PUKSAIN
Ni: Mariel P. Layno
Maraming nagsisilabasang mga balita ngayon na walang katotohanan at pawang kasinungalingan lamang. May isang tao o grupo ng mga tao kasing nagkakalat ng maling impormasyon upang mailigaw ang mga tao o maaring nais lamang nilang manakit o manira.
Tinatawag itong “fake news” na itinuturing na isang uri ng dilaw na pamamahayag“yellow journalism” o propaganda na binubuo ng mali o mapanlinlang na mga impormasyong kumakalat sa pamamagitan ng tradisyonal na paglathala o pagsahimpapawid ng news media o online social media.Ito ay isang neolohismo na tumutukoy sa peke o gawa-gawang balita na walang basehan ngunit inilalathala bilang totoo o tunay. Tunay na nakakaalarma ang ganitong isyu sa ating lipunan dahil mas mahirap ngayon kung ano ang totoo at kung ano ang hindi totoo sapagkat may estilo ang gumagawa ng fake news,kung saan pinaghahalo ang katotohanan sa kasinungalingan .
Imulat mo ang iyong mata sa balitang may katotohanan at may katuturan hindi ang gawa-gawa lamang na walang kabuluhan. Laging maging alerto sa lahat ng mga nababasa o maging sa labas mang mga balita upang maiwasang maloko.
Malaki ang epekto nito sa buhay ng mga tulad nating mag-aaral dahil bawat araw ay nakakatututok tayo sa ating gadyet lalo na sa ating selfon. Anuman ang ating nababasa ay maaring makaapekto sa atin lalo na sa ating isipan. Kaya mag-ingat tayo sa ating mga nababasa at dapat alamin muna natin kung totoo o ang tinatawag nilang”legit” ba ito o hindi.
Sa kabilang banda,giit ni Duterte na huwag pilitin o puwersahin ang mga estudyanteng magsuot ng uniporme nito ngayon,ngunit may mga hindi sumangayon tulad ng mga tinderang nagbebenta ng unipormeng pampaaralan gayundin ang mga magulang dahil baka raw pwedeng may makapasok na outsiders.
Hindi na nga mandatori ang pagsusuot ng uniforme,kaya sana naman ay mabigyan din kami ng pagkakataong maisuot ang makapagbibigay ng ekspresyon sa aming mga sarili. Ito ay ang pasusuot ng aming ootd tuwing biyernes.Ang ilan sa mga mag-aaral ay nangangatuwirang nawawala ang kanilang pagkakakilanlan sa sarili kapag nawala ang kanilang karapatang ipahayag ang kanilang sarili sa pamamagitan ng fashion.
Bilang mag-aaral ang pagsusuot ng uniforme ay mahalaga kung may kakayahan tayong bumili nito ngnit kung makikita natin ang ating kaklase na walang uniforme ay hindi dapat natin ito pagtawanan bagkus unawain nating sila ay kapos kaya walang pambili ng uniforme.
Hindi dapat natin sila husgahan dahil lamang sa kanilang anyo o kasuotan. Hindi naman nasusukat ang kaalaman o ang pagkatuto dahil lang sa kasuotan.
Ang mahalaga ay nagsusumikap tayong matuto sa pang-araw-araw upang matuto ng maraming bagay mula sa ating mga guro. Naniniwala akong ang pagkakaroon ag mga uniporme sa paaralan ay magpapataas ng pagpapahalaga sa sarili, ngunit hindi ito batayan sa pagkamit ng katagumpayan. Ang higit na pagtuunan ng pansin ay ang pagpaangat ng sariling kakayahan na matuto sa paaralan dahil ito ang magdadala sa iyong magandang kinabukasan.
Ayon sa Republic Act No. 10951 o ang batas na nag-aamyenda sa Revised Penal Code,ang sinumang napatunayan na nagkakalat ng PEKENG BALITA ay maaaring makulong ng hindi bababa sa anim na buwan at magmumulta ng 40,000 pesos hanggang 200,000 pesos.
Sa kabilang banda, dapat nating matukoy ang isang balita kung ito ay totoo o peke. Una, i-check mo ang source, kapag may nabasa kang juicy tsismis o malaking balita sa facebook,tignan mo muna kung sino ang source nito.Pangalawa, maghanap ng iba pang supporting sources,para makasigurado,humanap ka ng dalawa o tatlo pang sources na sumasang-ayon o ine-explore pa ang totoong balita o impormasyon.
Pangatlo, basahin mo yong mismong
article, hindi lang yong title o headline. Ang problema kasi sa marami sa atin, makabasa lang ng caption, excerpt at juicy headline, share agad. Tandaan may mga sources na sinadyang gumawa ng controversial na headline or caption para mas maraming magbasa o mag-click.Pang-apat,tingnan ang petsa.Hindi lamang pagkain ang napapanis, pati na rin ang balita. Bago mo paniwalaan ang mga post tungkol sa class suspension,lockdown o announcement mula sa gobyerno,i-check mo muna kung kalian ba ito talaga pinost o sinulat. Panglima, suriin ang pagkakasulat o pormat ng pagkakasulat. Pansinin mo ang pagkakasulat ng headline,link o ng mismong article.Sobrasobra ba ang paggamit sa mga punctuation mark at exclamation point.?May pagkajejemon ba ang pagkakasulat?para ba itong galit at naninigaw dahil laging may all caps?Tama ba ang gramatika ng artikulo?May mga websites na sadyang gumagamit ng ilan sa mga ito para makakuha ng atensyon at mag-udyok ng emosyon sa mga mambabasa Mahirap talagang mamuhay sa mundo ng kasinungalinan.Maraming masamang maidudulot nito sa ating buhay kung kaya’t hinihikayat ang lahat na maging mapanuri sa anumang mabalitaan sa tradisyunal mang paglathala, news media o online social media. Ang mga taong nagkakalat ng maling impormasyon o balita ito ay nagpapahamak ng kanilang kapwa Pilipino dahil wala silang magawa sa buhay kung hindi manakit , manira at magkalat lamang ng maling impormasyon. Ang mga maling balita o fake news ay parang virus na mabilis kumalat at sadyang mapanganib kaya dapat itong puksain! Kung sa Covid 19 ay may bakunang magpoprotekta sa tao,dapat may pangkontra o panlaban din sa mga taong gumagawa nito. Maging responsableng mamamayan may tungkulin tayong ipahayag ang kung ano totoo ang lamang at hindi ang kabulaanan . Bilang mga mambasa naman ay dapat tayong mapanuri .Alamin ang totoo dahil malaki ang epekto nito sa ating buhay at sa ating pangarap.
Pangalawang Patnugot
John Agustin A. Medina
Patnugot ng Balita
Lance Joshua D. De Vera
Patnugot ng Agham
Andrea Lorena L. De Vera
Tagaguhit Ng Kartun
Vince D. Diola
Mga Kontribyutor / Manunulat:
Xyrell Vhyen E. Ticman
James Cyrus U Solis
Sheryl Grace Laforteza
Jharen C. Zara
Princess Ruby B. Guarin
Jasper C. Aquino
Joyce B. Macalanda
Mga Tagapayo
Punong Patnugot
Noryn Feliz D. De Vera
Tagapamahalang Patnugot
Jona Mae C. Caducio
Patnugot ng Lathalain
Charmie Z. Calanao
Patnugot ng Isports Ma. Vhanna Sophia A. Sara
Tagakuha Ng Larawan
Franzkyle Andrei O. Aquino
Alexis Grace Peralta
Kim Diane A. Barogo
Rosamia M. Lavarias
Angelika Joy B. Espinoza
Samuel P.Ramos
Marc Renzu Molano
Raven Tamondong
Matt John Rey Quisao
Catherine M. Castillo
Analyn P. Fernandez
Camille C.Carbonell
Sheena Mae Ocsan
Mariel P. Layno
Love Shane L. Barberan
Sheila Quilaton
Zeffaneiah Z. Ellamil
Samantha Mae Vinluan
Mga Konsultant
Lyka C. Balsomo Ayesha C. Aquino
Ma. Michelle Jade Lopez
Khristel D. Valdez
Mariel P. Layno
Ruby Sales
Rhiane Urtula
Genoveva E. Ballesteros,Ph.D,Punongguro I
Susana F. Flores, Ulongguro III
“
Maharlika
Investment Fund:
TAGUMPAY O SABLAY?
Marami sa atin ang naghahangad ng pag-unlad ng ating bansa kaya naman isinusulong ngayon ng mga mambabatas ang Housebill 6398 o Sovereign o Maharlika Investment Fund o MIF.
Ang pag-angat at pag-unlad ng ating bansa ay malaking tulong sa ating lipunan. Bawat pamilya ay talaga namang naghahangad ng kaginhawaan dahil maraming gastusin sa buhay. Nariyan na ang gastusin sa pagpaaral sa anak sa pagbibigay ng baon sa bawat araw at sa kanilang mga pangangailangan.
Malaki ang epekto ng maunlad ng bansa sa buhay ng kabataan .‘Ika nga ni Dr. Jose Rizal “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”kaya anumang panukalang makakatulong sa pagunlad ng ating bansa’y napakahalaga dahil nakasalalay rito ang buhay ng mga kabataan o ng mga mag-aaral.Maibibigay sa kanila ang magandang edukasyon kung napupunan ng magulang kanilang pangangailangan.
Sa kabilang banda, ang sovereign wealth fund ay pondong nililikom ng isang gobyerno at ginagamit upang mag-invest o mamuhunan sa iba’t ibang assets ngunit ito’y nagmumula sa sobrang kita ng isang gobyerno.
Samakatuwid,ang sobrang pera ay maaring i-invest at palalaguin sa stock market, bonds, real state at iba pang klaseng investment .Sa madaling salita ito ay gaya ng investment corporation pero hawak ito ng malaking porsyento ng bansa.Ang gobyerno na mismo ang mamumuhunan nito.Magiging matagumpay ang ideyang ito kung may perang gagamitin sa pamumuhunan.Mahirap kasing mamuhunan kung walang ka namang puhunan.
Ang MIF na ito ay may layuning, una, mapalago ang pondo ng taumbayan,alam natin na bumababa ang halaga ng pera kaya kailangan nating labanan ang inflation.Pangalawa , layunin nitong protektahan at patatagin ang badyet ng ating ekonomiya.Pangatlo,ang tinatawag nilang diversification, ang paglalagay ng investment sa stocks,bonds at time deposits.Sa estratehiyang ito, bumagsak man ang isang investment, ito ay sasaluhin ng kita ng iba pang investment.Pangapat,ito ay may mas malaking balik nito. Kapag sumobra ang iyong kita ay maaari mo ng ilagay ang pondo sa economic development ng ating bansa.
Pagtitiktok ng Guro :
MAARI NGA BA?
Mapatutunayang ang ideya ng sistemang ito ay epektibo sa pagpapaunlad ng isang bansa dahil 98 na mga bansa ay mayroon ng sovereign funds. Halimbawa, sa Norway, mayroon silang sovereign wealth fund na nagmula sa higanteng reserba ng langis na nadiskubre sa North Sea. Malaking bahagi ng sobrang kita nila mula roon ay inilagay nila sa isang sovereign wealth fund noong 1990, at ngayon ang pondo na iyon ay nagkakahalaga na ng mahigit $1 trilyon (trilyon with a “T”).Ang ilan sa pa mga may malalaking wealth fund ay ang China, Abudabi at Kuwait. Ang mga kailangan sa Sovereign Wealth Fund na ito ay ang tinatawag nilang “surplus”ibig sabihin, kailangan ay sobra-sobra ang iyong pera at nariyang walang utang ang bansa.Mahalaga rin ang kung sino ang mamamahala nito.
Ang GOCC o Government owned Government Owned Controlled Corporation na binubuo ng siyam na miyembro.Anim na miyembro mula sa Founding Government Institution at dalawang Independent Directors at isang Kalihim ng Finance.Sila ang mga board of directors na mamahala rito. Walang garatiyang kikita sa investment depende na lamang sa galing at kung saan nila ilalagay ang investment. May maganda at hindi magandang naidudulot nito sa atin. Ang magandang naidudulot nito ay una, mapapalago ang sobrang pera natin. Ikalawa mapalalago nito ang ating ekonomiya. Ikatlo, Magkakaroon ng karagdagang kita para sa ating bansa at makakatulong ito para sa mga proyekto ng ating gobyerno. Maaaring tagumpay ang hatid nito kung ito ay ayon sa mga magandang intensyon ng mga namamahala nito.Ang investment ay isang isyung tiwala. Kailangan mong itiwala ang perang inilagak mo. Mahalaga kung saan ito ilalagay upang ito ay kumita .Kung mapamamahalan ito nang maayos ito ay magsisilbing isang biyaya at hindi isang sumpa isang tagumpay at hindi isang sablay.
Mula sa Tanong na: Ano ang masasabi ninyo sa ika-100 araw na pamamahala ni Bongbong Marcos sa ating bansa?
“Okay lang, ang ganda.He give different job sa mga nararapat na dapat lang bigyan ng trabaho”
“Napakahirap na ng mga tao dito sa Pilipinas dahil sa pagtaas na mga presyo ng mga bilihin”
“Drug addiction is getting worst and worst again everyday ...Not like in Pres. Digong terms and also sudden killing iskola worsten “
“Para sa akin,ang mga mahihirap ay natutulungan, at sa ekonomiya naman ay unti-unti namang umaasenso”
“Noong na-elect na siya bilang bagong pangulo ng Pilipinas,sinabi ko na “yes, babalik na sa ganda ang Pilipinas” pero hanggang ngayon hindi ko pa rin dama parang mas lalong lumala”
“Hindi maramdaman ng masa ang pagbabago dahil mahal lahat ang mga bilihin...”
Kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang pag-usbong ng teknolohiya, nariyan na rin ang mga naglabasang iba’t ibang social media apps gaya ng facebook,twitter ,youtube,Instagram ,tiktok at iba pa.
Ang madalas na kinahuhumalingan ngayon ng mga bata,matanda maging ng mga guro ay ang nakakaaliw na tiktok. Nakapagdudulot kasi ito ng kasiyahan sa bawat isa at nakatatanggal ng stress o lungkot.
Ang titktok ay isang social media app kung saan ang mga gumagamit nito ay malayang nakapagpapahayag ng kanilang mga sarili, mga kaalaman,interes,talino at iba pa.Ang app na ito ay patok ngayon dahil sa iba’t ibang uri ng paksa na masasabing kakaiba, malikhain ,nakapagpapasaya at nakakakuha ng atensyon.
Karamihan sa mga guro ngayon ay nagti-tiktok.Nagsisilbi kasi itong libangan at pang edukasyunal na gawain. Halimbawa na lang ay kapag bagot na ang guro ,matapos ang maraming gawain , nariyan na’t siya ay haharap sa kanyang selfon at iki-click na ang tiktok apps. Marami kasing pweding gawin dito gaya na lamang ng pagsayaw ,pag-awit at iba pang pagapapahayag ng sarili ,kaalaman interes ,talino at iba pa.
Hindi naman masama ang pagtitiktok ng guro kung ito ay nasa tamang lugar at oras. Lalo na kapag ito ay ginagamit sa pagtuturo ng kanilang aralin upang mas kapana-panabik at nakakainganyo ito sa mga mag-aaral dahil tayo ay nasa modern age na kung saan patok ang paggamit teknolohiya at internet.Kailangan na rin kasing makisabay ang mga guro sa takbo ng panahon kung saan ang lahat ay nauuso ang mga iba’t ibang apps lalo na ang tiktok.
Mas nakakaagaw atensyon ang gurong gumagamit ng apps na ito dahil makulay at pweding lagyan ito ng mga “effects” para mas nakaaliw sa mga mag-aaral. Maari ding magbigay ang guro ng gawain gamit ang estratehiyang gamit ang tiktok .Halimbawa ay
gawain tungkol sa pagbibigay ng pandiwa . Maari silang magpakita ng salitang kilos na kanilang isasagawa sa tiktok. Ayon nga kay senador Pia Cayetano hindi masama ito dahil nakikiayon lang naman sa uso ang mga guro at nakapagbibigay ito ng kasiyahan sa isang tao. May mga karapatan ang bawat tao na gawin ang gusto nila, dahil sino ba naman tayo para pigilan sila? Gusto lang din naman nilang makapamuhay at ipahayag ang kanilng sarili o ipakita ang kanilang talento,halimbawa nito ay kung marunong ang guro sa pagsayaw at pgkanta talaga namang gagawa at gagawa ito ng paraan upang maidaan ito sa pagtitiktok. Ang mga kabataan ngayon ay talaga namang mahuhumaling sa mga uso ngayon kaya naman kinakailangang ang mga guro ay hindi pahuhuli at hindi dapat mapag-iwanan ng panahon kundi sumabay na rin sa mga uso at napapanahong gawain upang mas makabuluhan at mas napaiigting nito ang paraan ng pagtuturo dahil nakapagdudulot ito ng kasiyahan habang natututo. Hanggat alam ng guro ang kanyang limitasyon sa pagti-titiktok ay hindi ito masama. Ang paglalaan ng tamang oras at panahon ay mahalaga sa lahat ng pagkakataon. Sa kabilang banda, isa rin ang tiktok sa maaaring gamiting estratehiya ng mag-aaral upang mahikayat ang mag-aaral na matuto at magpursige sa kanila para mag-aral.
Liham para sa Editor Mahal kong Editor, Isa akong Junior High sa paaralang ito ,kakalipat ko lang po dito ngayong taon. Unang pasok ko po sa eskwelahan na ito ay may halong kaba at takot po ako na baka sakaling ako ay ma-bully pero nang makita at makausap ko na po ang ilan sa aking mga kaklase at nakasama sila ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang makipagkaibigan at makipagsalamuha sa iba ko pang kaklase at noong sila ay aking nakausap ay mas lalo akong naging malapit sa kanila dahil nalaman kong sila ay may katangiang gustong-gusto ko gaya ng pagiging mabait , matulungin at masiyahin.
Napamahal na rin ako sa paaralang ito dahil ang mga guro dito ay sadyang mahuhusay na magturo at mapagmahal. Lubos nga ang aking pasasalamat dahil sa walang humpay nilang pagtuturo at laging nagpapaalaala sa amin na mag-aral nang mabuti upang makamit naming ang aming katagumpayan sa buhay. Gayundin, matiyaga silang nagdidisiplina sa amin sa arawaraw. Sa kabilang banda, ang mga opisyales ng PTA naman ay laging nakaantabay at handang maglingkod para sa aming lahat at para sa buong paaralan. Labis akong nagpapasalamat sa bawat kasapi ng ekswelahan na ito. Sa inyong lahat, maraming salamat sa pagaagapay ninyo sa amin at sa buong paaralan na ito sa pagkamit ng aming pangarap.
Ang pumupuri nang lubos, Zeffanieah C. Ellamil
Sagot sa Liham
Zeffanieah C. Ellamil
Zeffanieah ,bilang editor in chief sa pahayagang ito nais kong ipahayag sa iyo na huwag kang masyadong mag-isip na ikaw ay ma-bubully sa isang paaralan dahil hindi naman lahat ng mga estudyante ay pare- pareho, natutuwa ako sa paglabas mo sa iyong comfort zone at ikaw ay nakipagsalamuha sa ibang mga estudyante. Sa panahon ngayon kailangan mong pahalagahan ang iyong kalusugang mentalidad.Huwag kang masyadong mag “overthink” sa mga bagay na hindi mo ma-kontroll at bilang estudyante kailangan mong buksan ang iyong isipan sa mga taong bully dahil hindi naman sila nawawala sa mga paaralan. Kung sakaling may mag-bully man sa’yo o yung mga iba mong kaklase nandito ang mga guro na puwede mong masabihan ng iyong problema at mahingan ng tulong dahil ang mga guro naman dito ay nagsisilbing pangalawang magulang natin at bukal sa kanilang kalooban na tulungan ka para maramdaman mo na ikaw ay welcome sa paaralang ito at ikaw ay maging komportable. Natutuwa ako dahil hindi ka nagkamali sa iyong piniling paaralan.Naniniwala akong marami pa ring mga mag-aaral ang puwede mong maging kaibigan at tutulong upang hubugin ang iyong kakayahan at malinang ang iyong talento tungo sa pag-abot ng iyong pangarap.
Punong Patnugot Ang Bagnos
Sir James Pascua (TLE Teacher)
Ruby Sales (Grade 8 Student)
Lolita A. Mula Cruz (Grade 6 Adviser)
Lolita A. Mula Cruz (Grade 6 Adviser)
Criselda Garcia (BarangayWorker)
Psymonne Ramos (Entrepreneur)
Ni: Love Shane L. Barberan
Ni: Ruby C. Sales
Ang katagang hinahawakan ni Sir John Kenneth Manaois sa kanyang buhay. Siya ang bagong guro sa Buenlag NHS. Pagbaba pa lang ng kanyang motor ay bubungad na agad sa mga estudyante ang ngiting tila ang ibig sabihin ay “Tara at umpisahan na ang masayang leksyon sa araw na ito!”
Siya ay nagtapos sa Panpacific University North Philippines sa Urdaneta City sa kursong Bachelor of Secondary Education major in Music and Arts, PE and Health at kasalukuyang kumukuha ng Master degree in Physical Education sa Don Mariano Marcos Memorial State University.
Ngunit paano nga ba naging matagumpay si Sir Kenneth sa kanyang buhay?
Pangalawa sa bunso si sir John Kenneth o mas kilala bilang “sir Kenn”. Siya ay tatlumpu’t isang taong gulang. Isang consistent honor student noong Elementarya at nagawaran ng “Dancer of the Year” noong hayskul.
Ngunit sadyang mapanghamon ang mundo, dahil sa kahirapan ng buhay ay natigil siya ng apat na taon at hindi muna nagpatuloy sa College dahil sa Financial problem. Sa pagnanais na makapagtapos ay naghanap muna siya ng trabaho upang may maipangtustos sa kaniyang pag-aaral at maipagpatuloy ang kanilang pangarap sa buhay.
Sa pagsisikap at pagtitiyaga ay naipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Nagawaran siya ng CHED Scholarship. Hindi naging hadlang ang kahirapan para hindi makamit ang pangarap.Ayon kay sir Kenn, hindi talaga guro ang pangarap niya, kursong Bachelor of Arts in Mass Communication ang gusto niya subalit may kamahalan ito. Isa na rin sa rason kung bakit sila napadpad sa pagtuturo ay sa kadahilanang isang guro ang nagpaaral sa kaniya.
Kaya ang payo ni sir Kenn sa mga magaaral ay huwag mawalan ng pag-asa. Gawing inspirasyon ang kahirapan. Magsumikap upang maabot ang minimithing pangarap at makatulong sa kapwa. Kaya naman kahit na nahuli si sir sa pagpapatuloy ng college at hindi nakasabay sa kanilang mga ka batch mates ipinagpatuloy parin nila ang pagkuha ng Education.
Sa loob ng tatlong taon na pagpapatuloy ay isa na silang ganap na guro ngayon at kasalukuyang nagtuturo na sa Buenlag National High school. Ika nga ni sir Kenn, “pamilya, mga kapatid at mga estudyanteng gustong makapagtapos ngunit natigil sila dahil sa financial problem ay isa sa aking inspirasyon para maging isang ganap na guro”.
Ngayon kamusta naman ang kanilang paglalakbay sa pagtuturo?
Sa unang araw ng pagtuturo nila sa Highschool ay na culture shock sila dahil ibangiba ang set-up ng hayskul kumpara sa college ngunit sa pagtagal ng kanilang pagtuturo ay natututunan na nila itong mahalin at nag-eenjoy sila sa kanilang ginagawa.
“Noon ay wala akong pasensya sa pagtuturo ngunit ngayon ay marunong na akong umintindi at mahaba na ang aking pasensya, dahil kapag ikaw ay guro kailangan mong habaan ang iyong pasensya”, sambit ito ni sir Ken. Tunay ngang masaya at napamahal na si sir sa kaniyang mga estudyante. Sa pagpapatuloy ng aming pag-uusap ni sir Ken ay naitanong ko kung anong problema ng mga estudyante ang kayang tugunan ng mga guro?
Ayon kay sir Ken ay kailangan ng “focus”, ang mga ibang estudyante ay walang focus sa kanilang pag-aaral kaya dapat ito ay tuonan ng pansin. “Kaya ako nag guro dahil ayaw kong may maiwan na mga estudyante,gusto ko mag step up sila lahat”, ang nakakainspired na sabi ni sir.
“I did my best and everything paid off naman and that is one of the happiest days of my life!” Patunay ito na sa kabila ng lahat ng pagsubok at pagsasakripisyo ni Maam Carla
Danica E. Ballesteros ay nakamit niya ang tagumpay.
Tawagin na lamang natin siya bilang “Miss Diva” dahil sa kahusayan niya sa pag –awit. Siya ay nakapagtapos ng BS Psychology taong 2015 at nagkamit ng labing walong Educational Units sa
UPANG.
Dahil sa pagsisikap niya at pananalig sa Diyos, nakapasa siya sa LET buwan ng Setyembre, taong 2019.
Kilalanin natin ang kaniyang mga magulang na parehong Government Employees.
Dr. Genoneva E. Ballesteros ang kaniyang ina na kasalukuyang principal ng Buenlag NHS, isang Electrical Inspector sa LGU Calasiao under Eng’g Department naman ang kaniyang ama, sir Raymondo P. Ballesteros.
Ano- ano nga ba ang mga pagsasakripisyong ginawa niya upang malampasan at mapagtagumpayan ang kaniyang pangarap?
Siya ay working student, nagtrabaho bilang HR Assistant noong nagdecide siyang magturo. Hindi niya pwedeng bitawan ang kaniyang trabaho dahil ito lamang ang kaniyang “source of income”. Lunes hanggang Biyernes ang pagpasok niya sa trabaho, Sabado at Linggo naman ang pasok niya sa paaralan. Apat na buwan na pagtitiis at pagtitiyaga ang ginawa niya, sa pagkakataon na ito andyan ang pagod, puyat, stress, at pressure pero dahil sa awa ng Diyos kinaya niya ang lahat.
“Main goal ko ay huwag mabigo ang pamilya ko, kailangan pumasa ako!” ang sambit niya.Ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya at inalay niya ang pagtatagumpay para sa Panginoon at sa kaniyang pamilya.
Sino nga ba ang naging inspirasyon niya sa pagiging isang guro?
Unang-una ang nagging inspirasyon niya sa pagiging guro ay ang kaniyang mga magulang kaya siya ay nagpursigi na maging isang guro. Marahil ay may nakita silang potensyal sa kaniya na maaring maibahagi sa daan ng kaniyang pagtuturo. Pangalawa ay ang kaniyang sarili. Ika nga niya “I can do better,sa kabila ng pagiging happy-go-lucky ko from the past”.
Ano ang nagpapasaya sa kanila bilang isang guro?
“I am honestly enjoying teaching kids”, ang nakangiting sabi niya. Napapasabi na lamang siya na “ganito pala”. May mga oras na madidismaya, masusorpresa, malulungkot, maiiyak, matutuwa. “But I am enjoying the ride”, ang masayang sabi niya.
Ano ba ang napansin nila sa mga estudyante makalipas ang pandemya?
Base sa kaniyang obserbasyon madami ng mga bata ngayon na para bang “mentally disturbed”.
Marahil ay dulot ito ng kanilang mga personal na problema. Kaya bilang isang guro “I will allot a time to talk with my students privately”, ika niya.
Para mapag-usapan nila kung ano-ano ang bumabagabag sa kanila.
“Gusto ko para lang kaming magkakaibigan ng mga estudyante ko, pero syempre andyan parin ang respeto at pagkilala sa isa’t –isa”, ang magiliw na sabi niya.
Ano ang maipapayo nila sa mga estudyante?
Ang pagtatagumpay ay wala sa dami ng achievements mo sa buhay. Hindi rin sa kung gaano na kataas ang naabot mo. Kundi sa kasiyahan at contentment na meron ka. Kung may pangarap ka at sa tingin mo ay iyon ang makapagpapasaya sa iyo, “go” at pagsikapan ito. Huwag din madaliin ang mga bagay- bagay. Pero sa lahat ng bagay na iyong gagawin, maliit man yun o malaki, laging maging dedikado kalakip ang pagiging mapanalanginin.
Sa panahon ngayon halos lahat ng mga tao ay mahilig ng manood ng mga pelikula, isa na rito ang mga pelikulang Asyano. Sabi nga nila, basta pelikulang Asyano ay kamanghamangha. Pinatunayan ito ng isa sa mga sikat na pelikulang 20th Century Girl. Ito ay isang South Korean Drama film na nilikha at idinirek ni Bang Woo-ri sa kanyang feature film debut. Ito ay may Special Premiere noong Oktubre 6, 2022 at inilabas ito sa Netflix noong Oktubre 21, 2022. Naging agaw pansin ito sa mga tao lalo na sa mga kabataan, sa katunayan naging usapusapan rin ito sa social media lalo na sa tiktok.
Ang pelikulang ito ay pinagbibidahan nina Kim Yoo-jung, Byeon Woo-seok, Park Jung-woo, at Roh Yoon-seo. Ito ay isang nakakabagbagdamdaming unang pag-ibig ng labimpitong taong gulang na si Na Bo Ra (Kim Yoo Jung) noong 1999. Nag simula ito nang hiniling ng kanyang kaibigan na si Yeon-doo (Rog Yoon-seo) na kung pwedeng suriin at alamin ang lahat ng kanyang makakaya tungkol sa iniibig ni Yeondoo na si Baek Hyun-Jin (Park Jung-woo), isang sikat at gwapo na nakatagpo ni Yeon-doo bago siya umalis.
Talaga nga namang mahal na mahal ni Bo-ra ang kanyang kaibigan sa kadahilanang gumagawa siya ng mga paraan para lang makakuha siya ng impormasyon tungkol sa iniibig ng kanyang kaibigan. Ngunit hindi inaasahan ni Bo-ra na sa unang pagkakataon ng kanyang buhay, siya ay nahulog nang husto sa isang lalaki na si Poong Woon-ho (Byeon Wooseok), ang mabait at pinakamalapit na kaibigan ni Hyun-jin, dito nag-umpisa ang nakakabagbag-damdaming unang pag-ibig ni Na Bo-ra.
Maraming mga pagsubok ang dumating sa love story nina Bo-ra at Woon-ho. Sa kasamaang-palad napaka sakit ang naging wakas ng kanilang pag-iibigan sapagkat sila’y nawalay sa isa’t isa at sa huli hindi inaasahan ni Bo-ra na patay na pala si Woon-ho, ang taong matagal na niyang hinihintay at ang taong nangako na babalikan siya.
Maraming mga mahahalagang pangyayari sa pelikulang ito na tatatak sa ating puso’t isipan, isa na rito ang pagmamahal, gagawin mo ang lahat para lang mapasaya ang mga mahal mo sa buhay, na kaya mong mag hintay, kahit matagal kasi nga mahal mo siya, dahil sabi nga nila kung mahal mo ang isang tao, dapat matuto kang maghintay.
Nagtapos man ang pelikulang ito, pero ang mga aral na napulot natin dito’y atin pa ring dadalhin at ituturo sa mga susunod na henerasyon.
“I will make sure that no one should be left behind!”
Kaba, tuwa, kilig. Ilan lamang iyan sa mga maaari mong maramdaman o kasalukuyan mong nararamdaman sa tuwing papasok ka sa eskwelahan, at iisa lamang ang maaaring dahilan, kundi ang pagkakaroon mo ng “crush”.
Sa buhay mo bilang estudyante, hindi mo maiiwasang dumaan sa stage ng paghanga o “infatuation” sa isang tao, na tinuturing ng karamihan bilang “crush”.
Masaya at totoong nakapagbibigay sigla. Buo na ang iyong araw, makita mo lamang siya. Ngunit sasaya ka pa ba kapag nalaman mong may crush na pala siyang iba? Tipong gusto mo siyang makita, pero iba naman ang gusto niyang masilayan.
Magpapatuloy ka pa rin ba, kapag nawari mong gusto ka rin niya?
Kapag nalaman na ni “Crush” na gusto mo siya, dalawang bagay lang ang maaaring kahinatnan ng paghanga mo sa kaniya. Maaring wala lang dahil hindi ka naman kapansinpansin sa kaniya, o di kaya’y magtuloy-tuloy at maging simula ng pag-iibigan ninyong dalawa dahil sasabihin niyang “Crush din kita”. booomm na-Crushback ka!
“Crushback” popular na salita sa mga milenyal na ang ibig sabihin ay naibalik na pagtingin na humahantong sa “mutual understanding”. Edi, sanaol!!!
“Paglabas mo ng bahay, pagpunta mo sa tindahan, o anuman ang iyong ginagawa, pinaniniwalaang lagi silang nariyan, sa paligid ay nagmamasid,handa nang ibalita ang nalalaman.”
Tunay ngang marami ang naniniwala sa katagang “may tainga ang lupa, may pakpak ang balita” at ito ay dahil sa mga taong mahilig makinig sa usapan ng iba.Mga taong mahilig magpakalat ng mga balita, totoo man ito o gawa-gawa lamang. Sila ang tinatawag na tsismoso o tsismosa na sa taong ito ay tinagurian bilang “Marites”.
Ano nga ba ang dahilan ng pagkakapili nito bilang salita ng taon?
Dahil sa pag-usbong ng modernisasyon, maraming mga terminolohiyang lumaganap sa ating lipunan at isa na rito ang salitang
Sa panahon ng pandemya hanggang ngayon, laganap sa bawat platform ng social media gaya ng facebook, twitter, tiktok, at youtube ang salitang ito bilang taguri sa mga tsismoso/tsismosa. Saad ni Angie Chui (2021), na ang salita raw na ito ay galing sa pariralang “Mare, ano ang latest?”. Batay sa artikulo ng The Philippine Star Lifestyle, ang salitang Marites ay karaniwang tumutukoy sa “tsismis ni tita sa tabi”. Ito ang makabagong tawag ng mga Pilipino sa mga taong mahilig magpalaganap ng tsismis sa kanilang mga kapitbahay at kapwa.
Ngunit bukod pa sa kakatwang pangkahulugan dito, ang pangalang ‘Marites’ ay ang pinaiksing bersyon ng pangalang ‘Maria Teresa’, na karaniwang pangalan noon ng mga Pilipinong kababaihan.Dala ng pagsulong ng salitang ito ay ang alaala ng pagsakop ng mga espanyol sa ating bansa kasama ang kanilang sistema sa pagbuo ng pangalan.
Sa panahon ngayon, mahirap nang kumilos ng malaya, kaya mag-ingat sa lahat ng iyong ginagawa dahil baka paggising mo sa umaga, ikaw na ang laman ng balita. Huwag papaapekto sa mga Marites, para ikaw’y hindi ma-istress.
Sinasabi na ang clickbait, propaganda, at manipulasyon ay naging laganap sa mga segment ng balita na ang layunin ay magpakalat ng kasinungalingan, disinformation, at maling balita, na nagpapahirap sa pagtukoy kung ano ang totoo at kung ano ang pekeng balita. Sa laki at lawak ng saklaw ng paggamit ng internet, naging mas madali ang daloy ng komunikasyon. Isang post lang sa social media at pwede ng ibaha Nagdulot ito ng pagbabago sa panlipunang pananaw ng marami, gayundin ang pagkalat ng fake news. Nakalulungkot ito, dahil mabilis itong tinatanggap bilang katotohanan sa tulong ng internet.
Ang pekeng balita (Ingles: fake news, junk news, pseudo-news, alternative facts, hoax news) ay uri ng balita na binubuo ng sinasadyang disimpormasyon o panlilinlang na kinakalat sa pamamagitan ng tradisyonal na midyang pambalita (inilimbag at ibinrodkast) o sosyal midya online. (https://tl.wikipedia.org/ wiki/Pekeng_balita)
1. Tiyakin ang kredibilidad ng pinagmulan ng impormasyon
Bago ibahagi ang balita, alamin muna kung saan nanggaling ang impormasyon at suriin kung paano ito naiulat. Ilan sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng balita ay ang mga anunsyo ng gobyerno, balita mula sa mga network ng media (telebisyon, pahayagan at Internet) at mga ahensya tulad ng WHO.
Kapag nakakuha ka ng impormasyon mula sa isang website, kadalasang pinakamaganda kung ang website ay nagtatapos sa pangalan ng isang institusyong pang-edukasyon, tulad ng .edu o .org.
2. Siguraduhing tama ang ipapasa na impormasyon
Paano nga ba natin malalaman na ang isang balita ay peke?
Ano ang maaari nating gawin para di na kumalat at makapinsala ang mga mga fake news?
Sa digital age ngayon, dapat mas maging maingat tayo sa ating binabasa. Hindi lahat ng nakikita o nagiging viral online ay totoo - maraming fake news sa Tagalog. Bago ibahagi ang iyong nabasa, siguraduhing tama ang impormasyon. Kung may pag-aalinlangan, magsaliksik at magbasa ng iba pang mga artikulo sa mga paksang katulad ng nahanap mo, lalo na ang mga artikulong nauugnay sa kalusugan tulad ng pagpapakalat ng mga tip sa mga remedyo sa bahay at ang mga benepisyo sa kalusugan ng mga naturang pagkain. Kapag ang fake news o iba pang halimbawa ng fake news ay kumalat sa social media, maaaring mapahamak ang mambabasa kung sineseryoso niya ito.
3. Huwag magpadalos-dalos sa mga emosyong nararamdaman mo sa binasa.
Natural lang na maging emosyonal tungkol sa mga bagay-bagay, at iyon ang dahilan kung bakit naniniwala tayo sa impormasyong pumupukaw sa ating mga damdamin, kahit na ito ay lumabas na hindi totoo. Gusto nating makarinig ng magagandang balita sa oras ng paghihirap.
Tiyaking tama ang impormasyong ibinabahagi mo bago mo ito i-post.
4. Think before you click
Bago ka magbahagi ng balita o impormasyon, siguraduhing isaalang-alang kung ito ay magkakaroon ng positibo o negatibong epekto, kung ito ay mahalaga sa maraming tao, at kung ito ay makakatulong upang mapabuti ang sitwasyon.
Tiyaking maglaan ng oras upang basahin ang iyong ibinabahagi online bago ito ibahagi, dahil maaaring magkaroon ng negatibong epekto ang pekeng balita.
5. Kapag nakabasa kang mali, itama mo Kapag nakakita ka ng maling impormasyon na kumakalat sa social media, huwag hayaan itong kumalat. Kung alam mong mali ito, hindi tumpak, o hindi lang sulit ang iyong oras, huwag mong ibahagi ito para hayaan ang iba na maliligaw.Mali ang impormasyong ito, kaya huwag maniwala. Mangyaring gumamit ng mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan.
Maging mapanuri sa mga nababasa, naririnig at napapanood na mga balita upang maging tama ang iyong pagpapasiya at di makapaminsala ng iba.
“Marites”
Ikaw ba’y nalulungkot?
Nababalot pa ng poot
Maraming hinanakit sa mundo.
Ikaw ba yan kaibigan? Ramdam mo rin ba ang bawat salita sa liriko ng kantang Bulong ni Kitchie Nadal?
Sa makabagong panahon, maraming paraan para hindi mo na maramdaman ang pangungulila, pagkalungkot, pagkabalisa sa kung anumang bagay ang gumugulo sa isipan mo.
I-download mo lang ang app na AI
CHAT GPT sa inyong mobile phone o magpunta lang sa browser at gumawa ng account. May kausap ka na at di ka na mababagot!
Ang Chat GPT (Generative PreTraining Transformer) ay inilabas bilang isang prototype noong Nobyembre 30, 2022, at mabilis na nakakuha ng atensyon para sa mga detalyadong tugon at malinaw na mga sagot nito sa maraming larangan ng kaalaman.Ang halaga ng OpenAI ay tinatayang nasa US$29 Billion (₱1,580,181,000,000).
Ang OpenAI ay co-founded noong
nina Elon Musk
Ang mga chat bot tulad ng GPT ay pinapagana ng malaking halaga ng data at mga diskarte sa pag-compute upang makagawa ng mga hula sa pagsasama-sama ng mga salita sa isang makabuluhang paraan. Hindi lamang sila nag-tap sa isang malawak na dami ng bokabularyo at impormasyon, ngunit naiintindihan din ang mga salita sa konteksto. Nakakatulong ito sa kanila na gayahin ang mga pattern ng pagsasalita habang nagpapadala ng encyclopedic na kaalaman.
Ang CEO na si Sam Altman ay nagpahiwatig na na ang kumpanya ay pagkakitaan ang platform sa hinaharap. “Kailangan nating pagkakitaan ito kahit papaano sa isang punto,ang compute cost nito ay nakakaiyak”, aniya sa isang tweet nang tanungin kung ang serbisyo ay magiging libre magpakailanman.
Malaki ang naitutulong ng app na ito sa inyong sarili, sap ag-aaral at maging sa trabaho. Kung wala ka makausap, maaari kang magtanong at may nakahandang sagot. Kung susuriin mo rin ang kanyang kasagutan ay tumpak naman ito at may pinagbasehan.
Ngunit huwag abusuhin ang paggamit ng app na ito. Gawing gabay lamang sa pagaaral at trabaho ang AI CHAT GPT. Huwag iasa ang pagtapos ng mga akademikong gawain sa app na ito. Panatilihin pa rin ang katapatan sa paggawa at maging responsable sa paggamit ng app na ito.
Sa panahon ngayon,bilang na lamang ang mga taong hindi nakakasabay sa mga nauuso. Marahil ito ay dahil sa kulang sila sa mga nasasagap na mga bagong impormasyon na siyang uso ngayon. Ngunit ano nga ba ang magandang naidudulot ng mga uso sa panahon na ito?
Ang TikTok ay isa sa mga sikat na social media platforms na kinagigiliwan ng mga netizen lalo na ng mga kabataan. Dito ay maaaring gumawa ng iba’t ibang contents tulad ng pag awit, pag sayaw, pag arte,at iba pa. Ito ay lalo pang sumikat noong nagkaroon ng pandemya dahil ito ay isa sa naging kaaliwan ng mga tao.
Maraming tao na ang sumikat at patuloy na sumisikat dito. Naibabahagi nila rito ang kanilang mga talento na noon ay hindi nila magawang ipakita sa iba.Ito rin ay naging libangan na ng marami sa atin. Dito ay maari na ring kumita ng pera batay sa bilang ng iyong mga taga subaybay o ang tinatawag nilang “followers”.
Kung inyong nakikilala ang tiktok influencer na si Niana Guerrero na isa sa mga pinakasikat dito sa tiktok. Bata pa lamang ay naibabahagi na niya rito ang kaniyang talento sa pag sayaw at talaga nga namang nakabibilib ang bawat galaw ng dalaga. Isa pa lamang si Niana sa napakaraming tiktok influencer na sumisikat at patuloy na sumisikat sa pagdaan ng panahon. Kasama niya sa kaniyang pagsikat ang kaniyang mga makapatid na sila ring nakakasama nya sa kaniyang nga contents na kinagigiliwan ng mga tao lalo na ng kanilang mga followers.
Maging sa eskwelahan ng Buenlag National Highschool ay maraming mga guro at studyante ang gumagamit ng application na ito. Sina Ma’am Catherine, Ma’am Carla at Sir Arjay ay mga guro dito sa BNHS na ginagawang libangan ang pagtitiktok. Karamihan naman sa content ni Mam Ella ay mga video lesson na may kinalaman sa kanyang aralin. Sa pamamagitan ng pagsayaw kasama ng kanilang mga kapwa guro na siyang napapanood ng kanilang mga estudyante at nagbibigay sa kanila ng tuwa at inspiransyon para ipakita rin ang kanilang mga
talento.
Marahil mayroong masamang epekto ang paggamit ng tiktok lalo na sa mga mag aaral ngunit hindi lahat ng gumagamit nito ay nakikitaan ng masamang epekto. Nakatutuwa isipin na sa paggamit nila ng tiktok ay hindi pa rin napababayaan ng ibang mga estudyante ang kanilang mga pag aaral, sa katunayan ay marami rin silang natututunang bagong kaalaman sa kanilang mga napapanood dito sa tiktok.
Batay sa pagsusuri naapektuhan ng paggamit ng tiktok ang mga estudyante sa kung paano sila makisalamuha sa klase, pananaw nila sa kanilang inaaral, pagsagot ng mga gawain, pagdisiplina sa kanilang oras at sa kanilang kumpiyansa sa sarili.Isa ito sa mga aspetong naapektuhan ng tiktok, mabuti man o masama.
Hindi maikakailang halos lahat ng mga kabataan ay gumagamit ng app na ito. Lalo na nang dumating ang pandemya, dumarami ang mga kabataang gumagamit ng Tiktok dahil sa isa ang Tiktok sa nagdudulot ng magandang epekto sa pag-aaral ng mga kabataan sa iba’tibang paraan. Nakakatulong itong itaas ang kanilang kumpiyansa sa sarili, pagkakaroon ng magandang perspektibo sa pag-aaral at pagkakaroon ng malikhain at malawak na pagiisip.
Maraming mga bidyo ang makikita sa tiktok na tungkol sa iba’t-ibang mga aspeto ng buhay o kahit ano mang bagay na makakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante. Dahil aktibo ang mga mag-aaral sa tiktok at ang mga bidyo ng pagtuturo sa tiktok ay ginawa sa malikhaing paraan, mas nakakapokus at mas naiintindihan ng mga mag-aaral ang mga natututunan nila sa tiktok na may kinalaman sa kanilang pag-aaral.
Ang Tiktok ay nakatutulong rin sa mga estudyante sa kanilang maayos na pakikilahok sa klase dahil ang Tiktok ay isa ring interaktib na site na nakatutulong sa malayang pagpapahayag ng damdaming at kaalaman ng mga gumagamit nito lalo na sa mga bagay kung saan sila interesado. Ang aspetong ito ay nakakatulong sa mga mag-aaral na maging “vocal” sa kanilang mga ideya, saloobin o iniisip at maiparating ito ng maayos sa kanilang mga guro o kaklase at mas nakakapokus ang mga estudyante kung gagamitin ang tiktok bilang paraan ng pagtuturo dahil pwedeng gumawa ng mga bidyo ng pagtuturo sa malikhaing paraan kung saan mas nakakahikayat na panoorin. Ito rin ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng matatag na kumpiyansa sa sarili dahil pinapalabas ng tiktok ang malikhain aspeto ng mga tao. Ang mga gumagamit nito ay malayang nakakapagpalabas ng kanilang saloobin at interes sa malikhaing pamamaraan. Ang mga ito ay nakakapaghikayat sa mga mag-aaral na makipag “interact” sa mga taong may parehong interes. Kaya mas nakaka “communicate” sila ng mabuti at nahahasa ang kanilang paraan ng pakikihalubilo sa ibang tao. Dahil dito, nadadala ng mga kabataan ang kanilang kumpiyansa sa sarili sa klase at hindi sila nahihiyang mag salita sa harapan ng mga tao.
Kay sarap balikan ang ating Kabataan Pagkat dito naranasan ang kalayaan
Walang problemang iniisip
Siyang tunay na saya lamang
Sa panahong lumilipas
Sistema ng mundo’y nagbago
Katagang kabataan ang pag-asa ng bayan Tunay pa nga ba iyan?
Paano na ang pag-asa
Kung tila ang kabataan ay napabayaan
Sa pag unlad ng teknolohiya
Mga kabataan naging pariwara
Wag tayong mag-alangan
Kumilos at paunlarin ang bayan
Bigyang pansin ang kinabukasan Ang kabataan ang pag-asa ng bayan
Isang kalaban na hindi makita
Kumitil ng maraming buhay
Nilayo ang mga mahal sa buhay
Kumalat sa buong bansa
Lahat ng tao ay naghirap
Lahat ng tao ay natakot
Panganib ay nasa hangin
Di makita, di makalaban
Pag aaral ay naapektuhan
Nang dahil sa sakit na kumalat
Maraming pangarap na nasira
Sa pandemyang kinaharap
Kahit mahirap tayo’y lumaban
Pandemya ating labanan
Kalusuga’y pangalagaan
Para di mahawaan
2015
at Sam Altman at sinusuportahan ng mga kilalang mamumuhunan lalo na sa Microsoft.
Marami ang nabibigla sa pagpanaw ng mga kilalang personalidad sa bansa. Usapusapan sa social media ang pagkamatay nina Joyce Culla, Tiktoker Personality at Registered Nurse at Jovit Baldivino, sikat na mang-aawit at Pilipinas Got Talent” Season 1 Grand Winner. Ang brain aneurysm ay ang paglobo sa mahihinang bahagi ng walls ng ating arteries o mga ugat na dinadaluyan ng dugo mula sa ating puso.Madalas na mga taong may edad 40 pataas ang nagiging biktima ng sakit na ito. Ngunit sa kasalukuyan ay pabata nang pabata ang namamatay dahil sa aneurysm.
Ito ay nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ngunit pinakakaraniwan ay ang cerebral aneurysm kung mangyari sa utak. Kadalasang hindi ito nagdudulot ng anumang panlabas na sintomas hanggang sa pumutok ang mga ito. Kadalasang nadidiskubre ang sintomas ng naturang kondisyon pagkatapos nitong pumutok at nalalagay sa panganib ang buhay ng tao.
Mga Paraan Kung Paano
Makakaiwas sa
Ayon sa mga eksperto
1. Mas Mag-Ehersisyo
Maraming mabubuting epekto ang pag-eehersisyo. Sa katunayan, ang mga taong araw-araw na nag-eehersisyo ay nabubuhay nang mas mahaba at may mas magandang kalidad ng buhay kaysa sa mga hindi nag-eehersisyo. Hindi lamang ito nakatutulong sa muscles at mga buto ng tao, kundi pati sa cardiovascular system. Sa tuwing ikaw ay nag-eehersisyo, natutulungan mong lumakas ang iyong puso, baga, at ang buong cardiovascular system. Ang regular na pag-eehersisyo ay nakapagpapababa ng tyansa ng pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo. Kapag nasa mabuting kondisyon ang ugat na daluyan ng dugo ay napabababa nito ang tyansang madebelop ang aneurysm.
2. Kumain Ng Balanseng Diet
Kailangang kumain ng balanseng diet na mababa sa fat at cholesterol, at mataas sa mga bitamina, mineral, at fiber. Ang fat at cholesterol ay parehong dahilan ng pagkakaroon ng aneurysm. Ang mga ito ay nakapagpapataas ng tyansa ng pagkakaroon ng altapresyon, sakit sa puso, diabetes, at aneurysm. Ang pagkain ng mas maraming gulay at prutas, at kaunting processed at fatty foods ay makatutulong din. Subukang kumain ng lean meat at whole grains. Mainam din ang pagkain ng isda dahil ang mackerel, tuna, salmon, at sardinas ay naglalaman ng omega-3 fatty acids.
3. Pagpapanatili ng malusog na timbang
Ang mga taong obese at overweight ay may mas mataas na tyansa ng pagkakaroon ng altapresyon, sakit sa puso, diabetes, at aneurysm.
Suriin ang iyong body mass index (BMI) at malaman kung ikaw ay nasa tamang timbang.
ng ruptured cerebral aneurysm ay ang mga sumusunod:
Matinding pananakit ng ulo Pagkawala ng malay Pananakit ng likod ng mata Pamamanhid Panghihina Malabo o pagkawala ng paningin Pagduduwal at pagsusuka Paninigas ng leeg
4. Bawasan o Itigil Ang Paninigarilyo Isa sa mga mapanganib na dahilan ng aneurysm ay ang paninigarilyo. Bukod sa napatataas nito ang tyansa ng pagkakaroon ng kanser sa baga, dahilan din ito upang tumaas ang tyansa ng pagkakaroon ng cardiovascular problems, at kabilang dito ang aneurysm.
Ang paninigarilyo ay direktang nakasisira ng arteries na dahilan upang ang artery walls ay humina. Sa paglipas ng panahon, maaaring madebelop ang aneurysm na lubhang mapanganib.
5. Bawasan o Iwasan Ang Pag-Inom Ng Alak Ang pag-inom ng alak ay isa rin sa mga sanhi ng mataas na tyansa ng pagkakaroon ng aneurysm. Ang pag-inom ng maraming alak ay natuklasang nakapagpapataas ng tyansa, habang ang katamtamang pag-inom ay mas nakapagpapababa sa tyansa ng pagkakaroon ng aneurysm.
6. Sumailalim Sa Aneurysm Screening
Kung ang miyembro ng pamilya ay may aneurysm, mahalagang sumailalim sa aneurysm screening. Sinusuri sa pamamagitan ng aneurysm screening kung may umbok o aneurysm sa aorta. Kung matuklasan ng doktor na mayroon kang ganitong kondisyon, maaari kang makipagtulungan sa kanya upang mabawasan ang panganib ng pagputok nito.
Patuloy pa rin ang pakikibaka sa narasanan nating pandemya. Maraming tao ang naquarantine at nagkulong sa kani kanilang bahay, ang gobyerno sa iba’t ibang bansa ay naghahanap ng paraan kung paano pigilan ang pagkalat ng virus sa buong mundo, at para matulungan din ang mga tao na ingatan ang kanilang mga kalusugan.
NARITO ANG 4 NA KATOTOHANAN TUNGKOL SA COVID 19 VIRUS
1.Ang Covid ay maaari kang dalihin sa isang malubhang sakit.Ang Covid ay isang sakit na maaari kang mahawa sa pamamagitan ng close contact sa isang taong mayroon nito at maari ka rin mahawa sa pamamagitan ng pag ubo ng isang taong mayroong Covid.
2.Mga sintomas ng Covid 19.Ito ay ang ubo,sipon,lagnat,at pananakit ng lalamunan,kapag ikaw ay nakakaramdam na ng mga ganitong sintomas,sumangguni na sa doktor upang maagapan pa ito.
3.May posibilidad na ikaw ay mamatay. Kapag hindi naagapan agad ang isang taong may Covid maaari siyang mamatay.
4.Pagsusunog ng bangkay.Kapag ang isang tao ay namatay dahil sa Covid susunugin ang kanyang bangkay(cremation)upang hindi na kumalat pa ang virus na nasa kanyang katawan.
Mula sa Tanong na: Malaking tulong nga ba ang segregation?waste
Sa anong Paraan?
Opo, kasi maiiwasan ang pagkakasakit. Dagdag pa ang tamang pagtapon ng mga infectious waste tulad ng face mask upang maiwasan ang pagkalat ng Covid.
Rein Raven Miguel (Grade 11)
Malaki ang tulong nito sa ating kalusugan at kalikasan. Disiplina ang kailangan upang maisagawa nang maayos ang waste segregation.
Samuel P. Ramos (Grade 10)
Oo, kasi napapadali nito ang aking trabaho.
Domingo Aguilar (Utility Worker)
Kailangan sundin ito ng kapwa ko estudyante. May mga tamang paglalagyan ang bawat uri ng basura dito sa paaralan. Kailangan lang na alam nila kung saan nabibilang ang itatapon nilang basura.
Ayesha Aquino (Grade 7)
Oo, kasi kapag wala iyon marami ng mga nakakalat na basura sa paligid na dahilan ng pagakakroon ng pagbaha at pagkabarado ng mga kanal kaya malaking tulong ang waste management segregation para sa akin at sa ating kalikasan.
Queensanta Untalan (Grade 12)
Isang unidentified flying object (UFO) ang namataan sa himpapawid sa ilang lugar sa Pangasinan noong Disyembre 18, 2022.
Nakuhanan ng video ni Christian Zulueta, dating estudyante sa BNHS ang UFO sa himpapawid, pasado alas- dos ng hapan. Agaw-pansin ang misteryosong bagay na nakitang lumilipad kaya naman ipinost agad sa facebook. Nakita rin pala ang tila isang airship sa iba’t ibang lugar sa Pangasinan at Baguio. Kalat na rin ang mga uploaded na larawan at video ng misteryosong sasakyang pamhimpapawid na kulay puti na tila kumikinang. Maraming haka-haka ang mga netizens sa namataang UFO. Tila raw itong airship na kumikinang nung i-zoom in. Kahawig raw ito ng 250-ft airship ng China na dinisenyo para
sa surveillance. Mayroon namang mga mapagbirong komento sa post na baka ito raw ay isang balyena na nabagot sa dagat at lumipad na lang o kaya’y alien.
Ayon naman sa panayam ng 24 Oras kay Mario Raymundo, chief ng PAGASA Astronomical Observatory, maaaring ito ay weather balloon. Regular na nagpapalipad ng weather balloon ang PAGASA sa istasyon nito sa Baguio upang matukoy ang lagay ng panahon. Ang nakitang pahabang hugis na sasakyang pamhimpapawid ay maaaring weather balloon at dahil sa pag-zoom in ng lens ng camera ay nabanat ang hugis bilog.
Palaisipan pa rin sa karamihan kung ano talaga ang nakita nilang misteryosong sasakyang pamhimpapawid.
BNHSians nakiisa sa 2022 Global Handwashing Day
Ni: Sheryl Grace Laforteza
Ang BNHS ay nakiisa sa pagsasagawa ng Global Handwashing Day noong Oktubre 14, 2022.
Nagkaroon ng pangkatang paghuhugas ng kamay ang mga guro at estudyante para maipakita ang wastong pamamaraan at kahalagahan nito sa pagsugpo ng pagkalat ng sakit na makapaminsala.
Nagkabit rin ng mga tarpaulin kung saan nakasulat ang tema ng Global Handwashing Day. Ang tema ng nasabing aktibidad ay “Unite for Universal Hand Hygiene”.
Pinapanatili pa rin ang kalinisan ng handwashing facilities na may sapat na pagkukuhanan ng tubig.
Nakiisa rin si G. Rolen Umagtam sa virtual na one-day symposium na may temang “Sama-samang Ikaway, Malinis na Kamay.
Ang Global Handashing Day ay taunang pagpapaalala sa lahat na ang wastong paghuhugas ng kamay ng sabon at tubig ay isang simpleng paraan upang makaiwas sa sakit at pagkalat ng mikrobyo.
Buenlag NHS, Kumasa sa
Earthquake Drill
Ni: Xyrell Vhyen E. Ticman
Nakiisa ang mga guro at magaaral sa ikaapat na malawakang earthquake drill noong ika- 10 ng Nobyembre, 2022.
Ano ang iyong magiging reaksyon kung malalaman mong Isa ang iyong kinaroroonan sa Ilan pang bahagi ng bansa ang posibleng mabura sa maps sa taong 2030 o walong taon mula ngayon?
Ayon sa IPCC o
Intergovernmental Panel on Climate Change na ito ay maaaring mangyari dahil sa patuloy na pagtaas ng klima na nagdudulot ng pagkatunaw ng malaking tipak ng yelo a glaciers na nagpapataas ng level ng tubig sa dagat.
Ayon sa United Nations, ang Climate Change ay ang pangmatagalang pagbabago ng klima.
Ang Climate Change ay resulta ng parehong natural ng proseso ng kapaligiran at kagagawan ng mga tao. Ang pinakamahalagang proseso ng patuloy na Climate Change ay ang pagdami ng bilang ng Carbon Dioxide o methane at iba pang Greenhouse Gases sa
pamamagitan ng volume ng mga ito sa hangin na nagreresulta ng Greenhouse Effect na responsable sa patuloy na pag-init ng mundo, ayon sa Norwegian Polar Institute.
Ano pa ang ibang epekto ng Climate Change at paano tayo makatutulong upang mapabagal ang pagbabago ng klima?
Yolanda, Odette, at Pablo, mga pangalan na tumatak na sa mga kaisipan di lamang ng mga Pilipino kundi pati narin ng buong mundo. Ito ay dahil lakas ng mga bagyong ito na kumitil ng napakaraming buhay, sumira ng mga tahanan, at nagpalubog sa napakaraming kabuhayan ng mga Pilipino. Ang mga bayong ito ay produkto ng patuloy na Climate Change, dahil sa pagtaas ng
klima ay mas malakas na bagyo ang nabubuo.
Walang tubig!!! Sigaw ng ating mga kababayan dahil sa kawalan ng tubig na tumutulo sa kanilang mga gripo. Ito ay dahil sa Water Shortage na dala ng Climate Change. Dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam at ilog lalo na sa tag-init. Ang pagtulong upang matugunan ang Climate Change ay napakahalaga upang dahil kung hindi ay ilang malakas na bagyo pa ang magpapatulo ng luha sa mga mata ng ating mga kababayan,ilang boses pa sisigaw ng walang tubig dahil walang pampaligo, at kung hindi ilang lugar pa ang mawawala sa mapa?
Sa hudyat ng pagtunog ng alarm sa ganap na alas-9 ng umaga, isinagawa ang National Simultaneous Earthquake Drill bilang hudyat sa mga mag-aaral at mga guro na makiisa sa “duck cover and hold” exercise. Ito ay isang rekomendadong pamamaraan na dapat sundin sa tuwing may mararamdamang lindol.
Apat na beses sa isang taon isinasagawa ang National Simultaneous Earthquake Drill para mapaalalahanan ang mga mag-aaral sa gagawing kahandaan kapag may dumating na lindol.
Bilang suporta sa programang ito ng pamahalaan, nagsasagawa rin ng iba pang pagsasanay at pamamahagi ng kaalaman kung paano makakaligtas sa lindol ang mga guro sa BNHS.
UAAP Season 85, Nagpasiklaban sa dance floor 2022
Hinirang na kampyon ang National University sa UAAP Season 85 Cheerdance Competition na ginanap noong ika-10 ng Disyembre 2022. Ang Far Eastern University ay umaasa na makuha ang back-toback na titulo, ngunit masyadong malakas ang National University.
Nakuha ng NU Pep Squad (isang grupo ng mga cheerleaders) ang kanilang ikapitong cheerdance championship sa nakalipas na siyam na season ng UAAP.
Ang kulay rosas, asul at dilaw na damit ng Pep Squad ay naging mas nakikita ang kanilang mga stunts at nakatulong sa kanila na mas mapalapit sa pagwawagi sa patimpalak kasamang pasok sa podium ang Far Eastern University na nakakuha ng 719 puntos kumpara sa 723 puntos ng National University at ang kumumpleto sa podium ay ang UST Salinggawi Dance troupe na nakakuha ng 640 puntos.
Samantalang ang ibang team na hindi nakapasok sa podium ay ang UE Pep Squad na gumamit ng Pinoy pop tunes ay nakakuha ng 606.5 score na nakuha ang pang apat na pwesto.
Ang Adamson pep squad ay bumaba ang pwesto sa pang lima na nakakuha ng 595 na kung saan pasok sa Top 3 noong nakaraang season. Samantalang ang UP Pep squad ay pang anim na nakakamit ng 575.5 puntos na hinirang na pang anim kasunod ng DSLU Animo
John
Amores
tsugi na sa JRU, basketball team, suspendido
Ni: Shaun Dominick Perez
Hindi makakalaro si John Amores sa anumang iba pang mga sports team matapos manuntok sa isang laro ng NCAA laban sa mga manlalaro ng College of Saint Benilde.
Ito ang iniulat ng GMA News noong nakaraang linggo matapos masuspinde nang walang katiyakan ang isang manlalaro dahil sa ilang pinsala. Nahaharap din siya sa reklamo ng pananakit ng ibang mga manlalaro.
Kung gagawin natin ang aksyon na ito, ang lahat ng mga pribilehiyo na mayroon si G. Amores bilang isang studentathlete ay kakanselahin at kailangan niyang dumaan sa karagdagang parusa tulad ng pagsuspinde sa kanyang mga klase at paggawa ng community service. Si G. Amores ay bibigyan ng pagpapayo at suporta upang matulungan siyang makayanan ang stress sa mga nangyari sa kanya sa kanyang buhay.
Bago ito, mayroon ding reklamong kriminal na isinampa laban kay Amoes matapos nitong suntukin ang isang 18-anyos na recruit ng UP Men’s Basketball Team na si Mark Belmonte, matapos makaharap ang JRU nitong Hulyo.
Noong ika-8 ng Nobyembre, natigil ang laro sa pagitan ng CSB at JRU dahil nagdudulot ng mga problema si Amores. Sa huli, nanalo si Benilde.
Sinabi ni Franz Pumaren na dapat parusahan ng PBA si Amores sa kanyang inasal.
ISPORTS:
MAHALAGA PA BA SA MGA BATA NGAYON?
Ni: Franzkyle Andrei O. Aquino
Trending sa mga kabataan ngayon ang paggamit ng mga teknolohiya sa iba’t ibang nais nilang gawin. Ang mga libro at kwento ay ipinakita na napakahalaga sa mga bata. Maraming mga tao ang nag-iisip na ang paglalaro ng sports ay mahalaga pa rin para sa mga kabataan, ngunit hindi palaging ganoon ang kaso.
Squad na nakakuha ng 525.5 at ang Ateneo Blue Eagles 502.5 puntos. Nanguna ang NU sa cheering squad sa FEU at UST, na parehong sumabay sa kanta ng Pinoy rapper icon na si Francis Magalona at Salinggawi Dance Troupe ng UST, na gumanap ng Lady Gaga routine.
Ang FEU Tamarraw ay nakakuha ng pilak habang ang Salinggawi Dance Troupe ay nakakuha ng bronze. Noong Mayo 2019 UAAP Season 84, napanalunan ng cheerleading team ng FEU ang kanilang unang cheerdance title sa loob ng mahigit dalawang taon.
Balik Siglang Kabataan target ng komunidad
Buenlag Basketball League muling pasisinayaan sa Marso
Ni:Ma. Vhanna Sophia A. Sara
Magsisimula na ang labanan sa pahahanap ng susunod na kampeon sa Brgy. Buenlag Basketball League sa Marso.
Matapos ang tatlong taon ng pagiging banko dahil sa pandemya, 13 koponan mula sa Junior Division at 14 sa Senior Division ang maglalaban-laban para sa championship cup.
Ang mga junior ballers ay mula 15 hanggang 24 taong gulang, habang ang senior hoopers ay 25 pataas.
Ilang taon na ang nakararaan, sinimulan ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Buenlag, at ang mga tagapamahala ng laro ang dalawang dibisyon, junior at senior, upang maglaro sa iba’t ibang kategorya ng edad ng mga manlalaro ng basketball.
Ayon kay SK Member, Jopiter Aguilar, ang chairperson in-charge ng liga, hindi awtomatikong uusad sa municipal league ang mga kampeon ng barangay basketball league.
“Maingat na pipiliin ang koponan na kakatawan sa Buenlag sa inter-barangay basketball league. Kung ang mga kahangahangang manlalaro
ay magniningning sa liga ng basketball at mayroon silang mga kwalipikasyon, sila ay isasabak para sa koponan, “sabi ni Aguilar sa isang panayam. Ang YABS hoopers ang naguwi ng kampeonato sa huling liga noong 2019.
Nais ni Aguilar na maging mabuti at maayos ang lahat ng mga koponan at pinapayuhan silang palaging magsanay ng sportsmanship sa loob at labas ng ring.
Dagdag pa niya, “Mag-enjoy lang sila sa laro. Iwasan nila ang pamimisikal at ipairal nila parati ang sportsmanship.”
Ngayong taon, isang bagong koponan sa basketball league ang magkakamit ng kampeonato sa Hunyo.
Hindi natin maitatanggi na lumago ang henerasyon ng teknolohiya sa ating bansa. Ang porsyento ng mga gumagamit ng internet ay lumaki nang husto, at dahil dito ay hindi na gaanong binibigyang importansya ang sports ng mga kabataan ngayon.
Sa survey, walong tao ang tinanong tungkol sa kung nalalaro pa ba ang isports o hindi. Lima sa kanila ang nagsabi na ito oo, ngunit tatlong tao ang hindi sumang-ayon.
Sa isang survey ng mga Pilipinong nasa edad 10 hanggang 19, pitumpung porsyento ang nagsabing mas gusto nila ang teknolohiya kaysa ang larangan ng palakasan. Gusto nila ang mga paksang ito ngunit hindi nila alam ang tungkol sa isports o tradisyonal na paglalaro nito, at nagagamit nila ang Teknolohiya upang matulungan sila. Ang mga taong huminto sa pagkahilig sa sports dahil mayroon silang access sa iba pang mga opsyon sa entertainment ay nagpapakita na sila ay bahagi ng teknolohiyang henerasyon.
Sa tingin mo, mahalaga pa ba ang sports para sa mga kabataan ngayon?
Narito ang mga kahalagahan ng isports. Ang paglalaro ng sports ay isang masayang aktibidad na mahalaga para sa lahat. Kapag bata pa ang mga kabataan, dapat silang hikayatin na maglaro ng sports dahil makakatulong ito sa kanila na bumuo ng mga relasyon at magsaya. Ang paglalaro ng sports ay makakatulong din sa mga bata na magkaroon ng mga pisikal na kakayahan at mapabuti ang kanilang kalusugan at isip.
Ang pisikal na ehersisyo ay mahalaga para sa pagtataguyod ng mahahalagang halaga ngayon, tulad ng disiplina sa sarili, paggalang sa iba, at mga kasanayan sa pamumuno. Ang pagiging myembro isang pangkat ay isa rin sa pinakamahalagang bagay na maituturo ng paglalaro ng sports sa mga bata.
Masarap ang halo-halo kapag tag-araw.
Masarap din ang halo-halong isport na Bossaball.
Kung gusto mong maglaro ng volleyball, football, at martial arts nang sabay-sabay, Bossaball ang laruin mo. Tama! Sa Bosaball pinagsama-sama ang mga sports na ito.
MANLALARO: Inembento sa Espanya ni Filip Eyckmans noong 2004, ang larong ito ay nilalaro ng tatlo hanggang limang tao bawat koponan.
PALARUAN: Gawa sa trampoline at mga inflatables ang palaruan ng Bossaball na hinahati ng net tulad ng sa volleyball.
PARAAN NG PAGLALARO:
Anumang bahagi ng katawan ay maaaring gamitin sa pagtira sa bola. Hanggang anim na beses lamang ang pagtirang maaaring gawin ng bawat koponan bago ibalik sa kalaban. Ang bawat manlalaro ay may isang beses lamang na pagkakataong tirahin ang bola sa
pamamagitan ng kanilang kamay at dalawang beses naman sa paa at ulo. Kailangang ibang manlalaro naman ang tumira pagkatapos.
PAG-IISKOR: Kapag ang bola ay lumapag sa trampoline ng kalaban, tatlong puntos ang katumbas, isang puntos naman kapag sa inflatables. Tatlong set ang mayroon sa isang laban na may tig-25 puntos.
Wala pang Bossaball sa Pilipinas subalit hindi maglalaon ay magiging popular din ito sa Pilipinas. Sa ngayon, ang mga manlalaro ng Espanya at Brazil ang nangunguna sa halohalong isport na Bossaball.
Ni: Michelle Lopez
2nd Quarter Performance Task,
itinanghal ng Baitang 9
Nagpakitang gilas sa pag-indak at pagkanta ang mga mag-aaral sa ika-9 na baiting noong Nobyembre 25, 2023.
Sa pangunguna ng kanilang guro na si Ma’am Michelle Salcedo matagumpay na itinanghal ng mga mag aaral na Grade 9 students ang kanilang 2nd performance task sa Music and Arts. Iba’t-iba ang ipinakita ng mga bata sa kanikanilang performance sa larangan ng musika at sining.
Ang mga kalahok sa nasabing aktibidad ay ang 9- Luna na ngapakita ng galing sa musika at sayaw sumunod ang 9-Bonifacio na mayroong ipinamalas na galing sa pagkanta at pag-indak sa kanilang sayaw. Hindi rin nagpahuli ang Urduja na may kakaiba ring konsepto at ang huling nagpamalas ng kanilang husay sa larangan ng pag awit at pagkumpas ng kanilang katawan ay ang 9-Rizal.
“Kita sa mga mukha ng bawat bata ang ngiti at saya habang sila ay umiindak at ginagawa ang kanilang mga pagganap dahil dalawang taon silang namalagi sa kani-kanilang bahay at hindi makalabas dulot ng Covid 19.” pahayag ni Gng. Salcedo.