1 minute read

Laban Pilipinas

unlad

Maaaring isa sa mga solusyon

Advertisement

Ang mga mag-aaral ay hindi lamang dapat mabigyan ng edukasyon sa loob ng silidaralan kundi gayun din ng mga oportunidad para sa kanilang holistic na pagiging indibidwal. Ang mga laro sa palakasan ay bahagi ng pag-unlad at paghubog bilang mga indibidwal. Hindi natin dapat ipagkait ang mga ito mula sa kanila.

SEA GAMES SA CAMBODIA BAKBAKAN NA!

Dugo, pawis at sakripisyo sa insayo at ngayon ito na ang Opening Ceremony ng South East Asian Games sa Cambodia at marami ang nakisalo sa kasaysayan ang nasabing pagdiriwang. Pinakamalaking delegasyon ang ipinadala ng Pilipinas sa nasabing kumpetisyon – may 860 mga atletang Pilipino na nagpakita ng kanilang galing at determinasyon sa bawat isa sa 38 mga sports na kasali sa programa.

Sa kabila ng limitadong bilang ng mga Pilipinong nagmartsa sa parada ng opening ceremony, ang Pilipinas ay nagpakita ng pagsuporta sa kanilang mga kababayan na nagpapakita ng kanilang husay sa larangan ng palakasan. Si Alyssa Valdez, ang volleyball star ng Pilipinas, ang nagdala ng watawat ng bansa sa parada.

Kasama rin sa nasabing parada sina Abraham “Bambol” Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee, at chief de mission na si Chito Loyzaga. Ito ay upang ipakita ang kanilang pagsuporta sa mga atletang Pilipino na nagsusumikap upang maiuwi ang mga medalya.

Ngunit hindi nakasama si Hidilyn Diaz, ang kasalukuyang at tanging kampeon ng Pilipinas sa kasaysayan ng Olympics sa weightlifting, sa 2023 SEA Games. Ngunit, hindi hadlang ito upang magpakitang-gilas ang mga sikat na atletang tulad nina Carlos Yulo, EJ Obiena, Efren “Bata” Reyes, Carlo Paalam, Nesthy Petecio, at ang Gilas Pilipinas men’s basketball team. Sa kabuuan, ang Pilipinas ay nagsilbing inspirasyon sa mga kapwa atleta sa pagpapakita ng kanilang galing at determinasyon sa larangan ng palakasan.

Sa kabila ng mga hamon at hadlang, ang Pilipinas ay patuloy na nagpapakita ng lakas at pagkakaisa upang maiuwi ang tagumpay sa larangan ng sports sa rehiyon ng Timog Silangang Asya.

Larawan mula sa manilastandard.net. Nakuha sa https://manilastandard. net/sports/314327584/ pldt-smart-support-filipino-athletes-in-the-32ndsea-games.html

This article is from: