Likha (2017)

Page 1

1

ang paghabi patungo sa pag-angat ng mga kababaihan


2

TALAAN NG MGA NILALAMAN 4 MGA

kababaihan ng t’boli

10 LIKHANG

kayamanan

16 ANG

museo

22 KINABUKASAN

ng t’boli


3

Pambungad Ang pagbuo ng Lake Sebu Women Weavers ng kanilang mga produkto ay hindi lang simpleng paglikha ng iba’t ibang mga bentahin ngunit ito ay ang paglikha ng kanilang mga sariling boses at mga paa. Ito ay ang boses na kinakailangan nila upang labanin ang hindi karapat-dapat na pagtingin sa mga babae sa kanilang komunidad. Ito ay ang mga paa na kinakailangan nila para makatayo ng mag-isa na hindi buong nakasalalay sa kanilang mga asawa. Ito ang Women Weavers na naglikha ng isang makapanibagong pagtingin sa babae sa kanilang komunidad mula sa paglikha ng mga tela, kuwintas, at iba pa.

PAG PAPASALAMAT LAKE SEBU INDIGENOUS WOMEN WEAVERS ASSOCIATION INC. sa taus-pusong pagsalubong at pagbati sa aming pagbisita

ARRUPE OFFICE

sa pag-gabay at pag-sama sa aming paglakbay

GNG. MA. CECILIA RODRIGUEZ sa lubos na pag-handa at pag-turo sa aming klase

Ang LIKHA ay handog ng AB Mass Communciation 3B ng Ateneo de Davao University para sa Lake Sebu Indigenous Women Weavers Association Inc, o LSIWWAI. Ito ay isang pagkilala sa kanilang mga naging hakbang sa pagpapahalaga at pagpapalakas ng mga kababaihan at ang tulong ng kanilang inihandog sa kanilang komunidad. Patuloy na buksan itong aklat upang ating matuklasan mula sa mga litrato ang kagandahan ng mga T’boli at ang kanilang Women Weavers . MGA LARAWANG KUHA NINA

AB MASS COMMUNICATION 3B

Cyntelle Joanne Saguan Danielle Fanlo Trisha Mae Balansag


4

mga

kababaihan NG T BOLI ’

Nagsimula ang LSIWWAI noong 2001 bilang isang hakbang ng mga babae na tumayo sa kanilang sariling mga paa at hindi magdepende sa kanilang asawa pagdating sa pananalapi. Bago binuo ang ang organisasyon na ito, pinapayagan ng kultura ng T’boli ang monogamous marriages at kapag maghihiwalay ang mag-asawa, kailangang bayaran ng esposa ang kanilang esposo ng dote na makadalawa ang halaga at ng multa. Kaya si Jenita Eko, ang pangulo ng organisasyon, ay nakita ang paghahabi ng mga kababaihan bilang isang pamamaraan na bigyan sila ng boses at ipakita ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng social enterprise. Sa kasalukuyan, mayroong walumpu’t limang manghahabi sa LSIWWAI.


5


6

PAA.

sa una ang mga paang ito’y hindi makatayo nang mag-isa


7

Jenita Eko. ang babaeng nagbigay ng boses sa mga kababaihan ng T’boli at karaniwan ay ang pinuno ng Lake Sebu Indigenous Women Weavers Association Inc.


8

GURO.

siya ang kaisa-isang guro ng kanilang komunidad na patuloy na binubuhusan ng pag-aaruga at pasensya ang kanyang mga estudyante


9

ang mga manghahabi. sila ang dalawa sa walumpu’t-lima na mga manghahabi ng T’boli na patuloy na binibigyan ng boses ang kababaihan ng kanila komunidad.


10


11

likhang

kayamanan Ang LSIWWAI ay may iba’t ibang produkto. Ang pinakakilala sa kanilang mga produkto ay ang kanilang mga pabrika at ito ay ipinamimili ng mga nadidisenyo ng mga damit mula sa loob at labas ng bansa. Maliban sa mga pabrika, nagbebenta rin ang LASIWWAI ng mga pulsera na gawa sa mga hard plant seeds, mga ID slings at mga kuwintas. Mayroon din silang mga brass bracelets at mga brass necklaces. Ito ay madalas na sinusuot ng karamihan para sa mga gawain para sa Buwan ng Wika.


12

telang pagkakakilanlan. ang pagtatahi ay isa sa pinaka mayamang kultura ng mga T’boli


13

KAYAMANAN. mga produktong gawang-kamay ng LSIWWAI.


14

GINTO. sumasalamin ang mayamang kultura ng mga T’boli sa kanilang mga gawa.


15

KULAY. Isa sa pinaka ipinagmamalaki ng mga T’boli ay ang kanilang mga kuwintas na hangon pa sa iba’t ibang mga disenyo.


16

ang MUSEo Sa isang sulok ng komunidad ng T’boli ay mayroong isang silid sa isang istraktura na naglalaman ng mga mahahalagang gamit na nagsisimbolo ng kanilang kultura. Ang ilan sa mga gamit na ito ay nagmumula pa sa panahon bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Ang halimbawa ng mga gamit na ito ay ang mga sibat na hanggang ngayon ay buo at kompleto pa kanyang mga detalye.

Ang iba pang makikita sa maliit na silid na ito ay ang iba’t ibang mga tela na nagsisimbilo ng buhay at makulay na kultura ng T’boli.


17


18

antigo.

Matatagpuan sa kanilang museo ang mga yamang mula pa sa mga ninuno ng tribo

TUNOG NG NAKARAAN. makabuluhang mga instrumento mula pa sa sinaunang panahon


19

BAUL. Mahigit isang daang taon na baul na gawa pa ng mga ninuno ng T’boli,


20

NAKAPINID. Nakaukit na mga alaala ng nakaraan

BLAH. kultura. Sa isang sulok ng komunidad Mga tradisyonal ngamit na ito= na damit ng mga ay nagmuayon ay T’boli na may buo at mahahalagang kahulugan.


21

V

SINING NG KASAYSAYAN. Iilan lamang ito sa mga napreserbang kayamanan ng mga T’boli na nagmula pa sa kanilang mga ninuno.


22


23

kinabukasan ’

ng t'boli Isang silid lamang ang nakalaan bilang paaralan ng mga bata ng T’boli. Ang mga bata ay araw-araw na pumupunta sa eskwelahan, mula umaga hanggang tanghali. Ang Department of Social Welfare and Development ay ang nagbibigay ng suporta sa pananghalian ng mga bata araw-araw. Ayon pa sa kanilang guro, may mga panahon na ang adhikain lamang ng mga bata sa pagpasok sa eskwelahan ay para makakain.


24

ngiti.

simpleng kasiyahan at walang kupas na tawanan tuwing uwian.


25

KATUWAAN TUWING PANANGHALIAN.

higit na katuwaan pagsapit ng tanghali.


. 26


27 .

.

ang bagong henerasyon. ang mga batang magpapatuloy sa nasimulan ng kanilang pinuno.


28

LIKHA 2017


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.