1
2
EDITORYAL
EDITORYAL
TAKOT ANG ESTADO SA LUMALAKAS NA TINIG NG SAMBAYANAN Nabahala ang sangkaestudyantihan nang sila ay mapilitang lumipat sa online na plataporma sa pag-aaral buhat ng kawalang-aksyon ng gobyerno sa pandemya. Marami ang hindi nakasabay, mga nahirapan, at marami rin ang napag-iwanan. Hindi maikakaila na palpak at hindi nasasapat ang remote learning para sa kalidad at inklusibong edukasyon. Ang krisis sa edukasyon na ito ay isa lamang sa samu’t saring mga suliraning nagmula sa kapabayaan ng gobyerno. Kabilang na rin dito ang pagkawala ng trabaho ng marami, ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at ang walang tigil na pagdami ng kaso ng Covid-19 sa bansa. Sa kabila nito ay mas prayoridad pa rin ng gobyerno ang mga proyekto at programang walang mabuting maidudulot sa kapakanan ng masa at lubhang pinapasama pa ang kanilang kalagayan. Isang taon na simula nang maibalita ang unang kaso ng Covid-19 ngunit wala pa ring konkretong na tugon ang administrasyong Duterte. Hindi nakapagtataka na napupuno na ang taumbayan sa kainutilan at kasahulan ng gobyernong ito. Kaya nama'y sa gitna ng pandemya ay lalo lamang lumalakas ang tinig ng sambayanan bunga ng nag-aalburotong kolektibong galit nito.
Bagaman palakas nang palakas ang pagpapanawagan ng mga Pilipino para sa kanilang mga hinaing, lalong lumalala lamang ang situwasyon. Hindi ba tayo naririnig ng mga taong nasa itaas? Sa katunayan, rinig na rinig nila tayo. Kaya sinusubukan nila tayong patahimikin. Ramdam nila ang bulabog ng magkaisang boses na ibinabalandra ang kanilang mga kasinungalingan at dito sila’y takot na takot. Ang kanilang tugon dito - dahas at paggamit ng batas bilang sandata. Nariyan ang walang-habas na pamamaslang, pag-aresto, at panre-redtag sa mga indibiduwal at grupong nagpapahayag ng kanilang kritikal na pagususuri sa lipunan at ng katotohanan. Lalo pa itong pinapalala ng pagpasa ng Anti-Terror Law at sa pagbigay ng malaking pondo sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Ngayon naman ay winakasan ng Department of National Defense ang UP-DND Accord na naglalyong protektahan ang academic freedom. Naririnig rin nila ang bawat sigaw para sa hustisya at sa tunay na kalayaan, ang bawat kalam ng sikmura ng mga nagugutom na maralita't mga magsasaka. Naririnig nila ang mga
hagulgol ng mga nawalan ng mga anak, asawa, at kaibigan nang dahil sa kanilang pamamasista. Naririnig nila tayo ngunit hindi nila tayo pinapakinggan. Mas pinipili nilang magbingi-bingian sa mga hinaing ng mamamayan dahil nakikinabang sila rito. Ilang mga pulis, militar, at mga pulitiko na ang na-abswelto mula sa kanilang krimen? Magkano na ang perang nakuha nila mula sa kaban ng bayan? Hanggang ngayon, hindi pa rin mahanap ang 15 bilyong ninakaw ng Philhealth habang ang ating bansa ay lubog na lubog na sa utang. Sa panahon ngayon na ginagawang krimen ng estado ang pagiging kritikal at progresibo, labis na nanganganib ang ating mga demokratikong karapatan. Inaatake nito ang mga nagtatanggol para sa karapatang pantao gayundin ang mga nagsisiwalat ng katotohanan. Ang mga desperadong hakbang ng estado ay pagpapaliit pa lalo sa espasyo para sa demokrasya at marapat na ito ay tutulan. Ngunit kahit anong gawing pambubusal ng gobyerno, hindi nito mapapatahimik ang katotohanan at ang boses ng bayang lumalaban. Panahon na upang samasamang kumilos at wakasan na ang tiraniya ng administrasyong Duterte.
ANG TAGAMASID
Official Student Publication of the University of the Philippines Manila College of Arts and Sciences
Editorial Staff AY 2020-2021 Editorial Board
Josiah Prevosa Editor-in-Chief Waynnie Melendres Associate Editor Vienne Angeles Managing Editor Brent Justine Cruz News Editor Margaret Victoria Martinez Features Editor Elycia Deang Cultures Editor Staff
NEWS/BALITA Charmaine Khaye Alba Frederick Gerald Saludares Julia Rachel Pagal Micaszen Mendoza Trisha Anne Mataac Vidal Jr Villanueva FEATURES/LATHALAIN Pamela Bayoca Louie Busog Denice Canilao Jose Rodrigo Papa Kent Benedict Pelonio Kyla Zoleta CULTURE/KULTURA Mary Angela Pelijates Janine Nelmida Josefa Labay Marielle Iarathelle Trinidad Patrick Millagrosa GRAPHICS/GRAPIKS Will Bautista Layout: Waynnie Melendres, Will Bautista
BALITA
3
Negosasyon para sa bakuna, binubuno pa rin sa harap ng lumalalang banta ng COVID-19 ni Vidal C. Villanueva, Jr. Habang walang kasiguraduhan kung kailan tuluyang masusugpo ang kasalukuyang pandemya, patuloy pa rin ang mga negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at mga dayuhan, partikular na ang US at China, para sa pag-angkat ng mga bakuna kontra-COVID-19. Hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na detalye patungkol sa plano para sa kabuuang immunization program ng bansa sa kabila ng mga batikos at kritisismo sa mabagal na pagkilos ng pamahalaan para rito. Simula pa noong Oktubre ng nakaraang taon, puspusan na ang pagsasaliksik sa pangunguna ng mga eksperto sa bakuna sa ilalim ng Kagawaran ng Siyensya at Teknolohiya (Department of Science and Technology) para makahanap ng mga potensyal na bakuna na maaaring magsagawa ng mga clinical trials sa bansa. Pinangunahan din ng mga diplomatikong kinatawan ng bansa ang pakikipagkasundo sa mga banyagang developer at manufacturer para sa seguridad ng epektibo at ligtas na bakuna kapag ito ay inilabas na para sa pampublikong konsumpsyon. Habang ang mga aksyong ito ay naggagawad ng bentahe sa bansa laban sa COVID-19, lahat ng ito ay nangangailangan pa ring dumaan sa mga masusing proseso bago pormal na magamit sa mga Pilipino. Ayon sa kalihim ng Gabinete at pinuno ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na si Karlo Nograles, ginagamit ng gobyerno diumano ang mga pamantayang sinusunod ng ibang mga bansa para sa pagsusuri ng mga posibleng bakunang gagamitin sa Pilipinas. Dagdag pa rito, ang bawat parmasyutikong kompanya na maaring mag-angkat ng mga bakuna ay kinakailangang magsumite ng Emergency Use Authorizations (EUAs) mula sa ibang bansa kasama ng mga resulta ng mga clinical trials na naisagawa ng mga kompanyang ito. Sa kasalukuyan, may pitong malalaking kompanya ang nakikipagkasundo sa Pilipinas para magsuplay ng bakuna sa bansa. Ang mga ito ay ang Sinovac Biotech, Oxford-AstraZeneca, Pfizer-BioNTech, Gamaleya, Novavax, Moderna-NIAID at COVAX Facility. Ayon sa Food and Drug Administration (FDA), tatlo pa lamang ang mga naitatalang kumpanyang nagsumite ng EUAs hanggang nitong unang linggo ng Enero: ang Oxford-AstraZeneca, Pfizer-BioNTech, at Gamaleya; habang ang Sinovac Biotech at iba pang mga kumpanya ay nagpoproseso pa rin ngunit inaasahan na matatapos ito sa mga unang buwan ng 2021.
Kamakailan, naging malaking usapin ang kabuuang kalidad at pagiging epektibo ng mga bakuna mula sa mga nasabing banyagang kompanya, lalo na ang kontrobersyal na Sinovac BioTech ng China na mayroon lamang 50%-60% efficacy rate, ngunit isa sa may pinakamahal na presyo buhat sa mga naunang datos. Ayon sa mga ulat, ang bakunang ito na mula sa Beijing, China ang isa sa mga pinapaburan ng gobyernong gagamitin sa bansa kahit may mga bakunang mas mataas ang efficacy rate at hindi maikakailang mas mura kaysa sa Sinovac. Sa katunayan, may 25 milyong dosages ng bakuna ang magmumula sa Sinovac. Sa usapin ng mga anomalya sa bakuna, dumagdag sa paksa ang kahinahinalang pagpapaturok ng “smuggled” na bakuna ng Presidential Security Group (PSG). Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Ano ang pagpapabakuna ng mga sundalo ng PSG at maging ilang miyembro ng Gabinete kahit wala pang rehistradong bakuna sa FDA noong isinagawa ito noong nakaraang taon. Dahil sa ito ay tuwirang paglabag sa batas, pinaiimbestigahan ito ng Senado ngunit sinalag ito ni Presidente Duterte sa pamamagitan ng pag-uutos sa kaniyang mga PSG na huwag haharap sa mga pagdinig sa Senado. Tahasan din ang panlilinlang ng gobyerno para pangatwiranan ang nasabing ilegal na pagbabakuna bilang higit daw na proteksyon ng presidente. Sa katunayan, ipinagbabawal ng batas (RA 9711) ang anumang paggamit ng produktong hindi lisensyado ng FDA. Sa kabilang banda, palala pa rin nang palala ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Base sa pinakahuling datos, lumampas na sa 500,000 ang bilang ng mga kaso sa bansa na nagkaroon ng naturang sakit, at aabot na sa 10,000 ang mga namatay. Dagdag pa sa kalbaryong ito ang paglitaw ng bagong klase ng COVID-19 virus na hindi pa rin lubos na napag-aaralan. Itinala sa Pilipinas ang unang kompirmadong kaso ng bagong klase ng virus noong unang linggo ng Enero matapos magpositibo ang isang Pilipinong nangibang-bansa mula Dubai at umuwi rito sa bansa. Gayunpaman, nararapat pa ring paigtingin ang paghihigpit lalo na sa mga nagsisipag-uwing mga Pilipino at maging ang mga inaangkat na produkto at bakuna mula sa labas ng bansa. Sa pag-aangkat ng bakuna, iginiit ni Senator Kiko Pangilinan na dapat siyentipikong ebidensya ang pairalin sa pagtanggap ng mga bakuna kahit pa ito ay donasyon ng ibang mga bansa. Aniya, “dapat ang
Larawan mula sa ABS-CBN
Larawan mula sa Channel News Asia
May ilang vaccination simulations na ang ginawa sa iba't-ibang parte ng bansa bilang paghahanda sa pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19. basehan ay science, findings ng mga experto kung mainam ba or hindi. Kasi kung ganun, magiging pasya eh, dahil lang sa donasyon, eh teka muna, di yan trial phase; political phase yan.” Ito ay matapos ihayag ng Department of Foreign Affairs ang pangako ng China na magbibigay ito ng 500,000 dosages ng bakuna para matulungan ang bansa na masupil ang COVID-19. Sa gitna ng mga isyung ito ng bakuna, isa sa mga nakikitang paraan ng Department of Health (DOH) sa pagpapatakbo ng immunization program sa bansa ay ang pagkakaroon ng malawakang information drive tungkol sa COVID vaccines sa tulong ng mga ad agencies para maibsan ang pangamba at takot ng mga Pilipino sa pagpapaturok ng bakuna. Ito ay dahil sa mga lumalabas na balita ng pagkamatay ng mga naturukan ng COVID-19 vaccine katulad ng kaso
ng Pfizer-BioNTech na pinuputakte ng alegasyon dahil sa mga hinihinalang kaso ng pagkasawi ng mga naturukan nito sa Norway. Datapwat, ang mga paalala sa publiko tungkol sa mga side effects ng mga bakunang ito ay inihayag na ng mga eksperto at siyentipiko noon pa lamang. Patuloy ang imbestigasyon ng World Health Organization sa mga kasong ito. Ngunit hindi lamang bakuna ang tanging solusyon sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa bansa, bagkus kinakailangan pa rin ang kritikal na pagsunod sa mga health protocols at ang malawakang testing sa populasyon dahil aabutin pa ng ilang buwan o maging taon bago tuluyang mabigyan ng bakuna ang 110 milyong Pilipino base sa kakulangan ng siyentipikong imprastruktura sa bansa at tila usad-pagong na pagresponde ng gobyerno sa pandemyang ito.
4
BALITA
"Defend Academic Freedom!", panawagan sa idinaos na #DefendUP: Himigsikan para sa Pagkakaisa at Paglaban ni Trisha Anne Mataac Upang ipakita at iparamdam ang kanilang panawagan upang ipagtangol ang academic freedom, inorganisa ng #DefendUP Network ang #DefendUP: Himigsikan para sa Pagkakaisa at Paglaban. Ito ay isang solidarity concert na naglalayong palakasin ang pagkakaisa ng masa sa panawagang ipagtanggol ang pamantasan laban sa militarismo dulot ng unilateral abrogation ng UP-DND accord. Idinaos ang pagtitipon noong ika-6 ng Pebrero sa University Avenue ng UP Diliman na ipinalabas din sa pamamagitan ng Facebook Live. Nagsilbing gabi ng protesta, pagkakaisa, at paglaban ang ginanap na Himigsikan sa pamamagitan ng pagtatanghal ng iba’t ibang kasapi ng komunidad ng UP upang bigyang kahulugan ang kasalukuyang estado ng bansa. Bilang panimula, nagbigay ng mensahe ang kasalukuyang student regent na si Renee Co kung saan kaniyang binalikan ang naging sunod sunod na pag-atake at pagbabanta sa mga estudyante, guro, at alumni ng UP, at sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang Himigsikan, ayon sa kaniya, ay isang kultural pagdiriwang na magpapakita ng pagkakaisa ng lahat sa tunguhin ng mga prinsipyo ng
#DefendUP Network. “Ito’y isang gabi ng pakikiisa sa mga prinsipyo ng network. Dito, magpapahayag at magtatanghal ang ating mga kaalyado. Magpapakitang gilas tayo! Ipapakita ang liksi at kalikhaan ng ating kritikal na pag-iisip.” ani Co. Ipinakita ng mga nagtanghal sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng sining ang kanilang damdamin at sentimyento ukol sa iba’t ibang isyu ng bayan. Isinatitik ng mga tula nila Alfonso Manalastas, Juan Miguel Severo, at Rex Nepomuceno ang mukha ng kasalukuyang rehimen at ang kanilang pagsuporta sa academic freedom at mga prinsipyong ipinaglalaban ng komunidad ng UP. Ipinakita naman ng mga awitin mula sa Tanghalang Pilipino, at Shirebound and Busking ang kapangyarihan ng teatro at musika bilang sandata at boses ng bayan. Sa kabilang banda, isinalaysay naman ng mga awitin ng Gazera, TUBAW Music Collective, Musicians for Peace, Bayang Barios, Datu’s Tribe, at Prends of UP ang usapin ng kalayaan, pakikibaka, at paniningil sa kasalukuyang rehimen. Binigyang buhay din sa pamamagitan ng pagsasadula ng The UP Repertory Company ang karahasang dinadanas ng bansa, at mga katutubong Lumad
ng karahasang kanilang dinaranas bilang mga katutubo. Bukod sa mga naging pagtatanghal, nagkaroon din ng mga tagapagsalita upang ipakita ang kanilang pagsuporta sa mga prinsipyong ipinaglalaban ng network. Ipinahayag ng isang beterano noong 1st Quarter Storm na si Bonifacio Ilagan ang kaniyang pagsuporta sa laban ng mga mag-aaral upang ipagtanggol ang academic freedom sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa karanasan ng unibersidad noong Diliman Commune. "Kaming mga aktibista ng dekadang 1960 at 1970 ay kapiling ninyo sa pagdepensa sa UP. Kung paanong dinipensahan namin ang Diliman Commune na ipinagdiriwang natin ang ikalimampung taon ngayon. Kaya naman ang panawagan ng ating kasama, Defend UP, Defend the People, Raise High the Barricades!" ani Ilagan. Bukod dito, nagsalita rin ang ilang kasapi at alumni ng UP na sina Toym Imao, Ricky Lee, dating pangulo ng UP na si Jose Abueva, Kiko Pangilinan, Bibeth Orteza, Gerry Lanuza, Atom Araullo, at Sarah Elago upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa unibersidad at pagtindig kasama ang mga mag-aaral upang proteksiyunan ang academic freedom.
Nagbigay din ng mensahe ng pagsuporta ang Bise Presidente na si Leni Roberedo, ayon sa kaniya, "We need to stand up for human rights if we are able to truly achieve our aspirations. A world that is safer and kinder, that is more equitable and more humane, that recognizes the dignity of all. With you amongst our ranks, I have faith, this world is not too far away." Naroroon din ang boses mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan at iba’t ibang kasapi ng komunidad upang ipahayag ang kanilang damdamin tungkol sa mga nagdaan na pagaatake ng pamahalaan sa kalayaan ng mga estudyante at karapatang pantao. Bunsod nito, pinaigting ng mga tagapagsalita ang pag tindig sa harap ng kultura ng takot na pinapairal ng pamahalaan at patuloy na hinimok ang bawat isa na ipaglaban ang nararapat, na ipaglapan ang kalayaang pangakademiko. “Ngayon ay hinahamon muli tayo ng panahon na makiisa sa laban ng anakpawis.” ani David Perez mula sa League of Filipino Students. Nagtapos ang programa sa pag-awit ng UP Naming Mahal na siyang pinangunahan ni Ryan Cayabyab matapos niyang ipahayag ang kaniyang mensahe ng pagsuporta sa #DefendUP.
Usaping Cha-cha, patuloy sa gitna ng pandemya ni Brent Justine Cruz Muling isinusulong ang Charter Change o Cha-cha sa Senado at Kongreso sa kabila ng nararanasang pandemya ng bansa. Ayon sa mga sumangayon sa pag-amyenda sa Saligang Batas, hindi na raw ito angkop sa kasalukuyang sitwasyon at dapat nang baguhin upang matugunan ang dinaranas na kahirapan ng mga mamamayan at krisis sa lipunan. Sa mataas na kapulungan, inihain na nila Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Francis Tolentino ang Resolution of Both Houses No. 2 na naglalayong pagsanibin ang Senado at Kamara bilang Constituent Assembly at amyendahan ang democratic representation at economic provisions ng 1987 constitution. Naniniwala sila na napapanahon na raw upang
baguhin ang ilang batas tungkol sa ekonomiya, lalo na sa panahon ngayon kung saan maraming industriya apektado at upang umunlad ang ekonomiya sa panahon ng aniya “global uncertainty”. Samantalang pinulong naman ni House Speaker Lord Peter Velasco sa kamara si Rep. Alfredo Garbin Jr., Chair, House Committee on Constitutional Amendments kasama ang ilang house leader upang pag-usapan ang nasabing charter change. Iginiit ni Garbin na tanging pagnenegosyo lamang ng mga dayuhan sa bansa ang layong amyendahan sa Saligang Batas kung saan magkakaroon ng pagpapaluwag sa economic provisions ng konstitusyon na naglilimita sa mga banyaga na magmay-ari lamang ng 40% ng negosyo o korporasyon. “The direction of this
committee is only to tackle provisions in article 12, 14, and 16 specifically on economic restrictive provisions,” aniya. Tinutulan naman nito ni Atty. Christian Monsod, isa sa pagbalangkas ng 1987 Constitution at nagpahayag ng kanyang pagsalungat sa isinusulong na cha-cha. Para sa kanya, tila pabor lamang sa Tsina ang pagpasok ng dayuhang negosyante sa Pilipinas sa gagawing pag-amyenda sa Saligang Batas. Nagpahayag din sina Senador Franklin Drilon at Francis Pangilinan ng kanilang pagkondena sa desisyong ito ng Senado at Kongreso, dahil umano mas dapat unahin ang iba pang mga problema ng bansa na nangangailangan ng agarang aksyon kaysa sa pagsusulong ng charter change. “Maraming mga panukalang batas that can address the so called
[economic] restrictive provisions,” dagdag pa ni Drilon. Ganito rin ang naging pahayag ni Rep. Arlene Brosas ng GABRIELA Partylist sa isyung ito, aniya, ang pag-amyendang ito ng Saligang Batas ay hindi agarang makapagbibigay ng kaginhawaan sa mga nagdurusang mga Pilipino. Bukod sa usaping pagpapaluwag ng economic restrictive provisions, pinangangambahan kabilang din sa aamyendahan sa Saligang Batas ang pagtatanggal sa partylist system maging ang pagpapatagal pa sa pwesto ng mga nakaupong pulitiko. “Ginagawa lamang dahilan itong pagbabago raw sa economic provisions, pero ang sa likod din nito ay ang talagang pagtutulak ng mga politikal na pagbabago, gaya ng term extension,” paliwanag ni Rep. Carlos Zarate mula sa BAYAN MUNA Partylist.
BALITA/NEWS
5
Dagdag P1.54B na pondo, matatanggap ng PGH ngayong taon
(Larawan mula sa ABS-CBN) Naging malaking hamon sa PGH ang pagkakatalaga nito bilang COVID-19 Referral Center dahil sa kakulangan nito sa kagamitan at pasilidad.
ni Charmaine Alba
Aabot na sa P210.2 bilyon ang pondo ng Philippine General Hospital (PGH) ngayong taon matapos ipahayag ni Senador Sonny Angara na madaragdagan ito ng P1.54 bilyon sa ilalim ng P4.5 trillion General Appropriations Act for 2021. Mas mataas ito nang 19.6 porsyento kumpara sa nakaraang pondo ng ospital noong nakaraang taon. Naging posible ang dagdag pondo na ito ay upang masiguradong makapagpapatuloy ang ospital ngayong taon sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga pasyente sa kabila ng lumalalang pandemya. Taon-taon, ayon sa pamunuan ng PGH, kalahating milyong pasyente ang nakikinabang sa mga libreng serbisyo ng ospital kaya naman malaking tulong ang dagdag badyet na ito upang matugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga pasyente. Dagdag pa rito, ang badyet ay makatutulong din upang mas marami pang pasyente ang mabigyan ng heart surgery. Nakapagsasagawa ng 50 heart surgeries taon-taon ang PGH, at dahil sa dagdag badyet na ito ay maaari nang madagdagan ito at umabot sa 200 surgeries ngayong taon. Bukod pa rito, maaari na ring makapagpatayo ang PGH ng multi-specialty facility na makapagseserbisyo sa mga pasyente ng renal care, psychology, dermatology, neuroscience at advance laboratory services at masisimulan na rin ang planong microbial bank ng ospital. Bagaman madadagdagan ang pondo para sa ospital, walang
balita kung madaragdagan din ang sweldo ng mga empleyado rito. Maalala nitong nakaraang taon ay nagprotesta ang mga frontliners ng PGH sa kawalan ng kanilang hazard pay pati na rin ang pagkakaantala ng pamamahagi ng allowance. Ayon sa mga nagkilosprotesta, hiling lamang nila na maipagkaloob na ang ipinangako ng gobyerno sa kanilang hazard pay at special risk allowance sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act mula Marso hanggang Mayo. “Sana po mayroong explanation kung bakit ito nadedelay. May mga kasamahan po kaming nagresign, nagretire, namatay din at nagsilbi habang pandemic. Dapat napakinabangan na nila ito pero dahil sa pagkaantala ng pagbibigay ay hindi na po 'yun mangyayari," panawagan ni Karen Faurillo, pangulo ng All UP Workers Union-Manila. Nanawagan din ang grupong Alliance of Health Workers (AHW) sa mga mababatas hinggil sa pagpapadefund ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at hiniling na ilaan na lamang ang P19 bilyong pondo nito para sa mga ospital upang makatulong sa pagtugon sa pangangailangan ngayong pandemya. “Health workers strongly urge our legislators to defund NTFELCAC and re-allocate its P19 billion so that it may not be wasted or may be used for corruption and votebuying activities in the upcoming 2022 national and local elections,” pahayag ng grupo. Anila, mas mabuting ilaan na lamang ang pondong ito upang makapagbigay pa ng libreng serbisyong pangkalusugan sa publiko.
SC denies Aetas petition to intervene in anti-terror law News Team
The Supreme Court junked the plea of two Aetas to intervene in the Anti-Terror Law oral arguments. Japer Gurung and Junior Ramos were the first to be charged with terrorism under the controversial law after being accused of killing a soldier last August 21, 2020. They filed their petition through the help of the National Union of Peoples’ Lawyers. Solicitor General Jose Calida had claimed that Gurung and Ramos were forced by the NUPL to file the bid in exchange for 1,000 pesos. NUPL has since strongly denied this claim. “There was no coercion, force, deceit, misrepresentation, favor or any other act or omission that vitiated the free, prior and informed consent of the Aetas to agree to the filing of the Petition-in-Intervention as the well-documented (videos and photos) consultations with Atty. Oliva was conducted before a long table separated by a plastic barrier within sight and hearing distance of the BJMP guards,” said NUPL. Japer Gurung recall being tortured by the military, most notably being forced to eat their own feces, in
5
an attempt to have them confess to the crimes accused against them. Their first-hand experience could potentially be of help in the concerns raised over in the petitions against the law. However, their petition had already been unanimously denied by the SC even before Calida presented the Aetas’ joint-affidavit regarding their withdrawal from the petition-tointervene. "The petition for intervention has been unanimously denied by us this morning, so is there still a need for you to read all of those documents because we have already denied the petition for intervention?" Chief Justice Diosdado Peralta asked Calida. On February 10, the Aetas said they no longer want to be represented by NUPL as they now prefer the Public Attorney’s Office (PAO). This was said in a press conference organized by the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. This case is similar to that of when Calida had 22 fishermen back out from filing their petition in regard to the government’s neglect of the West Philippine Sea in 2019. The fishermen were then represented by the Integrated Bar of the Philippines (IBP).
UPM admin, tutol sa pagwakas ng UP-DND Accord ni Vienne Angeles
Kamakailan lamang nang biglang nilusaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mahigit tatlong dekada nang kasunduan ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) at ng Department of National Defense (DND) na nagbabawal sa puwersa ng pulis at militar na manghimasok sa Institusyon. Ang hakbang na ito ay kinundena naman ng UP Manila sa isang pahayag. Sa pahayag ng mga opisyales, kaguruan, at kawani ng UP Manila, kanilang idiniin ang kahalagahan ng kasunduan sa pagpapanatili ng kritikal na pagsusuri sa Unibersidad lalo na sa panahon ng lumalalang represyon at militarisasyon mula sa estado. “The UP – DND Accord remains highly relevant under the current circumstances. Under a militarized and repressive environment, the Accord provides the University with a tool to protect its constituents and its institutions from external interference and the threat of violence, especially emanating from the State. The Accord has contributed in the preservation of the University’s intellectual independence. It has been valuable in maintaining the University as a bastion of critical thinking and dissent against repression and authoritarian rule.” ayon sa kanila. “The unilateral decision of the DND under the leadership of Secretary Delfin Lorenzana is highly unacceptable and cannot be forcibly imposed on the University of the Philippines, the national university of the country. Claiming that the Accord has served as a “hindrance in providing effective security, safety, and welfare of the students, faculty, and employees of UP” is certainly an empty assertion and cannot be used as justification over this arbitrary action. On the contrary, the termination of the Accord will make University constituents vulnerable to State
attacks and various forms of human rights violations.” dagdag pa nila. Ani Lorenzana, nagsisilbing kuta umano ng rekrutment para sa partidong komunista ang UP. Marami aniyang mga estudyante ng Unibersidad ang namumundok at sumasapi sa armadong kilusan. Matatandaan rin noong nakaraang taon nang sinubukang windangin ni Pang. Rodrigo Duterte na ititigil niya ang ang pagpondo sa Unibersidad. Dagdag pa rito, sinambit din ng Pangulo na wala ng ginawa ang mga mag-aaral ng UP kung hindi ang magrekrut para umano maging komunista. "Walang ginawa itong ano kung 'di mag-recruit ng komunista diyan. Tapos nag-aaral kayo, ang gusto ninyong binibira ang gobyerno. Masyado naman nakasuwerte kayo," aniya noon sa isang online na pagpupulong. Ito nama’y sinagot ng UP admin sa kanila pahayag na hindi sila nagrerekrut para sa partidong komunista dahil hindi ito kasama sa kanilang misyon bilang isang institusyon. “The University’s core mission is knowledge and innovation creation, production, and dissemination, using various approaches of knowledge transfer. UP does not recruit for the communists as this is not its mission,” paglilinaw nila. Kaugnay nito, sinabi ng isang opisyal ng Unibersidad na bukas silang makipagdayalogo sa mga kawani ng DND upang pag-usapan ang pinawalang-bisang accord. “Gaya ng sinabi na namin, ang UP naman laging open sa dialogo lalo na sa mga bagay na pareho nito,” ani UP Public Affairs vice president Elena Pernia sa isang panayam sa telebisyon. Enero 15 nang ganap na ibinasura ni Lorenzana ang UP-DND accord sa hindi makatotohanang dahilan.
6
FEATURES/KULTURA
Domestic Violence: A Growing Concern amidst Covid-19 Pandemic in PH by Julia Pagal The Commission on Human Rights (CHR) has warned of the increasing cases of Domestic Violence in the Philippines as the lockdown continues to trap victims with their abusers. In a study commissioned by the United Nations Population Fund (UNFPA), intimate partner violence cases will see an approximated increase of 16 percent, while 839,000 women are to experience gender-based violence (GBV) during the pandemic. Another survey among 25,000 women done by Plan International has also shown an increase in sexual harassment online. Meanwhile, the Philippine National Police (PNP) has also reported 1,745 cases of crimes against children in early June 2020. Violence against the LGBTQ+ is also seen to spike as the pandemic progresses in the country. Prior to the pandemic, several studies have already cited the increase of risk of violence among households at
KULTURA
the onset of wars and disasters which includes pandemics. A recurring issue Even before the pandemic, domestic violence has been a constant battle for the Philippines. Statistics have shown 1 out 4 Filipinas married or have been married at least once have experienced violence while 12 to 15 men out of every 100 couples have experienced abuse in their relationships. Reports have also shown that 1 in 130 people (mostly children) become victims of cybersex trafficking in the Philippines. Gendered violence targeting the LGBTQ+ has also been put into light as the country struggles to provide legislations that protect their rights. Despite existing laws such as the Anti-Violence Against Women and Their Children Act (RA No. 9262) and Safe Spaces Act (RA No. 11313), domestic violence has continued to thrive and worsen throughout the pandemic.
Call to action As the pandemic pushes the country into prolonged lockdowns, NGOs together with their initiatives have continued to urge the authorities to strengthen the measures against domestic violence. Furthermore, House Bill 4888, or Anti-Violence against Partners and their Children Act - an amendment for RA No. 9262 - has been proposed to include men and the LGBTQ+ community in the law’s protection against domestic violence. Institutions also call for the public to raise awareness about domestic violence and ways to combat it. CHR has also launched a platform for reporting gender-based violence online. Numerous hotlines are also available to reach out to in these kinds of situations:
(035) 422 84 05 | +63 915 259 3029 | +63 999 576 6679
Gender Watch Against Violence and Exploitation (GWAVE) https://www.facebook.com/ GWAVEPhilippines/
ING MAKABABAYING AKSYON (IMA) Foundation https://www.facebook.com/ imafound96 (045) 323 4750
PNP Hotline: 177 PNP Women and Children Protection Center 24/7 AVAWCD Office: (02) 8532-6690 wcpc_pnp@yahoo.com / wcpc_ vawcd@yahoo.com / avawcd.wcpc@ pnp.gov.ph Luna Legal Resource Center for Women and Children https://www.facebook.com/ lunalegalcenter/ (082) 306-5761 Women’s Care Center Inc. (WCCI) https://www.facebook.com/wcci. manila/ +63 999 577 9631 | +63 920 967 7852 | +63 917 825 0320 | (02) 8514-4104
KALEL, 15: a film review on the reality of HIV cases in the Philippines
by Elycia Deang THE REAL REALITY Most movies would give you a taste of reality but Kalel, 15 offers more than just a taste. In fact, it would slap you of a reality—that many of us either deny its existence or are completely ignorant of it—and then immerses you to these raw emotions portrayed by a subtle blank stare or downcasted gaze. Through his film, director and writer Jun Robles Lana brought light to HIV and its stigma, the double standards of Catholicism in the Philippines, the neglect on the ever pressing issue of premarital sex especially in the youth, and the impact of dysfunctional families in juvenile development. No wonder, Jun Robels Lana won the Best Director Award at the PÖFF–Tallinn Black Nights Film Festival last 2019 with his masterpiece Kalel, 15. THE REALITY IN FICTION The reality lies with every raw emotion that one can feel while watching rising star Elijah Canlas as he plays the role of Kalel, a highschool student from a Catholic school who is diagnosed with HIV at a young age. Lana made no beating around the bush when right from the beginning, he made sure that his viewers would feel the graveness of the situation with an opening scene in the hospital.
The screen, flashed only in grayscale, showed a despondent Kalel whose head hung low as he hid his face behind the hood of his jacket just as he hid his emotions with a fake unperturbed face. Furthermore, we could hear the doctor speaking incoherently in the background as it was intentionally muffled to amplify the confusion and turmoil that Kalel must be feeling inside at that moment. From this point on, it was deliberately expressed that Kalel was diagnosed with an illness that significantly changed his life. It sure wasn't easy for Kalel to live his life with a mother (Jaclyn Jose) who cared more about people’s opinion of her as a parent yet ironically left her children for her lover, an older yet war freak half-sister (Elora Espano) who is in a relationship with a junkie and an estranged father (Eddie Garcia) who is also a local priest in their neighborhood. A seemingly wellrounded student during the day, Kalel parties, smokes, does drugs and makes out with his girlfriend after class. While he is always seen as nonchalant when dealing with his dysfunctional family and the hypocrisy that surrounds his life, Canlas ironically served only the darkest and rawest of emotions as his character Kalel went on a downward spiral after being abandoned by the people he loves. The pivotal turn of events was creatively demonstrated
by switching the screen’s aspect ratio from 4:3 to a square. As the screen closes up to Kalel, it also signifies his shrinking world as he continuously gets abandoned at first by his mother, then by his girlfriend and later on by his friends. The film presented in black and white ultimately deprived viewers of any warmth and portrays only the bleakest, darkest yet earnest of emotions. One could even describe the film as straightforward and unconventional with its realistic narration that certainly did not offer false hope to its viewers. While the film did not elaborately focus on the sexuality of the protagonist, it still depicted the catfish alter ego of Kalel in scenes where he would post thirst traps and his social media accounts where seen filled with messages from gay men offering sex. These scenes somehow gave viewers a hint on how Kalel might have acquired his HIV since it was never explicitly explained, not until the ending offered a more explicit assumption. This is mainly because the angle of the movie lies more on the aftermath of acquiring HIV and living with it than romanticizing the cause of it. THE REALITY OF HIV AND POVERTY Metaphorically speaking, HIV may as well symbolize the incurable
disease of our society: poverty. Just like how HIV attacks the immune system of our body, poverty hinders the growth of our country’s economy and the many lives of its citizens. With this, some viewers characterized Kalel, 15 as a poverty porn and have criticized the film for romanticizing Kalel’s family’s poverty at some point. But looking at a bigger picture, one could also see that the poverty merely adds up to the helplessness of a fifteen year-old boy with HIV. Similarly, the Philippines being soaked in poverty results in the lack of facilities that may aid patients with HIV and programs that properly educate the public against its stigma. However, not only poverty impedes the issue of HIV awareness in the country but also the problem with the conservative culture of Filipinos (a show of double standards) that makes the root of HIV—i.e., inadequate sex education for youth—a taboo. There’s no good in trying to escape the reality that the Philippines has the fastest growing rate of HIV cases in Asia. The only way to solve a problem is to face it head on, and facing it means correcting the myths about HIV, raising awareness and lending support to our brothers and sisters who are battling this virus. By doing so, we could definitely save another Kalel from a bleak future.
OPINION
7
THE GLOBAL VACCINE CRAZE by Kent Benedict Pelonio It has begun. News of a Coronavirus vaccine turning up has shaken the internet the past few days, and it's understandably no surprise why. More than nine months in lockdown has done a great deal on the world — in some countries more than others, naturally — and with most administrations opting to wait for the possible solution to arrive in a silver platter, the announcement’s eventual arrival is more than enough to bring everyone to their feet. This, to many, was the light at the end of the tunnel they had been expecting and in less than a moment, countries have begun clamoring to get their own supply of doses, in high hopes of getting life’s original pace to kickstart once more. But, judging by the looks of it, for nations of less-established privilege, hope doesn’t seem like it plans to arrive any time soon. WHAT WE KNOW Thrust centerstage among headlines was the November 18th conclusion of the final phase of clinical trials for BNT162b2, a multinational vaccine candidate developed by pharmaceutical corporation Pfizer and biotechnology company BioNTech, which had found an efficacy rate of 95% in subjects with and without previous records of COVID-19 infections. Leaning in close behind is Moderna’s mRNA-1273 vaccine, which also concluded its final phase of trials in mid-November with an efficacy rate of 94.5%. As mRNAbased vaccines, both aim to trigger more rapid responses of the immune system against the COVID-19 virus by inducing the subject’s cells to create an mRNA copy of coding instructions for a foreign protein found in the virus’s exterior, which it uses to infect human cells, and create immunity by allowing the body to trigger these responses when this protein is sighted within the body again. Two doses, one applied approximately three weeks after the first, would ensure maximization of the vaccine’s effects. These findings have led to both candidates’ recognition and approval as viable vaccines for global distribution in several independent states, such as the United States, Canada, and the United Kingdom, who have all secured their shares, drawing from a global vaccine pool of almost two billion doses, including the Philippines, as noted by the World
Health Organization (WHO), set to be delivered through emergency policies ensuring immediate distribution by the end of December. Various personalities, which include politicians and healthcare workers alike, have received the vaccine prior to its worldwide release, in efforts to convince individuals that, backed with the data to support claims, both vaccines are safe and have no adverse effect on human health, and will not, in any way, infect recipients with the virus itself. Despite the world’s eyes being set on acquiring the doses they need to be able to lead a normal life once again, and with its seemingly abundant supply, both the Pfizer-BioNTech and the Moderna vaccines, due to towering public demand, is still not expected to become commercially available any time soon, with most health experts believing that they may not break
through in the public market by at least mid-2021, which means that, for better or worse, two billion doses is all that’s available for now, and countries holding considerably higher power and access to urgent resources will have the first hand — which would be good news for anyone living within said nations’ borders. For developing, less advanced countries, like our population in the Philippines, on the other hand, it’s the back of the line and a slap in the face — which, supposedly, should be without question. WHERE WE GO FROM HERE With the vaccine’s eventual arrival being its primary alibi, the Duterte Administration has constantly chosen to delay engaged action when it came to addressing the pandemic, and when they did arrive, if not remained passive, things only got messier than they were before.
Mid-December brought news of Health Secretary Francisco Duque III mishandling documents that would supposedly seal a deal for the arrival of ten million doses of the Pfizer vaccine in the country by January 2021, a claim he later refuted in opposition to fellow officials who have said so, stating that he had not received any document stating commitments with the pharmaceutical company, and that he did not participate in any form of corruption that would bungle the deal. Filipinos can expect supplies they’ve been promised by June 2021, according to Philippine Ambassador to the US Babe Romualdez, who has stated that supplies from Pfizer, amounting to possibly only five million doses, and that supplies from Moderna and another American pharmaceutical company, Arcturus, through agreements, will be provided by the later half of 2021 — a considerable delay compared to other first-rate nations, whose shipments begin before the new year sets. Constantly growing numbers of active cases and improperly-funded healthcare systems have left thirdworld countries like the Philippines vulnerable in all aspects, with very little chance of returning to the original pace of life within the next few years. The unreasonable prioritization of other issues within the country that are of less importance has pushed concerns with the raging pandemic back, and the acquisition of 25 million doses of the Sinovac vaccine from China, which don’t conclude clinical trials until January 2021, along with the losing fight in the global vaccine craze, has not only put the country in a state of possible collapse, but in a state of unsure recovery, which may lead one to believe that this administration does have a plan for the future, but the safety and welfare of the people it serves may not be a big part of that future. The numbers will only continue to grow, and the healthcare systems, along with the workers and people who cannot be helped, will only suffer more — unless, by any chance of fate, they come to a realization that, in retrospect, the solution cannot possibly be only a single-dose bottle of vaccine, but immediate action and careful planning, which won’t reverse the situation completely, but rather, keep all from suffering in harm. And until such a time arrives — or until shipments for the Philippines begin, whichever comes first— it’s a long way to the end of the tunnel, with a standing journey to see the light of day again.
8
FEATURES
WHEN: The COVID-19 Pandemic Timeline The year 2020 has brought a lot of unexpected events to the country, from a volcanic eruption to earthquakes and the yearly damages that typhoons bring in the archipelago. However, the natural disasters are not as shocking with what the world is facing today -- a global health crisis. Having said that, here’s a timeline of what happened in the Philippines in relation to the COVID-19 pandemic. December 2019 On the last day of the year 2019, the first novel coronavirus outbreak was reported in Wuhan, China. People who are infected with the disease showed symptoms that include cough, sore throat, loss of sense of taste, fever and difficulty in breathing. Even though there was a big possibility that the disease might spread in the country especially since Philippines is in China’s proximity, officials didn’t order a travel ban from China right away. Instead, the Department of Health (DOH) ordered tighter checks on inbound travelers. January 2020 On January 22, 2020, the first suspected case of the virus was investigated in the Philippines. It was only after this day that the country stopped accepting from Wuhan which is said to be the origin of the mysterious virus. As the number of the suspected cases in the country rose, DOH assembled an inter-agency task force (IATF) to address the problems the infectious disease may bring. Chinese nationals can still enter the country despite the risk of the disease and even though President Rodrigo Duterte suspended the issuance of visa on arrival for th Chinese nationals, he still did not ban them from entering the country. According to him, banning travel between the Philippines and China will be difficult. However, he did mention that the government will help the Filipinos in Wuhan in going back to the country. On January 29, the World Health Organization (WHO), declared a global health emergency due to the
emergence of the mysterious virus now known as novel coronavirus (2019-nCoV). A day after President Duterte's refusal of imposing an early travel ban from China, on January 30, the Department of Health (DOH) confirmed the first case of the novel coronavirus (2019-nCoV) in the Philippines. The patient, who was a 38-year old female Chinese national, traveled to the Philippines from the city of Wuhan in China, which is being considered to be the origin of the virus last January 21. She then tested positive for 2019-nCoV after being swabbed in a government hospital after the patient experienced a mild cough. On January 31, President Duterte then ordered a travel ban from China. This came some days after a number of lawmakers called for its imposition to prevent the spread of the virus. February 2020 On February 1, the first 2019nCoV death outside China was reported in the Philippines. The fatality was a 44-year old male Chinese national who happened to be the partner of the 38-year old female Chinese who became the first confirmed 2019nCoV case in the country. From the occurrences of these events, some changes were then made. The medical term “novel coronavirus (2019-nCoV)” was then changed to “coronavirus disease 2019 (COVID-19)” since the virus had been existing for a longer time already, long enough for it not to be considered a novel disease. The Philippine government also expanded the then imposed travel ban from China, specifically, to mainland China, Hong Kong and Macau, then including Taiwan in the list just a few days later. More than a month after these alterations were made, the fear became a reality. March 2020 On March 6, the DOH reported the first confirmed local coronavirus (COVID-19) infection in
the Philippines. The patient was a 62year old male with no known history of travel outside the country, but had frequently visited a local Muslim prayer hall in San Juan City. Though this was considered a local case, there was no clear indication that time yet as to whether this local infection would begin the local transmission in the country. However, the DOH, through its Secretary Francisco Duque III, sent a recommendation of declaring a state of public health emergency to President Duterte. As per Sec. Duque, this shall make the necessary movements and usage of resources needed easier to further address the health situation. Due to this as well, on March 7, various government officials called for the suspension of classes and a workfrom-home setup for employees. Upon the recommendation sent to him by the Department of Health, on March 8, President Rodrigo Duterte declared a state of public health emergency in the country. Other than the previously mentioned easier utilization of resources, the declaration was also expected to cause price freezes on certain necessities and faster acquisition processes for medical supplies. As stated under Republic Act 11332, a public health emergency refers to an “occurrence of an imminent threat of an illness or health condition which could pose a high probability of a large number of deaths…widespread exposure to an infectious agent." Though this was implemented, the President on March 9 meanwhile rejected the idea of putting Metro Manila (the epicenter of the confirmed cases in the country that time) under lockdown. He explained in a public address that it was too early for him to do that since the nation was yet to reach a lockdown level of contamination. Two days after this statement was made, on March 11, the country confirmed its second COVID-19 death and this time, the fatality was a 67year old Filipina, the first local to die of the disease. The woman was confined
at the Manila Doctors Hospital after demonstrating flu-like signs on February 29 and then tested positive for the virus on the day of her death, as well. It was also on this day when the World Health Organization (WHO) declared the COVID-19 outbreak as a pandemic, since the confirmed cases from across the globe that time eclipsed 118,000 with more than 4,000 deaths. The virus had also been detected in all continents of the world but Antarctica. For a new disease to be considered a pandemic, its spread must happen on a worldwide scale. On March 15, Duterte placed Metro Manila under a community quarantine. This restricted land, local air travel, and local sea travel to and from the country’s economic and political center. The community quarantine was initially set up to April 14 but numerous modifications and extensions of quarantine laws are still being implemented to this day. On March 16, Duterte issued Proclamation No. 929, which declared a state of calamity throughout the whole country due to the pandemic and imposed an enhanced community quarantine (ECQ) throughout Luzon. This meant that classes and mass transportation were suspended, stricter travel restrictions were implemented, and residents had to stay at home, except for essential workers. The proclamation of a state of calamity gave the national and local government access to quick response funds to address public demands and increase disaster preparedness efforts amid the limited movements in affected communities. The government’s economic team also allotted ₱27.1 billion for everyone affected by the pandemic and the imposed ECQ. The said spending plan only set aside ₱3.1 billion to procure more COVID-19 testing kits. This budget also consisted of ₱14 billion allocated for boosting the tourism sector, ₱3 billion for scholarship programs of displaced workers by the Technical Education and Skills Development Authority, ₱2.8 billion for affected farmers, ₱2
FEATURES
9
Written by Features Team billion by the Department of Labor and Employment for more displaced workers, ₱1.2 billion for Social Security System unemployment benefits, and ₱1 billion for the financing of small and medium-sized enterprises by the Department of Trade and Industry. On March 24, the government also enacted the Bayanihan to Heal as One Act or RA 11649, which allowed Duterte to reallocate ₱275 billion from the ₱438 billion national budget as part of the government’s pandemic response. This act established a joint congressional oversight committee that was supposed to probe Duterte’s rules and regulations regarding the pandemic, and review his weekly progress reports about the use of the allocated funds. May 2020 Following precautionary measures set by the imposed ECQ, various business sectors were allowed to reopen May 1st, as motives to soften the worsening economic losses due to the limited contact allowed under the pandemic. Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. confirmed the approval of the proposal of the InterAgency Task Force (IATF) allowing chosen sectors to operate under the General Community Quarantine (GCQ) measures effective at the beginning of the month, depending on the location. Sectors allowed to reopen included hospitals, health centers and clinics, all under strict health protocols; Retail establishments, supermarkets, and department stores, as well as food delivery courier services; even public transportation in limited capacities, all under strict moderation. On May 12, Select areas such as Metro Manila, Cebu City and Laguna would consequently fall under Modified Enhanced Community Quarantine (MCQ) due to determined high risk, which allowed limited movement outside home environments, with essential sectors such as retail institutions and transportation working at 50% capacity, individuals only being allowed to leave their homes for essential services and
work. Continuously rising number of cases would then prompt DOH to introduce a new manner of reporting said cases, as confirmed by Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, who explained that cases would be reported as either “Fresh” or “Late”, with the former being cases with test results that were validated by the Epidemiology Bureau in the last three days, while the latter being those validated 5 days or older. June 2020 By June 1st, the rising number of cases would also prompt President Duterte to approve holding Metro Manila under GCQ, along with Davao City, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Pangasinan, and Albay, in order to appease the doubling rate of cases being reported within the areas. The rest of the country, on the other hand, would be placed under Modified GCQ, which serves as the lowest form of quarantine, with generally the most lenient policies and guidelines. On June 5, the Philippine Statistics Authority reported 7.3 million unemployed Filipino adults in April. This is an all-time high of 17.7% unemployment rate following the economic shutdown brought about by the pandemic. PSA also reported 13 million Filipinos who are unable to report to work due to lockdown protocols. Labor groups emphasized that this increase to unemployment rate is due to the “inept” lockdown and state policies. On June 8, the Department of Education (DepEd) announced the postponement of face-toface classes until the availability of vaccines. This is reiterated in the president’s recorded address with a directive of “no vaccine, no classes''. Meanwhile, DepEd insisted on starting the blended or distance learning on August 24 despite calls for delaying classes to enable teachers to prepare for this new set-up. On June 11, the national government suspended the Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa project to prioritize aiding the locally-stranded
individuals. This was prompted by the death of Michelle Silvertino, a single mother who died after several days of trying to catch a ride to her province in the midst of lockdown. She was found unconscious after being stranded on a footbridge. The Hatid Tulong program is an effort to help stranded individuals home while public transportations remains restricted. On June 29, the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases suspended the return of locally stranded individuals to Western Visayas, Ceby, Eastern Visayas and Caraga region. This is due to the lack of quarantine facilities in regions 6 and 8 while Cebu Island and Mactan are under the ECQ. August 2020 On August 2, the number of local COVID-19 cases reached over 100,000 according to the Department of Health. On that day, there were 5,032 cases, marking the fourth consecutive day where the country would have had record-breaking increases. The death toll was at 2,059 with 20 more fatalities. Along with that, there were 9,569 infections among Filipinos abroad according to the DFA. On August 16, the number of jobless adults reached 45.5%. That would be the equivalent to over 27.3 million Filipino people. This was a huge jump from April considering that at that point the number of jobless people reached 17.7% or 7.3 million. Roque made light of this situation stating that he was glad that it only reached 45% and not 100%. Many found this statement to be offensive and lashed out at Roque for his lighthearted attitude when he should have taken the situation seriously. On August 26, there were over 200,000 cases which is less than a month away from when the country breached 100,000. While the number of recoveries increased, the fast increase would mean that there was little to no improvement in the situation in the country.
September 2020 Most would presume that the government would make this a priority, however on September 19, the Manila Bay was revealed to have finished its beautification project. There was a crowd of people looking at the Dolomite on Manila Bay, thereby breaking quarantine guidelines and the government not even stopping them. This event went viral on social media, many people citing that this was not ideal for what the country was going through. On September 26, a month after the 200,000 cases breach, the Philippines reached the 300,000 cases mark with over 60,000 active cases. October 2020 Soon after that, on October 1, Boracay was again open to tourists. Roque even went as far as to record a video of him telling people to go to Boracay as soon as possible. December 2020 As of December 22, there are over 462,000 cases in the Philippines with a sum total of 429,000 recoveries and 8,957 deaths. As of this writing, the country is still under quarantine and just recently, the Philippines lost its access to over 10 million doses of Pfizer vaccine due to the negligence of a government official. Meanwhile, there is a new strain of coronavirus in the United Kingdom. The Philippines has not yet recovered from the effects of the virus and now it must get ready for a new war. Even up until today, many Filipinos are still struggling to the “new normal” caused by the pandemic. The health crisis in the country is far from over. If people would continue to wait as instructed by the country’s leaders, Filipinos would continue to face problems they aren’t ready to fight. Of course, the Philippines would recover from this health crisis but the big question is when?
10
LATHALAIN
Paglala ng Atake sa Malayang Pamamahayag ni Margaret Martinez
Noong tuluyan na ngang naipatigil ang pagpapalabas ng programa at balita ng ABSCBN matapos itong bigyan ng cease and desist order (CDO) ng National Telecommunications Comission (NTC) noong Mayo 5, 2020, hindi lamang ang mga empleyado ng ABS-CBN ang lubos na naapektuhan sa kanilang pagsasara dahil bukod sa mga maliliit na negosyo at establisimiyento malapit sa headquarters ng ABS-CBN, karapatan din ng milyon-milyong Pilipino sa malinis at tapat na impormasyon ang kasalukuyang nanganganib dahil dito. Ngunit bukod pa rito, ang malaking tanong na kinakailangang masagot ay kung ano nga ba ang nais ipahiwatig sa pag-atake sa nangungunang media network ng bansa? Septyembre 2014 nang unang inihain ang panukalang batas sa ika-16 na kongreso para sa franchise renewal ng ABS-CBN
ngunit binawi ng ABS-CBN ang kanilang aplikasyon dahil sa “time constraints” at nagpahayag na lamang na susubukan muli nilang kumuha ng bagong prangkisa sa ika-17 na kongreso. Nobyembre 2016 nang inihain muli sa kongreso ang franchise renewal ng ABSCBN. Sinundan pa ito ng ilang panukalang batas na naglalayon ding bigyan ng bagong prangkisa ang korporasyon. Ang pagpapasa ng mga panukalang batas para sa franchise renewal ng ABSCBN ay umabot din sa ika-18 na kongreso, kasabay ng mga ito narinig din ng mamamayang Pilipino ang saloobin ni Pangulong Duterte para sa network. Noong Abril 2017, inakusahan niya ang korporasyon ng panloloko dahil hindi umano ibinalik ng ABS-CBN ang ibinayad ng kanyang kampo sa kanyang mga political ad na hindi naman naipalabas sa publiko. Isyu rin sa pagitan ng Pangulo at korporasyon
ang pag-ere ng isang anti-Duterte ad noong halalan 2016. Sa ilang mga pahayag at talumpati, sinabi rin ni Pangulong Duterte na sisiguraduhin niya na hindi na magkakaroon muli ng bagong prangkisa ang korporasyon. Sinabi rin niya na mas mabuti pang ibenta na lamang ng mga may-ari ang kumpanya. Taong 2020, ang taon kung saan mapapaso na ang prangkisa ng ABS-CBN, nakabinbin pa rin ang mga panukalang batas para sa franchise renewal ng korporasyon. Pebrero ng parehong taon, naglabas si Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition sa Korte Suprema na naglalayong tanggalin ang prangkisa ng kumpanya dahil sinasabing may mga banyaga rin na nagmamayari sa korporasyon na isang paglabag sa 1987 Konstitusyon. Sa mga susunod na araw, tinalakay rin ang pagbibigay ng NTC sa ABS-CBN ng provisional
authority na naglalayong hayaan ang korporasyon na patuloy patakbuhin ang kanilang mga programa hanggang sa magkaroon ng desisyon ang kongreso. Tinalakay ang pagkakaroon ng bagong prangkisa ng ABS-CBN sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas ngunit dumating na ang Mayo 4, 2020, araw kung saan tuluyan nang mapapaso ang prangkisa ng korporasyon, wala pa ring desisyon ang kongreso. Mayo 3, 2020, binantaan ng Solicitor General ang NTC ukol sa provisional authority na una nang binigay sa korporasyon at pagdating ng Mayo 5, 2020, ipinatigil ng NTC ang operasyon ng ABS-CBN. Sa unang silip, isang malaking kumpanya lamang ang naipasara ng gobyerno sa ilalim ng Administrasyong Duterte ngunit kung titignang maigi, ang hindi pagbigay ng bagong prangkisa sa ABSCBN ay isa ring pag-atake
LATHALAIN
sa malayang pamamahayag lalo na’t ang ABS-CBN ang pinakamalaking kumpanyang nakapaglalahad ng balitang mayroong malawak na naaabot. Pahayag ng Photojournalists’ Center of the Philippines (PCP), isyu ito ng malayang pamamahayag dahil wala na ang mga platapormang ginagamit ng mga mamamahayag para makapag-ulat sa mga tao. Natanggal na ang nagbibigay daan para maabot ng mga mamamayan ang mga impormasyong dapat nilang natatamasa. Ayon rin sa PCP, hindi matibay ang mga paratang ng kongreso sa ABSCBN para hindi sila bigyan ng bagong prangkisa. Dagdag nila, kung mayroon mang pagkakamali ang korporasyon dapat na lamang na binigyan sila ng karampatang parusa dahil ang hindi pagbibigay ng bagong prangkisa ay hindi dapat nangyayari sa isang demokratikong bansa. Sa usaping demokrasya kaugnay ng pagpatigil sa operasyon ng ABS-CBN, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na kasalukuyang may kapangyarihan ang tagapagbatas at tagapagpaganap na dalawa sa tatlong sangay ng pamahalaan sa mga media network at sa pangyayaring ito, nagsisimula nang humina ang demokrasya sa bansa. Sa tingin naman ng National
Union of Journalists (NUJP), isang patunay lamang ang hindi pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN na nanganganib at maaaring maging biktima ang mga mamamahayag sa bansa. “Kung ang isang wellestablished, popular news and public affairs and media organization ng Pilipinas ay naba-blackmail, nagiging biktima ng gusto nilang pagbabago ng depinisyon ng press freedom, sino [ang] makakapagsabi na tayo, mga mamamahayag, ay hindi rin magiging biktima sa susunod?” ani ni NUJP Secretary General Raymund Villanueva. Tulad nga ng natanaw na sa malayo ni Villanueva, ang mga simpleng mamamahayag ay mukhang maaari ring maging biktima. Noong Hunyo 15, 2020 hinatulang may sala si Maria Ressa, ang isa sa mga nagtayo ng Rappler. Kasama ni Ressa na mahatulan si Rey Santos Jr. sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act na nagmula sa pagsulat nila ng isang artikulo noong taong 2012. Hindi pa naisasagawang batas ang Cybercrime Prevention Act noong nailabas ang artikulo nina Ressa at Santos. Gayunpaman, hinatulan pa rin silang may sala ng hukuman. Hinatulan sina Ressa at Santos ng anim na buwan hanggang
anim na taon ng pagkakakulong ngunit hindi sila agad-agad na naikulong dahil sa nakabinbin na appeal of conviction sa mga mas matataas na hukuman ng bansa, kabilang na ang Korte Suprema. Bukod pa rito, noong Disyembre 10, 2020, Araw ng Karapatang Pantao, inaresto si Lady Ann Salem, ang patnugot ng Manila Today. Sinasabing pinatalikod si Salem at kanyang kasama ng isang oras habang ginalugod ng kapulisan ang kanyang tahanan. Sinasabi ring hindi pinahintulutang mabigyan ng pagkakataon sina Salem at ang kanyang kasama na makatawag ng abogado. Ang mga kaganapang ito raw ang nagbigay daan upang makapagtanim ng ebidensya tulad na lamang ng mga bala at baril ang mga kinauukulan. Mula noong nagsimula ang kasalukuyang administrasyon, malinaw na nababanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang mga talumpati ang opinyon ukol sa mga Pilipinong mamamahayag. Sinabi niya na ang mga mamamahag daw ay hindi ligtas mula sa pagpatay. Dagdag pa rito, paulit-ulit niya ring pinaringgan at pinaulunan ng mga insulto ang mga ito. Binantaan niya rin na ipapasara ang Philippine Daily Inquirer, Rappler at ABSCBN na hanggang kasalukuyan ay limitado pa rin ang operasyon sa telibisyon. Gayunpaman, kahit
limitado ang galaw ng media giant, unti-unti na itong bumabangon mula sa pagkalumok gawa ng pagpapatigil sa kanilang ere. Isang malaking diskurso sa buong bansa ang pagpapatigil sa mga operasyon ng ABSCBN. Mayroong mga sang-ayon at mayroon ding tutol. Marami ang nagbigay ng kanilang mga opinyon ukol dito lalo na’t aktibo ang naging papel ng Pangulo sa usaping ito. Sa pagpapasara sa isa sa mga pinakamalaking kumpanya sa buong bansa, idagdag pa rito ang mga pag-aresto sa mga Pilipinong mamamahayag katulad nina Ressa at Salem, patuloy na tinatalakay ang isyu ng malayang pamamahayag at karapatang pantao. Ani ng mga ka-alyansa ng Pangulo, hindi nila inaatake ang karapatang ng mga tao sa pamamahayag. Sinabi rin nila na ginagawa lamang ng gobyerno ang dapat nilang gawin upang tapusin ang paggamit ng isang pamilya sa isang bagay na pag-aari naman ng publiko para sa sariling kapakanan. Ngunit sa kinahatnan ng mahabang paglalakbay ng ABS-CBN para makakuha ng bagong prangkisa, sino nga ba talaga ang nakinabang? Kaninong personal na interes nga ba ang napaglingkuran?
11 11
12 12
KULTURA
Bagong Tono ng Lumang Tugtugin ni Vidal Villanueva Jr. Mula sa malahalimaw na Anti-Terrorism Law (ATL), sa kibitbalikat na tugon sa pandemya, mga anomalya ng korupsyon at katiwalian, at hanggang sa patuloy na pagkitil sa buhay ng mga inosente at maralita, inilatag ng rehimeng Duterte ang kaniyang pagpopostura ng pagsalungat sa mga panawagan at ipinaglalaban ng masang patuloy na pinagsasamantalahan lalo na pagdating sa mga karapatang pantao at karapatan sa malayang pamamahayag sa ilalim ng lumalalang krisis dulot ng sementadong pasismo sa bansa. Humigit sa isang taon na noong idineklara ang pampublikong krisis pangkalusugan na COVID-19, pinaralisa nito hindi lamang ang sektor ng kalusugan, kung hindi pinagapang din ang ekonomiya at pamumuhay ng mga ordinaryong mamamayan lalo na ang mga maralitang manggagawa. Habang ang ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya katulad ng Thailand, Singapore, at Indonesia ay gumawa na ng mga karampatang tugon sa COVID-19, patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng nagkakasakit sa Pilipinas at lumampas na nga sa 500,000 ang naitalong kaso sa bansa, subalit hindi rin ito naging hadlang para iwaksi ang naghihingalong demokrasya at kalayaan ng mga Pilipino. Katunayan, ang inilatag na priyoridad ay bagkus nasa walangpakundangang pagsabatas ng ATL
noong Hulyo na nagpapahintulot sa sistematiko at may malaking makinaryang “red-tagging” sa mga pinaghihinalaang terorista o kalaban ng gobyerno. Base sa pinakahuling datos, mga mahihirap, progresibo at mga katutubo ang mga unang nakaranas ng bagsik ng naturang batas tulad ng mga personalidad na sina Randy Echanis at Zara Alvarez na kilalang kritiko ng gobyerno. Ngunit wala pa man ang batas na ito ay nariyan na ang panunupil na ginagawa ng rehimen sa mga tumitindig at lumalaban. Kasama sa mga pagpatay ay ang walang-habas na karahasang pinangungunahan ng mga pulisya at militar kagaya ng mga panghuhuli sa gitna ng mga kilosprotesta at mobilisasyon gaya ng nangyari sa #Cebu8 at #HRD7. Ang mga ito ay hudyat lamang ng mga anti-mamamayang pagpapamalas ng pagyurak sa karapatan sa malayang pamamahayag na nararanasan sa ating bansa na mas pinalala pa ng ATL. Ayon sa mga kritiko, ang mga nasabing priyoridad ay taliwas sa dapat bigyang-pansin ni Duterte sa panahon ng pandemya. Hanggang ngayon, usad-pagong pa rin ang solusyong medikal laban sa COVID-19 sa kabila ng pagkakaroon ng bakuna ng ibang mga bansa. Limitado pa rin ang testing na ginagawa para sa COVID-19 na pawang malaking kadahilanan sa hindi epektibong pagkontrol sa lumulobong mga kaso, lalo pa’t may panibagong banta ang COVID-19 dala ng panibagong klase ng virus.
Gayunpaman sa talamak na paglapastangan sa mga karapatan sa malayang pamamahayag, kapansinpansin na hindi lamang ang mga aktibista ang maaaring maging biktima nito, kung hindi maging kahit sinong may aktibong opinyon sa mga kapabayaan ng estado. Kamakailan, sagad-sagarang pang-iipit ang ipinamalas ng gobyerno dahil sa makaisang panig na pagwaksi sa Kasunduang UP-DND ng Department of National Defense. Ang nasabing kasunduan ang nagbabawal sa mga pulis at militar na manghimasok at kumilos sa loob ng mga pamantasan ng UP System nang walang pahintulot ng administrasyon ng Pamantasan. Sa gitna ng malalang paglabag sa karapatang pantao na pinatunayan ng mga kaso ng human rights violations, ang pambubusal sa karapatang umimik ay pawang lumang taktika na para patahimikin ang mga patuloy na sumisigaw at gawain mismo ito ng tunay na mga terorista. Kasaysayan na ang nagdikta na walang pinipiling panahon ang mga berdugo para lantarang atakihin ang mga batayang karapatan ng mga mamamayan. Ngunit, kasaysayan din ang nagdikta na wala pang diktador ang nakabali sa gulugod ng bayang patuloy na lumalaban. Ngayong isinusubo sa atin ang panibagong tono ng isang tukoy na tukoy na musika ng pasistang diktadura, lalo’t higit na panahon ito para paalabin ang pakikibaka at pagpapakita ng palabang-diwa laban sa mga pambubusabos ng estado.
LATHALAIN
13 13
Inutang na dugo ni Kyla Zoleta Mula noong pagkakahalal kay Duterte bilang pangulo ng Pilipinas noong 2016, libo-libo na ang inutang na dugo ng kanyang rehimen. Tinataya ng Philippine National Police na nasa 5,526 ang mga napatay sa engkwentro mula Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2019, ngunit ayon sa mga human rights groups hindi pa kasama rito ang ilan pang libong pinatay ng mga unidentified gunmen na hindi pinagtutuunang pansin ng pulisya. Kung susumahin, aabot na sa 27,000 ang bilang ng pinaslang sa ilalim ng Rehimeng Duterte.
Aldrin Castillo, 25 taong gulang. Ika-2 ng Oktubre 2017. Mag-aalas dose ng gabi nang barilin si Aldrin sa Tondo, Maynila. Patawid ng kalsada ang biktima para bumili ng alak sa tindahan nang harangin siya ng pitong lalaking nakasuot ng maskara at siya’y pinagbabaril. Makalipas ang dalawang buwan, kinapanayam ng Inquirer ang kanyang ina. Ani niya, “Wala akong Pasko ngayon,” Hindi matanggap ng kanyang pamilya ang pagkakapaslang sa kanya dahil lumihis na ang kanyang anak sa paggamit ng droga, at hindi nila matanggap na pinagbibintangan si Aldrin na salot sa lipunan ng gobyerno.
Myca Ulpina, 3 taong gulang. Ika-29 ng Hunyo 2019. Nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa ama ni Myca na si Renato Ulpina. Ayon sa mga kapulisan, nanlaban si Renato at kanyang ginamit umano si Myca bilang “human shield”. Itinakbo sa ospital ang biktima ngunit kalaunan ay ikinamatay niya ang natamong mga sugat. Pinabulaanan ng ina ni Myca ang pahayag ng kapulisan. Ani niya, natutulog ang kanilang pamilya nang maganap ang operasyon at walang kalaban-labang pinaslang ang kanyang kinakasama at kanilang anak.
Winston Ragos, 33 taong gulang. Ika-21 ng Abril 2020. Lumabas ng kanilang tahanan si Winston matapos mananghalian ngunit hindi na siya muling nakauwi. Mag-aalas dos y media malapit sa isang quarantine control point sa
Maligaya Drive, Brgy. Pasong Putik, Q.C., binaril si Winston ng isang pulis matapos siyang magmistulang may dinudukot sa kanyang sling bag. Ilang mga saksi ang sinubukang pigilan ang pagpaslang kay Winston, may mga nagsabing “Walang dala yan,” at may isang babae ring sumigaw na “Dapat kinapkapan niyo muna!” ngunit pinapasok lamang ng kapulisan ang mga ito sa kanilang mga tahanan. Dating sundalo si Winston sa Camarines Sur at matapos ang kanyang paninilbiha’y nagkasakit siya ng schizophrenia at trauma noong 2012. Nang dahil sa lockdown, hindi siya nabilhan ng gamot na naging dahilan ng paglala ng kanyang kondisyon.
Harjan Lagman, 25 taong gulang. Ika-12 ng Nobyembre 2020. Dinukot si Harjan sa lungsod ng Baguio noong Nobyembre ng isang grupo ng kalalakihan. Nobyembre 11 nang ipagbigay-alam ng kanyang pamilya sa mga awtoridad na nawawala ito, at kinabukasan ay natagpuan ang kanyang katawang pinugutan ng ulo sa Tublay, Benguet. Kinumpirma ni Police Chief Brigadier Genral Rwin Pagkalinawan na dalawa sa mga suspek sa pumatay kay Harjan ay miyembro ng PNP Cordillera Regional Drug Enforcement Unit.
Dr. Mary Rose Sancelan at Edwin Sancelan. Ika-15 ng Disyembre 2020. Ikinasawi ng mag-asawa ang pamamaril ng isang riding-in-tandem sa loob ng kanilang tinitirihang subdivision sa Barangay Poblacion, Negros Oriental. Si Dr. Mary Rose Sancelan ay ang incident commander ng local Inter-Agency Task Force at City Health Officer ng Guihulngan City, Negros Oriental. Ayon sa Karapatan Negros Island, kabilang si Dr. Sancelan sa hit list ng anticommunist vigilante group at biktima rin ito ng panre-redtag.
Sonia Gregorio at Frank Gregorio, 52 taong gulang at 27 taong gulang. Ika-21 ng Disyembre 2020. Binaril ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca ang mag-inang Sonia at Frank dahil sa pagtatalo dala
ng paggamit ng “boga” at iba pang naungkat na alitan ng magkapitbahay. Walang kalaban-labang pinaputukan ni Nuezca ang mag-ina at matapos nito ay ayon sa isang saksi, “Kinuha niya po yung anak niya tapos naglakad lang po sila nang parang wala lang.”
Tumandok 9. Ika-30 ng Disyembre. Dalawang araw bago sumapit ang bagong taon, siyam na katutubong Tumandok ang walangawang minasaker ng mga pwersa ng gobyerno sa Panay. Ang mga Tumandok ay mga katutubong tumututol sa pagtatayo ng Jalaur Mega Dam na kung sakaling matuloy ay sisira ng tahanan ng higit 17, 000 katao mula sa kanilang kommunidad . Iilan lamang silang mga nabanggit sa mga biktimang dumanak ang dugo sa ilalim ng rehimeng Duterte sa mga nakaraang taon. Marami pang ibang walang-habas na pinatay at hindi na nabigyang hustisya, marami pang tinawag na lamang na casualty ng gera. Sila ay tao na may buhay, at hindi lamang mga numerong dumaragdag sa parami nang paraming kaso ng pagpaslang ng mga mamamayang walang kalaban-laban. Ngunit hindi lamang nakakulong sa pagpaslang ang mga paglabag sa karapatang pantao ng administrasyong ito. Nariyan din ang mga iligal na pag-aresto base sa gawa-gawang kaso tulad na lamang ng nangyari kay Amanda Echanis, isang organisador ng mga pesante, na inaresto noong Disyembre 2 sa Baggao, Cagayan kasama ang kanyang isang buwang taong gulang na anak. Si Amanda Echanis ay anak ng pinaslang na aktibistang si Randall Echanis noong Agosto ng taong ito at hanggang ngayo’y hindi pa rin nakakamit ang hustisya para sa kanyang pagkamatay. Ilan pang mga kaso ng iligal na pag-aresto sa ilalim ng rehimeng Duterte ay ang naganap na pag-aresto sa pitong mga organisador, aktibista, at miyembro ng midya noong mismong International Human Rights Day, Disyembre 10. Magpasahanggang ngayon ay nasa kulungan pa rin ang mga ito dulot ng mga gawa-gawang kaso at pagtatanim ng ebidensya.
Ang patuloy na pagtaas ng mga numero ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Duterte ay manipestasyon lamang ng culture of impunity at culture of violence na umiiral sa loob ng bansa. Mula pa man noo’y mayroon nang umiiral na culture of impunity na pumoprotekta sa mga mapang-abusong pinuno sa pagpapanagot. Ang katakottakot rito’y habang tumatagal ay tila nanonormalisa na ang pagpaslang sa mga mamamayan nang walang kalaban-laban, na dahil tila araw-araw ay may bagong balita ng pinaslang na para bang isa na lamang itong ulat tungkol sa lagay ng panahon. Ang mga salita mismong nanggagaling kay Duterte tulad na lamang “shoot to kill” at pagsasabing aabsuweltohan niya ang mga makinarya ng estadong papatay ay lubos mapanganib. Higit na nakababahala ang tila kawalang hustisya para sa mga biktima. Ang mga pulis at militar na pumapatay ng mga mamamayang walang kalaban-laban ay hindi napapatawan ng kaparuhasan, bagkus ay inililipat lamang ng lugar kung saan sila madedestino at maghahasik ulit ng pang-aabuso ng kanilang gatilyo at posisyon. Nakaugat ang culture of impunity at culture of violence sa paggamit ng makinarya ng estado, kapulisan at militar, upang maipagpatuloy ng mga nasa kapangyarihan ang kanilang pulitikal na hangarin. Kasama na rin dito ang pagpapalaganap ng takot sa mga mamamayan dahil sa isang inepektibong sistema ng hustisya sa bansa. Sa gitna ng kawalangaksyon ng pamahalaan, patuloy na panunupil sa mga lumalaban, at pagpapalaganap ng takot, ngayon, higit kailanman ay mahalaga ang pagpapanagot ng mamamayang Pilipino sa mga mapang-abusong nakaupo sa pamahalaan. Makakamit lamang ang tunay na hustisya para sa lahat ng biktima rehimeng ito kung mapapagtagumpayan natin ang paglaban para sa ating mga karapatang pantao at para sa hustisya. Dalawang taon pa ang natitira bago matapos ang termino ni Duterte. Ilang buhay pa ang kikitilan? Gaano karami pang dugo ang dadanak?
14
FEATURES
[TITLE]
Reinforcing our ties to nature amidst today’s global climate crisis by Denice Millen Canilao In pre-colonial times, animism was widely practiced by early Filipinos. They believed that the mountains, seas, and the world in general, were inhabited by spirits, deities, and supernatural beings whom they revered. They firmly held the idea that in order for them to enjoy bountiful harvests and prosperous lives, respect must be accorded to the entities they worshipped. A way to show respect was to protect the habitats of these gods and goddesses. If disrespect and abuse were shown to the deities’ places of dwelling, the people would face their wrath through extremely damaging natural disasters and plagues. The practice of animism in the Philippines was widely replaced by various religions, mainly by Christianity. Although globally, many cultures still practice animism. A thing that can be learned from this religion is that almost everything has a spirit, and therefore must be respected. In a way, such spiritual beliefs promote a culture of environmental conservation and sustainability. In the present, long after animism became obsolete in many areas, are we still putting collective efforts into nature preservation? The worst combination of all: climate change, water scarcity, and a pandemic. Water, water everywhere, but not a drop to drink. What a cliché statement. The line was first used by Samuel Taylor Coleridge in his poem, The Rime of the Ancient Mariner in 1798. Clearly, the problem of the scarcity of potable water is not just a modern-day
problem and has been going on for ages. This paucity of potable water is exacerbated by climate change. Extreme weather events and global warming lead to unpredictable water availability. Weather-related disasters such as floods and droughts, make it difficult to have access to safe drinking water, especially for the most vulnerable sector in our society—the poorest of the poor. The fact that we are experiencing a pandemic makes the problem of water scarcity even more urgent. Drink 8 glasses of water. Wash your hands frequently for at least 20 seconds. Clean your house every day. These are just some of the preventive measures against COVID-19, and they all require clean and sustainable water sources. Public health largely depends on secure water sources for all. However, the right to safe water seems like a privilege at this time. Nearly seven million Filipinos rely on unsafe water sources, and more than 24 million do not have access to improved sanitation, making frequent hand-washing difficult or impossible. This increases the poor’s vulnerability to the disease. As the coronavirus spreads, it is becoming more evident that the people with the least access to clean water will feel the most dramatic effects. Families living without a safe water source in or near their homes are forced to allot significant time and energy collecting water, possibly increasing their exposure to the virus. Climate change and air quality in today’s context Climate change deniers argue that climate change is just a natural phenomenon that has been around for a long time, and is therefore not that
alarming. It is true that our climate has been changing ever since the beginning of time. Various phenomena have contributed to the gradual changes in our climate. A factor in these changes is the significant variation in the atmospheric gases through time. Volcanic eruptions, the landing of meteorites, dust storms, and earthquakes have caused air pollution that exacerbated and hastened these gradual changes. In addition to these natural phenomena, however, human activities have also largely contributed to speeding up global warming. In fact, according to NASA, the current global warming trend is immensely likely to be due to these human activities and is proceeding at an unparalleled rate over decades, centuries, or even millennia. This is why contrary to what climate change deniers believe, the phenomenon of global warming and climate change in today’s context is urgent, alarming, and must be attended to. The human race’s resourceintensive lifestyle has led to unsustainable production rates. We are generating carbon emissions, greenhouse gases, and air pollutants that have a wide range of detrimental effects not only on our health but also in accelerating climate change. The COVID-19 pandemic caused alterations in government policies, which in turn changed patterns of energy demand globally. Travel was restricted as international borders were closed. Lockdowns were implemented, which reduced transportation activities and carbon emissions. On average, the peak decrease in carbon emissions by individual countries reached up to 26% as compared to the mean 2019
levels. However, the duration of confinement did not last long in many countries mainly due to economical demands. Pre-pandemic conditions have returned in a lot of areas, making the drop in carbon emissions brought about by the crisis unsustainable. In fact, history has shown that there had been brief periods of reversal in the surge of carbon emissions since the 1900s but these were not sustained and had little lasting effects on climate change. For instance, global carbon emissions dropped by approximately 17% due to the slowed production of bombs and fighter planes following World War II. Emissions also decreased by about 3% after the fall of the Soviet Union. However, after these drops, surges in the production of carbon dioxide were experienced. These show that the brief declines in carbon emissions are not the solution to climate change, in contrast to what many people believe. A mixture of the collective effort of the human race, altered policies that put much consideration into the environment, and systemic shifts led by responsible governments will likely result in long-term effects in slowing down global warming and mitigating the impacts of climate change. While ancient beliefs such as animism and nature worship are being looked down upon, many of today’s policies can be patterned on such beliefs to once again foster environmental consciousness in our society. Spirits, deities, and supernatural entities may or may not be present in nature. Regardless of their presence or absence, nature still deserves the same respect, for we are forever bound to it—its doom will also signal our doom.
LATHALAIN
15
BINUSBOS NG ASIN
ni jrp
Naranasan mo na bang masugatan? Marahil ay walang magsasabing nais niyang masugatan sa alinmang bahagi ng kanyang katawan, ngunit marahil ay wala lalong magnanais na magkaroon ng anumang sugat ang kanyang isipan bunga ng kaba at pangangapa sa gitna ng kawalang-kasiguraduhan. Ito ang ginawa ng coronavirus (COVID-19) pandemic sa atin at sa buong mundo. Nagdulot ito ng karamdaman hindi lamang sa ating mga katawan ngunit pinahina rin nito ang ating resistensya laban sa mga negatibong bagay na pumapasok sa ating mga isipan. Gumawa ito ng paraan upang makapanuot nang malaya sa ating pag-iisip ang mga bagay na maaaring mangyari sa atin. Sa loob ng higit labing-isang buwang pananalanta nito sa buong mundo, biniktima nito ang kalusugan ng ating kognisyon at pagrarason. Ngunit higit sa sariling perwisyong dala ng COVID-19, lumala pa lalo ang sikolohikal at respiratoryong epekto nito sa ating mga Pilipino dahil sa mas malaking delubyong kinakaharap natin magpasa-hanggang ngayon-- ang pagkakaroon ng isang pamahalaang pinatatakbo nang walang malasakit at walang katarungan. Mababakas ang pinag-ugatan nito nang salungatin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahi
ni Pangalawang Pangulong Leni Robredo, gayundin ng ibang opisyal ng gobyerno, na agarang magpatupad ng travel ban sa bansang Tsina na pinaniniwalaan noong pinagmulan ng unang kaso ng COVID-19, partikular sa bayan ng Wuhan. Ayon sa pangulo, hindi niya ito gagawin sapagkat masasaktan ang damdamin ng mga Tsino gayundin ng pangulo ng bansang si Xi Jinping, na aniya ay itinuturing niyang kaibigan. Nang tuluyan nang makumpirma ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nagpatupad si Duterte ng lockdown sa anyo ng enhanced community quarantine (ECQ). Habang ipinapatupad ito, iminungkahi ng mga eksperto sa medisina ang pagsasagawa ng mass testing sa mga piling mamamayan na maituturing na pinaka-nahaharap sa banta ng pagkahawa. Ngunit ang taingang kawali ay hindi kailanman makaririnig-binalewala ito ni Duterte at ng kanyang gabinete. Sa tagal at bagal ng pagbuti ng sitwasyon dahil sa kawalangsolusyon, inabot na ng muling pagbubukas ng klase ang lockdown. Ngunit sa halip na subuking bumuo ng komprehensibo at inklusibong plano upang muling makapagbalik-eskwela ang mga mag-aaral nang ligtas, ipinilit ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamumuno ni Kalihim Leonor Briones na isapilit na lamang ang sistema ng distance learning. Dumagdag ito sa mental na dalahin ng mga estudyante,
gayundin ng mga magulang nito, lalo iyong mga walang sapat na kakayahang pinansiyal upang bumili ng laptop o smartphone, o hindi kaya’y magpakabit ng internet connection sa kanilang bahay. Paano nga naman magagawan ng paraang maibigay ang karapatang pang-edukasyon ng mga mag-aaral sa sistemang online kung sa pang-araw-araw na panggastos pa lamang ay kapos na ang kinikita ng kanilang mga magulang dulot ng paghina ng ekonomiya sa panahon ng pandemya? Idagdag mo pa ang pagpatay ng Mababang Kapulungan sa pagasa ng ABS-CBN na magkaroon ng panibagong prangkisa dahil sa mga bogus at tila mapaghiganting mga akusasyon laban sa kumpanya na pawanghindinamannabigyanngsapat na patunay. Sa pagharap ng Pilipinas sa isang hindi pangkaraniwang penomena, higit lalong kailangan na marating ng impormasyon ang mga pinakaliblib na bahagi ng arkipelago upang mabigyang-babala ang mga naninirahan dito tungkol sa banta ng pandaigdigang sakit. Mapapansin din ang patuloy na paglobo ng halaga ng utang ng Pilipinas sa iba’t-ibang bansa at pandaigidigang organisasyon sanhi ng pagpapahiram nila ng pera upang tugunan ang mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ngunit, saan nga ba ito napunta? Hanggang ngayon, walang malinaw na datos kung saan nauwi ang pondong ito dahil wala namang panibagong hakbang na ginagawa ang gobyerno
upang puksain ang pagkalat ng sakit. Ang tanging malinaw, nagkaroon ng dolomite sand ang Manila Bay na natangay na nga ng mga nagdaang bagyo sa kapuluan, pilit pa ring dinadagdagan sa halip na ibigay ang pondo para sa ikabubuti ng mga mamamayan. Nagkaroon rin ng mga bagong magagarang sasakyan at naglalakihang bonus ang kapulisan habang pahirapan sa pagkuha ng hazard pay ang mga frontliners. Bukod pa rito, nagkaroon pa ng pondo ang Kagawaran ng Edukasyon para sa kanilang Christmas party habang may mga mag-aaral na kinikitil ang kanilang buhay dahil hindi sila makasabay sa bagong sistema ng pag-aaral. Hindi ka ba napapaisip o nagaalala? Walang katiyakan ang ating kapalaran habang walang ginagawang makabuluhang hakbang ang ating pamahalaan. Sa mga pangyayaring ito, wala na sa ating mga kamay ang pinakamainam na lunas para sa ating nababagabag na mga isipan. Malulunasan lamang ito kung kikilos ang administrasyon ni Duterte nang naaayon sa kinabukasan at kabutihan ng bawat isa. Ganito ang sitwasyon natin ngayon-- binubusbos pa ng asin ang mga galos ng pangamba sa ating mga isipan. Sa panahon ng pandemya, hindi lang ang pisikal na kalusugan ang pinapangamba ng mga Pilipino dahil hanggang walang konkreto at malinaw na plano, unti-unti lamang lalamunin ng pag-aalala ang mga isipan ng bawat tao.
16 ni Fed
Tila’y kakambal na ng Pilipinas ang mga sakuna mula sa bagyo hanggang sa lindol. Sa
katunayan, bumungad sa maraming mga Pilipino sa kasalukuyang taon ang pag-alburoto ng Bulkang Taal na nagpabalot sa malaking bahagi ng Batangas sa makapal na abo. Kamakailan lamang, nanalasa naman ang ilan sa mga mapaminsalang bagyong bumagtas sa kapuluan ng Pilipinas. Nitong Oktubre ay pinataob ng Bagyong Rolly ang lalawigan ng Catanduanes samantalang naging sanhi ng malawakang pagbaha ang Bagyong Ulysses sa maraming mga bahagi ng Luzon partikular ang Cagayan, Bulacan, at Marikina. Saksi ang bawat Pilipino sa lawak at tindi ng pinsalang naidulot ng mga nagdaang kalamidad sa kahabaan ng taong ito. Sa gitna ng mga trahedyang ito ay isinilang ang isa sa mga pinakamalaking banta sa buhay ng maraming Pilipino. Hindi ito isang malaking bulkan na nagbabadyang pumutok anumang oras o isang malakas na bagyong kayang padapain ang isang buong kagubatan sa isang iglap lamang. Kung tutuusin ay maraming mga indibidwal ang nakaamba sa kamay ng bagay na ito. Kaiba sa bagyo at bulkan ay kontrolado ng mga tao ang partikular na entidad na ito na siyang nagpalala ng sitwasyon. Matapos maaprubahan at malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Batas Republika 11479 o mas kilala bilang “The Anti-Terrorism Act of 2020” noong ika-tatlo ng Hulyo ay unti-unti nang nararamdaman ng mga progresibong indibidwal at organisasyon ang lagim na dala ng batas na ito. Sa mga nakalipas na buwan ay may naiuulat ng mga indibidwal na inakusahan na lumabag sa mga polisiyang nakapaloob sa batas na ito. Halimbawa na lamang nito ay ang kaso nina Jasper Gurung at Junior Ramos, kapwa mga Aeta, na pawang inipit sa pagkamatay ng isang sundalo matapos ang di umano'y engkwentro ng mga sundalo laban sa New People’s Army sa kanilang lugar. Sa ngayon ay hindi pa rin tiyak ang magiging tadhana ng dalawa na mananatiling nakapiit ngayong kapaskuhan. Habang patuloy na nilalabanan ng gobyerno ang terorismo sa ganitong pamamaraan ay siya namang paglakas ng puwersa ng mga tunay na teroristang hindi inakala ninuman. Mahalagang makilala ng lahat ang isang tunay na terorista sa pamamagitan ng maraming mga aspetong bumbuo sa identidad ng isang terorista mula loob hanggang labas. Bago mo kilatisin ang ilang mga bahagi ng katawan na siyang bumubuo sa isang terorista ay mahalagang maunawaan mo muna ang kahulugan ng isang terorista mula mismo sa interpretasyon ng AntiTerrorism Act of 2020.
KULTURA
17
te·ro·ris·ta pangngalan
Isang indibidwal, mamamayan o banyaga, na sangkot sa pagsasagawa ng aktuwal na mga akto ng terorismo; paghahadlang o banta sa mga hakbang kontra-terorismo; pagpaplano, paghahanda, at pagsasanay ng akto ng terorismo; pakikipagsabwatan sa akto ng terorismo; pagpapamalas ng pagkiling sa mga akto ng terorismo; pag-uudyok sa iba na maging bahagi ng akto ng terorismo; at pagpapasapi ng mga indibidwal sa isang pangkat ng mga terorista [Kahulugan ng terorista mula sa Seksyon 3i ng Batas Republika 11479] Matapos mong matukoy ang mga gawaing iniuugnay sa isang terorista na kinikilala ng Anti Terrorism Act ay marahil napapaisip ka kung paano mo makikilatis ang isang indibidwal bilang isang terorista.
Ngayo’y iyong matutunghayan ang paghubog ng isang terorista mula sa iba’t ibang mga bahagi ng katawang hindi mo inakala.
ULO: Sintigas ng balang purong pulbura ang laman
Batid ng marami na walang sinumang pinalalampas ang mga terorista ngunit hindi ito ang kaso sa mga taong ito. Sa katunayan, sila ay matatapang lamang sa harap ng minorya’t mahihirap na walang kalaban-laban sa kanilang puwersa’t dahas ngunit tumitiklop pagdating sa mga mayayama’t maykapangyarihan. Lantad ang kanilang presensya sa mga nayo’t komunidad na tirahan ng mga nasa laylayan ng lipunan. Matiyagang nag-aabang ang kanilang matatalas na mga mata sa kawawang biktimang walang kawala sa kanilang mailap na kapangyarihan. Daig pa nga ang mga aso sa pag-amoy ng mga parapernalyang biglabigla na lamang lumalabas sa isang iglap. Kung gaano naman kalakas ang kanilang paningin at pang-amoy ay siya namang kinahina ng kanilang pandinig sa mga pakiusap ng kanilang mga biktima. Sa huli’y mayroon silang kapal ng mukha na magpanggap na biktima’t gayong purong kasinungalingan ang lumalabas sa kanilang mga bibig sa kabila ng matibay na ebidensya laban sa kanila. Ganiyan na lamang magmalaki ang mga teroristang ito’t nagagawa nilang mag-angas sa mga mahihina’t walang kakayahan dahil mayroon silang matatakbuhan sakaling malagay sa alanganing posisyon. Sa paglipas ng panahon ay lumalaki lamang ang mga ulo ng mga ito dahil nagagawa nilang makalusot sa kanilang mga pagkakamali sa tulong ng isang berdugong kanilang tinutularan.
KAMAY: Bakal na nangangalawang sa mga bahid ng dugo
Animong konektado na sa mga braso ng mga teroristang ito ang baril sa dalas ng kanilang paggamit sa mga sandatang itong nakahanda anumang oras kahit para lamang sa kanilang pansariling kagustuhan. Ganoon na lamang kahusay ang mga ito sa paggamit ng baril na nagagawa pa nilang magpasikat sa harap ng maraming mga tao. Mapupuna sa kanilang pagtatanghal ang kanilang pagkabihasa sa pagkalikot ng baril para magpatumba ng isang tao sa isang bala lamang. Kung iniisip mong ito lang ang kanilang maibubuga ay mayroon dapat malaman tungkol sa kanilang mapaglarong mga kamay. Para sa marami’y kamangha-mangha na ang mga nagagawa ng isang salamangkero ngunit nakakagulat din ang nagagawa ng mga teroristang ito gamit ang kanilang mga malilikot na kamay. Nagagawa nilang magpalabas ng mga bagay mula sa kawalan nang hindi namamalayan ng kanilang mga biktima. Matapos nilang magawa ang kagimbal-gimbal na mga bagay na ito ay nagagawa nilang maghugas-kamay kahit na nangangalawang na ang kanilang mga kamay na bakal. Kasabay ng pagpatak ng dugo mula sa kanilang kamay ay siya ring pagbuhos ng luha ng mga kaanak ng mga kaawa-awang biktimang nagdusa’t napaslang sa kamay ng mga teroristang ito.
TIYAN: Animo’y buntis na nagdadalang-tuta
Ngayo’y marahil mapapatanong ka kung bakit nagagawa ng mga teroristang ito ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito. Madalas sabihin ng isang tipikal na terorista na nagagawa nila ang mga bagay na ito dala ng kanilang paniniwala’t pananampalataya ngunit ibahin mo ang mga teroristang ito. Tulad ng nabanggit ay nasa kaloob-looban ng isang terorista ang nag-uudyok sa kaniya na magsagawa ng mga akto ng terorismo. Samantala, kapansin-pansin naman sa hubog ng pangangatawan ng mga teroristang ito ang kanilang nakukuha sa pagsisindak sa mga dukha’t minorya kasama na ang mga taong tumitindig para sa kanilang mga karapatan. Habang patuloy na nagugutom at nagkakasakit ang maraming mga Pilipino ay nagpapabusog sa sandamakmak na pagkain ang mga teroristang ito na kitang kita naman sa kanilang mga malalaking tiyan. Sinlaki ng kanilang tiyan ang kanilang mga bulsa sa dami ng perang kanilang nakukuha sa trabahong ito. Hindi mo lubos akalain na ang nakukuha nilang sahod mula sa ganitong mga gawain ay higit pa sa natatanggap ng mga doktor at guro sa bansang ito. Idagdag mo pa rito ang mga espesyal na pribilehiyong kanilang nakukuha para daw sa pagsisilbi sa bayan. Masakit mang isipin ngunit ito ang nangyayari sa ilalim ng administrasyong itong mayroong pagkiling sa mga teroristang gigil pumatay anumang oras.
PAA: Simbilis ng kidlat kung kumaripas palabas ng eksena
Parang walang nangyari matapos mapatumba ng mga terorista ang isang inosenteng indibidwal at dali-dali silang mawawala sa eksena. Iisipin mong sila ay pupunta sa kanilang kuta upang magtago’t takbuhan ang nangyari ngunit mas pipiliin nilang lumayo sa lugar na iyon sa isang malinaw na dahilan. Kung papalari’y mapapansin mong susuko ang mga ito na tila walang takot sa kanilang kahahantungan buhat ng kanilang karumal-dumal na krimen. Damang-dama sa bawat pagtapak ng kanilang mga paa ang tindi ng kanilang kumpiyansang makawala sa sistemang hudisyal na umiiral sa bansa sa kasalukuyan. Nariyang magagawa pa nilang tapakan ang karapatan ng mga biktima’t mababaliktad pa ang sitwasyon pabor sa kanila dahil sa tindi ng kanilang kapit sa mga kinauukulan. Hindi man nila kayang panatilihing nakatuntong sa lupa ang kanilang mga paa dala ng kanilang posisyon sa lipunan. Walang anu’t-ano’y muli mong makikita ang mga teroristang ito na malayang nakagagala sa labas ng kulungan matapos lamang ng maikling panahon. Sa kanilang paglaya ay hindi mo sigurado kung ano ang maaaring gawin ng mga ito sa mga tao sa kanilang paligid. Mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang puwesto ay tunay ngang lumakas ang presensya ng kapulisan sa buong bansa hindi para protektahan ang sambayanang Pilipino kundi maging sunud-sunuran ng minoryang nasa pinakatuktok ng lipunan. Nagdaan ang apat na taon kung kailan nasaksihan ng maraming mga Pilipino ang bagsik ng pulisya hindi laban sa mga tunay na kriminal kundi sa mga taong walang kalaban-laban sa puwersa ng mga teroristang ito. Ipinagmamalaki ng pamahalaan na ang Pilipinas ay isa sa mga pinakaligtas na bansa sa mundo ngunit para lamang sa mga mayayama’t makapangyarihan.
To serve and protect… the elite. Panahon na para ika’y tumindig at magsilbing boses ng mga hindi naririnig ng lipunan. Huwag mong hayaang umabot pa sa puntong wala ng magagawa ang sinuman laban sa puwersa ng kapulisan sa ilalim ng pamamahala ng isang promotor ng pagpatay ng mga tao sa bansa. Halina’t wakasan ang mga walang saysay na pagpatay sa mga inosenteng tao sa bansa.
#StopTheKillings #PulisAngTerorista #ACAB
18
KULTURA
ni Josefa Labay “Hi! Daan kayo dito! We have prizes if you win our game!”. Mainit. “Hello! Bili kayo stickers/ shirt/pin for fundraising ng aming org!”. Maingay. “Sumapi na kayo sa aming mass organization! Mamulat, makipamuhay, at makibaka sa pagangat ng boses ng maralita!” Siksikan. *nag-strum ng chord sa gitara* Nakakahilo’t nakakaoverwhelm sa dami. “Join na kayo sa amin, guys!” Tila nakakakuryente ang kanilang sigla’t sigasig. Sa kabila ng mga kinahaharap na isyu sa espasyo, naging matagumpay ang paglunsad ng taunang All Organizations Fair noong taong 2019. Nagmistulang tiangge ng iba’t ibang student org ang CAS quadrangle at general tamabayan. Inaalok ang lahat na napapadaan sa kanilang puwesto na sumaglit at makipamahagi. Ang binebenta? Kanilang pagkakaibigan, komunidad, kaalaman, at org identity. (Puwede rin naman ang stickers at t-shirts pero mas matimbang ang mga naunang binanggit). Ang mga organisasyon ng mag-aaral ay mahalagang parte sa kultura ng unibersidad. Bukod sa nakatutulong sa sosyal aspek ng buhay-estudyante ang mga ito, malaki rin ang gampanin nila sa paghasa at pagmulat sa kanilang mga miyembro’t kapuwa mag-aaral. Nahahasa ang mga kakayahang labas sa sariling kurso at namumulat sa tunay na kalagayan ng lipunan at iba’t ibang mga sektor. Malawak ang sakop at marami ang pagpipilian. Mapa academic, interetsbased, Greek, mass-oriented, o cultural. Tulad na lang ng Rizal Hall, napakalaking renobasyon ang naganap na paglilipat sa online na klase. Ani nila, kagustuhan ng nasa itaas na manatiling dekalidad ang edukasyong matatanggap ng mga estudyante na pasok pa rin sa istandard ng husay kaakibat ng pagiging isang Iskolar ng Bayan. Kahit pa man maiba ang naturang paraan ng pagkatuto. Hindi lang nawala ang pisikal na interaksyon ng mga estudyante’t guro. Nabago rin ang dynamik ng pagtuturo, naadjust ang kurikulum ng mga kurso, nadagdagan ang mga gawain, hindi na nakapag-lab, BMI, o practicum, hindi na makapunta sa Rob Man o sa McDo Bocobo, nabawasan ang panahon para makisalamuha sa kapuwa estudyante, at nabago rin ang kultura ng mga organisasyon.
Si Brandon Ortiguerra ay isang third year na mag-aaral ng Batsilyer sa Araling Pangkaunlaran. Aktibo siya sa iba’t ibang mga organisasyon at kasalukuyang humahawak sa mga puwestong kabilang sa pagpapalakad ng organisasyon. Aniya, napakalaking adjustment ang naganap sa mga unang buwan ng klase. Kalakip ng pagbabaybay sa bagong paraan ng pagkatuto ay ang pag-hanap ng paraan upang manatili ang maayos na pagtakbo ng mga organisasyon. Dati-rati madalas lang problemahin sa pagsasagawa ng mga pagpupulong at event ay ang availability ng mga miyembro, pagkuha ng speaker sa mga event, at kakulangan sa espasyo. Ngayon, dagdag pasakit pa sa ulo ang naglolokong internet connection, maingay na paligid, at mga teknikal problem. Higit sa lahat, malaking hamon rin ang pagba-balanse ng mga mas nadagdagang gawain para sa klase at mga responsibilidad niya sa bahay at organisasyon. Kapansin-pansin ang pagdami ng mga online org content sa nakalipas na mga buwan. Ani ni Ortiguerra, marahil ito lang ang paraan ng karamihan upang ma-maximize ang panibagong plataporma. Wala naman kasing pisikal na paraan upang makapanghimok ng mga dadalo sa online webinars at maka-rekrut ng mga bagong miyembro. Kung kaya’t mahalagang marami ang maabot ng mga online publication. Samakatuwid, marahil ito rin ang dahilan kung bakit naparami ang mga publicity partnership sa pagitan ng mga
organisasyon, ani Ortiguerra. Isa si Karen Gretel Nieva sa mga bagong batch ng mag-aaral ng Batsileyr sa Araling Pangkaunlaran. Sa kasalukuyan, siya’y miyembro ng dalawang organisasyon sa loob ng institusyon at patuloy na pinaghuhusay pa ang kakayanan sa paglay-out ng publicity materials. Kuwento niya, kusa siyang sumali sa mga organisasyong ito matapos dumalo at mamulat sa isang webinar na ginanap bago magsimula ang klase. Gaya ni Ortiguerra, naging malaking hamon rin sa kaniya ang pag-adjust sa online classes. Higit pa kung tutuusin ang hirap na kaniyang dinaranas bilang isang freshie. Mahirap na nga ang pagaadjust sa unang taon kung normal na set-up ng klase, paano pa kaya kung isang hindi napaghandaang sistema ang bubungad sa iyo? Buti na lang at hindi nagkukulang sa suporta at patnubay ang mga nakakatatandang batch, lalo na ang konseho. Bago pa man pumutok ang pandemya’t maiba ang landscape ng unibersidad, aktibo na sa pagtindig sa katotohanan at sistematiko ang ayos ng mga organisasyon sa kolehiyo. Katuwang siyempre ang konseho sa pagsasagwa at pagpapasimuno ng mga programa, aktibidades at events ng mga organisasyon. Ayon sa kasulukuyang CASSC Vice Chairperson at Convener for Council of Student Organizations na si Gab Torrecampo, maraming mga programa at coalition ang nabuo na upang mas lalong mapaglapit ang mga organisasyon. Ito ang mga nagsilbing
daluyan ng impormasyon, reklamo at hinaning mula estudyante papunta sa administrasyon ng unibersidad. Gaya na lang ng Student Council Student Summit, CAS Council of Student Organizations, at ang kabubuo lang nitong pandemya, ang Academic Circle. Syempre, dala ng pandemya nailipat na ang lahat ng komunikasyon at pagtitipon online kung kaya’t mas matagal na proseso ang nagaganp sa paglilitis at pagsasagawa ng diyalogo sa pagitan ng lahat ng mga miyembro nito. Sa ating pagtingin sa hinaharap, maari nating sabihing ang mga bagong kakayanan sa plataporma ng paghahatid impormasyon at pagsasagawa ng mga event ay nakatulong sa pagpapalawak ng arsenal ng mga organisasyon. Ngunit, napakalaking pasanin kung tutuusing ang mga estudyante, organisasyon, konseho, at tagapatnubay na guro pa rin ang mapilitang maging “shock-absorber” ng kapabayaan ng administrasyon sa pagpuksa ng coronavirus. Kahanga-hanga nga naman na nakayanan ng mga organisasyong magbago ng stratehiya at umangkop sa hinihingi ng sitwasyon. Ngunit mas kahanga-hanga ang kanilang sama-samang pagpupursige upang tumindig sa tama, patuloy na alalahanin kung bakit tayo nasa ganitong kalagayan, at mas iangat pa ang sigaw ng mga mamamayang may mas gaganda at ikaaayos pa sa kalagayan natin ngayon.
KULTURA
19
Bakuna laban sa aktibismo sa gitna ng pandemya ni Vienne Angeles ni Mary Angela Pelijates at Marielle Iarathelle Trinidad Amin lamang ang tinubuang lupain Hindi magpapadaig, mananaig ang tunay na dapat manaig Sa deka-dekadang pakikibaka, para sa tunay na reporma Ang mga pesante ay nanatiling walang lupa Ilang bahay na ang nasunog, Ilang buhay na ang nasawi Para lang matapos na ang alitan, inilaban ng buong dangal ng aming mga ninuno Ang karapatan para sa tinubuang lupa Saksi ang kasaysayan at mga pananim Hindi kami magpapatinag Hindi kami mapapaalis Hindi niyo kami madadala sa pananakot Ang mga atake ay magpapalakas lamang sa amin Dahil ang karapatan nito ay nasa amin Ipaglalaban ang tinubuang lupain Hindi kami ang nagdulot ng poot Sa dulo, alam ng langit ang sagot. (bottom to top) (Top to bottom: Perspektibo ng panginoong maylupa Bottom to top: Perspektibo ng magsasaka)
Kasalukuyang nahaharap sa samu’t saring sosyo-politikal na suliranin ang bansa tulad ng pagpilay sa malayang pamamahayag, lantarang pangungurakot sa PhilHealth, walang patid na red-tagging at ang Covid-19 na hindi lang Pilipinas ang nakararanas kundi buong mundo. Matapos ang isang taong pakikibaka ng bansa sa naturang virus na ito, tila nakahanap ng ibang bakuna ang gobyerno para tuldukan ang pandemyang ito – ang Anti-Terrorism Law (ATL). Hulyo ng nakaraang taon nang tuluyan na naisabatas ang ATL na itinalaga sa ilalim ng Republic Act No. 11479 n a naglalayong puksain ang ano mang banta ng terorismo sa bansa at paigtingin ang seguridad ng mga mamamayang Filipino. Kinabahala naman ito ng ilang mamamayan partikukar na ng mga kasapi ng mga progresibong organisasyon lalo pa’t hanggang ngayon ay walang humpay ang pangre-redtag sa iba’t ibang grupo. Ang pagpasa ng ATL ay hakbang umano ng pagbibigay kapangyarihang patahimikin ng estado ang sa mga mata nila ay terorista. Ayon kay Mark Fernando ng Anakbayan Metro Manila, pabababain ng batas ang diskursong inilalatag ng mga aktibista ukol sa mga panlipunang isyu na kinahaharap ng bansa. “Pabababain ang diskurso lalo sa mga isyu na inilalatag ng mga aktibista. Madali nitong palalabnawin ang mga usapin upang ibaling nalang sa kalaban [o] kakampi [ang] dapat pakinggan [at] huwag pakinggan ng mamamayan,” wika niya. Binigyang-diin din niya na maaaring kilalaning terorista ang aktibista buhat ng red-tagging. “Ang red-tagging ay nagiging terrorist-tagging. [M]adali ring magkakaroon ng dahilan ang pwersa ng estado upang manghuli [at] gumawa ng gawa-gawang kaso para sa mga aktibista,” pahayag niya. Binalaan din ni Fernando ang gobyerno na mag-ingat sa pangreredtag lalo’t hindi bahagi ng Partido Komunista ng Pilipinas ang mga legal na organisasyong tulad nila. “Kahit ipagpatuloy pa nila ‘yan,
kahit anong gawing pagmamalabo sa diskurso lalo sa isyu ng lipunan, magpapatuloy pa rin kami sa aming kampanya na pabagsakin ang pasistang rehimen na ‘to,” saad niya. Sa panukalang inaprubahan ng Senado, may iilang probisyon na pinangangambahan ng mamamayan dahil sa posibilidad nitong makaapekto sa estado ng malayang pakikibaka sa bansa. Isa na dito ang nakasaad sa Seksyon 29 ng panukala na maaaring hulihin ng militar o pulis, kahit walang warrant of arrest, ang taong pinaghihinalaang terorista. Para sa League of Filipino Students ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman, ang pagsasabatas ng ATL ay malinaw na pagtapak sa kalayaan sa pagsasalita at isang antimamamayang polisiya ng rehimeng Duterte. Umalma rin ang grupo hinggil sa kabi-kabilaang pag-aresto at pagpaslang sa mga human rights defender, magsasaka, manggagawa at katutubo bago pa man maisabatas ang ATL. “Ang mga komunidad ng mga katutubo tulad na lamang ng nangyayari sa mga Lumad ay patunay na walang awa ang estado na ipasara ang kanilang mga paaralan, bombahin ang kanilang mga lupang ninuno at paslangin ang kanilang mga lider,” saad ng grupo. Naglabas din ng pagkadismaya ang grupo dahil sa pagsasabatas ng ATL sa gitna ng krisis. “Nakakagalit na sa gitna ng pandemya [a]y mas pinipili ng rehimeng Duterte at kanyang mga alipores na magsagawa ng isang batas tulad ng ATL. [M]ilyun-milyon ang naapektuhan at nawalan ng hanapbuhay, maraming Pilipino ang patuloy na naghihirap dahil sa krisis, [n]gunit ano ang tugon ng gobyerno? Terror Law,” wika ng grupo. Sa halip na bakuna para sa sakit, bakuna laban sa malayang pakikibaka ang mayroon tayo ngayon. Inaprubahan ni Pang. Rodrigo Duterte noong ika-3 ng Hulyo ang Anti-Terrorism Act of 2020 at epektibo nang humalili sa Human SecurityAct of 2007 noong ika-18 ng Hulyo.
20
FEATURES
The new normal we never asked for by Pamela Bayoca It has been months since the global pandemic stormed in the country and put a hold in our normal, bustling life. Today, it has been a loop of inside routine, outside restrictions and continuous adaptation to what we now call the “new normal”. With the country’s 450,000 reported cases increasing each day and the government’s response, it is clear that we still have a long way to go. This prompted the need to acclimate to the settings that can allow school, companies and organizations to function in rather restrictive ways shaped about by the health protocols. New Normal School Set-up Schools were the first one to operate by utilizing the online setting as the new platform for learning. Right after the enforced lockdown, several universities immediately adapted an online set up to continue the disrupted semester. At present, distance learning is employed by most of the universities with a mix of synchronous and asynchronous activities. Meanwhile, the Department of Education (DepEd) adjusted the 4 quarters of the school year (2020-2021) with the first quarter starting last October 5. Students and educators alike struggle to find a steady footing over this new set-up with stories veiled as resiliency breaks out the internet
day by day. The cost of education is steeper than ever and as the online classes pushed through, this is the price everyone is fighting hard to pay. In line with this, Presidential Spokesperson Harry Roque announced the approval of the “dry-run” of faceto-face classes in January with the coordination of COVID-19 National Task Force. "We need to emphasize that face-to-face classes in schools where this may be allowed will not be compulsory, but rather voluntary on the part of the learner/parents," Roque added pointing out that a parent's permit is needed to allow students’ participation. New Normal Public transportation and travelling Public transportation is one of the most gravely affected sectors by the pandemic. With travelling restrictions strictly enforced in the country to minimize virus transmission, public transportation has been suspended. Jeepney and PUV drivers were forced to beg for alms due to loss of income. It opened for operation gradually with the set guidelines including the reduction of the passenger capacity and suspended routes. Vaccines are still not available in the Philippines and as Metro Manila and other provinces are still under the Enhanced Community Quarantine (ECQ), Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-
EID) announced the mandatory use of face shields and facemasks when going outside. On December 15, Malacañang announced that “provincial buses in point-to-point routes” are now approved by the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). However, even though provincial buses would now be operating, riding them would never be the same in this situation as the IATF directed LTFRB to provide operational guidelines essential for both the passengers and the operators. Furthermore, the Department of Transportation mentioned that there would be no limit in regards with public transportation operations during the holiday season. New Normal Holidays A week before Christmas, cases in Metro Manila started to increase yet again according to Dr. Guido David, a fellow in OCTA Research Group. While the presence of the pandemic did put limitations on the mobility of Filipinos with the implementation of strict quarantine protocols, it did not stop the tradition of simbang gabi. Just like how most activities that involve mass gatherings are done these days, the 9 days of simbang gabi were done via livestreaming. On the other hand, some churches and parishes allowed a limited number of people in while observing the safety precautions.
However, since the pandemic has worsened the country’s economy with the unemployment rate rising, most Filipino families’ budget for celebrating holidays was cut short. Some had to set aside serving lavish food for their noche buena and media noche. With quarantine restrictions, the sky on New Year’s Eve in the country was not as colorful as it was in the past years. This is our normal today. Students are struggling in efforts to learn, educators caught in between, drivers begging to have their job back, and healthcare professionals long exhausted by months of battling COVID-19. These are only a few of the realities of the plight of millions of Filipino people in the midst of the pandemic. However, some receive harder blows than others. This remains true as the country continues to suffer with the administration’s lack of concrete plans in solving the pandemic as well as the crises it brought. There are a lot who are left behind, kept on disadvantaged, and stand on a precarious, shaky ground—that is why we must refuse to settle for the new normal that does not ensure safety for all. If the new normal exacerbated the gap and inequalities created by a fascist regime, then it should not be normalized at all. The stories of many Filipinos must wake us up to call for systematic, inclusive changes for the people.
FEATURES
UPM’s Take on Distance Learning by Guppy There are many factors that define the level of readiness of an institution or group. Whatever factors there may be, UP Manila has little to none of it. At the beginning of this pandemic in March 2020, students had to fight to be given passing marks in their subjects. Most thought that it was unfair that the university expected them and their professors to simply pick up where they had left off within a week or so. Students struggled to keep up with requirements and the teachers struggled to give requirements. Once the auto-pass mark was allowed, there was still difficulty in giving the remaining requirements in order to have “P” on their SAIS accounts. While that alleviated the stress of some students, many were still trapped in their condominiums and unprepared for the hard lockdown. UP Manila Student Councils did their best to provide assistance to those who no longer had funds to provide for themselves. The restrictions and the extended lockdown implemented by the government were not as effective as hoped, given that this was done later than the neighboring countries. It was a difficult time, but it was still not over. Academics were still in the minds of many because preenlistment for the midyear semester was coming. Blocks had to report some of their classmates filing for
leave of absences or dropping out completely because of the situation. It would either be that there is poor signal in where they are or that their family could not afford to buy load for their online classes. Zoom conferences alone take nearly a gigabyte of data per hour, and some classes in the midyear schedule would last two. Midyear began. Students struggled to keep up with the requirements and the professors struggled to make their course packs. No one was ready for the shift in education, finishing a year in college online was not ideal for anyone. Many began to experience the pains that came with this, from the physical to the mental strains. Twitter was filled with tweets about how students felt like they were burning out and teachers did not know what to do with the situation. UP may have provided seminars and a plan of action, but a plan will only remain a plan if the actors are not ready to implement it. After midyear came the first semester of the next academic year. It saddened many that the freshmen would not be able to have their tour of campus or get to experience the things that came with being first year. The student councils tried to make it as fun as possible, giving seminars or inviting organizations to perform in online concerts. There were also numerous org fairs which would allow organizations to still recruit new members, somehow providing light in
the situation. However, many believed that this was no substitute for face to face classes. The interactions and initiation process in organizations were far from what was able to be built face to face. After the welcoming ceremonies, the academic year began. Needless to say, it was hit with many many disasters. First was the general struggle of many to keep up, some professors going as far to blame the struggles of their students on their students’ laziness and inability to cope. Some professors were more compassionate, going asynchronous most of the time or being open to consultation anytime. This still proved difficult because home environments were usually not suited for learning. Either because of the family environment or the general location. There were many reports of students disconnecting or professors not being able to teach. There were even situations where classes were done over chat because the professor needed to teach. For the students who need to take pre-requisites this semester for the next, they were afraid that their learning this semester would not suffice. Many said that they were not learning and merely forcing themselves to submit requirements without really understanding. It was said that it was merely for compliance. Then, the two typhoons struck. Homes were flooded and connection
21
was lost. Only the privileged and those lucky enough to only experience a little of the effects of the typhoon were still able to continue on with the semester. UP only gave a week of recovery, expecting that everything would go back to normal in a matter of seven days. How was it fair to expect everyone to recover after only a week? Maybe their houses would be back to functioning, but perhaps not so much the students and professors. There were movements to end the semester and to pass all students given that UP condensed it’s 16 week semester to 11 weeks, causing needless amounts of physical and mental strain. Alas, it did not go well for everyone. Only a few professors decided to relax the requirements while some kept pushing the same level. The amount of petitions and letters and emails that had to be exchanged in order to compromise is staggering. Needless to say, everything was so much more difficult. So many things had to be put on hold and every week felt like hell week for most students. Professors are now faced with grading hundreds of asynchronous requirements, if not almost a thousand. At the end of all of this struggle, a new semester is to begin in March. Who knows what challenges this situation will bring? The more important question, when will this all end? Is this really an acceptable “new normal?”
22