kas YUUKI KATO
kas kasama
taong makakasama mo sa pagpanday ng bagong lipunan
Kasama--tila isang normal na salita na dati'y hindi ko namamalayan ang paggamit sa aking araw-araw na bokabularyo sa pakikipagtalastasan, hanggang sa ako'y naging ND. Sa kilusan, hindi lang basta kaibigan ang isang kasama. Sila ang mga taong tatayo at mananatili sa iyong tabi habang inaaral ang lipunan. Sila ang mga magtuturo sa iyo ng mga suri tungo sa tunay na demokrasya. Sila ang tutulong sa iyo sa pag-igpaw ng mga kontradiksyon. Sila ang magpupuna ng iyong mga aksyon at salita dala ng libong taong atrasadong kultura. Sila at ang kilusan ang nagbigay sa akin ng bagong perspektiba. Kung dati'y hindi ko mamataan na may bukas, ngayon tiyak ako sa maaabot natin ang tagumpay.
guni-guni Minsan, naririnig ko pa rin ang ingay ng digmaan. Parang kahapon lang pinabagsak ang mga bomba sa ground zero. Nararamdaman ko pa rin ang pagyanig ng lupa at dali-dali naming pagtakbo patungo sa lungga ng kalaban. Salat ko pa rin ang bigat ng baril sa aking kamay. Hindi pa rin kumakalma ang bilis ng pagtibok ng aking puso. Tila'y nauubusan pa rin ako ng hininga. Nararamdaman ko pa rin ang kaba. Ang takot. Ang takot na namahay na ng panghabangbuhay sa aking utak. Bakas nalang ng langib ang mga sugat ko sa katawan ngunit hindi pa rin humihilom ang deperensyang iniwan ng gyera sa aking kapabilidad mamuhay bilang pangkaraniwang mamamayan. Kaya noong tinutukan ako ng baril ng isang binatang naka unipormeng dati'y minsan ko ring suotin, akala ko'y parte nanaman ito ng mga ilusyong pinapalabas ng takot na naninirahan sa aking isip. Minsan, naririnig ko pa rin ang ingay ng digmaan, at sinamahan ako nito hanggang sa aking huling hininga.
sa Bacoor munting bahay kong bubong ay kahoy at yero patong-patong at hindi pinturado. munting bahay kong masikip at walang muebles ngunit nagkakasiyahan sa inuman tuwing Biyernes. munting bahay kong napuno ng usok, sa aking pagtulog hindi ko na namalayan. munting bahay ko ngayo'y abong humalo sa hangin ng pang-aabuso
Bagong Silangan Along these car-congested streets are houses with roofs from iron sheets and walls made of wooden planks No spaces between dwellings create an uncanny commune that cannot distinguish friend from neighbor There, they settle Playing gods, good with their words promised them eternal paradise far away from the heat and hunger But they should have known that the only deities who are trained to lure with luxuries, were demons In return of their trust, these demons released a monster who cloaks itself in the dark to strike terror in their sleep And as if the gates of hell were opened, flames consumes the commune There, they struggle
The impending cycle of home to ashes loomed over them once more; the monster struck in broad daylight, locked them out of their own doors No key could be used but their anger forged from their fears and frustrations. They tugged and pulled with all their might Two gunshots were left unheard for their spirit was louder than any intimidation To give in they oppose thus in protest, they scream: “Enough is enough! The land knows no lord that we built from the ground up.” Finally, the chains break There, they fight
BABALA! iha, huwag kang pumarito ‘pagkat madilim at delikado marami nang loko-loko ‘di mo kaya ang sarili mo iha, huwag kang pumarito matuto ka sa iyong ninuno ikaw ang tumunog ng pito luksa ng kababaiha’y ihinto iha, huwag kang pumarito kumaripas ka ng takbo tumayo ka ng isang rebulto baguhin mo ang kuwento at kapag bumalik ka dito itaas ang kaliwang kamao sa lansangan ay tumungo ganap na rebolusyonaryo iha, sa pakikibaka ang lugar mo!
panawagan Anvil
May panawagan May panawagan Sa lawak ng parang Sa gitna ng kabundukan Ay may panawagan May panawagan Ang iyong tugon Ikaw ang magpapasya Sa iyong pagsulong Ikaw lamang ang hahadlang Ang iyong armas ay talim ng iyong paninindigan Tibayan ang loob pagkat buhay ang alay Sa panawagan Sa bawat punglong sa baril nila’y lumalabas Dagundong ang tugon ng aping sambayanan Sa bawat luhang pinalapot ng lupa Sa bawat buhay na kanilang sinasayang Lumalakas, sumisigaw, humihiyaw, dumadaluyong Ang panawagan
HST It's the first time my mother cries in months. This time, it's not about the rising bills, my father's infidelity, my sister's stubbornness, or even the fact I have cancer. I feel like she'd rather see me on a hospital bed than on the streets, marching with the masses with my fist in the air. I know it'll take time for her accept this--to accept me. In her mind, she might think I was swayed by the intelligent words of my comrades or bribed by a professor from the institution. She will think and maybe even pray that I come to my senses and leave. It'll take time for her to understand that no flowery statements or promises of increased grades on courses convinced me to join. It'll take time for her to realize that since I was a child, I have been exposed to the injustices of society: from Erap's ouster to GMA's charter change to Noynoy's neoliberal policies. To Duterte's murderous rampage that finally pushed me to be a part of something more than myself. "Haven't we given you enough?" she chokes. "But they have given me something not even chemotherapy could," I reply. "Will to live."
kas 2021