4 minute read
Boluntaryong pagsuot ng facemask
from AJ Mappala Output 1
by Aj Mappala
Pinayagan Na Sa Lahat Ng Pampublikong Lugar
Pinirmahan na ni pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Executive Order No.3 na nagsasabing boluntaryo na ang pagsusuot ng facemask noong Oktubre 28, 2022.
Advertisement
Sa kasalukuyan ay inanunsyo na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na opsyonal na ang pagsusuot ng facemask sa mga outdoor at non-crowded area, ngunit obligado pa rin ang mga senior citizens, mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19 at mga nagta-trabaho sa mga health facilities na magsuot ng facemask upang mapanatili ang kanilang kaligtasan laban sa virus.
Kung kaya nagsagawa ang mga mag-aaral ng Buenlag NHS ng survey sa naturang paaralan kung sila ba ay pabor o hindi sa boluntaryong pagsusuot ng facemask, anim sa 10 na katao ang pabor sa pagsuot ng facemask para sakanila, ito ay proteksyon nila laban sa virus na nakamamatay, ang apat sa 10 na katao naman ay hindi pabor dahil malakas naman daw ang kanilang resistensya laban sa virus na ito.
BNHS Girls Scout tinuruan ng Life Saving Skills
Matapos ang dalawang taong pandemya lumahok sa GSP Pangasinan Camp ang mga magaaral ng Buenlag NHS nito lamang ika- 10 hanggang 12 ng Pebrero sa Patar, Bolinao.
Ang mga iskawt ay tinuruan ng mga kaparaanan sa pagsalba ng buhay tulad na lamang ng WAGGGS activity, Fire and Earthquake Drill.
Ayon sa BFP Chief of Bolinao, sa pag-apula ng apoy mahalagang manatiling kalmado habang wala pang rumerespondeng bombero, payo ng BFP Chief na unahing patayin ang electricity breaker bago buhusan ng tubig ang apoy.
Tinuruan din ang mga iskawt kung paano ang tamang pagresponde sa mga nalulunod. Busog ng kaalaman ang mga Girls Scouts sa naganap na camping dahil pinaramdam sakanila na “BABAE KA HINDI KA BABAE LANG”.
katotohanan, pinahalagahan ng mga Campus Journalists ng BNHS
Dumalo ang 64 na mga mag-aaral sa On Campus Journalism Training sa Buenlag National High School nitong Enero 12-13 at 19-20, 2023 na may layuning hasain ang mga mag-aaral sa pagsulat at paglalahad ng mga totoong balita.
Ilan sa mga gawaing isinagawa ay ang ang pagsulat ng News, Sports, Feature, Column, Editorial, Sci-tech, Copy Reading at Headline Writing ganoon din ang Editorial Cartooning, Photojournalism, Captioning, TV at Radio Broadcasting.
Binigyang diin ng mga gurong nagsipagsalita ang kahalagahan ng pagsisiwalat ng katotohanang balita. Maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa. Sa pagtatapos ng seremonya nagbigay ng napakagandang mensahe si Gng.Genoveva
E. Ballesteros punongguro
I ng BNHS, “I believe that if your aim is to change the world, journalism is a more immediate short-term weapon”, ika ni Gng. Ballesteros. Ang katotohanan pa rin ang magwawagi sa huli.
Sexual Assault tinutukan ng mga guro
Binigyang pansin ng mga guro ang sexual assault na talamak na nangyayari sa kasalukuyan nitong ika-11 at ika-18 hanggang ika-19 ng Nobyembre taong 2022.
Pinangunahan ni Bb. Shaira Mae Rosario at G. Renand Hilomen, GAD Focal Persons ang nasabing programa at sinuportahan nina Gng. Genoveva E. Ballesteros, Punong-guro I at Dr. Daisy G. Tello, PSDS ng Calasiao II.
Inimbitahan si patrolwoman
Kaycee Bautista bilang
Junior And Senior Prom Aprubado Na
Ang kahilingan ng mga guro at estudyante ay ipinagkaloob sakanila, matapos aprubahan ni Gng. Genoveva Ballesteros ang sulat na naglalayong magkaroon ng Junior and Senior Prom ang mga mag-aaral ng grade 12, 11, 10 at 9 sa darating na Abril 2023.
Bagaman wala pang espisipikong araw para sa okasyon na ito siniguro ni G. Joel Sarmiento, koordineytor ng Senior High School na ito ay isa sa mga akdibidad ng paaralan sa darating na anibersaryo nito sa buwan ng Abril.
Ukay Buti Ukay Ganda Inilunsad Ng Bnhs
Naglunsad ng face to face na brigada ang Buenlag NHS noong ika-15 ng Agosto 2022, isinagawa ang UKAY BUTI, UKAY GANDA na may layuning makakalap ng pondo para sa pagsasaayos ng paaralan.
Nakipagtulungan at nagbayanihan din ang mga guro, iba pang kawani ng gobyerno, mga magulang at mga miyembro ng 4ps sa pagsasaayos ng mga sirang upuan at silid-aralan, paglilinis sa iba’t ibang parte ng paaralan at muling pagpipintura. Masaya at handanghanda na ang mahigit 800 rehistradong mag-aaral sa muli nilang pagpasok sa paaralan at masilayan at marinig muli ang mga pangaral ng kanilang mga guro.
tagapagsalita patungkol sa mga paraan para makaiwas sa sexual assault, ilan sa mga ito ay ang maging pormal at manamit ng mahinhin dahil ang pagsusuot ng mapang-akit na damit ay nagbibigay ng maling impresyon sa iba at higit sa lahat umiwas sa alanganing sitwasyon.
Ayon kay patrolwoman Kaycee, higit na makatutulong ang paghingi ng tulong sa mga ahensya ng kagawaran upang agarang mapuksa ang mga ganitong maling gawa.
Ang Buenlag National High School at mga kawani nito ay panatag at naniniwalang ang taong ito ay magiging masaya, ligtas at punong-puno ng pag-asa para sa lahat ng mga estudyanteng matiyagang nagaaral upang maabot ang kanilang mga pangarap.
Uniforme: Hindi na Mandatori
Bago pa lang magbukas ang pasukan ay iniisip na nating ihanda ang ating uniforme,nariyang nagpapabili tayo ng bago kay nanay o di kaya ay pinapalaba at pinapaplantsa natin ang dating uniforme natin upang maging malinis dahil sabik na tayong pumasok sa paaralan. Dalawang taon kasing walang face to face.
Magandang tignan ang isang estudyante kapag maayos ang kanyang kasuotan,kapag siya ay papasok sa paaralan. Ang uniforme ay tanda ng pagkakilanlan na siya ay pumapasok sa partikular na paaralan. Gaya ng magaaral sa BNHS,ang mga kababaihan ay nakasuot ng blaws at paldang kulay berde. Ang mga kalalakihan naman ay nakasuot ng polo at islaks.
Hindi lahat ng mag-aaral ay may kaya sa buhay ang ilan ay talaga namang salat sa lahat ng bagay. Isang kahig isang tuka “ika nga nila”. Paano na lamang kung hindi sila makakapagsuot ng uniforme?Hindi na nga ba papasukin sa paaralan?
Ayon kay Bise Prisedente at DepEd kalihim Sara Duterte
Ang pagsusuot ng uniporme sa pampublikong paaralan ay hindi na mandatori para sa pagsisimula ng taong panuruan 2022-2023
Aniya sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa ay magiging dagdag gastusin lamang ito sa bawat pamilya lalo na’t maraming nawalan ng pagkakakitaan ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID-19. Dagdag pa niya, kahit noong wala pang pandemya ay hindi mahigpit ang pagsusuot ng uniporme sa pampublikong paaralan.
Nangangahulugan lamang na ang lahat ay pinapayagang pumasok sa paaralan kahit hindi naka-uniforme. Dito sa BNHS, hindi na rin mahigpit sa pagpapasuot ng uniforme,kinakailangan lamang magsuot sila ng malinis na puting damit o t-shirt upang makikila na sila ay estudyante.