YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
1
FIRST QUARTER Aralin 1:
Kayarian ng Salita
Ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Ang salitang-ugat ang payak na anyo ng salita. Taglay nito ang simple o payak na kahulugan. Nababago ang kahulugan nito kapag kinakabitan ng mga panlapi. Ito ang magsisilbing pandagdag sa salitang-ugat upang matukoy kung anong bahagi ito ng pananalita. Maaaring unlapi (unahang panlapi), gitlapi (gitnang panlapi), hulapi (hulihang panlapi), at kabilaan (kung ang panlapi ay nasa unahan at hulihan) ang gamiting uri ng panlapi sa isang salita. 1. Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang. Halimbawa: kain
tulog piraso
2. Maylapi – binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Mga uri ng panlapi: a. Unlapi – panlaping ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat na + tulog = natulog ma + ulan = maulan b. Gitlapi – panlapi sa gitna ng salitang-ugat um + kain = kumain in + sayaw = sinayaw c. Hulapi – panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat laba + han = labahan walis + in = walisin 3. Inuulit – kapag ang unang salita ay inuulit. Uri ng salitang inuulit: Ganap – kapag inuulit ang buong salita sabi-sabi
gabi-gabi
araw-araw
Di-ganap – bahagi lamang ng salita ang inuulit pira-piraso
bahay-bahayan
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
2
4. Tambalan – dalawang salitang pinagsama upang makabuo ng bagong salita. Halimbawa: bahay-kubo
basang-sisiw
PAGSASANAY Panuto: Suriing mabuti ang bawat salita. Isulat sa unang patlang ang salitang-ugat at sa ikalawang patlang ang panlaping ginamit sa salita. Salitang-ugat
(mga) panlapi
1. kaligtasan _________________ ________________ 2. kahandaan _________________ ________________ 3. nakaiwas _________________ ________________ 4. pumasada _________________ ________________ 5. sinagip _________________ ________________ Panuto: Magtala ng mga salitang inuulit. Isulat sa unang hanay ang mga salitang may ganap na pag-uulit at sa pangalawang hanay naman ang mga salitang may diganap na pag-uulit. Ganap na inuulit ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________
Di-ganap na inuulit ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________
Panuto: Magtala ng limang tambalang salita. 1. 2. 3. 4. 5.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
3
Aralin 2:
Parirala, Sugnay, at Pangungusap
Ang parirala ay lipon ng mga salitang hindi buo ang diwa at isang bahagi lamang ng pangungusap. Halimbawa:
ang pamahalaan problemang nararanasan
Ang sugnay ay lipon ng mga salitang maypaksa at panaguri. Maaaring hindi buo ang diwang ipinahahayag. Pinangungunahan ito ng mga pangatnig na kaya, dahil sa, kung, kapag, sapagkat, upang, para o nang. Halimbawa:
kaya nagtagumpay ang tungkulin nang magpahayag ng SONA ang pangulo
Uri ng Sugnay: 1. Sugnay na nakapag-iisa – lipon ng salita na maaaring makapag-isa dahil may buong diwa kahit ihiwalay sa pangungusap. 2. Sugnay na di nakapag-iisa – hindi buo ang diwa kung ito ay ihihiwalay sa pangungusap. Halimbawa: Lubos na nagpapasalamat ang mga magsasaka (nakapag-iisa) Dahil sa tulong na ipinamamahagi ng pamahalaan. (di nakapag-iisa)
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita o isang salitang may buong diwa. Nagsisimula ito sa malaking titik at nagtatapos sa bantas. Halimbawa: Ang bawat kasapi sa organisasyon ay may tungkuling dapat gampanan. Saklolo!
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
4
PAGSASANAY Panuto: Isulat sa patlang kung ang lipon ng mga salita ay parirala, sugnay o pangungusap. ___________ 1. kapag nagtulong-tulong ang bawat isa ___________ 2. mabuting kasapi ___________ 3. Ang bawat isa ay nagtutulungan. ___________ 4. Makiisa tayo sa mga gawain. ___________ 5. ang tagumpay ng pangkat ___________ 6. upang makamtan ang tagumpay ___________ 7. kailangang sundin ___________ 8. sapagkat nakahihigit ang pagmamahal sa kapwa ___________ 9. Sa pamayanan naisasagawa ang natutuhan sa pamilya. ___________ 10. Magkaisa tayo! ___________ 11. ang mga mag-aaral ___________ 12. Sapagkat matiyaga ang bawat isa ___________ 13. Masaya ang samahan kung nagkakaisa. ___________ 14. nang magbigay ang mga kasapi ng mungkahi ___________ 15. ang plano ng samahan ___________ 16. magbigayan sa isa’t isa ___________ 17. responsableng mamamayan ___________ 18. Mahusay niyang ginampanan ang tungkulin. ___________ 19. bawat isa ___________ 20. naantig ang kabaitan
Aralin 3:
Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
1. Pangungusap na Pasalaysay Ito ang uri ng pangungusap na nasa anyong palahad. Layunin nitong magsalaysay ng magkakasunod na pangyayari. Ginagamit ang tuldok (.) sa pagtatapos ng pangungusap. Halimbawa: Tinulungan ni Kris ang kanyang nanay sa pagluluto. Nalalapit na ang kapistahan sa aming bayan.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
5
2. Pangungusap na Patanong Layunin ng pangungusap na ito na magtanong, mangalap, o humingi ng anumang impormasyon mula sa taong tinatanong. Isa rin itong paraan ng pangangalap ng kaalaman mula sa inaasahang sagot. Kadalasan itong nagsisimula sa mga pananong na ano, sino, saan, kalian, bakit, paano, at gaano. Ginagamitan ito ng tandang pananong (?) sa pagtatapos ng pangungusap. Halimbawa: Anong oras ka uuwi? Paano ba gumawa ng saranggola? 3. Pangungusap na Pautos at Pakiusap Ang pangungusap na pautos ay may layuning makapag-utos; makisuyo, makiusap naman kapag nakikusap o humihingi ng isang pabor. Kadalasang ginagamit ang mga panlaping paki-, maki-, at sinusundan ng pananalitang ―po‖ at ―opo‖ bilang pagpapahiwatig ng paggalang sa kinakausap. Tuldok (.) ang bantas na inilalagay sa dulo ng pangungusap. Halimbawa: Makikiabot po ng bayad. Huwag magtapon ng basura dito. 4. Pangungusap na Padamdam Nagpapahiwatig ito ng masidhing pagpapahayag ng damdamin. Maaaring nagulat, nagalit, nabigla, natakot o natulala. Samantala, ginagamit naman ang tandang padamdam (!) sa pagtatapos ng pangungusap. Halimbawa: Saklolo, may nalulunod! Nanalo ako!
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
6
PAGSASANAY A. Magsulat ng limang pangungusap na pasalaysay. 1. 2. 3. 4. 5. B. Magsulat ng limang pangungusap na patanong. 1. 2. 3. 4. 5. C. Magsulat ng limang pangungusap na pautos o pangungusap. 1. 2. 3. 4. 5. D. Magsulat ng limang pangungusap na padamdam. 1. 2. 3. 4. 5.
Aralin 4:
Bahagi ng Pangungusap
1. Paksa – Ito ang tawag sa lipon ng mga salitang tinutukoy o pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay maaaring pangngalan, panghalip, o pawatas. Halimbawa:
Tinutulungan niya ang mga matatanda. Siya ay mabait na magulang. Libangan niya ang manood.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
7
2. Panaguri – Ito ang tawag sa lipon ng mga salitang nagsasabi ng tungkol sa pinag-uusapan o paksa. Ito ay maaaring pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pawatas. Halimbawa:
Mahalin natin ang mga lolo’t lola. Ang pinakamatanda ay siya.
Payak – ang paksa at panaguri kapag ito’y isang salita lamang at walang panuring. Halimbawa: Ang mga
matatanda (payak na paksa)
ay
mapagmahal. (payak na panaguri)
Buo – naman ang paksa at panaguri kapag ito ay binubuo ng payak na paksa o panaguri at mga panuring. Halimbawa: Nagagampanan nila nang buong husay (buong panaguri) ang pagiging huwarang magulang. (buong paksa)
PAGSASANAY Panuto: Isulat sa patlang kung paksa o panaguri ang mga salitang may salungguhit. __________ 1. Naging maganda ang kanyang pagpapalaki sa mga anak. __________ 2. Ang aking lolo ay huwaran sa kasipagan. __________ 3. Mahal ko siya. __________ 4. Mapagbiro pala ang lola mo. __________ 5. Bawat lolo at lola ay sandigan ng mga anak. __________ 6. Hindi biro ang ginagampanan niya sa pamilya.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
8
__________ 7. Siya ay matiyagang magulang. __________ 8. Ang mga matatanda ay dapat gabayan sa kanilang pagtanda. __________ 9. Kilalanin at pahalagahan ang ating mga lolo’t lola. __________ 10. Ang araw ng mga lolo’t lola ay ating ipagdiwang.
Aralin 5:
Sugnay na Nakapag-iisa at Di-nakapag-iisa
Ang sugnay ay kalipunan ng mga salita na nakapaloob sa isang pangungusap. Binubuo ito ng simuno at panaguri. Tinatawag na sugnay na nakapag-iisa kung nagtataglay ito ng buong diwa. Samantala, sugnay na dinakapag-iisa naman kung ito ay hindi nagtataglay ng buong diwa. Maaaring magsama sa loob ng isang pangungusap ang dalawang uri ng sugnay upang mabuo ang diwa at maging isang pangungusap. Halimbawa: 1. Kung hindi ka magsusumikap na mag-aral nang mabuti, ang pangarap ay mananatiling pangarap lamang. Kung hindi ka magsusumikap na mag-aral nang mabuti (sugnay na di-nakapag-iisa) ang pangarap ay mananatiling pangarap lamang. (sugnay na nakapag-iisa) 2. Ang kalusugan ay kayamanan kaya kailangan mo itong alagaan. Ang kalusugan ay kayamanan (sugnay na nakapag-iisa) kaya kailangan mo itong alagaan. (sugnay na di-nakapag-iisa) 3. Kapag ikaw ay naghanda ng maaga, ang anumang gawain ay hindi maaabala. Kapag ikaw ay naghanda ng maaga (sugnay na di-nakapag-iisa) YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
9
ang anumang gawain ay hindi maaabala. (sugnay na nakapag-iisa) Gumagamit ng mga pangatnig upang pag-ugnayin ang dalawang sugnay. Mga halimbawa ng pangatnig: kaya
kung
dahil
kapag
sapagkat
para
nang
upang
PAGSASANAY Panuto: Dugtungan ng sugnay na nakapag-iisa o sugnay na di-nakapag-iisa ang sumusunod na mga sugnay upang makabuo ng isang buong pangungusap. 1. Ang paggalang sa karapatan ng kapwa ay tanda ng pagiging isang marangal na tao sapagkat 2. Kapag sinuway mo ang utos ng iyong mga magulang, ang 3. Ang pamilyang sabay-sabay kumain ay matibay sa gitna ng mga suliranin dahil 4. Hindi imposible ang pagbabago kung 5. Kapag ikaw ay may matibay na pananalig, ang 6. Magtatagumpay ka kung 7. Dahil siya ang napiling lider, siya ay 8. Higit na makabubuti sa isang mag-aaral ang mag-aral ng mabuti dahil 9. Upang makamit ko ang aking pangarap ako ay 10. Magtiyaga ka sa pag-aaral para
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
10
Aralin 6:
Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian
1. Payak – Ang payak na pangungusap ay binubuo o nagpapahayag ng isang kaisipan o diwa o paksa. Halimbawa: Ang mga magulang ay may dakilang hangarin para sa pamilya. 2. Tambalan – Ang pangungusap na tambalan ay nagpapahayag ng dalawang sugnay na nakapag-iisa. Pinag-uuganay ito ng at, saka, pati, o, ngunit, datapwat, subalit, atbpa. Halimbawa: Magpasalamat sa Diyos sa ipinagkaloob Niyang mga magulang at mga kapatid na bumubuo ng ating pamilya at magpasalamat din tayo dahil sa ating mga kaibigan at kaklase. 3. Hugnayan – Ang pangungusap na hugnayan ay binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di nakapag-iisa na pinag-uugnay ng dahil, kapag, sapagkat, upang, at bagaman. Halimbawa: Ang mga magulang ay mahalin natin sapagkat utang natin sa kanila ang ating buhay.
PAGSASANAY Panuto: Isulat sa patlang kug ang pangungusap ay payak, tambalan, o hugnayan. __________ 1. Igalang ang mga magulang at arugain sila sa kanilang pagtanda. __________ 2. Ang bawat miyembro ng pamilya ay nagtutulungan. __________ 3. Alam kong makatutulong ang aking pamilya sa paglutas sa suliranin ngunit paano ko ito sisimulan sa kanila. __________ 4. Likas sa mga kabataan ang pagiging agresibo sa ngayon dahil na rin sa takbo ng panahon. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
11
__________ 5. Masaya ako kapag kasama ko ang aking pamilya. __________ 6. Nasa mahusay na pakikipag-usap ngmagulang ang susi ng pagkakaunawaan. __________ 7. Magpaalam sa mga magulang bago umalis upang madali ka nilang payagan. __________ 8. Ang anumang suliranin ay may katumbas na solusyon. __________ 9. Kung may karapatan ka, ipaglaban mo. __________ 10. Ang bawat pamilya ay dumadaan sa pagsubok.
Aralin 7:
Ayos ng Pangungusap
Ang pangungusap ay maaaring nasa karaniwang ayos o di-karaniwang ayos. Nasa karaniwang ayos ang pangungusap kapag nauuna ang panaguri bago ang simuno. Ito rin ang kadalasang paraan natin sa pasalitang pagpapahayag. Halimbawa: Sinamahan ni Monica si Almira na magpunta sa tanggapan ng punongguro. (panaguri) (simuno/paksa) Sabay-sabay na nananghalian ang magkakaibigan. (panaguri) (simuno/paksa) Pinakinggan ni Ramon ang problema ni Albert. (panaguri) (simuno/paksa) Samantala, nasa di-karaniwang ayos naman ang pangungusap kapag nauuna ang simuno at sinusundan ito ng panaguri. Kapansin-pansin namang laganap ang paggamit ng panandang ―ay‖ sa ayos na ito ng pangungusap. Halimbawa: Si Almira ay sinamahan ni Monica na magpunta sa tanggapan ng punongguro. (simuno/paksa) (panaguri) YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
12
Ang magkakaibigan ay sabay-sabay na nananghalian. (simuno/paksa) (panaguri) Ang problema ni Albert ay pinakinggan ni Ramon. (simuno/paksa) (panaguri)
PAGSASANAY Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang K kung nasa karaniwang ayos ang pangungusap at DK naman kung nasa di-karaniwang ayos. _____ 1. Hindi madaling maging kasambahay. _____ 2. Lahat ng hirap ay kaya nilang tiisin. _____ 3. Bago pa man sumikat ang araw ay abala na silang naglilinis ng bahay. _____ 4. Kabisado na nila kung ano at saan bibilhin ang mga sariwang prutas, gulay, isda, at karne na kanilang lulutuin. _____ 5. Karamihan sa mga kasambahay ay nanggaling sa malalayong probinsiya. _____ 6. Huwag silang pahirapan ng sobra. _____ 7. Dapat tumbasan ng pagtitiwala ang katapatang ibinibigay nila. _____ 8. Ang mga kasambahay ay nakapagpapagaan sa buhay ng kanilang pinagsisilbihan _____ 9. Ang pinakadakilang tulong na maibibigay sa kanila ay matulungan silang matupad ang hangarin na mapaganda ang buhay ng kanilang pamilya. _____ 10. Mabuhay ang lahat ng mga kasambahay.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
13
Aralin 8:
Ang Paksa at Panaguri
Ang bawat pangungusap ay karaniwang binubuo ng paksa o simuno at ng panaguri. Ang paksa ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap. Ito ang pangunahing tinatalakay sa pangungusap. Samantala, ang panaguri naman ang naglalaman ng detalye tungkol sa paksa. Taglay nito ang iba’t ibang salita na nagpapakilala at nagpapaliwanag sa mismong paksa sa usapan. Halimbawa: 1. Si Jefferson ay isang mahusay na mananalumpati sa kanilang magkakapatid. simuno/paksa panaguri 2. Lubos na nagmamahalan at nagbibigayan ang pamilya Reyes. panaguri simuno/paksa 3. Pamilya ang ating takbuhan sa oras ng pangangailangan. simuno/paksa panaguri
Mga Bahagi ng Pananalita na Maaaring Gamiting Paksa at Panaguri Maaaring gamitin bilang paksa o simuno: 1. Pangngalan Halimbawa: Ang pasko ay panahon ng pagsasama-sama ng pamilya. Si Nanay ang nagsisilbing ilaw ng tahanan. 2. Panghalip Halimbawa: Siya ang nagturo sa akin ng kagandahang-asal. Tayo ay dapat na magtulungan. Maaaring gamitin bilang panaguri: 1. Pang-uri Halimbawa: Matamis ang manggang hinog. Mainam sa katawan ang sariwang gulay.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
14
2. Pandiwa Halimbawa: Si Jonathan ay naglilinis ng bahay. Nagdidilig ng halaman tuwing umaga si Aling Minerva. 3. Pang-abay Halimbawa: Ganito ang tamang pagtitiklop ng damit. Kahapon pa dumating ang mga bisita.
PAGSASANAY Panuto: Bilugan ang paksa at salungguhitan ang panaguri sa bawat pangungusap. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.
Si Anthony ay isang pilyong bata. Nag-iisang anak lamang si Mark John. Sapilitang inagaw ni Anthony kay Mark John ang tinapay. Basang-basa ang polo ni Mark John. Napadapa si Anthony nang marating ang gilid ng daan. Madalas na inaasar nina Anthony at mga kaibigan niya si Mark John. Biglang tinawag ni Bb. Peralta si Mark John. Kung minsan ay pumupunta si Anthony sa bahay nina Mark John upang magaral. 9. Ito ang naging simula ng kanilang walang hanggang pagkakaibigan. 10. Naging matalik na magkaibigan sina Mark John at Anthony.
Aralin 9:
Mga Bahagi ng Aklat
1. Pahina ng Pamagat Nakatala rito ang pamagat, sumulat, at naglimbag ng aklat. 2. Pahina ng Karapatang Pagmamay-ari Matatagpuan dito ang taon ng karapatang pagmamay-ari, sino ang may hawak ng karapatang-ari, ang pangalan ng naglathala, at lugar at taon ng pagkakalimbag.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
15
3. Paunang Salita Nakalahad dito ang nais ipaabot ng may-akda sa kanyang mga mambabasa, intension niya sa pagsulat, paalala, at kahalagahan ng kanyang akdang isinulat. 4. Talaan ng Nilalaman Ito ay naglalaman ng pagkakasunod-sunod ng mga aralin at gawain at kung saang pahina ito matatagpuan. 5. Katawan ng Aklat Dito matatagpuan ang pinakadiwa ng aklat. Ito ang mga araling bumubuo sa mismong aklat. 6. Talahuluganan o Glosaryo Matatagpuan dito ang mahahalagang salita o terminong ginamit sa aklat at kanilang kahulugan upang maintindihan itong mabuti ng kanyang mambabasa. Nakaayos ito nang pa-alpabeto. May mga aklat na mayroon o wala nito. 7. Talaan ng mga Sanggunian o Bibliyograpiya Ito ang koleksyon ng mga babasahin, aklat, journal, at iba pang sangguniang ginamit ng may-akda sa pagsulat ng aklat. 8. Talatuntunan o Indeks Nakatala rito nang pa-alpabeto ang mga paksa at susing salita kasama ang pahina kung saan ito matatagpuan.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
16
SECOND QUARTER Aralin 1:
Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa
Natutuhan natin na ang pangungusap ay binubuo ng paksa at panaguri. Nagtataglay ito ng ganap na diwa subalit mayroon ding ilang mga pangungusap na may buong kahulugan ngunit walang tiyak na paksa. 1. Mga pormularyong panlipunan – pangungusap na nagpapahayag ng tuwirang paggalang sa kinakausap o mga pagbati Halimbawa: Magandang umaga po. Paumanhin. Salamat po. 2. Mga pangungusap na pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon Halimbawa: Maalinsangan. Alas-singko na. Maaga pa. 3. Mga pangungusap na phenomenal – gumagamit ng mga pandiwang nagsaad ng mga nagaganap sa kalikasan Halimabawa: Bumabagyo! Lumilindol! Bumabaha! 4. Mga maikling sambitla – maikling salita na nagpapahayag ng matinding damdamin Halimbawa: Aray! Saklolo! Sunog!
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
17
PAGSASANAY A. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap na walang paksa ang sumusunod na mga pahayag. Isulat sa katapat na patlang ang sagot. 1. Tanghali na! 2. Makikiraan po. 3. Tulong! 4. Umuulan! 5. Gabing-gabi na! 6. Pasukan na! 7. Naku! 8. Maaga pa pala! 9. Umaambon! 10. Maraming salamat po!
__________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________
B. Bumuo ng mga pangungusap na walang paksa batay sa isinasaad ng bawat bilang. 1. Kalamidad na nangyari sa Japan ____________________________________________________________ 2. Oras na tirik na tirik ang araw ____________________________________________________________ 3. Nakasalubong ang punongguro ____________________________________________________________ 4. Nagpapahayag ng pagkagulat sa sakunang nasaksihan ____________________________________________________________ 5. Panahon na malamig sa Pilipinas ____________________________________________________________
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
18
Aralin 2:
Iba pang Uri ng Panugngusap na Walang Tiyak na Paksa
1. Mga pangungusap na pahanga – pangungusap na nagpapakita ng paghanga o pagkamangha sa kakayahan ng isang tao o bagay Halimbawa: Sobrang galing! Ang tapang mo. Kakaibang-kakaiba talaga! 2. Mga pangungusap na eksistensyal – nagsasaad ng pagkakaroon ng isa o higit pang tao, bagay, at iba pa; kadalasang pinangungunahan ito ng salitang may at mayroon Halimbawa: May taong dumating. Mayroong klase. May pagdiriwang bukas. 3. Mga pangungusap nap autos/pakiusap – nagpapahayag ng pag-uutos o pakikiusap Halimbawa: Halika rito. Tara na. Sakay na. 4. Mga pangungusap na panawag – pangkalahatang gamit upang ipanawag sa tao Halimbawa: Manong. Ale. Boy.
PAGSASANAY A. Bumuo ng mga pangungusap na walang tiyak na paksa batay sa isinasaad ng mga pahayag sa bawat bilang. 1. Dumating ang grupo ng mang-aawit na Chicser, hangang-hanga ang kabataan sa kanila. ______________________________________________________________
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
19
2. Nais mong malaman kung may sasama sa gawaing lakbay-aral papuntang Vigan. ______________________________________________________________ 3. Gusto mong malaman kung pwede kang humiram ng aklat. ______________________________________________________________ 4. Hinahabol ng tindera ang babaeng bumili sa kanya para ibigay ang sukli. ______________________________________________________________ 5. Pinalalapit ng guro ang mag-aaral sa harapan. ______________________________________________________________ B. Buuin ang senaryo sa pagkaksunod-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng titik a – g. _____ 1. Ang galing naman nila! _____ 2. May programa ang mga mag-aaral. _____ 3. May nag-aayos na ng entablado. _____ 4. Maaari bang magsiupo? _____ 5. May umaawit at sumasayaw. _____ 6. May pumapalakpak at humihiyaw. _____ 7. ―Mga mag-aaral, huwag masyadong maingay.‖
Aralin 3:
Pagkilala sa mga Uri ng Pangngalan
Tumutukoy ang pangngalan sa tao, bagay, lugar, kaisipan, o pangyayari. Mayroong iba’t ibang uri ng pangngalan: pambalana at pantangi. PAMBALANA konkreto
di-konkreto
PANTANGI lansakan
guro
pagtanda
sambayanan
St. James College
artista
pagmamahal
manonood
Sarah Geronimo
abogado
pag-asa
mamamayan
Calamba RTC
bundok
kalinisan
madla
paaralan
kagandahan
manggagawa
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
Engr. Antonio Estrada Mang Victor Posadas 20
May napansin ka bas a pagkakahati-hati ng mga uri ng pangngalan? Paano sila nagkakaiba? Ang pangalang pantangi ay tiyak o particular na ngalan ng tao, bagay, lugar, kaisipan, o pangyayari. Nagsisimula sa malaking titik ang mga salitang ito. Ang mga pangalang pantangi ay tumutukoy sa pangkalahatang katawagan o di-tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar, kaisipan, o pangyayari. Isinusulat ito gamit ang maliit na titik. Ang konkretong pangngalan ay mga pangngalang pambalana na nakikita o nahihipo. Ang di-konkretong pangngalan ay mga pangngalang pambalana na nararamdaman lamang at hindi nahihipo. Ang pangalang lansakan ay tumutukoy sa pangngalang pambalana na pangmaramihang grupo o pangkat ng mga tao na inilalarawan sa pamamagitan ng isahang salita ngunit magkakatulad na uri at itinuturing na isang kabuuan.
PAGSASANAY A. Tukuyn kung anong uri ng pangngalan ang may salungguhit na salita. Isulat sa patlang ang T kung pantangi, at B kung pambalana. _____ 1. Magandang pagmasdan ang malinis na kapaligiran. _____ 2. Ang kalikasan ay para sa tao, ang tao ay para sa kalikasan. _____ 3. Higit sa lahat, pagmamahal ang susi upang magkaisa tayo. _____ 4. Magpasalamat tayo sa Diyos na lumikha ng kalikasan. _____ 5. Masdan mo ang ating mga bundok, nakakalbo na. _____ 6. Tumulong tayo sa pangangalaga ng ating kalikasan. _____ 7. Mabuti na lamang maraming tumutulong na samahan upang mapangalagaan ang ating kapaligiran. _____ 8. Dahila sa nakatipid sa koryente ang pamilya, nakabili sila ng isang bungkos na prutas. _____ 9. Sagipin natin ang kapaligirang ito, pamana natin ito sa ating magiging apo. _____ 10. Tayong mga Pilipino ay dapat magsikap, gamitin ang talentong ibinigay sa atin ng Maykapal upang ikarangal tayo ng ating bansang Pilipinas.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
21
B. Punan ng angkop na pangngalang pantangi o pambalan ang bawat patlang. 1. 2. 3. 4. 5.
bansa pagdiriwang G. Armin Luistro rehiyon guro
-
_____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________ _____________________________
C. Magtala ng tig-lilimang pangngalang pambalana na konkreto, di-konkreto at lansakan na iyong namasid sa isang lugar na gusting-gusto mo. Konkreto
Aralin 4:
Di-konkreto
Lansakan
Kayarian ng Pangngalan
Ang pangngalan ay nahahati sa iba’t ibang kayarian nito. 1. Payak – Itinuturing na payak ang mga pangngalang binubuo lamang ng salitang-ugat. Halimbawa: tao, bahay, produkto, aral 2. Maylapi – Kapag ang pangngalan ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Halimbawa: bukirin, kabutihan, pagmamahal 3. Inuulit – Ito ang mga pangngalang binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit. Kapag ang buong salita ang inulit, ito ay ganap na pag-uulit at kapag ang inulit ay ang unang dalawang pantig, ito ay di-ganap na pag-uulit. Halimbawa: bahay-bahay, pali-paligid 4. Tambalan – Ito ang mga pangngalang binubuo sa pamamagitan ng pagtatambal o pagsasama ng dalawang magkaibang pangngalan.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
22
Ganap na pagtatambal kapag napanatili ng dalawang salita ang kahulugan ng bawat isa. Halimbawa: bahay-kubo, dapit-hapon Di-ganap na pagtatambal naman kapag nawala na ang kahulugan ng mga salitang pinagtambal dahil nakabubuo na ito ng panibagong kahulugan. Halimbawa: hampaslupa (mahirap), bahaghari (rainbow sa Ingles), isip-bata (nag-aasal bata) PAGSASANAY A. Isulat sa patlang ang kayarian ng pangngalang may salungguhit. _______________ 1. Maraming paraan upang ang kabuhayan natin ay sumagana. _______________ 2. Ang mga Pilipino ay sadyang maparaan, hind sila magugutom. _______________ 3. Sipag at tiyaga lang ang kailangan upang lumago an gating hanap-buhay. _______________ 4. Ang kasipagan ng mga Pilipino ay hindi matatawaran. _______________ 5. Ang puhunan ay hindi lamang pera, kasama na rin ang sipag at dedikasyon. _______________ 6. Hindi lamang sabi-sabi ang kahirapan ng buhay sa panahon ngayon. _______________ 7. Piliin ang negosyong papatok sa mga tao. _______________ 8. Kailangang ikaw mismo ang magbantay kung pagtitinda ang iyong negosyo, kung kailangang araw-araw kang mag-imbentaryo ay gawin mo. _______________ 9. Huwag maging ningas-kugon, kung ano ang sinimulan ay tapusin mo ito. _______________ 10. Kabi-kabila ang mga tinda sa paligid pero nabibili pa rin, patunay na buhay ang negosyo sa Pilipinas. B. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat ang salitang-ugat at mga panlaping ginamit sa mga salitang ito. 1. Ang kalikasan ay ating kayamanan. salitang-ugat: _________________ panlapi: __________________ kahulugan: ____________________________________________ 2. Mabilis bumara ang plastic dahil sa ito ay hindi natutunaw. salitang-ugat: _________________ panlapi: _________________ kahulugan: ____________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
23
3. Kung marunong tayong kumuha, dapat ay marunong tayong magbalik sa kalikasan. salitang-ugat: _________________ panlapi: ________________ kahulugan: ___________________________________________ 4. Ang pagsisisi ay laging nasa huli. salitang-ugat: _________________ panlapi: ________________ kahulugan: ___________________________________________ 5. Kung masasaid at masisira ang mga kabundukan at ang lahat ng likas na yaman natin, ano pa kaya ang aabutan ng susunod na henerasyon? salitang-ugat: _________________ panlapi: ________________ kahulugan: ___________________________________________
Aralin 5:
Mga Uri ng Panghalip
Ang panghalip ay ginagamit bilang panghalili sa mgalan ng tao, bagay, lugar, kaisipan, o pangyayari. May iba’t ibang uri ng panghalip gaya ng sumusunod: 1. Panghalip panao – ginagamit bilang panghalili sa ngalan ng tao Halimbawa: ako, ikaw, siya, sila, kami, tayo 2. Panghalip na pananong – panghalili sa tao, bagay, at iba pa na ginagamit bilang pananong Halimbawa: ano, sino, ilan, saan, paano, gaano 3. Panghalip pamatlig – uri ng panghalip na nagpapakita ng pagtuturo ng pangngalan ng lugar Halimbawa: ito, iyon, iyan, dito, diyan, doon, rito, roon 4. Panghalip na panaklaw – ang tawag sa uri ng panghalip na nagpapakita ng pagsaklaw sa kaisahan, karamihan, o kalahatan ng tinutukoy Halimbawa: isa, lahat, iba, anuman, saanman, kailanman, gaano man 5. Panghalip na panulad – panghalip na ginagamit upang magpahayag ng pagtutulad Halimbawa: ganito, ganyan, ganoon, ganire
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
24
PAGSASANAY A. Basahin ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang panghalip panao na ginamit sa mga pangungusap. 1. 2. 3. 4. 5.
Sila man ay bata, mayroon silang magagawa. Pupunta kami sa palengke bukas. Ikaw na ang maglako ng turon. Magkita tayo mamaya sa tindahan. Siya lang ang nakagagawa ng pinakamasarap na bibingka sa pamilya.
B. Gamitin sa pangungusap ang mga panghalip na pananong kung nais mong magtanog tungkol sa pagtitinda. Piliin mula sa kahon ang gagamiting panghalip. ano
sino ilan
1. 2. 3. 4. 5.
paano alin
gaano saan
___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________
C. Punan ng angkop na panghalip pamatlig ang pangungusap. Salungguhitan ang tamang panghalip sa bawat bilang. 1. 2. 3. 4. 5.
Kunin mo (riyan, roon) sa tabi mo ang kahon ng panukli. Kailangan natin (itong, nitong) palamigin muna bago ibalot. Pumunta ka (rito, roon) sa bahay namin. Magdala ka (dito, doon) sa kabilang bahay ng pagkain. (Iyon, Iyan) bang hawak mo ang dapat nating gamitin sa pagtitinda?
D. Basahin ang bawat pahayag. Punan ng kaukulang panghalip na pananong ang pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. 1. 2. 3. 4. 5.
___________ ang kaya mong lutuin? ___________ magluto ng sinigang? ___________ ang kailangang puhunan para mapakagsimula? ___________ ba kalaki ang kinita mo ngayong araw? ___________ kutsara ng asukal ang dapat ilagay?
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
25
E. Basahin ang pangungusap. Tukuyin at bilugan ang tamang panghalip na panulad sa loob ng panaklong. 1. Tingnan mo ako, (ganito, ganyan) ang tamang pagbabalot. 2. (Ganyan, Ganoon) talaga minsan ang pagnenegosyo, minsan kikita ka, minsan naman malulugi ka. 3. Kailangan lagyan ng (ganyan, ganito) karaming bawang para mas malasa ang adobo. 4. (Ganire, Ganyan) talaga kalaki ang kikitain kapag nagsumikap ka. 5. Kahit naman hindi ka (ganyan, ganoon) kahusay, matututuhan mo rin ang lahat.
Aralin 6:
Pagkilala sa mga Bahagi ng Pahayagan
Narito ang iba’t ibang bahagi ng isang pahayagan. Alamin at pag-aralan ang katangian nito at kabuluhan para sa mga mambabasa. 1. Titulo ng Pahayagan – Ito ang nagsisilbing pangalan ng pahayagan. Kadalasang mga salitang tungkol sa mata at boses ng bayan, balita, katotohanan, at lipunan ang pinipiling pangalan. Nakikilala ang pahayagan dahil sa ganitong pagkakakilanlan niya. 2. Pabalat ng Pahayagan – nakasaad dito ang mga pangunahing tampok na balita, anunsiyo, promosyon, at iba pang aasahan mula sa nilalaman nito. Nakasaad din sa itaas ang bolyum at petsa ng isyu nito. 3. Balitang Pambansa – Matatagpuan dito ang iba’t ibang balita na may kinalaman sa pambansang kamalayan at interes. 4. Balitang Lokal – Maliban sa pambansang balita, dito naman mababasa ang iba’t ibang kaganapan sa local na nasasakupan nito. ito ang kumakalap ng mga impormasyon tungkol sa isang partikular na lungsod, bayan, o lalawigan na mahalaga sa kanilang pang-araw-araw na gawain. 5. Editoryal – Ito naman ang nagtatampok sa mga napapanahong usapin na mahalagang maipaabot sa kamalayan ng mamamayan. Karaniwang ipinakikita ito sa tulong ng isang caricature o larawang kaugnay ng sinasabi ng editor. 6. Pitak – Mababasa rito ang iba’t ibang artikulo ng mga manunulat. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking isyung pambayan at pambansa YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
26
ayon sa kanilang sariling pananaw. Madalas na tungkol ito sa ekonomiya, politika, pamahalaan, relihiyon, midya, at iba pang paksang mahalaga sa mga mambabasa. 7. Mga Patalastas – Nagtatampok ito sa mga produkto o serbisyong nais nilang ipakilala sa publiko. 8. Balitang Showbiz – Matutunghayan dito ang mainit na pagsubaybay ng mga Pilipino sa buhay ng mga artista, kabilang na ang mga balita at kaganapan sa kanilang personal at propesyunal na buhay-artista. 9. Balitang Pangkalakalan – Nagsasaad ng kasalukuyang sitwasyon ng pagnenegosyo sa bansa. Dito rin matatagpuan ang palitan ng dolyar sa piso. 10. Libangan – Matatagpuan dito ang iba’t ibang kulturang patok bilang libangan ng mga Pilipino. Masarap na pagkain, bagong pasyalan, pagdiriwang, at iba pa ang ilan sa mga halimbawa nito. Gayundin ang ilang pahina gaya ng komiks, at palaisipan. 11. Pahina para sa mga Trabaho at Oportunidad – Ito ay para sa mga naghahanap ng mapapasukang trabaho o puwesto. 12. Obitwaryo – Inilalahad sa pahinang ito ang mga personalidad na namayapa na para sa kabatiran ng madla. Nakasuat dito ang detalye ng petsa ng kanilang kamatayan, kung kailan, at saan ito ililibing. Gayundin ang iba pang pagkilala at papuri sa taong sumakabilang-buhay. 13. Palakasan – Mga balita tungkol sa iba’t ibang larangan ng isports sa loob at labas ng bansa.
PAGSASANAY A. Tukuyin kung saang bahagi ng pahayagan matatagpuan at mababasa ang sumusunod na mga balita. _____________________ 1. Nakatanggap ng parangal na ―Dangal ng Bayan‖ ang BRgy. Del Pilar bilang pinakamahusay na baranggay sa loob ng nakalipas na limang taon. _____________________ 2. Nagsara ang palitan ng piso sa dolyar sa halagang apatnapu’t dalawang piso at tatlumpu’t pitong sentimo (P42.37) kahapon. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
27
_____________________ 3. Ilalagak ang mga labi ng namayapang pinuno ng bayan ng Masigasig sa darating na Sabado, 3:00 ng hapon, sa Libingan ng Magigiting. _____________________ 4. Tinalo ng Unibersidad ng Pilipinas ang Pamantasang De La Salle sa panakahuli nilang tunggalian sa basketbol para sa UAAP Season ’72. _____________________ 5. Nilagdaan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang Kasambahay Bill na naglalayong bigyangproteksyon ang mga kasambahay para sa patas na karapatan.
Aralin 7:
Aspekto ng Pandiwa
Ang mga aspekto ng pandiwa ang nagpapahiwatig ng panahunang ginagamit upang isagawa ang kilos ng pandiwa. Kung ang kilos ay tapos na, ito ay nasa aspektong pangnagdaan o perpektibo, kung ito ay ginagawa pa lang ito ay nasa aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo at kung gagawin pa lang ito ay nasa aspektong panghinaharap o kontemplatibo. Halimbawa: Pandiwa
Perpektibo
Imperpektibo
Kontemplatibo
ipon sikap tiyaga kusa tulong
nag-ipon nagsumikap nagtiyaga nagkusa tumulong
nag-iipon nagsusumikap nagtitiyaga nagkukusa tumutulong
mag-iipon magsusumikap magtitiyaga magkukusa tutulong
1. Aspektong Pangnagdaan o Perpektibo salitang-kilos – ipon Perpektibo – nag-ipon Ang mga mag-aaral a ikaliman baitang ay tulong-tulong sa nag-ipon ng lumang dyaryo para sa newspaper drive na programa na paaralan. 2. Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo salitang-kilos – sikap Imperpektibo – nagsusumikap
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
28
Ang mga magsasaka ay nagsusumikap bungkalin ang kanilang lupang sakahan upang lumago ang kanilang mga pananim. 3. Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo salitang-ugat – tiyaga Kontemplatibo – magtitiyaga Ipinangako ni Bert sa sarili na magtitiyaga sa pag-aaral upang maabot ang kanyang pangarap. Pagbabago sa Anyo ng Pandiwa batay sa Aspekto ng Panlaping Ginamit Pag-aralan ang mag panlaping magagamit sa pagbuo ng iba’t ibang aspekto o panahunan nito. 1. Aspektong perpektibo o pangnagdaan – Ito ay naglalarawan sa kilos o galaw na ginawa na o katatapos pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng mga panlapi. Halimbawa nag – nag-aral, nagtanong um – umiyak, umani
ni – ninakaw in – binili, kinanta
na – nakita an – nakitaan
2. Aspektong imperpektibo o pangkasalukuyan – Ito ay naglalarawan sa kilos o galaw na kasalukuyang ginagawa. Nabubuo ang pandiwang ito sa pamamagitan ng pag-uulit sa unang pantig sa salitang-ugat at pagdaragdag ng panlaping katulad ng sa aspektong perpektibo. Halimbawa: nag – nag-aaral, nagtatanong um – umiiyak, umaani
ni – ninanakaw in – binibili
na – nakikita an – nakikitaan
3. Aspektong kontemplatibo o panghinaharap – Ito ay nag lalarawan sa kilos o galaw na gagawin pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit lamang ng unang pantig ng salitang-ugat o pagdaragdag ng unlaping mag-, ipag-, maka-, naka-. Maaari ring gamitin nang sabay. Halimbawa: gagawa susunod tatawid
magsusulat magbibilin magpaparada
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
29
PAGSASANAY A. Punan ang tsart ng wastong anyo ng pandiwa gamit ang ibinigay na panlapi. Salitangugat
Panlapi
dasal
in
kulay
in - an
guhit
um
tanong
nag
basa
um
samba
um
tula
um
talumpati
nag
litson
Ni
bura
na
Perpektibo
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
Imperpektibo
Kontemplatibo
30
Aralin 8:
Paggamit ng Angkop na Aklat sa Paghanap ng Impormasyon
Narito ang talaan ng mgababasahing naglalaman ng ilang mahahalagang pangyayari. 1. Almanac – naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga tao, lugar, pangyayari, at iba pa 2. Yearbook – katulad din ng almanac ang nilalaman subalit isang taong pangyayari lamang ang sakop nito 3. Atlas – dito makikita ang mga mapa sa isang lugar (panlansangan, anyong lupa, katubigan, at iba pa) 4. Diksyunaryo – nagbibigay impormasyon tungkol sa isang salita mula sa kahulugan at iba pa 5. Direktoryo – naglalaman ng mga telepono o anumang detalye na maaaring kontakin tungkol sa isang kompanya o tao 6. Encyclopedia – mga aklat kung saan ang mga paksa ay nakaayos nang paalpabeto at tinatalakay sa malawakang paraan Paggamit ng Patnubay na Salita sa Diksyunaryo Ang sumusunod ay mga impormasyong makikita sa diksyunaryo. Pag-aralan ang mga ito. salita, baybay (spelling), pagpapantig(syllabication), Dik.syu.nar.yo (dik/shu/nar/yoh) – diin (stress) 1. (pn) talatinigan 2. (pn) Kompilasyon ng talasalitaan at pagbigkas Kahulugan ng mga ito. bahagi ng pananalita kasingkahulugan (synonym) kahulugan ng salita
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
31
PAGSASANAY A. Tukuyin kung aling aklat ang gagamitin sa paghahanap ng sumusunod na mga impormasyon. Isulat sa patlang ang iyong sagot. _______________ 1. Pagputok ng Mt. Pinatubo noong 1991. _______________ 2. Mga kalye sa Metro Manila _______________ 3. Magpapa-deliver ako ng aking tanghalian mula sa isang fastfood chain _______________ 4. Parte ng digestive system _______________ 5. Dating Unang Ginang, Imelda R. Marcos
B. Tukuyin at isulat sa patlang ang uri ng impormasyong makikita sa diksyunaryo. _______________ 1. /ta/la/tah/ _______________ 2. pa.ma.ya.nan _______________ 3. binuô _______________ 4. takbo (pd) _______________ 5. pamilya – pangunahing pundasyon ng lipunan
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
32
THIRD QUARTER Aralin 1: Pandiwa Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagpapahiwatig o nagsasaad ng kilos o galaw. Nabubuo ang pandiwa sa pamamagitan ng pagsasama ng mga panlapi at salitang-ugat. Ang salitang-ugat ang nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa, samantala, isinasaad naman ng panlapi ang katangian ng kilos kung paano ito nangyari o isinagawa. Halimbawa: mag
mag-usap
nag
naglalaba
mang
mangaral
ma
makuha
i
isulat
isa
isaayos
ipag
ipagsandok
ipa
ipasabi
um
bumili
in
hintayin
an
sayawan
maki
makiisa
Pawatas Ito ang tawag sa mga pandiwang binubuo ng salitang ugat at panlaping makdiwa. Ito ay nasa anyong pautos. Halimbawa:
uminom magsalita
piliin palaganapin
PAGSASANAY A. Bumuo ng pandiwa mula sa mga salitang-ugat sa panaklong. Maaaring gumamit ng iba’t ibang panlapi. Isulat sa patlang ang sagot. _______________ 1. Ang taos-pusong pagtulong ay hindi (hintay) ng kapalit. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
33
_______________ 2. Sama-sama kaming (simba) sa Linggo. _______________ 3. (Tulong) ka ba sa mga gawaing bahay noong Sabado? _______________ 4. Ang isang maayos na mag-aaral ay (gawa) ng takdangaralin. _______________ 5. Matutuwa sina tatay at nanay kung (hain) natin kapag sila ay dumating. _______________ 6. Hindi dapat (tukso) ang mga kamag-aral na may kapansanan. _______________ 7. Hindi rin dapat pinagtatawanan ang kamag-aral na (mali) sa pagsagot sa tanong ng guro. _______________ 8. (Guhit) mo ang larawan ng isa sa mahal mo sa buhay. _______________ 9. Sa darating na Agosto ay ipagdiriwang ng Buwan ng Wika, (sali) ka ba sa mga paligsahan? _______________ 10. Ang taong may disiplina ay (sunod) sa batas.
Aralin 2:
Uri ng Pandiwa
Ang pandiwa o salitang kilos na ginagamit sa pangungusap ay may tatlong uri. 1. Payak – pandiwang ginagamit na simuno o paksa sa pangungusap. Halimbawa: Ang mga nasunugan sa Sta. Mesa ay talagang kaawa-awa Ang pagmamano sa mga nakatatanda ay magandang asal. 2. Palipat – pandiwang may tuwirang layon o may tumatanggap ng kilos Halimbawa: Nagligpit ng mga gamit sina Ester pagkatapos ng matinding bagyo. Kahanga-hanga ang husay ni Karen sa pagsulat ng nobela. 3. Katawanin – walang layong tumatanggap ng kilos Halimbawa: Ang matiyaga ay nagtatagumpay. Ang mga usa ay mabibilis tumakbo.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
34
PAGSASANAY Guhitan ang pandiwang ginagamit sa pangungusap at isulat sa patlang ang uri nito. ___________ 1. Naalimpungatang sumulyap sa orasan si Nanding. ___________ 2. Ang pagluluto ng tinapay ang hilig ni Nanding. ___________ 3. Dahil sa mainit at masarap nilang pan de sal ay maraming bumili. ___________ 4. Ang magulang nilang si Aleng Emilia ang nagtayo ng negosyo. ___________ 5. Ang paglalako ang unang trabaho ni Nanding bago siya napasok sa Malacañang. ___________ 6. Sa sipag at tiyaga ng mga magulang ni Nanding, nakabili sila ng bahay. ___________ 7. Sa kolehiyo sila lahat nakapagtapos. ___________ 8. Lahat ng kanilang anak ay pumasok sa pribadong paaralan. ___________ 9. Pagiging masipag ang asal na kinagisnan ng magkakapatid. ___________ 10. Lahat ay possible sa mga taong nagsisikap.
Aralin 3:
Pang-uri
Ang pang-uri ay mga salitang ginagamit sa paglalarawan ng anyo, hugis, kulay, lasa, amoy, katangian, bilang, dami, at halaga ng pangngalan at panghalip. Tatlong Uri ng Pang-uri 1. Pang-uring Panlarawan – ito ang tawag sa mga salita o pang-uring tumutukoy sa anyo, hugis, kulay, lasa, amoy, uri, at katangian ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: Kayumanggi ang kulay ng mga Pilipino. Masangsang ang amoy ng pabango. 2. Pang-uring Pamilang – Ito ang tawag sa mga pang-uring nagsasaad ng bilang, dami, o halaga ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: Libo-libong mga bata ang nabibiyayaan ng Kapuso Foundation. Sampung libo’t isang daan ang ibinayad sa kanyang matrikula.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
35
3. Pang-uring Pantangi – Ang tawag sa mga pang-uring nagsasaad ng uri ng pangngalan. Ito ay binubuo ng isang pangngalang pantangi na pinangungunahan ng pangngalang pambalana. Ito ay pinag-uugnay ng gitling. Halimbawa: among-Hapon sapatos-Liliw
-
amo na ang lahi ay Hapon sapatos na galing o gawa sa Liliw, Laguna
PAGSASANAY Piliin ang mga pang-uri sa pangungusap at ilagay sa tamang hanay ayon sa uri nito. Gamitin ang tsart sa ibaba. 1. Ang makapangyarihang Diyos ang tutulong sa ating malampasan ang mga pagsubok. 2. Maraming Pilipinong nasalanta sa iba’t ibang probinsiya ang nangangailangan ng tulong. 3. Sangkatutak na basura ang lilinisin pagkatapos ng bagyo. 4. Kailangang-kailangan ngayon ang malinis na tubig sa mga evacuation center. 5. Mainit at maalinsangan sa mga lugar na pansamantalang tinutuluyan ng mga nasalanta ng kalamidad. 6. Anumang danasing hirap ay hindi maaaring sumuko ang isang lahing-Pilipino. 7. Kung kailang naman may kalamidad, nagmamahal ang mga bilihin, isandaang piso ang halaga ng pinakamurang isda. 8. Anuman ang relihiyon, Kristiyano man o Islam ay nararapat na tumulong. 9. Ang mga donasyong kahon-kahong de-lata ay nararapat na makarating sa mga nasalanta. 10. Sa panahong ito ng kalamidad, kailangan ang taong may ginituang puso. Panlarawan
Pamilang
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
Pantangi
36
Aralin 4:
Kaantasan ng Pang-uri
Maraming pang-uri ang maaaring ipanlarawan sa mga Pilipino. Sa araling ito ay susuriin kung anu-ano ang anbibilang sa bawat antas at kung paano mabubuo ang kayarian ng iba pa. Kaantasan
Paraan ng Pagbuo
Katangian
1. Lantay
Tumutukoy sa katangiang sarili ng pangngalan o panghalip na tiuturingan.
2. Pahambing
Kung pagkakatulad ang ipinakikita, maaaring gamitin ang mga panlaping: sing, kasing, Nagpapakita ito ng magkasing at pagkakatulad o magsing. pagkakaiba ng dalawang tao, Kung hindi bagay o magkapantay sa pangyayari. katangian, gamitin ang salitang di gaano, higit o lalo bago ang pang-uri at sundan ng tulad, gaya, o kaysa.
3. Pasukdol
Ito ay ginagamit upang ipakita ang kahigitan ng isang bagay kaysa sa karamihan o sa lahat.
Karaniwang salitang-ugat o salitang maylapi ang pang-uri sa kaantasang ito.
Halimbawa Tanyag sa buong mundo ang mga Pilipino. Mabuti ang pakikitunog nila sa kanilang kapwa. Magkasinghusay ang Philippine Azkals at Philippine Volcano. Magsinggaling sa pagkanta sina Charice Pempengco at Sarah Geronimo. Di-gaanong marami ang napanalunang titulo sa boksing ni Onyok Velasco kaysa kay Manny Pacquiao. Di-masyadong mahalang mga telang seda gaya ng jusi at pinya.
Maaring ulitin ang Maputing-maputi ang pang-uri na buhangin sa Boracay. pinag-uugnay ng ng, na at nang. Pataas nang pataas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino. Paggamit ng mga
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
37
panlaping nag, napaka, pinaka, an, han, at kay.
Mainit na mainit ang buwan ng Abril.
Nagtaasan ang mga kandidata sa beauty Paggamit ng mga contest. salitang gaya ng: masyado, lubha, Lubhang madasalin ang talaga, tunay, mga Pilipino. sobra, hari ng, ubod ng, ulo ng, Tunay na malikhain sa sakdal, at sining ang mga Pilipino. sadyang.
PAGSASANAY A. Buuin ang anyo ng pang-uri batay sa kaantasang hinihingi. Lantay 1. 2. 3. 4. 5. propesyonal
Pahambing
Pasukdol
higit na maawain napakabait puting-puti mas mapagmahal
B. Tukuyin kung anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap. Isulat ang L – kung lantay, PH – kung pahambing, at PS – naman kung pasukdol ang antas ng pang-uring ginamit. _____ 1. Pinakamaagap na barangay ang Brgy. Daungan sa paglikas ng mga residente bago pa man ang pagbabaha. _____ 2. Sa bawat pisong ibibigay mo, may isang batang mababago ang buhay. _____ 3. Kasinghaba ng kalsada ng EDSA ang pag-asa naming laging may tulong na darating. _____ 4. Lubhang mapanganib ang manirahan sa tabing-ilog. _____ 5. Ang pagbibigay nang kaunti ay sapat na kung minsan.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
38
Aralin 5:
Anyo o Kayarian ng Pang-uri
1. Payak – pang-uri na binubuo ng salitang-ugat lamang Halimbawa: sariwa bago sira 2. Maylapi – pang-uri na binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi Halimbawa: masaya napakaputi maunawain 3. Inuulit – pang-uri na binubuo ng pag-uulit ng salitang-ugat o inunlapiang pang-uri Halimbawa: maputing-maputi maliit na maliit tuwang-tuwa 4. Tambalan – pang-uri na binubuo ng dalawang magkaibang salita na pinagsasama o pinagtatambal Halimbawa: taos-puso kapos-palad ningas-kugon
PAGSASANAY A. Isulat sa patlang kung payak, maylapii, inuulit, o tambalan ang mga panguring may salungguhit. __________ 1. Ang mga Pilipinong watak-watak ay hindi magiging matagumpay. __________ 2. Ang ating pagiging maka—Diyos ang nagbibigay sa atin ng katatagan upang harapin ang mga pagsubok. __________ 3. Asal-hudas ang mga taong nakaupo sa pamahalaan na sarili lang ang iniintindi. __________ 4. Dahil sa kinang ng salapi kung kaya marami ang balatkalabaw, kahit masama ay ginagawa pa rin nila.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
39
__________ 5. Maraming Pilipino ngayon ang matapang na hinaharap ang buhay. __________ 6. Palibhasa’y kultura na ng mga Pilipino ang mapagmahal sa pamilya kung kaya tayo ay nagtatagumpay. __________ 7. Sama-sama ang buong pamilya sa pagharap sa mga suliranin. __________ 8. Dapat manatiling tapat ang sinuman kahit na mahirap ang buhay. __________ 9. Manatili sanang buo an gating pamilya sa hirap at ginhawa. __________ 10. Iwasang maging ningas-kugon lalo na sa sinumpaang tungkulin.
Aralin 6:
Mga Pang-abay
Ang pang-abay ay bahag ng pananalita na nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o isa pang png-abay. Ipinakikita ito sa sumusunod na halimbawa: 1. Mabilis na sumagot si Toto. (Ang salitang mabilis ay isang pang-abay dahil naglalarawan ito sa pandiwang sumagot. Ipinakita nito kung paano sumagot si Toto.) 2. Sadyang mabilis lumipas ang panahon. (Ang salitang sadyang ay isang pang-abay samantalang ang mabilis ay pang-uri at pandiwa naman ang lumipas. Sa madaling salita ay binibigyang-turing ng pang-abay na sadya ang pang-uring mabilis at pandiwang lumipas. 3. Sadyang lubos na nanibago si Mariano sa kanyang pagbabalik-bayan. (Binibigyang-turing ng pang-abay na sadyang ang isa pang pang-abay na lubos.) PAGSASANAY Salungguhitan ang pang-abay sa pangungusap at isulat sa patlang kung pang-uri, pandiwa o pang-abay ang salitang binibigyang-turing nito. ______________ 1. Sobrang tagal na naghintay sa kanyang sundo si Ester. ______________ 2. Labis na naghihirap ang ibang Pilipino. ______________ 3. Talagang mahusay tumugtog abg Bamboo Orchestra. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
40
______________ 4. Di-gaanong mahirap an gaming pagsusulit sa Filipino. ______________ 5. Mabilis na nagtatakbo ang kanilang alagang aso.
Aralin 7:
Iba’t Ibang Uri ng Pang-abay
1. Panlunan – ang pang-abay na nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos. Sumasagot sa tanong na saan. Halimbawa: Sa langit nag-usap ang Panginoon at ang Anghel. 2. Pamanahon – Ang pang-abay na nagsasabi kung kailan ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos. Sumasagot sa tanong na kailan. Halimbawa: Kaninang umaga bago mag-almusal ay nagdasal ako. 3. Pamaraan – Ang pang-abay na nagsasabi kung paano ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos. Sumasagot sa taong na paano. Halimbawa: Ako na ama nila ay nahabag nang lubos kaya tinulungan ko sila. PAGSASANAY Salungguhitan ang pang-abay sa pagungusap at isulat sa patlang kung anong uri ito ng pang-abay. _____________________ 1. Tayo man ay dukha rito sa ating sinilingan, umaasa tayong mayroon tayong lugar sa kalangitan. _____________________ 2. Sapilitang kinakaya ng mga Pilipino ang mga pagsubok. _____________________ 3. Magsanay nang mabuti upang maabot an gating minimithi. _____________________ 4. Ang mataimtim na panalangin ang mabisa nating sandata upang magtagumpay. _____________________ 5. Tuwing Linggo, magsimba dapat ang bawat pamilya.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
41
FOURTH QUARTER Aralin 1:
Iba pang Uri ng Pang-abay
1. Panang-ayon – ang pang-abay na nagsasaad ng pagsang-ayon, pagpayag o pagtanggap; gumagamit ng mga salitang opo, tunay, oo talaga, totoo, ganoon nga, atbp. Halimbawa: Totoong ang panahon ngayon ay panahon ng mga makabagong teknolohiya. 2. Pananggi – ang pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi, pag-ayaw, pagsalugat; gumagamit ng mga salitang hindi, ayaw, huwag, wala, atbp. Halimbawa: Huwag nating kalimutan ang magagandang asal na katangian ng mga Pilipino. 3. Pang-agam – ang pang-abay na nagsasaad ng pag-aalinlangan, pagdududa o walang katiyakan; ginagamit ang mga salitang tila, wari, yata, baka, atbp. Halimbawa: Tila ang mga kabataan ay pawang naeengganyo sa mga makabagong gadyet. 4. Panggaano o Panukat – ang pang-abay na nagsasabi kung gaano ang dami at halaga; sumasagot sa tanong na gaano; ginagamit ang mga salitang kaunti, marami, sangkatutak, bahagya, katakot-takot, atbp. Halimbawa: Kakaunti na ang mga kabataang nagmamano, ibalik sana ang kaugaliang ito.
PAGSASANAY Bilugan ang pang-abay at isulat sa patlang kung ito ay pang-abay na panang-ayon, pananggi, pang-agam, o panggaano. 1. Talagang nag-aalala ang mga magulang sa epekto ng masyadong paglalaro ng mga computer games ng mga bata. __________________________ 2. Hindi dapat ipagwalang bahala ang pagkalulong sa computer games ng mga kabataan sapagkat nakasisira na ito ng kanilang pag-aaral. ________________________
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
42
3. Katamtaman lamang ang dami ng pagkaing nagugustuhan natin mula sa taga-Kanluranin. ________________________ 4. Tila babaha na naman sa iba’t ibang lugar dahil sa bagyong darating. _________________ 5. Marami na ang gumagamit ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral. _________________ 6. Ayaw nating umabot sa tuluyang pagkalimot ng mga Pilipino sa magagandang kaugaliang Pilipino. __________________________ 7. Tunay na ang kulturang Pilipino ay maipagmamalaki maging sa ibang bansa. ______________________ 8. Sangkatutak na ang tumatalikod sa matatandang kaugaliang Pilipino. ______________________ 9. Hindi na yata mapipigilan na maging makabago na tayong mga Pilipino. ______________________ 10. Waring nalulungkot din ang mga matatanda kung nakalilimot na tayo sa paggalang sa kanila. ________________________
Aralin 2:
Ang mga Pang-angkop at Pang-ukol
Ang mga pang-angkop ay katagang nag-uugnay o nagdurugtong sa mga salitang nagbibigay-turing at sa binibigyang-turing nito. May iba’t ibang uri at gamit ito gaya ng sumusunod: 1. Ginagamit ang /na/ kapag nagtatapos sa katining ang sinusundang salita nito. Halimbawa: marangal na hanapbuhay 2. Ginagamit naman ang /ng/ kapag nagtatapos sa patinig ang sinusungang salita nito. Halimbawa: madiskarteng magulang 3. Samantala, kung ang salita ay nagwawakas sa n, sa halip na /ng/ ay /g/ na lamang ang ikinakabit dito. Halimbawa: malikhaing sayaw
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
43
Ang mga pang-ukol naman ay mga katagang lumilikha ng paglalaan o paguukol ng pangngalan patungo sa iba pang salita sa loob ng pangungusap. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sumusunod: para kay / para sa mula kay / mula sa ayon kay / ayon sa alinsunod kay / alinsunod sa ukol kay / ukol sa
ni / nina hinggil kay / hinggil sa batay kay / batay sa laban kay / laban sa tungkol kay / tungkol sa
PAGSASANAY Punan ng naaayong pang-angkop ang patlang. Isulat ang na, ng o g sa patlang 1. 2. 3. 4.
Napadadali ang gawain kung lahat ay sama-sama_____ magtutulungan. Mahalaga_____ matutuhan ang prinsipyo ng pagtitipid lalo na sa mga bata. Hindi dapat na ikinahihiya ang anumang marangal _____ hanapbuhay. Karaniwan_____ makikita sa kabataan ngayon na pinagsasabay ang pagaaral at pagtatrabaho. 5. Kailangan_____ mag-aral nang mabuti upang magtagumpay sa buhay.
Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin ang pang-ukol na ginamit at bilugan ito. 1. Nagluto si Remedios ng masarap na turon para sa kanyang mga anak. 2. Hindi malilimutan ni Enrico ang mga payo sa kanya ng mga magulang niya tungkol sa pagsusumikap sa buhay.
3. Ukol sa paggwa ng tocino at longganisa ang tinalakay sa seminar sa baranggay.
4. Tamang diskarte sa buhay ang kailangan laban sa kahirapan.
5. Ayon sa mga pag-aaral, lumago ang ekonomiya ng bansa dahil sa tulong ng mga OFW.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
44
Aralin 3:
Ang Paggamit ng mga Pangatnig sa Hugnayang Pangungusap
Ang mga pangatnig ay mga katagang nag-uugnay sa mga salita, parirala, sugnay o mga kaisipan sa iba pang kaisipan. Ang mga pangatnig ay: 1. at – nag-uugnay ng dalawang salita o kaisipang magkaugnay Halimbawa: Mahalin at damayan natin ang ating kapwa. 2. o – nag-uugnay ng dalawang salita at kaisipang may pinagpipilian Halimbawa: Tatangkilikin mo ba o tatalikdan ang tungkuling maging tagapangalaga ng kalikasan? 3. dahil, sapagkat, kasi – nag-uugnay ng sanhi o dahilan sa mga pangyayari Halimbawa: Patuloy nating igalang ang mataatanda dahil sila an gating nakaraan. 4. subalit, ngunit, pero – nag-uunay ng kaisipang magkasalungat Halimbawa: Maaari tayong maging makabago ngunit huwag kalimutan an gating kapaligiran. 5. habang, samantalang – naguugnay ng dalawang pangyayari na nangyayari nang sabay Halimbawa: Ang kabataan ay modernong-moderno habang ang ibang matatanda ay makaluma pa rin ang paniniwala. 6. kaya, upang, para, nang – nag-uugnay ng bunga o nagpapahayag ng layunin Haimbawa: Nang bumaha sa lugar ng pamilya Reyes, nangako silang magiging mas responsible na sa pangangalaga sa kapaligiran.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
45
7. kapag, pag, kung – nag-uugnay ng kaisipang may hinihinging kondisyon o nagsasaad ng pasubali Halimbawa: Maililigtas pa ang ating nasisirang kapaligiran kung tutulong ang bawat isa.
PAGSASANAY: Kahunan ang angkop na pangatnig na dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap. 1. Ang tao ang binigyan ng Panginoo ng tungkulin na pamahalaan an gating kapaligiran (nang, kaya, pero) tila nagpapabaya ang tao sa kanyang tungkulin. 2. Isa lang ang dapat nating piliin, iligtas ang nasisitang kapaligiran (o, ni, at) pabayaan na ito nang tuluyan. 3. Ang kapaligiran (at, dahil, o) ang tao ay magkaugnay. 4. Si Yannah ay nagtatapon ng basura sa tamang tapunan (kaya, kung, dapat) naman siya ay magandang halimbawa sa iba. 5. Pag-isipan natin ang nangyayari sa ating kalikasan (upang, sapagkat, ngunit) mailigtas natin ito sa tuluyang pagkasira. 6. Ang basurang itinapon natin, bbalik din sa atin, matagal na nating naririnig (subalit, sapagkat, habang) hindi naman natin iniintindi. 7. (Kung, Nang, Samantalang) matututo tayong pangalagaan ang atng kalikasan, tayo rin ang makikinabang. 8. Bakit kaya ganyan ang ibang tao (habang, nang, kung) abala ang iba sa kung ano-anong proyekto upang iligtas ang mga ilog, tapon naman nang tapon ang iba. 9. Nakatutuwa namang pagmasdan ang NGO’s at pamahalaan (bagamat, dahil, kasi) magkaiba ay iisa ang layunin. 10. Nawawala rin ang pag-uunlad (kung, kapag, ngunit) nasisira an gating bayan.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
46
Aralin 4:
Talinghaga at Idyoma
Ang talinghaga ay katangian ng wika na nagpapahayag ng malalim na pagpapakahulugan. Kadalasang hindi tuwiran ang paraan ng pagkakasabi o pagkakasaad nito ngunit taglay pa rin ang makahulugang diwa na nais nitong ipahiwatig. Ang idyoma ay mga matatalinghangang parirala o pahayag. Malalim ang kahulugan, hindi lantad o nakatago ang kahulugan o ibig sabihin ng pahayag. Ginagamit ito upang higit na maging malikhain ang paglalarawan. Halimbawa: 1. 2. 3. 4. 5. 6.
nagsusunog ng kilay magdilang-anghel ilista sa tubig hinog sa pilit pusong-bato pusong-mamon
-
nag-aaral nang mabuti magkatotoo ang sinabi kalimutan na minadali matigas ang kalooban maawain
PAGSASANAY: Piliin sa kahon ang titik ng tamang kahulugan ng sumusunod na mga idyoma. Isulat ang sagot sa tabi ng bawat bilang. a. b. c. d. e.
1. 2. 3. 4. 5.
sobrang dami ng tao maramdamin anak mayaman nagsisisi nang lubos mahirap
sising-alipin kabungguang balikat gintong kutsara sa bibig anak-pawis lumaki ang ulo
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
f. kaibigan g. maging mayabang h. malawak i. matapat j. nagsisinungaling k. magaling magsalita, mapanghikayat 6. matamis ang dila 7. balat-sibuyas 8. naglulubig ng hangin 9. di-maliparang uwak 10. di-mahulugang karayom
47
Aralin 5:
Ang Diksyunaryo
Ang diksyunaryo ay ginagamit upang mahanap ang kahulugan ng mga salita. Nakatala ang mga ito nang paalpabeto upang madaling makita ang hinahanap na salita. Makikita rin dito ang tamang baybay ng mga salita at ng mga bahagi ng pananalita na kinabibilangan ng salitang ito. Naglalaman din ito ng tamang pagbigkas ng mga salita. Mahalaga ang diksyunaryo upang makita ang kahulugan ng mga salitang hindi madaling mabigyan ng kahulugan. Nakatutulong din ito upang mahanap ang mga salitang kasingkahulugan ng salitang hinahanapan ng kahulugan. Sa paggamit ng diksyunaryo, unang makikita sa itaas na bahagi ng bawat pahina ang mga patnubay na salita. Ito ay nagsisilibing gabay upang madaling sundan o makita ang salitang hinahanap. Ang mga ito ay nakaayos nang paalpabeto. Kinakailangang basahin muna ang paunang salita upang magkaroon ng ideya sa pagkakabuo nito. Kailangan ding basahin ang ilang impormasyon o pananda tungkol sa salita. Kabilang sa mga makikitang mga pananda sa paggamit ng diksyunaryo ang mga sumusunod: A. Mga Daglat Daglat ng mga Bahagi ng Pananalita, at iba pa. Halimbawa: Bahagi ng Pananalita
Daglat
pang-abay pandiwa panghalip pang-ukol pangngalan pang-uri panlapi pantukoy pangatnig at iba pa
pb. pd. ph. pk. png. pr. pl. pt. ptg. atbp.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
48
Daglat sa mga Dayalekto at Wika Halimbawa: Wika/Dayalekto
Daglat
Bikol Igorot Maranao Sebuano Hiligaynon Kapampangan Tagalog Visaya
Bk. Ig. Mar. Sb. Hlg. Kpm. Tg. Vis.
B. Bigkas Kinikilala ito sa pamamagitan ng diin at tuldik. Nakatutulong ito upang matukoy kung paano ang tamang pagbigkas ng salita. Halimbawa: Salita
Bahagi ng Pananalita
Kahulugan
bá▪ga
png.
gatong o uling na nag-iinit ngunit walang ningas
ba▪gà
png.
bahagi ng katawan ng tao o anumang vertebrate na may kaugnayan sa paghinga, sinasalalayan ng tadyang, at nagdadala ng hangin sa dugo
C. Kahulugan ng Salita Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng isa o higit pang kahulugan. Karaniwang nilalagyan ito ng bilang na 1, 2, o higit pa sa diksyunaryo. Ang unang bilang ang karaniwang pinakakahulugan ng salita.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
49
Halimbawa: Salita
Bahagi ng Pananalita
ĂĄtâ–Şlas
png.
Kahulugan 1. katipunan ng mga mapang nasa ayos ng isang aklat 2. isang aklat ng mga larawang guhit, ilustrasyon o talaang naglalarawan ng isang paksa
PAGSASANAY: A. Isulat sa patlang ang TAMA kug tama ang pahayag at MALI kung hindi tama ang phayag. _____ 1. Ang diksyunaryo ay naglalaman ng mga kuwento. _____ 2. Nauuna ang mga salitang nagsisimula sa Z sa diksyunaryo. _____ 3. Naglalaman ang diksyunaro ng tamang pagbigkas ng salita. _____ 4. Nauuna ang salitang buwis kaysa dalangin sa diksyunaryo. _____ 5. Ipinakikita ng diksyunaryo ang tamang bigkas ng salita. _____ 6. Ipinakikita ng diksyunaryo ang kahulugan ng salita. _____ 7. May ilang diksyunaryo na may kalakip na larawan ang salita. _____ 8. Nasa loob ng diksyunaryo ang lahat ng salita sa mundo. _____ 9. Ipinakikita rin ng diksyunaryo kung anong bahagi ng pananalita ang salita. _____ 10. Ang diksyunaryo ay ginagamit upang hanapin ang kasingkahulugan ng mga salita.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
50
Aralin 6:
Ang Liham Pangkaibigan
Ang liham pangkaibigan ay isang paraan ng komunikasyon na may layuning mangumusta, magpabatid ng impormasyon, mag-imbita, bumati, makiramay, o magpasalamat sa isang kaibigan, kakilala o kapamilya. May iba’t ibang bahagi ang liham pangkaibigan at ito ang mga sumusunod: 1. Pamuhatan – Makikita rito ang lugar na pinanggalingan at petsa ng liham. Halimbawa: #20 Upper Scout Barrio Loakan, Baguio City Setyembre 8, 2013 2. Bating Panimula – Ito ang pantawag sa sinusulatan. Halimbawa: Mahal kong Donna, 3. Katawang ng Liham – Nakapaloob dito ang nilalaman ng liham. Halimbawa: Nais kong ipabatid sa iyo na ako ay nagbabalak na magbakasyon sa inyong lugar sa darating na buwan ng Mayo. Gusto kong maranasan muli an gating pagpasyal sa magagandang tanawin sa inyong lugar. Nais ko ring muling makasama at makakuwentuhan ang iyong pamilya. Inaasahan ko na magiging masayang muli ang aking pagbabakasyon sa inyong lugar. Susulatan na lang kita muli kung kailan ang eksaktong araw ng aking pagtungo sa inyong lugar. Hanggang sa muling pagkikita. 4. Bati o Pamitagang Pangwakas – Ito ang pagpapaalam ng sumulat sa sinusulatan. Halimbawa: Ang iyong kaibigan,
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
Lubos na gumagalang,
51
5. Lagda –Ito ang palayaw o buong pangalan ng sumulat. Makikita ito sa huling bahagi ng liham. Halimbawa: Deng
Mark
Trisha
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Liham Pangkaibigan 1. 2. 3. 4. 5.
Isulat ang pamuhatan sa gawing itaas at kanang bahagi ng liham. Isulat ang bating panimula sa kaliwang bahagi. Kinakailangang nakapasok ang unang pangungusap ng katawan ng liham. Nakapasok din dapat ang unang pangungusap ng mga susunod pang talata. Ang bating pangwakas at lagda ay isinusulat sa gawing ibaba at kaliwang bahagi ng liham.
Makikita sa ibaba ang balangkas ng liham na nagpapakita sa posisyon ng mga bahagi ng liham pangkaibigan. #20 Upper Scout BarrioLoakan, Baguio City Setyembre 8, 2013 Mahal kong Donna, Nais kong ipabatid sa iyo na ako ay nagbabalak na magbakasyon sa inyong lugar sa darating na buwan ng Mayo. Gusto kong maranasan muli an gating pagpasyal sa magagandang tanawin sa inyong lugar. Nais ko ring muling makasama at makakuwentuhan ang iyong pamilya. Inaasahan ko na magiging masayang muli ang aking pagbabakasyon sa inyong lugar. Susulatan na lang kita muli kung kailan ang eksaktong araw ng aking pagtungo sa inyong lugar. Hanggang sa muling pagkikita. Ang iyong kaibigan, Deng
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
52
1. Ano ang nilalaman ng liham? 2. Paano Sinimulan ang katawan ng liham? 3. Paano winakasan ang katawan ng liham?
PAGSASANAY: A. Kung ikaw si Donna, paano mo sasagutin ang sulat ni Deng? Gumawa ng liham pangkaibigan bilang tugon sa sulat ni Deng? __________________ __________________ __________________ ____________________
______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
_________________ _________________
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
53
B. Saang parte ng liham makikita ang mga sumusunod? Isulat sa tsar tang sagot.
Nagmamahal, Agosto 23, 2012 #14 Kalayaan Village, San Fernando, Pampanga Maricar Mahal kong Randy, Lubos na gumagalang, Sa iyo aking kapatid, Gumagalang, Manila, Pilipinas Kumusta ka na, kaibigan ko? Ano ang ginagawa mo?
Pamuhatan
Bating Panimula
Katawan ng Liham
Pamitagang Pangwakas
Lagda
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
54