Ang Balawas- Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Payompon Elementary School-SDO Occidental Mindoro

Page 4

Ang Balawas B

Editoryal

EARTH HOUR BA KAMO

Ilang dekadang problema na, na nakasanayan na sa pamumuhay ng mga

Mindoreno. p.4

MAS MAGANDA ANG HANDA Earthquake drill pinasinayaan sa PES

Ika-9 ng Marso ng sama-samang pinasinayaan ng mga guro katulong ang mga SSG officer ang earthquake drill sa Payompon Elementary School.

Mula sa pamumuno ni Gng. Leslie

Anne Y. Balboa bilang School DRRM

Coordinator ipinaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagiging handa sa oras ng sakuna na higit na makatutulong at makapagliligtas ng buhay hindi lang ng mag-aaral na nakirinig pati na sa kanilang mga pamilya at mga kalapit na komunidad.

Muling pagbabalik ng MDL

James Ivan T. Cadahin

Sa bisa ng Divsion

Memorandum blg. 126 serye

2023 ipinatupad at pinagutos ang kalahating araw na pasok para sa pagpapairal nga

Alternative Delivery Mode bunsod ng krisis sa enerhiya

P5

TAPATAN ADM: I shall return Muling Pagbabalik sa instraksiyong Modular “ Sa pagsuporta sa Alternative Delivery Mode, hindi lamang natin masisiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga kabataan, kundi pati na rin ang kanilang kinabukasan

OCCIMIN ELECTRIC PROVIDER

Occi

MGA NILALAMAN

LATHALAIN Bagong EJEp ng hangin p.6

LATHALAIN 24 Oras na chibugan sa kalsada p.8

ISPORTS

Atletang PESian sumabak sa Prov’l Sports Meet

p.12

ISPORTS

GOLDEN BOY Gintong medalya sa Long jump ibinulsa ni Beltranp.12

Modular Distance Learning ibinalik sa PES

sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro, Abril 20, 2023.

Ipinag-uutos sa lahat ng mga paaralan sa buong lalawigan ay mag patupad ng kalahatin araw na pag pasok.

Ipinapakita din sa nasabing memorandum ang mga suhestyong

schedule na maaring sundin ng paaralan.

Isa ang Paaralang Elementarya ng Payompon sa mga magpapatupad nito na siya ring nagbigay daan sa agarang pag kakaroon ng pagpupulong ng mga magulang sa nasabing paaralan.

Iminumungkahi ng memorandum na sa umaga lang magkaklase ang mga guro sa mga mag-aaral at bibigyan ng mga gawain at modyul para sa hapon. Ito ay upang maituloy at hindi maputol ang pag-aaral at mabawi ang oras na wala ang mga mag-aaral sa paaralan.

OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG PAYOMPON, SANGAY NG OCCIDENTAL MINDORO, REHIYON NG MIMAROPA
NAGPAPAHAYAG NG TUNAY AT TOTOO Tomo V | Bilang 1 | SETYEMBRE, 2022-PEBRERO, 2023
Janna Ysabel T. Murcia HANDA NA. Ipinakita ng mga batang PESian ang kanilang pagiging organisado at maasahan sa oras ng sakuna, ika-9 ng Marso, 2023, Paaralang Elementarya ng Payompon. | Larawan ni Jylen Kaith V. BonBon

BRIGADA ESKWELA UMARANGKADA

Pagbubukas

ng Brigada Eskwela pinasinayaan sa Balansay Elementary School ni Danica T. Delfino

“Para sa bata para sa Bayan”, iyan ang naging mensahe ng talumpati ng Tagamasid Pamapurok na si Dr. Rosalie E. Tiuzen sa pambungad na palatuntunan para sa pagsisimula ng Brigada Eskwela 2022 sa Balansay Elementary School, ika-4 ng Agusto, taong 2022.

Sama-samang pinasimulang ng iba’tibang paaralan sa Distrito ng Mamburao ang pagbubukas ng Brigada Eskwela sa isang motorcade na siyang nag hudyat sa kumunidad ng Mamburao na magbubukas na ang panibagong taong

12% Pagtaas ng Enrollment

panuruan. Nilalayon ng Brigada Eskwela na maihanda ang bawat paaralan sa pagdating ng mga mag-aaral lalo na sa taong ito ay kagagaling sa pandemya.

Binigyang halaga din ng programa ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat myembro ng kumunidad upang maibigay ang sapat at mataas na kalidad ng edukasyon sa bawat batang pumapasok sa pampublikong paaralan sa distrito ng Mamburao.

BAWAT ISA MAY GINAGAMPANAN. Madamdaming talumpati ni Dr. Tiuzen sa pambungad na palatuntunan sa pag bubukas ng Brigada Eskwela, Balansay Elementary School, ika-4 ng Agosto, 2022. Larawang kuha ni G. Joash Sandino T. Alcaide

Dumagdag ng dalawampong porsyento na sa buong papulasyon ng Paaralang Elementarya ng Payompon.

“ “

Mula sa lampas walong daan sumampa ng mahigit na siyam na raan ang buong papulasyon ng Paaralang Elementarya ng Payompon pinakamataas na papulasyon sa loob ng 5 taon.

818-910

Cadahin pumailanlang sa District ispell mo

Ni Francez Kyla Katherine B. Bon

MAKA BATA BASURA BASURA

5

TUNGKULING SINUMPAAN. Kasabay ng pagdiriwang sa Araw ng mga Guro ay ang panunumpa ng bagong liderato ng Teachers’ Club of Mamburao. Isa si G. Randy S. Glase Guro sa Paaralang Elementarya ng Mamburao, na nahalal bilang Project Manager ng organisasyon, Capitol Training, Mamburao Occ. Mindoro, ika-5 ng Oktubre, 2022.|Larawang kuha ni G. Joash Sandino T. Alcaide.

Kailan ka makukuha

“ kailangan ng agarang aksyon mula sa Municipal Solid Waste Management upang matugunan ang problemang ito

Matagumpay na naiuwi ni James Ivan T. Cadahin ang unang parangal sa Pandistritong Tagisan ng Talino Iispel mo na ginanap sa Balansay Elementary School, ika-17 ng Agosto, 2022.

Ang nasabing pandistritong tagisan ng talino ay naglalayong ipakita ang tamang pamamaraan at mga tuntunin sa pagbaybay ng wikang Filipino.

Dagdag pa rito layon din ng kompetisyon na ito na pag-igihin ang pagtuturo sa Filipino.

Dinaluhan din ng mga gurong tagaugnay ng bawat paaralan sa Mamburao upang ipakita ang kagustuhan ng bawat isa sa mga inperson na kompetisyon at patimpalak.

Panunumpa at padiriwang

Opesyales ng Teachers’ Club nanumpa sa araw ng mga guro Ni Jylen kaith V. Bonbon

Bagong mukha, bagong opesyales at bagong pamumuno, ilan lamang iyan sa mga namutawing komento sa mga bagong halal na lider ng Mamburao Teachers’ Club. Isa si G. Randy S. Glase guro sa Paaralang Elementarya ng Payompon sa ika-anim na baitang sa mga nanumpang lider sa nasabing organisasyon ng mga guro sa Capitol Training Center, Mamburao, Occidental Mindoro, ika-5 ng Oktubre, 2022.

Kasabay ng kanilang malugod na panunumpa ay ang padiriwang ng Araw ng mga Guro na ang mga bagong opesyales ang nag-organisa at nangalap ng mga pampapremyo para sa mga gurong paparangalan.

Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng mga pinagpipitagang mga panauhin kasama rito ang Punongbayan ng

Mamburao na si Kgg. Angelina “Lyn” Tria at mga kinatawan ng Pangsangay at Pangrehiyong Opisina ng Kagawan ng Edukasyon.

Tunay na pumapailanlang at nangingibabaw hindi lamang ang mga mag -aaral ng Payompon kundi pati na rin ang mga guro. Ang nasabing organisasyon ay ang tutulong sa mga guro upang mas mapag-ibayo ang pagsisilbi ng mga guro sa mga mag-aaral ng distrito ng Mamburao.

BUENA MANO. Unang sertipiko ng tagumpay Paaaralang Elementarya ng Payompon ang tinanggap ni James Ivan T. Cadahin para sa taong panuruan 2022-2023. Kasma niya ang coach na si Gng. Marife R. Aguilar, Balansay Elementary School, ika-17 ng Agosto, 2022. | Larawan ni Jylen Kaith V. BonBon
02 balita Ang Balawas B NAGPAPAHAYAG NG TUNAY AT TOTOO OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG PAYOMPON, SANGAY NG OCCIDENTAL MINDORO, REHIYON NG MIMAROPA TOMO V | BILANG 1 | SETYEMBRE, 2022-PEBRERO, 2023

Gandang PESian tinanghal sa Buwan

ng mga Puso

Dr. Eje itinalagang bagong Punongguro ng Paaralang Elementarya ng Payompon

ni Keyah Ayana L. Bernardo

Ika-31 ng Enero nang nag turn over at opisyal na naging si Dr. Dylene R. Eje ang panibagong punongguro ng Paaralang Elementarya ng Payompon. Mismong si Dr. Rosalie E. Tiuzen ang nagpasinaya ng maigsi ngunit mahalagang turn over ceremony kasabay nito nagpirmahan ang in-coming at out-going na Punongguro.

Muling pinatunayan ng mga PESian na hindi lang sila pang-akademiko kundi may ipapakitang ganda rin sa pagtatanghal sa Parade of beauties, Capitol training Center, Ika-28 ng Pebrero, 2023.

Nilayon ng nasabing pagtatanghal na maibalik ang self confidence ng mg bata PESian at matutong humarap sa mga tao nang dahil sa nakalipas na mga taon na umiiral ang pandemya.

Dagdag pa rito ay nilayon din ng pagtatanghal na makaipon ng pondo para sa pagsasaayos ng water system ng Paaralang Elementarya ng Payompon. Ang pagdevelop ng self confidence ng mga mag-aaral ay isang mahalagang bagay na nakaaapekto sa kanilang paglagong personal at holistic na pakikitungo at pakikisalamuha.

PABASA. Isa sa mga estudyante ni Gng. Acedillo na nagreremedial lesson para sa mapabilis ang abilidad sa pagbasa, Payompon Elementary School, ika-11 ng Oktobre, 2023

PIRMA. Sabay na nagpirmahan sina Dr. Eje at Gng. Adarlo para sa maigsing turnover ceremony, Payompon Elementary School, Ika-30 ng Enero, 2023

Kasama sa nasabing maigsing turn over ceremony ang mga guro ng Paaralang Elementarya ng Payompon. Marangal na binati at pinahayag ng mga guro ng Payompon ang bagong Punongguro. Matapos ay pinakilala isa-isa ni Gng. Johnaly Solinap Adarlo (outgoing na Punongguro) ang bawat guro kasabay ng kanilang mga gawaing ginagampanan sa paaralan. Maigsi ngunit malaman ang pagpapahayag ng

Oustanding Teacher taga-PES

pagpakilala at sa uri ng liderato meron si Dr. Eje.

Ang pagkakaroon ng panibagong Punongguro ng Paaralang Elementarya ng Payompon ay magbubunsod ng panibagong sistemang iiral para sa mas ikakabuti at ikauunlad ng pagbibigay na kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral, magulang at miyembro ng kumunidad.

G. Alcaide pinarangalang Outsatanding Teacher of the year

Ika-14 ng Pebrero ng parangalan si G. Joash Sandino T. Alcaide bilang natatanging Guro ng taon -isang guro sa Paaralang Elementarya ng Payompon sa Gawad Lilok, Capitol Training Center, Mamburao, Occidental Mindoro.

Ang Gawad Lilok ay isa sa mga pinaka prestihiyosong parangal sa mga natatanging manggagawa sa Kagawaran ng

Edukasyon.

Isa nga sa mga gurong PESian ang ginawaran ng parangal dahil sa kanyang natatanging pagganap ng tungkulin. “Para sa lahat ng guro na ang dahilan ng pagpupursige ay kanyang mga estudyante at sa mga kaguro ko sa PES. Padayon Payompon!” ang naging mensahe ni G. Alcaide habang tinatanggap niya ang kanyang parangal sa podium.

PAGBASA SA PES UMARANGKADA

Remedial reading class ipinatupad sa PES

ni Christine Jel F. Hetosis

Nagbunga ang mga pagsisikap ng Payompon Elementary School upang maibsan ang kahirapan sa pagbabasa ng kanilang mga mag-aaral sa gitna ng newnormal. Sa isang hakbang na hindi basta-basta, nagpasya ang mga guro na magbigay ng higit na pansin sa mga mabagal na magbasa sa kanilang mga klase.

Bunsod ng pandemya at sa panahon ng “new normal” sa edukasyon, lumikha ng mga pagsubok sa pag-aaral. Para sa mga estudyante na may mga paghihirap sa pagbabasa, ang kalagayan ay mas nakakabahala pa. Ngunit sa kabila ng mga hamon na ito, gumawa ng paraan ang mga guro ng Payompon Elementary School upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral.

Sa kanilang remediation strategy, nagpasya ang mga guro na maglaan sa mga mag-aaral sa mas malaking bilang ng oras upang magbigay ng mas masusing pagtuturo sa pagbabasa. Ang mga mag-aaral na mabagal magbasa ay nakatutok ng mas mahabang panahon sa kanilang mga guro, at nakakakuha ng mas personal na atensyon sa kanilang pagtuturo. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng ganitong uri ng suporta, nakikita ng mga guro na ang kanilang mga

mag-aaral ay mas nagpapakita ng pag-unlad sa kanilang mga kakayahan sa pagbabasa. Sa isang panayam kay G. Mila Acedillo, isang guro sa Payompon Elementary School, sinabi niya, “Ang aming layunin ay upang matulungan ang lahat ng aming mga magaaral na magtagumpay sa kanilang pagaaral. Sa pamamagitan ng mas malapit na pakikipagtulungan sa mga mag-aaral na may mga paghihirap sa pagbabasa, nakikita namin ang mga positibong resulta na nakakamit nila sa kanilang mga akademikong pagtatrabaho.” Sa kabuuan, nagpakita ang Payompon Elementary School ng isang magandang halimbawa ng pagbibigay ng suporta sa mga mag-aaral na nahihirapan sa pagbabasa. Sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng pandemya, patuloy silang nagtataguyod ng kahalagahan ng pagbibigay ng higit na atensyon sa mga estudyante upang matiyak ang kanilang tagumpay sa pag-aaral.

GANDANG PESian. Isinalin na ang bagong korona ni Bianca O. Balderas at Dwyne Lester Avila para sa susunod na King and Queen of hearts, Capitol Ground, Mamburao Occ. Mndoro, ika-28 ng Pebrero, 2023.
03 OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG PAYOMPON, SANGAY NG OCCIDENTAL MINDORO, REHIYON NG MIMAROPA TOMO V | BILANG 1 | SETYEMBRE, 2022-PEBRERO, 2023 balita Ang Balawas B NAGPAPAHAYAG NG TUNAY AT TOTOO

NAGPAPAHAYAG

EARTH HO UR BA K AMO

Ilang dekada nang problema ang kuryente sa lalawigan ng Occidental Mindoro, at maging sa kasalukuyang panahon isa pa rin ito sa malaking dagok na kinakaharap ng bawat mamamayan, lalo’t higit ng mga magaaral. Sa nakalipas na mga panahon kahit na napakarami na ang umupo sa pwesto ng gobyerno’t pamahalaan, nanatili pa rin itong malaking problema at animo’y walang kumikilos upang ito’y tugunan at bigyan ng solusyon.

Animo’y 20 oras na ika nga ay “Earth Hour” hindi lamang sa munisipalidad ng Mamburao kundi sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro. Kinakailangang ito ay magawan ng paraan at magawan ng agarang solusyon dahil ito’y hindi lamang sa nakaaapekto sa negosyo sa Occidental Mindoro laol’t higit sa buhay, kalusugan at pag-aaral ng mga mag-aaral ng mga Mindoreno. At dahil sa problemang ito ay nakaaapekto sa halos lahat, lalo na sa mga mag-aaral. Dahil sa init ng panahon at pagpatay ng kuryente, nababawasan ang kakayahan ng mga estudyante na magbigay ng atensiyon sa klase. Ito rin ay nagiging sanhi ng paglala ng hika at pagkawala ng malay ng iba. Maraming estudyante ang hindi makatapos ng gawain dahil sa hindi maayos na serbisyo ng kuryente at hindi makagawa ng takdang aralin dahil walang ilaw na magagamit. Batay sa datos ng PDRRMO Occidenal Mindoro, halos 145 na mga estudyante ang naisugod sa ospital dahil sa epekto ng problema.

Ang power crisis sa buong lalawigan ng Occidental

Mindoro ay nagdudulot ng malaking epekto hindi lamang sa kalusugan ng mga mamamayan kundi lalo na sa mga mag-aaral. Marami sa mga estudyante ang nangangailangan ng medical attention dahil sa matinding init, at mayroon ding mga nagkakasakit tulad ng hika na nagpapahirap sa kanilang pag-aaral. Mula

Marso hanggang

TOMO V | BILANG 1 | SETYEMBRE, 2022-PEBRERO, 2023

OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG PAYOMPON, SANGAY NG OCCIDENTAL MINDORO, REHIYON NG MIMAROPA

Ang

OCCIMIN ELECTRIC PROVIDER

kakulangan ng suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro ay nagdudulot ng malaking epekto sa kalusugan at pag-aaral ng mga mamamayan at mag-aaral. Mayroon nang ilang estudyante na nangailangan ng tulong medikal dahil sa sobrang init, at marami pa rin ang nagkakasakit, ngunit gustong pumasok at mag-aral. Sa kasalukuyan, naglagda na ang gobernador ng probinsya na walang pasok dahil sa tumataas na temperatura at pagkawala ng pokus ng mga mag-aaral. Maaaring isa sa mga solusyon ay ang paggamit ng renewable na mga enerhiya tulad ng solar, at maaaring magpatayo ng mga wind mills at solar panel. Nararapat na maglaan ng pondo upang mabayaran ang utang ng NAPOCOR sa OMCPC, at makipagtulungan ang nasyonal na gobyerno upang maisulong ang pagbabago para sa maayos na serbisyo ng kuryente. Ang solusyon sa problemang ito ay hindi lamang para sa mga mag-aaral, kundi para sa buong mamamayan ng lalawigan ng Occidental Mindoro.

Animo’y 20 oras na ika nga ay “Earth Hour” hindi lamang sa munisipalidad ng Mamburao kundi sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro.

Abril ngayong taon, sampung mag-aaral na ang nahimatay at marami pa ang nagkasakit dahil sa power crisis. Upang maibsan ang sitwasyon, nilagdaan ni Governor

Eduardo Gadiano ang pagpapawalang-bisa ng klase sa ilang araw, at magiging blended learning na ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa susunod na linggo. Ngunit dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente, hindi rin maasahan na hindi sila maapektuhan ng naturang krisis sa kanilang mga bahay.

TAGAPAYO - Joash Sandino T. Alcaide

Bebeth B. Rimando

Butch Noriel A. Lambit Daisy D. Taras

PUNONGGURO - Dylene R. Eje, PhD

TAGAMASID PAMPUROK - Rosalie E. Tiuzen, EdD

PANDISTRITONG TAGAPAG -UGNAY - Eufemia A. Salazar

PANGSANGAY NA TAGAPAG-UGNA NG PAMPAARALANG

PAMAMAHAYAG SA FILIPINO - Eduardo D. Ellarma, PhD

ASDS - Rodel S. Magnaye

TAGAANYO - Reinz Peter Dominique G. Laomoc, MGA KONTRIBYUTOR - Bianca O. Balderas, Jonachelle Keisha M. Custodio

SDS - Loida P. Adornado, PhD, CESO VI

Occi
NAGPAPAHAYAG NG TUNAY AT TOTOO PATNUGUTAN OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG PAYOMPON, SANGAY NG OCCIDENTAL MINDORO, REHIYON NG MIMAROPA PUNONG PATNUGOT - James Ivan T. Cadahin, KAWAKSING PATNUGOT - Jana Ysabelle T. Murcia, PATUNGOT NG BALITA - Francez Kla Katherine B. Bon, PATNUGOT SA LATHALAIN - Keya Ayana L. Bernardo PATNUGOT NG AGHAM - Danica T. Delfino PATNUGOT SA ISPORTS - Christine Jel F. Hetosis, PUNONGDIBUHISTA - Juander Paul D. Altares, TAGAKUHA NG LARAWAN - Jylen Kaith V. Bonbon,
Ang Balawas B
04
editoryal Ang Balawas B
NG TUNAY AT TOTOO

TAPATAN

BADM: I shall return, muling pagbabalik sa instraksiyong modyular

Napakalaking hamon ang kinakaharap ng buong lalawigan ng Occidental Mindoro dahil sa krisis sa enerhiya na nararanasan ngayon. Upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, ipinag-utos na ng Division Memorandum blg. 126 serye 2023 na magkakaroon ng kalahating araw na pasok para sa pagpapatupad ng Alternative Delivery Mode sa mga paaralan.

Bagama’t nakakalungkot na mawalan ng oras sa pag-aaral ang mga mag-aaral, hindi natin dapat ikompromiso ang kaligtasan at kalusugan nila. Hindi na bago sa ating lahat na ang mga blackout at brownout ay may malaking epekto hindi lamang sa sektor ng edukasyon, kundi sa ekonomiya at kalusugan ng mga tao. Kaya’t sa panahong ito, mahalagang maglaan tayo ng oras at pagkakataon upang makapag-adapt sa mga kaganapan.

May mga mag-aaral na mahihirapan sa pag-access ng online classes dahil sa kakulangan ng kuryente at internet connection. Kaya’t sa pagpapatupad ng Alternative Delivery Mode, hindi lamang natin masisiguro na makakapagpatuloy ang edukasyon nila, ngunit pati na rin ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral ay maiingatan.

Sa panahon ngayon, hindi natin dapat ikompromiso ang edukasyon ng mga kabataan. Sa

Sa panahon ngayon, hindi natin dapat ikompromiso ang edukasyon ng mga kabataan. Sa halip, dapat nating bigyan sila ng mas magandang oportunidad na makapag-aral kahit na may mga pagsubok na kinakaharap ang lipunan. Sa pagpapatupad ng kalahating araw na pasok, hindi lamang natin nabibigyan ng oras ang mga mag-aaral na makapag-aral, ngunit nagbibigay din ito ng oportunidad sa kanila na magkaroon ng mas magandang kalusugan at kaligtasan.

Sa lahat ng ito, mahalaga ang papel ng mga magulang at guro sa pagtitiyak na magpapatuloy ang edukasyon ng kanilang mga anak at magaaral. Sa pagsuporta sa Alternative Delivery Mode, hindi lamang natin masisiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga kabataan, kundi pati na rin ang kanilang kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon.

Basura, basura, kailan ka makukuha

Tamang paghihiwalay ng mga basura ay isa sa mga paraan upang mapangalagaan ang kalikasan at kalusugan ng mga tao. Sa kabila ng mga kampanya at programa para sa proper waste segregation, marami pa rin ang hindi nakakasunod dito lalo na sa mga pampublikong paaralan tulad ng Payompon Elementary School. Ngunit hindi lang ito dahil sa kawalan ng kamalayan o kakulangan sa edukasyon, kundi dahil din sa hindi regular na pagkolekta ng basura ng Municipal Solid Waste Management.

Ang mga estudyante at guro ng Payompon Elementary School ay may malaking papel sa tamang paghihiwalay ng mga basura. Ngunit sa kawalan ng regular na pagkolekta ng basura ng Municipal Solid Waste Management, maraming beses na napupuno ang mga basurahan sa loob ng paaralan. Ito ay nagdudulot ng hindi magandang amoy at makakasama sa kalusugan ng mga magaaral at guro. Dagdag pa rito, kapag puno na ang mga basurahan, mayroong mga estudyante na hindi na nakakasunod sa tamang paghihiwalay ng mga basura at basta na lamang nagtatapon ng mga ito kung saan-saan.

Sa ganitong kalagayan, kailangan ng agarang aksyon mula sa Municipal Solid Waste Management upang matugunan ang problemang ito. Dapat maglaan sila ng sapat na resources at mag-implement ng regular na schedule sa pagkolekta ng mga basura sa mga pampublikong paaralan tulad ng Payompon Elementary School.

MAKABATA

Bukod dito, kailangan din nilang magbigay ng sapat na edukasyon at kampanya upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral at guro sa tamang paghihiwalay ng mga basura at ang kanilang papel sa pangangalaga sa kalikasan.

Kung magkakaroon ng regular na pagkolekta ng mga basura sa Payompon Elementary School at iba pang mga pampublikong paaralan, hindi lamang maiiwasan ang mga problema sa kalusugan at kalikasan, kundi magkakaroon din ng mas malaking impact sa buong komunidad. Ang mga estudyante ay magkakaroon ng tamang kaalaman sa pangangalaga sa kalikasan at maihahatid din nila ito sa kanilang mga pamilya at kapitbahay. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng mas malawakang pagbabago at pagkakaisa sa pagpapahalaga sa kalikasan at kalusugan ng bawat isa.

“ “
halip, dapat nating bigyan sila ng mas magandang oportunidad
kailangan ng aksyonagarang mula saSolidMunicipal Waste Management upang matugunan ang problemang ito 05 OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG PAYOMPON, SANGAY NG OCCIDENTAL MINDORO, REHIYON NG MIMAROPA
“ “ TOMO V | BILANG 1 | SETYEMBRE, 2022-PEBRERO, 2023 opinyon Ang Balawas B NAGPAPAHAYAG NG TUNAY AT TOTOO

Hangin ng

Pagpasok mo sa paaralan, masaya kang sasalubungin ni Principal na parang isang kidlat na nagbibigay liwanag sa buong lugar. Isang taong punong-puno ng enerhiya at ngiti, at laging handang kumilos upang mapabuti ang bawat aspeto ng paaralan. Siya ay isang babaeng lakas-kalooban, desisyon agad na nagpapangiti sa ating lahat.

Kapag mayroong mga desisyon na kailangang gawin, hindi nag-aalinlangan si Principal na gumawa ng malawakang aksyon. Nangangako siya na magdadala ng mga pagbabago na nakatutulong sa pagpapaunlad ng mga mag-aaral at guro sa paaralan. Hindi siya nagpapatalo sa mga hamon, kundi lumalaban nang may kasiguruhan at tiwala sa sarili.

Ngunit sa kabila ng kanyang lakas ng loob, hindi nawawalan ng ngiti si Principal. Naglalakbay siya sa buhay na parang isang malakas na hanging nagpapalipad ng ating mga kalooban. Hindi siya nabibigo sa kanyang mga laban dahil sa kanyang malawak

na pananaw at positibong pananaw sa buhay.

Kaya naman, hindi nakapagtataka kung bakit nai-inlove ang bawat isa sa kanyang personalidad. Sa bawat panig ng paaralan, nakikita natin ang kanyang marka ng pagmamahal sa mga mag-aaral at guro. Hindi lang siya isang lider, kundi kaibigan rin ng lahat.

Sa kabuuan, hindi lamang isang principal siya, siya ay isang inspirasyon. Isang babae na may malakas na kalooban, desisyon agad na nagpapangiti sa ating lahat. Siya ay walang iba kundi si Dr. Dylene Robles Eje.

Larawang kuha ni G. Joash Sandino T. Alcaide 06 lathalain OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG PAYOMPON, SANGAY NG OCCIDENTAL MINDORO, REHIYON NG MIMAROPA TOMO V | BILANG 1 | SETYEMBRE, 2022-PEBRERO, 2023 Ang Balawas B NAGPAPAHAYAG NG TUNAY AT TOTOO
Francez Kaye Katherine B. Bon

Lato-lato

NOON HANGANG NGAYON

Sa gitna ng modernong panahon, masasabi pa ba nating malayo na ang ating narating? Sa pagbubukas ng mga bata sa mga bagong teknolohiya, tila ba nakakalimutan na ang mga tradisyunal na laruan na mayroon pa rin tayong maipagmamalaki. Ngunit hindi dapat ito isawalang bahala dahil sa mga simpleng larong ito, matututo pa rin tayong maging aktibo at malikhain.

Isa sa mga tradisyunal na laruan na dapat nating bigyang halaga ay ang lato-lato. Hindi lamang ito nakatutulong sa ating kasanayan sa pagpapalitpalit ng mga pahina, kundi nakakatulong din ito sa ating pagpapalakas ng koordinasyon ng katawan. Ang lato-lato ay isang maliit at bilog na laruan na binubuo ng dalawang bahagi. Sa gitna nito ay

na nakatutulong upang maipalipat-lipat ang mga bahagi nito sa pamamagitan ng pagpalo o paghampas ng kamay na may ritmo. Hindi lang basta-basta ito na laruan dahil ito ay isang hamon sa ating kakayahan sa paggalaw ng mga kamay, pagiging mabilis ng mga mata, at pagpapalakas ng ating konsentrasyon. Sa mga estudyante, ang laro ng lato-lato ay nakakatulong sa kanilang

pagkatuto at pag-unlad ng kanilang kasanayan sa koordinasyon. Hindi ito nakakabagot na laruan at hindi ito mabagal tulad ng mga video games kaya hindi nito kailangang i-charge bago ito magamit. Bukod dito, maaari itong laruin ng kahit sino at saan man, walang limitasyon.

Sa kasalukuyang panahon na kung saan tila ba nalilimutan na ang mga tradisyunal na laruan,

na nakakatulong sa ating pag-unlad. Kaya’t bigyan natin ng pagkakataon ang mga simpleng laruan na mayroon pa rin tayong maipagmamalaki at magpakatotoo na kahit na sa maliit na bagay, makakatulong ito sa ating pag-unlad at pagsulong sa buhay.

Sa larong lato-lato, hindi lang ito nakakatuwa, nakakapagpahinga, at nakakapagpasaya, nakakapagpalakas din ito ng ating katawan at kaisipan.

Tiktokerist Yan siya

Napakalaking ingay ng

TikTok sa ating bansa! Hindi na nakapagtataka kung bakit pati mga bata ay nahuhumaling na rin sa pagsasayaw, lipsync, at iba pa! Ngunit, may mga pangamba rin tayo sa kung paano ito makakaapekto sa kanilang pag-aaral. Ating himayin at talakayin ang panganib at posibleng epekto ng TikTok sa edukasyon ng mga kabataan.

Sa panahon ngayon, ang mga bata ay hindi na lamang nag-aaral sa paaralan, kundi nagkakaroon na rin ng iba’t ibang aktibidad sa labas ng eskuwelahan. At sa kasagsagan ng nakaraang pandemya, ang mga bata ay mas nakatutok sa mga online na aktibidad. Sa kasamaang palad, ang TikTok ay isa sa mga nagpapalamon sa kanilang oras.

Ang pagkakaroon ng mga tiktok dance challenges ay nakakapukaw ng atensyon ng mga kabataan. Dahil dito, hindi na sila nakakapag-concentrate sa kanilang mga gawain sa paaralan. Kadalasan ay nagiging hadlang na ito sa kanilang pag-aaral, dahil hindi na nila mabigyang-pansin ang kanilang mga asignatura.

Ngunit hindi lang naman ito ang epekto ng TikTok sa kanilang pag-aaral. Dahil sa paglalaan ng mahabang oras sa panonood ng mga video, maaaring magdulot ito ng kalituhan at pagkaantala ng kanilang mga

Larawangaligsa https://similarpng.com/ tiktok-logo-design-vector-png/

gawain. Kung patuloy na mapapahaba ang kanilang panonood ng mga video, baka ito na ang magiging kanilang priority kaysa sa kanilang pag-aaral.

Sa kabila ng mga panganib na ito, hindi naman natin kailangan ipagbawal ang paggamit ng TikTok sa kabataan. Sa halip, dapat nating turuan silang magkaroon ng tamang balanse sa kanilang mga aktibidad. Kailangan natin silang turuan ng disiplina upang malaman nila kung kailan nila kailangan magaral at kailan dapat magpahinga.

Sa huli, dapat nating tandaan na ang TikTok ay hindi dapat maging hadlang sa kanilang pag-aaral. Hindi natin kailangan ipagkait sa kanila ang kasiyahan na hatid ng platform na ito. Kailangan lamang nilang malaman ang tamang oras at tamang pagkakataon upang mag-enjoy sa kanilang mga aktibidad, kasabay ng kanilang pagsisikap sa kanilang pag-aaral. Dahil sa pagtutulungan ng kabataan, guro, at mga magulang, siguradong makakamit natin ang maayos at masaya na pag-aaral ng bawat isa.

Jana Ysabelle T. Murcia
07 lathalain OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG PAYOMPON, SANGAY NG OCCIDENTAL MINDORO, REHIYON NG MIMAROPA TOMO V | BILANG 1 | SETYEMBRE, 2022-PEBRERO, 2023 Ang Balawas B

Kapag naglalakad ka sa mga kalsada ng Mamburao, hindi mo maiiwasan na hindi mapansin ang mga kainan sa tabi-tabi. Marami kang makikitang nagtitinda ng mga

kakanin, kwek-kwek, fishballs, at marami pang iba! Hindi lang ito masarap, mura pa at madaling hanapin kahit na sa mga oras na madaling-araw.

Ngayon, may isa na naman daw na naisip na baka may mga estudyante dito sa Mamburao na may tinatawag na “budget,” at gusto nilang malaman kung nakakatulong ba ang street food sa kanilang kalusugan, o hindi. Siyempre naman, hindi namin kayo iiwan sa ere, kaya heto ang sagot namin!

Ang street food sa Mamburao ay hindi lang masarap at murang pagkain, kundi mayroon din itong positive effects sa mga estudyante. Unang-una, dahil sa mura at madaling hanapin ang mga ito, hindi mahirap para sa mga estudyante na makahanap ng masustansyang pagkain kahit sa mga oras na hindi pa nabibigyan ng baon ng kanilang mga magulang.

Bukod pa rito, marami sa mga street food dito ay gawa sa masustansyang sangkap tulad ng keso, itlog, at gulay, kaya hindi lang ito masarap kundi masustansya rin. Hindi katulad ng mga fast food chain na kadalasan ay puno ng kemikal at preservatives, ang mga street food sa Mamburao ay fresh at hindi malayo sa natural na lasa.

Hindi lang ito nagbibigay ng tulong sa kalusugan ng mga estudyante, kundi nagbibigay din ng bagong experiences sa kanila. Sa halip lagi na lang silang kumakain sa mga fast food chain, mas nakakapagbigay ito ng variety sa kanilang mga kainan, at natututo rin silang magtipid at mamili ng mabuti. So, benta ba sa mga estudyante ang mga street food sa Mamburao? Ang sagot ay... oo naman! Hindi lang ito mura, masarap at madaling hanapin, kundi mayroon pa itong positive effects sa kanilang kalusugan at kabuhayan. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Tara na sa Mamburao at subukan ang mga street food dito!”

08 lathalain OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG PAYOMPON, SANGAY NG OCCIDENTAL MINDORO, REHIYON NG MIMAROPA TOM V | BILANG 1 | SETYEMBRE, 2022-PEBRERO, 2023 Ang Balawas B NAGPAPAHAYAG NG TUNAY AT TOTOO
Mga larawang kuha ni G. Joash Sandino T. Alcaide at G. Butch Noriel A. Lambit

BITUING ISINILANG SAEarth

Tagumpay! Iyan ang napatunayan ng mga siyentipiko ang isang malaking pagbabago na maaring magbigay daan sa maraming malinis at abot-kayang enerhiya sa hinaharap. Matapos ang mahigit na kalahating siglo ng pananaliksik tungkol sa nuclear fusion, nagawa ng mga mananaliksik sa National Ignition Facility sa California ang mas malaking output ng enerhiya mula sa fusion experiments kaysa sa energy na ipinasok sa pamamagitan ng lab’s high-powered lasers, isang kahanga-hangang tagumpay na kilala bilang ignition o energy gain.

Ito ay malaki ang magiging epekto sa komunidad ng paaralan dahil sa mga benepisyong maaring makuha ng mga mag-aaral at guro sa pagkakaroon ng malinis at abot-kayang enerhiya. Ang mga reaksyon mula sa nuclear fusion ay hindi nagpapakalat ng greenhouse gases at radioactive waste by-products. Isang kilo lamang ng fusion fuel, na binubuo ng mga heavy forms ng hydrogen tulad ng deuterium at tritium, ay nagbibigay ng parehong enerhiya ng sampung milyong kilo ng fossil fuel.

Ang National Ignition Facility ay isang malawak at kumpleks ng mga laboratoryo na matatagpuan sa Lawrence Livermore National Laboratory sa Estados Unidos. Ito ay itinayo upang magsagawa ng mga eksperimento na nagpapakita ng mga proseso sa loob ng mga nuclear bombs. Sa tulong ng high-powered lasers, nagagawa ng mga siyentipiko na baguhin ang mga reaksyon sa loob ng nuclear bombs at ito ay malaking tulong sa pagpapanatili ng nuclear warheads na hindi na kailangang magpa-conduct ng nuclear tests.

Sa kabila ng tagumpay na ito, malayo pa ang landas na tatahakin upang mapalawak ang nuclear fusion bilang isang epektibong paraan ng enerhiya. Subalit, dahil sa tagumpay na ito, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng malinis at abot-kayang enerhiya sa hinaharap.

Ang matagumpay na pagtuklas ng nuclear fusion sa National Ignition Facility ay nagpapakita ng kakayahan ng tao na magamit ang enerhiya na galing sa mga bituin. Sa pamamagitan ng pagsisikap at pagsasakripisyo ng mga siyentipiko, maari na nating maabot ang isang malinis at masaganang enerhiya para sa ating mga paaralan at buong komunidad.

na napatunayan ng mga siyentipiko ang isang malaking pagbabago

DOE National LAboratory Makes History by Achieving Ignition, U.S. Department of Energy, December 13, 2022. Retrieved from : https://www. energy.gov/articles/doe-national-laboratory-makes-history-achiev ing-fusion-ignition

Press Conference: Secretary Granholm & DOE leaders Announced Fusion Breakthrough by DOE National Lab, U.S. Department of energy, December 13, 2022. Retrieved from : https://www.youtube.com/ watch?v=K2ktAL4rGuY&t=4s

Scientists Achieved Nuclear Fusion Breaktrough With Blast 192 Lasers, Kenneth Chang, The New York Times, December 13, 2022. Retrieved from https://www.nytimes.com/2022/12/13/science/nucle ar-fusion-energy-breakthrough.html

U.S. scientists reach long-awaited nuclear fusion breakthrough, sources says, Ella Nelsen, CNN, December 13, 2022. Retreived from https:// edition.cnn.com/2022/12/12/politics/nuclear-fusion-energy-us-scien tists-climate/index.html

Nuclear-fusion lab achieves “ignition” : what does this mean?, Jeff Tollefson and Elizabeth Gibney, nature.com, December 13, 2022. Retreived from https://www.nature.com/articles/d41586-022-04440-7

Matagumpay
MGA BATAYAN
09 agham OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG PAYOMPON, SANGAY NG OCCIDENTAL MINDORO, REHIYON NG MIMAROPA TOMO V | BILANG 1 | SETYEMBRE, 2022-PEBRERO, 2023 Ang Balawas
NAGPAPAHAYAG NG TUNAY AT TOTOO
Danica T. Delfino
B

Robot na pangtulong

Project Agapay binuo sa DLSU

Koponan ng biomedical engineers mula sa De La Salle University (DLSU), sa pangunguna ni Dr. Nilo Bugtai, ay nakagawa ng AGAPAY, isang robotic exoskeleton prototype na may biofeedback mechanism para sa rehabilitasyon ng mga pasyenteng nagkasakit sa stroke at mga nasaktan sa pamamagitan ng pagtulong sa motor movements sa balikat, braso, at kamay.

Layunin ng AGAPAY na magbigay ng costeffective na solusyon sa produksyon at gumagana ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang real-time biofeedback system na nagre-record ng neuromuscular activity gamit ang surface electromyography (sEMG).

Ayon kay Dr. Bugtai, ang AGAPAY ay isang inobasyon na makakatulong sa maraming pasyente sa buong bansa, lalo na sa mga nag-rerecover mula sa stroke at mga pagkakasakit na may kaugnayan sa mga muscle movement. Bukod sa pagbibigay ng maayos na rehabilitasyon, ito ay magiging isang cost-effective na solusyon para sa mga pasyente. Makakatulong

rin ito sa pagpapaunlad ng mga kaalaman sa larangan ng teknolohiya sa medisina sa mga paaralan.

Sa ganitong paraan, inaasahan ng mga eksperto na mas magiging madali at mas mabilis ang paggaling ng mga pasyente na may mga kondisyon sa neuromuscular, at magiging mas maginhawa ang kanilang mga buhay. Ang AGAPAY ay patuloy na pinapag-aralan ng mga eksperto upang mas mapagbuti pa ang kanyang mga kasangkapan at kahusayan sa pagbibigay ng tulong sa mga pasyente

MGA BATAYAN Agpay Project: Robotics Skeletons for Rehabilitations, De La Salle University, 2017. Retrieved from : https://www.dlsu.edu.ph/research/re search-centers/cesdr/agapay/ Ginhawa(ReliefVent):The people’s “breath of relief” ventilator, Department of Science and Technology-Philippine Council for health and Development Research, 2022. Retrieved from https://www.pchrd. dost.gov.ph/heartnovation/ginhawareliefvent-the-peo ples-breath-of-relief-ventilator/

EDITORIAL

UP at DOST nagtulangan para sa Ginhawa ventilator

Isang grupo ng mga pulmonologist at biomedical engineers sa pangunguna ni Dr. Abundio Balgos ng UP Manila ang nakagawa ng GINHAWA, isang mababang gastos, kompakto at epektibong ventilator na ligtas gamitin ng mga matatanda at bata.

Ang proyektong ito ay may potensiyal na makatulong sa maraming pasyente na may malubhang sakit dahil sa COVID-19. Ito ay mas mura ng 42% kumpara sa ibang portable ventilators na ginagamit sa mga ICU, emergency room at ambulansiya at may embedded software protocol para sa self-diagnosis at patient data analytics. Ang proyektong ito ay mayroong malaking potensiyal na makatulong sa maraming pasyente sa buong bansa, lalo na sa panahon ng pandemya ng COVID-19. Bukod dito, makatutulong din ito sa mga mag-aaral sa mga paaralan dahil sa pagkakaroon ng mas maraming kagamitan para sa kanilang kalusugan. Sa ganitong paraan, mas mapapalawak ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman tungkol sa mga teknolohiyang maaaring gamitin para sa kanilang kalusugan.

Mas malinis na enerhiya para sa lahat

Maraming Mindoreno ang nakararanas ng mga putol-putol na suplay ng kuryente sa kanilang mga tahanan at mga paaralan. Ang madalas na pagkawala ng kuryente ay nagdudulot ng hindi lamang kalituhan at abala sa araw-araw na gawain, ngunit nagdudulot rin ito ng mas malawak na epekto sa kapaligiran at kalusugan ng mga mag-aaral kung kaya agarang solusyon at aksyon ang kinakailangan ng mga lider ng lalawigan at mga kagawaran sa kalikasan.

Sa kasalukuyan, marami sa atin ang gumagamit ng mga generator set na gumagamit ng fossil fuels para makapagbigay ng kuryente sa panahon ng mga blackout. Ang paggamit ng mga ganitong generator set ay nagdudulot ng pagtaas ng carbon emission at iba pang pollutants sa hangin, na nakakasama sa kalusugan ng mga mag-aaral at ng mga mamamayan sa pangkalahatan.

Ang mga mapanganib na kemikal na nabubuo dahil sa paggamit ng mga fossil fuels ay maaaring magdulot ng respiratory problems, heart diseases, at iba pang mga sakit. Ito ay lubhang nakakaapekto sa mga mag-aaral, lalo na sa mga bata na mayroong mas sensitibong mga sistema sa kanilang katawan.

Hindi lamang ito nakakasama sa kalusugan ng mga mag-aaral, ngunit nakakaapekto rin ito sa kanilang pag-aaral. Ang mahaba at paulit-ulit na pagkawala ng kuryente ay nagpapahirap sa pag-aaral ng mga estudyante, dahil nawawalan sila ng access sa mga importanteng kasangkapan at kagamitan, tulad ng mga computer at internet.

Sa kabuuan, ang paggamit ng mga generator set ay hindi lamang nagdudulot ng mas maraming carbon emission at iba pang pollutants, ngunit nakakasama rin ito sa kalusugan ng mga mag-aaral at nagiging hadlang sa kanilang pag-aaral. Kailangan nating maghanap ng mga alternatibong paraan upang maibsan ang mga pagkawala ng kuryente, at masigurado natin na ang mga ito ay hindi nakakaapekto sa ating kalusugan at kapaligiran.

MAGINHAWANG INBENSYON. Dr. Abundio Balgos ng Unibersidad ng Pilipinas kasama ng kanyang makabagong inbensyon. Larawang kuha ng DOSTS.
PAUNANG SUBOK. Mga desiners at mga Enhenyero ng DLSU habang sinusubok ang isa sa mga working prototype design ng Agapay wearable robot assistant. Larawan mula sa DLSU website.
ni Keyah Ayana L. Bernardo
Laban 10 agham
MIMAROPA TOMO V | BILANG 1 | SETYEMBRE, 2022-PEBRERO, 2023 Ang Balawas B NAGPAPAHAYAG NG TUNAY AT TOTOO
ni Danica T. Delfino
OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG PAYOMPON, SANGAY NG OCCIDENTAL MINDORO, REHIYON NG

Bawasan sa palakasan

Kamakailan lang ay nagging nasaksihan at naidaos ang mga School Palaro, District Sports Meet, Provincial Sports Meet at pati na rin ang Regional Sports Meet sa kabila ng tagumpay ng pag daraos ng mga ito ay iba’t-ibang reaksyon ang inani dahil sa binawasan ang mga sport events na lalaruin sa mga pagdaraos na nabanggit.

Nakakalungkot na balita ang naging desisyon ng Kagawaran ng Edukasyon na bawasan ang mga laro sa palakasan sa mga paaralan. Sa puntong ito, marahil ay maraming mga mag-aaral at maging mga magulang na nagtatanong kung bakit ito kinakailangan. Ngunit sa totoo lang, ang mga desisyong ito ay maaaring magdulot ng pagkaantala sa

mga mag-aaral.

Ang mga palakasan sa paaralan ay higit sa mga simpleng laro. Ito ay isang mahalagang bahagi ng kultura ng mga magaaral na nagbibigay sa kanila ng mga oportunidad na hindi mababayaran ng anumang halaga. Sa pamamagitan ng palakasan, natututo ang mga mag-aaral tungkol sa teamwork, liderato, diskarte, at pakikipagtulungan. Ang mga aral na ito ay hindi matututuhan lamang sa loob ng silid-aralan kundi sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasagawa sa larangan ng palakasan.

Kaya nga, ang kanselasyon ng mga laro sa palakasan ay nagdudulot ng kawalan ng mga pagkakataon para sa mga magaaral na ma-develop at lumago. Ito ay isang pagkaantala na hindi dapat nating ipagwalang-bahala. Sa halip, dapat nating hanapan ng mga paraan upang magpatuloy ang mga palakasang ito, nang sa gayon ay patuloy na maipamalas ang husay ng mga mag-aaral.

ay ang paglikha ng mga patakaran at protocol na magbibigay-daan sa ligtas na pagpapatuloy ng mga palakasang ito. Kailangan baguhin ang takbo ng mga laro, tulad ng pagpapanatili ng distansya at pagsusuot ng mga mask. Maaari rin tayong magsagawa ng mas malawakang pagsubok at pagsasaliksik upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Higit sa lahat, kailangan magtulungan ang bawat isa bilang isang komunidad ng edukasyon. Dapat na ipakita ng bawat sa Kagawaran ng Edukasyon ang kahalagahan ng mga palakasang para sa mga mag-aaral at magbigay ng mga alternatibong solusyon na maaaring maipatupad.

Laban Pilipinas

unlad

Maaaring isa sa mga solusyon

Ang mga mag-aaral ay hindi lamang dapat mabigyan ng edukasyon sa loob ng silidaralan kundi gayun din ng mga oportunidad para sa kanilang holistic na pagiging indibidwal. Ang mga laro sa palakasan ay bahagi ng pag-unlad at paghubog bilang mga indibidwal. Hindi natin dapat ipagkait ang mga ito mula sa kanila.

SEA GAMES SA CAMBODIA BAKBAKAN NA!

Dugo, pawis at sakripisyo sa insayo at ngayon ito na ang Opening Ceremony ng South East Asian Games sa Cambodia at marami ang nakisalo sa kasaysayan ang nasabing pagdiriwang. Pinakamalaking delegasyon ang ipinadala ng Pilipinas sa nasabing kumpetisyon – may 860 mga atletang Pilipino na nagpakita ng kanilang galing at determinasyon sa bawat isa sa 38 mga sports na kasali sa programa.

Sa kabila ng limitadong bilang ng mga Pilipinong nagmartsa sa parada ng opening ceremony, ang Pilipinas ay nagpakita ng pagsuporta sa kanilang mga kababayan na nagpapakita ng kanilang husay sa larangan ng palakasan. Si Alyssa Valdez, ang volleyball star ng Pilipinas, ang nagdala ng watawat ng bansa sa parada.

Kasama rin sa nasabing parada sina Abraham “Bambol” Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee, at chief de mission na si Chito Loyzaga. Ito ay upang ipakita ang kanilang pagsuporta sa mga atletang Pilipino na nagsusumikap upang maiuwi ang mga medalya.

Ngunit hindi nakasama si Hidilyn Diaz, ang kasalukuyang at tanging kampeon ng Pilipinas sa kasaysayan ng Olympics sa

weightlifting, sa 2023 SEA Games. Ngunit, hindi hadlang ito upang magpakitang-gilas ang mga sikat na atletang tulad nina Carlos Yulo, EJ Obiena, Efren “Bata” Reyes, Carlo Paalam, Nesthy Petecio, at ang Gilas Pilipinas men’s basketball team. Sa kabuuan, ang Pilipinas ay nagsilbing inspirasyon sa mga kapwa atleta sa pagpapakita ng kanilang galing at determinasyon sa larangan ng palakasan.

Sa kabila ng mga hamon at hadlang, ang Pilipinas ay patuloy na nagpapakita ng lakas at pagkakaisa upang maiuwi ang tagumpay sa larangan ng sports sa rehiyon ng Timog Silangang Asya.

Larawan mula sa manilastandard.net. Nakuha sa https://manilastandard. net/sports/314327584/ pldt-smart-support-filipino-athletes-in-the-32ndsea-games.html

ni Bianca O. Balderas
pag-
ng
11 isports OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG PAYOMPON, SANGAY NG OCCIDENTAL MINDORO, REHIYON NG MIMAROPA TOMO V | BILANG 1 | SETYEMBRE, 2022-PEBRERO, 2023 Ang Balawas
NAGPAPAHAYAG NG TUNAY AT TOTOO
EDITORIAL
B

B Isports isports

GOLDEN BOY

Gintong medalya ibinulsa ni Beltran sa long jump

Prince Luis Beltran, yan ang unang pangalan ng atletang namutawi sa delegasyon ng Mamburao sa kanilang quarters nang masungkit ni Beltran ang unang gintong medalya sa nasabing delegasyon sa maagang bahagi ng Provincial Sports Meet 2023 sa AthleticsLong Jump- Boys sa Sablayan Sports Complex, Sablayan Occidental Mindoro, Ika-25 ng Abril, 2023.

Matatandaang isa si Beltran sa mga atletang PESian na nagdala ng maagang ginto sa delegasyon ng Payompon nitong nakaraang District Palaro sa distrito ng

Mamburao at humakot din ng ng tatlong medalyang ginto sa larangan parin ng athletics sa iba’t-ibang kategorya na nagresulta upang pinagharian nga niya ang boys long jump.

At ngayon nga ay muling nangibabaw naman si “Golden

boy” sa mas mataas na libel ng kompetisyon na muli niyang naibulsa ang gintong medalya sa Provincial Sports Meet dahilan ito upang maisemento nga niya ang kanyang pangalan sa listahan ng mga dadayo patungong MIMAROPARAA Meet na gaganapin sa Calapan City sa ika-1 hangang sa ika-3 ng Mayo. Isang napakalaking karangalan nito para sa mga mag-aaral ng Payompon at malaki ang maibibigay nitong

pagtaas ng moral para sa kanyang kamag-aral at iba pang mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Payompon na mag sikap at gawin ang lahat ng makakaya upang maabot ang minimithing tagumpay. “Itong gintong medalya po ay para sa lahat ng mga magaaral at mga gustong maging atleta sa Payompon” dagdag nim GOLDEN BOY.

Atletang PESian sumabak sa Provincial Sports Meet

BATAYAN NG DATUS

Opisyal na pangkalahatang resulta at tally ng mga medalya sa Provincial Sports meet

Apat sa mga manlalarong PESian ang makikipagbabakan sa larangan ng Athletics at chess sa Provincial Sports Meet sa Sablayan, Occidental Mindoro, ika24 hanggang ika-28 ng Abril,2023.

Si Prince Luis Beltran na naghari sa long jump, si Justine Hetosis na pumailanlang sa 100 m dash, si Jonachelle Keisha Costudio na naguna sa triple jump at si Rhiane Kaye

Alverio sa chess ay ilan lamang sa mga sasabak sa mas mataas na kompetisyon at palakasan sa Provincial Sports Meet na kakatawan sa Distrito ng Mamburao.

Isa ang isports na pinag-iigi ng Paaralang Elementarya ng Payompon para sa mas holistic na pag-unlad ng mga magaaral para mas maipamalas nila ang kumpyansa sa sarili at pakikisalamuha sa iba at lalot higit sa kanilang sportsmanship.

Ang Balawas NAGPAPAHAYAG NG TUNAY AT TOTOO
Jonachelle Keisha M. Custodio Christin Jel F. Hetosis Mga larawang kuha ni G. Jirold Insigne

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.