3 minute read
nagkamit ng Selyo Ng Kahusayan
from AJ Mappala Output 1
by Aj Mappala
Maagap at handa sa anumang sakuna. Iyan ang binigyang patunay ng pamahalaang lokal ng Calasiao matapos magkamit ng selyo ng kahusayan sa katatapos lamang na Gawad Kalasag Regional Awarding sa Bayan ng Bauang, La Union noong Disyembre 15, 2022.
Pumangalawa ang Calasiao sa anim na nabigyan ng
Advertisement
GAWAD KALASAG SELYO
NG KAHUSAYAN sa buong
Rehiyon 1. Napabilang ang bayan sa hanay ng Beyond Compliant LGUs o mga lokal na pamahalaan na nagpakita ng higit na kagalingan sa pag responde at pag agapay sa anumang sakuna.
Sa opisyal na facebook page ng alkalde ng bayan makikita at mababasa ang post na masayang tinanggap ng ating Municipal Administrator Mr. Patrick Caramat at ng LDRRMO head Mr. Freddie Villacorta ang nasabing parangal sa ngalan ng ating Municipal Mayor Mamilyn Agustin Caramat.
Kasama sa naparangalang Beyond Compliant LGU ang mga bayan ng Anda, Bolinao, Bayambang at Mangatarem. Sa Province level naman ay beyond compliant din ang
Lalawigan ng Pangasinan.
Bukod sa hanay ng Beyond Compliant LGU’s ay binigyang pugay din ang mga fully compliant LGU’s sa rehiyon. Kinabibilangan ito ng higit apatnapu’t tatlo (43) bayan at lungsod sa buong rehiyon, kung saan labing tatlo (13) ay mula sa Lalawigan ng Pangasinan.
Pinuri naman ni La Union Governor Rafy Ortega-David, panauhing pandangal ng GK 2022 awards ang lahat ng mga nagsipagwagi. Ani David,
“Bilang tinaguriang mga bayani, Nakita ko po ang inyong dedikasyon… na gawing ligtas at protektado ang Rehiyon Uno”.
Isa ring punto ng programa
Araw Ng Pagbasa Pinagdiwang
ang paggawad ng sertipikasyon sa mga lokal na indibidwal, responders, practiocioners, at volunteers na nagkaroon ng malaking puwang sa Disaster Risk Reduction and Managemenr o DRRM.
Sa huli ay hinamon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga pinarangalan na ipagpatuloy ang nasimulang adhikain.
TrainingIn-campus
Joint muling naranasan ng mga mag-aaral
Mahigit 100 na estudyante ang lumahok sa in-campus training matapos ang dalawang taong pandemya nitong ika-2 ng Disyembre hanggang ika-4 ng Disyembre 2022 sa paaralan ng Buenlag National High School.
Sa tatlong araw at dalawang gabi na pagsasanay, sumailalim sa iba’t ibang aktibidad ang mga mag-aaral tulad ng pag-alis ng lubid na nakatali sa kanilang mga kasamahan, obstacle challenges na sumubok sa katatagan ng bawat isa.
Binigyang diin ni G. Jaime Pascua ang pangkalahatang paniniwala ng iskawt, na dapat laging handa sa lahat ng pagkakataon upang makatulong sa ibang tao.
Sa kabuoan layunin ng in-campus training na hasain ang kakayahan ng bawat mag-aaral upang hindi lang isip ang busog sa kaalaman bagkus maging ang kanilang pangangatawan ay handa sa mga maaring sakuna sa hinaharap.
Bilang suporta sa pagdiriwang ng 2022 NATIONAL READING MONTH ang mga guro sa English at Filipino Department ng Buenlag National High School sa tulong at suporta ni Gng. Genoveva E. Ballesteros nagsagawa ng iba’t ibang aktibidades ang paaralan nitong buwan ng Nobyembre.
Ang Share a Book Drive Activity ay naglalayong mangalap ng donasyon na libro, ang mga donasyon na libro ay ilalagay at iaayos sa iba’t ibang reading corner ng bawat silid na tiyak na makatutulong sa mga magaaral lalo sa mga mag-aaral na hirap sa pagbabasa.
Ang iba pang mga aktibidad na isinagawa ay ang Book Shot Activity, Story Telling at Oral Reading, gayundin ang paggawa ng Big Book.
Malaki ang naging tulong ng mga gawain dahil dito natutunan ng mga mag-aaral na mahalin at pahalagahan ang pagbabasa na umaayon din sa sinabi ni Dr.Seuss, “Kapag marami kang
Magical Garden sa Calasiao dinayo ng karamihan
Nakiisa ang mga Calasiaeños sa pagbubukas ng Christmas Village, magical garden inspired noong Nobyembre 28, 2022 eksaktong ala-sais ng gabi sa Calasiao Town Plaza. Ang ipinagmamalaking Christmas Village ng Calasiaeños ay pinangunahan ni mayora Mamilyn Agustin Caramat .
nabasa mas maraming bagay ang malalaman mo at kung mas marami kang natutunan mas maraming lugar ang mapupuntahan mo”.
BNHS, Pinagkalooban ng bagong silid-aralan
Bagong 1 story, 2 classroom building ang ipinagkaloob sa Buenlag NHS sa inisyatiba ng kasalukuyang administrasyon na pinangungunahan ni Gng. Genoveva E. Ballesteros isinagawa ang konstrukyon mula Marso hanggang Abril taong 2022.
Ang 1 story, 2 classroom ay donasyon nina Mr. & Mrs. Vicente Ongtenco at ng Motor Trade Corporation ito ay kailanman hindi malilimutan at patuloy na ipagpapasalamat ng mga mag-aaral at ng mga guro.
Ito ang magandang balita para sa mga guro at magaaral ng Buenlag NHS. Hindi na sila mahihirapan sa pagtuturo at pag-aaral. Kasalukuyang ginagamit ito ng mga mag-aaral na nasa ika-7 baitang sa pangangalaga nina Gng. Diana Maynigo at Bb. Maria Joy Domulot.
Nailathala ang magical garden inspired ng Calasiao Village sa Philippine Star dahil sa angking nitong kulay at naggagandahang disenyo sa loob at labas. Pinaghandaan ito ng lubos ni mayora Caramat kaagapay ang mga opisyales ng Calasiao. Ang mas nagbigay ng liwanag sa mga pailaw na ito ay ang mga ngiti sa bawat mukha ng mga taong bumibisita rito at ang masayang puso ng bawat Pilipino. Komento ni Medina, “Hayaan mong ilawan ng pailaw sa Calasiao ang buhay mo! Mas masaya dito sa Calasiao!”