83.5%
Kakapusan sa disaster equipment, siniyasat
Pinuna ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region IV-A CALABARZON ang kakulangan sa fire protection facilities ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) kasabay ng bagong tayo na ikatlong palapag ng Junior High School (JHS) building. Kaugnay nito, naobserbahan ni John Aries Alzona, isang rehistradong nars at lisensyadong guro ng Philippine Red Cross Laguna Chapter –Calamba City Branch, ang kawalan ng nakahandang fire hydrant sa loob ng paaralan nang magsagawa ng seminar bilang bahagi ng Brigada Eskwela. Ayon kay Alzona, maaaring makompromiso ang kaligtasan ng mga CalScians dahil hindi sapat ang kahandaan ng paaralan na sumasalungat sa matibay na Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan.
Ipinaliwanag ni Dennis Batoleña, DRRM Coordinator ng CCSIS, na
ang kakulangan pa rin sa budget ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ang isa sa dahilan kaya hindi mapunan ang kakulangan ng mga gamit kung sakaling magkaroon ng mga sakuna tulad ng sunog at lindol.
“Malaki ang budget na ginawa ko [sa proposal], nasa Php 300,000. Pero saan kukuhanin ‘yung budget? MOOE natin ay magkano lang... five thousand, hindi pa maibigay. Paano tayo makakabili ng fire extinguishers? Paano tayo makakabili ng wheel chair?” ani Batoleña.
Batay naman kay Gng. Christine Abenojar, Teacher-in-Charge ng CCSIS, matagal nang nakikipag-ugnayan ang paaralan sa Local Government ng Calamba upang maisagawa ang mga plano patungkol sa pagpapatayo ng mga fire hydrant at mapunan ang ibang mga pangangailangan para sa kaligtasan at seguridad sa CCSIS.
Kalaunan, nakapaglagay ng mga fire extinguisher at fire alarms sa buong paaralan upang maibsan ang isyu, nagsagawa rin ng fire safety demonstration ang BFP at pagtuturo ng tamang pagbibigay ng first aid upang maging handa ang mga mag-aaral.
Samantala, binigyang pansin din ang pagbaha sa bahagi ng patyo ng CCSIS na sinasabing “gutter deep” ang lalim o walong pulgada ayon sa standard floor measurements ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Patuloy pa ring nagsasagawa ng mga plano ang paaralan para rito dahil nais ni Abenojar na maglagay ng hukay upang magsilbing daanan ng tubig sa parte ng gusali ng JHS dahil hindi kasama ang paghuhukay ng kanal sa pagpapatayo nito.
APULA SA BANTA. Inihain ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS)
Tinanggihan ng karamihan sa mga mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) ang pagsali sa field trip na iminungkahi ng School ParentTeacher Association (SPTA), dulot ng pagkadismaya sa mga nakaplanong destinasyon pati na rin sa kabuuang halaga ng biyahe. Ayon kay Khirby Panopio, isang mag-aaral sa baitang 12, "nakababagot" ang nasabing field trip dahil karamihan sa mga nakaplanong destinasyon ay naisama na nang maraming beses sa mga nakaraang taon.
“Kung titingnan mo talaga kasi, hindi sya worth it, hindi siya kaayaaya. Lalo na para sa price ng trip na ‘yan, parang feeling ko hindi talaga siya sulit,” ayon kay Panopio. Pahayag naman ng isang guro sa CCSIS na si Gng. Rowena Acosta, mahirap mamilit ng mga sasama kung ayaw talaga ng mga mag-aaral.
“I’ve done my part naman na to convince ‘yung mga estudyante ko because ito nga ay fundraising opportunity ng school, pero kung hindi talaga nila gusto ay wala na tayong magagawa dun,” ayon kay Acosta.
Pansamantalang nakahinto ang pamimigay ng tulong pinansyal ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) Adopt-a-Child Program sa mga mag-aaral dulot ng kakulangan sa pondo. Sa isang panayam, binanggit ni Gng. Christine Abenojar, Teacher-in-Charge ng CCSIS na bagamat tagumpay na nakapagbigay ng pinansyal na tulong
KASANGGA. Tinanggap ni Francis Cleofas (kanan), isang benepisyaryo ng programang adopt-achild, ang monthly cash assistance mula sa PTA President na si Hardie Dabu (gitna) at Auditor Baby Gatdula (kaliwa) sa nagdaang adopt-achild assembly noong Oktubre 2023.
CCSIS DOCUMENTATION TEAM KAPSYON NI: AIAHLA SHELLOU AGCAOILI
ang paaralan sa nagdaang buwan, hindi na sapat ang pondo ng programa para sa mga susunod na buwan.
“For the meantime, may pagkaantala sa Adopt-a-Child Program ng school. Naka-affect kasi talaga ‘yung cancellation ng mga fundraising activities noong 2023 Brigada Eskwela na gagamitin sana to fund the program. We are already taking actions about
this,” wika ni Abenojar. Ayon naman kay Gng. Shielalyn Incien, Adopt-a-Child Program Coordinator, kinakailangan pa ng paaralan na makapaglikom ng pondo upang masuportahan ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagsulat ng sponsorship letters sa mga pinagkakatiwalaang stakeholders.
“Sa ngayon eh hindi sapat ang pondo para sa Adopt [-a-Child]. So, gumagawa ng paraan ang ating school para makapag-produce ng fund at makahanap ng sponsors para sa kanila,” dagdag pa ng program coordinator.
Samantala, nakikipagtulungan ang CCSIS sa School Parent-Teacher Association (SPTA) upang makalikom ng sapat na pondo para sa nasabing programa.
Kaugnay nito, itinuturing na malaking isyu ang pagbaba ng bilang ng mga estudyanteng sumama sa nasabing aktibidad dahil isa itong programa ng SPTA na layong makalikom ng pondo para sa mga programa ng CCSIS.
Kumpara sa nakaraang taon, bumagsak ang bilang ng mga magaaral na lumahok sa field trip na tinatayang mula sa 500, naging 200 na lamang, na nagpapahiwatig ng pagbaba ng humigit-kumulang 150% ngayong taon.
Nagkakahalaga ang kasalukuyang field trip ng Php 1,545 kada tao, na nakatakdang dalhin ang mga mag-aaral sa Presidential Cars Museum, Star City, Manuel L. Quezon Shrine and Museum, at Aguinaldo Shrine na magaganap nitong Pebrero.
LATHALAIN 12
PARTNERS IN ONE Makulay na paglalakbay ng Tuss Duos sa CalSci
Dahil sa ekspansyon ng CCSIS, Kakulangan sa klasrum, patuloy na nararanasan PAGE 01
MULA SA PAHINA 1
P136-K pondo, kapos
Saad pa ng admin, isinasagawa ang pagbabadyet ng nasabing pondo sa pamamagitan ng Annual Procurement Plan (APP) kung saan nakalista ang lahat ng mga gastusin at kinakailangan ng paaralan para sa buong taon.
“Kasama sa APP ‘yung fixed assets which is ‘yung ating internet at kuryente, mga office supplies, equipments, at kung anong kailangan ng school. Every month, do’n lang dapat nakabangga ‘yung mga bibilhin kasi chine-check ‘yun ng Commision on Audit. Dapat ‘yung expenses ay naka-align sa APP at QCP or 'yung Quarterly Cash Program,” paglilinaw ni Trigueros. Dagdag pa niya, hindi sapat ang natatanggap na MOOE dahil sa tinatayang 60 hanggang 70 bahagdan nito ang napupunta sa kuryente kada buwan na siya namang nais aksyunan ng Teacher-in-Charge ng paaralan na si Gng. Christine S. Abenojar.
“Kung may chance na makapagtipid tayo sa kuryente, gagawin sana natin. Katulad nga ng sinabi ko, I am pro-solar panel installation kasi kung ma-cover ‘yung electrical consumption kahit sana ng mga ilaw at electric fan natin, malaking tulong na,” saad ni Abenojar.
Binigyang-pansin din ni Abenojar ang iba pang pangangailangan ng eskwelahan tulad ng kagamitan sa mga sinasalihang kompetisyon ng mga mag-aaral na hindi agarang napaglalaanan ng badyet dahil sa kakulangan ng pondo.
“Talagang kailangan ng matinding pagpaplano ng finances ng school. So, yearlong planning and budget preparations para sa mga gastusin and dapat maisama natin sa budget plan ‘yung mga kailangan para sa iba’t ibang activities natin sa school,” tugon pa niya.
Samantala, nagbigay naman ng pahayag si School Governance and Operations Division (SGOD) Chief Dolorosa De Castro ukol sa posibleng solusyon sa kakulangan ng kagamitan para sa mga kompetisyon.
“Kayo mismo, gagawa kayo ng letter sa SDS (Schools Division Superintendent), kailangan may proposal kayo. Sa proposal niyo, you have to stipulate there the needs for you to have such kinds of equipment, and what is that for, and ano ba ‘yung benefits na makukuha ng mga bata, kasi kapag nakita ng ating SDS na maganda, pwede siya isama sa allocation,” ani De Castro.
Kaugnay nito, kasalukuyan pa ring pinoproseso ang aplikasyon ng paaralan upang magkaroon ng General Appropriations Act (GAA) ang CCSIS na posible ring makatulong sa suliranin.
“There will be special provisions for activities and projects offered to nationallyrecognized science high schools by the GAA, wherein may separate funds na ibinibigay sa mga schools aside from theA7 MOOE kaya maganda kung magkakaroon kayo ng gano’n,” dagdag pa ng SGOD Chief.
Bukod sa patuloy na pagsusulong ng nationalization ng paaralan at pagtitipid sa kuryente, hindi pa rin tumitigil ang CCSIS sa paghingi ng suporta sa iba't ibang partners at sa lokal na pamahalaan, upang mapondohan ang pangagailangan ng mga magaaral at ng buong paaralan.
NAIAHLA SHELLOU AGCAOILI
ilinaw ni Gng. Christine Abenojar, Teacher-in-Charge ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), na hindi pa agarang masosolusyunan ang kakulangan sa mga silid-aralan na kasalukuyang nararanasan dulot ng patuloy na ekspansyon ng paaralan.
Sa isang panayam, binanggit niya na bagamat ipinagamit na ang ikatlong palapag sa Junior High School building, mayroon pa ring kakulangan sa klasrum dahil sa pagtaas ng demand na dagdagan ang mga estudyanteng tinatanggap sa paaralan.
“We would like our school to expand in a sense that we want to reach more Calambeños–promising, young, intelligent, smart Calambeños like you. Talaga kasing mag-eexpand tayo, ibig sabihin, ‘yung shortage
ng classroom is mangyayari pa rin,” ani Abenojar.
Kaugnay nito, inaasahan na magagamit pa rin ang mga laboratoryo bilang alternatibong klasrum na posibleng magtagal hanggang sa susunod na tatlo hanggang lima pang mga taon.
“‘Yung laboratories actually pwede siya as classrooms. Since ang purpose ng laboratories ay for instructional purposes, pwede naman talaga na sa laboratories sila magstay,” paglilinaw niya.
Giit ni Abenojar, posible ring maibsan ang suliranin kung sakaling mag-implementa ang Department of Education (DepEd) ng hybrid learning o blended modality.
“Aside from that, pwede rin naman alisin ‘yung library, pati ‘yung School-Based Management
Office, ibabalik natin, kasi they were originally classrooms. ‘Yun ‘yung nakikita nating solusyon para masolve ‘yung classroom shortage,” saad pa niya.
Ipinaliwanag naman ni School Governance and Operations Division (SGOD) Chief Dolorosa De Castro na bababa ang buwanang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng paaralan kung sakaling magbabawas ng mga tinatanggap na mag-aaral upang umangkop ang bilang ng mga estudyante sa dami ng silid-aralan.
“Ang MOOE kasi is computed using the Boncodin formula, wherein nakabatay ‘yung amount na matatanggap ng school sa dami ng learners times Php 576, number of teachers times Php 11,520, bilang ng classrooms times Php 8,624, kung
DEAR, inilunsad; CCSIS iskedyul, apektado
DANIELLE MARIE
ilan ang graduating students at tsaka mayroong fixed na factors every year,” wika ni De Castro. Bukod pa rito, kinumpirma ni SGOD Chief na hindi pa posible sa ngayon ang pagpapatayo ng mga bagong klasrum dahil kailangan pa ng konsultasyon sa mga inhinyerong gagawa nito.
Kung sakaling matuloy ang plano, gigibain ang kantina sa tabi ng gusali ng Senior High School upang magkaroon ng espasyo para sa walong bagong silid.
“For the meantime, you can devise a strategy for you to accommodate those learners. For example, hybrid learning. Ang pinakamahalaga is that you have the proposal, and kailangan ang proposal ay approved by the superintendent,” pagdidiin ni De Castro.
Inalmahan ng ilang mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) ang bagong memorandum na inilabas ng Department of Education na Catchup Fridays, dahil sa antalang dulot nito sa regular na iskedyul ng klase at mga aktibidad ng paaralan. Sa isang panayam, ipinahayag ng isang grade 12 student na si Joaquin Javier, ang kaniyang pagkadismaya sa madaliang pagpapatupad ng
ARRI-BASA!Pinilahan ng mga mag-aaral na nakasuot ng kanilang mga pantulog ang library ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) bilang bahagi ng Catch Up Fridays ng paaralan, Enero 2024. Sa pangunguna ng Readissance, book lovers club ng paaralan, ang mga mag-aaral ay hinihikayat na magdala ng mga pisikal na kopya ng libro upang mapanatili ang pagpapahalaga sa pagbabasa.
SAMANTHA PALMA KAPSYON NI: AIAHLA SHELLOU AGCAOILI
programang Drop Everything And Read (DEAR) na nakapaloob sa Catchup Fridays.
“Nagiging inconvenient siya not only para sa students but also sa teachers na nagfafacilitate nun. Especially since marami kaming PTs na pending and nadelay pa ‘yung exam dahil do’n sa program,” ayon pa kay Javier.
Sa kabila ng mabilisang pagpapatupad, nananatiling positibo
si Christine Abenojar, Teacher-inCharge ng CCSIS dahil itinuturing na "advantageous" ang programang ito sa pagtugon sa mga nabanggit na ‘gaps’ sa pag-aaral.
“There were challenges, but we welcome this experience so that we can plan; at least we will have ideas on what to set and what to look for (gaps),” ayon kay Abenojar.
Ayon naman kay Calamba City Curriculum Implementation Division (CID) Chief Dr. Mariliza Espada, malaki ang maitutulong ng Catch-Up Fridays upang matutunang mahalin ng mga mag-aaral ang pagbabasa.
“Importante rin ang choice of reading materials, dapat appropriate and educational para sa ating mga bata upang sila ay matuto at mahalin nila ang pagbabasa,” suhestiyon ng CID Chief. Samantala, marami ang patuloy na umaasa na makatutulong ang Catchup Fridays upang lalong mapagtibay ang mga tuntunin ng pagpapahalaga at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa bansa.
"Hopefully, hindi ma-defeat ang purpose ng Catch-Up Fridays at marami talagang matutunan ang aming mga anak sa bagong programa ng DepED," wika ni Agnes Pusag, magulang ng isang mag-aaral.
CID Chief: No immersion for Academic Tracks
Kinumpirma ni Dr. Mariliza T. Espada, Curriculum Implementation Division (CID) Chief ng Schools Division Office (SDO) Calamba City, na hindi pa rin maisasakatuparan ang pagbabalik ng Work Immersion Program (WIP) sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand ngayong taon. Sa isang panayam, ibinahagi ni Espada na Capstone pa rin ang magiging kapalit ng WIP sa STEM habang wala pang anunsyo na inilalabas ang SDO Calamba City batay rito.
“Ang kapalit ng work immersion sa STEM ay Capstone. Sa ngayon naman, wala pang plan na nilalabas ang DepEd
Central,” wika ni Espada. Dagdag pa niya, ninanais pa rin niyang maghintay ang mga mag-aaral sa STEM at iba pang academic track, sa memo na ilalabas dahil kinakailangan pang magkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) ang DepEd sa partner industry nito.
“Meron tayong dapat na legal basis, ang mga Senior High School (SHS) ay kailangan mag-undergo ng immersion with the partnership sa mga company. Kung wala no’n, walang memo. Hindi tayo pwedeng mag-undergo na sa sarili natin,” aniya. Samantala, patuloy pa ring pinapayagan ang mga mag-aaral ng
Mechatronics na sumailalim sa WIP batay sa advisory memorandum ng SDO dahil kinakailangan ito upang mahasa ang kanilang technical at mechanical skills.
“Then sa immersion ng TVL (Technical-Vocational Livelihood) kasi, talagang required sila ngayon na mayrong immersion,” saad pa ni Espada. Nakabatay ito sa DepEd Order No. 39, serye ng 2018 kung saan, mawawala ang WIP sa lahat ng strand maliban sa TVL kapalit ng pagpapatupad ng Capstone upang mabawasan ang panganib dulot ng pandemya.
Iniulat ni G. Paulo Capunitan, isa sa mga TVL-Mechatronics Adviser at ICT Head ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) ang kasalukuyang estado ng enrollment sa TVL-Mechatronics Strand ng paaralan matapos itong bumaba noong panahon ng pandemya. Sa isang panayam, binanggit ni Capunitan na napansin nila ang naging epekto ng pandemya pati na rin ang mga maaaring dahilan sa nangyaring pag-unti ng enrollees.
“Nag-decrease
ani Capunitan. Dagdag pa rito, mayroong tinatayang 143% na pagtaas sa bilang ng enrollees sa TVLMechatronic Strand mula sa taong panuruang 2021-2022 papuntang 2022-2023. “Noong minarket ulit namin after pandemic, from 7 naging 17. At nagtuloy-tuloy ‘yung pagtaas nito sa ngayon,” wika ni Capunitan. Sa kabila nito, ipinagpatuloy at pinaigting pa ng CCSIS ang pagsasagawa ng mga schoolto-school visit upang ipakilala sa iba’t ibang mga paaralan ang TVL-Mechatronics Strand ng CCSIS.
BUHOS BIYAYA
Usapin sa Monthly Allowance, Learning Kits, tiniyak
Kinumpirma ni Mayor Roseller “Ross” Rizal
na matutuloy na ang
pagkakaroon ng monthly
stipend ng mga mag-aaral
sa Calamba City Science Integrated School (CCSIS) bilang tugon sa pribilehiyong dapat matanggap sa pagiging estudyante ng isang science high school.
Binanggit ni Mayor Rizal sa kanyang talumpati sa Turn-over Ceremony ng mga uniporme sa CCSIS na bukod pa ang stipend sa mga benepisyong kinakailangang matanggap ng CCSIS at kasalukuyan na itong pinoproseso ng lokal na pamahalaan.
"Ayan po ay napag-usapan na po namin sa City School Board, pinaghahandaan na po namin ‘yan at sooner or later, makaka-avail na ang ating mga bata nitong stipend nila,” wika ni Mayor Rizal.
Matatandaang nakasaad sa Department of Education (DepEd) Order no. 38 serye ng 2013 na kailangang suportahan ng DepEd ang mga sekondaryang paaralan na nagsasagawa ng programang Science, Technology, at Engineering (STE) sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinansyal na tulong.
Samantala, binigyangaksiyon din ni Mayor Rizal ang kabawasan sa laman ng learning kits na ipinamahagi sa CCSIS ngayong taon at sinabing bukod sa daragdagan na ito, ipagkakaloob na rin ang mga kinakailangang gamit. “Bago po mag-graduation ngayong taong ito, para hindi na po bibili ang ating mga magulang ng mga gamit, kung ano po ang requirements, ‘yun
na po ngayon ang ibibigay. Kung required na 10 na notebooks ang bibilihin, 10 ang ibibigay,” saad niya.
Ayon kay Christine Abenojar, CCSIS teacher-incharge, nagkaroon ng shortage sa mga gamit sa kasalukuyang taong pampaaralan at itinuturing na dahilan ang pagtaas ng bilang ng mga mag-
aaral sa mga pampublikong eskwelahan.
“Maraming eskwelahan ang nag-increase ng kanilang enrollment. ‘Yung data na pinagbasehan noong last year para sa incoming ay nagkaroon ng gap, so maaaring dahil maraming estudyante ang nag enroll sa public school kaya nagkaroon ng parang
Estado ng trapiko sa CCSIS, binigyang-pansin
Tinalakay ni Dennis Batoleña, tagapagsalita ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), sa isang diskusyon kasama ng Public Order and Safety Office (POSO) ang mga minumungkahing solusyon upang maagapan ang malalang trapiko sa kabila ng “No Parking Policy” sa harap ng paaralan. Sa isang panayam, inimbitahan si Batoleña ng POSO kasama ang ibang pang paaralan sa Chipeco Avenue upang pag-usapan at magkaroon ng kasunduan ukol sa mga rutang gagamitin para maiwasan ang trapiko.
Inilunsad ng Schools Division Office (SDO) ang bagong organisasyon na Calamba City Education and Support Personnel Association (CESPA) upang paigtingin ang mga benepisyong natatanggap ng mga guro ng lungsod.
Ayon kay Dr. Aries Magnaye, pangulo ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) Faculty at bagong halal na ingat-yaman ng CESPA, nakaangkla ang samahan sa layuning makapagbigay ng tulong sa mga gurong nagkakasakit, nangangailangan ng tulongpinansyal, maging ang mga nagretiro na mula sa serbisyo.
“This is an initiative coming from the Division Office of Calamba. Of course, the main purpose of the organization is for the support of personnel in the division. The main goal is to give benefits that will help teachers in Calamba City,” saad ni Magnaye. Aniya, dahil nagsisimula pa lamang ang samahan, mayroon pang mga mangyayaring diskusyon at posibleng pagbabago sa konstitusyon at tuntunin ng organisasyon.
“Regarding the projects, we are still in the planning stage. Definitely, there are programs and plans. However, the implementation is still in progress and the benefits are not yet given to each member,” wika pa nito. Nilinaw naman ni Magnaye na magkakaroon ng Php 100 na voluntary registration fee sa bawat gurong nais sumali pati na rin ang buwanang pagbibigay ng Php 50 ng mga miyembro ng CESPA. “Ang malilikom na salapi ay gagamitin sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nangangailangang guro. Kung sakaling magkasakit ang gurong miyembro, bibigyan siya ng Php 5,000 na tulong for the meantime,” ani Magnaye. Samantala, 98 bahagdan ng kaguruan sa CCSIS ang nagpakita ng interes sa pagsali sa nasabing organisasyon.
“Maganda itong inisyatiba ng SDO Calamba dahil nakakahiya rin namang humingi ng tulong sa mga oras ng kagipitan kumpara sa alam mong mayroon kang masasandalan,” ayon kay Edizon Dela Cruz, dating pangulo ng CCSIS
“Nag-suggest ako na instead na iikot pa, dapat ‘yung manggagaling dito sa St. John, papunta dito sa school natin, doon na sa adventist liliko. Bago, ‘yung manggagaling sa kabilang lane, dito na bababa, para ‘yung harapan natin, open pa rin siya,” ani Batoleña.
Samantala, ayon naman sa isang POSO officer na nagpapatrolya sa harap ng CCSIS, hindi pa rin nasusunod ang polisiya dulot ng kawalan ng parking area sa paaralan.
“Kapag aawas ‘yung mga estudyante, sa umaga [maghahatid], sa hapon susundo, saan magpa-park?
Wala naman kasing parking area at hindi rin pwedeng magpapasok sa school ng magpaparking na mga susundo sa estudyante,” saad ng opisyal.
Dagdag pa ng opisyal, pinapapayagan naman niya na
Faculty Club.
“We are encouraging all teachers to join the association for their health and well-being. After all, aside from the goal of providing financial help to our Calambeño teachers, the association also aims to strengthen the unity of teachers from Calamba City,” pagdidiin ni Magnaye.
Dagdag pa ni School Governance and Operations Division (SGOD) Chief Dolorosa De Castro, may mga mandato mula sa Department of Education (DepEd) na sinusunod ang Calamba kung saan nakasaad na kailangang magkaroon ng pinagkaisang organisasyon ang mga guro mula sa mga pampublikong paaralan ng primarya at sekondarya.
“Itong organisasyon din ang tutulong sa paaralan upang ipatupad, mapalaganap, ‘yung different programs, projects, and activities which is in accordance with DepEd’s vision, mission, and core values. So, napakaganda nitong initiative para sa mga guro at schools,” aniya.
pumarada ang mga sasakyang papunta sa CCSIS lalo na kapag may mga programa sa loob ng paaralan.
“Basta hindi ho magtatagal ay para sakin, pwede kong payagan. ‘Yun nga lang, nawawalang kabuluhan ‘yang no parking kapag susundo na at naghahatid ng estudyante,” wika pa niya.
Sa kabila nito, nagbigay ng suhestiyon si Batoleña tulad ng pagsasaayos ng iskedyul upang hindi magkasabay-sabay ang pagpasok, pagdaragdag ng coding, at pagkakaroon ng striktong implementasyon ng mga polisiya.
Gayunpaman, inaasahan ng mga mamamayan na maging epektibo ang nasabing polisiya upang mapanatili ang kaligtasan ng mga residente at maayos na daloy ng trapiko.
shortage doon sa number ng items na meron sa learners kit,” paliwanag ni Abenojar. Kaugnay sa mga benepisyong natatanggap ng paaralan sa alkalde, naisakatuparan na rin ang pagmamahagi ng libreng sapatos sa 160 na CalScians sa ika-pitong baitang.
Sa paglabag ng landfill sa regulasyon, Cease and Desist Order, multa, ipinataw
Pansamantalang
ipinasara ang Sanitary Landfill sa Southville 6 Barangay Kay Anlog nitong ika-23 ng Nobyembre matapos maihain ng lokal na pamahalaan ng Calamba City ang Cease and Desist Order (CDO) sa S.B. Hain Enterprises and General Services, Inc.
Sa isang senate hearing, ipinahayag ni Senator Risa Hontiveros na nakitang lumabag sa mga environmental regulations ang nasabing landfill sa isinagawang imbestigasyon ng Environmental Management Bureau (EMB) Provincial Environmental Monitoring Unit ng Los Baños, Laguna.
“Because of the complaints of the residents, in its letter to the complainants dated 11th September, 2023, the EMB investigators found violations of environmental regulations and recommended issuance of Notice of Violations (NOV),” ani Hontiveros. Kaugnay nito, sinabi ni Senator Cynthia Villar na ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region IV-A, namultahan na ang operator ng landfill ng humigit kumulang Php 560,000.
PHP 10,000
PHP 7,500
PHP 10,000
PHP 5,000
PHP 5,000
Bukod pa rito, kahit na inirereklamo ng mga residente ang mabahong amoy mula sa landfill, tumaas pa rin ito sa Category 4 mula sa Category 1 noong Nobyembre 2019.
“The area of the landfill expanded from 1.2 hectares and 15 metric ton capacity in 2018 to a 6.6 hectare facility, so 5 times, now with the capacity of 250 metric tons, so higit times 10, of waste per day,” wika ni Hontiveros.
Ayon sa Department Administrative Order (DAO) 1998-50, kinakailangang 250 metro ang layo ng residential area mula sa sanitary landfill ngunit sa kaso ng Southville 6, tabing-tabi na ng bakod nito ang tambakan ng basura. Samantala, pinaigting naman ng Calamba City Science Integrated School ang pagpapatupad sa "Plastic Ban' sa kantina at proper waste disposal sa buong paaralan. "Hopefully, maging disiplinado ang mga CalScian sa pagsunod sa mga bagong
Isinilang
ang kauna-unahang
sibilisasyon sa mundo dahil sa patuloy na pagbaha ng mga ilog Tigris at Euphrates sa Mesopotamia. Sa Pilipinas, bagama’t bumabaha rin, hindi sibilisasyon ng tao ang umusbong kundi mga nakamamatay na sakit gaya ng cholera at typhoid fever buhat ng kontaminasyon ng tubig. Upang labanan ang rumaragasang epekto nito, bumuo ang grupo ng mga mananaliksik ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) ng solusyon. Ang kasangga nila: mga water hyacinth sa Lawa ng Laguna! Ibinida ng mga mag-aaral mula sa ika-10 baitang na sina Anderson Beguico, Shawn Ustaris, at Senzi Mabalot ang kanilang imbensiyon na pinangalanang ACWA PURA, isang device na may kakayahang pagandahin ang kalidad ng tubig sa mga kanal at anyong-tubig, gayundin ay awtomatikong makakolekta ng basura, malaki man maski butil-butil ng plastik.
Tulad ng isang nakakandado at hindi bukas sa publikong establisyimento, hindi basta-basta makapapasok ang isang indibidwal kung wala namang permiso. Ang ganitong patakaran ang nagbigay ng ideya kay Abdul Hakim Angli, mag-aaral mula sa ika-11 baitang ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) upang ang karapatan ng mga may kapansanan, marespeto ng buong sambayanan. Ang mga pasilidad na dinisenyo sa kanila, binantayan at kinandado ng DISRITE, isang quick response (QR)-based lock system. Espesyal na puwesto sa mga kuwadra sa banyo, mga upuan sa pampublikong behikulo, at mga
BANTAYKANDADO
Segurong Hatid ng DISRITE sa mga PWD
GLENN SOLOMON ORGEN
USBONG NG ACWA PURA
Tulong Laban sa Bumabahang
Dagdag pa, ang device na ito ay may kakayahang i-monitor ang kondisyon ng tubig, tuklasin ang baha, at magbigay ng babala sa mga lokal na pamayanan patungkol sa sitwasyong may kaugnayan sa baha. Pinapagana ito ng malilinis na mapagkukunan ng koryente: enerhiya mula sa araw pati sa agos ng tubig.
Sulasok ng Heavy Metals
Ayon sa website ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), nagtataglay ang tubig-baha ng iba’t ibang mga bagay na nakasasama sa kalusugan at kaligtasan. Ilang halimbawa nito ay ang dumi ng tao at hayop, medikal, kemikal, at industriyal na basura, at mga mikrobyong nakapagdudulot ng sakit. Natasa rin na nagtataglay ito ng mga toxic na elemento gaya ng lead, arsenic, chromium, at mercury na pangkalahatang tinatawag na heavy metals.
Sa mga halaman man o sa tao,
paradahan: ilan lamang sa mga pribilehiyo na natatamasa ng mga taong may disabilidad o PWDs alinsunod na rin sa patakaran ng Pilipinas. Layunin nito na kahit papaano’y makatulong sa pagpapadali ng kanilang pang-arawaraw na pamumuhay. Gayunpaman, batay sa obserbasyon ni Abdul, hindi sa lahat ng pagkakataon ay nangyayari ang mga ito sapagkat madalas itong okupado ng mga indibidwal na hindi naman pasok sa kategoryang may kapansanan. Kaya naman, ang epekto nito’y malaking perhuwisyo para sa mga taong aktuwal na nangangailangang gumamit ng mga nasabing kagamitan at pasilidad.
Malayang Ideya
Sa layuning maiwasan ang mga pagkakataon kung saan maaaring maabala ang mga PWD dahil sa maling paggamit ng mga pasilidad, naisip ni Abdul na gumawa ng isang device na binabantayan at naglalakip ng seguridad sa mga ito. Nakakandado ito para sa publiko subalit maaari lamang gamitin ng mga may kapansanan sa pamamagitan ng kanilang identification card bilang susi.
Sa pananaliksik ni Angli na pinamagatang DISRITE: A Device/ System that Prioritizes the Person With Disabilities (PWD) and Senior Citizen’s Rights, prinograma niya ang isang quick response (QR) code scanner, motion sensor, light-emitting diodes (LEDs), resistors, at speaker sa isang Arduino Uno board, isang malacomputer na kagamitan. Nakapaloob na Mekanismo
Gumagana ang device gamit ang dalawang QR code. Ang unang code ay ginagamit sa pagbibigay ng access sa isang tao na gamitin ang isang tiyak na kagamitan. Ang palatandaan nito ay
nakapagdudulot ng nakamamatay na epekto kung sakaling magkaroon ng kontak sa mga nakalalasong elementong ito. Ang mga tubig na kontaminado ng mga ion ng heavy metals ay responsable sa iba’t ibang mga sakit gaya ng pagkasira ng atay at bato, cancer sa balat, at problema sa pag-iisip batay sa pag-aaral mula sa National Library of Medicine.
Pagtuon ng Pansin sa Water Hyacinth
Upang bahain ng solusyon ang problema sa baha, nilakpan ng grupo ang ACWA PURA ng mga carbon filter, isang panel na nagtataglay ng activated carbon upang salain ang mga butil-butil na plastik, mga toxic compound, at iba pang mga basura. Upang mas lalong maging kapaki-pakinabang ang produkto sa pagpapabuti ng kalidad ng tubigbaha, ginamit nila ang kapangyarihan
ang pagbubukas ng mga berdeng LED lights, kaalinsabay ay ang pagpatay sa nakapaloob nitong motion sensor. Ang pangalawa namang code ay para sa pagkakandado muli ng device. Pagaganahin muli nito ang motion sensor at papailawin naman ang mga pulang LED lights. Kung sakaling mali ang QR code na nailagay sa scanner, pagsa-simulate sa isang sitwasyon kung saan hindi PWD ang taong gumagamit ng isang kagamitan, gagawa ng malakas na ingay ang speaker na nasa device, sabay ng pagbukas-patay ng mga pulang LED lights nito.
Pagtataya ng Husay
Upang malaman kung gaano kabilis at epektibo ang inimbentong teknolohiya, nagsagawa si Abdul ng isang pagtataya, kung saan nagtalaga siya ng limang ispesipikong distansya ng QR code sa isang scanner – 4 cm, 6 cm, 8 cm, 10 cm, at 12 cm. Ililista naman niya ang tinahak na bilis nito sa pagbubukas ng device.
Sa ilalim ng sampung pag-uulit o trials, napag-alaman ng mananaliksik na hindi nakakaapekto ang distansiya ng QR code tungo sa scanner sa kakayahan nito na magresponde ng mabilis sa estimulo, nangangahulugan na epektibo ang nasabing inobasyon. Dahil sa kahusayang ipinakita ng pananaliksik na ito, naiuwi ni Angli ang ikatlong puwesto sa ginanap na Regional Science and Technology Fair sa ilalim ng kategoryang Robotics and Intelligent Machine (Individual) na ginanap sa Cainta, Rizal nitong Disyembre. Ang karapatan ng mga may kapansanan ay marapat na irespeto ng buong sambahayan. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagiging isang responsableng mamamayan. Sa tulong ng pagbabantay at pagkakandado ng DISRITE, teknolohiyang inimbento ng mag-aaral ng CCSIS, masisigurong may segurong maihahatid ang inobasyon tungo sa kapakanan ng mga PWD sa bansa.
ng mga water hyacinth upang magfilter ng mga mabibigat na metal sa ibabaw. Namumuhay ang mga water hyacinth sa mga anyong-tubig na hindi kagandahan ang kalidad ng tubig, dahilan kung bakit namumutawi ang mga halamang ito sa malaking parte ng Lawa ng Laguna. Dagdag pa rito, paglipana ng mga halamang ito ay hindi magandang sitwasyon sapagkat naaapektuhan nito ang akwatikong buhay sa lawa. Kaya naman para sa grupo, imbis na hayaang manalasa ito sa mga organismo, pakinabangan na lamang para sa pangkalahatang benepisyo. Mula sa pag-aaral ng International Journal of Environmental Analytical Chemistry, epektibo ang water hyacinth sa paglilinis ng mga maduduming tubig gaya ng tubig-baha dahil sa kakayahan nitong magsagawa ng prosesong phytoremediation kung saan sinisipsip ng mga ugat nito ang
mga nasabing heavy metals sa tubig at ginagamit bilang pagkain ng halaman sa tulong naman ng sinag ng araw. Dahil sa kahusayang pangagham na ipinakita ng pananaliksik na ito, kinilala ang grupo nina Beguico bilang isa sa mga sampung finalists ng kompetisyong Solve For Tomorrow, pagtatagisan ng mga prinesentang inobasyon ng iba’t ibang mga mag-aaral sa Pilipinas na inorganisa ng Samsung. Hindi aakalain na dahil sa pagbaha ng tubig, ang kaunaunahang sibilisasyon ng tao ang umusbong. Subalit dahil sa pag-eksena ng hindi maayos na paghawak ng basura, umusbong naman ang sibilisasyon ng sakit. Sa tulong ng ACWA PURA, inobasyong likha ng mga mag-aaral ng CCSIS, nilakipan ng solusyon ang problemang ito, upang mapanatiling ligtas at maunlad ang sibilisasyon ng mga Pilipino.
Contro-LIYAB-le Disaster: Agarang Kontrol ng I-Care sa Sakuna
Walang kamalayan ang karamihan hangga’t hindi napapansin ang unti-unting paglapit ng panganib na maaaring tumupok sa bahay, at kung mas malala ay maging sa buhay nito. Batid nina Bongais, Duyag, Lopez, at Narvaez, mga mananaliksik ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), ang problemang kaakibat ng sunog sa komunidad. Bilang tugon, hinango ang proyektong I-CARE o Intelligent Community Alarm Responding Equipment na magsisilbing tagamasid na pipigil sa paglaganap ng sakuna. Kadalasan, hindi kapansin-pansin ang maliliit na bagay na maaaring pagmulan ng trahedya liban kung ito ay maamoy, maramdaman, o makita kaagad na siyang naging pangunahing layunin ng mga mananaliksik. Sa pamamagitan ng kakayahang malaman nang mas maaga ang presensya ng smoke hazards, sunog, o pagtagas ng gas, matutulungang mabawasan ang peligro at maaagapan agad ang maaaring maging bunga nito.
Alarma ng Disgrasya
Base sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), nakapagtala ng 3,991 insidente ng sunog sa Pilipinas sa unang apat na buwan noong nakaraang taon, malaking porsyento nito ay resulta ng aksidente na umabot sa 2,626 na kaso at nagkakahalaga ng Php 15,122,588,314 ang pinsala sa ari-arian. Dagdag pa rito, kadalasan itong nagaganap sa mga kabahayan dulot ng naiwang niluluto, nakasinding sigarilyo, short circuit, at hindi inaasahang pagtagas ng LPG gas.
Hatid na Apula
Sa loob lamang ng 30 segundo, maaari nang lumaki ang sunog mula sa maliit na ningas ng apoy at tinatayang isang minuto naman upang mapuno ng makapal na usok ang isang bahay. Sa pamamagitan ng isa sa tatlong pindutan na nakaprograma sa Arduino UNO, bibigyan ng opsIyon ang nakatira na humingi ng tulong, i-reset ang sistema kung hindi na kailangan ng tulong, at silencer upang matigil ang buzzer. Awtomatiko itong magpapadala ng alerto sa komunidad kung walang tugon ang nakatira sa loob ng 50 segundo. Pagrepina sa Kalidad
Sa pamamagitan ng dalawang modelo ng bahay na mayroong MQ2 Gas sensor, Infrared Flame sensor, at buzzer, sinuri ang pagiging epektibo ng I-CARE. Sinubukan ang kakayahan ng MQ2 Gas sensor at Infrared Flame sensor na makatuklas ng usok at apoy mula lima hanggang 25 sentimetrong layo nito. Buhat ng mainit na adhikaing apulahin ang suliranin ng sakuna, naitanghal bilang International Science And Invention Fair (ISIF) 2023 Qualifiers ang mga mananaliksik ng ika-10 baitang na umabot sa Rektorat Universitas Udayana, Bali, Indonesia. Hindi lamang limitado ang I-CARE sa pagbibigay ng maagang kamalayan sa sunog at pagpapababa ng pinsala kung hindi agad maagapan, bagkus, pinangingibabaw nito ang pagtutulungan sa komunidad na sa pamamagitan ng patuloy na kooperatiba ng bawat isa, ang trahedyang maaaring tumupok sa bahay mo ay hindi magiging hadlang sa buhay mo.
Sinandigan
ng mga mananaliksik ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na sina Aiedelwin Asuncion, Rhianne Dela Cruz, at Gia Miranda ang pagreresiklo ng mga elektronikong basura o e-waste sa paggawa ng mas mura at matibay na alternatibo sa tisa o tile na kalimitang ginagamit sa konstruksiyon. Sa kanilang pananaliksik na pinamagatang CeTile: Alternative Floor Tiles Developed from the Back Housing of Electronic Wastes, pinagaralan ng grupo kung mas epektibo ang kanilang dinisenyong tisa kumpara sa nakasanayang materyales sa pamamagitan ng pagsusuri ng
Iwas EPSI
kakayahan nito sa water absorption, stain resistance, at static friction. Batay sa nakolektang impormasyon ng grupo, kakikitaan ang CeTile ng mas mababang kakayahang makakolekta ng tubig at mantsa, palatandaan na hindi ito kaagad tinatablan ng dumi at alikabok. Nagpamalas rin ito ng mababang static friction na nangangahulugang mas madulas at makintab ang ibabaw ng nasabing produkto.
E-WAS Polusyon ng Plastik
Tanging back housing o ang likurang parte ng mga elektronikong kagamitan gaya ng smartphones,
Powers
ng Oyster Mushroom Fibers
GLENN SOLOMON ORGEN
Sa usaping Save the Turtles, ang mga alternatibo sa straw lang ang nakalalayag patungong pampublikong kamalayan—laman ng mga social media at bukambibig ng mga influencer. Subalit, bakit sa straw lang magbibigay ng malalaking alon ng importansiya kung ang mga alon mismo ng dalampasigan, sinusulasok ng mga maliliit na butil ng mga styrofoam? Hindi puwedeng maresiklo, kaya nanatiling estatiko—ang mga expanded polystyrene foam (EPS), kilala sa tawag na styrofoam, ay mga matitibay at magagaan na materyales na ang komposisyon: petrolyo at hangin. Bilang resulta, agarang tinatapon ang mga EPS, walang kilos sa lupa at inaagos patungong anyong tubig. Kung may galaw man ay simbagal ng pagong sapagkat ayon sa UNEP (2018), libo-libong taon ang gugugulin nitong materyal mawatak lang nang tuluyan sa ibabaw ng mundo.
Pagpapabuti ng Kabute
Upang alunan ng atensiyon ang isyu tungkol sa polusyong dulot ng EPS, nakaimbento ng alternatibong materyales ang grupo ng mananaliksik na sina Macadaeg, Danas, Delos Santos, at Principe mula sa Calamba City Science Integrated School (CCSIS), ang GreenSulated. Ang mga hibla mula sa oyster mushroom, isang uri ng nakakaing kabute ang pinag-ugatang hilaw na materyales ng grupo. Ayon kay Sabantina (2022), madaling nabubuhay ang mga oyster mushroom sa mga organikong basura at lupaing agrikultural kaya ito ay napapanibago sa mas mabilis na oras kaysa kung konsumuhin. Dinisenyo nila ang gawang materyales bilang isang insulation panel, kagamitang nililimitahan ang init at tunog sa pagdaloy, na kung binalot sa isang bagay ay mapapanatili nito ang taglay na init sa mas matagal na panahon. Ang napili nilang bagay na bigyang-kahusayan, mga lunch box para sa pagpapapanatili ng kasariwaan ng mga pagkaing inihahanda.
Resultang Oyster-Rific
Sinubukan nilang gamitin ang GreenSulated sa tatlong pagkain, nilutong bigas, meat dish, at instant noodles. Gamit ang isang surfacebased thermometer, tinasa ng grupo ang kakayahan nito na panatilihin ang temperatura ng pagkain sa loob ng lunch box sa isang oras na pagitan. Sa mga pagkaing inilagay sa GreenSulated, ang average na temperatura na natala ay 55°C. Sa isang styrofoam na lagayan, 49°C, at sa isang tipikal na lunch box ay 48°C naman. Gamit ang datos na ito, masasabing nagampanan ng produkto ang layunin nito bilang isang insulation panel dahil napanatili nitong mataas ang temperatura ng bagay sa loob nito. Kahit anong green-based na alternatibo, sa straw man o insulation panel, ang mga gawang inobasyong tumutuligsa sa mga nakasusulasok na materyal sa lupa, hangin, at tubig ay dapat na isulong—pahabain ang layag patungong kamalayan ng lahat, upang ang misyon, hindi lang Save the Turtles, Save the People at Earth na rin.
tablets, at monitor ang ginamit ng mga mananaliksik sa paggawa ng kanilang produkto, dahilan sa pagkakaroon nito ng malaking bahagi ng plastic at aluminum bilang komposisyon. Posibleng tugon ito sa natukoy na problema ng mga mananaliksik na sina Triantou at Tarantili mula sa National Technical University of Athens tungkol sa kadalangan ng pagreresiklo ng mga plastic mula sa mga elektronikong kagamitan lalo na’t 20% ng kabuuang bigat ng mga ito ay pinaghalo-halong mga polymer, sintetikong kagamitan.
E-STADISTIKA ng E-Waste
Tipikal na dahilan sa pagtatapon ng mga elektronikong bagay ay dahil sa hindi na ito kayang mapakinabangan pa, o kaya nama’y wala ng magagawang paraan upang maayos pa. Ang iba naman ay nakikipagsabayan sa mga bagong labas na gadgets, dahilan upang mag-upgrade sa pinakabago at pahingahin ang mga kagamitang hindi na sabay sa uso.
Mula sa Global E-Waste Monitor ng United Nations (UN), ang Pilipinas ay kabilang sa mga nangungunang e-waste generator ng Southeast Asia – 3.9 kg ng e-waste per capita ang
naakumula noong 2019. Inaasahan naman ng UN na aabot sa 74 milyong metrikong toneladang elektronikong basura ang mapoprodyus n g buong mundo pagsapit ng 2030 dahil sa paglobo ng pagkonsumo ng mga elektronikong kagamitan.
Alinsunod dito, ang mga inisyatibo upang magbawas, gumamit, at magresiklo ng mga e-waste ay sadyang hinihikayat, katulad ng aksiyon na ginawa ng grupo ng mananaliksik. Ayon kay Dela Cruz, hangad nila na makapagbigay ng kabuluhan sa mga mamamayan at industriya ng konstruksiyon gamit ang kanilang inobasyon.
AWTOMATIKONG AREGLO NG
Ang nagsindi nitong mga ilaw— nitong tigwawalong fluorescent lamps sa bawat silid ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS)—ang langoy ng electrons sa mga kable ng koryente. Subalit kung sakaling ito’y napabayaan, kasabay ng ningning ng tanglaw nito, ningning din ng pera ng paaralan ang mapupundi. Kaya naman, ang magreregula at mag-o-auto off nitong ilaw, E-SAVE, isang inimbentong device ng mga CalScian. Batay sa ulat ng Statista, 2.11 exajoules ang bilang ng pagkonsumo ng enerhiya sa Pilipinas noong 2022. Ang langis ang itinuturing na may pinakamataas na pagkonsumo: 0.89 exajoules, na sinundan ng coal o karbon na may 0.84. Nakakonsumo naman ang Luzon ng may pinakamalaking bahagi ng kabuuang konsumo ng koryente sa bansa: 80.87 thousand gigawatts. Marapat na koryentihin ang isipan sa realisasyon na ang patuloy na pagtaas ng pagkonsumong ito ay may kaakibat na madilim na epekto: nakasusulasok na polusyong dala ng pagsusunog at makapanlaglag-bulsang singil sa mga mamamayan. Anino ng Paggasta
Sa isang tipikal na tahanan, 10% ng mga singil sa koryente ay dahil sa pagiiwan ng mga nakabukas na appliance nang hindi naman ginagamit. Batay sa sarbey ng Simply Energy (2023), 90%
Buwanang konsumo ng koryente ng CCSIS mula Enero hanggang Hulyo 2023
ng mga mamamayan ang nagsasabing nakakalimutan nilang patayin ang ilaw sa kanilang mga silid sa tuwing sila’y aalis, 49% naman sa kusina, at 28% sa ilaw ng kanilang banyo. Sa mga sitwasyon naman sa paaralan, ang labis na paggasta ng koryente ay naoobserbahan lalo na noong kasagsagan ng heat waves, buwang Mayo at Hunyo, kung saan kasabay ng init ng araw ang matagalang paggamit ng electric fan at air conditioning appliances sa mga silid at opisina ng sa mga itinuturing na pangalawang tahanan. Maliwanag na Ideya Sa kagustuhang masolusyunan ang isyung ito, lumikha ang mga mananaliksik mula sa Baitang 12 na sina Aquino, Aala, Dela Cruz, Lucas, Plaza, at Tangcangco ng isang aparato na kumokontrol sa paggasta ng koryente, kung saan ang mga appliances na naiwanang nakabukas ay awtomatikong magsasara, sa pamamagitan ng automated, voice at mobile controlled, at timer na features nito. Sa kanilang pananaliksik na E-SAVE: Energy-Saving Automation Via ESP32 Microcontroller with Voice Command, Motion Sensor, and Mobile Device Integration, nakaimbento ang grupo ng isang automated power switch na pinapagana gamit ang passive infrared (PIR) sensor na tipikal
na ginagamit sa awtomatikong pagiilaw, at isang ESP32 Microcontroller na nagsisilbing utak ng device na ito. Sa isang 3D printed na parihaba nilagay ang kagamitang ito, at pinagana gamit ang Arduino IDE, isang programming software. Matingkad na Pagkakaiba
Sa ginawang pagtataya ng kakayahan at kapasidad ng E-SAVE, gumamit ang grupo ng tatlong bombilya bilang kanilang experimental setup. Sa mga bombilyang hindi sinuportahan ng E-SAVE, nalamang mas mataas ang pagdaragdag ng konsumo nito sa kada pagitan ng kalahating oras, kung saan mula sa 0.0199 kWh, naging 0.0966 kWh ang konsumo pagpatak ng 120 minuto. Nang gamitan naman ito ng gawang inobasyon, sa parehas na time frame ay nagningning ang pagbaba ng konsumo ng mga ilaw kung saan hindi man lang humigit sa 0.05 kWh ang nakonsumo nito.
Hangad ng grupo na makatulong sa mga paaralan, kabahayan, at kabuuan ng komunidad sa pagsasagawa ng kanilang pananaliksik. Salamat sa liwanag na dala ng mga bituin ng pagkonsumo, mga energy saving na mekanismo gaya ng E-SAVE mula sa mga mananaliksik ng CalScians, magkakakulay na muli ang industriya ng enerhiya at ang bulsa ng kapuwa-Pilipino.
EFAS sa Sintomas:
Ang Gen Z Guide
Para Hindi Mahawaan ng Pertussis
CRIME-diovascular Disease:
Kontra-atake ng MaryNggay sa CVD
Hindi mababatid ng isang tao kung kailan siya mabibiktima ng isang krimen lalo na kung ang mismong suspek ay hindi nakikita ng mga mata. Ngunit, upang mapigilan ang pag-atake at dalang peligro ng nakamamatay na mga sakit sa puso o Cardiovascular Diseases (CVD), sina Justine, Joie Ann, Ronald, Zianne, John, at Claire, mga mananaliksik ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), ay naghanap ng alternatibong paraan sa pamamagitan ng dahon ng Rosemary at buto ng Malunggay. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang CVD pa rin ang nangungunang dahilan ng pagkamatay sa buong mundo. Sa tala nito noong 2021, umabot sa 17.9 milyon ang mga nabibiktima nito kada taon na bumubuo sa 32% ng pandaigdigang sanhi ng kamatayan. Malaki ang kahalagahan ng pagpapababa ng patuloy na paglaganap ng nasabing sakit, kaya naman nabuo ang mga pag-aaral sa paglikha ng natural na produkto gamit ang mga halamang gamot. Sa kaso ng CCSIS researchers, pinili nilang gumawa ng isang supplement, MaryNggay, at
Rehiyong IV-A noong Enero hanggang
Setyembre 2022, nasa 17.4% ng may mga ischemic heart disease sa buong CALABARZON ay galing sa Laguna, at hindi naman tataas sa limang porsiyento ang kaso nito sa Calamba. Sa Pilipinas, ikatlo ang CVD sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay na responsable sa 20% na kabuuang bilang at nakakaapekto sa isa sa anim na mga Pilipino ayon sa Philippine and Philippine-American Health Statistics.
Sa 2030, tinatayang higit sa 22.2 milyong tao ang mamamatay taon-taon sa CVD.
Ebidensya Lantad ng Halamang Gamot
Rosemary (Salvia rosmarinus) ang isa sa bumubuo ng MaryNggay, isang uri ng perennial at aromatic na halaman na may ilang pharmacological effect. Taglay nito ang rosmarinic acid na may kakayahang magpababa ng coronary heart disease (CHD) na sanhi ng pagbara ng coronary artery na nagsusuplay ng dugo sa puso. Sa kabilang banda, dahil sa presensya ng cardioprotective bioactivities at mga dietary component Moringa oleifera), na may epekto sa metabolic syndrome, makatutulong ito sa pamamagitan ng pagkontrol ng cholesterol, pagpapababa ng plasma triglycerides, at pagpigil sa CVD ayon kay Fenty Alia,
Hustisyang Hatid ng Pananaliksik
Nakita sa phytochemical screening ng MaryNggay ang cardiac glycosides, flavonoids, saponins, at tannins, na nagsisilbing kalasag upang makaiwas sa CVD at upang mapanatili ang malusog at maayos na puso. Napatunayan ng supplement na pinapababa nito ang ng lebel ng cholesterol dahil sa mga bioactive compounds na nakita lalo na ang flavonoids na nagpapabawas ng mga free fatty acids.
Pasado sa pharmaceutical standards ang MaryNggay dahil 2.28 minuto lang ang disintegration time nito na hindi umabot sa 30 minuto. Hindi rin ito gaanong asidiko dahil sa mataas na fiber content kaya nagresulta sa angkop na moisture content na 10%.
Hindi man natin nakikita ang sakit na hindi malabong gumawa ng krimeng mabibiktima ang kalusugan ng tao, kinakailangan pa rin natin ang masusing pag-iingat at pag-alaga nang maayos sa ating mga sarili. Ang sakit na kagaya ng CVD ay hindi dapat ipagsawalang-bahala, hindi na dapat natin kailangan ng suplemento o kahit anong gamot kung magkakaroon ng disiplina ang isang tao.
Tinimbang si Dan, ngunit hindi naman kinulang, subalit may puwang pa rin sa kaniyang kalusugan. Hindi man sa bigat niya bilang isang indibidwal, kundi sa isang sangkap na esensiyal sa kaniyang pagkamortal—ang glucose-6phosphate dehydrogenase (G6PD) na enzyme na kung sakaling kulang din ang kaniyang pag-iingat ay maaaring maging mitsa ng kaniyang buhay. Sa panlabas na anyo, isang tipikal na menor-de-edad si Dan Gabriel Guevara, 16, mula sa ika-11 baitang ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS). Normal na man raw ang kaniyang body mass index - malusog ayon sa pamantayan. Ngunit hindi aakalain na sa ilalim ng maayos na pangangatawan ay namumuhay siyang may restriksiyon: sa kinakain, sa produktong kinukonsumo, at sa sosyalisasyon. Sinuri, Nalamang Kinulang
Medically-diagnosed si Dan na mayroong G6PD deficiency, na ayon sa MedlinePlus, isang organisasyong pampamahalaan ng Estados Unidos, ay isang genetic disorder na nakaaapekto sa red blood cells (RBC), mga pangunahing tagapagdaloy ng oxygen at nutrients patungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ang mga taong apektado nito ay may kakulangan sa G6PD, isang
PAGKUGOLANG
Kakulangan sa G6PD ni Dan, Panganib sa Kalusugan
enzyme na katuwang ng mga RBC para gumana nang maayos.
Pinoprotektahan nito ang RBC sa mga substansiyang makasasama sa kanila. Subalit sa isang taong wala o kulang itong enzyme, walang magpoprotekta sa kanilang RBC, ang resulta: puputok, magwawatak-watak.
“Kapag tiningnan mo ‘yung RBC ko sa microscope, hindi raw normal, may butas raw sa gitna. Kumbaga ang RBC, easily interpreted as bilog. Sa akin doughnut ang itsura,” pagpapaliwanag ni Dan ukol sa kaniyang kondisyon. May Hangganan sa Lifestyle
Tipikal sa mga apektado ng G6PD na magkaroon ng restriksiyon patungo sa kanilang kinokonsumo. Ang ilang mga pagkain, gamot, at iba pang mga sangkap ay maaaring makapag-trigger sa kanila ng hemolytic crisis - isang mabilis na pagkasira ng mga RBC sa isang maikling panahon.
“Maraming bawal. Common na examples ay ang milk, soya products like toyo—mga pagkain na mababa lang ang effect. Puwede ko ‘yun kainin, kaya lang hindi sobra-sobra. Ang pinakamabigat na pagkain na dapat ‘di ko kainin ay fava beans. Isang tikim lang n’on ay mamamatay ako,” saad ni Guevara. Naaayon rin ito sa mga body products sa merkado. Mahigpit niyang iniiwasan na magkaroon ng kontak at makalanghap ng mga substances na may menthol gaya ng vaporing rub at pain relief patches dahil tini-trigger nito ang kaniyang kondisyon. Karamihan sa mga taong may
kakulangan sa G6PD ay maaaring pamahalaan ang kondisyon nang maayos sa pamamagitan ng pagiwas sa mga pag-trigger na ito, at hindi karaniwang kinakailangan ang paggamot. Subalit, kung kinakailangan, ilan sa mga gamot na iniinom nila kapag nagkaroon ng krisis ay ang medisinang iodine.
Tuloy Lang sa Buhay
Walang gamot sa G6PD deficiency; permanente itong kondisyon. Gayunpaman, ang normal at malusog na buhay ay makakamit pa rin ng mga taong apektado hangga’t iniiwasan nila ang mga pagkain at kemikal na nakakapag-usbong sa kanila ng reaksiyon.
“Hindi ko naman ito palaging naeencounter kaya masasabi kong I’m still living a healthy life like any other normal students, kailangan lang ng pag-iingat sa mga daily routine and self-control,” positibong saad ni Dan.
Payo niya sa mga kapuwa niyang may katulad na sitwasyon, huwag mahihiyang ibahagi sa mga kasama ang restriksiyong pansarili upang maging katuwang rin sila sa pag-iwas sa mga triggers. Ang G6PD deficiency, bagama’t malapit sa karaniwan, karamihan ay walang kamalayan sa nasabing kondisyon. Ang pagdidisimena ng impormasyon ay mahalaga upang makamit ang kamalayang pampubliko.
Nang tayahin ay kinulang man, hindi sa timbang kundi sa esensiyal na enzyme, hindi pa rin siya nagpadaig sa limitadong galaw at lifestyle na kaakibat nito. Gawing halimbawa si Dan na hindi nagpabuwag sa puwang ng kondisyong G6PD deficiency sa layuning magkaroon ng malusog at matiwasay na kalusugan.
Ang tea—may sakit si CCSISter! Nilalagnat, sinisipon, at inuubo. Subalit, ang kaniyang pag-ubo, tila kakaiba, hindi normal na kaso. May hiyaw o dalahit sa bawat pagbugso ng baga. At sa kaniyang pagkonsulta sa doktor, kumpirmado—si CCSISter, tinamaan ng nakahahawang bakteryal na sakit na pertussis! Tinatawag rin na whooping cough, ang pertussis, batay sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay ang lubha at hindi makontrol na pag-ubo ng isang indibidwal buhat ng bakteryang Bordetella pertussis. Lubha itong nakahahawa, at ang mas nakatatakot pa, kung hindi ito agad maaagapan ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay! Kaya naman, imbis na manghawa ng sakit at pangamba, mga tip na lamang sa kung paano makakaiwas sa ganitong sakit ang ipamahagi sa sambayanan!
Clean Ur Kadiri Kadami Ka-germs na Kamay
Kumakalat ang mga virus kapag ang isang indibidwal ay nakahawak ng mga bagay na kontaminado, gamit na may patak ng likido mula sa isang taong may sakit at pagkatapos ay hinawakan niya ang kaniyang sariling bibig o ilong nang hindi man lang hinugasan ang sariling mga kamay. Ang ating mga kamay pa naman, pugaran ng mga mikrobyo—kakikitaan ng 3,200 na mga uri mula sa 150 species, ayon sa Pfizer, isang medikal na kompanya. Kaya naman, 80% ng mga nakahahawang sakit o communicable diseases ay bunga ng simpleng paghawak o person-to-person contact. Para mamatay ang mikrobyo sa kadiri, kadami, ka-germs na mga kamay, hugasan ito nang mabuti gamit ang tubig at sabon. Kung wala, gumamit na lamang ng alcohol o hand sanitizer. Sundin ang mga hakbang na ipinaliwanag ng CDC sa tamang paghuhugas ng kamay: basain ito ng malinis at umaagos na tubig, lagyan ng sabon at kuskusin; hugasan ang likod nito, sa pagitan ng mga daliri, at sa ilalim ng mga kuko; gawin ito nang hindi bababa sa 20 segundo, katumbas ay ang dalawang Happy Birthday na kanta, at; banlawan ito nang mabuti at patuyuin gamit ang tuwalya o dryer.
Takip-takip Din ‘Pag
May Time
Ang mga virus ng trangkaso ay pangunahing kumakalat kapag ang mga taong may trangkaso ay umuubo, bumabahing, o nagsasalita—nagsisikalat tuloy ang mga droplets mula sa bibig at ilong. Para maiwasan ito, kung may nararamdamang sintomas ay takpan ang bibig at ilong ng tissue kung kinakailangan.
Sa parehas na sitwasyon, inirerekomenda ng CDC ang pagsusuot ng mga face mask sa mga partikular na lugar at sitwasyon, sa loob man ng bahay o sa publiko upang hindi mahawaan ng maysakit at hindi makapanghawa sa ibang indibidwal.
Sinasabing ang mga respirator tulad ng nonsurgical N95 ang nakapagbibigay ng pinakamataas na level ng proteksiyon, kung saan sinundan naman ito ng KN95 at medical masks. Gayunpaman, inirerekomenda ng CDC na ang mga surgical N95 mask ay dapat gamitin lamang ng mga propesyonal sa larangan ng pangangalagang pangkalusugan.
Red Flag: Nasa School Kahit May Sakit
Huwag nang pilitin kung hindi na kaya. Kung maaari, manatili na lamang sa loob ng tahanan kung may mga sintomas ng pertussis, upang masigurong ang sarili ay ligtas gayundin ang mga kalapit na kapuwa. Payo ng CDC, mas mainam na manatili sa loob ng bahay ang isang indibidwal kung siya ay mananatiling may nararamdamang sintomas, bente–kuwatro oras matapos mawala ang lagnat nang hindi umiinom ng gamot, o pagkatapos bumuti ang mga sintomas.
Banta sa kalusugan at kaligtasan ang nakahahawang sakit na pertussis. Lesson learned para kay CCSISter na iwasan ang mga gawaing maglalagay sa kaniya sa peligrosong sitwasyon. Kaya, ang nararapat na gawin, sundin ang Gen Z guide na ito upang hindi mahawaan ng sakit at hindi makapanghawa ng iba, dahil sa huli, ang kalusugan pa rin ang siyang dapat maging pangunahing priyoridad, hindi lamang ng mga kapuwa niya CCSISters, kundi ng lahat!
KONTRABALATKAYO
M
aihahambing sa isang supermarket na may malawakang rollout ng produkto, ang kantina sa Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na nagkaroon ng bagong anyo. Pagbabagong hindi naman sa paninda o sa panawid-gutom nitong dala, kundi sa kung anong ginagamit na pabalat sa mga nakahain sa madla, na kung dati’y sintetiko: mga single-use plastic (SUP) ang mukha, ngayo’y papel at mga reusable na materyales na.
Balat ng manok, fruit juices, at hot meals—maliban sa ito’y mas masustansiya at masisigurong gawangkamay talaga, mas nakatutulong pa sa kapaligiran ang paraan kung paano ito inihahanda sa mga estudyante. Nakabalot sa mga papel: paper cups at carton tray na dalawa hanggang anim na linggo lang ang kailangang gugulin madisintegra lamang sa ibabaw ng lupa.
Mga plastik na tinatapon kaagad, SUP ang tawag. Mula sa datos ng Earth Day, isang pangkapaligirang organisasyon, 8.3 bilyong metrikong tonelada ng plastic ang napoprodyus ng buong mundo simula pa noong ipakilala ang paggamit nito noong 1950. Kaya naman, hindi bababa sa 85% ng lahat ng basura sa dagat ay masisisi sa mga sintetikong bagay na ito.
Pagtataya ng blood type sa mga mag-aaral, guro, inilunsad sa CCSIS
RAFAEL LORENZO ORTIZ
N aging matagumpay ang isinagawang libreng Blood Typing Program sa Calamba City Science Integrated School (CCSIS) nitong ika-16 ng Mayo kung saan umabot sa kabuuang 300 na mag-aaral at guro ang nabigyangkaalaman ukol sa kanilang blood type—siyang kritikal sa blood transfusion at donation kung usapang pangkalusugan.
Kaugnay nito, katuwang ng CCSIS Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at General Parents-Teachers Association (GPTA) ang Philippine Red Cross Laguna Chapter - Calamba para sa agaran at epektibong pagtukoy ng dugo na naganap mula 7:30 AM hanggang 1:00 PM ng kaparehong araw.
Ayon sa MedlinePlus, esensiyal ang proseso ng blood typing upang matiyak ang ligtas na pagbibigay ng dugo sa kapuwa, nang sa gayon ay maiwasan ang mismatch, kaso kung saan inaatake ng nabuong antibodies ang sariling red blood cells at immune system ng katawan.
Layon din ng blood typing na matukoy kung ang red blood cells ng isang indibidwal ay maikakategorya bilang Rh-positive o Rh-negative na magagamit sa pagtataya kung magkatugma ba ang dugo ng dalawang magkaibang tao kung sakaling bubuo ng pamilya.
PagsuSUPlay ng Alternatibo
Mas pinaigting ng paaralan ang nakasanayang sistema sa paghahanda ng mga pagkain tuwing pananghalian. Mas naging bukas ang kantina sa pagpapahiram ng mga reusable na plato at kubyertos. Ang epekto, mas kaunti ang basura kaysa kung gumamit ng mga patapong plato’kutsara-tinidor.
Gayunpaman, inirerekomenda ng paaralan na magdala ng sariling lunch box at tumbler upang mas maging convenient ito sa lagay ng mga estudyante.
Pagsunod sa SUPerlatibong Utos
Ang pagpapalit sa mga materyales sa pagpapakete ng mga paninda ay isa lamang sa mga aksiyong ginawa ng paaralan alinsunod sa ika-58 memorandum ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) kung saan minimithi ang pagpapaigting ng Solid Waste Management. Isinusulong na rin ng paaralan ang paggamit ng mga nareresiklong kagamitan gaya ng plastic bottles bilang mga seed beds ng mga halaman at gulay. Kung sakaling hindi naman mapakikinabangan, ipinagbibili na lamang ito sa mga kalapit-junk shop.
Sa pakikibaka ng mundo sa epektong dala ng natural na kalamidad, nagdudulot ito ng higit na pasanin sa mga mag-aaral. Dagdag pa na nasa rehiyong tropikal ang Pilipinas, nakapapaso kung mailalarawan ang kondisyon na nararanasan. Ngunit sa ngayon, hindi lang damdamin ng tao ang kumukulo kundi pati na rin ang panahon sa kasalukuyan na patuloy lumulubha sa paglipas ng mga taong hindi kumikilos ang mga tao upang maibsan ito.
“The era of global warming has ended, the era of global boiling has arrived,” ani United Nations SecretaryGeneral António Guterres mula pa noong Hunyo 2023.
Lumalala na ang sitwasyon ng heatwave sa mundo, kasabay naman nito ang pagtindi ng mithi ng mga mag-aaral sa Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na gampanan ang kanilang layunin, ang panatilihin ang husay at saysay sa kabila ng balakid sa temperatura.
Pandaigdigang Krisis
Ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) 2023 Annual Climate Report, tumaas ng halos 0.20°C ang antas ng pag-init ng mundo kada dekada. Ito ay halos tatlong beses na mas mabilis mula noong 1982. Kasabay nito, umakyat din ng 0.06° C kada dekada ang rate ng temperatura ng pinagsamang lupa at karagatan.
Idineklara na rin ng NOAA na ang Abril 2024 ang pinakamainit na Abril na naitala sa buong mundo. Sa kasalukuyan, mas mataas ng 1.32°C ang global surface temperature nito at 0.32°C na mas mainit kumpara sa pinakahuling tala noong 2023 para sa buwan ng Abril.
Epekto ng Matinding Sikat
Mula sa pag-aaral na inilabas ni Friederike Otto ng grupong World Weather Attribution, napag-alaman na halos imposible ang kasalukuyang init ng nasabing kalamidad kahit na
BULAK-MANOK: Tugon sa Hamon sa WINS
LSUPerbisyon ng Lahat
Hindi magbabagong-anyo tungong reyalidad ang mithiing ito kung wala ang pakikiisa ng bawat mag-aaral at kaguruan. Payo ni Joy Lawrence Lara, Eco-waste coordinator ng CCSIS, sa mga guro na kinakailangan ang matinding pagpapaalala sa mga estudyante upang masolusyunan ang problema sa basura.
New school year, new look; sa CCSIS, ang kantina nagkaroon ng bagong pamamaraan sa pagbalot ng pagkain upang ang paggamit sa SUPs ay malimitahan kontra-balatkayo ng plastik. 85% ANG PLASTIC
TROPICALSCI FEELS
Masidhing aksiyon ng CCSIS sa Heat Wave
HANS KENJI NEGRILLO
sa panahon ng El Niño kung wala ang mga mapaminsalang aktibidad ng mga tao. Bukod pa rito, nasuri rin ng mga eksperto ang bunga ng pagbabago ng klima sa 15 araw na heatwave sa Pilipinas.
“Climate change made this year’s heatwave 1°C hotter, while El Niño made the heatwave a further 0.2°C hotter. If global warming reaches 2°C, similar heatwaves in the Philippines will occur every two to three years and will become another 0.7°C hotter,” ayon pa sa pagsusuri.
Dahil dito, pinahihintulutan ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga school heads na ilipat sa alternative learning modalities ang klase kung kinakailangan para sa seguridad ng mga bata. Dagdag pa rito, unti-unti na ring ibinabalik ang pagsisimula ng taunang pampaaralan sa buwan ng Hunyo.
Sa Anino ng Remedyo
Batay sa datos ng OpenWeather, umabot na sa danger level na 43°C ang tinatayang pinakamataas na heat index na naitala sa Calamba o ang sukat ng init na nararamdaman ng katawan base sa alinsangan at temperatura ng hangin.
Bilang tugon sa patuloy na epektong dala ng heat wave sa bansa, bukod sa pagpapaiksi ng oras sa klase mula 6:00 hanggang 11:50 ng umaga, kabalikat ng CCSIS ang mga proyekto kontra init ng panahon tulad ng tree planting, hindi rin pinalampas ng paaralan ang paggamit ng papel at mga reusable materials bilang alternatibo sa single-use plastic at maging ang pagbibigay kamalayan at paalala sa mga mag-aaral ng pagiingat sa panahon ngayon.
Gaano man kataas ang heat index sa Pilipinas, ganito rin katayog ang adhikain ng mga CalScians na patuloy linangin at matarok ang kahusayan. Heatwave man ay manalasa, sa gitna naman nito’y hindi patitinag kaya mga alternatibong solusyon, nagsisilbing silong sa pangkalahatan.
ayunin ni Sarah Jane Detruz, guro ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na pag-aralan ang posibleng utilisasyon ng kaniyang likhang hand soap na gawa sa damong bulak-manok o billygoat weed upang mapaigting ang kultura ng paghuhugas ng kamay sa paaralan. Kaugnay sa isyu ng maluwag na implementasyon ng paghuhugas ng kamay sa mga eskuwelahan at kawalan ng matatag na suplay ng sabon dulot ng kamahalan nito, gumawa si Detruz ng isang antibacterial liquid hand soap para sa katuparan na rin ng kaniyang disertasyon sa masteral na edukasyon.
Bumuo si Detruz ng apat na setup ng liquid hand soap na may iba’t ibang pormulasyon depende sa konsentrasyon ng extract ng billygoat weed, kung saan kinumpara niya ang antibakteryal na kabisaan ng eksperimental na setup A, B, C (nagtataglay ng extract) sa kontrol na setup D (hindi nagtataglay ng extract).
Benepisyo ng Bulak-Manok
Ang billygoat weed o bulak-manok, batay sa website ng StuartXchange ay isang tuwid, mabalahibo, at mabangong damo na may lilang bulaklak na pangkaraniwang tumutubo sa Pilipinas at sa iba pang tropikong lugar nang buong taon. Batay sa mga pag-aaral, may kakayahang antibakteryal ang extract ng dahon nito laban sa mahigit 150 species ng bacteria, yeast, at amag. Gayunpaman, kinokonsidera ang billygoat weed bilang isang invasive species—organismong hindi taal o native sa isang partikular na lugar na nakapipinsala sa mga orihinal na naninirahan dahil nagkakaroon ng kompetisyon sa pagkain at espasyo sa lupa. Ang pagkakaroon ng bagong paggamit para sa mga invasive species ay hinihikayat ng mga pag-aaral, hindi lamang upang malimitahan ang bilang nito sa kapaligiran, kundi upang mapakinabangan na rin ito sa iba pang aspeto ng buhay, ideya na naging basehan ni Detruz sa kaniyang imbensiyon.
Panalong Kaligtasan sa WINS
Sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas, hinihikayat ang mga estudyante, guro, at kawani na regular na maghugas ng kamay, mas
ng programang WASH in Schools (WinS) ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Batay sa website nito, minimithi ng DepEd na makamit ng mga estudyanteng Pilipino ang pagkatuto sa kalusugan sa pamamagitan ng komprehensibo at sustainable na programa nang sa gayon ay maipagtanggol ang karapatan ng kabataan laban sa mga peligrosong kondisyon. Nakikiisa ang CCSIS sa programang ito sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga handwashing area at pagtatalaga ng iskedyul sa paghuhugas ng kamay ng bawat mag-aaral sa paaralan.
Lilikhaing Tulong ng Imbensiyon
Ayon kay Marissa Nobleza, WINS coordinator ng CCSIS, hangad ng paaralan na makamit ang pinakamataas na rating—tatlong bituin—sa ebalwasyon ng programa, lalo na’t sa kasalukuyan, dalawang bituin lamang ang rating nito sa ginawang pagtataya noong Mayo.
Binanggit ni Nobleza na upang matamo ang mataas na ratings sa WINS, kinakailangan ng siyam na handwashing area sa perimetro ng eskuwelahan, na nangangahulugan na nesesaryo ang pagpapatayo ng karagdagang pito pang pasilidad sa dalawa ng nakasandig sa paaralan. Dagdag pa niya, kabilang rin sa criteria ng WINS ang pagkakaroon ng katuwang at suporta mula sa mga lokal na yunit ng pamahalaan para sa suplay at distribusyon ng sabon ng mga pasilidad. Alinsunod rito, hangad ni Detruz na maging kabalikat sa pagpapaigting at pagpapaunlad ng estado ng implementasyon ng WINS sa paaralan sa pamamagitan ng utilisasyon ng kaniyang imbensiyon. Sa pamamagitan nito, maaaring makatagpo ang paaralan ng potensiyal na pakikipagkasundo sa lokal na pamahalaan kung sakaling magkaroon ng ingay ang gagawing pagpapaigting na ito. Sa kasalukuyan, umaasa si Detruz na magkaroon ng malawakang produksiyon ng kaniyang liquid hand soap upang makatipid ang paaralan sa gastusin, kalakip ng pagsusuplay ng mga kagamitang panlinis, gayundin ay makatulong sa balanse ng ekosistema buhat sa pagkokontrol ng mga invasive species.
Pagbuhay ng Hanapbuhay sa LDB
Pamamahagi ng Bangus Fingerlings sa mga Mangingisda ng Calamba
Inaasahang sa pamamahagi ng 120 supot ng bangus fingerlings sa mga rehistradong mangingisda sa lungsod ng Calamba ay makapagiiwan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Rehiyon IV-A CALABARZON ng substansiyal na benepisyo, hindi lamang sa agos ng pamumuhay sa mga organismong naninirahan sa Laguna de Bay (LDB), kundi pati na rin ang daloy ng paghahanapbuhay ng mga tagakaratig pook nito. Sa isang Facebook post ng Calamba Fisheries, lipon ng mga mangingisda sa Calamba, idinokumento ng grupo ang pamamahagi ng fingerlings ng isda, sa pangunguna ng BFAR Region IV-A Fisherfolk Regional Director Mr. Rolando Rabino nitong ikapito ng Mayo.
Maliban sa pagpaparami at pagpapanatili ng ekolohikal na ekwilibriyo sa mga tubig-tabang na isda ng lawa, layunin ng gawaing ito na mapabuti ang kabuhayan ng mga mangingisda na nakadepende ang kita sa panghuhuli ng isda sa LDB. Alinsunod rin ito sa layunin ng Department of Agriculture (DA) na buhayin at payabungin ang lawa upang maging pangunahing pinagkukunan ng isda para sa mga residente ng Maynila at mga kalapit na lalawigan.
Kasalukuyang Lagay
Daing ng mga mangingisda sa LDB na mababa ang halaga ng mga nahuhuli nilang isda na naglalaro lamang sa PHP35 hanggang PHP40
LEADING LILY:
Bidang pangkabuhayan ng mga Water Lily sa LDB
Sa isang palabas, bawat elemento nito ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan upang maging maayos ang daloy ng mga senaryo. Ngunit hindi rin maiiwasan na may mas makapukaw pa sa atensiyon ng madla. Ganito ang buhay sa Lawa ng Laguna, ang presentasyon ng buhay ay masagana, ngunit mas kapansinpansin ang mga lumulutang na luntian—water lily kung ito ay tawagin. Maamo mang tingnan ngunit hamon at biyaya naman ang dulot nito sa mga naninirahan. Sa kabila man ng salot na patuloy nitong dinadala, nagbukas naman ito ng alternatibong paraan na nagsisilbing ispatlayt upang lumutas sa problemang dala ng mga water lily sa lawa. Kasangga ng madla ang mga produktong yari dito, tiyak pa ang benepisyo di lamang sa mga tao kundi pati na rin sa kalikasan at kabuhayan. Kontrabida sa Lawa ng Laguna Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang mga water lily ay isang uri ng invasive plant species na sumisipsip ng oxygen na kinakailangan ng mga isda at humaharang sa sikat ng araw na mahalaga para sa reproduksiyon ng mga ito. Nagreresulta ito sa pagkamatay o pagkasira ng natural na tirahan ng mga isda. Bukod pa riyan, sakaling mabulok ang halamang ito, pinalalabo nito ang tubig dahilan upang hindi na mapakinabangan ng mga tao. Dagdag pa rito, ang lumalalang polusyon ng tubig sa lawa dulot ng patuloy na direktang pagtapon ng mga basura at wastewater ay nagbubunga ng mabilisang pagtaas ng bilang ng mga water lily at nakaambang makapaminsala sa aquatic biodiversity, ecosystem, at ang kabuuaang komposisyon ng Laguna de Bay ayon kay Jamella de Castro, eksperto mula
sa DENR-Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB).
Sa Likod ng Produksiyon
Kung pagmamasdan man ang mga water lily aakalaing hindi ito nagdudulot ng anumang perhuwisyo sa akwatikong buhay. Gayunpaman, itinuturing na parehong problema at isang oportunidad ng City Livelihood and Development Office (CLDO) ang patuloy na mataas na bilang ng mga water lily sa Calamba.
Bilang solusyon sa bunga ng polusyon, mas pinagtibay ng CLDO ang pagpapaunlad ng programang pangkabuhayan sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t ibang produkto gamit ang water lily. Ang pinatuyong mga dahon nito ang nagsisilbing sangkap upang makalikha ng mga gawang-kamay na bag, bayong, pitaka, sombrero, at maging mga tela!
Sinamahan pa ng inobasyon, nakagawa na rin ng water lily-based leather o tinatawag ding vegan leather ang isang maliit na negosyo sa Los Baños, Laguna kung saan hinabi ang mga ito upang maging face masks, kaya naman eco-friendly at zero waste leather ay nakamit na.
kada kilo. Pagpapaliwanag ni Fernando Hicap, tagapangulo ng PAMALAKAYA, hindi ito kumparable sa PHP70 at PHP80 na presyo ng mga isdang galing sa mga sariling fishpond at kulungan ng ilang pribadong prodyuser sa merkado. Mula sa datos ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), tahanan ang 940 kilometrokuwadradong LDB sa pagprodyus ng halos 90,000 tonelada ng isda bawat taon, dahilan upang makapagbigay ng kabuhayan sa humigit-kumulang 13,000 mangingisda. Gayunpaman, batay sa pagsusuri mula sa guidelines ng Department of Environment and Natural Resources, tinatayang mataas ang fishing mortality sa lawa kung saan 48% sa stock ng mga isda ay namamatay; malaki ang dagok nito sa
lagay ng hanapbuhay ng mga mangingisda.
Layag Tungo sa Adhika
Sa pagkamit ng layuning mapalawak ang potensiyal sa utilisasyon ng LDB, tinitignang solusyon ang pagpapataas ng produksiyon ng isda habang nireregulahan ang presyo nito sa pamilihan.
Para kay Francisco Tiu Laurel, Jr. kalihim ng DA, kailangang ibalik ang presyo ng bangus sa PHP50 hanggang PHP70 kada kilo. Magagawa ito kung gagamitin at pagtutuunan ng pansin ang industriya ng aquaculture sa lawa gaya ng pagpapalago ng isda at akwatikong halaman, at kung kinakailangan,
Samantala, hinihikayat naman ng mga guro sa pananaliksik ng Calamba City Science Integrated School, na makabuo ang mga mag-aaral ng mga pananaliksik na kinatatampokan ng waterlily. "Inaabangan talaga namin ang mga bagong ideya ng pananaliksik na gagagamit ng water lily," wika ni Marinel Degoma, guro sa Research 9. Nakita mang kontrabida ang mga water lily, hindi naman ito naging balakid upang hindi magpatuloy ang produksiyon ng masaganang pamumuhay sa lawa. Agaw-pansin man sa entablado, nagsilbi naman itong alternatibong pagkakakitaan para sa mga residente sa paligid nito.
palawakin din ang kapasidad sa pagtugon nito.
Hinihikayat naman ng mga tagapayo ng riserts sa Calamba City Science Integrated School ang mga estudyante na pagtuunan ng pansin ang isyu tungkol sa kalagayan ng LDB at nang sa gayon ay makapagprodyus ng benepisyal na imbensiyon at inobasyon sa pagpaparami ng populasyon ng isda. Sa tulong ng paunti-unting sagwan sa pagpapaunlad ng Lawa ng Laguna, gaya ng pamamahagi ng bangus fingerlings sa mga lokal na mangingisda ng Calamba, paunti-unti, lumalapit rin ang bansa sa pagkamit ng layunin nitong ekolohikal na balanse at matibay na hanapbuhay sa mga taong dumedepende sa pinakamalaking lawa ng bansa.
kinatuwa ni Cynthia Buen, aquaculturist ng Calamba City ang pagbaba ng bilang ng mga nahuhuling ilegal na mangingisda sa loob ng Laguna De Bay (LDB) buhat ng pagpapahintulot ng Department of Agriculture (DA) sa kanila na mangalahig na lamang ng kabibe imbis na ipagpatuloy ang ilegal na pamamalakaya. Bagama’t malaking tulong para sa hanapbuhay ang ginawang desisyon ng DA, hindi maitatago ang mga bakas ng pinsalang iniwan nito sa ekosistema ng lawa, pati na rin sa kabuhayan ng iba pang mga mamamayang nakadepende sa lawa. Itinala ng Bantay Lawa na nagkaroon ng 50% pagbaba sa kabuuang kaso ng pag-aresto sa mga ilegal na mangingisda sa LDB—mula 16 ay naging walo na lamang. Para sa lokal na pamahalaan ng Calamba, patunay ito na naging epektibo ang kanilang kampanya laban sa ilegal na panghuhuli ng isda alinsunod sa Republic Act 10654 o ang Philippine Fisheries Code of 1998. Gayunpaman, tila ang paghupa ng isang problema’y hudyat ng pagusbong ng panibago; lumitaw ang isyu sa pangangalahig. Pinayagan ng pamahalaan na mangalahig ang
mga walang trabaho mula sa iba’t ibang barangay na nakapalibot sa LDB. Hindi maikakailang nakatulong ang aksiyong ito sa kabuhayan ng ilang mamamayan lalo na’t napagkakakitaan nila ang mga nahuhuling kabibe sa pagbenta ng mga gawang produkto gaya ng kuwintas at pulseras, subalit dumating na ito sa sitwasyon ng pagsasamantala at pag-aabuso sa kalikasan—ang overharvesting—na nagdulot ng mga kabaha-bahalang pinsala sa estado ng anyong-tubig. Dulot ng labis na eksploytasyon dala ng pangangalahig, nasisira ang estruktura ng mga fish pen at nagkaroon ng matitinding pagguho ng lupa sa kailaliman ng lawa. Nag-iwan ito ng hindi magandang larawan para sa ekosistema ng LDB dahil nasisira ang tirahan ng iba pang mga organismo gaya ng isda at akwatikong halaman buhat ng destabilisasyon ng mga sediment sa ilalim lalo na ang pagbaba ng ani ng isda. Kung aanalisahin, malalamang ang pangangalahig ay nagdudulot ng pinsala hindi lamang sa kapaligiran kundi pati na rin sa kabuhayan ng mga mamamayang naninirahan at umaasa sa biyaya ng LDB. Samantala, maraming mga imbensiyon at pananaliksik ang ginagawa ng mga mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na layong magkaroon ng balanseng solusyon sa kabuhayan ng mga mangingisda at kalagayan ng lawa. Upang maisulong naman ang pagbaba ng pagsasamantala sa pangangalahig, mangyaring gayahin ang aksiyong ginawa sa pangingisda— ang pagkakaroon ng batas patungkol dito. Marapat na magkaroon ng regularisasyon sa pangangalahig upang maipagpatuloy pa rin ang propesyon nang hindi na kailangang dumating pa sa punto ng pagkasira ng sistemang pang-ekosistema.
SAKAHANG SIKSIKAN. Pinasan ng isang magsasaka ang kaniyang aning palay mula sa limitadong kabukiran na kanilang pinagtatanman ng mga produktong pangagrikultura.
DENNIS GAMARCKA KAPSYON NI: AIAHLA SHELLOU AGCAOILI
SUPLAY NG PAGKAIN SA LAGUNA,
Apektado sa Pagliit ng Lupaing Agrikultural
Sa kasalukuyan, dito sa Timog Katagalugan, sumibol ang bagong kaparaanan sa paggamit ng napakahitik na lupa ng rehiyong IV-A CALABARZON. Imbis na gamitin ito sa pagtatanim, ito’y sinesemento’t pinapatag upang gawing kabahayan na rin, bagay na ikinabahala ni Juan sapagkat naapektuhan nitong insidente ng land conversion ang kaniyang pangunahing sandalan sa paglutas ng kagutuman. Ibinunyag ng Department of Agriculture Regional Field Office IV-CALABARZON (DA RFO IV-A) na kumulang dalawang porsiyento na lamang ng kalupaan ng rehiyon ang nagagamit para sa agrikultural na mithiin ng Pilipinas, mula sa kanilang information dissemination seminar at press conference noong Nobyembre sa lungsod ng Calamba. Laguna ang pangalawa sa may pinakamalaking lupang pansakahan sa rehiyon, na may 28,368 hektaryang (ha) laki. Subalit hindi ito komparable sa mga nagdaang taon lalo na’t 62,555 ha ito noong 2002 at 85,998 ha noong 1991 – patuloy na kumikitid sa paglipas ng panahon. Pagkain sa Araw-araw
Dahil sa pagbaba ng kabuuang lupang pansakahan sa Laguna, mula
NATURE'S GAMBLE
Sugal sa Peligrong Banta ng Climate Change
K apag kalikasan na ang naningil sa utang na nilikha ng mga taong nagdulot ng pagkawasak nito, tiyak na magdadala ito ng hindi magandang bunga. Walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang susunod na pagsalakay ng unos na dala ng kalikasan. Nagbabala na ang mga siyentipiko sa patuloy na pagtindi ng pagbabago ng klima sa bansa at nanawagan na magkaroon na ng plano upang maibsan ang epekto nito.
“Our cities and municipalities are at risk also because of climate and disaster risks brought by our exposure, vulnerability, and lack of coping and adaptive capacities,” pahayag ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum, Jr. Sa kabila ng mga nararanasan dahil sa pabago-bagong panahon, hindi pa rin natitinag ang mga mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) para harapin ang hamon sa pagkatuto at gumawa ng hakbang
upang mabawasan ang panganib sa gitna ng bagsik ng kalikasan.
Taya sa Laro ng Krisis
Itinuturing na isa sa pinaka apektado ng pagbabago ng klima ang Pilipinas dahil sa pagiging arkipelagong bansa nito. Ayon kay Balik Scientist Hernando Bacosa, bukod sa pagbaha, pagbagyo, at sobrang init na panahon, nadadamay rin ang climate pattern ng bansa dahil sa climate change. Ang halos apat na beses na pagtaas ng lebel ng tubig sa Metro Manila mula sa average global sea water level rise na 3.4 millimeters kada taon ayon sa National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) ay nagreresulta ng pagbaha sa Calamba partikular sa mga malalapit sa Laguna de Bay kagaya ng Barangay Looc, Palingon, at Lingga at ilang mga ilog dahil sa pag-apaw tulad ng Barangay Parian, Halang, at Bucal.
Madayang Kapalaran
Dahil sa tindi ng init, hindi maiwasang malihis ang pokus ng mga
sa kabuuang 19,960,170 metrikong toneladang aning agricultural sa buong bansa, 409,915 metrikong tonelada na lamang ang naiambag ng lalawigan, katumbas nito ay katiting na dalawang porsiyento sa kabuuang ani ng produksiyon sa bansa noong 2021. Sa inilabas na pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) ng Laguna, kinakitaan ng pagbaba ng 15.7 porsiyento ang kabuuang produksiyon ng palay sa lalawigan mula sa unang sangkapat ng 2023. Naitala sa report na 21,074 metrikong tonelada ang ani sa kasalukuyang taon, mas mababa kumpara sa 25,006 metrikong tonelada noong unang sangkapat ng nakaraang taon. Sakahan, Ngayo’y Tahanan
Ang pangunahing pinaghihinalaan sa lumiliit na bilang ng mga lupaing agricultural sa lalawigan ay ang mabilis na pag-aanyo ng mga lupang pang-agrikultura bilang mga residensiyal, industriyal, at komersiyal na estruktura upang makipagsabayan sa tumataas na populasyon at hindi mapigilang urbanisasyon dala ng mithiin sa maalwan na buhay. Mula sa report ng PSA, ang nibel ng urbanisasyon at ang porsiyento ng mga namumuhay nang urban sa bansa ay umabot ng 54% noong 2020, 2.8% na mas mataas kumpara sa bahagdan noong 2015. Alinsunod dito, ang CALABARZON ang nanguna sa may pinakamataas na lebel ng urbanisasyon sa bansa na may 70.5%, dating 66.4 noong 2015, kung saan hindi isinama ang NCR sa comparison. Isa sa halimbawa ng kaso ng pag-aanyo ay ang pagpapatayo ng Don Jose Homes Housing sa Baranggay Banlic, pabahay
para sa mga pamilyang nasalanta ng baha mula sa kalapit nitong mga barangay. Ang kinatitirikan nitong lupa ay dating malawak na sakahan na isa sa pangunahing lupa na ginagamit ng mga residente sa pagtatanim ng palay. Kung patuloy pang bababa ang bilang ng sakahan ay makakaapekto na sa mapagkukunan ng pagkain hindi lamang sa CALABARZON maging sa buong bansa. Plano sa Malawak na Hinaharap Mula sa inilabas na CALABARZON Regional Development Plan (RDP) 20232028 noong Marso 2, 2023, binigyang-ilaw ng CALABARZON Regional Development Council (RDC) ang isyu tungkol sa inseguridad ng pagkain dahil sa pagliit ng sakahan sa rehiyon. Ilan sa mga aksiyong nais tahakin ng rehiyon ay pagpapalakas sa produktibidad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan, pagsusulong ng urban agriculture, pagpapatibay sa mga kasunduan sa mga pribadong sektor, pagkakaroon ng mas tutok na pagbabantay ng presyo ng mga bilihin, at iba pa. Dito sa Timog Katagalugan, hitik ang kalupaan subalit gayundin ang kagustuhan na mamuhay nang urban. Kaya naman, ang seguridad sa pagkain ang naaapektuhan. Kaya naman, kaisa ang Calamba City Science Integrated School (CCSIS) sa pagnanais na makagawa ng sustenableng aksiyon upang ang kaunlaran sa CALABARZON ay maging mabilis at masagana.
Sa Gabay ng Fungi:
Produksiyon ng Enerhiya sa Disintegrasyon ng Basura
CalScians para lang maging komportable sa loob ng silidaralan at mabawasan ang init na nararamdaman. Nakapagtala ng ilang mga kaso ng dehydration sa paaralan at mga mag-aaral na nagkakasakit dahil sa init ng panahon kahit na pumasok na ang wet season tulad ng naranasan ni Iris Banayo mula sa 8-Kalangay kung saan siya ay nilagnat dahil sa sobrang pagod at mahabang oras na babad sa araw sa mga practice at performance sa MAPEH. Samantala, hindi rin nakaligtas sa pagbaha ang mga CalScians dahil sa mga biglaang pag-ulan. Ibinahagi ni Merald Veracruz, mula sa 11-Yakal, na hindi lalampas sa tuhod ang baha na nararanasan niya sa bahagi ng Barangay Looc kapag umuulan bago pumasok sa CCSIS. Mayroon ding bahagi ng paaralan na binabaha na gutter deep ang lalim ayon sa paglalarawan ni Christine Abenojar, teacher-in-charge ng CCSIS.
Taktika sa Puwersa ng Kalikasan
Binanggit ni Bacosa na konektado ang pagtatapon ng basura sa mga sanhi ng climate change dahil ang Pilipinas ay isa sa mga pinaka malaking tagaambag sa polusyon ng plastik. Bilang tugon sa mga panawagan, nagsasagawa ang CCSIS ng mga programa tulad ng pagbabawas sa paggamit ng single-use plastics sa kantina.
Nais din ni CCSIS teacherin-charge Christine Abenojar na magkaroon ng Solar Panels ang paaralan upang maging alternatibong mapagkukunan ng kuryente na makatutulong sa pagbabawas ng greenhouse gases. Ayon kay Bacosa, gumagawa na ng mga teknolohiyang may kaugnayan dito ang DOST at patuloy na nagsasagawa ng mga inobasyon. Tao rin mismo ang nagsisimula ng larong peperwisyo sa kanila, isang maling taya, katumbas nito ang epektong gigimbal sa kanilang pamumuhay. Imbis na sumugal sa mga bagay na sisira sa kalikasan, sumugal sa mga inobasyong magkakaroon ng pangmatagalang impluwensya sa paligid at sa mundo.
Ang likhang inobasyon nina Panganiban, Abrea, at Capugan, mag-aaral sa ikasampung baitang ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), ay gumagana sa ganitong mekanismo: sa bawat plastic na nakokonsumo nitong alaga nilang fungi, enerhiyang elektrikal ang maidaragdag sa kanilang inimbentong baterya— ang BUCID!
Mga plastic—mga materyal na umaabot pa ng milenyo upang tuluyang madisintegra sa ibabaw ng lupa—ay patuloy na nagiging sanhi ng problemang pangkalikasan ng Pilipinas. Sa katunayan, itinala ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) na kumukonsumo ang Pilipinas ng halos 60 bilyong pakete ng sachet kada taon. Dagdag pa rito, kumulang isang milyong tonelada ng plastic ang napapadpad sa mga anyong-tubig ng bansa.
Fungi-tegrasyon
Ekstraordinayo ang Trichoderma harzianum, isang species ng fungi. Hindi lamang mga bagay na organiko ang kinakain nito, kundi pati na rin ang mga sintetiko. Ayon sa pag-aaral nina Sowmya at mga kasama (2014) ay napatunayang may kakayahang mag-degrade ng mga polyethylene, isang uri ng plastic na karaniwan sa bansa gaya ng sachets, plastic bags, at films. Sa pananaliksik ng mga magaaral na pinamagatang BUCID: Bio-Energy Powered Urban Crop through Innovating Decomposition of Plastic Waste, gumamit ang grupo ng pinira-pirasong balat ng tsitsirya upang maging substrate o pagkain ng pinalagong fungi. Dahil sa kakayahan ng organismo na mag-metabolize (gawing enerhiya ang pagkain), naging posible na madisintegra ang ilang bahagi ng parte ng plastic. Mikrobiyo-enerhiya
May enerhiya sa bawat pagkain. Sa eksperimento ng grupo, tinignan ng mananaliksik ang pagkonsumo ng Trichoderma harzianum sa substrate. Daan kasi ito upang lakipan ng enerhiya ang microbial fuel cell na nakaintegra sa kanilang inobasyon. Ito ay isang device na pinapalakas ang mga gawaing pangmetabolismo ng mikroorganismo upang makagawa ng elektrisidad. Mula sa pagkukumpara ng gramo ng nadisintegrang plastic at boltahe ng elektrisidad na naprodyus ng inobasyon, nakakalap ang grupo ng mataas na bilang ng correlation coefficient na 0.85, isang malakas at positibong korelasyon. Nangangahulugan ito na sa bawat pagdami ng nakakaing plastic ng fungi, dadami rin ang enerhiyang napoprodyus sa fuel cell ng device. Upang mas matasa pa ang bisa at kagalingan ng ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, panawagan nila na isagawa ang pag-aaral na ito sa ilalim ng mas mahabang time frame o panahon, nang sa gayon ay makadisintega ang produkto ng mas marami pang bolyum ng plastic, kaalinsabay ng mas mataas na bilang ng produksiyon ng koryente. Kagulat-gulat mang alamin, ang plastic ay pagkain, hindi man sa mga tao, kundi sa ibang mga nilalang. Tulad ng ginawang pag-aaral nina Panganiban, Abrea, at Capugan ng CCSIS, gamitin ang mga makabagong tuklas na kaalaman sa pagpapabuti ng kapaligiran. Sa tulong ng ideya tungkol sa kakaibang kakayahan ng fungi ay malalaman ng sambayanan, na kahit sa mga plastic at patapong basura, may makukuha tayong enerhiya.
Bawat baraha ay may iba’t ibang mukha at istorya, may magkakaibang simbolo at pagpapakahulugan; magkakaibang emosyon at pinanggalingan. Sa bayang binalasa ng sarili nitong kaluluwa, ang makamit ang hustisya at pagkakapantay-pantay ay katimbang ng pang-aaalipi’t pang-aalipusta. Tila ba pinaglalaruan ng sinuman ang sistema; ginagapos ang kasalukuyan, inililihim ang nakaraan. Gayunpaman, hindi lubusang natabunan ng kalapastanganan ang ilan na may pusong handang makiramay sa mga biktima ng tanikala ng kabuktutan. Sila ang kasalukuyang laom na maglalantad ng hilahil, kapusukan, at kasinungalingan.
KumupasNaPAG-ibig
Ikaw at ako. Tayo ay mga munting ibong malaya, atin ang mundo at ang lahat ng naririto. Natatanaw natin mula sa alapaap ang karagatan, ang kabahayan, at ang mga hayop na nagtatampisaw sa katubigan. Kaya nating gawin ang kahit na ano pa man, kaya nating abutin ang buwan, maging ang rurok ng kalawakan. Tayo ay mga munting ibon; ikaw at ako. Ngunit sa isang pagkurap, sa paglamig ng paligid, sa pagdilim ng ating isip, ang ating mga munting pakpak; nabalian, nabahiran at nawalan ng lakas. Natigil ang paglipad, tila naglaho ang mga pangarap, pumula ang kulay ng paligid, wala nang matanaw, tila ba naliligaw. Ikaw at ako. Palaruan ang hiling na maging tahanan ng bawat musmos. Dito ang lahat ay parang laro lamang, walang karahasan, wala tayong pakialam sa kapaligiran, basta’t tayo’y malaya at masaya; sinusulit ang ating karapatan at ang pantay na hustiya. Ngunit sa paglipas ng panahon, habang tayo ay nagigising sa pagkabata, masasaksihan natin ang madayang sistema ng mundo. Hindi pala balanse ang sukat ng hustisya. Hindi rin magiging basehan kung lantaran o palihim natin matutukoy ang trahedya, ngunit, kung sa ating kamusmusan ay nag-iwan ito ng kadiliman, takot, at punyal na sumisiil sa natitirang katinuan natin bilang bata, rehas at gapos ng batas na ang dapat nating kasangga.
Lantad na hindi umuusad ang trato ng hustisya para sa pangkaraniwang mamamayan sa Pilipinas. Sa katunayan, ang mga kaso ng panghahalay, pagnanakaw, at pang-aabuso ay hindi na bagong katha magmula ng rehimen ni Marcos Sr. hanggang sa kasalukuyang pamamahala ng anak nitong si Marcos Jr.
Gapos ng Kahapon
Hindi tilaok ng manok ang gumising sa akin noong umagang iyon, kundi luha, awa, at pagkadismaya. Kung tutuusin, isa lang sana itong pangkaraniwang araw sa akin ngunit gumulantang sa aking Facebook newsfeed ang mga ebidensya at senaryo ng pangaabuso at panggagahasa sa kapwa ko mag-aaral. Si Nena, 18, magaaral ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), isiniwalat niya ang kaniyang karanasan sa pakikipagrelasyon sa kamag-aral nitong si Utoy.
magpakamatay noon sa hirap ng nangyayari sa relationship namin. Ang dami kong pinalagpas, ang dami kong naranasan na hindi ko in-expect. Na sana pala hindi ko na lang siya nakilala.” Sa Piling ng Hustisya
“Malala,” ito na lang ang salitang nasambit ni Nena sa pag-aalala sa kanilang relasyon. Pigil ang emosyon ngunit ramdam sa kaniyang mga salita ang pasan niyang pasakit mula sa gapos ng kahapon. “Talagang tinuring namin siyang part ng pamilya, tapos gano’n ‘yung pagtrato niya. Ang hirap tiisin pero tiniis ko. Kahit mga ka-batch at kakilala namin, nagtataka kung bakit pa ako nanatili kahit sila mismo, nakikita nila ‘yung mga nangyayaring hindi maganda. Pero wala e, emotionally dependent ka na sa isang tao, kahit gaano kagago, ang hirap kumawala.”
Inosente ang kaniyang mukha, marangal ang kaniyang pangalan, palaban ang kaniyang mga sulatin; hindi babakasan ng anumang takot at pangamba, ngunit, kahit gaano man katatag ang kaniyang personalidad, gumuho ang lahat ng kaniyang nabuo sa isang disgrasya.
“Pinagsisihan ko lahat. Araw-araw ko halos tangkain na
Isinusulong ni Nena ang kaso laban sa dating karelasyon mula 3 counts of rape and acts of lasciviousness, kaya kahit papaano raw ay nakalalaban at nakababangon na siya sa dilim ng trahedya ng kahapon. Umuusad na raw kasi ang hustisya, mula sa prosecution, ipapasa na rin ito sa korte suprema, at si Utoy, “Nalaman ko lang lately, dinelete niya na ‘yung YT channel at Discord server niya ng mga subscriber niya. Then ina-update ako ng mga classmate niya sa university na pinapasukan niya, isang buwan siyang hindi nagparamdam and ngayon is drop out na siya. Actually ngayon, sabi ng fiscal ay hindi siya sumipot o nag-comply sa mga subpoena kahit ilang beses na rin silang nag-schedule para makausap sa office.” Nakipag-ugnayan ang CCSIS sa Women and Children Protection Desk para sa mga kasong katulad ng kay Nena. Layunin nitong puksain ang ‘violence against women’— pisikal man o emosyonal. Suportado ng proyektong ito ang Anti-Violence Against Women and Children (R.A. 9262), Magna Carta of Women (RA 9710), Safe Spaces Act (RA 11313), at ang Anti-Rape Law (RA 8353). Bakas ko ang hapdi ng kahapon sa bawat alpas ng mga salita ni Nena. Hindi na niya muling maibabalik ang nakaraan. Hindi na niya mababago ang epekto nito sa kasalukuyan; nabura ang kaniyang kamusmusan. Mabubuhay na lang si Nena dala ang kasaysayan ng kanilang pinagsamahan, ngunit ang lamat ng kapusukan, ay hindi na mabubura magpakailanman. Tayo ay mga ibong malaya; ikaw, ako, at si Nena. Ngunit, kahit gaano man niya suliting lumipad sa kalangitan, ang lahat ng bagay ay mayroong katapusan. Hindi man niya muling masilayan ang lawak ng karagatan, ng kapatagan, at ng kamusmusan, siguro’y ito naman ang daan upang suungin niya ang katarungan; mapusok man ang paraan at ang kaniyang pinagmumulan. Totoo ngang ang bawat kasabihan at pangaral ng mga nakatatanda ay dapat na itinatatak at iniingatan; na sulitin natin ang ating pagiging bata at huwag gawin ang sa matatanda. Dahil tulad nito, hindi trahedya at panahon ang pumili sa kaniya, kundi ang taong minamahal ng batang si Nena.
Kung minsan ay basa at maputik, kung minsan naman ay tuyo at magabok: ito ang araw-araw na tinutuntungang sahig ng pamilya ni Nodo. Subalit malayo man ang tahanan ng pamilya Nodo sa salitang “marangya”, hindi naman magigiba ng kahit anong bagyo at unos ang pundasyon ng mga pangarap ni Janiella. Maliit lang ang bahay ng pamilya ni Janiella Nodo, 16, isang mag-aaral sa ikalabing isang baitang sa Calamba City Science Integrated School. Ayon sa kanya, maaaninag na ang kabuuan ng tahanan nila at ng kaniyang pamilya pagpasok pa lamang sa kanilang pintuan. Doon matatagpuan ang istante at mga larawan na naging saksi sa mga pagsubok na pinasok at hinarap ng pamilya Nodo.
Maputik na Landas
Bagaman marami nang naitayo at nasaksihang magagarang bahay ang tatay ni Janiella na si Vicente Nodo Jr., 56, hindi pa rin sapat ang sinisuweldo nitong Php 12,000 kada buwan bilang isang karpintero upang makapagpatayo ang pamilya Nodo ng isang tahanang sementado. Samantala, nakapokus sa pag-aalaga ng nakababatang kapatid ang ina ni Janiella kaya naman maituturing na singleincome household ang kanilang pamilya. Sa katunayan, kabilang ang pamilya ni Janiella sa ilang milyong Pilipino na nasa mga low income households sa Pilipinas. Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development na Listahanan 3, may mahigit kalahati ng 11 milyong pamilyang nasarbey ang natukoy na nakakaranas ng kahirapan. At sa 5 milyong pamilyang Pilipino nakakaranas ng
kahirapan, ang 410,629 na bahagi nito ay mula sa CALABARZON.
Ramdam ni Janiella ang epekto nito sa kanilang pamilya lalo na nang magkaroon ng pandemya noong 2020. Dito siya namulat sa hirap na dinaranas nila at dito rin niya napagtanto ang realidad na ang lahat ng kanilang paghihirap ay nararapat niyang maging inspirasyon upang makatapos ng pagaaral. Ngunit ang dagok na ito ay nabawasan sa pagmamalasakit ng kaniyang paaralan. “Nung nagkaproblema kami noong pandemya, isa po sila sa walang sawang tumulong sa amin,” ani Janiella.
Yapak tungo sa Tagumpay
Sa kabila ng hirap ng buhay, maipagmamalaki at nagpapasalamat nang lubos si Janiella na nakakapag-aral pa rin siya. Sa pinagsamang suporta ng kaniyang mga magulang at ng kaniyang paaralan, patuloy siyang nagpupursige sa pag-aaral. Sa katunayan, tumawid siya sa mas mataas na antas o sa senior high school nito lamang taon na may karangalan. Bukod dito, nais din niyang maging isang magandang ehemplo sa kaniyang mga kapatid at sumunod sa kaniyang yapak sa pag-aaral sa CCSIS. Bilang pangalawa sa apat na magkakapatid, lagi niyang pinapaalalahan ang dalawa niyang nakababatang kapatid na maging masipag sa pag-aaral. Lingon sa Pinanggalingan
Pangako ni Janiella sa sarili na kapag nakapagtapos na siya ng pag-aaral ay
sa school na tumulong sa mga batang nagpapatuloy na mag-aral kahit mahirap ang buhay.”
Mababatid kay Janiella ang tatag at determinasyon, dala-dala ang pag-asang hatid sa paalala ng kaniyang mga magulang: “Magsikap at mag-aral ng mabuti, huwag din magpadala sa sinasabi ng iba dahil may panahon na makakaraos din kami.”
Para kay Janiella, maraming pagkakataon sa buhay kung saan maulan at magiging maputik ang daan. Subalit patuloy siyang magsusumikap dahil alam niyang sa huli, sisikat din ang araw na kaniyang inaasam. At kahit saan man siya mapadpad, babalikan at babalikan pa rin niya ang lupang sahig na unang naging tuntungan ng kaniyang mga pangarap.
Pamumukadkad
Plorerang ng
SAte Tess si
ni Mark Josepha tuwing bibisita ako sa Holy Family Cemetery, palagi akong sinasabihan na mag-ingat—nakatatakot daw kasi ang lugar na aking papasukin, nababalot ng katahimikan, mga bangkay na naagnas, at mga nitsong naghihintay sa bawat kuwentong nagwakas. Ngunit, para sa mahalimuyak na paglalakbay ng plorerang si Ate Tess, ang tahanan ng mga patay ang siyang dahilan kung bakit siya nabubuhay at patuloy na namumukadkad sa gitna ng kawalan at kabuhayan.
Matayog na ang narating ng haring araw, nag-uunahang pumatak ang mga pawis ko sa uhaw na lupa habang binabagtas ko ang sikot ng Holy Family Cemetery sa Lecheria, Calamba. Napukaw ng aking paningin ang isang babaeng napalilibutan ng mapupusyaw na bulaklak sa isang musoleyo, si Ma. Teresita Hernan o mas kilala sa tawag na Ate Tess, 51, tagapangalaga ng sementeryo. Ito ang tangi niyang ikinabubuhay kasama ang pag-reresiklo ng mga ornamental mula sa mga puntod na siyang ibebenta sa mga bumibisita sa mas murang halaga. "Ito 'yung napili kong gawin kasi mahilig ako sa mga bulaklak,
t'yaka gustong-gusto ko 'to kasi kapag nahasa ka, puwede mo na 'tong gawing hanapbuhay. Wala pang isang taon ko 'tong ginagawa, pero nagsimula ako nu'ng kasagsagan ng pandemya. Kasi sa isang paso, kikita ka riyan ng 150, pinakamababa na ang 100. Sa isang araw nakakabenta ako ng lima, kikita ako ng mahigit limandaan," saad niya.
Matitingkad ang kulay at animo'y bagong pitas pa ang mga bulaklak na dinidispley ni Ate Tess sa kaniyang munting estante. Sa bawat haplos ng kaniyang mga daliri sa tangkay ng mga bulaklak, kapansin-pansin ang puso at dedikasyon niya sa ginagawa.
"Tuwing sasapit pa nga ang piyestang patay, malaki-laki rin ang kinikita ko. Nasa 8-10k, pinakamalaki na talaga ang 10k, tapos inaabot-abutan pa ako ng pamilya ng mga alaga kong puntod kaya sa isang buwan umaabot din ng 15k lalo na kapag nag-aabot 'yung sa mga musoleyo."
Sa pag-usisa ko sa mga talulot ng buhay ni Ate Tess, nalaman kong siya ang bumubuhay sa nag-iisa niyang anak na 30 taong gulang; mula sa pag-akay kasabay ang pagsibol ng araw sa silangan, at pagtiklop ng takipsilim sa kanluran, si Ate Tess ay nakikipagsapalaran sa himlayan ng mga namaalam makuha lamang ang kapalit nitong makabubuhay sa kanilang dalawa sa paparating na namang kinabukasan.
sa pagpapasara ng pamahalaan sa mga sementeryo at pagbabawal sa pagbisita sa mga puntod, walang masyadong bumibili ng mga ibinebenta niyang kandila at mga inumin. Gayunpaman, sa kabila ng kayod-kalabaw na pagsusumikap ni Ate Tess, may mga pagsubok din siyang pinagdadaanan, "'Yung sakit ko. Hindi ako makakilos pero hindi ko pinahahalata kasi kailangan kong kumita, kailangan kong magpakitang gilas, kasi ilan 'yang puntod ko, pero kung alam lang nila, hindi na ako makahinga."
Aminado si Ate Tess na lumiit ang kitaan noong sumapit ang pandemya, marami ang nalagas na mga araw dahil bukod sa naubusan siya ng suplay ng mga ornamental dahil
Pabiro ang pagkakasabi ni Ate Tess ngunit ramdam ko ang pinagdadaanan niyang hirap dulot ng kaniyang karamdaman, baka nga raw kapag hindi na niya magawa ang kaniyang trabaho, 'yon ang maging hudyat ng kaniyang pagkatalo. Kakaiba ang pinaghuhugutan ng tapang at pagpupursigi ni Ate Tess maipagpatuloy lamang ang kaniyang nasimulan. Madaling husgahan ang piniling hanapbuhay ni Ate Tess, pero para sa mga taong laging talo sa mundo, pipitasin mo ang kahit na ano makatikim lang ng panalo. Tulad ng mga bulaklak, ang pamumukadkad ng talento at pagsusumikap niya ay hindi matutumbasan ng kahit anong takot mula sa sementeryong kaniyang tahanan at pinagkukunang-kabuhayan. Anumang balakid, hinding-hindi malalagas ang bulaklak ng kaniyang mga pinaghirapan, pumanaw man ang araw, naniniwala siyang posible pa ring mamukadkad sa kaniya ang pag-asa dahil patuloy siyang magmamalasakit sa nabubuhay at nahimlay sapagkat hindi pa tapos ang kaniyang paglalakbay.
Isa siyang sirenang bilanggo ngunit hindi sa paraang nakagapos bagkus nakakulong sa nakaraang matagal na niyang sinusubukang matakasan. Sa bawat pagdanak ng dugo sa rehas ng nakalipas, iba-ibang kulay ang inilalabas. Pula. Kahel. Dilaw. Berde. Asul. Upang punan ang mga natitirang kulay, alpasan natin si Mark Joseph Buan bitbit ang kaniyang bandera at lilang tinik na patuloy na bumabaon sa kanyang buhay. "Beki, bakla, bading, sirena, bayot—salot!" Ito ang mga salitang bumubulusok sa kalimbahin niyang puso at berde niyang dugo. Mga salitang nakalatay sa mamula-mula niyang pisngi at labi ngunit natatakpan ng kaniyang makulay na ngiti at mga birong bentangbenta. Malantik ang kaniyang mga pilikmata't hindi babakasan ng mga natuyong luha; maging ang kaniyang maarteng boses, hindi mariringgan ng mapait na sigaw mula sa kaniyang pagkabata. 'Yan si Mark Joseph Buan, 18, miyembro ng LGBTQIA+ at mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School. Naiiba at natatangi. May gatas pa siya sa labi nang una niyang maramdaman na hindi akma ang kaniyang katawang lupa sa kaniyang kasarian. Walang nagawa ang batang Mark kundi languyin ang malambot na daloy ng tadhana sa kaniyang pagkatao, akala raw niya'y malaya siya sa paraang ito, ngunit hindi para sa pagtingin ng kaniyang ama. "Alas tres ng hapon, birthday ng pinsan kong babae. Naiinggit ako sa kaniya kasi ang ganda
ninuno sa bayan ng Calamba, araw-araw kang nasa lakbay-aral kung isa kang Calambeño. At dahil batid ng lungsod ng Calamba ang kahalagahan ng pagpapatibay sa historikal at kultural na kayamanan ng kanilang lungsod, kabi-kabilang proyekto ang inilunsad sa pagpapatatag sa mga bantayog ng kagitingan at talino.
niya nung araw na 'yon. As a response, sinungkit ko sa loob ng drum namin 'yung tinatago namin ni Mama na lilang lambon (purple na gown) ko t'yaka 'yung bakya. Gandang-ganda ako sa sarili ko, babaeng-babae ako. But then nahuli ako ng tatay ko. Ang higpit ng hawak niya, gamit 'yung gown ko, itinali niya ako patiwarik sa timbangan ng baboy. That time, napagtanto kong hindi ako safe maging sa bahay. Kasi alam ko sa sarili kong babae talaga ako." Ang kinang sa kaniyang mga mata ay napalitan ng kinang ng mga luha mula sa masalimuot niyang pagkabata. Patunay si Mark ng hindi makatarungang pagtanggap sa mga batang bakla. Subalit ang bilanggo ng nakaraan ay mananatiling bilanggo ng kasalukuyan kung hindi siya boboses sa mga katulad niyang parte ng LGBTQI+. Kaya nitong nagdaang Pride Month, kaisa ng puwersa ng mga bakla, tomboy, transgender, lesbiana, at iba pa, isinusulong ni Mark ang SOGIESC Equality bill—ang panukalang layong wakasan ang diskriminasyon batay sa sexual orientation, gender identity and expression. Taong 2016 nang simulang tanglawan ni Sen. Risa Hontiveros ang panukala. Nakalakip dito ang Senate Bill 159, o Anti-Discrimination Act sa Senado at House Bill 258, o SOGIE Equality Act sa Kamara. Natawag na nito ang pansin ng mga Pilipino at Kamara ngunit nananatili pa rin ito sa Pilipinas bilang pinakamabagal umusad na panukalang-batas ayon sa pananaliksik. Isa siyang sirenang binihag ngunit hindi sa paraang ginapos ng posas bagkus sa kanyang malarosas na kasarian na tila sa iba ay taliwas. Sa patuloy na pagdaloy ng dugo sa kulungan ng kasalukuyan, nabubuo ang kulay ng pakikipaglaban. Pula. Kahel. Dilaw. Berde. Asul. Tagom. Lila. Kaisa si Mark sa komunidad ng LGBTQIA+ na inspirasyon para sa mga baklang bata na minsan nang itiniwarik ng masamang mundo; nandoon siya sa dulo ng bahaghari bitbit ang kaniyang bandera at ang pag-asang mabubunot ang tinik para sa mga batang tulad niya.
Isa sa mga hindi makakaligtaan na puntahan ng mga mag-aaral na naglalakbay-aral ay ang Jose Rizal Plaza. Unang naging kilala ang halos pitong ektaryang parke sa pangalang “The Plaza”. Subalit, ayon sa inilathalang artikulo noong taong 2017 sa opisyal na pahayagan ng tanggapan ng pangalawang punong lungsod ng ngayo’y si Mayor Ross Rizal, hiniling ng Order of the Knights of Rizal sa sangguniang panlungsod na opisyal na ipangalan kay Dr. Jose Rizal ang lugar kung saan itinayo ang dati’y pinakamataas na monumento ng ating pambansang
Sa kasalukuyan, alinsunod sa ipinasang City Ordinance no. 599 noong 2016, ipinangalan ang parke sa natatanging anak ng lungsod ng Calamba
at magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal. Bagaman pumapangalawa na lamang ang monumento ni Rizal sa Calamba sa monumento ng manlalarong Rizal sa Sta. Cruz, Laguna, pansin pa rin sa bukana ng parke ang pagkukumpuni sa dating pangalan na magsisilbing papugay sa kagitingang taglay hindi lamang ng naturang bayani, subalit pati na rin ng buong lungsod. Bukod sa pagsasaayos sa Jose Rizal Plaza, sa nakalipas na mga buwan, pinaigting din nila ang pagbibigay ng bagong bihis sa mga estrukturang naging tatak Calambeño. Maalalang noong taong 2022 ay inihain ng Calamba City lone district Rep. Charisse Anne Hernandez ang House Bill no. 2368 na layong itanghal ang kalye F. Mercado at J.P. Rizal sa bayan ng Calamba bilang historical at cultural zones. Dito nakalagak ang Rizal Shrine at ang St. John the Baptist Church kung saan bininyagan si Rizal. Matapos ang halos isang taong pagkakabinbin ng naturang house bill, inanunsyo ni Rep. Hernandez ang pagkakapasa nito sa Committee on Basic Education and Culture. Aniya, “mas mapapangalagaan natin ang ating kasaysayan at kultura na siyang isa po sa mga kayamanang ipinagmamalaki natin sa ating lungsod.”
Dagdag pa niya, makakatulong din ang H.B. 2368 sa paglago ng turismo sa lungsod na makakalikha rin ng maraming oportunidad sa trabaho. Takaw-pansin din ang mga itinirik na makalumang poste ng ilaw sa tabing-daan at ang mga ladrilyong pumalit sa aspalto ng kalsada. Hindi katulad ng dating modernisadong paligid ng kalye, ngayon ay para kang bumalik sa nakaraan sa tuwing mapapadaan sa F. Mercado at J.P. Rizal street. Pati ang palibot ng pamosong banga ng Calamba ay nagkaroon din ng bagong anyo kung saan nagtayo ng mga haliging mas lalong nagpaningning sa dati nitong simpleng ayos. Bagaman ilang taon na ang nakalipas nang mamatay ang ating pambansang bayani, pinatunayan ng nasabing proyekto ng lungsod na hindi nagtapos ang buhay ni Rizal nang siya ay barilin sa Bagumbayan. Sa pamamagitan ng pagpapatibay sa pundasyon ng mga pamana ng nakaraan, patuloy na mananalaytay, hindi lamang sa mga bantayog kundi pati na rin sa bawat Calambeño at sa
Partners In One
Makulay na paglalakbay ng Tuss Duos sa Calsci
MERALD VERACRUZSa lugar kung saan naimpluwensyahan ng makabagong didyital, nabago ang kakayahan, talento, at pananaw. Sa Kanto Banahaw, kung saan matatanaw ang makukulay na disenyong magtatanglaw tungo sa masining na mundo ng mga kabataang CalScian, narito sina Justin Santos at Christian Pujalte, parehong labing walong taon na may iisang reputasyon. Ano kamo? Samahan sila sa kanilang lakbay tungo sa nasimulang pundasyon sa pagkakatha ng mga stikurong mag-iiwan ng marka hanggang sa susunod na destinasyon—ang pagiging dalubhasa sa pagdedebuho at pagdedekorasyon.
Tila nakapapagod pagmasdan ang mga araw na palaging gabundok ang mga gawain. Nakalilito kung ano ang uunahin at nakagugulo kung paano ito tatapusin. Mga samu’t saring ekspresyong hindi alintana nila Christian at Justin sa pagpundar ng bagong negosyo. Negosyong magiging ehemplo sa mga taong may angking husay sa paglilimbag at pagdidisenyo. Ito ang pagsulong ng Anti Tuss Tuss Club (ATTC), isang fundraising shop na hindi lang para sa mga malilikhain, bagkus ay para sa lahat ng nangangarap sa Calamba City Science Integrated School (CCSIS).
Iba’t ibang disenyo, ngunit may iisang hangarin: ang mapalapit sa mga taong mahilig umukit. Tirik na ang araw, hudyat nang papasok na ang dalawa sa eskwelahan. Magiliw na tinatahak ng dalawa ang pasilyo ng kanilang silid-aralan. Mahigit sampung oras silang magsusunog ng kilay para sa panibagong kaalaman. Pagsapit ng dapithapon, natapos ang oras sa aralan, ngunit dito naman nila sisimulan ang oras ng matindi nilang pakikipagbakbakan. Nagsisimula nang magsibilihan ang mga mag-aaral. Uuwi silang pagod, ngunit malugod nang sumapit naman ang takipsilim; aral dito, aral doon. Kung sakaling may sobrang oras ay doon na nila muling sisimulan ang paggawa ng mga bagong disenyong naiiba, nag-iisa, at hindi maikukumpara sa kahit ano pa.
Buwan ng Setyembre, 2022, nang pasimulan nila ang
ganitong pakulo. Sa bagsak presyo nitong P150, tiyak na lahat ay mabubudol. Subalit, iba-iba ang takbo ng buhay; minsan sinusuwerte, minsan umaaray. Sa unang pagsabog ng pakikipagkaladkaran ng kanilang serbisyo, hindi sila gaanong napapansin. Kumakabog ang kanilang dibdib, napapatanong, napapa-urong; saan na nga ba sila patutungo?
Sa paglipas ng mga araw, buwan, at taon, untiunti nilang nahahanap ang posibleng solusyon. Sa pagiging determinado, lahat ng kanilang mga problema ay nabigyang-aksyon. Sa pamamagitan ng pagiging pursigido bilang mga batang negosyante at pagiging estudyante, sila ay kumita ng mahigit kumulang P20,000—isang napakalaking ginto na magtutulak sa kanila sa panibagong yugto, at isang hiwagang magdadala sa kanila sa iba pang mundo.
“Pagpatuloy lang nila tapos huwag silang magpapaapekto sa emosyonal na mga komento tapos tuloy-tuloy lang hanggang makamit nila yung pinaka-goal nila,” ani Justin. Marami silang natulungan, napasiya, at naging baon—mga baong panghabambuhay na hindi mawawala, kahit sa kolehiyo.
Ang pagnenegosyo habang nag-aaral ay hindi isang biro. Ito ang pinakamahirap na hamong kailangan mong bitbitin hanggang sa panibagong yugto. Manalo man o matalo, tuloy lang ang lakbay. Minsan ay Isa sina Justin at Christian sa may dugong malikhaing nananalaytay; madulas man o magaspang ang daanan, masisilayan ang makulay nilang buhay sa Kanto Banahaw—sa Banahaw kung saan nangingibabaw ang kalinawan ng dalawang ilaw, sasamahan ka na magningning hanggang sa masining na pagtatagumpay.
Pinaghalong Asyano at Europeo ang mga pambihirang pagkain na matatagpuan sa mga kalye sa Pilipinas. Bukod sa impluwensya ng mga Espanyol at Portuges sa mga delicacy ng mga Pilipino, lalong tumatampok ang isang meryendang hugis ulo ng tao, at gawa sa harinang pinalamanan ng tinimplahang karne. Siopao. Malambot na tinapay, iba’t ibang palaman, puwedeng solo, puwede ring may kasalo. Wow, siopao! Pamana ng mga Tsino sa mga Pilipino ang siopao na kadalasang makikita sa panaderya o sa kalye na may banye-banyerang tumpok ng umuusok at naglalakihang mga siopao, pero ibahin naman natin sa pagkakataong ito—hindi na lamang sa kalye matitikman ang siopao, kundi sa Calamba City Science Integrated School na rin kung saan tila umalsa ang prospero sa kabuhayan ng pamilya Prospero. Konting takbo, konting hingal; kinakailangan ng matinding sakripisyo ng mga paa sa pagpila huwag lang maubusan ng ipinagmamalaking siopao sa ikaapat na palapag ng gusali ng Senior High School. Pag-akyat ay bubungad ang isang dilaw na styrofoam na naglalaman ng kayamanan ng isang pamilya— ang homemade siopao na itinitinda ng mag-aaral na si Kristine “Jot” Prospero mula sa 12-Kanlaon. 2014 nang simulan ng pamilya Prospero ang paggawa ng homemade siopao, nagtuloy-tuloy ang kanilang maliit na negosyo, hanggang humagupit ang bagsik ng pandemya at nahinto ang produksyon at pagtitinda ng kanilang siopao business.
Ang maliit na sakripisyo sa negosyo ng pamilya ay tila nagkaroon ng malaking bunga para maitaguyod ang pag-aaral nilang magkakapatid. Kuwento niya, “Naging inspiration naming family ‘yung future naming magkakapatid. Nakapagtapos ng college ‘yung ate kong panganay kasabay ng isa ko pang kapatid na kakagraduate pa lang; katas lang ng business namin na siopao.” Mano-manong minamasa ng pamilya ang harina na gagamitin
kulay at malambot na tekstura ng kanilang siopao. Mula sa giniling na baboy, iginigisa nilang mabuti ang bawat rekado upang makamit ang pinakanatatanging lasa ng kanilang asado at bola-bola siopao. Tumatanggap din sila ng made-to-order na ham and cheese siopao, dahilan upang lalong balik-balikan, araw-araw man, hindi magagawang pagsawaan ng mga mag-aaral. Nagsimula lamang ang pamilya Prospero sa halagang P20,000. Tinatayang hindi bababa ngunit hihigit sa dalawandaang piraso ng siopao ang naibebenta ng pamilya ni Jot sa isang araw mula sa maghapong pakikipagtagisan sa pag-aaral at pagnenegosyo. Mahigit P5,000 ang kinikita ng pamilya sa isang araw mula sa regular asado at bola-bola siopao sa halagang P25.
Taong 1918 nang unang mapadpad ang siopao sa Pilipinas— sinimulan ito ni Ma Mon Luk, isang negosyanteng Tsino na nais kalimutan ang pagkasawi niya sa pag-ibig kaya’t naisipan niyang magtayo ng tindahan ng siopao. Unti-unting nakilala ang pag-alsa ng siopao sa mga panaderya, kainan, at lalong sa iba’t ibang kalye sa bansa kaya binansagan itong ‘on-the-go’ food ng mga Pilipino dahil hindi masakit sa bulsa, at tiyak pang mag-uumapaw ang iyong sikmura.
Bahagi ito ng kasaysayan at kultura ng mga Pilipino. May iba’t ibang kuwento at pagpapakahulugan, ngunit para sa nakagugutom at nakapanlalatang maghapon sa paaralan, ang bumubusog at lalong nagpapatingkad dito ay ang siopao ng pamilya Prospero. Ito ang pagkaing tumupad sa pangarap ng kanilang pamilya, at minsang bumusog sa kumakalam na sikmura ng isang estudyante. Malinamnam at lalo’t hindi mahirap kainin dahil sa malambot na tinapay nito. Ito rin ang pagkaing hindi ka gagawing asado o paaasahin, lalong hindi ka rin bobola-bolahin. Wow! Siopao!
@MARK JOSEPH BUAN
DAVE LAURENCE HAMILI
Bawat tao ay naniniwala sa mga agimat at pampaswerte. Ito ang mga bagay na pinaniniwalaan nilang magbibigay ng mga biyaya sa kanilang buhay. Ngunit sa palapag ng baitang labing-isa, ibang charms ang kanilang tinatangkilik.
Kling, kling, kling, makukulay at kumakalansing, ganyan maituturing ang mga phone charms na inilalako ni Chloe Sagaoinit, 16, mula sa 11-Talisay sa Calamba City Science Integrated School (CCSIS). Isa sa kabataang negosyante na may pangarap sa hinaharap.
Paslit pa lamang, namulat na siya sa mundo ng pagbebenta. Kaya namang nangarap na siyang gumawa ng isang mumunting negosyo. Sa unang takbo ng kanyang kabuhayan, mapait ang naging simula. Nariyang hindi tinangkilik ang mga benta niyang photocards. Ngunit, hindi siya pinanghihinaan ng loob at gumawa ng paraan upang mag-isip ng bagay na papatok sa panlasa ng mga tao. Nag-iba ang ihip ng hangin sa munting Chloe nang pumatok ang kanyang ikalawang pakikipagsapalaran sa negosyo. Mula sa mga makukulay at malilit na mga beads, ginawa niya itong mga palawit at palamuti sa mga selpon. Pinamagatan niya itong “Chow and Charms” na hango sa pangalan ng kaniyang aso at sa produktong kaniyang binebente na sinimulan niya noong nakaraang taon. Agad itong pumukaw ng atensyon sa tao dahil sa bago at
PATOK NA NEGOSYO NI CHLOE
kakaibang taglay nito. Sa isang linggo ay higit kumulang P1500 ang kanyang kinikita. Kagaya ng iba, nakakaranas din siya ng mga problema lalo na sa pagbabalanse ng kanyang oras sa pagnenegosyo at pag-aaral na nagbunga ng karangalan. "Sa school ko po minsan ginagawa yung mga task ko. Paguwi ko po, doon ko na ginagawa yung mga binebenta ko po or tuwing walang pasok," ani Chloe. Ngunit, kung may iba pa siyang pinaghuhugutan ng lakas, iyon ang kanyang pamilya. Sa murang-edad, nais niyang matustusan ang sariling pangangailangan ng sa gayon ay matulungan ang kanyang minamahal na magulang. Lalo na ngayong malapit na siyang tumungtong ng kolehiyo, tunay siyang nagsusumikap upang maka-ipon para rito. Ninais niya ring gumawa ng FB page upang mas makilala pa ang kanyang produkto.
Bawat tao ay naniniwala sa mga agimat at pampaswerte dahil pinaniniwalaan nilang ito ang mag-aahon sa kanilang buhay. Ngunit para kay Chloe, iba ang pampaswerte na kaniyang pinanghahawakan, iyon ang mga makukulay na palamuting tiyak na magdadala sa kaniya sa katagumpayan.
Tatag para sa MATATAG
na sa taong panuruan
Kasado
2024-2025 ang Project MATATAG ng Department of Education (DepEd) na layong maging langis sa nangangalawang na sistema ng edukasyon ng bansa kung saan paaalwanin ng kurikulum ang umaapaw na bilang ng mga araling tila nasasayang lamang. Kung tutuusin, positibo nga ang hakbang ng DepEd sapagkat kasalukuyang napag-iiwanan ang edukasyon sa Pilipinas, subalit kaakibat din nito ang pagtugon sa mga butas ng programa na tatagtag sa mga guro’t mag-aaral kung bigong mapupunan ng ahensya. Sa ilalim ng bagong kurikulum, pangunahing apektado ang Kinder to Grade 10 kung saan tanging language, reading and literacy, mathematics, makabansa, at good manners and right conduct na lamang ang ituturo sa mga mag-aaral ng primarya—bagay na magbubura sa mga nakasanayang aralin subalit magpapagaan naman sa pasan ng mga mag-aaral. Sa ganitong galaw ng DepEd, matitiyak nga nitong ang mga esensyal na kasanayan na lamang ang pagtutuunan ng pansin para sa kahandaan ng mga mag-aaral paglabas ng paaralan. Kaugnay nito, magsisimula ang implementasyon sa Kinder, Baitang 1, 4, at 7 sa taong panuruan 2024-2025. Susunod rito ang taong panuruan 2025-2026 para sa mga Baitang 2, 5, at 8. Sumunod ang Baitang 3, 6, at 9 sa 2026-2027, habang susumahin ito sa taong 2027-2028 para sa Baitang 10. Subalit nangangahulugang mapagiiwanan naman ang mga kasalukuyang mag-aaral ng Baitang 8-10 gayong ‘di ito mapapailalim sa ‘timeline’ ng MATATAG—siyang kahinayangan sa
pagkatuto at pag-unlad na sana’y nalinang na nila. Kapuna-puna na hindi pa kasama rito ang kurikulum ng Senior High School (SHS) na nangangailangan na rin ng matinding pagrereporma na dapat sana’y kinonsidera sa paunang plano ng DepEd. Huli na nga ang Pilipinas sa ganitong mga inisyatiba, hindi pa magawa ng mga ahensya ang komprehensibong hakbang para sa pagsasaayos ng edukasyon sa bansa. Kung iisipin, hindi nga naman tamang palampasin ang pagkukulang ng programa sapagkat mababalewala ang paglalampaso ng DepEd kung tatakpan lang nito ang mali sa MATATAG. Una rito ang pag-aalis sa asignaturang mother tongue na magpapahina sa wika ng mga katutubong mag-aaral mula baitang 1 hanggang 3. Sa katunayan, ayon kay Alliance of Concerned Teacher (ACT) Chairman Vladimer Quetua, kritikal sa foundational literacy skills ng isang bata ang pagkatuto ng pangunahing wika lalo na sa murang isipan. Sa puntong ito, ‘di maikakailang nahihibang ang ahensya gayong panganib sa dayalekto ng Pilipinas ang ginawang hakbang at lantad na paglabag sa Republic Act (RA) 8371 o Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997.
Dagdag pa rito, malaking dagok sa DepEd ang pagrerebisa at pagpoprodyus ng bagong learning materials (LMs) kasabay ng 70% “decongestion” sa kurikulum lalo pa’t nakatakda na sa susunod na taon ang simula ng proyekto. Kung tutuusin, mangangapa ang kagawaran sa paspas na pagpapalit ng mga libro na siyang makaaapekto sa kredibilidad at kawastuhan ng mga LMs. Nangangahulugan ding malaking
hamon sa mga guro ang pagbabago sa ituturong aralin—kasama ang paggawa ng mga sariling materyales na aangkop sa kanilang diskusyon na paniguradong magmumula na naman sa sariling bulsa. Kaya’t kapalpakan din ng DepEd kung ‘di nito susuportahan ang mga guro pagdating sa sweldo at sapat na kagamitan. Bagama't layunin din ng MATATAG na magpatayo ng mga pasilidad at isulong ang inklusibong pagkatuto sa paaralan, tila kinaligtaan ng kagawaran ang special education (SPED) program. Kapuna-punang binasura sa 2023 National Expenditure Program ang P532M badyet para sa SPED at ang kamakailang ‘di pagtugon ng DepEd sa Program Support Budget (PSB) na dapat gagarantiya na mapupunan ang pagkukulang sa pasilidad at guro para sa mga may kapansanan. Malaking bagay na sana ito lalo’t 648 lamang ang SPED centers sa bansa at 4,000 ang mga guro na kung tutuusin ay labis na kulang. Dito pa lamang ay kakikitaan na ng kahinaan ang proyekto sapagkat hindi nito naatim ang pinakamahalagang aspeto ng edukasyon—pantay na oportunidad sa lahat ng mag-aaral. Higit sa lahat, hindi malabong hahadlang sa ikatatayog ng edukasyon sa bansa kung maling piyesa ang nagpapatakbo sa MATATAG sapagkat kung iisipin ay hindi naman mula sa sektor ng edukasyon si Bise Presidente at DepEd Secretary Sara Duterte para umupo sa naturang ahensya. Matatandaan nga ang isyu ng pinagpipilitang 150M confidential funds para sa DepEd—siyang patunay sa kawalan ng pananagutan at integridad bilang pinuno. Pinatunayan
AI-usin ang inaalipustang alituntunin
TAKIPSILIM
JUSTINE BIANCA DAHAN
“Sa taong tunay na may hiya, ang salita ay panunumpa.”
Inulan ng batikos ang pinakabagong Artificial Intelligence (AI)-generated sportscaster ng GMA Network na sina Maia at Marco na naglalayon umanong palawakin ang pagbabalita sa bansa. Gayong hindi maitatanggi ang benepisyong hatid ng AI, kapuna-puna ang naging hakbangin ng kumpanya lalo’t kredibilidad at pakikisimpatiya ang nakatayang mawawala—siyang bumubuhay sa maka-masang pamamahayag. Kaugnay nito, idinetalye ni GMA Integrated News Vice President Victor Amoroso ang tunguhin ng kumpanyang isulong ang inclusivity sa pagbabalita sa pamamagitan ng paglulunsad sa AI-generated sportscasters. Subalit, bahagi ba ng pagiging inklusibo ang ipasawalangbahala ang mahabang panahong ginugol ng mga mamamahayag sa pag-aaral? Hindi maka-tao na inuunang paunlarin ng kumpanya ang mga walang pusong tagapagbalitang gawa ng teknolohiya lalo na sa pampalakasan—kung saan kinakailangan ang pag-unawa sa emosyong dinaranas ng isang atleta.
Kung susuriin, samu’t saring news networks na ang nagsara at napakaraming mamamahayag ang nawawalan ng plataporma sa pagbabalita. Kakutya-kutyang sadya na nagagawang unahin ang pagpapaunlad sa AI sa kabila ng patuloy na pagdausdos ng kalagayan ng pamamahayag. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pakikipaglaban tungo sa malayang pagbabalita kung kaya’t kataka-taka na sila’y papalitan ngayon ng isang AI. Hindi mamamayagpag ang pagpapahayag kung isang sunodsunuran ang nagbabalita—siyang gagasgas sa kredibilidad ng pahayagan. Para sa broadcasting coach ng Calamba City Science Integrated School, magandang hangarin ang paggamit ng AI sa pagbibigay ng mas detalyadong pagsusuri sa larong pampalakasan. Gayumpaman, nararapat lamang na sa pagdedetalye matatapos ang papel ng AI at hindi umabot sa pagbabalita. Sa katunayan, sinusuportahan ni Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang paggamit ng AI—isinasaad na hindi nararapat katakutan ang paggamit nito
din ni Political analyst at University of the Philippines professor Ela Atienza ang kakulangan ng kalihim bunsod ng ‘di pagsagot o kaya’y pagpapasa sa iba ng mga tanong sa gitna ng mga pagpupulong. Kung ganito nga, tila masasayang lang ang solusyong magpapabago sa edukasyon ng Pilipinas kung hindi kwalipikado ang pinuno para pangunahan ang mga inisyatiba at pagbuo ng matalinong hakbang. Kung susumahin, hindi pa matatag ang plano ng DepEd para ituring itong epektibo. Bagama't maganda ang layunin, hindi ito sapat para mabilog ang isipan ng mga Pilipino na may pagbabagong nagaganap sa naaagnas na edukasyon ng bansa sapagkat ang totoo, matagal nang napag-iiwanan ang Pilipinas. Kung puro plano subalit may pag-iwas sa isyu ang kinikilos ng ahensya, mananatiling mababa ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Kaya naman, marapat simulan ang pagrerepaso ng Project MATATAG nang masiguro ang pag-atim ng epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral. Kasabay nito ang wastong alokasyon ng pondo, sapat na pasilidad, tamang pasweldo, at kumpletong materyales para sa mga guro at mag-aaral. Kung iisipin, malaki ang gampaning pinanghahawakan ng DepEd sa kinabukasan ng mga mag-aaral maging ng bansa. Kaya’t ngayon pa lamang ay dapat matiyak ng ahensya ang implementasyon ng mga hakbanging buo at kongkreto—hindi kulang-kulang, lalo’t hindi ang natatagtag.
bagkus, mas paigtingin ito para sa ikauunlad ng kalagayan ng edukasyon sa bansa. Bagama’t malawak ang kakayahan ng teknolohiya, nararapat pa ring isaalang-alang ang etikal na paggamit nito—limitado sa pagbibigay suporta sa paghahatid ng impormasyon. Kung susumahin, hindi broadcasting ang akmang plataporma sa pagpapaunlad ng AI. Sa patuloy na paggulong ng kalagayan ng pamamahayag sa Pilipinas, hindi ito ang magdadala sa pagbabagong hinahangad ng taumbayan. Salang solusyon ito sa krisis na kinahaharap ng pamamahayag, bagkus, lalo pa itong guguho dulot ng pagkawala ng puso sa masa. Kung tunay ngang nararapat na paigtingin ang AI, esensyal na ayusin muna ang inaalipustang alituntunin ng teknolohiya—upang masigurong hindi ang maka-masang pagbabalita ang isasakripisyo na lalong manggigipit sa pamahayagang Pilipino.
TAKIPSILIM
JUSTINE BIANCA DAHANDesidido na ang Department of Transportation (DOTr) na agarang ipatupad ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP)–huwad na mukha ng dyipni phaseout. Dagdag pahirap lamang ang pagmomodernisa ng mga dyipni sa mga mag-aaral lalo na’t napakalaking dagdag pasahe ang mangyayari gayong hindi sapat ang suporta ng gobyerno para sa mga mag-aaral. Hindi maikakaila ang ilang benepisyo ng makabagong jeepney sa mga komyuter gaya ng may seguridad ang kaligtasan ng mga pasahero. Gayumpaman, mahihirapan sa pagbabadyet ang mga mag-aaral lalo na’t ang karamihan ay hindi lamang isang dyip ang sinasakyan. Mapipilitan ang ilang mag-aaral at magulang na magdoble kayod upang may pantustos sa napakataas na pamasahe. Kamakailan lamang noong nagsagawa ang samahan ng mga dyipni drayber ng tigil pasada bilang tanda ng pagtutol sa implementasyon ng modernisadong dyip. Bilang resulta, labis na hirap sa pagsakay ang naranasan ng mga mag-aaral–nagpapatibay na hindi pa handa ang komunidad, lalo na ang mga komyuter sa biglaang pagmomodernisa. Tila ba magsisilbi lamang itong hirap sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat mag-aaral–siyang tataliwas sa binibidang layunin ng inisyatibo. Bukod dito, ayon kay punong kalihim Jerome Adonis ng Kilusang Mayo Uno, tataas ng Php 30 hanggang Php 40 ang mga pasahe sa makabagong dyip. Kung itutuloy ang inisyatibo, malaking hirap’ para sa mga mag-aaral na hindi kakayanin ang mataas na pasahe gayong mas pipiliin na lamang ang maghanap ng ibang paraan upang makapasok kaysa magbayad ng labis na pasahe. Dagdag isipin sa mga mag-aaral ang pagtitipid gayong karamihan pa rin sa mga mag-aaral ay kapos sa pinansyal ang pamilya. Dagdag pa rito, dalawampung (20) porsyento sa populasyon ng mga mag-aaral sa Calamba City Science Integrated School (CCSIS) ang nakadepende sa dyipni bilang pangunahing transportasyon. Para sa mga mag-aaral, magsisilbi lamang dagok ang pagmomodernisa ng mga dyipni lalo na’t ‘minimum wage’ pa rin ang kinikita ng karamihan sa mga magulang–nagpapatibay na laking perwisyo ang modernisadong dyipni. Sa huli, huwag madaliin ang pagmomodernisa sapagkat mainam na isaayos muna ang mga gusot ng kabuuang programa at siguraduhing mabibigyang-tuon ang kapakanan ng mga komyuter lalo na ng mga magaaral bago tuluyang umarangkada ang nasabing programa. Kung tuluyan ngang ipagkikibit-balikat ang magiging kapakanan ng mga mag-aaral, walang dudang imahinasyon lamang ng gobyerno ang benepisyo ng mga komyuter sa modernisasyon.
Rebisyong mamanCHA
Isinusulong na ni Lower House Speaker Martin Romualdez ang Charter Change (Cha-Cha) sa kongreso—naglalayong paalwanin ang bagsak na ekonomiya ng bansa at ayusin ang mga warak na sektor ng pamahalaan. Gayong tunay na napakalaking dagok ng mga ito sa bansa, kapuna-punang sa konstitusyon isinisisi ang palpak nilang pagganap sa kani-kanilang mga tungkulin.
Batay sa Artikulo XVII Seksyon 2 ng 1987 Constitution, isang paraan ang people’s initiative upang isulong ang pagbabago sa konstitusyon—itinuturing na pinakamadaling daan ng mga pulitiko dahil kinakailangan lamang ng pirma ng 12% rehistradong mga botante ng bansa para maipatupad ang Cha-Cha. Subalit, kapuna-puna na sa sobrang dali ng paraang ito, napakalaki ng tsansang dayain ito ng gobyerno.
Sa katunayan, kapansin-pansin ang ginagawang paglabag ng mga opisyal sa ipinapalaganap na vote-buying para lamang punan ang mga pansarili nilang interes. Inilahad ito ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares kung saan may mga naitalang ulat ng pagsusuhol bilang kapalit ng kanilang pagpirma. Idagdag pa rito ang pagtanggap umano ng “mobilization funds” ng mga alkalde ng Albay para sa pagpapalawak ng suporta tungo sa Cha-Cha. Kung ganito karumi at kwestiyonable ang kredibilidad ng gobyerno, tiyak na wala nang maaasahan ang mga mamamayan. Kamakailan, nagpalabas ng patalastas ang People’s Initiative for Reform, Modernization and Action (PIRMA), nananawagan ng diskusyon patungkol sa Cha-Cha—ang itinuturing nilang sagot sa bagsak na ekonomiya ng bansa. Bagama’t tunay ngang ‘di maganda ang ekonomiya ng Pilipinas, patuloy namang tumataas ang economic growth ng bansa. Ayon sa datos na nakalap ng Department of Finance (DOF), tumaas ng 5.6% ang GDP growth ng bansa—bunga umano ng mgagandang proyekto ng pamahaalan
ayon kay Finance Secretary Ralph G. Recto. Kung totoo ngang kagagawan ng mga proyekto ng pamahalaan ang pagtaas ng pangkalagayang ekonomiya ng Pilipinas, hindi na nararapat pang ipatupad ang Cha-Cha lalo na’t tumataliwas ang mga datos sa sinasabi nilang bagsak na ekonomiya sa ilalim ng 1987 konstitusyon. Kung tutuusin, hindi naman konstitusyon ang salarin sa mababang bilang ng mga mamumuhunan sa bansa. Hindi naman ito ang kanilang kinokonsidera kundi ang pamamalakad ng pamahaalan. Papaanong maeenganyo ang mga ito na maginvest gayong laganap ang korapsyon at kahirapan, isama pa ang napakahinang pagpapatupad ng batas at ang pangkalahatang kalagayan ng bansa?
Dagdag pa rito, hindi maikakaila ang takot na dala ng Cha-Cha sa mga tao—lalo na’t hindi malayong bumalik muli ang panahon ng Martial Law. Nakapangangambang pinamumunuaan ng anak ng dating diktador ang bansa ngayon. Matatandaang sa pagrerebisa rin ng konstitusyon nagsimula ang malupit na pamumuno ni Ferdinand Marcos Sr., kung kaya’t di na kagulat-gulat kung ito’y mauulit oras na bigyang pahintulot ang Charter Change Para kay Former chair of the Commission on Elections Christian Monsod, hindi Cha-Cha ang sagot sa mababang kalagayan ng ekonomiya kundi ang pagsasaayos ng sistema ng investment sa Pilipinas. Kung totoo ngang pang-ekonomiya ang tunguhin ng Cha-Cha, bakit hindi ito nabanggit sa Philippine Development Plan? Bagama’t tunay ngang kinakailangan ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, hindi tamang gamitin ito ng pamahalaan upang bigyang daan ang pansarili nilang mga interes. Sa kabilang banda, kahanga-hanga naman ang paninindigan ni Calamba Congresswoman Charisse Anne
https://agsikap.com/lihamsapatnugot
LihamPatnugot sa
Sa patnugutan ng Agsikap,
Isang mapagpalang pagbati sa pahayagang Agsikap! Nais ko pong muling magpasalamat sa libreng learning kits na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ng Calamba sa mga estudyante ng Calamba City Science Integrated School. Kaugnay nito, nais ko pong magtanong patungkol sa nabanggit na posibleng stipend o allowance para sa mga mag-aaral. Mayroon na po bang maaaring asahang pag-apruba dito? Kailan po kaya ito maibabahagi at ano po ang halagang posibleng matanggap ng bawat mag-aaral? Maraming salamat po sa inyong publikasyon!
Lubos na gumagalang,
Eddie Revilla
MAGULANG NG ESTUDYANTE MULA SA BAITANG 12
“Batong pagulong-gulong, ‘di kakapitan ng lumot.”
Planong palalimin ng Department of Education (DepEd) ang inisyatibang
“Drop Everything and Read (DEAR)” gamit ang bagong “Catch-up Fridays Program” matapos ang matagumpay na implementasyon nitong Enero 2024, kung saan lulutasin ng programa ang mababaw na komprehensyon ng mga mag-aaral ng bansa pagdating sa pag-unawa sa pagbasa. Kung tutuusin,
Hernandez laban sa pagapatupad ng Cha-Cha, bilang isa siya sa 43 hindi pumirma sa isinusulong na people’s initiative ng kongreso. Samakatuwid, hindi kalagayan ng bansa ang tutugunan ng Charter Change, kundi ang personal na interes ng mga namamalakad. Sa dami ng problemang kinahaharap ng Pilipinas, aksaya lamang sa pera at oras ang pagbibigay pansin sa ChaCha. Bagsak man ang ekonomiya ng bansa, ‘di maikakaila na may kakayahan itong umunlad kung aayusin lamang ang pamamalakad ng pamahaalan. Nararaapat lamang na pagtuunan ng pansin at pag-aralan ang bawat suliranin ng Pilipinas bago ito solusyunan— taliwas sa bara-barang pagsusulong ng Charter Change sa bansa. Patuloy na babagsak ang ekonomiya kung patuloy na irerebisa ang batas na siguradong mamantiya sa kasalukuyan nitong kalagayan.
SANDIGAN
"Kung
ano ang puno, siya rin ang bunga."
Para sa iyo G. Eddie Revilla,
Malugod na pagbati mula sa Agsikap! Maraming salamat po sa inyong pagsuporta sa mga proyekto ng ating paaralan.
Patungkol po sa nabanggit na proposed stipend para sa mga mag-aaral, pinaghahandaan na po ito ng ating City Government, ayon po ito sa pahayag ni Calamba City Mayor Roseller H. Rizal. “Sooner or later”, ika niya gayong layon nitong bigyan ng suporta ang ating mga mag-aaral bilang mga produktibong kabataan ng lungsod ng Calamba.
Nawa po na inyong maunawaan na ang bawat hakbang sa pagtataguyod at paglulunsad ng bawat programa sa Calamba City Science Integrated School ay aming pinag-iigihan at nangangailangan ng tiyak na pagsang-ayon mula sa mga nakatataas. Maraming salamat po sa inyong pananawagan.
Bahagharing ‘di mababahag
Idineklara ng Vatican Dicastery for the Doctrine of the Faith (DDF) ang pag-apruba ng Fiducia Supplicans noong Disyembre, layong basbasan ang mga indibidwal na parte ng same sex relationships. Kung iisipin naman ay tila malabo pa rin ang hangarin na tuluyang matatanggap ng Simbahan ang sitwasyon, kaya’t mas mainam pagtuunan ang implementasyon ng mga batas tungo sa pagbibigay ng karapatan at proteksiyon sa mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual (LGBTQIA+).
Sa kabilang banda, bagma’t nagmimistulan itong hakbangin tungo sa inklusibidad, nililinaw ng Propositions on the Doctrine of Christian Marriage na ang kasal ay tanging sa pagitan ng babae at lalaki lamang. Ito nga ang dahilan kung bakit makasalanan at nangangailangan pa rin ng basbas ang tingin ng Simbahan sa miyembro ng LGBTQIA+. Kung gayon, mas makatotohanan kung aaksiyunan ang legalisasyon ng same sex unions sa bansa sapagkat hindi maipagpipilitan ang taliwas sa itinatag na paniniwala ng relihiyon.
Sa kasalukuyan, bigo pa ring maipasa ang dalawang panukalang batas para sa legalisasyon ng same sex unions— ang
S.B. No. 499 Civil Unions of Same Sex Couples ni Sen. Robin Padilla at ang Civil Partnership Bill ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy. Dito pa lang, hindi na kataka-taka kung bakit uhaw sa balidasyon at pagtanggap ang LGBTQIA+ gayong kailangan pa nilang mangibang bansa nang masalegal ang pagsasama. Dagdag pa rito, pinatunayan ng sarbey ng Social Weather Stations noong Marso na 61% sa 1,200 respondante ang tutol sa legalisasyon ng same sex unions. May katuturang sabihin na maaaring dulot ng pagiging konserbatibo at relihiyoso ng bansa ang nabuong mentalidad na kasalanan ang same sex relationships— bagay na mananaig sa kabila ng Fiducia Supplicans. Nakalulungkot na malayo pa rin ang daang tatahakin gayong mismong kapwa Pilipino ang nagiging hadlang sa tunay na inklusibidad. Kung ganito nga, kapuna-punang nananatiling nakabinbin ang Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression (SOGIE) Bill na magbibigayproteksyon sana sa mga bahagi ng LGBTQIA+ laban sa pangyuyurak ng karapatang pantao pagdating sa oportunidad, edukasyon, hanapbuhay, at hustisya. Kakutya-kutyang, patuloy napaiilaliman ang mga same sex couples at tila ba walang plano ang bansa na putulin ang mapanghusgang dugo ng lipunan.
Sa talang 1,231 na estudyante at kaguruan sa Calamba City Science Integrated School, 148 dito ang kabilang
Patnugutan ng Agsikap
Pagbabasang pabulusok
noon pa man ay itinutulak na ang ganitong proyekto—ang ikinaganda nga lang ng bagong plano, buong taong-panuruan ang bisa nito at mas mabibigyang-tuon ang bawat isa dahil sa nakalaang araw sa pagbasa. Subalit dapat ipangako ng DepEd na hindi lang pabango ang ipinagmamalaking programa, ‘di gaya ng mga nakaraang proyekto na tila ngayon ay nababaon na.
Sa ilalim ng Memorandum No. 001s. 2024, magkakaroon ng pagbasa ang mga mag-aaral tuwing Biyernes kasabay ng mga “activities” na bagamat hindi markado, obligado pa ring makiisa ang mga indibidwal—bagay na kung iisipin ay kakain naman sa oras ng mga guro’t mag-aaral at lubos makaaapekto sa normal na daloy ng klase sa isang linggo. Subalit sa positibong pananaw, hindi dapat mawaldas ang benepisyo ng programa kung kaya’t nasa wastong alokasyon ng oras ang ikatatayog ng plano. Ibig sabihin, dapat itong ituloy ng DepEd, ngunit responsibilidad din ng ahensya na tiyaking mapupunan ang isang araw na nagamit. Kaugnay nito, kahihiyang bumagsak lamang sa ika-79 na pwesto ang Pilipinas mula sa 81 bansa ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) ukol sa kakayahang bumasa at umintindi ng
teksto, habang lubhang mas mababa sa ‘average score’ na 472 ang 355 puntos na nakuha ng Pilipinas base sa tala ng Programme for International Students Assessment (PISA) nitong Disyembre 2023. Malinaw na kailangan ng malawakang pagbabago sa katayuan ng bansa kung komprehensyon sa pagbasa ang pag-uusapan. Kung tutuusin ay malaking hamon para sa bagong kalihim ng DepEd na pagbutihin pa ang numero ng bansa na tila matagal nang lumalagapak.
Ayon nga kay DepEd Secretary at Vice President Sarah Duterte, obhektibo ng programa na paunlarin ang ‘critical thinking skills, analyzation skills, writing, at reading skills’ ng mga mag-aaral kasabay ng pagbabatibay sa kanilang social at foundational abilities—siya rin namang umaayon sa kaugnay na programang National Learning Recovery Program. Mainam na ito nga ang magpapatatag sa pangkabuuang ‘academic performance’ ng mga mag-aaral bunsod ng malaking benepisyo ng pagbasa. Kung gayon, nasa tamang direksyon ang Catch-up Fridays at dapat itong suportahan ng mga kabalikat na ahensya para higit mapaigting ang implementasyon sa mga susunod na buwan. Dagdag pa ng Curriculum and Teaching Strand (CTS) ng DepEd,
maaaring magmumula ang mga libro sa mga mag-aaral, library hubs, o di kaya’y sa Local Government Units (LGU)—siyang babasahin sa unang kalahati ng araw habang sunod na tutukan ang values, health, peace education, at homeroom guidance gamit ang inihandang gawain ng mga guro. Sa pamamagitan ng assessment, tiyak na epektibong mamomonitor ng paaralan ang pag-unlad ng mga mag-aaral. Kapuri-puring hindi lang isa, bagkus integrasyon ng iba’t ibang esensyal na pagkatuto at kakayahan ang hatid ng programa. Samantala, matatandaan namang noon pa man ay umiiral na ang Republic Act No. 10556 o ang “National Reading Month” tuwing Ika-27 ng Nobyembre na layon ding itaas ang antas ng karunungan sa pagbasa at pagsulat ng bawat Pilipino. Subalit kapunapunang tila nagsisilbi na lamang itong selebrasyon, hindi solusyong puspusang nagwawaksi sa ‘illiteracy’ ng bansa. Gayong may kahinaan ang batas, mabuti nga’t inilatag ng DepEd ang kanilang CUF program—siyang bagay na pinagtutuunan ng mga guro at mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) sa kanilang calendar gayong ito marahil ang magbibigayngipin sa mga dati nang proyekto na ngayon ay ‘di napakikinabangan. Sa kabuuan, malayo pa ang
Kung solusyong patas at makatarungan, mainam na manindigan sa legalisasyon ng same sex civil unions at SOGIE Bill upang makamit ang kalayaan ng LGBTQIA+. Kabilang dito ang tamang pagtrato pagdating sa mga regulasyon sa pampublikong lugar at karampatang parusa sa mga nang-aapi. Higit sa lahat, makabubuti na tumulong ang mga pinuno, ahensya, lokal na pamahalaan, at pagsuporta ng kapwa sa implementasyon ng mga batas, programa, at pagbibigay-karunungan sa lipunan.
Mahalaga man ang pagtanggap ng isang relihiyon, sing-halaga rin nito ang pagtanggap ng isang nilalang sa sariling pagkakakilanlan. Kaya, marapat mangibabaw ang pantay na pagkakakilanlan sa lahat ng kasarian nang sa gayon ay wala nang bahagharing mababahag ang buntot sa diskriminasyon at pangyuyurak.
ang walis, palibhasa'y magkabigkis."
Lubos na gumagalang, sa LGBTQIA+ Community. Patunay na hindi lamang ang kasalukuyan ang nangangailangan, kundi pati ang kinabukasan ng kabataang nanganganib kung hindi pa rin magkakaroon ng tunay na inklusibidad sa proteksiyon ng batas. Sa kabuuan, inklusibidad man ang layon ng Fiducia Supplicans, wala pa rin itong saysay kung sa mata ng Bibliya’y makasalanan pa rin ang same sex relationships. Kung ganito lang din naman, mukhang hindi tunay na pagtanggap mula sa Simbahan ang ipinaparanas, kundi huwad na inklusibidad. Subalit, ano pa nga bang maiaangal ng taumbayan kung Doktrina’t isang buong relihiyon na mismo ang naninindigan. Kawalan ng respeto na lamang kung patuloy na tutuligsain ang relihiyon habang pagsunod sa naitatag na utos at paniniwala ang tanging ginagawa nito.
Pilipinas sa pagkamit ng mataas na komprehensyon sa pagbasa, subalit hudyat lang ito na mas doblehin pa ang pagsusumikap at pabilisin ang pag-usad ng mga planong hindi lang sa pagpapataas sa ranggo ng bansa kundi higit sa pagpapanday sa mga magaaral. Dahil itinuturing na pundasyon ng kaalaman ang pagbabasa, tama lang na dito ipinako ng DepEd ang kanilang mga mata. Kung palalalimin pa ang programa, nariyan dapat ang buong suporta ng mga ahensya at pribadong organisasyon, ‘yon ay sa paglalaan ng sapat na libro para sa lahat ng mag-aaral. Mainam na magkaroon ng palagiang pagmomonitor ang DepEd sa assessment ng mga mag-aaral nang matutukan ang mga aspetong kailangan pang paunlarin ng bawat isa. Gayong walang dapat mapag-iiwanan, makabubuting masimulan na rin ng DepEd ang inisyatiba sa mga pribadong paaralan ng bansa. At higit sa lahat, dapat magkaroon ng sama-samang lakas ng pamahalaan, ahensya, guro, at ng magulang nang sa gayon ay matugunan ang pagbabasang bumubulusok pababa at makamit ang kalidad na pagkatuto ng mga mag-aaral.
On your marks, nakaabang sa unang hudyat na maririnig. “Get, set,” mas nangingibabaw ang tunog ng pusong malakas ang pintig. “Go,” kumaripas na sa takbo ng oras, bitbit ang baton na puno ng aral at alaalang walang katumbas.
Ganiyan inilarawan ng 2005 Palarong Pambansa Track and Field Champion at kasalukuyang guro ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na si Marilou “Malou” Leyva-Polero ang kaniyang “Maloupet” at kahanga-hangang karanasan sa larangan ng pampalakasan noong kanyang kabataan.
Mula sa probinsiya ng Mindoro, namulaklak ang pagmamahal at abilidad sa pagtakbo ni Malou nang sinubukan nitong sumali sa Track & Field club sa kanilang paaralan noong elementarya. Dito niya pinagyabong ang kasanayan na siyang kalaunan nagbukas ng oportunidad upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng sekondarya sa Sta. Mesa, Manila na libre mula sa kanyang tirahan, pagkain, at tuition. Dito pinanindigan ni Malou ang pagiging studentathlete at naging laman ng iba’t
SABIK NA
ibang kompetisyon kabilang na ang National Youth Games at ang prestihiyosong Palarong Pambansa bilang kinatawan ng National Capital Region (NCR). Aral, kain, dasal, training-iyan ang naging buhay ni Malou sa paghahanda para sa Palaro. Tuwing pagkatapos ng klase maging pagdating ng bakasyon, makikita ang pagpupursigi na maperpekto ang porma sa pagtakbo. Ngunit bago ang mismong laban ng Palarong Pambansa, ang balita ng paglisan ng taong pag-aalayan ng medalya ang yumanig sa determinasyon ng batang Malou. Ang kanyang ina ay pumanaw sa sakit na Leukemia. Ngunit sa kabila ng nanlulumong tuhod, lakas loob na humakbang ang manlalaro upang ipagpatuloy ang pagtakbo sa Palaro at patunayan na bilog ang buhay. Dinomina ni Malou at ng NCR ang Track and Field competition matapos sungkitin ang ginto sa 200m dash at magkasunod na pilak sa 100m at 400m dash event. Mataas man ang potensiyal na manalo sa relay, bigong mabingwit ng grupo nina Malou ang 4x1 matapos mabitawan ang baton sa pagpasa ng ikatlong
Araw-Gabi ni Rovi
Pag-ibayo ni Manulid bilang Pinoy David Laid
Samantala, hindi naman iniinda ni Rovi ang balakid sa kaniya ng akademiks lalo na’t nag-aaral siya sa isang paaralang nakasentro sa Agham at Matematika. Nagawa pa rin nitong pagsabayin ang pagiging ‘consistent’ sa kaniyang bodybuilding journey at pag-
“Nahahandle ko sya dahil may sinusunod ako na sarili kong program which is pinaikli ko siya gawa nga ng medyo hassle kapag hindi ko inayos yung program ko since sa CCSIS ako nag aaral.” ani niya. Sa 24 oras na naipagkaloob sa bawat karaniwang tao kada araw, nagiging 20-22 oras lamang ito para kay Rovi dahil sa kaniyang dedikasyon sa pagdyi-gym. Ginugugol nito ang dalawa hanggang apat na oras ng kaniyang bawat araw para lamang sa kaniyang himnasyo na kaniyang isinasagawa sa Niv’s Gym. Nagpapakundisyon ito mapa-araw man o gabi, may pasok man o wala na maagang nagmulat sa kaniya sa pagkakaroon ng disiplina.
“Mahirap talaga [ang paghihimnasyo] at the same time masaya rin kasi isipin mo nag babayad ka sa gym para parusahan sarili mo” banggit niya, ngunit balewala ito para sa pangarap niyang umakyat sa entablado at ipakita ang kaniyang pinaghirapan.
Malou
runner kay Malou. Ngunit sa huli, hindi nagpatinag ang kanilang koponan at humataw sa Classical Relay dahilan upang itanghal na Palarong Pambansa Champion ang NCR sa Track and Field ng nasabing taon. Dito buong pusong inalay ni Malou ang tropeo ng tagumpay sa kanyang minamahal na Inay. Subalit sa kabila ng talentong taglay ni Malou sa larangan ng track and field, kinailangan niya itong bitawan pagdating ng kolehiyo kaya’t huminto ito sa pag-aaral sa kanyang ikalawang taon at namasukan upang kumayod at mabuhay. Lumipas ang mga taon hanggang sa makapagasawa’t makapag-aral muli, naging matagumpay ang pagbalik ni Malou sa ‘track’ ng kanyang buhay. Napadpad ito sa Calamba, Laguna at kasalukuyang nagtuturo sa CCSIS bilang isang mahusay na guro ng MAPEH. Sa ngayon, bitbit pa rin ni Malou ang mga alaala ng nakaraan. Bilang guro, ginagamit niya ito upang maging inspirasyon sa mga batang CalScian na kanyang tinuturuan. “Kapag shineshare ko yung experience ko sa students, hindi raw nila ine-expect. At nakakatuwa bilang guro at dating atleta
“There were a lot of barriers eh, but all those barriers, all of that motivated me to focus on bodybuilding, lahat ng negative things that were said to me, naging way yun for me to prove them wrong.” ani Rovi. Dito’y hindi niya ginagawang negatibo ang epekto ng mga humihigit sa kaniya pababa kundi’y isang motibasyon para pag-igihin ang kaniyang pagpapatuloy sa larangang kinabibilangan.
Kasalukuyang patuloy sa pagibayo sa gym si Rovi, 386 lbs o 175 kilo na ang kaniyang personal na tala sa deadlift gamit ang Romanian Stance na isang nakabibighaning rekord para sa isang 17 anyos. Kaagapay ng kaniyang inspirasyong maging tulad ni David Laid, isang fitness influencer at weightlifter na ang katawan ay dati ring manipis, ngunit ngayon ay kanais-nais. Talaga namang kaabang-abang ang mala-David Laid transformation ni Rovi na kaniyang pinagtatrabuhan na sa kaniyang murang edad. Maaga nitong nahasa ang kaniyang disiplina na bibihira sa kaniyang mga kaedaran. Walang inaatrasang balakid ito para makapaghimnasyo kahit anong oras o panahon, ang mga Araw Gabi ni Rovi ay mananatiling dedikado sa pagibayo para sa kaniyang inaasam na bodybuilding success.
Palarong inspirationPambansa ng CalSci
na nai-inspire din sila sa kuwento ko,” ani nito. Bilang dating atleta, nais naman ibahagi ni Malou ang kanyang kaalaman sa naturang isports at mga pangarap para sa paaralan. "Soon, sana magkaroon ng CalScian na aapak at maglalaro din sa Track and Field ng Palarong Pambansa pagdating ng panahon." pahayag nito.
“On your marks,” hindi man nakabalik sa larangan ng track and field si Malou, “Get set,” buong-buo pa rin ang pagmamahal nito sa larangang humubog ng kanyang pagkatao. “Go” at ngayon patuloy pa rin siyang tumatakbo hindi man baton ang bitbit, kasama naman niya ang mga batang CalScian na sa pangarap ay mahigpit ang kapit.
Malupitang ‘comeback’ ni Javier sa Larangan ng Karate-do
Higit sa pansariling oras ang kailangang isakripisyo sa mga pampalakasang tulad ng karate-do ngunit hindi niya ito pananatilihing abandonado. Bagamat naging balakid sa pag-aaral ni Joaquin Alfonso Javier ng Calamba City Science Integrated School ang karate-do noon, hindi niya magawang talikuran ang libangan na hinahanap-hanap ng kaniyang pangangatawan.
Baitang apat nang pumasok sa mundo ng karate si Joaquin, naging parte ito ng kaniyang buhay at tatlong taon ang kaniyang ginugol upang makamit ang pinakamataas niyang belt na lila noong baitang 7 habang iniidolo ang disiplina ng kapuwa martial artist ngunit tinaguriang “Greatest of All Time” na si Bruce Lee. Sa unang sabak pa lamang niya sa kompetisyon, nakasilat na kaagad siya ng ginto na nagpagsiklab dito upang mas pagbutihin pa sa kata, ang kaniyang espesyalisasyon sa karate.
"I don’t treat karate as a sports lang, para sakin ‘weird’ siya, para siyang religion as it doesn't just affect my wellness but also my discipline,
mental and spiritual", tanaw niya nang nagsisimula pa lamang sa isport.
Dala-dala ang mga katagang "Wala yan sa ranking, a white belt could win over black if he have the mastery and knowledge.” na payo ng kaniyang sensei, patuloy na naging aktibo sa susunod pang mga taon si Joaquin kabalikat ang pag eensayo sa ilalim ng International Shotokan Karate-do Federation. Samantala ay naging mahirap at matumal ang kaniyang trainings nitong pandemya dahil hinahanap-hanap niya ang presensya ng kaniyang sensei at senpai sa paligid sapagkat sarado ang mga pasilidad. Nagbago ang lahat pagpatak ng baitang 11, nang dahil sa hirap ng akademiks ay napilitan siyang tuluyang isantabi ang kaniyang hilig sa karate-do partikular sa pusturang shotokan upang pagtuunan ng pansin ang kaniyang mga pagsusulit at ang paparating na mundo sa kolehiyo. Ngayong magbabalik na sa karatedo, balak sikapin ni Joaquin na mas mag-ibayo pa sa shotokan, bagamat inaaasam din niya ang black belt, mas
mahalaga sa kaniya ang ‘mastery’ na kaniyang balak ipakita sa pamamagitan ng pag apak sa mga entablado. Winika rin niya ang ilang mga hakbang kung paano maging mahusay sa martial arts partikular sa Shotokan. “Unang una, determinasyon at focus, kahit anong kisig ng pangangatawan, balewala ito kung wala ang dalawang ang mga ito na nagsisilbing pundasyon ng husay na bumubuo sa disiplina.” Iba-iba ang pamamaraan na taglay ng Shotokan, Shizentai ang itinuturing na “Natural Stance” kung saan relaks lamang ang buong katawan habang nakabuka ang mga paa kapantay ng distansiya sa balikat. Pagdating sa pagsuntok, Choku-Zuki ang isang uri na patuwid at nakapokus sa dalawang pinakamalaking buko ng kamay. Oi-zuki naman ang atake kung saan nakaharap at nakakiwit ang isang tuhod habang nasa likod ang isa, Gya-Zuki ay katulad din ng Oi-Zuki ngunit kinakailangan nito ng rotasyon ng punong-katawan at magkasalungat dapat ang kamay at tuhod.
Nabuklod sa Bypass Road
Isports activities ng Calambeño sa San Jose Bypass Road
K
ilala ang mga Pilipino na walang pinipiling lugar sa kanilang mga gawaing pagliliwaliw o mga leisure activities na kahit sa kanto man ng kalsada o sa bukirin. Ganito rin ang sitwasyon sa ginagawang Bypass Road na kilala sa tawag na San Jose - Bucal Bypass Road. Ito ay nagsilbing lugar para sa mga ensayo at iba pang isports na gawain dahil sa haba at lawak ng kalsada pati na ang preskong hangin.
Nagsimula ang konstruksyon nito taong 2023 na kung saan ito’y pansamantalang naudlot. Dahil sa bakas na progresong naiwan ng konstruksyon, nagbukas ito ng iba’t ibang mga aktibidades dahil sa bakante at malawak na kalsadang hindi pa tapos.
Isa sa mga naunang mga aktibidades dito ang mga taong nagjojogging dahil sa preskong hangin na handog ng bukirin na nasa magkabilaan ng kalsada.
“Nakaka-relax na mag-exercise lalo na magjogging sa Bypass Road bukod sa walang mga gambalang mga sasakyan, makalalanghap ka pa ng sariwang hangin” ani Roneto Padua, isa sa mga nahuhumaling sa nasabingQ lugar.
May mga ilang bikers din ang pinupuntahan ang San Jose Bypass Road upang dito’y pumadyak at magpalakas ng mga kalamnan. Isang halimbawa dito si Zachary Dinulos na mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School na naging libangan ang pagba-bike na
maka-ilang beses pumupunta sa Bypass Road upang dito’y umikotikot kasama ang kaniyang mga kaibigan.
“Tuwing weekends, kasama ko yung mga kaibigan ko para makapagpakondisyon para if ever sumali kami sa biking competition, ready yung mga katawan namin” pahayag ni Dinulos.
Tampok din sa lugar ang kite flying na kung saan samu’t saring mga saranggola ang mga pinapalipad dito dahil sa malakas na hangin bunsod ng pagiging bukas na lugar. Isa sa mga napalipad na ditong saranggola ay ang ‘Ring Kite’ kung tawagin na may laking 15 feet by 3 feet na gawa ng grupo ni Paulo Caracuel.
Kabilang din sa mga physical activities dito ang zumba na siyang bukas sa publiko. Ito ay isinasagawa tuwing umaga o gabi ng. Dito’y mapa-matanda o bata man ay nakikiindak ang mga ito na sabay sa himig ng kantang pinatutugtog.
May iba namang naglalaro dito ng mga ball games tulad ng basketball at volleyball na kung saan nagdadala lamang ang mga tao rito ng bola at maaari na silang maglaro. May parte dito na nagpatayo ng basketball rim habang ang volleyball naman ay pwedeng idaos sa kahit anong parte ngunit walang net.
Dito’y naging malikhain ang mga Calambeño na hangga’t hindi pa tapos ang Bypass Road ay ginawa muna itong isa lugar pangliwaliw o pasyalan. Nagbigaydaan hindi lamang para sa sasakyan kundi pati na rin sa mga residenteng gawin itong lugar para sa sports activities tulad ng jogging, biking, kite flying, basketball, volleyball at zumba na siyang nabuklod sa bypass road.
HANZ BONDOC
S a mundo ng kinawiwilihang isports ng mga Pilipino na basketbol, pinagsanib-pwersang talento at dedikasyon ang puhunan. Dito’y nanatiling kumakapit ang 19-year-old alumnus ng Calamba City Science Integrated School na si Nicolaus Roland Magnaye na patuloy kumakayod para maisakatuparan ang kaniyang mga pangarap sa larangan ng basketbol.
Kasalukuyang naglalaro si Magnaye para sa koponan ng WCA Travel Carabaos na nagbibigay-daan para sa kaniyang patuloy na improvements sa loob ng isang grupong nakasentro ang sistema. Sa towering height nitong 6-foot-2, dinodomina nito ang painted area bilang isang front-court player na umaambag sa parehong opensa at depensa. Kalakip ang pagiging miyembro ng sistemadong koponan, kaliwa’t kanang mga liga ang kinabibilangan nito kasama ang katatapos lamang na South Hoops Ballers’ Club U23. Nagkamit ang Carabaos dito ng ikatlong pwesto sa lahat ng mga teams na kasali sa loob ng lungsod ng Calamba.
Maging isang professional basketball player ang pangarap ng 6’2 Forward sa mga nagsisilakihang liga dito sa Pilipinas. "My ultimate goal as an athlete, mainly in basketball, is to go play in the big leagues and become a pro basketball player." sambit nito.
Matapos ang kaniyang secondary education sa CCSIS, ipinagpatuloy ni Magnaye ang kaniyang pangarap sa pagtungtong nito sa kolehiyo sa National University - Laguna na kilala sa pagkakaroon ng world-class sports facilities at organisadong sistema sa larangan ng pampalakasan. Dito naging standout player siya sa kanilang koponan na nagbuhat upang ipagpatuloy ang kaniyang inaasam na pangarap.
Ngunit sa likod ng mga karangalang natanggap nito hindi lamang mula sa NU-Laguna kundi pati na rin sa Carabaos, hindi maikakaila ang mga balakid na natamo nito sa kaniyang pagpupursigi sa pagkamit ng kaniyang pangarap maging pro. Sa mga talong laro, sa mga sugat na natamo, sa dugo’t pawis na isinakripisyo, hindi hinayaan ni Nicolaus na pigilin nito
I am also grateful that I had this opportunity to show my leadership skills and knowledge of
Sirko sa Animo
Nangibabaw na sigaw ni Jazmeen sa Cheerdance
Bawat paglipad sa ere, bawat
saliw ng musika, bawat sigaw ng pag-asa—lahat ng ito ay humuhulma sa isang mananayaw na bumuo ng kwentong magbibigaybuhay sa pangarap na puno ng hirap at tagumpay.
Nagsimula sa simpleng panonood ng iba’t ibang dance videos bilang mananayaw, natagpuan ni Jazmeen ang sarili na nahumaling sa saliw ng Cheerdancing. Dahil sa magandang pundasyon sa pagsasayaw, matagumpay itong napadpad bilang Cheerdancer sa San Beda College Alabang noong Senior High School. Dahil sa karanasang ito, bitbit ni Jazmeen ang natutuhan sa San Beda at buong kolehiyo pinagsabay ang pag-aaral at cheerdancing hanggang sumabak sa una nitong kompetisyon taong 2019 bilang parte ng Animo La Salle Squad sa prestihiyosong University Athletic Association of the Philippines Cheerdance Competition (UAAP CDC) Season 82.
“During my time as a studentathlete, I have learned to have discipline and time management to give my 100% performance in academics and my sport. For routines, I do academics during the morning, a bit of extra workout after classes
Dalisay na Pagpanday ni Magnaye tungo sa Tagumpay
and before training in the afternoon, during the night, and studying a bit after training.” ani nitong naging susi para itawid ang kolehiyo.
Sa ipinakitang disiplina, tiyaga, at talento ng Calscian Alumna, hinirang ito bilang Head Cheerleader ng Green Archers taong 2022. Ngunit sa kasamaang palad, hindi nakasama sa kompetisyon si Jazmeen sa pagbabalik ng kompetisyon matapos ang pandemya nang magtamo ito ng Completely Torn Anterior Cruciate Ligament (ACL) injury. “I felt powerless, At the same time, I also have to help lead and manage the team during the recovery period. ” Bitbit ang responsibilidad, buong pusong ginampanan ni Jazmeen ang pagiging head cheerleader at sinuportahan ang team sa mula sa mabibigat na routines sa training hanggang mismong laban ng Animo Squad sa UAAP CDC Season 84.
“I am grateful that I had this opportunity to show my leadership skills and knowledge of the sport,” dagdag pa nito.
Matagumpay rin na ipinasa ni Jazmeen ang kaniyang mga natutuhan sa ibang archers hindi lamang sa mundo ng cheerdancing. Pinatunayan nito na kayang-kaya
ang kaniyang paglinang sa pangarap. Pagsinta ang naging sandalan nito para maabot ang tagumpay sa parehong edukasyon at basketball.
"The story of my success is just wanting someone you want, which is why, for me, my passion for basketball and education keeps me going." pahayag ni Magnaye.
Kaakibat ang motto ng Carabaos na “Keep on believing, keep on winning”, nanatili itong kalasag ni Magnaye sa kaniyang pagpapatuloy sa nasimulan na siyang dudugtungan pa nito sa mas mataas na antas. Kahit ano pang balakid ang harapin nito, nagsilbing motibasyon ito ni Magnaye sa kaniyang dalisay na pagpanday tungo sa kaniyang inaasam na tagumpay.
Pinaka-ultimate goal ko talaga bilang isang atleta ng basketball ay makapaglaro sa malalaking liga at maging isang professional basketball player.
pagsabayin ang passion at pag-aaral nang makapagtapos sa kursong AB International Studies Major in Japanese Studies Minor in Corporate Financial Management nitong Oktubre 2023 bilang isang Magna Cum Laude. Bilang alumni at former head cheerleader ng Animo Squad, isa sa nais makita ni Jazmeen sa mga susunod na taon ang paglayag ng team sa UAAP at angkinin ang podium. Bukod sa naiukit na karangalan ni Jazmeen sa pagiging isang cheerdancer, patuloy niyang ipadarama ang sigla, hindi lamang sa entablado kun’di sa bawat hakbang ng kanyang paglalakbay. Sa bawat lundag, hiyaw at sayaw na ipinapakita ni Jazmeen sa kaniyang pagiging isang cheerdancer, nakaangkla rito ang kaniyang dedikasyon sa pagbibigay ng enerhiya at tumbasan ng pagtitiyaga sa larangang kaniyang minahal. Bagama’t lumisan na ito sa squad ng La Salle, kita pa rin ng mga kasalukuyang cheerdancers ang kaniyang naiwang bakas bilang kanilang head cheerleader. Sa kaniyang sirko sa animo, sisiguraduhin niyang mangingibabaw ang kaniyang sigaw sa mundo sa labas ng cheerdancing.
HANZ BONDOCG12 Calscians, umindak sa CCSIS Dancesport Performance
ANN BERNADETTE REVILLAHumataw sa kauna-unahang
Intersection Dance Sports Competition ang mga magaaral ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) matapos magpasiklaban sa Latin at Traditional Ballroom Dances na ginanap CCSIS grounds nitong Abril.
Nagpakitang gilas ang 14 grupo mula sa pitong pangkat ng ika-12 baitang, dala ang kanilang makukulay na damit at musika kaharap ang limang guro sa CCSIS na nagsilbing hurado ng nasabing kompetisyon.
Mula sa pitong grupo ng Latin, nasungkit ng pangkat ng Sierra Madre ang ginto sa 93.00 kabuuang puntos nang magpakita ng malinis na sayaw sa Jive, Chachacha at Rumba sa saliw ng mga kantang Let's Get Loud at Mambo No. 5.
Dumikit naman sa 92 puntos ang Crowd's favorite na pangkat ng Banahaw sa ipinamalas na kakaibang teknik sa Rumba at Salsa na nag-uwi sa kanila ng ikalawang pwesto.
Samantala, ang kombinasyon ng
Samba at Jive ang nagdala sa Arayat para angkinin ang tanso gamit ang remix ng kantang Sway.
Muling nangibabaw ang Sierra Madre sa Traditional Ballroom Category nang magtala ng 91.00 marka at iuwing muli ang ginto para sa pangkat.
Ibinulsa naman ng pangkat ng Makiling ang pilak sa 89 puntos habang lumusot sa ikatlong pwesto ang Foxtrot Style ng Kanlaon sa dikit na 88 puntos.
ay parte ng Performance Task na kabilang sa kurikulum ng 4th Quarter sa nasabing asignatura.
Para naman sa mga mag-aaral malaking ginhawa para sa kanila ang pagtatapos ng kompetisyon, “Sa totoo lang thankful na natuloy pa yung presentation kasi ilang beses na ring napostpone, tapos umulan pa nung mismong program. Pero pagkatapos, sobrang worth it lahat ng pagod after ng announcement ng winners,” Huan Catan, mag-aaral sa Sierra Madre. Sa huli, itinanghal na overall champion ang Sierra Madre sa nasabing kompetisyon at nagkamit ng may pinakamataas na marka sa nasabing Performance ng dalawang kategorya ng dancesports.
Ayon kay Arjo Villanueva, Physical Education and Health Adviser ng baitang 12, ang nasabing kompetisyon
Almaciga, kampeon sa 3x3 SHS - Boys Basketball
Sumulong ang Mechatronics
Strand section na Grade 11
Almaciga kontra sa Grade 11
Katmon matapos kumana sa kanilang close scoring game na 14-13 kartada upang selyuhan ang kampeonato sa pinakaunang
Calamba City Science Integrated School Wellness 3x3 SHS - Boys Basketball na ginanap sa School Quadrangle noong Hunyo.
Dumwelo si JC Alvarez ng agresibong 7 puntos sa buong girian at kumubra ng kalahati ng buong score sa talaan para tulungan ang kaniyang koponan sa inaasam na kampeonato. Umambag rin si John Patrick Timagos ng 4 puntos na siyang dumagdag sa talaang nailimbag ng Finals MVP para maibulsa ang tropeo sa torneo.
Lumukob si Phrynz Latigay ng 3 total points lamang ngunit malaking parte naman ang ginampanan nito sa depensa sa buong laro na siyang naghudyat sa pagkakawagi ng koponan at mauwi ang korona. Sa kabilang banda naman, nalugmok ang Grade 11 Katmon sa 1st runner up finish lamang matapos kapusin ang mga ito sa oras sa paghabol sa nasimulan ng Almaciga.
Ibuhos ang Suporta
Patuloy sa pag-ukit ng karangalan ang mga estudyante hindi lamang para sa kanilang sarili, pati na rin sa kanilang paaralan, dibisyon, at maski sa bansa. Ilan sa mga estudyanteng ito ay bahagi ng mga pampalakasan na hindi biro ang binabayaran, ngunit marapat lamang ba na kumabig sa karangalan ang hindi ka naman sinusustentuhan?
Tulad ng pagbili ng bisikleta, napakaraming maaaring pagpilian sa larangan ng pampalakasan, ngunit hindi lahat ito ay parepareho. May “high-maintenance”, may “low-maintenance”, may mura, mahal, may karaniwan, at may kulang pa sa suporta. Hindi tulad ng basketbol, o badminton, hindi ka makakikita ng lugar-ensayuhan para sa swimming o dancesport sa bawat barangay. Bukod sa dambuhalang espasyo ang kailangan para makapagpagawa ng pook para dito, malayo pa ito sa prayoridad ng pamahalaan.
Umaabot sa Php3000 kada anim na sesyon ang bayarin para makapagpaturo na sumisid sa Swim Central sa Makati. Pagdating sa dancesport, sumasargo mula Php500-2700 ang bayarin para sa isang session lamang sa Balletworks Manila. Kailangan mo rin ng malaking oras at ‘gas money’ sa transportasyon dahil bilang sa daliri ang mga pasilidad para rito.
Bagamat mahal din ang training sa basketbol na umaabot ng Php4500 kung sa Athletic South,
Humantong ang laban sa penalty shootout na tatapos sa tagisan, naging mainit ang batalya ng mga grupo at kinailangan nina Gigas ng matinding pokus upang maungosan ang kabakbakan at hindi rin nagtagal ay nadagit ng grupo ang kampeonato nang nakapagtala ng 4-3 sa shootout. Nang tanungin kung anong lamang sa kalabang koponan, binanggit ni Gigas na “The essence of success lies in the seamless integration of individual talents into a cohesive unit.”, winika rin niya na ang mga magagandang pasa, at tamang takbo na may kasamang pag unawa sa laban ay kayang magpaangat sa isang koponan. Intensidad ng ensayo and naging susi sa kanilang tagumpay na umaabot ng tatlong oras kada araw, at tatlong araw naman kada linggo, kasama pa ng dalawang araw kada linggo na weight training. Inamin naman ni Gigas na naging sagabal ang futbol sa kaniyang pag-aaral noong siya ay bata pa lamang ngunit nagawa niyang pag-ibayuhin ang parehong larangan kaagapay ng kaniyang pagsinta sa isports. Samantala, nitong nakaraan lang ay muling nagpakita ng kagilagilalas na husay si Gigas nang maitalagang Player of the Match sa Casa Verde de Lipa (CVL) cup kung saan pumosisyon sa ikatlong puwesto ang kanilang grupo na Team Agila. Ayon sa kaniya, mahalaga ang pagiging “committed” ng isang koponan sa laban - at ito ang kanilang kalakasan. “Adaptability and a commitment to team collaboration are equally crucial; knowing when to take the lead and when to support my teammates is a skill I've honed over the years.” banggit niya.
Inakay ni Joseph Patuar ang kaniyang grup matapos magmarka ng 5 points at siya ring naging floor general na nagpadikit sa iskor ng laban ngunit kinapos lamang sa dulo. Tinanghal namang 2nd runner up ang Grade 12 Halcon matapos manalo sa Battle for Third match na siyang pinangunahan ni Homer Patulot kontra sa one-man game ng Grade 12 Banahaw.
kakarampot ang alternatibo sa swimming at dancesport dahil hindi naman ito karaniwan, hindi rin ito ang uri ng pampalakasan na matututo ka kahit tumambay ka lang sa mga liga, o humarabas kasama ng mga kapitbahay at kaibigan. Lahat ng bayarin ay sinasalo ng mga magulang ng mga estudyanteng ito na nakakukuha ng tulong sa kanilang mga organisasyon kaya’t maituturing itong sariling sikap. Nasasangkot lamang ang mga
dibisyon ng paaralan kung Regional Athletic Association Meet o RAAM na ang usapan dahil programa ito ng Department of Education, ngunit hindi naman ‘marereimburse’ ang gastusin nila sa training kahit makasungkit pa ng medalya rito. Ang mga tagumpay ng mga mag-aaral na ito ay karangalan din ng kanilang paaralan, siyudad, at bansa lalo na sa usapang International, bagamat hindi nito saklaw ang kahit singkong butas sa kanilang bayarin.
Tunay na malaking impluwensiya ang lugar na kinalakhan at paaralang kinabibilangan sa husay at hilig ng isang estudyante, ngunit hanggang dalub-isip lamang ito at labas na sa aspetong pinansyal. Nawa’y simulan na ng mga paaralan o ng pamahalaan ang pagbibigay tulong sa mga estudyanteng nagbibigay karangalan sa kanila, at ibuhos ang suporta sa mga pampalakasang hindi gaanong takaw-mata sa masa.
Patuloy sa lingguhang ensayo si Gigas upang paghandaan pa ang kaniyang mga paparating na laban lalo na sa pagpasok niya sa mas mataas at mahirap na mundo ng U18 football sa susunod na mga taon.
CalScian swimmers, kumana ng 15 medals sa Division Swimming Competition
TOM ESPEJON
Dinomina ng tatlong manlalangoy ng Calamba City Science Integrated School na sina Alexia Carpio, at ang tambalang Kiera at Kate Macaraig ang Calamba City Division Athletic Association Meet matapos umukit ng suma-total na 15 na medalya, kabilang na ang sampung ginto, sa Sta. Cruz Sports Complex nitong Enero.
Bumuno ng dalawang ginto si Carpio sa 4x50m Freestyle Relay at 4x50m Medley relay, ngunit kinapos upang selyuhan ang pwesto sa Regionals Athletes Association Meet (RAAM). Bumanat naman si Kiera ng anim na ginto matapos umariba sa 50m ng butterfly, backstroke, at freestyle, 100m freestyle,4x50m freestyle relay at medley relay, at pilak naman sa 100m butterfly, na lulusob patungong RAAM. Samantalang, lumusot din sa RAAM ang kapatid ni Kierra na si Kate matapos umani ng dalawang gintong medalya matapos mangibabaw sa 4x50m freestyle relay at medley relay, kasama ang kaniyang naka-babatang kapatid, at sa kabuuang tatlong pilak sa 200m freestyle at individual medley at 100m backstroke, dagdag pa ang isang tanso mula sa 400m freestyle.
Sa kabuuan, sumisid ang tatlong swimmers ng CCSIS ng 15 na medalya at dalawa sa tatlong kalahok sa swimming kompetisyon ay aarangkada patungong regionals at dito susubok tuparin ang kanilang Palarong Pambansa slot.
YSANG MANANAYAW isports
Vitualla, nagbabalik-entablado sa GTB - Manila
Kuminang ang natatanging
mananayaw ng Calamba
City Science Integrated School na si Ysabella Marie Vitualla sa Get The Beat - National Dance Tour Manila matapos kumubra ng gintong parangal sa kaniyang pagbabalik sa prestihiyosong kompetisyon na ginanap sa Maybank Performing Arts Theater nitong Mayo.
Tinanghal na overall champions ang koponan na kinabibilangan ng Calscian Dancer sa kategoryang Senior Group na nagmula sa mga natamong karangalan ng iba’t ibang miyembro ng kanilang grupo na Team Tomodachi.
Nagreyna si VItualla sa una nitong kompetisyon na 15&U Group sa kategoryang Hiphop nang tanghaling First Place dito at matamo ang Diamond Score na nagraranggo sa 96% hanggang 100% na marka.
Dito’y sumungkit din ito ng Top
2 Highest Point Award kontra ng mga nagsilahok sa GTB - Manila na siyang nanggaling sa kaniyang stellar performance kasama ang kaniyang grupo na naghudyat ng pagkinang sa entablado.
Dati na ring dinomina ni Ysabella ang GTB-Manila matapos bumulsa ng back-to-back platinum awards sa Individual at ginto rin sa Group Category na naghudyat ng kaniyang pwesto para sa GTB-Thailand.
Sa kabila nito, matatandaang dineklara ni Vitualla ang kaniyang pansamantalang pagtigil sa pakikilahok sa iba’t ibang mga dance competitions lalo na sa GTB
dahilan ng mababang resultang natamo nito sa GTB - Thailand.
Nagkamit lamang ito noon ng pagiging finalist sa Championsof-Champions Category na siyang dati’y dinodomina ang dance floor sa iba’t ibang mga categories ng sayaw sa loob ng tatlong taon.
"I am thinking na magstop muna mainly because of how expensive competing is at saka; I felt like my training was a hindrance to my studies at school,” aniya.
Dahil sa pagkakalugmok nito sa pagiging finalist, naghudyat ito sa kaniya para pansamantalang yumuko sa entablado at iwan pansamantala ang kaniyang hilig.
Nabanggit nitong pagtutuunan muna nito ng pansin ang kaniyang pag-aaral habang nasa proseso ng pagpapahinga.
"For now, temporarily lang ako magpapahinga from dance competitions, and I'm not sure when I'll be back,” dagdag pa nito.
Gayunpaman, kahit pa nasaad ni Vitualla ng kaniyang pansamanatalang paghinto sa pakikipagtapatan sa dance floor, nagbalik-loob naman ito kaagad matapos ang ilang buwan na pahinga mula sa kaniyang pinakahuling kompetisyon noong Disyembre.
Griffins, pinagharian ang Intramurals -Seniors' Volleyball
Sumungkit ang Golden Griffins ng Grade 11-A ng dalawang kampeonato nang pataubin ang Sapphire Sharks ng Grade 12-A sa parehong Boys and Girls Category sa Calamba City Science Integrated School Intramurals 2023 - Volleyball Seniors Finals na ginanap sa CCSIS Quadrangle nitong Nobyembre.
Lumarga ang dalawang koponan
mula sa Golden Griffins ng dikit na girian sa magkaibang kategorya na silang lumista ng 42-40 kartada sa Girls at 36-33 naman sa Boys Category.
Binubuo ang koponan ng Grade 11-A ng mga pangkat ng Tindalo, Talisay, Katmon at Almaciga ng Baitang 11 ,samantala sa Grade 12 - A naman ay mga pangkat ng Arayat, Halcon at Banahaw.
Girls' Category
Maagang nalugmok ang koponan ng Griffins sa Girls Category nang pangunahan ni Louisa Lamsen ang Sapphire Sharks sa opening set at lumukob ng mga service aces at ibaon sa 17-20 kartada.
Agad bumulusok ang opensa ng Grade 11-A sa pagsisimula ng ikalawang yugto nang kumubra ang mga ito ng 13-4 start upang pahirapan ang Sharks maghabol ng kalamangan.
Mas lalo pang tinambakan ng Yellow team ang Blue nang umabot sa 10-point lead ang laban sa 17-7 ngunit nagawang humabol ng Grade 12-A nang untiuntiin ang pagbabawas ng kalamangan at naitabla pa sa 39-39 ang laban sa pagtatapos ng second set.
“Siguro nagbuhat samin is yung eagerness naming manalo. Hindi namin ina-accept at hindi pumapasok sa isip namin na matatalo kami. Thankful parin kami kasi kahit papaano nakasabay kami knowing na may malalakas sa kanila,” ani Asuncion
PRIMADONNA. si Ysabella Marie Vitualla, 15, mula sa Calamba City Science Integrated School matapos namayagpag sa kanyang pagbabalik sa Get The Beat - National Dance Tour Manila. pagtatanghal ay ginanap ng nakaraang Mayo sa Maybank Performing Arts Theater.
YSABELLA kapsyon ni JAZPER
After all those years in the GTB Worlds, I am so honored to compete sa isa sa pinakakilalang dance competitions sa buong mundo.
Nakapagpasok pa rito ang Sharks sa first-to-two points na tie-breaker set ng isang service ace mula kay Hazel Marza ngunit sumagot naman ang Ace Player ng Griffins na si Aiedelwin Asuncion ng dalawang service ace upang tanghaling kampeon sa Girls Category.
Boys' Category
Samantalang sa Boys - Seniors' Volleyball naman, mainit na panimula ang first set para sa magkabilang koponan nang wakasan ang unang yugto sa tablang talaan, 16-16. Maging sa pangalawang set ay halos nagkakasagutan lamang ng opensa ang magkabilang koponan na nagmula sa mga service ace at service errors ng mga ito.
Bago pa man magtapos ang second set, nagawa pang luminya ng Sharks sa dalawang puntos na kalamangan sa 17-15 at hinabol ito para gawing 17-17 ang marka sa second set.
“Noong nakita namin yung opportunity na magkaroon kami ng run sa scoring, tinake na namin yun tapos nagtuloytuloy na hanggang maubos yung oras. Buti nalang pumabor samin yung laro at tuluyan naming nakuha yung threestraight points” sambit ni Jerome Gomez, isang manlalaro ng Griffins. Dito'y 'takeover mode' na ang Golden Griffins at kumupo ng tatlong sunodsunod na puntos para tuluyang selyuhan ang kampeonato sa Boys' Volleyball na pinangunahan ng kanilang team captain na si Prince Gutierrez.
Biscocho, umariba sa CCSIS Valorant Scrimmage
Tumirada ang Calamba City Science
Integrated School (CCSIS) Grade 10
Student na si Gem Benedict Biscocho matapos akayin ang kaniyang koponan sa pagkapanalo kontra sa Grade 12 at Grade 8 sa naganap na 5v5 Valorant Scrimmage noong Setyembre.
Sumilat si Gem Biscocho ng impresibong 21 kills average sa dalawang larong naganap kalakip ang 8.5 deaths at 3 assists para tulungang sungkitin ang malinis na record 2-0. Lumakwartsa ang Grade 10
Students sa unang laro ng mga ito matapos lumista ng dikit na 13-10 kartada sa girian na pinangunahan din ni Biscocho gamit ang karakter na Jett at maglista ng 28/15/4 na Kill Death Assist(KDA) Ratio. "Very close game yung nangyari and marami kaming errors na nagawa. Buti yung mga teammates ko ay nagawa namang ma-maintain yung momentum namin kaya nakuha namin yung panalo laban sa mga seniors namin." sabi ni Biscocho.
Lumampaso naman ang Grade 10 representatives sa pangalawang laro ng mga ito kontra sa Grade 8 sa talaang 13-3 na siyang pinagharian din ni Biscocho gamit ang Jett sa 14/2/2 KDA ratio. Sa kabilang dako naman, kinapos ang CCSIS Senior na si Rusty San Miguel bilang losing MVP na may 21 kills at talunin ng Grade 10 students. Nadispatsa rin ang losing MVP na si Nathan Pedroso ng Grade 8 matapos kumana ng 5 kills sa kanilang 3-13 stint.
iSports sa siyudad tututukan
Umarangkada na ang pinagmamalaking Jose Rizal Coliseum ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba, isang multi-purpose hall na inaasahang isa sa magiging sentro ng mga sporting events sa bansa sa pagbubukas nito sa harapan ng Calamba City Hall noong 2023.
Ibinulsa ng Jose Rizal Coliseum ang titulong pinakamalaking Arena sa buong lalawigan ng Laguna sa 10,000 seating capacity nito na inaasahang pupukaw ng interes ang pagbubukas ng Coliseum sa mga sports enthusiasts lalo na sa mga batang Calambeñong tulad ng mga mag-aaral ng Calamba
City Science Integrated School.
“Since malaking arena siya, iniisip ko na yung possibility na sana pwede ring madala yung malalaking sporting events ng bansa dito satin. Like, nakaka-excite na makitang maglaro yung mga PBA players dito sa atin for example,” ani Roy Bongao, basketball enthusiast mula sa baitang 12. Bukod rito, nakikitang mapapakinabangan ang nasabing coliseum upang humubog ng mga atletang Calambeño na ipinapadala at magrerepresenta sa bayan sa iba’tibang kumpetisyong pampalakasan sa buong bansa, maging sa international stage.
“Although intended siya for basketball, pwede rin naman ‘tong magamit sa mga madaling i-setup na sports like mats ng taekwondo and nets para makapagtraining nang maayos yung mga athletes natin. Aayusin na lang siguro yung schedule ng paggamit para mapakinabangan ng lahat,” ayon sa Sports Coordinator ng paaralan, Arjo Villanueva. Dagdag pa ng guro, magandang simula ang coliseum sa pagtutok sa mga atleta at umaasa ito na magamit pa ang espasyo sa paligid ng nasabing coliseum upang maging pasilidad ng iba pang sports sa siyudad.
SISID TAGUMPAY
Macaraig Aquabelles rumatsada sa SICC Championships
Calamba City Science Integrated School ang Pilipinas sa nagdaang swimming event ng 15th Singapore Island Country Club Invitational Championship sa Singapore Island Country Club noong ika-26 ng Agosto, 2023.
UMACARAIG
marangkada ang magkapatid na Macaraig ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na sina Katterina ‘Kate’ Macaraig at Kiersten ‘Kierra’ Macaraig matapos humakot ng mga parangal sa iba’t ibang swimming event ng katatapos lang na 15th Singapore Island Country Club Invitational Championships sa Singapore Island Country Club noong Agosto. Parehong dumwelo ang CCSIS swimmers ng pinagsamang walong medalya sa buong
pamamayagpag ng mga ito sa pagbabandera ng Pilipinas sa international competition.
Sumalok ang nakatatanda na si Kate Macaraig ng kabuuang limang parangal kalakip ang dalawang gintong medalya sa 4x50 Freestyle Relay at sa 4x50 Medley Relay sa dibisyong Girls 16-17 sa nasabing torneo.
Kumana si Kate ng gold medalclinching performance sa parehong relay matapos lumista ng 2:20.10 sa 4x50m Freestyle Relay at 2:42.23 naman sa 4x50m Medley Relay para
makapaguwi ng gintong medalya. Pumangalawa rin ang Calscian Senior Student sa 50m Butterfly na siyang naghudyat ng silver medal dito matapos magtala ng 43.94 seconds at parehong tanso naman sa 50m Freestyle at 50m Backstroke sa parehong division.
Sa kabilang dako naman, lumarga ang nakababatang Macaraig na si Kierra ng tatlong medalya matapos kumubra ng dalawang pilak sa event na 50m Butterfly at 4x50 Freestyle Relay at bronze naman sa 50m Freestyle sa Girls 14-15.
Manzano humataw ng pilak sa Badminton Doubles
Sumelyo ng pilak ang guro ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na si Denmark Manzano kalakip ang kasapi nito na si Ernesto Sillos ng Jose Rizal Memorial School (JRMS) bilang kinatawan ng Cluster 2 nang kapusing masungkit ang ginto sa Division Sports Fest - Men’s Badminton Doubles sa Premier South Point Badminton Court noong Setyembre.
Nalugmok ang cluster duo sa silver finish sa final match dahil sa nag-uumapaw na aksyon kaharap ang maliliksing duo ng Cluster 6 na umangkin ng unang pwesto sa 26-31 kartada.
Lumiyab ang mainit na laban sa championship match up katunggali ang Cluster 6 nang magkasagutan ng opensa mula sa mga rallies at powerful smashes ng magkabilang panig.
“Teamwork, perseverance at letting God decide for the outcome of every game” ayon kay Manzano na naging susi ng mahusay na performance nila.
Nakabuo ang badminton runners-up ng magandang synergy at teamwork sa pamamagitan ng pagbibigay ng tiwala sa isa’t isa na isa sa mga naging hudyat sa kanilang pagsungkit ng pwesto
Pumukol si Manzano ng kanyang kahusayan sa badminton mula sa karanasan bilang isang consistent varsity player simula ika-limang baitang hanggang tumuntong ito ng kolehiyo.
Sa huli, matapos ang gold medal match ng dalawang nagsisilakasang clusters, nagkamit naman ang Cluster 7 ng ikatlong pwesto sa nasabing event.
Lumakwartsa si Kierra ng 2:55.00 finish sa 4x50m Freestyle Relay kasama ang mga kasapi mula sa SLP Team at 32 segundo naman sa 50m Butterfly para ibagahe ang pilak sa dalawang events na ito at 30 seconds naman sa 50m Freestyle para sa bronse.
Kabilang ang Macaraig Aquabells sa koponang Swim League Philippines (SLP) na nagbandera ng bansa sa naturang torneo na siyang nag-uwi ng kabuuang 143 medals kasama
ang 53 na ginto, 59 na pilak at 39 na tanso.
“Sobrang overwhelming ng mga nangyari, pero syempre sobrang happy sa results lalo na kasama ko yung mga teammates ko sa SLP, and matagal na rin kasi namin pinaghandaan talaga ‘tong SICC,” pahayag ni Kate.
Tinanghal ang mga ito bilang Team Champions matapos ang dominanteng pagsagupa sa limang bansa na kalahok sa kompetisyon at mag-uwi ng sangkatutak na medalya.
CCSIS, bigong masungkit ang kampeonato sa Cluster Meet
HANZ
BERNADETTE REVILLA
Idinaraos ang Division Sports Fest taon-taon para sa mga guro bilang isang anyo ng libangan, promosyon ng iba’t ibang larangan at pagpapakita ng kakayahan at husay sa larangan ng pampalakasan ng mga guro.
Intermediate at Seniors Category na siyang bumuhat sa kanilang tropeo sa larangan ng Board Games. Hinigitan ng mga berde ang Crimson Chamellions sa parehong laro na sila ring tinanghal ng first runner-ups sa Dama na tumala ng 48 points at 40 naman sa Chess. Humataw dito ang kampeon ng Seniors na si Jeremy Robi Flores na siyang nag-uwi ng tropeo sa Dama habang lumukob naman ng first runner-up si Danielle Fuego sa Chess. Lumarga naman ang mga Verdant Vipers ng pangalawang pwesto sa larong Game of the Generals na kung saan lumista ito ng 40 points kumparasa 49 ng kampeon na Sapphire Sharks. Nagkatapat dito ang parehong Grade 12 Students na sina Jet Talledo ng Sharks at Sophia Malahito ng Vipers sa finals. Bagamat pangatlo sa Scrabble, nag-ambag ng 33 puntos ang Vipers upang dagdagan ang talaan para sa tsansang ibulsa ang kampeonato ngunit sumilat lamang ang mga ito sa second runner-up sa larong Scrabble.
Kinulang ang Calamba City Science Integrated School Basketball Team nang kumpletuhin ang katunggali na St. John Colleges ang comeback win ng mga ito sa 10-11 kartada at malugmok lamang sa 1st Runner Up ng Cluster 2 - Cluster Meet 3x3 Basketball Secondary FInals sa Brgy. 4 Court, Calamba Laguna nitong Nobyembre. Maagang bumulusok ang opensa ng CCSIS na pinangunahan ni Achim Abuyo sa simula ng laban na siyang nagtala ng dalawang paunang puntos at inambagan naman ni John Isiah Bigay ng isang puntos para kumpletuhin ang early lead ng mga ito. Nagsimulang maging disente ang tinatakbong laro ng Calsci na siya ring sinasagot ng St. John ng pauntiunti ngunit biglang nagkaroon ng maling landing ang isang player mula sa kalaban at dito’y nagsimula ang mga controversial calls ng isang referee. Nagpatuloy ang laro matapos ang injury na natamo ng isang player at nagsimula na ring makahabol dito ang SJC dahil sa mga calls na itinatawag sa mga players ng CCSIS. Bumuhat sa kabilang koponan ang slasher ng mga ito na si Jonelle Raymundo nang ma-injure ang kaniyang kaagapay at pumakawala ng mga drive-to-the-basket para maidikit ang talaan sa baraha. Mahigpit na depensa ang ipinakita ng St. John na kung saan napigilan ng mga itong maka-iskor pa ang Calsci at napunta sa kanila ang last ball posession, apat na segundo na lamang ang natitira sa oras. Umarangkada ng isolation play si Raymundo kontra sa depensa ni Abuyo
HANZ BONDOCGITGIT MANDARAGIT
Agila FC umangkla ng kampeonato kontra Wolves mula sa penalties
ROQUE
Nahirapan man na makaungos, nagawa pa ring makamit nina Gigas Vicente, isang estudyanteng midfielder mula sa Calamba City Science Integrated School ang kampeonato sa Maximo Cup 2023 sa
CalScian, lusot sa Intercluster MeetChess Secondary
Umariba ang Calamba City Science Integrated School (CCSIS) Chess Representative na si Chris Balmaceda mula sa 11-Bignay nang magkwalipika sa Intercluster Meet mula sa kaniyang impresibong five wins, one draw and one loss sa katatapos lamang na Cluster 2Cluster Meet Chess Secondary sa Gabaldon Hall, Calamba nitong Nobyembre. Sinimulan nito ang kampanya ng gamitan niya ng Caro Kann Opening sa tatlong match nito na siyang lumista rin ng early 3-0 record sa tatlo niyang nakalaban magpahanggang sa huli.
Sa ikalima at ikaanim na laro nito, pareho niyang winalis ang kalaban na siyang naghudyat ng undefeated at pumangalawa sa standing sa ilalim ng undefeated na St. John Colleges Representative na may 6-0-0 marka.
Minadali niyang buksan ang laro na naghudyat ng maagang blunder ng pawn na siya ring nakapag-trap sa kaniyang rook ngunit nakaligtas naman ito nang isakripisyo niya ang bishop para manatiling buhay ang rook nito.
Nagkaroon pa si Chris ng tsansa na matabla ang laro nang makakita ito ng butas ngunit nagkamali ito ng pagkalkula na nagresulta ng pagkakataon sa kalaban na gamitin ang ‘zugzwang’ na siyang nagwakas ng kanilang laban at pagbitiw ng CCSIS player.
Gayunpaman, ibabandera pa rin ng parehong CCSIS at SJC ang Cluster 2 sa gaganaping Intercluster Meet na siyang sasagupa sa mga nagsi-uwi rin ng mga panalo sa mga ginanap na Cluster Meet. Hatian ng mga Ranggo ng CalScians sa
Balitbit kinapos sa huling sabak sa Palarong Pambansa
Bigong makalusot sa Podium sa huling pagkakataon ang kinatawan ng CALABARZON mula sa Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na si Althea Marie
Balitbit matapos kapusin sa ikaanim na pwesto sa Floor exercise Category ng Women’s Artistic Gymnastic (WAG) ng 2023 Palarong Pambansa na ginanap sa Marikina City Sports Complex noong Agosto.
Kumamada ng 26.35 na kabuuang puntos si Balitbit matapos maglatag ng 11.300 puntos mula sa vault exercise at 10.600 na iskor ng floor exercise sa laban.
Nagsalpak din ng 4.45 puntos sa kabuuang puntos ang balance beam category ngunit nahila ito nang magtala ng 0 puntos sa bars exercise na humatak sa puntos
at naglugmok kay Balitbit sa ikaanim na pwesto sa pagtatapos ng kompetisyon.
Matatandaan na si Althea ang unang kalahok mula CCSIS na naka-apak sa patimpalak matapos dominahin ang CALABARZON Regional Athletes Association Meet (RAAM) noong Abril sa WAG.
Dismayado man sa resulta ng kanyang huling patimpalak sa Palaro, positibong tinanggap ng CalSci Gymnast ang nangyari dahil sa kondisyon nito noong laban.
“Grateful even 6th place ako, kasi nagkasakit ako sa mismong araw ng competition. Pero nilabanan ko ‘yung sama ng pakiramdam since pag nalaman ng officials na may sakit ang gymnast, hindi nila pinapalaban,” paliwanag nito.
kabila ng resulta, pinanghahawakan ngayon ng batang CalScian ang pangarap matapos maselyuhan ang slot
Umangkla ng pwesto ang Calamba
City Science Integrated School
Grade 9 Student na si John Isaiah Bigay sa koponan ng Batangas Barakitos para sa darating na Junior Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Season 2 sa darating na Mayo.
Napabilang ang six-footer frontcourt player sa isa sa mga Junior MPBL Teams na siyang nilalahukan ng mga pinakamahuhusay na manlalaro sa buong Pilipinas.
Nakatanggap ito ng imbitasyon mula sa koponan ng Barakitos para maglaro sa grupo at kailanganin ang presensya bilang isa sa mga front-court player nito.
“Sa tingin ko kaya ako ay napili maging player sa Barakitos ay dahil sa pagiging determinado ko na
makapaglaro sa MPBL at ang pagiging masipag ko tuwing may practice, dagdag pa sa mga ito ay ang pagiging hustle player ko at palagi akong sumusunod sa aming coach.” sambit nito. Kalakip nito ang isa pang Calambeño na napasama rin sa tropahan ng Barakitos sa na si Keith James Tower ng Calamba Institute na siyang makakasama ni Bigay sa darating na season 2 ng MPBL. Dati pa ma’y nakapag-training na ito kasama ang Barakitos magmula pa noong unang season ng Junior MPBL na siyang kasama rin sa Final 15 Lineup ngunit walang kasiguraduhan na makakakuha ito ng playing time sa isang laro sa pagiging reserve player. Bago pa man mapabilang ang
dalawa sa MPBL line-up, rumatsada na ang pride ng CalSci sa ginanap na Milcu Got Skills noong December 2023 na silang kinapos sa kampeonato at bumulsa lamang ng silver medal sa Finals kalaban ang Batangas LCQ.
“Nag-training ako upang mas mapalakas ko pa ang katawan ko at ma improve ko pa ang mga skills ko sa basketball, dagdag pa dito ay binantayan ko ang mga pagkain na aking kinakain sa araw araw upang mas maging healthy at malakas ang aking katawan.” aniya. Susubok namang patunayan ng CalSci Bigman ang kaniyang sarili sa pagtanggap ng Barakitos sa kanilang koponan at gumawa ng mga impresibong numero sa pagbubukas ng Junior MPBL Season 2 sa Mayo.