3 minute read
EARTH HO UR BA K AMO
from Ang Balawas- Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Payompon Elementary School-SDO Occidental Mindoro
Ilang dekada nang problema ang kuryente sa lalawigan ng Occidental Mindoro, at maging sa kasalukuyang panahon isa pa rin ito sa malaking dagok na kinakaharap ng bawat mamamayan, lalo’t higit ng mga magaaral. Sa nakalipas na mga panahon kahit na napakarami na ang umupo sa pwesto ng gobyerno’t pamahalaan, nanatili pa rin itong malaking problema at animo’y walang kumikilos upang ito’y tugunan at bigyan ng solusyon.
Animo’y 20 oras na ika nga ay “Earth Hour” hindi lamang sa munisipalidad ng Mamburao kundi sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro. Kinakailangang ito ay magawan ng paraan at magawan ng agarang solusyon dahil ito’y hindi lamang sa nakaaapekto sa negosyo sa Occidental Mindoro laol’t higit sa buhay, kalusugan at pag-aaral ng mga mag-aaral ng mga Mindoreno. At dahil sa problemang ito ay nakaaapekto sa halos lahat, lalo na sa mga mag-aaral. Dahil sa init ng panahon at pagpatay ng kuryente, nababawasan ang kakayahan ng mga estudyante na magbigay ng atensiyon sa klase. Ito rin ay nagiging sanhi ng paglala ng hika at pagkawala ng malay ng iba. Maraming estudyante ang hindi makatapos ng gawain dahil sa hindi maayos na serbisyo ng kuryente at hindi makagawa ng takdang aralin dahil walang ilaw na magagamit. Batay sa datos ng PDRRMO Occidenal Mindoro, halos 145 na mga estudyante ang naisugod sa ospital dahil sa epekto ng problema.
Advertisement
Ang power crisis sa buong lalawigan ng Occidental
Mindoro ay nagdudulot ng malaking epekto hindi lamang sa kalusugan ng mga mamamayan kundi lalo na sa mga mag-aaral. Marami sa mga estudyante ang nangangailangan ng medical attention dahil sa matinding init, at mayroon ding mga nagkakasakit tulad ng hika na nagpapahirap sa kanilang pag-aaral. Mula
Marso hanggang
TOMO V | BILANG 1 | SETYEMBRE, 2022-PEBRERO, 2023
OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG PAYOMPON, SANGAY NG OCCIDENTAL MINDORO, REHIYON NG MIMAROPA
Ang
Occimin Electric Provider
kakulangan ng suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro ay nagdudulot ng malaking epekto sa kalusugan at pag-aaral ng mga mamamayan at mag-aaral. Mayroon nang ilang estudyante na nangailangan ng tulong medikal dahil sa sobrang init, at marami pa rin ang nagkakasakit, ngunit gustong pumasok at mag-aral. Sa kasalukuyan, naglagda na ang gobernador ng probinsya na walang pasok dahil sa tumataas na temperatura at pagkawala ng pokus ng mga mag-aaral. Maaaring isa sa mga solusyon ay ang paggamit ng renewable na mga enerhiya tulad ng solar, at maaaring magpatayo ng mga wind mills at solar panel. Nararapat na maglaan ng pondo upang mabayaran ang utang ng NAPOCOR sa OMCPC, at makipagtulungan ang nasyonal na gobyerno upang maisulong ang pagbabago para sa maayos na serbisyo ng kuryente. Ang solusyon sa problemang ito ay hindi lamang para sa mga mag-aaral, kundi para sa buong mamamayan ng lalawigan ng Occidental Mindoro.
Animo’y 20 oras na ika nga ay “Earth Hour” hindi lamang sa munisipalidad ng Mamburao kundi sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro.
Abril ngayong taon, sampung mag-aaral na ang nahimatay at marami pa ang nagkasakit dahil sa power crisis. Upang maibsan ang sitwasyon, nilagdaan ni Governor
Eduardo Gadiano ang pagpapawalang-bisa ng klase sa ilang araw, at magiging blended learning na ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa susunod na linggo. Ngunit dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente, hindi rin maasahan na hindi sila maapektuhan ng naturang krisis sa kanilang mga bahay.
TAGAPAYO - Joash Sandino T. Alcaide
Bebeth B. Rimando
Butch Noriel A. Lambit Daisy D. Taras
PUNONGGURO - Dylene R. Eje, PhD
TAGAMASID PAMPUROK - Rosalie E. Tiuzen, EdD
PANDISTRITONG TAGAPAG -UGNAY - Eufemia A. Salazar
PANGSANGAY NA TAGAPAG-UGNA NG PAMPAARALANG
PAMAMAHAYAG SA FILIPINO - Eduardo D. Ellarma, PhD
ASDS - Rodel S. Magnaye
TAGAANYO - Reinz Peter Dominique G. Laomoc, MGA KONTRIBYUTOR - Bianca O. Balderas, Jonachelle Keisha M. Custodio
SDS - Loida P. Adornado, PhD, CESO VI
Tapatan
James Ivan T. Cadahin
BADM: I shall return, muling pagbabalik sa instraksiyong modyular
Napakalaking hamon ang kinakaharap ng buong lalawigan ng Occidental Mindoro dahil sa krisis sa enerhiya na nararanasan ngayon. Upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, ipinag-utos na ng Division Memorandum blg. 126 serye 2023 na magkakaroon ng kalahating araw na pasok para sa pagpapatupad ng Alternative Delivery Mode sa mga paaralan.
Bagama’t nakakalungkot na mawalan ng oras sa pag-aaral ang mga mag-aaral, hindi natin dapat ikompromiso ang kaligtasan at kalusugan nila. Hindi na bago sa ating lahat na ang mga blackout at brownout ay may malaking epekto hindi lamang sa sektor ng edukasyon, kundi sa ekonomiya at kalusugan ng mga tao. Kaya’t sa panahong ito, mahalagang maglaan tayo ng oras at pagkakataon upang makapag-adapt sa mga kaganapan.
May mga mag-aaral na mahihirapan sa pag-access ng online classes dahil sa kakulangan ng kuryente at internet connection. Kaya’t sa pagpapatupad ng Alternative Delivery Mode, hindi lamang natin masisiguro na makakapagpatuloy ang edukasyon nila, ngunit pati na rin ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral ay maiingatan.
Sa panahon ngayon, hindi natin dapat ikompromiso ang edukasyon ng mga kabataan. Sa
Sa panahon ngayon, hindi natin dapat ikompromiso ang edukasyon ng mga kabataan. Sa halip, dapat nating bigyan sila ng mas magandang oportunidad na makapag-aral kahit na may mga pagsubok na kinakaharap ang lipunan. Sa pagpapatupad ng kalahating araw na pasok, hindi lamang natin nabibigyan ng oras ang mga mag-aaral na makapag-aral, ngunit nagbibigay din ito ng oportunidad sa kanila na magkaroon ng mas magandang kalusugan at kaligtasan.
Sa lahat ng ito, mahalaga ang papel ng mga magulang at guro sa pagtitiyak na magpapatuloy ang edukasyon ng kanilang mga anak at magaaral. Sa pagsuporta sa Alternative Delivery Mode, hindi lamang natin masisiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga kabataan, kundi pati na rin ang kanilang kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon.