilang sa mga paraan ng pagtutulungan ang pag-aaral at pananaliksik, edukasyon at kamalayan, pagkakaisa at kooperasyon ng mga komunidad, at pagbibigay ng suporta sa mga proyekto sa kalikasan. Bukod dito, mahalaga rin ang pagtutulungan sa paglikha ng mga patakaran at programa na naglalayong protektahan ang kalikasan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng pag-unlad sa kalikasan at sa mga komunidad.
Dahil sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kalikasan, mahalaga ang mga proyekto tulad ng pagtatayo ng mga recycling center, pagtatanim ng mga puno, paglilinis ng mga ilog at lawa, pangangalaga sa mga hayop, at paglalagay ng mga solar panel. Bukod dito, nagbibigay ang mga proyektong ito ng pagkakataon sa mga komunidad na magkaroon ng malinis na kapaligiran upang umunlad. Kaugnay nito, mahalaga ang edukasyon sa pagpapanatili ng kalikasan. Nagbibigay ito ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kalikasan, pagbabago ng ugali, pag-unlad ng mga komunidad, pagpapababa ng polusyon, at pag-unlad ng mga lider. Dahil dito, nagbibigay ang edukasyon ng pag-unlad sa mga mag-aaral at nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan. Bilang resulta, nagbibigay ang pagtutulungan sa kalikasan ng maraming benepisyo. Una, nagdudulot ito ng pag-unlad sa kalikasan at pagpapanatili ng mga hayop. Pangalawa, nag dadala ito ng pag-unlad sa mga komunidad at pagkakaroon ng mas magandang buhay. Pangatlo, nagiging dahilan ito ng pagbaba ng polusyon at pagpapanatili ng kalikasan. Pang-apat, nagreresulta ito ng pag-unlad
sa mga mag-aaral at pagkakaroon ng mga kasanayan. At panlima, nagbibigay ito ng pagkakaisa sa mga komunidad at pagtutulungan sa pagpapanatili ng kalikasan.
Sa pag-unlad, malaki ang papel ng mga teknolohiyang malinis sa pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang enerhiya mula sa araw, hangin at hydroelectric power na nagpapababa sa paggamit ng fossil fuel na nagdudulot ng polusyon. Dahil dito, nagkakaroon ng pag-unlad sa kalikasan at sa mga komunidad. Dagdag pa rito, nagbibigay ang mga teknolohiyang malinis ng maraming benepisyo. Kasama rito ang pagpapababa ng polusyon, pag-unlad ng kalikasan, pagpapababa ng gastos sa enerhiya, pag-unlad ng ekonomiya, at pagbawas ng paggamit ng fossil fuel. Bukod dito, nagbibigay rin ito ng solusyon sa pagpapanatili ng tubig, pag-recycle ng basura, at pagpapababa ng polusyon.
Sa madaling salita, mga teknolohiyang malinis tulad ng mga solar panel, mga turbine ng hangin, mga planta ng hydroelectric, mga sistema ng recycling, at mga teknolohiya na nagpapanatili ng tubig ay nagbibigay ng pagasa para sa kinabukasan ng ating planeta. Ang kalikasan ay naghihintay sa ating mga hakbang. Bawat pagpapanatili ay isang pagpapahayag ng pagmamahal sa sarili, sa bayan, at sa susunod na henerasyon. Tayo
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/3a7c3764fddc6ee7a79166ed83de047f.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/53913c53d7432768dbe56aad3106eaef.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/7e3afe3bf10dc76a8be8bd5019ffe09f.jpeg)
GINTONG ALON NG KALIKASAN
Sa puso ng Pilipinas, kung saan ang dalawang pangunahing isla ng Luzon at Mindoro ay nagtatagpo, matatagpuan ang Verde Island Passage—isang kahanga-hangang perlas ng kalikasan na nagbibigay ng kakaibang kagandahan at kasaganaan sa bansa. Tinaguriang “Amazona ng Karagatan,” ang passage ay isang mahalagang tirahan ng iba’t ibang marine species tulad ng malalaking butanding, mabibilis na dolphin, at malalapad na pagi na pawang nagbibigay ng kabuhayan sa libo-libong mangingisda na nagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa, at nagpapakita ng kahalagahan nito sa ekonomiya at ekolohiya ng bansa.
Ang mga pamayanan sa paligid ng Verde Island Passage ay nahaharap sa matinding hamon ng kahirapan, na ang kita ng maraming pamilya ay bumababa sa linya ng pambansang kahirapan. Upang matugunan ang pangangailangan ng mga lokal na pamayanan, naglunsad ang Conservation International ng mga programa upang mapalawak ang kita ng mga residente. Ang mga programa ay naglalayong bigyan ang mga miyembro ng pamayanan ng sapat na kaalaman upang magtayo ng sariling negosyo, mag-alaga ng mga isda, o maghanap ng trabaho sa ekoturismo, na magbibigay ng pag-asa sa pag-unlad ng kanilang buhay.
Ang mga pagsisikap na ito ay nagbibigay ng pag-asa sa pag-unlad ng mga lokal na pamayanan sa paligid ng Verde Island Passage. Sa pagbibigay ng sapat na kaalaman at suporta, ang mga residente ay nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng mas mataas na antas ng buhay at sapat na kita para sa kanilang mga pamilya. Nagkakaroon din sila ng pagkakataon na maprotektahan ang kanilang kapaligiran at mapanatili ang kanilang mga tradisyonal na pamumuhay, na nagpapakita naman ng kanilang pagmamahal sa kalikasan.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/37c6d92cf3595fa7af1cd7bddc738ccf.jpeg)
Bilang karagdagan sa mga pagsisikap sa pag-unlad ng lokal na pamayanan, nagtrabaho rin ang Conservation International na protektahan ang kapaligiran ng Verde Island Passage. Nakipagtulungan ang
hura ng coral at kagubatan ng bakawan. Nagresulta nito sa pagdaragdag ng higit sa 16,000 hektarya ng protektadong lugar, na nagbibigay ng mas malaking suporta sa mga lokal na pamayanan at nagpapakita ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Ang pagprotekta sa kapaligiran ng Verde Island Passage ay hindi lamang mahalaga para sa mga lokal na pamayanan, kundi pati na rin sa buong bansa. Ang passage ay isang mahalagang bahagi ng ekonomiya ng Pilipinas, na nagbibigay ng hanapbuhay sa libo-libong mangingisda na nagpapadala ng mga produkto sa ibang bansa. Sa pangangalaga sa kapaligiran, nagkakaroon ang Pilipinas ng pagkakataon na mapanatili ang kaniyang mga likas na yaman at mapabuti ang kaniyang ekonomiya.
Sa kasalukuyan, nagtatrabaho ang Conservation International kasama ang mga kasosyo upang magdisenyo at magtatag ng mga network ng marine protected area. Layunin ng proyektong ito na lalong mapalawak ang seguridad sa pagkain at lokal na kita ng mga pamayanan sa paligid ng Verde Island Passage. Sa pamamagitan ng mga pagsisikap na ito, nagkakaroon ng pag-asa ang mga lokal na residente upang mas mapatibay ang kanilang ugnayan sa kalikasan.
Tunay ngang ang Verde Island Passage ay nagbibigay ng pag-asa sa pag-unlad ng bansa, isang simbolo na nanghihikayat sa pagkakaisa ng lahat.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/140b2d76a0808067224348403c1b8403.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/64e7eb844318c55410c85135f547ed10.jpeg)
NI SAMUEL E. ARELLANO
ni WINKEITH PENELOPE P. MACARAIG
ni WINKEITH PENELOPE P. MACARAIG
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/79c4d295f0a0436f99aa77d9c12142c2.jpeg)
16 PAMPALAKASAN
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/fddc70048f3babf7b96f9d877c372530.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/6e43ba4944f8bbbafffeaea3693ddae7.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/4b543681172af16ecf4861c04285a2d1.jpeg)
ASa galaw ng bawat aspekto ng buhay, pira-pirasong bahagi ang kinakailangang lampasan upang makamit ang inaasahan. Mula sa pagbabalanse ng akademiko at isports hanggang sa pagiging estudyante at atleta, ito ang buhay ng isang magaaral mula sa baitang 9 ng Paaralang Integrado.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/25a3a67ea0a603c626f73a0b506b1ee4.jpeg)
Nahahati sa pagiging estudyante at atleta ang buhay na inihayag ng mag-aaral na ito kasama ng kaniyang mga pagsubok na nilampasan.
Balakid na ‘di umano ang hirap na kaniyang dinanas at nilampasan. Ang pagsisikap ng chess player na si Qiannah Beatrice N. Felipe na balansehin ang akademiko at isports, at ang hindi pagsuko sa bawat laban na kaniyang nilahukan ay ginawa niya upang masungkit ang inaasam na tagumpay.
Inumpisahan niya ang kaniyang galaw tungo sa kinalalagyan ngayon nang kawilihan niya ang maglaro ng chess, isang isport na hindi kinakailangan ang pisikal na lakas pagkat tibay ng pag-iisip ang puhunan, hanggang sa maging opisyal na siyang manlalaro ng departamento.
Tila reyna na ng chess kung kumilos si Felipe simula pa lang noong siya’y nasa baitang 7 nang magkaroon siya ng interes sa pangangalaga sa trono na kaniyang itinaguyod sa bawat sandaling siya’y nakikipagtagisan.
Nagsimula ang kaniyang karera sa chess noong siya’y nasa baitang 6 pa lamang. Tinuruan siya ng kaniyang ama kung paano maglaro upang maging isang libangan lamang. Ang kaniyang pagkapanalo ang naging dahilan upang ipagpatuloy niya ang kaniyang paglalaro
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/961f858370add16e616c937abc4add29.jpeg)
noong una siyang sumalang sa kompetisyon habang siya ay nasa baitang 7; dito nagsimula ang kaniyang determinasyon na ipagpatuloy ang paglalaro at mga pagsasanay upang higit na mahasa ang kaniyang kakayahan.
Matapos madiskubre ang kaniyang talento, nagkasunod-sunod ang kaniyang pakikipagtagisan sa larang na ito. Kumakailan lamang ay nagtagumpay si Felipe sa laban kontra sa iba’t ibang departamento ng kolehiyo ng Pambansang Pamantasan ng Batangas.
Dumating man ang mga bagay na kinakailangan niyang ibalanse, kahit anong mangyari ay hindi ito sinukuan ni Felipe. Ayon sa kaniya, “Isa sa mga pangunahing hamon na aking hinarap ay ang time management.” Madalas kapag may mga kompetisyon at sabay-sabay ang iba’t ibang gawain o aktibidad, naging mahirap para sa kaniya ang makasabay sa kaniyang mga kaklase, lalo na’t nagmula sa pinakamataas na seksyon.
Gayumpaman, ayon sa kaniya, gaya ng chess napag-aralan niya rin kung paano siya natutong pamahalaan at balansehin ang kaniyang oras. Dagdag pa niya, “Malaking hamon ang pressure at mataas na ekspektasyon ng iba. Mahirap makipagsabayan, lalo na kung hindi ako handang-handa sa mental na aspekto.” Kung kaya sa kabila ng mga pagsubok na ito, patuloy siyang nagsisikap upang maging mas
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/d793814ae7e19682de5a05006ed6e83a.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/1418fc6f18f1eba3f0dc70b3d151a1c5.jpeg)
ng tanong ay hindi kung sino ang mas magaling—ang tanong ay kung bakit hindi natin naibibigay ang tamang suporta at atensiyon na karapat-dapat nilang makuha.
Isang mahalagang bahagi ng larang ng palakasan sa Pilipinas ang basketball. Sa kabila ng dedikasyon ng mga manlalaro ng UAAP Women’s Basketball, nanatiling malinaw at hindi sapat ang natatanggap nilang suporta at pagkilala, kumpara sa kanilang mga male counterpart. Kapansin-pansin ang limitadong coverage ng women’s basketball kumpara sa men’s basketball. Karaniwang mas binibigyang-pansin ang mga sikat na liga tulad ng UAAP Men’s Basketball, na nagreresulta sa mas maraming sponsorships at maraming tagasuporta. Ang kakulangan ng promosyon ay hindi lamang nakaaapekto sa visibility ng liga kundi pati na rin sa inspirasyon ng mga kabataang atleta na nangangarap na maging bahagi nito.
Kung ang layunin ay itaguyod ang sports equality, kinakailangan ang mas malawakang pagtutulungan ng lahat ng sektor—hindi lamang ng media
at komite, kundi pati na rin ng mga eskuwelahan at mga tagahanga. Ang pagbuo ng mas pinalawak na diskusyon at promosyon tungkol sa liga ay isang mahalagang hakbang upang maging inklusibo at makatarungan ang mundo ng palakasan sa Pilipinas. Ang pagkilala at pagdiriwang ng mga tagumpay ng women’s basketball ay hindi lamang magpapalakas ng kanilang kumpiyansa, kundi magsisilbing inspirasyon din sa mga kabataang Pilipina upang ipagmalaki ang kanilang talento at makita ang kanilang sarili bilang bahagi ng hinaharap ng basketball sa bansa.
Dapat bang may mas angat? Dapat bang may mas sikat? Hindi, ang kailangan natin ay isang pantay-pantay na pagtingin sa lahat ng atleta, anuman ang kanilang kasarian, upang magtamo tayo ng isang makatarungan at bukas na sistema sa lahat ng aspekto ng buhay sa Pilipinas.
mahusay at mas matatag sa bawat laban. Sa kaniyang pagpupursigi sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin.
“Isa sa mga suporta na aking natatanggap mula sa paaralan ay ang suporta mula sa aking mga guro,” saad ni Felipe. Kung hindi raw dahil sa kanila, hindi raw magsisimula ang interes niya sa paglalaro ng chess. Sila ang nagtaguyod at gumabay sa akin, lalo na sa tuwing kinakabahan si Felipe o nawawalan ng kumpiyansa sa sarili. Laging nandiyan ang mga guro niya na sa umpisa pa lamang ay sumusuporta na sa kaniya.
Napakalaking bagay rin ng suporta na ibinibigay ng mga kaibigan nya. Sila ang patuloy na nagbibigay-inspirasyon at nagbibigay ng lakas ng loob sa kaniya. Sa panahon ng mga kompetisyon, ang kanilang tiwala at suporta ang nagiging dahilan niya upang ipagpatuloy ang paglalaro at pagsisikap sa larang ng chess at pag aaral.
Bawat isa’y may pagkakaiba kung paano sila maglaro at may kaniya-kaniya ring inspirasyon. Gaya ito sa kung paano nilalaro ng mga atletang si Qiannah ang piyesa na kaniyang iniibo upang ipagpatuloy ang pagiging atleta at mag-aaral. Maging sa pagbalanse ng kaniyang oras at kahit siya madalas na naghahabol sa klase, patuloy pa rin ang kaniyang kahusayan sa pag-aaral na pinatutunayan ng kani-
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/3e132a83a25894679da74d4125870ed0.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/aea766f0ae9faa03b17e36ce757022a8.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/9865133ecad8b08babeba93aaa86e4fe.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/e7f3fc6d930454570784335b7f724a91.jpeg)
Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz, muling lalaban sa Olympics Stint na gaganapin sa Los Angeles sa 2028 matapos niyang mapanood ang pagkapanalo ng kaniyang pamangkin sa Philippine Sports Commision Batang Pinoy Games na nag-udyok sa kaniya upang sumabak muli sa Olympics.
Nagalak si Diaz sa pagkapanalo ng kaniyang pamangkin ng medalyang ginto sa Puerto Princesa sa nagdaang kompetisyon ay sapagkat doon din naganap ang una niyang laban sa Batang Pinoy ng 2001 na naging dahilan ng kaniyang pagkasabik na sumaling muli sa weightlifting.
Ayon kay Diaz, gusto niya muling lumaban at kakayanin pa rin niyang ipakita ang lakas sa isports na ito. Gayumpaman, sinabi rin niya na marami pa ang posibleng mangyari sa loob ng apat na taon
kung kaya’t wala pa itong kasiguraduhan. Dagdag pa niya, “Maraming bagay ang posibleng mangyari sa loob ng apat na taon. Hindi namin alam. Ngunit sa sandaling magpasya akong pumunta para lumaban sa Olympics, muli kong ibibigay ang lahat sa pagsasanay.” Malalaman lamang ni Diaz kung siya’y kuwalipikado muling lumaban sa susunod na dalawang taon.
MULING NAPATUNAYAN. Si Qiannah Beatrice N. Felipe, isang huwarang estudyante na nagtataglay ng talino, karisma, at dedikasyon, ay matagumpay na kumatawan sa Paaralang Integrado. ANG LALIK HAYSKUL
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/f98da1661abfdba608a43c88fbef3fae.jpeg)
Ang LALIK Hayskul
HAMON SA HAMON
ULAT NI THERESE MARGAUX C. ANDAL
Malaki ang papel ng sports sa buhay ng bawat Pilipino. Ito ay hindi lamang entertainment, isang paraan din ito upang ipakita ang kahusayan at kabayanihan ng ating bansa. Mapa-basketball, volleyball, boxing, o iba pang isports, kilala ang mga Pilipino sa kanilang husay at determinasyon.
NIsa sa mga pangunahing isyu ay ang kakulangan ng mga pasilidad at kagamitan para sa mga atleta. Maraming manlalaro ng pambansang koponan ang kailangang magsanay sa kulang-kulang na mga pasilidad, na humahadlang sa kanilang pag-unlad. Kung magtutulungan ang gobyerno at pribadong sektor sa pagtatayo ng mga modernong pasilidad ng isports sa buong bansa, malaki ang maitutulong nito sa pagsusulong ng pag-unlad ng palakasan.
Kapansin-pansin din ang paglago ng mga sikat na isports. Ang mga kabataan ay may malaking potensiyal sa isports ngunit kadalasan ay napag-iiwanan dahil sa kakulangan ng suporta at mga pagkakataon. Kung ang mga paaralan, barangay, at komunidad ay makatatanggap ng mga kagamitan at sapat na pagsasanay, makikita natin ang susunod na henerasyon ng mga atleta na kumakatawan sa watawat ng Pilipinas sa mga internasyonal na entablado.
Ang isa pang malaking hamon ay ang hindi pantay na pamamahagi ng pondo at suporta para sa iba’t ibang isports. Habang ang mga sikat na isports tulad ng basketball at boxing ay tumatanggap ng sapat na suporta at atensiyon, ang iba pa tulad ng athletics, rugby, at badminton ay kadalasang nababalewala. Kailangan itong baguhin upang ang lahat ng isports ay magkakaroon ng pagkakataong umunlad.
Ang mga atleta ng pambansang koponan ng Pilipinas at mga nagwagi
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/86c9c99769879991da0f60c5ff035d54.jpeg)
sa internasyonal na kampeonato ay pinagmumulan ng inspirasyon para sa mga kabataang Pilipino. Halimbawa, ang tagumpay ni Hidilyn Diaz sa weightlifting at ang husay ni Nesti Petecio sa boxing ay nagbigay ng pag-asa sa bansa. Ang mga tagumpay na ito ay nagpapatunay na ang Pilipinas ay may malaking potensiyal sa isports, at natural lamang na patuloy natin itong isulong at suportahan.
Sa kabila ng mga hamon, mayroon ding mga positibong palatandaan ng pagbabago. Ang pagtuon ng pamahalaan sa mga programa sa pagpapaunlad ng palakasan, pagsulong ng mga paligsahan, at patuloy na suporta sa mga atleta ay nagpapakita na may magandang kinabukasan ang isports sa bansang ito. Bagama’t nagiging mas madali na para sa Pilipinas ang pagsali sa mga pandaigdigang kompetisyon, higit na suporta ang kailangan hindi lamang sa gobyerno kundi maging sa mga mamamayan. Ang pag-unlad ng palakasan sa Pilipinas ay nakasalalay sa pagkakaroon ng mga atleta ng tamang pasilidad, suporta, at pagkakataon. Kailangang magtulungan ang lahat ng sektor upang matiyak na ang mga kabataan ay may tamang gabay at pagkakataon upang magtagumpay. Sa ganitong paraan, matutulungan natin ang ating bansa na maging mas matagumpay sa mga internasyonal na kompetisyon at, higit sa lahat, palakasin ang diwa ng kabayanihan at pagkakaisa sa pamamagitan ng isports.
PAG-UNLAD NG ISPORTS SA PILIPINAS
Sa lahat ng tagumpay sa palakasan, hindi lang ang mga atleta ang nagtatagumpay. Ang buong bansa ay nagagalak at nagbibigay-inspirasyon sa bawat isa. Hindi batid na may mga hamong kinakaharap ng mga Pilipino, tulad na lamang ng mga potensiyal na binabalewala.
Sa Pilipinas ay higit pang nadadagdagan ang mga hamon na bukod tanging kinakaharap ng mga atleta. Nagkukulang ang pag-unlad at ang pagpapalaganap sa mga isports sa bansa.
Una na diyan ang barangay na maaaring maglunsad ng mga libreng ensayo upang ang mga kabataan na nagnanais na lumago sa isports gaya na lamang ng basketball ay mapaghusay pa ang kanilang mga kakayahan. Malaki ang potensiyal ng mga kabataan sa isports kaya’t kung walang tamang suporta at gabay ay bababa ang tsansa na
Amatupad ang kanilang mga pangarap.
Sa pamamagitan ng mga programang pampalakasan sa lahat ng barangay o komunidad, magkakaroon ng pagkakataon ang mga kabataan na mahasa ang kanilang kakayahan at matuto ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng disiplina, pagkakaisa, at pagtutulungan.
Isa riyan ang pagkakaroon ng subhetibong pisikal na edukasyon, na makakatulong sa mga manlalaro. Nagbibigay ito ng kumpiyansa sa mga kabataan ang may kasabayan o kaedad na inaaral o inaalam ang isang
ng interes ng mamamayang Pilipino ay nabibigyan ng atensiyon sa pagkakataong nais ng libangan. Tila may pagkakataong ang mga Pilipino ay tutok na tutok sa mga laban gaya na lamang ng basketball dagdag pa na nakilala ang Pilipinas sa boxing. Kaya naman talagang lubos ang galak ng mga Pilipino sa nagiging tagumpay ng kapuwa niya Pilipino. Gayumpaman, sa kabila ng mga tagumpay, nakararanas pa rin ng mga kabiguan ang mga atleta. Hindi lamang ang pagkatalo na nagkukulang na bigyang-diin, nakakawalang gana rin ang mga bagay-bagay na nagiging sanhi ng pagbaba ng interes ng Pinoy sa isports.
Pag-usapan natin ang kakulangan ng suporta at pondo gaya na lamang ng mga pasilidad at kagamitan ng mga atleta na kinakailangang paunlarin pa upang matulungan ang kakatawan sa Pilipinas sa mga laban sa ibang bansa. Ang kakulangan dito ay nagiging hadlang upang ang mga manlalaro ay maging
mas mahusay. Malaki ang maitutulong ng gobyerno at ng iba pang sektor sa pagpapatayo ng modernisadong pasilidad para lahat ng atleta ng bansa. Nawawalan ng kumpiyansa ang mga kabataang may potensiyal dahil sa mga kakulangang ito na nagdudulot ng kawalan ng interes. Kaya naman, nababaling sila sa mga maling gawi o mas naglalaro ng online games. Ito ay talagang makakatulong sa upang maakit muli ang interes ng mga kabataan sa iba’t ibang isports. Habang ang basketball at boxing ay nakakukuha ng sapat na atensiyon at suporta,
KRITIKAL NA TAGUMPAY
Sa kabila ng pisikal na lakas at kakayahan ng mga atleta, may isa pang aspekto na kadalasang hindi nakatatanggap ng sapat na atensiyon. Dito sa Pinas ay may mga kinakaharap na personal na hamon sa buhay, mga hadlang na hindi inaasahan, at higit sa lahat ang bigat ng responsibilidad ng isang atleta na maipanalo ang laban
Mahalagang bigyang-pansin ang kalusugang pangkaisipan ng isang atleta upang sila ay magtagumpay hindi lamang sa usaping pisikal, kundi maging sa emosyonal at mental din dahil ang mga ito ay madalas na naisasawalang-bahala at napababayaan.
May mga atletang kinikilalang may angking husay pero dumadating sa pagkakataong nagkakaroon ng problema sa aspektong pangkalusugan. Kinakaharap din ang panggigipit ng publiko at ang mataas na ekspektasyon na kaakibat ng pagiging isang pambansang atletang iniidolo ay maaaring magdulot ng maraming stress at pagkabalisa.
Marami ang maaaring makaranas ng problema sa pag-aalala na hindi makatapos ng kanilang mga karera dahil sa mga isyu sa pag-iisip. Samakatuwid, napakahalaga na ang mga programa na sumusuporta sa mental health ay ipatupad sa lahat ng mga organisasyong pampal-
akasan.
Isang halimbawa ang kampeon na si Simone Biles ng nagdaang Olympics 2021 sa Amerika. Umatras siya sa kompetisyon upang magbigay ng panahon sa kaniyang kalusugan sa pag-iisip. Ang ginawa niyang ito ay nagbigay-daan sa mga talakayan ang tungkol sa kahalagahan ng kalusugan sa pag-iisip. Kung magagawa natin ito sa Pilipinas, matutulungan natin ang mga atleta na magtagumpay hindi lamang sa kanilang mga laro kundi maging sa kanilang mga personal na buhay at upang makapagpatuloy sa mga susunod pang laban.
Sa pamamagitan ng pagtutok sa usaping mentalidad ng mga atleta, matutulungan natin silang maging mas matagumpay sa kanilang tinatahak na karera, upang mas mahusay na makapaglingkod sila sa bansa, tungo sa mas maayos at masayang kaisipan upang magbunga ng tagumpay.
isports. Dito ay malaking potensiyal ng mga manlalaro ang nalilinang sa mga eskuwelahan.
Tulad na lamang ng mga intramurals na pinagmumulan ng interes lalo na kapag sila ay nanalo sa mga laban. Ito ang una nilang nagiging hakbang tungo sa kaunlaran sa isports sa Pilipinas.
Sa mga nagdaang taon, nakita ang tagumpay ng mga atletang Pilipino. Bukod kina Hidilyn Diaz at Carlos Yulo, kinilala rin sina Yuka Sasao at EJ Obiena na nagbigay ng karangalan sa bansa sa mga internasyonal na kompetisyon. Ang kanilang tagumpay ay nagbukas ng mga mata ng mga Pilipino sa potensiyal ng mga atleta ng ating bansa.
Ngunit ang hamon ngayon ay palawakin at palakasin ang mga programa upang mas maraming kabataan ang magkaroon ng pagkakataon na magtagumpay. Bigyang-atensiyon nawa ang mga batang nagnanais
may iba na tila binabalewala at ito ay kinakailangang baguhin. Kaya dapat alamin ng mga kabataan ngayon na may mga isports na hindi pa nila lubos na nalalaman at nabibigyang atensiyon, gaya na lang ng weightlifting at gymnastics. Ang dalawang ito’y binibigyang-atensiyon ng mga Pilipino buhat nang manalo ni Carlos Yulo sa Paris Olympics. Kahit mga artista o ordinaryong mamamayang Pilipino ay sinubukan ang larang na ito.
Sa pagkakataong ito, masasabing sa pagkapanalo o tagumpay lang nila nalalaman na may ganoon palang isports. Kaya naman upang lubos na mapataas ang kaalaman ng mga kabataan, mas dumami nawa ang impormasyon upang lumaki ang kanilang interes dito.
Nawawalan ng koneksiyon ang isa’t isa, kahit pa magkakasama, dahil ang mga kabataan ay palaging nakaharap sa kanilang mga gadget sa halip na ilaan sa pisikal na gawain, gaya na lang ng mga isports. Kung mapagtutuonan ng pansin ang pagpapaunlad ng isports ay tiyak na mababaling dito ang interes ng mga
maging atleta at may malaking potensiyal gaya na lamang nina Yuka Sasao at EJ Obiena.
Ang pagtutok ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagpapabuti ng imprastruktura ng isports ay mahalagang hakbang sa pagsuporta sa mga atleta. Pagtuonan din sana ng pansin ang mga hindi gaanong kilalang isports upang mabigyan ng pantay na pagkakataon ang lahat ng larang. Kung ito ay makakamit, hindi malabong magtagumpay rin ang Pilipinas sa iba pang palakasan. Hindi malabong umunlad at maging popular ang larang ng isports sa mga Pilipino. diwa ng kabayanihan at pagkakaisa sa pamamagitan ng isports. Patuloy na isulong ang isports, upang mga kabataan ay tumaas ang interes sa iba’t ibang uri ng palakasan. Para ito sa mga mamamayang Pilipino na magkakaroon pa ng mga susunod na mahuhusay na atleta.
kabataan na siya namang makatutulong upang hindi mawala ang koneksiyon nila sa isa’t isa.
Sa kabila ng mga suliranin, mayroon ding mga naging pagbabago tulad ng patuloy na pagsuporta ng pamahalaan sa mga atleta na nagpapakita na may magandang kinabukasan ang isports sa bansang ito. Nagiging mas madali na para sa Pilipinas ang pagsali sa mga kompetisyon, kaya higit na suporta ang kailangan hindi lamang mula sa gobyerno kundi maging sa mga mamamayan. Ang pag-unlad ng isports sa Pilipinas ay nakasalalay sa pagkakaroon ng mga atleta ng tamang pasilidad, suporta, at oportunidad. Kailangang magtulungan ang lahat ng sektor upang matiyak na ang mga kabataan ay may tamang gabay at pagkakataon upang magtagumpay sa isports. Sa ganitong paraan, matutulungan natin ang ating bansa na maging mas matagumpay sa mga internasyonal na kompetisyon at higit sa lahat, palakasin ang diwa ng kabayanihan at pagkakaisa sa pamamagitan ng isports.
ULAT NI THERESE MARGAUX C. ANDAL
ULAT NI THERESE MARGAUX C. ANDAL
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/59a0eee5b8cf03ac8d0d1d064244b52f.jpeg)
Esports, isang larangan ng modernong laban at tagumpay, ay hindi lamang isang simpleng kompetisyon; ito’y isang makulay na sining ng disiplina, talino, at dedikasyon.
Mula sa mga batang nagsisimula sa kanilang unang laro, hanggang sa mga propesyonal na nagtataglay ng mga pangarap na magdala ng karangalan sa kanilang pangalan at bansa. Ang Esports ay nagbibigay ng lakas ng loob at pag-asa sa bawat manlalaro.
Bawat laban ay nagbibigay ng tibay ng loob, habang ang bawat tagumpay ay nagiging ilaw ng pag-asa para sa mga nagnanais maging bahagi ng mas mataas na antas ng tagumpay. Sa bawat galak at pagsubok, ang mundo ng Esports ay isang patunay ng hindi matitinag na determinasyon, inspirasyon, at ang kakayahang magtagumpay sa kabila ng lahat ng hamon.
Ang Mobile Legends: Bang Bang ay hindi lamang isang natatanging laro, kundi isang “batis” ng inspirasyon, disiplina, katatagan, at pagpupursige. Ang Aurora MLBB, isang grupo na binubuo ng mga iba’t ibang uri ng propesyonal na manlalaro sa Pilipinas, na bagama’t nabigo sa Swiss Stage ng kanilang pinakahuling torneo sa kompetisyon, ay patuloy pa ring nananatiling simbolo at sagisag ng determinasyon at karangalan. Para sa maraming estudyante mula sa iba’t ibang departamento na sumusubaybay sa kanilang paglalakbay tungo sa malawak na mundo ng Esports, ang kanilang kuwento ay nagbibigay ng mahalagang aral tungkol sa kung paano haharapin ang tagumpay at kabiguan sa parehong laro at pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa kabila ng kanilang pagkatalo, ipinakita at ipinamalas ng Aurora MLBB ang kahalagahan ng paglaban hanggang sa huli, isang mahalagang aral na maihahalintulad sa mga kabataan na nahaharap sa mga akademikong hamon at suliranin. Tulad ng pagsusumikap ng Aurora na magtagumpay laban sa malalakas na kalaban, kailangan ding tularan ng mga estudyante ang dedikasyong ito sa kanilang mga gawain, kahit sa gitna ng pagkabigo.
Pagyabong at Pagsulok sa mga Pagsubok: Epekto ng Magarang Pagkalaro
Sa paglaganap ng modernong panahon, lumalaki ang gampanin ng gaming sa kultura at paglaki ng kabataan. Ang Aurora MLBB, kahit sa kanilang pagkatalo, ay nagdulot ng malawakang epekto sa mga estudyante—positibo at negati-
bo. Sa isang banda, ang kanilang kuwento ay nagmumulat sa mga kabataan upang matutuhan ang kahalagahan ng pagpapatuloy sa kaugnay nitong paghihirap. Ipinakita ng koponan na ang mahalaga ay hindi ang dami ng tagumpay na nakakamtan, kundi ang mga natututuhan mula rito at kung paano ito magagamit sa realidad ng totoong buhay. Para sa mga estudyanteng may kinakaharap na pagsubok sa akademya, ito ay nagsisilbing paalala na ang bawat pagkatalo ay maaaring gawing hakbang tungo sa tagumpay. Ang pagtulong-tulong at diskarte na ipinamalas ng Aurora MLBB ay isa ring mahalagang aral na maaaring mapulot ng mga kabataan. Ang kanilang laro ay nagsilbing halimbawa ng halaga ng pagtutulungan at maingat na pagpaplano upang makamit ang tagumpay, na maaaring ipatupad hindi lamang sa layunin at larang ng gaming, kundi pati na rin sa mga aktibidad tulad ng mga proyektong pampangkatan sa mga paaralan. Bukod dito, nahikayat rin nila ang pagkakaroon ng maayos na kompetisyon at asal hanggang sa katapusan ng labanan. Ang pagkilala sa kalakasan ng kalaban at pagtanggap sa resulta ng laban ay mahalagang katangian ng sportsmanship na dapat tularan ng mga kabataan. Kaya naman, ang Aurora MLBB ay nagpapatunay na ang pagkilala sa kakayahan ng
ang tamang balanse. Sa parehong paraan, ang pressure na makipagsabayan sa mga iniidolo ay maaaring magdulot ng stress sa mga kabataan, lalo na kung hindi nila naaabot ang kanilang mga inaasahan na kalalabasan. Ang labis na pagkahilig sa mga video games ay maaaring magdulot ng mga negatibong epekto sa pag-aaral at mga akademikong gawain.
Kapag ang isang tao ay labis na nahuhumaling sa paglalaro, madalas na nawawala ang pokus sa mga responsibilidad at tungkulin sa paaralan, tulad ng paggawa ng mga takdang-aralin, pagbabasa ng mga aralin, at paghahanda para sa mga pagsusulit. Dahil dito, maaaring magdulot ito ng pagbaba ng akademikong pagganap at kakulangan ng oras para sa mga mas mahahalagang gawain. Ang sobrang pang-aabuso ng paglalaro ay maaaring magdulot ng pagkaantala sa mga proyekto o pag-aaral, kaya’t mahalaga na magtakda ng oras at magkaroon ng disiplina upang mapanatili ang balanse sa libangan at akademikong pangangailangan.
Pagbangon sa Pagkatalo:
Ang Halaga ng Pagkatuto
Mula sa Pagkabigo
Sa kabila nito, ang pinakamahalagang aral mula sa Aurora MLBB ay ang kahalagahan ng pagiging matatag at ang pagkakaroon ng mausisa at maayos na pagharap sa mga hamon. Ang pagkatalo nila sa Swiss Stage ay hindi naging hadlang upang sila ay lumago at magpatuloy.
Sa halip, ito ay naging simula ng panibagong yugto ng kanilang paglalakbay sa pagharap ng mga adbersiya sa larang ng Esports. Sa parehong paraan, maaaring tularan ng mga estudyante ang kanilang halimbawa na ang pagkatalo ay bahagi lamang ng proseso ng pagkatuto at hindi simbolo ng kahinaan. Sa parehong laro at akademiko, ang pagkatalo ay hindi katapusan kundi isang pagkakataon upang magsimula muli at mapabuti ang sarili para matutuhan ang mahahalagang aral na mapakikinabangan sa hinaharap.
Sa Esports at sa buhay, mahalaga ang disiplina at balanse. Ang makakamit na tagumpay ng isang manlalaro o estudyante ay nakasalalay sa tamang pamamahala ng oras at gawain, dedikasyon, at pagsusumikap. Sa pagtatapos, ang Aurora MLBB ay hindi lamang isang koponan na naglalaro para manalo, kundi isang inspirasyon na nagbibigay-liwanag sa halaga ng pagpupursige at muling pagbangon.
Sa ganitong pananaw, ang gaming ay nagiging mas makahulugan at makatotohanan, hindi lamang bilang isang munting libangan, kundi bilang isang mapagkukunan ng mahalagang aral. Ang disiplina at balanse ay mga aral na hindi lamang para sa Esports kundi para din sa akademikong buhay ng mga estudyante. Tulad ng Aurora MLBB na naglaan ng oras upang mapabuti ang kanilang laro, kailangang matutuhan ng mga kabataan sa panahong ito na pamahalaan ang kanilang oras ng paglalaro at pag-aaral.
Ang pagtatagumpay, sa laro man o sa eskuwelahan, ay nangangailangan ng tamang pagpaplano, dedikasyon, at pagsusumikap. Ang Aurora MLBB ay nagbigay ng halimbawa na ang tamang balanse ay susi upang maging mahusay sa anumang larang. Ipinapakita nito na lahat ng bagay ay maaaring maging positibo, kapag ginawa at ginagamit ito nang may moderasyon. Sa pagtatapos, ang gaming ay hindi lamang isang libangan, kundi isang plataporma ng mahahalagang aral sa buhay, at ito ay nasa ating sarili kung paano natin ito gagamitin nang mabuti.
Ang halaga ng pagkatuto mula sa sariling tagumpay sa kabila ng mga pagkatalo, at ang pagsasabuhay ng mga aral na mapupulot rito. Tulad ng mababang marka o hindi magandang resulta sa isang proyekto, ay natututo ang mga kabataan kung paano lumago, maghanap ng mga solusyon, at magtrabaho nang mas matiyaga upang mapabuti at mapahusay ang kanilang kakayahan. Ang kakayahang magpatawad sa sarili at magpatuloy sa pag-aaral ay may malaking kontribusyon sa kanilang pangmatagalang tagumpay.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/9fda65f501f8966b65f10c7d094d1ba5.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/5be9e452e6c1278d6000cd59e3e5a820.jpeg)
![](https://assets.isu.pub/document-structure/250107113842-a3c0ac3319d88aac7a3c99da0799d5c6/v1/21c9de7f7fb511bf51d5d8492648fa49.jpeg)
ng isports ay higit pa sa pisikal na laro; ito ay isang landas ng pagkatuto, paghubog ng pagkatao, at pagtuklas ng sariling potensiyal. Sa Paaralang Integrado, ang mga batang atleta ay hindi lamang naglalaro—sila’y nangangarap. Ang bawat ensayo, at sakripisyo ay simbolo ng kanilang matinding dedikasyon. Ngunit sa kabila ng kanilang sigasig, nakakubli ang isang hamong hindi nila kayang lampasan nang mag-isa—ang kakulangan ng sapat na suporta at benepisyo. atleta ng departamento, na kadalasang hindi sapat upang mapalakas ang kanilang pagganap o performance sa mga palakasan. Ang kakulangan ng resources ay nagiging hadlang sa kanilang paglago at pag-unlad sa larang ng
Ang paaralan ay may gampaning mahalaga sa paghubog ng mga batang atleta. Sa kabila ng mga limitasyon, patuloy na ginagampanan ng Paaralang Integrado ang layunin nitong itaguyod ang isports bilang bahagi ng pag-unlad ng mga mag-aaral. Subalit ang
hamon ay kung paano mapalalawak ang mga oportunidad at mapupunan ang mga kakulangan.
Ang kakulangan ng benepisyo para sa mga atleta ay hindi lamang problema ng isang paaralan; ito ay bahagi ng mas malawak na isyu sa pag-unlad ng isports sa bansa. Ang grassroots sports programs ay madalas nawawalan ng sapat na atensiyon at pondo, kaya’t maraming kabataang may talento ang hindi nabibigyan ng pagkakataon upang umangat sa mas malaking entablado ng patimpalak.
Ang mga atleta ng Paaralang Integrado ay hindi lamang mga manlalaro; sila rin ay mga tagapagtaguyod ng pangarap—mga batang may layuning magtagumpay at magbigay-inspirasyon. Ang kanilang tagumpay ay tagumpay ng paaralan, ng komunidad, at ng
ULAT NI Jaiber D. Macalalad
PAGKILALA: