Volume 1, Issue 2 July-December 2017

Page 1

A Guide to Barely Living John Leir T. Castro

Volume 1 Issue No.2 Volume 1 Issue No. 2


A Guide to Barely Living John Leir T. Castro


A Guide to Barely Living John Leir T. Castro

Please enter with a kind heart, an open mind, and leave with a thirst to come back for the arts.


About The ALPAS Journal is a bi-annual online literary and arts publication for Filipino writers and artists. After a night out in the vibrant city of Melbourne, Australia where countless arts festivals and literary journals are widespread, one question was raised: Where can I find this in the Philippines? The only thing left to do was to create an answer for that need. Inspired by the dream to provide a free platform for both emerging and established Filipino writers and artists, the journal is born on March 2017. From the Filipino word "Alpas," meaning "breaking free or loose," the publication aims to deliver works that blur boundaries, encourage curiosity and wonder, and challenge stereotypes. In ALPAS, creativity is unbounded.

Anneliz Marie Erese Editor-in-Chief/Fiction Editor

Kharla Brillo Mitch Balladares Poetry Editors

Because ALPAS is a not-for-profit publication run by a small team of thirteen, we choose to

Ricardo Rey Catapang Dominic Dayta

collate works digitally and at little cost. What

Nonfiction Editors

we offer is a gratis soapbox, a podium, a room

Bernardine Hinkle

to which everyone has a key.

Screenplay Editor

Sophia Cruz Eric Vincent David Photography Editors

Ienne Junsay Visual Arts Editor

Allen Esteban Layout Editor

Ariel Salvador Jr. Angelica Marie Dublado Managing Editors Cover Art by

Klarissa Imperial

Katrina Alyssa Torrefranca Social Media Coordinator


Editor’s Note Dear Readers ALPAS Journal has begun with four people’s ideas and dreams. The first volume was a culmination of everyone’s hard work, time, and talents. Some left and we found ourselves struggling to continue but in the end, that’s what we did—we continued. Our second issue and our last for the year 2017 is the fruition of the vision of thirteen diverse members. Each one has contributed unconditional support all for the sake of art and literature. Despite the odds, each one has given their best to deliver a publication that showcases grit, skills, and remarkable abilities. At an early stage, Aira Cassandra Lee has mastered the art of subtlety which makes her vignette “Kandila” paint such a powerful image. Mubarak Tahir, on the other hand, has woven a tale of a child in the middle of an identity crisis. His story “Manika” is set in the fields of a rural town which brings out the rawness of the character. Taleo Je Nanti’s personal essay called “Nowhere Man” talks about the life of a writer with sweet poignancy that one cannot help but be moved by it. This volume’s collection of poetry is brimming with various themes. L.A. Piluden’s “Doctor Magantal” perfectly shadows the experience on a dentist’s chair with the experience of losing one’s identity. “This Is What Healing Sounds Like” is an expert use of imagery by Bernice Caña. An ode to women and their power is what can be read in John Leir Castro’s “Medusa.” The photographs and artworks by artists also show how much Filipino talents out there should be celebrated. “Kandilang Upos” by Carmela delos Reyes is a glorification of light while “Chasing Stars” by Elisha Darusin shows her skills in capturing the night sky. Ly-Ann Urdaneta’s “Hairless Beauty” is a touching ode to cancer patients and Klarissa Imperial’s cover art “Hope in the Darkness” embodies everything that ALPAS Journal stands for. Another thing that makes this issue special is the conscious inclusion of works that touch on relevant societal topics such as the LGBTQIA+ community, same-sex marriage, politics, war on drugs, terrorism, and more. We have always believed that art is political and so with the voice we are gifted with, we want the journal to be a platform of equality where the less heard are shouting and the less visible are among us, walking. We, in ALPAS Journal, hope that every reader finds oneself in at least one story, poem, or image. We hope we can bring you light. We hope we can bring you hope.

With love and respect,

Anneliz Marie Erese Editor-in-Chief/Fiction Editor


Contents Fiction Kandila.................................................................................................32 Manika.................................................................................................35 Paghugot at Pagbaon.............................................................................80 Bakit Umiiyak si Baby Tuwing Gabi........................................................92 NonFiction Growing Up: Tales of a Promdi................................................................18 Nowhere Man....................................................................................... 52 Padiyan.................................................................................................66 Photography Kandilang Upos.....................................................................................10 Marino..................................................................................................19 Panibagong Yugto.................................................................................23 A Light Lunch........................................................................................30 Lumad-laban.........................................................................................42 Chasing Stars........................................................................................47 Time.....................................................................................................48 Pagmumuni-muni............................................................................52 Light Amidst the Darkness.....................................................................66 Home............................................................................................82 The Turtle Car in the Riverside.............................................................87 Poetry Market Painting.......................................................................................9 Berdugo..........................................................................................11 A Guide to Barely Living.........................................................................12 Mawalang Galang Na Po......................................................................13 Notes on Construction..........................................................................14 Tumula Ka............................................................................................15 Medusa........................................................................................17 Waking............................................................................................21 Anapestic Litany...................................................................................22 Epiko ni Sarhento..................................................................................24 Genius Loci...........................................................................................31 Doctor Magantal....................................................................................33


War Tale................................................................................................42 This Is What Healing Sounds Like........................................................44 Hinati-hating Hatinggabi.......................................................................46 at 10 p.m., after the battle......................................................................49 The Moonlit Painting............................................................................50 Ang Bagong Kahulugan ng Hustisya at Kapayapaan..........................61 Cockroach......................................................................................64 Wallflower...........................................................................................77 Fall Into You.........................................................................................78 Agwat.......................................................................................85 Dilemma...........................................................................................88 Payong Kaibigan....................................................................................90 Visual Arts First........................................................................................................................8 Portrait of Pree......................................................................................16 Sleep is An Escape................................................................................28 Gender What Gender.............................................................................34 Voices...................................................................................................41 Hibla ng Buhay......................................................................................60 Hawla...............................................................................................63 Mirrored Trees Mandala: Illuminated Stranger........................................64 Be Quiet...............................................................................................75 Hairless Beauty......................................................................................76 Small Wonder........................................................................................84 Sun and Moon.......................................................................................85 Kleptomania......................................................................................89 JusTIIS..............................................................................................97


First Arianne Fel Fernandez

8

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Market Painting Vhinz Jansen Dacua

Bodies, Distorted subjects of a Millennial painting – abstract. Arms separating the Shoulders A leg that can’t Walk Eyes closed PUMPING CHEST C ra c kin g bones Lost bones Bones cut Cut every part Cut breath Cries louder than a bomb A mother covered in white red cloth White pale red lips and colder skin, MARKET – A canvass of a curious hands With red paint, And when he brushes, People fight to bid.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

9


Kandilang Upos Carmela Delos Reyes

10

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Berdugo Bryan Jester Balmeo

Tingnan mo ang ginawa mo sa lupa, Binalot mo na ng pula ang sahig, Naghuhumiyaw sa katarungan ang bawat patak ng dugo, Nawawalan na ng saysay ang bawat hininga, Kinikitil na lamang sa isang kisapmata’t ang buhay ng tao’y halos wala ng halaga. At nasaan na ang pangakong pagbabago, Kung kumakalam pa rin ang tyan ng maraming Pilipino, Tingnan mo ang dugo sa iyong mga kamay, Nagmamantsa sa iyong konsenya’t mananatili habambuhay! Humihiyaw ng katarungan ang batang napagkamalan lang, Putok ng baril ang pumutol sa maganda sanang kinabukasan, Sumisigaw ng katarungan ang mga biktima sa dilim, ‘Nanlaban’ daw, kaya walang ibang magagawa kundi patayin. Hanggang kelan papatak ang dugo sa lupa, Hanggang kelan tutulo ang luha ng mga aba, Kailan masusupil ang kawalang hustisya, Ng mga biktimang nangatumba sa gitna ng kalsada.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

11


A Guide to Barely Living John Leir T. Castro before dawn: partake in leisure walks We step outside reality, inhaling the mist and the smoke and the almost tangible remains of the night. Our legs stretch far over fences and thickets and the slowly eroding silence. To bear witness to an early bird’s flight. daybreak: remain idle Life resumes. We abstain from the bustling excess. Watch as the predictable drama of the morning commute unfolds. Laugh at its absurdity. Comment on its tragedy. Our role is the observer; today we are gods. high noon: alleviate heat with questions of existence Beads of water drip on the pitcher’s plastic surface. We harbor feelings of resentment toward first causes. We are left behind, in this city, like paper boats disappearing at the turn of the river. before dusk: float in space The books perch over our noses, the smell of decade-old glue on their spines, the fancy fonts up-close. Pretend to sleep. Or fall entirely, without guilt. Time-travel is lost art. We quell our own addictions. midnight: barely live We wake from the dreams. Stare at the cosmos, young and wide-eyed, as everything slips out of focus. We shed our skins. Words fall out of meaning. Time disowns us.

12

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Mawalang Galang Na Po

Takbo! Lumisan ka, apo! Lumisan ka sa bayang pinangakuan ng ‘di totoo!

Layo! Magpakalayo! Nang ang balang ‘di para sa iyo ay hindi mo masalo!

Pin Sta. Ines

‘Wag kang lilingon Baka hindi ka na makaahon ‘Wag kang lilingon Baka hindi ka na makabangon ‘Wag po! Kahit mabaril ay hindi ako susuko! Makinig! Kahit anong tapang ay hindi iyan mananaig! Ano naman po? Kaysa malanta at hintaying matuyo! Diyos ko po! Lumisan! Lumayo! Ayoko po! ‘Di ako lilisan sa bayang sa’kin ay nagpatanto Na ang buhay ma’y malabo Siya pa rin ay magbabago Hindi po! Hindi po ako tatakbo! Hindi po! Hindi po ako lalayo!

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

13


Notes on Construction Jan Dennis Destajo Can I say, suggest, that our children’s names will not structure from ours or the ancestries that came before. This may come off too loud, love, the realization. But to answer why is to ask where the Hanging Gardens are, or how the pyramids came to the surface of the desert. The body suffers to build a new one, even the icons of Renaissance and the orders of Ancient Greece. It is because their names will not tell, but will gleam to us in a form angels coasting the night, then remain as beautiful as you in the morning. And when you call them, their names would begin to sing arcs of our stories we reserve to tell. As if we have drafted new cities into empires from the sound of your voice. And when we are too old to speak, we’ll go back to the silence that framed the foundations. The silence we slowly break one night into our first kiss

14

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Tumula Ka Oswald Santos Pag-ibig, pag-ibig! Pag-ibig na kay sakit Sa sobrang sakit ay tila umuukit Ng malaking puwang tuwing tayo’y nasasaktan O ‘di kaya, kapag iba na ang dahilan ng kaniyang kasiyahan. Kung ano-ano ang iyong mga gagawin Para lamang siya’y limutin Magpapakasubsob sa pag-aaral o trabaho Pati pagtula’y susubukin mo. Pero sandali lamang kababayan Bakit parang iisa na lang ata ang dahilan Kung bakit ka biglang nagiging makata Sugat ng pag-ibig lang ba ang iyong makinarya? Tumula ka tungkol sa pagsasaka Sa pagbibilad sa araw ng iyong Tiya Erika Ang kahirapan ng kondisyon sa kanayunan Ng mga magsasakang nagpapakain sa bayan. Tumula ka tungkol sa iyong paborito Sa mainit at masarap na mangkok ng bilo-bilo Na ginagawa mong pamatid init Sa mga panahong nagwawala ang langit. Tumula ka tungkol sa matayog na bundok na iyong naakyat Para mayaya at masubukan ng lahat At pakiramdaman ang lamig sa bubong ng daigdig Na kailanma’y hindi basta-basta madadaig. Tumula ka tungkol sa problema ng bayan Mabagal na daloy ng trapiko’t mga kabi-kabilang patayan Magbakasakali ika’y marinig ng ilang nagmamasid Ng mga naka-barong na nagtatago sa kanilang silid. Sa huli’y tumula ka lang hanggang kaya mo Isa itong obra na unti-unting naglalaho Maging instrumento ka upang hindi maging bakya Ang tulang halos binubuo na lamang ng mga lumuluha.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

15


Portrait of Pree Rafielle Acero

16

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Medusa John Leir T. Castro The door to the bathroom is half-open. Light seeps in, tracing the contours of the blanket wrapped around her waist and the smooth river of her back. A faint glow on her nape. On her cheek. Her hair is alive, hissing from every brush of the finger. A loose faucet fills a once empty basin, droplets slowly trickling into two glass wines, over a soap-soaked, half-washed dish on top of another. Drip. Drip. Drip. She undresses. Now, finally, out of garments. Out of pretense. They coil into an Ouroboros, biting and sucking life into an endless loop. The window rattles and slaps against the sill. The wind moans. The sewer gushes out, flooding the streets. The rain pours, a beckoning to silence. Shhh. Shhh. Shhh. Her moist breath slithers like a snake, into her ear and onto to her neck. Her chest. Her stomach. Down it goes to her thighs with every whisper, until it pulls out of her toes in a poisoned release. Paralysis grips her legs. Half-petrified and lips still trembling, she says, I hope this lasts forever. She answers, Shed your skin.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

17


Growing Up: Tales of a Promdi1

Darlene Turla The Movie House 2

14-inch television and a Chuck Norris or Lito Lapid movie or a Shayder or Biomen

episode in betamax (later, VHS) were enough to turn our living room into a makeshift cinema. The movie goers were our neighbors who either had no television yet or were late to score a copy of the latest must-watch. We’d open our doors for them for one peso per show6. Sometimes, when the film viewers were in luck, they would be treated to a bonus flick, usually a less popular fare such as a “TF” (titillating films)7 or a classic favorite we and our neighbors had watched millions of times-movies like Red Sonja (a Hollywood flick featuring a sword-wielding red-haired heroine), Kumukulong Dugo (starring Ronnie Rickets, and Edu Manzano with Cherry Pie Picache and Amy Perez8), James Bond’s Moonraker, countless Chuck Norris movies, Superman, Robin Padilla

1. “Promdi” is a Filipino slang term which means someone who grew up in the province, especially one who goes to the city. The word is derived from the phrase “from the” (prom di), short for “from the province”. 2. This piece is the first in a series of personal essays about the author’s memories of growing up in Northern Samar. The second part is still in the works. 3. My uncle Berting, a copra dealer, had a more advanced “sinehan”. He transformed his bodega into a movie house boasting a 21-inch TV complete with wooden bleachers which could accommodate more than 30 people. He would charge two pesos per movie showing. 4. In a small municipality like ours (Lavezares), analog TV was limited to channel 7 (GMA) for quite some time. So while the more progressive towns like Allen and Catarman were crazy over Mara Clara, our town would watch Villa Quintana. 4.a. Villa Quintana was a Keempee de leon-Donna Cruz-Onemig Bondoc soap opera, with Pen Medina, Joel Torre and Chanda Romero as the older counterparts. 5. The local cable TV service provided by the family who owned the rural bank was limited to the local channels (no channel 9 and studio 23 in its early stages) and just a few english ones like HBO and MTV. I was a Spice Girls fanatic!

6. This peculiar little side gig, however, was not a regular thing for us; more often, our neighbors, especially those we were good friends with, and even those we barely knew [6.a] were welcome to join us in our betamax-viewing and vice versa. 6.a. “Anak yan ni Mana/Mano [insert quaint, bucolic name here]” 7. Back in the 90’s to early 2000’s, the Filipino movie goers devoured “Titi-llating Films” for their soft core content. With a few exceptions, (Rosanna Roces’ “Ligaya ang Itawag Mo sa Akin” comes to mind) several of these movies suck in quality, but with titles like “Talong”, “Itlog”, “Pisil”, “Di Mapigil Ang Init”, “Anakan mo Ako”, “Patikim ng Pinya” and “Masikip Mainit Paraisong Parisukat”, TF aka ST (sex trip) flicks were definitely hard to resist! Long were the queues at movies that star Rosanna Roces, Pricilla Almeda, Klaudia Koronel and Joyce Jimenez. 8. We’d seen Kumukulong Dugo too many times that I’d already memorized some of Edu Manzano’s lines. There’s this sex scene between Ronnie Rickets (or was it Edu Manzano?) and Malu Barry (or was it Cherry Pie Picache?) in which the adult viewers would tell us to cover our eyes. And of course we’d oblige, but not without the curiosity driven technique of peeking through the fingers on the sly.

In a sleepy town where brownouts happened about as frequently as a woman’s period, my family owned a movie house. So did my uncle who lived in the next barrio3 and some of the neighbours down our narrow streets. This provincial trend took place before the arrival of analog TV stations4 and – much later – cable TV5, which we called ‘satellite’ (It was a big deal when “Wow, may ‘satellite’ na raw sina Mano Dabor!”).

18

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Marino Ian Juacalla

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

19


action hits (Mistah was a top favorite), and several others usually with the word “Boy” or “Bata” in the title (Manila Boy, Batang City Jail, etc.) with the regular villains, George Estregan, Romy Diaz, , et al., Chitae “ganda lalaki” movies, teeny-boppers that star Carmina, Vina9, Aiko, Gelli, et al., and whatever limited supply of pop culture hits that managed to reach our shores. No movie seats needed, our smooth wooden floor was a nifty substitute. Nevermind that our house was hardly built for more than 30 moviegoers: those that couldn’t squeeze in were content to be outside. So long as they could hear FPJ talk about slipping through the eye of a needle, all was well. Once a while a boy would merrily climb up the roof-support pole (we lived in the second floor of an old, two-level house owned by Mano Puroy) to get a glimpse of the film through the wide window. “I saw it, it’s Superman!,” he’d holler, wide-eyed, before sliding down to his squad for a full animated report. I would later share in their experience when our trendsetting neighbors had acquired “satellite,” and it took a fairly long time for my average-income family (by provincial standards) to catch up. I and my siblings, with our necks stretched up, would try to get a view of a Shaider episode (“Ako si Annie!” “Oy, nauna na ako, ako si

9.

10. 11.

20

I and my ate Zandra would have word-wars over the Carmina vs Vina rivalry (ate Zandra to Carmina’s first two-piece bikini appearance: Hahaha, walang korte ang katawan ni Carmina!/ Me to Vina’s kissing scene with Bong Revilla: Yucccck bold star na si Vina!) The daughters of our landlord started this war, and I sided with camp Carmina. In a previous generation, mama and her older sister had a similar long-standing contest on who’s the better actress. Mama was a die-hard Nora fan (making-tambay-in-Nora’s-house-with-fellow-fans level) and Auntie Bibe (yes, as in duck) was devoted to Vilma. A footnote to a footnote: Nora’s Himala is one of my all-time favorite movies. I would later learn, as an adult, that the actress who played Annie eventually became a porn star. I would always root for San Miguel while my siblings Budok

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

Annie!”)10 or a San Miguel vs Purefoods match11 through the neighbor’s open windows. On occasion, an older playmate would let me ride piggyback on her when the window was too high for my hobbit height. By the time we were finally able to pay for a monthly “satellite” service, the quirky mini cinemas were slowly fading away. Before long, almost everyone had their own TV; the rural style silver screen had become a thing of the past, along with some street games like “Batin-batinay” and “Darling, you can love one”. Still, the idyllic tradition of opening our doors to neighbors who had yet to acquire their own idiot box12 would linger on. Then came the era of family privacy shored up by technological progress, and although my introversion partly favors a more silent environment, I miss the days when girls would bicker over who gets to be Pink 5 first. When male viewers, young and old alike, would let out unbridled sounds of awestruck wonder over Chuck Norris’ classic stunts. When an entire audience would sit tight with bated breath while the operator pulled a jammed tape out of the vhs player then rewinded it by hand. I miss the days when people still had the patience for waiting and joy was defined by simple things.

12.

and Zandra were diehard fans of Purefoods. My favorite was Allan Caidic. Nelson Asaytono was too badass for my taste as a little girl, but I liked “the bull” nonetheless. For a long time, I thought he was “the Ball”. My Ate Zandra and the 3rd and 4th, Juju and Junjie, were followers of Alvin Patrimonio. We’re a brood of 7 children, and the youngest three already grew up with cable TV, cell phones, and later, internet during their occasional visits to Manila as the four eldest reached college. I gotta admit though, it’d ruffle my feathers when once a while, a neighbor or two would overstay their welcome and only go home when the last show [12.a] had ended hahaha! 12.a. the last show would usually be the late night news back in the day. Kuya Germs’ Walang Tulugan variety show still non-existent.


Waking Mark Josef Bornales

I love animals. I currently have 6 cats, I used to have 15 in total. I used to have a dog, I used to have another dog, and a dog before that, I used to have 23 tarantulas, 15 scorpions, and thousands of roaches, I used to have a hundred red cherry shrimps, and dozens, and dozens of fish I also love plants. I used to have pots of hydrangeas, planters of wandering jews, sunflowers, euphorbias, dusty millers, succulents, pots, and pots, and pots of plants. Used to. I have watched one too many plants wither, buried one too many animals in my yard, buried clothes on top of clothes, on top of pictures, on top of jars. See, my house is now a graveyard of all the things I loved. Constant reminders of my inability to feel.

And I think I buried myself somewhere in between that dried rosebush and a cat’s shallow grave. There are days that i try to exhume my remains, so I dig, and dig, dig, digging until mountains of dirt have surrounded me, and I am miles beneath the earth and I remember how I entombed myself in the first place, how we try to find ourselves only to be buried in the process. I have heard people wondering how it would be like to attend their own funeral-I wake up to mine every morning.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

21


Anapestic Litany Vhinz Jansen Dacua

In the jeepney a woman resides While she ties ‘round her fingers the beads She’s been gripping; her holy clean mouth Keeps a word that’s been punching the back Of her tooth on a summering rain.

“Da da DUM”, to the Highest she murMurs a poem, repeating repeat Like a nursery rhyme for the sick. “Ta ta TUM”, there’s a word that she freed In the name of her Father at Home.

22

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Panibagong Yugto Erika Flor

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

23


Epiko Ni Sarhento Oswald Santos

Ngitian at kaunting tawanan sa isang malagim na impyerno Impyerno ng bombang sumasabog at naglilipanang punglo Ang dating lungsod ng nagbubuklod na kultura Isa nang bayang di mo na makikilala Sumabak ako dala lamang ang bagong natutunan Kahit riple, dasal at tapang lang ang aking sandigan Para ipagtanggol yamang mamamayan At konstitusyong aking pinagsumpaan. Isang pintakasi ang biglang naganap Nguni’t ang pinanggalinga’y wari di ko mahanap Saan kaya nagkukubli ang aming mga kalaban Hindi ko mawari kung saan ang pinanggalingan. Lima sa aking mga kabaro’y agad na pumanaw Mga katawang walang buhay, nabilad sa ilalim ng naglalagablab na araw Pero kinaya naming lumaban at mahanap ang kaaway Nalungkot si Kamatayan, akala’y kami na ang sunod sa hukay. Lumipas ang ilang araw at ako’y biglang nanginig Sa bawat pagkakataong may pagputok na maririnig Agad akong dinala sa pinakamalapit na ospital Di nila mawari kung ano na ang aking inaasal. Nawala na ba ako sa tamang mag-iisip? Ako na ba’y mamumuhay sa loob ng isang masamang panaginip? Paano ko na paglilingkuran ang aking Inang Bayan? Paano na aking pamilyang nais kong iahon sa kahirapan? Binalik nila ako sa Maynila upang magpatingin Sa isang espesyalistang susuri sa aking mga saloobin Normal daw ang aking nararanasan At talagang nakakaapekto ang bawat sabak sa labanan.

24

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Sabi ni Doktora’y kakailanganin kong magpagaling Bago makabalik at maipaghiganti ang mga kabaro kong aming inilibing Ngunit paano lalaban kung ako mismo’y nakakulong Nakatanikalang katinuan, o! kailangan ko ng tulong! Lumipas ang ilang linggo, dumaan ang mga buwan Sinabi ko sa aking sarili, “wala na itong patutunguhan” Palalim nang palalim ang uka sa aking isipan Tuluyan nang isang bangunot ang buhay ko, kaibigan. Saan na ako pupulutin, wala na akong halaga! Sadlak na sa hirap at butas pa ang aking bulsa Pero sa buhay kong ito susubukan kong lumaban Magiging matatag sa bawat araw na dadaan. Isang gabi ako’y tinawag ng aking kumpare Ako’y nagulat nang siya’y may inabot na pakete Makakatulong raw ito sa aking paggaling At lahat ng problema ko’y mawawala sa pananaginip ng gising. Lumakas ang loob ko, tumibay ang aking damdamin Nang ang laman ng pakete ay aking subukin Wala nang takot o pangambang nararamdaman Makakapaglingkod na kong muli sa aking mahal na bayan! Dali-dali akong nagtungo sa aming kampo Handa ang loob at hinding-hindi na susuko Ngunit ako’y hinarang sa lugar kung saan ako hinubog “Bakit ganiyan ang iyong mata, lubog na lubog?” Pinilit kong pumasok ngunit ako’y pinalayo Ang sabi nila’y, “hindi ka na nababagay rito” Ganito ba ang igaganti ng aking bayang pinagsilbihan ‘Pag ika’y wala nang halaga, ikaw ay tatalikuran?

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

25


Nandilim ang aking panginin at parang lumulubog sa isang kumunoy At di napansing tumulo ang aking luha at biglang inilabas ang aking mga panaghoy O, bayang mahal, ano na ang aking patutunguhan? May nag-aantay pa ba sa aking magandang kinabukasan? Desperado akong nagtungo sa aking kumpare At pumayag siyang itinda ko ang ilang pakete Humingi na rin ako ng ilang porsyento Ng puting pulbos na nakahiwalay kada limang gramo. Sa pagkalulon, agad kong naubos ang lahat ng aking dapat itinda Ngayo’y saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga? Kamatayan, sana pala’y kinuha mo ko noong ako’y sundalo pa Taas noong nakatingala at maipagmamalaki pa ng aking pamilya. Nakatanggap ako ng tawag sa siyang nanghihingi ng tatlumpung angaw Na kakailanganin kong maibigay sa loob ng limang araw Hindi ko na alam kung saan ako tutungo Ako ba’y uuwi na lamang sa aming lalawigan at magtatago? Ngunit matapang ako at may paninindigan Ako ay may dangal at nararapat ko itong bayaran Nagpadala ako ng mensahe na maglilingkod na lamang ako Makabawi lang sa pulbos na naubos ko. Nang ilang sandali’y may kumatok sa aking pinto Sumilip ako at nakita ang ilan sa mga dating kong kaibigang pulis na ngayo’y mataas na ang ranggo Ilang bahay na ang kanilang hinalughog Sa pagkakataong ito’y dibdib ko’y sumasabog.

26

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


“Buksan mo ito”, ang mariing sigaw sa akin At sa loob-loob ko’y di ko malaman ang gagawin Nalaman kaya nila ang aking mga ginawa? Masisilayan ko pa ba ang aking mga magulang at mararamdaman ang kanilang kalinga? Sinipa ng isa ang pinto at pumutok ang baril ng isang tinyente Bigla muling nagbalik ang mga demonyong pinalayo ng mga pakete At aking alaala sa labanan sa Marawi ay nagbalik Nagdilim ang aking paningin, lumabas ang aking bagsik. Kinuha ko ang aking kutsilo’t hinanda ang aking sarili Ipinasasa-Diyos ko na, ano pa man ang mangyari Binuksan ko’ng pinto’t sumugod dala ang aking tanging armas Limang putok ang umalingawngaw, limang bala ang pumasok sa aking dibdib at lumabas. Ama, muli mo akong ibalik sa iyong kanlungan tulad nang ako’y bata pa Ina, muli mo akong yakapin, balikan natin ang tawanan at lahat ng mga alaala Mahal kong sinisinta, patawarin mo ako sa tagal kong nawalay sa iyong piling At, sa huli, Panginoon, tatanggapin mo pa ba ako sa paraisong ipinangako sa akin? O buhay, bakit madali lamang kitang natikman at tila kay bilis At patawad sa lahat kung ang buhay ko’y nalihis Sa huli, ang sandatang naging sandigan ko laban sa mga kalaban ng bayan Ay siya rin palang kikitil sa buhay kong pinaka-iingatan. Ngayo’y di ko na alam kung saan ang patutunguhan ng minamahal kong bayan Makakamit pa kaya ang kapayapaan at matitigil na ang pagpapatayan? Habang katawan ko’y nahihimbing na at ako’y nagmamasid mula dito sa kalangitan Ay sana’y pakinggan na ng pamahalaan ang sigaw ng bayan.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

27


A Guide to Barely Living John Leir T. Castro

Sleep is An Escape Mary Julia Thera Guevarra

28

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


A Guide to Barely Living John Leir T. Castro

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

29


A Light Lunch Darlene Turla

30

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Genius Loci Jan Dennis Destajo

“The house is not” —Adolf Loos An architect’s eye makes it different, with the attention to detail no matter how storms do the same to this apartment— where its age is measured by the elevation of the street. Where rooms cannot even cry, or talk to each other. Frank Lloyd Wright could have built the Fallingwater from the river of sewage drowning the mat that says welcome, continuously flowing onto windowless sala—where an old couch greets and coughs stories with dust. The kitchen is done cursing the roof, even the sink gave up on blaming the swing cabinets being disproportioned to human scale. Balikbayan boxes are weary, local groceries stopped learning Arabic. When all is silent and everything stopped, I remember looking at the stars in the ceiling, how they convince with the same things the picture frames sings— storms will continue to come, let the water fall, they will be home soon, open the door.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

31


Kandila Aira Cassandra Sanchez Lee

Malakas ang pagbuhos ng malalaking patak ng ulan. Patay ang ilaw sa buong barangay. Sa bahay ni Pamela, may isang kandila na nakatirik sa gitna ng kaniyang sala. Tahimik lang na nakaupo sina Pamela at Bryan. Walang maririnig na salita mula sa kanilang mga bibig. Wala ring galaw ang kanilang mga katawan. Nasa tapat ni Pamela ang pintuan at nasa tapat naman ni Bryan ang bintana ngunit pareho silang nakatitig lamang sa apoy ng kandila. Gustong sirain ng dalaga ang nabubuong katahimikan ngunit tuwing titingin siya kay Bryan ay umaatras ang mga salitang lalabas na sana mula sa kanya. Kaya ibabaling na lang niya muli ang atensyon sa apoy at doon niya susunugin isa-isa ang mga letra. Naririnig nila ang unti-unting pagtahan ng ulan. Humihinahon na rin ang nagwawalang hangin sa labas ng bahay. Ayaw tumingin ni Bryan sa bintana dahil ayaw niyang makita kung huminto na

32

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

ang masungit na panahon. Hindi rin sinusulyapan ni Pamela ang pintuan sa tapat niya. Umandar na muli ang bintilador. Bumukas na ulit ang telebisyon. Nabuhay na ulit ang ilaw na siyang pumatay sa dilim na hindi naabutan ng maliit na kandila. Sa labas, nagkailaw na rin ang mga bumbilya sa mga poste. Ngunit wala pa ring mga salita na lumalabas sa kanilang mga bibig. Nakatitig pa rin si Pamela sa apoy ng kandila pero tumayo na si Bryan. Binuksan niya ang pintuan at lumabas na ng bahay. Hindi pinanood ni Pamela ang kaniyang pag-alis. Hindi rin lumingon si Bryan sa dalaga habang sinasara niya ang pintuan. Narinig lang ni Pamela ang pagbagsak nito at naramdaman ang lamig na pumasok sa bahay. Pumikit siya at humiling bago niya hinipan ang apoy sa kandila, ngunit alam niyang hindi na ito matutupad. Niligpit na niya ang malilinis na plato’t kutsara at itinabi na ang handang hindi nagalaw.


Doctor Magantal L.A. Piluden

Doctor Magantal, Dentist friend, Don’t take away from me my Whites My pearly pillars Standing tall Bringing me my Identity. Place me not on Slanting chairs. Each plucking jerk uproots The child in me!

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

33


Gender What Gender Sophia Sevilla

34

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Manika Mubarak Tahir Marahan niyang iniangat ang kanyang maninipis na braso at pagkatapos ay kinapa-kapa niya ang kanyang kumot. Nang makita niya ang dulo ng kumot ay dahan-dahan niya itong itinali sa kanyang payat na balakang. Humarap siya sa salamin. Napansin niyang hindi maayos ang pagkakatali niya sa kumot sa kanyang beywang kaya naman inulit niya ito hanggang isang malaking disenyo ng laso ang kanyang nabuo. Mangitingiti ito habang nakalagay sa kanyang beywang ang dalawa nitong kamay na mahigpit ang pagkakakapit. Yumuko siya at hinila ang laylayan ng kanyang kumot. Umatras nang kaunti. Humakbang nang marahan. Mabilis na umikot. Huminto, kumaway-kaway at ngumiti na halos abot tenga. Siya ngayon ay nakatayo sa harap ng salamin na para bang nasa harap ng entabladong napapalibutan ng maraming ilaw na iba’t iba ang kulay. Ganito ang mga eksena sa loob ng kuwarto ni Niño tuwing umaga. Hindi pa man sumisikat ang araw ay maaga nang gumising si Niño, maliban sa pagrampa sa harap ng salamin ay kinakailangan niyang gumising upang maghanda sa mga gawain sa maisan. Nang makapag-agahan ay nagmadaling isuot ni Niño ang kanyang lumang damit na isinusuot lamang niya kapag nagtatrabaho siya sa maisan. Kaya naman, halos hindi na maaaninag ang kulay ng kanyang damit maliban sa kulay ng putik. Bitbit ang isang lumang galon na pinaglagyan ng tubig at isang supot na may lamang nilagang saging ay

binagtas niya ang mabatong daan kasama ng iba pang mga magsasaka patungo sa maisan. Habang humahakbang ay makikitang sanay na ang walang sapin nitong mga paa sa pagyapak at paglakad sa mainit at mabatong daan. Kasabay ng kanyang paghakbang ay siya ring pagyugyog ng bolong nakatali sa kanyang giliran. Kababakasan ang mukha ni Niño ng kasiyahan dahil sa mga nakikita nitong mga makukulay na paru-paro na kanyang nadaraanan ngunit minsan din ay nakatikom nang mahigpit ang mga tuyo nitong labi tanda ng pagkabagot. Sa bandang huli ay napabuntong hininga siya at iniangat ang nakayuko nitong ulo—isang araw na naman ng pakikipagbuno sa maisan. Paano ‘yan, hanggang dito lang kami, pagpapaalam ng isang matandang lalaki habang humihithit ng tabako. Sige po, Mang Agkog, ang malumanay na tugon ng Niño na noo’y pawisan ang noo. Tuluyang naghiwalay ng landas sina Mang Agkog at si Niño. Tinungo ng bawat isa ang maisan na kanilang pagtatrabahuan. Huminga nang malalim si Niño na tanda ng kanyang paghahanda. Dahan-dahan niyang iniangat ang balikat niya habang mahigpit na hawak ang bolo. Yumuko siya at marahang isinubsob ang dulo ng bolo sa lupa. Minsan ay humihinto siya lalo na nang nagsimula nang uminit ang araw. Ramdam na rin niya ang pag-init ng

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

35


singaw ng lupang kanyang binubungkal. Napalunok siya sa pagkauhaw. Agad niyang kinuha sa tabi ng mayayabong na damo ang kanyang baong tubig. Tumingala siya kasabay nang pag-angat ng galon. Ibinuhos niya nang marahan ang tubig sa kanyang tuyong mga labi. Nagpatuloy sa pagbubunot ng damo at pagbubungkal ng lupa ang batang lalaki; wala siyang inaksayang sandali. Hindi siya kakikitaan ng pagkapagod kahit matindi na ang sikat ng araw. *** Hapon na kung umuwi si Niño kaya naman laking saya niya kapag natatanaw na niya sa ‘di kalayuan ang kanilang bahay. Isang barong-barong na tila matagal nang inabandona, yari sa tinahing dahon ng niyog ang bubong, at pinagtagpi-tagping luma at buluking mga tabla ang kanilang tahanan. Naglaho ang kanyang ngiti nang may sumigaw sa kanyang likuran. Hoy! Baklang Mais! sigaw ng isang lalaki na sakay ng bisikleta. Hindi kumibo si Nińo sa panunukso ng lalaki dahil alam niyang wala siyang kalaban-laban dito. Nagpatuloy siya sa paglalakad ngunit hindi siya nito tinatantanan hanggang hinarangan siya nito gamit ang kanyang asul na bisikleta. Hindi alam ni Nińo kung ano ang kanyang magiging hakbang. Namumutla na rin ang kanyang nanginginig na tuyong mga labi. Biglang pumukol sa kanyang isipan na kumaripas ng takbo papalayo sa batang lalaki. Habang matulin na tumatakbo ay hindi niya namamalayang pumapatak na rin ang kanyang mga luha marahil dahil sa nararamdaman niyang takot.

36

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

*** Anak! Anong nangyari sa’yo? gulat na tanong ni Aling Mila na abala sa pagsasaing ng hilaw na saging. Agad pinaupo ni Aling Mila ang pawisan at namumutlang anak. Binigyan ito ng tubig. Halos ilang patak lamang ng tubig ang kumapit sa mga labi nito dahil sa matinding pagkatakot. Niyakap na lamang nito ang kanyang nanginginig na mga tuhod. Kinaumagahan ay balisa si Niño nang dahil sa sinapit. Habang nakaupo ito sa tarangkahan ng kanilang bahay at nakatulala ay nilapitan siya ng kanyang ina. Nińo, anak. Bakit ka tulala? mahinahong tanong ni Aling Mila na kababanaagan ng pagkabahala ang imahe nito. Alam ni Aling Mila ang kalagayan ni Niño kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkabahala sa anak. Hindi ito ang unang beses na nakita niya ang anak na umuwing takot na takot at umiiyak. Minsan na rin naikuwento sa kanya ng kanyang mga kumare sa bayan ang panunukso at pananakot ng ibang tao kay Niño dahil sa kilos nito. Nay, ‘pag bakla po ba, walang karapatan maging masaya? Na maging normal? pagaralgal na tanong ni Nińo sa ina. Hindi nakakibo si Aling Mila sa tanong ng anak. Napabuntong hininga na lamang ito habang hinahaplos ang likod ng anak na maluha-luha habang nagsasalubungan ang kanilang mga paningin. Naisin man na sagutin ni Aling Mila ang tanong ng


anak ay hindi niya alam kung papaano ito bibigkasin. Siya mismo ay hindi nakakaalam sa wastong kasagutan dito.

Bakit mo pinulot ang manikang ‘yan? tanong ng isang batang lalaki na sadyang nanlalaki ang mga mata para manakot.

Bago pa man magtanghali ay naisipan ni Nińo na muling tumungo sa maisan upang tapusin ang kanyang paglilinis. May kabigatan mang dinadala ay matamlay niyang binagtas ang daan patungo sa maisan. Habang naglalakad sa mabatong daan ay may biglang pumukol sa kanyang guni-guni.

Bakla ka ‘yan tol! tugon ng isa pang batang lalaki na tila hindi rin natutuwa sa nakikita.

*** Hapon nang pauwi si Niño galing sa bahay ni Mang Agkog ay namangha siya sa kanyang natagpuan—isang babaeng manika na halos magkalasog-lasog na ang katawan. Nababalot ito ng putik. Buhol-buhol ang buhok. Gula-gulanit ang damit nitong kulay rosas. May sugat din ang magkabilang mukha nito at may hiwa sa bandang noo. Nilapitan ito ni Nińo at marahang hinaplos-haplos ang pisngi ng natagpuang laruan. Ang ganda mo siguro noon. Kawawa ka naman, pabulong na sabi ni Nińo habang hawak-hawak niya ito. Dadalhin kita sa bahay, papaliguan, at papalitan natin ang gusgusin mong damit, dugtong pa niya habang nakangiti. Masayang naglalakad si Niño habang hawak-hawak ang napulot na manika. Minsan napapaindak ito sa tuwa at saya at napapa-ugong. Hindi namamalayan ni Nińo na may sumusunod sa kanya na ilang batang lalaki na kasing-edad lamang niya. Napalingon lamang siya nang batuhin siya ng mga ito at tinamaan ang kanyang batok. Napapikit siya sa sakit.

Nilapitan ng tatlong batang lalaki ang hindi makakibong si Nińo at tangkang hinila ang manika. Pilit siyang nagpumiglas. Mahigpit niyang hinawakan ang nag-aagaw buhay niyang manika mula sa pagkakahila sa kanya ng mga batang lalaki. Boog! Isang malakas na suntok sa sikmura ang nagpabitaw sa kanyang mahigpit na pagkakahawak sa manika. *** Aray ko! sigaw ni Nińo nang matisod siya sa matulis na bato habang naglalakad. Bumalik siya sa kanyang ulirat. Napansin niyang nasugatan ang maputik na kuko ng kanyang daliri sa paa, ngunit mas batid niya ang sakit na dinanas niya mula sa pananakit ng mga batang lalaking kanyang nakaharap noong nagdaang araw. Natagpuan niya ang sarili na tanging kaliwang kamay na lamang ng manika ang naiwan sa kanyang nanginginig na kamay sa mga oras na iyon. Nagpatuloy sa paglalakad si Nińo hanggang marating niya ang maisan. Inilagay lamang niya ang kanyang baong tubig sa gilid ng pilapil at sinimulan na niyang maglinis ng mga ligaw na damo.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

37


Ilang oras din ang kaniyang inilaan sa paglilinis nang mapansin nitong may kalawakan na rin ang kanyang nalilinisan. Huminto siya at naupo sa tuyong pilapil. Habang namamaypay gamit ang kanyang lumang salakot upang maibsan ang init ay may biglang sumagi sa kanyang isip. Agad niyang iniligpit ang mga gamit niya sa paglilinis. Isinuot ang salakot at kumaripas ng takbo bitbit ang bolo at lalagyan ng tubig. Mangiti-ngiti siya na para bang lumulutang lamang, marahil dahil sa kagalakang kanyang nadarama. *** Narating ni Nińo ang batis. Sabik siyang bumalik dito dahil mula nang magtrabaho siya sa maisan ay hindi na rin siya nakakapaglibang rito upang maligo. Natatakpan ang batis ng mga mayayabong at malalapad na dahon ng mga halaman at punongkahoy na nakapalibot dito. Hindi siya nagdalawangisip na hubarin ang kanyang lumang damit. Tumalon at nagtampisaw siya sa batis na tila isang bibe na ilang linggo na ring hindi nakakapagtampisaw sa tubig. Napapahalakhak siya minsan dahil sa saya. Nagigiliw rin siyang manghuli ng malilit na hipon sa batis. Pinaglalaruan niya ang mga suso at kuhol. Nang maramdaman niya ang pagod, nagpahinga siya sa paanan ng malaking puno na sumasadsad ang malaking ugat sa batis. Habang masayang ibinababad ang mga paa sa daloy ng tubig ay bigla niyang naalala ang kaunaunahan niyang manika. Napagtanto niya ang ganda ng bagay na iyon. May kung anong paghahangad ang namuo sa kanyang puso. Gusto niyang magkaroon muli ng manika. Gustong- gusto. Sa tabi niya ay kumuha siya ng mamasa-masang putik. Dahan-dahan niya itong inilapat

38

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

sa kanyang magagaspang na mga palad, pinisil-pisil, at idiniin nang marahan. Gumawa siya ng isang maliliit na bilog at idiniin ito. Kumuha siya ng matulis na sanga at ipinang-ukit niya ito sa bilog na putik. may dalawang mata, isang ilong at labi, dalawang guhit at may kilay na. Humulma rin siya ng dalawang paa at kamay at ikinabit niya ito sa parihabang anyo na yari sa putik. Ipinagpatuloy niya ito hangga’t makabuo siya ng isang imahe ng babae na yari sa putik. Ibinilad niya ito. Mangiti-ngiting niyang pinagmamasdan ito habang hinihintay matuyo. Nang matuyo ay marahan niya itong inilagay sa isang dahon, itinabi, at tinakpan niya ng salakot. May kulang pa ata, sambit pa niya. Pumitas ng iba’t ibang uri ng dahon at pinagtagpi-tagpi nito. Bumunot din siya ng mga matitibay na damo. Nang mapansin niyang kumpleto na ang kanyang kinakailangan ay muli niyang kinuha nang buong ingat ang imaheng kanyang itinago. Mula beywang, dinikitan niya ito ng mga dahon na kulay pula at dahan-dahan niyang pinaikutan ng damo bilang panali rito. Ang itaas na bahagi ay nilagyan naman niya ng manilaw-nilaw na dahon na nagsilbing damit ng imahe. May naisip akong ipapangalan ko sa’yo. Nina! Tama, Nina, buong galak na wika ni Nińo habang nakahimlay sa kanyang putikang palad ang imahe na itinuturing niya ngayong isang manika. *** Magdadapit hapon na nang makauwi si Nińo sa kanila. Laking gulat ng kanyang inay nang makita niyang masaya ang


kanyang anak. Anak, masaya tayo ngayon a, puna ni Aling Mila sa anak na mangiti-ngiti habang naghuhugas ng kamay sa banggerahan. Ngiti ng kagalakang hindi matatawaran ang naging tugon ni Nińo sa ina. Magkaganoon pa man, kahit walang nasambit ang anak ay batid ni Aling Mila ang kasiyahang tinataglay ngayon ng kanyang anak. Wala na rin siyang balak usisain pa ang anak tungkol dito. *** Araw ng Sabado. Walang mga gawain sa maisan kaya nagpaalam si Nińo sa kanyang inay na dudungaw muna ito bayan. Pinahintulutan naman siya nito. Dala ang kaunting halaga ng pera na kanyang naipon buhat nang magtrabaho siya sa maisan ay pumunta siya sa bayan. May kalayuan din ito sa kanilang bahay ngunit mas pinili niyang maglakad na lamang lalo’t ibang kagalakan ang kaniyang bitbit ngayon. Tunay siyang masaya. Minsan ay kinakapa niya sa bulsa ang imaheng kanyang hinulma at biglang mangingiti. Hindi rin niya ramdam ang bawat dampi ng mainit na sikat ng araw sa kanyang maninipis na balat. Magiisang oras bago niya tuluyang narating ang bayan. Wala siyang inaksayang oras. Lumingon-lingon siya. Nilibot ang mga kalye at nang mapansin niyang hindi niya mahanap ang kanyang hinahanap ay nagtanong-tanong ito. Ginoo, saan po ba rito ang bentahan ng mga manika? magalang na tanong ni Nińo sa isang lalaking nasa gilid ng daan na nanigarilyo.

Nanakawan mo? Pero lalaki ka naman. Baka naman bakla ka, malakas na tugon ng lalaki habang nakatutok ang dalawang mamula-mulang mga mata nito kay Nińo. Natakot si Nińo kaya agad niyang nilisan ang lalaki. Sa kanyang paglalakad ay biglang sumagi sa kanyang paningin ang isang gusali. Agad niya itong tinungo. Laking gulat niya nang sumambulat sa kanyang paningin ang mga laruan. Iba’t ibang uri ng laruan, may panlalaki at pambabae. May nakakatawag-pansing kulay. May maliliit at malalaking hugis. Halos hindi siya mapakali sa galak dahil sa mga nakikita niya. Palingon-lingon siya. Taas-baba ang paningin. Sabik na sabik siyang pumasok dito. Akmang papasok siya noon nang bigla siyang harangin ng guwardiya. Aba! Bawal pumasok ang batang lansangan, pambungad ng guwardiya. Kuya, may titingnan lang po sa loob, pagsusumamo niya. Bakit? May pambili ka? pasubali ng guwardiya habang nakatutok ang batuta sa ulo ni Nino. Alis! Alis! dagdag pa ng galit na bantay. Hindi na nagpumilit pa si Nińo. Inikot na lamang niya ang buong labas ng tindahan. Mabuti na lang gawa sa salamin ang pader nito kaya kahit nasa labas ay kita pa rin ang buo nitong laman. Sa loob ay may mga batang masayang naglalaro at namimili ng mga laruan kasama ang kanilang magulang. Maluha-luhang niyang minamasdan iyon. Gustuhin man niyang pumasok at makisali ay hindi maaari. Hanggang tingin na lamang siya mula sa

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

39


labas. Sa kanyang patuloy na pagmamasid sa loob, may biglang umagaw sa kanyang paningin. Pinagmasdan niya ito na halos hindi na siya kumukurap. Nanlaki ang kanyang mga mata. Manghang-mangha siya sa kanyang minamasdan. Ang kanyang hinahanap at hinahangad ay natagpuan niya. Nakabitin. Kulay pula at kaakit-akit ang makukulay nitong palamuti sa damit. Kulay ginto ang buhok. Pula ang mga labi at makakapal ang pilikmata nito. Kay gandang mga manika na para bang kinakawayan siya ng mga ito. Marahan niyang inilapat ang kanyang magagaspang na palad sa salamin ng tindahan, na kung hindi lamang matibay ay maaari itong mabuwal dahil sa pagkakadiin ng kanyang kamay. Sa sobrang mangha at galak sa nakikita ay hindi niya namalayang papalapit sa kanyang likuran ang guwardiya na nanlilisik ang mga mata habang mahigpit na hawak ang kanyang batuta. Mabilis na dinampot ng guwardiya ang likod ng damit ni Nińo. Nagulat at maluhaluha ito dahil sa takot. Nagpumiglas siya ngunit mas lalong hinigpitan ng guwardiya ang pagkakahawak sa kanya upang hindi siya makagalaw. Nasasakal na siya ng kanyang damit. Hindi man siya tuluyang naluha ngunit pumatak naman ang pawis ng pagkatakot. Muli siyang pumiglas at bumalikwas ngunit puno ng pwersa at lakas ng guwardya. Malakas ang pagkakasipa at pagkakatapon nito sa kanya papalayo sa kanyang kinatatayuan. Humampas sa magaspang at mabatong

40

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

daan ang kanyang mukha. Tuluyang siyang napaluha at namilipit sa sakit. Mabagal siyang tumayo dahil sa sakit na tinamo. Nang makatayo ay pinagpag niya ang lumang damit na nabalot ng alikabok at tuyong putik. Paika-ika siyang pumunta sa tabi habang nakatitig sa guwardiyang nangingiti-ngiti pa dahil sa nangyari. Muli niyang ibinaling ang kanyang paningin sa tindahan. Napabuntong hininga na lamang siya habang nanginginig ang buong katawan. Napansin na lamang niyang pumapatak na pala ang butil ng luha sa kanyang hawak-hawak na imahe ng manika. Hindi man niya nahawakan at nakuha ang minimithi ay sapat na sa kanya na nasilayan ito at nakapagdulot ng panandaliang kasiyahan sa pusong naghahangad sa kabila ng kanyang dinanas. Iiwan niya ang bagay na iyon na umaasang makikita at maaangkin ito gamit ang kanyang pagsisikap at pagsasakripisyo. Habang naglalakad nang paika-ika ay mas lalong lumakas ang kaniyang paniniwala na hindi magtatapos ang kanyang mga ninanais at pangarap sa buhay sa lipunang malupit at mapanghusga. Na kinakailangan niyang itayo at iangat ang kanyang sarili sa pinakamabuting paraan. Na igagalang ang kanyang pagkatao, kung sino at ano siya. Na sa kabila ng lahat ay wala siyang sakit na dapat kamuhian at pandirian ng lahat.


Voices Mary Julia Thera Guevarra

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

41


War tale

Lumad-laban Kristine Camille Sulit

42

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


John Leir T. Castro

Into the alley they took a turn ; there truth was torn from their tongues. A packet each for a pocket of a pale corpse. Mother, we must be mad, the Devil has moved out from under our beds. Nights are longer, darker; we watch his shadow heaving bodies, holsters heavy; warm. We hear sirens screaming but we are not the emergency ; the ambulance sits empty on the parking lot. The Devil scurries; clears the streets of clotted blood, scared that someone will come to collect. Weary, worried eyes peeking through a crack in the window await daybreak ; the sun to light their torches on. We must give the Devil a call.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

43


This Is What Healing Sounds Like

Bernice CaĂąa

Years after the dust settles, a man walks barefoot to the riverbed in tattered clothing and settles among the weeds that choke the wet black earth. No one asks him why he’s there. His clothes are tattered because he wants them to be.

A mother loses her son in the morning and gets him back at night. Bird-boned, she tells the men who bring him back, and flying too soon. Her hands tight around his sullen shoulders. The men remember their youth and smile. Their silver badges catch the dim yellow light, gleaming. Nothing about this is tragedy. Lovers go on walks late at night. A woman looks for her coffee cup and finds a gold ring instead. People crowd onto trains and somewhere a girl kisses another girl for the first time. We move the last of my boxes into your room. The only tragedies we suffer are soft ones, easily swallowed. The moon is full again.

44

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Last night I dreamt of a rainforest blooming in the hollow of a skyscraper of trees bursting through glass windows. Vine-thick snakes draped across desks. A waterfall, hanging from the twenty-seventh floor. Wild leaves scattered in the lobby like confetti. I pull a brand new river out from the elevator’s spine and cold water spills out onto the streets like wholesale benediction. God. To live for years with soot and war on your face. To walk through a city, on fire and howling. To forget the way that calm tastes like forgiveness. To crack open a new book and feel the ocean inside come rushing into your palms. To dive into filth and come up into the green, fertile light. To walk through hell and come out singing.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

45


Hinati-hating Hatinggabi Jerald Jay Rebenito

Mag-aabang tayo sa isang sulok Ng masikip na eskinita ng ating isip. Magpapakahunyango. Magpapanggap na anino ng dilim. At sa oras na makita natin siyang dumating Ay bigla na lamang nating Uundayan Ng siyamnaput-siyam Na saksak Ang hatinggabi. Walang sabi-sabi. Kukunin ang lahat nang pwede pang mapakinabangan, Sa butas na bulsa nya Na ang tanging laman lamang Ay isang lumang pitaka. Kung saan nagsisiksikan Ang samu;t-saring alaala: Mga kupas na larawan Ng mga ayaw malimutang nakaraan. Mga I.D. na laging handang magpapaalala Sa kung sinu-sino tayo Bago mawala sa katinuan. Mga resibo na simbolo Ng ating pagiging gahaman. At ilang barya pamasahe pabalik sa kasalukuyan. Pagkatapos noon, Wala na.

46

ALPAS Volume 1 Issue No. 1


Kahit anong kapa Ang ating gawin Wala na tayong mapapala Kundi isang malaking Panghihinayang: “Sana pala itinulog ko na lang...� Saka lang natin sya bibitawan. Ang hatinggabing walang kalaban-laban. Habol-hininga. Nakahandusay. Agaw-buhay. At kagaya ng nakagawian, Muli tayong lilipad sa kalawakan Na parang isang manananggal Na palaging hati ang katinuan.

Chasing Stars Elisha Darusin

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

47


Time Jonathan de Chavez

48

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


at 10 p.m. after the battle Lev Rosario

when the storm of evening finds rest in a blowing fan and the saintly Fires commit to a sheltered candle Revolutionary fervor in an instant of muted desire Crumble like a broadsheet in Rain

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

49


The Moonlit Painting Antolin Sanchez

Upon moonlit terrace stay The painter swept away Brushing and painting The swirling and blotting Of Life’s dew And Love’s brew The pink shade anew When first steps drew Waking to the world In mother’s hold A father’s tears The baby’s fears The blot of blue To one held true A mutual soul To make it whole A friend to keep A good night sleep

50

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


The red adorned A time to mourn Of anger’s hold Enflamed and told To a time torn By wrath and scorn The yellow glimmers Like a glitter As the best of times Filled with smiles The sunshine dew Of Life flew The purple revels With regal level The many feats Of one elite Achieve, attain And more to gain As the colors swirl They twirl and whirl In a trance of dance Like in romance Mixing and coalescing To form a moonlit painting

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

51


Nowhere Man Taleo Je Nanti

Pagmumuni-muni Tricia Nicole Dayrit

52

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


The first writer I ever knew was my Uncle Andy. My mother, Nanay, is also a writer but I have no memory of seeing her writing even now in my later years; it was always Uncle Andy. My earliest memories are of him, of his incorrigible habit of writing daily, the practice of surrendering himself to the business of an old, smallish typewriter throughout odd hours of the day. If he didn’t work with the typewriter, he wrote on a small worn-down clothbound ledger by a window, the practice of which I attest, in my own literary pursuits, to be much too distracting. Even in his old age, tall and lean as he always has been, Uncle Andy can be found standing by windows or out on the balcony, looking out into the sun like a cat. On rainy days, he always chooses to stay outside, catching a cold or Nanay’s ire, and often both when she fails to find the one umbrella we have in the house.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

53


I would eventually inherit the typewriter, or rather, claim it as my inheritance. I could not have asked for his permission because Uncle Andy does not talk anymore; it is well over five years since he has last spoken after suffering a stroke which paralyzed half his body, the resulting silence of which my relatives have simply dismissed as either arthritis or solitude. Uncle Andy is entirely mute except for the few grunts he uses to communicate “hello, how was your day”, “please help me shave my face”, “I am going to bed, good night”, and “would you care to eat dinner with me”. Only recently, he has added crude hand signals which are conveyed through his one good hand. With incontinence, colic, narcolepsy, and the inability to bathe himself, he is closer to now to being a child than he has ever been in his life. I had the typewriter repaired. I did not consider repainting it: the rust made it look more authentic and it maintained shades of plush olive green in the places where his hands never rested. The small bell that indicated the end of the line is beyond restoration; there would always be a need to monitor the words as they come out, necessitating the habit of looking up every few seconds or risk hitting the edge of the paper and thereafter rewriting the entire page out of the need for perfection. Much like everyone who begins developing the skill of typing, when I was around eleven years old, most of my attention was focused on pressing the right buttons. Years since, I have learned to type with my eyes closed; with regard for neither the paper nor the keys, focusing on the ideas, as one should but I could never do that with the typewriter: the first five letters were QWERTZ, there was no number for

54

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

1 and you had to use a capitalized letter I instead, semicolons were typed using a colon, a backspace, and a comma, and contained many more little absurdities that were commonplace at the time of its manufacturing, much like Uncle Andy. Typewritten font is beautiful; portions of what I write, I re-type through the typewriter, keeping them piled in the corners of my room. This is a habit Uncle Andy and I share although he was the more meticulous one and while I have never read any of his work, I remember seeing stacks of paper, baked by age to a perfect brown, in the secret spaces of his bedroom amongst the hair-thin spiders. I do not know if they were stories, essays, or simply the random thoughts one gets from windowsills or balconies. When Typhoon Frank submerged the ancestral house in 2008, he barricaded himself in his room as the flood waters rose to his waist. My father and brothers had to break the door down and carry him on his back while the old man violently thrashed as if to scream put me down – let me get my work. Since then, all memory of his life lay in an outworn wallet. When my aunts abroad used to regularly visit, they would leave their spare change with him. Whenever bills for electricity or water came we’d discover, by the one telephone we have in the house, out-of-circulation ten-peso bills and a few centavos, similarly large and easily mistakable for five-peso coins. Through the years, my aunts have come home fewer and fewer times and the wallet has since been emptied, its only remains are the sentiments from the different lives he has lived: as a police officer, a service boy at a local gas station, his driver’s license from when he still had black hair, and there is a


picture that has long since faded, cracked and brown, that I will never know about. Uncle Andy has survived a multitude of illnesses without any modern medication through a stubbornness that is best remembered for that one time when he fell from a ladder, upon his insistence that he change his own light bulb, and broke his ankle at the age of seventy. It was with the same stubbornness decades earlier that he survived a rebel-terrorist ambush that fatefully condemned to lifelong heartache. Following the departure of his long-time girlfriend, Uncle Andy was relieved of police duty sometime in his early- or mid-30’s due to the onset of Post-Traumatic Stress Disorder which was disregardable at the time as cowardice. This was something that my grandfather – Lolo Iko, a World War 2 veteran – could not possibly condone at the time. As I grow older, more stories of my late grandfather surface; I suppose it is just now that people have begun feeling comfortable talking about him. My grandfather beat him with blunt weapons, spat on him, screamed, and humiliated him every single day of his life. I suppose the old man saw the PTSD as weakness and seeing his eldest son sprawling on the floor, crying, bleeding, not fighting back despite his physique and police training was unforgivable. Maybe the old man wanted to be hit, I suppose it had something to do with masculinity; maybe he wanted to be proven wrong. Neither my grandmother, Lola Lea, nor the rest of Uncle Andy’s seven siblings did anything to stop it. My Uncle Francisco II, named after my grandfather, and his wife even joined in until they eventually moved away some time in the early 2000’s, leaving Uncle Andy in peace.

I imagine if Uncle Andy had fought back, his life would have gone differently – but then again, if he did, he wouldn’t be Uncle Andy. When Lolo died in 1997, I remember Uncle Andy standing over his coffin, crying in silence, no one else around him. He was reading something from a piece of paper, folded several times over, which he took out from his shirt pocket, an act whose meaning - whose significance - was beyond the grasp of my then six-year-old mind. Whether Uncle Andy and Lolo Iko ever reconciled, I don’t know. When asked about it at the time, my Uncle Andy said to Nanay: “It was all done in anger; he did not mean any of it.” After the burial, Lola Lea went to Houston, Texas to live with my Aunt Alanna; I wouldn’t see Lola Lea until some years before her death, when she moved back to the Philippines because the latter had developed the early signs of scoliosis after years of service as a nurse. Aunt Leona went back to Switzerland, Aunt Heidi returned to the convent, Aunt Gloria and Uncle Francisco II to their families, while Nanay looked after the house. Uncle Andy would eventually inherit the room in which the old man slept. Lolo Iko and Lola Lea slept in separate rooms because of his midnight panic attacks. By Nanay’s discretion, we had Lolo Iko’s room rebuilt for Uncle Andy, tearing down a dividing wall to unite the husband’s and wife’s room and accommodate a much larger space in the corner of the old house. Uncle Andy has since slept in the same spot my grandfather did, initially on a bed he had built himself from spare wood until Nanay bought a broken hospital bed and had it renovated for him to use sometime in the early 2000’s. For his safety, the makeshift bed has long been condemned as firewood, secretly responsible for a hot,

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

55


nameless summer dinner because Uncle Andy is overly sentimental and would have kept it until it exploded into sawdust under the full fifty kilograms of his body. The house decays; several times we have had it rebuilt, asking for money from my aunts abroad who are bankers and nurses. There are snakes under the floor tiles, there are rats in the pipes, in the bathrooms are young frogs that feed the centipedes, there are geckos in the upholstered furniture, hunting the roaches, and there are termites everywhere who shit rust instead of dust, because rust does not multiply this quickly without some fantastic explanation – and still Uncle Andy refuses to leave. My aunts lobbied Swiss francs and US dollars to pay for his expenses, most of which went to the maintenance of the house and to pest exterminators. When Uncle Andy finally passes - Aunt Leona said - she would consider demolishing the house. One afternoon, I brought the typewriter to Uncle Andy with the intention of asking for his blessing but more so perhaps to have him say something through it. I showed him that it really is working now – that, after all, it was rightfully his – and I waited as the fingers on his good hand reached for the keys. He began typing, first with just one finger, then two, then three - all of it as intelligible as monkey gibberish. Then he stopped, the typing petering out gradually like they began. With a grunt, he pushed it back towards me, and smiled. In times of famine and struggle, the ancient Japanese had a tradition they called Ubasute: the Abandonment of the Elderly. Old people who could no longer work were carried to the tops of

56

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

mountains and left to die. Elderly women were usually the first victims, hence the literal translation: ‘abandoning an old woman’. They were carried on their sons’ backs, breaking twigs and branches along the way, and dropping these behind them to form a trail which sons could follow home. One story went that a villager had refused these orders upon realizing how much he loved his mother. Throughout the winter, he kept her hidden under the floorboards where she whispered instructions concerning decisions in the household. Seeing as to how well the family was doing, their neighbors asked for advice and the old woman answered through her son. The two would end up saving the entire village from famine. I think about my uncle whenever I remember that story. I watch movies that celebrate old age and wisdom. I call them beautiful and suggest these to friends. I play the guitar to Neil Young’s Old Man as Uncle Andy takes a nap on the chair, watching his bony frame melt like candle wax, occasionally bubbling to life to accommodate a coughing fit. I listen to the stories of love and labor that my father’s cirrhosis-afflicted workers confess at the end of the day halfway through a song, the same songs sung only by drunk men or men in the process of getting drunk. There was no wisdom to be found in Uncle Andy. To my family, he was failure personified, lack of willpower and disincentive made human. Uncle Andy was a burden whose greatest achievement was having been born to a family that took care of him in his old age. Free, instantaneous pension by birthright, they called it. The people who do talk to him during the reunions take pictures with him, upload it to social media to inform my aunts abroad. When


the next Balikbayan Box arrives, they have new shoes, new perfumes, acne for a month from the new chocolate, and new designer makeup with which to cover that acne. The cycle repeats itself next year every Easter Sunday or New Year’s as proof of a trophy kill. All in all, I do not think Uncle Andy minds because God’s work done by the Devil is still God’s work though at one point, Uncle Andy was the Devil. As the bogeyman for the children, Nanay would say: “If you ever need motivation for success, just look around and see everything you dislike. Do you want to grow up to be your Uncle Andy?” I know she did not mean it. When she saw us raising our voices against him, joining our older cousins in ridiculing his walk and talk, she was always the first one to step in. Please understand your uncle has been Nanay’s mantra for tolerance, patience, and compassion for the old man. One day, in anger, I finally responded: “But what is to understand? He hasn’t done anything in his life. If we took care of pigs instead, we could at least slaughter them for the table.” “You will know what it is like. You will also be like that when you are old and then you will understand. He is only trying to help.” My relatives call him a coward to his face and in many other ways; they imitate his only means of communicating, feign their hellos to shake his arthritic hand and see who could make him grimace through his smile. In the midst of it all, he simply smiles. All the old man does is smile – it is either he does not care, he cares too much to say anything, or he is simply deaf. The last one normalizes the practice of

shouting at him, justifies it at the end of the day, and Nanay would make all efforts to disprove this by calling to him from across the living room, only to be greeted by a small grin that could mean so many things from a writer. It is in the rarity of his speech and, I suppose, his being a writer that compels us to double the value for everything he says, to routinely dissect each of his words for multiple interpretations like Holy Scripture or fine literature. The same went for all his actions which were open to either cynical or idealistic interpretations and he has always been difficult because of it – mostly because we were. With one hand at the age of seventy-two, he carried five-gallons of drinking water only to have it slip, breaking the container to form freshwater puddles that murdered a colony of ants and from which the dogs drank. This has happened at least half a dozen times until my brothers were ordered to keep him distracted while we unloaded the water because the mere sight of it compelled Uncle Andy to help. He checked the rice box each and every day; the moment it runs low, it sends him into a panic attack, unleashing a noise barrage of shouting and tipping things over, like a cat does in its leisure. Corel plates and fine china he insisted on washing himself were broken but he was luckily never cut. He was later given a plastic plate which he drummed with a metal spoon in a hoeing motion each time he ate to ensure every grain of rice was eaten. He checked the bottom of his plate for shreds of food that he may have missed. He only eats at a specific location on the table, insisting that he draw his own chair (solid fifteen-kilogram mahogany), causing an uproar due to the uneven floor tiles. For dessert, he ate

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

57


bones and leftovers set aside for the dogs. His coughs send him into spasms, once vomiting green phlegm on the dining table and he has since made an effort to vomit on the floor instead. He had at one time wandered off for several hours and was later found at the district plaza, simply sitting there and enjoying the sunset. Locking the gate was a means of keeping him in and keeping others out as he had on several occasions invited strangers into the house, once prompting my father to evict them at gunpoint. When the gates had been chained, he allowed children to scale the fence and later encouraged them to climb the giant mango tree to pluck its fruits; Nanay feared a lawsuit and the walls have since been crowned with barbed wire and broken glass that the typhoons eventually uprooted. One time, he swabbed the house with a dirty mop and it reeked of dog urine until Nanay came home and regularly sprayed Downy for a week. The large narra doors were thrown shut because his gnarled hand cannot grip the knob. He insists on opening the screen doors himself, even for the cats, putting his paralyzed hand to your chest as a gesture saying please wait as he rushed limping to the door to open it for you. On Sunday afternoons, he simply waited by the door until anyone came but the cats mostly nap the longest during this time. The sudden panic attacks and random shouting, the emotional blankness, and his uncompromising adherence to routines were all futile means of introducing some level of control over his otherwise uncontrollable life. It necessitated the hiring of caretakers to look after him; pimpled teenage girls from the rural areas up north whom he would call by different names: one he

58

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

referred to as Dorothy, while another was Brit, which Nanay assumes is after Dorothy Gale and Britney Spears. The girls eventually eloped with a freighter driver and a security guard against Nanay’s advice and have since lived the rest of their lives undergoing the same domestic abuse that Nanay warned them about. Others physically hurt him; Nanay had to evict them following her own private investigations and she would not tell us why they left until years later when their faces and real names have been forgotten. When Dorothy and Brit do happen to visit, sunburnt and sickly thin, they would give Uncle Andy a kiss which is easily enough to make the old man cry and laugh at the same time. When my father declared bankruptcy a few years ago and we could no longer afford the caretakers for Uncle Andy, my family thought about putting him in a geriatric home but my aunts abroad wouldn’t hear any of it: “God must love him if He has kept him alive for this long.” Most nights, I continue writing my novel on the typewriter. The protagonist, Kapitan Ilderan Recuerdo, is closely based on my Uncle Andy were he capable of speaking again: “If I die, I am convinced that neither heaven nor hell would want me. I am going to live forever. If I do not die, then that makes for something different altogether.” It is through Kapitan Ilderan Reucerdo’s adventures that I am able to understand my Uncle Andy. These stories have made their way into my novel and, through fiction, Kapitan Ilderan Recuerdo murders his own father and brother in self-defense, has a wife and son, and becomes a beloved politician following a decorated career in the military.


I heard him speak for the last time a few years ago when I was taking him for a haircut. He pointed towards a parked car, saying: Su-zu-ki. I didn’t think much about it then but that was the first time he said anything coherent in over half a decade. I told Nanay about the incident when we got home and she told me she heard him one afternoon ago, staring out into the siesta-inducing heat, singing The Beatles’ Nowhere Man: He’s a real nowhere man Sitting in his nowhere land Making all his nowhere plans For nobody Aunt Leona has recently been diagnosed with hepatocellular carcinoma, Aunt Alanna has a metal rod that serves to alleviate her severe scoliosis, Uncle Francisco II is still an asshole, and the

youngest Nanay has just reached 60 years old but because the eldest Aunt Felicidad who still frequented the same night clubs from five decades ago was simply too headstrong for death, at my Aunt Gloria’s wake, my drunk cousins asked, “who do you think is going to die next?” “I don’t know,” I told them. “Uncle Andy, I bet.” “I don’t know.” I remember Suzuki, the typewriter, the doors always being open, and I remember the smiles. I suppose the smiles have always meant: “thank you for noticing me; it means much to me.” If you look at it that way, I do not think he will die that easily. It would go against everything that he has ever suffered in silence or ignored with compassion. I expect he will live for twenty years more which is enough time for me to eventually apologize.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

59


A Guide to Barely Living John Leir T. Castro

Hibla ng Buhay Klarissa Imperial

60

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Ang Bagong Kahulugan ng Hustisya at Kapayapaan Jester Cuyno

Hustisya at Kapayapaan, pakipaliwanag sa akin kasi hindi ko talaga maintindihan Minulat akong bukambibig ang Panatang Makabayan Araw araw na sumusumpa ng alyansa sa Bayang sinilangan, Inaawitan ang Watawat na dala ng bagong liwayway sa paaralan. Naniwala akong Duyan ito ng Magiting dahil nalaman kong humarap pala si Rizal nang barilin. Pagsusulit pa namin ang Teatrong Dulaan ng Ibong Adarna hanggang El Filibusterismo sa Liwanag at Dilim, naniniwala akong hindi papasilaw sa kapangyarihan ang kausap ni Emilio Jacinto Pero sa lahat ng ito, gusto kong makamit ang Hustisya at Kapayaan na mailap sa Lupang hinarang.

Nagising akong umiiyak si Nanay. “Dapat hindi mo nalang pinatay! Sana ginahasa mo nalang at pagtapos parausan ay hinayaan mong mabuhay”, Humahagulgol habang yakap ang malamig na bangkay ni ate Patay na si Ate. Sinilid siya sa Sako pagtapos gilitan sa leeg dahil nakursunadahan ng kumpare ni Tatay Pangarap niyang ipagawa ang bahay pag nakatapos ng Narsing Kinagabihan hindi na umuwi si Kuya. Nagbabantay daw ng Tindahan nang maisipang pumunta sa kaibigan May lumapit na dalawang alagad ng batas; pinag hinalaan, kinapkapan , tinamnan, pinutukan Nanginginig na nakahandusay “tama na po!”, nagmamakaawa sa huling yugto ng buhay at pag talikod, sa katraydurang malala pa kay Rizal, may kumalabit sa gatilyo’t sa eskinita humandusay Patay na si kuya. Maraming nakakita pero walang gustong tumistigo dahil takot silang paglamayan tulad ni kuya.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

61


Pumasok ako sa Paaralan. Nanumpa ng Alyansa sa Bayang Sinilangan Umaasang kukup-kupin ako’t tuturuang maging malakas, masipag at marangal Sa paraalan ay malaya ngunit kada uwian ay nagdadasal Na sana’y may datnan pa akong bukas pero hindi ko na alam Nagtatanong sa sarili kung ang Hustisya at Kapayapaan ay ginawa lang ng lipunan para utuin ang tao tumutulo ang luha dahil alam kong maganda lang pakinggan pero ito ay isang malaking kasinungalingan Payapa bang maituturing ang paghandusay ni kuya daan? Hustisya bang pinagparausan si Ate dahil nakursunadahan? Tikom ang mga bibig ng dapat sana ay nagsabing “nakita ko ang nangyari. Sila ang bumaril” Naitala pa ng lente, pinanood sa balita pero walang pa rin silang nakita Habang nag-uusap tayo ngayon, lagalag ang mga paang naghahanap ng bagong aakit para ibsan ang kati.

62

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

Sa pag tayo ng tuwid at paghawak ng kanang kamay sa kaliwang dibdib, bumulong ako sa hangin “Ang bagong kahulugan ng kapayapan ay pagtahimik sa krimenlg nakita Dahil wala tayong problema hanggang walang magsasalita Ayos ang lahat kung hanggang bingi sa iyak ng maralita na walang kakayahang ipagtanggol ang sarili Kaya’t dugo sa lupa ang sumisigaw ng hustisya Patay na si Rizal pero buhay pa rin ang pumapatay Malaya na tayo pero ang pag-iisip at boses ay kandado Wala nang kalaban dahil hindi na natin kilala kung sino talaga ang kakampi Hanggang ang lahat ay walang pakialam, ito ang kapayapaan Hanggang isang pilak ang halaga ng dugo ni kuya, ito ang hustisya Anong nangyari sa Lupang Hinirang? May saysay pa ba ang manumpa sa Bayang Sinilangan? Kung ito na ang kahulugan ng Hustisya at Kapayapaan Sana’y kung barilin mo man ako, dito na lang sa harapan


Hawla Megel Joshua Ramiterre

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

63


Cockroach Lev Rosario Departing the shower and then in a black jet haste into I see morph a black pill

Mirrored Trees Mandala: Illuminated Stranger Ja Turla

64

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


screams.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

65


PA D I YA N : Lagakan ng Kuwento ng Maguindanao

Mubarak Tahir

66

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Ilang taon na rin pala ang nakalilipas nang lisanin ko ang probinsya ng Datu Piang, Maguindanao. Hindi pa man buo ang musmos kong alaala sa panahong yaon ngunit lumilitaw pa rin ang mga pirapirasong larawan ng aming probinsya. Mga larawan na pilit kong ipinipinta at binubuo magpahanggang ngayon. Patuloy pa rin bumubulong ang matatamis na indayog ng mga agong at kulintang sa hibla ng mga karanasan na bumuo sa kung sino at ako ngayon‌

Light Amidst the Darkness Nikki Hilado

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

67


Kilala ang bayan ng Maguindanao bilang isa sa mga tampulan ng gulo tulad ng Ampatuan Massacre at ilan pang magkasunod na digmaan. Ito ang pagkakakilala at naging tatak ng hindi man lahat ngunit karamihan lalo na ang hindi mga bahagi ng kuwento ng bawat may buhay sa Maguindanao. Mga kuwentong maaaring maunawaan at mas marami ang hindi makakaunawa dahil sa kawalan ng kamalayan sa kanilang bayan. Hindi maiintindihan dahil sa hindi pagkakapantay-pantay ng kinalalagyan sa lipunan. Hindi mauunawaan dahil sa hindi magkaparehong pananaw sa pananampalataya at paniniwala. Isa sa mga barangay ng Maguindanao ay ang Kitango, Datu Piang. Ito ang bayang kinamulatan ko. Ang bayang humulma sa aking pagkatao. Ang bayang humubog sa aking prinsipyo, pananaw, at paniniwala sa buhay. Ang bayang nagbuklod sa aking kinalakhang pamilya. Ang bayang yumapos sa katotohanan na sa kabila ng lahat maaari akong mamuhay at magpatuloy sa buhay. Pitong taong gulang ako nang magsimulang mahubog ang aking pananaw at pagmamahal sa bayang kinalakhan, ang Kitango, Datu Piang, Maguindanao. Wala mang kamuwangmuwang sa tunay na imahe ng buhay ay patuloy namang naglalayag ang aking kamalayan sa aking kapaligiran, sa aking bayan. Araw ng Linggo at abala ang lahat sa araw ng pamamalengke sa padiyan1. Mabibili

1. P adiyan- araw ng pamamalengke tuwing Linggo sa Kitango, Datu Piang, Maguindanao 2. W ata Mama- tawag sa batang lalaki sa wikang Maguindanaoan.

68

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

sa padiyan ang lahat ng pangangailangan ng bawat isa: mula sa iba’t ibang uri ng damit, kagamitang pambahay at pansaka, mga hayop gaya ng kalabaw, baka, manok, kambing, at pato, at higit sa lahat iba’t ibang uri ng mga pagkain na tila nakakabit na sa tradisyon ng mga Maguindanoan ang ganitong eksena. Sa araw na ito nagtitipon-tipon ang lahat hindi lamang upang mamalengke ngunit ang makita ang magkakaibigan at magkakamaganak. Isang tradisyon na maituturing ang ganitong kaganapan lalo’t nangyayari lamang ito isang beses sa isang linggo. Walang ni isang malaking gusali gaya ng mga mall sa mga syudad ang bayan ng Maguindanao maliban na lamang kung pupunta sa Lungsod ng Cotabato at Tacurong, pinakamalapit na lugar na masasabing maunlad. Pitong taong gulang ako nang simula kong pagtagpi-tagpiin ang magagandang kaganapan sa aking bayan. Isa lamang sa mga hindi matatawarang karanasan ko ang masaksihan tuwing umaga ang pagdaan ng mga mamimili sa harap ng aming bahay. Dahil bata, mababaw lang din ang aking kaligayahan. Hindi man makabili ng bagong damit at masasarap na pagkain, sapat nang masaksihan ko ang ngiti, tawa at halakhak ng bawat dumaraan. “Wata Mama2, ‘di ka ba sasama sa pamamalengke?” tanong ni A’ma habang inihahanda niya ang kanyang lumang salakot. Agad kong tinungo ang balon sa bakuran nang marinig ko ang pag-aanyaya ni A’ma


upang maligo. Tanging ulo ko lamang ang nabasa dahil sa pagmamadali at sa sabik na nadarama. Mas lalo akong hindi napakali nang marinig ko ang iilang ritmo ng kulintang at agong habang naliligo na nagmumula sa may ‘di kalayuan. Bihira ko lamang maulinigan ang ganitong tugtog at sa wari ko’y may mahalagang pagdiriwang na naman ang magaganap gaya ng seremonya sa kasal. Tinungo namin ni A’ma ang padiyan sakay ng bisikleta. Mangiti-ngiti ko ring nilalasap ang malamig na simoy ng hangin mula sa malawak na luntiang palayan habang nakapalupot sa likod ni A’ma. “Wagka masyadong gumalaw, Wata Mama”, paalala ni A’ma nang mapansin nitong hindi ako mapakali nang makita ko ang mga maya at ibang ibon na malayang lumilipad at tila sinusundan ako. Patuloy sa pagpadyak si A’ma nang naisipan kong isadsad ang aking paa sa tabi ng mabatong daan na may dumadaloy na tubig na tumaboy sa mga itik na nagtatampisaw. Napahalakhak ako. Natigil lamang ako nang mapansin kong malapit na kami sa padiyan dahil sa kumakaway na samo’t saring kulay ng banderitas na wari ko’y kumakaway sa’kin mula sa kinatitirikan nito. Sa pagkakataong iyon ay mas lalong lumakas ang tugtog ng mga kulintang at agong na para bang sumasabay sa pagpintig ng aking murang puso. Nang maitabi ni A’am ang kaniyang bisikleta, inikot na namin ang padiyan. Halos hindi mahulugang karayom ang daan na nag-uugnay sa bayan kung saan nakalatag ng mga paninda. Kaya gayon na lamang ang higpit ng pagkakakapit ko sa magaspang at kulubot na kamay ni A’ma. Sa saglit na mabitawan, panigurado’y

aanurin ako nitong karagatan ng mga tao, at tuluyan nang maliligaw sa sunod-sunod nitong mga alon. Nahinto kami ni A’ma nang bumili siya ng tabako. Napansin kong halos may-edad na ang namimili ng tabako. Kumuha si A’ma ng isang hibla ng dahon ng tabako at dahan-dahang inilapit sa kaniyang ilong. Marahan siyang pumikit, at huminga nang malalim, wari’y masugid na nakikinig sa anumang lihim na ibinubulong sa kaniya ng dahon. Nang matapos ang kanilang komunyon, dumilat si A’ma, at ipinabalot sa tindera ang dahon. “Ano ang gusto mong kainin, Wata Mama?” tanong sa akin ni A’ma habang nakatitig sa akin na may kasamang ngiti. “Dudol, A’ma ko!” mabilis kong tugon sa kanya. Isa lamang ang Dudol na tatak ng mga Maguindanaoan. Gawa ito sa malagkit na pulang bigas na giniling at matagal na niluto sa katas ng niyog at pulang asukal. Nang matapos maluto ay ibinalot ito sa tuyong dahoon ng anahaw o ‘di kaya ay sa balat ng palmera. Tatlong piraso ang binili ni A’ma sa akin kasama ang ibang kakanin na tulad ng panyalam, tinadtag, kumukunsi, plil, at inti- mga kakanin na kinahiligang ihanda ng mga Maguindanoan. Hindi namin nabatid ang bilis ng oras. Napansin na lamang naming na magtatanghali na pala nang tumawag sa aming pang-amoy ang pastil. “Wata Mama, managhalian na lamang tayo ng pastil bago tayo umuwi”, anyaya ni A’ma na kababakasan na ng pagkahapo ang kanyang mukha. Alam na alam na ni A’ma kung ano ang

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

69


gusto kong pananghalian: ang pastil at nilagang itlog ng manok. Hindi buo ang panaghalian kung walang pastil sa hapag ng bawat kainan sa padiyan. Sa lahat ng kainan sa padiyan. Mabangong kanin na may giniling na adobong manok sa ibabaw at ibinalot sa berdeng dahon ng saging na sapat na para punan ang nagwawala kong sikmura. Muli naming tinahak ang bakubakong daan pauwi bitbit ang supot ng tabako at kakanin na pinamili namin ni A’ma. Hindi ko ramdam ang init nito dahil sa malamig na simoy ng hangin hatid ng sumasayaw na luntiang mga dahon ng palay sa sakahan. “Assalamu alaykom”3, bati namin kay I’na na abala sa pag-iigib ng tubig sa balon bilang paghahanda sa pagluluto ng pagkain sa hapunan. Buong galak kong ibinigay kay I’na ang pinamili namin ni A’ma. Kinuha ko na rin ang pang-igib sa kanya upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa. “Mag-abdas ka na nang makapagdasal ka ng Duhor”, malambing na paalala ni I’na sa akin habang iniaabot ang pang-igib sa akin. Hinugasan ko ang aking mga kamay nang tatlong beses nang matapos akong mag-igib at sinundan ng pagmugmog, paghilamos, pagsinghot ng tubig at inilabas, at hinugasan ang braso hanggang siko. Muling kumuha ng tubig at isinubsob ang dalawang kamay at ipinahid sa ulo hanggang batok at muling inikot ang dalawang hinlalaki sa tainga. Panghuli

3. A ssalamu alaykom- sumainyo nawa ang kapayapaan

70

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

kong hinugasan ang kanan at kaliwa kong mga paa. Ito ang proseso ng paghuhugas ng iba’t ibang bahagi ng katawan na mula ulo hanggang paa bilang palatandaan ng pagpapakadalisay bago humarap sa Kanya na Allah. Hindi maituturing na katanggap-tanggap ang isang pagsasamba kung walang paghuhugas. Nabanggit din ni A’ma na kinakailgang pagbutihin ang pag-abdas nang hindi dumikit ang naglalagablab ng apoy sa impiyerno sa araw ng pagthuhukom. Ayon na rin sa katuruan ng aming paniniwala, ang pagdarasam ang unang hinuhusgahan ng Allah sa kabilang buhay at sa araw ng paghuhukom. Kapag hindi maayos ang pagkakahugas ng mga bahagi ng katawan ay hindi tatanggapin ang pagdarasal, at kapag hindi tinanggap ang dasal ay hindi ka rin nagdasal sa Kanya na Allah. Dumating ang isa sa mga pinakamahahalaga at pinakadakilang buwan sa pananampalatayang Islam, ang buwan ng Ramadhan: ang buwan ng pag-aayuno. Itinuturing ito na kabilang sa limang haligi ng relihiyong Islam na kinakailangan isagawa batay sa iba’t ibang patakaran at kondisyon. Hindi lahat ng mga Muslim ay obligado itong isagawa. May kondisyon bago makapag-ayuno ang isang Muslim: may lakas at tibay ng pangangatawan, nasa tamang gulang na pitong taong gulang pataas, nasa gitna ng paglalakbay, hindi dinadatnan ng regla kapag babae, hindi nagpapasuso at hindi bagong pangaganak. Ang mga batang hindin pa tumuntong ang edad sa pito ay sinasanay na sila ng kanilang mga magulang, hindi man matapos ang buong araw ay sapat na iyon upang masanay sila. Ang mga babaeng dinatnan ng regla


sa loob ng buwan na ito ay inaasahang kanilang papalitan ang bilang ng araw na na hindi sila nakapag-ayuno at ganoon din ang manlalakbay. Nasa tamang gulang na ako upang mag-ayuno kaya ito ang pinakahihintay kong buwan sa buong taon. Hapon nang maisipan ni A’ma na mamalengke bilang paghahanda sa unang araw ng pag-aayuno. Hindi na niya ako isinama pa bagkus inatasan na lamang na lumikom ng mga panggatong na gagamitin sa unang linggo ng pag-aayuno. Kaya naman, tinungo ko ang isang gubat na hindi naman kalayuan sa aming bahay na karamihan ay puno ng niyog at mga mangga ang makikita. Isang sako rin ng panggatong ang aking nalikom na siya kong dinala kay I’na na gagamitin niya sa pagluluto. Alas syete ng gabi at oras na nang pamamahinga. Bago tuluyang matulog ay nakita kong nakaupo si A’ma sa isang lumang upuan habang namimintana at humihithit ng tabako. Karaniwang ganito ang senaryo sa bintana ng aming tahanan. “Maaga kang matulog ngayon, Wata Mama. Gigising pa tayo mamayang madaling araw, In Shaa Allah4”, paalala ni A’ma habang nanabako sa bintana. “Huwag mo rin kalimutan ang intensyon mo sa pag-aayuno bukas,” dugtong niya. Pagkatapos maghugas at magdasal ng I’sa5 at katulad ng kinagagawian sa kanayunan,

4. I n Shaa Allah- naway patnugutan ng Allah 5. I ’sa- pagdarasal mula alas syete ng gabi hanggang hindi sumasapit ang pagdarasal sa madaling araw 6. S allalahu Alayhi Wassalam- sumakanya nawa ang kapayapaan

maaga pa lamang nasa loob na kami ng kulambo upang matulog. Isang mainit na palad ang dumampi sa aking noo ang nagpagising sa akin. May kung anong bigat sa aking katawan ang siyang humihila sa akin pababa habang sinisikap na bumangon bilang paghahanda sa pagkain. Alas dos ng madaling araw pa lamang ay gising na kami upangn kumain. Ayon kasi sa katuruan ni Propeta Mohammad (Sallalahu Alayhi Wassalam6) na hango sa kanyang Hadith7, ipinagbabawal na ang pag-inom at pagkain ng ano man bago pa man lumitaw ang linyang puti na hatid ng pagsikat ng araw. Kung hindi masusunod ang ganoong katuruan ay hindi magiging balido ang pag-aayuno. “Wata Mama, bangon na nang makakain tayo. Nalalapit na ang panawagan sa pagdarasal sa Sub’h,” wika ni A’ma sa akin. Tuluyan lamang nagising ang aking balintataw nang tumambad sa aking pang-amoy ang sinabawang dalag na may tanglad. Agad akong bumangon at tinungo ang banggerahan upang maghilamos. “Mag-Bismillah8 ka muna bago kumain,” ani ni I’na habang inilalagay sa hapag ang umuusok na kanin. Hindi na bago sa aking pandinig ang paalala ni I’na bago kumain. Walang pagpapala sa pagkaing kinakain kung walang kasamang paggunita sa Allah.

7. Hadith- aklat na may kalipunan ng katuruan at kaasalan ng Propeta Mohammad (S.A.W) 8. Bismillah- sa ngalan ng Allah

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

71


Sinisikap kong lasapin at namnamin ang pagkain kahit niyayapos ng antok dahil naisip kong buong maghapon akong hindi iinom at kakain ng kahit ano sa mga oras ng pag-aayuno mula ikaapat ng umaga hanggang ikaanim ng gabi. Allahuakbar, Allahuakbar! Allahuakbar, Allahuakbar!9 Isang panawagan mula sa masjid para sa pagdarasal sa umaga. Hudyat din ito na hindi na maaari pang kumain at uminom ang sinomang nagsasagawa ng pag-aayuno. Kinuha ko ang munting Qur’an10 na nakapatong sa mesa na nasa sulok ng bahay pagkatapos kong magdasal. Sa paniniwalang ang bawat titik na nasa banal na aklat na ito’y may katumbas na sampung gantimpala. Sa buwan din na ito ipinanaog sa pamamagitan ni Anghel Gabriel sa Propeta Muhammad (Sallalahu Alayhi Wassalam). Kaya naman, ang lahat ng mga Muslim inaasam na mababasa nang may pag-unawa ang buong aklat bago matapos ang buwan ng pag-aayuno. “Wata! Wata Mama! Gising! Allahuakbar!” katagang gumimbal sa akin habang mahimbing na natutulog. Pilit kong inaaninag ang mukha ni A’ma at tanging paggalaw lamang ng kanyang tuyong mga labi ang aking nakikita at hindi ng linaw ng kanyang mga sinasabi. Tila ako’y bingi ngunit ramdam ko ang pagpintig ng aking puso, hindi ng kagalakan ngunit dahil sa pangamba. Tuluyan lamang bumalik ng aking pandinig ng hinila ako ni A’ma habang gumagapang. Malinaw na sa akin ngayon,

9. A llahu Akbar- dakila ang Allah 10. Q ur’an- banal na aklat ng mga Muslim

72

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

mayroong bakbakan, may gyera, may kaguluhan. “Sambitin mo ang Allahuakbar! Subhanallah!11” sabi ni I’na habang mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking nanginginig na kamay. Hindi ako nagdalawang isip na sambitin ang mga katagang yaon bilang paggunita sa Allah. Habang sinasambit ang mga ito tila nagliliparang ibon na nasa itaaas ng aking ulo ang pagsasalubungan ng mga bala ng paputok. Biglang nabuwal ang isang poste ng bahay at kamuntikan na kaming matamaan nito kaya naman gumapang kami papunta sa ilalim ng banggerahan. Tila mga paslit kaming pilit na ipinagsiksikan ang mga sarili sa isang lalagyan makaiwas lamang sa mga balang tila bang pilit kaming hinahanap. Napatingala ako sa mga mata ng aking mga magulang, hindi ko nararamdaman ang pagkatakot at pangamba. Ngunit ramdam ko ang isang paghahangad sa isang mailap na pangarap. Ramdam ko sa mga namumuong luha sa mga mata nila ang pag-aasam ng isang katahimikan pangmatagalan at hindi panandalian. Tumayo si A’ma upang tignan kung maaari na kaming lumabas nang bahagyang humupa ang bakbakan. Isang malakas na putok at bomba ang gumulat kay A’ma na kanyang ikinatumba sa kinatatayuan nito. Muli siyang napagapang. Mas lalong lumala ang putukan at ramdam na naming ang paggalaw ng kinalalagyan ng aming bahay dahil sa pagragasa ng sasakyang pandigma tulad ng mga tanke. Mas lalo pa kaming napakapit sa bawat isa at patuloy

11. Subhanallah- sambahin ang Allah


sa paggunita sa Allah. “Alhamdu lillaahi rabbil ‘alameen. ArRahman ar-Raheem Maaliki yaumid Deen. Iyyaaka na’abudu wa iyyaaka nasta’een. Ihdinas siraatal mustaqeem. Siraatal ladheena an ‘amta’ alaihim. Ghairil maghduubi’ alaihim waladaaleen. Aameen,”12 isang berso mula sa Qur’an ang tanging nasasambit ko habang patuloy na niyayapos ng nakakabinging putukan ang aming paligid. Napapanataag ako ng paggunitang aking ginagawa sa mga oras na iyon kahit hindi man sigurado sa aming kaligtasan. “Ceasefire!” isang sigaw mula sa labas. “Dali, labas na tayo!” sambit ni A’ma. Mabilis naming tinahak ang daang patungong padiyan sakay ng lumang bisekleta ni A’ma bitbit ang sajadah13, isang sako ng mga lumang damit, at lumang salakot. Sinikap ni A’ma na dalhin kami sa ligtas na lugar at iyon ang padiyan. Napansin kong tila dinaanan ng isang malakas na bagyo ang dating luntiang palayan habang tinatahak ang daan. Nabuwal na rin ang panakot sa mga ibon. Wala na rin ang nagtatampisaw na pato at itik sa dumadaloy na tubig sa gilid ng mga pilapil. Kay tahimik ng kapaligiran na para bang inagawan ng hininga at kaluluwa. Katahimikang nakakabingi hatid ng ingay ng kaguluhan.

12. A lhamdu lillaahi rabbil ‘alameen. Ar-Rahman ar-Raheem Maaliki yaumid Deen. Iyyaaka na’abudu wa iyyaaka nasta’een. Ihdinas siraatal mustaqeem. Siraatal ladheena an ‘amta’ alaihim. Ghairil maghduubi’ alaihim waladaaleen. (Sa Ngalan ni Allah, ang Magiliw, ang Maawain. Purihin nawa si Allah, ang Panginoon ng Sansinukob, ang Magiliw, ang Maawain. Ang Pinuno sa Araw

Ilang metro na lamang at mararating na namin ang padiyan ngunit tanging wasak na lamang na mga kawayan ang nakahilera sa daan habang punitpunit na ang makukulay na watawat na nakasadsad sa maputik na daan. Pilit ko na rin pinapalinaw ang aking pandinig na umaasang muling bubulong sa aking pandinig ang tugtog ng kulintang at agong ngunit mas malinaw ang ingay ng putukan sa may ‘di kalayuan. Napahinto na lamang ako sa mga punang yaon nang dumampi ang amoy ng alikabok at pulbura at mainit na simoy ng hangin sa aking pang-amoy at pandama nang nasa padiyan na kami. Natipon ang lahat ng lumikas sa padiyan. Ang lugar na maituturing ligtas sa panahong yaon. Palengkeng maituturing ngunit lagakan ng kaligtasan sa oras ng kaguluhan. Tila nasa isang bulwagan lamang ang lahat ng mga mamamayan na nag-aabang ng isang pagtatanghal. Kasasalaminan ng pagkamangha at pagkagalak at hindi ng pagkabahala at pangamba. Ito na ang kuwentong kinamulatan ng lahat. Kuwento na lagi nang nangingibabaw ang tunggalian at may saglit na kasiglahan. Kuwentong maaaring hindi mauunawaan ng iilan dahil kawalan ng panlipunang kamalayan na nanalaytay sa kanilang limitadong karanasan na daluyan ng panghuhusga. Nasaksihan ko ang mga uhaw na kaluluwa ng mga bata at matanda sa pagharap sa suliraning pangkapayapaan. Batid kong sa pisikal na aspeto lamang nagbago ang

ng Paghuhukom. Sa Iyo kami ay sumasamba at sa Iyo lang kami humihingi ng tulong. Akayin Mo kami sa landas na matuwid. Ang landas na tinatahak niyaong Iyong biniyayaan; hindi ang landas niyaong mga umani ng Iyong galit; ni ang landas niyaong mga napariwara.) 13. sajadah- karpet na ginagamit sa pagpapatirapa sa pagdarasal na inilalagay sa sahig

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

73


bayan namin ngunit hindi ng damdamin, pananaw, pananampalataya, at tradisyon ng mga Maguindanaon, mas lalong hindi ng salaysayin at karanasan nito. Ito ang kuwentong paglalakbay ng aking kinamulatan at kinalakhang bayan. Maaaring nnaiiba at malayo sa kuwento ng iilang mangangatha ang aking salaysayin. Malayo sa kuwento ng paglalakbay na nagdala sa kanila tungo sa malapantasyang karanasan at pagkamit ng kaniloang mga pangarap. Maaaring ito ang kuwentong hindi kapanipaniwala at produkto lamang ng malikot kong guniguni, ngunit ito ang karanasan ko na matagal nang nakaukit at nakatala na tila isang balat ng nakatatak sa kasaysayan. Patuloy ang kuwento ng aking bayang Maguindanao sa paglalayag kahit balisa na ito. Ang natatanging kuwento ng pakikipagsapalaran ng bawat kaluluwang uhaw ang kalamnan sa sampung titik ng salitang kapayapaan. Nanatili na lamang sa ilang libong papel ang mga nailagak na titik ng salitang kapayapaan ngunit magpahanggang ngayo nanatili lamang tala ng kapayapaan. Ilang daang kaluluwa na ang namaalam sa aking bayang sinilangan, iisa lamang ang ipinipintig at isinisigaw ng mga kaluluwang gumaragalgal ang mga tinig at iyon ang salitang kapayapaan. Patuloy na gumagapang sa katotohanang itong paglalayag ng aking bayan. Sa kabila nito, hindi ito hadlang upang wakasan ang natatanging kuwento at karanasan nito. Hindi man ito mahalimuyak, patuloy ito sa pag-usbong upang maging bahagi ng makukulay na kuwento ng lipunang

14. k alatas- papel

74

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

tinatalikdan ng iilan. Maaaring hindi maintindihan dahil sa kawalang malay sa aming sitwasyon. Pilit mang wakasan ng iilang manunulat ang kuwento nito, asahang may iilang mangangatha na bubuo ng banghay nito. Banghay na siyang pupukaw sa mga bulag na kaluluwa ng iilang nakatali sa tanikala ng kasaysayan. Bilang Maguindanaoan na patuloy na naglalayag at nabubuhay sa karanasang bahagi na ng kasaysayan, hindi ako magsasawang isalaysay ang kuwento nito dahil salamin ito ng lipunang Pilipino. Magsisilbi ang panulat at kalatas14 sa paglalahad ng bawat kaganapan. Magsisilbing panawag-pansin ang bawat ritmo ng kulintang upang pukawin ang natutulog na kamalayang Pilipino. Magsisilbi ang kulintang at agong bilang ingay ng pagnanasang mapansin aming kalagayan. Ang kulay pula, berde, at dilaw na hibla ng watawat Patuloy na iwawagayway ang banderitas na kulay pula, berde at dilaw na hudyat ng aming pagkakakilanlan bilang bahagi ng Pilipinas at bilang bahagi ng mamamayang Pilipino. Maging hulwaran ng pagkakapantaypantay ng pananaw sa kultura, paniniwala, tradisyon, at relihiyon tungo sa kapayapaang hinahangad ang bawat titik na napapaloob sa paglalakbay na ito, na maituturing kong identidad ng aking bayan at pagkakalinlan ng aking pagkatao. Husgahan man ng iilan, hindi man maunawaan ng nakararami Magpapatuloy na makikilala at maitatala ang Maguindanao sa kasaysayan at mapa ng Pilipinas kahit dinadamitan ito ng panghuhusga at diskriminasyon.


Be Quiet Shelley Michaela Caliwan

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

75


A Guide to Barely Living John Leir T. Castro

Hairless Beauty Ly-Ann Urdaneta

76

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Wallflower John Leir T. Castro

Tiny petals walling Rolling on a darken Bricks on July Dancing with the mixtape Above, behind the dance floor; Bowing shyly.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

77


Fall Into You vierareign

And so I walk with my bare feet, Only to efface the numbness in it. And feel the cold railing which lingers Beneath my fragile fingers. I look into you, With my eyes shouting every woe; Deafening silence blankets the night, And a query comes out, “Would you make things right?” If I fall into you, Would cold sweat start streaming down my cheeks? Would my heart stubbornly beat against my chest? Would my hand quiver, Like a flower dancing in a tempest? If I fall into you, Would the cool breeze caress my face, As the sunshine streaks unto my skin? Would I hear the gentle swaying of the leaves, Through the harsh blowing of the wind? If I fall into you, Would you promise me serenity? That though the long wait for me to fall, Caused you troubled anticipation, It wouldn’t matter at all?

78

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


If I fall into you, And my suffering ends, Would I stop feeling this inscrutable fear? Would this unending feeling of emptiness, Finally come to a stop right here? If I fall into you, Would I find that haven I longed for? Would I finally find a place for my repose? Would my lost soul be finally home? If I fall into you, And you’d catch me with no doubt, Would you let me gaze at the moon and the stars, And let it lit up my eyes? Let it be the last thing I’d see. Let it witness my fall, my imaginary sea. And I’d gladly leap off this tower, And dive myself into; I’d gladly swim through the rough breeze, And finally fall into you.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

79


Paghugot at Pagbaon Angela Mae Pamaos

Sabayan mo sa paghinga. Pero hindi ka dapat magpahinga. Kailangang nakatutok ang mga mata mo sa kanya. Hindi ka maaaring pumikit sapagkat ang ilang sandaling pagkurap ay milya-milya na ang kaya niyang magawa laban sa’yo. Malilinlang ka. Gagamitin niya ang kahinaan mo, ang kapaguran mo hanggang sa hindi ka na maging sigurado sa ginagawa mo. Aatakihin ka niya. Hindi nang harapan, hindi rin sa likod, pero sa’yong loob. Hindi mo mamalayan, iisa na kayo ng paghinga. Hindi mo na rin alam kung ang pumasok ba sa loob mo’y halimaw o hindi. Umanggulo ka. ‘Wag kang gagalaw. Hahanap ka ng paraan para makatakas. Para makawala. Para makakalas sa sistema. Sa sitwasyon. Pero wala ka ng ibang paraan, ibang pagpipilian. Huli ka na. Magiging kamukha ka rin ng iba. Hindi ka na makagagalaw kahit anong pagpipiglas pa ang gawin mo. Wala ka ng pakpak. Hindi mo na mahahanap ang

80

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

katotohanan. Isinuko mo na ang totoong kulay ng uniporme. Hindi magtatagal, wala pang isang linggo, sisisihin mo ang iba, dadampot ka ng kung sino-sinong tao, kahit iyong mga wala namang dugo sa kamay; dadampot ka ng mga tao para masabing ginagawa mo ang tungkulin mo. Kasi ikaw ang tagapagtanggol, ikaw ang dapat tumigil ng gulo. Pero hindi, ikaw ang magiging dahilan para itigil ang pagsiyasat ng katotohanang itinatago ng gulo. Ang huli mong hininga ay ang huli niyang hininga bago siya mamatay. Iputok mo na! Iputok mo! Sa ulo. Sa dibdib. Pati balikat. Paa. Huwag mong palagpasin. Huwag kang titigil. Ibuhos mo ang lahat sa pagputok! Tupukin mo silang lahat! Lalo na doon sa mga nakalilipad. Huwag mong hayaang matamo nila ang rurok ng katotohanan.Magpaulan ka ng mga bala, dito, kahit mayroon o walang makaririnig sa’yo. Tapos, ibaon mo ang lahat ng alaala. Lalo


na ang katotohanan. Lalo na ang katotohanang dala nila. Tutubigan sila ng ulan, at ang hudyat ng pagtigil nito ay ang pagkawala Nilang L a h a t.

Ito raw ang sining ng paghugot ng baril At pagbaon ng mga bala Sa dibdib ng kanilang mga lupa. (hango sa pelikulang Birdshot)

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

81


Home

Nikki Hilado

82

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


ALPAS Volume 1 Issue No. 2

83


Small Wonder Michele Gelvoleo

84

ALPAS Volume 1 Issue No. 1


Agwat Louie Langas

Tumingala ako Ang taas mo, ang layo ko sa’yo. Kahit anong pilit ko ‘di kita maabot. Kahit anong sabihin ko, lahat baluktot. Pero sabi mo ‘di ko na kailangang tumingala Yumuko lang ako at tuluyang maniwala, Na ang agwat natin bagamat malayo Ay nadugtungan nang Siya ay ipako.

Sun and Moon Van Sianghio

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

85


86

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


The Turtle Car in the Riverside Kristine Sumugat

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

87


Dilemma C.L. Roldan

I fear the faint traces of your familiar scent will be whisked away by the pervading hints of the coming summer —so I held my breath I fear the blinding darkness of the irascible evening will eclipse the love in your eyes —so I kept mine open I fear the biting silence before the sun breaks the sky will overwhelm your honey glazed voice —so I kept my ears strained I fear the inviting softness of the dewy grass beneath us will jolt me out of your warm touch —so I reeled you in I fear— and I fear a lot— what I fear the most— what I fear a lot— the things I did to mute the beauty around us will only be for naught

88

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


Kleptomania

Shari Eunice San Pablo

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

89


Payong Kaibigan

John Rovic Catangay

Hindi masarap ang lasa ng sabon Kahit gaano ito kabango Mahirap mang isipin Mapait ang lasa ng mabango nitong amoy At huwag mo ding kalimutan Na hindi mo kayang lumipad Kapag sa gusali ka tumalon Kahit na may kapa kang suot Lahat ito’y mga payong kaibigan lamang Na hindi na dapat banggitin pa At Kapag tumatawid sa kalsada Huwag mong isiping imortal ka Kapag ika’y nasa tamang tawiran O baka di makarating sa paroroonan Bakit ko pa ba sinasabi Ang mga di na dapat sabihin pa Kapag may hawak kang patalim Huwag mo itong gamitin sa iyong sarili Huwag mong hiwain ang sarili mong balat Huwag mong putulin ang sarili mong pulso Kapag dumadampi ang talas Ng bakal sa iyong laman Huwag mong gamiting pampadulas Ang luha mula sa iyong mga mata Siguraduhin mong luha lamang Ang dadanak ngayong gabi Huwag mong hayaang dugo’y sumirit At sa kobre kama’y wag mo ito patutuluin

90

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


At kung tuluyan pang sumirit Huwag mo itong gawing pintura Huwag kang mahuhumaling sa obra Na maaari nitong malikha At kung dugo mo ma’y Tuluyan nang matuyo Huwag kang masanay sa langsa At ang sugat mo’y isara na Kapag nilabhan mo na Ang madumi mong kobre kama Kuskusin at banlawan hanggang sa mawala Ang bakas ng pakikipagdigma Kung sinampay mo na ito Italgo mo sa mga kapitbahay Huwag mong ipapakita ang sugat Ipakita mo ang tagumpay Huwag mong kalilimutan Ang mga payong kaibigan Kaya kapag nakakita ka ng sabon Alalahaning malilinis din ang iyong mga dumi At makakamit mo din ang preskong hinaharap Huwag mo itong ituring bilang lason At kung dudungaw ka man sa bintana Huwag kang titingin sa baba at lulundag sa kawalan Sa halip, tumingin ka sa mga bituin At magningning tulad ng buwan Kapag tumawid ka sa kalsada Huwag kang titigil sa gitna At hintaying sagasaan ng mga sasakyang rumaragasa Magpatuloy ka lang sa paglalakad, at wala kang dapat lingunin Kung may hawak ka mang patalim Tagain mo ang bawat balakid At magsimulang magpatuloy sa paglalakbay Itago mo ang iyong punyal sa di mo kayang abutin Lahat ito’y mga payong kaibigan lamang Na hindi na dapat banggitin

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

91


Bakit Umiiyak si Baby Tuwing Gabi Yno Andrei Calamiong

Ilang iyak din ang nakalipas at sa wakas mahimbing nang nakahilata ang mag-asawang si Jose at Maria. Laking pasasalamat ng dalawa nang tuluyan ng tumahan ang kanilang bagong panganak na nasa kabilang silid. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay hindi nag-iisa sa pagtulog ang kanilang minumutya. Sa madilim na silid, sa oras kung kailan nag-iisa ang mga kamay ng orasan sa pagturo ng hatinggabi, isang mahinang bulong ang pilit na pumapasok sa tenga ng sanggol. "Hoy bata." Ito ang paulit-ulit na binubulong sa musmos. "Kakainin kita bata," gumagaralgal na bulong ng boses. Hindi matinag-tinag sa pagtulog ang sanggol.

92

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

"Para ka namang ‘di marunong magpapansin," sumbat ng isang panibagong boses na may mas malalim na tinig. "Pasensya na, Hayden,” mahinang tugon ng unang boses. “Baguhan lang ako." "Wala kang kwenta!” Malalim na sagot ni Hayden. “Tumabi ka nga at ako na ang gagawa." Hinawi ni Hayden ang kausap niyang nahihiya at nakayukyok lamang sa gilid ng sanggol habang nagkakamot ng ulo. Marahang lumapit si Hayden sa sanggol. Humigop siya ng hindi isa, hindi dalawa, kundi tatlong malalaking hininga. Inipon niya ang hangin sa rurok ng kaniyang baga at bigla siyang sumigaw. "Gising na!"


Bahagyang yumanig ang munting higaan ng maliit na sanggol. Hinangin ang mga papel na nakalatag sa mesa sa madilim na silid. Gumewang nang kaunti ang mga litratong nakasabit sa dingding at nagliparan ang mga alikabok sa kisame. Nagising bigla ang sanggol. Pagdilat, agad itong napatitig sa misteryosong nilalang sa kaniyang harapan. Ngumiti ang nilalang at ipinakita sa sanggol ang matatalas nitong ngipin, mahahabang sungay, dumurugong mata at balat na sing-pula ng siling labuyo. Tumawa ang nakapangingilabot na nilalang nang pagkalakas-lakas gamit ang boses nitong sing-lalim ng karagatan. Tuluyan nang umiyak ang sanggol. Sinabayan ng hagulgol nito ang ingay ng pagtawa ni Hayden. "’Kita mo na kung papaano magpapansin?" Tinapik ni Hayden ang kasama niyang demonyohabang siya ay bumubungisngis. Kumagat sa maiitim na labing bitak at yumakap sa sariling brasong sing-itim ng grasa ang demonyong nahihiya. Marahan itong nagwika, "Natatakot kasi ako sa kanila, Hayden. Baka paslangin nila ako." Biglang bumukas ang pinto sa silid. Tumingin ang dalawang demonyo sa pintuan. Nanlaki sa takot ang mga mata ng isa habang ang isa naman ay napangiti dahil sa pagkasabik. Mabilis na nagtago ang demonyong natatakot sa ilalim ng mesa. Si Hayden naman ay tumayo lamang ng tuwid sa gilid ng sanggol.

Napatakbo sina Jose at Maria sa silid ng kanilang anak ngunit hindi nila malaman ang dahilan ng pag-iyak nito matapos ang mahimbing na pagtulog. Sinigurado ng mag-asawa na bago patulugin ang anak, ginawa na nila ang lahat ng paraan sa daigdig upang makatulog ito nang matiwasay. Ngunit laking pagtataka nila kung bakit tuwing alas dose ng gabi, umiiyak ito. Tila ba may bagay na nagpapaiyak dito ngunit hindi lamang nila nakikita. Lumapit ang mag-asawa sa anak nilang walang tigil sa pag-iyak. Dinaanan lamang nila si Hayden at hindi pinansin. Binuhat ni Maria ang anak niya at pinasuso sa kaniyang dibdib. "Tingnan mo, Lucero,� wika ni Hayden sa demonyong nagtatago sa ilalim ng mesa. “Paano ka nila papaslangin nang hindi ka nila nakikita?" sabay turo niya sa mga taong kasama nila sa silid. Dahan-dahang lumabas si Lucero. Hindi pantay ang maiiksi niyang sungay habang nakakunot ang kaniyang kulu-kulubot na noo. Hindi niya naiintindihan ang nangyayari. Hindi niya maipaliwanag kung papaanong hindi sila nakikita ng mag-asawa. Naguguluhan siyang nagtanong, gumagaralgal ang tinig. "Bakit hindi nila tayo nakikita?" "Sapagkat mga isip sanggol lang ang nakakikita sa atin," diretsong tugon ng pulang demonyong si Hayden. Lalong naguluhan si Lucero. "At bakit naman ganoon?"

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

93


"Sapagkat ang utak ng matatanda ay balot na ng mas madidilim na bagay. Wala na silang panahon para sa ating mga demonyo. Di na nila tayo naiisip at pinapansin. Pinili nila tayong kalimutan kahit pa nakita nila tayong lahat noong sila'y mga musmos pa lamang." Natahimik si Lucero. Napahimas siya sa mahaba at nangingitim niyang balbas. "Kung kaya ang mga inosenteng isipan lamang ang nakapapansin sa atin?" Tumango lamang si Hayden habang magalak na pinanonood kung paanong naghihikahos sa pagpapatahan ng bata ang mag-asawa. Sa mga ganitong sandali lamang nakararamdam ng kaligayahan si Hayden at ang iba pang mga demonyo. Sa mga pagkakataong napapansin sila, sa mga mabibilis na iglap kung saan nasusulyapan sila ng mga inosenteng tao, sa mga sandaling naaalala nila na sila ay umiiral at hindi mga kathang-isip lamang. Ito ang dahilan ng kanilang buhay, ang simula’t dulo ng kanilang paghinga, ang tanging dahilan ng kanilang paggising sa panibagong gabi. Matapos ang maiksing diskurso, nagdesisyon ang mag-asawa na isama na lamang nila sa higaan ang kanilang anak upang madali itong patahanin kapag ito ay umiyak na naman. Naiwan ang dalawang demonyo sa madilim na silid.

94

ilong. "Hindi lang naman mga sanggol ang may inosenteng pag-iisip." Napangiti si Lucero. "Sino pa ang iba?" Magiliw na tanong ng pangit at maitim na demonyo. "Tara, sumama ka sa akin." Binuka ng dalawa ang kanilang malalaking pakpak. Tinangay ng mahinang hangin ang ilan sa maiitim na balahibo at tila matatalas na pluma sa pakpak Lucero. Lumiyab naman na parang kawayang ginagatong ang mga kalansay na pakpak ni Hayden. Lumipad ang dalawa palabas ng bahay at pumunta sa isang marungis na kanto na marami pa ring taong gising kahit pa gabi na. Hindi magkamayaw ang mga tao habang nakapila sa tapat ng mga tindahan, pamilihan, at karinderya na nakahilera sa gilid ng kalsada. "Anong ginagawa natin dito? Hindi naman nila tayo nakikita," tanong ni Lucero. Itinuro ng matutulis na kuko ni Hayden ang isang lalaking madungis, payat, at gula-gulanit ang damit. Nakaratay ito malapit sa poste ng kuryente. Lumapit siya sa lalaki at ginulat ito. “Boo!� sambit ni Hayden nang nakangiti, sabay buga ng mainit na usok sa mukha ng pulubi.

"Nakalulungkot naman pala ang buhay natin, Hayden," garalgal na wika ni Lucero. "Minsan na nga lang tayo makakita ng kapwa demonyo, kakaunti pa ang nakapapansin sa atin. Ayaw ko na maging mag-isa."

Nanlaki ang mga mata ng lalaki habang nakatitig sa matatalas na ngipin, mahahabang sungay, dumurugong mata, at katawan ni Hayden na sing-pula ng siling labuyo. Nagsumigaw ang lalaki at nagpumiglas.

Tumawa si Hayden habang umuusok ang

Humalakhak si Hayden habang umuusok

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


ang kaniyang bunganga. Lalong tumindi ang silakbo ng apoy sa kaniyang mga pakpak. "Tulong! Tulungan niyo ako! Naririto na naman si Satanas!" pagmamakaawa ng lalaki sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Namangha si Lucero. Napansin niyang walang kahit sinong nakakakita sa kanila ni Hayden maliban sa pulubi. Nagtawanan ang mga tao sa paligid. Biglang nagtaka si Lucero. "Tinamaan na naman ng topak iyang baliw na iyan," sigaw ng isang lalaki sa paligid. "Paalisin niyo nga iyan dito! Gabing gabi, nag-iingay na naman!" dagdag ng isang ale. "Lumayas ka nga rito baliw!" "Baliw!" Ngunit hindi sila naririnig ng pulubi, sapagkat tanging takot lamang ang kaniyang nadarama dahil sa demonyong umaapoy sa kaniyang harapan. Pilit siyang gumagapang palayo kay Hayden, ngunit dahan-dahan siyang sinusundan ng demonyo. Tumama ang likod ng pulubi sa upuan ng mga taong nag-iinuman. Pinagtatabuyan siya ng mga ito.

at malalamig na yelo ng mga kalalakihang nag-iinuman. Isinaboy niya ang mga ito sa lumiliyab na katawan ni Hayden, upang mapuksa ang apoy. Ngunit kahit na anong gawin niya, walang ginawa si Hayden kundi ang tumawa lamang. Nagalit ang mga nag-iinuman sapagkat hindi naman nila nakikita si Hayden. Pinagtatadiyakan at binugbog nila ang kaawa-awang baliw na may kasamang galit at tuwa. Sinubukan silang pigilan ni Lucero ngunit hindi siya pinapansin ng mga ito. Pinagmasdan niya ang baliw sa lapag habang ito ay ginugulpi. Nakatitig lamang ito sa kaniya habang umiiyak. "Satanas, layuan mo ako..." bulong nito. "Aba'y nagsasalita ka pa!" sigaw ng isang lalaking walang awang sumisipa sa matandang baliw. Tumawa lamang ang mga taong nakatambay sa paligid na masayang nanonood sa kaguluhan. Iniwan ni Lucero ang ginugulping baliw at lumapit siya kay Hayden. Wala siyang nagawa kundi maawa na lamang sa pulubi.

“Tara dito, Tatang,” nanggigigil na wika ni Hayden. “Huwag kang mahiya sa akin.”

Nagugulumihanan siyang nagtanong gamit ang boses niyang garalgal. "Bakit nila ginagawa iyon sa kaniya? Akala ko ba inosente siya na maitutulad sa isang sanggol? Hindi ba dapat pinapatahan din siya ng mga magulang niya?"

Humiyaw nang sobrang lakas ang matandang pulubi. Tumayo siya at mabilis na inagaw ang mga inuming alak

Tinawanan lamang siya ni Hayden. "Kung alam mo lang Lucero, ang isipan ng tao ay may kapangyarihang maging mas

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

95


malagim pa kaysa sa pinakamasahol na demonyo. Kaya huwag ka nang magtataka kung ‘di nila tayo makita." Hindi matanggap ni Lucero ang mga sinabi ng kasama niyang demonyo. Ngunit nang marinig niya ang mga salitang binitawan ni Hayden, napagtanto na niya ang katotohanan. Naunawaan na niya ang malungkot na lugar niya sa daigdig. Naintindihan niya na kahit ano pa man ang gawin niya, balang araw ay makalilimutan din siya ng lahat ng mga bata at sanggol na tatakutin niya. Lahat ng mga ito ay tatanda rin. Lahat ng mga munti at inosenenteng isip ay kinalaunan babalutin ng mga bagay na mas malagim pa kaysa sa kaniya. Kapag nangyari iyon, siya ay maiiwan mag-isa; siya ay maglalaho na lamang kung saan iniiwan at tinatapon ang mga bagay na kathangisip. Nabuo ang kaniyang loob. Nakaramdam siya ng matinding init sa dibdib na noon niya lamang naramdaman. Alam na niya

96

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

kung ano talaga ang dapat niyang gawin. “Hayden,” wikang malalim, sing-lalim ng karagatan na boses ni Lucero. Wala na ang garalgal sa kaniyang tinig. “Ano iyon, Lucero?” nakangiting tugon ni Hayden. “Wala na tayong oras na pwede pang sayangin,” sagot ni Lucero habang untiunting humahaba ang kaniyang sungay. “Tatanda agad ang mga bata sa mundo at tayo ay maiiwan mag-isa.” Umusok ang kaniyang bibig at lumiyab ang kaniyang mga pakpak. “Oras na para manakot!” Bumungisngis lamang si Hayden. Sabay nilang binuklat ang lumiliyab nilang mga pakpak. Lumipad sila sa himpapawid at tinawid ang liwanag ng buwan. Tinitigan ni Lucero ang mga tao sa kanilang ilalim, wala nang kahit kaunting bahid ng takot na nadarama para sa kanila. “Mahaba-haba pa ang gabi,” bulong niya.


JusTIIS Joan Dale Flores

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

97


A Guide to Barely Living John Leir T. Castro

98

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


A Guide to BCaornetlryi bLui tvoi nr sg John Leir T. Castro

ACERO, RAFIELLE Visual Arts: Portrait of Pree Rafielle Acero is presently in her third year of studying Fine Arts major in Advertising Design. She was born in October 1996 in Las Pinas City. She started painting at age 13 with acrylic and watercolor, eventually venturing on to oil and digital painting. She is fond of painting faces and has a fascination with the way the old masters used to paint portraits of people in power. She is very passionate about her work and likes to explore different art styles. BALMEO, BRYAN JESTER Poetry: Berdugo Si Bryan ay isang gurong nais labanan ang konbensyonalismo. Isang manunulat na nais liparin ang mundo gamit ang kanyang pluma. Isang taong naghahanap ng pag-ibig sa bawat linya ng pinagsama-samang salita. Isang nilalang. BORNALES, MARK JOSEF Poetry: Waking Mark Josef Bornales is an active spoken word artist and the President of the Betsinartparasites community. He took up A.B. Political Science in the University of Santo Tomas, major in bad decision-making. He is a Quezon City-based writer who writes about the human experience in conjunction with society’s collective perspective and other big English words. He has six cats, a scorpion, a turtle, and a dog who just died. CALAMIONG, YNO ANDREI Fiction: Bakit Umiiyak si Baby Tuwing Gabi Yno Andrei Calamiong is a Business Management Student from the University of the Philippines in Pampanga. He loves writing, practicing martial arts, watching movies, eating a ton of food, and doing other extracurricular stuff in school. He is currently the Vice-Chairperson of his college Student Council.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

99


CALIWAN, SHELLEY MICHAELA Visual Arts: Be Quiet Born in a little house in the heart of Pasay, Shelley Michaela Caliwan is a senior high school student and aspiring artist who is hoping that one day, she will be one of the greats. CAÑA, BERNICE ERIKA Poetry: This Is What Healing Sounds Like Bernice Caña wrote a lot of poetry and fiction while she was an undergrad at the University of Santo Tomas. Her poetry has appeared in TomasinoWeb, where she was a writer and sometime editor for the literary department. Her short stories have also appeared in The Book of Imaginary Beasts. CASTRO, JOHN LEIR Poetry: A Guide to Barely Living, Medusa, War Tale John Leir Castro is a member of Meet-Every-Other-Weekend (MEOW) Club, an artist collective based in Naga City. He is an active participant in the local indie publishing scene (through zines) and helps organize small press expos. He also manages a library with his partner and two cats. CATANGAY, JOHN ROVIC Poetry: Payong Kaibigan John Rovic Catangay is a student in Don Bosco Technical Institute – Makati. As a student, he strives hard to become a leader and a young artist. Participating in the scholastically mandated theatre group, he is a competitive leader and a hardworking writer in his field. As a creator, he gets his inspirations from friends and family and the contemporary writers whose works give him the push to write. He is a person who strives to have a voice not only in the Philippine contemporary arts but in the social issues we have today. CUYNO, MARK JESTER Poetry: Ang Bagong Kahulugan ng Hustisya at Kapayapaan Mark Jester M. Cuyno is a part time content writer at Upwork and an Education Student at University of the Philippines Open University. DACUA, VHINZ JANSEN Poetry: Wallflower, Anapestic Litany, Market Painting Vhinz Jansen Dacua is a graduating student from Cebu Normal University, taking up English Literature. He loves how art fuels and awakens the creative minds of every individual which is why he continues to create it in any form. Anyone can check and read his artworks on Instagram @vanxben.

100

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


DARUSIN, ELISHA Photography: Chasing Stars Elisha Darusin, a Multimedia Arts and Sciences graduate, is currently working as a graphic designer. She became interested in photography when she found her father’s manual SLR and liked enhancing the colors of her photographs. As her passion for photography blossoms, she travels so she can capture what is not common in her daily routine at work. DAYRIT, TRICIA NICOLE Photography: Pagmumuni-muni Tricia Nicole Dayrit is currently a 3rd year student at the University of the Philippines Open University taking up Bachelor in Educational Studies. With her passion for teaching, she is also participating in volunteer work of sharing practical wisdom of the Bible to foreigners in her community. In her free time, Nicole has also developed a love for creating visual through nature, portraiture and street photography; post-editing; and do-it-yourself crafting. In the future, Nicole plans to be a teacher in a multicultural setting and also be able to blend her photographs with teaching. DE CHAVEZ, JONATHAN ROBERT Photography: Time Jonathan Robert De Chavez is an aspiring 20-year-old photographer from Batangas City. He is currently taking up Bachelor of Science and Information Technology at Lyceum of the Philippines Laguna. DELOS REYES, MARIA CARMELA Photography: Kandilang Upos Mela is a socially awkward person from Manila. She is your regular corporate slave finding her way out of the concrete jungle. She is an INTJ, a self-proclaimed OC, a tryhard shutterbug, and a fanatic xenophile struggling to learn her Spanish. She is bursting with feelings she wishes she can speak of, but nobody listens so she writes. DESTAJO, JAN DENNIS Poetry: Horizontal, Genius Loci, Notes on Construction Jan Dennis Destajo graduated from the University of Santo Tomas with a degree in Architecture. He owes his poetry to the Thomasian Writers Guild, his friends, girlfriend, and Spider-man. He continues to live in U-Belt. FERNANDEZ, ARIANNE FEL Visual Arts: First Arianne Fel is an advocate of arts and humanities. She discovered fondness for writing in fourth grade and is currently making efforts to learn the art of painting. She describes herself as hideous, yet transparent.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

101


FLOR, MA. ERIKA THERESE Photography: Panibagong Yugto Erika Flor is a Dubai-based Iska who loves color, coffee, and cats. She hopes to discover more about herself as she travels the world. You can see her other works on Behance (be. net/metbflor). FLORES, JOAN DALE Visual Arts: JusTIIS Joan Dale R. Flores is a 20-year-old Psychology graduate from Pampanga. She was a former cartoonist for her college department publication. Drawing is not just a hobby for her; it is her outlet and therapy. STATEMENT: JusTIIS is a compound word of “Justice” and “Tiis.” It is about the extrajudicial killing that are currently happening in the country. People of different ages, gender, and occupation were already killed without due process. The current scenarios seem to tell Filipinos to either fight for justice or just make “tiis.” – Joan Dale Flores GELVOLEO, MICHELE Visual Arts: Small Wonder Michele Gelvoleo is a current Grade 12 student and a beginner artist. From traditional drawing, she is now starting to explore digital drawing and aspires to improve more over time. GUEVARRA, MARY JULIA THERA Visual Arts: Voices, Sleep is An Escape Mary Julia Thera “Jules” Guevarra is a 20-year-old self-taught artist. They dream of making an animated film worthy enough to win an Oscar. They are currently practicing every day to hone their skills as an animator and illustrator. Follow them on Instagram, Tumblr, and Twitter (@jvlesguevarra) to witness their journey as an artist. HILADO, NIKKI Photography: Light Amidst the Darkness, Home Nikki Hilado is an architecture graduate from the University of the Philippines Diliman. When she is not busy working toward getting her architectural license, she is busy chasing the next story to capture through her photography and writing. Find more of her works at instagram.com/nikkihilado

102

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


IMPERIAL, KLARISSA Visual Arts: Hibla ng Buhay, Hope in the Darkness Klarissa is a 23-year-old illustrator and a layout artist from Quezon City. She is a B.A.A Visual Design graduate from Miriam College and is currently working for a Filipinoowned direct selling company. She draws and is inspired by her life experiences as a way to communicate better with the world around her. For more info of her works please visit: behance.net/klarissamari STATEMENT: Different hands. Different lives. Different stories. One country. The different hands represent different lives that are weaved together through the actions that we do and stories that we live by. Thus, actions of one can affect many. – Klarissa Imperial JUACALLA, IAN Photography: Marino LANGAS, LOUIE Poetry: Agwat Louie Langas’s dream is to write/talk about her greatest love—God. LEE, AIRA CASSANDRA SANCHEZ Fiction: Kandila Aira Cassandra Lee is a Grade 12 HUMSS student from St. Dominic College of Asia in Bacoor, Cavite. She joins writing competitions within her school and locally. Aside from writing, she also participates in photography- and visual arts-related activities. NANTI, TALEO JE Non-Fiction: Nowhere Man Taleo Je Nanti began writing at 19 years old as a means of dealing with his ManicDepressive Bipolar Disorder. He learned by imitation and practice; reading and studying the classics, listening to online lectures, and teaching writing were means of developing his craft. He is currently working on two novels as well as several short stories and memoirs which he hopes to have published amidst his studies in law school.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

103


PAMAOS, ANGELA MAE Fiction: Paghugot at Pagbaon Si Angela Mae A. Pamaos ay nagtapos ng kursong BSE Medyor sa Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Maliban sa pagiging guro, isa rin siya sa mga spoken word artist ng Lapis Art Community. Sa pamamagitan ng pagsusulat at pagtatanghal, ipinapakita niya ang kanyang pag-ibig sa bayan at sa Diyos, at pagpapalaya ng kanyang sarili. PILUDEN, LIOBA ASIA EBANIO Poetry: Doctor Magantal L.A. Piluden is from the Cordilleras. She identifies as both Igorot and Ilocano. She finished her BA in Language and Literature in the University of the Philippines Baguio. She also had been a fellow in the Cordillera Creative Writers’ Workshop and the Ateneo National Writers’ Workshop. At present she works as a schoolteacher in Sagada, Mountain Province. vierareign Poetry: Fall Into You vierareign is a 23-year old licensed teacher who currently works as a customer service representative. She is an introvert who likes writing better than interacting with people. She especially likes writing poems and short stories. RAMITERRE, MEGEL JOSHUA Visual Arts: Hawla Megel Joshua Ramiterre, 19 years old, was born in Ramos, Tarlac and lives in Guimba, Nueva Ecija. He is an aspiring artist, poet, writer, and engineer. He is currently studying Bachelor of Science in Civil Engineering in Central Luzon State University (CLSU). He is also a member of different art groups and collectives namely, GUHIT Pinas, Betsin-art parasites, SAkTAN Collective, and others. He is a self-taught artist and his latest works are mostly inspired by local Filipino artists like Kerby Rosanes. REBENITO, JERALD JAY Poetry: Hinati-hating Hatinggabi Si Jerald Jay R. Rebenito ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang sales demo ng mga sapatos sa isang mall. Mahilig siyang sumulat ng mga tula sa stock room. ROLDAN, CHESELLE JAN Poetry: Dilemma C.L. Roldan is an analyst who likes to write poems that howl at the sun.

104

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


SAN PABLO, SHARI EUNICE Visual Arts: Kleptomania Shari Eunice San Pablo is a 20-year-old fourth-year Multimedia Studies student at the University of the Philippines Open University. SANCHEZ, ANTOLIN Poetry: The Moonlit Painting Antolin Sanchez is a 19-year-old student taking up an undergraduate degree at Mapua University. He enjoys reading as a pastime with his favorite authors being J.R.R. Tolkien, Neil Gaiman, and Jose Garcia Villa. He also has a fondness for traveling, photography, and history. SANTOS, OSWALD Poetry: Epiko ni Sarhento, Tumula Ka Oswald Santos is a 21-year-old IT professional and writer from Pasig City. A campus journalist since his elementary days, he attended the writing workshop of one of the seasoned writers in the country, Miss Visitacion “Chit” dela Torre. “Os” graduated from the Technological University of the Philippines with a degree in BS Information Technology and is currently working in a multinational IT company. He is the current History section editor of “Laya!” and a contributor to the first release of the ALPAS Journal. SEVILLA, SOPHIA Visual Arts: Gender What Gender Sophia Sevilla is an aspiring fashion/beauty illustrator living in Pasay City. Her hobbies include watching Kpop, drawing fanart, and daydreaming. SIANGHIO, VAN Visual Arts: Sun and Moon Marielle-Van A. Sianghio (“Vii”) is a typical 20-year-old, growing up to be a strong-willed person. She was four years old when she first held a pencil and filled up walls with stories and fantasies. That was when her family knew she has the talent and will to do art. She had rough moments in her aesthetic life, which almost made her give up her passion for art and life. She experiences anxiety while moving forward as an artist. But as a person surrounded with high-spirited people, she is encouraged to stand up for herself. STATEMENT: “Ang bawat paglapit natin Ay katumbas ng mga piraso na noon ay kumalas sa atin Na ngayon ay unting-unti kumakapit muli Na ngayon ay bumubuo muli sa atin. Noon ay akala ko ako at ikaw lang.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

105


Noon ay akala ko hanggang doon na lang. Ngayon, ang bawat ngiti na nanggagaling sa atin Ay katumbas ng pag-ibig na matatawag nating atin. Ang bawat pangako na ating kinakapitan Ay katumbas ng pag-ibig na ating pinaglalaban. Ang bawat pagkapit natin sa isa’t-isa, Ay katumbas ng pagkabuo sa ating dalawa. At, mahal, ako ay handa na, Handa ako maging buo kasama ka.” – Van Sianghio STA. INES, PIN Poetry: Mawalang-Galang Na Po Pin Sta. Ines is a recent graduate of Applied Psychology who likes to take photos and write Filipino poems for catharsis. SULIT, KRISTINE CAMILLE Photography: Lumad Laban Kristine Camille Sulit is a lecturer at Mapua University, teaching Film and Communication subjects. She was a part of the 16th Ricky Lee Scriptwriting Workshop where she successfully finished her first full-length script. She currently started her Master’s Degree in Film at the University of the Philippines Diliman. STATEMENT: Sa kanilang pagbaba sa kanayunan, ipinakita ng mga Lumad ang kanilang paglaban sa matinding militarisasyon sa kanilang lugar. Ang mga estudyante ay nananawagan upang itigil ng Estado ang pandarahas sa kanilang komunidad. Sa kanilang pakikibaka sa kalunsuran, ang kanilang dala-dala ay ang mga istorya ng pag-asa at paglaban sa bulok na sistema ng ating pamahalaan. SUMUGAT, KRISTINE Photography: The Turtle Car in the Riverside Turn nothing into something. This is what Kristine Ventura Sumugat is striving for in her own journey as an advocate of photography. She took her basic and advanced photography workshop from Gallery 7 under the mentorship or Mr Bubuy Balague. She was born and raised in Kalibo, Aklan. She is a graduate of Commerce Major in Banking and Finance at Far Eastern University, Manila. She is now an advocate of tourism, culture, arts and heritage and was able to build her own businesses in her hometown as her way of giving back.

106

ALPAS Volume 1 Issue No. 2


TAHIR, MUBARAK Fiction: Manika Non-Fiction: Padiyan Mubarak M. Tahir is born in Kitango, Datu Piang, Maguindanaon on December 25, 1991. He finished his AB Filipino Degree at Mindanao State University- MSU Marawi City. He is currently teaching at the Philippine Science High School Southern Mindanao Campus, Davao City. His essay on war and conflict in Maguindanao entitled “Aden Bon Besen Uyag-yag: May Buhay Pa Pala” won the Third Prize for Filipino Essay Category in the 67th Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2017. He is also actively joining writing competitions and workshops while taking up his MAEd Teaching in Filipino. LEV ROSARIO Poetry: Cockroach, at 10 p.m., after the battle Lev Rosario is a 19-year-old UP Diliman student. TURLA, DARLENE Non-Fiction: Growing Up: Tales of a Promdi Photography: A Light Lunch Darlene Turla, a self-taught “tagakodak” with Waray roots, has been making do with her humble tools of the trade—a now eight-year-old dilapidated entry-level camera and the free software GIMP— to create conceptual photos. Having been living with bipolar disorder for the last two decades, her photography and fitful shots at writing are crucial forms of therapy and liberation for her. Darlene’s artistic attempts are chiefly inspired by dreams and surreal dimensions, her personal existential spectrum, and the quiet joy of defamiliarizing the mundane. She believes that the current administration would greatly benefit from an ayahuasca ceremony. TURLA, JA Visual Arts: Mirrored Trees Mandala: Illuminated Stranger Ja Turla came up with the concept of Mirrored Trees during her two-week stay in a psychiatric ward. Mirrored Trees is an interactive art inspired by Rorschach inkblot test and nature. It is her feeble attempt to show that trees are divine and sentient beings. URDANETA, LY-ANN Visual Arts: Hairless Beauty Ly-Ann Urdaneta is an aspiring artist from Cebu City. Despite being new to the art industry, she was able to handle workshops and teach children the art of Calligraphy. She is also the Head Artist of Cancervants Ph, Cebu chapter.

ALPAS Volume 1 Issue No. 2

107


STATEMENT: The inspiration for this artwork, “Hairless Beauty,� were the pediatric cancer patients in the Philippines. As a member of Cancervants Ph Cebu chapter, an organization of Pediatric Cancer Advocates, I have come to realize the situation of Filipino children, as well as their financial and emotional struggles. So, I made this artwork to promote our cause and to promote awareness and spread hope.

108

ALPAS Volume 1 Issue No. 2



A Guide to Barely Living John Leir T. Castro


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.