3 minute read

Gandang PESian tinanghal sa Buwan

ng mga Puso

ni Juander Paul D. Altares

Advertisement

Dr. Eje itinalagang bagong Punongguro ng Paaralang Elementarya ng Payompon

ni Keyah Ayana L. Bernardo

Ika-31 ng Enero nang nag turn over at opisyal na naging si Dr. Dylene R. Eje ang panibagong punongguro ng Paaralang Elementarya ng Payompon. Mismong si Dr. Rosalie E. Tiuzen ang nagpasinaya ng maigsi ngunit mahalagang turn over ceremony kasabay nito nagpirmahan ang in-coming at out-going na Punongguro.

Muling pinatunayan ng mga PESian na hindi lang sila pang-akademiko kundi may ipapakitang ganda rin sa pagtatanghal sa Parade of beauties, Capitol training Center, Ika-28 ng Pebrero, 2023.

Nilayon ng nasabing pagtatanghal na maibalik ang self confidence ng mg bata PESian at matutong humarap sa mga tao nang dahil sa nakalipas na mga taon na umiiral ang pandemya.

Dagdag pa rito ay nilayon din ng pagtatanghal na makaipon ng pondo para sa pagsasaayos ng water system ng Paaralang Elementarya ng Payompon. Ang pagdevelop ng self confidence ng mga mag-aaral ay isang mahalagang bagay na nakaaapekto sa kanilang paglagong personal at holistic na pakikitungo at pakikisalamuha.

PABASA. Isa sa mga estudyante ni Gng. Acedillo na nagreremedial lesson para sa mapabilis ang abilidad sa pagbasa, Payompon Elementary School, ika-11 ng Oktobre, 2023

PIRMA. Sabay na nagpirmahan sina Dr. Eje at Gng. Adarlo para sa maigsing turnover ceremony, Payompon Elementary School, Ika-30 ng Enero, 2023

Kasama sa nasabing maigsing turn over ceremony ang mga guro ng Paaralang Elementarya ng Payompon. Marangal na binati at pinahayag ng mga guro ng Payompon ang bagong Punongguro. Matapos ay pinakilala isa-isa ni Gng. Johnaly Solinap Adarlo (outgoing na Punongguro) ang bawat guro kasabay ng kanilang mga gawaing ginagampanan sa paaralan. Maigsi ngunit malaman ang pagpapahayag ng

Oustanding Teacher taga-PES pagpakilala at sa uri ng liderato meron si Dr. Eje.

Ang pagkakaroon ng panibagong Punongguro ng Paaralang Elementarya ng Payompon ay magbubunsod ng panibagong sistemang iiral para sa mas ikakabuti at ikauunlad ng pagbibigay na kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral, magulang at miyembro ng kumunidad.

G. Alcaide pinarangalang Outsatanding Teacher of the year

Ika-14 ng Pebrero ng parangalan si G. Joash Sandino T. Alcaide bilang natatanging Guro ng taon -isang guro sa Paaralang Elementarya ng Payompon sa Gawad Lilok, Capitol Training Center, Mamburao, Occidental Mindoro.

Ang Gawad Lilok ay isa sa mga pinaka prestihiyosong parangal sa mga natatanging manggagawa sa Kagawaran ng

ni Bianca O. Balderas

Edukasyo.

Isa nga sa mga gurong PESian ang ginawaran ng parangal dahil sa kanyang natatanging pagganap ng tungkulin. “Para sa lahat ng guro na ang dahilan ng pagpupursige ay kanyang mga estudyante at sa mga kaguro ko sa PES. Padayon Payompon!” ang naging mensahe ni G. Alcaide habang tinatanggap niya ang kanyang parangal sa podium.

Pagbasa Sa Pes Umarangkada

Remedial reading class ipinatupad sa

ni Christine Jel F. Hetosis

Nagbunga ang mga pagsisikap ng Payompon Elementary School upang maibsan ang kahirapan sa pagbabasa ng kanilang mga mag-aaral sa gitna ng newnormal. Sa isang hakbang na hindi basta-basta, nagpasya ang mga guro na magbigay ng higit na pansin sa mga mabagal na magbasa sa kanilang mga klase.

Bunsod ng pandemya at sa panahon ng “new normal” sa edukasyon, lumikha ng mga pagsubok sa pag-aaral. Para sa mga estudyante na may mga paghihirap sa pagbabasa, ang kalagayan ay mas nakakabahala pa. Ngunit sa kabila ng mga hamon na ito, gumawa ng paraan ang mga guro ng Payompon Elementary School upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral.

Sa kanilang remediation strategy, nagpasya ang mga guro na maglaan sa mga mag-aaral sa mas malaking bilang ng oras upang magbigay ng mas masusing pagtuturo sa pagbabasa. Ang mga mag-aaral na mabagal magbasa ay nakatutok ng mas mahabang panahon sa kanilang mga guro, at nakakakuha ng mas personal na atensyon sa kanilang pagtuturo. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng ganitong uri ng suporta, nakikita ng mga guro na ang kanilang mga mag-aaral ay mas nagpapakita ng pag-unlad sa kanilang mga kakayahan sa pagbabasa.

Sa isang panayam kay G. Mila Acedillo, isang guro sa Payompon Elementary School, sinabi niya, “Ang aming layunin ay upang matulungan ang lahat ng aming mga magaaral na magtagumpay sa kanilang pagaaral. Sa pamamagitan ng mas malapit na pakikipagtulungan sa mga mag-aaral na may mga paghihirap sa pagbabasa, nakikita namin ang mga positibong resulta na nakakamit nila sa kanilang mga akademikong pagtatrabaho.” Sa kabuuan, nagpakita ang Payompon Elementary School ng isang magandang halimbawa ng pagbibigay ng suporta sa mga mag-aaral na nahihirapan sa pagbabasa. Sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng pandemya, patuloy silang nagtataguyod ng kahalagahan ng pagbibigay ng higit na atensyon sa mga estudyante upang matiyak ang kanilang tagumpay sa pag-aaral.

NAGPAPAHAYAG

This article is from: