Ang Aghamanon Tomo XX, Bilang 1

Page 1


Aghamanon ang

HERBERTPAN

BANGTRAPIk-O

Pagkahuli sa klase, isinisisi sa palpak na Pantok road repair sched

N

ananawagan ngayon ang ilang Riscian commuters na isaayos ang scheduling ng construction sa Manila East Road sa Brgy. Pantok, Binangonan, Rizal kung saan nakakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko ang karamihan sa mga estudyante, sanhi ng pagka-late ng karamihan.

Ayon sa inilunsad na sarbey ng Ang Aghamanon, 72% ng mga mag-aaral ang aminadong nakararanas sila ng mabigat na daloy ng trapiko kung saan higit kalahati sa mga ito ang nagsasabing kinakailangan ng maayos na scheduling ng pagsasagawa ng construction upang maiwasan ang pagbagal ng mga sasakyan sa naturang daan.

“Nararapat lamang na ang road constructions ay isagawa tuwing bakasyon kung saan walang pasok ang karamihan ng mga paaralan, upang hindi ito masyadong makaabala,” mungkahi ng isang mag-aaral.

Matatandaang sinimulang kumpunihin ang gilid na bahagi ng kalsada na naging dahilan ng pagsikip ng nag-iisang daanan ng mga sasakyan na sumabay pa sa kasagsagan ng rush hour na lalong nagpalala ng bigat ng daloy trapiko.

Kaugnay rito, itinuturing ang Pantok o Manila East road bilang pangunahing lansangan sa kahabaan ng Binangonan highway na dinadaanan ng mga iskolar na komyuter mula sa mga bayan ng Angono, Taytay, at Cainta— ang pinanggalingan ng higit kalahati ng mga RiScians.

Dahil dito, nanindigan ang mga student commuters na mahalagang magpatupad ng

maayos na pagpaplano sa magiging time frame ng repair nang hindi ito sumabay sa panahon kung saan pangkaraniwang napupuno ang mga lansangan ng mga sasakyan gayundin upang mas mapabilis ang pagsasagawa nito.

“Sana’y mas mapabilis ang paggawa ng mga kalsada upang hindi na ito makadagdag pa sa trapiko… Marami na ring sasakyan ang dumadaan sa Pantok kung kaya nadadagdagan na din ang trapiko,” saad pa ng isa.

Sa kabilang banda, kasalukuyang nagpapatuloy ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa naturang lansangan kung kaya’t pinapayuhan ang lahat na magsagawa ng mga kinakailangang aksyon upang maiwasan ang mga negatibong dulot ng trapiko partikular na ang pagkahuli sa pagpasok sa paaralan.

Itinakda ng Department of Education (DepEd) na bawasan ang core subjects ng Senior High School (SHS) sa lima hanggang anim mula sa kasalukuyang 15 core subjects upang tutukan ang work immersion o onthe-job training, para umano maging mas “employable” ang mga ito sa hinaharap.

Sa nagdaang 2024 Regional Conference on Educational Planning in Asia-Pacific, ipinahayag ni DepEd Secretary Sonny Angara na prayoridad ng kagawaran na repasuhin ang kurikulum ng SHS, matapos ang implementasyon ng bagong K-10 curriculum.

“If we reduce the subjects of our SHS curriculum…senior high school graduates will become more employable even if they lack work experience,” ani Angara sa kanyang talumpati.

Dagdag niya, matagal na ring iginigiit ng mga eksperto mula sa ibang bansa na masyadong mabigat ang basic education curriculum sa Pilipinas.

“The meeting, which included consultants from the Asian Development Bank (ADB), aimed to provide recommendations on the

new structure of the SHS curriculum as well as on the content of English, Science, and Math standards and curriculum guides,” ani DepEd.

Sa tulong ng Asian Development Bank (ADB), pinaplano ng kagawaran na simulan ang implementasyon ng kurikulum sa taong pampanuruan 2025 - 2026.

Kaugnay nito, sinang-ayunan ng ilang mga mag-aaral mula sa Grade 12 ang pagbabago ng kurikulum sa kadahilanang ‘mas nakakadagdag lang sa stress’ ng estudyante ang pagkakaroon ng maraming asignatura.

“80 hours yung work immersion namin tapos may research pa, so mas makakatulong talaga if less yung subjects and mas makakapag-enjoy pa kayo d’on [work immersion],” sambit ni Keane Aaron Balbuena, Grade 12 na mag-aaral ng Rizal National Science High School.

Una nang tinanggal ng DepEd ang Mother Tongue at ‘humanities’ mula Kinder hanggang Grade 10 upang mas bigyang-diin ang iba’t ibang foundational skills ng kabataan gaya na lamang ng literacy, numeracy, at socio-emotional skills.

MATATAG, Isinulong na sa Rizal

ANNVARIAS Sinimulan na ang implementasyon ng MATATAG Curriculum sa Rizal National Science High School (RNSHS) ngayong taong panuruan, kasabay ng paghahandang isinasagawa ng mga guro at mag-aaral upang makasabay sa pagbabagong dulot nito.

Ibinahagi ni Gng. Ira Bendaña, guro sa ikapitong baitang ng RNSHS, ang kasalukuyang estado ng mga mag-aaral at guro pagkatapos itong maimplementa sa kanilang paaralan habang ipinapakita ang magandang dulot nito sa sistema ngayong taon.

“Kung ikukumpara ang MATATAG sa K-12, tinatayang 90% ng mga mag-aaral ang mas mabilis na natututo dahil sa mas pinasimpleng paraan ng pagtuturo,” ani Ira Bendaña sa isang panayam kasama ang pahayagan.

Sa kabilang banda, inilahad niya ring nangangailangang mag-aral muli ng mga kaguruan sapagkat may iba pa ring paksa sa K-12 na hindi nawala.

“Siguro for a change kasi yung K-12… nakita nila na hindi rin nagkaroon ng improvement, parang naging stagnant din, kaya siguro nakaisip sila na palitan yung K-12 Curriculum,” dagdag niya.

Isinaad naman ni Dr. Lyndel David, punong-guro ng RNSHS, na nagkaroon ng 5-day training nitong Hulyo ang mga kaguruan bilang paghahanda bago ipatupad ang nasabing kurikulum.

“Syempre hindi naman tumitigil ang mga edukador na matatas sa atin— sa DepEd—na gumawa at mag-aral ng isang pinakamagandang pamamaraan kung saan ang layunin ay maibigay ang dekalidad na edukasyon sa mga magaaral,” pagtatapos niya.

Dagdag guro sa kabila ng

budget cut, posible pa rin cut, – RNSHS Principal

Kumpyansa ang pamunuan ng Rizal National Science High School (RNSHS) na hindi makokompromiso ng education budget cut ang planong madagdagan ang bilang ng mga guro sa mga pampublikong paaralan lalo na’t nanatiling may nakalaan para sa pagtugon dito.

Ayon kay Dr. Lyndel R. David, punong-guro ng RNSHS, bagamat nabawasan ng P1.5 bilyon ang budget na ilalaan sana sa Department of Education (DepEd) sa pagtugon sa kakulangan ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, nagkaroon naman na umano ng paunang paghahanda para sa monetary allotment ng mga teaching personnels kung kaya’t hindi rin umano ganoong mararamdaman ang kaltas.

“Yung budget ng teachers for hiring ay hindi naman din kaagad naibibigay, napaplano, kasi ahead of time may budget preparation, dun sa budget preparation naka-allot na yung para sa personnel so hindi masyado

siyang ramdam dun sa pagbawas...May budget pa ring nakalaan para sa mga kaguruan, kaya hindi ako masyadong affected dun personally,” ani David. Kaugnay nito, matatandaang isa ang alokasyon para sa paghahire sa mga guro kasama ang computerization program ng DepEd ang tinapyasan ng budget ng Kongreso matapos mapatunayang nagkaroon ng kapabayaan ang ahensya sa pamamahala ng pondo kung saan hindi napakinabangan ang ilang mga asset na binili ng kagawaran. Sa kabilang banda, aminado naman ang punong-guro na nananatiling may pangangailangan pa rin ang paaralan ukol sa pagdaragdag

sa mga guro lalo na’t may mga kaaalis lang ng serbisyo partikular na sa senior high school department kung kaya’t umaasa siyang mabigyang-tugon din ito ng kagawaran sa lalong madaling panahon.

Aniya, marami pa rin namang mga paraan upang tugunan ng kagawaran ang mga layunin nito lalo’t katuwang naman umano ng mga paaralan ang iba’t ibang stakeholders tulad ng mga magulang, LGUs, at iba pa sa pagtataguyod ng serbisyong edukasyon.

HERBERTPAN

Abot-Kamay na edukasyon para sa lahat

— ARAL LAW, APROBADO NA

N

ilagdaan ni Pangulong Ferdinand

“Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang Palace noong Oktubre 2024 ang Republic Act 12028 o Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Law, isang batas na naglalayong tugunan ang “learning gaps” na hatid ng pandemya.

Prayoridad ng ARAL Law na magkaroon ng libreng learning intervention program para sa mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 10 upang makahabol sa itinakdang pamantayan para sa kanilang baitang.

“With the signing of the ARAL law, we embark on a definitive journey to champion the right of every Filipino child to quality education—ensuring as well that it is accessible to all,’’ sabi ni Marcos.

INDAK. Tinuturuan ng fundamental basic steps ni Maricris Buenavides, guro sa MAPEH ang kaniyang estudyante na si Aldrich Franz Solis bilang paghahanda para sa kanilang Social Dance Presentation nitong ika-21 ng Enero sa kasalukuyang taon sa Rizal National Science High School (RNSHS).

ENRICOOPINIANO

Pagtutuunang pansin ng batas ang pagpapalakas ng kasanayan ng mga magaaral sa mga mahahalagang aralin, gaya ng pagbabasa, matematika, at siyensya.

Kabilang din sa nasabing batas ang pagkakaroon ng mga “tutorial session” na maaaring isagawa online, face-to-face, o sa pamamagitan ng blended learning upang makasiguro na ang edukasyon

ay abot kamay ng mga mag-aaral na higit na nangangailangan nito.

Ayon kay Marcos, makikipagtulungan ang ating gobyerno sa Public Telecommunications Entities upang tumulong sa pagbibigay ng libreng access sa mga eksklusibong learning management systems ng Department of Education (DepEd), gaya ng mga web-based na aplikasyon, online educational platforms, digital libraries, at mga knowledge hubs.

“These will encompass a multitude of tools—from web-based applications and online educational platforms, to digital libraries and other knowledge hubs—fostering continuous learning for both students and educators,’’ aniya.

Ipinahayag din niya ang kanyang kumpiyansa na makakatulong ang pagpapatupad ng batas sa pagpapatibay ng pundasyong akademiko ng mga mag-aaral sa bansa.

“By honing their essential learning competencies, we can equip our students with the foundational skills required to become visionaries, critical thinkers, problem solver—qualities essential to the progress of our nation in this modern world,” ani Marcos.

Samantala, binigyang diin naman ni Marcos ang mahalagang papel na iniatas sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang mabilis at maayos na pagpapatupad ng nasabing batas.

BSKE 2025, ililipat sa Oktubre 2029

MARIELLEGALLEGO

Iminungkahi sa Senado na ipagpaliban ang 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at ilipat ito sa Oktubre 2029 upang palawakin ang termino ng mga opisyal mula tatlo hanggang anim na taon.

Batay sa Senate Bill no. 2816 na inilathala ni Sen. Imee Marcos, inaasahang mas magkakaroon ng sapat na oras ang mga SK at Barangay Officials upang maipatupad ang kanilang mga programa.

“With a longer fixed term, the barangay officials and members of the SK will deepen their understanding of both national and local issues, as well as implement their own medium- and long-term initiatives at the barangay level,” ani Marcos.

Gayundin, isinasaad sa panukala na walang sino mang opisyal ang papayagang maglingkod ng higit sa dalawang termino para sa parehong posisyon.

Sa isang sarbey ng pahayagan, 43.59% ng RiScian registered voters ang nagsasabing maaaring humina ang pananagutan at pagiging aktibo ng mga opisyal habang

25.64% naman ang nagsasabing mabuti ito para magkaroon mas malalim na pag-unawa mga nasa posisyon sa panahon kanilang panunungkulan.

Samantala, 30.77% naman ang nagsasabing wala silang makikitang pagbabago o malaking epekto sa pamamahala ng barangay at kabataan kahit pa palawigin ang kanilang termino.

“The barangay and SK elections will never coincide with the national and local elections, thus ensuring a more focused and effective governance cycle while at the same time allowing Comelec to have adequate time to ensure peaceful and orderly elections,” saad ni Marcos.

Bukod rito, ipinahayag rin ng senador na maaari lamang masayang ang budget na inilalaan ng kagawaran kung madalas gaganapin ang eleksyon.

Mahigit 1,100 na barangay, munisipalidad, lalawigan, at 165 resolutions mula sa iba’t ibang SK chapters sa bansa ang sumusuporta rin sa panukalang ito.

43.59 PERCENT PERCENT walang makikitang

30.77 maaaring humina ang pananagutan at pagiging aktibo ang mga opisyal

Pinirmahan na ng pangulo ang

Republic Act 12080 o mas kilala sa tawag na Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act, kung saan ang bawat paaralan sa loob ng Department of Education ay inaatasang gumawa ng mga programa para sa mental at emosyonal na kalusugan ng mga mag-aaral.

Sa pahayag ni Pang. Bongbong Marcos, mahalaga ang kalusugan ng mga mag-aaral at mga tauhan ng paaralan upang tuluyang mapabuti ang kalagayan sa pagkatuto at mabawasan ang mga nagiging hadlang rito.

“When our learners and school personnel are mentally healthy, academic performance improves, absenteeism decreases, and a culture of compassion and understanding flourishes,” ani Marcos.

Dagdag pa rito, positibo rin ang naging tugon ni DepEd Secretary Sonny Angara sa kanyang pahayag, at naniniwala siyang isa itong malaking hakbang para sa kaisipan at kalusugang pangangatawan ng mga indibidwal sa paaralan.

“We thank President Marcos and the members of the Congress for supporting our efforts of building a system that prioritizes our children’s holistic development,” dagdag ni Angara.

Gayundin, aktibo ang naging aksiyon ng RNSHS para sa pirmadong panukala, samakatuwid, nagpatupad ang ilang club ng paaralan ng mga programa tulad ng REACHing Out, ISKO-Musta Ka?, Open up, This is WNSK!, at KAAGAPAY upang mabigyangpansin ang kalagayang mental ng mga mag-aaral.

Sa pahayag ng Presidente ng Wash in School Program and Kaagapay (WNSK), Ms. Julienne Delgado, kasama sa mga programa nila ang mental na kalusugan ng mga kapwa mag-aaral kung saan ang pinagtutuunang pansin ang kalalagayan ng mag-aaral.

“Isa sa mga focus ng WNSK ang mental health at kasalukuyang undergoing ang Iskomusta ka with partnership sa SSLG at naaccomplish na namin ang Kaagapay for the new students in RiSci,” dagdag pa ni Ms. Julienne Delgado. Samantala, kabuohan ng paaralan ang sumusuporta sa mga programang ipinatutupad at nagkaroon rin ng pagtatalaga ng guro para sa Care Centers na mas kilala sa tawag na Guidance Counseling noon upang masuportahan ang mga mag-aaral at layunin ng pamahalaan na mapa-igting ang programa sa mental health.

ADRIANNESERATO
Impograpiks ni
HANGARIN.
Ibinahagi ni Lyndel David, punong-guro ang kaniyang mga hangarin para sa aaralan, noong ikapito ng Disyembre ng nagdaang taon sa Rizal National Science High School (RNSHS). SERGEESTACIO

RNSHS SSLG, patuloy ang pagkakawanggawa

Government (SSLG) ng Rizal

Science High School (RNSHS) ang pamamahagi ng mga regalo para sa mga batang namamalagi sa Senden Home Foundation bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa Pantok Binangonan Rizal noong ika-21 ng Disyembre ng nagdaang taon.

IpinagpatuloyngSupremeSecondary LearnerGovernment(SSLG)ng RizalNationalScienceHighSchool (RNSHS)angkanilangpagkakawanggawa ngayongKapaskuhansapamamagitanng programang“PaskuhangRiScian.”

Nagdaos ang SSLG ng Christmas party para sa mga bata sa “Senden Homes” at naghatid ng pang-noche buena para sa mga kawani ng paaralan bilang pasasalamat sa kanilang dedikasyon.

Pinalawak ng SSLG ang programang “Tugon RiScian,” na unang inilunsad bilang donation drive para sa mga nasalanta ng sakuna, upang matulungan ang mga foundation at charity organization tulad ng “Senden Homes.” Ipinahayag ni Soyon Cinco, VicePresident ng SSLG, ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng komunidad sa panahon ng pangangailangan. “Mayroon tayong magagawa kahit estudyante pa lamang tayo,” ani Cinco.

Sinimulan ang “Paskuhang RiScian” noong 2020–2021 sa ilalim ng pamumuno ni dating SSG President Mineli Cinco, na nagbigay-daan upang mas mapalawak ang saklaw ng proyekto. Pinagtuunan ng SSLG ang pagpapabilis ng pagtugon sa mga panawagan ng komunidad habang patuloy na isinusulong ang adhikain nitong makapaghatid ng tulong at kasiyahan sa mga nangangailangan.

Senior Scout Investiture, isinagawa na muli sa RiSci

Tumutol ang humigit-kumulang

TINDIG. Muling nanumbalik ang organisasyon ng Boys Scout of the Philippines (BSP) sa Rizal National Science High School (RNSHS), matapos nilang pamunuan ang pagpasok ng mga kulay sa mahalagang selebrasyon sa paaralan noong ika-29 ng Mayo ng nagdaang taon.

EDSMAYCACAYAN

73.9% ng RiScians sa binagong DepEd Order No. 22 na inilabas ng Department of Education (DepEd) kung saan inilipat ang suspensyon ng klase sa elementary at junior high school sa Signal No. 2 na dati ay nasa Signal No. 1.

Upang muling paigtingin ang scouting sa Rizal

National Science High School (RiSci), muling isinagawa ang Senior Scout Investiture sa paaralan na nagsilbing hudyat ng pagbabalik ng scouting sa paaralan.

Ipinakita sa post na inilabas ng DepEd Tayo Rizal National Science High School - CALABARZON noong Nobyembre 4, 2024 ang muling pagsasagawa ng Senior Scout Investiture, kung saan aktibong tumugon ang mga mag-aaral bilang tanda ng pagdiriwang at pagsisimula ng kanilang paglilingkod at pagkatuto bilang scouts.

“The Senior Scout Investiture at Rizal National Science High School was not only a ceremony but a celebration of commitment, community, and the lifelong impact of scouting,” ani ng paaralan.

Bukod pa rito, nagbigay rin ng mga paalala at inspirasyon ang Boy Scout Coordinator ng Binangonan na si Sctr. John Pierre Vittali, kung saan binigyang diin niya ang kahalagahan ng pamumuno, pananagutan, at pakikipagkaibigan sa pamayanan ng scouting upang mas mapalakas ang diwa nito.

Gayundin naman, sa pahayag ni Sctr. Lawrence Dominic Barles, isang Senior Crew Leader, naniniwala siyang napakahalaga ng scouting sa paaralan kaya’t patuloy niyang hinihimok ang kaniyang kapwa scouts sa kanilang misyon sa pagpapahalaga sa scouting.

“Scouting has different lessons that you won’t learn in an academic track or classroom setting. And it is proven when scouts outstand professionally and also it teached life long lessons na naaplied nila outside of school and in their professional life,” dagdag pa niya.

Aktibo rin ang tugon ng paaralan sa pagbabalik ng scouting sa RiSci sapagkat maraming guro at mga magulang ang nakiisa sa pagsasagawa ng Senior Scout Investiture tulad nina Sctr. Raquel Pandialan, ang Officer-in-Charge ng RiSci, at si Sctr. Raquel Caseres, ang Basic Training Course Holder, upang muling iangat ang scouting sa paaralan.

Samantala, patuloy ang pagsisikap at koordinasyon ng Boy Scouts of the Philippines ng paaralan sa iba’t ibang institusyon upang maisagawa ang mga programa at gampaning kanilang tinanggap sa harap ng mga kapwa scouter.

Batay sa isinagawang survey ng pahayagan, iginiit ng karamihan na hindi sapat ang kasalukuyang mekanismo ng DepEd para sa suspensyon ng klase upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.

Ayon sa kanila, hindi ito sapat sapagkat kahit Signal No. 1 pa lamang ang bagyo, maaari pa ring makaranas ng malalakas na pag-ulan, hangin, at baha na nagdudulot ng panganib sa paglalakbay papunta at pauwi ng paaralan.

Samantala, humigit-kumulang 26.09% naman ang pabor at nagsabing alamin muna ang sitwasyon sa paligid lalo na kung ang lagay ng panahon ay hindi gaanong masama sa lugar ng paaralan.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, layunin ng alituntunin na panatilihin ang kaligtasan ng mga guro, mag-aaral, at mga non-teaching personnel habang tinitiyak na hindi maaantala ang pag-aaral ng mga estudyante.

Bukod dito, kinakailangan ding baguhin ng mga paaralan ang kanilang mga Learning and Service Continuity Plans (LSCPs) upang masolusyonan ang mga hamon sa pag-aaral.

“Whenever feasible, schools shall shift to distance learning delivery modalities through online distance learning, modular distance learning, or blended learning to ensure learning continuity, in the event of face-to-face class suspensions.”

JENYPERPETUA

DepEd, planong idagdag ang coding sa kurikulum

Pinaplano ng Department of Education

(DepEd) na idagdag ang coding sa kurikulum upang pagtibayin ang kaalaman ng mga guro at mag-aaral sa teknolohiya.

Sa mensaheng ibinahagi ni DepEd Secretary Sonny Angara, nilalayon ng departamento na isama ang digital literacy sa mga paaralan upang paunlarin ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

“We are working to incorporate coding into our curriculum and are utilising educational technology, such as analytics, to assess learners in real-time.. This will allow teachers to focus more on teaching and less on administrative tasks, ultimately improving the quality of education,” ani Angara.

Kasunod nito, sinang-ayunan rin ng ilang science teachers na nagnanais magkaroon ng coding sa kurikulum ng DepEd ang panukala.

“Pabor ako at nakapag-seminar sa La Salle Zobel de Ayala, Grade 3 ang start ng coding sakanila… Ika nga, teach them young kasi mas creative mga bata eh less realistic at mas idealistic sila so mas

VIENVILLARAN

marami sila na-cre-create na mga bagay”- ani Marjay Resurreccion, guro mula sa Tanay National High School.

“It requires higher thinking skills, so ibig sabihin kapag ito kinaya ng mga bata mahirap, paano pa sa madali? Diba so I really think mageelevate ito ng quality ng edukasyon sa bansa,” dagdag pa niya.

Sa kabilang banda, sinabi rin ni Resurreccion na marami pa ring problemang haharapin ang nasabing pagdaragdag ng coding sa kurikulum katulad ng posibilidad na kakulangan sa materyales.

Sa kabila nito, umaasa siya na patuloy itong makakatulong sa planong pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Maynilad, naghahanda para sa P30 bilyong Water Treatment Project

UMARIELLEGALLEGO

mani ng batikos sa National Coalition for the Family and the Constitution (NCFC) ang implementasyon ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) Program na di umano’y kumokontra sa tradisyonal at Kristiyanong paniniwala.

Sa isang viral Facebook video ng Project Dalisay, inihayag ng Legal Advisory & Public Policy Review Commission na maaaring i-”hypersexualize” ng programa ang mga bata sa maagang edad.

“It also emphasizes sexual rights, which could be interpreted as encouraging early sexual activity, and includes discussions on contraception, abortion, and non-traditional relationships,” ani NCFC.

Iginiit ng grupo na imbis na ituro ang programa sa paaralan kasama ang mga guro, marapat na magkaroon lamang ng tatlong one-hour sessions kada taon kung saan mga propesyonal at eksperto lamang ang dapat magturo.

Bukod rito, pinuna rin ng NCFC ang paglunsad ng Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023 na pinaplanong isama sa kurikulum ng bansa.

Tugon naman ni Senador Risa Hontiveros, ang mga nabanggit na konsepto sa video ay maituturing na “false information” sapagkat wala namang probisyong nakasaad sa batas na tulad ng kung “sexually active” ang isang bata, hindi na dapat ito sabihin sa magulang.

Gayundin, nilinaw ng DepEd na sinisigurado nilang epektibo at “culturally sensitive” ang mga konseptong ipinapatupad sa bawat panukalang batas ng ahensya.

“Nakikinig kami – noon bilang Senador at hanggang ngayon bilang inyong Kalihim.. Bukas ang pintuan ng DepEd para sa inyong pahayag at mungkahi, lalo na kung may tiyak na detalye,” saad ni Angara.

EDSMAYCACAYAN

Ipinahayag ng Maynilad Water Services Inc. na ang P30-bilyong Water Treatment Project nito ay nagpapatuloy ayon sa plano sa oras para matapos ang multi billion-peso na Kaliwa Dam

upang matugunan ang lumiliit na suplay ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit

Naglaan ng humigit-kumulang P30 bilyon na capital expenditures para magtayo ng water treatment facility sa Teresa, Rizal, upang makainom ng tubig mula sa raw supply na nagmumula sa P12.2 bilyong Kaliwa Dam.

May kakayahang mag-supply ng 600 million liters kada araw (MLD) ng tubig sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Naglalayong magbigay ng alternatibong pagkukunan ang raw supply ng tubig dahil umaasa ang lungsod sa Angat Dam na may humigit-kumulang 90 porsyento ng mga kinakailangang tubig sa loob ng mga dekada.

Ayon sa chief operating officer na si Randolph Estrellado na para sa planong treatment project ay may inilaan na P10 bilyon para sa mismong planta at P20 bilyon para sa conveyance line na maghahatid ng tubig mula sa isang impounding area patungo sa isa pa.

Nangangailangan ng isang treatment plant na may kapasidad na 300 MLD at Isang 2.2-meter-diameter pipeline na may kabuuang haba na 50 kilometro upang ipamahagi ang tubig sa West Zone concession area ng Maynilad.

Ipinahayag ni Estrellado sa mga mamamahayag sa isang impormal na pagtitipon noong Biyernes na ang

Maynilad ay dadaan sa kanilang sariling proyekto na iniisip ang pag-unlad sa pagtatayo ng Kaliwa Dam.

Base sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System, inaasahang matatapos ang Kaliwa Dam project sa pagitan ng 2028 at 2029. “It’s necessary that before the completion of Kaliwa Dam, our projects are also finished because it takes about three years to build a treatment plant. Then, we still have to lay a pipeline from Teresa, Rizal, down to Morong, Binangonan and then Laguna [de Bay],” ani niya.

Sinabi ni Estrellado na sa ngayon ay nakuha na nila ang lupa kung saan tataas ang treatment plant at iginawad ang mga kontrata sa paglalagay ng mga tubo sa Teresa at Morong. Para sa susunod na taon, igagawad ang mga kontrata para sa tubo ng Binangonan at sa mismong planta.

Bahagi ito ng business plan ng Maynilad na gumastos ng mahigit P163 bilyon sa pagitan ng 2023 at 2027 para mapahusay ang mga serbisyo nito sa tubig at waste water. Sa 2025, target ng kumpanya na gumastos ng hanggang P39 bilyon sa capital outlays para sa parehong layunin.

na layon
na lalawigan.
PAUNANG HAMON. Sinusuri ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang ang code para sa sinusubukang buuin na robot para sa kompetisyon sa Rizal National Science High School (RNSHS) nitong ika-16 ng Enero taong kasalukuyan. ANNVARIAS
BUNGKAL. Nag-papatag ng kalsada sina Sherwin Como (33) at Reynald Ramirez (36) noong ika-apat ng Oktubre ng nagdaang taon sa Pantok, Binangonan, Rizal. Isinasagawa nila ang pag-aayos ng mga daanan na kadalasan ay nagiging sanhi ng trapiko sa Pantok.

Kaban Laban sa Kabuktutan

Malinaw na sinasalamin ng 2025 budget ang prayoridad ng gobyerno—at nakapanlulumo mang isipin, tila hindi ang sambayanang Pilipino ang nasa unahan ng listahang ito. Itinuturing ni dating finance official Cielo Magno ang 2025 budget allocation bilang “most corrupt” sa kasaysayan ng Pilipinas. Harapan umanong ninanakawan ng batayang serbisyo ang mga mamamayan, lalo na pagdating sa edukasyon at kalusugan— taliwas sa ipinangakong ipaprayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa halip na ilaan ang budget para sa mga programang kailangan ng bansa, mas malaki pa ang ibinigay sa mga unprogrammed funds, na pinaniniwalaang pinagmumulan ng korapsyon.

Hindi makatarungan ang ginawang paghahati ng 2025 budget—tila naging pro-pork at pro-politician habang nanatiling anti-poor at anti-development. Isa sa mga pinaka-kontrobersyal na alokasyon ay ang P1.113 trilyong pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon kay dating Senate President Franklin Drilon, malaking bahagi ng pondong ito ang gagamitin lamang sa pork barrel allocations bilang paghahanda sa darating na eleksyon. Imbis na magtulak ng tunay na pag-unlad, ang ganitong kalakaran ay nagiging daan lamang ng kabuktutan at katiwalian.

Sa gitna ng lumalalang kawalan ng trabaho, pinutol din ng bicam ang budget ng labor department ng P18 bilyon –karamihan ay dahil sa P17.2 bilyong bawas sa TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers program para sa mga impormal na manggagawa.

Zero PhilHealth subsidy ang isa pa sa mga isyung matinding pinoprotesta ng sambayanang Pilipino. Sa kasalukuyan pa lamang, nahaharap na ang bansa sa kakulangan ng healthcare services, at ang desisyon na alisin ang subsidyong ito ay tiyak na magpapalala pa sa problema. Karapatan ng bawat mamamayan na makatanggap ng abot-kayang serbisyong pangkalusugan, at ang pagtanggal ng pondong ito ay lalo lamang magpapahirap sa mga Pilipinong lubos na nangangailangan.

Samantala, iginiit ni Senate Finance Committee Chairman Grace Poe ang pagkakaroon ng P600 bilyong reserve funds ng PhilHealth bilang dahilan kung bakit hindi na sila binigyan pa ng subsidiya. Ayon sa kanya, ilalaan na lamang daw ang budget sa mga sektor na wala talagang pondo. Gayunpaman, hindi maitatanggi na ang kawalan ng direktang suporta sa PhilHealth ay maaaring magresulta sa pagkaantala ng serbisyong medikal at mas malaking pasanin para sa mga Pilipinong umaasa sa abot-kayang healthcare. Higit pa rito, nilalabag lamang ng zero subsidy ang mga layunin

Bunsod ng sunod sunod at di maiiwasan na mga sakuna sa ating bansa na nagdulot ng panaka nakang paghinto at pagkansela ng mga klase sa mga pribado at pampublikong paaralan, ipinatupad ng Department of Education (DepEd) noong ika-13 ng Disyembre taong 2024 ang Department Order No. 22 na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang punong guro ng pampublikong paaralan upang magdesisyon kung nararapat nga bang kanselahin ang klase o hindi.Isa itong malaking hakbang upang muling maibalik ang dating takbo o schedule ng paaralan.

Ayon kay Gng. Lyndel R. David, Punong Guro ng Rizal National Science High School (RNSHS), “Actually, may power naman talaga ang principal regarding suspension iba-iba nga lang ang proseso or level kung kailan dapat gamitin iyon”.

Naging malaking pahirap din ito sa paaralan ng Rizal National Science High School (RNSHS) dahil

ng Universal Health Care (UHC) Act at ng Sin Tax Law, na parehong tinitiyak ang sapat at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat. Bukod sa PhilHealth, sinakal din ng bicam ang pondong inilalaan para sa ayuda. Nagkaroon ng P50 bilyong budget cut sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), habang P26 bilyon naman ang inilaan sa AKAP Program (Ayuda Para sa Kapos Ang Kita Program) upang umano’y matulungan ang mga minimum wage earners at mga apektado ng inflation. Bagama’t ang layunin ay magbigay ng suporta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, malinaw na nagkakaroon ng political advantage ang mga kandidato mula sa pamamahagi ng ayuda. Ginagamit lamang ang sistemang ito upang pasayahin ang mga botante at makakuha ng suporta sa darating na halalan. Panandalian lamang ang epektong dulot ng nasabing ayuda sa mga Pilipinong ‘near-poor’, habang ang mga politiko? Sila ang tunay na nakatatanggap ng pangmatagalang benepisyo nito. Mamamayan ang una’t dapat laging prayoridad ng pamahalaan. Mangyaring suriin at pagaralang mabuti ang budget allocation, dahil tiyak na malaki ang magiging epekto nito sa bansa at sa mga Pilipino. Higit sa lahat, sa kabila ng kaliwa’t kanang kritisismo sa kaduda-dudang gawain ng mga politiko, isang bagay lamang ang malinaw— walang ibang magbabantay ng kaban laban sa kabuktutan, kundi mismong taumbayan.

JAMEIMPERIAL

ang bawat mag aaral dito ay nakatira sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Rizal kung kaya’t sa tuwing magkakansela ng klase ay napeperwisyo ang mga malalayo pa ang inuuwian.

“ Ang DepEd Order 22 ay nagbibigay ng karapatan na magdesisyon ang mga punong guro dahil sila ang direktang nasa field at nakakakita ng totoong sitwasyon.” Dagdag pa ng punong guro.

Matatandaang inilunsad ng DepEd noong ika-1 ng Setyembre taong 2022 ang Deped Order No. 37. Nakasaad dito ang pamantayan sa pagkansela ng klase sa iba’t ibang sakuna lalo na sa lagay ng panahon ay naguumpisa sa signal number one para sa kinder hanggang Senior High School.

Hindi maikakaila na nagdulot ito ng tuwa sa ibang mag aaral ngunit sino ba ang hindi matutuwa?

Konting ulan, konting ambon, kanselado na kaagad klase dahil nakasaad dito na kapag nag signal number one ay agad agarang ikakansela ang klase.

Ngunit sa S.Y 2024-2025, nagplano ang DepEd na ibalik na sa dati ang schedule ng lahat ng paaralan. Alinsunod ito sa DepEd Order No. 009, s. 2024 at Republic Act (RA) No. 7797 na nagsasabi na ang pag uumpisa o pagbubukas ng klase ay dapat maganap sa unang Lunes ng buwan ng Hunyo.

Isa nga sa nasabing dahilan ay ang summer season kung saan kahit tirik na ang araw ay pumapasok pa rin ang mga mag aral dahil ito na ang bagong iskedyul na kanilang kinagisnan matapos ang pandemic.

Samakatuwid, ang pagbibigay kapangyarihan sa nakakataas ng isang paaralan ay isang magandang hakbang upang ika nga maibalik sa “right track” ang takbo ng klase.

Magiging hakbang din ito upang mas lalong angkop o naaayon sa tunay na lagay ng sitwasyon sa bayan na kinapapalooban ng paaralan ang magiging pagkansela ng mga klase.

Sa pagsapit ng halalan, unti-unti nang nagpapakilala ang mga kandidatong hapit na makuha ang loob ng mga rehistradong botante, lalo’t higit papalapit na rin ang Eleksyon 2025. Ngunit hindi makatarungan na nangingibabaw ang dinastiyang politikal sa demokratikong bansa, kung saan mas matimbang pa ang karamihan sa kanila para sa pansariling interes kaysa pagtupad sa pagbabagong inaasam ng mamamayan — paniguradong magdudulot ito sa banayad na pagkamatay ng kanilang mga pangarap.

Matatandaang ipinasa ni Senador Padilla ang Anti-Political Dynasty Bill (Senate Bill 2730) noong Hulyo 15 ng taong kasalukuyan kung saan maaari itong mag-ugat ng makasaysayang pagbabago sakali mang maisabatas ito. Bilang pagpapahalaga rito, base sa datos ng lokal na halalan sa Pilipinas mula 1988 hanggang 2019, tumaas nang malaki ang political dynasty sapagkat ang mga gobernador na may kamaganak sa puwesto ay tumaas mula 41% noong 1988 hanggang 80% noong 2019. Nakadidismaya ang katotohanang lantad sapagkat hindi ito ang unang beses na ipinasa sa kongreso ang bill laban sa dinastiya. Sa bagay, wala nang pag-asang pa itong maipatupad bilang batas sa kadahilanang maaapektuhan ang pananamantala ng mga nasa posisyong isinasabuhay ang pamumuno ng kanilang pamilya. Ayon naman sa isang pag-aaral nina Tusalem at Pe-Aguirre noong 2013, mas mataas ang congressional funds sa mga lugar na sikat ang political dynasty, ngunit mas matayog na rin ang antas ng krimen at mahinang pamamahala sa mga probinsyang ito. Kahit pa man ipinapangako nilang

may pag-unlad na mangyayari, hindi naman talaga natututukan ang paglaan ng trabaho sa nangangailangan, imprastrakturang dapat na maipatayo, at serbisyong pangkalusugan — lubos lamang napatutunayan at patuloy na binibigo ng mga mapanlinlang ang nagtitiwalang

Kung talagang nais ipamukha ng mga kandidatong mayroon silang maidudulot na pagbabago sa darating na halalan, nawa’y isipin nilang kinabukasan ng bansa ang pinag-uusapan dito.

ESPIRITU SANTO,SANDRICK

sambayanang Pilipino.

Kalakip nito, giit ni DILG OIC-Secretary

Eduardo M. Año, mahalaga ang eleksyon sa Baranggay at Sangguniang Kabataan (SK) para sa pagpapatupad ng SK Reform Act (RA 10742) na may kauna-unahang probisyon ng anti-dynasty,

kung saan itinaas na rin mula 15-17 patungong 1824 taong gulang ang nararapat upang maluklok bilang opisyal ng SK at makamtam ang layuning magbigay-daan sa ibang kabataan na magdala ng tunay na pagbabago sa bansa. Hindi nakapagtatakang pinauunlakan ang kabataang tuparin ang pagiging “pag-asa ng bayan” sa pamamagitan ng pagbubukas ng oportunidad sa karapat-dapat na lider na responsable’t modelo sa kaniyang nasasakupan. Gayumpaman, hindi pa rin katanggap-tanggap na mayroon nang tumutugon sa problemang ito sa SK ngunit wala pa rin sa mas matataas na posisyon — kung saan pa talaga mas kailangan, yaon pa ang hindi mapunan. Kung talagang nais ipamukha ng mga kandidatong mayroon silang maidudulot na pagbabago sa darating na halalan, nawa’y isipin nilang kinabukasan ng bansa ang pinaguusapan dito. Gayundin ang mga maaari nang bumoto, matutong magsiyasat at kilalanin ang mga nakalinya. Hindi lamang ito kasimbabaw ng pagpili ng larawang ipo-post sa social media, kasintindi ito ng desisyong ipaglalaban ang pangarap o hahayaan na lamang maging abot-lamay.

Punong Patnugot
Ann Varias
Ikalawang Patnugot
Cassandra Reyes, Eds Maycacayan
Tagapamahalang
Patnugot
Eunice Aragon, Charlene Gregorio
Patnugot ng Balita Herbert Pan, Marielle Gallego
Imperial, Jasmine Azusano,
Bustria, Ann Tolentino, Elisha Jaden Distor, Jeny Perpetua
ng Larawan Aldred De Leon
Mga Tagakuha ng Larawan
Avellano, Charmelle Dela Cruz, Kristel Alcuizar, Kim Claudine Dado, Trisha Anne Dalipe
Patnugot ng Kartun Emman Celajes, Francesca Sanvictores
Mga Tagaguhit ng Kartun Charles Isaiah Guanio, Lheanna
Quiding, Samantha Venice
Himaya H. Vasquez, Fiona Joel Casabuena, Ericka Santos, Felize Catolos, Anne Clarisse Arabit Punong Tagadisenyo Cassandra Reyes
Mga Tagadisenyo ng Pahina Sofia Johanna Rodriguez, Ashley Agbulos, Dariana Magno, Adrianne Serato, Elijah Dan Sinquenco, Dane Diaz

Edgardo Maycacayan, HRPTA Rutherford President

LIHAM SA PATNUGOT

Hindi lalo pa handa. Lalo na at hindi natutukan ang climate crisis at lalo pa ang mga pamahalaang pangbayan ay patuloy na pumapayag sa urbanisasyon. Kadalasang hindi natutugunanng gobyerno ang mga primaryang pangangailangan ng mga mamamayan pagkatapos ng isang kalamidad, hindi laging nakakapagbigay ng mga suplay o mga relief goods at simpleng pagtulong sa kapaligiran ng mga nasalanta. Opo sang ayon ako sa pagbibigay kapangyarihan sa mga punong guro para sa mabilisang aksyon para sa kaligtasan ng mag-aaral.

Sa harap ng sunod-sunod na kalamidad, lalo na noong nakaraang taon, masasabi mo bang handa ang ating bayan, lalo na ang paaralan? Sang-ayon ka ba sa desisyon ng DepEd na palawigin ang kapangyarihan ng punong-guro sa pagsususpinde ng klase tuwing nahaharap sa nagbabadyang sakuna?

Maling Prayoridad sa Badyet

Ang pagbabawas ng badyet sa sektor ng edukasyon ay isang malaking balakid sa pag-unlad ng sistemang pang-edukasyon sa bansa. Sa kabila ng mga pangako ng pamahalaan, ang pagbibigay ng mas maraming pondo sa imprastraktura kaysa sa edukasyon ay nagpapakita ng maling prayoridad na maaring magdulot ng panganib sa kinabukasan ng mga kabataan.

Isang malaking hamon sa sektor ng edukasyon ang mga pagbawas sa badyet ng mga ahensya tulad ng DepEd at CHED. Kamakailan lang, binawasan ng Kongreso ang badyet ng Department of Education (DepEd) ng P12 bilyon mula sa orihinal na P748.6 bilyon na inaprubahan sa House of Representatives.

Para sa akin, ang pagbabawas sa badyet ng edukasyon ay isang maling hakbang. Kung nais ng gobyerno na mapabuti ang kalidad ng edukasyon, dapat bigyan nila ng prayoridad ang sektor na makapagaambag sa pangmatagalang kaunlaran ng bansa. Ang kawalan ng sapat na pondo para sa digitalisasyon at modernisasyon ng mga paaralan ay nagiging sagabal sa pagunlad ng mga estudyante, lalo na sa mga guro at mag-aaral na walang sapat na gamit tulad ng computer o tablet.

“Naniniwala kasi ako na bukod sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang matugunan ang epekto ng budget cut, ang mga paaralan lalo na ang mga pinuno nito ay kailangan din gumawa ng paraan upang matugunan ang pangangailangan ng paaralan at naniniwala ako na ang mga punong guro lalo na ang pangunahing nais ay mapaganda at mapataas ang performance ng paaralan ay maraming alam na paraan upang ma achieve ang layunin na ito.” ani Dr. Lyndel R. David, punong guro ng Rizal National Science High School.

Sa kabila ng mga pagbabawas sa pondo, mahalaga na gamitin ng gobyerno sa tama at maayos ang badyet na makakatulong upang mapabuti ang lagay ng mga mag-aaral. Nararapat ring aksyunan agad ito upang unting-unti na nating makamit ang digitalization sa sektorng edukasyon.

Sa huli, hindi lamang ang mga guro at mga pinuno ng paaralan ang dapat magsikap para sa pagpapabuti ng sistemang pangedukasyon—may malaking responsibilidad din ang ating gobyerno. Ang edukasyon ay ang pundasyon ng isang matatag na lipunan, at upang magtagumpay, kailangan ng sistema na hindi lamang naka-pokus sa mga pasilidad sa paaralan kundi pati na rin sa modernong teknolohiya na magbubukas ng maraming oportunidad para sa lahat ng mag-aaral.

Para sa akin, ang pagbabawas sa badyet ng edukasyon ay isang maling hakbang. Kung nais ng gobyerno na mapabuti ang kalidad ng edukasyon, dapat bigyan nila ng prayoridad ang sektor na makapagaambag sa pangmatagalang kaunlaran ng bansa.

JASMINE ASUZANO

Patnugot ng Ang Aghamanon

Pagbati, Sir Edgardo! Sa pag-usbong ng isyung ito, nakikiisa ang Ang Aghamanon sa mga nakararanas ng ganitong tugon at desisyon ng pamahalaan, bago at matapos ang panahon ng kalamidad sa bayan. Nawa’y sa susunod na mga kalamidad ay matugunan ang mga suliraning nabanggit. Dinidinig din Ang Aghamanon ay kaisa sa pagsasaalang-alang ng inyong opinyon sa desisyon ng DepEd at tiwala bilang mamamayan at titiyakin na ang inyong mensahe ay makararating sa tagapangasiwa ng paaralan.

Para sa akin, oo, dahil may iba’t ibang sangay ng gobyerno na nagsasagawa ng mga drills upang magbigay kaalaman sa mga estudyante at mamamayan kung paano haharapin ang iba’t ibang kalamidad na makatutulong upang matiyak ang kahandaan ng bayan at paaralan. Ako rin ay sang-ayon sa desisyon ng DepEd na palawigin ang kapangyarihan ng punong-guro sa pagsususpinde ng klase tuwing nahaharap sa nagbabadyang sakuna, bilang pinuno ng paaralan, may kakayahan siyang magdesisyon nang mabilis at tumpak upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro

Joeriette Coquial, Grade 11 student

Ang bayan natin, kabilang na ang paaralan ay handa sa mga sakunang nakabadya rito. Masasalamin ito sa pagkakaroon ng pagkakaisa at matibay na ugnayan sa pagitan ng buong komunidad at ng paaralan. Makatutulong rin ang pagpapalawig ng kapangyarihan ng punongguro sa pagsuspinde ng klase lalo na sa ating paaralan dahil maraming Risayan ang nagmumula sa iba’t ibang bayan, dahilan ng pagiging apektado ng ibang mag-aaral sa kalagayan ng karatig-bayan ng Binangonan.

Sumpa ng Sakuna

Sa pagragasa ng hindi mabilang na dami ng kalamidad sa ating bansa, tiyak na dapat sa isipin ng mga Pilipino ang kahandaan at seguridad bago pa man ito tumama sa atin. Ngunit, nagsisilbing repleksyon ng buong bansa ang munisipalidad ng Binangonan sa katotohanan; tayo lamang ay kumikilos sa oras na may buhay nang nasawi. Hindi lamang “Pray for the Philippines” ang dapat na tugon natin sa bawat sakuna ng bansa, dahil walang magagawa ang dasal sa gobyernong hindi natututo sa trahedya ng nakaraan.

Isa sanang maiiwasang trahedya ang paglubog ng MB Aya Express sa bayan ng Binangonan noong Hulyo 27, 2023, kung binibigyang prayoridad lamang ng lokal na pamahalaan ang seguridad ng mga mamamayang naglalakbay gamit ang bangka. Dahil dito, mahigit 27 ang nasawi sa kanilang paglalakbay nang tumumba ang bangkang kanilang sinasakyan sa kasagsagan ng malalakas na hangin na dulot ng bagyong Egay.

Sa kabila ng pagiging isa sa mga mayayamang munisipalidad sa buong bansa noong 2023, hindi magawang paglaanan ng Binangonan ng sapat na teknolohiya at kagamitan ang transportasyong pandagat, kung kaya’t nagreresulta ito sa siksikan, at labis na bilang ng mga pasahero sa mga maliliit na bangka, tulad na lamang ng nangyari sa MB Aya Express. Sa huli, ang mga ordinaryong mamamayan ang sinisingil sa mga problemang matagal na dapat sinosolusyunan ng lokal na pamahalaan. Dahil sa pinsala ay nagbunga ito ng mas istriktong mga

polisiya sa pagbabangka hindi lamang sa Binangonan, kung hindi ay sa iba’t ibang mga daungan sa bansa. Subalit, hindi na nito maibabalik ang mga buhay na nasawi nang dahil sa hindi agarang pagsosolusyon sa matagal nang problema sa mga daungan. Ang paglutas at pagpapatupad ng mga ganitong kahandaan bago maganap ang anumang sakuna ang tunay na aksyong makakapagligtas sa mga mamamayan. Hindi na dapat hinihintay na muling magturo ng leksyon ang kasaysayan bago muling maalala ng mga Pilipino ang mga trahedya ng nakaraan. Bilang isang bansang lansangan ng kalamidad, dapat pang mas singilin ng mga mamamayan ang gobyerno, at humingi ng mas matibay na plano ng paghahanda, mas agarang

Takot sa Tulong

Matagal nang usapin ang Violence Against Women (VAW). Taon-taon binibigyang-pansin ng iba’t ibang ahensya at organisasyon ang isyung ito sa pamamagitan ng mga kampanya na naglalayong ipahayag ang mga karanasan ng kababaihan, magbigay ng kaalaman sa mga paraan ng proteksyon, at itulak ang mga hakbang ng pamahalaan upang masolusyunan ang problema, isa na rito ang 18-Day Campaign to End VAW ng Philippine Commission on Women (PCW).

Sa kabila ng patuloy na pagsulong ng ganitong mga inisyatiba, tila nananatili ang mga tanong na: Mayroon nga bang tunay na solusyon at pagbabago ang siglo-siglo nang problema? O ‘di kaya ang susi sa pagbabagong ito na matagal nang hinahanap ay hindi sa pagpaparusa sa mga nang-aabuso kung hindi sa paglaban ng mga naaapi?

Ayon sa datos ng Philippine National Police noong 2023 at 2024, hindi bababa sa 15,000 ang naitatalang kaso ng pang-aabuso sa kababaihan kada taon. Ayon pa sa datos, isa lamang sa 10 biktima ang nag-uulat ng kanilang karanasan. Ang mga dahilan sa hindi pagsusumbong ng mga biktima ay nakaugat sa takot at hiya—takot sa kung paano sila titingnan ng lipunan, takot na hindi seryosohin ng mga awtoridad, at takot sa mas lalo pang paglala ng sitwasyon buhat ng kanilang pagsasalita. Sa isang press briefing noong Disyembre, sinabi ni PCW Chairperson Ermelita Valdeavilla, “Yung iba po hindi nagre-report kasi wala po silang tiwala doon sa kanilang pinagre-reportan o kaya hindi nila alam ang gagawin nila at ‘di rin nila alam kung ano ang magiging resulta ng kanilang paglapit sa kanilang pagsusumbungan.” Ang takot na ito—bagamat may katwiran—ay nagdudulot ng mas malalang epekto. Ang pananahimik ng mga biktima

ay nagiging sanhi ng patuloy na paglaganap ng pang-aabuso, kasabay ng pagtanggal sa kanilang karapatan na mabuhay nang malaya at may dignidad. Habang may responsibilidad ang mga biktima na humingi ng tulong, kailangang kilalanin na ang mismong proseso ng paghahanap ng hustisya ay nananatiling hindi abot ng lahat ng mamamayan, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Isa sa mga ugat ng problema ay ang kawalan ng edukasyon tungkol sa mga batas na nagbibigay-proteksyon sa mga kababaihan, gaya ng RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children Act of 2004). Marami sa mga biktima ang hindi alam na may mga hakbang na maaaring gawin upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Bukod dito, ang kakulangan ng tiwala sa mga institusyon ng gobyerno—dulot ng mabagal o hindi makataong proseso—ay nagiging hadlang sa paglalakas-loob ng mga biktima na maghain ng reklamo. Sa likod ng takot na ito ay ang kultura ng pagkondena ng lipunan sa mga kababaihang nagtatangkang ipagtanggol ang kanilang sarili. Sa halip na bigyan ng suporta, mas madalas ang paninisi o kaya nama’y panghuhusga. Ang mapanganib na paniniwala na ang mga babae ay kailangang magtiis, alang-alang sa “pagpapanatili ng pamilya,” ay lalo pang nagpapalakas sa ugat

ng pang-aabuso.

ang naratibo. Panahon na upang tapusin ang kultura ng pananahimik, takot, at kahihiyan.

Hindi makatarungan na ang mga biktima pa ang kailangang magdala ng bigat ng kahihiyan, takot, at kawalang-katiyakan. Sa halip, kailangang magtulungan ang lipunan—mga institusyon, komunidad, at bawat indibidwal—upang magbigay ng ligtas na espasyo para sa mga kababaihan. Dapat tiyakin na may sistema ng agarang aksyon, edukasyon, at sensitibong pagsuporta upang tuluyan nang maputol ang siklo ng pang-aabuso.

Ang takot ay hindi dapat maging tanikala na pumipigil sa kababaihan upang maghanap ng hustisya at kalayaan. Sa lipunan kung saan ang paghingi ng tulong ay pinagmumulan ng pangamba, kailangang baguhin natin ang naratibo. Hindi kailanman kasalanan ng biktima ang pagdurusa. Panahon na upang tapusin ang kultura ng pananahimik, takot, at kahihiyan. Sa bawat babaeng nagtatangkang lumaban, nawa’y masalubong sila ng sistemang handang tumindig kasama nila. Dahil sa pagtatapos ng takot, nagsisimula ang tunay na pagbabago at tunay na tulong. Nararapat ang pakikibahagi sa laban na ito—dahil ang hustisya ay hindi lamang karapatan, ito rin ay responsibilidad ng isang lipunan.

Sa lipunan kung saan ang paghingi ng tulong ay pinagmumulan ng pangamba, kailangang baguhin natin
TINGIN MO?
Lennon Paz, Grade 11 student
MIKODELACRUZ
JASMINEAZUSANO
DARIANAMAGNO Impograpiks ni

Kailan matatapos ang pag-eexport ng OFWs?

GIOJARING

Sa paliparan ay kaliwa’t kanan ang paglipad ng ating mga kababayang nangingibang-bayan upang mabigyan ng komportableng buhay ang kanilang mga minamahal sa kani-kanilang tahanan. Kabaha-bahala dahil ang masaklap ay pagdating sa ibang bansa’y tila aso kung sila’y tratuhin ng mga amo.

Walang tigil at milyon-milyong Pilipino ang umaalis ng bansa taon-taon, pinipili ang buhay ng pagiging Overseas Filipino Workers (OFWs), na kalaunan ay nauurong at nauurong sa kahirapan at pang-aabuso. Sa kabila ng kanilang sakripisyo at pagsusumikap, ang mga OFWs ay patuloy na nagiging biktima ng hindi makatarungang kondisyon sa trabaho, karahasan, at ilegal na mga gawain.

Isang matinding halimbawa ng kalupitan ay ang sitwasyon ng mga OFW, partikular na ang mga domestic helpers sa Kuwait. Marami sa kanila ang hindi binabayaran ng tamang sahod, pinagsasamantalahan, at nakakaranas ng pisikal at sekswal na pang-aabuso. Kung hindi sila namamatay sa kamay ng kanilang mga amo, ipinapadala sila sa

mga sindikatong mapang abuso. Isa na rito ang kaso ni Mary Jane Veloso, isang OFW na nahulog sa bitag ng illegal recruitment at nahuli sa Indonesia dahil sa droga, kung saan isang matinding halimbawa ng pagkapariwara ng isang buhay na wala ring kasiguruhan. Sa kabila ng mga hakbang tulad ng One-Stop OFW AKSYON Center, patuloy na pinapalala ng gobyerno ang kakulangan sa mga epektibong solusyon. Wala sa mga proyekto ang nakakasapat upang maprotektahan ang mga OFWs mula sa pang-aabuso ng mga amo at mga illegal recruiters. Ang mga hakbang ng gobyerno ay mga pansamantalang solusyon lamang na hindi tumutugon sa ugat ng problema: ang kakulangan sa mga oportunidad at proteksyon sa loob ng bansa.

JASMINEAZUSANO

Resilyensya o Resistensya

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Kahit paulit-ulit na nakakaranas ng mga sakuna, patuloy na bumabangon at hindi nawawalan ng pag-asa. Ngunit madalas, nakakalimutan ng mga Pilipino kung ano talaga ang makakatulong sa kanila. Nasasanay na lang sila na maging bahagi ng buhay ang mga bagyong dumarating sa bansa.

Nang dumaan ang Bagyong

Gaemi, pinalala nito ang epekto ng habagat, kaya’t malakas ang ulan na tumama sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Ayon sa isang survey mula sa Rappler, noong Hunyo, 64% ng mga Pilipino ang “satisfied” sa pagresponde ng gobyerno sa kalamidad. Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang State of the Nation Address ang 5,500 flood control projects. Ngunit, makikita pa rin ang matinding baha sa bawat sulok ng bansa tuwing may bagyo. Malinaw na hindi sapat ang paghahanda. Kitang-kita na mahirap para sa mga lider sa frontlines na mag-ulat ng maayos. Wala ring sapat na datos at tamang impormasyon tungkol sa pangangailangan ng bawat bayan

Ptuwing may sakuna. Dagdag pa, paulit-ulit na pinapaalala ni NOAH Director Mahar Lagmay sa mga lokal na pamahalaan na gamitin ang probabilistic hazard maps para sa disaster planning. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nangyari ang mga trahedya, tulad ng Kusiong landslide noong Oktubre 2022. Isang malinaw na palatandaan na hindi sapat ang paghahanda ay ang mababang utilization rate ng gobyerno sa kanilang disaster mitigation budget. Nararapat na aksyunan ng gobyerno ang mga ganitong problema. Hindi dapat magbulag-bulagan ang mga mamamayan sa maling pamamahala ng mga taong nakaupo sa ilalim ng batas. Huwag gawing kultura ang pagkalimot sa mga

sakunang nararanasan at ang pagiging resilient, kundi buksan ang mga mata sa tunay na nangyayari sa bansa. Ilang sakuna pa ba ang kailangang maranasan ng bansa bago maging disaster-proof?

Ang tunay na paghahanda ay ang pagkakaroon ng kakayahan na maiwasan ang mga ganitong sakuna. Nararapat na ang gobyerno ang manguna sa paggawa ng solusyon na epektibo at may bisa, hindi puro pangako at salita.

Huwag gawing kultura ang pagkalimot sa mga sakunang nararanasan at ang pagiging resilient, kundi buksan ang mga mata sa tunay na nangyayari sa bansa.

JASMINE ASUZANO

KAALSA-ALSANG KALSADA

erwisyo, kalbaryo, at sakit ng ulo kung maituturing –nakakainis, at tila “never-ending”, iyan ang bansag ng karamihan sa hindi matapos-tapos na trapiko sa kalsada. Kung saan kasing haba dapat ng mga sasakyan ang baong pasensiya sa araw-araw na pagbiyahe. Dahil wari mo ba’y pugad na ng kalsada, ang mga naglalakihang sasakyan at mauusok na makina.

Ayon sa TomTom Traffic Index, slowest ang travel time sa Pilipinas at palala nang palala ang mga traffic jam – umaabot daw ng 117 hours kada taon ang nawawala sa mga Pilipino dahil sa trapik, kumpara sa 12 hours 51 minutes noong 2022.

Noon pa man ay malaki na ang problema ng trapik sa bansa, dahilan upang mawalan ang Pilipinas ng halos P3.5 bilyon sa “lost opportunities” arawaraw, ayon sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noon.

Sa kabila ng mga hakbang ng iba’t ibang mga ahensiya ng pamahalaan upang tugunan ang isyung ito, patuloy na magkakaroon ng trapik sa kalsada hangga’t hindi nasosolusyonan ang ugat ng mismong problema. At bilang isang responsableng mamamayan, tungkulin nating sumunod sa batas-trapiko, lalong lalo na sa mga traffic lights.

Una, Stop. Itigil ang mga gawaing mas lalo lamang nakapagdudulot ng trapik sa

daanan. Isa na rito ay ang walangkamatayang pagbabakbak ng mga “maaayos” na kalsada. Itigil na sana ng pamahalaan ang paggambala sa mga buo pa namang daanan, at sa halip ay ilaan na lamang ang pondo sa ibang proyektong kailangang pagtuunan ng pansin. Pangalawa, Wait. Matutong maghintay at huwag basta-basta magpapadala sa init ng kalsada. Aksidente sa daanan ang isa sa pinakamalaking dahilan ng trapik at dapat na sa atin mismong mga mamamayan magsimula ang pag-iingat laban dito. Ayon sa World Health Organization (WHO), itinatayang 1.19 milyon ang namamatay kada taon dahil sa aksidente sa lansangan. Bukod sa nakapagdudulot ng trapiko, napakadelikado rin ng hindi pag-iingat sa pagmamaneho. At panghuli, Go. Kumilos at magpatupad ng mga mabibisang proyekto upang matugunan ang suliranin sa trapik. Nararapat

Mahalaga na tanungin natin: Hanggang kailan tayo magiging saksi sa patuloy na pag-export ng ating lakas-paggawa? Hindi ba’t oras na para sa gobyerno na magbigay ng sapat na oportunidad sa loob ng bansa upang hindi na mapilitan pang mangibang bansa ang ating mga kababayan? Ang tunay na solusyon ay hindi lamang nakasalalay sa mga aksyon at proyekto para sa mga OFW sa ibang bansa, kundi sa mga hakbang na magbibigay sa kanila ng mas maraming oportunidad dito mismo sa Pilipinas. Maglaan ng mga makatarungang sahod, mas maginhawang trabaho, at isang sistemang tumutok sa proteksyon ng mga manggagawa. Hangga’t hindi ito nangyayari, mananatili ang mga OFW sa pagiging biktima ng isang sistemang hindi nakikinig sa kanilang mga sigaw.

Tinunaw na Gamot

Kung hindi ito mapupunta sa PhilHealth ay sino ang makikinabang at makakagamit ng pondong naikalap?

Ikinasa na ng Department of Budget and Management ang badyet ng bansa ngayong 2025. Mayroong 6.352 trilyong piso na hinati sa iba’t ibang kagawaran sa taong 2025. Ngunit ni isang kusing ay walang natanggap ang PhilHealth na siyang ikinabahala ng bawat benepisyaryo sa buong bansa.

Nadawit na ang PhilHealth sa mga naglalakihang iskandalo ukol sa korapsyon at ang marangyang paggastos nito sa kanilang badyet. Kamakailan nga lamang ay nailantad ang humigitkumulang na 138 milyong piso para lamang ito sa kanilang christmas party. Bukod pa rito, ay inamin pa nila na may 500 o 600 bilyong piso pa namang itong reserve fund at ani nga ng Senate Finance Committee Chairman na si Senator Grace Poe na gamitin nila ito sa pagpapalawak ng mga benepisyo para sa mga miyembro nito.

Kung maaari’y kailangan ding solusyonan ang isyu sa mass transportation system ng ating bansa.

BAGTAS ””

ding umaksiyon ang pamahalaan at magtayo ng mas mahigpit na batas sa daanan upang maging disiplinado ang ating mga kababayan. Kung maaari’y kailangan ding solusyonan ang isyu sa mass transportation system ng ating bansa.

Sa kaliwa’t kanang pagbusina ng mga sasakyan, huwag sana tayong mabingi at magbingibingihan sa katotohanang tayo mismong mga mamamayan, maging ang pamahalaan, ang may tungkulin upang tugunan ang problema sa trapiko. Dahil patuloy na hindi masosolusyonan ang isyu sa lansangan, at tayo’t tayo rin ang magdurusa, kung hindi natin aayusin ang pag maniobra sa problemang nakikita na ng sarili nating mga mata.

Ngunit hindi magagamit nang tuluyan ang reserve funds ng PhilHealth para palawakin ang maibibigay na benepisyo nito dahil mula nga sa kahulugan ng reserve funds, ito ay mga pondo na hindi kailangang gamitin upang matugunan ang halaga ng gastos sa kasalukuyan. Bukod pa rito, isinaad din sa Republic Act 10606 o National Health Insurance Act of 1995, na ang kabuuang halaga ng reserba ay dapat hindi lalampas ng aktwal na katumbas na tantiya para sa inaasahang paggasta ng programa sa dalawang taon.

Bukod pa rito, mas kakaunti pa ang benepisyong makukuha ng mga miyembro at tataas pa ang singil para sa package rates. Ayon kay Emmanuel Ledesma Jr., presidente ng PhilHealth na may posibilidad na tumaas ang package rates ng 50% sa pagtatapos ng taong 2024. Karamihan sa mga miyembro ng PhilHealth ay mga trabahador at senior citizen kung kaya’t masakit din sa bulsa at ikinababahala na rin nang iba kung magiging limitado na ba ang benepisyo sa serbisyong pangkalusugan.

Dagdag pa, hindi tugma ang Universal Health Care Act [UHCA] o Republic Act No. 11223 na siyang nagbibigay ng premium na subsidiya para sa mga mahihirap at nakakatanda na siyang iaakma at isasama sa taun-taong General Appropriations Act o GAA dahil ang bahagi ng laang-gugulin para sa universal health care ay kukunin, bukod sa ibang pagkukunan, sa National Government subsidy sa PhilHealth.

Isa pang batas na magkakaroon ng problema ay ang Sin Tax Reform Acts of 2012 at 2019 na ang 80% ng kita mula sa tabako at sugar-sweetened na inumin ay ilalaan para sa implementasyon ng UHCA. Kung hindi ito mapupunta sa PhilHealth ay sino ang makikinabang at makakagamit ng pondong naikalap? Dahil walang badyet na ilalaan sa PhilHealth para sa National Budget 2025, maraming mga mahihirap at mga nakakatanda ang mahihirapang makakuha ng mga benepisyo at bukod pa rito, ang mga empleyado pa mismo ang siyang sasalo ng mga premiums nila. Hindi lang naman PhilHealth ang magdudusa sa pagtanggal ng badyet, pati na rin ang mga benepisyaryo mismo na siyang nakikinabang sa mga benepisyong natatanggap nila sa PhilHealth.

DELACRUZ,BIEN ALKANSYA
PINONES,RAIZA

Alice Guo? Pamilyar ‘di ba? Nang maungkat ang isyu ni Guo ay sumabay ang pagputok ng usap-usapin sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Taliwas sa pagpapakilala dito bilang isang malaking tulong para sa ekonomiya at kaban ng bayan, ito’y naging tahanan lamang—tahanan ng pekeng dokumento at samu’t saring krimen. Higit sa lahat, tahanan ng mga ilegal na dayuhan.

Kabila-kabilang hearing ang isinasagawa ng senado at kamara ukol sa issue ni Guo at koneksyon nito sa mga POGO. Sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. ay nagulat ang marami nang biglaang i-ban ang mga POGO sa bansa. Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami ang sunod-sunod na mga ulat sa mga isyung kinasasangkutan ng mga POGO—mga krimen tulad ng human trafficking at scamming, mga pekeng dokumento, at mga pekeng Pilipino tulad ni Guo.

Ang isyu ng POGO ay hindi lamang isyung pang-ekonomiya, bagkus ito ay banta sa nasyonal na seguridad at moralidad. Ang pagdagsa ng mga ilegal na dayuhan sa bansa lalo na ng mga Tsino ay hindi na dapat tanungin kundi dapat kondenahin. Kitang-kita na ang presensya ng mga dayuhang mapagpanggap at ang operasyon ng mga POGO ay tahasang sumisimbolo sa kawalan ng kontrol at pagpapabaya ng mga ahensya sa seguridad at imigrasyon. Hindi na sikreto na ang mga Tsinong kumpanyang ito ay nagiging pugad ng ilegal na gawain, na napatunayan

Naibulsang Pangarap

HPOGO: Pugad ng Pekeng Pilipino Kalidad na hindi MATATAGo

”” Parasaanpaang paaralankungkulangnaman itosasuportagalingsamga nakakataasnahaloshindi maiwanangkanilangupuan?

TANGAN

IMPERIAL,JAME EUAN

indi maikakaila ng mga Pilipino na bukod sa pamatay ay talaga namang kalidad ang klase ng edukasyon sa ating bansa noon, ngunit noon iyon. Ano na nga ba ang lagay ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas ngayon?Ayon sa pag aaral ng Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) noong 2019, lumalabas na isa sa bawat sampung estudyante mula sa ika-limang baitang ang hindi pa nakakabasa.

Masasabing maraming dahilan ang nakakaapekto sa ganitong resulta ng pagpalya sa edukasyon ngunit sa aking palagay isa lang ang puno’t dulo nito at ito ay ang maling pamamalakad ng mga maling tao sa gobyerno. Matatandaan na mas binigyang pokus ng Department of Education (DepEd) ang Matatag Curriculum sa ilalim ni former DepEd Secretary Sarah Duterte sa kabila ng mas maraming pang mga suliranin na sana ay mas nabigyang pansin pa kaysa sa pamantayan na kamakailan nailunsad.

Kitang kita naman na hindi naging maganda ang dulot ng Matatag Curriculum sa pag-aaral ng mga estudyante, bagkus ay nakadagdag pa ito sa isipin ng mga mag aaral dulot ng mas mabigat pang mga gawain na ipinapatupad sa paaralan.

Bumababa ang kalidad at naiiwan ang mga kabataang Pilipino sa maraming larangan gaya ng Filipino, Agham at Matematika.

Bukod pa rito, ang pondo na dapat ay sa pagsasaayos ng mga pasilidad sa mga paaralan ay naibulsa na ng mga nasa upuan kung kaya’t imbes na kalidad ay naging malaking aspeto rin ang kawalan ng maayos na galawan ng mga estudyante.

Hindi naman ito dapat mangyari sapagkat sobrasobra ang pondo ng kagawaran. Noong 2024 ang budget ng DepEd ay humigit kumulang P924.7 billion na isa sa mga pinakamalaking budget sa mga departamento ng pamahalaan ngunit saan na nga ba ito napunta? Sino na nga ba ang mga nakinabang?

Ika nga “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ngunit paano magkakaroon ng pag-asa ang ating bayan kung hindi natin bibigyan ng pagkakataong matuto ang ating kabataan? Para saan pa ang paaralan kung kulang naman ito sa suporta galing sa mga nakakataas na halos hindi maiwan ang kanilang upuan?

matapos madatnan ang mga materyales na ginagamit pang-torture.

Ang POGO na dapat nakatutulong sa lipunan, naging pugad pa ng kasinungalingan at pekeng pagkakakilanlan. Nawa’y magising ang mga nasa itaas na hindi magkakaroon ng ganitong pangyayari kung maayos ang sistema. Ang pag-aalis ng POGO ay isang hakbang lamang; ang tunay na solusyon ay ang pagbabantay laban sa mga bagong banta at pagpapatupad ng mahigpit na regulasyon upang masiguro ang integridad ng ating bansa. Sana ay umaksiyon ang pamahalaan sa pagsasaayos ng ating mga ahensya ng imigrasyon, at masusing pag-inspeksyon sa mga negosyong may kahinahinalang operasyon. Ang kaso ni Alice Guo at ang pagkakadiskubre sa mga ilegal na aktibidad ng mga POGO ang patunay na may malalalim na suliranin sa ating sistema ng imigrasyon at seguridad. Sa pinakahuling balita, inihayag ng gobyerno na tuloy-tuloy na ang kanilang plano na ganap na ipagbawal ang lahat ng POGO sa bansa pagsapit ng 2025. Ayon kay Department of Justice Secretary

Crispin Remulla, ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsugpo sa mga ilegal na aktibidad at ang pagpapalakas ng mga polisiya ukol sa imigrasyon at seguridad. Ang pag-ban sa mga POGO ay inaasahang magbibigay-daan sa pagtigil ng mga operasyon ng mga dayuhang ilegal na nagtatago sa ilalim ng industriya. Subalit, ang tunay na hamon ay hindi lamang ang pag-aalis ng mga POGO kundi ang pagtutok sa mga ugat ng mga isyung ito at ang mabilis na pagpapatupad ng mga hakbang upang hindi na muling magtuloy-tuloy ang ganitong uri ng operasyon.

GIOJARING

””

Nawa’ymagisingang mga nasa itaas na hindi magkaroon ng ganitong pangyayari kung maayos angsistema.

KANON

JARING,GIO MANUEL

Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay naglunsad ng MATATAG Curriculum na layuning tugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa makabagong panahon. Ang MATATAG Curriculum, bagamat may layunin na pagbutihin ang kalidad ng edukasyon sa bansa, ay nagdadala ng mga suliraning bunga ng mahinang implementasyon, na nagpapahirap sa mga guro at mag-aaral. Nitong nakaraang Hunyo, itinala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang nasa huling ranggo ng Programme for International Student Assessment (PISA) - isang pagsusuri na naglalayong sukatin ang kakayahan ng mga estudyanteng labinglima pababa, mula iba’tibang bansa patungkol sa kaalaman sa matematika, agham, at pagbabasa. Alinsunod sa resulta ng PISA at krisis na nagaganap sa larangan ng edukasyon, nireporma ng Kagawaran ng Edukasyon (DEPED) noong nakaraang taon, ika-sampu ng Agosto ang MATATAG Kurikulum na naglalayong baguhin at bawasan ang mga kasanayan sa pagkatuto o learning competencies sa bawat baiting mula elementarya hanggang sekondarya, ngunit nananatili ang tanong: tunay nga bang MATATAG ang implementasyon nito? Ipinagmamalaki ng DEPED ang pag reporma at pagimplementa ng MATATAG Kurikulum na nakatuon sa pagsasanay at kabihasaan sa mga pangunahing kaalaman tulad ng pagbabasa, pagsusulat, kaalaman sa sipnayan, sa agham at teknolohiya, at iba pa. Ang positibong pananaw sa implementasyon ng MATATAG Curriculum

ay may kaakibat na hamon, lalo na sa agarang pagpapatupad nito. Ayon sa mga guro at iba pang kawani ng Kagawaran ng Edukasyon, ito ay isang malaking hamon dahil sa kakulangan ng mga guro at ang kawalan ng sapat na paghahanda. Maraming guro ang nahaharap sa kakulangan ng mga kagamitan at pagsasanay, at kinakailangan nilang umangkop at makisabay sa mga pagbabagong ito sa loob ng napakaikling panahon. Bilang mga pangunahing katuwang sa proseso ng pagkatuto, ang mga guro ay nahaharap sa hamon ng pagbuo ng mga bagong estratehiya at materyales sa pagtuturo, na nagiging labis na mahirap para sa kanila. Ayon kay Education Secretary Juan Edgardo Angara, inamin niya na nananatiling hamon ang maayos na pagpapatupad nito, lalo na’t kinakailangan ng sapat na pagsasanay para sa mga guro at mahabang panahon ng paghahanda upang maging matagumpay ang implementasyon. Sa kabila nito, nilinaw niya na ang MATATAG Curriculum ay patuloy na iaamenda batay sa karanasan ng mga guro at mag-aaral. Kung saan ang makabagong kurikulum na ito ay sinabing idadaan sa proseso na naglalayong ulitin ang mga aralin upang mapaghusay ang aktuwal na implementasyon ng kurikulum na ito. Hingin o dinggin man sa agarang paraan ang hinaing ng mga guro at estudyante, pag-aralan man ang epekto at implikasyon nito, mananatiling matagal ang epekto ng solusyon, dahil sa kakulangan ng mga guro, may ilan na nagrereklamo sa pagdami ng kanilang trabaho dahil sa halip na isang tema o paksa ang

itinuturo, nagiging dalawa pa ito, at ang iba ay hindi naaayon sa kanilang propesyon. Masasabing makatotohanan ito sapagkat ang mga guro na magtuturo ng mga paksang wala sa kanilang kasanayan ay haharap sa panibagong hamon, dahil sila mismo ay kailangang pag-aralan ang mga bagong paksa na inatas sa kanila. Ang dami ng trabaho ng mga guro ay patuloy na nadaragdagan dahil sa bagong kurikulum. Bubuo pa sila ng bagong kaalaman at mga kagamitang pang pagkatuto, na gugugol ng maraming oras, kung saan sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon ay kinakailangan nilang i-angat at paghusayan ang mga sarili dahil sila ang behikulo ng pagkatuto. Dagdag pa rito, ayon sa mga guro, ang implementasyon ng pagpapalit ng kurikulum ay dapat dumaan sa mahabang proseso, ngunit sa repormang MATATAG Kurikulum, ito ay magulong ipinatupad at kulang ang oras ng kanilang pagsasanay. Sa bawat batas o memorandum na ipinatutupad ay kadalasang sapat at tamang oras ang naibibigay upang makaangkop ang mga mamamayan sa pagbabago, ngunit, sana ay naibigay din ang gayon sa pagtatag ng MATATAG Kurikulum. Ang sapilitang pagpapatupad ng MATATAG kurikulum ay may direktang epekto rin sa mga estudyante. Ang mga mag-aaral na dati ay sanay na sa tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo kung saan may sipnayan, agham, ingles, at marami pang iba, ay nahihirapang umangkop sa mga bagong istilo at kinakailangan ng kurikulum. Marami sa mga estudyante ng ika-una, ika-

apat, at ika-pitong baitang ang nahihirapan umangkop sa MATATAG Kurikulum, dahil sila ang mga unang nakaranas ng pagbabago sa ika-unang taon ng pagiimplementa ng kurikulum na ito. Gayundin, masasabi na ilan sa mga estudyante ang nawalan ng interes dahil sa kahirapan na umangkop sa pagbabago, lalo na sa mga malalayong lugar, ay nahaharap sa kakulangan ng teknolohiya at iba pang mga kagamitan. Ang mga magaaral ay may karapatan sa isang kapaligiran na nakatuon sa kanilang mga pangangailangan at kakayahan. Sa kabuuan, ang MATATAG Curriculum ay naglalayong itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa, bigyang-diin ang mga pangunahing kaalaman na kinakailangan ng bawat indibidwal, at isulong ang paggamit ng teknolohiya upang ihandog ang mga mag-aaral sa ika-21 siglo. Bagaman ang MATATAG Curriculum ay isang hakbang patungo sa makabago at epektibong sistema ng edukasyon, mahalaga na ito ay ipatupad nang maingat at sistematiko. Sa huli, ang MATATAG Curriculum ay nangangailangan ng matibay na pundasyon at mahabang proseso upang maging matagumpay. Ang desisyon ng Kagawaran ng Edukasyon ay dapat maging matatag, at ang pakikipagtulungan ng bawat sektor ay dapat na mapalakas. Tanging sa pamamagitan ng ganitong kolaborasyon at masusing pag-iimplementa lamang natin tunay na matutunghayan ang pag-unlad at kalidad ng edukasyon sa ating bansa— isang edukasyong tunay na MATATAG.

MICHAELABAGTAS

Kulay sa Langit na Bughaw

Sa madilim na gabi, na tila bang walang kulay at bituing kumikislap sa kalangitan, ngunit may ilan lamang ang nagiging gabay at nagniningning—ang mga bituing hindi lamang kapansin-pansin dahil sa kanilang kinang, kundi dahil sa kanilang kahalagahan sa paghubog ng landas para sa iba. Sa nagdaang Regional Science and Technology Fair, ang Rizal National Science High School (RNSHS) ang naging bituing iyon—isang maliwanag na tala na hindi lamang nagniningning nang higit sa iba, kundi nagsilbing inspirasyon sa larangan ng agham at teknolohiya. Ang kanilang misyong pangkalawakan ay pinamunuan ni Dr. Marlon Sta. Catalina na kilala bilang dalubhasa ng mga pang-agham na kompetisyon sa RiSci. Kasama ang mga nagniningning na RiScians tulad nila Fei Angelique Goleta, Pio Miguel Ng, Anne Clarisse Arabit, Danie Lou Esquibel, Marielle Elois Dela Paz, Eihdan Zovia Belarmino, Briana Marie Del Mundo, Grichelle Khate Gumangan, Dustin Andrew Eduvala, Kristine Butaran, at Kurt Angelo Ison. Sila ay nagwagi ng

ang shrimp disease at protektahan ang kalusugan ng mga konsyumer.” Hango ang konsepto nito sa bayan ng Binangonan na kanilang pinagmulan na taglay ang iba’t ibang uri ng lamang dagat kabilang na ang hipon.

Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang tungkol sa proyekto kundi sa proseso—ang pagbuo ng ideya, pagtuklas ng solusyon, at paulit-ulit na pagrepaso upang tiyakin ang pagiging epektibo nito, gaya nga ng sabi ni Pio, “Ito’y hindi isang mahika lamang.” Aminado rin siya na medyo alanganin sila sa paglahok sa naturang kompetisyon dahil sa takot na maraming oras ang kakainin nito sa kanilang ordinaryong klase bilang isang RiScian.

Katulad ng kahit anong pagkapanalo, ito’y bunga ng pagsusumikap at pagkakaisa ng buong Utak Berde. Ang bawat hakbang ay isang proseso ng pagkatuto, na nagpatibay sa kanilang pananaw na ang tagumpay ay hindi nakasalalay sa agad na resulta, kundi sa patuloy na pagsusumikap at pagpapabuti.

Rizal Participants

RSTF

JYRUSFLORES, CASSANDRAREYES

Bitbit ang sinag ng araw sa watawat na kaniyang buong dangal na dinadala ay patuloy ang pag-martsa ng isang binatilyong pinuno na handang maglingkod para sa kanyang nasasakupan. Sa patuloy na pag-alab ng kanyang katapangan at kagustuhan sa pagsaludo sa mga makukulay na watawat ay hangad niyang maimpluwensiyahan ng kanyang bagong paaralan na masilayan ang kahalagahan ng pagiging laging handa. Ang munting hangarin na ito ni Lawrence Dominic Barles ang siyang muling gumising sa diwa ng kilusang scouting sa prestihiyosong institusyon ng Rizal National Science High School.

ANNVARIAS

Mula sa kanyang pagkabata, naging isang KID Scout si Lawrence. Ngunit tulad ng isang kalabaw, lumabas ang kanyang tunay na kalakasan at kagustuhang mag-serbisyo nang siya’y lumaki. Sa kanyang pagtungtong ng Junior High School, mas hinangad niyang mapabilang sa mga tunay na aktibidad na sakop nito.

Sa paglalim ng kanyang pakikibahagi sa kilusang scouting, napagnilayan ni Lawrence na ang pagsali rito ay isang puhunan sa buhay dulot sa kanyang tanging yaman na napulot mula rito–ang pagiging isang lider. Sa katunayan, naging isang SSLG President si Barles kung kaya’t naging mithiin sa kanya na muling tumakbo bilang pangulo ng SSLG sa RiSci–ang kasalukuyang tahanan niya ngayong Senior High School.

Lingid sa kanyang kaalaman, ang mithiin na ito ay sinubok ng panahon. Ang pagpasok ng Senior High School ay nagbigay sa kaniya ng isang mahalagang reyalisasyon na siyang magbabalik sa naglalahong kultura na dating mayroon ang RiSci.

“Ang pagpasok sa Senior High School ay nagturo sa akin na sumubok ng mga bagong bagay sa mga bagong larangan, kaya sa huli ay humantong ako sa paglipat ng aking pagtuon mula sa pamahalaan ng mga mag-aaral patungo sa kilusang scouting.” Dahil dito, hindi lamang nanumbalik ang kanyang pagpapahalaga sa scouting, ito rin ay muling nabuhay sa puso ng mga RiScians.

Ngayon, si Lawrence ay isang Senior Crew Leader ng Boy Scouts at layunin niya na mapabilang ang RiSci sa mga patimpalak tulad ng International Jamboree at maging kinatawan ang paaralan sa iba’t ibang kompetisyon.

Sa kanyang pagsaludo sa watawat ng katapangan at serbisyo, tumatak sa isipan ni Lawrence na “ang tunay na lider ay hindi nagpapakita ng galing niya, kundi tumutulong na gawing magaling ang iba”.

Lawrence Barles

Senior Scout

Ang pagpasok sa Senior High School ay nagturo sa akin na sumubok ng mga bagong bagay sa mga bagong larangan, kaya sa huli ay humantong ako sa paglipat ng aking pagtuon mula sa pamahalaan ng mga magaaral patungo sa kilusang scouting.

LAWRENCE BARLES

LARAWAN MULA KAY KRISTINE BUTARAN

ANNVARIAS, EDSMAYCACAYAN

LATHALAIN

ISANG PAMILYA TAYO

Grade 9 Students and Parents Family Day

ANNVARIAS

Isang araw na ang bawat pamilya ay nagtitipon upang magtaglay ng pagkakataon na ipamalas ang tunay na kahulugan ng pagkakaisa, pagmamahal at matibay na ugnayan sa bawat isa. Ang Family Day, isa sa mga pinakapayak ngunit mahalagang okasyon sa mga paaralan, isang pagninilay ng makulay na salinlahi ng diwa ng pagkakapit-bisig at walang sawang pagkalinga ng bawat kasapi ng pamilyang tila haliging hindi matitinag ng anumang unos.

Bawat aktibidad ay parang isang masining na obra, bawat laro at pagdiriwang ay nagsisilbing mga alon na naglalakbay sa dagat ng kaligayahan. Nagmistulang mga kulay ng bahaghari ang mga damit ng iba’t ibang baitang na tila ba pati mga magulang ay nabighani. Tulad ng bahaghari, maganda rin ang bawat pamilya, ‘pag magkakasama para bang may nabubuong panibagong pagkakataon at pag-asa.

Simbolo ng panata at pagkakaisa, handaan ay kakaiba salosalo ang bawat isa. Mga silid ay nakasara sa labas ay magkakasama, magulang at estudyante ay may dalang samu’t saring mga ulam, kantahan at sayawang mas pinagtitibay ng pagdiriwang, dahil bilang isang pamilya ito ay parang pista, tayo ay nagagalak dahil tayo ay magkakasamang nagdidiwang.

Habang nililibot ang bawat baitang na may iba’t ibang handog na pagkain, may mga masisilayan ka rin na mga photo booth, iba’t ibang food stalls tulad na lamang ng pizza, milktea, donut at iba pang mga pagkain. Hindi rin maiiwasan na makakita ka muli ng mga pamilyar na mukha na matagal mo nang hindi nakikita at nakakasama. Bawat sulok ng pagdiriwang ay puno ng kagalakan, mula sa masasarap na pagkain hanggang sa makulay na dekorasyon, na naglalayong magbigay-aliw at maghatid ng di-mabilang na ngiti sa mga pamilya.

Kaalinsunod nito ang pagpapakitang gilas ng bawat baitang kasama ang mga guro sa pamamagitan ng paghahanda ng mga sayaw na nakaantig ng mga puso. Mga presentasyong inilalarawan ang pamilyang Pilipino tuwing Pasko. Kakaibang sigla, dedikasyon at dugo’t pawis ang ibinubuhos upang makapaghandog ng makabuluhang presentasyon para sa bawat pamilyang naroroon.

Ang selebrasyong ito ay higit pa sa karaniwang pagtitipon, ito’y isang daan upang paglapitin ang mga pusong maaaring nalayo dahil laging abala sa pag-aaral o iba pang tungkulin sa trabaho. Sa kabila ng pagod sa trabaho at eskuwela, ang oras para sa pamilya ay kayamanang walang katumbas. Sa bawat ngiti at yakap, napapalalim ang samahan at pagmamahalan—isang paalala na ang tunay na halaga ng buhay ay nasa piling ng ating kapamilya.

MICHAELABAGTAS

Sa Diyos Nanalig, Nabuhay Ang Ginhawa

Bawat isa sa atin ay humaharap sa iba’t ibang pagkabigo at paghihirap sa buhay. Ang alab ng buhay ay nasa iyong mga kamay, tatapusin mo ba ito o paliliyabin lalo? Para kay Margaret Bangala o mas kilala bilang Marga, guro sa Rizal National Science High School, itong mga hamon ang nagdala sa kaniya sa propesyon na ito.

Hindi naging madali ang pagharap ni Marga sa mga hamong ibinigay sa kaniya. Noong bata pa lamang ay nahirapan na siya bilang bunso sa limang magkakapatid ng kanilang pamilya. Sumakabilang-buhay ang kaniyang ina noong nasa ikalawang antas pa lamang siya ng sekondarya. Tila naupos ang ilaw sa kanilang tahanan at hindi niya mawari kung ano ang rason ng pagsubok na ito. Bagaman naguguluhan, ito rin ang rason upang makilala at matanggap ni Marga ang Panginoon sa kaniyang buhay.

Para sa kaniya, hindi hadlang ang mga pangyayaring ito upang magpatuloy sa buhay, bagkus ay rason upang laliman ang pananalig sa Diyos. “Mahirap mawalan ng magulang lalo na sa panahon ngayon ngunit ako ay patuloy na pinatatag ng Panginoon na patuloy magtiwala sa kaniya,” paglalahad niya.

Dala ng ihip ng hangin ay marami rin siyang

MICHAELABAGTAS

natutuhan nang mahalin niya ang Diyos higit sa lahat. Naniniwala siyang sa pamamagitan nito, magiging mabuti siyang kapwa na magiging ehemplo rin ng iba sa paglaon. Ibinabahagi rin niya sa kaniyang mga mag-aaral ang mahalagang aral na patuloy gumawa ng mabuti sa kapwa. Aniya, “Hindi lahat ng sa tingin nila ay tama ay makabubuti sa kanila kaya naman patuloy ko silang pinaaalalahanan na pag-isipan nang mabuti ang lahat at humingi ng tulong sa Diyos bago magpasya.”

Malaki ang pinasasalamatan niya at kasama na rito ang nakamit niya sa buhay gaya ng edukasyon, trabaho, at pamilya. Hindi niya lubos maisip na kakayanin niyang magtapos sa kabila ng lahat at makakapagtrabaho pa bilang guro.

Hindi pagtuturo ang kurso ni Marga noong nasa kolehiyo ngunit pinaniniwalaan niyang dinala siya rito ng Maykapal at isa itong “calling”. “Ang aking mga kamag-

LARAWAN MULA SA INQUIRER

Puso ang Sandata Pag-ibig ang Bala

Sa isang labanan, dapat ika’y handa, alerto, at asintado. Dahil ang kalaban kung tumira ay biglaan at planado, pero kung si Kris Otiong—alumna ng Rizal National Science High School (RiSci)—ang lalaban, utak at puso ang kaniyang itataya upang harapin ang bawat yugto ng digmaan at mapagtagumpayan ang labanan sa ngalan ng pagkapanalo.

PAGHAHANDA NG MGA ARMAS

Ang anim na taong pag-aaral sa RiSci ang nagsilbing unang training ground ni Otiong na nagpanday sa kaniyang kakayahan at mabigyangpansin ang kaniyang potensyal na nagsisilbing armas niya sa mundong kompetitibo.

Ayon kay Otiong, “Ang life as a RiScian is a simulation of academy life; time management, leadership, and dealing with different types of people. Sa six years ko sa RiSci, I saw examples of what kind of person I want to be, as well as what I definitely don’t want to be.”

Dito rin nagsimula ang pagbubukas ng pintuan ng oportunidad makapag-aral sa ibang bansa kung saan siya’y sumabak sa mga eksaminasyon at sumailalim sa mga interbyu at physical tests. Naging matrabaho man dahil maraming pagdududa at pagtataya, hindi naman nito pinigilan ang pusong mandirigma ni Otiong.

LABANAN: DUGO, PAWIS, AT LUHA

Matapos ang lahat ng paghahanda sa kakayahan at pagsikwat sa mga oportunidad. Hudyat na ng simula ng tunay na tunggalian— ang pagsubok ng bagong kapaligiran, pagkilala ng mga bagong tao, at pagharap sa mga panibagong hamon na papanday sa kaniya—dagdag pa rito ang mga pagsubok na minsan galing sa labas at sa panloob na damdamin, insecurities at expectations, ngunit natutuhan ni Otiong na hindi lang siya ang mag-isang lumalaban, may mga kasama siyang nakikipagsapalaran at sa mga pinakamadugong sitwasyon, ‘wag sumuko agad bagkus ay balikan ang dahilan kung bakit ka nagsimulang lumaban at ito’y isapuso.

WAKAS NG DIGMAAN: PAGKAPANALO AT PAGKATALO

Bawat laban ay may panalo at talo, ito ang huling bahagi na madidikta sa kahihinatnan ng

digmaan at mabibigyang-saysay ang dugo, pawis, at luhang dumaloy. Ngunit, sa katotohanan, bawat isa sa atin ay natatalo hangga’t sa hindi natin itinuturing na ginto ang mga natutuhan at naranasan.

Katulad ni Otiong, dumaan man siya sa mga hamon at paghihirap, hindi niya ito hinayaang magbigay-wakas sa lahat ng kaniyang pinaglaban dahil ang tunay na pagkapanalo ay higit pa sa nasusukat na tagumpay, kundi sa mga aral at reyalisasyon na maaari mong ibahagi sa iba pang mandirigma. Ika nga ni Kris, “Your enemy is yourself, you are valid and you’re allowed to make mistakes. I encourage everyone to do your best and make your best count.”

Sa bawat dulo ng digmaan, laging may bunga at para sa digmaan ni Kris Otiong, nakamit niya na ang tagumpay bilang graduate nang may mataas na karangalan sa United States Naval Academy (USNA), at patuloy na lalaban si Otiong sa kaniyang misyon bitbit ang puso bilang sandata at pag-ibig sa bansa ang bala upang magtagumpay hindi lamang sa laban, kundi sa paglilingkod sa mga Pilipino.

anak mula sa tiyahin, lola, pinsan, biyenan, bayaw at maging ang aking asawa ay mga guro,” pagbabahagi pa niya sapagkat naniniwala si Marga na plano talaga ito ng Diyos.

Sa kasalukuyan, nagpapasalamat din si Marga sa pamilyang ibinigay sa kaniya. Ang mabuting asawa at mga anak ay itinuturing niyang sariling kayamanan. Nakapagtapos na rin siya sa kursong Bachelor of Arts in Theology Major in Christian Education at nagbabalak na kumuha ng master’s degree sa Guidance Counseling.

Bilang indibidwal, normal lamang ang mapagod at magpahinga, ngunit ang susunod na hakbang pagkatapos nito ay pagbaga muli ng iyong apoy sa nagliliyab na pag-asa gaya na lamang ng pagbangon muli ni Marga mula sa pagsubok sa buhay.

ANNVARIAS

Margaret Bangala Guro

Dibuho ni

HIMAYA QUEZ VASQUEZ

LYLE ANOY DA-ANOY

"I first learned how to manage asthma by taking prescribed medications while training everyday to make my body stronger."

ELIANA LAUREN CEDO Kris Otiong Naval Officer

May Isang Ina, Tanyag sa Kawanggawa

Sa bawat ilaw na naiiwanang bukas, may isang taong masigasig na nagsisigurong ito’y mapatay. Sa bawat bentilador na naiwanang umaandar, may sumisiguradong ito’y hindi maiiwanang gumagana magdamag. Hindi lamang siya simpleng taga siguradong walang naiiwang gumaganang bentilador sa mga silid-aralan o tagabantay ng dormitoryo ng ating sintang paaralan; siya ay isang gabay na higit dalawampung taon nang namamalagi sa Risay.

Si Leah Rose Puyot, o mas kilala bilang “Ate Leah” ay isang sandigan at gabay ng mga estudyante ng Rizal Science National Science High School (RNSHS). Siya ay naging ikalawang ina para sa mga mag-aaral at karamiha’y sa mga dormer na napapalayo sa kanilang pamilya, lalo na tuwing may pasok at kailangan nilang manatili sa dormitoryo.

Ang kanyang normal na araw sa dormitoryo ay puno ng mga responsibilidad. Sa umaga, siya ang gumigising sa mga estudyante at nagsisiguradong handa na ang lahat ng kanilang kakailanganin sa umaga kagaya na lamang ng tubig pampaligo. Bagama’t may mga estudyanteng hindi nagpapakita ng tamang respeto, hinding-hindi

Allyson De Guzman

Top 2 PasserSpeech- Language Pathologists Licensure Exam

nababawasan ang malasakit at pagmamahal na ipinapakita ni Ate Leah sa kanyang mga dormer na tinuturing na rin niyang anak.

Mahirap man ang gampanin ni ate Leah, hindi niya naisip na sukuan ang kanyang ginagawa dahil sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanan at pagod, mahal niya ang kanyang trabaho at napamahal na rin siya sa mga taong kabilang dito.

Bagama’t ginugugol ni Ate Leah ang anim na araw para sa kaayusan ng paaralan at dormitoryo, hindi parin niya nakakalimutang pahalagahan ang kanyang mga anak at pamilya.

Ang buhay ni ate Leah ay hindi rin naging madali, puspusan siya sa pagbabanat ng kanyang mga buto dahil naranasan niya mamuhay sa mahirap

na kwadrado, kung kaya’t dugo’t pawis ang kaniyang inaalay bawat segundo.

Para kay Ate Leah, ang Risay ay maituturing na niyang sariling pamilya. Sa bawat pangkat ng estudyanteng dumaraan sa Risay, bitbit nila ang alaalang mahalaga kasama si Ate Leah—ang kanilang ikalawang ina, at ang ngiti niyang nakakahawa at mga payo na naging bahagi ng kanilang tagumpay at pagkatao.

Sa bawat pangkat ng estudyanteng dumaraan sa Risay, ay mayroong taglay na alaala kasama si Ate Leah—ang kanilang ikalawang ina, at ang bungisngis niyang mga tawa at mga payo na naging bahagi ng kanilang tagumpay at pagkatao.

JANINEFUENTES

MULA KAY DE GUZMAN

Husay ay ipinamalas sa paggabay sa salita

Ang mainit na araw at malakas na simoy ng hangin ang sumalubong sa Rizal National Science High School (RiSci)—ang paaralang naging tahanan ng marami, katulad na ni Allyson Emie Marie B. De Guzman.

Ang mga pasilyo’y pinalamutian ng mga tropeyo at medalya, ngunit para kay Allyson, higit pa sa mga karangalang ito, ang RiSci ang nagbigay ng pundasyon ng karakter at kaalaman.

Bagamat isa siyang consistent honor student, hindi madali para kay Allyson ang magdesisyon sa kung anong propesyon ang tatahakin. Nais niyang makapagtrabaho sa larangan ng medisina, ngunit hindi niya agad natukoy kung saan siya nararapat.

“Gusto ko talagang maging nurse noon,” pagamin niya, “pero sa huli, nanaig ang curiosity ko tungkol sa Speech-Language Pathology (SLP).”

Ang kursong ito sa UP Manila ang naging susi sa kanyang mga pangarap. Sa panibagong apat na taong ito, unti-unti niyang natutunan at nakamit ang mga bagay na pinangarap niya noong high school.

Ang bawat araw ng paghahanda para sa

Philippine Speech-Language Pathologists Licensure Exam ay tila isang labanang walang kasiguraduhan.

“Ang proseso ng pagre-review ay hindi lang tungkol sa pagsasaulo ng kaalaman kundi pati sa pagkakaroon ng disiplina at pananampalataya sa sarili,” pagbabahagi niya.

Sa araw ng resulta, sa gitna ng kaba, isang labis na nakalulugod na balita ang dumating sa kanya. Ang pangarap na akala niya’y mananatili na lamang sa hangin, ngayo’y naririto na.

Nagkamit si Allyson ng pangalang pwesto sa pinakamataas o TOP 2 sa Speech-Language Pathologists Licensure Examination na ginanap sa NCR, Cagayan de Oro, Davao, at Lucena noong Nobyembre 2024.

Sa ngayon, dala niya ang mas malaking layunin: ang magbigay serbisyo sa komunidad at magdala ng kamalayan tungkol sa propesyon ng SLP, lalo na sa mga lugar tulad ng Rizal, kung saan kakaunti ang mga eksperto sa larangang ito.

Ang kanyang kwento ay hindi lamang kwento ng tagumpay, kundi isang paalala na ang anumang tila imposible ay kayang gawing posible—basta’t may determinasyon, suporta, at tamang pananaw sa buhay.

Sa pagpatak ng pawis dulot ng pag-eensayo para sa paglangoy, natatanaw ni Eliana Lauren Cedo ang sarili niyang repleksyon sa tubig, batid ang hamon ng katubigan, na walang awang kinukuha ang bawat paghinga niya sa mga segundong lumilipas, sa bawat galaw tila bumibigat lalo ang tubig, pabigat nang pabigat hanggang sa kaniyang huling paghinga tungo sa tagumpay na inaasam.

Hindi aakalain na ang isang tulad ni Eliana'y parte ng Rizal National Science High School, paaralang nakasentro sa agham, na sa kabila ng paglusong niya sa hamon ng katubigan, ay hinarap niya rin ang hamon ng responsibilidad bilang isang RiScian sa ikapitong baitang. Ayon sa kaniya, "Even though I excel in sports, academics is still my priority."

Pero sa likod ng angking kakayahan ni Eliana, hindi naging madali ang pagsabak niya sa mundo ng paglangoy sapagkat nung siya'y bata pa lamang ay mayroon siyang hikang iniinda—na sa bawat padyak sa tubig, mas sumisikip ang kaniyang dibdib.

Kalauna'y nawala rin ang hikang iniinda ni Eliana, dulot ng ibayong pagsasanay niya sa ilalim ng tubig, na nagbigay pagkakataon pa sa kaniya na lalo pang maitanghal ang angking talento niya sa paglangoy. Naibahagi niya na, "I first learned how to manage asthma by taking prescribed medications while training everyday to make my body stronger."

Batid ang hamon sa pagsasabay ng buhay-akademiko't ibayong pagsasanay, harapan pa ring pinasok ni Eliana ang buhay bilang isang

atletang RiScian kasama ang kaniyang pamilya na laging nasa likod niya, nakagabay at sumusuporta sa bawat pagsisid niya sa tubig, na nagbunga ng tagumpay na 'di mapapantayan.

Nasungkit ni Eliana ang gintong medalya sa Larong Panlalawigan bilang isang RiScian, na sa kabila ng kaniyang pinapasan na gampanin, nabigyan niya ng karangalan ang ngalan ng RNSHS sa larangan ng paglangoy.

Ang proseso ng pagre-review ay hindi lang tungkol sa pagsasaulo ng kaalaman kundi pati sa pagkakaroon ng disiplina at pananampalataya sa sarili

ALLYSON EMIE MARIE B. DE GUZMAN

Naibalanse rin niya ang buhay-akademiko’t isports, pagkat ayon sa kaniya, "RiSci gave me a lot of difficult challenges to overcome that made me a more responsible and mature person,” na nagpapakita ng determinasyon ni Eliana pagkat tinatrato niya ang mga pagsubok niya sa buhay para sa ikabubuti.

Kaya sa bawat pagsubok na hinaharap ni Eliana, sagarin man siya nito hanggang sa huling hinga, iaalay niya para sa mga naghahangad ng tagumpay sa isports ang payo na, "Believe in yourself that you can do anything if you put your mind and heart in it.”

Leah Puyot School Staff
ANNVARIAS
LARAWAN

PHOEBELODRIGUITO

MALAYO PA PERO MALAYO

ANNVARIAS

Chris Rollon Mag-aaral

EDSMAYCACAYAN

Ang bawat dekalibreng sasakyan na kayang tumahak ng kilometro at kurbada sa daan ay nagsisimula sa isang simpleng modelo, at ganito rin si Chris Rollon. Mula sa kaniyang munting interes sa mga bagay na gumagalaw, partikular na sa mga sasakyan, ito ang nagtulak sa kaniya na pumasok sa RiSci at simulan ang karera sa larangan ng electronics at robotics sa murang edad at habang siya’y estudyante pa.

Gaya ng isang kotse na unti-unting pinapalakas at pinapa-upgrade, pinili ni Chris na magtrabaho bilang parttime electrician upang mapalakas at mapagbuti ang kaniyang teknikal na kaalaman na labas sa paaralan. Hindi lang ito isang simpleng libangan para sa kanya, kundi isang daan upang magbigay ng bagong fuel sa kaniyang buhay RiScian, na puno ng akademikong hamon.

Bawat proyektong kaniyang ginawa katulad ng isang sumobot na nagkamit ng silver medal sa nagdaang Division of Science and Technology Fair (DSTF) at isang line tracer na kaniyang ginawa mula sa kaniyang mga gamit sa bahay, ang puso ni Chris ang nagsisilbing makina na patuloy na umaandar, may layuning makamit ang mga pangarap sa larangan ng aeronautics at engineering.

Hindi pa natatapos ang listahan ng kaniyang mga nagawa dahil tulad ng isang sasakyan na hindi matitinag sa hirap ng kalsada, ang binata ay abala rin sa paggawa ng mga research. Isang tungkol RFID Attendance System na kaniyang ginawa noong siya ay Grade 8 at ang QUBIT na naglalayong makaambag sa larangan ng aerospace.

Subalit paano nga ba niya nagagawa ang lahat ng mga ito sa edad na 16? “Balancing this many hobbies and parttime work, for the faint of heart siguro hindi kakayanin. Pero siguro, dahil nung bata pa ako, naturuan na akong 'wag mag-iinarte sa ibinibigay sayo. Tanggapin mo nalang at magpasalamat,” wika ni Chris. Bagama’t siya ay nasa murang edad pa lamang, hindi niya alintana ang maduming langis at amoy ng gas na kumakapit sa balat at kalyo sa kamay dahil kapalit nito ay ang kaalaman at karanasan na kaniyang madadala sa hinaharap.

Mukha mang mahirap ang kaniyang daan na tinatahak, hindi ito ganoon ka-komplikado dahil para kay Chris, “Give it your all talaga, ‘pag mahal mo ang isang bagay ibibigay mo ang lahat.” Ito ang munting gabay ng binata sa kaniyang sarili ganoon na rin para sa ibang RiScians dahil mula sa kaniya, “I believe na kung para sayo yan, ipanalangin mong tanggalin sa buhay mo. Dahil kung para sayo talaga yan, babalik yan sayo.”

Tunay na wala sa edad ang tibay ng loob at kakayahan sa pagsubok dahil ito’y nasa iyong kagustuhan at kusang-loob. Kung ang buhay ay isang sasakyan, si Chris ay isang driver na hindi natatakot magmaneho na may matibay na pananaw na ang bawat pagsubok ay bahagi ng kaniyang karera tungo sa malayo pa subalit papalapit na pag-abot ng finish line.

MICHAELABAGTAS, DUKEALBOÑA

DI-RECZON ni CALAY

Pitik Tungo sa Lente ng Tagumpay

Sa pagpitik ng kamera at pagtanaw sa lente, isang malinaw na pangarap ang natanaw. Mula sa panaginip ng isang John Reczon Calay, nakapikta ang pangarap niya paglaki, ang maging isang guro. Ngunit nang maglaon, ang mga larawang tila ba’y nag-iba ang angulo at pokus, nagpapakita ng kanyang tunay na tawag ng misyon at ang malinaw na daan na nakatadhana para sa kanya.

Noong nasa elementarya pa siya, unang nabuhay ang kanyang interes sa pagsusulat at paglikha nang maging bahagi siya ng kanilang pamahayagang pangkampus. Sa pamamagitan nito, natuklasan niya ang mas makulay na aspeto ng kanyang pagkatao—ang husay sa pagdodokumento ng kwento ng iba’t ibang tao at lugar. Ang mundo ng photojournalism ang nagbigay-laman sa mga larawang dating nasa kanyang imahinasyon lamang.

Sa mataas na paaralan sa Rizal Science High School, higit niyang pinanday ang kanyang galing sa pagkuha ng larawan. Saksi ang mga kuwento ng kanyang mga kuha—masasaya, makulay, at minsan ay puno ng emosyon—sa kanyang determinasyon. Hindi lamang siya isang estudyanteng nag-aaral ng agham; siya rin ay naging storyteller ng kanilang paaralan, gamit ang kanyang kamera bilang panulat at ang bawat larawan bilang pahina ng kwento.

Paglipat niya sa Unibersidad ng Pilipinas, lalo niyang napagtanto ang malalim na layunin ng kanyang sining. Hindi lamang ito tungkol sa pagkuha ng magagandang larawan kundi pati na rin sa pagpapahayag ng katotohanan at pagbibigay-boses sa mga kwento ng pagbabago. Dito niya naramdaman ang kasiyahan sa pagdodokumento ng kwento ng mga tao mula sa iba’t ibang aspeto ng buhay—ang kanilang tagumpay, pakikibaka, at pag-asa.

Sa kabila ng mga hamon, untiunting natupad ni Reczon ang kanyang

pangarap. Naging bahagi siya ng TV5, kung saan nagkaroon siya ng pagkakataong maipakita ang kanyang husay sa mas malawak na madla. Hindi lamang siya naging tagapagkuwento sa pamamagitan ng kanyang kamera kundi naging inspirasyon din sa iba. Sa paglipas ng panahon, natagpuan niya ang fulfillment sa pagtuturo ng photojournalism, kung saan naibabahagi niya ang kanyang kaalaman at pagmamahal sa sining ng larawan sa mga susunod na henerasyon.

Ang kwento ni Reczon ay tila isang koleksyon ng mga larawan—bawat litrato ay puno ng emosyon, kwento, at tagumpay. Mula sa mga simpleng pangarap ng isang batang gustong maging guro, naging maliwanag at makulay ang kanyang paglalakbay patungo sa pagiging isang tagapagsalaysay gamit ang larawan. Sa huli, ang kaniyang kamera ang nagsilbing tulay para sa kwento ng kanyang buhay—isang patunay na ang pangarap ay maaaring magbago, ngunit hindi kailanman mawawala ang kahulugan nito.

Ang Tinig Mo’y Laban, Tinig ng Tagumpay

SJYRUSFLORES

a likod ng bawat mikropono at lathalain ng Ang Aghamanon, isang batang may pangarap ang sumibol—si John Rojell Elizaga. Mula sa mga simpleng kompetisyon sa radyo at eskuwela, ngayon ay tinig niya ang umaarangkada sa mga entablado ng mundo, dala ang kanyang determinasyon at galing sa pagsulat at pagsasalita.

Ayon kay Roj, ang kanyang karanasan sa school publication ay naging daan upang mahubog ang kanyang kasanayan sa mabisang komunikasyon. "Malaki ang naging ambag ng aking mga taon sa publication, lalo na sa Radio Broadcasting. Ito ang naging pundasyon ko para magtagumpay sa mga internasyonal na patimpalak,” ani Roj, na ngayon ay isang summa cum laude sa kursong Journalism.

Sa paglalakbay niya sa iba’t ibang kompetisyon, natutunan ni Roj na higit pa sa premyo ang mahalaga. “Hindi lamang panalo ang habol ko. Ang makilala ang iba't ibang lahi at kultura ay isang biyaya na walang katumbas,” wika niya. Sa katunayan, mayroon na siyang mga kaibigang mula sa Nigeria, Peru, at USA—mga koneksyong nagpatibay sa kanyang pananaw sa mundo.

Ngunit paano nga ba niya napapanatili ang balanse sa pagitan ng kompetisyon at kasiyahan? “Hindi ako laging focus sa kompetisyon. Pinipilit kong damhin ang lugar na pinupuntahan ko—mula sa night markets ng Taiwan hanggang sa mga historical sites ng Europe,” pagbabahagi ni Roj. Para sa kanya, mahalaga ring tuklasin ang kultura ng bawat bansang kanyang nararating.

Sa lahat ng bansang napuntahan niya, ang U.S.A. ang pinaka-natatangi para kay Roj. Sa ilalim ng MCW Young Leaders Fellowship, kinatawan niya ang Pilipinas kasama ang iba pang mga

ang naging inspirasyon ko upang mas maghangad pa at mangarap nang mas mataas," dagdag niya.

Para sa mga estudyanteng nangangarap ding makamit ang tagumpay sa ibang bansa, ang payo ni Roj ay simple ngunit puno ng inspirasyon: “Huwag matakot sumubok. Ang mga rejection ay bahagi ng proseso, ngunit ang mga opportunities na dumarating ay laging worth it.”

Sa mga tagumpay niya sa mga kompetisyon at sa kanyang kasalukuyang karera, patuloy na

LARAWAN MULA KAY CALAY
LARAWAN MULA
Reczon Calay Creative Content Manager- TV5
Rojell ElizagaSumma Cum-Laude Bachelor of Arts in Journalism

panulat ang mabisang sandata.

Kaso ng dengue sa Pilipinas Pagtaas kumpara sa nakaraang taon

RASH HOUR

DAITECH, solusyon sa pagdagsa ng kaso ng dengue

SANDRICKESPIRITUSANTO

Dumagsa ang kaso ng dengue sa Rizal National Science High School (RNSHS) nitong nakaraan, kung saan tinatayang 11 sa 46 na estudyante ang nagkaroon ng dengue batay sa isinagawang sarbey ng Ang Aghamanon. Kaugnay pa nito, nakaranas naman ang iilan na magkaroon ng mga pulang tuldok sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Ayon sa pagsusuri ng Department of Health (DOH), 208,000 ang nagkaroon ng dengue sa Pilipinas, kung saan tumaas ng 68% kumpara noong nakaraang taon. Dahil dito, nakabuo si Fei Angelique Goleta kasama ang kanyang mga kapwa mananaliksik na sina Alesha Marie Wilson, Justin Jappi Buma-at, Raiza Mae Pinones, at Marianne Francesca Legaspi, ng teknolohiyang makatutulong upang maagapan ang pagtukoy ng petechial rashes na indikasyon ng dengue na pinamagatang “DAITECH: Detection of Petechial Rash for Efficient Clinical Diagnosis Through AI Image Processing Technology.”

Pag-DAITECH ng Problema

Nagsimula ang pagbuo ng inobasyong DAITECH dahil sa suliranin ng patuloy na paglago ng kaso ng sakit sa Pilipinas, isa sa mga tropikal na bansa na nagdudulot ng pagdami ng mga lamok at tumataas ang tyansang kumalat ang dengue.

Pagtukoy sa Rashes Kalakip nito, indikasyon ng dengue ang presensiya ng petechial rashes, kung saan lumilitaw ang maliliit na kulay-pula, kayumanggi, o lilang tuldok sa balat dahil sa mababang bilang ng platelet, base sa Max Healthcare; subalit komplikado ang pagtukoy dito dahil sa pangamba at kahirapan ng ilang propesyonal sa pagtukoy ng rash.

“Pinakalayunin ng

DAITECH ay makatulong mag-diagnose ng dengue by detecting rashes na mayroon sa sakit na ‘yon.”

Ibinahagi ni Goleta. Dagdag niya, hindi sumasapat ang tradisyonal na pamamaraan tulad ng Torniquet Testing, kung kaya’t ito na ang nagtulak sa kaniyang pag-aralan ito.

Pag-aanyo ng Sistema

Sa pagproseso ng

DAITECH, ginamit ang mga modelong MobileNetV2 at VGG16 upang matukoy ang petechial rashes. Kasama sa sistema ang data augmentation techniques at transfer learning gamit ang pre-trained weights mula sa ImageNet upang mapabuti ang kawastuhan ng rash detection.

PAGTUKOY SA SAKIT NG PALAY, LIKHANG TEKNOLHIYA NG MGA ISKOLAR

Pinatunayan ng mga iskolar ng bayan mula sa Rizal National Science High School (RNSHS) na ang kanilang kasanayan sa Agham at Teknolohiya ang magdadala sa kanila upang makalikha ng isang pananaliksik na tutugon sa mga hamong kinakaharap ng sektor ng agrikultura.

Sa muling pagdaraos ng Regional Science and Technology Fair (RSTF), taas noong ibinida ng grupo nina Danie Lou Esquibel, Anne Clarisse Arabit, at Marielle Elois Dela Paz, ang kanilang pananaliksik na pinamagatang

“GRAINGUARD: Utilization of Convolutional Neural

grupo. Nakatuon ang pananaliksik sa pagbuo ng isang sistemang nakabatay sa CNN, isang uri ng artipisyal na neural network na pangunahing ginagamit para sa pagproseso ng imahe, upang matukoy at masuri ang tatlong pangunahing sakit sa palay: bacterial leaf blight, brown spot, at tungro, na may malaking epekto sa produksyon nito.

Ayon sa mga magsasaka mula Morong, Rizal, magsisilbing solusyon ang inobasyong ito upang maiwasan ang pagkaantala sa proseso sa sakahan at mapamahalaan ang mga hamon dulot ng mga natural na kalamidad at pagbabago ng klima.

Sa resulta ng kanilang pananaliksik, napag-alamang sa paggamit ng YOLOv5, isang real-time object detection algorithm, mas mabilis at tumpak na natutukoy ang mga sakit sa palay kumpara sa tradisyunal na pamamaraan— indikasyon na sa pamamagitan ng Agham at Teknolohiya, natutugunan ang mga problemang hinaharap ng lipunan.

Retrato ng Lunas Dagdag pa rito, inangkop ang modelo sa real-time image processing para kuhanin at iproseso ang mga larawan ng rash. Kung may matukoy na petechial rash, magsasagawa ito ng awtomatikong pagbilang ng petechiae, mga pulang tuldok sa balat, gamit ang blob detection upang matukoy ang mga keypoint at masuri ang posibilidad ng dengue.

Ayon sa resulta ng DAITECH, napag-alaman na mas epektibo sa klasipikasyon ang MobileNetV2 sa mas tumutugmang pagtukoy ng petechial rashes kaysa VGG12 na validation loss ang pokus, nagbibigay-hudyat itong may kakayahan nang maagapan ang pagtukoy ng dengue at mapuksa ang pagkalat nito.

SA GIPIT NG SAKUNA

Sensor-Based Research, tugon sa mabilis na disaster-response

D

ahil sa patuloy na banta ng mga sakunang kinakaharap ng mundo, isang pananaliksik mula sa mga mag-aaral ng Rizal National Science High School (RNSHS) ang layuning magbigay ng mabilisang tugon at magmonitor ng mga salik na maaaring magpahiwatig ng posibleng kalamidad.

Pinamagatang “SAGIP: Sensor-based Action and Guidance for Integrated Preparedness: Advancement in Earthquake Detection, Flood Level Monitoring, and Weather Prediction” ang pananaliksik, isang inobasyon sa paghahanda sa mga sakuna, na nag-uugnay sa tatlong sistema: pagdetect ng lindol, pagsukat ng lebel ng baha, at pagtataya ng lagay ng panahon. Ayon sa mga tagapaglikha na si Eihdan Zovia, Grichelle Gumangan at Briana Del Mundo, tugon ang SAGIP sa mga hamon na dulot ng sabay-sabay na mga kalamidad. “Tunay naman na pag nagkakaroon ng

pagbaha o paglindol, hindi naman isa-isa yan nangyayari. May mga pagkakataon na sabay-sabay, at di inaasahan, kaya mas mabuti nang magkaroon ng tugon dito,” ani Zovia. Sa pamamagitan ng iba’t ibang sensor, nag-aalok ang SAGIP ng real-time na datos sa cloud platform nito, na nakatuon sa tatlong pangunahing aspeto ng disaster management: detection, mitigation, at prevention. Dagdag pa rito, nagiging mas accessible at mas epektibong solusyon ang makabago at pinagsamasamang pamamaraan na ito para sa mga lokal na pamahalaan at komunidad.

“Mas cost-efficient ang SAGIP kaysa sa tradisyunal na kagamitan,” dagdag ni Zovia. Ipinaliwanag niya rin ang potensyal nitong maging bahagi ng pambansang estratehiya sa disaster preparedness. Habang lumilipas ang panahon, patuloy na tumataas ang halaga ng mga proyekto ukol sa disaster preparedness bunga ng tuluyang pagbabago ng klima. Sa kabila nito, nananatiling bukas ang grupo sa mga oportunidad ng pagpapabuti ng SAGIP upang mapalawak ang saklaw nito at makatulong sa mas marami pang komunidad.

PASADABALITA

RiScians, wagi sa DFOT STEMazing 2025; muling sasabak sa RFOT

Nakamit ng tatlong RiScians na sina Miyabi Santos, Pio Ng, at Anjalique Rendon ang kampeonato sa Division Festival of Talents - STEMazing Research Competition 2025, kung saan ipinamalas nila ang kanilang natatanging husay at kaalaman sa larangan ng agham.

Ginanap ang nasabing patimpalak sa Tanay, Rizal nitong ika-17 ng Enero kung saan lumahok ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan ng Rizal.

Inaasahang kakatawanin ng mga mag-aaral ang kanilang paaralan at ang lalawigan ng Rizal sa nalalapit na Regional Festival of Talents para sa ScienceStemazing Research Competition na gaganapin sa Pebrero 27, 2025 sa Tanza, Cavite.

JELAINEORAIN
CIDCAMPOS
BANTAY PALAY
RICE-CUER. Pinarangalan sina Marielle Dela paz, Danie Esquibel, at Anne Arabit sa kanilang pananaliksik sa pagtukoy ng sakit ng palay sa nagdaang Regional Science and Technology Fair (RSTF) noong ika-12 ng Nobyembre ng nakaraang taon

AGTEK

JELAINEORAIN

SANDRICKESPIRITUSANTO

PSAngtunaynatagumpayaypagtayo mataposangpagkabigo.Ang pagkataloayhindiwakaskundiisang pagkakataongmatuto,magbago atlumagotungosamasmataasna antasngpagkatao.

BAGSIK ””

ESPIRITUSANTO,SANDRICK

KABABALAGHAN SA KABALAGAN

atuloy ang pag-arangkada ng teknolohiya sa bansa, ngunit mistulang nakikisabay sa uso ang pag-usbong ng mga nanloloko online, kung saan ang karaniwang nabibiktima ay mga taong 65 taong gulang o pataas ayon sa LinkedIn Corporation. Kahit na mga may edad na ang kalimitang nadadali ng ‘cyber attacks’, hindi ito nangangahulugang dapat nang makampante o maituring na “ligtas” ang kabataang babad sa gadyet.

Mapatutunayang posibleng makasalamuha kahit saan ang mapangahas na mga nilalang gamit ang teknolohiya. Maiiwasan ang delikadong sitwasyon kung aamyendahan ng pamahalaan ang kadalasang hindi naman epektibong pagsasakatuparan tulad ng babasahing libro na “Isang Kaibigan”, ikatutuwa pa kung papalitan ng mas angkop sa pangangailangan ng edukasyong isinusulong.

Hindi lamang gobyerno ang may responsibilidad upang masolusyonan ang mga kasong nabibiktima ng iba’t ibang uri ng ‘cyber attack’, kinakailangan din ng matinding pag-iingat ng mga gumagamit ng internet. Inaasahan naman ang pagsasagawa ng regular na seminar sa ‘cybersecurity’, mabisang pagkorpora ng Information and Communication Technology (ICT) sa mga asignatura, at pakikipagtulungan sa mga eksperto para sa wastong pagsasanay.

at magkaroon ng hindi awtorisadong akses sa sensitibong impormasyon sa isang kabalagan o network. Napakahalagang maintidihan ng sinuman, lalo ng mga inosente, ang maaaring maidulot ng mga walang ambag na kriminal kundi ang makapahamak sa henerasyon ngayon. Nawa’y magsilbing babala ito sa lalong madaling panahon upang makamit ang inaasam na katatagan sa makateknolohiyang pag-aaral.

Alam naman ng lahat na ang ‘cybercriminals’ ay walang ibang hangarin kundi magnakaw, manira,

Porsyento ng mag-aaral na handa sa cyberthreats

ADD TO HEART

EMMANCELAJES Dibuho ni

a kasagsagan ng modernisasyon, hindi maikakaila ang lumalaking papel ng teknolohiya sa buhay ng sangkatauhan— mula sa mga naimbentong makinarya hanggang sa paglitaw ng social media. Nakababahalang pinagmulan na rin ito ng paglipana ng deepfakes, subalit animo’y walang kahirap-hirap na malinlang ang ibang tao dahil sa kanilang pagiging utak-ipis at uto-uto.

Marami nang napatunayan ang social media sapagkat maaari rin itong mapagkakitaan, mapaglibangan, at mapagkuhaan ng bago sa paningin ng mga tao. Ngunit, hindi dahil “bago” ay “tama” na o dapat nang paniwalaan, samakatwid kailangang sanayin ang sarili na suriing mabuti ang mga mababasa o makikita online. Kung pag-uusapan ang misteryosong dako nito, matutumpok ang deepfakes na produkto ng Artificial Intelligence (AI), tumutukoy ito sa ginayang mukha o boses ng mga personalidad at mga binagong larawan o bidyo upang magpalaganap ng purong palsipikado.

Naging kahalili na rin ng kaguruan ang social media. Tinig ni Alyssa Mae B. Mansujeto, guro sa Technology and Livelihood Education (TLE) sa Rizal National Science High School (RNSHS), mahalaga ang mga guro sa pagtuturo hinggil sa mga umuusbong na teknolohiya upang matutuhan ng mga estudyante ang tamang paggamit ng internet.

Bagaman may asignaturang nakatuon sa deepfakes, hindi ganap na nagagamit ng ibang estudyante ang kaalaman dito upang matukoy kaagad ang kamalisyosohan. Makapagdudulot ito ng panganib sa kanila sapagkat mabilis lamang ang paggawa ng pekeng

Fake is fake ang should not be tolerated in the academe.

ALYSSA MAE B. MANSUJETO

Guro sa TLE

larawan o bidyo. Dagdag pa, maaari itong maghatid ng malawakang kasinungalingan na makaaapekto sa mga desisyon ng tao, tulad ng pagboto sa susunod na eleksyon.

Dahil sa paglaganap ng pamemeke, noong ika-29 ng Hulyo taong 2024, inilatag na ang House Bill 10567 o Deepfake Accountability and Transparency Act upang mapangasiwa ang paglikha ng deepfakes sa pamamagitan ng malinaw na pahayag ukol sa binagong nilalaman. Subalit, mahihirapan pa rin sa implementasyon sapagkat kailangan ng matinding pagsubaybay at pagtukoy sa mga gumagawa ng deepfakes. Dahil dito, hindi dapat magtiwala nang buo lamang sa pamahalaan; kinakailangan ang pagiging mapanuri at mapagtanong upang matukoy ang deepfake. Huwag magmadali sa pagpapalaganap ng impormasyon, lalo na kung hindi tiyak, sapagkat maaari nitong maapektuhan ang publiko. Sa malawak na mundo ng social media, isang ilusyon ng katotohanan ang madaling pagpapakalat ng pekeng balita. Mahalaga ang pagkakaroon ng kamalayan at pananagutan sa bawat hakbang, upang maiwasan ang maging biktima ng maling impormasyon.

Sa patuloy na pagdagsa ng mga mamimili sa mga platapormang online, hindi maikakaila ang malaking impluwensya nito sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Sa hanay ng mga mag-aaral, lalo na ng mga iskolar ng bayan mula sa Rizal National Science High School (RNSHS), nagsisilbing pangunahing alternatibo ang pamimili online sa tuwing may pangangailangan, lalung-lalo na’t ang limitadong oras na mayroon sila ay hindi sapat upang makapunta sa mga pisikal na pamilihan.

All-in-One Shop. Batay sa sarbey na isinagawa ng Ang Aghamanon sa 50 mag-aaral, 74 porsyento ng mga kalahok ang nagsabing mas magaan at mas maginhawa ang pamimili sa pamamagitan ng mga online shopping platform, kung saan karamihan sa kanila ang nagsaad na mas mabilis nilang makikita ang kanilang pangangailangan online, kumpara sa mga tradisyunal na pamilihan kung saan ang mga produkto ay kalimitang limitado.

Product Swap. Sa kabila ng mga positibong puna ukol sa online shopping platform, hindi maitatanggi na may mga mamimili pa ring mas nagnanais na magtungo sa mga pisikal na tindahan upang bumili ng kanilang mga kinakailangan. Ayon sa parehong sarbey, 24 porsyento ng mga magaaral ang nagsabing mas pinipili nilang mamili sa mga pisikal na pamilihan, at ito ay nauugat lamang sa iisang dahilan— ang insidente ng pagpapadala ng maling produkto.

Return Policy. Sa kabila ng mga insidenteng may kinalaman sa maling pagpapadala ng mga produkto, may mga polisiya namang ipinatutupad upang tugunan ang mga ganitong isyu. Isa sa mga pangunahing solusyon ay ang Return Policy, isang sistemang nagbibigay pagkakataon sa mga mamimili na ibalik ang mga produktong hindi nila nagustuhan o mga produktong mali ang naipadala. Sa ilalim ng patakarang ito, mayroong proteksyon ang mga mamimili na makuha ang kanilang karampatang kapalit o refund.

Pa-mine na po! Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, nararapat lamang na yakapin ang mga pagbabagong ito sa ating lipunan. Bilang mga mamimili, mahalaga ang pagtanggap sa mga inobasyon upang mapabuti ang karanasan at makapag-ambag sa pag-usbong ng mas progresibong komunidad. Huwag palampasin ang pagkakataon na makibahagi sa makabagong sistema—tanggapin ang pagbabago tungo sa mas magaan at inobatibong hinaharap.

IMAKEWEMAKE

MAKE A DEAF-ERRENCE

SALINlahi ng inklusibo’t makabagong teknolohiya

SANDRICKESPIRITUSANTO CLARISSACELSO

Sa pagsibol ng teknolohiya, nabibigyan ng bagong pagasa ang mga may kapansanan tulad ng kawalan ng kakayahang makarinig, makapagsalita, at iba pa. Kung gayon, tampok dito ang potensyal ng inobasyong magsisilbing pandinig ng itinuturing na espesyal, ang “Speech-to-Animation Device for Sign Language Inclusivity: Combination of Arduino Technology and Artificial Intelligence for Promotion of Equal Treatment of Deaf Individuals (SALIN)” na nilikha ng Utak-Berdeng sina Kristine Butaran, Dustin Eduvala, Kurt Ison, at Zairus Francisco.

Dahil sa SALIN, muling sumiklab ang liwanag ng mga nahihirapang makipagugnayan, na nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng bawat isa alinsunod sa Filipino Sign Language (FSL) Act o RA 11106.

Lunggatiing Napakinggan

Wika ni Francisco, “Pangarap namin ay magkaroon ng lipunan na accepting at handa makipagusap sa mga taong ito nang hindi nawawala ‘yung essence ng mensahe nila para sa isa’t isa.” Aniya pa, ang punto ng proyektong ito ay mabigyan din ng pagkakataong makipag-usap ang hindi marunong mag-FSL.

Sistema ng Pag-SALIN

Ang SALIN ay may kakayahang itumbas ang mga salita, parirala at pangungusap sa kaugnay nitong mga Hand Signals . Gumagamit ito ng Arduino upang iproseso ang natamong speech input at isalin sa sistemang makakapagaanalisa ng mga datos. Sa tulong ng Raspberry Pi, isang microprocessor na nakabase sa AI, ang naitalang mga salita ay iuugnay sa espisipikong animasyon na ipinapakita sa isang LCD screen .

Pantig ng Pagpapatibay Nasa proseso na ng pagbuo ang SALIN at kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa kanilang katuwang na mga organisasyon upang malaman ang mga datos na kailangan isama, pinagaaralan na rin ang paglikha ng karampatang 3D animation na tutugma sa komunikasyong ginagamit ng FSL. Nilalayon pa ng mga imbentor na gawing mas magaan ang SALIN upang maging komportable at madaling dalhin kung saan-saan, patunay ng kanilang pagmamalasakit sa mga indibidwal na gagamit nito. Ang inobasyong ito ay nag-aalok ng makabuluhang solusyon para sa mga may kapansanan sa pandinig, na nagtataguyod ng mas inklusibong lipunan na handang makinig at umunawa. Sa SALIN ang boses ng tinaguriang namumukod-tangi na tila ba naging alingawngaw na lamang sa ugong ng lipunan ay pinakikinggan at binigyan ng bagong himig ng pag-asa.

PAMANA SA NAKARAAN

DAGITAB NG PUSONG PINAGMULAN

JELAINEORAIN

Muling nagningning sa entablado ang Utak Berde matapos mag-uwi ng karangalang Viewer’s Choice Award at Second Best Film ang grupo nina Anjalique Rendon, Karl Andrei Montes, at Francesca Emmanuele Sanvictores sa pagdaraos ng ikawalong Indie-Siyensya ng Kagawaran ng Agham at TeknolohiyaScience Institute (DOSTSEI). Sa temang ‘Siyensya sa Kultura’, muling pinalitaw ng grupo ang makulay na bahagi ng kulturang Pilipino— ang tradisyon ng pagnganganga, na matagal nang ipinamamana ng mga katutubong tribo, kabilang ang pangkat ng DumagatRemontado na masisilayan sa bulubundukin ng Tanay, Rizal.

Ayon kay Dr. Nestor T. Castro, isang antropologo mula sa Unibersidad ng Pilipinas, ang pagnganganga o betel nut chewing ay isang libangan na kinaugalian ng mga sinaunang Pilipino. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagnguya ng pinaghalong areca nut, ikmo o dahon ng betel, at apog na mula sa pinulbos na kabibe, na nagiging sanhi ng matingkad na pulang bakas na waring isang makulay na tatak sa ngiti ng bawat nagnganganga.

Maspang ng agham Sa bawat nguya ng betel, nakakubli ang isang organikong compound—ang arecoline—na

nagsisilbing mitsa ng kasiglahan ng pagkatao ng mga DumagatRemontado.

Ayon sa pagsusuri, kumakapit ang arecoline sa mga protinang matatagpuan sa cellula ng utak na tinatawag na acetylcholine receptors. Nagiging sanhi ng prosesong ito ang pagtaas ng produksyon ng mga neurotransmitter, partikular ang dopamine, na nagdudulot ng pagtaas ng enerhiya, at kasiyahan sa mga taong nagnganganga.

Batay sa datos ng World Health Organization (WHO), tinatayang 10 hanggang 20 porsyento ng pandaigdigang populasyon ang nagnganganga at kinilala ito bilang ikaapat sa pinaka karaniwang psychoactive substance kasunod ng nicotine, ethanol, at caffeine.

Timpladong pait ng peligro

Sa kabila ng matamis na ngiti na mababanaag sa labi ng bawat Dumagat-Remontado, lihim na nagkukubli ang isang mapait na peligro— ang pagnganganga, na naging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan, ay tinaguriang Group 1 carcinogen ng International Agency for Research on Cancer (IARC), isang substance o organismo na may kakayahang magdulot ng cancer.

Ayon kay Dr. Reezelle Rae Andres, dentista mula sa International Association of Orthodontics, ang pagnganganga, bagamat tila simpleng gawi, ay nagdudulot ng matinding pinsala sa kalusugan ng isang tao, partikular na sa kaayusan

ang

DUMAGAT. Ipinakita ng batang

at kalusugan ng ngipin.

“Pag sa oral health natin, yung effects talaga niya ay negative. So, yung pagkasira ng mga ngipin, nagkakaroon na rin siya ng mga cavities, unti -unting nababasag yung mga ngipin…and worst naman, pag sobrang tagal na talaga, maaari itong mag-cause ng cancer,’’ paliwanag pa nito.

Tamis ng pagkakakilanlan Sa kabila ng mapaklang

katotohanan hinggil sa pagnganganga na nahayag sa paningin ng makabagong agham, hindi maikakaila na kahit sa mabilis na agos ng panahon, nananatili pa rin itong buhay, hindi lamang bilang isang parte ng kanilang kinalakhan, kundi bilang isang sining na sumasalamin sa kanilang pagkakakilanlan— indikasyon na ang patuloy na pag-iral nito ay tila isang dagitab na nagbibigay liwanag sa mga pamana ng nakaraan.

BIHIRANG MAKASILAY, SA

IPINAGMAMALAKI NG TANAY

ANGELESPIRITU

Bawat panig ng Pilipinas ay naglalaman ng natatanging katangian, mula sa mga tanawin hanggang sa kultura na umiiral sa mga bayan. Kasama na rito ang Tanay, Rizal na hindi lang kilala dahil sa lamig ng ihip ng hangin, kundi bilang tahanan din ng tatlong hindi pangkaraniwang hayop at halaman.

Mula sa kabundukan ng bayan ng Tanay, matatagpuan ang nagtatagong hiyas ng kanilang kapaligiran— ang Rafflesia (Rafflesia philippensis), Ibong Banoi (Pithecophaga jefferyi) at ang Paroot (Phloeomys pallidus) na sumasalamin sa kahanga-hangang kagandahan at kasaysayan ng ating kalikasan. Mula nang unang matuklasan ang mga ito, naging tanyag sila sa mga tao, hindi lamang dahil sa kanilang pagiging kakaiba at kamangha-mangha, kundi pati na rin sa malalim nilang ugnayan sa kasaysayan at kultura ng mga mamamayan.

Madalas na naibibida ng Tanay ang tatlong species. Gaya na lamang noong paligsahan sa paggawa ng christmas tree ng bawat bayan ng Rizal, kung saan ang palamuti nito ay hinugot mula sa mga kakaibang species na ito.

Dahil dito, naging tampok ang naturang Christmas tree sa paningin ng marami, kung saan, kahit sinong mamamayan mula sa iba’t-ibang bayan ay pumunta upang silayan ang makulay na dala nito.

Hindi maipagkakaila na ang kasikatan na tinatamasa ng rafflesia, ibong banoi, at paroot ay naging mahalagang salik upang akitin ang mga turista na paulit-ulit na magbalik sa Tanay. Subalit, ang tagumpay na kanilang tinamasa

DANIEL HEUCLIN
HUBPAGES
FLICKER
KARLMONTES
BATANG
dumagat
aktwal na pagkuha ng betel sa puno na ginagamit bilang pang-nganga o betel nut chewing noong nagdaang taon sa bulubundukin ng Tanay Rizal.

To safeguard human lives, we are issuing this warning as precautionary advice to the public to refrain from gathering, selling, and eaeting all types of shellfish and Acetes sp., locally known as alamang or hipon from these bays.

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

BFAR

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

LIMANG BAYBAYIN NG POSITIBO SA RED TIDE TOXIN

DUMANQUILLAS BAY

DARAM ISLAND

IRONG-IRONG BAY MATARINAO BAY KARAGATAN NG TUNGAWAN

ZAIRUSFRANCISCO

ALGAE-nst THE TIDE

Solar-Powered Red Tide Detection, kontra banta ng Red Tide

CIDCAMPOS JELAINEORAIN DANEDIAZ

Maaari pang mapalawak ang pagaaral ng teknolohiyang ito lalo na at hindi lamang sa Pilipinas pinoproblema ang red tide. Magbibigay ito ng malaking tulong lalo na sa mga bansang pangingisda ang pinagkukunan ng hanapbuhay.

ZAIRUS FRANCISCO

Magaaral mula sa ika-12 baitang ng RNSHS

Bilang tugon sa banta ng red tide, isang penomenang sanhi ng mabilis na pagdami ng algae sa tubig, isang pananaliksik mula sa mga mag-aaral ng Rizal National Science High School (RNSHS), na pinamagatang “Harnessing Technological Innovations for Early Detection and Mitigation of Red Tides,” ang layuning magbigay ng maagap na abiso sa mga mangingisda hinggil sa posibleng epekto nito.

Nasa likod ng pananaliksik na ito ang mga determinadong mag-aaral na sina Zairus Francisco, Joaquin Benito, at Keane Balbuena, na may

layuning tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng mga mangingisda tuwing mamamalaot sila sa dagat.

Gumagamit ang kanilang sistema ng apat na uri ng sensor: Total Dissolved Solids (TDS), Temperature, Turbidity, at pH sensor—upang matukoy ang mga kondisyon ng tubig na nagiging sanhi ng red tide. Sa pamamagitan ng Arduino Uno R4 Wifi, nakokolekta ang mga datos mula sa mga sensor at naipapakita ito sa sarili nilang website. Upang matiyak ang tuloytuloy na operasyon, nakakonekta ito sa isang solar panel bilang pinagkukunan ng enerhiya.

“Simple ngunit epektibo,” ani Francisco, na itinuturing ang kanilang teknolohiya bilang mas

praktikal na alternatibo sa mahal at komplikadong satellite imaging. “Easily replicable sya dahil sobrang simple lang naman talaga nya gawin, pero kahit sobrang convenient niya in that sense, masasabi ko pa rin na mataas pa rin accuracy niya,” dagdag pa nito. Bilang isang bansa na nakasalalay sa yaman ng karagatang nakapalibot dito, itinuturing ng grupo ang kanilang teknolohiya bilang isang makabago at epektibong solusyon laban sa red tide. Hindi lamang ang mga mangingisda sa Pilipinas ang matutulungan nito, kundi maaari ring magbigay ng tulong sa mga bansa na nakararanas ng parehong suliranin.

COFFEE PLANT DIS-EASE

SANDRICKESPIRITUSANTO

Natuklasan ng piling mag-aaral mula sa Rizal National Science High School (RNSHS) ang solusyon sa pag-iral ng mga sakit at peste sa coffee plant gamit ang aparatong pinagagana ng Artificial Intelligence (AI) na base sa modelong YOLOv10 na naglalayong mag-detect ng sakit o peste sa pananim ng kape.

Ipinamalas ng mga batang mananaliksik na sina Kurt Ison, Dustin Eduvala, at Kristine Butaran ang angking husay

para sa Regional Science and Technology Fair (RSTF) 2024 sa isinagawang pag-aaral na “Analysis of Loss Curves and Classification Metrics of the YOLOv10 Model for Detecting Coffee Plant Diseases and Pets intended for AI-powered Sprayer.” Giit ni Eduvala, “Makatutulong ang AI-powered sprayer na ito upang mapadali ang trabaho ng mga magsasaka sa bukirin. Sa pamamagitan nito, mababawasan ang oras na ginugol nila sa pagidentify at pagpuksa ng mga peste.” Dagdag pa niya, magbibigay rin

ang teknolohiyang ito ng gabay sa mga baguhang magsasaka ng kape upang masigurado ang kalidad nito sa mga sakahan. Sa proseso ng pag-aaral, gumamit sila ng datasets mula sa Roboflow, isang platform na tagapagsanay ng machine learning models sa computer vision, naglalaman ng 4800 na imahe ng dahon ng kape at ipinangkat sa limang kategorya: Healthy leaves; mga sakit na Brown eye at Leaf Rust; at mga pesteng Red Spider Mite at Leaf Miner. Ayon sa kanilang pananaliksik, mataas man ang demand ng

Integrasyon ng AI, kasangga sa pagtukoy ng sakit sa dugo

CLARISSACELSO

Upang matugunan ang mabagal na medikasyon sa larangan ng medisina at magkaroon ng agarang plano sa pangangailangang medikal ng bawat pasyente, isang pananaliksik ang ibinida ng isang iskolar na may layuning tukuyin ang mga uri ng anemia, isang kondisyon na nagdudulot ng kakulangan sa oxygen dahil sa kawalan ng pulang selula ng dugo sa katawan, sa mabilis at epektibong paraan.

Ayon kay Morielle Gutierrez, estudyante sa likod ng pananaliksik na “Machine Learning Algorithms for Automated Detection of Anemia Types via Blood Smear Image Analysis,” sa tulong ng Artificial Intelligence (AI), mas mabilis matutukoy ang nasabing sakit sa dugo. “Nung nadeploy na namin ang algorithm, with just a click ng input mo, konting segundo lang, may results na kung anong nadetect ng model,” paliwanag pa nito.” Sinuri ang tatlong machine learning algorithms: Convolutional Neural Network (CNN), EfficientNetB3, at ResNet-50, na may kakayahang mag-analisa ng mga komplikadong imahe ng blood smear mula sa American Society of Hematology at Kaggle. Gumamit ito ng preprocessing techniques tulad ng data augmentation at Canny Edge Detection upang mapabuti ang kakayahan ng mga algorithm sa accurate na pag-classify ng anemia.

Sa resulta ng pananaliksik, nakamit ng EfficientNetB3 ang pinakamataas na accuracy na 95.35%, kung saan nalampasan nito ang parehong performance ng ResNet-50 at CNN. Bukod sa accuracy, isinagawa rin ang pagsusuri sa mga performance metrics tulad ng precision at recall, na higit pang nagpatibay sa pagiging tumpak ng EfficientNetB3 sa pagtukoy ng iba’t ibang uri ng anemia — na nagpapakita ng malaking potensyal nito para sa isang epektibong kasangkapan sa medikal na diagnostic, na maaaring magamit sa mga aplikasyon sa larangan ng kalusugan.

kape sa Pilipinas, mababa pa ang produksiyon nito dulot ng impeksyon sa kape at kinakailangan pang mag-import mula sa ibang bansa — kung kaya’t kanilang napatunayang malaki ang pakinabang ng teknolohiyang ito para sa agrikultura.

Malalim ang kahalagahan ng pananaliksik na ito para sa medikal na pagsusuri, lalo na sa mga lugar at komunidad na may kakulangan sa akses sa mga tradisyunal na pamamaraan. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga machine learning algorithm tulad ng EfficientNetB3, nagiging posible ang pagbibigay ng mabilis at tumpak na diagnosis, na nagdudulot ng mas pinahusay na pangangalaga at mas mahusay na pamamahagi ng mga mapagkukunang medikal.

LASON. Aktwal na isinagawa ni Zairus Francisco, Joaquin Benito, at Keane Balbuena sa Manila Dolomite Beach ang kanilang pananaliksik
MORIELLE GUTTIEREZ

BOLANG GINTO ANG IBINATO:

Risci Elite thrower Colleen

Andrada, Humakot ng Medalya

YUSHENDANDRID

PAG-ITSA: Abot langit ang bato ni Colleen Andrada ng shot sa Patafa Weekly Relay noong ika-27 ng Oktubre ng nakaraang taon.

EDSMAYCACAYAN

Kinikilalang isa sa pinakamahusay na atleta sa paaralan nang madala niya ito sa kauna-unahang pagkakataon sa Palarong Pambansa. Sa throwing event na shot put na ginanap noong ika-12 hanggang ika-16 ng Hulyo sa Cebu City 2023. Simula pa lamang baitang lima ay nakitaan na ng potensyal si Colleen ng kaniyang guro dahil sa kanyang bilis, tikas at kilos na angkop sa athletics. Sa kanyang unang pagsali sa track and field ay nakakaabot ito agad sa provincial meet ng hindi inaasahan, simula noon ay nagpatuloy-tuloy na ang kanyang pagsali sa

ganitong patimpalak. Sa kanyang pagbabalik ngayong taon sa palakasan ay muling nagpakitang gilas ang beteranong mambabato matapos magwagi ng dalawang gintong medalya at isang pilak sa nagdaang Palarong Panlalawigan Track and Field Competition na ginanap sa Taytay, Rizal noong ikadalawangput-dalawa ng nobyembre 2024.

Muling napasakamay ni Andrada ang kampeonato matapos lampasuhin ang dalawang kompetisyon na kanyang

Sa likod ng tagumpay , matinding preparasyon ang ginagawa ng 17 na tanong gulang bilang paghahanda sa bawat kompetisyon na kanyang sasalihan. Ayon sa kaniya , siya ay gumagamit ng ng liveout training kung saan ay wala siyang ginawa kung hindi magbato ng magbato ng bola sa isang lokasyon lamang ng tatlong oras araw-araw .Binibigyan din siya ng workouts katulad ng lifts na kailangan ma accomplish para sa isang linggo na tumagal ng isa at kalahating buwan.

Sa nalalapit na pagtatapos ng karera ni Andrada ngayong taon bilang RiScian , siya ay nagbigay ng payo sa mga susunod

RISCI SWIMMING TEAM LUMUTANG SA GALING:

DALAWANG GINTO,ISANG

PILAK SINIKWAT

ELIJAHSINQUENCO

Nagpakitang-gilas ang mga ang koponang manlalangoy ng Rizal National Science High School (RiSci) sa naganap na Palarong Panlalawigan 2024 nang bumida ang mga ito sa podium at mag-uwi ang mga representatibo ng tatlong medalya sa kabuuan nitong Nobyembre.

Sumisid ng dalawang ginto at isang pilak ang koponan, samantala pasok pa rin sa rankings ang ibang kategorya ng nasabing isports.

Nagkamit ng ginto sa 4 x 50m freestyle relay ang dalawang manlalangoy ng Risay na sina Leana Angela Gamez at Eliana Lauren Cedo kasama ang dalawa pang manlalangoy mula sa ibang paaralan.

Ani Leana, bago pa man magsimula ang laro ay pinangunahan na nila ito umano ng matinding determinasyon na may kasamang stretching.

“We gave each other confidence by being positive like sinasabi namin na kahit anong mangyari let us still give our all”. Dagdag niya.

Nag-ambag rin ng pilak si Leonard Alfred Vite sa 4 x 50m freestyle relay para sa kalalakihan, gayundin ipinamalas ng isa pa sa mga koponang manlalangoy ng paaralan na si Andrei Ishmael Rivera na sumungkit ng ikalima at ikasiyam na pwesto sa dalawang magkaibang kategorya.

Ang magandang resulta ng RiScian swimming team ngayong taon ang nagpapatunay na hindi lang sa academics angat ang paaralan, kaya na rin makipagsabayan sa palakasan.

na elite throwers ng paaralan na “ Enjoy the process and choose the right circle of friends na hindi natatakot at hindi ka pipigilan na maging successful at hindi sila maiinggit sa mga achievements mo. This is because sila ang tutulong sa iyo everytime na may ma miss kang lessons or activities mixed with, of course, the right time management and self-discipline”.

Kasalukuyang pinaghahandaan ng husto ni Andrada ang Palarong Panrehiyon kung saan target niyang muling makapaguwi ng ginto para sa paaralan, Binangonan, at lalawigan ng Rizal.

PLATA SA NGALAN, GINTO SA LABAN:

ANG BAGONG KABANATA NG

ALDREDDELEON

Mula sa makasaysayang tagumpay sa Palarong Pambayan ng Binangonan 2024, kung saan matapos ang ilang taong kawalan ng ginto sa Arnis ng Rizal National Science High School (RNSHS), nasungkit ni Christiana Elizabeth Plata ang kaisa-isang gintong medalya ng RiSci Arnis Team sa Girls Category 1-Flyweight Full Contact Event. Nagpatuloy ang kaniyang kwento sa larangan ng Arnis, kung saan humarap siya sa panibagong hamon bilang kinatawan ng Category 2-Bantamweight ng Binangonan Cagers sa Palarong Panlalawigan nitong Nobyembre 27 sa St. Anthony Elementary School.

Sa kaniyang unang pagsabak sa Palarong Panlalawigan, nakarating si Plata sa quarterfinals, isang kahanga-hangang resulta para sa isang baguhang nakaharap sa mas malalakas at mas bihasang mga atleta. Bagamat hindi pinalad na makapasok sa tatlong nangunguna, hindi siya pinanghinaang ng loob, bagkus ay nananalaytay pa rin ang kaniyang katatagan at disiplina.

Hindi biro ang maging isang atleta na nagsusumikap na magtagumpay, at sa kaso ni Plata, ang kaniyang disiplina sa pagkain ay isang mahalagang bahagi ng kaniyang tagumpay. Para mapanatili ang tamang timbang sa kaniyang kategorya, nagbawas siya ng pagkain, na hindi kumakain ng kanin at kumakain lamang ng ulam, tinapay, at tubig. Isinasama rin niya sa kaniyang disiplina ang hindi pag-inom ng soft drinks, na isang malaking hamon na tinutukan niya upang mapagbuti ang kaniyang pisikal na kondisyon.

Ang pagsasanay ay hindi nagtatapos pagkatapos ng kompetisyon para kay Plata. Kahit natapos na ang Palarong Panlalawigan, patuloy siyang nagsasanay tuwing Sabado at Linggo upang mapabuti pa ang kaniyang mga kasanayan at maghanda para sa mga susunod na laban. Hindi siya titigil sa pagpapalakas ng katawan at pagpapabuti ng kaniyang laro. “Gusto kong mas pagbutihin pa ang sarili ko para sa mga susunod na laban,” ani Plata, na nananatiling positibo sa kaniyang paglalakbay bilang atleta. Ito ay nagpapakita ng kaniyang malalim na dedikasyon sa pagiging pinakamahusay na atleta na kaya niyang maging.

Ang kwento ni Plata ay sumasalamin sa katatagan at pangarap. Hindi lamang niya dala ang pangalan ng Binangonan at RiSci, kundi ang diwa ng tunay na tagumpay at pag-asa ng bawat kabataang atleta na nagsusumikap upang maging mas mahusay sa kabila ng mga hamong kinakaharap.

DANICADOLOR

UMUUSBONG NA E-POSIBILIDAD SA BANSA

Sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya at paglaganap ng mga digital na libangan, hindi na maipagkakakaila na nagkakaroon ng bagong mukha ang isports sa ating bansa. Kasabay nito ang pag-usbong ng mga makabagong paraan ng paglalaro nito. Sa kasalukuyan, talamak sa mata ng masa ang electronic sports o esports mapa-bata man o matanda, talagang kinagigiliwan ito.

Sa pag-ingay at paglago ng esports sa bansa marami na itong naging progesyon na hindi aakalain ng nakararami. Una na dito ang pagdagdag ng esports sa Palarong Pambansa noong Hulyo ng taong 2023 na pinangunahan ng Philippine Esports Organization (PeSO) bilang demonstrasyon ng pagyakap sa bagong palakasan at pagsentro sa bagong interes ng kabataan.

Pagkatapos ay inanunsiyo naman ng Dark League Studios nitong ika-23 ng Hunyo 2024 ang Estudyante Esports National Championship, isang malawakang esports league sa bansa na layong paglabanin ang mga magagaling na koponan na manlalaro ng esports sa iba’t ibang paaralan.

Sumunod naman nitong ika-24 ng Agosto 2024, inanunsyo ng kagawaran ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang pagkonsidera sa Esports bilang isang kompetisyon sa

mga kolehiyo. Ito ang naglalayong palakasin ang industriya at bigyang pagkakataon ang mga manlalaro nito.

BUHAT NG PAGBABAGO : HIDILYN DIAZ

PINALAGO ANG SARILING AKADEMIYA

PAMANA NG TAGUMPAY. Ibinahagi ni Hidilyn Diaz ang tagumpay ng kaniyang akademya matapos makamit ng mga batang atleta na nagsanay sa kaniyang akademya mula sa Rizal ang tagumpay sa naganap na 2024 Weightlifting Competition.

MULA KAY HIDILYN DIAZ

Ang Hulyo 26 ay patuloy na nagiging espesyal na araw para sa Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz. Sa ikatlong anibersaryo ng kanyang makasaysayang tagumpay sa Tokyo Olympics, at ikalawang anibersaryo ng kanyang kasal kay Julius Naranjo, opisyal ng pinasinayaan ni Hidilyn Diaz ang kanyang HD Weightlifting academy sa Jalajala, Rizal.

Unang Inilunsad ng Filipino pride ang sariling akademiya para sa weightlifting noong Nobyembre 5,2023 at pagkatapos ng walong buwan sa taong 2024 ay magagamit na ito para sa mga programa sa pagsasanay ng mga interesadong atleta at paghubog ng susunod na henerasyon ng mga mambubuhat sa ating bansa.

Isiniwalat ni Diaz ang pagpapatayo ng akademiya ay kanyang daan upang suklian ng pasasalamat ang mga tao na walang sawang sumuporta sa kanyang matagumpay na karera sa pagbubuhat lalo na ng siya ang nakabagbigay ng unang gintong medalya ng Olympics sa Pilipinas . Ika niya, “With all the blessings that I have received, I have to give back to the community,” sa seremonya ng Olympic Winner.

Dagdag pa ng 32 anyos sa kaniyang post sa Instagram, “This is just so important to me, I have a place to train together with the kids who dream to be in the national team, be a world champion, and Olympic medalist.”

Sasama rin ang asawa ng Gold Medalist na si Julius Naranjo na dalubhasa rin sa pagbubuhat, bilang isa pang mentor at coach ng institusyon . Ayon sa isang Instagram post ni Julius, “We are excited to see what we can do for the future along with our dreams to qualify and win another medal for the Philippines,” tungkol sa kanilang pag simula ng outreach program.

Sa pagtatapos ng pagpapatayo ng akademiya nitong octubre ng taong 2024 inaasahan na hindi na lamang walong trainees ang kayang hawakan nito at ito ay lalago, sa tulong ng mga sponsors at mga taga suporta sa isports ng bansa.

Ang mga naturang pagbabago ay nag ani ng samu’t saring reaksyon at pumukaw ng maraming opinyon sa publiko. Maraming napako na sa nakasanayan at sumasalungat sa mga inobasyon na ito, marami din namang buksan ang isipan kung bakit kailangan pagbutihin ang mga ito.

Ang mga pagbabagong ito ay ang naglalayong makatulong sa pagyabong ng ekonomiya sa Pilipinas sa hinaharap. Naglalayong makatulong din ito sa sektor ng palakasan kung saan isa ang Pilipinas sa nangunguna sa mga kompetisyon sa buong mundo pagdating sa paglalaro ng mga ito sapagkat isa tayo sa mga unang tumangkilik dito.

Nagbukas na nitong Agosto sa publiko ang Taytay Sports Complex na gawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Barangay Muzon, Taytay, Rizal, matapos ang matagumpay na pagtatapos ng paggawa sa Oval Track at Football Field noong Hulyo 2023.

Tampok sa pasilidad ang oval track, yari sa goma, at ang football field na may 8,510 metro kwadradong artipisyal na damo.

Libre at bukas ito araw-araw mula ala-singko ng umaga hanggang alasingko ng hapon, subalit maaaring ipag-reserba ito kapag may paligsahan o okasyon.

Striktong ipinapatupad ang patakaran ng pagtatala ng mga papasok, kailangan ang valid I.D. ng mga pumupunta.

Nakaantabay rin sa gilid ang tolda ng mga mediko ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Taytay upang masiguro ang kaligtasan ng mga nagpapapawis.

Ang tanging pasukan ng sports complex ay na sa Taytay-Angono Coastal Road, at ang daan ay sarado mula sa Manila East Road. Sa pag-unlad ng pasilidad, kasalukuyang ipinapatayo ang mga bleachers sa kaliwa at may plano pa para sa isang multi-purpose na gusali. Ayon kay DPWH Region IV-A Director Jovel G. Mendoza, bahagi ito ng mas malaking proyektong Taytay Sports Complex na magtatampok din ng multi-purpose building, stadium bleachers, at Olympic-sized pool.

Idinagdag niya na ang oval track ay bahagi ng 69,300 metro kwadradong Taytay Sports Complex Project na isang proyektong isinasagawa sa loob nang maraming taon, mula 2019 hanggang 2025.

Inaasahan na sa pagtatapos ng proyektong ito sa 2025 ay magiging lugar ito ng mga mahahalagang paligsahan sa palakasan sa loob at labas ng bansa.

YUSHENLOPEZ
LARAWAN
DANICADOLOR

KULANG NA NAMAN!

ELIJAHSINQUENCO

Itinuturing ang Rizal National Science High School bilang paaralang nangunguna sa larangan ng agham at teknolohiya sa buong Rizal, amang kulang ang preparasyon ng mga atletang Risayan idad ng mga manlalaro. Hindi na ba talaga nabibigyang

bilang isang atleta, kulang umano ang paaralan sa mga manlalaro mismo sa kadahilanang nakasentro ang utak ng mga mag-aaral sa academics. Malaking paktor ang kakulangan ng bilang ng mga manlalaro na magrerepresenta ng paaralan, dahil sila ang gagawa ng aksyon sa araw ng palakasan. Dagdag pa niya, sila mismong mga atleta ang nagpapasya sa kanilang mga

“Unang-unang kakulangan is yung budget for student-athletes for Matinding impak din ang pagkawala ng coach ng kopunan

na tugunan ang mga pagkukulang na ito, kaya lang hindi na masyadong pansin dahil sabay-sabay na rin ang mga ‘events’ na nilahukan ng nasabing Gayunpaman, makakabuti sa sa mga atleta kung bibigyan prayoritasyon para hindi sa katalinuhan angat ang

MAKABAGONG MUKHA: INOBASYON O LASON?

Habang lumilipas ang panahon, nagkakaroon ng mga bagong mukha ang palakasan na nakasanayan na ng madla. Kasabay nito ang pagusbong ng mga makabagong paraan ng paglalaro, pagiiskor, palatuntunan at regulasyon. Sa panahong ang teknolohiya ay masagana hindi maiiwasan na pati ang tradisyon na nakagawian ay mapagbuti, mabago at maglaho.

Kamakailan lamang noong Ika-23 ng Setyembre 2023, inihayag ng GMA Network ang kanilang kauna-unahang AI-generated ‘sportscasters’ na sina Maia at Marco sa coverage ng pagbubukas ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 99. Sumunod naman nitong ika-24 ng Agosto 2024, naianunsyo ng kagawaran ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang pagkonsidera sa E-sports bilang isang kompetisyon sa mga kolehiyo.

Nito namang Hulyo, pinagtibay na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang four point shot sa pagsisimula ng muli ng liga. Habang nilagyan naman ng Philippine Volleyball League (PVL), ng ‘challenge system’ ang liga ng volleyball sa bansa.

Ang mga naturang pagbabago ay nag ani ng samu’t saring reactions at pumukaw ng maraming opinion sa publiko. Maraming napako na sa nakasanayan at sumasalungat sa mga inobasyon na ito, marami din namang buksan ang isipan kung bakit kailangan pagbutihin ang mga ito. Sa totoo lamang kinakailangan na ang palakasan ay nakatuon sa uso at napapanahon. Kagaya na lamang ng esports na sobrang tatak sa masa sa kasalukuyan. Mapabata, mapamantanda naglalaro nito. Hindi man maituturing na pisikal, ito naman ay ginagamitan estratehiya, isip, at teamwork kaya naman pasok pa rin bilang isang isport. Pati ang paggamit ng AI sportscasters ay nagpapakita ng malagong sistema sa kadahilanan na sa pamamagitan

nito magkakaroon ng konsistent na coverage ang isang palakasan at ito ay mas mura pa. Ang pagkakaroon ng 4 point play sa PBA ay gagawing mas intense at mas masaya ang paglalaro ng basketball at ang pag usbong ng challenge system sa PVL ay naglalayon na tulungan ang mga referee sa pag aayos ng daloy ng laro.

Maraming napako na sa nakasanayan at sumasalungat sa mga inobasyon na ito, marami din namang buksan ang isipankungbakitkailangan pagbutihinangmgaito.

LOPEZ,YUSHEN MAPANGLIKHA

PANATIKONG LIMITASYON

Kilala ang mga Pilipino sa kanilang pagkahilig na manood at maglaro ng isports maging ito man ay basketball, volleyball, esports, at iba pa. Sa bawat laro, ramdam ang suporta ng mga tagahanga, na isang malaking tulong para sa mga manlalaro. Tunay na nakakaganang maglaro kapag marami ang nanonood at sumusuporta.

Isa sa layunin ng isports ay magbigay ng kasiyahan sa mga tumatangkilik dito. Ngunit kasabay ng pagkahumaling ng mga fans ay ang pagiging toxic ng ilan. Sa bawat laban, laging may inaabangang mananalo, at kapag natalo ang paboritong koponan, masasakit na komento ang natatanggap ng mga manlalaro. Isang halimbawa ay ang esports, kung saan mas talamak ang toxic na pag-uugali dahil sa mabilisang pagbabahagi ng opinyon sa social media. Ayon kay Jewel Gayle Reyes, isang manlalaro mula sa ZOL Esports, “May mga fans na nagbibitaw ng masasakit na salita sa amin pagkatapos ng laro, lalo na kung galing kami sa talo.”

“Kapag natalo kami, tinatanggap na

lang namin,” dagdag ni Reyes. Kadalasan, tanggap ng mga manlalaro ang pagkatalo, ngunit ang mga fans, tila hindi pa at daig ang mismong mga naglalaro. Normal na madismaya sa pagkatalo ng paborito mong koponan, pero hindi normal ang magalit at magbitaw ng masasakit na salita laban sa mga taong ito.

Nakakalungkot lamang isipin na ang mga fans, na dapat ay nagbibigay ng suporta at motibasyon, ay nagiging sanhi pa ng pagbagsak ng moral ng mga atleta. Ang mga manlalaro ay naroon upang magbigay ng saya sa manonood, kaya nararapat lamang na sila ay galangin.

May karapatan kang madismaya sa

pagkatalo ng paborito mong koponan, ngunit hindi ito dahilan upang magalit o saktan ang sinuman. Lahat ng sobra ay masama, kaya mahalaga ang paglalagay ng limitasyon sa ating mga emosyon.

May karapatan kang madismaya sa pagkatalo ng paborito mong koponan, ngunithindiitodahilanupang magalitosaktanangsinuman. Lahatngsobraaymasama, kayamahalagaangpaglalagay ng limitasyon sa ating mgaemosyon.

MALABRIGA,KARL TAPAT-DIWA

SA LARANGAN NG PAMPALAKASAN, KALUSUGANG MENTAL AY ALAGAAN

Sa mundo ng pampalakasan, hindi lamang dapat pisikal na katawan natin ang ating binibigyang-pansin, ating bigyang halaga din ang ating kalusugang mental.

Bawat galaw at bawat pagsasanay natin sa ating pisikal na katawan ay nakatuon para sa ating tagumpay, ngunit sa likod ng bawat malakas na katawan at bawat tagumpay at pagkatalo, ay ang ating mental health, ang kakayahang kontrolin ang sarili, mapanatag ang loob tuwing laban, at ang pamamahala sa stress ay may malaking epekto sa pagganap bilang isang atleta.

Kapag napapabayaan ang mental health ng atleta, maaaring bumaba ang kalidad ng kanilang paglalaro kahit gaano pa ito kahusay, napapalitan ang kanilang tapang at determinasyon, ng takot sa kalaban at pressure mula sa madla.

Tunay na mahalaga ang ating pagpapalakas ng ating pisikal na katawan, ngunit kasing halaga nito ang pag aalaga natin sa ating mental na kalusugan.

Hindi lamang pisikal na lakas at kakayahan ang sinusubok sa bawat atleta, kundi pati ang kakayahan ng atletang pamahalaan ang kanyang sarili sa panahon ng matinding pressure at ang kaniyang pagkontrol sa kaniyang kaba o nerbyos dahil sa kalaban.

Direktang nakaaapekto ang sikolohikal na estado ng isang atleta sa kanilang pisikal na kakayahan, kapag ang isang atleta ay nasa ilalim ng labis na pressure at anxiety, maaring sila ay makaranas ng panic at mental block.

Kapag ating binigyang halaga ang parehong aspeto ng ating pisikal at mental na kalusugan, tungo ito sa tunay na tagumpay.

KARLMONTES

BIGKIS NG TAGUMPAY

Sa bawat hampas ng paa at suntok ng kamao, si Marielle Montecillo ay hinding-hindi magpapatalo. Muli niyang pinatunayan ang kaniyang husay nang makuha ang gintong medalya sa Taekwondo Poomsae Individual Category noong Nobyembre 26, 2024 sa Felix M. Sanvictores Elementary School sa Taytay, Rizal.

Para sa kanya, hindi naging madali ang landas tungo sa tagumpay. Ngunit, sa gabay ng kanyang coach at trainor, kaniyang ipinagmalaki na ang disiplina, at pusong puno ng determinasyon, ay isang mahalagang bahagi upang manaig sa bawat laban. Hindi lamang basta itong panalo para sa kanya, aniya’y nakamit din niya ang “number of perfection” dahil ikapitong panalo na niya ito, na nagbigay daan upang siya’y maging kwalipikado para sa darating na Regional Athletic Association Meet sa Pebrero sa Rizal.

“Nauubusan na ang playing years ko,” kaniyang ibinahagi sa isang panayam. “Kaya kailangan ko talagang galingan dito.” dagdag niya. Sa kabila ng kaba, buo at matibay ang loob ni Marielle na ipagpatuloy ang laban, hindi lang sa sarili, kundi para sa kanyang paaralan, mga taga suporta, at mga kapwa manlalaro.

Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa medalya at mga panalo, kundi, ang insipirasyong nagsisilbing panggatong sa puso ng isang batang nagsisiklab ang pangarap upang magtagumpay din.

Habang siya ay naghahanda para sa susunod na labanan, kaniyang pinapatunayan, na ang bawat suntok at sipa, ay may kaakibat na layunin, upang maipakita na ang tagumpay ay para sa mga taong walang takot na sumubok at harapin ang hamon, at magtagumpay.

ISP RTS

Sumungkit ng tanso si Ciara Philyra Antioquia sa nagdaang Palarong Panlalawigan 2024 nitong Nobyembre 25 hanggang 26 sa Village East Tennis Court, Cainta, Rizal.

“Honestly, hindi ko inexpect magka-medal dahil sa lack of trainings na rin pero hindi ako pinanghinaan ng loob at ginawa ko pa rin ang best ko.” pagbabahagi ni Antioquia ukol sa kaniyang unang paglahok sa Palarong Panlalawigan.

Nakalaban ni Antioquia ang manlalaro mula sa Angono Giants.

Nagpakitang-gilas siya ng kaniyang lakas at diskarte sa pamamagitan ng matatagumpay na paghampas sa dalawang sets sa kaniyang kalaban, 2-0.

Nagsilbing pundasyon ng kaniyang magandang paglalaro sa buong torneo ang kaniyang lakas at unang pagkapanalo.

Nakaharap ni Antioquia ang manlalaro mula sa Tanay Highlander sa sumunod na laban. Bagama’t hindi pinalad na magwagi, hindi naging hadlang ang pagkatalo para sa kaniya upang ipakita ang kaniyang galing. Ang Tanay ay naging kampeon at nakakuha ng gintong medalya, ngunit ipinamalas pa rin ni Antioquia ang dedikasyon at tapang sa kabila ng pagkatalo.

“Huwag na ‘wag susuko kahit gaano kapagod at gaano kahirap dahil napaka-worth it naman ng lahat nang ito.” pagbabahagi niya.

Nakamit ni Antioquia ang tanso sa kabila ng mga hamon,

Panalo ang dalawang pambato ng Rizal

National Science High School Chess Team sa Palarong Panlalawigan na ginanap noong Nobyembre 23, 2024 sa Marick Elementary School sa Cainta Rizal.

Pambihirang mga galaw ang ipinataw ni Cid Campos upang masungkit ang ika-walong ranggo at si Danica Dolor na nakamit ang ika-14 na ranggo. Sa kanilang interview, naibahagi ni Danica Dolor ang sinabi ng kanilang coach na si Nick Cerrado, wika niya “If gusto niyo pa rin i-pursue yung chess, ‘wag panghinaan ng loob, ‘wag kayong titigil sa pagchess para lumakas pa mga moves niyo”. Ayon din kay Danica,

TANSONG ‘DI INAASAHAN

isang malaking hakbang para sa kaniyang karera bilang atleta at para sa buong Binangonan. Ang pagkakamit ng medalya ay isang patunay ng sipag at pagsasanay na ipinagkaloob ng buong Binangonan Cagers Tennis Team, sa pangunguna ni Coach Neil Lloyd Pulan.

“It’s not an easy journey but it was all worth it and fun,” dagdag pa niya.

Dinaluhan ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng Rizal mula Montalban hanggang sa Cardona

ang palaro. Pitong bayan ang naglaban-laban para sa Sekondarya. Alinsunod sa alituntunin ng Palarong Panlalawigan, ang mga nakakuha lamang ng ginto ang uusad sa darating na Palarong Panrehiyon 2025 sa Pebrero. Panrehiyon sa Pebrero.

Honestly, hindi ko inexpect magka-medal dahil sa lack of trainings na rin pero hindi ako pinanghinaan ng loob at ginawa ko pa rin ang best ko.” pagbabahagi ni Antioquia ukol sa kaniyang unang paglahok sa Palarong Panlalawigan

CIARA PHILYRA ANTIOQUIA

TUMBANG HARI

nakalulungkot dahil wala silang medalyang naiuwi, ngunit masaya pa rin ito dahil sa kanilang pinag samahan tungo sa Palarong Panlalawigan. Nagkaroon din ng pagkakalito sa laban dahil may dalawang manlalaro na pareho ang apelyido; nailaban sila maling kalaban. Dahil dito, naantala ang laro ng ilang oras, ngunit sa dulo ay nagkaayusan at ipinaglaban muli ang dalawa.

Alinsunod sa patakaran ng Palarong Panlalawigan, ang mga nagkamit lamang ng championship ang magpapatuloy sa RAAM o Regional Athletic Association Meet.

DELMINGUEZ, PAPALO SA RAAM

Nakopo ni Aehra Delmiguez, manlalaro mula sa Rizal National Science High School (RNSHS) na nirepresenta ang bayan ng Binangonan ang gintong medalya sa Table Tennis Singles Division sa ginanap na Rizal Provincial Athletic Meet 2024 noong Nobyembre 25-27 sa Taytay Elementary School.

Nakakuha si Delmiguez ng limang panalo na sumigurado sa kanyang pwesto patungong Regional Athletic Association Meet (RAAM) 2025. Winalis ni Delmiguez ang elimination round kontra sa mga manlalaro mula Teresa (2-0), San Mateo (2-0) at Cardona (2-0) na nagdala sa kanya sa semifinals. Sa semifinals, dinomina ni Delmiguez ang kanyang kalaban mula sa Cainta, at nanalong muli sa iskor na 3-0 upang makatungtong sa finals. Huling nakatapat ni Delmiguez ang manlalaro mula Taytay na kaniyang dinaig sa iskor na 3-2 na naging daan upang makamit ni Delmiguez ang gintong medalya.

Ayon kay Delmiguez, bagamat marami siyang ginagawa sa paaralan, naglaan siya ng oras upang makapagensayo. Masaya rin umano siya na nanalo agad siya sa kaniyang unang taon bilang manlalaro ng Binangonan. Sa paparating na RAAM, mas lalo umano niyang pagbubutihin ang kaniyang laro at maglalaan pa ng mas maraming oras para sa mga ensayo. Sa kasalukuyan, isa si Delmiguez sa magiging kinatawan ng Lalawigan ng

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.