Agsikap · Tomo 7 Bilang 1

Page 1


Teacher migration, tumataas; kalidad ng edukasyon, tututukan

JESSIE CAMANGIAN, JOSE MIGUEL DACPANO

Parasasustenableng pag-aaral, Libreng reviewer sa mga CET, pinaghahandaan na

minado ang punong-guro ng

Integrated School (CCSIS) na si Dr. Danilo S. Tungol na isang malaking kawalan ang pagalis ng mga guro sa paaralan ngunit sinigurado niyang hindi masasakripisyo ang kalidad ng pagtuturo

Sa isang panayam, pinanindigan ng punongguro na mayroon pa ring ‘career progression’ ang mga titser sa CCSIS at anumang rason para sa pag-alis ng mga dating guro, maaaring may kinalaman sa personal nilang pagpapasya.

“I think there are some reasons, basically it is because personally, it’s all about the finances; may

kasabihan nga na kung gusto mo yumaman, wag kang magturo” paliwanag ni Tungol. Ayon naman sa Makabayan bloc, pinatototohanan nito na hindi sapat ang sahod sa entry level ng mga guro na nagkakahalaga ng Php 30,000 kada buwan kaya nais nilang pataasin ang minimum wage sa Php

50,000 ng mga Teacher I o Salary Grade 11. Kung ikukumpara sa ibang bansa na karaniwang nililipatan ng isang guro tulad ng Taiwan, umaabot ng Php 120,000 kada buwan ang pinakamababang sahod ng isang Foreign English Teacher, halos apat na beses na mas mataas sa karaniwang sahod sa bansa.

Batay sa tala mula taong 2022, tinatayang hindi tataas sa 10 guro na ang nagdesisyong umalis sa paaralan, ang iba sa kanila nakahanap ng trabaho at posisyon sa ibang mga institusyon, habang ang ilan, lumipat na ng propesyon o kaya naman ipinagpatuloy ang pagtuturo abroad. “Itinuturing itong

CCSIS, ‘di apektado ng bagong SHS curriculum; 13% pagbaba ng G11 admission, inaasahan

professional growth ng mga teachers at tinitingnan ito in a positive perspective ng school kahit na hindi na talaga mapipigilan na umalis ng school yung mga teacher na nakasanayan na talaga ang sistema sa CCSIS,” dagdag pa ng punongguro.

SA PAHINA 2

Tiniyak na ni Luzviminda Escuredo, school registrar, ang pagbaba ng mga mag-aaral na tatanggapin sa ika-11 baitang ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) sa mga susunod na taong panuruan matapos magdagdag ng panibagong seksiyon sa Grade 10.

Pahayag ni Escuredo, kung mapapanatili ang apat na seksiyon sa Grade 10, mababawasan na ang mga mabibigyan ng pwesto galing sa ibang paaralan para sa kabuuang populasyon ng Grade 11 Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) Strand.

“Estimated 129 STEM students na lang ang tatanggapin, depende if may lilipat na Grade 10 to other schools for senior high,” wika ng school registrar.

Binubuo ngayon ng 270 estudyante ang Grade 11 sa STEM Strand ng CCSIS, mula rito, 148 na mag-aaral ang galing sa ibang paaralan, mas mababa kumpara sa 151 na estudyante noong nakaraang taon.

Taong 2021 hanggang 2022, mayroon lamang dalawang seksyon sa Grade 10 ang CCSIS kaya naman kaunti lamang ang mga nagsisipagtapos sa Junior High School, dahil

dito nagdagdag ng panibagong seksyon hanggang sa maging apat ito sa kasalukuyang taong pampanuruan.

Samantala, kasunod ng plano ng Kagawaran ng Edukasyon na pagtanggal sa mga strand ng kurikulum sa senior high school, nilinaw ni Dr. Danilo S. Tungol, punong-guro ng CCSIS, na hindi magiging apektado ang paaralan dahil mananatili pa ring nakaangkla ang kasanayan ng pagtuturo sa agham at teknolohiya.

“Wala siyang magiging effect kasi special programmed ang ating ino-offer. Magkakaroon lang ng standardized offering sa mga subject area pero yung specialization natin, still, hindi yan mababago,” pahayag ng punong-guro. Nakapaloob sa inihaing panukala na babawasan na lamang sa lima ang mga core

subject sa kurikulum ngunit ipagkakaloob pa rin ang lahat ng asignaturang kinakailangan sa loob ng isa hanggang dalawang taon.

Pananatilihing nakahanay ang nasabing plano alinsunod sa inamyendahang K-10 Curriculum.

“This removal allows for a more flexible and inclusive framework that meets diverse learner needs without confining them to predetermined tracks, fostering holistic and versatile education,” pahayag ng ahensiya.

Kaugnay nito, pinaigting din lalo ng paaralan ang paglilimita sa pagtanggap ng mga bagong estudyante na mula lamang sa mga lehitimong naninirahan sa Calamba.

“All of them must be coming from Calamba, residents of Calamba and voters of Calamba City kasi this school is for Calamba residence kasi it is funded by the local government,” pagdidiin ng school registrar.

Sinisikap na ni Dr. Danilo S. Tungol, punong-guro ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), na makagawa ang paaralan ng sariling reviewer para sa mga mag-aaral ng ika12 na baitang upang mas mapataas pa ang bilang ng mga makapapasa sa mga college entrance exam at iskolarsyip.

Matatandaang nakapagtala ng 109 pasadong mag-aaral sa 260 na kumuha ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) 2024, 15% na mas mataas kumpara sa 56 sa 206 na mag-aaral noong 2023. Tumaas din ng 14% ang pasado sa Department of Science and Technology – Science Education Institute (DOST–SEI) 2024 Undergraduate Scholarship Program mula 65 patungong 74 na mag-aaral. Ayon kay Tungol, bukod sa mga dokumentong handang ibigay ng paaralan, nais pa niyang suportahan ang anumang pangangailangan ng mga mag-aaral na magkokolehiyo sa mga susunod na taon sa pamamagitan ng paghahasa ng kanilang kaalaman.

“Isa sa magiging step natin in the near future ay mag-ka-craft tayo ng sarili nating mga review manuals. Pwede naman tayo magbigay ng reviewer basta ‘yon ay contextualized natin,” ani punong-guro. Itinuturing na pinakamataas na rekord ng mga pasado sa CCSIS ang bilang noong 2024 mula nang maging isang integrated school ang paaralan at layunin pa ng punong-guro na higitan ito.

“Inspiration drives them, among the takers. Hindi naman totally na napepressure sila, but instead, namo-motivate na lagpasan yung mga number of passers last year” ani Edizon Dela Cruz, Grade 12 Coordinator.

KEANE EZAIL VIVAS
ITULOY
PURSIGIDO Tiniyak ni Dr. Danilo Tungol, punongguro ng Calamba City Science Integrated School noong Setyembre 2024 na mapupunan na ang mga kulang na gastusin at kagamitan

SALAMAT SA BASURA

Limitadong pondo sa extracurricular activities, tutuldukan

Matagumpay na naisagawa ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) ang proyekto nitong “Ayuda mula sa Basura” na layong tugunan ang pangangailangang pinansyal ng paaralan pagdating sa extracurricular activities.

Ayon kay Dr. Danilo S. Tungol, punong-guro ng CCSIS, bahagi ng proposal para sa proyektong nakatuon sa paglinis ng kapaligiran ang paglalaan sa nakolektang pondo patungo sa mga gastusin at suportang ibinabahagi ng paaralan.

“Sa pamamagitan ng na-generate na fund, makakapagbigay ng support ang school sa lahat ng estudyanteng sumasali sa contests like journalism, pati rin yung mga sasali sa division, regional at national contests, kasali rin sila,” pagbabahagi ni Dr. Tungol.

Umarangkada ang “Ayuda mula sa Basura” sa unang apat na buwan ng taong panuruan 2024-25 at nagwakas sa idinaos na “Eco Pageant” nitong Disyembre.

Sa ilalim ng proyekto, nagparamihan ng mga naipong basura ang mga pangkat na kasali sa patimpalak, kung saan malaking bahagi ng iskor ang ibinatay sa halaga ng mga nabenta sa mga junk shop.

Batay sa opisyal na tala, umabot sa Php 367,489.90

ang nalikom na pondo mula sa proyekto, habang nasa 232 libong piso naman ang napunta sa paaralan kung ibabawas ang mga ginastos para sa naturang pageant.

Sa nagdaang mga taon, isa sa mga problemang kinahaharap ng CCSIS ang kakulangan nito sa pondo na maaaring gamitin bilang suporta sa mga kalahok nito sa iba’t ibang kompetisyon, dahil sa maliit na Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng paaralan.

Sa paglulunsad ng fundraising projects kagaya nito, tiwala si Dr. Tungol na sa kabila ng limitadong MOOE, matutugunan nila ang pangangailangan ng mga mag-aaral hanggang sa susunod pang mga taon.

“Ang plan namin is gawin itong project for three school years, and since nung tiningnan naman namin, maganda yung resulta ng monitoring, maganda rin yung evaluation ng mga parents regarding this advocacy,” wika ng punong-guro.

Bukod sa “Ayuda mula sa Basura”, nakalinya rin para sa kasalukuyang taong

panuruan ang pagdaraos ng isang film showing na layon ring makalikom ng pondo mula sa mabebentang tiket ng inisyatibong ito.

Tiniyak naman ni Dr. Tungol na ang paglulunsad ng mga proyektong kagaya nito, lahat naka-linya sa adhikain ng paaralan na mapabuti at mapaunlad ang suportang inilalaan sa mga mag-aaral ng CCSIS.

Upang maisakatuparan ang G12 WIP,

Panibagong work immersion program partner, target

Pinaplano na ni Ervin Lucido, focal person ng Work Immersion Program (WIP), na

sumiyasat ng bagong partner company na magbibigay ng programa sa mas malaking bilang ng ika-12 baitang ng paaralan dahil sa nalalapit na pagtatapos ng taong panuruan.

Sinisikap na ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na tapusin ang nabanggit na requirement sa Marso sa kabila ng limitadong panahon upang maisakatuparan ang target na pagtatapos ng mga mag-aaral ng paaralan sa ikalawang linggo ng Abril.

Ayon kay Lucido, tinatayang tatlo hanggang apat na buwan dapat ang nilalaan para sa WIP at hindi sasapat ang buong ikalawang semestre ng taong panuruan lalo pa’t may mga araw na nakakansela ang pasok kung kaya nagsimula ito nang mas maaga.

“Ngayon ay nasa 6 weeks na lang ang time allotted for immersion, 2 weeks per batch. So kaya ngayon ang nangyayari is naghahanap na ako ng panibagong partner industry na maga-accomodate sa Grade 12 kung sakali mang kapusin sa oras,” paliwanag ni Lucido.

Mula nang magsimula ang WIP nitong Nobyembre, 30 mag-aaral pa lamang ang nakapagtapos mula sa 288 na kabuuang populasyon ng labindalawang baitang, ito pa lang din ang kauna-unahang grupo na sumalang sa programa.

Kaugnay nito, nagkaroon din ng pagkaantala sa WIP ng pangalawang grupong ipadadala sa kumpanyang Fastech Synergy Philippines Inc. dulot ng isyu sa iskedyul kung saan nagsabay ang isang gawain ng

kumpanya sa nakatakdang simula ng immersion.

Pahayag ni Lucido, hindi maagang naabisuhan ang paaralan ukol sa pagsasagawa ng mga interview ng kumpanya dahil sa job opening. Gayunpaman, mas kinakailangang iprayoridad ito ng nasabing samahan.

Bukod pa rito, naantala rin ang pagproseso sa kasunduan sa pagitan ng University of the Philippines – Los Baños at ng CCSIS dahil sa tagal ng pagkuha ng Memorandum of Agreement sa nasabing unibersidad, ngunit patuloy pa rin nakikipagugnayan ang paaralan ukol dito.

toneladangplastik 2.7M angnapo-prodyusng Pilipinaskadataon

toneladangbasura 23.61M anginaasahang kabuuannamalilikha ngPilipinassa2025 PHP 52B

tinatayangnawawala saPilipinaskada taondahilsahindi pagreresiklong mgabasura.

ng2.7Mplastik kadataonang nareresiklo 9%(243K) (DENR,2024) sa

Teachers migration, tumataas...

Ibinahagi naman ni Gem Benedict Biscocho ng baitang 12 seksyon Kanlaon at mag-aaral ng CCSIS mula baitang 7 na napumapabor pa rin siya sa paraang nakasanayan niya sa mga dating guro dahil mas epektibo ito para sa kanyang pagkatuto.

“Iba pa rin ‘yung pakiramdam kapag alam mong gamay na ng teacher ang tinuturo niya at alam kung paano makitungo sa mga estudyante,” giit ni Biscocho.

nila kung may pangangailangan ang school kasi lahat ng nasa rank position, specifically yung Rank 1, ‘yun ang ibinibigay then yung remaining, dun nila ibinibigay sa ibang school.” wika ng punongguro.

Sa kabilang banda, kabilang sa mga aspetong pagtutuunan ng pansin ng paaralan ang paghahanap ng mga titser na may kasanayan sa piling mga asignatura partikular na sa Information and Communications Technology (ICT) at Music, Arts, PE and Health (MAPEH).

Kaugnay nito, tiniyak ni Tungol na hindi maisaalang-alang ang kalidad ng turuan sa mga CalScians sapagkat pinaprayoridad ng dibisyon ng Calamba ang paaralan sakaling mayroon itong kakulangan sa mga guro.

“Definitely, CalSci ang inuuna ng DepEd Calamba City. Tinitingnan

“Kaya natin pinipili ‘yung mga teachers kasi specialization ‘yung focus natin, it is very hard to teach na hindi mo naman siya specialization” giit ni Tungol.

Sa katanuyan, para sa taong panuruan, nakapagdagdag na

ang paaralan ng isang guro upang hawakan ang asignaturang MAPEH sa Junior High School, na hinahawakan lamang noon ng dalawang MAPEH-specialized teachers. Bukod pa rito, plano rin ng CCSIS na makakuha ng isang ICT teacher na may espesyalisasyon sa robotics, ngunit sa ngayon, nakadepende pa rin sa Schools Division Office ng Calamba kung sino at kailan maipapasok ang mapipiling guro para sa paaralan. Gayunpaman, tiwala ang punong-guro na sa kabila ng mga pagbabago sa hanay ng mga kawani ng CCSIS, patuloy pa rin na magagampanan ng paaralan ang misyon nitong makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral Calambeño.

Paggamit ng CCSIS Library Bumagsak sa 93%; modules, nakatengga

Nilinaw ni Dr. Danilo S. Tungol, punong-guro ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), na pansamantala lamang ang paglipat ng silid-aklatan mula sa unang palapag ng Senior High building patungo sa ikatlong palapag ng Junior High building.

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Tungol, punongguro ng CCSIS na layong tugunan ng learning hub ang paglinang sa kaalaman at kolaborasyon ng mga CalScians sa labas ng apat na sulok ng silid-aralan.

“Doon sila pupunta everytime na mayroong vacant period, to have quite somehow kwentuhan ng mga experiences ninyo, sharing of ideas, kung mayroong magpapatulong ng assignment,”

Ninanais na sahod ng mga Pilipinong nars P50,000 kada buwan sa parehong pampubliko at pribado BataysatalangKagawaran ngKalusugan,2024

P36,000 Pampublikong nars

/buwan

P15,000 Pribadong nars

/buwan

pagpapaliwanag ni Dr. Tungol.

Dahil sa kakulangang pinansyal, nabago ang orihinal na plano nitong ipatayo sa ikatlong palapag ng Junior High School Building kaya naman ginawang alternatibo ang gazebo upang umabot sa inaasahang badyet ng paaralan.

“The first plan was to have the CalSci hub ay doon sana sa third floor but unfortunately, we’re

not able to raise that big amount of money,” saad ni Dr. Tungol.

Sinigurado naman ng punongguro na magiging kumportable ang mga estudyante rito sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na espasyo na may bukas na estruktura upang mapasukan ng hangin at hindi gaanong maging mainit. Kaugnay nito, sa tulong ng School-ParentTeachers Association

(SPTA) at ng pondong galing sa Work For Scholars at Brigada Entertainment (BEntertainment), matutustusan ng paaralan ang mga gagamiting materyales at konstruksiyon para sa learning hub. “It was a collaborative effort between the SPTA, PTA, and the school. ‘Yung na-generate nating fund doon sa Walk For Scholars at sa BEntertainment ay dito natin dadalhin,” paglilinaw ni Tungol.

Pagkuha ng school nurse, isinulong ng SPTA

Pabor ang mga dumalo sa ginawang Parent’s Summit ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) sa panukala ng School-Parent-Teachers Association (SPTA) na pagkuha ng school nurse na tutugon sa pangangailangang pang-kalusugan ng mga mag-aaral.

Ayon kay Dr. Danilo S. Tungol, punong-guro na siyang nagpasimula ng botohan, kailangang magkaisa ng mga magulang sa naturang plano para maaprubahan ito sa basbas ng Schools Division Office (SDO) ng Calamba.

951,105

“May sariling school nurse ang DepEd, pero hindi naka-assign per school, so inconsistent, we need approval ng general assembly ng magulang kung payag ba sila dito” paliwanag ni Tungol. Lumutang ang planong ito ng SPTA matapos nila mapansin na mga guro lamang ang nag-aasikaso sa mga batang nangangailangan ng atensyong medikal sa klinika. Giit nila, hindi ito sapat para matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral lalo na kung abala ang mga guro sa pagtuturo na kanilang pangunahing trabaho. Batay sa napagusapan, pondo mula sa kontribusyon ng mga magulang ang ipangsasahod sa kukuning nars, na ayon sa tansya ng punong-guro ay aabot sa halos P50 kada buwan o dalawang piso kada araw. Nitong Nobyembre, nagpakalat na ng waiver ang SPTA at CCSIS patungkol sa plano, pero habang hindi pa ito naisasakatuparan, paalala nila sa mga magulang bago pa man papasukin ang mga anak, ugaliin nang tingnan kung maayos ang kanilang pakiramdam.

mula sa PAHINA 1
JOSE MIGUEL DACPANO
SHYLEY JOY TOMARCE

Nagningning ang TV Broadcasters

Gazebo, tugon sa dagdag-espasyo

ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) matapos nilang makamit ang pangkalahatang kampeon sa National School Press Conference (NSPC) 2024.

Ayon kay Dr. Danilo S. Tungol, punongguro, isa itong malaking tagumpay hindi lamang sa paaralan, kundi pati na rin sa Calamba at sa rehiyon.

Hinirang ang Senior High School na mag-aaral na si James Isaac Lazerna, bilang Nation’s Best Anchor, aniya, sobra ang tuwa niya sa pangyayari at hanggang ngayon, hindi pa rin ito makapaniwala lalo na’t ito ang unang pagkakataon niyang sumali sa kompetisyon.

“Sobrang saya, hindi pa rin makapaniwala until now since first time nga ito sa history ng Calamba at first time ko rin sumali. Super thankful din ako sa mga tumulong sakin” saad ni Lazerna.

Bukod rito, nakamit din ng pangkat ang Best Director, Field Reporter, and Scriptwriter ng dating magaaral ng CCSIS na si Raiza Dela Viña na muntikan pang umalis sa pamamahayag

dahil sa mabigat na responsibilidad sa grupo. “Aminado ako na noong umpisa, hindi talaga buo ‘yung puso ko for tv broad; araw-araw mabigat sa dibdib; pero naisip ko na hindi naman ibibigay sa’kin yung ganitong kabigat na responsibilidad kung alam nilang hindi ko kaya,” wika ni Dela Viña. Dagdag pa rito, panalo rin bilang best technical director ang Grade 11 na mag-aaral na si Hans Kenji Negrillo, dahilan upang hirangin ang Division of Calamba City bilang ‘Home of the Best Technical Application’ sa buong Pilipinas.

Inamin din ni Negrillo na kahit abutin sila ng madaling araw, patuloy pa rin siya sa pag-eedit dahil nais niyang sundan ang yapak ng mga mahuhusay na technical specialists sa Calamba na nagsilbing inspirasyon niya sa kompetisyon.

Inaasahan naman na muling magpapakitang-gilas ang bagong koponan ng CCSIS sa TV Broadcasting sa darating na Division Schools Press Conference. Sa isang panayam, ibinahagi ni Lazerna kung gaano kahirap ibalanse ang pag-aaral at ang pagsasanay sa TV Broadcasting,

kung saan madalas hindi na nila nabibigyan ng oras ang kabi-kabilang mga aktibidad na ibinibigay sa kanilang mga klase. “Kung tutuusin wala na talaga kaming time para intindihin schoolworks namin pero wala naman kaming choice kaya time management talaga, balik grind kami sa school works para mag comply sa mga gawain,” dagdag pa nito. Para kay Latigay na siyang nagsilbing gabay ng mga kabataang broadcasters, hindi nadadaan sa swerte ang pagkapanalo, ito ay bunga ng dedikasyon at sakripisyo na binubuhos ng mga mag-aaral.

BroadcaSTARS

SSLG, aktibo sa mga programang pampaaralan,

komunidad

Nakilahok sa iba’t ibang mga programang pangkomunidad ang mga student-leader ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na kabilang sa mga nahalal na opisyal ng mga pang-dibisyunal na organisasyon sa lungsod.

Ayon sa CCSIS studentleader na si Erylle Galang, na siyang pangulo ng DivisionFederated Supreme Secondary Learners Government (DFSSLG), ilang buwan nang nakikipagugnayan ang kanilang grupo sa mga samahang nagsasagawa ng community outreach sa Calamba.

“We’ve been in touch with Calambayanihan and Kasandigan ng Kabataan, we hold community meetings and gatherings as well as donations and programs kapag may bagyo especially last year” pagbabahagi ni Galang.

Matatandang nitong Oktubre, kabilang ang lungsod sa mga lubhang naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong Kristine, kung saan maraming kabataan ang kabilang sa mga pansamantalang nawalan ng tirahan at gamit dulot ng malakas na pag-ulan at pagbaha.

Sa pamamagitan ng inisyatibo ng mga nasabing grupo, nakapagambag ang mag-aaral ng iba’t ibang paaralan kagaya ng CCSIS sa relief efforts para sa mga biktima ng bagyo.

Bukod sa pagtulong, nanguna rin si Galang kasama si Amiline Antonio, na siya namang presidente ng Division-Federated Youth for Environment Schools Organization (DFYES-O) sa programang “What’s up Calamba: Breaking Barriers in MATATAG Leadership” nitong Nobyembre. Sa naturang division-wide leadership seminar, nakapagbahagi ang dalawang CalScian ng mga kaalaman sa mga kapwa studentleader mula sa iba’t ibang paaralan sa Calamba. Sa pagpasok naman ng taong 2025, nakatakdang ilunsad ng DFSSLG ang proyektong “Kayle Kaalaman” kaakibat ang Kanlungan ni Rizal na layong maturuan ang mga batang nasa loob ng naturang bahay-ampunan. Umaasa si Galang na sa patuloy na suporta ng iba’t ibang mga organisasyon at mga mag-aaral katulad niya, maisasakatuparan ang mga adhikaing pang-komunidad na makakatulong sa pagbangon, pagbabago at pag-asenso ng mga kabataang Calambeño.

Aminado si Rowena Acosta, pinuno ng Science Department ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na hirap silang isaayos ang pagtatapon ng chemical wastes na pangunahing dahilan kung bakit ‘di pa rin magamit ang General Science (GenSci) laboratory ng paaralan.

Ayon kay Acosta, mahaba ang prosesong kailangang pagdaanan sa pagtatapon ng mga expired na kemikal, kung kaya’t matapos ang ilang taon, nanatili pa rin itong nakatengga, kabilang ang ilang hazardous waste.

“Yung iba doon 2018 o 2021 pa expired, mahirap mag-dispose ng chemicals kaya nakatambak pa, kailangan pang kumuha ng permit sa division

office at need pa i-input sa archive,” paliwanag ni Acosta. Dagdag pa rito, idinaing din ng guro na bukod sa problema sa mga chemical wastes na nakatambak sa laboratoryo, nahirapan din sila sa pagsasaayos ng mga gasolina kung kaya’t pansamantalang nilang ginagamit ang mga bunsen burner at electric stove bilang alternatibo.

Kung ‘di pa rin napapakinabangan ang GenSci lab, kabaligtaran naman ang sitwasyon sa Chemistry, Biology at Physics laboratory na matapos ang ilang pagkukumpuni, bukas na muli para magamit ng mga mag-aaral.

“Madaming glasswares ang dumating, mga titration tube, flasks, ‘yung microscope pwede nang magamit ng lahat

Para sa mas komportableng pag-aaral,

ng estudyante, hindi na nila kailangan mag-share pero mga chemicals wala pa,” ani Acosta. Kaugnay nito, nauna nang inilahad ni Dr. Danilo S. Tungol, punong-guro ng paaralan na sapat na ang mga silidaralan ng CCSIS, dahilan para muling matutukan ang apat na laboratoryo na pansamantalang hindi nagamit sa orihinal nitong mga layunin sa nakalipas na limang taon.

“In the first place, tayo ay Science High School so we aim those laboratories to maximize yung gamit nila as well as the equipment na nasa loob,” pagtatapos ni Dr. Tungol.

Learning hub, dagdag-espasyo para sa Calscians

Upang malinang ang kaalaman at kolaborasyon ng mga estudyante sa labas ng tradisyunal na silid-aralan, inaasahang matatapos na sa ikalawang linggo ng Pebrero ang gazebo sa Calamba City Science Integrated School (CCSIS), isang proyekto na magsisilbing learning hub.

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Danilo S. Tungol, punong-guro ng CCSIS, na layong tugunan ng learning hub ang kakulangan ng espasyo para sa kolaborasyon ng mga mag-aaral.

“Doon sila pupunta everytime na mayroong vacant period, to have quite somehow kwentuhan ng mga experiences nila, sharing of ideas,

kung mayroong magpapatulong ng assignment,” paliwanag ni Tungol. Dahil sa kakulangang pinansyal, nabago ang orihinal na planong ipatayo ito sa ikatlong palapag ng Junior High School Building kaya naman ginawang alternatibo ang gazebo upang umabot sa inaasahang badyet ng paaralan.

Siniguro naman ni Tungol na masusunod ang planong buksan ang learning hub sa ikalawang linggo ng Pebrero.

“Malapit na matapos, kumpleto na ‘yon, kasama TV, upuan, lamesa, pati pintura, sigurado na komportable kasi malamig ang napasok na hangin, hindi ganon kainit,” giit ni Tungol.

MPS Modular Production System

MECHATRONICS LAB

Nagpapakita ng karaniwang proseso ng isang produksyon sa pamamagitan ng ginagawang control system/PLC Programming.

Positibo naman ang reaksyon ni Mica Dasallas, mag-aaral sa baitang pito, na pabor sa pagkakaroon ng gazebo bilang isang learning hub.

“Isa itong interesting at useful idea. Since open at maaliwalas ang structure nito, makakatulong ito sa pag-create ng relaxing at productive na learning environment.” wika ni Dasallas.

Samantala, pinasayanan na ang pag-alis ng mga square foot garden sa gulayan sa paaralan upang magbigay daan sa lalo pang pagiging maaliwalas ng bakuran ng paaralan.

“Ang pag-alis ng mga square foot garden ay magbibigay daan upang makapaglagay tayo ng

flower garden at mas maisaayos natin ang hardin ng paaralan upang magsilbing inspirasyon sa mga mag-aaral na mananatili sa learning hub.”

Sa kabila nito, umaasa naman ang dating gulayan sa paaralan coordinator na si Gng. Sarah Jane Detruz na hindi mapapabayaan ng pamunuan ang ganda at ang kahalagahan ng gulayan sa paaralan.

“Naniniwala

3D Printer

21st Century Classroom

Makinang may kakakayahang kumuha ng disenyo ng modelo at gumawa ng prototype.

JESSIE CAMANGIAN
EUNICE FRANCINE PECHO
VENICE
KIRK PANGANIBAN
VENICE JOLIPAS

TANYAG

NCalScian, nagkamit ng Philippine Child Champion Award

asungkit ng lider-kabataan na si Tanya Criscita Manalo ang parangal bilang Philippine Child Champion para sa kanyang natatanging dedikasyon sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga bata sa Pilipinas.

Ginanap ito sa Council for the Welfare of Children’s (CWC) 50th Founding Anniversary at matatandaang hinirang din siya bilang isa sa kinatawan sa ginawang Filipino Children’s Manifesto na iprinisinta sa 2024 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Children’s Forum na layong talakayin ang mga usapin at mga aksyon sa pagbabago ng klima.

Ayon kay Manalo, mayroon na talaga siyang masidhing kagustuhan sa paglilingkod noon pa man, kasama ang iba pang delegado ng rehiyong pumunta noon sa 8th Philippine National Children’s Conference, hangad nilang itaguyod ang karapatan at oportunidad ng mga bata.

“I find solace when I interact with people. I was elected to different positions at different organizations before and eventually nagstart ang passion ko na i-lift up or i-expand pa

Serbisyong

yung passion ko sa public service for the children,” ani Manalo. Sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo

ng pagkakatatag sa CWC, layunin nilang mas mapalawak pa ang Philippine Commission on Children, maisulong na ang Magna Carta for Children, at patuloy na magsagawa ng mga programang makahihikayat sa mga bata na makibahagi sa kaunlaran ng komunidad.

Bukod pa rito, ginawaran din siya ng Asia’s Media Choice Awards 2024 bilang Outstanding and Excellent Child Rights Advocate dahil sa kaniyang kahusayan sa paglilingkod at kasalukuyan siyang miyembro ng ASEAN Youth advocates sa ilalim ng Research and Development Department.

Sa kasalukuyan, naglilingkod si Manalo bilang child representative ng Calabarzon at patuloy na nagbibigay ng kamalayan sa iba’t ibang organisasyon tungkol sa sekswal na pananamantala, pang-aabuso, at iba pang mga paksa at isyu na kinakaharap ng mga bata.

Pormal nang pinirmahan ang Health Care Provider Network na programa ng Department of Health at PhilHealth na layuning pagbutihin ang sistema sa paghahatid ng serbisyo sa mga lokal na lugar kabilang na ang lungsod ng Calamba.

Sa isang facebook post, inanunsiyo ni Mayor Roseller

“Ross” Rizal ang kanyang pagdalo sa signing of agreement at ibinahagi ang magiging tulong nito upang mas mapaigting ang pagbibigay ng medikal na serbisyo sa mga mamamayan.

“Ang bawat LGU na kasali ay makatatanggap ng karagdagang pondo

para sa serbisyong pangkalusugan na magagamit upang masigurong abot-kamay ang maayos at dekalidad na serbisyong medikal para sa lahat ng Calambeño,” pahayag ng alkalde. Samantala, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang panukalang batas ng pagpapatayo sa Calamba

Dahil sa Top 6 Most Competitive City ranking,

City General Hospital na isinumite ni Calamba

City Representative Cha Hernandez dalawang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Hernandez, isinusulong na sa Senado ang House Bill No. 2360 na layon ding mabigyan ng sapat na pondo upang maipatayo ang nasabing ospital at hinihintay na lamang ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“The work now moves to the Senate kung saan titipunin natin ang ating mga kaalyado at kakampi roon upang siguraduhing maipapasa rin nila ito,” pagsisiguro ni Hernandez.

Batay sa datos na inilabas ng World Population Review, tinatayang 581,399 ang kabuuang populasyon sa lungsod ng Calamba taong 2024, subalit itinuturing na sa lungsod ng Batangas ang pinakamalapit na

pangkalahatang ospital ng Kagawaran ng Kalusugan. Kaugnay nito, inaasahan na ng lokal na pamahalaan na mapabilis na ang pag-apruba rito ng Senado upang mapaunlad ang sektor ng kalusugan hindi lamang ng lungsod kundi pati na rin ng mga kalapit na bayan.

“It will benefit not only the people of Calamba City but also those of nearby towns and cities who travel either further south or to Metro Manila just to avail of government medical services that are only available in general hospitals,” pagtitiyak ng kongresista.

Kaugnay nito, ayon naman kay Marissa Nobleza, school nurse ng Calamba City Science Integrated School, malaking tulong ang pagtatayo ng nasabing ospital para sa mas mabilis na aksyon sakaling may pangangailangang pangkalusugan ang mga CalScians.

Nananatiling walang kasiguraduhan ang mga estudyante ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) kung makatatanggap sila ng stipend mula sa lokal na pamahalaan, bunsod ng hindi pagkakaroon ng malinaw na patakaran ukol dito.

Ayon kay Dr. Danilo S. Tungol, punongguro ng CCSIS, bagama’t nabanggit ng City Council ang posibilidad ng pagkakaroon ng stipend, hindi pa rin naglalabas ng opisyal na Memorandum of Agreement ang lokal na pamahalaan.

“Wala pa akong ideya tungkol sa stipend. I think nabanggit yata ng City Government na meron kayong stipend, but we don’t have the guidelines for that. We don’t have

the Memorandum of Agreement para sa doon sa inyong stipend,.” pahayag ni Dr. Tungol. Posible man na maisakatuparan ang stipend, kasalukuyan pang pinoproseso ang paghahanda sa programa at kinakailangan pa nitong maging pormal sa pamamagitan ng isang resolusyon na ipapasa ng City Government. “I think this is a proposal, kaya until now hindi pa siya nabibigay.

Be mindful that if its a stipend, kailangan may resolution that will be crafted by the city government” dagdag pa ng punong guro. Sa kabila nito, wala mang katiyakan sa patakaran, maging sa petsa kung kailan matatanggap ang nasabing stipend ng lokal na pamahalaan, patuloy pa ring umaasa at nag-aantay ang mga mag-aaral at magulang sa positibong resulta ng nasabing mungkahi.

Konstruksyon ng Calamba PNR Depot, umarangkada na

Philippine National Railways o PNR sa Brgy. Banlic, Calamba, Laguna.

Ayon kay Jaime Bautista, kalihim ng DOTr, bunga ang konstruksyon ng halos 12 buwan na pagpaplano na sinimulan pa noong Hunyo ng nakaraang taon.

“We mark the significant progress since June last year in land development and other preparatory works such as geotechnical investigation, fencing, clearing, erecting temporary project site offices and access roads” pagbabahagi ni Bautista.

Parte ang ginagawang depot ng Alabang-Calamba phase ng 147-kilometrong

NSCR system na ayon sa tansya ng PNR ay 60 porsyento nang tapos.

Nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 16.9 Billion ang proyekto na maglalaman ng isang control center, stabling yard, maintenance shop, at ancillary building na susuporta sa operasyon ng bagong train system. Bukod sa depot, magkakaroon din ng isang istasyon ng tren sa Banlic, na siya namang papalit sa kasalukuyang istasyon ng PNR sa Mamatid. Kaakibat ng pamahalaan rito ang Asian

Development Bank at Japan International Cooperation Agency na siyang tumutulong sa pagpondo sa konstruksyon ng NSCR. Dahil sa lokasyon nito, tiwala si Bautista na maraming oportunidad ang mabubuksan ng proyekto sa oras na matapos ito, partikular na sa transportasyon ng mga Calambeño.

Sa kasalukuyan, bago makarating sa sentro ng lungsod, kailangang suungin ng mga taga-Banlic at mga karatig-barangay nito ang matinding daloy ng trapiko sa kahabaan ng National Highway.

Sa pamamagitan ng binubuong depot at istasyon, inaasahang mapapaikli na ang oras ng pagbyahe mula rito patungo sa isa pang istasyon na itatayo sa Barangay Real na inaasahan ring matatapos sa taong 2028.

Kabilang sa mga matutulungan ng proyektong ito ang mga mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School na kasama sa libo-libong commuters ng lungsod na umaasa sa mga programang pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Para sa inaasahang solusyon sa baha,

Flood control project, tambakan ng basura

Patuloy na nakararanas ang mga residente sa Barangay 2, Tibag, sa lungsod ng Calamba ng matinding pagbaha tuwing uulan dulot ng mga naipong basura dahil sa mabagal na usad ng proyektong ‘flood control’ sa ilog ng San Juan.

Sa isang panayam, sinabi ng mga residente na halos kalahating taon na ang nakalilipas mula nang simulan ang konstruksiyon ng riprap, ngunit pundasyon pa lamang ang natatapos hanggang sa kasalukuyan.

“Dahil hindi pa tapos yung riprap, kapag bumabaha, nahihirapan kami. Halos anim na buwan na ‘yang ginagawa, sana matapos na agad itong riprap dahil iyan ang kailangan namin,” pagdaraing ng isang residente.

Bukod sa baha, nanawagan din ng mga residente sa dagdag problemang dulot ng mga nakatambak na basura sa ilog na mas lalong nagpapalala ng pagbaha dahil nagbubunga ito ng pagbara sa mga daluyan ng tubig. Samantala, ayon

kay Pamela Bejona, mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School na nakatira malapit sa ilog, apektado na rin ang kanilang kalusugan dahil madalas siyang makakuha ng sakit dahil sa dumi ng tubig-baha.

“Masyadong maraming risk po yung meron dito especially vulnerable po kami sa baha. Na-dengue na po ako dati dahil napakarumi po talaga tuwing may baha kaya halo-halo po yung amoy to the point na ‘di mo na masikmura,” ani ni Bejona. Dahil dito, umapela na ang mga residente ng nasabing barangay para sa agarang aksyon mula sa lokal na pamahalaan upang maiwasan na ang paulit-ulit na pagbaha at mapabilis ang pagsasagawa ng maayos na riprap sa lugar.

Opisyal nang sinimulan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtatayo ng isang train depot para sa isinagawang North-South Commuter Railway (NSCR) ng
JOSE MIGUEL DACPANO

Kung ang lahat ng pasahero ay mayroong partikular na destinasyon, ang mga nakahahawang molekula naman na nasa hangin ay walang partikular na patutunguhan at madalas silang dumapo kung saan-saan. Ang kaisipang ito ang nagbigay ideya sa mga mag-aaral at isa ring komyuter ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na sina

Arlene Timpug at Jaehanne Tarrosa upang ang kaligtasan ng bawat manlalakabay ay mapanatiling sigurado at kalkulado.

Sa kanilang pananaliksik na pinamagatang PASAHERO: Calculating Pasa (Transmission) of Airborne Diseases Spread for Awareness and Understanding the Hinders and Factors: Duration of Exposure, Rate of Ventilation, Infectious Particles Occupying Public Transportation, ipinakita kung gaanong ang maliit na nakahahawang molekula lamang ng tuberculosis sa loob ng bus ay maaari nang makahawa ng ilang pasahero.

Isa sa layunin ng kanilang pag-aaral ang magkaroon ng kamalayan ang mga tao tungkol sa mga airborne disease. Naipapasa kasi ito sa pamamagitan ng paglalakbay ng mga virus nito sa hangin, dahilan kung bakit mabilis itong makahawa.

PASAnin sa kalusugan

Ayon sa World Health Organization (WHO), Pilipinas ang may ikatlong pinakamataas na rate ng pagkamatay na may kaugnayan sa polusyon sa hangin na nagdudulot ng airborne diseases sa buong mundo, kung kaya’t hanggang

ngayon ay nasa panganib pa rin ang bawat komyuter.

“My family member has tuberculosis, and he lacks awareness. My family is from the province and they aren’t aware; they don’t know that it is easily transmittable. Relating to the pandemic, COVID-19 is also an airborne disease at lahat tayo ay commuters that’s how we came up with this project,” sabi pa ni Arlene.

iPASA ang Paalala

Sa kanilang ginawang eksperimentasyon gamit ang WellsRiley Model, isinaalang-alang ang iba’t ibang salik na maaaring makaapekto sa transmisyon ng virus na Tuberculosis tulad ng pagsusuot ng N95 mask, bilis ng bentilasyon, at tagal ng eksposyur ng nakakahawang molekula sa bus. Gamit ang estadistikang pagaaral na Pearson’s R, nagpapakita na mas mataas ang R-value sa 0.75 at mas maliit naman sa 1, ibig sabihin ay may direktang ugnayan ang mga salik sa bilis ng transmisyon. Mas

napahahaba ang pagpapasa-pasa kung ang taong may virus sa loob ng bus ay nakasuot ng N95 mask, samantalang kakaunti lamang ang eksposyur sa sakit kung ang bus ay may maayos na bentilasyon.

Dahil sa kahusayang ipinakita ng pananaliksik na ito, nakamit nila Arlene at Jaehanne ang kaunaunahang kampeon ng Calamba sa Regional Science and Technology Fair (RSTF) sa ilalim ng kategoryang Mathematical and Computational Science (MCS) na ginanap sa Lucena, Quezon nitong Nobyembre.

Bago man ang MCS para sa kanila, nanaig pa rin sa kanilang isipan na sugpuin ang peligrong dala ng airborne diseases. Naging epektibo ang layunin ng kanilang pananaliksik na makalkula at maiwasan ang posibilidad ng hawaan sa loob ng transportasyon. Gayunman, batay rin sa kanila, mas magiging epektibo ito kung kasama nila ang bawat mamamayan sa layuning pangkalusugan mapangalagaan sa sakit ang mga komyuter maski lahat.

Isa sa mga pangunahing suliranin ng Pilipinas ang patuloy na pagtaas ng presyo ng enerhiya, kasama ang mataas na porsiyento ng greenhouse gases na nagmumula sa pagsusunog para makakuha ng enerhiya. Dahil dito, marami na sa mga mamamayan ang lumilipat sa mas mura at sustenableng paraan tulad ng solar energy at wind energy.

Ngunit sa kabila nito, may mga hadlang pa rin sa ganitong teknolohiya na pumipigil sa buong potensiyal nito. Dahil dito, naisipan ng grupo ng mga mag-aaral mula sa Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na sina Van Allen Belarmino, Arlu Miguel Depidep, at Charles Denielle Enriquez na gumawa ng solusyon sa suliraning ito. Inilunsad nila ang BUHAWI, isang teknolohiyang pinagsasama ang solar panels at wind turbines upang mas epektibong magamit ang renewable energy.

Upang maisakatuparan ang kanilang layunin, lumikha

sila ng isang solar panel na sumusunod sa direksyon ng araw na nilagyan ng mga Light Dependent Resistors (LDR), isang sensor na nakadepende sa sinag ng araw na nade-detect upang magbigay ng resistansiya, kaya’t mas epektibong nagagamit ang enerhiya mula sa araw.

Isinama rin nila ang solar panel sa isang Vertical Axis Wind Turbine (VAWT), isang mekanismo, na mahihinuha sa pangalan, isang wind turbine na may patayong direksyon. Nagbibigay-daan ang ganitong oryentasyon sa mas mahusay na pagkuha ng enerhiya mula sa hangin.

Ayon sa kanilang pag-aaral, ang VAWT ay mas mabisa sa pagbibigay ng wind energy dahil ang axis ng pag-ikot nito ay umaayon sa direksiyon ng hangin. Ang solar panel naman ay inilagay sa tuktok ng poste ng VAWT. Ang buong makinarya ay ikokonekta sa isang power bank o generator upang magamit ang enerhiya para sa industriyal na aplikasyon. Ilang aspeto rin ang binigyang-pansin ng BUHAWI, kabilang ang pagsusulong ng mas malinis na pagkukunan ng enerhiya at pagbabawas ng polusyon. Sa tulong ng teknolohiyang ito, mababawasan ang paggamit at pagsusunog ng fossil fuels na siyang pangunahing sanhi ng climate change.

Ayon sa pananaliksik ng mga mag-aaral, ang paggamit ng wind energy ay nagdudulot ng mas malinis na hangin at nakakatulong sa pagpapanatili ng pampublikong kalusugan. Talagang kakaibang inobasyon ang hatid ng kabataan sa kasalukuyang panahon. Buhawi ang hampas sa mga suliraning napapanahon, lalo na pagdating sa mga isyung pangkapaligiran. Sustenableng pamamaraan ang dapat kilingan. Sa teknolohiya ngayon, walang imposible—kahit sa epektibong pagtitipid ng kuryente, may makabagong solusyon.

FIREST RANGER

Pagtupok ng APULA sa Naglalagablab na Apoy sa Kagubatan ng Pilipinas

Kung ang isang forest ranger ay nariyan upang protektahan ang kagubatan sa pamamagitan ng pagmamasid at pagpapatupad ng batas, ang APULA naman, isang inobasyong likha ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) alumnus na si Jom Manguit, ang siyang magsisilbing FIREst ranger—palaging nakaantabay sa mga posibleng sunog sa gubat at agarang pupuksain ito nang walang pag-aatubili!

May kamalayan si Manguit sa kahalagahan ng mga natural na gubat sa ekosistema ng Pilipinas. Nang minsang nakasali siya sa isang science fair sa pambansang lebel noong mag-aaral pa ng CCSIS, nakabisita siya sa Baguio City, probinsiya ng Benguet, kung saan nasaksihan niya ang kagubatang hitik sa saribuhay o biodiversity sa hilagang bahagi ng bansa.

“But just a few days later, on February 11, 2020, a scorching fire devastated the forest I just visited days before,” pagsasalaysay ni Manguit. Batay sa Global Fire Monitoring Center (GFMC), may kabuuang 165,620 puno ang nasunog sa loob ng walong araw na sunog sa kagubatan sa Benguet, na kung susumahin ay nagkakahalaga ng PHP 1.6 milyong pinsala. Dagdag pa niya, ang sitwasyong ito ay hindi lamang tungkol sa kaniyang kaligtasan o sa perang napinsala. “It was about loss of jobs, air and water quality, and wildlife, all causing setbacks in our fight against climate change,” dagdag ni Manguit. Alinsunod rito, mula 2020 hanggang 2023, 46,900 hektarya na ng mga kagubatan sa Pilipinas ang nawawala at nauubos dahil sa sunog.

Sa Likod ng APOYla

Dahil sa nararanasang suliranin ng bansa sa kalikasan, sumibol ang ideya ng APULA, isang device na idinisenyo para sa matalinong pagtukoy at pagapula ng sunog sa kagubatan. Binubuo ito ng dalawang parte: ang mga sensor at fire extinguisher na nagkakaroon ng interaksiyon sa mainam na pagtupok ng apoy.

Sa unang parte, gamit ang mga carbon monoxide detector, flame sensor, at temperature sensor ay nade-detect ng device ang anumang senyales ng apoy.

laboratoryo upang makuha ang protina. Ang mataas na protina sa kaliskis ng bangus, na nasa 40% hanggang 55%, ang ginagamit sa paggawa ng foam na epektibong pumapatay ng apoy, ayon sa journal na Food and Humanity.

Ang mga kaliskis ng isda ay kabilang sa mga pangunahing basura mula sa mga palengke na may ambag na 30% sa kabuuan, batay sa PubMed. Sa paggamit nito sa paggawa ng fire extinguisher, ang APULA ay hindi na lamang nakatutok sa pagsugpo ng sunog sa kagubatan kundi pati na rin sa pagtugon sa polusyon sa mga pamilihan at katubigan.

Alab ng Husay

Layunin ng mga mananaliksik na palawigin pa ang epekto ng APULA hindi na lamang sa kagubatan. Sa mga susunod na pananaliksik, hinihimok ni Manguit na magkaroon ng pagtataya sa epekto nito sa mga kemikal at elektrikal na sunog, na angkop naman para sa urban at industriyal na lugar.

Gayunpaman, sa kasalukuyan, magagamit ang APULA para sa pagsusubaybay sa estado ng kagubatan, pagtataya ng panganib ng sunog, at suporta sa muling pagtatanim o reforestation. Kasama rin dito ang pagsipat sa ilegal na pagtotroso at pagmasid sa mga hayop sa kagubatan.

Agaran naman itong magbibigay ng impormasyon sa ikalawang parte nito na isang eco-friendly fire extinguisher, na gawa sa protina mula sa kaliskis ng bangus. Kalakip ng bawat unit nito ay ang global positioning system (GPS) para sa pagsusubaybay ng lokasyon at long range (LoRa) na teknolohiya upang matiyak ang matatag na koneksiyon, lalo na sa mga liblib na lugar. Konektado rin ito sa isang application na maaaring maakses sa pamamagitan ng mga mobile device o desktop.

Hindi Mintis sa Kaliskis

Kumokolekta ang mga mananaliksik ng kaliskis mula sa mga pamilihan sa Batangas City at pinoproseso ito sa

Binubuo ito ng carbon monoxide detector, flame

na

at temperature sensor na

sa

upang mas mahusay na matukoy ang apoy.

Dahil sa kahusayang agham ng inobasyon, napabilang ang APULA sa pitong finalist mula sa 167 na grupo noong Oktubre 6 sa Sustainability Expo 2024 X Circular Innovation Challenge sa Bangkok, Thailand. Nirepresenta ng grupo na binubuo nina Jom, Aeron, Mann, at Aila ang Pilipinas sa pinakamalaking Sustainability Exposition sa Timog-Silangang Asya. Sa aksiyon laban sa mapaminsalang dulot ng apoy sa kagubatan, lahat ay bukas ang isipan sa pagtulong dahil sa umuusbong na adhikain ng bawat isa sa pagsagip sa mga ito. Sa pamamagitan ng siyensiya, teknolohiya, at inobasyon, unti-unti, ang bawat isa ay hindi na lamang magiging forest ranger, kundi mga FIREst ranger na, katulad ng imbensiyon nina Manguit na APULA.

sensor,
maingat
nakakabit
mga puno
TALAAN NG NILALAMAN
VENICE JOLIPAS

BUSOG ‘DI LUSOG

Epekto ng Eating

Disorder sa Kalusugang

Mental ni Celestine

Kung tatanungin si Celestine kung ano ang kaniyang paboritong hayop, walang iba kundi chameleon o hunyango ang kaniyang isasagot; maaari kasi nitong ibahin ang kaniyang wangis base sa kaniyang kagustuhan. Tulad ng hunyango, pinipilit niyang baguhin ang kaniyang anyo upang maiwasan ang mga panghuhusga, ngunit naging dahilan naman ito ng isang trahedya.

Si Celestine Sancon ay isang mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), medicallydiagnosed siya ng Bulimia Nervosa, isang uri ng eating disorder na kung saan ay nakakaranas siya ng mga pagkakataon ng labis na pagkain o ‘binge eating’ na sinusundan ng mga hakbang upang maiwasan ang pagtaas ng timbang.

Ayon kay Dr. Renee Hoste, isang clinical psychologist, ang eating disorder ay isang kondisyon sa kalusugan ng isip na may kinalaman sa hindi tamang mga gawi sa pagkain o pag-aalala tungkol sa bigat ng katawan, at itsura.

Ito’y maaaring dulot ng mga salik na biyolohikal o genetics, sikolohikal, at panlipunan.

Hadlang sa Kaisipan

Bata pa lamang siya ay nakaranas na siya ng pang-aapi at panghuhusga dahil sa kaniyang pisikal na pangangatawan.

Nadagdagan pa ito ng mga beauty standards na nakikita niya sa kaniyang mga iniidolong Kpop idols, nagdulot ito ng takot at pagkabahala tungkol sa kung paano siya tinitignan ng iba.

“People literally treat people who are skinny better, but when you’re too skinny it’s bad. Literally, wala ka malulugaran. I would receive comments like “Baboy ka kasi”, “Palibhasa ang tabataba mo kaya wala kang kaibigan”, and many others along the lines. In 4th Grade did I realize that I hated my body, and it only grew from there,” pagpapaliwanag ni Celestine.

Panganib sa Kalusugan

Nagsimula siya sa pagbabawas at hindi pagkain, pumatak ang kaniyang timbang mula 50kg hanggang sa naging 40kg sa loob lamang ng

apat na buwan. Umabot siya sa punto na nagsimula na siyang manakit ng kaniyang sarili sa tuwing nakikita niyang tumataas ang kaniyang timbang.

“On Christmas, I puked almost everything I ate then took laxatives to help me purge away everything else, drank apple cider, vinegar, lemon water like it was juice. My throat would often hurt and it was rough whenever I spoke or swallowed. I would fast, purge, fast again, then worst of all — binge. My record for fasting was 66 hours. A lot of people told me I looked unrecognizable, that some of my bones were sticking out. “Akala ko kung sino!”, “Celestine, may sakit ka ba?” ani Celestine.

Talunin ang Takot

Naglakas-loob siyang bumisita sa isang psychiatrist upang matulungan siyang labanan ang kanyang mga emosyonal na hamon at hanggang ngayon ay nagpapagaling pa lamang siya.

Bilang bahagi ng kaniyang gamutan, binibigyan siya ng escitalopram at aripiprazole na nakakatulong sa pagbabalanse ng mental na kalusugan. Bumabalik pa rin sa kaniya ang karamdaman ngunit sa bawat pagbisita niya, nalilinang ang kasanayan sa pagpapabuti ng kaniyang kaugnayan sa pagkain at katawan.

Iisa lamang ang hiling ni Celestine, ang maramdaman na siya’y tanggap ng iba at lalong lalo na ng kaniyang sarili. Hindi man siya katulad ng isang hunyango na kayang tumakbo at magtago sa isang suliranin, umaasa pa rin siya na ang susunod na sana niya ay ‘sana hindi na kailangang magtago, sana hindi na ako maging katulad ng hunyango’.

Pangunahin itong pinagkukunan ng carbohydrates at fats, na siyang pangunahing panggatong ng katawan.

Mayaman ito sa protina at mga mahahalagang amino acid, na mahalaga para sa paglaki at pagsasaayos ng katawan.

Mayaman ito sa bitamina at mineral na mahalaga para mapanatili ang kalusugan at kagandahan ng katawan.

HIRAP SA PAGBALANSE

Ang mpox ay isang sakit na dulot ng mpox virus, na nagiging sanhi ng mga sugat sa balat, lagnat, at namamagang lymph nodes (Biospace, 2024). MPOX

CHICKEN POX

Ang chickenpox ay isang nakakahawang sakit na dulot ng varicellazoster virus, na nagiging sanhi ng makating pantal at mga sintomas ng trangkaso (Contour Dermatology, n.d.).

SMALLPOX

Ang smallpox ay isang malubhang nakakahawang sakit na dulot ng variola virus, na nagiging sanhi ng lagnat at natatanging pantal na puno ng nana (Global Biodefense, 2023).

Pamanang Kondisyong Ortopedya na Pasanin sa Balikat ni Arlene

VENICE JOLIPAS

atanda nang patanda, paliit nang paliit naman ang tangkad ni Arlene.

Hindi dahil sa isang sakit, kundi dahil sa isang kondisyon na tinatawag na orthopedic disability, kung saan bumabaluktot ang kaniyang gulugod.

Kung titingnan sa panlabas na anyo, maliit at kurbado ang katawan ni Arlene Jane Timpug, mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), ngunit kung titingnan naman sa X-ray, tila letrang ‘C’ na ang kaniyang likod, dahilan kung bakit hindi na pantay ang

“Dahil 2 years old ako, napansin ng lola ko na malapad yung likod ko. Noong grade 6 ako, napansin ko na naka-curve na yung likod ko, kaya naging insecure ako. Nagsuot ako ng mga oversized t-shirt para matakpan. Kita ko sa salamin na hindi pantay yung likod ko, pero nung sinabi ko sa tatay ko, sabi niya baka daw ito dahil sa kaka-computer ko,” ani Arlene.

Kinalaunan, labis nang sumasakit ang likod nito, at halos hindi na makagalaw ng maayos dahil sa sakit. Nang pumunta sila upang kumuha ng X-ray, nalaman niyang may problema na siya sa

Kurbang Mapanganib

Ayon kay Dr. Mikhail Lew Ver, isang orthopedic at spine surgeon, madalas na napapansin ang problema sa likod pagdating ng pagbibinata o pagdadalaga, o kung kailan tumatangkad ang isang bata. Karamihan, at ang pinakapanganib na kadahilanan nito, ay genetic.

Medically diagnosed si Arlene sanhi ng genetics, na mayroong 55° na kyphosis o ang pagkurba ng itaas na gulugod kaysa sa normal, 50° na lordosis o ang pagkurba palabas ng ibabang bahagi ng likod, at 5° na mild scoliosis naman na patagilid ang kurba nito.

Ituwid ang Problema

“‘Yung mga binigay sa akin na gamot, hindi siya nakakatulong sa development ng bones; pan-relieve lang siya ng pain. That’s all you can do, sabi ng doctor ko, kailangan nalang tiisin yung brace. Sobra akong na-sad kasi gusto kong sumayaw at maging gymnast tulad ni Yulo, pero ‘di ko siya magawa,” sabi ni Arlene. Bilang suporta at bahagi ng kaniyang gamutan, nagsusuot si Arlene ng back brace, nagsasagawa siya ng mga ehersisyo at physical therapy upang maiunat ang likod, at kumakain din siya ng pagkaing mayaman sa calcium. “I want to improve; ayaw kong ganito kasakit yung likod ko,” giit pa niya.

“Sa Calsci, nung nalaman nilang may condition ako at may brace ako, di naman nila ako pinagtatawanan. Mas more on sa sarili ko lang na nai-insecure ako tignan yung sarili ko sa salamin, lalo na pag side view. Pero I’m slowly accepting myself and my condition kasi I was born with it. I’m willing to put in the work naman,” masayang sinabi ni Arlene. Walang gamot para sa pagkurba ng gulugod kundi ang pagsasagawa ng operasyon, ngunit may mga paraan upang mabawasan ito. Huli man itong nalaman ni Arlene, ngunit hindi pa rin ito naging hadlang para sa kaniya na abutin ang kaniyang mga pangarap.

“Minsan ka lang mabuhay,” iyan ang pinaninindigan ng mag-aaral na si Arlene. Paliit man nang paliit ang kaniyang tangkad, palaki naman nang palaki ang kaniyang kagustuhan na umunlad. Gawin siyang halimbawa na hindi nagpabuwag sa puwang ng kanyang kondisyon sa layuning malusog at matiwasay na kalusugan.

Pilipino.

Ayon sa report ng United Nations (UN), pumapangalawa ang Pilipinas sa may pinakamaraming bilang ng mga mamamayang malnourished sa TimogSilangang Asya (SEA)— halos anim na milyon. Kasabay nito, 51 milyong Pilipino ang nakararanas ng kawalan ng seguridad sa pagkain, ang pinakamalaking bilang naman

Ipinaliwanag ng National Library of Medicine na ang tumataas na kaso ng malnutrisyon sa bansa ay dahil sa kakulangan ng sapat na inteyk ng nutrients sa katawan dulot ng hindi malusog na diyeta. Kaya naman, tinitingnang tugon sa isyung ito ay ang inkorporasyon ng mga plantbased diet o mga pagkaing nakabase sa mga halaman at gulay, kagaya ng talilong.

Nakahaing Sustansiya

Ang talilong, kilala rin bilang talinum at Philippine spinach, ay isang katutubong gulay sa

Inkorporasyon ng

Talilong sa Nutrisyunal na Diyeta ng mga Pilipino

Pilipinas. Bukod sa ito ay nakakain, pinaniniwalaang may mga kakayahang medikal at therapeutic ito para sa tao, partikular sa pagggagamot ng pamamaga at sakit sa katawan. Sa pagsusuri na isinagawa ni Montaras sa mga dahon, ugat, at bulaklak ng talilong, natuklasan na ito ay mayaman sa potassium na maaaring makatulong upang balansehin ang dami ng sodium sa katawan. Makatutulong din ito para maiwasan ang pagkakaroon ng negatibong epekto sa presyur ng dugo ng isang tao. Nalaman din na mayroon itong katamtamang antas ng magnesium, calcium, at sodium, sapat upang matugunan ang inirerekomendang pangaraw-araw na sustansiya sa pagkain at diyeta. Natagpuan din sa mga dahon ng talilong ang zinc at copper, at iron naman sa mga ugat nito.

Iba Pang Handa

Dahil sa nutrisyunal na kapakinabangan ng talilong, napatunayan ni Montaras ang kahalagahan ng paglalagay nito sa pang-araw-araw na diyeta ng isang tao. Ang paggamit nito bilang sangkap

sa mga salad, stir-fry, at sopas ay nakatutulong upang mapanatili ang nutrisyonal na halaga nito, lalo na kapag kinakain ng sariwa o bahagyang niluto. Maliban sa hatid na benepisyong pangkalusugan, ang pananaliksik ni Montaras ay magagamit sa taksonomiya, o ang pagkilala at paghihiwalay ng iba’t ibang halaman. Tinasa rin kasi rito ang estruktura ng dahon, anyo ng bulaklak, at kabuuang porma ng talilong na maaaring magamit para sa masusing deskripsiyon at pagkakaiba nito sa ibang espesye. Sa matinding dagok na ibinigay ng kawalan ng seguridad sa pagkain sa kabuuang nutrisyon at kalusugan ng mga Pilipino, tila nakaapekto na ito sa pamumuhay ng bawat isa—tila hilong-talilong na ang mga mamamayan sa kanilang maaaring gawin. Gayunpaman, sa tulong ng mga pananaliksik katulad ng likha ni Montaras sa talilong, may pag-asa na mapabuti ang sitwasyon at maitaguyod ang masustansiyang pagkain na kayang abutin ng lahat.

Sa tulong ng pananaliksik ni Cassandra Montaras, mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School, wala nang mga kababayang mahihilong-talilong sa nutrisyunal na nilalaman ng talilong sapagkat tinasa niya ang sustansiyang kemikal nito, na maaaring magamit sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga
GLENN SOLOMON ORGEN
VENICE JOLIPAS

United NationsProgrammeDevelopment (2023)

9% lamang ang nareresiklo

Pagrampa ng Sustainable Fashion sa Praktika ng mga Kalsyano Aksiyong Grassroots ng YES-O Laban sa Polusyong Sintetik

79% ay napupunta sa mga landfill at kalikasan.

GLENN SOLOMON ORGEN

Sa kabila ng kawalan ng tiyak na desisyon mula sa matataas na lider sa pandaigdigang antas, ipinakita ng Youth for Environment in SchoolOrganization (YES-O) ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) na ang pagbabago ay maaaring magsimula sa maliit ngunit makabuluhang inisyatibo— ang makawala sa tanikala ng kagamitang sintetik sa mga maliliit na hakbang.

Hati ang desisyon ng mga miyembro ng United Nations sa paglutas sa pandaigdigang problema ng plastik, dahilan upang mabinbin pa ng isang taon ang pagkakaroon ng matibay na kasunduang pangkalikasan.

Sa ginanap na sesyon ng Intergovernmental Negotiating Committee on the Global Plastics Treaty (INC-5) noong Disyembre sa Busan, South Korea, lumitaw ang dalawang pangunahing pananaw: bawasan ang produksiyon ng plastik, na pinaboran ng mahigit 100 bansa, o pagtuunan na lamang ng pansin ang pamamahala ng basura, na sinusuportahan ng mga bansang may malalaking industriya ng langis.

Agad itong ikinabahala ni Jessika Roswall, komisyuner ng Environment, Water Resilience, and a Competitive Circular Economy. Ayon sa kanya, kung magpapatuloy ang walang disiplina sa paggamit ng plastik, maaaring tumriple ang produksiyon nito pagsapit ng 2060.

Bagama’t mahalaga ang isang pangmalawakang solusyon, naniniwala ang Department of Economic and Social Affairs Sustainable Development ng UN sa kapangyarihan ng grassroots o lakas-inisyatibo mula sa pinakamaliit na yunit ng lipunan.

Isang halimbawa nito ang pagsusumikap ng CCSIS na labanan ang polusyon sa plastik sa lokal na antas. Sa pakikiisa sa pagbabawas ng solid waste sa siyudad, sinimulan ng YES-O ang proyektong Ayuda Mula sa Basura.

Layunin ng proyekto na turuan ang mga mag-aaral ng tamang segregasyon ng basura. Ang mga nakolektang recyclable materials ay ginagamit upang makalikom ng pondo na sumusuporta sa mga estudyanteng Calscian na nagpapamalas ng husay sa iba’t ibang larangan sa loob at labas ng paaralan.

“The first thing na isinasaalang-alang namin is yung sustainability, flexibility, and kung kaya ba siyang i-adapt at maisagawa agad ng may accuracy and clarity,” ani Amiline Joy E. Antonio, presidente ng YES-O.

Bukod dito, nasa proseso rin ang YES-O ng pagbubuo ng isang action plan para sa mas mabisang pamamahala ng solid waste at pagtugon sa iba pang isyung pangkalikasan.

“Environment is our life,” pahayag ni Antonio. Dagdag niya, ang kalikasan ang ating tinitirhan at pinagmumulan ng kabuhayan, kaya’t tungkulin ng bawat isa na pangalagaan ito. Sa maliit mang paraan, tulad ng maayos na pagtatapon ng basura, makakabuo tayo ng mas malawak na epekto sa pagsugpo ng suliraning pangkalikasan.

Habang nananatiling hamon ang pagkakaroon ng kasunduang gagabay sa pangkalahatang galaw ng mundo, ipinapakita ng mga inisyatibong tulad ng YES-O na ang pagbabago ay hindi lamang nakasalalay sa malalaking desisyon kundi pati na rin sa simpleng aksiyon mula sa lokal na komunidad. Sa pamamagitan nito, napatutunayan na maaring magsimula kahit sa pinakamaliit na hakbang ang mga malaking ambag sa mas malawak na pagbabago.

3.41 Milyong Metrikong Tonelada mula Abril hanggang Hunyo 2023

Mga Materyales na Nakukuha sa Niyog

UlingoActivated Carbon LamanatTubig

Sa pananaliksik nina Seth Panganiban, Yashada Abrea, at Yeisha Capugan na pinamagatang BUCID:

Fungi na nangangain ng basura, tugon ng KalSiyano sa polusyong plastik sa Calamba

GLENN SOLOMON ORGEN

Hindi na kailangang gumastos ng mahal upang maging presentable’t taas-noong rumampa sa entablado. Mga basura at kagamitang makikita lamang sa paligid ay sapat na upang makagawa ng isang nakabibighaning kasuotan—mga bagay na sinandigan nina Raphael at Althea, ang Eco King at Eco Princess ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS).

Sa artikulo ng Business World, binanggit na ang sustenableng pananamit ay mas lalong umiigting sa bansa buhat ng pagtaas ng demand para sa responsableng praktika. Isa itong direksiyong pinagtuunan ng pansin ng Youth for Environment in School-Organization (YES-O) sa kanilang Eco-Fashion Show 2024 noong ika-11 ng Disyembre. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa bawat seksiyon ng paaralan. Sa entablado, nagningning ang kagalingang estetiko at ang diwa ng pagiging makakalikasan ng mga kalahok, lalong-lalo na ang mga sumusunod na makabagong diyos at diyosa ng pagiging imbentibo. Si Althea, Ang Diyosa ng Pagreresiklo

“Beauty of nature” at “Filipino culture”—ganito inilarawan ni Althea Alivio, mag-aaral sa ika-10 baitang, ang kaniyang mabulaklak na gown na ibinatay sa matitingkad na kulay ng yamang-Pilipinas. Isinabuhay niya ang imahe ni Bighari, ang diyosa ng mga bulaklak sa mitolohiyang Pilipino. Pinili niyang gawing pangunahing kulay ng kaniyang gown ang pink, luntian, at kahel upang kumatawan sa buhay at kalikasan. Hindi aakalain na gawa ang kaniyang kasuotan mula sa mga patapong kagamitan—50% ng komposisyon nito ay plastic straw, habang ang natitirang bahagi ay karton, papel, magazine, tela, at sako. Hindi raw biro ang prosesong tinahak nila upang makumpleto ang kasuotang ito. “For instance, the base of the gown, which takes center stage, is made up of

May enerhiya

Mula sa pagkukumpara ng gramo ng nadisintegrang plastic at boltahe ng elektrisidad na naprodyus nito, nakakalap ang grupo ng mataas na bilang ng korelasyon na 0.85, nangangahulugang sa bawat pagdami ng nakakaing plastic ng fungi, dadami rin ang enerhiyang napoprodyus sa fuel cell

Dahil sa nakitang potensiyal ng grupo sa kakayahan ng produkto, panawagan nila na isagawa ang pag-aaral na ito sa ilalim ng mas mahabang time frame o panahon, nang sa gayon ay makadisintega ang produkto ng mas marami pang bolyum ng plastic, lalo na’t isa pa rin ito sa malalaking mga problemang kinahaharap ng Calamba, maski ng buong Pilipinas.

5,000 plastic straws, each one meticulously folded to form a flower,” pagpapaliwanag niya sa matrabahong parte ng pagbuo nito.

Si Raphael, Ang Diyos ng Kagamitang Indinhenyo

Pormal ngunit elegante, barong tagalog naman ang kasuotang ibinida ni Raphael Cadiente, ika-12 baitang na mag-aaral. Layunin niyang ipakita ang kasaysayan at kayamanan ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng disenyo na sumasalamin sa kalikasan.

Kayumanggi ang pangunahing kulay ng kaniyang barong, na pinanatili upang maipakita ang likas na anyo ng mga ginamit na materyales. Binubuo ito ng 80% produktong galing sa niyog, gaya ng bao at hibla, samantalang ang natitirang bahagi ay mula sa pinatuyong dahon ng pandan at kahoy na bead. Ang mga materyales ay nakalap mula sa iba’t ibang lugar sa CALABARZON, kabilang na ang Laguna at Batangas.

Sa pamamagitan ng paghahabi ng dahon, nabuo ang pundasyon ng kaniyang kasuotan. Dinagdagan ito ng hibla ng niyog at bao upang magbigay ng tekstura at estilo.

Para kay Raphael, higit pa sa disenyo ang mensahe ng kaniyang kasuotan. “It is important to use these local products in designing the outfits because it symbolizes reusability and sustainability in the materials not often seen in the industry,” aniya. Hindi nakokompromisa ng kalikasan ng materyales ang kulay, kinang, at kagandahan ng bubuuing produkto. Pinatunayan nila Raphael at Althea na kahit sa basura, posibleng makagawa ng kasuotang bibighani sa madla.

Taktik sa Plastik

Itinala ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) na kumukonsumo ang Pilipinas ng halos 60 bilyong pakete ng sachet kada taon. Dagdag pa rito, kumulang isang milyong tonelada ng plastic ang napapadpad sa mga anyongtubig ng bansa. Sa lungsod naman ng Calamba, sa Southville 6 ng Brgy. Kay-anlog, matatagpuan ang hektahektaryang lupang pinaglalagakan ng tonetoneladang basura, kabilang ang mga hindi nabubulok na itinapong plastik, na nanatiling panganib para sa kalusugan ng mga naninirahan malapit dito. Kaya naman, upang maging kaisa sa paggawa ng aksiyon sa suliraning ito, ito ang bagay na pinagtuunan ng pansin ng mga

mananaliksik, at nagawa nila ito sa pamamagitan ng disintegrasyon ng mga sintetikong basurang kalimitang makikita sa mga eskuwelahan at kabahayan.

Ipinagsama-sama ng grupo ang nakolektang plastik na basura upang makagawa ng bloke-blokeng piraso, kung saan nilakipan ito ng mga microbial fuel cell na gumagawa ng enerhiya sa metabolismong aktibidad ng fungi na kumakain nito.

FUNGI

Trichoderma harzianum ang espeseye ng fungi na ginamit ng mga mananaliksik sa paggawa nitong baterya. Hindi lamang mga bagay na organiko ang kinakain nito, kundi pati na rin ang mga sintetiko. Ayon sa pag-aaral nina Sowmya at mga kasama

(2014) ay napatunayang may kakayahang mag-degrade ng mga polyethylene, isang uri ng plastic na karaniwan sa bansa gaya ng sachets, plastic bags, at films. Bagama’t mabigat ang hamong dala ng plastic sa buong mundo, layunin pa rin ng piling mananaliksik ng CCSIS na bigyangliwanag ang suliraning ito, dahil para sa kanila, hindi na kinakailangan umabot pa ng mile-milenyong taon upang mabawasan ang dami ng plastic sa bansa.

Sa pamamagitan ng kanilang ginawang pag-aaral, hangad ng grupo na maging kaisa rin ang kapuwa magaaral na gamitin ang mga makabagong tuklas na kaalaman sa pagpapabuti ng kapaligiran, sa paggawa man ng malinis na enerhiya, paglilimita ng basura, at kung ano pa man.

GLENN SOLOMON
Philippine Statistics Authority (2023)

#DANAS

PKahandaan ng CCSIS sa Mataas na World Risk Index ng Pilipinas

GLENN SOLOMON ORGEN

ara kay Jomon ng 12-Halcon, tipikal na sa buhay niya bilang estudyante ang bahain—hindi man ng tubig kundi ng mga nagsisiapawang bilang ng mga aktibidad na kailangang ipasa sa paaralan. Subalit ibang usapan na raw nang minsang dalawin sila ng walong talampakang baha—hindi ng gawain kundi ng tubig—na nagpalubog sa kanilang sariling tahanan, bagay na nagpapatunay sa mga lumalalang kalamidad na gumagambala sa Pilipinas.

Isa ang Laguna sa mga

lalawigang dinaanan ng Bagyong Kristine nitong ika24 ng Oktubre, na nagdulot ng malaking pinsala sa mga lupai’t ari-arian. Nagbunsod ito upang ideklara ng Laguna Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang probinsiya sa ilalim ng estado ng kalamidad. Kabilang ang pamilya nina Jomon Villaflores, mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), sa mga pamilyang lubhang naapektuhan nitong bagyo. Dahil sa malakas na pag-ulan at sa di-kagandahang lokasyon, nagdulot ito ng lagpas-bahay na baha sa kanilang lokalidad.

“Nakatira kami sa Del Pilar sa Brgy. 4, may flood control dapat doon kaso nasira, naipon [ang tubig].

Tapos nag-release ng tubig ang dam, so biglang naging flash flood ang nangyari,” pagpapaliwanag ni Jomon.

Bagama’t suspendido naman raw ang klase sa mga panahong iyon ay naapektuhan pa rin nitong kalamidad ang kaniyang edukasyon. “Nadamay ‘yung school supplies na

meron ako at ‘yung mga performance tasks na dapat ipapasa next week. Hindi ko siya na-save and kailangan ko ulitin uli ‘yon,” saad ni Jomon.

#NUMERO_UNO

Sa pangatlong pagkakataon, nanatiling nangunguna ang ranggo ng bansa sa may pinakamataas na World Risk Index (WRI) ngayong taon, ayon sa inilabas na ulat ng United Nations. Sa iskor na 46.91, tinalo nito ang ilang mga bansa sa Asya tulad ng Indonesia (41.13), na pumapangalawa, at India (40.96), na pumapangatlo sa listahan. Tinatasa nitong WRI ang lebel ng pagkalantad o exposure, bulnerabilidad, suseptibilidad, kakulangan sa kapasidad na makabangon, gayundin ang makaangkop sa mga krisis, gaya ng mga kalamidad, sigalot, pandemya, at digmaan ng isang bansa. Kaya naman, ang Pilipinas na may mataas na iskor nito ay hindi magandang pangitain sa kabuuang seguridad ng bansa.

#NAGBABAGA

Para sa isang bansa na nakatungtong sa Pacific Typhoon Belt, hindi na bago ang makaranas ng sandamakmak na mga bagyo at hindi magagandang panahon. Batay sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kada taon ay nakararanas ng 20 bagyo ang bansa. Gayumpaman, buhat ng lumalalang isyu ng pagbabago ng klima sa buong mundo’y mas tumitindi ang intensidad ng mga bumibisitang sama ng panahon at delubyo. Ayon sa United States Geological Survey (USGS), habang umiinit ang atmospera at karagatan ay mas lalong bumibilis ang nabubuong hangin, na ang epekto’y malalakas na bagyo.

#HANDA

May kamalayan ang mga administrador ng paaralan patungkol sa mga tumitinding epekto ng kalamidad sa bawat isang mag-aaral ng CCSIS. Batay sa Contingency Plan Multi Hazard nito, magkakaroon

ng pagsasaayos ng drainage system sa paaralan upang mabawasan ang pagkakataon na magkaroon ng pagbaha sa loob ng kampus, gayunmang hindi naman gaanong maapektuhan ang estruktura nito sapagkat nasa mataas itong lugar.

“Lumabas sa assessment na ang priority ng school [na tugunan] ay earthquake, volcanic eruption, smog, fire, at safety sa labas. Diyan, prepared naman tayo kasi sumusunod tayo sa mga national program para sa safety, mitigations, and preparation. Nakaka-comply ang school na makapagprovide ng mga materials, so speaking of preparation, wala tayong problema,” ayon kay Dennis Batoleña, ang co-chairman ng Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) ng paaralan.

Baha, ng gawain man o tubig ay isang katakot-takot na tagpo lalo na kung lagpas sa tao ang makakatagpo. Sa pamamagitan ng simpleng plano sa kahandaan, gayundin ang hangarin ng pagbabago sa hinaharap, ay unti-unting hindi magiging #DANAS sa kalamidad ang bawat mamamayan.

NANGANGALBO:

Luntiang Tugon ng CCSIS sa Kulay Abong Urbanisasyon sa Calamba

Urbanisadong lugar ang lungsod ng Calamba, maliwanag sa mga naglalakihang establisyimento,

Mula sa pagtataya ng Global Forest Watch, nawalan ang Calamba ng 155 ektarya ng natural na kagubatan mula 2001 hanggang 2023. Nitong nagdaan taong lamang, pitong ektarya na ang naitalang nawala. Kaya naman, mula sa kabuuang lawak ng lungsod na halos 14,000 na ektarya, 8,500 ektarya nito ay urban expansion area na. Bilang karagdagan, batay sa pananaliksik ng University of the Philippines Open University, halos 30% lamang ng kabuuang teritoryo ng Calamba ang maituturing na luntiang mga espasyo o mga lugar na may mga halaman, puno, at behetasyon, kung kaya’t hindi na nakagugulat pa kung bakit tila nagbabaga na ang naitatalang temperaturang nararanasan sa kasalukuyan.

Pumupulang

Pana on Nitong magkakasunod na araw ng Abril, nangunguna ang Calamba sa may pinakamataas

na heat index sa Laguna na umabot sa 43°C, mula sa tala ng OpenWeather. Nasa “danger” level na itong naitalang temperatura, kung saan ang tinitingnan dahilan sa pangyayaring ito ay malawakang heat waves na nararanasan sa buong Pilipinas. Ipinaliwanag ng SciJinks ang depinisyon ng heat wave bilang mga panahon na nagkakaroon ng mainit na temperatura na tumatagal ng dalawa o higit pang araw. Nagiging madalas ang pagkakaroon nito dahil sa lumalalang epekto ng pagbabago ng klima o climate change dulot ng mga tao. Gayong unti-unting nababawasan ang bilang ng mga puno at halaman sa bansa, mas lalo pang lumalala ang init na nararanasan ng sambayanan.

Ginto’t Patim-pilak

Sa ikaapat na taon, ipinagpatuloy ng CCSIS ang pagsasagawa ng paligsahang

Gulayan sa Tahanan na pinamagatang #WhataGreenThumbCONTESTYear4, bukas para sa mga mag-aaral mula sa ikapito hanggang ikalabindalawang baitang.

Sa kompetisyong ito’y sumibol ang kahusayan at pagiging mapamaraan ni Glynnis Rae Perez, isang mag-aaral mula sa ikasiyam na baitang, pangkat Concha Blanca. Dahil sa kakaibang diskarte niya na bumuo ng isang greenhouse, nagkamit siya ng unang puwesto laban sa mahigit dalawampung mga kalahok.

GLYNNhouse

Sa greenhouse ni Glynnis, nakapagtatanim siya ng mga litsugas nang hindi na nangangailangan pa ng lupa— nakasandig sa teknik ng hydroponics. Ayon sa United States Department of Agriculture, ang hydroponics ay isang pamamaraan

ng pagpapatubo ng mga halaman gamit ang tubig na nilagyan ng mga sustansiya at nutrisyon. Gamit ang mga pinaglumaang mga styrofoam na isang bloke ang laki, nilagyan ito ng mga tigdadalawang hanay ng butas bilang pundasyon na binakuran ng rolyo ng luntiang wire mesh. Binubungan ito ng isang plastic sheet film na ultraviolet-treated upang ingatan ang mga halamang-tanim sa pagkasira mula sa matinding sinag ng araw. Bagaman urbanisadong lugar ang lungsod ng Calamba, hindi ibig sabihin na ang kakayahan sa pagtatanim ng mga puno at halaman ay malilimitahan. Mula sa patay at malaabong kulay na dulot ng modernisasyon sa sambahayan, gayahin sina Glynnis at iba pang mga mag-aaral ng CCSIS sa kanilang layuning pintahan muli ito ng luntian, nang sa gayon mapanumbalik ang buhay ng sinisinta nilang kapaligiran.

Mapaminsalang Basura sa Lawa::

Solusyong Tatak Calscian Laban sa Suliraning Pangkalikasan

Isa sa patuloy na kinahaharap na problema ng Calamba ang paglobo ng bilang ng mga basura sanhi ng paglago ng populasyon at urbanisasyon. Noong 2021, tatlong sanitary landfill sa Calamba ang ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaya naman mas pinahigpit ang mga ordinansang may kinalaman sa tamang pagtatapon ng basura.

Sa pakikiisa ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) sa pagbabawas ng solid waste sa siyudad, sinimulan ng Youth for Environment in School-Organization (YES-O) ang kanilang proyekto na “Ayuda Mula sa Basura” noong Setyembre 9. Layunin nitong turuan ang mga mag-aaral ng tamang pagaayos ng basura at maging responsable. Ginanap ang Green Couture ng Environment Management Bureau (EMB) Calabarzon noong June, at ngayon

naman sinundan ito ng YES-O ng CCSIS ng “Ayuda Mula sa Basura” at “Eco King and Queen 2024” na binubuo ng dalawang parte. Ang unang parte ay tatakpo sa pagpaparamihan ng pondong makokolekta mula sa basura. Ito ang makakaapekto sa pagpili ng mananalo sa “Eco Queen and King 2024” na gaganapin sa Disyembre, kung saan magsusuot ng damit gawa sa recyclable materials ang mga kalahok. Sa ikalawang parte naman, ipagpapatuloy ng YES-O ang pangongolekta ng mga recyclable na materyales upang ganap na maging gawi ng mga estudyante ng CCSIS ang maayos na pagtatapon ng basura. Ang pondo naman na makukuha dito ay gagamitin ng paaralan upang suportahan ang mga kabataang Calscian na magpakita ng husay at saysay sa iba’t ibang larangan sa labas ng paaralan.

“The first thing na isinasaalangalang namin is yung sustainability, flexibility, and kung kaya ba sya i-adapt at maisagawa agad ng may accuracy and clarity” saad ni Amiline Joy E. Antonio, presidente ng YES-O ng paaralan. Bukod sa “Ayuda Mula sa Basura” maraming proyekto ng YES-O ang patuloy na isinasagawa sa paaralan tulad ng Clean-up Drive bawat quarter katuwang ang iba pang organisasyon sa paaralan tulad ng Supreme Student Learner's Government (SSLG). Patuloy ang pagbabantay ng YES-O sa kalagayang pangkalikasan ng CCSIS upang maging mas epektibo ang pagkatuto ng mga estudyante. Ayon kay Antonio, “Environment is our life.” Ito ang ating tinitirhan at pinagmumulan ng ating kabuhayan, kaya dapat natin itong pangalagaan kahit sa maliit na pamamaraan, kasama na riyan ang pakikiisa at paglahok sa mga kilusan laban sa suliraning pangkalikasan, katulad ng ginagawa ng YES-O.

“Big things have small beginnings.” Sa simpleng inisyatiba, maaari tayong maging kaisa sa pagsugpo ng mga suliraning pangkapaligiran. Di lamang ayuda ang makukuha sa basura, kundi pati na rin pagkakaisa sa pagprotekta sa ating nag-iisang likas na yaman, ang ating planeta.

gaya ng mga mall na tipikal na tambayan ng isang CalScian. Gayunpaman, nang dahil sa urbanisasyon, nasasakripisyo ang estado ng kapaligiran. Imbes na luntian ang kulay na mamayani sa buong sambahayan, binabalot na ito ng kulay abo sapagkat nasesementuhan.
VENICE JOLIPAS

mumunting pangarap:

Sir Edz sa pagtupad ng di-mumunting tungkulin

MERALD VERACRUZ

anay na si Sir Edizon Paner Dela Cruz, 35, sa tawanan at ingay sa loob ng silid-aralan. Gamay na rin niya kung paano makuha ang atensiyon ng mga mag-aaral sa tulong ng kaniyang mga leksiyon. Ngunit sa isang iglap, mababago ang nakasanayang trabaho ng guro—magbabago ang landas na kaniyang tatahakin dahil sa tawag ng panibagong tungkulin.

Huling taon na sa hayskul si Edizon nang maibigan niya ang asignaturang Ingles. Sa munting pagbukas ng bibig habang binibigkas ang mga nagbabagang balita ay tila musika sa kaniyang tainga. Matapos maisagawa ang isang newscasting activity, masasabing tumatak ito sa kaniya. Kalauna’y nagkamit siya ng mataas na grado rito—na naging sanhi ng pagkuha ng kursong Mass Communication. Habang desidido na siyang tahakin ang buhay kolehiyo, doon na gumuho ang kaniyang mundo. Ayon kay Edizon, nang malapit na siyang lumipat sa Maynila, hindi sumang-ayon ang tadhana pati na rin ang kaniyang mga magulang, kaya naman ay napagpasiyahan niyang ituloy ang alternatibong kurso—ito ay ang mag-aral ng Education. Ngunit ang hindi niya alam, unti-unti nitong babaguhin ang magiging buhay at pangarap niya sa hinaharap. Dahil mahirap maghanap ng trabaho, kinuha niya ang oportunidad at pinilit na mag-aral

ulit makatapos maka-graduate. Nang makuha ang kaniyang batsilyer, agad na rin siyang kumuha ng masterado sapagkat ito ang pinakakailangan para makapagturo sa kolehiyo. Gayundin, ang mapabilis ang promosyon sa Department of Education (DepEd). Nang maging lisensiyadong guro, dito na nagkaroon ng kulay ang kaniyang buhay. Sa simpleng tawag na “Sir Edz,” mas lalong siyang nakilala ng kaniyang mga naging estudyante at kasamang kaguruan. Sa unang limang taon, naluklok siya bilang guro sa mga pribadong unibersidad at paaralan sa probinsya ng Laguna—katulad ng Laguna Colleges of Business and Arts (LCBA), Lyceum of the Philippines University (LPU), at National University (NU). Samantala, 10 taon naman sa pampublikong eskuwelahan, ang Calamba City Science Integrated School (CCSIS). Taong 2018 nang sinubok ng panahon si Sir Edz upang makapag-exam ng National Qualifying Examination for School Heads (NQESH). Ayon sa DepEd,

“You’re a cowboy like me, perched in the dark. Telling all the rich folks anything they wanna hear like it could be love. I could be the way forward.” Nakabibinging katahimikan ang namayani sa paligid. Ngunit sa isang sulok ng kuwadradong silid ng paggaling mula sa sakit, mas nangingibabaw ang pag-asang nararamdaman ni Nielle Caluya, 18. Sa kabila ng mga sariwang sugat ng operasyon, nagawa pa rin niyang maging matibay sa tulong ng pagbabaliktanaw sa mala-paraisong mundo ng Swifties.

Hunyo 22, 2024 nang ma-operahan si Nielle para sa kaniyang sakit na scoliosis. Upang magkaroon ng ‘closure’ sa karamdaman, on repeat sa kaniya ang “The Tortured Poets Department” na latest album ng sensational singersongwriter na si Taylor Swift. Ito ang kaniyang sandigan sa isang buong linggo upang tuloy-tuloy na maghilom ang mga sugat na naging bahagi na ng kahapon.

Isa lamang si Nielle sa humigit-kumulang tatlong milyong Pilipino na apektado ng sakit na scoliosis ayon sa pag-aaral ng Scoliosis Research Society. Subalit isa rin si Nielle sa iilang mapalad na nakatanggap ng agarang aksiyon para sa kaniyang kondisyon. Bukod sa inindang karamdaman, nakatulong din kay Nielle ang pagiging isang Swiftie noong kasagsagan ng pandemyang COVID-19. Sa panghihikayat ng kaniyang mga tita, nagsimulang maging idolo ng dalaga ang naturang mang-aawit. Ayon kay Nielle, “Listening to her music makes me feel productive.” Mistulang pinapana ni Kupido ang puso ni Nielle sa tuwing pinapakinggan niya ang paborito niyang album na ‘evermore’. “Kapag bored o may pinagdadaanan

ako sa buhay, nakikinig lang ako tapos maya-maya ay okay na ako ulit,” saad ni Nielle. Umabot ng ilang taon ang pagmamahal niya kay Taylor. Hanggang sa laking tuwa niya nang ‘tis the damn season’ na nang pinakahihintay na The Eras Tour. Bagaman sabik si Nielle na makadalo sa naturang pagtatanghal, aminado siyang hindi niya kailanman naisip na makakadalo pa. Bukod sa mahirap makakuha, hindi maikakailang tila ‘gold rush’ ang halaga ng mga concert ticket. Tumataya kasing $348 o P14,200 kada isa nito sa Singapore, kaya’t umaasa ang dalaga na maging isa sa 55,000 Swifties na makadadalo sa minimithing pagtatanghal ng kaniyang iniidolo. Nang sumapit na ang Disyembre, buwan ng kaniyang kaarawan, tuloy pa rin siya sa pag-mamanifest sa Facebook sa pag-asang may makaririnig sa tangi niyang hiling. Wala na sigurong mas tatamis pa na masurpresa sa mismong kaarawan: “Nagulat ako na kumatok sila tita at ninang sa pinto tapos may dala-dalang ticket, syempre hindi ako makapaniwala,” dagdag pa ni Nielle. Hanggang sa dumating na ang pinakahihintay na araw sa buwan ng Marso. Wala man sa harapan, ramdam niya naman mula sa likuran ang tamis ng boses ni Taylor Swift. “Kikilabutan ka talaga, manlalamig ‘yung kamay mo sa sobrang excitement,”

saad niya. Mula sa boses, kanta, at kasuotan, hanggang sa dagundong ng buong awditoryum, masasabi ni Nielle na sulit na sulit ang kanilang pagdalo. Ang lahat ng kasiyahan ay humahantong sa katapusan. ‘It’s time to go’, no’ng una ay apat silang pumunta ngunit ngayon ay uuwi siyang walang kasama. Isang desisyon na kinakailangan niyang piliin sapagkat nahuhuli na siya sa mga aralin. Mahirap man sa una, ay naging masaya naman siya na kahit sa isang pagkakataon, nasaksihan niya ang matagal nang iniidolo. Nakasisilaw na mga ilaw ang naghari sa paligid, at nang tumugtog sa entablado ang isang nakahahalinang kanta na “cowboy like me,” kasabay ng ritmo nito ang patuloy na paglago ng kaniyang pagkatao. Ang dating koboy ay ngayo’y napalitan ng “long story short,” sapagkat ang lahat ng mga nangyari sa araw na ‘yon ay mananatiling nasa puso ni Nielle at bibitbitin patungo sa panibagong yugto ng kaniyang paglalakbay bilang isang Swiftie.

ito ay isang pagsusulit para sa mga nangangarap na maging isang punong-guro balang araw. Ilan sa mga kwalipikasyon upang makakuha nito ay ang pagiging Teacher III sa loob ng limang taon at pagiging Master Teacher naman sa loob ng dalawang taon. Pasok naman sa banga ang kaniyang credentials bagkus ay hindi naman pasok ang kaniyang iskedyul sa nalalapit na araw ng exam. Kaya naman, pansamantalang natigil ang kaniyang pangarap—ang mamuno sa isang paaralan balang araw.

“Kapag may gusto, may paraan.” Makalipas ang anim na taon, sumubok ulit si Sir Edz sa pangalawang pagkakataon— kumuha siya ng NQESH noong Mayo 26 ng nakaraang taon. Sa ilalim ng DepEd Memorandum no. 13, s. of 2024, binubuo ang pagsusulit na ito ng mahigit 200 na mga katanungan tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa pamamalakad ng paaralan maging mga kautusang nagmula sa DepEd.

Hindi nagtagal ay nagbunga ang kaniyang pagsisikap. Ang dating pangarap ay tuluyan nang magkakatotoo nang maipasa ang NQESH. Hindi lubos na inakala ni sir Edz na siya ay makakapasa sa kadahilanang hindi siya nakapaghanda o nakapagbuklat man lang ng kaniyang mga libro para dito. “Out of 200 questions, isa lang ang sure kong sagot kaya sobrang nagulat ako that time,” saad niya pa. Mula sa maingay na silidaralan hanggang sa tahimik at mapayapang opisina ng isang dalubguro. Kailanma’y wala sa bokabularyo ng kaniyang mumunting pangarap, si Sir Edz, ang magkaroon ng karangalan na maging tagapamahala ng isang paaralan. Bagaman siya’y tutungo sa isang panibagong yugto ng buhay, walang hadlang ang makapipigil sa daan ng tagumpay. Sa ngalan ng pagtupad sa ‘di mumunting tungkulin, mananatili ang angking husay at saysay ni Sir Edz, hindi lamang bilang isang guro pati na rin ang pagiging isang punong-guro.

SESENTA Y QUATRO

“Saan aabot ang baon mo?”

Sa kasuluksulukan ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), matatagpuan ang mga kantina na may mga presyong tila nakapamamalik-mata. Kaya’t marami ang nabigla sa pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na sapat na ang P64 kada araw upang masabi na hindi nagugutom ang isang mamamayan. Ito ang dahilan kung bakit sa bawat panukli, pinipili ng mga CalScian ang maging suki ng mga pinipilahang kariton ng mga pagkaing abot-kaya.

ENAFpanada ni Joseph

Gaano man kaalinsangan sa lansangan, si Joseph Lagadia, 32, ay abala na sa pagbebenta bago pa man maghapunan. Walang sinag ng araw ang nagpapabagal sa kaniyang galaw; kumbaga, sanay na ang kaniyang katawan sa kalbaryo ng araw-araw dulot ng pabago-bagong kita. Katulad ng malutong na balat ng P15 empanadang kaniyang binebenta, kailanma’y hindi naging makunat ang katatagan ni Joseph. Kaya nang minsang mabaon sa utang, araw-araw na niyang daladala ang inspirasyong hatid ng kaniyang pamilya. “Mas pipiliin ko ang trabahong ito kaysa sa dati,” saad niya dahil natutulungan niyang maibsan ang gutom ng mga estudyante sa abot-kayang halaga.

SOLBetes ni Romy

Sa bukana ng sintang paaralan, masisilayan si Romy Marcelino, 43, na may nakatutunaw na istorya bilang “mamang sorbetero”. Sa bawat salok ng sorbetes, napapawi ang pagod ng mga estudyante. Mula ika-10 ng umaga hanggang uwian, nagtitinda siya nito sa iba’t ibang lalagyan na may halagang P10, P15, “Tinapay ang pinakamabenta,” aniya, patunay ang P4500 na kita mula sa paboritong ube-keso ng mga CalScian tuwing uwian. Hindi lamang ang pagbebenta ng apa ang kaniyang gampanin subalit pati na rin ang pagiging “papa” sa sarili niyang mga magulang dahil na rin sa katandaan. Kaya’t sa bawat pagsikat at paglubog ng araw, iisa

lamang ang misyong nais niyang matupad—ang makatulong sa mga minamahal sa buhay.

Subok na Tusok-tusok ni Bobby

Sa halos dalawang dekadang karanasan ni Bobby Manuel, 35, sa pagtitinda ng binabalikbalikang fishball, kikiam, kwek-kwek, at squidball, manhid na ang kaniyang mga kamay sa bawat tilamsik ng mantika. Labing-anim na taong gulang pa lamang si Bobby nang sinimulan niyang libutin ang Luzon upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa kasalukuyan, ang demotor na kariton ni Bobby ang una’t huling makikitang kariton sa bawat hapong nagdaraan sa buhay ng mga CalScian. Patuloy na tinatangkilik ng mga mag-aaral ang kaniyang mga panindang may presyong hindi bababa sa P2 at hindi tataas sa P20. Bagama’t mura at abot-kaya ang kaniyang mga paninda, araw-araw na nakapag-uuwi ng kitang P1500 si Bobby na kaniyang matiyagang iniipon upang may maipadala sa pamilya. Sa gitna ng mainit na kalyeng pumapalibot sa CCSIS, sina Joseph, Romy, at Bobby ang mga bayani ng araw-araw. Ang kanilang mga kakanin at inumin ang dahilan kung bakit napapawi ang gutom at lungkot ng bawat CalScian sa abot-kayang halaga. Sa bawat sukli, nagiging suki sila ng mga kamay na hindi lamang nagtitinda kundi naghuhulma rin ng pag-asa sa mataas na presyo ng buhay.

CHESTER LIANZIA

Sa pagguhit ng sirkulo ng buhay, may iba’t ibang emosyon at istorya ang nakasalalay. Mula sa pagiging masaya hanggang sa napapalitan ng pagkalungkot, inggit na wari’y napupunta sa pandidiri, at nakatatakot na pangyayari na nagsasanhi sa minsang pagkagalit—walang makakawala sa mala-bolang takbo ng paglalakbay na kung saan tila ba pinaiikot ng magkakaibang aspekto ang kapalaran ng bawat isa. May panahong nasa ibabaw, ngunit may pagkakataon namang nasa ibaba. Sa ganitong diwa mababatid na may kuwento ang bawat isa—mapa-bata man o matanda, na hindi lamang kapupulutan ng aral at leksiyon kundi magsisilbi ring inspirasyon para sa susunod na henerasyon.

Tawa’t Ngiti: Putaheng Hatid ni Mama Santy

ikat ang mga katagang ang pinakamagandang paraan upang maghatid ng pagkain ay sa pamamagitan ng pagmamahal, na siyang nagpapasarap sa bawat putaheng alok sa bawat hapag-kainan. Ngunit para sa iba, hindi lamang patak ng puso ang kailangan, hindi rin dapat kalimutan ang buhos ng kaligayahan. Katulad na lamang ni Santy Maranan, 55, isa sa mga canteen staff ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS).

ginagamit sa iba’t ibang programa

Kabilang dito ang 35% na inilalaan para sa feeding program, 25% para sa school shares na ginagamit sa pagsasaayos ng pasilidad at pangtustos kapag walang pondo ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), 15% sa transportasyon at gastusin ng mga kalahok sa paligsahan, 10% ang para sa kagamitan ng Home Economics, samantalang 5% ang nakatabi para sa klinika. Bagama’t kasama sa operasyon ng kantina ang sweldo ng mga canteener, wala silang tiyak na bahagi sa alokasyon. Bukod dito, nabanggit din ni Suzanne Salom, canteen coordinator, nakatatanggap ng bonus ang mga empleyado tuwing pasko at sa pagtatapos ng taong panuruan. Sa bawat tawanan at kulitan, tila ba nagiging mas magaan ang bawat araw ng mga mag-aaral. Hindi nakapagtataka kung bakit “Mama Santy” o “Mommy Santy” ang tawag sa kanya ng mga bata. Hindi lang kasi pagkain ang kanyang inihahain, kundi isang pakiramdam ng pagkalinga at pagmamahal—parang tunay na ina. Sa ganitong paraan, nabubuo ang isang espesyal na koneksyon sa pagitan niya at ng mga CalScian—isang koneksyon na nagdadala ng kakaibang saya sa kantina.

Sa pluma ng

pamamaalam:

Tanda ng isang Gurong Dakila

Ayon kay Zijian Madrigal, magaaral sa CCSIS, “Nakikipagsabayan talaga siya sa energy naming mga bata which is effective to make the canteen’s energy and hype.” Kaya naman hindi maikakaila na ang presensiya ni Mama Santy ay hindi lamang mga mag-aaral ang naapektuhan, bagkus maging ang kita ng paaralan. Si Zaisha Cataluña naman na isa sa mga malalapit na estudyante kay Mama Santy, sa loob man o labas ng canteen, hindi mawawala ang kaniyang pagkahumaling sa mga hirit nito. “Parang yung work niya is not only to serve us food but to serve us happiness din,” aniya. Bilang isa sa mga pinakamasayahing staff ng CCSIS, hindi maikakaila na si Mama Santy ay hindi lamang nagbibigay ng sustansiya sa katawan ng mga bata, kundi naghahatid din ng kaligayahan at inspirasyon sa araw-araw. Sa kabila ng kaniyang edad, hindi alintana ang bawat pagkain na kanyang inihahain at sa bawat ngiti na kanyang ipinapakita— si Mama Santy ang nagsisilbing isang buhay na patunay na minsan, ang simpleng pagngiti at pagbibigay saya ay sapat na upang magdala ng malaking pagbabago sa buhay ng iba.

Isang post sa Facebook ang gumulat sa mga mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) ilang linggo bago ang pinakaaabangang Brigada Eskwela 2024. Dito mababasa ang maikling pagpapahayag ng pamamaalam sa sintang paaralan ng tinitingalang guro ng karamihan—si Sir Kevin Barrera. Halo-halo ang reaksiyon ng mga nakakita, subalit kung may iisang ekspresiyong makapagpapaliwanag sa nararamdaman ng nakararami, ito ay lungkot. Para kasi sa kaniyang mga naging mag-aaral at katrabaho, hindi natatapos sa pagtuturo ang impluwensiyang nagmarka sa kaniyang

Isa lamang si Sir Kevin sa libo-libong gurong taon-taong binibitawan ang kanilang trabaho sa ilalalim ng Department of Education (DepEd). Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, ang mga pangunahing rason sa ganitong pangyayari ay ang pagreretiro, paglipat sa ibang bansa para sa mas malaking suweldo, at ang paghahanap sa mas malawak na paglago sa propesyon ng mga guro. Bagaman para sa karamihan ay naging maikli ang halos pitong taong pamamalagi ni Sir Kevin sa loob CCSIS, walang maipipintas sa angking husay at saysay ng naturang guro. Ayon nga kay Denise Perez, presidente ng pangkat kung saan huling naging gurong tagapayo si Sir Kevin, “Out of all the teachers na nagturo sa amin, sa kaniya yung feel namin na pinaka-effective magturo.”

Kaya’t kahit sa maikling panahon lamang nakasama at nakilala ni Denise at ng kaniyang kapwa mag-aaral ang guro, marami pa rin silang napulot na aral mula sa kaniya, lalong-lalo na sa pagkakaroon ng kamalayan sa lipunang kinabibilangan. Isa naman si Huan Catan, dating mag-aaral sa CCSIS, sa mga mag-aaral na itinuturing na modelo at inspirasyon ang naging misyon si Sir Kevin na pagsisilbi sa

indi madali ang magsulat ng liham. Kailangan kasing alalahanin ang mga teknikal at mekanikal na aspeto sa pagbuo ng mensaheng pupukaw sa atensiyon ng makatatanggap nito. Ngunit sa lahat ng uri ng liham, ang liham pamamaalam na siguro ang pinakamahirap na isatitik lalong-lalo na kung ito ay para sa iniidolo, kaibigan, at tagapagturo.

bayan. Kamakailan lamang nang pumasa si Huan sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) sa kursong BS Mathematics and Science Teaching. Aniya, “I aspire to be as effective as him, someday.” Panghihinayang naman ang nangibabaw na emosyon para kay Ma’am Maricar BayrantePamatmat—ang kapuwa guro ni Sir Kevin sa Agham Panlipunan. Bukod kasi sa pagiging isang kapuwa guro, isa ring kaibigan si Sir Kevin para sa maraming katrabaho. Ani Ma’am Maricar, “Nakakalungkot, kasi wala na akong ka-partner dito.” Gayumpaman, naiintindihan ni Ma’am Maricar ang naging desiyon ng matalik na kaibigan. Aniya, “Si Sir Kevin ay breadwinner din. Although, may trabaho rin ang parents niya, pinapaaral pa rin niya ang mga kapatid niya.”

Batid ni Ma’am Maricar kung gaano ka-responsable sa pamilya ang kaibigan, kaya’t bukod sa tagumpay sa propesyon at pag-ibig, isa sa mga hiling niya para kay Sir Kevin ay ang pagkakaroon nito ng pinansiyal na seguridad.

Elementarya pa lamang, nakaramdam na si Bebeng na may kakaiba sa kaniya dahil sa tuwing siya ay nagsusuot ng mga pambabaeng damit, iba ang nagiging timpla ng kaniyang mukha. Sa kabila ng pagkailang, wala siyang magawa sa tuwing siya’y pinapaalalahanan ng kaniyang tita na “babae siya”. Nang sumapit ang pagdadalaga, hindi na maalis sa kaniyang pang-araw-araw

na pananamit ang naglalakihang dyaket na itim upang matakpan ang mga pagbabagong nagaganap sa kaniyang katawan. Humantong na nga si Bebeng sa hayskul nang kayang subukang magsuot ng panlalaking uniporme sa eskwelahan. Hindi man siya umamin ngunit napansin naman ito ng kaniyang magulang. Kaya’t nang tinanong siya kung ano nga ba talaga siya, matapang niya itong sinagot at binalewala ang takot at ang pandidiring maaaring maramdaman ng mga taong malapit sa kaniya.

Sa ilalim ng paglisan ng isang gurong dakila, naitaga sa pluma ng kaniyang paglisan ang mga alaala at aral na iniwan sa kanyang mga mag-aaral at kasamahan. Habang hinaharap niya ang bagong yugto ng kanyang buhay, dala niya ang pitong taong karanasang nagbukas ng maraming pintuan ng kaalaman sa CalSci. Sa bawat hakbang na kanyang tatahakin, ang kanyang pluma ay magpapatuloy sa pagsusulat ng kuwento ng tagumpay, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa lahat ng magiging saksi.

NINA BORDAMONTE

agmistulang manika ng pamilya, sinuotan ng matitingkad na kulay na bestida, at kinulayan ang mukha gamit ang mga mamahaling kolorete, gan’yan kung alagaan ng pamilyang Santos si Aisling, 18, o mas kilala bilang “Bebeng”. Ngunit ano nga ba ang magiging reaksyon nila kung sa isang iglap ay nagbago na lang ng bihis at pagkatao ang kanilang unica hija?

Hindi maikakaila ang kaba kay Bebeng dahil ang kaniyang kinalakihan ay konserbatibong pamilya. Ngunit, sa halip na masasakit na salita, suporta at pagmamahal ang naging tugon ng kaniyang mga mahal sa buhay sa inamin niyang tunay na pagkatao. Kahit tinanggap na siya ng kaniyang pamilya, nakalulungkot at nakadidiring isipin na may mga tao pa rin na hindi bukas ang isipan sa mga ganitong usapin—LGBTQIA. “That’s my tomboy,” ito ang madalas na panukso sa kaniya kaya’t minsan

nakararamdam siya ng pait dahil hindi nirerespeto ng iba ang kaniyang pagiging transgender. Sa kabila ng tukso,

UpCat OBLE

Diary ng CCSISkolars

Nakatatakot. Nakasasabik. Nakakakaba. Nalalapit na ang mga araw kung saan libo-libong estudyante ang nagtagisan ng determinasyon at kahusayan—UPCAT season! Hindi man sapat ang kahandaan ngunit hindi magpapahuli ang mga CalScians na minsang nangarap na maging ‘iskolar ng bayan’.

UP o Unibersidad ng Pilipinas, ay ang tinaguriang “home of the scholars.” Isa ang UPCAT, o University of the Philippines College Admission Test, sa inaabangang entrance exam sa bansa. Ayon sa tala ng UP System, tinatayang 104,000 ang naga-apply taon-taon. CalScians, anong kwentong UPCAT niyo?

OBLEcle #1: Pangarap o Pasyon?

Isang taon na lamang, tila naguguluhan si Crystel Ong, 17, sa kung anong uunahin niya—iyong magpo-pokus ba sa pagrereview para sa pangarap o itutuloy ang nasimulang pasyon sa paglaban sa Campus Journalism. Magda-dalawang taon na sana siyang patnugot ng pahinang lathalain ng Agsikap at inaasahang lalaban sa Oktubre. Bagkus tuluyang nag-iba ang takbo ng kaniyang buhay nang ilabas ng UP ang araw ng pagsusulit para sa UPCAT ‘25-’26, ito ay sa Agosto 10-11 sa susunod na taon. “Hindi ko naman talaga plano na tigilan muna ‘yung pagiging campus journalist ko, ang kaso sa review center kasi namin ay may pre-test tapos no’ng cinompute na namin, sobrang baba at

hindi pasado ‘yung nakuha kong UPG,” ani Crystel. Kaya naman, pansamantalang niyang itinigil ang pagsulat sa pahayagan at sinimulang magsulat ng mga rebyuwer para makamit ang minimithing kahilingan—maging iska sa UP. Hindi rin nagtagal, nagbunga ito ng maganda sa kabila ng kaniyang ‘pag-give up sa passion’ noong nag-post test sila at nakakuha ng pasadong resulta.

OBLEcle #2: Pera-Paraan sa Pangarap

Sa P100 na baon kada araw, hindi na bababa sa mahigit P30 ang iniipon ni Benj Vigilla, 18, para mabili ang Maroon Bluebook—isang librong naglalaman ng mock tests at explanations tungkol sa UPCAT. Sa tulong ng kaunting perang naitago, pasimple niyang hinulog-hulugan ang kaniyang alkansya. Nang makalipas ang tatlong buwang pagtitiyaga, napasakanya rin ang inaasam na review material.

Ilang buwan ang ginugol niya sa pagbabasa ng Maroon Bluebook at hanggang sa papalapit na ang Agosto ay waring umaaray ang kaniyang kapalaran. Kung minsan, hindi niya na naiintindihan ang ilan sa mga aralin dahil sa kakulangan ng masusing pagpapaliwanag ng mga kasagutan. “Gustong-gusto ko nang makapagenroll sa review center pero hindi na ako tumuloy dahil masyadong mahal,” daing ni Benj.

OBLEcle #3: Ambisyon, Ambisyosa

Danas na danas ni Alyzah Fameronag, 17, ang pagiging isang normal na estudyante. Hindi gaanong katalinuhan; hindi rin namang napag-iiwanan pagdating sa mga aralin na tulad ng Matematika at Agham. Subalit kahit namumuhay ng normal ay hindi siya mawala-wala na maging sentro ng kwentuhan, lalo na’t may ate siyang kaka-graduate lamang sa University of the Philippines-Los Baños (UPLB) noong nakaraang limang buwan. Sa kabila ng mga sabi-sabi na naririnig mula sa ibang kapuwa, kahit katiting oras ay hindi niya kailanman na pinalampas upang mapatunayang nararapat din siyang maging Iska. Saad pa niya, noong time na nag-aaral siya, “Isa si ate sa motibasyon ko para matupad ang matagal ko ng ambisyon.” Nakakikilabot. Nakaiiyak. Nakapanlulumo. Natapos na ang mga araw kung saan libo-libong mag-aaral ang nagpakita ng dunong at kahusayan—UPCAT ‘25! Hindi man nagtugma ang kahandaan sa kani-kanilang kapalaran, tunay na hindi nagpatalo ang mga CalScians at patuloy na nangangarap na matawag bilang ‘iskolar ng bayan’.

UMaAraW,

CRYSTEL

ONarium

Taong 2022 nang unang makaranas si Christian ng matinding pananakit ng ulo, dahilan kung bakit agad siyang kumonsulta sa pinakamalapit na ospital sa kanilang lugar. Ngunit, imbis na bigyan ng gamot sa sakit na

UMUULAN

Pagsikat ng Leyyywanag sa Maulang Buhay ni Sir Juls

“Eyyy ka muna, eyyy!” Ang pahayag na ito, kasama ng nakaaaliw na kumpas ng kamay, ang minsang naging craze sa social media. Mapa-bata o matanda, walang hindi naki-uso sa ekspresyong ito— maliban na lamang sa gurong si Sir Julious Balahadia o mas kilala sa palayaw na “Sir Juls”. Hindi pa man kasi siya nakatutuntong sa elementarya, naranasan na ni Sir Juls ang insidente na minsang nagtago ng liwanag at pag-asa sa kaniyang buhay.

Nagsimula ang maulang paglalakbay ni Sir Juls nang minsan siyang sumama sa ina na madalas na inuutusang tagahugas ng pinggan sa bahay ng kaniyang tiyuhin. Walang muwang niyang napaglaruan ang isang pill box bomb na para sa paslit niyang isipan ay nagmistulang isang bola—dahilan kung bakit kinailangang putulin ang bahagi ng kaniyang kanang kamay.

Bilang isang person with disability (PWD), maraming naranasang diskriminasyon at pambubulas si Sir Juls lalo na noong siya ay musmos pa lamang. Gayunpaman, hindi

ito naging hadlang upang siya’y makilala ng kaniyang mga mag-aaral bilang isang mahusay na taga-pagturo at mang-aawit. Ngunit bago pa man siya mapadpad sa paaralang ngayo’y nagsisilbi niyang tahanan, maraming bagyo at unos na ang kinailangan niyang lampasan. Ilang beses siyang hindi naging regular sa mga paaralang pinagturuan. Dumagdag pa ang diskriminasyong kaniyang naranasan noong siya ay sumubok na magturo sa Korean Online Teaching, “Entrada palang sa akin ng coach ko, ‘wag ko raw ipakita yung kamay ko sa screen.”

Sa mga pangyayaring ito ay aminadong hindi alam ni Sir Juls ang mga batas na kaakibat ng kaniyang kalagayan. Ayon kasi sa Batas Republika Blg. 10524, para sa mga kwalipikadong PWD,

hindi dapat gawing basehan ang kanilang pisikal o mental na kakulangan pagdating sa pagiging isang empleyado ng pamahalaan maging ng mga pribadong korporasyon. Matapos malamang hindi muli mare-renew ang kontrata sa ikatlong pribadong paaralang pinagsilbihan, sumubok si Sir Juls na tahakin ang pagiging isang guro sa pampublikong paaralan. Dito siya nakatanggap ng posisyon bilang kauna-unahang PWD na guro sa Calamba City Science Integrated School at kasalukuyang nagtuturo pa rin dito.

Batid ni Sir Juls na “may time talaga sa buhay natin na dadaan ang mga negative things.” Subalit ika nga sa paborito niyang kanta na “Umaaraw, Umuulan” ng Rivermaya, hinding-hindi siya papasindak sa mga kapalarang hindi maiiwasan. Kaya

GABRIEL FONACIER

pintig ng pag-asa Simpleng Hiling ni Christian

dinadaing, napansin ng doktor ang hindi pangkaraniwang tibok ng kaniyang puso.

“Abnormally high nga raw yung heart rate ko at umaabot siya ng 130+ bpm at rest,” ani Christian.

Mula noon, napadalas na ang pagliban ni Christian sa klase upang magpabalik-balik sa ospital upang matukoy kung bakit ganoon na lamang kabilis ang pintig ng kaniyang puso.

Inabot na sila ng apat na buwan na palipat-lipat ng ospital para lamang makahanap ng doktor matutukoy ang kaniyang sakit, ngunit palaging nauuwi sa wala ang pagpunta niya.

Hanggang sa nirekomenda ng isang lokal na doktor na pumunta na lamang sila sa Philippine General Hospital (PGH) upang doon magpatingin. Dito na niya nalaman na ang iniinda na pala ay

Myocarditis—isang uri ng sakit na kung saan namamaga ang puso ng isang tao. Kung tutuusin, ang sakit na myocarditis ay bihira lamang makita sa kabataang tulad ni Christian. Sa katunayan, ayon sa Myocarditis Foundation, isa sa kada 100,000 lamang ang palagay na naiuulat na kaso ng myocarditis sa kabataan. Kaya naman mistulang nabingi ng katahimikan at binalot ng kunot na marka ang mukha ni Christian nang mapag-alaman niyang mayroon na siyang sakit sa puso sa kabila ng mura niyang edad. Bagaman posible itong magamot, hindi pa rin niya magawang makawala sa pangangamba dahil matagal ang gamutan na kinakailangan na aabutin ng buwan o taon kung hindi tuluyang bubuti ang kaniyang kalagayan.

Nang malaman ni Christian ang tagal ng gamutan, agad siyang binalot ng takot, hindi takot na malagay sa peligro ang kanyang buhay kundi takot na kaawaan, pagdudahan, at itrato siya ng iba ng mga taong nakapaligid sa kanya dahil lamang sa kaniyang sakit.

Sinasabing ang sakit sa puso ang pinakatraydor na sakit sapagkat hindi mo mamamalayan kung kailan ito aatake, dahilan kung bakit ito kinatatakutan ng karamihan. Subalit para kay Christian Dequit, mag-aaral mula sa Calamba City Science Integrated School (CCSIS), hindi ang mismong sakit ang kinamumuhian kundi ang pangambang ituring siyang kakaiba at kaawa-awa ng karamihan. Matalino, masayahin, at simple kung ilarawan si Christian ng kaniyang mga kamag-aral. Sa tuwing mababangit naman ang kaniyang pangalan sa mga guro, iisa ang kanilang sinasambit, ang batang marapat na tularan ng nakararaming mag-aaral sapagkat siya ang tipong lumiban man sa klase ay agad na nakikipag-ugnayan sa kaniyang mga guro sa mga aralin at gawaing nagdaan. Ngunit sa kabila ng mga positibong mga pananaw na ito, may itinatago palang mabigat na sikreto si Christian, ang malubha niyang sakit sa puso.

“I’m scared that people will start treating me differently just because of my illness. kasi recently, ‘yung sakit ko yung main reason kung bakit I’ve been missing out on things that I’ve been really passionate about for these past few years” saad ni Christian. Bagaman takot at pagkamuhi ang namamayani sa puso ni Christian para sa kaniyang sakit, hindi siya nawalan ng pag-asa upang magpatuloy at sabayan ang mapanghamong takbo ng buhay. Unti-unting bumalik ang kulay ng buhay ni Christian, naging kontribuyutor siya sa pahayagan ng paaralan, honor student, at madalas na kampeon sa iba’t ibang kompetisyon. Sinasabing ang sakit sa puso ang pinakatraydor na sakit. Para kay Christian, motibasyon niya ang bawat pintig ng nakaraan upang patuloy na tumibok ang pag-asa ng kaniyang kasalukuyan. Hindi man niya muling magawa ang mga bagay na dating nakasanayan, batid ni Christian na hindi siya kulang, sadyang naging limitado lamang ang mundo para sa kaniya.

MERALD VERACRUZ
bawat isa—magkakaibang mukha at sariling pagpapakahulugan; magkakaibang karanasan at kasanayan. Subalit, hindi mabubura ang katotohanang sa tuwing umiikot ang bola ng kapalaran, may aral at leksiyong magsisilbing inspirasyon para sa kinabukasan. Ang mga pagsubok sa ibabaw at ibaba ng mga bida sa istorya—maging ito man ay may dulot na kasiyahan, kalungkutan, kaiinggitan, pinandidirihan, katatakutan, at kagagalitan—ang muling bubuo sa mga guhit sa sirkulo na minsa’y napudpod at nawalay. Pagkatandaang hindi nasusukat sa mga emosyon ang mga kalbaryo ng buhay, sapagkat ito ay bunga ng mga taong minsang
namulat, at ‘di na pipikit kailanman.

Maka

Harina, asukal, pampaalsa, at itlog ang karaniwang makikita sa isang kusinang hitik sa nakalalasap at nakabubusog na mga tinapay na ipinapares sa kape’t mantikilya. Subalit sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin kaakibat ng tumataas ding pandaigdigang implasyon, tila ang dating abalang mga galamay na umaalalay sa mga tahanan sa oras ng kagutuman ay unti-unting lumalayo sa mga kamay ng pangkaraniwang mamamayan.

Matapos ang pandemya, ayon sa Philippine Baking Industry Group, tumaas ang presyo ng mga sangkap gaya ng itlog mula P155 hanggang P215 kada tray—presyong inamag sa minsang itinuring na “Panaderya ng Bayan”.

Hinulmang nakaraan

Bagaman iilan na lamang sila, isa ang Josam Bakery ng Calamba City sa mga patuloy pa ring nakikipaglaban at tumitindig para sa makamasang panlaman tiyan. Usap-usapan na si Jose “Josam” Santos ang nagtatag ng naturang panaderya noong dekada ‘70, na nagsimula pa sa lungsod ng Cabuyao bilang MixUp Breadhaus N’ Variety Store. Nang dahil pumatok sa panlasa ng masa, pumailanlang ito sa mga kalapit na bayan tulad ng Calamba City at Sta. Rosa. Nang kinailangang lisanin ang dating puwesto sa likod ng Simbahan ng Parokya ni San Juan Bautista, ipinagpapatuloy ang legasiya ng panaderya sa Brgy. 3. Sa pamamagitan ng mahigit dalawang dekadang paghahalo’t pagmamasa nina Ofelia Mendoza, 42, at Wilmar Operario, 55, kapitkamay nilang pinalalagablab ang negosyong kalahating siglo na rin ang tanda.

Humupang puhunan Walang pamamalikmata sa presyo ang maaaring magpabalik sa negosyong tila kisapmata lamang nang mawala matapos magdaan ang Covid-19. “Ramdam ang pagtumal,” buntong-hininga ni Ofelia, “dahil hindi na bumalik ang dating lakas ng panaderya.” Gaya ng Gardenia Bakeries, nahirapan ding makabangon ang Josam Bakery dahil sa pagkaubos ng tauhan dulot ng mga isyu sa community quarantine. Kasabay ng pagtaas ng implasyon sa 2.5% noong Nobyembre 2024, ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba ang bilang ng mamimili at mistulang inalikabok na palamuti na lamang sa likod ng mga salamin ang mga tinapay sa Josam. Gayunpaman, walang tinapay na mas lalambot pa sa kanilang mga pusong minamasa ang panlasa ng sambayanang kinagisnan ng puhunan.

Hinurnong Pamayanan

Malayo pa lamang, humahalimuyak na ang pinakamabenta sa lahat, ang pandesal, sa halagang P2.5 kada piraso. Sinasalubong ng

mga panadera ang umaga sa pagbabalot ng mga sariwang tinapay araw-araw. Pagpatak ng dapithapon, binitawan ni Wilmar ang salitang ‘binabalikbalikan’ dahil walang mintis na dinudumog ng mga tao ang P9 na crinkles at P12 na donut. Wala ring angal ang nakararami dahil kailanman ay hindi nagbago ang timpla ng tinapay, ayon kay Ofelia. Bagama’t iba ang orihinal na pangalan, nakilala ng mga Calambeño ang Josam dahil sa natatangi nitong lasa. Sa kabila ng pagtaas ng halaga ng mga sangkap sa panaderya, pinatunayan ng Josam Bakery na hindi lamang harina, asukal, pampaalsa, at itlog ang bumubuo sa isang mainit at malambot na tinapay—hinuhulma rin ito ng dedikasyon at pagtitiyaga. Bagaman nabago ang bihis at puwesto ng panaderya, hindi naman nag-iba ang dasal ng lahat kundi sa pagdilat ng ating mga mata ay masipat ng masa ang halaga ng negosyong naudlot sa isang kisapmata. Ang minsang napunding ilaw ay makatatanaw muli ng liwanag mula sa mga kamay ng panadero’t panaderang humango ng tagumpay sa abot-kayang tinapay.

“Ramdam ang pagtumal, dahil hindi na bumalik ang dating lakas ng panaderya.”

OFELIA MENDOZA

MAY-ARI NG JOSAM BAKERY

Ningas

Kumupas na Kwento ng Bahay ng mga Catuira

CRYSTEL ONG

Kung nakapagsasalita lamang ang mga bintana’t dingding ng bahay ng mga Catuira, marahil ay hinanakit ang magiging bukambibig nito. Tanda ng unti-unti nitong pagkasira na napag-iwanan na ng modernisasyon ang mga kuwentong nakakubli sa kupas na nitong pintura. Sa paglipas ng panahon at pagdating ng iba’t ibang unos sa kasaysayan ng bansa, wari’y naging abo na lamang ang dating nagliliyab nitong katanyagan.

Sa ilang libong naging mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS), iisa ang pahingahang naging sandigan ng nakararami; ang bahay-kubo na kahit munti ay nag-iwan ng tatak at kasaysayan sa mga CalScian.

Bago pa man dumating ang mga Kastila at kahit noong naging sikat na ang mga bahay na bato, masasabing mananatiling tatak Pinoy ang mga bahay-kubo. Kahit na karaniwang gawa ito sa kawayan at tuyong dahon ng nipa, tumatagal naman ito sa loob ng 20 taon o higit pa. Akmang-akma rin ang bahay-kubo sa tropikal at mainit na panahon ng bansa. Kaya naman, sa pangunguna ng pinakauna at namayapang punong-

guro ng CCSIS na si Gng. Rizalina Panghulan, nagsimulang madungawan noong taong 2014 ang bahaykubo na nagsilbing silungan, at panangga sa init ng mga mag-aaral sa CCSIS. Simula sa taong ito, mapa-rises, tanghalian, o uwian man, hindi makikitang bakante ang mga upuan. Oras man ng kasiyahan o iyakan, bukas ang iconic na bahay-kubo para d’yan. Subalit, sa loob ng humigit-kumulang sampung taong pagsisilbi nitong pahingahan, magigiba

na ang tradisyunal nitong anyo. Sa pangunguna naman ng pinakaunang doktor na punong-guro ng CCSIS na si Dr. Danilo Tungol, mapapalitan na ito ng ginagawang kongkreto na Learning Hub Gazebo na layong magsilbing lugar kung saan maaaring mag-aral ang mga CalScian. Bagaman mas malawak at mas matibay ang ipapalit na gazebo, hindi maikakailang mas marami naman ang naging alaala’t halaga ng bahay na may haliging kawayan at bubong

na nipa, para sa mga nakaranas ng likas na dala nitong ginhawa. Sa ilang libong magiging mag-aaral ng CCSIS, magkakaroon ng bagong pahingahan na magiging sandigan ng nakararami. Gayunpaman, kahit munti, kailanma’y hindi mabubura ang iniwang tatak at kasaysayan ng bahay-kubong unang naging takbuhan ng mga CalScian. Hindinghindi rin magigiba ang naging pamana ng mga dakilang punong-guro na nagsilbing haligi sa paaralang itinuturing na tahanan.

Matatagpuan ang natitirang bakas ng dating bantog na Bahay ng mga Catuira sa J.P. Rizal St. kung saan masisilayan din ang bagong kumpuni na Historical District Zone na isinulong sa pamamagitan ng House Bill no. 2368. Sa house bill na ito idineklara bilang historical at cultural zones ang J.P. Rizal St. at ang F. Mercado St. dahil sa malaki nitong ambag sa kasaysayan ng bansa. Ayon kay Norman M. Tidon, cultural mapper sa lokal na pamahalaan ng Calamba, bago pa man mapasakamay ng mga Catuira ang bahay na ito, ang pamilya Rubio-Almeda ang unang nagtayo at nanirahan dito noong 1775— limang taon lamang ang nakalilipas nang mapasinayan ang Calamba bilang isang bayan. Kalauna’y naging pag-aari naman ito ni Don Ramon Santos. Sa mga panahong ito mas naging maingay ang rebolusyong Pilipino, partikular na sa pangunguna ng bayaning si Gat. Jose P. Rizal at ng kaniyang mga akda na nagbigay-liwanag sa kalupitan ng koloniyalismong Kastila. Dahil sa pangamba sa impluwensiya ni Rizal, agarang pumunta ang provincial governor sa mga panahong iyon na si Juan Mompeon sa Calamba upang pagbantaan ang taumbayan. Ayon kay Tidon, sa Bahay ng mga Catuira ipinatawag ang halos dalawanpung hinihinalang rebelde kabilang ang kapatid ni Rizal na si Lucia at ang isa sa mga naging alkalde ng Calamba na si Matias Belarmino.

Huling nasilbing tahanan ang Bahay ng mga Catuira nang ito’y bilhin ni Simplicio Catuira mula sa anak ni Don Ramon Santos na si Catalina Nave. Ayon sa pag-aaral ng tanggapan na kinabibilangan ni Norman, naisangla ang bahay sa bangko noong ang mga Catuira ang namamahala rito. Ngunit, nang magsara ang bangkong pinagsanglaan ng bahay, napasailalim ang bahay sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC). Noong Hulyo 2014, tuluyang nawasak ang bubong ng bahay

nang salantain ang lalawigan ng Laguna ng Bagyong Glenda. Sa puntong ito, unti-unti na ring nasira ang sahig at halos ang buong kabahayan. Subalit, kahit halos tuluyan nang gumuho ang estrukturang ito, hindi pa rin ipinagawa ng PDIC ang bahay sa kadahilanang “ang policy kasi sa mga ganitong sitwasyon ay ‘as is where is’,” ani Norman. Taong 2019 nang binalak na pondohan ang pagbili at pagpapagawa sa Bahay ng mga Catuira. Napaglaanan pa raw ito ng 25 milyong pisong badyet subalit nang dumating ang pandemya sa bansa, nagamit ang pondo para sa COVID-19 response ng lokal na pamahalaan. Hanggang sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan pa ang kanilang tanggapan sa PDIC para sa acquisition ng lumang bahay. Para sa isang taong ang kabuhayan ay may kinalaman sa kasaysayan at kultura ng isang bayan, nanghihinayang si Norman para sa kalagayan ng mga heritage sites—katulad ng Bahay ng mga Catuira—na kaniyang binibisita. “Ang kulang kasi natin ay concern sa cultural heritage at mga lugar na dapat na nadedevelop at naprepreserve,” ani Norman. Panawagan ni Norman na nawa’y mas magkaroon ng pagmamalasakit ang mga mamamayan sa pamana ng nakaraan, ano man ang laki at rangya ito. Sa likod ng kupas na pintura, butas na bubong, at mahuna na nitong pundasyon, hindi maikakaila ang halaga ng Bahay ng mga Catuira. Bagaman tila naging abo na lamang ang dati nitong magarang itsura, hindi naman nabura ang katotohanang saksi ito sa kagitingan ng mga ninunong nagsilbi sa bayan. Kaya’t sa pamamagitan ng mga taong katulad ni Norman at maging ng mga batas at ordinansa na magtataguyod sa kulturang Calambeño, muling magkakaroon ng ningas ang kasaysayang magtuturo ng aral at bubuhay sa kamalayan ng taumbayan.

Josam Bakery, Umaalsang alaala
CHESTER LIANZIA

SALANG ALO-AKSIYON

LBallecer

abis pa ring naiipit ang mga Pilipinong mag-aaral dulot ng kapalpakan ng sistema sa bansa — sumasalamin sa desisyon ng kongreso na kaltasan ng PHP12 bilyon ang badyet ng Department of Education (DepEd) para sa 2025 gayong ito ang inaasahang mag-aahon sa lusak na kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Nakapaloob sa PHP12 bilyong ito ang PHP10 bilyon badyet na nakalaan sa 2025 Computerization Program ng ahensiya na makapagbibigay sana ng libo-libong computer at gadgets sa mga pampublikong paaralan— kritikal sa pagpunan ng mahigit 14, 342 kakulangan sa ICT packages mula pa 2019 at pagbabawas ng digital divide lalo’t pinatunayan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na lubhang mahina ang computer literacy skills ng mga mag-aaral sa Pilipinas. Sa ganitong kalagayan, hindi na dapat pang umasa na makamit ang inaasam ng gobyerno na makipagsabayan sa pandaigdigang pamantayan gayong sila naman mismo ang dahilan kung bakit hindi ito nagaganap.

Mula sa panayam kay Senator Chiz Escudero, sobra-sobra na ang pera na mayroon ang DepEd kung kaya’t tama lamang na kaltasan ang badyet nito sa 2025. Sa inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA) para sa taong 2023, umabot ng PHP12.3 bilyon ang hindi nareresolbang disallowances, suspensions, at charges sa DepEd. Isama

pa rito ang kabiguan ng ahensiya na makamit ang mga itinakdang mithiin. Sa hinahangad na 6,379 classrooms na dapat sana’y naipatayo noong 2023, tanging 192 lamang ang natupad— tatlong porsiyento mula sa kanilang pangako. Hinayaan na lamang mapako ang natitirang 6,187 classrooms habang libo-libong mag-aaral ang nagtitiyagang mag-aral sa sira-sirang mga silid-aralan gayong napakasarap ng buhay ng mga opisyales ng DepEd sa kani-kanilang malalamig at malalawak na opisina. Nakadidismaya na sa halip na unahin ang mga kritikal na pangangailangan tulad ng imprastruktura at mga kagamitan, napupunta ang malaking bahagi ng badyet sa mga hindi naman epektibong proyekto. Halimbawa na lang ang iniulat ng COA na bilyonbilyong pisong iginugol para sa mga ‘outdated’ na materyales na hindi naman agad nagamit, kabilang na ang PHP2.4 bilyong halaga ng self-learning modules na nananatili lamang sa mga warehouse dahil sa kakulangan ng koordinasyon at tamang pagpaplano.

Sa kabila ng lahat ng walang kabuluhang gastos na ito, ilang suliranin sa mga paaralan ang hindi matugunan kabilang na ang kakulangan sa mga nars. Alinsunod sa Department of Education (DepEd) Order No. 25, s.1998, mandato ang pagtatalaga ng nars sa bawat pampublikong paaralaan sa Pilipinas upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat magaaral. Kapansin-pansin ang mapurol na pagpapatupad sa programang ito gayong isang guro ang nakatalaga sa posisyong ito sa Calamba City Science Integrated School (CCSIS). Kaugnay nito, masaklap na mismong School Parent-Teacher Association (SPTA) pa ang naghain ng Resolusyon Bilang 003-2024 na naglalayon na magkaroon ng rehistrado’t opisyal na nars sa CCSIS. Subalit kaakibat naman nito ang pagbabayad ng Php50 ng bawat magulang kada buwan upang masustentuhan ang sweldo ng magiging empleyado—malaking kahihiyan sa panig ng kagawaran gayong hindi sila ang nangunguna sa ganitong inisyatiba.

Kapuna-punang hinahayaan ng DepEd na maliit na yunit ng paaralan ang umasikaso rito bagama’t hindi saklaw ng organisasyong gaya ng SPTA ang ganitong suliranin. Hindi rin akmang napeperwisyo ang mga magulang at mag-aaral dahil lamang sa kawalang kakayahan ng kagawaran. At kung hindi lang sana ibinubuhos ang pondo sa bulsa ng mga namamahala, marahil mas napagtutuunan ang pagpapabuti ng kapakanan ng bawat mag-aaral. Sa halip na magpatupad ng kongkretong solusyon, kitang-kita ang kakulangan ng DepEd at pamahalaan dulot ng pagpapasa ng responsibilidad upang punan ang kanilang mga pagkukulang. Walang nakikitang pagbabago mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na antas ng pamunuan ng edukasyon sa Pilipinas dahil lahat ng sektor ay nagbubulagbulagan sa kalagayan ng mga mag-aaral. Bawat problema ay ipinapasa patungo sa mga magulang at mag-aaral, na siyang pinakadapat sanang bigyang-suporta. Kaya hindi na nakagugulat kung bakit nais bawasan ng Kongreso ang

PATNUGUTAN S.Y. ‘24-’25 | AGSIKAP

Justine Bianca Dahan

PunongPatnugot

Rafael Lorenzo Ortiz KabakatnaPatnugot

Sophia Margarette Sison TagapamahalangPatnugot

Jessie Camangian Jose Miguel Dacpano PatnugotsaBalita

Glenn Solomon Orgen Venice Jolipas PatnugotsaAgham Merald Veracruz Crystel May Ong PatnugotsaLathalain

John April Hinggan Alyza Rina Poblete PatnugotsaOpinyon

Hanz Sam Stefen Bondoc Jadegero Jestoni Roque PatnugotsaIsports

Kevin James Celestino Ryan Manumbas Kartunista

RAFAEL LORENZO ORTIZ

Kakatwang nanalaytay pa rin ang polisiya ng paaralan ukol sa haba at kulay ng buhok kung saan naitala ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) nitong kamakailan ang sapilitang pamumutol ng buhok sa isang ‘transgender’ na mag-aaral sa Manila—dagok sa konotasyong ‘inklusibo’ at ligtas sa institusyong dapat kaalaman ang pinagtutuunan.

Gayunpaman, supalpal sa Department of Education (DepEd) Order 32 o Gender-Responsive Basic Education Policy ang patongpatong na kaso gayong 2022 pa nang himukin ng ahensiya na mas maging inklusibo ang paaralan, subalit higit pa sa 50 ang ganitong kaso noong 2024 sa tala ng Bahaghari Org. at ng EARIST. Ibig sabihin, tila maskara lamang ito upang ipamukhang progresibo ang sistema bagama’t wala lang talagang matatag na kontrol ang ahensiya sa mga paaralan. Sa mas malawak na perspektiba, kabila-kabilang butas naman ang bigong tapalan ng DepEd na sana’y

mas inuuna. Kabilang na rito ang mababang pag-unawa ng mag-aaral na maikalang ulit nang pinatunayan ng resulta ng Programme International for Student Assessment (PISA). Kung gayon, hindi buhok kundi bulok na pagpaplano ng inisyatiba ang higit nagpapabigat sa pasan ng mga mag-aaral. Samakatuwid, nakalulungkot na sa primarya pa lamang nang ituro sa akin na malaya ang isang mag-aaral, maganda ang edukasyon at may kaligtasan—subalit ngayon, mismong paaralan ang pumupuksa sa karapatan. Uunlad ba ang edukasyon, lilinaw ba ang pagtuturo, at tatatag ba ang

pondo sa polisiyang sentro ang pisikal na itsura? Sa palagay ko, hindi—lalo’t sa permanenteng inisyatiba lamang maaayos ang problema. Kaya’t kung may katiting na konsensiya ang DepEd, mapipintong nito na dapat managot ang mga akusadong paaralan—kasabay ng muling pagpapatibay ng batas at patuloy na pagmomonitor ng Local Government Unit at Department of Social Welfare Development. Kung magagawa ‘yon, hindi na sapilitang pagkalagas ng buhok ang kanilang katatakutan, kundi ang kinabukasang apektado ng sistemang ‘di maayosayos ng kagawaran.

badyet ng DepEd ngayong 2025 lalo’t kabi-kabila lang din naman ang kapalpakan nito. Nararapat lamang na simulan nito ang pagkilos at hindi tumunganga sa pera na naglaho na parang bula. Ito’y sa pamamagitan ng maayos na alokasyon, masusing pagaaral ng mga transaksiyon, at pagtitiyak na napakikinabangan ang pera sa tulong ng COA—hindi iyong sila pa ang kakaltasan. Kung patuloy na magwawalangkibo ang DepEd at mga namumuno nito, wala nang maaaring lapitan ang mga mag-aaral. Ang kakulangan sa pondo, maling prayoridad, at kawalangmalasakit sa edukasyon ay patuloy na magiging balakid sa pagkamit ng tunay na pag-unlad sa sistema ng edukasyon sa bansa. Kaya’t hanggang nananatiling taas-noo ang mga nanunungkulan, hindi nila kailanman makikita ang pagkakasalang ginagawa nila sa kabataan — mga sala-salang aksiyon dulot ng bawat salang alokasyon na tanging mga kurap na opisyales lang naman ang nakikinabang, habang ang bawat mag-aaral ay patuloy na naghihirap. Bagama’t katwiran na responsibilidad ang maging ‘disente’, tila walang kinalaman ang karapatan sa ekspresiyon. Saklaw ng Artikulo III o Bill of Rights ang kalayaan sa pananalita at itsura—‘di na sana lalala ang kaso kung ‘di pabara-bara ang implementasyon. Kung usapang lokal, nakadidismayang saad pa rin ng ‘Official Student Handbook’ ng Calamba City Science Integrated School ang pagbabawal ng kulay sa parehong kasarian at haba na aabot ng kwelyo para sa kalalakihan. Ngunit, kailanma’y ‘di nito naapektuhan ang abilidad na matuto at makuha ng mataas na marka.

Aiahla Shellou Agcaoili

Daniela Aguilar Litratista

Jazper Rylle Tiong Roneto Padua IV Hans Kenji Negrillo

Dibuhista

Charris Abustan Nelfren Sambalod Irene Paunlagui

Luisito Lapitan Jr.

MgaGurongTagapayo

Dr. Danilo Tungol

Cayetana Fulgencio Punongguro KatuwangnaPunongguro

SA MGA NUMERO 1

TATLONG PANGUNAHING RASON NG KAWALAN NG SEX-ED SA PILIPINAS

Kaugnay ng kontrobersiya sa pagkakaroon ng Comprehensive Sexuality Education bilang bahagi ng Senate Bill 1979: Prevention of Adolescent Pregnancy…

Pagiging konserbatibong bansa

Kakulangan sa mga inisyatiba ng pamahalaan 52%

Kawalan ng kahandaan ng mga guro at kurikulum

Mulasamgamag-aaralngika-12baitangsaCCSIS

Pamali-maling palamuti

TINIG

Madaliangmaging tao,mahirap magpakatao.

Ibinalik ang binansagang pinakamalungkot na elepanteng si Vishwa Ma’ali, o mas kilala bilang Mali, sa Manila Zoo noong ika-16 ng Disyembre 2024 matapos nitong sumailalim sa prosesong ‘taxidermy’—layong ipreserba ang nilalang upang bigyang parangal ang nagbigay ng saya sa libolibong turista. Subalit, nakapagpapakunot-noo ang aksiyong isinagawa lalo’t ang elepanteng apat na dekada nang ikinandado ay hindi pa rin malaya sa kadenang dala-dala hanggang sa kaniyang huling pamamahinga.

Gaya ng sabi ng People for the Ethical Treatment for Animals (PETA), nakapanlulumo na hanggang sa kaniyang huling mga sandali, malungkot at mag-isa si Mali sa isang sementadong kulungan sa Manila Zoo gaya ng kaniyang buong buhay. Pinatunayan lamang ng pagpirma sa kontratang pagpapahintulot ng prosesong taxidermy sa elepante ng Konseho ng Maynila kung paanong mas binigyang priyoridad ng konseho ang “aliw” na maibibigay sa mga turista at ang salaping kapalit sa halip na ang kalayaan at kaginhawaan mga hayop na ‘endangered’ at matagal nang yumao. Bagama’t nagkaroon ng renobasyon ang Manila Zoo na may alokasyong 1.7 bilyong pisong pondo sa pamamahala ni Mayor Isko Moreno, bigong mapatunayan ng pamahalaan ng Maynila ang pangakong bigyang kahalagahan at ingatan ang mga hayop—patunay ang kanilang masalimuot na kalagayan sa loob ng mga dingding ng kulungang malayo sa naturang mga tahanan.

Kaugnay nito, tunay ngang kabati-batikos na labag sa Republic Act No. 8485 o ang Animal Welfare Act of 1998 mula sa kaawa-awang kondisyon ng mga hayop sa pasyalan hanggang sa paggamit sa kanilang mga labi upang pagkakitaan. Hindi rasonable ang pagsasaalangalang sa turismo at pang-eengganyo kung kapalit naman nito ang pagkawala ng respeto sa mga nilalang. Kung parangal lang din naman ang gustong ibigay ng konseho ng Maynila sa namatay na si Mali, mas mainam kung ang paggawa ng isang rebulto ang maging hakbang upang ipreserba ang mga aliw na naibigay ni Mali at ng iba pang hayop sa Manila Zoo. Maaari ding magkaroon ng mga dokumentaryong ‘exhibit’ na sumasalamin sa pamumuhay ni Mali. Sa ganitong paraan, maibibigay kay Mali hindi lamang ang parangal kundi pati ang respetong nararapat niyang makamit bilang isang nilalang, hindi isang palamuting “artifact” lamang.

Ulan ng kapalpakan

Karangalang tinitipid

Habang nakabibinging papuri at palakpak ang natatanggap ng Calamba City Science Integrated School (CCSIS) mula sa mga patimpalak na ipinapanalo ng mga mag-aaral, labis na pagtitiis naman ang madalas nilang nararanasan mula sa masalimuot na katotohanan ng kawalan o kakulangan ng pondo para sa mga karangalang nagbibigay bango sa pangalan ng paaralan.

Taas-noong ibinahagi ni Dr. Danilo Tungol, punongguro ng CCSIS, ang mga nakamit na tagumpay ng mga mag-aaral sa idinaos na unang State of the School Address (SOSA) ng taong panuruan 2024-2025. Subalit, nakababahala kung papaano nila nagagawang ipagdiwang at ipagmalaki ang nasabing mga parangal gayong ang mga mag-aaral sa likod nito ay tipid na tipid sa katiting na badyet na inilalaan sa kanila. Kabati-batikos ang katotohanaang wala ni-pisong iniambag ang paaralan sa bayad sa pagrerehistro sa mga patimpalak na ito, partikular na sa mga nasyonal at internasyonal na patimpalak ng matematika gaya ng International Vedic Mathematics Olympiad (IVMO), Philippine International Mathematical Olympiad (PhIMO), at iba pa kung saan daan-daang mag-aaral ang nananalo kada taon. Bukod pa rito, ilang pagkakataon din ang lumipas kung saan kahit pagkain ay hirap na hirap na maibigay ng paaralan sa mga mag-aaral na

Pigang

pinggang

Pinoy

TAKIPSILIM

Kahitangbigasna bulokatbasaay maisasaingdinsa panahongwala.

SA MGA NUMERO 1

Distribusyon ng gastusin ng mga mag-aaral ng CCSIS:

naghahanda para sa 2025 Regional Schools Press Conference (RSPC). Kung kada buwan ay halos PHP160,000 ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng CCSIS, hindi ba’t kataka-taka kung bakit hindi naisasama sa pagbabadyet ang mga kinakailangan ng mga mag-aaral sa bawat patimpalak? Kung tutuusin, pinipilit namang gawan ng paraan ni Dr. Tungol ang kapos na pondo para sa mga patimpalak — nanghihiram ito ng salapi sa bawat organisasyon ng CCSIS upang punan ang gastusin ng mga mag-aaral sa bawat patimpalak. Subalit, umani ito ng negatibong reaksyon gayong hindi naman maikakaila na mali ang naging hakbangin ng punongguro lalo na’t ‘di naman tungkulin ng mga mag-aaral na bigyan ng pondo ang paaralan. Bilang isa sa mga mag-aaral na palaging sumasali sa iba’t ibang uri ng paligsahaan, nakapanglulukot ng puso na kami mismo ay pinagkakaitan ng pondo at tanging umaasa sa tira-tirang MOOE pero kung manalo ay palaging

Nakadidismaya ang pahayag ng National Economic Development Authority (NEDA) sa kanilang 2025 ‘budget hearing’ na PHP64 lamang ang kailangan ng isang tao upang hindi maituring na ‘food poor’. Nagmamaang-maangan na lamang ang maniniwalang kasya ang kakarampot na halagang ito para makakain tayo nang tatlong beses sa isang araw.

Ayon kay NEDA Chief Arsenio Balisacan, nakabatay ang halaga sa datos na inihanda ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) at aminado silang hindi tugma sa kasalukuyan ang datos. Kung gayon, isinaayos muna dapat ang ‘poverty threshold’ bago humarap sa senado at humiling ng badyet—hinintay pa talaga nilang mabatikos muna, pagkatapos ay ibinaling ang sisi sa ibang ahensiya. Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinasabing 2.9% ang ‘inflation rate’ ng bansa noong Disyembre 2024. Nakapanlulumong sa kabila nang mababang tala kumpara sa mga nakaraang taon, naitala pa rin ng Social Weather Station (SWS) ang pinakamataas na bilang ng ‘self-rated poor’ na pamilyang Pilipino sa loob ng 20 taon kung saan pumapalo ito sa 17.4 milyon. Mas malala ang ating kahihinatnan kung patuloy na ipipilit ng mga ahensiya ang mabababaw na mga solusyong nakabatay sa bulagsak na

Kumasa sa agarang kalinga

Magsisikaman athuliwalanang mangyayari.

ipinagmamalaki na produkto ng kalidad na edukasyon sa CCSIS. Datapwat tunay ngang kahangahanga ang kalidad ng pagtuturo sa CCSIS, hindi pa rin dapat isawalangbahala na nararapat pa ring pondohan ang mga kompetisyon lalo’t dala-dala namin ang pangalan ng paaralan at kami ang nagbibigay-dangal dito. Isa pa, hindi responsibilidad ng mga organisasyon na punan ang pagkukulang ng paaralan. Nararapat lamang na CCSIS ang tumugon sa ganitong mga problema, at ‘di na idamay ang mas marami pang bilang ng mga mag-aaral. Sa harap ng isyung kakulangan ng badyet sa mga extra-curricular, ang paaralan ay dapat magtakda ng malinaw na plano sa pagpopondo sa mga kinakailangang gastusan. Kasama rin dito ang pakikipaagtulungan sa lokal na pamahalaan upang mabigyan ng tamang suporta at dagdag na pondong benepisyal sa bawat mag-aaral. Hanggat nananatiling taas-noo ang mga nanunungkulan, hindi nila kailanman

Kuwestiyonableng ukol sa NEDA, ibinatay ang halaga sa presyo ng pinakamurang mabibiling masustansyang pagkaing iluluto. Kung tutuusin, mas mapamamahal pa nga kung rekado lamang ang paglalaanan ng PHP64 dahil kakailanganin pa nating gastusan ang gasul, mantika, at iba pang sangkap sa pagluluto. Mahalaga rin na isama ang halaga ng upa, kuryente, tubig, pamasahe, at kinikita ng masa. Sa isa pang usapin, binigyang-tunay ng deklarasyon mula sa Department of Agriculture (DA) tungkol sa pagtatanggal ng ‘brand labels’ sa ‘imported’ na bigas kung paanong patuloy na nalilihis ang priyoridad ng gobyerno. Magandang tunguhin din sana ang pagtatakda ng ‘suggested retail price’ o SRP sa produkto upang maiwasan ang sobrasobrang pagdadagdag ng presyo sa pagtitinda, ngunit mas mainam kung itinuon na lamang ng DA ang kanilang atensiyon, oras, at pondo sa pagbibigay ng sapat na suporta sa mga magsasaka ng ating bansa upang magkaroon ng sariling produksiyon ng dekalidad at abot-kayang bigas—hindi iyong sobra pa ang halaga sa PHP64 na badyet ayon sa NEDA. Bilang isang estudyante, kahit na sabihing musmos at malayo sa katakottakot na gastusin ng mga matatanda, nakalulungkot na marami sa aking henerasyon ang pilit pinagkakasya ang baon para sa balikang pamasahe at pagkain sa loob ng paaralan. Ukol sa sarbey, siyam sa sampung mag-aaral

makikita ang suliraning kinahaharap ng bawat bata — ang pagtitipid sa mga batang nagbibigay karalangalan sa paaralan.

Dilahatngkagalingan aymaydalang katamisan.

ng Calamba City Science Integrated School ang namamahalan sa presyo ng paninda sa kantina. Sino ba namang hindi magigipit kung sa PHP21 kada ‘meal’ ng NEDA, isang basong panulak o tsitsirya lamang ang mabibili—hindi na masustansiya, pansamatala lang din para sa kumakalam na sikmura. Sa hindi maiiwasang pagtaas ng presyuhan, siguraduhing kayang makipagsabayan ng halaga ng sweldo upang hindi mapag-iwanan ang ‘purchasing power’ ng masa. Dapat ding bantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang implementasyon ng Rice Tariffication Law sa ilalim ng Republic Act 8178 upang hindi malugi ang sarili nating industriya ng pagsasaka sa halip na pagkagastusan ang palay mula sa ibang bansa. Inaasahang matutuloy ang plano ng PSA kaakibat ang Department of Social Welfare and Development sa pagsasaayos ng paraan ng pangangalap ng impormasyong pagbabatayan ng iba’t ibang ahensiya. Nakakatawa man ang pakulo ng masa sa ‘social media’ na larong pagkakasyahin ang PHP64 sa pamimili ng pagkain, malaking kahihiyan para sa bansa na kung sino pang mga ahensiyang una dapat na nakaiintindi sa masa, sila pa ang pumipikit mula sa reyalidad ng kagipitan. Subukan muna ng mga ahensiyang ito ang maranasang pagkasyahin ang kakarampot na halaga bago pigain ang mga bulsa’t pinggan ng masa.

43.78% 7.9% 1.13%

Kapuri-puring umuusad ang House Bill No. 10444 o ang pagpapatayo ng Calamba General Hospital na pinangunahan ni Calamba Cong. Charisse “Cha” Hernandez—bagay na talaga nga namang magsusulong ng mas maagap na kalinga sa mga mamamayan ng lungsod at magpapabuti sa agarang hospitalisasyon.

Sa kabila ng pasaring ng ilang Calambeño na dapat munang pagtuunan ang JP Rizal Hospital—siyang may kulang-kulang at nalumang pasilidad—tama pa ring maglaan ng karagdagang imprastraktura para sa moderno at epektibong pagtanggap sa pasyente lalo’t matagal na rin ang pag-aaral ng plataporma.

Kaugnay nito, tanging lagda ng senado at pangulo na lamang ang hihintayin para lumarga ang inisyatiba ngayong taon matapos pumasa sa huling pagbasa noong Hulyo 2024—katuwa-tuwang ‘di natetengga lamang. Hindi na rin magkukumahog sa kulang-kulang na Emergency Rooms, Operating Rooms, at Clinics ang higit pa sa 539,000 populasyon ng Calamba ayon sa 2020 Census dahil sa karagdagang pasilidad—kapakinabangang maituturing para sa mas tutok at libreng panggagamot.

Kung iisipin, nariyan din naman ang Batas Republika 11223 o Universal Health Care Act para ihatid sa Calambeño ang maayos,

abot-kaya, at epektibong panlulunas. Dapat lamang matiyak ang matibay na implementasyon nito at madama ng bayan ang mga benepisyo na hindi maibubulsa lamang gayong nagawa na ito taong 2023 kung saan nailaan sa tama ang P100 milyon health assistance ng lungsod mula rin kay Cong. Hernadez. Samakatuwid, positibong hakbang ang H.B. 10444 tungo sa kahandaan kontra krisis-pangkalusugan. Kasiguraduhan lamang ito na hindi magpapatong-patong ang mga pasyente sa hinaharap—ngayong progresibo at kumikilos ang lokal na pamahalaan.

Sa oras na masapinal ang proyekto, dapat matiyak na sapat ang pondong ilalaan dito, kasabay ng pagbaba ng ‘hospital bills’, libreng konsulta’t gamot, at matagalang kapakinabang ng pasilidad. Ibig sabihin, mabuting ituloy ng Calamba ang pagkasa sa agarang pagkalinga lalo’t libo-libong buhay ang umaaasa sa ginhawa at seguridad.

Hanggangmaiksiang kumot,magtiisna mamaluktot.

Habang nananatiling ligtas ang mga opisyales ng Lungsod ng Calamba sa kanilang magagarang tahanan, opisina, at sasakyan, labis na nagdurusa ang mga estudyante dulot ng mga pahuli-huling anunsyo ng kanselasyon ng klase sa lungsod.

Alinsunod sa Executive Order (EO) No.66, ang pagsususpinde ng klase ay nararapat maganap bago pa man makaalis ang mga estudyante. Subalit, kapansin-pansing nasa biyahe na ang karamihan tuwing mag-aanunsyo ang pamahalaan. Kataka-taka kung bakit nahuhuli ang suspensyon gayong napakaraming makabagong teknolohiya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration gaya na lamang

ng sampung Doppler radar station na nagbibigay sa lokal na pamahalaan ng akses sa kalagayan ng panahon sa kasalukuyan at mga susunod pang oras. Dagdag pa rito, binatikos din ang hindi pagsususpinde ng pamahalaan gayong nakaranas ng 5.3 magnitude na lindol noong umaga ng ika-4 ng Setyembre. Bagaman hindi obligado na kanselahin ang klase, nararapat pa ring unahin ang kaligtasan ng mga estudyante — siyang ginawa

ng mga karatig bayan tulad ng Cabuyao at Los Banos, na nagsuspinde upang siguruhing walang anumang magdudulot ng kapamahakan sa mga bata. Bagaman hindi obligado ang kanselasyon ng klase para sa mga intensidad ng lindol na mas mababa sa lima, nararapat pa ring unahin ang kaligtasan ng mga estudyante — siyang ginawa ng mga karatig bayan tulad ng Cabuyao at Los Banos, na nagsuspinde upang siguruhing walang anumang magdudulot

ng kapamahakan sa mga bata kahit na hindi sila kabilang sa mga nakaranas ng intensidad ng nasabing lindol. Dahil dito, nagbaba ng tagubilin ang Schools Division Office (SDO) Calamba na ipinapaubaya na sa mga punongguro ang pagsususpinde ng klase na nagresulta sa desisyong pauwiin ang mga bata sa ganap na ika-3 ng hapon kung kailan napakalakas na buhos ng ulan, lalo lamang nagdudulot ng kapahamakan sa mga bata.

Datapwa’t kinakailangan ang masusing pag-aaral sa kalamidad bago i-anunsyo ang mga suspensyon, hindi nararapat kaligtaan na ang kaligtasan ng bawat isa ang numero unong dapat isinasaalang-alang. Kung hindi lamang palpak ang sistema ng pamahalaan, hindi na dapat pang sumuong ng mga estudyante sa bawat kalamidad dala ng silong na dapat nilang ipinagkakaaloob.

JUSTINE BIANCA DAHAN
JENELLE DE TORRES
RONETO PADUA IV
PLUMA
SANDIGAN
JOHN APRIL HINGGAN

Pinilipit ng subsidiyang inipit

Walangnaninirasa bakalkundisariling kalawang.

Paniguradong butas ang bulsa ng mga Pilipino ngayong walang nasalong subsidiya ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa 2025 budget matapos ipagtulakan ng kamara na mayroon pang P150 bilyong ‘surplus’ o sobrang salapi ang ahensiya mula sa nakaraang taon—isa na namang kapalpakan na tutuligsa sa pangkalusugang benepisyo ng mga mamamayan.

Kahibang-hibang na katwiran ng komite sa 2025 General Appropriations Act (GAA), sairin muna ang P150 bilyong surplus kasabay ng P600B reserve funds. Subalit, malaking halaga ang ibinasurang P74B subsidy na dapat hawak ng PhilHealth gayong pinopondohan nito ang mga benepisyo, ‘administrative expenses,’ at ‘capital outlays’—ibig sabihin, tuloy ang serbisyo’t programa ng ahensiya nang pulpol ang pinaghuhugutang pera.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, 63% lamang ng 2024 budget ang nagamit, subalit hindi ito rason para pigilan ang subsidiya na mandato naman ng batas. Patunay lang ito na natetengga ang bilyon-bilyong salapi na dapat napakikinabangan na lalo’t nahuhuli pa rin ang Pilipinas sa kalidad na pagamutan sa Asya at nangangapa ng 195,116 healthcare workers ngayong taon ayon sa Philippine Institute for Development Studies at Department of Health (DOH).

Kung sisipatin, nakalulungkot na maging ang Calamba City Science Integrated School (CCSIS) ay nagkukumahog sa agarang pagtugon ng ‘emergencies.’ Masaklap dito, kami mismong mag-aaral at magulang ang hinimok sa boluntaryong kontribusyon kada buwan para lamang makapaghanap ng licensed nurse. Bukod sa dagdag pasakit sa mga gurong nahahati ang responsibilidad sa silid-aralan at klinika, dehado rin ang mga mag-aaral sa panahon ng pangangailangan.

Sa ilalim ng Batas Republika 11223 o Universal Healthcare Act, mandatoryo ang taunang paglalaan ng subsidiya batay sa GAA. Saad din ng Sin Tax Reform, 80% ng ‘revenue’ mula sa produktong tobacco at ‘sugar-sweetened beverages’ ay dapat maibahagi sa PhilHealth. Kung gayon, saan mapupunta ang bunton ng pera kung wala nang

TINIG NG CALSCIAN

Kamakailan lamang nang isulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Ayuda para sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) na layong bigyan ng Php 1,000 - Php 10,000 subsidiya ang mga mahihirap. Ngunit sa kabila ng patong-patong na inisyatiba pang-kahirapan, naitala ng Social Weather Station (SWS) ang 63% self-rated poor sa bansa sa katapusan ng 2024 kumpara sa 59% noong unang kwarter. Ano ang iyong pananaw ukol dito?

Mag-iwan ng komento

CAYETANA FULGENCIO Katuwang na Punongguro ng CCSIS

Makatutulong ang ating pamahalaan sa mga kababayang mahihirap kung sila ay bibigyan ng ikabubuhay. “Turuan silang mangisda, sa halip na bigyan ng isda”.

GEMMA BISCOCHO

Hindi ko ito sinusuportahan dahil pinagmumulan ito ng korapsiyon. ‘Instant’ nga ang subsidiya pero hindi naman tunay na makatutulong gaya ng ‘livelihood programs’.

Angkatotohana’ykahit

subsidya para sa taong ito? Ngayon pa ipinagkakait ang suportang pinansiyal kung kailan meron nang maibibigay at ang masaklap ay kung bulsa lamang ng nakatataas ang mabubusog. Para na rin sa kaalaman ng lahat, malaki rin ang binabayarang Insurance Contract Liabilities (ICL) ng PhilHealth para sa libolibong empleyado nito, kung saan umabot na ang ICL sa P1.15 trilyon noong 2023 at tiyak higit na mataas ngayong 2025. At kung iisipin, kulang na kulang ang pera ng PhilHealth kahit pagsamahin ang surplus at reserve funds, idagdag pa ang kasalukuyang P284B budget nito. Mali-mali ang pagpaplano at alokasyon ng Deparment of Budget Management (DBM) gayong hindi nabibigyangpriyoridad ang mga kritikal na ahensiya. Sa kasong ito, tiwala ng mga Pilipino ang dapat panghawakan ng PhilHealth—tiwala na ang sobra at itinabing pondo ay madadama sa hinaharap. Kung aking tatantyahin, hindi sugal ang bilyonbilyong perang hawak ng ahensiya para ilustay at kurakutin. Hindi rin laro ang buhay ng masa para isantabi at pagkaitan ng suporta. Sa huli, ordinaryong Pilipino lamang ang magpupuno sa butas na nalikha ng pagtatanggal ng subsidiya. Benepisyo ang mababawasan at kaltas sa sahod ang tataasan. Kaya naman, dapat ipagkaloob ng DBM ang para sa PhilHealth, habang titiyakin ang mahigipit na pagsisiyasat ng Commission on Audit nang maihatid ang tulong medikal at magamit ang pera sa iba’t ibang inisyatiba. Tanging pagdinig ng nakatataas sa daing ng nasasakupan ang makagpapanatag ng loob ng lahat—lalo’t alam nito na ang pang-iipit sa pinanghahawakang subsidiya ng masa ang siyang higit namimilipit sa sikmura at kalusugan.

JOVIC MAG-APAN Guro sa PERDEV

Problema din talaga kapag hindi napakikinabangan ang pondong para lang sa mahihirap. Dapat mailan ang pera sa tamang layunin at hindi sa bulsa ng namamahala.

KIRK ESTRELLADO

Kulang sa disiplina nagiging kampante sila sa binibigay ng gobyerno. Sa halip na gamitin para sa kinabukasan, ginagamit lang nila sa mga pansamantalang bagay.

CHARRIS ABUSTAN Guidance Counselor ng CCSIS

Mentalidad nilang hindi na kailangan pang magtrabaho dahil may tulong namang natatanggap. Hindi dapat panakip-butas ang ibigay, kundi mga solusyon gaya ng pagbibigay ng trabaho at inisyal na pondong pangkabuhayan.

ANGELICA CASTILLO CCSIS Utility Staff

Dapat tiyakin na karapat-dapat ang mabibigyan, ‘yong talagang nasa laylayan. Kaya mainam siguro na gawing house-to-house ang pamamahagi ng subsidiya.

EDIZON DELA CRUZ Dating Guro ng CCSIS

Gaano karaming programa pa ang ihain ngunit kung tao mismo ang walang ginagawa para makaahon mula sa kahirapan, patuloy lang silang malulugmok at aasa sa mabilisang subsidiya.

Palagong estado’t turismo

HANS KENJI NEGRILLO

Ipinakilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bago at pinabuting ‘banknotes’ na gawa sa polymer —PHP 500, PHP 100, at PHP 50. Maituturing naman itong hakbang pasulong sa pagpuksa ng pekeng salapi, gayundin ang pagpapalalim ng turismo sa Pilipinas.

Bagama’t nakalulungkot na burado na ang mukha ng mga bayaning itinatatak na sa akin elementarya pa lamang, marahil panahon na upang sumabay ang Pilipinas sa modernisasyon, lalo’t higit pa sa disenyo ang hatid ng bagong pera kundi maging seguridadpampinansiyal at pag-unlad ng ekonomiya. Ayon kay BSP Assistant Gov. Mary Anne Lim, tambad sa bagong salapi ang mga endangered species ng bulaklak at hayop sa Pilipinas gaya ng Visayan spotted deer, Palawan peacock-pheasant, at mga lokal na orchid. Kasabay nito ang mga tourist spots at ethnic patterns bilang detalye—mariing pagkilala sa kultura at yamang-likas ng Pilipinas kaya’t higit makapanghihikayat ng dayuhan at relasyong internasyonal.

Dahil naman sa anticounterfeiting feature nito, tiyak mapupuksa ang krimen kontra pekeng pananalapi gayong mula pa 2010, kumpiskado ng BSP ang 46,100 piraso ng palsipikadong pera na may notional value na PHP 35,427,000. Kung gayon, pahirapan nang kumawala sa pagsisiyasat—adbantahe sa mga Micro, Small, at Medium Entreprises na nadadawit ang negosyo sa anomalya.

Bunsod din ng pinababang carbon footprint at paggamit ng polymer, higit nabawasan ang pagkadepende sa cotton at abaca—siyang nakatutulong sa kalikasan. Kapuri-puri ding sinugurado ng BSP na aabot ng 15 taon ang bagong pera lalo’t hindi ito madaling malukot at mabasa—may kakayahan ding limitahan ang bacteria at virus. Kung

gayon, dapat asahan ng mga Pilipino ang mas sustenable at epektibong sirkulasyon ng pera—dama mula sa industriya hanggang sa lokal na pamayanan. Samakatuwid, maliit na inisyatiba ngunit malaking pagbabago ang pagpapalit ng salapi—indikasyon na progresibo ang bansa. Ngunit para sa akin, hindi dito natatapos ang laban ng Pilipinas sapagkat pasan pa nito ang trilyon-trilyong utang habang kaban ang nakukurakot sa pamahalaan. Marahil dapat ngang isunod din ng gobyerno ang paggastos sa pera nang tama at sapat. Ngayon, dapat nating matiyak na hindi lang disenyo ng pera ang magbabago, kundi maging ang ekonomikong estado at turismo lalo’t hindi pagkabulok kundi paglago ang nais ng mga Pilipino.

KOMENTARYO

Gumugulong na sistema

Patuloy pa ring nagiging hamon sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas ang madalas na pagpapalit ng mga kalihim ng Department of Education (DepEd) na nagdadala ng kaniyakaniyang mga plano at adbokasiya — sanhi ng gulo-gulong pagbabago sa mga patakaran at programa ng edukasyon.

Unang-una sa mga pagbabagong dala ng kalihim ay ang pagpapalit sa kurikulum na ipinapatupad na nagbubunsod ng pagkaantala sa mga programang dapat sana’y tumutugon sa kasalukuyang suliranin ng sistema ng edukasyon. Sa halip na makatulong, nagiging “back to zero” ang maraming inisyatiba dahil laging nagsisimula sa bagong plano ang bawat kalihim. Bukod pa rito, naapektuhan din ang kalidad ng edukasyon dahil madalas napuputol ang mga programang pinopondohan, at ang bawat proyekto’y naaantala dulot ng kagustuhan ng bawat pinuno na gumawa ng sarili nilang programa na magpapabango sa kanilang pangalan. Hindi maikakaila na nagkakaroon ng isyu ng politika sa bawat pagpapalit ng DepEd Secretary. Sa halip na ang mga polisiya ay nakatuon sa pangmatagalang pagbabago at pag-unlad ng edukasyon, minsan ay naitatali ito sa mga personal o politikal na interes ng mga bagong lider. Malimit lamang makikita ang isang opisyales na itinutuloy ang proyekto ng naunang kalihim lalo’t hindi naman sila ang mapupuri kung sakali man na magtagumpay ito. Kung tutuusin, ang mga guro, na nasa gitna ng bawat reporma, ang pinakaapektado gayong kinakailangan nilang sumunod nang mabilisn sa bagong direksiyon ng ahensiya, kasama na rito ang muling pagsasanay upang ma-align sa mga bagong polisiya. Nagiging sanhi ito ng pagkaubos ng oras na sana ay maaaring magamit sa pagtuturo o pagpapahusay sa kalidad ng edukasyon. Halimbawa, nang ipatupad ang MATATAG Curriculum, maraming guro ang dumaan sa napakaikling pagsasanay. Kung magbabago muli ang sistema, nangangahulugang may panibagong adjustments na nagiging pahirap sa mga guro na pagbutihin ang pagtuturo. Dagdag pa rito ang matinding dagok na kinahaharap ng mga mag-aaral, dahil sa mga biglaang pagbabago. Nagkakaroon sila ng kalituhan sa mga patakaran at kaalaman na kanilang natututunan. Isaalang-alang na rin ang mga asignaturang tinatanggal o ibinabawas na pumeperwisyo lamang sa kanilang pag-aaral. Gayong tunay na kinakailangan ang pagpapalit ng pinuno kada termino, hindi akma na bawat termino rin papalitan ang mga sinusunod na kurikulum at patakarang pang-edukasyon. Lubos na kinakailangan ang pagpapatupad sa pangmatagalang plano na may malinaw na layuning pataasin ang lebel ng edukasyon sa bansa.

Samakatuwid, kung nais talagang mapabuti ang sistema ng edukasyon, nararapat lamang na paglaanan ng sapat na panahon ang mga proyekto upang makita ang tunay na epekto nito sa edukasyon at hindi basta-bastang napapalitan tuwing may bagong kalihim. Sa oras na mapansin na hindi na epektibo ang ipinatutupad na programa, isang pagrerebisa at masusing pag-aaral kung papaano ito aayusin ang nararapat na hakbang, sa halip na bara-barang palitan ang buong programa.

Edukasyon ang isang pundasyon ng ating lipunan kung kaya’t nararapat lamang na magkaroon ito ng isang malinaw at matatag na direksiyon na magbibigay benepisyo sa mga susunod na henerasyon. Dapat nang wakasan ang lalong gumugulo at mala-gulong na sistema dahil sa paulit-ulit nitong pagbalik sa baba kahit na ilang beses na umakyat ang kalidad ng edukasyon pataas.

91 4 93 1

Bilang ng rehistradong ‘gun shops’ sa Lungsod ng Calamba

MulasaulatngPhilippineNationalPolice(PNP)atCommissionon Elections’NationalMonitoringActionCenter(NEMAC)—Enero16,2025

Inulan ng batikos ang Office of the Vice President (OVP) matapos lumantad ang mga kahina-hinalang paggasta ng Confidential and Intelligence Funds (CIFs) mula pa noong 2022 hanggang 2023. Kapansin-pansing ginagamit na lamang ang CIF ‘di para sa seguridad ng bansa, kundi upang paunlarin ang pansariling bulsa ng mga namamahala.

Hindi nakawala sa duda at puna si Vice President Sara Duterte matapos i–ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 60% ng mga nakatalang pangalan na tumanggap ng CIFs ng DepEd ay walang record ng birth certificate. Isa na lamang dito si Mary Grace Piattos, na tila pinagsamang pangalan lamang ng kilalang kainan at chichirya. Ipinahayag din ni 3rd District of Manila Representative Joel Chua na patunay ang mga pangalang ito na ang mga acknowledgement receipts ng DepEd ay gawa-gawa lamang upang pagtakpan ang tunay na pinatutunguhan ng CIFs ng DepEd at OVP sa ilalim ni Duterte—siyang dagok sa integridad.

Sa kabila ng isyung ito, kapunapuna ang naging desisyon ni Duterte na hindi magsalita at ipaliwanag ang mga kaganapang ito gayong kasama ito sa kaniyang responsibilidad. Nakagagalit na nauna pa ang kanyang pag-tantrums sa isinagawang press release dulot ng maiinit na sagutan ng OVP at mga mambabatas hinggil sa pondo ng kanilang opisina. Bunsod nito, binawasan ang badyet na ibinigay sa OVP kabilang na ang medical and burial assistance sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA). Kaakibat nito ang isa na namang pahayag na nagsasaad na hindi na sila makapagbibigay ng tulong pinansiyal dahil sa kawalan ng pagpopondo sa

programang ito. Nakalulungkot na sa hinaba-haba ng mga nakaraan nilang pahayag patungkol sa away nila sa pera at pondo ng OVP, ay siya namang inikli ng kanilang pahayag patungkol sa taumbayan. Kaugnay nito, ipinihayag naman ni Former OVP Spokesperson Barry Gutierrez ang kanyang pagkadismiya gayong noong panunungkulan ni Former Vice President Leni Robredo, hindi naging hadlang ang pondo upang makatulong sila sa mga Pilipino. Kung tutuusin, mas maliit ang naging pondo ni Robredo kaysa kay Duterte kung kaya’t kitang-kita kung papaanong pera lamang talaga ang kanilang habol at hindi ang pagtulong.

Kung susumahin, kung talagang napupunta ang pondo sa ika-uunlad ng Pilipinas at hindi sa katiwalian, etikal pa rin na ipaliwanag ng bise presidente kung saan ito ginagasta. Hindi na dapat pang kinakailangan na isa-isahin ang mga pangalang itinala upang patunayan na hindi dinaya ang kanilang mga ulat. Oras na upang magpasa ng batas na maglilimita sa patagong paggamit ng mga pondo. Sa ganitong paraan, maibabalik ang tiwala at masisiguro ang tamang paggastos ng pondo ng taumbayan. Hindi na kailangan pang pumikit lalo na kung ang bilyon-bilyong pondo’y nakasakdal ay hindi nakikita, kumpidensiyal, at nakaambang maging patapon.

NELFREN SAMBALOD
Magulang mula sa ika-9 na baitang, pangkat Sabalo
Mag-aaral sa ika-12 baitang, pangkat Arayat
LUMABAG ANG ARESTADO BARIL ANG KUMPISKADO

Trabahong pagapang ‘Di pagagapos

KRITIKAL

Angumaayaway hindinagwawagi; angnagwawagiay hindiumaayaw.

Nakahihibang isipin na kung hindi man sweldo, tila seguridad ang nakokompromiso sa hanapbuhay ng mga Pilipino—patunay na ang dalawang dekadang pagkabulok ng ‘death penalty’ kay Overseas Filipino Worker (OFW) Mary Jane Veloso na hinatulan ng ‘drug trafficking’ sa Indonesia sa kabila ng pulpol na paglilitis at palyadong proteksiyon ng bansa. Sa ganitong kaso, wala nang tatakbuhan ang mga mamamayan—ipit sa opsiyong delikadong trabaho sa ‘abroad’ o ragasang kalidad ng hanapbuhay sa Pilipinas—ang sisi, sa palpak na pamamahala.

Matatandaang taong Abril 2010 nang arestuhin si Veloso sa Adisupjipto International Airport Yogjakarta, Indonesia matapos mapuslitan ng 2.6 kilo heroin ni Maria Krista Sergio—kaniyang employer na kinasuhan ng illegal recruitment, human trafficking,at ESTAFA. Kung ganitong kung sino-sino nang inosente ang nadadawit sa anomalya, tiyak pahirapan na para sa Pilipino na humahanap ng oportunidad sa ibang bansa, lalo’t kung ‘di rin naman sapat ang binibigay na benepisyo at kaligtasan ng gobyerno. Sa kasalukuyan, pumapalo sa 2.16 milyon ang OFW ayon sa tala ng Philippine Satistics Authority (PSA) nitong Setyembre 2023 habang hihigit pa sa 23, 986 kaso ng pangaabuso ang tiyak mayroon sa kasalukuyan kumpara sa datos na ito mula sa Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) noong 2021. Ibig sabihin, doble-kayod ang dapat atupagin ng pamahalaan sa paglobo ng populasyon ng OFW lalo’t responsibilidad ng ahensiyang ito ang pagtitiyak na legal ang mga ipinapadalang manggagawa. Kakutya-kutya ngang depektibo ang makailang beses na paghahain ng Memorandum of Appeal sa Supreme Court ng Indonesia gayundin ang ‘clemency’ ni dating Pangulo Benigno Aquino III at pagrekomenda ng Judicial Review para halughugin ang komplikadong kaso. Nakadidismya ring sa taong iyon, balewala ang ‘private lawyer’ ni Veloso gayong bigong makipag-isang sundo kay dating Pres. Susilo Yudhoyono. Nakalulungkot ito para sa aking kapwa Pilipino na pilit nagkukumahog sa kalinga ng pamahalaan subalit ang simpleng kalinawan at hustisya ay pinakakawalan.

Ayon sa datos ng Calamba City Science Integrated School, 9 sa 10 mag-aaral ang nananawagan na dapat tugunan ang kulang na suporta ng pamahalaan sa mga empleyado ng bansa—bagay na totoo sa panig ni Veloso lalo’t taong 2010, sa termino ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte, pinayagan nito ang parusang kamatayan ni Veloso na higit nakapagpausad-pagong sa kalayaan nito. Sadya bang maluwag ang turnilyo ng kukote ng gobyerno para ipahamak ang sarili nitong alaga? Mali ngang igapos nang walang basehan, mas lulumpuhin lamang ng balikong pinuno. Sa mas malalim na perspektiba, hindi naman talaga kailangan dumepende sa trabaho ‘abroad’ kung matino ang kalidad ng hanapbuhay sa bansa—kasalukuyang nasa P645 lamang ang pinakamataas ng ‘minimum wage’ sa Pilipinas ayon sa Wage Board ng Department of Employment (DOLE), kumpara sa P38,010 minimum allowable wage (MAW) ng OFW batay naman sa Department of Migrant Workers (DMW). Katakot-katakot kung ganito na lamang ang aasahan ng mga estudyanteng tulad ko na magkokolehiyo at kalauna’y haharap sa mundo ng industriya—lalo’t kung hahayaan ng pamahalaang manatili sa kasalukuyang estado. Samakatuwid, unti-unti nang bumabagsak ang ekonomiya at pamumuhay sa bansa. Baldado na nga sa larangan ng edukasyon, hinayaan pang pati hanapbuhay ay malumpo. Kung gayon, magpapaikot-ikot lamang ang mga Pilipino sa siklo ng kahirapan hangga’t hindi matugunan ang parehong kaligtasan at sweldo sa mga trabaho. Kaawa-awa rito, mga kabataang magtitiis sa hinaharap dahil sa pagkibitbalikat ng mga namumuno. Kung gayon, marapat manguna ang OWWA sa pagpapaangat ng industriya sa bansa sa pamamagitan ng pag-aaral sa tamang sahod, dami ng oportunidad, at pagsasanay sa mga Pilipino. Kaakibat nito ang paghihigpit sa seguridad sa mga OFW kung saan hindi na suntok sa buwan na makapagtrabaho nang legal at malayo sa krimen. Sa sandaling magawa ito, hindi na muling makukwestyon kung sadyang bulag ang pamahalaan sa deteryoradong estado o sadyang walang kahandaan sa pagbabago.

Para sa kagaya ni Veloso, hindi na dapat ipagkait ang karapatan kung sa simula pa lamang ay dapat nariyan na. Marahil hudyat na ito na siya na ang huli at wala nang mabibiktima ng panloloko—iyon ay kung bibigyan ng saklay ang trabahong kasalukuyan nang gumagapang bunsod ng kakulangan sa pundasyon at suporta.

MERALD VERACRUZ

Nakagugulantang ang biglaang deklarasyon ng ‘emergency martial law’ sa South Korea noong ika-3 ng Disyembre 2024. Nakahahangang napawalang-bisa ang deklarasyon sa loob lamang ng anim na oras—patunay na may boses ang mamamayang walang-takot na pinaninindigan ang demokrasya ng bansa.

Ayon kay Yoon Suk-yeol, kasalukuyang suspendidong presidente ng South Korea, ipinatupad niya ang ‘martial law’ dahil sa mga banta ng tinatawag niyang ‘anti-state forces’. Kapuna-punang para kay Yoon, nilulumpo ng Democratic Party ang pamamahala dahil lamang sa ipinaglaban nila ang pagbabawas sa $478.5 bilyong badyet para sa 2025 samantalang ang deklarasyon niya ang inilalagay sa alanganin ang karapatan ng mga mamamayan. Kung palalawigin, nangangahulugan ang Martial Law Decree No. 1 na pagsuspinde sa anumang politikal na gawain kasama ang pagpupulong ng National Assembly—bagay na ipinasasawalang-bahala ang esensiya

ng demokrasya ng isang bansa. Bukod dito, nakapanlulumo rin ang pagbabawal sa mga protesta at ‘rally’. Higit sa lahat, kaawa-awang maaaring maaresto ang sinuman kahit na walang ‘warrant of arrest’. Sa kabutihang-palad, saludo ako sa mga mambabatas ng South Korea dahil hindi sila nagpatinag sa panghaharang ng kapulisan. Biruin mo, sila mismo ang umakyat sa nagtataasang pader ng National Assembly. Kahanga-hangang 190 mambabatas, kapartido man ng presidente o nasa oposisyon, ang nagkaisa at bumoto laban sa deklarasyon ng ‘martial law’. Nakalulungkot nga lamang isipin na kung dito sa ating bansa ito nangyari,

mananaig lamang ang takot, kawalan ng hustisya, at pagdurusa ng masa. Bilang isang Pilipino, ramdam ko ang pangamba ng mamamayan ng South Korea lalo na’t bata pa lamang, ipinamulat na sa atin ang kasaysayan ng Pilipinas sa loob ng 14 taong Martial Law sa ilalim ng panunungkulan ni Ferdinand Marcos Sr. Hanggang ngayon, nakababagabag ang katotohanang hindi pa naibibigay ang hustisya para sa mga biktima: 11,103 inabuso at 2,326 dinakip at pinatay. Ayon sa Amnesty International, 50,000 ang nakulong dahil sa pakikipaglaban para sa demokrasya ng ating bansa. Patunay ito na hindi tayo nagkulang sa kagustuhang makalaya, sadyang walang takot sa boses ng mga tao ang nailuklok sa pwesto.

Kapagsamaang tinanim,lagimang aanihin

Nakagiginhawang kasalukuyang nang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si Edgar Matobato, dating ‘hitman’ ng Davao Death Squad (DDS), matapos nitong tumakas ng bansa noong 2024 gamit ang pekeng pagkakakilanlan. Tiyak na magsisilbi itong langis sa mga piyesang matagal nang nais patakbuhin tungo sa pagkamit ng hustisyang para sa mga biktima ng DDS at Extra-judicial killings (EJK).

Kaugnay nito, matatandaang ibinuking ni Royina Garma, retiradong ‘police colonel’, ang katotohanan sa likod ng ‘reward system’ noong ‘war on drugs’ sa ilalim ng administrasyong Duterte sa pagdinig ng House of Representatives noong Oktubre 2024. Nakasusukang itinumbas sa hamak na presyong PHP 20,000 ang halaga ng buhay ng tao.

Ayon sa imbestigasyon, tumakbo ang operasyon ng DDS noong 1988 hanggang 1998 at muli noong 2001 hanggang 2016. Ang mas lalong nakagagalit dito, kinilala ito bilang opisyal na Heinous Crime Investigation Section sa ilalim ng Davao City Police Office. Hindi ko na lubos pang maisip ang kalalaan ng sistema sa ating bansa at nagawa pa nilang maglaan ng espasyo sa pamahalaan para sa isang samahang tungkulin ang kumitil. Isama pa ang kapunapunang rebelasyon mula sa Commission on Human Rights (CHR) na mayroong direktang pinansiyal na suporta ang DDS mula sa opisina ni Duterte. Kung aalalahanin, umamin si Duterte noong 2015 na siya mismo ang kasama sa mga pumapatay ng mga suspek— pinatunayan ng Amnesty International. Hindi kailanman magiging katanggaptanggap na ginawa niya ito upang gayahin siya ng kaniyang mga tauhan at mas lalong hindi makatarungang ituring na pinuno ang isang taong pinipiling kitilin ang mga may sala sa halip na tulungan silang muling bumangon. Idagdag pa ang patuloy niyang

pangangawawa sa mga taong hindi naman tunay na may sala. Gaya ni dating senador at kalihim ng CHR Leila De Lima, kaawa-awang nakulong siya nang halos pitong taon dahil sa pag-’frame up’ na kabilang siya sa mga prominenteng ‘drug lords’ noong kampanya kontra droga. Lubos na nakadidismayang napagdiskitahan si De Lima dahil sa pagiging kritiko niya sa EJK—talagang kung sino pang may paninindigang ipaglaban ang buhay ng sambayanan laban sa kadayaan ng sistema, siya pang inilalayo sa kalayaan. Kaya hindi na nakagugulat pang ayon sa isang sarbey, hindi na buo ang tiwala sa kapulisan ng 86% ng kaguruan sa Calamba City Science Integrated School.

Sa pangunguna ng Department of Justice at CHR, masusi at tapat na imbestigasyon ang sagot upang mapagbayad ang tunay na dawit sa isyu. Huwag matakot na magkaroon ng ‘cleansing’ sa loob ng Philippine National Police’ kung ito lamang ang makapagpapasigurong hindi natatabunan ng kasakiman ang dangal. Mangyari ding ilakad ang pagpasa ng House Bill 10986 upang kilalanin bilang ‘heinous crime’ ang EJK. Samakatuwid, marapat nang pangalagaan ng korte ang mga taong katulad ni Matobato at Garma dahil kakutyakutya man ang rebelasyong sistema ng gantimpala, nagsisilbi naman itong liwanag na mabuksang muli ang mata ng hustisya sa kabila ng kadilimang hinarap natin noong nakaraang administrasyon.

DUNONG

Salaranganng digmaan,nakikilala angmatapang.

Kay sarap sigurong mamuhay sa isang bansang hindi bulag ang pamamahala at may malinaw na perspektibo buhat ng pagmamahal sa bansa. Sa lagay ng South Korea, nakalaya sila mula sa katakot-takot na reyalidad dahil hindi sila nag-atubiling tumayo’t manindigan—patunay dito ang mga mambabatas na kahit kapartido ni Yoon, bumoto laban sa ‘martial law’. Walo sa sampung guro ng CCSIS ang naniniwalang marapat lamang ang pagkakapasa ng ‘impeachment case’ laban kay Yoon bilang kabayaran. Hindi man inaasahan, pinagtitibay ng kaganapan ang kadakilaan ng demokrasya basta’t nasa kamay ng bayang hindi pasisiil sa anumang pagbabanta.

Sa patnugutan ng Agsikap,

Isang mapagpalang araw sa pahayagan ng Agsikap! Lubos kong pinupuri ang pagpapagawa ng ‘learning hub’ ng ating paaralan. Nakatitiyak akong malaki ang maitutulong nito sa mga mag-aaral ng CCSIS. Ngayon, nais ko lamang pong magtanong patungkol sa ating ‘covered court’. Kailan po ito mapakikinabangan ng mga mag-aaral? Alam kong magagamit po ito tuwing may programa at selebrasyon sa paaralan. Gayundin, madali nilang maiiwasan ang matinding init o ulan. Maraming salamat po sa inyong publikasyon!

Lubos na gumagalang,

Para sa iyo Gng. Shirley Sison

Malugod na pagbati mula sa Agsikap! Kami ay nagagalak sa inyong pagsuporta sa mga inisyatiba ng paaralan.

Tungkol naman po sa pagpapatayo ng ‘covered court’ sa aming quadrangle, mayroon na pong pinal na disenyong nakahanda para sa ‘bidding’ kasama ang mga inhinyero ng lungsod ng Calamba. Inaasahan pong mag-uumpisa ang konstruksiyon sa huling linggo ng Pebrero at aabutin naman po ang pagpapagawa nito ng tatlong buwan. Nawa’y inyong naiintindihan ang masusing hakbang ng paaralan. Makaaasa kayo na pinag-iigihan ng CCSIS ang pag-atim sa ligtas at kalidad na pagkatuto ng lahat. Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang, Gng. Shirley Sison Patnugutan ng Agsikap

bilang ng ‘online scammers’:

Isasailalim na sa masinsinang pagsusuri ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang underwater drone na nadiskubre sa isang bahagi ng karagatan ng San Pascual, Masbate. Bagama’t hindi pa sapat ang lahat ng nakalap na impormasyon upang mapag-alaman kung saan nagmula at kung ano ang tunay na obhektibo sa likod ng naturang instrumentong pandagat, angkop lamang kung ikokonsidera ito ng Pilipinas bilang isang panganib o babala gayon pa’t malaki ang posibilidad na nanggaling ito sa bansang paulit-ulit nang nagtatangkang angkinin ang West Philippine Sea (WPS).

Kaugnay nito, ayon sa Bicol Philippine National Police (PNP), ang narekober na aparatong pangkaragatan ay nakitaan ng Chinese markings na “HY-119.” Bukod rito, nagtataglay rin ito ng antenna at mata na maaaring magamit para sa komunikasyon, underwater surveillance, naval operations, at frequency hopping. May

katuturan kung sasabihing ang bansang Tsina ang may pinakakongkretong motibo upang ipagpatuloy ang kaliwa’t kanang operasyong pangmilitar laban sa Pilipinas. Dagdag pa, hindi ito ang magiging unang beses sapagkat nitong Agosto 2024 nang maitala ang mga katulad na instrumento sa mga karagatang sakop ng

Pilipinas, kabilang na ang “Monster ship” na nananatili pa rin sa Exclusive Economic Zone (EEZ). Nakaaalarma ang kalayaang natatamasa ng Tsina bunsod ng lantaran nitong paglabag sa mga internasyonal na batas—delikado para sa mga mamamayan. Matatandaang noong taong 2016, naipanalo ng Pilipinas ang kasong

isinampa laban sa Tsina matapos ideklara ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na walang bisa ang iginigiit ng Tsina na nine dash lines. Ngunit, sa kabila ng lahat ng protestang natatamo ng Tsina, hindi ito sapat upang matinag at tuluyang itigil ang ilegal na istilong namamayagpag sa karagatan.

Sa huli, marapat na sumailalim ang nadiskubreng ‘submersible drone’ sa tama at masinsinang pag-aaral bilang komprehensibong hakbang upang hulihin ang tunay na obhektibo nito. Mayroon man o walang sapat na armas at kagamitan, kailangang matutong manindigan ang bansa sa tamang kaparaanan kung

saan walang masasaktan at magdurusa. Sa pamamagitan ng paghahain ng mga protesta patungkol sa mga mapanganib na gawain ng Tsina at sa pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas sa iba pang mga karatig bansa, hindi malabong matutuldukan din ang kasakiman, na kung paiiralin, ay ang siya ring maglulubog sa bawat bansa.

HANZ BONDOC
LIHAM NA PATNUGOT
JAZPER JAMES RYLLE TIONG

BALIK-SIRKULASYON NI SAYSON:

Muling pag-ikot ng yoyo ni Miguel sa Nationals

SAYSON MIGUEL

aituturing na isang laruan lamang ang yoyo na nagsilbing isang libangan ng mga kabataan. Ngunit sa kabila ng nakagisnang perspektibo sa paglalaro nito, may umuusbong na yoyo community kung saan nagtatagisan ng galing ang mga batikan at mga atleta sa paglalaro ng yoyo. Isa rito ang Calamba City Science Integrated School student na si Miguel Sayson na lumalahok sa mga naglalakihang kompetisyon sa Pilipinas tulad ng National Yoyo Championship 2024 na

Bago pa siya ito tumungtong sa mataas na lebel ng kompetisyon ng yoyo, nagsimula siya sa paglalaro ng yoyo noong elementarya pa lamang ito. Habang tumatagal, umusbong ang antas ng paglalaro ni Miguel at nadiskubre ang

Sa murang edad, nakapagkamit na ang CalScian Yoyoer ng ikaapat na pwesto sa Amateur Division Contest taong 2018 kontra sa mga ekspiryansadong manlalaro. Nang tumungtong naman sa Luzon Regionals, pumwesto siya sa ika-lima at umusad sa una niyang Nationals. Dito’y sumungkit lamang siya ng ika-14 na pwesto sa Philippine National Yoyo Contest Maliit lamang ang komunidad ng mga yoyoer, hudyat ng pag-usbong ng teknolohiya at pagsapaw ng mga online games. Ngunit, hindi ito naging balakid para kay Sayson upang mahalin ang paglalaro ng yoyo. “Astig talaga kasi maliit lamang naman ang yoyo community sa Pilipinas pero it always amazes me kung gaano ka-competitive yung mga nasa taong naglalaro sa "Gustong-gusto ko parin sumali actually, kaso the thing is nahihirapan ako sa school at that time, and wala rin sa magandang state ang mental [health] ko. Naisip ko no'n na ang naman ng yoyo and napapa-isip na highschool na bakitt yoyo pa rin ang focus ko." dagdag pa niya. Sa kabila ng pagdududang hinarap nito sa kaniyang pagpapatuloy sa paglalaro ng yoyo, hindi pa rin natinag ang kaniyang kagustuhan sa laro at ituloy ang nasimulang legasiya sa larangan ng yoyo. Sa kaniyang pagbabalik, ibinandera ni Sayson ang kaniyang talento matapos kumubra ng bagong titulo sa South Regional Luzon Yoyo Championship 2024 ng Sinelyuhan nito ang tiket patungo sa National Yoyo Championship 2024 matapos tanghaling kampeon sa South Luzon stage. Nang humantong naman ito sa national stage nitong Setyembre, umangkla siya ng ika-pitong pwesto kalakip ang 31.6 na kabuuang marka ngunit bigo pa ring National Championships. Sa kabila ng maliit na komunidad ng mga manlalaro ng yoyo, hindi ito naging isang dahilan para sa CalScian na wakasan ang nasimulang legasiya. Natigil man nang panandalian, napagtanto nitong ipagpapatuloy pa rin niyang higitan ang mga naibulsang parangal sa kaniyang pagbabalik-sirkulasyon sa larangan ng

HINAHANAP-HANAP /

Bagong Mundo ni Althea sa Larangan ng Gymnastics

Sa hangganan ng kaniyang isang dekadang pagkinang sa mundo ng Women’s Artistic Gymnastics (WAG), puno pa rin ng kagustuhang makabingwit ng medalya ni Althea Marie Balitbit, ang kauna-unahang Palarong Pambansa qualifier na mula sa Calamba City Science Integrated School. Sa pagtungtong nito sa kolehiyo, patuloy pa rin ang kaniyang paghangad sa iba’t ibang karangalan.

Unang napagtanto ni Althea ang kagustuhan nito sa larangan ng gymnastics taong 2013 nang magkaroon siya ng oportunidad sa pagbubukas ng isang linggong audition sa kanilang paaralan sa elementarya. Mula nang makapasok ito sa WAG team, oras at pawis na ang iginugol niya para sa pagpapaunlad ng kaniyang skills. Hindi naging madali ang karera ni Althea sa gymnastics na kailangang isabay sa kaniyang pag-aaral. Mahigitkumulang pitong oras ang itinataya ni Althea tuwing walang pasok o kaya nama’y weekends habang dalawa hanggang tatlong oras naman tuwing

aawas mula sa paaralan para mag-ensayo. Agad na nagawang magningning ni Althea sa entablado nang maitalagang 2nd placer sa kaniyang unang paglahok sa Regionals kahit na baitang tatlo pa lamang siya, hudyat ng kaniyang nilaang sipag sa bawat ensayo.

Taong 2018 nang masawi ang kaniyang lolo, lola, at tito na nagpahirap sa kaniyang lumaban habang bitbit ang poot ng mga pumanaw na kamag-anak, na kasama niyang lumaki.

Pagpatak naman ng 2023, nakamit ni Althea ang kaniyang pinakamalaking tagumpay nang masilat ni Althea ang kampeonato

sa Regional Athletic Association Meet (RAAM) bunga ng kaniyang pagsusumikap. Sumelyo rin ito ng tiket patungo sa Palarong Pambansa, bitbit ang bandera ng CCSIS sa pinakaunang pagkakataon. Isang malaking K-pop fanatic din si Althea, bukod sa kaibigan at pamilya, pinapasalamatan niya rin ito na nagpapawalang-bisa sa kaniyang stress. “K-Pop helped during the time na nahihirapan ako sa training kase nakakawala sila ng stress at pagod,” banggit niya.

Ngunit ngayon, sa pag-apak ni Althea sa kolehiyo, hindi na ito kwalipikado para sa mga kompetisyon dahil sa age limit. “How I wish na makasali pero overage na ako para

makabalik. If ever man na magkaroon ulit and pasok ulit ang age ko, sasali pa rin ako.” aniya. Hindi man magawang lumahok muli sa mga kompetisyon sa gymnastics dahil sa pagiging paglagpas nito sa age requirement, mayroong bagong umaantig sa puso ni Althea na ngayo’y miyembro na ng isang dance troupe na magsasanay sa mga kabataang minimithi ring maging isang gymnast.

Nagbago man ang ikot ng mundo ni Althea dahil sa paglipas ng oras, hindi talaga mawawala sa kaniya ang kahiligang gumalaw, umindak, at magpakitang gilas na hinahanaphanap na ng kaniyang sistema sa pag-ibayo sa ibang larangan.

Ingay ng mga tindera, masikip at tabi-tabing mga tindahan, at siksikang mga mamimili ang karaniwang katangian ng isang pamilihan o palengke. Sa kabila nito, kakaibang maituturing ang Mercado de Calamba o Lumang Palengke ng Calamba dahil sa mga nakatagong sports facilities at activities na naisasagawa ng mga Calambeno sa isang ‘di pangkaraniwang lugar. Minsa’y ine-ensayuhan ito ng iba’t ibang atleta habang ang iba naman ay ginagawang panlibang lamang.

Bago pa man maging isang ganap na pamilihan ang Calamba Trade Center, naging pangunahing pamilihang panglungsod ang Mercado de Calamba ng mga residente ng Calamba na matatagpuan sa Poblacion kung saan nakasentro ang kalakalan sa lungsod. Ngayong nagkaroon na ng pamimilian ang mga residente ng Calamba ng pamilihan, bumababa ang bilang ng mga namimili sa Mercado dahil bukod sa mas malawak ang Trade Center, mas marami ring tindahang pamimilian dito. Dito umusbong ang mga

bakanteng mga pwesto sa pamilihan na nagbigay daan sa iba’t ibang mga negosyo tulad ng gym. Dalawang gym facilities ang nakapwesto sa bakanteng pwesto sa magkaibang gusali kung saan napapakinabangan ito ng mga Calambeño. Tinatangkilik din ito ng mga atleta at bodybuilders dahil sa murang halaga na binabayaran para dito. Nagbigay-daan din ang Mercado para umusbong ang Calamba Table Tennis Association o CALTTASS na isang samahan ng mga atleta ng Table Tennis sa Calamba. Sa isang

bakanteng gusali sa Mercado nakadestino ang pasilidad ng nasabing samahan. Isa ang Calamba City Science Integrated School paddler na si Alec Bayobo sa nag-ensayo kasama ang mga delegado ng paaralan para sa paparating na Cluster Meet sa nasabing table tennis facility. “Matagal na talaga akong hindi naglalaro and nakatulong yung facility na yun para makapag-ensayo. May mga coaches din dun na natulong sa’min dahil matagal din akong natigil sa paglalaro” ani Bayobo. Naging tahanan din ng mga skaters ang gusaling wala gaanong nakatayong

tindahan, gayundin ang mga hallway sa tapat nito kung saan nakakapag-ensayo sila ng mga tricks at stunts nang wala gaanong sagabal. Hindi naging balakid para sa mga atletang Calambeno ang lugar o kapaligirang kanilang pinag-e-ensayuhan. Naging malikhain ang mga itong sulitin ang esapasyong nabakante dulot ng pag-usbong ng bagong palengke. Nagbigay-daan ito sa pagsibol ng mga sports facility at activities tulad ng mga gym, table tennis, at skateboarding na nagsilbing lugar upang makapagensayo sa Mercado.

HANZ BONDOC
JADEGERO ROQUE

TRONO NG BUENO

Hinarap ni Apuesto Bueno Vicente ang Quickstrike FA sa semifinals nang magtala ang grupo ng 2-0 win gamit ang scoring before highpressing strategy hanggang magkamali ang kabilang koponan habang sa right wing ang laro ni Tylos. Sumunod na nakipagbakbakan ang Apuesto Bueno sa Xavier School San Juan kalakip ang pinakitang teamwork kung saan napwersang maglaro sa parehong side si Tylos para sa opensa. Agarang sinundan ng Apuesto Bueno ang puntos sa talaan sa ika-anim na minuto gamit ang parehong estratehiya noong semifinals at isa namang puntos ang kanilang naibulsa kontra sa mga Xaverians sa ika-12 na minuto hanggang

JENELLE DE TORRES

(CCSIS) na sina Ruizze Mangilin, silver medalist ng Doubles at Gia Miranda, bronze medalist ng Singles sa 2024 Inter-Cluster Women’s Table Tennis nitong Nobyembre sa Jose Rizal Memorial School.

Nagawang makaahon ng Cluster 2, katambal ang Regional qualifier na si Kylie Hael ng Laguna College of Business and Arts, sa lower bracket patungo sa twice-to-beat finals kontra sa Calamba Bayside

Nangibabaw ang Calamba City Science Integrated School (CCSIS) represents ng Chess matapos mag-uwi ng parehong gintong medalya sa Boys’ at Girls’ Division sa kakatapos lang na 2024 Calamba City Cluster Two Meet Chess - Secondary Level na ginanap sa CCSIS 21st Century Classroom nitong Nobyembre.

Winalis nina Carl Evangelista ng Boys’ Category na may 3-0 record at Emerald Jade Mondido ng Girls’ Category na may 2-0 record ang buong torneo upang tuluyang ibulsa ang ginto at tiket patungong Inter-cluster Meet ng East District. Agarang nagpakitang-gilas si Evangelista nang talunin ang kaniyang kapwa CalScian na si Khen Pablo gamit ang isang checkmate sa loob ng 48 moves upang buksan ang kaniyang kampanya.

Inungusan naman niya ang dalawang pambato mula sa Citi Global Colleges sa 2-0 kartada upang tuluyang selyuhan ang kampeonato sa Boys’ Secondary.

“Gusto ko depensahan yung title ng Calsci sa Boys’ Division kasi last year nakaabot pa si Chris [Balcameda] sa City Meet,” ani ni Evangelista.

Sa kabilang banda naman, binulsa rin ni Emerald Mondido ang korona kontra sa kapwa-Calscian na si Ehra Esplana matapos ang isang checkmate sa loob lamang ng 34 moves na sinundan ng pagkapanalo kontra SJC sa paraan ng resignation.

“I’m playing for the top spot kahit first time ko lang lumaban sa chess meets. Sana ma-replicate ko ‘yung performance ko this cluster meet sa inter-cluster,” sambit ni Mondido.

Parehong sumulong ang dalawang Calscian sa Inter-Cluster level kung saan tinuldukan lamang ng mga ito ang parehong ika-apat na pwesto at bigong makasalang sa City Meet ng Chess.

Integrated School ngunit nabigo silang angkinin ang una at ikalawang set sa 0-2 kartada.

Binuhay pa rin ng short service ni Mangilin para mapasakamay ang panalo sa ikatlong set subalit kinapos nang makalusot sa huling set matapos matambakan sa 4-11 sa ikaapat na set.

Sa kabila ng kanilang pagkabigo sa 1-3 kontra CBIS, nagawa naman nilang tapyasin sa bracket ang Calamba Institute na tumalo rin sa kanila sa first game ng elims upang mapasakamay nila ang tiket sa finals na may 3-0 sweep kartada. Habang naging balakid naman ang elimination round matapos malaglag sa lower bracket kontra sa CI at nagawang lusutan ang Makiling Integrated School sa ikalawang game sa isang 5-game thriller match na may 3-2 karta.

“Nakakakaba talaga siya kasi konti lamang ‘yung preparation namin dahil busy kami at kailangan namin mag-comply ng academic tasks pero nag-effort pa rin kami ni Gia na kahit after

class ay magtraining kami and atleast makasabay kami,” ani Mangilin.

Sa kabilang dako naman, tumala ng isang panalo, at dalawang talo ang pambato ng Singles A na si Miranda kasama ang kaniyang pagkabigong makalusot sa finals kontra sa CBIS dulot ng mga kinapos na depensa ng Calscian sa semis na nagtala ng 3-0 baraha.

Sumelyo pa rin ng pwesto sa semi-finals si Miranda nang ilaglag nito ang Makiling IS sa lower bracket sa 3-1 kartada habang sa eliminations naman ay nalugmok ito matapos tambakan ng RAAM qualifier mula Canossa Academy sa 3-0 sweep.

Bigo man makamit ang ginto, nagawa pa rin ng mga Calscian makipagsabayan sa East Powerhouse ng Calamba at mag-uwi ng podium finishes na nagmarka sa kanilang larangan at sa paaralan.

sa naubos ang oras kahit nahirapan ang mga ito dumepensa. Tuluyang napasakamay ng Apuesto Buenos ang tropeyo sa tulong na rin ng tatlong assist na nailatag ni Tylos na naghudyat ng ikalawang kampeonato ng grupo mula sa pagdomina nila noon sa Football para sa Bayan U14 sa Lipa, Batangas. Naging susi ng grupo ang technical skills training ng mga players at dalawang oras naman na sesyon tuwing sabado at linggo bilang paghahanda sa kanilang mga laban.

“I always look at my performance per tournament. I feel good when I do a good performance and challenge myself if I need to improve myself on some aspects of the game” sambit ni Vicente. Naghahangad naman si Tylos ng patuloy

HANZ BONDOC

Umarangkada ang mga Calamba City Science Integrated School athletes sa nagdaang InterCluster Meet matapos bumagahe ng dalawang pilak na medalya at apat na tanso sa iba’t ibang running, jumping at throwing events sa Athletics na ginanap sa Looc Elementary School Open Field nitong Nobyembre.

Kaniya-kaniyang sumungkit ng medalya ang Athletics delegation ng CCSIS na sina Carris Bilog, Christian Dejan, Stephen Mac, at si Tylos Vicente na silang bumuo ng delegasyon ng paaralan at ng Cluster 2. Kinapos ang silver medalist na si Christian Dejan para sa pwesto patungo sa City Meet sa pag-aasam makatunggali pa ang iba’t ibang malakas na runners and jumpers sa Calamba. Nagpakitang-gilas ng liksi at bilis ang former City Meet medalist na si Dejan sa Long Distance 1500m sprint at nagawang selyuhan ang ikalawang pwesto nang lumista ito ng 7:26.44 record. Bumandera muli si Dejan sa kaniyang lakas ng binti nang makamit nito ang ikalawang pwesto sa Long Jump at mag-uwi ng kaniyang pangalawang pilak sa naturang event.

“Siguro main reason dun is yung kulang kami sa training and syempre sobra rin naming busy sa school kaya siguro naging factor yun saming mga Calscian. Tapos ayun, kulang sa kondisyon talaga at nahihirapan ako huminga habang natakbo.” ani Dejan. Sa kabila ng pagkabigo, nagawa pang kabigin nina Dejan at Bilog ang ikatlong pwesto sa 4x400m Relay kasama sina Stephen Mac,

at ang football player ng na si Vicente.

Habang ang iba namang mga events, nabigong makalusot sa podium ang mga Calscians dahil sa lakas ng pwersa na bitbit ng E. Barretto National High School at Looc Integrated School. Kinulang mang makahantong sa mas mataas na antas ng kompetisyon, buhat na rin kanilang pagiging baguhan sa larangan, patuloy pa rin ang pagpapakundisyon ng mga atleta at susubuking bumawi sa susunod na taon ng torneo.

Vitualla, humakot ng pilak sa huling dance comp

Umangkla ang ‘balle-reyna’ ng Calamba City Science Integrated School na si Ysabella Marie Vitualla ng tatlong pilak na medalya mula sa tatlong kategorya sa Senior’s Manila Dance Prix na ginanap sa Maybank Performing Arts Theater nitong Setyembre.

Nagningning ang husay ng CCSIS ballereyna sa kaniyang forte na classical ballet dahilan upang makuha nito ang paghanga ng mga hurado mula sa 252 kalahok at 40 sa kaniyang age group kung saan nakakuha siya ng 80-89 porsiyentong grado katumbas ng silver medal. Nagpakitang-gilas din si Vitualla sa hiphop at nakuha ang parehong porsiyento nang kuminang ang kaniyang performance na nagbulsa ng ikalawa nitong silver medal sa torneo.

Bagama’t nabigo ang CalScian Dancer sa Top 10 Overall Solo Performers sa buong Seniors’ Category, pumangalawa naman ang kaniyang buong grupo sa Group Category na nagbigay sa kaniya ng ikatlo at panghuli nitong medalya. Matatandaang apat na buwan pa lamang mula noong huling sumabak si Vitualla sa entablado ng isa pang patimpalak na Get the Beat Regionals bilang diamond scorer matapos tumanggap ng 96

JADEGERO ROQUE Sinelyuhan ng Calamba

porsiyentong puntosan pataas. Dinomina rin ng grupo ni Vitualla ang nakaraang Get the Beat bilang overall champion kung saan itinalaga rin siya bilang Top 2 Highest point awardee sa lahat ng kalahok. Gustuhin mang lumahok muli, pinagbawalan na si Vitualla ng kaniyang doktor sa pagsasayaw dahil sa kondisyon nitong Myositis na kung saan unti-unting manghihina ang mga muscles nito sa katawan kung magpapatuloy ang pagkapagod ng mga ito dulot ng pagsasayaw.

“Actually before pa noon ako nagplan na tumigil, hindi naman po naging reason yung competition sa plan ko, pinapatigil lang talaga ako ng doctor”, sambit nito. Ipagpapatuloy ng ballereyna ang buhay mananayaw sa pagtuturo sa pagsayaw ngunit magpapahinga muna ito sa competitive stage hanggang sa umayon na ang pagkakataon.

Juniors and Seniors Division na may malaking hatak upang mangibabaw sa talaan. “Surprising kasi di ko ineexpect na mananalo kami kasi ‘yung halos lahat ng napanood kong laro

na kampeon matapos lumamang ng 10 puntos ang Yellow Tigers sa 60 puntos kontra sa 50 puntos ng Archers habang tablado naman ang talaan ng Seniors Division sa 55 na puntos. Habang sa Larong Pinoy naman, nalugmok sa ikalawang pwesto ang Juniors Division nang kumubra ito ng 60 at 50 puntos naman sa Juniors na naglagay sa huling pwesto ang arkero.

Bumuhat sa kampeonato ng berde ang titulo na ‘Best in yell’ at ‘Best in Muse and Escort’ na siyang nagbigay ng tig-20 na puntos sa bawat dibisyon. Tumabla ang talaan ng Green Archers at Red Warriors sa Seniors’ Division na kabuuang puntos, kalakip ang tig-345 puntos ngunit buhat ng ‘Muse and Escort’ at ‘Best in Yell’, binasag nito ang tie at napasakamay ng mga berde ang kampeonato.

Dinomina ng Cluster Meet champion ng Cluster 2 ang buong torneo nang tuldukan ang kampanya sa Inter-Cluster bilang undefeated sa bawat nakakaharap mula sa elims hanggang sa championships.

Bumandera si Tabernilla sa una nitong laro kontra sa Cluster 5 mula sa San Cristobal National High School nang tambakan niya ang kalaban sa 21-7, 21-3 upang buksan ang kaniyang kampanya sa 1-0 record.

Nanatiling malinis ang record ng Cluster 2 Singles B na si Tabernilla nang ipanalo niya ang lahat ng laban nito at maging undefeated sa knockout games bago pa man tumungtong sa semi-finals.

Sumulong ang City Meet qualifier sa kaniyang semis game kontra kay

Chanley Erasga ng Cluster 1 mula sa Castor Alviar National High School nang pataubin niya ito sa dominant game na 21-11, 21-8 at agawin ang pwesto sa championships ng torneo.

Tuluyan namang napasakamay ng Calscian ang gintong medalya sa Singles B nang walisin nito ang pambato ng Cluster National University - Laguna na si Cabalona sa 2-0 kartada.

Agad umabante si Tabernilla sa unang set ng championship game matapos pumakita ng agresibong opensa na naghudyat ng 21-11 sa unang set.

Patuloy ang mainit na opensa ni Tabernilla na mas nagpahirap sa kaniyang katunggali na dumepensa

sa kaniyang mga pinakakawalang mga palo, 21-10, na nagbulsa ng kaniyang kampeonato sa Singles B. “Mas maraming experience yung mga kalaban ko compared sa akin pero ayun, sobrang fulfilling tsaka nakaka-proud lang sa sarili ko. Despite may advantage sa akin yung mga kalaban, nagawa ko pa ring magchampion and nagawa ko best ko,” ani Tabernilla.

Hindi nagpatinag ang Grade 7 Calscian kontra sa mas ekspiryensadong at mas matatandang mga katunggali sa Inter-Cluster na siya namang uusad sa City Meet ng Girls’ Secondary Badminton na kaniyang haharapin ang mga powerhouse teams mula sa West.

Matatandaang nasa proseso na ng paghahanda si Manulid para sa kaniyang tatahaking pinakaunang pagsabak sa isang bodybuilding competition. Nang napapalapit ang araw ng kompetisyon, napagdesisyunan naman ng kampo ni Manulid, kalakip ang mga coaches at tatay niya, na umatras sa laban dahil sa hindi inaasahang pagkakaroon ng sakit nitong Oktubre.

“Napag-decide-an namin na hindi na ako tumuloy kasi nung nagkasakit ako sa peak week, hindi na rin kayang habulin ng katawan ko” Hindi man natuloy ang pagsali sa sana’y una nitong competition sa larangan ng bodybuilding, inaasahan namang sasabak siya muli sa susunod na taon ng nasabing torneo upang ipakita ang kaniyang pinagtrabahuhang pangangatawan.

GINTONG

BIDASALIDA

Macaraig, aarangkada sa RAAM - Swimming

Bigong makasungkit ng pwesto sa City Meet ang Calamba City Science Integrated School sprinter na si Christian Josh Dejan nang kulangin ito sa kampeonato matapos ibulsa ang pangalawang pwesto sa Secondary Boys’ 1500m Long Distance Sprint ng Inter-cluster Meet ng East District sa Looc Elementary School Open Field nitong Nobyembre.

former City Meet qualifier na si Dejan ng rekord na 7:26.44 na siyang malayo sa nagtangan ng gintong medalya mula sa Cluster 1, sa paaralan ng E. Baretto National High School, bitbit ang 5:43.54 kartada. Halos dikit lamang ang bilis ng representatives mula sa Cluster 1, 2 at 3 sa umpisa ng kanilang laban at nagpapakita ng consistent pace sa unang tatlong laps ng kanilang pagtakbo. Nang humantong ang mga ito sa ikaapat na ikot, nakalalayo na ng pauntiunti ang parehong Cluster 1 at 2, habang bumabagal naman ang usad ng athlete ng Cluster 3 mula sa Looc Integrated School. Tuluyan naman nang bumulusok ng takbo ang dalawang nauuna kung saan nakakubra agad ng makapal na abante ang nauunang atleta mula sa Cluster 1 habang naghahabol naman si Dejan ng Cluster 2. Nagkaroon naman ng pagkakamali sa facilitator ng nasabing event nang maagang papasukin sa finish line ang nauunang atleta kahit na kulang pa ng isang lap ang kaniyang tinatakbo kung kaya’t pinatakbo muli ito na nagbuhat ng dikit na laban sa pagitan ng Cluster 1 at 2 sa huling lap. Sinelyuhan ng Cluster 1 ang gintong medalya sa nasabing event nang magtala ng 5-minute finish habang ang Cluster 2 representative ay sumobra naman ng isang lap kumpara sa nakatakdang itatakbo ng mga ito. Binulsa rito ng Calscian sprinter ang silver medal sa 1500m Long Distance nang kapusin itong mahabol pa ang abanteng pinanghawakan ng Cluster 1 para sa gintong medalya.

Kumamada ng kabuuang limang medalya ang three-time Regional qualifier ng CCSIS nang tanghaling kampeon sa apat na events na 50m Butterfly, 100m Freestyle , 50m Backstroke at 50m Freestyle, habang pilak naman ang naiuwi sa 100m Butterfly. Naunang nagpasiklab si Macaraig sa panimulang event na 50 meters butterfly na maituturing na kaniyang forte, nang magtala ng impresibong

31.57 segundo na pumostura sa kaniya sa pagbagahe ng unang gold medal. Sinundan naman niya ng isa pang gintong medalya sa larangan ng 50m backstroke nang sumelyo ng karipas na paglangoy at lumista ng 37.81 segundo. Nagpatuloy sa pagpapakitang-gilas si Macaraig at sumunod na dinomina ang tagisan sa 50m freestyle kung saan naabot nito ang agresibong

patag na 30 segundo na katumbas ng isa na namang ginto sa kaniyang medal haul. Hindi naman nakuntento sa sandamakmak na medalya si Kiera at sumalok ng isa pang ginto na kaniyang naibulsa sa 100m freestyle kung saan nagningning ang 1:08.53 record para sa huling ginto.

Pumangalawa naman ang Calamba City pride sa pangalawang event na 100m butterfly nang bahagyang

kulangin siya sa ikalawa sana nitong ginto matapos lumista lamang ng 1:18.56 segundo na naghudyat para sa kaisa-isa niyang pilak. “I’ve been training tirelessly even through the holidays. Where everyone has their fun, I’m in the pool. Even when I felt unmotivated, upset, or whatever, I trained because I know I need it,” banggit ni Macaraig.

Matatandaang kinapos sa nakaraang sabak si Kiera Macaraig sa RAAM

ng ilang segundo para sa tiket patungong Palarong Pambansa kontra sa SDO Laguna Province ngunit nasungkit lamang nito ang pilak. Muli namang raratsada sa RAAM ngayong taon si Macaraig, baon ang malaking kumpiyansang magtagumpay sa bagong pagkakataon at subuking bumawi mula sa pagkakatalo sa nakaraang taon para sa pwesto sa darating na Palarong Pambansa 2025.

Bigay, lumarga sa 16U Junior MPBL S2

Naglalaro ang five-foot-11 bigman ng Barakitos bilang rotational center na kung saan pinapakinabangan ang mataas niyang height at malapad na pangangatawan sa murang edad sa pagdepensa sa mga kalabang grupo.

Nangapa ang 16-year-old

Calscian hooper sa kaniyang debut game ng eight points, 10 rebounds at two assists na kung saan nakuha ng Barakitos ang talo sa iskor na 53-64 kontra sa koponan ng

Mindoro Berbets.

“Excited akong maglaro considering na malaking liga talaga ang MPBL and all I’m

feeling is excitement lang talaga. Sabi rin ng coaches ko na enjoy-in ko lang yung debut game ko and no pressure naman na sa’kin kasi nakakapaglaro naman na ako sa big leagues din,” ani Bigay.

Umangkla naman si Bigay ng breakthrough game nang magtala ng 14 points, 12 rebounds, four assists at two steals kontra sa grupo ng 10th seeded team na Bauan Cafe Uno para sa pagkabig ng panalo sa 71-62 kartada.

Tinuldukan lamang ng Batangas City ang kanilang kampanya sa 16U Junior MPBL sa ika-labing isang pwesto,

tangan ang record na 2-9 na bigong tumungtong sa playoffs ng torneo.

“Unexpected yun since malaki rin expectations ko sa team namin pero okay lang din kasi yung ganung performance ng team namin is marami akong learnings lalo na sa mga talo namin,” sambit ni Bigay.

Sa kabila ng pagkakalaglag ng Barakitos sa playoff contention ng 16U, ipagpapatuloy naman ng Calscian bigman ang pagpapakundisyon para subuking mapasama muli sa rotation ng Batangas sa susunod na season.

Pinagharian

ROHAN
Sumabak ang Calamba City Science Integrated School Grade 10 hooper na si John Isaiah Bigay sa nangyayari ngayong Junior Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na kabilang sa koponan ng 16U Batangas City Barakitos na nagsimula nitong Mayo.
HANZ BONDOC
Dejan, kapos sa City Meet - 1500m sprint

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.