5 minute read

UAAP Season 85, Nagpasiklaban sa dance floor 2022

Next Article
PUKSAIN

PUKSAIN

Hinirang na kampyon ang National University sa UAAP Season 85 Cheerdance Competition na ginanap noong ika-10 ng Disyembre 2022. Ang Far Eastern University ay umaasa na makuha ang back-toback na titulo, ngunit masyadong malakas ang National University.

Nakuha ng NU Pep Squad (isang grupo ng mga cheerleaders) ang kanilang ikapitong cheerdance championship sa nakalipas na siyam na season ng UAAP.

Advertisement

Ang kulay rosas, asul at dilaw na damit ng Pep Squad ay naging mas nakikita ang kanilang mga stunts at nakatulong sa kanila na mas mapalapit sa pagwawagi sa patimpalak kasamang pasok sa podium ang Far Eastern University na nakakuha ng 719 puntos kumpara sa 723 puntos ng National University at ang kumumpleto sa podium ay ang UST Salinggawi Dance troupe na nakakuha ng 640 puntos.

Samantalang ang ibang team na hindi nakapasok sa podium ay ang UE Pep Squad na gumamit ng Pinoy pop tunes ay nakakuha ng 606.5 score na nakuha ang pang apat na pwesto.

Ang Adamson pep squad ay bumaba ang pwesto sa pang lima na nakakuha ng 595 na kung saan pasok sa Top 3 noong nakaraang season. Samantalang ang UP Pep squad ay pang anim na nakakamit ng 575.5 puntos na hinirang na pang anim kasunod ng DSLU Animo

John

Amores

tsugi na sa JRU, basketball team, suspendido

Ni: Shaun Dominick Perez

Hindi makakalaro si John Amores sa anumang iba pang mga sports team matapos manuntok sa isang laro ng NCAA laban sa mga manlalaro ng College of Saint Benilde.

Ito ang iniulat ng GMA News noong nakaraang linggo matapos masuspinde nang walang katiyakan ang isang manlalaro dahil sa ilang pinsala. Nahaharap din siya sa reklamo ng pananakit ng ibang mga manlalaro.

Kung gagawin natin ang aksyon na ito, ang lahat ng mga pribilehiyo na mayroon si G. Amores bilang isang studentathlete ay kakanselahin at kailangan niyang dumaan sa karagdagang parusa tulad ng pagsuspinde sa kanyang mga klase at paggawa ng community service. Si G. Amores ay bibigyan ng pagpapayo at suporta upang matulungan siyang makayanan ang stress sa mga nangyari sa kanya sa kanyang buhay.

Bago ito, mayroon ding reklamong kriminal na isinampa laban kay Amoes matapos nitong suntukin ang isang 18-anyos na recruit ng UP Men’s Basketball Team na si Mark Belmonte, matapos makaharap ang JRU nitong Hulyo.

Noong ika-8 ng Nobyembre, natigil ang laro sa pagitan ng CSB at JRU dahil nagdudulot ng mga problema si Amores. Sa huli, nanalo si Benilde.

Sinabi ni Franz Pumaren na dapat parusahan ng PBA si Amores sa kanyang inasal.

ISPORTS:

MAHALAGA PA BA SA MGA BATA NGAYON?

Ni: Franzkyle Andrei O. Aquino

Trending sa mga kabataan ngayon ang paggamit ng mga teknolohiya sa iba’t ibang nais nilang gawin. Ang mga libro at kwento ay ipinakita na napakahalaga sa mga bata. Maraming mga tao ang nag-iisip na ang paglalaro ng sports ay mahalaga pa rin para sa mga kabataan, ngunit hindi palaging ganoon ang kaso.

Squad na nakakuha ng 525.5 at ang Ateneo Blue Eagles 502.5 puntos. Nanguna ang NU sa cheering squad sa FEU at UST, na parehong sumabay sa kanta ng Pinoy rapper icon na si Francis Magalona at Salinggawi Dance Troupe ng UST, na gumanap ng Lady Gaga routine.

Ang FEU Tamarraw ay nakakuha ng pilak habang ang Salinggawi Dance Troupe ay nakakuha ng bronze. Noong Mayo 2019 UAAP Season 84, napanalunan ng cheerleading team ng FEU ang kanilang unang cheerdance title sa loob ng mahigit dalawang taon.

Balik Siglang Kabataan target ng komunidad

Buenlag Basketball League muling pasisinayaan sa Marso

Ni:Ma. Vhanna Sophia A. Sara

Magsisimula na ang labanan sa pahahanap ng susunod na kampeon sa Brgy. Buenlag Basketball League sa Marso.

Matapos ang tatlong taon ng pagiging banko dahil sa pandemya, 13 koponan mula sa Junior Division at 14 sa Senior Division ang maglalaban-laban para sa championship cup.

Ang mga junior ballers ay mula 15 hanggang 24 taong gulang, habang ang senior hoopers ay 25 pataas.

Ilang taon na ang nakararaan, sinimulan ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Buenlag, at ang mga tagapamahala ng laro ang dalawang dibisyon, junior at senior, upang maglaro sa iba’t ibang kategorya ng edad ng mga manlalaro ng basketball.

Ayon kay SK Member, Jopiter Aguilar, ang chairperson in-charge ng liga, hindi awtomatikong uusad sa municipal league ang mga kampeon ng barangay basketball league.

“Maingat na pipiliin ang koponan na kakatawan sa Buenlag sa inter-barangay basketball league. Kung ang mga kahangahangang manlalaro ay magniningning sa liga ng basketball at mayroon silang mga kwalipikasyon, sila ay isasabak para sa koponan, “sabi ni Aguilar sa isang panayam. Ang YABS hoopers ang naguwi ng kampeonato sa huling liga noong 2019.

Nais ni Aguilar na maging mabuti at maayos ang lahat ng mga koponan at pinapayuhan silang palaging magsanay ng sportsmanship sa loob at labas ng ring.

Dagdag pa niya, “Mag-enjoy lang sila sa laro. Iwasan nila ang pamimisikal at ipairal nila parati ang sportsmanship.”

Ngayong taon, isang bagong koponan sa basketball league ang magkakamit ng kampeonato sa Hunyo.

Hindi natin maitatanggi na lumago ang henerasyon ng teknolohiya sa ating bansa. Ang porsyento ng mga gumagamit ng internet ay lumaki nang husto, at dahil dito ay hindi na gaanong binibigyang importansya ang sports ng mga kabataan ngayon.

Sa survey, walong tao ang tinanong tungkol sa kung nalalaro pa ba ang isports o hindi. Lima sa kanila ang nagsabi na ito oo, ngunit tatlong tao ang hindi sumang-ayon.

Sa isang survey ng mga Pilipinong nasa edad 10 hanggang 19, pitumpung porsyento ang nagsabing mas gusto nila ang teknolohiya kaysa ang larangan ng palakasan. Gusto nila ang mga paksang ito ngunit hindi nila alam ang tungkol sa isports o tradisyonal na paglalaro nito, at nagagamit nila ang Teknolohiya upang matulungan sila. Ang mga taong huminto sa pagkahilig sa sports dahil mayroon silang access sa iba pang mga opsyon sa entertainment ay nagpapakita na sila ay bahagi ng teknolohiyang henerasyon.

Sa tingin mo, mahalaga pa ba ang sports para sa mga kabataan ngayon?

Narito ang mga kahalagahan ng isports. Ang paglalaro ng sports ay isang masayang aktibidad na mahalaga para sa lahat. Kapag bata pa ang mga kabataan, dapat silang hikayatin na maglaro ng sports dahil makakatulong ito sa kanila na bumuo ng mga relasyon at magsaya. Ang paglalaro ng sports ay makakatulong din sa mga bata na magkaroon ng mga pisikal na kakayahan at mapabuti ang kanilang kalusugan at isip.

Ang pisikal na ehersisyo ay mahalaga para sa pagtataguyod ng mahahalagang halaga ngayon, tulad ng disiplina sa sarili, paggalang sa iba, at mga kasanayan sa pamumuno. Ang pagiging myembro isang pangkat ay isa rin sa pinakamahalagang bagay na maituturo ng paglalaro ng sports sa mga bata.

Masarap ang halo-halo kapag tag-araw.

Masarap din ang halo-halong isport na Bossaball.

Kung gusto mong maglaro ng volleyball, football, at martial arts nang sabay-sabay, Bossaball ang laruin mo. Tama! Sa Bosaball pinagsama-sama ang mga sports na ito.

MANLALARO: Inembento sa Espanya ni Filip Eyckmans noong 2004, ang larong ito ay nilalaro ng tatlo hanggang limang tao bawat koponan.

PALARUAN: Gawa sa trampoline at mga inflatables ang palaruan ng Bossaball na hinahati ng net tulad ng sa volleyball.

PARAAN NG PAGLALARO:

Anumang bahagi ng katawan ay maaaring gamitin sa pagtira sa bola. Hanggang anim na beses lamang ang pagtirang maaaring gawin ng bawat koponan bago ibalik sa kalaban. Ang bawat manlalaro ay may isang beses lamang na pagkakataong tirahin ang bola sa pamamagitan ng kanilang kamay at dalawang beses naman sa paa at ulo. Kailangang ibang manlalaro naman ang tumira pagkatapos.

PAG-IISKOR: Kapag ang bola ay lumapag sa trampoline ng kalaban, tatlong puntos ang katumbas, isang puntos naman kapag sa inflatables. Tatlong set ang mayroon sa isang laban na may tig-25 puntos.

Wala pang Bossaball sa Pilipinas subalit hindi maglalaon ay magiging popular din ito sa Pilipinas. Sa ngayon, ang mga manlalaro ng Espanya at Brazil ang nangunguna sa halohalong isport na Bossaball.

This article is from: