1 minute read
Basura, basura, kailan ka makukuha
from Ang Balawas- Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Payompon Elementary School-SDO Occidental Mindoro
Tamang paghihiwalay ng mga basura ay isa sa mga paraan upang mapangalagaan ang kalikasan at kalusugan ng mga tao. Sa kabila ng mga kampanya at programa para sa proper waste segregation, marami pa rin ang hindi nakakasunod dito lalo na sa mga pampublikong paaralan tulad ng Payompon Elementary School. Ngunit hindi lang ito dahil sa kawalan ng kamalayan o kakulangan sa edukasyon, kundi dahil din sa hindi regular na pagkolekta ng basura ng Municipal Solid Waste Management.
Ang mga estudyante at guro ng Payompon Elementary School ay may malaking papel sa tamang paghihiwalay ng mga basura. Ngunit sa kawalan ng regular na pagkolekta ng basura ng Municipal Solid Waste Management, maraming beses na napupuno ang mga basurahan sa loob ng paaralan. Ito ay nagdudulot ng hindi magandang amoy at makakasama sa kalusugan ng mga magaaral at guro. Dagdag pa rito, kapag puno na ang mga basurahan, mayroong mga estudyante na hindi na nakakasunod sa tamang paghihiwalay ng mga basura at basta na lamang nagtatapon ng mga ito kung saan-saan.
Advertisement
Sa ganitong kalagayan, kailangan ng agarang aksyon mula sa Municipal Solid Waste Management upang matugunan ang problemang ito. Dapat maglaan sila ng sapat na resources at mag-implement ng regular na schedule sa pagkolekta ng mga basura sa mga pampublikong paaralan tulad ng Payompon Elementary School.
Makabata
Jana Ysabelle T. Murcia
Bukod dito, kailangan din nilang magbigay ng sapat na edukasyon at kampanya upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral at guro sa tamang paghihiwalay ng mga basura at ang kanilang papel sa pangangalaga sa kalikasan.
Kung magkakaroon ng regular na pagkolekta ng mga basura sa Payompon Elementary School at iba pang mga pampublikong paaralan, hindi lamang maiiwasan ang mga problema sa kalusugan at kalikasan, kundi magkakaroon din ng mas malaking impact sa buong komunidad. Ang mga estudyante ay magkakaroon ng tamang kaalaman sa pangangalaga sa kalikasan at maihahatid din nila ito sa kanilang mga pamilya at kapitbahay. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng mas malawakang pagbabago at pagkakaisa sa pagpapahalaga sa kalikasan at kalusugan ng bawat isa.