YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
1
FIRST QUARTER
Module 1:
Si Hesus at ang Kanyang Parabula
A. Pagbasa
Isa sa mga salitang matatagpuan na siya ring bumubuo sa parabula ay ang mga talinghaga. Kaya marapat lamang malaman natin kung ano ang layunin ng mga talinghaga sa parabula.
Narito ang teksto na halaw sa Mateo 13:10-17 na magpapaliwanag sa layunin ng talinghaga sa prabula. Lumapit ang mga alagad at tinanong si Hesus: “Bakit po ninyo dinadaan sa talinghaga ang inyong pagsasalita sa kanila?” Sumagot si Hesus, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim na ito tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kaunting nasa kanya ay kukunin pa. Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakikita, at nakikinig ngunit hindi nakaririnig ni nakauunawa. Natutupad nga sa kanila ang hula ni Isaias na nagsasabi: “Makinig man kayo nang makinig, Hindi kayo makauunawa, At tumingin man kayo nang tumingin, hindi kay makakikita. Sapagkat naging mapurol ang isip Ng mga ito; Mahirap makinig ang kanilang mga tainga, At ipinikit nila ang kanilang mga mata Kung di gayon, disin sana ay nakakita ang kanilang mga mata Nakarinig ang kanilang mga taing Nakaunawa ang kanilang mga isip, At pinagaling ko sila, sabi ng Panginoon.” YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
2
Mapalad kayo sapagkat nakakikita ang inyong mga mata at nakaririnig ang inyong mga tainga! Sinasabi ko sa inyo: “Maraming propeta at matutuwid na tao ang nagnasang makakita sa inyong nakikita, ngunit hinti ito nakita, at makarinig sa inyong naririnig, ngunit hindi ito napakinggan.
B. WIKA
Ang wika ang naging kasangkapan sa pagbuo ng parabula. Kung kaya marapat lamang na pag-aralan kung ano ang wika – kalikasan, katuturan, katangian, at kaantasan. Wika – ito ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitrary. Ang mga tunog ay hinhugisan/binibigyan ng makabuluhang simbolo at pagsasama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagbuo ng mga kaisipan.
Kalikasan ng Wika 1. Pinagsama-samang tunog – ang pagsasama-sama ng mga tunog ay lumilikha ng mga salita. 2. May dalang kahulugan – ang bawat salita ay may dalang kahulugan lalo na kung ito ay laging ginagamit. 3. May baybay o spelling – ang bawat salita ay may kani-kanyang baybay o spelling. 4. May istrukturang panggramatika – ito ay may kinalaman sa mga sumusunod: a. ponolohiya o pag-aaral ng mga tunog na bumubo ng salita b. sintaks o pagsasama ng mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap c. semantics o ang kahulugan ng mga salita sa pangungusap d. pragmatics na nagpapaliwanag sa pagkakasunud-sunod ng pangungusap, sa partisipasyon sa isang kombersiyon at sa antisipasyon ng mga impormasyon na kailangan ng tagapagsalita. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
3
5. Sistemang Oral-Awral – sistemang sensora sa pisikal ng tao, pasalita (oral) at pakikinig (awral). Dalawang mahalagang organo (bibig at tainga) na nagbibigay hugis sa mga tunog na napakinggan. 6. Pagkawala – ang isang wika ay maaaring mawala lalo na kung ito ay hindi na ginagamit o wala nang gumagamit. Ito ay bunga na rin ng pag-unlad ng bansa o pag-usbong ng mga makabagong kagamitan na dala ng pagbabago ng kabihasnan at ng mismong tao sa lugar.
Katangian ng Wika A. Dinamiko o buhay – ito ay patuloy na umuunlad, dumarami at madaragdagan. B. May lebel o antas – ito ay may kinalaman sa mga sumusunod: a. Pormal na salita – yaong ginagamit sa mga seryosong publikasyon tulad ng aklat, mga panulat na akademiko o teknikal at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay ang mga salitang gumagamit ng mga bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan. b. Impormal na salita – ay ang wikang ginagamit ng karaniwang tao sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Simple lamang ang bokabularyo nito at ang pangungusap ay maikli lamang.
Antas ng Wika 1. Pabalbal – pinakamababang antas ng wika. Mga salitang panlansangan.
Halimbawa ermat
-
ina
atik
-
pera
kelots
-
lalaki
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
4
2. Lalawigan – salitang ginagamit sa isang partikular na lalawigan.
Halimbawa: yumao
-
umalis
guyam
-
langgam
binangi
-
inihaw
3. Pambansa – wikang ginagamit sa pagtuturo, sa pamahalaan, sa pagbabalangkas ng batas.
Halimbawa: republika edukasyon pilosopiya 4. Lingua franca – wikang pangkaraniwang ginagamit ng mga taong may unang wikang kinagisnan.
Halimbawa: Hiligaynon (para sa mga taga-Panay – Iloio, Aklan, Antique, Capiz) Ilocano (para sa mga taga-Rehiyon 1 at 2) Ingles (pangalawang wika ng mga Pilipino/ibang bansa sa mundo) 5. Kolokyal – wikang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa tahanan, lansangan, pasyalan o tambayan.
Halimbawa: xerox
telepono
radyo
seminar
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
5
6. Pampanitikan – wikang karaniwang gamit ng mga manunulat sa akdang pampanitikan. Karaniwang masining, matalinghaga at matayog.
Halimbawa: Maulap ang kanyang kinabukasan. Isa siyang bulaklak sa aking paningin. C. Ang wika ay komunikasyon – ang tunay na wika ay wikang sinasalita; ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung walang salita. Sa pagsasama-sama ng salita nabubuo ang pangungusap. Ginagamit ang wika bilang bahagi ng pananalita. D. Ang wika ay malikhain at natatangi – ang bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika.
E. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin – sinasalamin ng wika ang kultura ng mga taong bumubuo at gumagamit nito, sa madaling salita walang wika kung walang kultura at wala ring kultura kung walang wika.
F. Gamit sa lahat ng uri ng disiplina/propesyon – ang bawat disiplina at bawat propesyon ay may particular na talasalitaang ginagamit.
PAGSASANAY: Isulat kung ang sumusunod na mga salita ay pormal o di-pormal.
__________ 1. humahataw __________ 2. external na problema __________ 3. kapalpakan YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
6
__________ 4. bana __________ 5. inhinyero __________ 6. krisis pampinansyal __________ 7. iiskapo __________ 8. market economy __________ 9. hulog ng langit __________ 10. dehins tol
Module 2:
Sa Likod ng Labis-labis na Paghahangad
A. Pagbasa
Sinasabing ang parabula ay mahahalagang mensahe sa pang-araw-araw na pamumuhay na siyang magiging gabay ng mga taong nakakikita sa mga bagay na hindi nakikita at nakaririnig sa mga bagay nahindi naririnig. Ngunit paano nga ba babasahin ang parabula?
Narito ang ilang mahahalagang malaman sa pagbabasa ng parabula.
1. Huwag kaagad malund sa detalye ng kwento.
Ang pangunahing puntos ang siyang pinakamahalaga. Kalimitan ang detalye ay sadyang napakalinaw at ang iba naman ay hindi. “Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit pinagkatiwalaan ng isang mayaman ang kanyang nasasakupan
na
hindi
mapagkakatiwalaan?
Hindi
kailangan
ng
tagapagsalaysay na iangkop lahat ang detalye. Ang bawat parabula ay naglalahad lamang ng isang puntos.
2. Tingnan ang mga unexpected twist at ang mga hindi inaasahang pangyayari na malimit na ginamit ni Hesus sa kanyang pagbuo ng parabula. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
7
Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mababasa at mga tagapakinig na mag-isip at pag-isipan ang nais sabihin ng Poong Maykapal upang muling ilahad ang kanyang nalalaman at naging tugon sa kanyang narinig.
3. Basahin ang parabula na may pananampalataya at may kababaan ng loob upang matanggap ang biyaya na nais ipahatid ng Diyos sa ating puso.
B. Wika
Sa pagbuo ng mga kwento at mga parabula mahalagang maunawaan ng ta ang wastong gamit ng mga pangatnig upang maayos na maiugnay ang mga ideya na isinasabuhay sa kwento at ng mga parabula.
Ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa salita sa kapwa salita, o ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan. Ito ay maaaring pantulong o pantuwang. Pantuwang ang mga pangatnig kung pinag-uugnay nito ang mga magkakasingkahulugan, magkakasinghalaga o magkakapantay na mga bagay o kaisipan.
Uri ng Pangatnig
A. Mga Pantuwang na Pangatnig
at
saka
pati
Ang at ay maaaring daglatin kung ang sinnusundang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa: Magbasa’t sumulat ang gawain ko sa araw-araw.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
8
Dalhin mo bukas ang iyong kapatid saka ang iyong mga magulang sa pagpunta natin sa talon.
Ang mga guro pati na ang mga mag-aaral ay pupulingin ng punungguro.
B. Mga Pantulong na Pangatnig 1. Pamukod – kung may pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan, pagtatanggi sa isa o sa iba, sa dalawa o mahigit pang bagay o kaisipan. Karaniwan sa mga ito ay: ni, o at maging.
Halimbawa: Ni ikaw o ako ay hindi makakasama sa gawaing lakbay-aral bukas makalawa. Maging pinuno man ng samahan ay hindi ko uurungan basta’t maipaglaban ko lamang ang aking karapatan. 2. Paninsay – kung sa tambalang pangungusap, ang ikalawa ay sumasalungat sa una, ang ginagamit ay: ngunit, bagaman, habang, kahit, datapwat, subalit.
Halimbawa: Sasama raw siya sa atin kahit na siya ay maysakit. Siya natulog habang kami ay abalang-abala sa pag-aayos ng bahay.
Tandaan na ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit at datapwat ay ginamit na sa unahan ng pangungusap. 3. Panubali – kung may pag-aalinlangan o pagbabakasakali ang ginagamit ay kung, pag, sana, baka, kapag, sakali. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
9
Halimbawa: Mas lalong lalayo ang loob niya sa iyo kung pipilitin mo siya sa gusto mo.
Huwag mo siyang pagbibigyan sa lahat ng kanyang kagustuhan baka magsisi ka sa bandang huli. 4. Pananhi – mula sa salitang sanhi o dahilan, ang pananhi ay ginagamit kung ang mga kadahilanan ay inilalahad, kung nangangatwiran, kung tumutugon sa katanungang “Bakit?” Ang mga ito ay: dahil, sapagkat, palibhasa, kasi, kundangan, atbp.
Halimbawa: Palibhasa sanay sa hirap kung kaya madaling nakasanayan niya ang kanyang trabaho.
Nagawa niyang sumigaw dahil sa sama ng loob niya sa kanyang mga itinuturing na kaibigan. 5. Panlinaw – kung ang mga nasabi na ay pinaliliwanag pa, ang ginagamit ay: samakatwid, kaya, gayunman, kung gayon, alalaon baga, alalaon sana, atbp.
Halimbawa: Makahulugan at makabuluhan ang kanyang mga sinabi kaya nagawa siyang mahalin ng tao.
Nagalit ka sa kanya dahil nagawa niyang talikuran ang inyong pangako sa isa’t isa kung gayon huwag mo na siyang kausapin. 6. Panulad – ito ay pariralang magkatugon na ginagamit sa pagtutuld.
Halimbawa: Kung kanino ukol, sa kanya tiyak bubukol. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
10
Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin.
PAGSASANAY:
Hanapin sa loob ng pangungusap ang mga pangatnig at tukuyin kung anong uri ito. Isulat sa patlang ang sagot. 1. Ang kanyang mga paa’t kamay ay singgaan ng paa at mga kamay ng mga propesyunal na mananayaw. ____________________________________
2. Maging sino ka man hindi kita uurungan. ____________________________________
3. Kung alin ang pinakapili-pili siya pang nakuha niyang bungi. ____________________________________
4. Gusto mong sumama, kung gayon magbihis ka. ____________________________________
5. Lalong hihirap ang iyong buhay kung pababayaan mong malubog ka sa utang. ____________________________________
6. Bumagsak ang kanyang anak kasi hinayaan niyang malunod sa paglalaro ng computer. ____________________________________
7. Maging buhay man ay iaalay niya sa iyo ibigay mo lamang ang iyong matamis na oo. ____________________________________
8. Siya ay kumakanta habang kami ay kumakain. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
11
____________________________________
9. Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi siya nag-isip ng gayon. ____________________________________
10. Maghihirap ka ngayon sa buhay palibhasa wala kang ginawa sa buhay kundi magsugal. ____________________________________
Module 3:
Ang Sugat na Hindi Nakikita
A. Pagbasa
Ang parabula ay isang kwentong naglalahad ng katotohanan gamit ang simbolismo at iba pang pagpapakahulugan. Si Hesus ay isang mahusay na tagapagkwento at ayon pa sa bibliya, gumamit siya ng parabula upang maipaabot niya ang nais niyang ipahayag. Sa pagtuturo Niya sa mga magsasaka, nagsalita siya tungkol sa binhi at lupa, sa pakikipag-usap sa mga mangingisda, gumamit siya ng mga simbolo gaya ng lambat at isda upang mailarawan ang tao at ang mundo. Ngayon sa pagtuturo, ang paggamit ng parabula ay sadya pa ring makapangyarihan bilang sandata sa pagpapahayag ng mga magagandang salita mula sa Maylikha. At dahil lahat tayo ay maaaring magturo ng parabula, narito ang iba’t ibang paraan ng pagtuturo: 
Kilalanin ang inyong mga tagapakinig. Ang mabisang paraan ng pagtuturo ay ang paggamit ng simbolo at mga imaheng naglalarawan na sumasaklaw sa iyong target na tagapakinig.

Bago pa man, pag-aralan ang ideya o ginintuang aral na nais mong ipaabot sa pangkat. Maaaring ito ay pamaksang ideya tulad ng pagpapatawad o di kaya ay pagtanggap ng biyaya. At kung ang mga
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
12
paksa ay tulad ng pagkagunaw ng mundo, gumamit ng iba’t ibang parabula at huwag isa lamang.
Pumili ng mga pangkaraniwang larawan o di kaya ang mga larawan ay iayon sa iyong target na tagapakinig. Gumamit ng mga simbolismo na mauunawaan ng iyong tagapakinig. Ito ay higit na makatutulong upang higit na maunawaan ang iyong nais iparating.
Matapos mong mailahad ang kwento, ipaunawa sa mga tagapakinig ang iba’t ibang simbolismong iyong ginagamit. Kalimitan, kapag ang isang simbolo ay nailahad na ay mauunawaan na ng tagapakinig ang kabuuang mensahe ng iyong sinasabi.
Sundan
ang
naunang
parabula
ng
isa
pang
parabula.
Ang
pangalawang parabula ay bigyan ng parehong pagpapakahulugan ngunit maaaring gamitan ng kakaibang simbolismo.
Ang pagtuturo ay kabahagi na ng bawat nilalang. Ito marahil ang pinakamagandang pamana sa atin ng Maykapal. At gaya Niya, iba’t iba ang estilo at pamamaraan natin sa pagbabahagi ng ating mga nalalaman. Ang iba ay idinaan sa impormal na pag-uusap at ang iba naman ay idinadaan sa kwento. Isa na dito ang kwentong binuo ni Karoly Kisfaludi – “Ang Sugat na Hindi Nakikita.” Sa kanyang kwento naging mahirap sa pangunahing tauhan ang patawarin ang kanyang sarili dahil sa pagkakapaslang niya sa kanyang butihing maybahay bunga ng matinding selos.
Hindi na karaniwan sa atin ang ganitong kwento, sapagkat maging sa Banal na Bibliya ay naiparating na rin ni Hesus sa atin ang ganitong mga pangyayari – bilang babala sa ating lahat na mga anak ni Eba at Adan na nagkasala sa Poong Maykapal. Sino nga ba ang hindi makalilimot kay Abel at Cain – magkapatid na nagmamahalan ngunit dahil sa pag-aagawan ng atensiyon at pagmamahal ng Maykapal nagawang paslangin ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
13
Kaya, tayo man ay maaaring instrument sa pagpapalaganap ng kabutihan na siyang pangunahing layunin ni Kristo sa kanyang mga parabula.
B. Wika
Kraniwang ginagamit sa mga kwento ang sugnay at parirala upang lubusang mailarawan ang mga pangyayari at ang mga tauhan nito. Ngunit ano nga ba ang parirala at ang sugnay? A. Parirala – ay pangkat ng mga salita na hindi nagtataglay ng isang buong diwa.
Nagkakaroon
lamang
ito
ng
kahulugan
kung
ginagamit
sa
pangungusap. Mga Uri ng Parirala 1. Pariralang Pangngalan – pinangungunahan ng mga pantukoy na ang, ang mga, si, at sina ang pangngalan.
Halimbawa: Ang bata Si Mark 2. Pariralang Pang-ukol – binubuo ng pang-ukol at ng layon nitong pangngalan at panghalip at iba pang bahagi ng pananalita.
Halimbawa: ng laruan para kay Ces 3. Pariralang Pawatas – binubuo ng pawatas at layon nito. Ang pawatas ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang-ugat at ng panlaping makadiwa. Hindi pandiwa ang pawatas sapagkat walang panahunan. Isa itong uri ng pandiwari at nagagamit bilang pangngalan, pang-uri at pangabay. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
14
Halimbawa: ang gumawa ng cake ang nagsulat ng kwento 4. Pariralang Pandiwari – ang pandiwari ay nasa anyong pandiwa ngunit hindi nagpapahayag ng kilos o galaw. Nagagamit ito bilang pangngalan. Binubuo ang pariralang pandiwari ng pandiwari at layon nito.
Halimbawa: Ang nagbigay ng ulam ay si Aling Maida. Pinag-uusapan nila ang nag-aararo ng lupa. 5. Pariralang Pandiwa – binubuo ng pandiwa at ng layon nito.
Halimbawa: Sila ay nanahi ng damit. Tumutulong sa ama ang mga anak na lalaki. B. Sugnay – lipon ng mga salita na may paksa o simuno at panaguri na maaaring buo o hindi ang diwa. Ito ay bahagi lamang ng isang pangungusap at may dalawang uri. 1. Sugnay na makapag-iisa – nagtataglay ng buong diwa o kaisipan.
Halimbawa: Ako ay lubos na nagpapasalamat sa biyayang ipinagkaloob mo sa akin. 2. Sugnay na di-makapag-iisa – may simuno at panaguri ngunit hindi nagtataglay ng buong diwa kapag inihiwalay sa ibang bahagi ng pangungusap. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
15
Halimbawa: Upang matutuhan nating magpatawad kalimutan natin ang kanyang nagawa. Habang may buhay may pag-asa.
PAGSASANAY:
A. Tukuyin kung sugnay na makapag-iisa o di makapag-iisa ang mga salita o pariralang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
1. Nagtanim ng palay ang magsasaka. 2. Si
Pangulong
PNOY
ay
nagtatalumpati
habang
mataman
siyang
pinagmamasdan ng libu-libong mga Pilipino. 3. Ang buhay ay parang gulong kung umiikot ito nang pailalim at paibabaw. 4. Ang ina ay nagluluto habang ang ama ay nagdidilig ng halaman. 5. Isang batang babae ang nakuryente nang buhusan niya ng tubig ang naglalagablab na fuse box. 6. Malalim kung matinik ang naglalakad nang matulin. 7. Nagdadalang-habag ako sa iyo. 8. Ang pagiging abogado ang pangarap na gusto niya. 9. Ikaw ay tumugtog at ako ay aawit kung sila ay makikinig nang hindi tatawa. 10. Biruin mo nakuha niya pang tumawa gayong nasamid na siya at nagkadaubo.
B. Tukuyin kung anong uri ng parirala ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
________________ 1. Ang nagpakain ng bata ay ang kanyang nakatatandang kapatid. ________________ 2. Sila ay nagluluto ng masarap na pagkain. ________________ 3. Bumili ako ng laruan kahapon. ________________ 4. Ang bagong damit na ito ay para kay Gabriel. ________________ 5. Si Jesse ang matalik kong kaibigan. ________________ 6. Ang nagrarasyon ng ulam ay si Agnes. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
16
________________ 7. Ang sumulat ng tula ay pinarangalan kahapon. ________________ 8. Ang mga batang lansangan ay binigyan ng tahanan. ________________ 9. Bukas ako na ang magtuturo sa klase ninyo. ________________ 10. Si Alfred ay galit na galit na sumugod sa aming bahay.
Module 4:
Si Kristo sa Tahanan ng mga Bulag
A. Pagbasa
Ang pag-alam sa genre ng isang akda ay ang unang hakdang sa pagunawa nito. Bawat genre, dala ng kalikasan nito ay nangangailangan ng ibang dulog sa pagbabasa. Hindi pareho ang paraan ng pagbasa sa isang artikulo tungkol sa kodigo sa batas at sa artikulo sa isang pahayagan. Gaya ng hindi magkatulad ang paraan ng pagbasa sa paksa ng kasaysayan at sa tula.
Ang parabula ay isang maikling kwento na nagtataglay ng aral. Kung kaya kadalasan ang parabula ay napagkakamalang kwento, pabula, alegorya o talinghaga, at mito na nagdudulot ng kalituhan sa atin. Subalit kung atin itong susuriing mabuti ay ating makikita na ang mga parabula ni Hesus ay kakaiba at mahirap bigyan ng kahulugan.
1. Iniuugnay ng iba ang parabula ni Hesus sa pabula.
Ang pabula ay isang kwento na kadalasang mga hayop ang gumaganap bilang mga tauhan na nagbibigay ng aral. Ito ay tanyag at ginagamit ng mga Griyego, Indian at Arabo kaalinsabay ng kanilang mga kultura. Ang Bibliya ay nagtataglay rin ng mga pabula gaya ng matatagpuan sa Mga Hukom 9:8-15 at 2 Mga Hari 14:9. Ang pinakalayunin ng pabula ay punahin ang kahinaan ng tao. To ay isinasagawa nang hindi tuwiran, kundi sa pamamagitan ng mga nagsasalitang bulaklak o hayop.
2. Sinubok din ng iba na iugnay ito sa mito ng mga Griyego. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
17
Ang ito ay maalamat na kwentng dinisenyo upang mapakita o magpaliwanag ng mga katotohanang mahirap maunawaan gaya ng pangyayari sa kalikasan, ang pinagmulan ng sangkatauhan o ang pinag-ugatan ng mga relihiyon ng tao. Kalimitan ang mga parabula ay may taglay na permanenteng katotohanan subalit ang istilo ang malaking pagkakaiba nito sa mito. Walang maalamat o mahiwaga sa pagkawala ng isang barya, o ang makakita ng damo sa maisan. Ito ay mga pang-araw-araw na realidad na di makikita sa mito.
3. Kadalasan ang parabula ay iniuugnay sa mga alegorya o talinghaga.
Ang alegorya ay kung saan ang mga tao, bagay, at pangyayari ay may nakatago o mas malalim na pagpapakahulugan. Ang Lumang Tipan ay nagtataglay ng mga alegorya gaya ng alegorya ng ubasan (Isaias 5:1-7), na kung ang ubasan ay kumakatawan sa Israel, ang may-ari ay ang Panginoon; ang mga bakod ay ang proteksiyon, atbp.
Sa loob ng maraming siglo ang mga parabula ay tinaguriang mga alegorya at binibigyang interpretasyon ayon dito. Subalit pinabulaanan ito ni Adolf Julicher noong ika-19 na dantaon. Maraming pag-aaral ang naisagawa na sumasangayon sa kanya na ang parabula ay may malaking kaibahan sa isang klasikong alegorya. Ang alegorya ay kadalasang static samantalang ang parabula ay palaging isang kwento, kahit na ito ay napakaikli at napakasimple na nagtatapos sa di inaasahang wakas.
Kahit na masasabing ang mga parabula ni Hesus ay malapit sa isang kwento, sa isang pabula, sa isang mito at alegorya at may pagkakatulad ang mga ito, may kani-kanya silang natatanging katangian na nagbibigay sa mga ito ng pagkakaiba sa isa’t isa.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
18
4. Kung kaya binibigyang-pansin ang katotohanang ang mga parabula ni Hesus ay tinawag sa Bagong Tipan hindi allegoria o mythos kundi parabole.
Parang sa Geometry na hugis-pakurba mula A patungong B sa pagitan ng isang tila hadlang bago marating ang kabilang dulo. Kung kaya ang parabula ay nagbibigay-laya sa mananalaysay na maabot ang ninanais na kalalabasan sa pamamgitan ng isang di-inaasahang pangyayari na kung saan ang mga mambabasa ay di makaiiwas sa kalalabasang dala nito.
Ang parabula kung gayon nga ay isang kwento, totoo man o katha lamang, na may di-inaasahang aral na dala dulot ng paghahambing sa mga pang-araw-araw na pamumuhay at kaugalian. Subalit ang parabula ay hindi nagbibigay-aliw kundi ito ay nagbibigay ng sorpresa at naglalantad ng katotohanan.
B. Wika
Gaano man kasimple ang parabula, mahalaga pa ring malinaw ang pagkakalahad ng mga pahayag upang maunawaan ang nilalaman nito. Sa gramatika, may mga uri ng pagpapahayag na malaking tulong sa pagbibigay linaw sa bawat mensaheng nais ipaabot sa mambabasa. Narito ang apat na iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa layon. 1. Naglalahad – uri ng pangungusap na naghahanap ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsepto, iniisip, palagay o pansariling pananaw.
Halimbwa: Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang ginagalawan. Samakatwid, ang wika ay nagbibigay diin sa kapaligiran YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
19
at sa kultura ng isang bansa. Ayon pa nga kay Jose Rizal sa kanyang akdang El Filibusterismo, “Ang bawat bayan ay may sariling wika, sariling kaugalian at sariling damdamin.” 2. Naglalarawan – ito ay pangungusap na nagtataglay ng impormasyong naglalaman o nagbibigay ng pisikal na katangian ng isang tao, bagay o lugar.
Halimbawa: Pagkaraan ng maraming buwan, dumating na ang oras na mamumulaklak na ang mga bulaklak ngunit sa hardin ng higante ay nananatiling tuyo ang lupa at lanta ang mga punungkahoy at halaman. Wala nang kumakantang mga ibon dito sapagkat wala na ang mga bata at pati na rin ang mga puno ay ayaw na ring mamulaklak. 3. Nagsasalaysay – Ito ay pangungusap na nagpapakita ng tiyak na pangyayari, kilos at galaw sa tiyak na panahon. Ang mga pangungusap na ito ay nagkukwento ng sunud-sunod na mga pangyayari.
Halimbawa: Noong unang panahon ay may kaharian na ang naninirahan ay pawang mga tutubi. Ang naghahari rito ay isang napakabait na Haring Dragon. May laya ang lahat ng kanyang nasasakupan na gumala sa kanyang kaharian. 4. Nangangatwiran – uri ng pangungusap na naglalahad ng mga proposisyon. Karaniwan itong nagtataglay ng mga salungatan sa pagitan ng dalawang panig – isang sang-ayon at isang salungat.
Halimbawa: Dapat bang gawing legal ang paggamit ng contraceptives sa Pilipinas? Kung ang populasyon ay lumalaki, hindi solusyon ang paggamit ng contraceptives. Ang kailangan lamang ay disiplina ng YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
20
bawat Pilipino. Sa disiplina ay magagawa ng bawat isa na kontrolin ang kanilang pagnanais sa mga bagay-bagay na mas lalong magsasadlak sa kanila sa kahirapan.
PAGSASANAY: Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad o nangangatwiran.
1. Sa bawat tulak at sa bawat kabig ay lalong nanlalalim ang kanyang malalalim nang balagat. Ang nag-usling mga ugat sa kanyang braso ay waring nagsisipagbantang mag-igkasan. Natuon ang tingin ko sa kanyang kamay; kuluntoy, butuhan.
2. Bago siya naratay ay umuwi sa amin sa San Roque. Bakasyon noon at nasa San Roque rin ako. Kasama niya ang asawa at dalawang anak.
3. Ang suliranin ng Wikang Pambansa at ng wikang Ingles ay di napakapayak kung pakaiisipin. Ito’y hindi suliranin lamang ng kung dapat o hindi dapat isali sa mga katanungan sa mga iksamen ng serbisyo sibil ang imno nasyonal sa Wikang Pambansa. Hindi suliranin lamang ng kung sa Ingles o sa Tagalog dapat umawit ang isang lumalahok sa paligsahan ng Hamon ng Kampeon o sa Tawag ng Tanghalan.
4. Dapat lingunin ng mga Pilipino ang lumipas upang mabatid nila ang katutubong ugat ng disiplina. Hindi totoo ang ikinalat na pang-uupasala ng mga Amerikano noong sinasakop pa lamang nila ang Pilipinas na tayo’y maikukumapra sa mga American Indian.
Module 5:
Sa Likod ng Luha
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
21
A. Pagbasa
Mga Katangian ng mga Parabula ni Hesus
Kung hindi tayo gaanong pamilyar sa mga parabula sa Bibliya ay maaaring sa unang basa nito ay akalain nating napakasimpleng kwento lamang ito. Ang mga paksa ay pag-iimbita sa kainan, mga mangingisda, babaeng nagluluto ng tinapay, o kaya ay mga kabataang lumilisan sa tahanan, ang mga manggagawang di makasundo ang amo. Ang mga sitwasyong ito ay batid na natin dahil sa ating mga karanasan kung kaya ang mga parabula ay tila naging napakadali sa atin. Sa unang tunghay nito sa kabila ng pagiging payak ay may nakatagong malalim na pagpapakahulugan na nangangailangan ng masusing pag-unawa upang lubos itong maintindihan at mabigyan ng pagpapahalaga. Bukod sa pagbibigay nito ng mga halimbawa sa realidad ng buhay, ito rin ay may kaakibat na nakagugulat na mensahe. Kung kaya kung susuriin ito sa pinakamalalim nitong mensaheng taglay, matutuklasan nating ang mga parabulang ito ay nagtataglay ng mga makapangyarihang pahayag mula sa Bibliya.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit ang parabulang ito ay napakahalaga?
1. Una, ito ay binuo sa elemento ng panggulat. Hindi kadalasan o kaya ay karaniwan na ang isang naimbitahan sa hapag ng hari ay tumanggi para lamang tingnan/subukin ang isang oxen sa oras na iyon. Hindi rin karaniwan na ang may-ari ng isang kalakalan ay magbabayad ng parehong sahod sa kanyang empleyado na nagtatrabaho ng isang oras at sa nagtatrabaho ng labindalawang oras. Tigib ng hiwaga ang mga parabula at kadalasan ang layunin nito ay manggulat sa mga tagapakinig.
2. Pangalawa, nagiging madali sa mga parabula ang makabuo ng mga di inaasahang ugnayan. Ang mga parabula ay binubuo ng mga tauhan, imahe at mga sitwasyong batid na ng mga tagapakinig na nagbibigayYOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
22
daan sa tagapagsalaysay na makabuo ng di inaasahang ugnayan tungo sa bagong ideya o sitwasyon. Ang wastong paggamit ng mga talinghaga ang nakasalalay sa matibay na pundasyon ng mga paghahambing sa pagitan ng mga ideya at sitwasyon, na sa unang tingin ay hindi kakikitaan ng pagkakatulad, hanggang sa matuklasang ito ay may dala-dalang di inaasahang katotohanan at mga bagong aspeto ng realidad.
3. Ang mga parabula ay may panghalinang taglay dahil hindi ito nagtatakda ni hindi nagbabanta. Ang tagapakinig ay matamang naghihintay hanggang sa wakas nito upang matuklasan ang aral na taglay at sa kung paanong paraan niya ito mailalapat sa kanyang personal na buhay. Ito ay isang paraan ng hindi tuwirang pakikipagugnayan, nagbibigay-galang sa tagapakinig na maihanda ang kanyang sarili sa mangyayaring ugnayan ng parabulang narinig at sa sariling sitwasyon. Ginagamit ng Diyos ang pinakasimpleng paraan upang maihatid niya ang mensaheng nais ipabatid sa atin. Para sa isang taong nag-aalinlangan, walang tiwala sa sariling kakayahan at matatakutin, sasabihin ng Diyos na: “Walang sinumang humahawak sa araro at tumitingin sa mga nasa likuran ang karapat-dapat na kaharian ng Diyos.” (Lukas 9:62)
4. Marami sa mga ilustrasyong ginamit ng Diyos ay nabibilang sa tinatawag na “self-evident metaphors.” Mga nakatagong kahulugan gamit ang mga pinakasimpleng paraan ng paghahambing tungo sa mas mamalim na pagpapakahulugan nito. Kagaya ng nauna, hindi rin ito tuwiran nang sa gayon ay maiwasan ang makasakit ng damdamin ni mahadlangan ang kanyang kalayaan na mag-isip. Ito ay mahusay na binuo batay sa paglalarawan sa realidad ng buhay. B. Wika
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
23
Ang mga matatalinghagang salita o idyoma ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng di-lantad na kahulugan o may nakatagong kahulugan kaya nagangailangan ito ng mas masusing pag-unawa upang mapalutang ang tunay na kahulugan ng salita o pahayag. Nakatutulong ang mga ito upang mas maging maganda at kaakit-akit ang paglalahad ng isang pahayag. Sa tulong ng mga idyoma ay nagkakaroon ng mas malalim na pagpapakahulugan ang isang akda gaya ng mga parabula. Halimbawa: walang laman ang bulsa
-
walang pera
malambot ang ulo
-
madaling mapasunod
mainit ang ulo
-
nagagalit, nayayamot
nagpuputok ang butse
-
naiinis, naiinggit
kinakalambre ang tiyan
-
nagugutom, gutom na gutom
PAGSASANAY:
A. Lagyan ng tsek kung matalinghagang salita o idyoma at ekis kung hindi.
1. bukambibig
___________
2. noong isang buwan
___________
3. katas ng pawis
___________
4. kapuspalad
___________
5. kahon ng de lata
___________
6. magdilang-anghel
___________
7. dugong bughaw
___________
8. nasasakupang bayan
___________
9. pinagtampulan ng tadhana
___________
10. magarang kaharian
___________
B. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga matatalinghagang salita o idyoma.
1. babasaging Kristal
______________________________
2. mahangin ang ulo
______________________________
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
24
3. uhaw sa pangaral
______________________________
4. laylay ang balikat
______________________________
5. malikot ang kamay
______________________________
6. balat-sibuyas
______________________________
7. nakakuha ng kalabasa
______________________________
8. sanga-sangang dila
______________________________
9. lumaki ang ulo
______________________________
10. pabalat-bunga
______________________________
Module 6:
Ang Talinghaga ng Pag-aasawa
A. Pagbasa
Ang katanungan na kung bakit itinuro ni Hesus ang mga parabula ay nagmula pa noong kapanahunan ng kanyang mga disipulo. Sa makabagong panahon ay marami ang nagtangkang alamin ang katotohanan sa likod ng katangiang ito. Isa na rito si Ellen G. White. Ayon sa kanyang pananaliksik, narito ang mga dahilan kung bakit: 1. Upang ilarawan at ipakita ang kanyang mensahe 2. Upang magdala ng bagong kabatiran 3. Upang pukawin ang kamalayan ng bawat isa 4. Upang ihatid ang mensahe sa mas maraming tao 5. Upang protektahan ang Kanyang mensahe laban sa Kanyang mga kaaway
Batid ng ating Panginoon na ang katotohanan ay hindi isang malamyos na musika sa ating pandinig dahil may mga taong hin di nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga parabula. Para sa mga taong uhaw sa paghahanap ng katotohanan, ang mga parabula ay isang mabisang kasangkapan sa pagkilala at pag-alam nito. Ang Kanyang mga parabula ay mahirap makalimutan kaya ito ay biyaya para sa may pagkukusa na makinig. Subalit para sa mga nagbibingibingihan, ang parabula ay isa ring instrument ng paghuhusga. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
25
B. Wika
Ang pagsulat ay isa sa limang makrong kasanayan na dapat ay mahubog sa bawat mag-aaral nang sa gayon ay maipahahayag nila sa pamamagitan nito ang kanilang nasasaloob, opinyon, hinaing, pagpupuri at iba pa. Pinakasimpleng paraan ng pagsulat ay ang komposisyon. Mula sa paksa hinggil sa: nakaraang bakasyon, ang paboritong lugar tungo sa mas malalim na paksa gaya ng pangangatwiran hinggil sa pagsasabatas sa paggamit ng mga artipisyal na pagpaplano sa pamilya at iba pa. Sa araling ito ay papaksain ang talata, bahagi, uri at katangian.
Bahagi ng Talata: 1. Panimulang Pagungusap – maaari mong umpisahan sa isang katanungan, nakatatawag pansin na mga salita o pahayag, analohiya o kaya ay tahasang paglalahad ng suliraning ipaliliwanag. 2. Gitnang Pangungusap – ito ang pinakakatawan ng talata. Tinatawag din itong papaunlad na pangungusap. 3. Pangwakas na Pangungusap – ito ang siyang buod ng talata. Dito inilalahad ang panghuling detalye, opinyon o palagay. Iba’t Ibang Uri ng Talata: 1. Panimulang Talata – dito inilalahad ang paksa sa komposisyon. Binabanggit dito kung ano ang ipaliliwanag, ipapaalam, ibabahagi, ilalarawan o ang bibigyang-diin. 2. Talatang Ganap – ito ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng isang komposisyon. Dito hinuhubog ang panimulang talata sa tulong ng iba pang mga pangungusap upang mabigyang-linaw ang paksang tinatalakay. 3. Talatang Paglilipat-diwa – pinakalayunin nito ay pag-ugnayin ang dalawang magkasunod na talata. Makikita rito kung sinasalungat ba o sinasang-ayunan ng sumunod na talata ang naunang talata. Isang patunay ito na ang isang komposisyon ay kinakailangang may pagkakaisa, organisasyon at kaugnayan ang bawat talata. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
26
4. Talatang Pabuod – dito naman makikita ang pangwakas na kaisipan sa isang komposisyon, ang mahalagang pahayag o paninindigan.
Katangian ng Isang Mabuting Talata:
1. May isang paksang-diwa 2. May kaisahan ng diwa 3. May wastong paglilipat 4. May kaayusan PAGSASANAY: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bahagi ng pinaghalu-halong talata. Pagkatapos ay tukuyin kung ito ba ay panimulang talata, talatang ganap, talatang paglilipat-diwa o talatang pabuod.
1. Marami na ang mga Pilipinong nakapagbalikbayan. Marahil daang libo na ang nakabalik sa kanilang bayan pagkatapos ng maraming taon nang pagtira sa isang bansa. Marami sa kanila ang natitiyak kong nasiyahan sa kanilan pagbalik. Bagaman marami pa rin ang umaalis upang maghanap ng higit na kaligayahan sa ibang bansa. ______________________________________________________________ 2. Para sa akin, dito na lamang ako mananatili. Sapagkat dito hinabi ang aking kaluluwa at pagkatao. Ito ang bansang ibinigay sa akin ng Diyos. Dito ako makatatagpo ng kaligayahan at kaligtasan. ______________________________________________________________ 3. Totoong malaki ang posibilidad na mabuhay roon nang masagana. Subalit mas malaki ang bintahe ng ating bansa na lumigaya. Dito, ang balor ng kapwa-tao ay higit na pinahahalagahan kaysa balor na materyal. Kaya’t maging sa pag-aaral napakalaki ng tuition sa kolehiyo. Bihira ang nakapagaral sa kolehiyo roon kung hindi rin lamang scholar, o kaya’y talagang maykaya sa buhay. ______________________________________________________________ 4. Ang tukso ng mga lugar na hindi pa napupuntahan ay naroon ang paraiso. Kaya ang tao ay naghahanap nga ng kaligayahan sa ibang lugar. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
27
______________________________________________________________ 5. Hindi kontento sa kanyang sariling bayan. Ngunit totoo kaya na ang paraiso ay nasa Ameika, Alemanya, Canada at iba pa? Upang doon manirahan at iwanan nang tuluyan ang ating bansa? Dito’y hindi ko isinasali ang mga nagtatrabaho sa Iran, Saudi Arabia, Singapore at iba pang lugar. Ang ibig kong patungkulan dito ay yaong umalis ng bansa upang manirahan sa ibang bansa. ______________________________________________________________
SECOND QUARTER
Module 1:
Ang Pagsisimula ng Mito o Mulamat
A. Pagbasa
Mula at alamat, dalawang salitang bumubuo sa mulamat. Mula na ang ibig sabihin ay simula o umpisa at alamat na ang tinutukoy ay leyenda, legend sa Ingles, na ang ibig sabihin ay isang uri ng kwentong bayan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Samakatwid, ito ay ang mga kwento tungkol sa simula ng simula.
Mga kwento ng simula ng simula ang mulamat o mito sapagkat ito ay karaniwang tungkol sa mga diyos o diyosa, bathala o mga anito. Tumutungkol din ito sa kanilang paglalang tulad sa kalikasan – sa langit, sa mundo, sa mga unang tao. Kaya naman tumutungkol din ito sa mga pagsamba o pananampalataya ng nilalang (ang tao) sa Maylalang o Maykapal (ang Diyos). Sa mga unang nilikha, may mga pagkakataong may natatanging dakila kaya binabayani. Ito ay tumutungkol din sa kanilang katapangan, kagitingan, kapangyarihan at mga gawang pangkabutihang-bayan.
Bawat baying dinaanan ng sibilisasyon ay may kani-kanyang mito na halos magkakatulad sa tema. Sa pagsamba na lamang, kung ang Gresya ay may Zeus, ang Roma ay may Janus; ang Pilipinas na binubuo ng iba’t ibang pulangan YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
28
(minoridad) o katutubo ay may kani-kanya rin: Ang mga Bikolano ay may tinatawag na Gugurang, ang mga Ilokano ay may Kabunian, ang mga Bilaan ay may Adwata, ang mga Tagalog ay may Bathala. Tulad din sa Gresya at Roma, bawat gawain sa buhay ay may Diyos o Diyosang tagapagbantay o tapagantabay o tagapag-adya ang mga rehiyon sa Pilipinas. Ang Diyos ng digmaan ng Gresya ay tinatawag nilang Marte, sa mga Pangasinense ito ay Apolaki. Ang Roma ay may sinasambang diyosa ng kagandahan, si Venus; sa Ilokano, ito ay si Dallang; sa mga Tagalog, ito naman ay si Bathaluman. Ang Norwegian ay may magiting na bayaning pumatay ng dragon, si Siegfred; sa Bikolano, ang magiting na bayaning pumatay ng higanteng ahas ay si Handiong; ang Italya, may Hercules; ang Manobo may Tuwaang. At marami pang ibang pagkakatulad na ito ay tinatawag na leit motif.
B. Wika Ang panghalip ay mga salitang panghalili sa pangngalan. May iba’t ibang uri ng panghalip. 1. Panghalip na Panao – ang tawag sa mga salitang panghalili sa ngalan ng tao.
Panauhan una ikalawa ikatlo
isahan ako ikaw, ka siya
Kailanan dalawahan kata, kita kayo
maramihan tayo, kami sila
Halimbawa: Siya ang babaing sumira sa aking pagkatao. Mamamasyal kami sa tabi ng dagat. Ikaw na ang bahala sa kanila bukas. 2. Panghalip na Pananong – ang pamalit sa pangngalan na itinatanong.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
29
Isahan sino nino ano kanino alin ilan gaano saan magkano kailan
Maramihan sinu-sino ninu-nino anu-ano kani-kanino alin-alin ilan-ilan gaa-gaano saan-saan magka-magkano kai-kailan
Kinakatawan tao tao bagay o pangyayari tao bagay bilang sukat o timbang Lugar Halaga panahon
Halimbawa:
Saan ka ba pupunta bukas? Ano ang natatangi mong pangarap sa buhay? Magkano ang nais mong dalhin sa paglalakbay? 3. Panghalip na Panaklaw – ang panghalili sa mga salitang nagpapakita ng kaisahan, bilang, dami o kalahatan. Maaaring tiyak o di-tiyak.
a. Mga tiyak na panghalip panaklaw balana
panay
tanan
pawang
pulos
bawat isa
lahat
marami
iba
kaunti
Halimbawa:
Ang bawat isa ay nakatatanggap ng biyaya mula sa Poong Maykapal. Marami sa atin ang hindi alintana ang kahirapan dahil sa sobrasobrang kaligayahan.
b. Mga di-tiyak na panghalip na panaklaw
anuman
sinuman
saanman
kaninuman
kailanman
magkano man
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
ninuman
30
halimbawa:
Anuman ang sabihin nila mananatili akong magmamahal sa iyo. Sinuman sa kanila ang pipiliin mo ay igagalang ko.
4. Panghalip na Pamatlig – ang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng tao, bagay, pook, gawa o pangyayari.
ito/ire
nito/nire
ganito/ganire
iyan
niyan
ganyan
dito
diyan
heto/eto
hayan/ayan
Halimbawa:
Ganito ang dapat gawin ng mga kabataan upang higit nilang mapahalagahan ang literaturang Pilipino.
Ito ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan.
PAGSASANAY:
A. Punan ng angkop na panghalip ang sumusunod na mga pangungusap upang mabuo ang diwa nito.
1. __________________ ang kinikilalang diyosa ng katalinuhan sa aming paaralan. 2. __________________ ba ang dapat kong gawin upang maibsan ang aking mga suliranin? 3. Napatid mo ang ___________________ kaklase nang minsang nagmamadali ka. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
31
4. __________________ magaganda at gwapo ang napiling kalahok para sa patimpalak ng Lakan at Lakambini ngayong taon. 5. May _________________ katangian ang tatlong magkakaibigan. 6. Taglay _________________ ang kabutihang loob kung kaya marami ang nagmamahal sa kanya. 7. Ginaganap ang ________________ tuwing Pasko. 8. __________________ isinilang si Hesus? 9. __________________ ang mag-aakalang ikaw pala ang tinutukoy nilang ahas sa kompanya? 10. __________________ isa ay nakatanggap ng pagpapala.
Module 2:
Ang Tunay na Pagkakaibigan
A. Pagbasa Ang “Damon at Pythias” ay isa lamang sa mitolohiyang nagmula sa Gresya na sumisimbolo sa katapatan at lubos na pagtitiwala ng magkakaibigan sa isa’t isa. Ang Gresya ay sagana sa mitolohiya at masasabi rin nating ito ay dala na rin sa kanilang makulay na kultura at tradisyon. Isa sa mga tradisyon na nais kong ilahad ay ang “Pagsunog kay Hudas” (Isang tradisyon ng Muling Pagkabuhay o Easter Festival ng mga Griyego).
Tradisyong ng Gresya
Ang Pagsunog kay Hudas
95% sa mga Griyego ay kabilang sa Simbahang Orthodox.
Hanggang 1054, ang mga simbahan ng Silanganing Orthodox at Romano Katoliko ay iisa. Naghiwalay ito sa dalawa dulot ng pagkakaiba sa teolohiya, pulitika at kultura.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
32
Karaniwang sinasalungat ng mga Griyego ang turo ng Simbahan sa pagkapit sa mga lumang simbolo, ritwal at kaugalian na may paganong pinagmulan.
Marami sa mga tradisyon ay nag-ugat bago pa ang simula ng Kristiyanismo.
Ang Pasko ng Pagkabuhay, Ang Pag-akyat sa Langit ng Mahal na Birhen at
Pasko
ang
tatlong
mahahalagang
kapistahan
panrelihiyon.
Pinakamahalaga rito ang Pasko ng Pagkabuhay.
Ang mga kababaihan ay nagpipinta ng itlog na kulay pula. Ang mga ninong at ninang ay namimili ng mga bagong sapatos, damit at kandila para sa mga bata. Ang labas ng mga bahay at kalsada ay napipinturahan ng puti.
Ang pestibal ng Pasko ng Pagkabuhay ay nag-uumpisa sa Biyernes Santo. Ang mga tao ay nagpupunta sa mga simbahan upang panoorin ang pagbaba ng mga pari at monghe sa imahen ni Kristo mula sa krus, babalutin ito sa tela at ilalagay sa isang magarang ataul na nababalutan ng mga bulaklak bilang simbolo ng libingan (Epitaphio) ni Kristo. Ang kabaong ay ililigid sa buong bayan, habang ang mga tao ay nananaghoy sa kamatayan ni Kristo.
Sa gabing-gabi ng Sabado (Megalo Savato), ang mga tao ay pumupunta ng simbahan dala ang mga wala pang sinding kandila. Sa hatinggabi, ipinahahayag ng pari ang Christos Anesti, o pagkabuhay ni Kristo, at saka lamang sisindihan ng mga tao ang kanilang mga kandila mula sa Holy Flame. Pagkaraan nito ay susunod ang mga pagkampana, ang mga paputok at kwitis. Ang mga tao’y nagbabatian ng “Christos Anestis” at sinasagot ng “Alithos Anesti” (indeed he has risen).
Nakaugalian din nila ang pagsunog kay Hudas sa looban ng simbaha. Ang lahat ng mamamayan at mga bisita ay nakapalibot sa isang malaking siga habang nasusunog si Hudas kasabay ng malalakas na pagbubunyi, mga pagsabog ng kwitis at paminsan-minsan, pagputok ng baril.
Pagkatapos, ang lahat ay uuwi para sa isang salu-salo (Resurrection Meal) na ang ibig sabihin ay natapos na ang pag-aayuno. Nagsasalu-salo
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
33
ang mga tao sa kani-kanilang mga tahanan. Masayang ipinagsiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay, maraming alak at pagkain at sayawan hanggang sa gabi.
B. Wika
Isang mabisang paraan ng paglalahad ng mga pangyayari at mensahe sa isang akda ay ang paglalarawan ng mga tauhan, tagpuan at pangyayari. Pinalulutang ang mga katangian ng mga tauhan at maging ang kabuuang daloy ng kwento, hindi lamang ang pisikal na katangian nito kundi maging ang mga pag-uugali at kanilang pakikitungo sa kapwa.
Ang pang-uri ay mga salitang angkop gamitin sa paglalarawan. Ito rin ay mga salitang naglalarawan ng tao, bagay, pook, o pangyayari.
Halimbawa: Mapula, malambot, maputik, mabango, atbp.
A. Gamit ng Pang-uri May Iba’t ibang gamit ang mga pang-uri sa loob ng pangungusap. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Panuring na Pangngalan
Halimbawa:
Masisipag na bata ang malimit na nagtatagumpay sa buhay.
2. Panuring na Panghalip
Halimbawa: Magaling siyang sumayaw. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
34
3. Pang-uring ginagamit bilang pangngalan
Halimbawa: Tiyak na mananalo ang mga matatalino sa tagisan ng galing.
4. Pang-uring kaganapang pansimuno
Halimbawa: Ang palasayaw ang nakatira rito.
B. Kailanan ang Pang-uri 1. Isahan – kapag iisa lamang ang inilalarawan.
Halimbawa: Maganda si Cristine. 2. Dalawahan – Kapag dalawa ang inilalarawan.
Halimbawa: Magkamukha kaming dalawa. 3. Maramihan – kapag higit sa dalawa ang inilalarawan.
Halimbawa: Magkakakulay ang damit naming lahat.
C. Uri ng Pang-uri 1. Panlarawan – nagbibigay ng anyo, kulay, hugis, katangian at kabagayan ng mga pangngalan at panghalip na tinuturingan. Halimbawa: YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
35
Mabango ang aming unan. 2. Pamilang – nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan at panghalip.
Halimbawa: Libu-libong mamamayan ang dumating sa inagurasyo ni PNOY.
PAGSASANAY:
A. Punan ng angkop na pang-uri ang sumusunod na pangungusap upang mabuo ang diwa nito.
1. Siya ang ________________ babae sa balat ng lupa. 2. Sino na sainyo ang nakapunta sa ___________________ na probinsya ng Davao? 3. Mga _________________ ang nakatira rito. 4. Kayong mga _________________ ay tiyak na malalayo ang mararating. 5. Tiyak na titingalain ang mga batang _____________________. 6. ___________________ na tao ang yumayaman. 7. ___________________ ang ugali ng taong iyon. 8. ___________________ ang kanyang mga mata. 9. Medyo _____________________ na ang mga manggang napitas namin. 10. ___________________ sa Baguio ngayon.
B. Bilugan ang mga pang-uri sa loob ng pangungusap. Isulat sa ibaba ang gamit nito.
1. May mga matatapang ding babae sa Pilipinas. _______________________________ 2. Isang mayaman na negosyante si Tomas Millan. _______________________________ 3. Maraming taon din siyang nagdusa sa mga kamay ng bandido. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
36
_______________________________ 4. Mabilis siya kaya nakapagtago agad. _______________________________ 5. Ang lumang tanikala’y lagutin mo ng punlo. _______________________________
Module 3:
Sa Pag-usbong ng Daigdig
A. Pagbasa
Ang mga mulamat o mito ay mga matatandang kwentong bayan tungkol sa mga bathala, tungkol sa pagkakalikha ng mundo at kalikasan, tungkol sa pinagmulan o pagkakalikha ng unang tao, tungkol sa bayani, sa kanilang kagitingan at kapangyarihan at tungkol sa iba pang may kinalaman sa pagsamba ng tao sa kanilang mga anito.
May anim na gamit ang mito. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Mailahad ang natural na phenomena o ang pagkakabuo nito. 2. Mailahad ang pagkakabuo ng daigdig. 3. Magturo sa mga tao ng kabutihan at magandang-asal. 4. Maipaliwanag ang ilan sa matatandang kaugalian. 5. Maglantad ng karaniwang hangarin at takot ng tao.
Narito naman ang pitong katangian ng mito:
1. Ang mito ay isang paraan ng tao upang maipaliwanag ang pag-usbong ng daigdig. 2. Maraming diyos at diyosa ang matatagpuan sa isang mito. 3. Ang diyos at diyosa maging ang mga bayaning nilikha ay hindi pangkaraniwan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
37
4. Ang damdamin ng tao ang siyang sinasalamin ng mga bathala o ng mga diyos at diyosa. 5. Punung-puno ng mahika. 6. Ang mga diyos at diyosa ay nagbabalatkayo sa ibang katauhan. 7. Ang pagbabago ay lagi nanag nagaganap.
B. Wika
Ang pandiwa ay may malaking tulong sa pagbibigay tulong sa kwento. Narito ang iba’t ibang pokus ng pandiwa.
Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Nagkakaroon ng iba’t ibang pokus ayon sa paksa at panlaping ikinakabit sa pandwa. 1. Pokus sa Tagaganap – ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Kakanta si Anna sa palatuntunan bukas. 2. Pokus sa Tagatanggap – ang paksa sa pangungusap ay ang tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos na ipinahihiwatig ng pandiwa.
Halimbawa:
Ipinagtitimpla ko ng gatas si bunso gabi-gabi. 3. Pokus sa Ganapan – ang paksang binibigyang-diin ay ang lugar o ganapan ng kilos. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
38
Halimbawa:
Pagdarausan ng pagtitipon ang bagong gusali. 4. Pokus sa Layon – ang layon ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap.
Halimbawa:
Inihanda ko ang mga pagkain para kay Inay. 5. Pokus sa Sanhi – ang sanhi o dahilan ang paksang binibigyang-diin sa pangungusap.
Halimbawa:
Ikinalungkot ng dalaga ang pag-alis ng binata.
PAGSASANAY: Uriin ang pokus ng sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa nakalaang patlang ang sagot. 1. Binungkal ni Gabriel ang lupain ng kanyang lolo. ________________________________
2. Sumusulat ng kwento si Bb. Lopez. ________________________________
3. Ang labis niyang pagpapalayaw sa panganay na anak ay ikinalayo naman ng loob ng dalawa pa niyang anak sa kanya. ________________________________
4. Ang karetela ay sasakyan ng mga diyos at diyosa. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
39
________________________________
5. Binili ni Joan ang bagong usong bestida. ________________________________
6. Pinagtapatan ni Luis ng pag-ibig si Clarisa. ________________________________
7. Ikinabahal niya ang patuloy na paglakas ng ulan. ________________________________
8. Ipinagluto niya ng cake ang kanyang ate. ________________________________
9. Pinaglaruan nila ang gym ng aming paaralan. ________________________________
10. Nagluto ng ulam si Ron gamit ang palayok. ________________________________
Module 4:
Ang Pagkakalikha ng Tao
A. Pagbasa
Ang Pagkakalikha ng Diyos sa Kahinaan ng Tao Kaya Kinakapitan ng mga Sakit
Noong unang panahon, tanging sina Fiu Weh at Tasu We hang naninirahan sa kalangitan. Isang araw, naisipan ni Fiu Weh na lumikha ng makakasama sa langit. Kumuha siya ng putik at hinubog ang dalawang tao. Habang pinatutuyo niya, isinandal niya ang dalawa sa malaking bato. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
40
“Isinandal ko kayo riyan upang hindi kayo makapitan ng mga sakit. Tulad kayo ng mga batong ito. Matigas at matibay.” HInipan niya ang dalawa. Nagkaroon ng buhay ang dalawa ngunit kailangang matuyo pa ang putik. “Matagal pa bago matuyo itong aking likha kaya aalis muna ako,” bulong ni Fiu Weh.
Pagkaalis ni Fiu Weh, dumating naman si Tasu Weh. Nais niyang makita ang ginawa ni Fiu Weh. “Aba at nais pa ni Fiu Weh na may katulad kami. Hindi maaari. Ililipat ko sila,” sabi ni Tasu Weh. Isinandal ni Tasu Weh ang mga nilikha sa puno ng saging. “Para hindi ninny kami matularan, matutulad kayo rito sa puno ng saging. Mahina! Tatalab sa inyo ang anumang panaksak at saka makakapitan kayo ng mga sakit. Lalong-lalo na ang mga buhay ninyo, may katapusan tulad ng puno ng saging. Ha! Ha! Ha!” sabi ni Tasu Weh.
Ito ang dahilan kung bakit may kamatayan ang tao. Ang tanging naiwang pamana sa pagkakasandal ng mga nilikha sa bato ay ang mga kuko ng kamay at paa.
Ang mitong tinalakay sa itaas ay mula sa mga Bilaan. Dito natin makikita ang kanilang paniniwala sa kanilang mga adwata (diyos). Pinakapangunahin sa mga Bilaan ang kanilang kaugaliang pananampalataya at paniniwala. Matibay ang kanilang pananalig sa mga ispiritu dahil para sa kanila ang mga isipiritu ay nakikialam sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang kanilang pinakamakapangyarihang ispiritu ay si Melu. Siya ay katumbas ni Zeus sa mga Griyego. Ayon sa kanila, si Melu ang lumikha ng unang tao. Si Fiu Weh, na mabuting ispiritu at si Tasu Weh, na isang masamang ispiritu, ang kanyang mga katulong sa paglikha.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
41
Sa kanilang paniniwala ay maaari nilang tawagin ang mga ispiritu lalo na kung may mahahalagang okasyon gaya ng pagsisisi, pagpupuri, paghihingi at pasasalamat. Hindi lamang si Fiu Weh ang mabuting ispiritu kundi maging si Fon Kayoo, isipiritu ng punungkahoy; Fon Eel, ispiritu ng tubig; at Fon Batoo, ispiritu ng bato. Subalit sila rin ay masamang magalit pagkat naghahatid sila ng sakuna at karamdaman sa mga nagkasala at sa pamilya nito. Sa lahat ng mga ispiritu, ang pinakakinatatakutan nila ay si Loos Klagan na mabanggit lamang ang pangalan nito’y itinuturing ng isang sumpa. Ang panghuling ispiritu na maaaring magpalit ng anyo ayon sa gusto niya ay si Bosaw.
B. Wika
Sa bawat akda ay mahalaga ang mga pandiwa dahil ang mag ito ay nagpapakilos sa mga pangyayari. Sa gramatika, ay may tinatawag na kaganapan ng pandiwa. Ito ang tinatawag na kaugnayan ng pandiwa sa panaguri ng pangungusap. 1. Kaganapang Tagaganap – ay bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa: Pinatawag ng guro ang mga mag-aaral. 2. Kaganapang Tagatanggap – ay bahagi ng panaguri na nagsasaad kung sino ang makikinabang sa kilos ng pandiwa. May palatandaang itong para sa, para kay, at para kina.
Halimbawa:
Bumili si Sarah ng sapatos para kay Jane. 3. Kaganapang Layon – ay bahagi ng panaguri na nagsasaad kung ano ang bagay o mga bagay na tinutukoy ng pandiwa. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
42
Halimbawa: Nag-igib ng tubig si Randy kanina. 4. Kaganapang Ganapan – ay bahagi ng panaguri na nagsaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pangdiwa.
Halimbawa: Naghabulan sa dalamapasigan ang magnobyo. 5. Kaganapang Kagamitan – kapag ang kagamitan sa pagsasagawa ng kilos ay siyang panaguri sa pangungusap at ginagamitan ng panlaping –ipang.
Halimbawa: Ang basahan ay kanyang ipangkukuskos.
PAGSASANAY
A. Tukuyin kung anong kaganapan ng pandiwa ang mga sumusunod.
________________ 1. Ikinalungkot nang labis ni Shin ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang. ________________ 2. Para sa kanya ang rosas na ito. ________________ 3. Ipinanghiwa ng karne ang matalim na kutsilyo. ________________ 4. Sinisibak ng binata ang panggatong. ________________ 5. Si Mat ay naghandog ng awitin. ________________ 6. Nabusog kami sa dami ng pagkain. ________________ 7. Ipinambili niya ng gatas ang natirang pera. ________________ 8. Nag-igib siya ng tubig. ________________ 9. Namili ako ng cake. ________________ 10. Naghabulan ang mga pulis at magnanakaw sa bayan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
43
B. Gawan ng pangungusap ang sumusunod na mga salita. Tiyakin kung ang kaganapan na ginamit ay tagaganap, tagatanggap, layon, ganapan o kagamitan.
1. ipanghambalos
4. binasa
2. naghabi
5. pumunta
3. nanungkit
Module 5:
Sa Daigdig ni Shiva
A. Pagbasa Ang Mitong “Si Kartikkeya, Ang Anak Ni Shiva” ay nagmula sa bansang India. Di lingid sa karamihan na ang bansang ito ay may napakaraming tradisyon. Halos sa loob ng apat na libong taon ay tila hindi nagbago ang mga kinagisnang tradisyon ng mga Indian. Ang mga ito ang pumukaw sa interes ng mga dayuhang manlalakbay. Nagtatanong, nagtataka kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga ito. Nasa ibaba ang ilan lamang sa maraming tradisyon na nanatili na sa loob ng ilang libong taon. 1. Namaskar o Namaste – pinakatanyag na uri ng pagbati ng mga Indian. 2. Tilak (Tika) – tatak-ritwal na maaaring ilagay sa kahit anong paraan bilang tanda ng biyaya o kaya ay pagbati. 3. Aarti – isinasagawa ito bilang tanda ng pagsamba, paghahanap ng biyaya sa Diyos, pagtanggap ng bisita, pagdiriwang ng kaarawan ng isang bata o kaya ay sa pagtanggap ng bagong kasal. 4. Garlanding – iniaalay ito sa mga bisita bilang tanda ng pagtanggap sa kanila. 5. Bindi – ito ay mula sa salitang Bindu, isang Sanskrit na salita na ang ibig sabihin ay tuldok. Kadalasan, ang kulay nito ay pula. Nilalagay ito sa gitna ng kilay sa may noo ng mga kababaihan. 6. Mga palamuti:
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
44
a. Nose Pin – ang mga babaeng Indian ay naglalagay nito sa kanilang ilong na may palamuting mga mamahaling bato o hiyas. b. Mangalsutra – isang kwintas na yari sa itim na beads na may gintong palawit, sinusuot lamang ng mga babaeng may-asawa bilang tanda ng pagiging kasal nito.
B. Wika
Nabubuo ang isang kwento o anumang akda sa pamamagitan ng ideya. Kapag may naisip na silang ideya dito na nag-uumpisa ang mga manunulat na sumulat ng akda. Mula rito ay mabubuo na ang isang kwento o akda. Sa bahaging ito ay malalaman ninyo ang iba’t ibang paraan sa paglinang ng ideya.
Paglinang ng Ideya: 1. Paksa – ito ang pinakasimula ng lahat. Sa bawat usapan kinakailangang may paksa upang may mapag-usapan, di nga ba? Kung kaya kinakailangang ang paksang mapipili ay kawili-wili, angkop sa sitwasyon, nararapat, napapanahon at nakagaganyak. Mahalagang malaman na sa pagpili ng paksa ay kailangang may malawak kang kaalaman dito. 2. Layunin - lahat n gating ginagawa ay may kalakip na layunin. Ang mga magaaral ay naglalayong magkaroon ng magandang bukas; ang mga guro ay naglalayong makapagturo at makapaghubog ng isang mabuting mamamayan; ang mga manunulat ay naglalayong makabuo ng isang magandang akda, atbp. Kaya sa simpleng pakikipag-usap natin sa ating kapwa ay maingat tayo sa pagpili ng ating sasabihin dahil ayaw nating makasakit ng damdamin. Iyon ang ating layunin. 3. Pagsasawika ng ideya – ang mahalagang kasangkapan dito ay ang natutuhan sa wika. Dito malalaman kung gaano katatas ang isang tao na maisawika niya ang kanyang ideya. Sa pamamagitan ng wika ay naipaaabot niya ang kanyang nararamdaman. Subalit dapat ay maingat din ang sinuman sa pagpili ng angkop na wika sa pagpapahayag. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
45
4. Tagatanggap – sa proseso ng pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita, ay may dalawa o higit pang sangkot. Ito ay ang tagapaghatid ng mensahe at ang tagatanggap. Isinasaalang-alang ng tagapaghatid ang tagatanggap dahil malalaman kung gaano kabisa ang kanyang paglalahad kapag naintindihan ito ng tagatanggap.
PAGSASANAY:
Basahing mabuti ang tula sa ibaba. Pagkatapos ay tukuyin kung ano ang paksa, layunin ng pagsulat, kabihasaan ng pagsasawika ng ideya at ikaw bilang tagatanggap.
III. Kawal ni: C. M. Vega
Pananagutan ko ang kapayapaan, Sa buong paligid ng bayan kong mahal; Aking pinupuyat pati panagimpan, Upang ang paglaya ay ipagsanggalang. Ako’y puno’t dulo sa bibig ng kanyon, Wakas at simula ng bawat panahon; Ang bayoneta ko ay tulis ng taong Sa umalipin ay handang ibaon.
Ngunit laging huli ang usad ng lugod, Maliban sa aking nakangangang puntod; Ang kaligayaha’y kayramot maglimos Ng kahit sambutil ng ligayang sunog.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
46
Mula pa sa Mactan, Bataan at Tirad, Ang pagtatanggol ko’y limot na ng lahat.
Paksa: Layunin: Pagsasawika ng ideya: Tagatanggap
Module 6:
Ang Dalawang Ilog
A. Pagbasa
Marahil ay nagtataka kayo kung paano nabuo ang mga mitolohiyang ating kinagigiliwang basahin ngayon. Sa puntong ito ay tuturuan kayo kung paano gumawa ng isang kwentong mitolohiya. Sundin lamang ang mga hakbang at tiyak na kagigiliwan din ninyo ang pagsulat nito.
1. Unang Hakbang Maghanap ng isang pangyayaring may kinalaman sa kalikasan na nakapukaw sa iyong interes.
Halimbawa: isang ipu-ipo
2. Ikalawang Hakbang Magsaliksik sa pangyayaring iyong napili. Kapag marami kanga lam, mas kapani-paniwala at dahil diyan mas nakaaaliw ang kweto.
3. Ikatlong Hakbang Itala ang lahat ng mga bagay na iyong makikita tungkol dito. Ang mga detalye ay magiging madali na lamang kapag may malaking impormasyong naitala na. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
47
4. Ikaapat na Hakbang Isulat ang mga susing-salita (keywords) na iyong nakita sa pananaliksik> makatutulong ang mga ito sa pagiging tunay ng mga detalye o kaya ay makakukuha ka ng ideya sa ipapangalan mo sa iyong Diyos o Diyosa.
5. Ikalimang Hakbang Ngayon ay bubuo ka na ng iyong banghay. Tanungin mo ang iyong sarili, ano kaya?
Halimbawa: Si Inang Kalikasan ay may kambal na anak na sina Silanggus at Kanlunus. Binibigyan sila ng control sa mga hanging nagmumula sa silangan at kanluran. Nasusuklam sila sa isa’t isa simula pa noong sila’y ipinanganak kaya lagi silang nag-aaway. Kung kaya ang ipu-ipo ang nabubuo kapag sila ay nag-aaway. Maaaring hindi ito gaanong kapana-panabik, subalit ipinakikita rito kung gaano kadaling gumawa ng kwentong mitolohiya.
6. Ikaanim na Hakbang Ngayon ay maaari ka nang gumawa ng sarili mong mitolohiya. Palawakin mo lamang ang iyong banghay. Gaya ng kung ano nagagawa nila kapag sila’y nagtagpo o kaya ay bakit ang ibang Diyos o Diyosa ay hindi nakikialam sa kanilang labanan.
B. Wika
Bago makabuo ng isang akda ay dumadaan muna ito sa proseso ng pagsulat na hindi madaling ilarawan dahil wala itong tiyak na paraan o pormula. Ito ay dahil nakadepende mismo ang paraan ng pagsulat sa manunulat. Maraming salik ang isinasaalang-alang sa pagsusulat. Halimbawa na lamang ang mood ng manunulat, ang kanyang layunin at marami pang iba. Subalit lahat YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
48
ay dapat sumunod sa tatlong yugto ng pagsusulat: ang pre-writing, writing, at revising stage. A. Pre-Writing Activities – hindi basta-basta nagsusulat ang isang manunulat. Maaaring may pinagmulang inspirasyon ang kanyang pagsusulat kung kaya nabuo ang isang ideya.
Narito ang ilang mga mungkahing gawain para sa Pre-writing. 1. Pagsulat sa dyornal – ito ay ang pang-araw-araw na pagtatala ng mga bagay-bagay na nakikita, nadarama at marami pang iba. 2. Brainstorming – ito ay pakikipagtalakayan sa maliit na pangkat na kung saan ay nakakukuha ka ng impormasyon. 3. Questioning – dito sinasagot ang mga katanungang Sino, Ano Saan, Kailan, Bakit, Paano. Malaking tulong ito upang mabigyang pokus ang paksa. 4. Pagbabasa at pananaliksik – mainam na malawak ang iyong kaalaman sa paksang susulatin. Kung kaya, mahalagang magbasa ng iba’t ibang uri ng aklat at magsaliksik sa internet. 5. Sounding-out friends – ito ay ang pakikipag-usap sa paraang impormal hinggil sa isang paksa. Maaari kang makipag-usap sa iyong magulang, kaklase, kaibigan, kasambahay, atbp. 6. Pag-iinterbyu – pakikipanayam sa tao o mga taong sa iyong palagay ay may malawak na kaalaman sa paksa. 7. Pagsasarbey – ito ay paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapasagot sa mga katanungan sa isang particular na grupo ng mga respondents. 8. Obserbasyon – ito ay ang pagmamasid sa paligid: tao, pag-uugali, panahon, atbp. 9. Imersyon – ito ay ang pakikisalamuha sa isang pangkat, karanasan o gawain upang maging mabisa ang paksang susulatin hinggil doon. 10. Pag-eeksperimento – madalas itong isinasagawa lalo na kapag ang gawain ay may kaugnayan sa agham o sayantipiko. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
49
B. Writing Stage – sa bahaging ito ay uumpisahan na ng manunulat ang kanyang susulatin. Subalit may mga hakbang pa ring susundin.
1. Pagsisimula
Narito
ang mga
mungkahi
kung
paano
uumpisahan
ang isang
komposisyon:
a. Gumamit ng isa o seryeng tanong na retorikal. b. Gumamit ng pangungusap na makatawag-pansin. c. Gumamit ng pambungad na pagsasalaysay. d. Gumamit ng salitaan. e. Gumamit ng isang sipi. f. Banggitin ang isang kasaysayan o pangyayaring may kaugnayan sa paksa. g. Tahasang ipaliwanag ang suliraning ipaliliwanag. h. Gumamit ng salawikain o kawikaan. i.
Gumamit ng pasaklaw o panlahat na pahayag.
j.
Magsimula sa pamamagitan ng buod.
k. Gumamit ng tuwirang sabi. l.
Maglarawan ng tao o pook.
m. Gumamit ng analohiya. n. Gumamit ng isang salitang makatawag-pansin.
2. Pagsasaayos ng katawan
Narito ang mga mungkahi kung paano aayusin ang katawan ng isang komposisyon:
a. Ayusin ang mga datos nang pakronolohikal. b. Ayusin ito nang pasaklaw. c. Paghambingin ang mga datos. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
50
d. Isa-isahin ang mga datos. e. Suriin ang mga datos.
3. Pagwawakas
Narito
ang
mga
mungkahi
kung
paano
wawakasan
ang
isang
komposisyon:
a. Ibuod ang paksa. b. Mag-iwan ng isa o ilang tanong. c. Mag-iwan ng hamon. d. Bumuo ng konklusyon. e. Gumawa ng prediksyon. f. Magwakas sa angkop na sipi o kasabihan. g. Sariwain ang suliraning binanggit sa simula. h. Mag-iwan ng lahiwatig o simbolismo. C. Revising Stage – ang yugtong ito ay mahalaga sa lahat ng nagsusulat dahil dito mas lalong pinagbubuti ang isinulat na komposisyon. Dito maaaring bawasan, dagdagan, baguhin o ulitin ang nabuong burador hanggang sa ito ay maaari nang isulat muli.
PAGSASANAY:
A. Pag-isipang mabuti ang paksa sa ibaba. Pagkatapos ay sundin ang mga mungkahing gawain para sa pre-writing activity.
Pagbabawal sa mga mag-aaral na magdala ng cell phone sa loob ng paaralan.
Brainstorming: ______________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
51
Sounding-out friends: ______________________________________________ Questioning: ______________________________________________
B. Gumawa ng panimulang pangungusap o talata para sa writing activity sa mga sumusunod:
1. Paggamit ng sipi ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
2. Paggamit ng salawikain o kawikaan ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
3. Paglalarawan ng tao o pook ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
4. Paggamit ng analohiya ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
5. Paggamit ng isang salitang makatawag-pansin YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
52
______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
C. Para sa revising stage ay iwasto ang tatlong sagot ng iyong kaklase na nasa gawain B. Pagkatapos ay ipasulat ito sa isang malinis na papel kasama na ang mga pagwawastong iyong ginawa.
THIRD QUARTER
Module 1:
Isang Sulyap sa Sanaysay
A. Pagbasa
Katuturan at Layunin ng Sanaysay Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay “pagsasalaysay ng isang sanay.� Ito ay uring tuluyan na kung saan ay karaniwang pumapaksa sa saloobin, hilig, paniniwala, paninindigan, karanasan o lahat-lahat na sa kapaligiran. Nangangailangan ito ng masusi at maingat na pag-aaral. Halimbawa na lamang ang tesis, disertasyon at mga editoryal ay iilan lamang sa mga sanaysay.
Layunin ng sanaysay ang magbigay ng kaalaman o kabatiran at magdulot ng aliw. Nahahati sa dalawa ang layuning ito: una, ay ang layuning magbigay ng tumpak na impormasyon, manghikayat, mangatwiran, magpaliwanag at magturo ng kaalaman sa madla. Samantalang ang ikalawa ay nagmumula sa pansariling karanasan ng manunulat kung kaya ito ay naglalayong umani ng simpatya, magbigay ng saya, manudyo sa mga katawa-tawa o kaya ay manghikayat ng galit sa mambabasa. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
53
Ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay” ay si Michel Eyquem de Montaigne. Siya
ay
ipinanganak
noong
Pebrero
28,
1533.
Isa
siya
sa
mga
pinakamaimpluwensiyang manunulat noong French Renaissance at tanyag sa kanyang mga sanaysay. Naimpluwensiyahan niya rin ang mga tanyag na manunulat sa ibang panig ng mundo gaya nina Rene Descartes, Blaise Pascal, Jean-Jacques Rousseau, Ralph Waldo Emerson, Friedrich Nietzsche, Stefan Zweig, Eric Hoffer, Isaac Asimov at maaaring maging si Willian Shakespeare. Higit siyang nakilala dahil sa kanyang “Essais”, isang koleksiyon ng maraming maikling katha sa iba’t ibang paksa na nailathala noong 1580. Pinakalayunin niya ay ang ilarawan ang tao nang buong katapatan. Pinagaaralan ang kanyang mga akda sa panitikan maging sa pilosopiya. Ang pinakamahaba niyang sanaynay ay ang “Apology for Raymond Sebond” kung saan nandoon ang pinakatanyag kasabihang “Ano ang alam ko?” (What do I know?). Ang kanyang sanaysay na “On the Education of Children” ay inihahandog niya kat Diana ng Foix.
B. Wika Ang sanaysay ay binubuo ng iba’t ibang salita. Mga salita na nakatutulong upang mas maunawaan ang ibig ipahiwatig nito. Isa na rito ang pang-abay. Ang pang-abay ay nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay. Madaling makilala ang pang-abay sa isang pangungusap dahil laging kasama ito ng pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. May iba’t ibang uri ng pang-abay subalit ilan lamang tatalakayin sa sumusunod na paglalahad: 1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap at magaganap ang kilos.
Halimbawa: Kasama ko si Ayanna Jane na magsisimba bukas. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
54
2. Pang-abay na Panlunan – nagsasabi kung saan naganap, nagaganap at magaganap ang kilos.
Halimbawa: Kakanta kami sa entablado nang maipakita ang aming kakayahan. 3. Pang-abay na Pamaraan – nagsasaad kung paano ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos. Halimbawa: Dahan-dahang iminulat ang Diane ang kanyang mata. 4. Pang-abay na Pang-agam – nagpapahiwatig ng di-katiyakan sa pagganap ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Marahil ay hindi na niya uulitin ang ginawang pagkakamali. 5. Pang-abay na kondisyunal – inilalahad nito ang kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Kadalasang ito ay mga sugnay o parirala na pinangungunahan ng kung, kapag, pag at pagka.
Halimbawa: Magmamahal lamang ulit ako kung handa na akong masaktan. 6. Pang-abay na Panang-ayon – nagsasaad ito ng pagsang-ayon. Ito’y may mga pang-abay na oo, opo, oho, tunay, talaga at iba pa.
Halimbawa: Talagang makupad kumilos sina Elijah at Alvin.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
55
7. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtanggi o pag-ayaw tulad ng hindi, ayaw at di.
Halimbawa: Hindi inamin ni Albert ang tunay na nararamdaman.
PAGSASANAY:
Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang ginamit sa sumusunod na mga pangungusap.
__________________ 1. Patalun-talong tumuka ng palay ang mga tandang. __________________ 2. Kagabi ay nadatnan kong malungkot si Juliet. __________________ 3. Ayaw kong matulad sa mga babaeng niyayapakan ang karapatan. __________________ 4. Ang Kadayawan ay isang pagdiriwang sa Davao. __________________ 5. Hindi pinahintulutan ng pulis si Ana na umalis. __________________ 6. Dahan-dahang umalis si Harlon matapos marinig ang malungkot na balita. __________________ 7. Tunay na kahanga-hanga ang mga likha ni Da Vinci. __________________ 8. Aalis lamang ako kapag sinabi mong hindi mo na ako mahal. __________________ 9. Pag nag-aral ka nang mabuti ay tiyak na marami kang matututuhan. __________________ 10. Totoong mahirap tanggapin ang mawalan ng mahal sa buhay.
Module 2:
Ang Wikang Filipino sa Taong 2070
A. Pagbasa YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
56
Iba’t ibang uri ng sanaysay:
1. Pormal
–
tinatawag
ding
impersonal
ang
sanaysay
kung
ito
ay
maimpormasyon – naghahatid o nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Maanyo rin ito kung turingin sapagkat masusi itong pinag-aaralan. Maingat na pinipili ang mga pananalita kaya’t mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinghaga, matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang modo ay seryoso, pang-intelektwall, walang halong pagbibiro. 2. Pamilyar o palagayan – kung ito ay mapang-aliw – nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksaing karaniwan, pang-araw-araw at personal. Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan na maaaring makuha ang empati niya o kasangkutan ng madlang mambabasa. Ang pananalita ay parang pampag-uusap, parang pagtatalamitan lamang ng magkaibigan – ang may-akda ang tagapagsalita at ang mambabasa ang tagapakinig, kaya magaan, madaling maunawaan, nahahaluan pa minsan ng kolokyal. Palakaibigan ang tono kaya pamilyar ang modo dahil ang panauhang ginagamit ay unang panauhan. Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.
B. Wika Sa pagbuo ng sanaysay mahalagang matutuhan ng bawat isa ang iba’t ibang paraan ng pagbuo ng mga pangungusap maging ang mga pangungusap na walang paksa. Mga Pangungusap na Walang Paksa
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
57
1. Mga Pangungusap na Eksistensyal – nagpapahayag ng pagkakaroon ng isa o higit pang tao, bagay, at iba pa. Pinangungunahan ito ng may o mayroon. Halimbawa: Mayroon pa ba? May pagbabago. 2. Mga Pangungusap na Pahanga – nagpapahayag ng damdaming paghanga. Halimbawa: Kaylaki ng bahay! Ang ganda! 3. Mga Maikling Sambitla – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa: Aray! Naku! Diyos ko! 4. Mga Pangungusap na Pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon. Halimbawa: Magtatakipsilim na. Kanina. Ikasampu ng umaga. 5. Mga Pandiwang Pautos – mga salitang nag-uutos. Halimbawa: Lakad. Talon. Takbo. 6. Mga Pormulasyong Panlipunan – mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp., na nakagawian na sa lipunang Pilipino. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
58
Halimbawa: Magandang umaga po. Salamat po. Ipagpaumanhin po.
PAGSASANAY:
A. Basahin ang sumusunod na mga pangungusap at tukuyin ang uri nito ayon sa pangungusap na walang paksa. ______________________ 1. Maraming salamat po. ______________________ 2. May pag-asa pa. ______________________ 3. Dapa. ______________________ 4. Kahapon. ______________________ 5. Uulan yata. ______________________ 6. Sa makalawa. ______________________ 7. Alis. ______________________ 8. Tigil. ______________________ 9. Ha! ______________________ 10. Naku po!
B. Bumuo ng mga pangungusap na walang paksa ayon sa hinihingi sa bawat bilang. Tiyaking ang mga pangungusap na iyong binuo ay hindi pa nagamit bilang halimbawa sa itaas.
1. Pormulasyong Panlipunan a. ___________________________________________________________ b. ___________________________________________________________
2. Pandiwang Pautos a. ___________________________________________________________ b. ___________________________________________________________
3. Maikling Sambitla YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
59
a. ___________________________________________________________ b. ___________________________________________________________
4. Pangungusap na Pahanga a. ___________________________________________________________ b. ___________________________________________________________
5. Pangungusap na Eksistensyal a. ___________________________________________________________ b. ___________________________________________________________
Module 3:
Ang Filipino: Pantsuper at Panlabandera
A. Pagbasa
Kabilang sa limang makrong kasanayan ay ang pagsulat na kung saan ay inaasahang taglayin hindi lamang ng isang manunulat kundi maging ng mga mag-aaral. Hindi lamang laging pasalita ang nililinang dahil mahalaga ring matutuhan kung paano maisasawika ang nararamdaman at naiisip. Sa talakayang ito ay aalamin ang iba’t ibang elemento ng sanaysay.
Elemento ng Sanaysay 1. Paksa – ito ang pinakaunang binibigyang pansin dahil dito nag-uumpisa ang pagkakabuo ng sanaysay. Mahalagang may malawak kang kaalaman sa paksang iyong napili upang mas maging mabisa ang paglalahad mo rito. Tandaan, maaaring ang paksang napili ay malawak ang sakop gaya ng polusyon. Piliin lamang ang tiyak nitong paksa; halimbawa, polusyon sa ingay, upang mas mabigyang-tuon ang paksang nilalayong ilahad. Isaalangalang din ang mambabasa. Kapag bata, kailangang iangkop sa kalikasan ng bata ang paraan ng pagkakasulat, at iba pa. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
60
2. Nilalaman – dito makikita ang kabuuan ng sanaysay. Ang lahat ng ideya, saloobin, mga nasaliksik at iba pa na kung saan ay maaari kang kumuha ng papaksain mula sa nabasang pahayagan, narinig na kwento sa radyo, napanood na balita o palabas sa telebisyon, nasaksihang pangyayari at marami pang iba. 3. Pamagat – maging malikhain sa pagbuo ng pamagat. Kung minsan ang tuwirang pamagat ay hindi na nakaaakit sa mga mambabasa, halimbawa ang paksa ay tungkol sa Bundok Apo, sa halip na pamagatan ito ng “Ang Bundok Apo,” maaari itong gawing mas malikhain kagaya ng “Hiwaga at Gandang Taglay ng Bundok Apo.” 4. Balangkas – mahalaga sa isang sanaysay o anumang pasulat na gawain ang magkaroon muna ng balangkas. Dito malalaman kung alin ang uunahin, isusunod at magiging wakas. Nakasalalay na sa manunulat kung gaano kahaba ang kanyang gagawing balangkas. Gawin itong maayos at malinaw. 5. Panimula – kailangang mabisa ang panimulang pangungusap upang makatawag ito ng pansin sa mga mambabasa. Maraming paraan upang maging malikhain ito. Maaari mo itong umpisahan sa isang nakakatawag pansin na tanong, salawikain o kasabihang akma sa susulatin, analohiya, sipi, at iba pa. 6. Pagwawakas – magkasinghalaga ang wakas at simula dahil sa bahaging ito ay kailangang makapag-iwan ka ng impresyon sa mga mambabasa. Maaaring upang tugunan nila ang iyong mga inilahad, sundin, sumang-ayon o sumalungat, at iba pa. Hindi kinakailangang mahaba at maligoy ang wakas bagkus ito ay maikli subalit mapanghamon. Maaari itong wakasan sa pamamagitan ng isang mapanghamong tanong, mabisang pahayag o sipi at iba pa.
Mahalagang maunawaan ang kabuuan ng sanaysay dahil kapag ito ay iyong susuriin dapat ay tumpak at hindi lihis sa katotohanan ang iyong pagsusuri. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
61
Mainam din na masuri ang isang sanaysay upang matukoy kung gaano kabisa ang nilalaman nito, istilo, wastong paggamit ng salita at iba pa.
B. Wika
Mahalagang pamantayan sa pagwawasto ng sanaysay ang gramatika. Dito matutukoy kung gaano kabihasa ang isang tao sa paggamit ng wika. Maraming salita sa Filipino na nakapagdudulot ng kalituhan sa marami dahil sa akala na maaaring magpalitan ng kahulugan ang mga ito. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Subukin at Subukan
Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.
Halimbawa: Subukin mong gamiti ang iyong lakas upang mapagtagumpayan mo ang larong wrestling.
Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao.
Halimbawa: Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang nakatagong lihim.
2. Operahin at Operahan
Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
Halimbawa: YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
62
Kailan nakatakdang operahin ang iyong mga mata?
Tinutukoy ng operahan ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan.
Halimbawa: Ooperahan na bukas ang dalaga.
3. Pahirin at Pahiran
Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi ng isang bagay. Halimbawa: Pahirin mo ang mumo sa mesa.
Ang pahiran ay nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay.
Halimbawa: Pahiran mo ng mantikilya ang tinapay ko.
4. Pinto at Pintuan
Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.
Halimbawa: Idikit mo sa pinto an gating larawan.
Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto.
Halimbawa: YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
63
Nakatayo na sa pintuan si Miss Di kung kaya’t agad-agad na tumahimik ang mga bata.
5. Hagdan at Hagdanan
Ang hagdan (stairs) ay ang mga baitang na inaakyatan at binababaan sa bahay/gusali.
Ang hagdanan (stairway) ay bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa: May tiglilimang hagdan ang bawat hagdanan sa aming paaralan. 6. Sundin at Sundan
Ang sundin ay nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral.
Halimbawa: Sundin mo ang sinasabi ng iyong guro.
Ang sundan ay nangangahulugang gayahin ang ginagawa o pumunta sa pinuntahan ng iba.
Halimbawa: Sundan mo agad si Derek baka nagtampo na iyon.
7. Bibig at Bunganga
Ang bibig ay ginagamit sa tao.
Halimbawa: Itikom mo ang iyong bibig nang di ka mapagalitan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
64
Ang bunganga ay ginagamit sa hayop o bagay.
Halimbawa: Takpan mo ang bunganga ng banga.
PAGSASANAY: Salungguhitan ang angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang bawat pahayag.
1. (Subukan, Subukin) mong magmahal ulit nang malaman mo na hindi pala ito dapat katakutan. 2. (Pahiran, Pahirin) mo ng lipstick ang iyong labi. 3. Isa lamang ang (hagdan, hagdanan) sa aming bahay. 4. Malaki ang (bibig, bunganga) ng aso kong si Shadow. 5. Marahan mong isara ang (pinto, pintuan). 6. (Sundan, Sundin) mo nga si Jon baka saan na siya napunta. 7. (Subukan, Subukin) mo nga si Matthew kung tunay bang nag-aaral siya. 8. Ang mga mata ni Anna ay (ooperahin, ooperahan) sa susunod na linggo. 9. Itikom ang (bibig, bunganga) nang di mapagalitan. 10. Bukas ay (ooperahin, ooperahan) ang aking paboritong artista.
Module 4:
Ang Pagibinyag ng mga Muslim
A. Pagbasa
Sa pagbuo ng pormal na sanaysay, mahalagang malaman ang elemento o istandard na istruktura ng sanaysay.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
65
1. Thesis – isang katotohanan o opinyon na iyong ipagtatanggol sa iyong binuong papel, kasama na rito ang iyong katwiran at lohikal na pahayag na susuporta sa iyong nauna nang pahayag. Ito ay kailangang maglahad ng paksa at layunin sa iyong papel, at pangalawa, maibigay sa iyong mga mambabasa ang isang roadmap ng iyong mga puntos na magpapaliwanag sa kabuuang papel. 2. Katawan ng Sanaysay – ito ay nagpapaliwanag sa iyong puntos at layunin na inilahad sa thesis statement. Sa pagbuo ng katawan ng sanaysay kinakailangang ito ay maging malinaw at tiyak. Bigyang katwiran din sa bahaging ito ang iyong pangunahing ideya at gumamit ng mga transisyunal na mga pangungusap. 3. Transisyon – nagbibigay ng lohikal na ugnayan sa pagitan ng mga inilahad na ideya. Tandaan na kapag mahusay na nagagamit ang mga bahaging ito, ang iyong sanaysay na bubuuin ay kakikitaan ng isang malawakang ideya na magbibigay sa mga mambabasa ng panibagong pagkakataon sa malawakang pagkatuto.
B. Wika
Isa sa mga karaniwang suliranin ng mga mag-aaral ay ang pag-unawa sa kahulugan ng mga mahihirap na salita na matatagpuan sa alinmang akdang pampanitikan. Higit na nagiging epektibo ang pagbabasa at pagsusulat ng mga mag-aaral kung mayaman ang kanilang talasalitaan. Samakatwid para sa isang nagsasanay ng mabisang pagbasa at pagsulat, isang mahalagang hakbang ang pagpapayaman ng talasalitaan.
Dahil sa katotohanang ang wika ay buhay, sa paglipas ng panahon ay yumayaman at nadaragdagan pa ng mga bagong salita ang iyong talasalitaan upang manatiling mahusay sa pag-unawa sa binabasa at maging sa pagsulat ng sariling komposisyon. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
66
Mga hakbang na maaaring magamit sa pagpapalawak ng talasalitaan:
1. Pag-alam sa kayarian ng salita
Ang mga salitang Filipino ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi sa Filipino ay mga morpemang may kahulugan sa kanilang sarili kapag isinaman sa salitang-ugat. Sa pamamagitan ng paglalapi sa salitang-ugat, nagkakaroon ito ng iba’t ibang kahulugan. May limang uri ng panlapi: unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at laguhan.
2. Pagkilala ng salita ayon sa sitwasyong pinaggagamitan
Isa sa magandang katangian ng wikang Filipino ay ang pagiging sagana nito sa salitang magagamit para sa mga tiyak na sitwasyon.
Halimbawa: Pagdadala ng bagay sa iba’t ibang paraan: dala sa balikat
-
pasan
dala sa bisig
-
pangko
dala sa ilalim ng braso
-
kipkip
Tungkol naman sa lipon ng mga bagay o tao, maaaring gamitin ang sumusunod na mga salita:
kumpol ng rosas
pumpon ng mga bulaklak
pangkat ng mga sundalo
samahan ng kalalakihan
3. Pagbibigay-kahulugan sa matatalinghagang pahayag
Hindi maaaring makuha o maunawaan ang matatalinghagang pahayag sa literal na kahulugan nito.
Halimbawa: YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
67
Hindi ko lubos na maunawaan ang sakit na dulot ng aking kapighatian, ngunit gayon pa man mananatili akong matapang upang sa muling pagdating ng bagyo ay matututuhan ko nang lumaban.
4. Pagpili ng salita sa pangungusap na nagbibigaypahiwatig sa kahulugan ng mahirap na salita
May mga salita sa pangungusap na maaaring nagbibigay-pahiwatig sa kahulugan ng mahirap na salita.
Halimbawa: Itinatag ng paaralan ang isang samahan ng mag-aaral sa kahalagahan ng pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral na hindi Pilipino.
PAGSASANAY:
Tukuyin at bigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang pahayag sa bawat pangungusap. Gamitin ito sa sariling pangungusap.
___________________ 1. Maramig Pilipino ang nagsunog ng kilay upang maabot ang kanilang pangarap. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
___________________ 2. Isang bukas na aklat sa nayon ang aking buhay.
________________________________________________________ ________________________________________________________
___________________ 3. Ang pusod ng dagat ay sinisid niya.
________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
68
________________________________________________________
___________________ 4. Ang ulilang puntod ay muli niyang dinalaw.
________________________________________________________ ________________________________________________________
___________________ 5. Maraming balikat ang nagpasan para maitayo ang gusaling iyan.
________________________________________________________ ________________________________________________________
Module 5:
Ang Tatlong Mukha ng Kasamaan
A. Pagbasa
Ilan pang elemento ng sanaysay na dapat tingnan: 1. Konklusyon – ay isang bahagi ng sanaysay na may dalawang layunin na nasi ilahad: a. Nagbibigay-buod nang hindi kinakailangang ulitin ang kabuuang isinulat ng may-akda. b. Nagbibigay sa mga mambabasa ng isang pangwakas na kaisipan na magbibigay sa kanila ng pagkakataon para sa malawakang pag-unawa kung ano ang nais mong ipagawa, isipin at ipaunawa ngayong nabasa na nila ang kabuuang sanaysay.
2. Tamang Diksyon at Tono ng Sanaysay a. Ang iyong isinulat ay para sa iyong tagapakinig at sila ay ang iyong mga kaklase o guro. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
69
b. Nakikipag-usap ka sa mga tagapakinig na ito sa isang propesyunal na pakikipag-usap. Isipin na ikaw ay nakasuot ng isang pormal na kasuotan at nakikipag-usap sa iyong tagapakinig na ang layunin ay makinig at matuto sa bagong ideyang iyong inilahad. c. Ang iyong tagapakinig ay may kakaunti nang kaalaman kung kaya layunin mo ngayong palawakin ito. d. Hingi ka gagamit ng mga impormal o slang na mga salita. e. Ang iyong tuon ay nasa katotohanan at ideya at hindi sa pagpapatawa at iba pa.
B. Wika
Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan o pasubalian.
1. Masusi ito dahil bawat detalye, datos, pahayag at katwiran ay inuusisa, nililinaw at pinag-aaralang mabuti bago gumawa ng mga konklusyon. 2. Pagsisiyasat ito dahil anumang palagay, ideya o haka-haka ay hinahanapan ng katibayan para ito ay mapatunayan. 3. Pag-aaral ito dahil ang mga bunga ng pagsisiyasat ay tinitimbang, tinataya at sinusuri. 4. Nagbibigay-linaw ito sa mga ideyang maaaring alam ng marami pero nangangailangan ng dagdag na impormasyon at paliwanag. 5. Nagpapatunay ito sa mga nosyon, palagay, haka-haka at paniniwala. 6. Nagpapasubali ito sa mga dati nang pinaniniwalan pero inaakalang may mali, hindi totoo o hindi dapat paniwalaan.
Katangian ng Pananaliksik
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
70
1. Obhektibo. Ang mga datos ay kinuha sa mga di-kumikiling o di-kinikilingang mga datos. Ang mga interpretasyon ay batay sa paghahanay, pagtataya at pagsusuri ng mga datos na ito. 2. Marami at iba’t iba ang mga ginagamit na datos. Lahat ng posibleng pagkunan, maging ito ay nakasulat sa wikang banyaga o kaya’y nasa ibang bansa ang mga datos na magagamit sa pananaliksik. Ang anumang problema kaugnay ng pinansyal, distansya at lenggwahe ay limitasyong dapat harapin ng mga mananaliksik. 3. May mga pamamaraan o angkop na metodolohiya na tutulong sa ikahuhusay ng pananaliksik. 4. Masusi o kritikal sa paggamit ng mga datos at sa pagtitimbang-timbang sa mga ideya. 5. Dokumentado sa mga materyales na ginagamit bilang pagkilala sa gawain ng iba at mga datos na nakuha.
Layunin ng Pananaliksik
1. Tumuklas ng bagong mga datos at impormasyon.
2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
3. Magbigay-linaw sa pinagtatalunang isyu.
4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o ipinapalagay na totoo o makatotohanang ideya.
5. Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya, interpretasyon, paniniwala, palagay o pahayag.
6. Magbigay ng historical na perspektibo sa isang senaryo.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
71
Module 6:
Sa Mundo ng mga Bata
A. Pagbasa
Pagsusri sa Pokus, Nilalaman at Organisasyon
Tunay na ang pagsusuri sa isang akda ay napakahalaga dahil dito matutukoy kung mabisa nga ba ang naisulat I hindi. Karapat-dapat bang tangkilikin ng mambabasa o hindi. Sa pagsusuri ng isang sanaysay ay may tatlong mahahalagang dapat isaalang-alang. Ito ay ang pokus, nilalaman at organisasyon. Narito ang mga katanungang dapat masagot sa pagsusuri.
Pokus
1. Ano ang aking inaasahang makamit sa sanaysay na ito? 2. Angkop ba ang aking sanaysay? 3. Sinubok ko bang gawing malawak ang aking sanaysay? O ito ay limitado lamang? 4. Isinaalang-alang ba nito ang pangangailangan, interes at inaasahan ng aking mga mambabasa? Paano nito tinugunan ang mga mambabasa?
Nilalaman
1. Sa paanong paraan hinubog o sinuportahan ng aking sanaysay ang aking layunin? 2. Anong mga suportang detalye o katibayan ang aking ibinigay para sa aking pagbubuod? Ang mga detalye o katibayang ito ba ay angkop? May kaugnayan ba an mga ito sa aking layunin? 3. Anu-anong detalye, katibayan o pangangatwiran ang maaaring kalakasan ng aking sanaysay? 4. May naisali ba akong mga impormasyon na walang kaugnayan sa aking layunin? YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
72
Organisasyon
1. Anong kabuuang istratehiya ang sinunod ng aking sanaysay? 2. Sinubok ko ba ang pagiging mabisa ng istratehiyang ito sa pamamagitan ng paggawa ng balangkas o pagbubuod nito? 3. Hanggang saan umaayon ang organisasyon ng aking sanaysay sa layunin ko sa pagsulat nito? 4. Ang organisasyon ko ba ay malinaw na nasundan ng aking mambabasa? 5. Mabisa ba ang simula at wakas ng aking sanaysay?
Matapos masagot ang mga katanungang nabanggit ay isaalang-alang din ang mga sumusunod: gramatika, baybay, pagpili ng salita, pagbuo ng pangungusap at iba pa.
B. Wika
Mula sa Bernales, et al (2008) may anim na itinalang karaniwang pamamaraan ng eksposisyon. 1. Pagbibigay-depinisyon – karaniwang pamamaraan ang pagbibigay ng depinisyon sa kadahilanang ang pamamaraang ito ang siyang karaniwang ginagamit sa mga batayang aklat at iba pang ginagamit sa pagkatuto. Subalit hindi lamang ibinibigay ang kahulugan ng salita kundi inuuri rin ang salita kung maraming kasingkahulugan at kung ano ang ipinagkaiba nito. 2. Pag-iisa-isa – o tinatawag ding enumerasyon ay ang pagtatalakay sa pangunahing paksa kasunod at ang pagbanggit nang isa-isa ng mga kaugnay at mahahalagang kaisipan. Ito ay maaaring sa simpleng pamamaraan kung saan ang mga kaugnay na kaisipan ay mga salita lamang. Maaari rin namang patalata ang pagbanggit ng mga kaugnay na kaisipan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
73
3. Pagsusunud-sunod o Order – ito ay ang maayos na pagkakalahad ng mga kaisipan ng manunulat mula sa simula hanggang sa wakas upang maiwasan ang kalituhan sa mga mambabasa. Ito ay maaaring procedural na may tiyak na hakbang na susundin upang maisagawa ang isang bagay. Samantalang sequential naman ay ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari; karaniwan itong ginagamit sa mga kwento o akdang naratibo. Kronolohikal naman kapag isinasaayos ito batay sa tiyak na baryabol tulad ng edad, distansya, halaga, lokasyon, dami at iba pa.
4. Paghahambing at Pagkokontrast – animo’y kambal ang dalawang ito dahil kong may paghahambing na ginawa tiyak na may pagkokontrast na mangyayari sa dalawa o higit pang bagay. Sa pamamagitan nito ay makikita ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga katangian ng mga bagay, ideya, ang kalakasan at kahinaan nito na higit na nakakatulong sa pag-unawa ng paksang nais ilahad.
5. Problema o Solusyon – ang mga problema sa ating paligid ay mga hadlang/balakid na sinisikap nating mabigyan ng tugon o lunas. Sa pamamagitan nito ay magiging mabisa ang eksposisyon kung ang mga suliraning inilahad ay mabibigyan din ng solusyon.
6. Sanhi at Bunga – ang sanhi ay ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga. Samantalang ang bunga naman ay ang resulta, kinahinatnan o kinalabasan ng pangyayari.
Uri ng Eksposisyon 1. Sanaysay – ito ay pagpapahayag ng manunulat ng kanyang nararamdaman, paniniwala, paninindigan, karanasan at iba pa na kung saan ay maaaring ituring na pormal o di-pormal. Halimbawa ito ng eksposisyon dahil ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
74
2. Paglalahad ng Proseso – kahit sa loob ng silid-aralan ay ginagawa ang proseso, mula sa paghahanda ng guro ng banghay-aralin hanggang sa pagsasagawa mismo nito. Maging ang pagbibigay ng guro ng mga panuto sa pagsusulit ay isa ring proseso. Mahalagang matutuhan ang mga paglalahad ng proseso upang higit na maunawaan ang gagawin. May mga bagay na kailangang ipaliwanag upang lubos itong mapakinabangan. Iba pang halimbawa ay ang pagsunod sa mga resipi, panuto kung paano gamitin ang isang ipod at iba pa.
3. Suring-basa o Rebyu – mahalaga ang dalawang ito dahil sa sobrang dami ng mga aklat na nailathala sa iba’t ibang paksa at mga pelikulang ipinalalabas sa iba’t ibang genre. Nakatutulong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng ideya o impormasyon sa mga mambabasa o manonood kung dapat bang tangkilikin ang aklat o pelikula. Hindi lamang dahil maganda o pangit ito subalit dahil sa kahinaan at kalasakan nitong taglay. Kailangang taglay ng isang kritiko ang mga katangang dapat taglayin kapag isinasagawa ang pagsusuri gaya ng pagiging patas, obhektibo, maingat sa pagbusisi, at iba pa.
4. Editoryal – ito ay uri ng eksposisyon na naglalayong ipahayag ang pananaw hinggil sa isnag paksang napapanahon gaya ng isyung pulitikal, sosyal, ispiritwal, kultural at iba pang sa isang pahayagan. Kailangang ang manunulat ay maingat sa kanyang paglalahad nang hindi siya malagay sa alanganin, maingat at malinaw sa mga salitang pipiliin subalit ang hangaring maglahad ng isang isyu ay nandoon pa rin.
5. Balita o Ulat – karaniwang uri ito ng eksposisyon dahil ito ay nagbibigay ng impormasyon sa madla ng mga pangyayaring kagaganap pa lamang. Tiyak at malinaw na mga detalye ang inihahatid sa mga tagapanood, tagapakinig at mambabasa.
PAGSASANAY: YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
75
Magsaliksik sa internet ng halimbawa ng bawat isang uri ng Eksposisyon.
1.
2.
3.
4.
5.
FOURTH QUARTER
Aralin 1:
Konseptong Papel
Ang mga manunulat ng alinmang akdang pampanitikan ay gumagawa ng isang plano kung paano ilalahad ang kabuuan ng ideyang mula sa isang framework ng paksang tatalakayin. Ito ang tinatawg na konseptong papel. Ang framework ang YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
76
pinakaistruktura at pinakabuod ng isang ideya na tumatalakay sa ibig patunayan, linawin at tukuyin. 1. Rasyunal – Ipinahahayag nito ang kasaysayan o pinagmulan ng ideya at dahilan kung bakit napili ang partikular na paksa. Tinutukoy din nito ang kahalagahan at kabuluhan ng natuang paksa. 2. Layunin – Tinutukoy nito ang pakay o gusting matamo sa pananaliksik ng napiling
paksa.
Ang
layunin
ay
maaaring
pangkalahatan
o
tiyak.
Pangkalahatan, kung ipinahahayag nito ang kabuuang layon, gustong gawin, mangyari o matamo sa pananaliksik. Tiyak, kung ipinahahayag nito ang mga tiyakang pakay sa pananaliksik ng paksa.
3. Metodolohiya – Tinutukoy rito ang pamamaraang gagamitin sa pagkuha ng mga datos at pagsusuri sa piniling paksa ng pananaliksik. Ilan sa mga pamamaraang maaaring gamitin dito ay ang sarbey, mga talatanungan, case study, obserbasyon at iba pa.
4. Inaasahang Output – Ito ang magiging resulta ng pananaliksik. Ipinahahayag nito ang konkretong bunga ng ginawang pag-aaral. Maaaring banggitin dito ang bilang ng pahinang mabubuo ng pananaliksik, kung ito ay makinilyado, kompyuterisado, minimyograp o ipinalimbag. Maaaring banggitin dito ang mga idinagdag na bahagi.
PAGSASANAY:
Ang bawat titik ay may katumbas na bahaging konseptong papel. Iayos ang mga ito ayon sa format ng konseptong papel (rasyunal, layunin, metodolohiya, inaasahang output). Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. A. Kukuha ng tala sa mga aklat B. Lilinawin ang isyu tungkol sa pagkawala ng tubig sa Maynila YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
77
C. Manuskrito ng kalalabasan D. Maraming pag-uusap hinggil sa pagkawala ng tubig
a) A B C D
b) B C D A
c) C B A D
d) B C A D
2. A. Hihingan ng ilang paliwanag ang punungguro. B. Malaking krisis ang patuloy na pagtaas ng bilang ng nakawan. C. Susubuking lutasin ang suliraning kinakaharap sa paaralan. D. Pagkakaroon ng CCTV sa iba’t ibang bahagi ng paaralan.
a) A B C D
b) B C D A
c) C B A D
d) B C A D
3. A. Kinukwestiyon sa mga dyaryo ang pagiging pangulo ni GMA. B. Titiyakin ang katapatan ni GMA sa kanyang panunungkulan sa pamamagitan ng imbestigasyon. C. Maghahanap ng mga dokumento na magpapatunay sa aligasyon. D. Ipaaalam sa lahat ang bunga ng imbestigasyon.
a) A B D C
b) B C A D
c) C B A D
d) A B C D
4. A. Nagkakainteres ang mga kabataan sa pangangalaga ng kalikasan. B. Lilinawin kung paano matutulungan ang kalikasan. C. Isasama ang Apendiks. D. Magsaliksik hinggil sa kalikasan.
a) A B D C
b) B C A D
d) C B A D
d) B C A D
5. A. Magtatanong sa mga doktor. B. Aalamin ang dahilan ng paglaganap ng malaria at dengue sa bansa. C. Magiging obserbasyon na maraming namamatay sa dengue at malaria sa bansa. D. Bubuo ng patalastas hinggil dito. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
78
a) A B C D
Aralin 2:
b) B C A D
c) C B A D
d) B C A D
Ang Paksa
Ang paksa ay ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Nasa paksa ang pokus ng sinasabi sa loob ng pangungusap. Tinatawag na paksa ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap.
1. Ang paksa ay maaaring pangngalang gumaganap ng kilos ng pangungusap. Halimbawa: Sumulat si Rizal ng dalawang dakilang nobela.
2. Maaarng ang paksa ay layon ng kilos na isinasaad sa pandiwa. Halimbawa: Sinulat ni Rizal ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” sa ibang bansa.
3. Maaari ring ang paksa ay lugar o pook na pinaggaganapan ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: Pinagbilangguan kay Rizal ang Fort Santiago.
Uri ng Paksa
1. Paksang Pangngalan Halimbawa: Nag-aral si Rizal sa Europa.
2. Paksang Panghalip Halimbawa: Mananagot tayo sa batas. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
79
3. Paksang Pang-uri Halimbawa: Natatangi ang mga dakila.
4. Paksang Pandiwa Halimbawa: Ang nagtatanim ay aking ama. PAGSASANAY:
Tukuyin kung anong uri ng paksa ang nasa bawat pangungusap.
______________________ 1. Ang dalawang magaganda ay nag-uunahan sa pagsungkit ng korona.
______________________ 2. Ginapas ni Aling Joy ang palaya ayon sa napagkasunduan. ______________________ 3. Sila ay nag-aaral na maging artista. ______________________ 4. Ang nagluluto ng mais ay pinagpapawisan. ______________________ 5. Niluto namin ang karneng dala ni Lola Silay. ______________________ 6. Ang bitak-bitak ay dinaanan namin sa bukirin. ______________________ 7. Nakita ko ang pitaka ni Cloyd sa ilalim ng mesa. ______________________ 8. Palaging napapagalitan ang galawgaw sa klase. ______________________ 9. Ang mayaabang ay kinaiinisan ng lahat. ______________________ 10. Nahuli ang kumakain sa loob ng klase kaya pinalabas ng guro.
Aralin 3:
Ang Panaguri
Sa pagbuo ng mga pangungusap na siyang ginagamit sa pagbuo ng teksto, mahalagang maunawaan ng bawat isa ang iba’t ibang urn g panaguri upang higit na YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
80
mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagbuo ng mga pangungusap. Narito ang iba’t ibang uri ng panaguri.
Panaguri ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Sinasabing ito ay nagsasabi tungkol sa simuno.
Halimbawa: Malakas kumain ang aking alagang baboy.
Mga Uri ng Panaguri
1. Panaguring Pangngalan Halimbawa: Luntiang dahon ang sumasalubong sa aming pagdating.
2. Panaguring Panghalip Halimbawa: Siya ang hinirang na lakambini ng paaralan.
3. Panaguring Pang-uri Halimbawa: Masarap ang buhay sa Davao.
4. Panaguring Pandiwa Halimbawa: Naglalaba siya sa ilog.
5. Panaguring Pang-abay Halimbawa: Bukas ang alis niya papuntang Saudi.
PAGSASANAY: Salungguhitan ang payak na panaguri at tukuyin kung anong uri ito.
_____________________ 1. Naglilinis ang mga bata sa kanilang silid-aralan bilang paghahanda sa paparating na bisita. _____________________ 2. Malinamnam ang manggang hinog. _____________________ 3. Kami ang pag-asa ng bayan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
81
_____________________ 4. Tungkol sa kalayaan ang naging paksa ng kanilang pagtatalo. _____________________ 5. Siya ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa.� _____________________ 6. Gumising siya nang maaga kanina upang hindi mahuli sa klase. _____________________ 7. Si Mang Jose ang kasama ko sa gagawing proyekto. _____________________ 8. Nagsusungit ang kalangitan nang kami ay dumating sa kanilang tahanan. _____________________ 9. Tayo ang magsisilibing tanglaw sa pagbabago. _____________________ 10. Sa makalawa gaganapin ang pagpupulong.
Aralin 4:
Ang Hinuha
Mahalagang matutuhan na gamitin ang wastong pagbibigay ng haka-haka o mas kilala sa gramatika bilang hinuha upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan.
Hinuha ang tawag sa nabubuong kuru-kuro at palagay sa isip ng sinuman tungkol sa anumang bagay. Ito ay nagpapahayag ng hinala, palagay o kuru-kuro, opinyon, saloobin ng isang tao hinggil sa isang bagay. Ang hinuha ay maaaring mangyari o hindi dahil wala pa itong katiyakan na magaganap. Maaaring ito ay ayon sa iyong paligid, layon ng may-akda, pakay o motibo, kaaalaman na maaari mong nakuha dahil sa pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, pagbabasa ng aklat at pahayagan o kaya ay pakikipag-usap sa ibang tao. Ito’y wala pang katiyakan dahil ito ay sariling akala o opiyon lamang.
Sa pagpapahayag ng hinuha, madalas gamitin ang mga salitang wari, marahil, siguro, sa palagay ko, sa tingin ko, at may hinala ako.
PAGSASANAY: YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
82
Magbigay ng hinuha hinggil sa sumusunod na mga sitwasyon.
1. Hiwalayan ng mag-asawa ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. Pagpapauwi sa mga kababayang OFW ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3. Diskriminasyon ng mga lahing puti sa iba pang lahi ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 4. Pagkagumon ng mga kabataan sa droga ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 5. Pagsasalitan ng Finglish o halu-halong Ingles-Filipino ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 6. Dumaraming batang-kalye sa lansangan ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 7. Pagdayo ng mga turista sa Davao ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 8. Pagkahalal ni PNOY bilang pangulo n gating bansa ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 9. Mabilis na pagbaha sa Metro Manila ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 10. Unti-unting pagkawala ng mga hayop sa kagubatan ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
83
Aralin 5:
Ang Term Paper
Makabuluhan ang pagsulat ng term paper kung wasto at mahusay ang pagkakabuo nito. Kailangang maglaman ito ng mga impormasyong makatutulong sa isang mananaliksik sa pagtuklas ng katotohanan at mga bagong kaalaman tungkol sa paksa.
Bagamat ang term paper ay kabuuang ulat ng mga impormasyong nakuha sa iba’t ibang sanggunian, ang mag talang ito ay kailangan ding buuin sa isang paraang magkakaroon ng kakanyahan ang susulat nito. Ang papel na mabubuo ay di lamang isang koleksyon ng pinagdugtung-dugtong na mga kaisipan kundi isang kumpletong manuskritong may katangiang pagka-orihinal ang gumawa nito.
Narito ang mga halimbawang disenyo sa pagsulat ng pamanahong papel. Pansinin ang balangkas at mga elemento nito.
I.
Pamagat
II.
Suliranin
III.
Panimula
IV.
Mga Layunin
V.
Kahalagahan ng Paksa
VI.
Paraan ng Pananaliksik
VII.
Katuturan ng mga Salita
VIII.
Paglalahad ng Paksa
IX.
Kongklusyon
X.
Pagbibigay ng kuru-kuro at mungkahi
XI.
Talasanggunian
Aralin 6:
Ang Bibliograpiya
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
84
Galing sa Griyego ang salitang bibliographia na nangangahulugang “pagsusulat ng mga aklat.” Nagsimula ang bibliograpiya sa mga batong sulatan ng Nineveh na naglalaman ng mga aklat sa buong Assyria at Alexandria (Gresya). Iba’t ibang Anyo ng ng mga Kard ng Bibliograpiya
1. Isang Awtor
Gapas, Flor P. Likas na kayumanggi III. Parañaque City: Book Wise Publishing House, Inc., 2001
2. May Dalawang Awtor Animoza, Imelda V. et al. Pintig III. Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc., 2004
3. Labis sa Tatlong Awtor Cruz, Digie R. et al. Noli Me Tangere Valenzuela City: JO –ES Publishing House, Inc., 2010
4. Isang Programa sa TV o Radyo Umagang Kay Ganda Channel 2, ABS-CBN Network, Hulyo 27, 2010
5. Isang Napanood na Dula sa Entablado Guiao, Eva C. Direktor YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
85
Noli Me Tangere. Quezon City. Tanghalang Obra, 2003.
6. Isang Artikulo sa Magasin Reyes, Emma A. “Pagbibigay-Kapangyarihan sa mga Kababaihan” Ang Silahis. Marso, 2003: Vol. 25. No. 10. pp. 8-10.
7. Isang Pamplet Komisyon ng Wikang Filipino Ang Filipino sa Ilali ng RESC. Maynila. 2001
PAGSASANAY: Iayos ang mga impormasyon upang makabuo ng bibliograpiya.
1. Balita Hunyo 7, 2009 p. 19 de Guzman, Milagros T. “Feng Shui at ang Pilipino” 2. Eutiquio, Ricardo G. 2006 Quezon City Akda III Link Publishing House, Inc. 3. M.A. Ateneo de Davao University Tesis Royo, Jean L. 2010 YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
86
“Mga Saloobin at Sliranin ng mga Mag-aaral sa Ateneo de Davao High School sa Pagkatuto ng Filipino” 4. Matuba, Marilyn S. Beda Publications 1989 Bulacan “Mga Tula ni Rio Alma” ed. 5. Usbong IV Wika at Panitikan Corazon G. Magbaleta at Aurora S. Cordero Valenzuela City 2002 JO-ES Publishing House, Inc.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
87