FILIPINO 4

Page 1

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

1


FIRST QUARTER:

Aralin 1:

Salita at Pangungusap

Pagbuo ng Salita

A. Ang Patinig at Katinig

Ang mga salita ay binubuo ng mga titik. Ang mga titik na ito ay kinabibilangan ng mga patinig at katinig. Bawat titik ay may sariling tunog. Ang maling pagbigkas sa mga tunog ay nagpapabago ng kahulugan ng salita. Gaya ng pangalan ng tao na kapag nagkamali ng paraan ng pagbigkas ay magkakamali ng taong tinutukoy.

Sa pagbubuo ng salita, ang mga patinig ay mahalaga. Ang patinig ay maaaring isang pantig ng isang salita o kaya ay kasama ng mga katinig. Pansinin ang mga halimbawa.

Salita

Pagpapantig

asawa

a – sa – wa

elepante

e – le – pan – te

inihaw

i – ni – haw

okoy

o – koy

usapan

u – sa – pan

B. Paggamit ng Malaking Titik

Ang malaking titik ay ginagamit sa mga ngalang pantangi, magagalang na katawagan, pagdiriwang, at simula ng pangungusap. Ang maliit na titik naman ay gnagamit sa pagsulat ng mga ngalang pambalana. Pansinin ang mga halimbawa sa ibaba.

Jocelyn, Micky

(ngalang pantangi ng tao)

Flores de Mayo, Bagong Taon

(pagdiriwang)

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

2


Pangulo, Senador

(magagalang na katawagan)

Lumalaki ang puno.

(simula ng pangungusap)

C. Pagbuo at Pagbibigay-kahulugan sa mga Tambalang Salita

Isa sa paraan ng pagpapayaman ng talasalitaan ay ang pagtatambal o pagsasama ng dalawang salita. Kapag pinagsama ang dalawang salita, nagkakaroon ng literal at matalinghagang kahulugan. Pag-aralan ang mga halimbawa sa ibaba.

Literal na Kahulugan

bahay-kubo

- bahay na yari sa kawayan at nipa

silid-aralan

- silid kung saan isinasagawa ang pag-aaral sa paaralan

silid-aklatan

- silid para sa mga aklat at dito isinasagawa ang pagbabasa at pananaliksik

Matalinghagang Kahulugan

basag-ulo

- mahilig sa gulo o away

taingang-kawali

- nagbibingi-bingihan

balat-sibuyas

- taong maramdamin o madaling masaktan

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

3


Aralin 2:

Ang Pangungusap

Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa.

A. Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit

Ang mga uri ng pangungusap ay ginagamit upang makapagpahayag ng iniisip at nararamdaman. Nag-iiba-iba ito ayon sa layunin ng pagpapahayag. Sa pagsulat ng mga ito, huwag kalimutang ilagay ang angkop na bantas upang malinaw na maipakita ang tunay na layunin ng pahayag. 1. Pasalaysay – Ito ay pangungusap na naglalahad o nagkukuwento. Tinatawag din itong paturol. Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.).

Halimbawa:

Tinutulungan ni Alma ang kanyang ina sa paglalaba.

2. Patanong – Ito ay pangungusap na nagtatanong. Ang bantas na ginagamit dito ay tandang pananong (?).

Halimbawa:

Paano mo tinutulungan ang iyong kapwa?

3. Pautos o pakiusap – Ito ay pangungusap na nag-uutos o nakikiusap. Nagtatapos din ito sa bantas na tuldok (.).

Halimbawa:

Pautos:

Alalayan mo ang matanda sa kanyang pagtawid sa kalsada.

Pakiusap:

Pakitulungan mo naman ako sa aking ginagawa.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

4


4. Padamdam – Ito ay pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamit ang tandang padamdam (!) sa pagtatapos ng pangungusap.

Halimbawa:

Ipagbunyi ang kabutihang nagagawa ng mga bata!

B. Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian

Ang pangungusap ay naghahayag ng kaisipan. Nagsisimula ang pagbubuo nito sa isang payak na anyo. Gayunman, maaari itong palawakin sa pamamagitan ng pagtatambal ng dalawang payak na pangungusap o kaya ay sa pamamagitan ng isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di – makapag-iisa.

Ang mga sumusunod ay ang pagkakaiba ng mga pangungusap ayon sa pagkakabuo o kayarian. 1. Payak – Ang pangungusap ay tinatawag na payak kapag nagpapahayag ito ng isang kaisipan.

Halimbawa:

Pumunta ang mga bata sa paaralan.

Pansinin na isang kaisipan lamang ang ipinahahayag ng pangungusap at ito ay pagpunta ng mga bata sa paaralan. 2. Tambalan – Ang pangungusap ay tinatawag na tambalan kapag ito ay may dalawa o higit pang kaisipang ipinahahayag.

Halimbawa:

Si Mila ay sumasang-ayon sa sinabi ko at si Sylvia naman ay sumasalungat.

Ibibigay ko sa iyo ito ngunit huwag mo itong sisirain.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

5


Pansinin na dalawang kaisipan ang pinagtambal sa pangungusap na ito. Ang unang pahayag ay ang pagsang-ayon ni Mila at ang ikalawa naman ay ang pagsalungat ni Sylvia. 3. Hugnayan – Ang pangungusap ay tinatawag na hugnayan kapag ito ay binubuo ng sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na dimakapag-iisa.

Halimbawa:

Umuwi kaagad ng bahaya si Luis dahil may sakit siya.

Papasyal kami sa Bukidnon kung iimbitahan mo kami.

Pansinin na ang pahayag na may salungguhit ay ang sugnay na makapagiisa, samantalang ang nakapahilis ay ang sugnay na di-makapag-iisa. Ang mga pang-ugnay ay ginagamit upang pagsamahin sa isang pangungusap ang isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa.

C. Mga Sugnay sa Pagbuo ng Tambalan at Hugnayang Pangungusap

Mahalaga ang sugnay sa pagbuo ng tambalan at hugnayang pangungusap.

Ang sugnay ay maaaring sugnay na makapag-iisa kapag buo ang diwa at sugnay na di-makapag-iisa kapag hindi buo ang diwa.

Ang sugnay ay pangkat ng mga salita na nagpapahayag ng isang kaisipan. Nakapag-iisa ito kung may buong diwa at di-nakapag-iisa kung walang buong diwang ipinahahayag at kadalasang pinangungunahan ng pangatnig na datapwat, bagamat, habang, samantala, ngunit, at kung.

Halimbawa ng sugnay na makapag-iisa: Naglinis ako. Mag-aaral kami bukas. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

6


Pupunta sila mamaya.

Halimbawa ng sugnay na di-makapag-iisa: habang siya ay naglalaro samantalang naglalakad bagamat nagtiis

Maaaring mabuo ang tambalang pangungusap sa pamamagitan ng pagsasama ng mga sugnay na parehong makapag-iisa. Pansinin ang mga pangungusap sa ibaba.

Ako ay sumasayaw at siya ay kumakanta. Naghuhugas ng plato si Melba habang nagpupunas ng mesa si Nora.

Maaari namang makabuo ng hugnayang pangungusap sa pagsasama ng sugnay na makapag iisa at sugnay na di makapag-iisa. Pansinin ang mga pangungusap sa ibaba.

Nangayayat si Celso dahil sa matinding karamdaman. Nagsisikap sa pag-aaral si Nelia sapagkat nais niyang pumasa.

PAGSASANAY:

A. Pantigin ang sumusunod na mga salita.

1. aralin

=

2. elesi

=

3. ilawan

=

4. orasan

=

5. unan

=

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

7


B. Isulat sa patlang kung ang kahulugan ng tambalang salita ay literal o matalinghaga. 1. pamatay-sunog

=

2. murang-isipan

=

3. silid-tulugan

=

4. nagdadalawang-isip

=

5. bukas-palad

=

C. Isulat sa patlang kung pasalaysay, pautos, patanong o padamdam ang bawat pangungusap. Isulat sa loob ng panaklong ang tamang bantas para sa bawat isa. __________ 1. Naku! Umuulan na naman ( ) __________ 2. Kunin mo sa kwarto ang gunting ( ) __________ 3. Kanino mo inabot ang pera ( ) __________ 4. Nagpunta ang mga bata sa dalampasigan ( ) __________ 5. Napakaganda talaga ng bulaklak na ito ( )

D. Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay isang payak, tambalan, o hugnayan. __________ 1. Mapanganib ang lugar na iyon dahil maraming bata na ang nawala roon. __________ 2. Kumulimlim ang langit at lumakas ang ihip ng hangin. __________ 3. Umaalulong ang mga aso habang papunta ang mga bata sa gubat. __________ 4. Bawal pumasok sa lugar na ito. __________ 5. Huwag mong pitasin ang mga bulaklak sa hardin.

E. Isulat sa patlang kung tambalan o hugnayan ang pangungusap. __________ 1. Nagtatanim si Marlene habang nagwawalis si Mico. __________ 2. Magbabakasyon ako sa inyong lugar kung isasama mo ako. __________ 3. Mamimitas si nanay ng bulaklak at tutulong ako. __________ 4. Masaya si Rod bagamat naghihirap siya sa buhay. __________ 5. Masaya silang nagkukuwentuhan nang biglang umulan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

8


Aralin 3:

Mga Diptonggo at mga Klaster

Ang diptonggo ay alin mang patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y. Ang mga diptonggo sa Filipino ay: aw, iw, ay, at oy. Pag-aralan ang talahanayan sa ibaba. /aw/

/iw/

/ay/

/oy/

sabaw

giliw

bahay

saboy

langaw

saliw

sakay

daloy

uhaw

baliw

gulay

kahoy

galaw

sisiw

tulay

tuloy

dilaw

aliw

suklay

simoy

kalabaw

paksiw

humpay

panaghoy

matakaw

magiliw

hukay

langoy

halimaw

maagiw

salakay

palaboy

nalusaw

nagbitiw

karamay

taghoy

ibabaw

naaliw

palay

Pinoy

Ang kambal-katinig o klaster ay dalawang magkasunod na katinig sa isang pantig. Tingnan ang talahanayan sa ibaba.

klase

=

magkasunod ang mga katinig na /k/ at /l/

prito

=

magkasunod ang mga katinig na /p/ at /r/

trapo

=

magkasunod ang mga katinig na /t/ at /r/

plantsa

=

magkasunod ang mga katinig na /p/ at /l/

doble

=

magkasunod ang mga katinig na /b/ at /l/

PAGSASANAY: A. Pantigin ang mga salita. Lagyan ng kahon ang pantig na may klaster. Guhitan ang pantig na may diptonggo.

1. klima 2. bayaw YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

9


3. salakay 4. agiw 5. premyo 6. traysikel 7. kumunoy 8. kalabaw 9. plasa 10. entablado

B. Tukuyin kung ang salita ay may diptonggo o may klaster. Isulat ang D kung may diptonggo at K kung may klaster.

_____ 1. sigaw _____ 2. traydor _____ 3. sentro _____ 4. bitiw _____ 5. pakay _____ 6. tuloy _____ 7. bangaw _____ 8. sampay _____ 9. grabe _____ 10. trak

Aralin 4:

Ang mga Pares Minimal na Salita at mga Ponemang Suprasegmental

Ang mga salitang halos magkatulad ang bigkas ay tinatawag na pares minimal. Nagkakaroon lamang ito ng pagkakaiba sa isang tunog o letrang nasa magkatulad na kaligiran o posisyon na nagpapaiba sa kahulugan ng salita.

Basahin ang mga salitang ito batay sa kanilang kahulugan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

10


Halimbawa ng mga pares minimal na salita:

mesa

=

kagamitan sa silid-kainan

misa

=

seremonyang ginagawa sa simbahan

puso

=

ang bahagi ng katawan na tumitibok at nagdadala ng dugo

poso

=

igiban ng tubig

iwan

=

hindi isasama

ewan

=

hindi alam

uso

=

napapanahon

oso

=

isang uri ng hayop

Nagkakaroon din ng ibang kahulugan ang salita batay sa tono, diin at antala ng pagkakabigkas. Ang tono, diin at antala ay tinatawag na ponemang suprasegmental. Tono

-

tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tunog sa pagsasalita

Diin

-

tumutukoy sa lakas ng pagkakabigkas ng pantig ng salitang binibigkas

Antala

-

tumutukoy ito sa sagllit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.

PAGSASANAY:

Isulat sa patlang ang PM kung ang magkaparehang salita ay pares minimal. Kung hindi pares minimal, isulat ang HPM. 1. pala – bala

=

___________________

2. mata – lata

=

___________________

3. kulang – gulang

=

___________________

4. gulay – kulay

=

___________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

11


5. sila – pila

=

___________________

6. lasa – laso

=

___________________

7. lagas – lakas

=

___________________

8. upo – opo

=

___________________

9. malay – walay

=

___________________

10. bula – pula

=

___________________

Aralin 5:

Mga Bahagi ng Pangungusap

Simuno

Ito ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap. Ang mga pantukoy sa ang, ang mga, si at sina ay ginagamit bilang pananda ng simuno.

Halimbawa: Si Grace ay mahusay na manggagamot. Ang simbahan ay pinapaganda. Sina Rosario, Linda, at Lito ay matatalik na magkakaibigan. Ang mga magsasaka ay masasayang nagtatanim.

Ang simuno ay maaaring payak o buo. Payak ang simuno kug ang pinaguusapan ay isang pangngalan o panghalip lamang. Samantala, buo naman ang simuno kung may kasama itong ibang salita.

Payak na simuno:

Ang masipag na mag-aaral ay kinagigiliwan ng kanyang guro.

Buong simuno:

Ang masipag na mag-aaral ay kinagigiliwan ng kanyang guro.

Panaguri

Ito ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol sa simuno. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

12


Halimbawa: Si Lina ay nagwawalis sa daan. Ang matanda ay nanghihina. Ang mga puno ay matatayog. Sina Rosa, Ana at Miko ay masisipag.

Ang panaguri ay maaaring payak o buo. Payak ang panaguri kung ito ay pang-uri, pandiwa, pangngalan o panghalip na nagsasabi tungkol sa simuno. Ang buong panaguri naman ay binubuo ng payak na panaguri at iba pang salita o mga panuring sa panaguri.

Payak na panaguri:

Si Carmela ay nagpunta sa simbahan.

Buong panaguri:

Si Carmela ay nagpunta sa simbahan.

PAGSASANAY:

A. Basahin ang mga pangungusap. Guhitan ang payak na simuno at ikahon ang payak na panaguri.

1. Si Teresa ay mabait sa kanyang mga kaibigan. 2. Masipag na mag-aaral si Rebecca. 3. Si Lito ay nagpapastol ng mga kambing. 4. Nasusunog ang mga palengke sa kabilang baryo. 5. Ang saranggola ay napasabit sa puno. 6. Pinakakain ni Marlo ang mga baka. 7. Maliwanag ang buwan sa kalangitan. 8. Ang matanda ay taimtim na nagdarasal. 9. Pinapalakpakan ng mga mag-aaral ang kanilang guro. 10. Isang madasaling manlalaro si Manny Pacquiao.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

13


B. Basahin ang mga pangungusap. Guhitan ang buong simuno at ikahon ang buong panaguri.

1. Ang masipag na mag-aaral ay nakakakuha ng gantimpala. 2. Sina Naty, Roman at Betty ay naglilinis sa malaking simbahan. 3. Ang magandang dalaga ay nagtitinda ng mga bulaklak. 4. Ang buong mag-anak ay namasyal sa Baguio. 5. Si Yohan ay palaging kumakain ng masusustansyang gulay.

Aralin 6:

Gamit ng Simuno at Panaguri sa Pangungusap

May iba’t ibang gamit ang simuno at panaguri sa loob ng pangungusap. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod: 1. Pangngalan – ang paksa o panaguri ng pangungusap ay maaaring isang pangngalang pambalana o pantangi. Halimbawa: Mahusay sa pagtatanim ng mga palay ang mga Igorot. (simuno) Si Apolinario Mabini ay paralitikong bayani. (panaguri) 2. Panghalip – ang paksa o panaguri sa pangungusap ay isang panghalip. Halimbawa: Siya ay pupunta sa Mindoro. (simuno) Siya ang tagapagbigay ng lunas sa mga maysakit. (panaguri) 3. Pandiwa – ang paksa o simuno sa pangungusap ay isang kilos. Halimbawa: Ang paglalaro ng basketbol ay nakapagpapalakas ng katawan. (simuno) Ang maruming hangin ay nakakasira sa ating kalusugan. (panaguri)

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

14


4. Pang-uri – ang paksa o panaguri sa pangungusap ay naglalarawan. Halimbawa: Ang batang madasalin ay pinagpapala ng Diyos. (simuno) Ang batang masipag mag-aral ay matalino. (panaguri) 5. Pang-abay – and paksa o panaguri sa pangungusap ay naglalarawan ng pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Halimbawa: Pangarap ko ang tahimik na paninirahan sa mundo. (simuno) Dahan-dahang itinali ng matanda ang kanyang kalabaw. (panaguri)

PAGSASANAY:

Guhitan ang simuno at ikahon naman ang panaguri. Tukuyin ang mga gamit nito sa pangungusap.

1. Masayang naglalaaro ang mga bata sa bukid.

2. Tahimik na lumabas sa silid ang matanda.

3. Ang pagsasabi ng totoo ay isang matapat na gawain.

4. Si Andres Bonifacio ang matapang na pbayani ng Balintawak.

5. Ang batang masipag ay siya. 6. Si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang ikalabinlimang pangulo ng Pilipinas.

7. Kami ang may-ari ng pataniman ng durian sa lugar na ito.

8. Ang pagkain ng gulay at prutas ay mainam sa isang batang tulad mo. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

15


9. Ang matalinong mag-aaral ay kinagigiliwan ng lahat.

10. Ako ay isinilang at naninirahan sa Samar.

Aralin 7:

Ayos ng Pangungusap

Karaniwang ayos

Ito ang ayos ng pangungusap kapag nauuna ang panaguri sa simuno o paksa. Tinatawag din itong tuwid na ayos ng pangungusap.

Halimbawa:

Mabait ang magulang ni Nancy. Malakas ang pag-iyak ng sanggol. Naglillinis ng bahay si Willy. Nagluluto ng masarap na ulam si Harlon. Nagtatanim ng gulay ang mga mag-aaral.

Di-karaniwang ayos

Ito ang ayos ng pangungusap kapag nauuna ang simuno o paksa sa panaguri. Tinatawag din itong kabalikang ayos ng pangungusap.

Halimbawa:

Si Delia ay nagpunta sa palengke. Ang bahay ay malinis. Ang mga bulaklak ay mababango. Ang tindera ay nagpunta sa plasa. Ang magkakaibigan ay nagsusulatan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

16


PAGSASANAY:

A. Isulat ang K sa patlang kung ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos at DK kung ito ay nasa di-karaniwang ayos.

_____ 1. Ang mga bata ay naglalaro ng piko. _____ 2. Si Eliza ay nagtungo sa kanilang probinsya. _____ 3. May sakit si Aling Marta. _____ 4. Ang doktor ay naggagamot sa kanyang klinika. _____ 5. Taimtim na nagdarasal sa simbahan ang matanda. _____ 6. Nakawala sa pagkakatali ang malaking aso. _____ 7. Tinulungan ng pulis ang matanda sa pagbitbit ng kanyang bayong. _____ 8. Ang guro ay masiglang nagtuturo. _____ 9. Sila ay nagluluto ng tinolang manok. _____ 10. Matayog sa paglipad ang saranggola ni Pepe.

B. Isulat sa karaniwang ayos ang sumusunod na mga pangungusap.

1. Ag tipaklong at salagubang ay nagpapahinga sa itaas ng puno. 2. Ang kabayo ay nahihirapang tumakbo. 3. Ang kalesa ay maginhawang sakyan. 4. Ang mga pinuno n gaming bayan ay nagpupulong sa opisina. 5. Ang magpapalayok ay naglalako ng kanyang paninda sa palengke.

C. Isulat sa di-karaniwang ayos ang sumusunod na mga pangungusap.

1. Masayang naglalaro ng patintero ang mga bata. 2. Kinakausap ng principal ang guro ni Alex. 3. Kumakain ng sariwang damo ang kalabaw ni Mang Gustin. 4. Namasyal sa Bacolod ang magulang ni Harlon. 5. Nag-iipon ng pagkain ang mga langgam tuwing tag-araw.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

17


SECOND QUARTER:

Aralin 1:

Mga Bahagi ng Pananalita (Part 1)

Ang Uri ng Pangngalan

Ang pangngalan ay isang bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Ang dalawang uri ng pangngalan ay ang pantangi at pambalana.

Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tanging ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Ito ay sinisimulan sa malaking titik.

Halimbawa: tao

Hector

(ngalan ng tao)

bagay

Mongol

(ngalan ng lapis)

hayop

Lolong

(ngalan ng isang buwaya)

lugar

Zamboanga

(ngalan ng probinsiya)

pangyayari

Flower Festival

(ngalan ng pagdiriwang

Ang pangngalang pambalana ay tumutukoy sa karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Ito ay sinisimulan sa maliit na titik.

Halimbawa: mag-aaral

(ngalan ng tao)

lapis

(ngalan ng bagay)

buwaya

(ngalan ng hayop)

probinsiya

(ngalan ng lugar)

pagdiriwang

(ngalan ng pangyayari)

Maaaring uriin ang pangngalan ayon sa kung ito ay konkreto at di-konkreto. Ang konkretong pangngalan ay nakikita, nahahawakan, naririnig at kung minsan ay naaamoy. Maaaring kombinasyon ito ng alinman sa mga nabanggit.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

18


Halimbawa: nakikita

:

guro, vinta, manok, silid-aralan, pista

naririnig at nakikita

:

ulan, awit, sayaw, agos ng tubig

nahahawakan

:

walis, upuan, lapis, damit, kutsara

naaamoy at nakikita

:

ulam, sunog, usok, pabango, basura

Ang di-konkretong pangngalan ay ang nadarama at hindi nakikita.

Halimbawa: Kaligayahan, kalungkutan, karangalan, pagmamahal, galit

PAGSASANAY: A. Ikahon ang pangngalan at isulat sa patlang kung ito ay pantangi o pambalana.

_______________ 1. Sumakay sa kalesa ang magkakaibigan. _______________ 2. Nagluluto si Aling Nena ng adobong manok. _______________ 3. Taimtim na nagdarasal si Mario sa simbahan. _______________ 4. Ang paaralan ay napakalinis. _______________ 5. Si Roman ay nagwawalis. _______________ 6. Ang puno ay hitik na hitik sa bunga. _______________ 7. Maliwanag ang buwan. _______________ 8. Lumilikas na ang mga pamilya. _______________ 9. Nagtitinda ng kakanin si Minda. _______________ 10. Ang matanda ay umiiyak.

B. Guhitan ang pangngalan sa bawat pangungusap. Isulat sa paatlang kug ito ay konkreto o di-konkreto.

_______________ 1. Naghahari ang katahimikan sa aming lugar. _______________ 2. Ang katalinuhan ay magagamit ng bawat mag-aaral. _______________ 3. Naputol ang mahabang lapis. _______________ 4. Nawawala ang alagang pusa ni Luis. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

19


_______________ 5. Ang kaligayahan sa buhay ay ating mararamdaman. _______________ 6. Pinukpok ni Efren ang pako. _______________ 7. Ang pag-ibig sa magulang ay dapat ipadama ng anak. _______________ 8. Nakita ko ang kalungkutan sa kanyang mukha. _______________ 9. Itinago ni Luz ang kanyang mga aklat. _______________ 10. Nabasag ang plorera sa sala.

Aralin 2:

Ang Gamit ng Pangngalan

Ang pangngalan ay may gamit sa loob ng pagungusap. Maaari itong gamitin bilang simuno o panaguri.

1. Bilang simuno Halimbawa:

Si Dolphy ay itinuturing na hari ng komedya sa Pilipinas. Nakapagsulat na ng maraming aklat ang aking kapatid.

2. Bilang panaguri Halimbawa:

Ang ina ni Rhodora ay isang dentist. Pinulot ng bata ang mga nahulog na bayabas.

Maaari ring gamitin ang pangngalan bilang layon at pinaglalaanan.

1. Bilang layon Halimbawa:

Kumain ng suman ang magkapatid. Magbabaon ako ng atis sa paaralan.

2. Bilang pinaglalaanan Halimbawa:

Ang pinitas kong bulaklak ay para sa aking guro. Para kay Lolo Simon ang napanalunan kong gantimpala.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

20


PAGSASANAY:

A. Isulat sa patlang ang gamit ng pangngalang may salungguhit.

1. Para kay Lolo ang binili kong gatas. _____________________ 2. Nagtatanim ang magsasaka sa bukid. _____________________ 3. Ang kumakanta ay ang aking pinsan. _____________________ 4. Itinago ng matanda ang tungkod. _____________________ 5. Naghanda ng meryenda si Lola Upeng. _____________________ 6. Ibinigay sa mga mag-aaral ang mga lapis. _____________________ 7. Si Melchora Aquino ay isang bayani. _____________________ 8. Nawala ang pitaka ng mamimili. _____________________ 9. Pinalakpakan ang mahusay na abogado. _____________________ 10. Itinali ang manok sa ilalim ng puno. _____________________

B. Magsulat ng tigli-limang pangungusap kung saan ang pangngalan ay ginamit bilang simuno, panaguri, layon at pinaglalaanan.

1. Bilang simuno 2. Bilang panaguri 3. Bilang Layon 4. Bilang pinaglalaanan

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

21


Aralin 3:

Ang Panghalip Panao

Ang panghalip panao ay ginagamit bilang panghalili o pamalit sa ngalan ng tao. Maaaring gamitin ito bilang simuno, tagaganap ng kilos, at pagmamay-ari.

Halimbawa:

1. Bilang simuno

:

Siya ay masipag na mag-aaral. Sila ay mapagkakatiwalaang anak. Ako ay kumakain ng gulay.

2. Bilang tagaganap ng kilos

:

Hinugasan ko ang mga pinggan. Binantayan niya ang bahay. Diniligan nila ang mga halaman.

3. Bilang pagmamay-ari

:

Ang mabangong bulaklak ay sa akin. Sa kanila ang nabasag na baso. Ang nawawalang payong ay kanya.

PAGSASANAY:

A. Basahin ang mga pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at guhitan ang angkop na panghalip panao.

1. Kinuha (siya, niya, ako) sa labas ng bahay ang natuyong damit. 2. Pinasyalan (sila, namin, siya) ang magagandang tanawin sa Mindanao. 3. (Kami, Kanila, Mo) ay maglalakbay sa Chocolate Hills sa Bohol, Pagsanjan Falls sa Laguna at Camp John Hay sa Baguio. 4. Tulungan (natin, siya, ka) ang mga batang nasalanta ng bagyong Ondoy. 5. Bumili (ka, ninyo, niya) ng bawang sa palengke. 6. Nagbalik (nila, namin, siya) sa masukal na gubat kaninang umaga. 7. Ipinamigay (ako, nila, kanila) sa mga nasalanta ng bagyo ang mga pagkain. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

22


8. Magbibigay (sila, niya, namin) ng malaking halaga sa mga biktima ng bagyo. 9. (Ikaw, Kanya, Nila) ba ay sasama sa Davao at Cebu? 10. Naramdaman (ko, sila, kanya) kung gaano kabuti ang mga kaibigan kong Muslim.

B. Guhitan ang panghalip sa bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay ginagamit bilang simuno, tagaganap o pagmamay-ari. Isulat ang sagot sa patlang.

___________ 1. Winalisan niya ang bakuran kahapon. ___________ 2. Sa akin ang nawawalang payong. ___________ 3. Siya ay pupunta sa simbahan. ___________ 4. Tayo ay dapat tumulong sa mga nasalanta ng bagyo. ___________ 5. Magbibigay kami ng mga damit sa mga mahihirap. ___________ 6. Ang lahat ng nakikita mong puno ay kanila. ___________ 7. Sinabihan niya ang kapatid na sumayaw sa programa. ___________ 8. Nagtatanim sila ng iba’t ibang halaman sa hardin. ___________ 9. Ang tindahan sa likod ng bahay ay amin. ___________ 10. Nilinis nila ang masukal na hardin.

C. Isulat sa patlang ang angkop na panghalip panao sa bawat pangungusap.

1. Si Inay ay pupunta sa palengke. Bibili _________ ng isda at gulay. 2. Maagang nagpunta ang mga magsasaka sa bukid. ________ ay magtatanim ng palay. 3. Mayaman ang pamilya ni Ariel. ________ ang nagmamay-ari ng halos lahat ng palaisdaan sa kanilang lugar. 4. Nagpunta sa ospital si Rene. Dinalaw ________ ang kaibigang may sakit. 5. Sina Ermy, Sheila at Beverly ay sumasayaw. Magagaling ________ mananayaw. 6. Kinuha ni Erwin ang upuan sa labas. Ipinasok ________ ito sa loob ng silid. 7. Dumating na ang mga manggagawa. Itatayo ________ ang bagong gusali. 8. Bumili si Edna ng sorbetes. Binigyan ________ ng limang piso ang sorbetero. 9. Pinunasan ko ang mesa. Pinunasan ________ rin ang mga upuan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

23


10. Lahat kami ay pupunta sa Cebu. Papasyalan ________ ang magagandang tanawin doon.

D. Palitan ng angkop na panghalip panao ang pangngalang may salungguhit sa loob ng pangungusap. Isulat ito sa patlang.

1. Naglalaba si Nanay sa sapa.

___________

2. Pinitas ng matanda ang hinog na magga.

___________

3. Ang bahay ay pagmamay-ari nina Harlon at Linda.

___________

4. Kinuha nina Rommel at Rodel ang malaking atis.

___________

5. Ibinigay kay Mario ang malalaking bayabas.

___________

Aralin 4:

Ang Panauhan ng Panghalip Panao

Ang panghalip panao ay may tatlong panauhan. A. Unang Panauhan – tumutukoy sa tao o mga tao na nagsasalita. Ang sumusunod ay ang ma panghalip na nasa unang panauhan.

ako

akin

ko

amin

kami

namin

tayo

atin natin

B. Ikalawang Panauhan – tumutukoy sa tao o mga taong kinakausap o kausap. Ang sumusunod ay ang mga panghalip na nasa ikalawang panauhan.

ikaw

ka

iyo

inyo

mo

ninyo

kayo YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

24


C. Ikatlong Panauhan – tumutukoy sa tao o mga taong pinag-uusapan. Ang sumusunod ay ang mga panghalip na nasa ikatlong panauhan.

siya

sila

kanya

kanila

niya

nila

PAGSASANAY:

A. Guhitan ang panghalip sa bawat pangungusap at tukuyin ang panauhan nito. Isulat sa patlang ang sagot.

___________ 1. Tinulungan niya ang matanda sa pagwawalis. ___________ 2. Ang malawak na bukirin ay sa amin. ___________ 3. Binuhat nila ang malaking puno. ___________ 4. Siya ang napiling kalahok sa patimpalak. ___________ 5. Magbalik ka sa probinsiya. ___________ 6. Tayo ay nararapat magtulungan sa lahat ng oras. ___________ 7. Ipinamana sa kanila ang malaking bahay. ___________ 8. Nakita mo ba ang nawawalang pusa? ___________ 9. Ibabalik namin sa kulungan ang manok. ___________ 10. Ipatong ninyo sa mesa ang mabigat na kahoy.

B. Isulat ang panauhan ng bawat salita at pagtapos ay gamitin ito sa pangungusap.

1. sila

_________ ______________________________________

2. tayo

_________ ______________________________________

3. ko

_________ ______________________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

25


4. niya

_________ ______________________________________

5. ka

_________ ______________________________________

Aralin 5:

Panghalip na Pananong

Ang panghalip na pananong ay ang mga panghalip na ginagamit sa pagtatanong o pag-uusisa tungkol sa tao, bagay, pook, at pangyayari. Maaaring isahan o maramihan ang anyo nito.

Narito ang mga panghalip na pananong.

Isahan

Maramihan

Sino

Sinu-sino

Alin

Alin-alin

Saan

Saan-saan

Ano

Anu-ano

Paano

Paa-paano

Kailan

Kai-kailan

Kanino

Kani-kanino

PAGSASANAY:

A. Bumuo ng mga pangungusap na patanong gamit ang sumusunod na mga salita. Gumamit ng isahan o maramihang anyo ng panghalip na pananong.

1. matapat ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

26


2. hubugin ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

3. magsilbi ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

4. sinumpaan ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

5. tungkulin ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

B. Bilugan ang mga panghalip na pananong sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang anyo nito. 1. Sino ang matapat sa kanilang tungkulin?

_________________

2. Alin-alin ang iyong ibibigay sa mga biktima ng baha? _________________ 3. Saan-saan nila inilagay ang mga butyl ng mais?

_________________

4. Sino-sino ang dapat nating hingan ng tulong?

_________________

5. Kailan mo sisimulan ang pamamahagi ng pagkain?

_________________

6. Nasaan ang iyong kapatid?

_________________

7. Kani-kanino mo ibinigay ang mga santol?

_________________

8. Gaano kalaki ang nakuha mong saging?

_________________

9. Ilan ang naibigay na kendi sa iyo?

_________________

10. Ano-ano ang mga inawit mo sa palatuntunan?

_________________

C. Bumuo ng mga pangungusap na patanong tungkol sa sumusunod na mga salita.

1. Manny Pacquiao ______________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

27


2. Luneta Park, Clark Air Base, Magellan’s Cross, Chocolate Hills ______________________________________________________________

3. Ika-14 ng Pebrero ______________________________________________________________

4. Telebisyon ______________________________________________________________

5. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Tandang Sora ______________________________________________________________

Aralin 6:

Panghalip Paari

Ito ang mga panghalip na ginagamit kapag nagpapahayag ng pagmamay-ari. Ang mga panghalip na ginagamit ay ang mga sumusunod:

ko

mo

amin

namin

niya

kanya

atin

natin

nila

kanila

Halimbawa:

1. Sa akin ang nawawalang payong. 2. Ang nasusunog na bahay ay kanila. 3. Ang palaisdaan namin ay malawak. 4. Sa kanya ang malaking bahay. 5. Ang gulayan nila ay luntian.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

28


PAGSASANAY:

A. Guhitan ang panghalip paari sa bawat pangungusap.

1. Ang nabasag na baso ay sa kanya. 2. Sa amin ang nawawalang pusa kagabi. 3. Ang sinturon ko ay malapad. 4. Ang salamin niya ay nabasag. 5. Nakita na ba ang kambing mo? 6. Naku! Nasusunog ang damit nila. 7. Sa ating ang mga nasunog na libro. 8. Ang masarap na ulam ay galing sa kanila. 9. Ang kalabaw natin ay nawawala. 10. Ang bukid nila ay maraming tanim.

Aralin 7:

Ang Pandiwa

Ang pandiwa ay salitang nagpapakita o nagsasaad ng kilos o galaw.

Halimbawa:

1. Binalatan ng tindero ang maasim na santol.

2. Nagtuturo ang guro sa ilalim ng punong mangga.

3. Binabasa ng mag-aaral ang mahabang kuwento.

4. Ihahatid ni Aling Helen ang kanyang apo sa paaralan bukas ng umaga.

5. Magtatanim ng palay at mais ang mga magsasaka sa darating na buwan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

29


6. Gumagawa si Harlon ng kanyang takdang aralin.

7. Si Eva ay nagsusuklay ng buhok.

8. Si Michelle ay magpapakasal na.

PAGSASANAY:

Sumulat ng mga pangungusap gamit ang pandiwa batay sa mga larawan.

1.

4.

2.

3.

5.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

30


Aralin 8:

Mga Aspekto ng Pandiwa

Ang pandiwa ay may tatlong aspeto: naganap na ang kilos, ginaganap ang kilos, at gaganapin pa lamang ang kilos. Pansinin ang mga halimbawa sa ibaba. A. Naganap – ipinahahayag nito na ang kilos na isinasaad ng pandiwa ay nangyari o naganap na.

Halimbawa: 1. Nagtinda ako ng pansit kahapon sa palengke. 2. Pumunta kami sa Baguio noong nakaraang Linggo. 3. Pinitas ni Rea ang bulaklak kaninang umaga. 4. Iniligpit ni Yona ang mga laruan. B. Ginaganap – ipinahahayag nito na ang kilos na isinasaad ng pandiwa ay kasalukuyang nangyayari o nagaganap.

Halimbawa: 1. Nagpupunas si Mercy ng mesa. 2. Inaakyat ni Rafael ang mataas na puno ng mangga. 3. Pinaglalaruan ni Kenneth ang bola sa kanyang kama. 4. Pinuputol ni Manny ang malaking puno. C. Gaganapin – ipinahahayag nito na ang kilos ng pandiwa ay gagawin o gaganapin pa lamang.

Halimbawa: 1. Maglalaro kami ng patintero bukas. 2. Magtatanim ako mamaya ng gulay sa likod-bahay. 3. Pupunta kami sa Bacolod sa susunod na Linggo. 4. Sasalok ako ng tubig mamaya.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

31


PAGSASANAY:

A. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga pandiwa batay sa nakatalang aspekto nito.

1. sulat (nagaganap)

2. akyat (naganap)

3. talon (gaganapin)

4. sakay (naganap)

5. tago (nagaganap)

B. Punan ang tsart. Isulat ang katumbas na salita ayon sa aspekto ng pandiwa.

Salitang-ugat

Naganap

Nagaganap

Ganapin

1. iyak

____________

____________

_____________

2. langoy

____________

____________

_____________

3. gupit

____________

____________

_____________

4. putol

____________

____________

_____________

5. dasal

____________

____________

_____________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

32


Aralin 9:

Ang mga Panlaping Makadiwa

Ang mga panlaping ginagamit upang makabuo ng pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa. Pag-aralan ang halimbawa ng mga panlaping ito sa ibaba. 1. Unlapi – ang panlapi ay ikinakabit sa unahan ng salita. Halimbawa: uminom, nagwalis, magwalis 1. Si Letty ay uminom ng gatas. 2. Ang magkapatid ay nagwalis sa kanilang silid. 3. Lumabas si Nancy para magwalis sa kanilang bakuran. 2. Gitlapi – ang panlapi ay isinisingit sa loob ng salita. Halimbawa: kumanta, kinain, sumali, binili 1. Si Elvie ay kumanta kagabi sa simbahan. 2. Kinain ni Rodel ang suman at mangga. 3. Sumali ako sa sayaw sa aming paaralan. 4. Binili ng aking tatay ang magandang relo. 3. Hulapi – ang panlapi ay ikinakabit sa hulihan ng salita. Halimbawa: sabihan, alisin, hulihin, kantahan 1. Sabihan mo ako kung kailan ka aalis. 2. Alisin mo ang baso sa ibabaw ng upuan. 3. Narito ako para hulihin ka. 4. Nagpunta siya dito para kantahan ako. 4. Kabilaan – may unlapi at hulapi; ang salita ay napagigitnaan ng mga panlapi. Halimbawa: magsasayawan, pag-aralan, nag-alisan, nagkuwentuhan 1. Magsasayawan kami bukas sa plasa. 2. Pag-aralan mo ang paksa ng ating aralin. 3. Nag-alisan ang mga pulubi sa harap ng simbahan. 4. Nagkuwentuhan kami ni Leny sa kanilang bahay.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

33


PAGSASANAY:

A. Isulat sa unang hanay ang panlaping ginamit sa bawat salita. Isulat naman sa huling hanay kung uri ng panlapi ito.

Panlapi

Uri ng Panlapi

1. umalis

______________

_________________

2. hugasan

______________

_________________

3. nagkantahan

______________

_________________

4. tumakbo

______________

_________________

5. maglaba

______________

_________________

6. tinali

______________

_________________

7. pinag-usapan

______________

_________________

8. isipin

______________

_________________

9. sabihan

______________

_________________

10. nagsigawan

______________

_________________

B. Gamitin sa pangungusap ang mga salita sa A.

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

34


THIRD QUARTER:

Aralin 1:

Mga Bahagi ng Pananalita (Part 2)

Ang Pang-uri

Ang mga salitang ginagamit sa paglalarawan o pagbibigay-katangian sa tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari o pangngalan at panghalip ay tinatawag na pang-uri. Sa pamamagitan ng pang-uri, nailalarawan natin ang anyo, hugis, laki, kulay, katangian, at pag-uugali ng isang tao o bagay. Nailalarawan din natin ang ating damdamin at pananaw tungkol sa isang pangyayari o kaganapan, gamit ang mga pang-uri.

Maaari ding maiugnay ang pang-uri sa mga uri ng pandama tulad ng mga sumusunod:  Pansalat - nahihipo o nahahawakan ang pangngalang inilalarawan (Halimbawa: malambot, magaspang, makinis) Makinis ang kutis ng sanggol.  Pandinig – nailalarawan ang pangngalan sa pamamagitan ng mga naririnig (Halimbawa: maingay, tahimik, matinis) Tahimik ang ating pamayanan.  Pang-amoy – naaamoy ang bagay na inilalarawan (Halimbawa: malansa, masangsang, mabango) Mabango ang mga bulaklak.  Paningin – nailalarawan ang pangngalan sa pamamagitan ng paningin (Halimbawa: bago, mataas, makinang) Mataas ang puno sa likod-bahay.  Panlasa – nalalasahan ang inilalarawang pangngalan (Halimbawa: matamis, maalat, matabang) Matabang ang sinigang na niluto ni Ate. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

35


PAGSASANAY:

A. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga pang-uri.

1. marikit ______________________________________________________________

2. mainit ______________________________________________________________

3. makapal ______________________________________________________________

4. madilaw ______________________________________________________________

5. masama ______________________________________________________________

6. putol-putol ______________________________________________________________

7. maitim ______________________________________________________________

8. malakas ______________________________________________________________

9. nakakatakot ______________________________________________________________

10. malinis at malamig ______________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

36


B. Guhitan ang mga pang-uri sa bawat pangungusap.

1. Dapat panatilihin ang malinis na kapaligiran.

2. Ang masisipag na mamamayan ay nagtutulungan.

3. Kaysarap pagmasdan ang luntiang gubat.

4. Masama sa kalusugan ang amoy ng mabahong basura.

5. Hindi dapat putulin ang ang mataas na puno.

6. Ang maitim na usok ay nakasasama sa kapaligiran.

7. Masarap mamasyal sa isang preskong lugar.

8. Ang nahulog na hinog na mga mangga ay itatapon na.

9. Ang isang mabuting mamamayan ay may malasakit sa kapwa.

10. Ang malinis na hangin ay kailangan ng ating katawan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

37


Aralin 2:

Kaantasan ng Pang-uri

May iba’t ibang antas ang pang-uri na ginagamit natin sa paglalarawan ng tao, bagay, hayop, at pangyayari. 1. Lantay – Ginagamit ang lantay na pang-uri kapag isa lamang ang inilalarawang pangngalan o panghalip. Wala itong pinaghahambingan.

Halimbawa: Mainit ang sikat ng araw. Madilim ang kagubatan. Malinis ang estero sa aming lugar. 2. Pahambing – Ginagamit ang pahambing na pang-uri kapag naghahambing ng dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. Maaaring pinaghahambing ang kanilang pagkakatulad o pagkakaiba.

Halimbawa: Magkasimputi kami ng aking pinsan. Mas malapad ang noo niya kaysa sa akin. 3. Pasukdol – Ginagamit ito upang ipakita ang namumukod o nangingibabaw na katangian ng pangngalan at panghalip sa lahat ng pinaghahambingan. Ipinakikita ito sa paggamit ng: saksakan ng, hari ng, ubod ng, o pag-uulit ng pang-uri, at iba pa.

Halimbawa: Ang bait-bait ng mga kapatid ko! Ubod ng saya ang aking inay nang makita niya ang aking medalya. Saksakan ng kupad sa paglalakad ang aking kuya.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

38


PAGSASANAY:

A. Umisip na mga salitang naglalarawan batay sa uri ng pandama na makikita sa loob ng talahanayan. Isulat ang mga ito sa patlang.

Uri ng Pandama

Lantay

Pahambing

Pasukdol

1. paningin

____________

_____________

_____________

2. panalsa

____________

_____________

_____________

3. pandama

____________

_____________

_____________

4. pandinig

____________

_____________

_____________

5. pang-amoy

____________

_____________

_____________

B. Salungguhitan ang ginamit na pang-uri sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay lantay, pahambing o pasukdol na antas ng pang-uri.

1. Mas maganda akong magsulat kaysa sa aking pinsan. ________________ 2. Maputing-maputi ang nabili kung singkamas. ________________ 3. Mas malamig sa Baguio kaysa sa Tagaytay. ________________ 4. Makintab ang sahig ng aming paaralan. ________________ 5. Magkasingbait sina Wen at Justine. ________________ 6. Napakataas ng bubong ng kanilang bahay. ________________ 7. Ang aking buhok ay mahaba. ________________ 8. Ubod ng ganda ang aking kaibigan. ________________ 9. Mas mainit ngayon kaysa noong nakaraang araw. ________________ 10. Pinakasariwa

ang

bangus

sa

kahat

ng

isdang

aking

nabili.

________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

39


Aralin 3:

Mga Salitang Magkatulad at Magkasalungat ang Kahulugan

Ang mga salitang magkatulad at magkasalungat ang kahulugan ay mga panguring ginagamit din sa paglalarawan o paghahambing ng pangngalan at panghalip. An gpag-iisip ng mga pang-uri na magkasingkahulugan at magkasalungat ay isang mabuting gawain na makatutulong sa paglinang ng talasalitaan.

Basahin ang mga halimbawa:

A. Mga Salitang Magkasingkahulugan

matayog

-

mataas

mabango

-

masamyo

maluwang

-

malawak

matalino

-

magaling, marunong

maliwanag

-

malinaw

B. Mga Salitang Magkasalungat ang Kahulugan

maitim

-

maputi

marumi

-

malinis

matibay

-

marupok

masunurin

-

pasaway

sariwa

-

bilasa

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

40


PAGSASANAY:

A. Lagyan ng angkop na pang-uri ang sumusunod na mga pangungusap upang maipakita ang pagkakaiba ng kanilang kahulugan.

1. Positibo:

Maraming turista ang papasyal sa isang lugar kapag ang paligid ay ___________________.

Negatibo:

Ang mga turista ay hindi papasyal sa isang lugar kapag ang paligid ay ___________________.

2. Positibo:

Babalik ang mga turista sa isang lugar kapag ____________ ang mga mamamayan dito.

Negatibo:

Hindi na muling babalik ang mga turista sa isang lugar kapag ang mga mamamayan ay __________________.

3. Positibo:

Ang _____________________ na ilog ay walang basura.

Negatibo:

Ang _____________________ ilog ay maraming basura.

4. Positibo:

Nakabubuti sa ating katawan ang ____________ na hangin.

Negatibo:

Ang _________________ hangin ay hindi nakabubuti sa ating katawan.

5. Positibo:

Ang pagtulong sa kapwa ay _________________ gawain.

Negatibo:

Wala siyang kaibigan sahil siya ay ______________ tao.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

41


B. Tukuyin kung magkasingkahulugan o magkasalungat ang mga pares ng salita. Isulat ang sagot sa patlang. 1. makapal – manipis

______________________

2. maasikaso – maalalahanin

______________________

3. magaan – mabigat

______________________

4. makinis – magaspang

______________________

5. matibay – matatag

______________________

Aralin 4:

Ang mga Idyoma

Ang mga idyoma ay ginagamit sa paglalarawan ng pangngalan at panghalip. Ito

ang

mga

matatalinghagang

salita

na

may

malalalim

na

kahulugan.

Nangangailangan ito ng malalim na pag-unawa upang maibigay ang kahulugan nito.

Mayaman ang mga Pilipino sa mga idyoma na nagagamit sa di-tuwirang paglalarawan sa tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.

Halimbawa:

Idyoma

Kahulugan

puti ang tainga

kuripot

balat-kalabaw

makapal o di marunong mahiya

bahag ang buntot

duwag

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

42


mapurol ang utak

mabagal o mahinang mag-isip

balat-sibuyas

madaling masaktan, maramdamin

bukas-palad

matulungin, mapagbigay

lakad-pagong

mabagal

anak-araw

maputi (ibang klaseng puti)

pusong bakal

matigas ang kalooban

pusong mamon

mapagpatawad, maawain

PAGSASANAY: Guhitan ang idyoma o matalinghagang pahayag sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga idyomang nabamggit.

1. Balat-sibuyas ang aking kapatid; madali siyang umiyak. _________________________________

2. May uwang sa puwit si Harris sapagkat lagi siyang lumilipat ng upuan. _________________________________

3. Si Rowena ang aking kahiramang suklay mula pa noong bata pa kami. _________________________________

4. Mahaba ang dila ng tagapagsalita dahil ang dami niyang ikinukuwento. _________________________________

5. Nagdilang-anghel si Ernesto dahil nanalo nga siya sa lotto. _________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

43


6. Mabulaklak siyang magsalita kaya gusto ko siyang napakikinggan. _________________________________

7. Umurong ang kanyang dila nang tanungin siya ng kanyang guro. _________________________________

8. Si Andrew ang kabungguang balikat sa lahat ng aking ginagawa. _________________________________

9. Di-maliparang uwak an gaming lupain sa Bukidnon. _________________________________

10. Itaga mo sa bato ang aking sasabihin upang lagi mo itong maaalala. _________________________________

Aralin 5:

Mga Uri ng Pang-abay

Pang-abay na Pamanahon

Ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Dinasagot nito kadalasan ang tanong na kailan.

Halimbawa: 1. Naghahanda kami ng litson tuwing Pasko. 2. Nag-ipon sila ng maraming tubig kahapon. 3. Manonood kami bukas ng programa sa paaralan. 4. Ibibigay ngayon ni Cora sa atin ang mga regalo. 5. Araw-araw siyang nagdarasal sa loob ng simbahan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

44


Pang-abay na Panlunan

Ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa, kay, at kina.

Halimbawa: 1. Maglalaba ang mag-iina sa sapa. 2. Dinala ng katulong ang mga pinggan sa kusina. 3. Namamasyal sila sa tabi ng ilog. 4. Nagpasalok ako kay Luding ng isang timbang tubig. 5. Nakikikain ang magkakaibigan kina Ronel at Joseph.

Pang-abay na Pamaraan

Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos ng pandiwa. Sinasagot nito ang tanong na paano. Ang mga panandang ginagamit ay nang at na.

Halimbawa: 1. Paluhod siyang lumalakad patungo sa altar ng simbahan. 2. Taimtim na nagdasal ang mga mag-aaral upang makaligtas sila sa baha. 3. Kumain nang mabilis si Yannah upang hindi mahuli sa klase. 4. Dahan-dahan niyang inalis ang nabuwal na puno. 5. Magalang niyang sinagot ang tanong ng kaniyang guro.

PAGSASANAY:

A. Salungguhitan ang mga pang-abay at tukuyin ang uri nito.

1. Umuuwi kami sa Baguio tuwing Sabado at Linggo.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

45


2. Magsisimba sila bukas sa Baclaran.

3. Taon-taon nilang ipinagdiriwang nang masaya ang kanyang kaarawan.

4. Pipitasin na niya nang maingat ang mga hinog na papaya mamayang hapon.

5. Kailangan bang matulog nang maaga gabi-gabi?

6. Dumating kahapon ang kanyang kuya Ferdie.

7. Aalis ngayon ang aking kapatid.

8. Simula bukas ay kakain na ako nang marami.

9. Araw-araw akong nagdarasal nang taimtim sa panginoon.

10. Dito ko ilalagay ang gamot na iinumin mo tuwing umaga.

B. Guhitan ang pang-abay na panlunan sa bawat pangungusap.

1. Pupunta kami sa Samar sa Linggo.

2. Kumuha ako ng bayabas kina Solomon.

3. Sa Cebu mamamasyal ang buong mag-anak.

4. Mag-aaral ako sa Bacolod sa susunod na taon.

5. Inilagay ni Inay sa kusina ang kanyang biniling gulay.

6. Nagwawalis sa aloob ng sala ang magkakapatid.

7. Magpapahangin sa bakuran ang aking lolo. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

46


8. Nakiigib ako ng isang timbang tubig sa kapit-bahay naming si Gary.

9. Sumama sa Laguna ang aking lola upang magbakasyon.

10. Namigay ng pagkain kina Mareng Belen ang magkaibigang Tony at Betsy.

C. Guhitan ang pang-abay na pamaraan sa bawat pangungusap.

1. Payapang naninirahan sa bukid ang mag-anak.

2. Malumanay magsalita an gaming guro sa Sibika.

3. Ang bata ay mahimbing na natutulog sa kanyang duyan.

4. Isa-isang tinanggal ni Marvin ang mga pako a kahoy.

5. Nagkasugat nang malubha ang aming alagang aso.

6. Paluhod na pumasok ang sugatang aso sa kanyang kulungan.

7. Mahigpit niyang niyakap ang kanyang ina.

8. Mabilis na sumunod sa utos si Carl.

9. Magalang na sumagot ang mag-aaral sa kanyang guro.

10. Taimtim na nakikinig ng musika ang mga mag-aaral.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

47


Aralin 6:

Iba pang Uri ng Pang-abay (1)

Panang-ayon ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng pagsang-ayon o pagpayag.

Halimbawa:

Totoong nagsauli siya ng perang napulot niya. Oo, sasama akmi sa proyekto ng pamahalaan.

Pananggi ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng pag-ayaw o pagtanggi.

Halimbawa:

Ayaw kong maniwala na may Pilipinong itatakwil ang bansa. Huwag mong pabayaan ang ating bansa.

PAGSASANAY:

A. Salungguhitan ang pang-abay at isulat sa patlang kung anong uri ng pang-abay ang ginamit sa bawat pangungusap.

_______________ 1. Hindi nakalilimutan ng mga Pilipino ang kagandahang-asal. _______________ 2. Oo, pumapayag na ako na makilahok sa paglilinis sa kapaligiran. _______________ 3. Opo, susuportahan ko kayo sa inyong adhikain. _______________ 4. Mali ang gagawin mo. _______________ 5. Tunay na mapagkakatiwalaan ang mga Pilipino. _______________ 6. Huwag nating aksyahin ang ating panahon sa walang kabuluhang bagay. _______________ 7. Ayaw kong isipin na magkakatotoo ang sinabi mo. _______________ 8. Totoong kapaki-pakinabang ang ginawa ninyo. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

48


_______________ 9. Tama ang ginawa mo, nakabuti iyon sa lahat. _______________ 10. Hindi ko gusto ang maling asal na ipinakita ng mga magaaral na iyan.

Aralin 7:

Iba pang Uri ng Pang-abay (2)

Pang-agam ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng pag-aalinlangan, pagdududa o walang katiyakan.

Halimbawa:

Bilisan natin baka maabutan tayo ng ulan. Tila hindi na tayo aabot sa pagdiriwang.

Panggaano ang tawag sa pang-abay na tumutukoy sa bilang o dami ng isinisaad na kilos. Sumasagot sa tanong na gaano o ilan.

Halimbawa:

Kaunti lamang kumain si Yanna, ayaw niyang tumaba. Nangiti siya nang bahagya nang makita niya ang bisita niya.

PAGSASANAY:

A. Bilugan ang pang-abay sa pangungusap at ibigay ang uri nito. Isulat sa patlang ang sagot.

_______________ 1. Marahil ay nagising na ang mga Pilipino sa nangyaring kalamidad sa ating bansa. _______________ 2. Napakarami pala ang dumalo sa pagtitipon na ginanap sa YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

49


plasa. _______________ 3. Kaunti lamang ang nakuha niyang ani sa mga tanim niya. _______________ 4. Siguro, nahuli lamang ang mga bisita kaya wala pa sila. _______________ 5. Tila natagalan siya sa paggawa ng proyekto.

B. Sumulat ng mga pangungusap gamit ang mga pang-abay na panggaano at pang-agam sa tulong ng mga susing-salita o pahayag. 1. prutas na napapanahon 2. Boracay 3. mahal na bilihin 4. bubuhos ang malakas na ulan 5. damit na isusuot sa pagtitipon

Aralin 8:

Ang Pariralang Pang-abay

1. Naglalarawan kung paano:

Halimbawa: -

dahan-dahang pumasok

-

nagsabi nang totoo

-

nagtrabaho nang tahimik

-

masiglang magsalita

2. Naglalarawan kung kailan:

Halimbawa: -

aalis bukas

-

ibibigay araw-araw

-

mula umaga hanggang gabi magsasayawan

-

babalik pagsapit ng Marso

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

50


3. Naglalarawan kung saan:

Halimbawa: -

maliligo sa ilog

-

nagpunta sa bahay nina Mel at Joy

-

nagtanim sa gubat

-

nagtitinda sa palengke

PAGSASANAY:

A. Guhitan ang pariralang pang-abay sa bawat pangungusap. Isulat kung anong uri ng pariralang pang-abay ito.

1. Si Amelia ay tahimik na naninirahan sa kanilang kubo. 2. Masiglang nagsasayaw si Rita sa entablado. 3. Sa gitna ng kalsada nagtatakbuhan ang mga bata. 4. Mabilis na umalis si Marcel sa kanilang paaralan. 5. Natutulog nang mahimbing ang matanda. 6. Inihatid ko ang aking kapatid sa paaralan. 7. Sa Sabado ako gagawa ng aking proyekto sa Sining. 8. Nais niyang magpunta sa Marinduque. 9. Mahigpit na niyakap ni Sonny ang kanyang anak. 10. Padabog na umalis ng bahay si Rica.

B. Sumulat ng isang komposisyon na naglalarawan ng iyong damdamin kaugnay ng pagkakaisa at pagtutulugan ninyo ng iyong mga kapit-bahay sa inyong komunidad. Gumamit ng mga pariralang pang-abay sa iyong mga pangungusap.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

51


Aralin 9:

Ang mga Bantas

Maraming bantas ang ating natutunghayan kapag tayo ay nagbabasa. Madalas din natin itong gamitin kapag tayo ay nagsusulat. Bawat bantas ay may natatanging gamit.

Halimbawa ng mga bantas: 1. Tuldok ( . ) – Ginagamit ito sa mga sumusunod:

a. Sa katapusan ng mga pangungusap na paturol, pautos at pakiusap:

Halimbawa: Naglalaro ang mga bata sa paaralan. Bumili ka ng manok sa palengke. Umuwi ka sana kaagad mamaya.

b. Sa pagpapaikli ng katungkulan ng isang tao:

Halimbawa: Pangulo

-

Pang.

Senador

-

Sen.

Doktor

-

Dr.

c. Sa mga salitang pinaikli:

Halimbawa: Elem. (elementarya) 2. Tandang Pananong ( ? ) – Ginagamit ito sa katapusan ng mga pangungusap na nagsasaad ng pagtatanong.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

52


Halimbawa: Saan mo inilagay ang aking sapatos? Bakit ka umiiyak?

3. Tandang Padamdam ( ! ) – Ginagamit ito sa katapusan ng mga pangungusap na nagsasaad ng masidhing damdamin.

Halimbawa: Ang lakas ng lindol! Nasusunog ang bahay nila! 4. Kuwit ( , ) – Ginagamit ito sa mga sumusunod:

a. Paghihiwalay ng petsa sa taon

Halimbawa: Setyembre 8, 1972

b. Paghihiwalay ng mga magkakasunod na magkakauring salita o grupo ng mga salita

Halimbawa: Kumain ako ng lansones, rambutan, atis at duhat.

c. Paghihiwalay ng pangalan ng baranggay, bayan at lalawigan

Halimbawa: San Agustin, San Fernando, Pampanga

d. Sa katapusan ng bating panimula at bating pangwakas ng liham pangkaibigan

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

53


Halimbawa: Mahal kong pinsan, Ang iyong pinsan.

e. Pagkatapos ng mga sagot na Oo at Hindi

Halimbawa: Oo, sasama ako sa inyo. Hindi, kailangan kong bumalik sa amin agad.

5. Panipi ( “ ” ) – Ginagamit ito upang ipakita ang buong sipi o tuwirang sinabi ng isang nagsasalita.

Halimbawa: “Kayo ang boss ko,” ang sabi ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA. 6. Tutuldok ( : ) – Ginagamit ito sa mga sumusunod:

a. Kung may kasunod na lipon ng mga salita

Halimbawa: Kumain ng masusustansyang pagkain gaya ng: prutas, gulay, karne at isda.

b. Pagkatapos ng bating panimula sa liham pangangalakal

Halimbawa: Gng. Realuyo: 7. Gitling ( - ) – Ginagamit ito sa mga sumusnod:

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

54


a. Kung ang panlapi ay nagtatapos sa katinig at ang nilalapiang salita ay nagsisimula sa patinig

Halimbawa: nag-aaral

mag-aalay

pag-iipon

b. Kapag inuulit ang buong salita

Halimbawa: araw-araw

uli-uli

kami-kami

pantay-

pantay

c. Kapag ang unlaping ika- ay inilalapi sa numero o pamilang

Halimbawa: Ika-2 ng hapon Ika-9 ng umaga

PAGSASANAY:

A. Ilagay ang angkop na bantas sa loob ng panaklong na kinakailangan sa bawat pahayag. Isulat naman sa patlang ang ngalan ng bantas na iyong inilagay.

__________________ 1. Ika ( ) 2 ng hapon.

__________________ 2. Saan po kayo pupunta (

__________________ 3. Sunog (

)

)

__________________ 4. May saging (

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

) atis (

) at bayabas.

55


__________________ 5. Dinidiligan ni Miko ang mga bulay (

__________________ 6. Gabi (

__________________ 7. (

)

) gabi siyang nagbabantay sa bakuran.

) Kailangang alagaan ang kapaligiran, (

) ang

sabi ni Ron. __________________ 8. Mag (

) aral kang magtanim bukas.

__________________ 9. Nakatira siya sa San Pablo (

) Laguna.

__________________ 10. Ang mga sumusunod ay uri ng prutas (

) guyabano,

pinya, at kasoy.

B. Bumuo ng mga pangungusap na ginagamitan ng sumusunod na mga bantas.

1. tandang pananong ______________________________________________________________

2. tandang padamdam ______________________________________________________________

3. kuwit ______________________________________________________________

4. gitling ______________________________________________________________

5. panipi ______________________________________________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

56


C. Tukuyin kung TAMA o MALI ang bantas sa bawat pangungusap. Isulat ito sa patlang.

________________ 1. Pumunta kami kahapon sa Marikina?

________________ 2. Talon! Baka abutan tayo ng baha.

________________ 3. !Kailangang magtanim tayo ng gulay! ang sabi ni Lucy.

________________ 4. Ang pusa, aso, at kambing ay nakalabas sa bakuran.

________________ 5. Pinangangalagaan mo ba ang iyong kapaligiran?

________________ 6. Nasa amin ang hinahanap mong manok?

________________ 7. Sa ika-16 ng Nobyembre ang kanyang kaarawan.

________________ 8. Ang masamang pag, uugali ay hindi maganda.

________________ 9. Bumili ako ng asukal, gatas, at kape sa tindahan.

________________ 10. Ang mga sumusunod ay dala ko: papel, gunting, krayola, lapis, pandikit at envelope.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

57


FOURTH QUARTER:

Aralin 1:

Mga Bahagi ng Pananalita (Part 3)

Ang Pang-angkop

Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa loob ng pangungusap upang maging madulas ang pagbigkas sa mga ito.

1. Ang Pang-angkop na na

Pinag-uugnay nito ang dalawang salita kung saan ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa katinig na n.

Halimbawa:

malakas na ulan

matatag na gusali

mahirap na buhay

malamig na boses

matamis na mangga

makulay na buhay

2. Ang Pang-angkop na –ng

Pinag-uugnay nito ang dalawang salita kung saan ang unang salita nagtatapos sa patinig. Ito rin ang ginagamit kapag ang salita ay nagtatapos sa katinig na n. Kinakaltas na lamang ang katinig na n at ikinakabit ang pangangkop na –ng o kaya ay idinudugtong na lamang ang titik g.

Halimbawa:

sumang lihiya

matiyagang ina

bayang magiliw

mabangong bulaklak

mamamayang nakikiisa

sasakyang pandagat

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

58


PAGSASANAY:

A. Lagyan ng kailangang pang-angkop ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang tamang pahayag sa patlang.

1. malaki mata

___________________________

2. bahay bato

___________________________

3. mahangin lugar

___________________________

4. malaki bahay

___________________________

5. bangka matibay

___________________________

6. maganda boses

___________________________

7. malumanay tinig

___________________________

8. mahina boses

___________________________

9. malamig tinig

___________________________

10. magaan pakiramdam

___________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

59


Aralin 2:

Ang mga Pangatnig

Ang pangatnig ay ang mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay, o kaisipan sa iba pang kaisipan na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

Ang mga pangatnig ay:  at – nag-uugnay ng dalawang salita o kaisipang magkaugnay

Halimbawa:

Mahalin at pangalagaan natin ang ating kapaligiran. Dakila at huwaran ang mga taong nagmamalasakit sa bansa.

 o – nag-uugnay ng dalawang salita at kaisipang pinagpipilian

Halimbawa:

Sasama ka ba sa lakbay-aral o maiiwan ka na lamang?

 dahil, sapagkat, kasi – nag-uugnay ng sanhi o dahilan sa mga pangyayari

Halimbawa:

Nasisira ang ating likas na yaman dahil sa taong mapagsamantala.

 subalit, ngunit, pero – nag-uugnay ng kaisipang magkasalungat

Halimbawa:

Marami ang nais tumulong sa paglilinis ngunit sagabal naman ang mga taong palaging nagkakalat sa paligid.

 habang, samantalang – nag-uugnay ng dalawang kilos o pangyayari na nagaganap nang sabay

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

60


Halimbawa:

Nagwawalis si kuya sa labas ng bahay habang si ate ay naglilinis ng bahay.

 kaya, upang, para, nang – nag-uugnay ng bunga o kalalabasan ng pangyayari o pahayag ng layunin o naisin

Halimbawa:

Matutong linisin ang ating kapaligiran nang makaiwas tayo sa sakit.

 kapag, pag, kung – nag-uugnay ng kaisipang may hinihinging kondisyon

Halimbawa:

Maaari ka nang manood ng TV kapag natapos mo ang iyong mga gawain sa paaralan.

PAGSASANAY:

A. Guhitan ang pangatnig sa bawat pangungusap.

1. Sumali si Rick sa paligsahan sa pagsayaw para pagbigyan ang kahilingan ng kanyang ina. 2. Wala na si Maggie sa kanilang bahay nang ako ay dumating. 3. Nagluto siya ng masarap na ulam dahil darating ang kanyang kapatid. 4. Tumingin kang mabuti habang ipinakikita ko sa iyo ang tamang pagluluto ng adobo. 5. Gusto niyang sumama sa palengke ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang ama. 6. Kapag ibinigay mo ang paborito niyang laruan, tiyak na matutuwa ang bata. 7. Kung hindi ka sasama sa amin, bantayan mong mabuti ang bahay. 8. Pupunta na sana ako sa paaralan subalit biglang bumuhos ang malakas na ulan. 9. Kumain ka ng gulay upang maging malakas ka. 10. Sasali ako sa talumpati kahit sinasabing mahiyain ako. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

61


B. Piliin sa ibaba ang tamang pangatnig upang mabuo ang diwang ipinahahayag ng mga pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot.

kapag

ngunit

dahil

upang

at

kahit

kung

habang

kaya

o

1. ___________ sakaling wala kang boses, huwag mong piliting umawit. 2. Susungkitin sana ni Glenn ang hinog na papaya ___________ nawala ang panungkit. 3. Maagang natulog si Sasha _____________ maaga rin siyang magigising sa umaga. 4. Nagalit si Daryll _____________ tinukso siya ni Merle. 5. Tumingin kang mabuti ____________ ginagawa ko ang proyekto natin. 6. Hindi dumating ang hinihintay ni Carol ____________ umalis na rin siya. 7. _____________ umiyak ka pa nang malakas ay hindi ka rin niya maririnig. 8. Ang bayabas ___________ mangga ay nasa itaas ng mesa. 9. Sino ang isasama mo sa dalawa: Si Beth __________ si Bob? 10. Hindi na kita aasarin ____________ binigyan mo ako ng kendi.

Aralin 3:

Ang mga Bahagi ng Aklat

Ang aklat ay isang mahalagang kagamitan ng mga mag-aaral. Nakatutulong ito sa pagbibigay ng kaalaman sa sinumang magbabasa nito. Nahahati ang aklat sa iba’t ibang bahagi gaya ng mga sumusunod:

Pabalat

- Ito ang takip ng aklat na tumatawag ng pansin sa mga

mambabasa. Karaniwang matingkad ang kulay nit at may iba’t ibang disenyo. Nakasulat

dito

ang

pamagat

ng

aklat,

pangalan

ng

may-akda,

at

tagapaglathala/tagalimbag nito/ Pahina ng Pamagat – Nakasaad dito ang pamagat ng aklat, pangalan ng may-akda, at tagapaglathala/tagalimbag. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

62


Pahina ng Karapatang-ari – Nakasaad sa bahaging ito ang pangalan ng mga nagmamay-ari ng karapatang-ari, kompanyang nagpalimbag ng aklat, at kung saan at kung kailan ito ipinalimbag. Paunang Salita – Naglalaman ito ng mga pahayag mula sa may-akda, ang layunin kung bakit niya ito isinulat, at kung paano gagamitin ang aklat. Talaan ng Nilalaman – Makikita rito ang mga araling nilalaman ng aklat at ang pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa. Katawan ng Aklat – Ito ang makapal na bahagi ng aklat. Makikita rito ang mga aralin na nilalaman ng buong aklat. Glosaryo/Talahuluganan – Talaan ng mga mahihirap na salita at ang kahulugan ng mga ito. Ang mga salitang ito ay mababasa sa mga araling nakapaloob sa aklat. Bibliyograpiya/Talasanggunian – Talaan ito ng mga aklat at iba pang babasahin na ginamit bilang batayan ng pagkakasulat ng mga aralin na nilalaman ng aklat. Taglay nito ang pangalan ng aklat, lugar, at petsa ng pagkakalathala ng bawat isa. Indeks/Talatuntunan – Talaan ito ng mga paksa na nakaayos nang paalpabeto at ang pahina kung saan ito matatagpuan sa aklat.

PAGSASANAY:

A. Isulat ang TAMA sa patlang kung wasto ang pahayag at MALI kung ito ay hinsi tama.

___________ 1. Ang katawan ng aklat ay makikita sa unang bahagi ng aklat.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

63


___________ 2. Makikita sa talaan ng nilalaman ang mga pahina ng bawat paksa. ___________ 3. Makikita sa indeks ang talaan ng mga yunit at ang pahina ng mga ito. ___________ 4. Makikita sa karapatang-ari ang talaan ng mga paksa. ___________ 5. Ang pabalat ang unang makikitang bahagi ng isang aklat. ___________ 6. Makikita sa bibliyograpiya ang talaan ng lahat ng aklat na ginamit ng mayakda sa pagsulat ng aklat. ___________ 7. Nakasulat sa paunang salita ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng aklat. ___________ 8. Ang glosaryo ay parang isang diksyunaryo na naglalaman ng mga salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan ng mga ito. ___________ 9. Ang bibliyograpiya ay makikita sa gitnang bahagi ng aklat. ___________ 10. Ang katawan ng aklat ang pinakamakapal na bahagi ng aklat.

B. Isulat sa patlang ang dinaglat na pangalan ng bahagi ng aklat na iyong gagamitin kung nais mong makita ang mga sumusunod:

Pab

-

Pabalat

PP

-

PK

KA

-

Katawan ng Aklat

Pahina

G

-

Glosaryo

-

Pahina ng Karapatang-ari

B

-

Bibliyograpiya

PS

-

Paunang Salita

I

-

Indeks

TN

-

Talaan ng Nilalaman

_____ 1. Ang sunod-suno na mga aralin at ang pahina ng mga ito _____ 2. Ang taon kung kailan inilathala ang aklat _____ 3. Ang talaan ng mga salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan ng mga ito _____ 4. Talaan ng mga paksa na makikita sa huling bahagi ng aklat. _____ 5. Talaan ng mga aklat at magasin na ginamit ng may-akda sa pagsulat ng aklat YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

64


_____ 6. Ang mga nakapaloob na kuwento, tula, at pagsasanay _____ 7. Ang pamagat at may-akda ng aklat _____ 8. Ang lugar kung saan inilathala ang aklat _____ 9. Ang mga pahayag ng may-akda kung paano gamitin ang aklat _____ 10. Ang pangalan ng kompanyang nagpalimbag/naglathala ng aklat

Aralin 4:

Ang mga Balita

Ang mga balita ay buhat sa mga mahahalagang pangyayari na naganap na, kasulukuyang nagaganap, at maaaring maganap sa loob at labas ng bansa. Bagamat may mga mahahalagang pangyayari na naganap na, kailangang ito ay napapanahon at hindi pa ito gaanong matagal na nangyari. Naglalaman ito ng mga mahahalagang impormasyon na dapat mabatid ng mga nakikinig o nagbabasa nito. Nakatutulong ang pagbabasa at pakikinig ng mga balita upang magkaroon ng mga ideya sa mga nangyayari o mangyayari sa loob at labas ng bansa. Karaniwang ibinabalita ang mga pangyayaring ito sa radyo at telebisyon. Inilalathala rin ito sa iba’t ibang dyaryo at pahayagan sa buong bansa.

Matatagpuan ang pinakabuod ng isang balita sa unang gabahgi na sumasagot sa mga tanong na Sino, Saan, Kailan, Bakit, at Paano nangyari ang balita. Sa ikalawang bahagi ay nakadetalye na ang mga pangyayari sa balita.

Mga Uri ng Balita 1. Balitang Nasyonal – Sumasaklaw ito sa mga pangyayari sa loob ng bansa na may epekto sa buong bansa. Halimbawa: Noynoy Aquino, Nanalo sa Eleksyon… 2. Balitang Lokal – Sumasaklaw ito sa mga pangyayaring naganap sa isang particular na lugar. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

65


Halimbawa: Palengke sa Angeles City Naabo… 3. Balitang Dayuhan – Sumasaklaw ito sa mga pangyayaring naganap sa labas ng bansa. Halimbawa: Isang daang katao ang nailigtas sa baha sa India… 4. Balitang Pampalakasan – Sumasaklaw sa mga pangyayaring kaugnay ng isport. Halimbawa: Manny Pacquiao, Lalaban mili sa Setyembre…

5. Balitang Panlibangan – Sumasaklaw sa mga pangyayaring sakop ng pelikula, tanghalan, awit, at iba pa. Halimbawa: Concert ng Dabarkads ng Eat Bulaga, Matagumpay sa Japan… 6. Balitang Pangkalusugan – Sumasaklaw sa mga pangyayaring kaugnay ng kalusugan. Halimbawa: Kaso ng Dengue, Pinangangambahang Lalaganap pa…

PAGSASANAY:

A. Basahin at suriin ang sumusunod na ulo ng mga balita. Isulat sa patlang kung anong uri ng balita ito. _______________ 1. Ekonomiya ng Pilipinas, Umaarangkada… _______________ 2. Pelikulang Magnifico, Umani ng Parangal…

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

66


_______________ 3. Paeng Nepumuceno, Ginawaran ng Parangal bilang Athlete of the Year _______________ 4. Operasyon Bakuna, Ikinasa ng Department of Health… _______________ 5. Paaralan sa Bocaue, Tinangay ng Baha… _______________ 6. Kampanya Laban sa RH Bill, Isinulong… _______________ 7. Ilang gusali sa Tsina, Gumuho dahil sa Malakas na Lindol… _______________ 8. Isang Miyembro ng bandang One Direction, Nasawi Matapos Mahulog sa Entablado… _______________ 9. Kampo ng Militar sa Jolo, Nilusob ng mga Rebelde… _______________ 10. Tigil-putukan sa Syria, Matagumpay…

Aralin 5:

Bahagi ng Pahayagan

Ang pahayagan ay naglalaman ng mahahalagang pangyayari, impormasyon, at patalastas na naganap na o magaganap pa lamang sa loob at labas ng bansa. Inilalathala ito araw-araw upang mabasa ng mga mamamayan kung ano ang mga pangyayari. May iba’t ibang bahagi ito batay sa nilalaman nito. 1. Pamukhang Pahina – Naglalaman ito ng pangalan ng pahayagan at ang mga mahahalagang balia. 2. Balitang Pandaigdig – Naglalaman ito ng mga mahahalagang balita na naganap sa buong mundo. 3. Pangulong Tudling o Editoryal – Naglalaman ito ng opinyon, kuro-kuro, puna o panghikayat ng patnugot o editor at ng buong staf ng peryodiko/pahayagan

kaugnay

ng

isang

napakamahalaga

at

napapanahong isyu. 4. Balitang Lokal – Naglalaman ng mga balitang naganap sa loob ng bansa, lalo na sa mga lalawigan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

67


5. Balitang Pangkalakalan o Komersyo – Naglalaman ito ng mga balitang kaugnay ng kalakalan, komersyo, at industriya. 6. Anunsyong Klasipikado – Naglalaman ito ng mga patalastas tungkol sa mga trabaho, ipinagbibiling kagamitan, at iba pa. 7. Panlibangan – Naglalaman ng mga balita tungkol sa mga artista sa pinilakang tabing. 8. Obitwaryo – Ipinababatid nito kung sino ang taong namatay, kung saan siya nakaburol, at kung saan at kailan siya ililibing. 9. Pampalakasan o Isport – Naglalaman ng mga balita kaugnay ng iba’t ibang isport sa loob at labas ng bansa. 10. Pampanahon – Naglalaman ng balita kaugnay ng kalagayan ng panahon sa loob at labas ng bansa.

PAGASANAY:

A. Tukuyin kung anong bahagi ng pahayagan ang iyong gagamitin sa mga sumusunod na sitwasyon. 1. Nais mong malaman kung saan ililibing ang namatay ninyong kamag-anak. 2. Maghahanap ng trabaho ang iyong kapatid. 3. Nais mong malaman kung may paparating na bagyo. 4. Gusto mong alamin kung ano na ang nangyari sa mga nasalanta ng baha sa Japan. 5. Sabik kang malaman kung saan at kailan ang konsiyerto ng paborito mong artista. 6. Nais mong malaman kung ano ang opinyon ng patnugot ng pahayagang iyong binabasa tungkol sa RH Bill. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

68


7. Gusto mong malaman kung ilang medalya na ang nakuha ng Pilipinas sa Olympics. 8. Ipinahahanap sa iyo ng iyong guro kung ang paksang tinalakay ng patnugot ng pahayagan. 9. Nais mong malaman kung sino ang nanalong Best Actor at Best Actress sa naganap na Awards Night. 10. Takdang-aralin ninyo sa klase ang alamin kung sino ang nanalo sa eleksyon sa Amerika.

B. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi ito wasto. _____ 1. Gamitin ang bahaging pampalakasan ng pahayagan kung nais mong malaman ang kalagayan ng panahon. _____ 2. Ang obitwaryo ang dapat tingnan kung nais malaman kung kailan namatay ang isang kilalang politico. _____ 3. Basahin mo ang balitang pangkalakalan upang malaman mo kung ano ang mga trabahong maaari mong pasukan. _____ 4. Kailangang basahin ang balitang pangdaigdig upang makakuha ng impormasyon kaugnay ng napakalakas na lindol na nanalanta sa Malaysia. _____ 5. Binasa ni Lorna ang balitang panlibangan upang malaman niya ang susunod na pelikula ng kanyang paboritong artista. _____ 6. Hinanap ni Rodel sa balitang pampalakasan ang petsa ng pagdating ng kanyang paboritong mang-aawit mula sa ibang bansa. _____ 7. Binasa ni Hazel ang balitang pampanahon upang malaman kung ano ang signal ng bagyo sa kanilang lugar. _____ 8. Maaaring makatulong ang anunsyong klasipikado sa paghahanap ng bahay na pinauupahan sa San Juan. _____ 9. Binabasa ni Rick ang obitwaryo upang makakita ng trabaho. _____ 10. Nais malaman ni Mona ang opinyon ng patnugot ng pahayagan kaya binasa niya ang pangulong tudling.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

69


Aralin 6:

Ang Pangulong Tudling o Editoryal

Ang pangulong tudling

o editoryal ay ang bahagi ng pahayagan na

naglalaman ng opinyon, kuro-kuro, puna o panghihikayat ng patnugot o editor at ng buong istaf ng peryodiko/pahayagan kaugnay ng isang napakahalaga at napapanahong isyu.

Halimbawa ng editoryal:

Basurahan ang Maynila

Naawa kami kay Manila mayor Alfredo Lim sa kadahilanang ginagawang basurahan ang kanyang lungsod na capital pa naman ng Pilipinas. Saan naman nakakita ng lungsod na kapag nagsungit ang panahon at nagngalit ang Manila Bay ang kasunod ay ang sandamukal na basurang isinusuka sa Roxas Boulevard. Kaya, naaawa kami kay Lim. Nadarama namin ang walang patid sikdo ng kanyang dibdib kapag may banta ng bagyo at apektado ang Manila Bay dahil tiyak na susuka na naman ng basura.

(Pinagkunan: Pilipino Star NGAYON, Setyembre 1, 2012)

PAGSASANAY:

Basahin ang editoryal at tukuyin ang nais ipabatid ng patnugot. Pagkatapos ay sagutan ang kasunod na mga tanong. Kabataan, Halika’t Sagipin ang Puno ng Buhay

Habang tumatagal ay nararamdaman sa mundo ang sobrang pag-init ng panahon. Ang mga lugar na dating itinuturing na malalamig na lugar ay nakararanas na rin ng YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

70


kakaibang initng panahon. Sa Pilipinas, ang malalamig na lugar tulad ng Baguio at Tagaytay ay nakararanas na rin ng kakaibang pag-iinit ng panahon.

Ang pagkawala

ng

maraming puno sa bansa ang itinuturing na sanhi ng pagtindi ng init. Dumarami na ang mga kabundukan na nagiging kalbo dahil sa unti-unting pagkaubos ng mga puno. Taon-taon, hindi nawawala ang mga balita kaugnay ng mga bundok na nakakalbo dahil sa ilegal na pamumutol ng mga puno. Kung magpapatuloy ito, patuloy na mag-iinit ang mundo. Maaari ring makaranas ng pagbaha sa bansa dahil wala na ang mga punong sisipsip sa tubig-baha.

Ang sobrang pag-init ng mundo at ang pagbabaha ay maaaring maiwasan kung mapipigilan ang ilegal o bawal na pagpuputol

ng

mga

puno

sa

mga

kabundukan.

Kinakailangang magkaisa ang lahat upang mapigilan ang mga taong gumagawa ng mga ganitong gawain. Bawat Pilipino,

bata

man

o

matanda

ay

kinakailangang

magtulungan upang mapigilan ang ganitong bawal na gawain.

Kung hindi pa ito sisimulan ngayon, kailan pa? Kapag tuluyang nakalbo na ang kabundukan?

Tandaan, ang iyong pakikisangkot ay mahalaga upang

maging

matagumpay

ang

isang

magandang

programa para sa mundo. 1. Batay sa editoryal, ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Kung hindi pa ito sisimulan ngayon, kailan pa?� ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

71


2. Ano ang mga dahilan ng sobrang pag-init ng panahon sa daigdig? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

3. Paano mapipigilan ang sobrang pag-init ng panahon sa daigdig? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

Aralin 7:

Ang Pagtatala

Ang pagtatala ay ang paglilista ng mga impormasyong namasid, narinig o nabasa. May iba’t ibang paraan na ginagamit sa pagbibigay ng tala na maaaring magamit ng mag-aaral sa kanyang pag-aaral at gawaing pananaliksik. Kabilang sa mga paraang ito ang sumusunod: 1. Paghahawig – Malayang ipinaliliwanag ang mga tala o impormasyon batay sa paliwanag sa orihinal. Kadalasan ay mas nagiging mas mahaba pa ito kaysa sa orihinal na teksto.

Halimbawa:

Orihinal:

Ang mga Pilipino ay kinikilala sa buong mundo dahil sa kanilang mga talento. Kahit saang larangan pa ay sadyang makikilala ang mga Pilipino. Sadyang natatangi

ang

kanilang

talento

na

tunay

na

maipagmamalaki ng kanilang kapwa-Pilipino.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

72


Paghahawig:

Maraming talento ang mga Pilipino na kinikilala sa buong mundo. May natatanging angkin ang mga ito sa larangan ng pag-awit, pagsasayaw, pagpipinta, pag-arte, at maging sa larangan ng kagandahan. Labis ang paghanga ng mga dayuhan sa kanila sa ibang bansa na tunay na maipagmamalaki ng mga Pilipino. 2. Pagbubuod – Isinusulat ang tala o impormasyon sa sariling pananalita nang hindi nababawasan ang orihinal. Nananatili pa rin ang pangunahing ideya kahit ito ay ibuod.

Halimbawa:

Orihinal:

Ang mga Pilipino ay kinikilala sa buong mundo dahil sa kanilang mga talento. Kahit saang larangan pa ay sadyang makikilala ang mga Pilipino. Sadyang natatangi

ang

kanilang

talento

na

tunay

na

maipagmamalaki ng kanilang kapwa-Pilipino.

Pagbubuod:

Ang mga Pilipino ay may natatanging talento sa iba’t ibang larangan na kinikilala sa buong mundo at tunay na maipagmamalaki ng kapwa-Pilipino. 3. Direktang Sipi – Kompletong pagkopya sa impormasyon. Ginagamit dito ang bantas na panipi.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

73


Halimbawa:

Orihinal:

Ang mga Pilipino ay kinikilala sa buong mundo dahil sa kanilang mga talento. Kahit saang larangan pa ay sadyang makikilala ang mga Pilipino. Sadyang natatangi

ang

kanilang

talento

na

tunay

na

maipagmamalaki ng kanilang kapwa-Pilipino.

Direktang Sipi “Ang mga Pilipino ay kinikilala sa buong mundo dahil sa kanilang mga talento. Kahit saang larangan pa ay sadyang makikilala ang mga Pilipino. Sadyang natatangi

ang

kanilang

talento

na

tunay

na

maipagmamalaki ng kanilang kapwa-Pilipino.”

PAGSASANAY:

Basahin ang teksto at gawin ang mga kasunod na gawain dito. “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang malansang isda.” Ito ang pahayag ni Dr. Jose Rizal na nagbibigay diin sa kahalagahan ng pagmamahal sa sariling wika. Bawat mamamayang nanirahan sa bawat bansa ay may sariling wikang ginagamit. Ang wikang ito ang kanilang ginagamit sa pakikipag-usap at pakikisalamuha sa kanilang kapwa. Gayunman, may mga pagkakataong natututuhan ng mga tao ang ibang wika at gagamitin niya ito sa kanyang pakikipag-usap sa ibang tao hanggang tuluyang hindi na gamitin ang wikang kanyang nakagisnan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

74


Hindi naman masama ang matuto ng ibang wika, subalit kinakailangang huwag kalimutan ang kinamulatang wika dahil ito ay sariling atin. Ang binanggit ni Dr. Jose Rizal ay isang pagpapaalala lamang na dapat nating ingatan at gamitin ang sarili nating wika. Sumulat ng pagtatala batay sa teksto. Gamitin ang iba’t ibang paraan ng pagtatala.

1. Paghahawig: ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

2. Pagbubuod ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ _____________________________________________________________

3. Direktang Sipi ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ _____________________________________________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

75


Aralin 8:

Ang Diksyunaryo

Ang diksyunaryo ay ginagamit upang mahanap ang kahulugan ng mga salita. Nakatala ang mga ito nang paalpabeto upang madaling makita ang hinahanap na salita. Makikita rin dito ang tamang baybay ng mga salita at ng mga bahagi ng pananalita na kinabibilangan ng salitang ito. Naglalaman din ito ng tamang pagbigkas ng mga salita.

Mahalaga ang diksyunaryo upang makita ang kahulugan ng mga salitang hindi madaling mabigyan ng kahulugan. Nakatutulong din ito upang mahanap ang mga salitang kasingkahulugan ng salitang hinahanapan ng kahulugan.

Sa paggamit ng diksyunaryo, unang makikita sa itaas na bahagi ng bawat pahina ang mga patnubay na salita. Ito ay nagsisilibing gabay upang madaling sundan o makita ang salitang hinahanap. Ang mga ito ay nakaayos nang paalpabeto. Kinakailangang basahin muna ang paunang salita upang magkaroon ng ideya sa pagkakabuo nito. Kailangan ding basahin ang ilang impormasyon o pananda tungkol sa salita.

Kabilang sa mga makikitang mga pananda sa paggamit ng diksyunaryo ang mga sumusunod:

A. Mga Daglat Daglat ng mga Bahagi ng Pananalita, at iba pa.

Halimbawa: Bahagi ng Pananalita

Daglat

pang-abay

pb.

pandiwa

pd.

panghalip

ph.

pang-ukol

pk.

pangngalan

png.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

76


pang-uri

pr.

panlapi

pl.

pantukoy

pt.

pangatnig

ptg.

at iba pa

atbp.

Daglat sa mga Dayalekto at Wika

Halimbawa: Wika/Dayalekto

Daglat

Bikol

Bk.

Igorot

Ig.

Maranao

Mar.

Sebuano

Sb.

Hiligaynon

Hlg.

Kapampangan

Kpm.

Tagalog

Tg.

Visaya

Vis.

B. Bigkas Kinikilala ito sa pamamagitan ng diin at tuldik. Nakatutulong ito upang matukoy kung paano ang tamang pagbigkas ng salita.

Halimbawa:

Salita

Bahagi ng Pananalita

Kahulugan

bĂĄâ–Şga

png.

gatong o uling na nag-iinit ngunit walang ningas

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

77


ba▪gà

png.

bahagi ng katawan ng tao o anumang vertebrate na may kaugnayan

sa

paghinga,

sinasalalayan ng tadyang, at nagdadala ng hangin sa dugo

C. Kahulugan ng Salita Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng isa o higit pang kahulugan. Karaniwang nilalagyan ito ng bilang na 1, 2, o higit pa sa diksyunaryo. Ang unang bilang ang karaniwang pinakakahulugan ng salita.

Halimbawa:

Salita át▪las

Bahagi ng Pananalita

png.

Kahulugan

1. katipunan ng mga mapang nasa ayos ng isang aklat 2. isang aklat ng mga larawang guhit, ilustrasyon o talaang

naglalarawan

ng

isang paksa

PAGSASANAY:

A. Isulat sa patlang ang TAMA kug tama ang pahayag at MALI kung hindi tama ang phayag.

_____ 1. Ang diksyunaryo ay naglalaman ng mga kuwento. _____ 2. Nauuna ang mga salitang nagsisimula sa Z sa diksyunaryo. _____ 3. Naglalaman ang diksyunaro ng tamang pagbigkas ng salita. _____ 4. Nauuna ang salitang buwis kaysa dalangin sa diksyunaryo. _____ 5. Ipinakikita ng diksyunaryo ang tamang bigkas ng salita. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

78


_____ 6. Ipinakikita ng diksyunaryo ang kahulugan ng salita. _____ 7. May ilang diksyunaryo na may kalakip na larawan ang salita. _____ 8. Nasa loob ng diksyunaryo ang lahat ng salita sa mundo. _____ 9. Ipinakikita rin ng diksyunaryo kung anong bahagi ng pananalita ang salita. _____ 10. Ang diksyunaryo ay ginagamit upang hanapin ang kasingkahulugan ng mga salita.

Aralin 9:

Ang Liham Pangkaibigan

Ang liham pangkaibigan ay isang paraan ng komunikasyon na may layuning mangumusta, magpabatid ng impormasyon, mag-imbita, bumati, makiramay, o magpasalamat sa isang kaibigan, kakilala o kapamilya. May iba’t ibang bahagi ang liham pangkaibigan at ito ang mga sumusunod: 1. Pamuhatan – Makikita rito ang lugar na pinanggalingan at petsa ng liham.

Halimbawa:

#20 Upper Scout Barrio Loakan, Baguio City Setyembre 8, 2013 2. Bating Panimula – Ito ang pantawag sa sinusulatan.

Halimbawa:

Mahal kong Donna, 3. Katawang ng Liham – Nakapaloob dito ang nilalaman ng liham.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

79


Halimbawa:

Nais kong ipabatid sa iyo na ako ay nagbabalak na magbakasyon sa inyong lugar sa darating na buwan ng Mayo. Gusto kong maranasan muli an gating pagpasyal sa magagandang tanawin sa inyong lugar. Nais ko ring muling makasama

at

makakuwentuhan

ang

iyong

pamilya.

Inaasahan ko na magiging masayang muli ang aking pagbabakasyon sa inyong lugar. Susulatan na lang kita muli kung kailan ang eksaktong araw ng aking pagtungo sa inyong lugar.

Hanggang sa muling pagkikita.

4. Bati o Pamitagang Pangwakas – Ito ang pagpapaalam ng sumulat sa sinusulatan.

Halimbawa:

Ang iyong kaibigan,

Lubos na gumagalang,

5. Lagda –Ito ang palayaw o buong pangalan ng sumulat. Makikita ito sa huling bahagi ng liham.

Halimbawa:

Deng

Mark

Trisha

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Liham Pangkaibigan

1. Isulat ang pamuhatan sa gawing itaas at kanang bahagi ng liham. 2. Isulat ang bating panimula sa kaliwang bahagi. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

80


3. Kinakailangang nakapasok ang unang pangungusap ng katawan ng liham. 4. Nakapasok din dapat ang unang pangungusap ng mga susunod pang talata. 5. Ang bating pangwakas at lagda ay isinusulat sa gawing ibaba at kaliwang bahagi ng liham.

Makikita sa ibaba ang balangkas ng liham na nagpapakita sa posisyon ng mga bahagi ng liham pangkaibigan.

#20 Upper Scout Barrio Loakan, Baguio City Setyembre 8, 2013 Mahal kong Donna, Nais kong ipabatid sa iyo na ako ay nagbabalak na magbakasyon sa inyong lugar sa darating na buwan ng Mayo. Gusto kong maranasan muli an gating pagpasyal sa magagandang tanawin sa inyong lugar. Nais ko ring muling makasama at makakuwentuhan ang iyong pamilya. Inaasahan ko na magiging masayang muli ang aking pagbabakasyon sa inyong lugar. Susulatan na lang kita muli kung kailan ang eksaktong araw ng aking pagtungo sa inyong lugar. Hanggang sa muling pagkikita. Ang iyong kaibigan, Deng

1. Ano ang nilalaman ng liham? 2. Paano Sinimulan ang katawan ng liham? 3. Paano winakasan ang katawan ng liham?

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

81


PAGSASANAY: A. Kung ikaw si Donna, paano mo sasagutin ang sulat ni Deng? Gumawa ng liham pangkaibigan bilang tugon sa sulat ni Deng?

__________________ __________________ __________________ ____________________

______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

_________________ _________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

82


B. Saang parte ng liham makikita ang mga sumusunod? Isulat sa tsar tang sagot.          

Nagmamahal, Agosto 23, 2012 #14 Kalayaan Village, San Fernando, Pampanga Maricar Mahal kong Randy, Lubos na gumagalang, Sa iyo aking kapatid, Gumagalang, Manila, Pilipinas Kumusta ka na, kaibigan ko? Ano ang ginagawa mo?

Pamuhatan

Bating Panimula

Katawan ng Liham

Pamitagang Pangwakas

Lagda

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE

83


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.