AGOSTO 2023-ABRIL
Undersecretary Dr. Mapa, namigay ng scholarship
Nakatanggap ang 40 na magaaral ng Bacolod City National High School (BCNHS) ng scholarship na handog ng Batch 1986 ng BCNHS na pinangungunahan ni Undersecretary Dr. Dennis Claire Mapa, National Statistician and Civil Registrar General sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ginanap sa Audio-Visual Room (AVR), nitong Setyembre 30, 2023.
sa mga iskolar ay mag-aral nang mabuti, makahanap ng magandang trabaho at suportahan ang kani-kanilang magulang.
Layunin ng programang ito na matulungan at suportahan ang pag-aaral ang mga estudyante. “What really important is that you really have to finish High School, we have a lot of data about the of education on the wellbeing of individuals”, wika ni Dr. Mapa. Wika pa niya na ang tanging hiling lang
“If you have high school education then you have some fighting chance and you can go to college”, ani pa niya.
Dagdag pa dito nagbigay rin sila ng bag, mga gamit sa paaralan at allowance sa mga mag-aaral.
Boses ng Kabataan, Tagapagsiwalat ng Katotohanan
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS
NG BACOLOD CITY NATIONAL
ESPESYAL NA POTENSYAL
Bagong SPED area, Iginawad sa BCNHS
Inilunsad ang turn-over ceremony ng bagong pasilidad para sa Special Education (SPED) Program sa Bacolod City National High School (BCNHS) na pinangunahan Hon. Joseph Stephen “Caraps” S. Paduano nitong Pebrero 2 sa pagnanais ng komportableng mga silid-aralan at kapaligiran para sa kabataang may espesyal na pangangailangan.
Nagbigay ng mensahe si Paduano bago isinagawa ang ribbon cutting bilang hudyat ng pagbubukas ng bagong pasilidad at mga silid-aralan.
"Supporting special education programs in schools ensures all students, regardless of their needs, can learn comfortably and thrive. No student should ever be left behind,” ani ni Paduano.
Iginiit din ni Paduano ang kahalagahan ng suporta mula sa gobyerno sa pag-aaral ng mga kabataang may espesyal na pangangailangan.
"Government support is crucial for ensuring quality education for students with
special needs, fostering inclusive environments, and providing necessary resources for their academic and personal development,” dagdag pa ni Paduano.
Inilahad naman ni Richard M. Gelangre, PhD, punongguro ng BCNHS ang kaniyang pasasalamat kay Paduano at sa lahat ng dumalo sa naturang programa.
“I express my sincere gratitude to everyone who attended the program, especially Sir Paduano for his invaluable contribution in providing us with a new facility tailored to the needs of the SPED program,” saad ni Gelangre.
GUSALING MINIMITHI. Isinagawa ang turn-over ceremony ng bagong pasilidad para sa Special Education (SPED) ng Bacolod City National High School (BCNHS), sa pangunguna ni Hon. Joseph Stephen “Caraps” S. Paduano nitong Pebrero 2. /Patricia Phaula Gamao
opinyon
06 10 14 18
Islang Tinaguriang Pangako, Maglalaho?
lathlain agtek isports HAGIS NG KAMPEON mga nilalaman
MASSKARApatdapat: Pinagmamalaking Cityhignon
ROSEarch: BiodiverCITY HIGH
“I will prioritize the good of the many,” -Lecciones
Iwill do everything in my power to make Bacolod City National High School better, and if there's 1 or 2 people who disagree with the way I lead, I will always prioritize the good of many," ito ang binigyang-diin ni Marilyn E. Lecciones sa kaniyang panayam bilang bagong Faculty and Staff Union (FASU) President ng Bacolod City National High School (BCNHS) para sa taongpanuruan 20232024, na ginanap sa Audio Visual Room (AVR). Wika pa niya bilang FASU President ay mayroong malaking responsibilidad na nakaakibat sa kaniyang balikat at ang kauna-unahang gagawin niya ay pag-isahin ang Senior High
School at Junior High School.
"I want to unite the Junior High School and Senior High School in terms of financial consideration, our obligations and benefits as a teacher in the same school," dagdag pa ni Lecciones.
Nagpapasalamat si Lecciones dahil sa binago ang kanilang Constitution and By Laws na inaprubahan ng lahat at masaya din siya dahil ang mga guroat kawani ay lubos na nagtutulungan sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
“Thank you to those who voted and trusted me to do well in becoming their FASU president, and rest assurethat I will not break your trust," ani pa niya.
Bago siya naging FASU President, nanilbihan din siya bilang pangulo ng iba't ibang organisasyon ng paaralan.
balitang estadiskita
23%
Batay sa ipinalabas na resulta ng PISA 2022, ang estudyanteng Pilipino na may edad 15 ay hindi nakapag-abot sa inaaasahang batayan ng kanilang kasanayan sa pagbasa ayon sa kinabibilangang
Francis Danielangtanglaw
newsbits
Karlaisle DumdumPagtaas ng presyo ng bigas, posibleng tumagal hanggang Hulyo
Umabot ng 24.4% ang implasyon ng bigas nitong Marso at puwede itong magpatuloy hanggang Hulyo, ayon sa pagsasalaysay ng National Statistician na si Dennis Mapa sa isang Press Conference nitong Abril 5, Biyernes.
“The expectation is it will actually increase strongly until July because of base effect unless there is really some intervention na mangyayari sa market na biglang bababa ‘yung presyo,” ika ni Mapa.
Dagdag pa rito, maaring bumagal nang kaunti ang implasyon ng bigas pagsapit ng Agosto, ngunit binanggit din ni Mapa na hindi ito lalayo sa pinakamataas na naitalang rice inflation rate na 24.6% noong Pebrero, 2009.
PBBM, naglalayong pirmahan ang Negros Island Region Bill
Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pabor siya sa panukalang batas na Negros Island Region Bill na nagnanais na ilagay ang mga lalawigan ng Negros Occidental, Negros Oriental, at Siquijor sa ilalim ng isang rehiyon nitong Lunes, Abril 8.
“It is very hard to bring government services to the people and that’s the entire reason behind the push for making a single region para may regional office na sarili. I think I will sign it,” ani ni Marcos.
Nilikha sa pamamagitan ng executive order noong 2015 ang NIR sa panahon ng pagkapangulo ni Benigno Aquino III sa kaparehong dahilan subalit, inalis ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 sapagkat ayon sa kaniya ang paglalagay ng mga regional office para sa NIR ay mag-aalis ng pondo para sa iba pang mga programa ng gobyerno.
Ceremonial energization ng Cebu-Negros-Panay 230 kilovolts Backbone Project, ginanap sa Bacolod City
Inilunsad ang Ceremonial energization ng Cebu-NegrosPanay 230 kilovolts Backbone Project ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Bacolod City sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong, Abril 8, Lunes.
“Power outages are a hindrance to progress. Our power system must be a spark to ignite development. The completion of this project is a milestone in our pursuit to enhance the resilience and reliability of our power infrastructure,” paggigiit ni Marcos.
Ibinahagi naman ng Mayor ng Bacolod na si Albee Benitez ang kaniyang pasasalamat at paghahangad na maging susi ang proyektong ito upang mabawasan ang nararanasang kawalan ng kuryente sa Bacolod City.
SERBISYO’T KALUSUGAN, TUTUKAN.
Inilunsad ang Bacolod
City Comprehensive Health Program (BacCHP) upang tugunan ang mga kakulangan ng mamamayan, kabilang ang serbisyong pangkalusugan. /BCD PIO
Magpatindi, palakasin, at patibayin; ito ang
isa sa mga layunin ng gobyerno para sa Bacolod City Comprehensive Health Program (BacCHP) upang tugunan ang kakulangan at kawalan sa pangangalaga ng kalusugan ng mga mamamayan sa
kasalukuyang sistema. Pangunahing
prayoridad ng alkalde ng Bacolod na si Albee Benitez na matamo ng mga Bacolodnon ang karapat dapat na pangangailangan sa kalusugan kung kaya’t nagkaroon ng BacCHP ang lungsod para sa libreng mga konsulta at gamot, pati na rin
ang madaling pag-access sa mga ospital.
Naglalayong maghatid ng holistikong sistema sa health care ang nasabing programa kaya inilunsad ito kasama ang tatlong serbisyo: Preventive, Promotive, at Curative Health Care Services; kasama na rito ang pag
BCNHS, nakilahok sa DepEd’s 236K Trees a Christmas Gift for Children
Francis Daniel Duale
Nakiisa ang Bacolod City National High School sa Department of Education (DepEd)
Simultaneous Nationwide Tree Planting Activity na pinamagatang DepEd's 236, 000 Trees a Christmas Gift for Children, na pinangunahan ni Richard M. Gelangre, PhD, Principal IV ng BCNHS kasabay ang temang "Magtanim Tayo para sa MATATAG na Kinabukasan," nitong Disyembre 6, sa BCNHS Agricultural Field.
Alinsunod sa DepEd Memorandum No. 69, series of 2023, binigyang-diin ng Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na ang layunin nito ay isulong at ipanatili ang pangangalaga sa kapaligiran sa mga batang Pilipino.
“This is an initiative that aims to promote environmental preservation and instill environmental responsibility among Filipino children”, wika ni Duterte sa Memorandum.
Nakilahok ang mga guro,
non-teaching staff, estudyante at maging ang iba’t ibang organisasyon ng BCNHS sa nasabing kaganapan.
Nagsimula ito sa oryentasiyon na pinangunahan ni G. Gelangre na kung saan tinalakay dito ang mga benepisyo at kahalagahan ng pagtatanim ng puno sa ating kapaligiran.
Ngayong Disyembre, isa sa pinakamalaking regalo na maihahandog natin sa mga
estudyante ay ang pagtatanim ng mga puno na magsisilbing yaman sa bawat bata lalonglalo na sa kalapit lugar na ating tataniman, “ saad ni Gelangre. Mahigit-kumulang 47,678 pampublikong paaralan sa buong Pilipinas ang nakilahok sa programang ito na isinagawa nila sa kani-kanilang paaralan. Nangunguna naman ang Cordillera Administrative Region para sa may pinakamadaming naitanim na umaabot sa 1.1 milyong puno.
Bagong SPED area, Iginawad sa BCNHS
Kinilala din ni Gelangre ang Abang Lingkod Party List na nagsimula sa pagpapatayo ng nasabing pasalidad noong nakaraang taon.
“Actually, the construction of said facility began last year, spearheaded by Abang Lingkod Party List, dedicated to students of BCNHS SPED Program and I would like to recognize them for
their hard work,” sambit nito. Dinaluhan ang nasabing programa ng mga guro ng SPED Program ng BCNHS, Head Teacher VI ng ESP/ SPED Program, Larry Alvarez, FASU President, Marilyn Lecciones, Department Heads ng eskwelahan, at mga estudyanteng kabilang sa SPED Program.
rehistro para sa health card na pwedeng gamitin sa mga ospital.
Dagdag pa rito, kinakailangang pumunta sa inatasang istasyon sa barangay upang makakuha ng annual medical checkup at e-consultations, mayroon ding mga doktor na nakaantabay sa mga
Sa pagpapatayo ng pasilidad na ito, layunin nitong lalo pang paigtingin at paunlarin ang mga programa na nakalaan para sa SPED Program hindi lamang sa loob ng eskwelahan maging sa buong lungsod ng Bacolod.
Nitong Nobyembre 29, 2023, pinatunayan ng Bacolod City National Highschool (BCNHS) na karapatdapat sila sa samu’t saring parangal na natanggap sa naganap na Division Kadungganan award 2023 na ginanap sa L’Fisher Hotel, Bacolod, at inorganisa ito ng “Program on Awards and Incentives for Service Excellence” ( PRAISE ). Nakamit ng paaralan ang iba’t ibang mga tagumpay, lalo na ang Silver Seal Of Excellence award. Nais ipahiwatig ng paaralan ang lubos na pasasalamat sa patuloy na pagsuporta at aktibong pakikilahok ng mga guro, kawani, mag-aaral, mga alumni, at lalo na ang mga lider ng SDO Bacolod City na nagpapakita ng husay at dedikasyon para sa paaralan at edukasyon sa pamagitan ng pagtulong upang makamit ang iba’t ibang tagumpay.
Matagumpay na nasungkit ng
“I salute to all cityhighnon especially my dear teachers for being hard working and willing to pour all their efforts on their work in able to give the students the best education system,” wika ni Richard Gelangre Phd punong-guro ng BCNHS. Nakamit naman ng mga guro ng BCNHS na sina, Larry Alvarez ang Outstanding Head Teacher, Joey Ian Singson ang Most Outstanding JHS Master Teacher, Carlos Gerogalin, Jr. ang Outstanding SHS Master Teacher, Jude Xerxes Herbolario ang Most Outstanding JHS Teacher KAMPEON
balitang lathalain
in Foreign Language, Most LearningFocused Flexible Learning OptionsOpen High School, Most Outstanding Numeracy Program - Secondary, Most Outstanding Reading Program - Secondary, Most Outstanding Innovation (Reading) SSG Best Implementers (Makakalikasan) Outstanding School in Research
NINGAS NA HINDI KUMUKUPAS
Mapasining, Akademya, at Pamamahayag
Cityhighnon, umani ng parangal sa iba’t ibang larangan
Karlaisle Dumdum
Sikap at Determinasyon. Pinatunayan ng mga kabataan mula sa Bacolod City National High School (BCNHS) ang kanilang taglay na abilidad sa samu’t saring aspeto nang sila’y matagumpay na nanguna at humakot ng parangal sa mga ginanap na torneo.
TNT: Tinig na Tinatangkilik (Tawag ng tanghalan)
ang Tagumpay
ginawad naman kay Nilrose Villaflor, Joshua Villaruz, Liam Azucena ng Grade 9 STE Pythagoras ang Best Presentation Award sa ginanap na 2024 UP ALCHEMES Research Fair - Case Study Competition sa University of the Philippines (UP) Diliman, nitong ikaapat ng Pebrero na dinaluhan ng iba’t ibang paaralan mula sa samu’t saring dako ng bansa.
Ipinamalas nila ang kanilang husay at galing sa pagsasaliksik at pagbabahagi ng mga konsepto sa ilalim ng gabay ni G. Jude Xerxes Herbolario.
“I am very grateful sa tanan nga nagsuporta sa amon nga team kag sa mga nagapati nga kaya ni namon, especially sa amon nga coach nga si Sir Jude nga ara gid samon tupad since day 1,” ani ni Villaflor.
Dagdag pa rito, ipinabatid din ng mga kabataang ito ang
kanilang pasasalamat sa kanilang mga magulang na nagpalakas ng kanilang loob na harapin ang hamong ito.
“To be honest, grabe gid akon nga kakulba sang amon na turn nga magpresent pero nadumduman ko ang hambal sang akon papa nga bisan madaog man o maperdi, ang importante gin-ubra ko akon best, napaminsaran ko man nga may ara ko parents nga nagasupport gid sakon, isa man sa nangin rason ngaa naglessen ang kulba nga akon nabatyagan,” saad naman ni Villaruz.
Itinuturing nila ang kompetisyong ito bilang isang hakbang patungo sa kanilang mga pangarap at kahit na bigo man nilang nasungkit ang kampyeonato, masaya pa rin sila sa oportunidad at karanasang kanilang natamasa.
Kaakibat din ng kompetisyon na ito ay iba pang mga patimpalak gaya ng tagisan ng talino kung saan nakisali rin ang iba pang mag-aaral ng BCNHS mula sa iba’t ibang baitang.
Sumabak si Melissa Jade Dueñas, isang estudyante ng ABM Strand ng BCNHS Senior High School Program sa Tawag ng Tanghalan na ipinalabas sa “It’s Showtime” noong ika-3 ng Oktubre. Ibinahagi ni Dueñas sa buong Pilipinas ang kaniyang boses sa pagkanta ng “Ako Ang Nasawi, Ako Ang Nagwagi” ni Dulce habang daladala ang karangalan ng Bacolod City at Visayas. Nagtagumpay si Dueñas laban sa kinatawan mula sa Luzon sa unang yugto at nakakamit ang 92.2% na puntos na nagsilbing dahilan upang siya ay muling sumalang sa mikropono at makipagsagupaan sa tinaguriang ‘Defending Champion’ ng paligsahan. Tinanghal na Daily Winner si Dueñas ngunit bigo niyang nakamit ang ginintuang mikropono. Sa kabila nito, ayon sa kaniya ay hindi natinag ang suporta ng mga Bacolodnon at kahit na malayo siya, ramdam pa rin niya ang pagsalubong at tiwala ng mga taong patuloy na naniniwala sa kaniya. PIA: Pamamahayag, Isusulong at Aangat
Namayagpag din ang mga mamamahayag ng Ang Tanglawpahayagang pangkampus ng BCNHS sa ginanap na PIA Journ Talk Series 2023 sa kategoryang pangsekondarya noong ika-14 hanggang ika-16 ng Nobyembre na may temang “AI x Journalism x DevCom.”
Nasungkit ni Karl Josh Collarin ang titulong Most Promising Photojournalism
habang iginawad naman kay Sebastian Marqueses ang Most Promising Feature Writing. Ibinida nila ang kanilang angking talento sa pagsulat at pagkuha ng mga litrato kasama ang iba pang mga estudyanteng mamamahayag ng Western Visayas Layunin ng patimpalak na ito na hubugin at hasain ang kakayahan ng mga batang dyurno sa kani-kanilang mga kategorya ng pamamahayag upang maitaguyod ang mas epektibong pamamahagi ng impormasyon sa harap ng patuloy na pag-usbong ng teknolohiya.
Wika at Makatarungang
Kaugalian Bilang Pundasyon ng Lipunan Humakot din ng parangal ang BCNHS sa ginanap na selebrasyon ng Division-wide Filipino Values Month 2023 na may temang “Huwarang Kaugalian Tungo sa Matatag na Lipunan: Makadiyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa.” nitong ika-28 ng Nobyembre.
Nagpakitang gilas ang mga magaaral kumakatawan sa kani-kanilang distrito sa mga paligsahan sa nasabing kaganapan. Hinirang na kampyon si Marynel Blancia sa kategoryang Essay Writing sa ilalim ng patnubay nina
Suzette A. Matula at Allyn L. Aguilar. Nakamit naman ni Ralp Lawrence Puzon ang 3rd Place sa kategoryang Philippine Hero Impersonation sa gabay ni April Joy Palma. Naiuwi rin ni Eufemio John Amolong ang 4th Place sa kategoryang On-the-spot Poster Making kasama ang
kaniyang tagapagturo na si Jocelyn Petiza.
Kaalaman, Susi sa Pagprotekta ng Tahanan Nakamtan din ni Adrian Briones ng Grade 9-Platinum ang ikalawang pwesto sa ilalim ng gabay ni Ardel Dela Luna sa ginanap na Fire Prevention Month Poster Making Contest sa Ayala Malls nitong ikalima ng Marso. Ginamit niya ang pagguhit at kaniyang imahinasyon sa pagpapalaganap ng mensahe na may kaugnayan sa pag-iwas sa sunog. Naglalayon ang aktibidad na ito na magbahagi ng mas malawakang kampanya tungkol sa pagiging mapanagutang indibidwal at pagiging handa sa pagharap sa panganib ng sunog lalong lalo na ang kabataan. Tagisan ng Katalinuhan Nakamit ng Bacolod City National High School Regular Class ang ikalawang puwesto sa iskor na 36 sa naganap na 2nd Yuhom Battle of the Brains na ginanap sa Ayala Malls Bacolod nitong Marso. Nakuha naman ng BCNHS Science Class ang ikapitong puwesto sa iskor na 33 sa naganap na patimpalak. Ayon pa sa Assistant Schools Division Superintendent, Lynee Peñaflor, PhD, sila ang mga napiling paaralan dahil sila ang “Cream of the Crop”. Nagpakitang gilas ang mga kalahok sa pagpapamalas ng kanilang katalinuhan at kahusayan sa larangan ng akademya: agham, matematika, at heograpiya.
TAGUMPAY NG KABATAAN. Ipinakita ng mga mag-aaral mula sa Bacolod City National High School na sa kanilang kahusayan, mayroon silang kakayahang masungkit ang panalo sa naganap na 2024 UP Alchemes Research Fair - Case Study Competition./Patricia Phaula Gamao
ORDINANSA SA ALYANSA.
Nahuli ang libo-libong sasakyan bilang hakbang ng lungsod
ng Bacolod laban sa ilegal na pagparada.
/BCD PIO
Clamping at towing, ipinatupad sa Bacolod City
Patricia Phaula Gamao
Nagsagawa ng clamping at towing ang Bacolod Traffic Authority Office (BTAO) at Metro Towing Services (MTS) sa Lungsod ng Bacolod na may kabuuan na 2,988 na sasakyan ang nahuling lumabag nitong Enero 1 hanggang Pebrero 29.
Nagtipon ng P824, 450 na halaga ang BTAO at MTS sa dalawang buwan ng pagpapatupad ng City Ordinance No.09-17-818 o ang ordinansa na nagpapanatili ng two-away zones sa iba't ibang lansangan ng lungsod.
Ayon kay Patrick Lacson, OIC ng BTAO, mayroong 1,545 na sasakyan ang napasama sa towing at clamping nitong Enero 1 hanggang Enero 31, at 1,443 na sasakyan mula Pebrero 1 hanggang Pebrero 29.
Sinabi rin niya na mula Enero hanggang Pebrero 21, nakalikom ang MTS ng P505,100 mula sa iba't ibang traffic violators at P319,350 naman sa BTAO.
Nabanggit ni Lacson na sa towing, babayad ng P1,000 ang nagmamay-ari ng sasakyan; P600 naman para sa clamping; at impounding fee na P200 kada araw sa una at ikalawang buwan; P350 kada araw sa ikatlo at ikaapat na buwan; at P500 kada araw sa ikalima at ikaanim na buwan.
Inamin din niya na nakatanggap sila ng reklamo sa isinagawang operasyon, ngunit trabaho nila ito at may suporta ng punong alkalde ng lungsod na si Mayor Alfredo Abelardo Benitez.
“We are authorized to clamp and issue tickets for the traffic violators in the city with the personnel of MTS for the towing of vehicles,” sabi ni Lacson.
Sa ilalim ng memorandum agreement sa pagitan ng lungsod at ng MTS, 25 porsyento ng koleksyon ang pupunta sa coffers ng lungsod at 75 porsyento naman sa pribadong kompanya ng towing.
Binigyang-diin ni Lacson na ang kanilang mga operasyon ay nagpabuti sa sitwasyon ng trapiko sa lungsod, lalong-lalo na sa main thorough fares.
Karamihan din umano sa mga traffic violators ay hindi nakatira sa Bacolod.
Ayon kay Lacson, humigitkumulang 80 porsyento ng mga traffic violators ay mga residente ng mga kalapit na lungsod at munisipalidad sa Negros Occidental.
Aminado naman si Lacson na may kakulangan sa paglagay ng mga signages para sa towing at clamping ng mga sasakyan, subalit nagawan naman nila ng paraan.
Dagdag pa niya, ang Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Negros Occidental chapter ay maaarin magsampa ng kaso laban sa kanila dahil sa matinding kampanya laban sa traffic violators.
“It’s a welcome development and we respect them. We are only implementing the local laws and we will conduct a massive campaign in schools, hospitals among others (hinggil sa pagpapatupad ng clamping at towing ng mga sasakyan),” giit niya.
Naglalayon ang pagpapatupad ng ordinansang ito bilang paalala sa mga nagmamay-ari ng sasakyan na ilegal na nakaparada sa iba’t ibang lansangan ng lungsod ng Bacolod.
isyung panlipunan
TUGUNAN ANG SIGAWAN
Rally ng mga guro, isinusulong ang pagpapataas ng sahod
Naganap ang rally ng mga guro at non-teaching personnel tungkol sa pagpapataas ng kanilang mga sahod na pinangunahan ni Richard M. Gelangre, PhD, Principal IV ng Bacolod City National High School (BCNHS) at Presidente ng Bacolod City Public School Teachers Federation (BCPSTF) na ginanap sa Old Bacolod City Hall nitong ika-8 ng Marso.
Dinaluhan ito ng mga guro na nagmula sa iba’t ibang paaralan upang makiisa sa pagsulong ng layunin ng nasabing kaganapan.
“50 thousand teacher salary upgrade now na, 33 thousand non-teaching salary upgrade now na” ito ang naging sigawan ng mga guro habang
nagrarally sa daan ng Bacolod City.
Ayon kay Gng. Vicky Solitano, isa sa mga guro na nakiisa sa rally, na ang rason kung bakit sila nagtipon-tipon ay upang ipakita sa gobyerno at humiling na sana ay pataasin ang kanilang mga sahod upang matustusan ang kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan.
“Ginasinggit nga pataason ang sweldo, panubuon ang mga balaklon, especially kadamo sang aton mga ginakinahanglan sang mga kabataan sang mga maestra sa pag kung gataas ang mga presyo sang mga balaklon, gataas man ang tanan, ang amon sweldo indi makabulig sa tanan nga kinahanglan sa adlaw-adlaw”, saad ni Solitano.
Dagdag pa niya na hindi lang sila nakikibahagi sa kanilang pamilya kundi sa kanila ring mga estudyante dahil ang kanilang paaralan ay public school kaya kung mayroong mga estudyante na nangangailangan ng tulong, sila ang tumutulong.
Ayon pa sa isang guro, hindi sapat ang kanilang kinikita katumbas ng mga gawain na itinatakda sa kanila.
Hiling ng mga guro na ipataas ang kanilang mga sahod hanggang sa ₱50,000 at ₱33,000 naman para sa mga non-teaching personnel. Kasabay nito, pinuno rin ng mga babaeng guro ang nasabing rally upang ipagdiwang ang Women’s Month.
IBUNSOD ANG SAHOD. Nagsanibpuwersa ang mga guro, sa pangungina ni Richard M. Gelangre, presidente ng Bacolod City Public School Teacher Federation (BCPSTF)at punongguro ng Bacolod City National High School (BCNHS) sa ginanap na rally sa harap ng Old Bacolod City Hall nitong Marso 8. /Patricia Phaula Gamao
LABAN MAMAHAYAG. Nasugatan ang pintong mamahayag sa naganap ma airstrike sa AIAqsa Hospital sa Gaza. /Middle East Monitor
Pitong Mamamahayag, Sugatan sa Airstrike sa Gaza
Sugatan ang pitong mamamahayag sa isinagawang airstrike ng Israel sa bakuran ng AlAqsa Hospital sa Gaza nitong ng Marso 31.
Samantala, apat na miyembro naman ng Islamic Jihad (IJ), isang militanteng grupo na kaalyado ng Hamas ang namatay sa nasabing
pag-atake, habang daandaang Palestino naman ang naiulat na sugatan.
Sentro ng pag-atake ang hospital grounds kung saan nagsisilbi itong silungan ng mga Palestino at mga mamamahayag na nagcocover lamang sa sitwasyon ng giyera sa gitna ng Israel at Hamas. Ayon
sa mga sundalo ng Israel, sila ang may pasimuno sa nasabing pambobomba at target nila ang diumano’y command center ng Islamic Jihad (IJ); ang Al-Aqsa Hospital.
Agad namang itinanggi ng Hamas at mga medical staff ng nasabing ospital ang paratang ng Israeli Army na
LANDAS TUNGO SA
Modernisasyon ng Jeepney, tuluyang umusad
Umarangkada ng tuluyan ang modernisasyon ng mga jeepney na nag resulta sa pagkabahala ng mga drayber ng tradisyonal na mga dyip dahil sa posibilidad na mawalan sila ng pangkabuhayan.
Isa sa mga batas ng Pilipinas ay ang Jeepney Modernization Act na nagkaroon ng malaking epekto at pagbabago ng transportasyon sa bansa; layon nito ang pagpapalit ng mga tradisyunal na mga dyip sa modernong sasakyan para sa patuloy na pag usbong ng
ekonomiya.
Kinumpirma ni Transportation
Secretary Jaime Bautista na matutuloy ang programang modernisasyon para sa mga public utility vehicle (PUV) sa kabila ng hindi paglaan ng pondo para dito sa proposed 2024 national budget.
Nahahati sa iba’t-ibang programa ang modernisasyon ng mga dyip ngunit iisang hantungan lamang ang mga ito: para sa malinis at ligtas na mga ‘modern jeep.’
“Ako’y nagpaaral na ng tatlong mga anak, lahat sila ay naging
matagumpay kahit namamasada lamang ako, kaya para sa akin, kailangan din bigyan ng pansin ang mga drayber ng tradisyonal na mga dyip dahil nangangailangan din kami,” saad ni Rudi Cañada, isang drayber ng tradisyunal na dyip sa humigit kumulang 30 taon.
Dagdag pa niya, “Nawa’y tiyakin natin na mas marami ang makinabang sa modernisasyon ng mga dyip at hindi ito magiging hadlang sa pangkabuhayan ng mga tao dahil maayos na sistema lamang ang aming nais matamasa.”
ginagamit bilang base ng Islamic Jihad ang ospital. Samantala nanatiling walang komento ang militanteng grupo ng Islamic Jihad sa kabila ng mga pangyayari. Patuloy pa ring nagaganap ang airstrike sa Gaza na kung saan marami pa ring ang apektado batay sa naiulat ng CBC News.
Tama ng matinding blackout, apektado ang malalaking bahagi ng Negros at Panay
Lien Wence Castro balitang rehiyunal
Nanawagan si Mayor Jerry Treñas ng Iloilo City sa Department of Energy (DOE) at sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tugunan ang power blackout na tumama sa Panay, Guimaras, at Negros nitong Enero 2. “Nababalitaan ko na dahil sa hindi stable na suplay ng NGCP, parehong ang Panay at Negros ay walang kuryente; tinatawagan ko ang ERC (Energy Regulatory Commission), DOE, at iba pang regulatory body na panagutin ang NGCP dito,” ani Treñas sa isang pahayag. Inirereklamo rin niya ang NGCP na hanapin ang mas matatag na solusyon sa problema. Binigyan ng NGCP ng ‘welcome blackout’ ang Panay at Negros sa unang araw ng trabaho ng 2024; dapat managot ang NGCP sa kawalang-kakayahan na ito,” dagdag pa niya. Batay sa impormasyon ng alkalde, sinabi ng NGCP na as of 3:07 p.m., ang Panay ay “lubusang na-isolate mula sa iba pang bahagi ng Visayas Grid,” at patuloy ang pagsasakatuparan. Sinabi ni Treñas, na siya ring cahairman ng Infrastructure Development Committee (IDC) ng Regional Development Council (RDC), na agad niyang titingnan ang isyu. Matapos ang aberya sa kuryente na tumama sa Panay Grid at bahagi ng Negros, ang Department of Energy ay malapit na nakikipag-ugnayan sa NGCP at lahat ng apektadong planta ng pag-generate at distribution utilities (DUs).
balitang lokal
Bacolod naki-isa sa Tindahan
Extra Mile: Balik Pet Bottles
Jhian Espida
Galing sa ilang taong pag-inda sa problema sa basura, and lungsod ng Bacolod ay matapang na nagpasya upang makiisa sa bagong programa ng Tindahan Extra Mile na pinangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) kalakip ng BEST Inc. at Coca-Cola Philippines. Ang makarebulosyung hakbang na ito ay naglalayong pagbutihin ang sirang sistema ng basura sa lungsod. Ang Tindahan Extra Mile ay isang inisyatiba ng mga lokal na residente at negosyante ng komunidad na nagtutulungan sa pangangampanya upang mabawasan ang paggamit ng plastik at itaguyod ang pagreresiklo ng basura sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga pet bottles o polyethylene containers bilang kaakibat na pambayad sa kanilang mga pangunahing pangangailangan na nais matanggap. Sa partisipasyon ng mahigit limang daang sari-sari stores at karinderya bilang kasosyo sa pangongolekta ng mga recyclable materials, ang programa ay nagbibigay insentibo sa mga mamamayan upang maging responsable sa kanilang mga basura at mahikayat na magresiklo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga produktong pangangailangan tulad ng bigas, asukal, mantika, at iba pa.
Si Mayor Albee Benitez ng Lungsod ng Bacolod ay nagpahayag ng kanyang suporta sa inisyatiba at
pinagtibay ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa mga industriya, kumpanya, mga maliliit na negosyo, at mga di-pamahalaang institusyon upang magbigay ng epektibo at makabuluhang oportunidad na maaaring makatulong sa pagangat ng buhay.
“Ang Programang Tindahan Extra Mile ay nagpapakita ng ating dedikasyon sa pagiging matatag sa pagpapanatili ng kalikasan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa ating lokal na mga negosyante at pagsusulong ng pakikilahok ng komunidad, tayo ay gumagawa ng malaking hakbang patungo sa isang mas luntian at mas matatag na Bacolod.” pagbabahagi ng puno ng lungsod.
Ang inisyatibang ito ay hindi lamang nagpapakita ng malasakit sa kalikasan ngunit nagbubukas din ng oportunidad para sa ekonomiya ng lokal na komunidad. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga lokal na produkto at serbisyo, ang proyektong ito ay maglilikha ng positibong epekto sa ekonomiya ng Bacolod. Sa pagtataguyod ng Tindahan Extra Mile, ang mga mamamayan ay nagpapakita ng kanilang determinasyon sa pangangalaga sa kalikasan at pagtutulungan upang makamit ang isang maaliwalas na kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon. Ang proyektong ito ay isang halimbawa na ang simpleng hakbang ng komunidad ay maaaring magdulot ng positibong pagbabago sa lipunan.
angtanglaw
Iyan ang kagandagan ng edukasyon, palaging mayroong pagkakataon upang humabol sa iyong naiwan”
CATCH-UP FRIDAYS
CATCH UP SA PUWANG
SA PAGKATUTO
Hindi maipagkakailang ang pagbabasa ay isa sa mahalagang aspeto ng pagkatututo, sapagkat daan ito upang maunawaan at mahagilap ang daloy ng panahon. “Ginintuang kakayahan” nga ang pagbabasa, ayon sa wika ng karamihan. Ngunit sa kabila nito, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang salat sa kasanayan sa pagbabasa, lalo na sa mga mag-aaral na walang (access) sa kaukulang edukasyon. Bilang tugon, ang Kagawaran ng Edukasyon, o DepEd, ay naglatag ng aksyon upang mapunan ang malubhang puwang sa pagkatuto, sa pamamagitan ng Catch-up Fridays sa mga paaralan. Sa bisa ng Memorandum No. 001, s. 2024 na inilabas ng kagawaran noong ika-10 ng Enero, ang lahat ng pribado’t pampublikong paaralan ay kinakailangan ilaan ang bawat Biyernes ng taong pagkatututo para sa DEAR o Drop Everything and Read. Ayon sa kagawaran, ang mungkahing nasaad ay akmang pagpapatatag at pagpapalakas ng pundasyon ng pagkatuto sa bansa. Bukod pa rito, isa rin itong hakbang upang matugunan ang kakulangan sa pangunahing kasanayan sa pagkatuto, gayundin, upang sanayin ang mga prayoridad ng MATATAG curriculum, dagdag pa ng kagawaran.
Mabisang aksyon nga ang
pagsasakatuparan ng Catchup Fridays sa mga paaralan, sa kadahilanang maaaksyunan ang kakulangan sa pagkatuto ng mga Pilipinong mag-aaral. Sa pamamagitan nito, posibleng hindi na kailangan ang remedial classes ng mga estudyante o gumawa ng special activities upang makapasa. Magandang tugon ito upang malabanan ang kakulangan sa pagaaral ng mga Pilipinong mag-aaral. Ayon sa ulat ng World Bank noong 2023, isa pa rin ang Pilipinas sa sa walong bansang mas mataas sa 67% ang learning gap sa buong mundo. Nakakabahala ito sapagkat nagmula ang bansa sa 91% na learning poverty noong 2022. Hindi pa man dumating ang CoViD-19 ay lubha na ang pagkaantala sa edukasyon ng bansa, kaya’t mabuting tugon ang hakbang na ito ng kagawaran.
Mahalaga ang pag-aaral, at mahalaga din ang mga leksyong kaakibat nito, subalit may mga hamon itong sangkap. Masasabing hindi hadlang ang kasalatan upang mapagtagumpayan ang mga hamon ng buhay, sapagkat may mga hakbang upang magapi ang mga ito. Sa huli, ang edukasyon pa rin ang pinakamalakas na sandatang magagamit upang mabago ang mundo, at walang imposibleng paraan upang makamit ang kasaganaan ng pagkatuto.
Legasiyang Duterte Laban sa Ekonomiya
Kumukailan lang ay uminit ang usapin tungkol sa P125 million "confidential fund" na iginastos ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa loob ng 11 araw. Kinompirma ito ng Commission on Audit (COA) nitong ika-25 ng Setyembre. Paano natin masisiguro ang tamang paggamit at paglalaan ng pondo ng bayan kung ang mga malalaking halaga ay naglalaho sa loob lamang ng ilang araw? Makakasigurado nga ba tayo na ito ay isang pagkakataon at hindi senyales ng korapsyon?
Iginiit naman ito ni Duterte sapagkat iginamit daw ng dating presidente ang ‘intelligence funds’ para bigyang-katwiran kung bakit hindi masuspinde ang mga operasyon ng e-sabong. Hindi rin malinaw kung aling taon ng pananalapi ang tinutukoy ni Duterte, ngunit sinabi ng Malacañang noong 2020 na bahagi ng P2.25-bilyong ‘confidential fund’ ng Pangulo ang ginugol para sa mga pagsisikap sa COVID-19.
Neditoryal
gayong kaliwa’t kanan na ang mga suliranin ng Pilipinas, isa sa kontrobersyal na isyu na hanggang ngayon ay pinagtutuunang pansin ng karamihan, lalo na ng mga tagapamahala ay ang tungkol sa pagtiwalag ng Mindanao sa Pilipinas upang maging bagong bansa. Umani ito ng samu’t saring reaksyon mula sa mga kababayan natin lalo na ang mga nagmula sa Mindanao. Ngunit, sapat nga ba ang dahilan na ipahayag nila na aabot sa puntong ipapahiwalay nila ang isang parte ng Pilipinas? Isa sa mga naging katwiran na naging dahilan sa pagpapahiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, ay ang malaking kaibahan ng kultura nito sa kabuuan ng Pilipinas. Ito ay masasabing totoo, sa kadahalinang ang Mindanao ay may samu’t saring mga relihiyon na umaabot sa ibang rehiyon. Ngunit, ang kaibahan nila ay hindi nagtataglay na dapat silang paalisin na maging parte ng Pilipinas. Dagdag pa nito, ang paghihiwalay ng Mindanao mula sa Pilipinas ay hindi kinakailangang magpabuti sa
Inihayag ni Bise Presidente Sara Duterte noong Setyembre 11, 2023, na ang 'confidential funds' ng Department of Education (DepEd) ay gagamitin kasabay ng pambansang seguridad. Sinabi niya na ang pera ay lehitimo, na nagbibigaydiin na ang mga detraktors ay walang matibay na ebidensya ng di-umano'y maling paguugali. Subalit paano niya nasasabi ang ganoong bagay kung kahit siya ay wala ring ebidensya sa kung saan napunta ang ganoon kalaking pera.
Iwasang maging matakaw, baka ika’y masapul ng bangkaw”.
Dagdag pa nito, gagamitin ng kaniyang kagawaran ang nasabing pondo para hubugin ang mga kabataan na ipagtanggol ang ating bansa sa anomang banta ng terorismo at para labanan ang “insurgency and illegal activities involving students.
Wika pa niya sa mga tagapanayam "The youth is the hope of the country. However, they are being recruited, brought to use illegal drugs, criminality, violent extremism, and terrorism. We don’t want the future of the country to be like that.”
Nakakapagtaka at nakakagulat sa kung saan nga ba napunta ang ganoon kalaking pera lalonglalo na't walang resibo sa kung saan iyon nagamit. Matatandaang
P4.5 bilyon ang ibinuhos na 'confidential' o 'intelligence funds' sa Office of the President noong huling panunungkulan ng kaniyang ama na dating presidente, Rodrigo Duterte. Ito ay habang nasa gitna ng pandemya ang bansa, samantalang nalulunod sa mga kaso ng COVID-19 ang mga nars at doktor, si Duterte ay lumalangoy sa 'lump sum funds'.
Subalit hanggang salita lamang ang mga ito. Sa aking palagay, hindi naman nakita ang "pagsisikap" at ang bunga ng mga 'confidential fund' na tila nawala na parang bula. Ang sistema ng edukasyon at ng ating bansa ay nananatili pa ring magulo, kung kaya't paano nasasabi na may inilaan na pondo para rito? Kung tutuusin nga ay nasa ika-77 ang Pilipinas sa 81 na bansa sa buong mundo sa isinagawang student assessment ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD). Dumagdag pa sa misteryong ito ang katotohanang hindi na kinakailangan pang gumawa ng mga resibo o ibunyag sa publiko ang mga gastos na iginawa ng pangulo dahil sa pagiging sensitibo nito. Kung totoo ngang walang itinatago ang ating mga opisyal ay hindi na magdadalawang-isip ang mga ito na magpakita ng ebidensya sa taumbayan. Bakit mo naman ipagkakaila ang ebidensya kung alam mo sa iyong sarili na malinis ka. O malinis nga ba?
Ganun pa man, nararapat na may kaalaman sa tamang paggamit at paglalaan ng pondo ng bayan dahil ito ang pundasyon tungo sa maayos na pamamahala at pag-unlad ng bansa. Kapag may kamalayan ang mamamayan kung paano ito ginagamit, mas maaasahan nila ang gobyerno at mas mapag-iingat sila sa posibleng korapsyon o pangaabuso sa pondo ng bayan. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa ganitong usapin ay nagbibigay pagkakataon sa mamamayan na maging bahagi ng proseso at magkaroon ng boses sa pagtukoy kung paano dapat ito gamitin ng wasto at makatarungan.
Sa laban na ito, kanino ka pupusta kung ang parehong kalahok ay kilala sa pangaalipusta? Tila kabaligtaran ng ipinangakong "unity" ang nangyari kumakailan sa samahang MarcosDuterte. Nagsimula na kasing magbangayan ang dating pangulong Rodrigo Duterte at pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nag-akusa sa bawat isa ng paggamit ng iipinagbabawal na gamot. Nagsimula ito noong tinawag na "son of a bitch" ni Duterte si Marcos. Idinagdag niya pa na ang kasalukuyang pangulo at kapangalan na anak ng isang dating diktador ng Pilipinas ay gumagamit ng ilegal na droga .“I am telling you, Bongbong Marcos was high before. Now that he is the president, he is still high,” ani Digong. Itinanggi naman ito ng presidente at iginiit na baka raw nababaliw na ang dating lider dahil matatandaang gumagamit ito ng fentanyl para mabawasan ang kirot dala ng 2016 admission nito.
Ayon naman kay Cleve
SA PATNUGOT
Mahal kong patnugot, Pagbati. Ako'y sumusulat sa hinaing mababago ang takbo ng sistema sa aming silid-aralan. Ang mga guro namin ay buhos lang ng buhos ng mga takdangaralin. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Haaaay! Kailan pa ba to matatapos? Dagdag mo pa yung init ng panahon. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa halfday classes kasi half-day nga nakakalula naman ang mga binibigay na mga gawain.
- Uhn Nhi
Para sa iyo Ann Nhi, Isa sa mga hinaharap ng ating paaralan ngayon ang ganyang sistema. Gayunpaman, siguraduhin nating napapanatili natin ang konkesyon sa ating mga guro para sa maginhawang pakikiusap ukol diyan. Higit sa lahat, ang kapakanan at kalusugan mo sa iyong kaisipan ay mas mahalaga.
-Patnugot
Arguelles, isang political scientist at ang CEO ng Manila-based public opinion research company WR Numero, na inaasahan na raw nya ang sitwasyong ito dahil sa simula pa lamang ay meron nang “uncomfortable alliance” sa pagitan ng dalawang pamilya. Idinagdag pa nito na noong inanunsyo ang UniTeam ay hindi na raw talaga gusto ng dating pangulo na kaalyansa ng kanyang anak (Sara Duterte) si Bongbong. Magiging kawili-wili ring makita ang mga pagbabago sa politika sa taong ito habang naghahanda ang mga partido at kandidato para sa 2025 na halalan. Ang mga kandidatong senador, sa partikular, ay kailangang gumawa ng isang potensyal na pagpapalit ng karera: Team BBM o Team DDS? Sa ating ekonomiya at sistema ngayon, ang ganitong klaseng
Dancel Raphie Valencia
“
Walang sariling pananaw ng katotohanan ang AI, subalit umaasa lamang ito sa mga nasisiyasat ng kaniyang piyesa”.
Kumakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagpapakilala ng Artificial Intelligence o AI sportscaster ng GMA Integrated News sa publiko. Umani ng samot-saring reaksyon ang hakbang, kung saan mayroong pumanig at mayroon ding hindi sumangayon. Marami mang benepisyo ang hatid ng teknolohiya ng AI, dapat nga bang lapatan ng diwang artipisyal ang dyornalismo?
Pormal na isinapubliko ng istasyon ang hakbang na ito noong ika-24 ng Setyembre ng taong 2023. Layunin nitong magtatag ng makabagong pamamaraan ng pagbabalita
mga batuhan ng
linya ay abala at hindi mahalaga. Bakit kailangang pagtuonan ng pansin ang mga personal na isyu kung merong limpak-limpak na problema ang Pilipinas na kailangan
“Ang mga hidwaan ay nararapat na ayusin sa pribadong paraan lalong lalo na’t ang bayan ang nasa bingit ng kahirapan”.
harapin? Ang kailangan ngayon ng ating bansa ay mga lider na nagkakaisa sa harap ng ating kasalukuyang global situation. Kapag magpapatuloy ito, maraming kababayan natin ang patuloy na magdurusa sa gitna ng tensyong politikal sa pagitan ng tinitingnan pa naman nating mga lider nasyonal. Kung susuriin, ang hidwaan ng dalawang presidente ay maaaring makaapekto sa pakikipagsamahan ng ating bansa sa mga kapanig nito. Kung ang mga sariling lider nga ng ating nasyon ay hindi magkabati, ano nalang kaya ang kahihinatnan ng ugnayan natin sa ibang bansa? Isa pang dapat bigyang pansin, ay ang pag-endorso ng turismo ng Pilipinas ngayon. Noong July 2023, ay naglabas ang Department of Tourism ng bagong kampanya at ipinalitan ang "It's more fun in the
Philippines" ng "Love the Philippines".
Nasabi rin sa kampanyang ito ang paghikayat sa mga turista na mas bisitahin ang Pilipinas. Ang away ng malalaking pulitikong ito ay maaaring makaapekto sa kampanya ng DOT. Sa paglilinaw nito, ang alitan ng mga presidente ay nararapat na pag-usapan nang pribado at wag nang idagdag pa sa mga problemang pinapasan ng Pilipinas. Nararapat na mas bigyang-pansin ang malalaking isyu kesa sa mga tila away-bata na kaguluhan. Hindi naman natin masisisi ang mga taong magduda kung ano nga ba ang katotohanan. Sino nga ba talaga sa dalawa ang humihithit ng bawal na droga? Iisa lamang ba, o pareho sila? Kaya’t kung gusto talaga nilang ayusin at linisin ang kanilang mga ngalan ay nararapat na sabay silang kumuha ng drug test at ipakita sa madla ang katotohanan. Sa paraang ito makakamit ang sinasabing “unity” para sa kasarinlan.
Dyorn ismo? ARTIFICIAL
BALITA O BAHALA?
para sa publiko, ayon kay Oliver Victor B. Amoroso, BisePresidente Senyor at Puno ng GMA Integrated News, Regional TV, at Synergy. Nais din niyang paigtingin ang adhikaing “mas malaking misyon, mas malawak na paglilingkod sa bayan” ng istasyon.
Hati’t magkaiba ang tugon ng publiko sa (mungkahing) ito ng istasyon. Naglipana ang mga komento at saad ng hindi pagpabor sa layuning ito. “Nakakatakot na ang future”, giit pa ng isang nagkomento. Inalmahan at binatikos din ito ng UP - College of Mass Communication Prof. Rachel Khan at sinabing “lalo lamang nagsusulong ng pag-aalinlangan at hindi pagtitiwala” sa media para sa publiko.
Hindi nga maitatanggi ang epekto ng AI sa iba’t ibang aspeto ng buhay, mula edukasyon hanggang medisina, kasama na rin dito ang dyornalismo. Maaaring magamit ang AI bilang mapakikinabangang kasangkapan
sa paglikha ng balita, subalit ang malikhaing paglalahad at pagsasalaysay au hindi taglay ng artipisyan na pag-iisip. Kung lubos na pag-iisipan, ang pagbabalita lamang ang hindi pa gaanong bukas sa paggamit ng ganitong teknolohiya sa kasalukuyan. Ayon sa pagsusuri ni Prof. Kristian Hammond, Chief Scientist ng Narrative Science, inaasahang 90% ng balitang lalabas sa 2025 ay likha na mula sa artipisyal na makinarya. Ngunit, pinangangambahan ngayon ng mga manggagawa sa sektor ng pagbabalita ang pagiging “obsolete” o pakaluumaan na ng panahon ang kanilang mga trabaho.
Nanganganib din malagay sa alanganin ang mga pribadong nilalaman at impormasyon bilang epekto ng paggamit ng AI. Mula sa pagsusuri nina Opdahl et al. (2023), maaaring mapagsamantalahan ang AI at magamit sa pagpapakalat ng maling impormasyon. Malaking bahagdan ng pananamantalang nagaganap ay mula sa sektor ng
pulitika, kung saan laganap ang pag-aayon ng impormasyon para sa pansariking kasaganaan. Sa kabila nito, may iilan din namang benepisyo ang paggamit nito sa pagbabalita. Batay sa pag-aaral na inilabas ng University of Oxford, ang paggamit ng AI sa pagbabalita ay mas pinapapabisa ang paglikha at pag-uulat ng impormasyon. Maaari na ring gawin ng AI ang mga itinuturing na mahihirap na gawain para sa regular na mamamahayag. Sa kabuuan, ang mga teknolohiya gaya ng AI ay mabisang kasangkapan sa pagpapalaganap ng malayang pamamahayag at pagbabalita. Ngunit kung tutuusin, ang artipisyal na pag-iisip ay salat sa damdamin at emosyon kumpara sa tao. Maraming hamong kaakibat ang paggamit ng AI, lalong lalo na sa etika at integridad ng pagbabalita. Gayunpaman, ang wastong paggamit ng instrumentong ito ay maaaring magbunga ng mas matatag at kalidad na balita sa hinaharap.
angtanglaw
Isa sa mga pangunahing isyung kinakaharap ng pampublikong paaralang Bacolod City National High School ngayon ay ang “No ID and Uniform, No Entry” na polisiya. Ito’y pinaigting ng nasabing paaralan sa kadahilanang upang mapanatili ang disiplina, seguridad, at kaayusan sa loob nito. Ito ay ipinatutupad upang maiwasan ang hindi kanais-nais na gawain ng ilang indibidwal na pumapasok sa paaralan.
Batay sa ipinilabas na Division Memorandum No. 128, s. 2024 ipinahihigpit ng Bacolod City National Highschool ang pagsusuot ng uniporme araw-araw. Maraming estudyante ang nagulat at nagalit dahil hindi sila pinapasok sa loob. Inaanyayahan ng mga awtoridad ng paaralan ang mga estudyante na suotin ang kanilang kumpletong uniporme at ID o pagkakakilanlan upang makapasok dahil itong dalawang bagay na ito ay ang unang hakbang sa pagtukoy na ikaw ay isang estudyante. Ito ang nagpapatunay ng iyong pagkakakilanlan bilang miyembro ng isang institusyon ng edukasyon. Ipinapabuti ng polisiyang ito ang hakbang tungo sa mas maayos at ligtas na paaralan, ngunit may iilang mga mag-aaral ang hindi sang-ayon sa patakarang ito dahil sila ay naiinitan at ang iba ay hindi komportable sa uniporme na kanilang suot. Gayunpaman, mahalaga rin na bigyang- pansin ang mga opinyon at damdamin ng mga mag- aaral upang mahanap ang tamang balanse sa pagpapatupad ng nasabing patakaran.
ID at Uniporme: Laban ng Estudyante at Disipilina
Heaven Delgado“
Sa disiplina ng bawat mag-aaral, seguridad at ginhawa’y iiral”.
Kaakibat ng polisiyang “No ID and Uniform, No Entry” ay ang isyung ukol sa kakayahan ng mga magulang na mabigyan ang kanilang anak ng kompletong uniporme araw-araw. Maraming pamilya ang maaaring mahirapan sa pagtustos ng mga uniporme, lalo na kung limitado ang kanilang kita. Ito ay lalong nagiging problema sa mga paaralang nagsasagawa ng strikto at mahigpit na pagpapatupad ng nasabing polisiya. Hindi lamang ito ang mga hamon, kundi pati na rin ang kawalan ng disiplina ng mga mag-aaral at ang paglabag sa mga patakaran, lalo na sa usapin ng kasuotan sa loob ng paaralan. Mas pinipili nila ang kanilang personal na kagustuhan kaysa sa pagsunod sa itinakdang regulasyon.
Hindi masama pagpapatupad ng patakarang ito dahil sinisigurado lamang ng paaralan ang seguridad at kaayusan nito. Ngunit, dapat maging sensitibo rin ang paaralan at mag-aaral sa pangangailangan at opinyon ng nasasakupan nito upang ito ay mapatupad at mapalaganap
Walang Asignatura; Kapayapaan at Kaginhawaan sa Estudyante ang Dala opinyon
Sa larangan ng edukasyon, masasabing iba’t iba ang paraan ng mga guro kung paano sila humawak ng kanilang mga aralin sa klase. Ibang mga guro ay ginagamit ang pagbibigay ng asignatura upang madisiplina ang mga kabataan, ngunit ang iba naman ay mas pabor na hindi na bigyan ng takdang-aralin ang kanilang mga estudyante. Sa panibagong itinalaga na kurikulum na “No Homework Act of 2023” kung saan ipinagbabawal ang mga gurong mag bigay ng mga asignatura sa mga estudyante tuwing katapusan ng linggo. Ngayong ipinatupad na ito, tiyak ba na makakabenipisyo ito sa mga mag-aaral, magulang o guro? Naging palausapan ang bagong itinatag na “No Homework Act of 2023” ni Senador “Bong” Revilla sa kadahilanang upang mabigyan ng sapat na oras ang mga estudyanteng magpahinga sa dalawang araw na walang klase kada linggo. Makapagbibigay rin ito ng sapat na oras para makasama ang kanilang pamilya. Sa limang araw na sunod-sunod na pagpasok sa paaralan, kailangan nila ng pahinga nang walang iniisip na mga takdang aralin. Kaugnay nito, ilan sa mga guro ay pabor din sa ganitong itinatag. Isa sa mga rason na ayon sa kanila ay sapat na rin naman ang oras na itinalaga ng estudyante sa kanilang mga klase at ayon sa guro na si Ginoong Raymond Ortiz Dela Cruz “ … at hindi na ninyo dapat gawing classroom ang bedroom or ang dining area ninyo.” Kung disiplina naman ang pag uusapan na ayon sa tutol sa kurikulum, masusuri at matutukoy na mapapatunayan ang disiplina hindi lamang sa paggawa ng asignatura.
Hindi ba nila naisip na hindi lahat ay tapat sa paggawa ng asignatura, na ang iba ay nakasalalay sa google o sa mga usong app ngayon? Ito lang ang nagpapatunay na hindi asignatura ang sagot sa pagdidisiplina sa mga estudyante.
Samakatuwid, ang ganitong kurikulum ay tiyak na makakabenepisyo hindi lang sa mga estudyante, kundi na rin sa mga magulang at guro. Makalalaan ito ng oras upang makasama ang
paglalaro, dahil ang kahalagahan nito ay mapanatili ang kapahingahan at mapatatag ang samahan ng isa’t isa bilang pamilya. Sa kasabihan nga na ika nila, “Sa paaralan, maging isang responsableng mag-aaral. Sa bahay, maging isang produktibong miyembro ng iyong pamilya.”
Pagbura ng Asignatura: Banta sa Kredibilidad
ng Akademikong Kalidad
Sa kabila ng mga kabutihang dulot ng inihain na "No Homework Act of 2023" ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., na sumasagot sa patuloy na debate hinggil sa papel ng takdang-aralin sa sistema ng edukasyon, mahalaga ring isaalang-alang ang ilang mga potensyal na hadlang ng batas na ito.
Una, aminin natin ang mga positibong aspeto ng proposal na ito. Ang ideya na limitahan ang takdang-aralin sa mga araw ng linggo at ipatupad ang makatarungang oras ay napupuri. Paglimita ng takdang-aralin sa ‘weekends’ at makatwirang oras: Makakatulong sa pagbabalanse ng buhay ng mga magaaral, ito ay base sa OECD PISA. Ito ay sumasalamin sa natuklasang hindi nakakatulong sa performance at maaaring magdulot ng ‘anxiety’ sa mga estudyante ang sobrang takdang-aralin.
Gayunpaman, may mga negatibong aspeto rin na dapat isaalang-alang. Maaaring itulad ng mga kritiko na ang paglimita
ng takdang-aralin ay maaaring magdulot ng pagbagsak sa kalidad ng pag-aaral. Ang takdang-aralin ay naglilingkod bilang ‘reinforcement’ at
praktis para sa mga aralin sa paaralan, at makakatulong ito sa mga mag-aaral na bumuo ng mahalagang kasanayan sa pamamahala ng oras at disiplina. Sa pamamagitan ng pagbabawas ng takdang-aralin at pagkakaroon nito bilang boluntaryo, may panganib na ang ilang mga mag-aaral ay hindi maayos na makilahok sa kanilang pag-aaral. Isa pang dapat alalahanin ay ang potensyal na epekto sa
mga guro. Ang pagtatakda at pagrerebyu ng takdang-aralin ay mahalagang bahagi ng proseso ng pagtuturo, at maaaring maapektuhan ito ng ‘proposal’ sa paraan ng pag-aaral ng mga guro sa progreso ng kanilang mga estudyante. Sa buod, ang "No Homework Act of 2023" ni Senador Revilla ay may mga mabuting layunin na nagsusulong ng balanseng ‘approach’ sa edukasyon. Gayunpaman, mahalaga na solusyunan ang mga problema hinggil sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, papel ng mga guro, at ang pagsasama-sama ng iba't ibang pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang isang malawakang talakayan na kinabibilangan ng mga guro, magulang, at mga eksperto sa larangan ay makakatulong sa pagbuo ng isang makatarungan at epektibong polisiya na makakabuti sa lahat ng mga sangkot sa sistema ng edukasyon.
Ayanna Isabel RetitaUniForMe
Paaralan, Parte ng Kinabukasan
Isa sa mga mainit na diskusyon sa usaping edukasyon ay ang paggamit ng mga magaaral ng uniporme sa pagpasok ng paaralan. Umani ito ng suporta at batikos galing sa iba’t ibang panig ng mga magulang at estudyante. Dahil sa hidwaang ito, nahati ang mga paaralan sa dalawang panig. Subalit, dahil rin sa kumakailang “heat index” at nababalitaang pagpatay sa iilang paaralan, kaninong panig ang boto mo?
“Mas magandang naka-uniporme ang mga bata, mas malinis tingnan,” ang sigaw ng isang magulang noong malamang isinusulong ng gobyerno ang pag-alis ng uniporme ng mga estudyante sa pampublikong paaralan upang makatulong pinansiyal sa mga magulang. Mas magastos rin ang pagbili ng limang damit kumpara sa pagpapatahi ng dalawang pares ng uniporme. Malaking oras rin ang nakukuha nang pagpili ng masusuot araw-araw kesa sa mayroon nang nakatalagang damit na isusuot sa pagpasok. Sa aspeto naman ng kaayusan, mas malinis at pormal tingnan ang mga estudyanteng nakasuot ng uniporme kesa sa mga estudyanteng nakasuot ng t-shirt at pantalon. Ayon naman kay DepEd Secretary Armin Luistro, mayroong ipinalabas na alituntunin ang tanggapan sa kagandahan nang may tamang kasuotan sa paaralan na nasa ilalim ng DepEd Order No. 46, Series of 2008.
Idinagdag rin nito ang nababalitaang patayan sa iilang paaralan na nagpapahintulot na hindi magsuot ng uniporme. Dahil nga rin sa karamihan ng kanilang estudyante ay hindi nagsusuot ng uniporme, hirap silang hanapin ang suspek sa mga patayang ito. Isa sa halimbawa rito ay ang krimen na naganap sa Himaya Elementary School, Hinigaran. Isang estudyante di umano ay ipinagsasaksak ng hindi makilalang suspek sa naganap nilang Elementary Day. Dahil rito, ang seguridad ng mga mag-aaral ay hindi tiyak. Ang pagsuot ng uniporme ay makakatulong sa pag-iwas ng mga insidenteng ito.
Gayunpaman, may mga magulang at estudyante pa ring hindi sang-ayon sa alituntuning ito. Dahilan ng mga ito ay ang patuloy na pagtaas ng “heat index” at ang di maikakailang init na mararamdaman kapag suot ang uniporme dahil sa telang dala nito. Ngunit, ayon sa isang “survey” na itinalaga nina Hermano et al (2022), mas mataas ang nakuhang porsyento ng mga estudyanteng mas pinipili ang pagsuot ng uniporme sapagkat ito’y presko (73%) kesa sa mga estudyanteng ayaw magsuot nito (27%).
Samakatuwid, mas maraming benepisyo na makukuha sa pagsuot ng uniporme. Narito ang kalinisan, tipid sa pera at oras, at pagbaba ng kaso ng “bullying” sa mga paaralan. Ayon sa isang datos, mas mababa ng 17% ang kaso ng pangungutya sa isang paaralan kung saan lahat ay nakasuot ng uniporme kesa sa paaralang pumapayag na kahit anong damit lamang ang isusuot ng estudyante. Sa mundo ngayon kung saan patuloy na laganap pa rin ang kasakiman, maaari tayong makatulong sa pag-iwas nito sa maliliit na paraan.
Sa huli, ang gobyerno pa rin ang naatasan sa bagay na ito. Nararapat rin na tulungan ang mga mag-aaral hanggang sa kanilang makakaya at timbangin muna ang bawat desisyon na isasaad. Obligasyon rin ng mga ito na mapanatiling ligtas ang bawat magaaral lalong-lalo na kapag sila ay nasa loob ng paaralan.
Ang Tanglaw Patnugutan
Sa tindi at maalinsangan na init na kasalukuyang dinadanas ng mga tao sa ibat ibang karatig na bansa. Ang pagkasidhi ng init ay nagdulot ng dilema sa mga tao, lalo na sa mga estudyante. Alinsunod sa Kagawaran ng Edukasyon, nagkasunduan nila ang ipatigil ang mga estudyante na magsuot ng uniporme para maging komportable ang mga magaaral sa loob ng klase at para maiwasan ang malalang init. Ngunit, sa ganitong resulba ba tiyak mapapawi ang init na kanilang dinaranas? Ayon na rin sa ibang mga paaralan, ang pagpatupad ng ganito ay dahil sa mga estudyante nga nagrekeklamo dahil sa hindi mapakali sa matinding init na kanilang nararamdaman sa loob ng silid-aralan sapagkat ang mga publikong paaralan ay bentilador lamang ang kayang paunlakan para mapawi ang init sa loob. Dagdag pa nito, mas mabuting magsuot ng mga damit na maliwanag ang kulay dahil ito ay magpapawari ng init. Mas iniinganyo rin ang mga estudyante na magdala ng tubig at mga madaling bitbitin at maliit na abaniko para mapanatili ang kaginhawaan sa loob ng silid-aralan. Ngunit, may ibang paaaralan ang mas gustuhin na ipatupad ang kahalating araw lamang na pasok pagka’t mas matindk ang init kapag hapon. Meron din naman na mga paaralaan na ang nagsususpinde ng klase buong araw dahil may mga partikular na lugar ang nakakaranas ng malalang init. Nahahati sa dalawa ang nagiging opinyon sa ganitong suliranin. Ang iba ay mas pabor na mainam na ipagliban na lamang ang pasok at ibahin na ang paraan sa pag-aral. Bagaman, meron ding iba na mas gusto na sa paaralan na mag-aral kaysa sa online class dahil tiyak na ang iba ang alam kung gaano kahirap ang pagsabak sa online class noong pandemya. Sa pagmungkahi at pag-aproba sa pagsuot ng mga magaan at komportable damit, natitiyak dito ang kapakanan ng mga estudyanteng naiinitan at pagkabalisa sa init. Nawa’y hindi lamang ang mga estudyante ang gagawa ng paraan para masolba ang suliranin na kagaya nito. Sana masolusyunan din ang mga problema sa mga silid-aralan at kung paano makakatulong upang mapawi ang matinding init na gumagambala sa mga estudyante sa ganitong partikular na panahon. Suot sa
Pangalawang Patnugot
KRYSTALLY LEDESMA FRANCIS DANIEL DUALE
SEBASTIAN S. MARQUESES
Patnugot sa Social Media BLINK LAWRENCE BELAONG
Patnugot sa Opinyon ELISHA ABIGAIL BALUYA
DIANNE CASERIA
Patnugot sa Isports REXINNE BARRIENTOS GERALD SAYSON
CASTRO
Tagapangasiwang Patnugot
LOUREN JOY BISAGAR PATRICIA PHAULA GAMAO KARLAISLE DUMDUM
Patnugot sa Balita THEA ANN AYUMANA
Patnugot sa Lathalain ATIYYAH HERRERA CHRYSTELLA SALMO
Patnugot sa Multi-Media ANGELIE PEARL ENDOMA ARVIL JULES ALAGBAN SOFIA LEIGH DOMINGO KARL JOSH COLLARIN
Mga Tagapayo
LORENZO MAGSIPOC
SUZETTE GARCIA
RIZA MAE LOPEZ
Head Teacher VI, Filipino
Ma. Victoria L. Solitano
Asst. School Principal II, SHS Ma. Cristina Doriman
Principal IV
RICHARD GELANGRE
Ayon naman kay DepEd Secretary Armin Luistro, mayroong ipinalabas na alituntunin ang tanggapan sa kagandahan nang may tamang kasuotan sa paaralan na nasa ilalim ng DepEd Order No. 46, Series of 2008. Idinagdag rin nito ang nababalitaang patayan sa iilang paaralan na nagpapahintulot na hindi magsuot ng uniporme. Dahil nga rin sa karamihan ng kanilang estudyante ay hindi nagsusuot ng uniporme, hirap silang hanapin ang suspek sa mga patayang ito. Isa sa halimbawa rito ay ang krimen na naganap sa Himaya Elementary School, Hinigaran. Isang estudyante di umano ay ipinagsasaksak ng hindi makilalang suspek sa naganap nilang Elementary Day. Dahil rito, ang seguridad ng mga mag-aaral ay hindi tiyak. Ang pagsuot ng uniporme ay makakatulong sa pag-iwas ng mga insidenteng ito. Gayunpaman, may mga magulang at estudyante pa ring hindi sang-ayon sa alituntuning ito. Dahilan ng mga ito ay ang patuloy na pagtaas ng “heat index” at ang di maikakailang init na mararamdaman kapag suot ang uniporme dahil sa telang dala nito. Ngunit, ayon sa isang “survey” na itinalaga nina Hermano et al (2022), mas mataas ang nakuhang porsyento ng mga estudyanteng mas pinipili ang pagsuot ng uniporme sapagkat ito’y presko (73%) kesa sa mga estudyanteng ayaw magsuot nito (27%).
Samakatuwid, mas maraming benepisyo na makukuha sa pagsuot ng uniporme. Narito ang kalinisan, tipid sa pera at oras, at pagbaba ng kaso ng “bullying” sa mga paaralan. Ayon sa isang datos, mas mababa ng 17% ang kaso ng pangungutya sa isang paaralan kung saan lahat ay nakasuot ng uniporme kesa sa paaralang pumapayag na kahit anong damit lamang ang isusuot ng estudyante. Sa mundo ngayon kung saan patuloy na laganap pa rin ang kasakiman, maaari tayong makatulong sa pag-iwas nito sa maliliit na paraan.
Sa huli, ang gobyerno pa rin ang naatasan sa bagay na ito. Nararapat rin na tulungan ang mga mag-aaral hanggang sa kanilang makakaya at timbangin muna ang bawat desisyon na isasaad. Obligasyon rin ng mga ito na mapanatiling ligtas ang bawat mag-aaral lalong-lalo na kapag sila ay nasa loob ng paaralan.
Hataw, Hubog, Estilo
ATTIYAH HERRERA
Nagninigning ang mga kumukuti-kutitap na mga ilaw, ang mga kalye ay puno ng samu’t saring ingay mula sa ligaya na nadarama ng mga tao, at hindi tumitigil ang pagdayo ang mga turista upang makisaya. Ang mga ito ay karaniwang nagaganap sa pagsapit ng buwan ng Oktubre sa lungsod na tinaguriang “The City of Smiles”, ang lungsod ng Bacolod. Bawat taon, ipinagdiriwang dito ang MassKara Festival. Talento ang siyang binida ng kani-kanilang mga baranggay sa pagdiriwang ng ika-44 Masskara Festival, kaya naman ay nakamit ng Brgy. Handumanan ang 1st Runner Up sa Street And Arena Dance Competition. Hinubog ni Segundo Jesus ‘Panoy’ Cabalcar ang mga talento ng kaniyang grupo. Puno ng sigabong at palakpakan mula sa madla ang kanilang pagtatanghal. Dulot ng inilaan nilang dugo at pawis sa pag-iinsayo, nabawi ito nang matanggap nila ang napakalaking gantimpala. Estilo sa pagsasayaw ang dahilan ng kanilang parangal, hindi masukat ang paghahanda na kanilang ginawa upang maipamalas ang natatanging talento at nahuhubog na galaw. Sa mga tulog ng kanilang taga-ensayo ay kanilang mas nailinang at naisuri ang kanilang mga kakayahan. Hindi man nila nakuha ang kampeonato ay kanila namang naipamalas ang talento sa buong panig ng mundo. Ang sayaw tungo sa hangarin ang siyang susi sa pangarap at pagsisikap na nararapat nilang makamtan. Maaaring may panahon na hindi natin maabot ang ating hinahangad ngunit may natatanging bagay na nakalaan upang tayo ay mas magsumikap patungo sa ating pangarap.
IsangAksyonKampeon Ng
a hirap na ating nararanasan sa pang-araw-araw na buhay, hindi maiwasang magipit at mangailangan ng pinansyal na suporta— tayo ay humihingi ng karagdagang baon sa ating mga magulang dulot ng bayarin sa paaralan na nagpabutas ng ating mga bulsa. Tila ba'y hindi maiwas-iwasan ang mga ambagan at bayarin para sa proyekto sa kaniya-kaniyang asignatura, nagagawa na nating tiisin ang gutom sa oras ng recess mabawasan lang ang bayarin.
Nahahagilap ng ating mga mata ang mga munting estudyanteng nagtitinda ng mga turon, kendi o anumang makakain. Nakikita natin silang nagsisikap upang matulungan din ang kanilang mga pamilya na mabawasan ang mga gastusin at matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Sa kanilang mga pagsisikap, nababayaran nila ang mga gastusin na nagpapadagdag sa kanilang hirap bilang mga estudyante. Mayroong kani-kanilang mga dahilan kung bakit sila kumakayod para makatulog sa kanilang pag-aaral. Hindi masusukat ng anumang barya ang bawat hirap na kanilang binubuhos sa tuwing sila ay nag-aalok ng mga meryenda upang matustusan ang kanilang mga bayarin sa paaralan at personal na mga gastusin. Maaaring may mga panahon din na kahit tayo ay tumatanggi sa kanilang mga inaalok na pagkain sapagkat lahat tayo ay may kani-kaniyang pasang bato pero patuloy tayong nagsisikap upang marating natin ang ating mga hinahangad.
Kanilang kinakatok ang pintuan ng ating mga silid-aralan upang mag-alok ng mga masasarap na meryenda o anumang makakain. Nililibot ang bawat sulok ng paaralan, makakita lang. Magsilbing halimbawa si Khian Carl Sagrado, siya ay isa sa mga estudyante ng Bacolod City National High School na kumakayod upang magsilbing inspirasyon sa kapwa estudyante, ang kaniyang mga itinitinda ay turon at brownies. Tayo na lamang ay maging kumilala ng utang na loob sapagkat tayo ay nakakatanggap ng mga biyaya na nakakatulong sa ating pang-arawaraw na buhay. Ating pakatandaan na ang bawat tulong na ating natatanggap ay walang lapalit na
"Learning over Earnings: Learning is a lifelong process, because if you dont know how to learn you don't know how to earn." Ang kaniyang itinatak sa puso't isipan upang patuloy na matutong mag-invest bilang isang kabataan. Sa kaniyang pag titinda ay nabawasan ang kaniyang mga gastusin at ganoon din ang paghatid ng ngiti sa mga labi ng kaniyang kapwa estudyante. Sa kanilang paglibot sa mga sulok ng paaralan ay nagbibigay din ng tulong sa kanilang magulang. Hindi lang ito nagkakaroon ng benepisyo sa personal na buhay dahil sila rin ay nagsisilbing inspirasyon sa ibang mga estudyante na magsikap at maging bukas sa tinatawag na hirap na buhay lalo na’t tumataas na rin ang mga bilihin.
Huwag nating balewalain ang mga pagsisikap ng bawat tao sa ating paligid sapagkat pare-parehas rin tayong nagsisikap upang makaahon sa kahirapang nararanasan. Magsilbi sanang inspirasyon sa lahat ng ating mga kamag- aral na patuloy na maging mausisa at handang matuto sa anumang paraan sapagkat maaari rin itong maging isang daan upang tayo ay kumita at makatulong.
Tanaw at Tanglaw
Tuwing blackout o mas kilala sa tinatawag nating “Brown Out”, hindi na bago sa atin ang kandila at posporo na nagbibigay ng kaunting liwanag para maipagtuloy ang ating mga gawain at layunin sa gitna ng kadilimang bumabalot. Nagsisilbing kandilang patuloy na kikislap patungo sa liwanag ng pangarap. Ngunit hindi lamang dito sumisimbolo ang liwanag kundi ang bagay na maaaring maihahalintulad dito, ang mga Special Education Teachers.
Ayon sa TeacherPH, halos 836,193 ang mga guro na may espesyal na pangangailangan ang patuloy na nagiging inspirasyon sa pagpapatuloy sa buhay.
Sa larangan ng pag-aaral, hinding-hindi mawawala ang ating mga guro na nagsisilbing gabay at saklay upang tumulong na maitawid tayo tungo sa karunungan ng bawat isa. Hirap ang siyang inspirasyon ng pagiging guro ay hindi lamang isang propesyon na kanilang hinahangad kundi ang makatulong at magsilbing pangalawang magulang na tila ba’y ikaw ay isang ina na nagpapalaki ng humigit kumulang na limampung estudyante araw-araw. Makakasalamuha mo rito ang iba’t-ibang klase ng mga estudyante, iba’t ibang personalidad, iba’t ibang kwento, at iba’t ibang gampanin, iba’t ibang layunin.
Hindi balakid ang kapansanan ng isang inidibidwal na maging inspirasyon sa kanilang kapuwa— tulad na lamang sa mga Special Education Teachers na may mahalagang gampanin at layunin sa larangan ng edukasyon. Lubos din ang kanilang kasipagan upang matugunan at maunawaan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral na nangangailangan ng espesyal na tugon. Isa na rito ang guro na si Arlisa Pechera, 63 taong-gulang na kasalukuyang nagtuturo sa Bacolod City National High School. Nakapagtapos siya sa kursong BS in Mass Communication at itinaguyod ang pagtuturo bilang supplemental in education.
Datapwat, bago pa man naging isang ganap na guro, nakipagsapalaran muna siya sa iba’tibang organisasyon katulad ng Non-Governmental Organization at People’s Organization na nakabatay sa Manila. Nakapasok din siya sa ikalimang puwesto sa Registry of Qualified Applicants sa vacancy sa larangan ng Ingles at panitikan. Nagbigay inspirasyon ang kaniyang tagumpay lamang sa mga mag-aaral kundi na rin sa kapwa niya guro na naghahangad ng karangalan. Hindi man naging madali ang kaniyang naging karanasan sa simula ngunit naging daan pa rin ito para mapatunayan ang kaniyang sarili na siya ay kwalipikadong guro. Iyan na lamang ang isa sa mga patunay kung gaano ka dedikado si Pechera sa kaniyang natatanging propesyon. Siya ay nakatulong sa mga mag-aaral at nakapagbibigay inspirasyon upang mas mapapabuti pa nila ang kanilang pag-aaral.
Hindi maipagkakailang tunay na inspirasyon ang landas na tinahak ng isang guro at naglalayong makapagbigay ng inspirasyon sa bawat isa sa atin sa kabila ng mga paghihirap na kaniyang dinanas. Hindi alintana ang lahat ng mga abala at pangungutya na ibinigay sa kanya ng buhay, siya ay patuloy na naging inspirasyon, hindi lamang sa kaniyang pamilya’t kaibigan kundi pati na rin sa kaniyang mga estudyante.
Meryenda para sa Bulsa
CHRYSTELLA SALMONapakalawak ang larangan ng isang guro sapagkat hindi lamang pag-aaral ang inaatupag kundi pati na rin ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon. Hindi ito mapapantayan ng anumang halaga lalo na't kanilang binuhos ang dugo at pawis, maibigay lang ang dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan.
Kilala si Richard M. Gelangre bilang Principal IV ng Bacolod City National High School. Siya ay may malawak na karanasan sa larangan ng edukasyon at liderato. Bilang punong guro ng paaralan, siya ay responsable sa pangangasiwa at pagpapalakas ng mga gawain at programa ng paaralan upang mapalawak ang kakayahan at kahusayan ng mga mag-aaral. Siya ay may mahalagang papel sa pagpapalakas ng edukasyon at pagpapabuti ng kabuuang karanasan sa paaralan para sa mga mag-aaral, guro, at iba pang mga kawani.
Hindi lamang bilang isang punong-guro ang kaniyang ginagampanan ngunit siya rin ay ang Presidente ng Bacolod City Public School Teachers Federation (BCPSTF). Noong Pebrero 13 sa kasalukuyang taon, siya ay naging tagapangasiwa ng Leadership Training for District League Presidents and Representatives. Napakarami ang dumalo sa kaganapan na ito sapagkat dito isinusulong ng mga kinatawan ng edukasyon ang pagbibigay ng mensahe tungkol sa pagbibigay tugon sa kapakanan ng mga guro.
Batay sa National Economic development authority, halos 93.3 na porsyento sa mga guro ang hindi nababayaran nang tama. Kaya naman labis na minumungkahi ng mga teaching at non-teaching personnel nag-uudyok na pataaasin ito.
Ginanap ito upang itaguyod ang mga karapatan at kapakanan ng mga guro sa pampublikong paaralan, pagtataguyod para sa mas magandang kondisyon sa pagtatrabaho, patas na kabayaran, mga pagkakataon sa pag-unlad ng propesyon, at pinabuting mapagkukunang pang-edukasyon upang matiyak ang kalidad ng edukasyon para sa lahat ng mga mag-aaral.
Kumakailan lamang nitong Marso, kasama ang BCPSTF, nagprotesta ang mga guro para sa petisyon ng pagpapataas ng sahod sa P50,000. Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Richard Gelangre, kanila pa ring pilit na pinanghahawakan ang promisang binitawan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 na doblehin ang sahod ng mga guro. Dagdag pa rito na kadalasang mga proyekto sa loob ng silid-aralan at mga materyales na ginagamit dito ay nagmula pa sa kanilang mga bulsa upang mabigyan lamang ng komportableng lugar na pag- aaralan ang mga estudyante.
Sa pamamalakad ni G. Richard Malacad Gelangre bilang Principal IV ng Bacolod City National High School at Presidente ng Bacolod City Public School Teachers Federation, ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa pagpapalakas ng edukasyon at pagtataguyod ng karapatan ng mga guro. Ang kanilang pagprotesta para sa petisyon ng pagpapataas ng sahod ay isang pagpapakita ng kanilang determinasyon na makamit ang pinanghahawakang pangako ng pagtataas ng sahod, na maaaring makatulong sa kanilang personal na pangangailangan at sa edukasyon para sa mag-aaral.
parehong genera at species. Ito ay sinundan ng ‘Euphorbiaceae’ na may apat (4), at ‘Meliaceae’ at ‘Asteraceae’ na may tatlo
DiverCITY HIGH
Sa Vegetation Structure, relative frequency (RFrequency), density (RDensity), at re ng mga halaman.
Ang relative frequency ay tumutukoy sa unit area ng sampling area sa kabuuan, ang relative density ay tumutukoy sa bilang ng mga indibidwal sa bawat uri, habang ang relative dominance naman ay ang basal area sa bawat uri ng halaman. Sa RFrequency, itinanghal ng resulta ang S. macrophylla bilang halaman na may pinakamataas na marka (14.29), habang F. benjamina naman para sa may pinakamababang marka. Sumusunod rito ay ang RDensity, na pinangunahan ulit ng S. macrophylla sa markang (34.60), at , ipinakilala ang C. ), habang T. catappa ng halaman na naitala sa BCNHS, ang S. macrophylla ang may pinakamataas na SIV, at tumatayo sa markang 58.40, na sinundan naman ng P. indicus (18.05) at C. nucifera (17.85), habang ang M. oleifera (1.85) ang itinalagang may pinakamababang marka. Ang mga resulta na inilahad ay nagpapahiwatig lamang na ang S. macrophylla ang may pinakamalaki at makabuluhang n-Weiner
Diversity index upang kalkulahin ang iba’t ibang uri ng halaman sa Bacolod City National High School. Ang mga resulta ay nagpakita ng isang katamtamang kondisyon, na nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa mas mahusay na konserbasyon at pagpapanatili ng kalikasan. Ang impormasyong ito ay mahalaga para sa pag-unawa sa biodiversity at ecological balance.Ipinapahiwatig ng pag-aaral na Bacolod City National High School ay may katamtamang kondisyon sa iba’t ibang uri ng halaman, gaya ng ipinahihiwatig ng 2.74 index nito.
UBO
Sakit na
Walang Takas!
Ubo, ubo, ubo… may Pertussis na yata ako!
Ubong-dalahit o whooping cough, na tinatawag din na pertussis, ay isang lubos na nakakahawang impeksyon sa baga ang kamakailan lamang na nagtaas ng bahala sa mga lokal na pamahalaan. Sa kabila ng pagkalat nito ay marami pa rin ang hindi batid sa sakit. Ayon sa Department of Health (DOH), ang pertussis ay sakit sa baga na dulot ng bakterya na Bordetella pertussis o Bordetella parapertusis. Ang mikrobyong ito ay kadalasang makikita sa ilong at lalamunan ng mga nahawaan.
Lubhang mabilis ang pagdami ng kaso ng pertussis dahil maaari itong kumalat sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan at pagtabi sa mga taong may ganitong uri ng ubo. Ito ay maaaring airborne na kalimitang mula body fluid droplet ng nahawaan.
Kadalasang mapapansin ang sintomas ng sakit ika-7 hanggang ika-10 araw pagkatapos mahawaan. Subalit maari ring lumitaw ang sintomas pagkatapos ng 21 araw.
Dagdag pa rito ay karaniwang nagsisimula sa banayad na sintomas ang sakit, na kung minsan ay napagkakamalang sipon– tumulo o baradong ilong at tuyong ubo (dry cough). Ang mga taong may pertussis ay maaaring makaranas ng matinding pag-atake ng ubo na kung saan sila ay hinahapo sa sandaling matapos na umubo. Ang ilan ay maaaring hingalin nang matindi at magsuka o makaramdam na tila sila ay nabubulunan.
Ayon naman sa Centers of Disease Control and Prevention (CDC), bawat taon ay umaabot sa 24.1 milyon ang kaso ng pertussis sa kabataang edad 5 pababa sa buong mundo. Habang sa Pilipinas naman ay umabot na sa 586 ang kaso mula sa ika-1 ng Enero hanggang ika-16 ng Marso.
Mabilis man ang pagkalat ng pertussis sa bansa, mahalagang maging handa at maingat sa pagkilala ng mga sintomas nito upang mapanatiling ligtas ang sarili at iba. Kaya’t maging alerto at agad na kumonsulta sa doktor upang mabigyan ng tamang pagtugon sa anumang problemang pangkalusugan, lalong-lalo na sa mga nakakahawang sakit.
Naitalang kaso ng
Pertussis
angtanglaw
Isa sa pangunahing konsumo ng pamilyang Pilipino ang karne ng manok. Dahil sa sarap at kaangkupan nito sa kahit na anong putahe mapainihaw, prito, may sabaw, o ang kilala sa buong mundong Adobo, ito ay tiyak na matatagpuan sa bawat tahanan ng pamilyang Pilipino.
Ngunit, sa bawat kagat sa ating paboritong ulam, hindi lamang sarap ang hatid nito sa ating panlasa kundi kalakip din ang mga sakit na hindi lamang nakikita ng ating mga mata. Katulad ng ibang pagkain, ang ating masasarap na putahe ay nagdadala rin ng potensyal na panganib sa ating kalusugan. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (2023), ang karne ng manok ay maaaring magdala ng salmonella na nagdudulot ng sakit sa tao kung ito ay hindi naihanda nang maayos. Ang pagkakaroon ng impeksyon na ito ay maaaring magresulta sa mga sintomas tulad ng pagtatae, pagsusuka, at pananakit ng tiyan, o kamatayan kung hindi agad maagapan.
na napapatay para sa ligtas na pagkain.
Panlasa at Kalusugan: Ang Banta ng Salmonella sa Karne ng Manok
LOUREN BISAGARAng salmonella ay madalas na nakukuha sa mga karne ng manok kapag hindi wasto ang paghahanda o ang pagluluto nito. Sa pag-aaral nina Brenner et al. (2000) sa Washington State Department of Health, karaniwang namamalagi sa digestive tract ng kontaminadong manok ang bacteria na ito upang dito manirahan at magparami, isang panganib na dapat bantayan lalo na sa paghahanda at pagluluto ng mga pagkain partikular na ang manok. Upang maiwasan ang salmonella contamination, mahalaga ang tamang paghahanda at pagluluto ng karne ng manok sa kahit ano mang putahe. Ang tamang pagluluto nito ay higit na mahalaga upang patayin ang mga bacteria na maaaring makasama sa kalusugan, at matiyak ang iba pang mga organismo na kumakapit dito ay maayos
Laganap ang mga sakit lalo na sa panahon ngayon. Hindi rin natin ito maiiwasan sapagkat kakaunting panahon lamang ang nalalaan natin upang alagaan ang ating mga sarili.
Ayon sa Department of Health Central Luzon Center for Health Development, ang surveillance data ay naglabas ng pahayag ukol sa limampu’t isang porsyento (51%) pagtaas ng mga kaso ng 'Influenza-like illnesses' sa rehiyon noong Enero sa kasalukuyang taon. Kung kaya’t ang DOH ay naglahad ng mga maaaring hakbang sa pag-iwas at paggamot ng pneumonia. Isa sa mga sakit na lumalaganap ay ang tinatawag na Pneumonia, ito ay isang malubhang impeksyon o pamamaga sa mga baga. Ito ay nangyayari kapag ang mga 'airsacs' sa loob ng ating baga ay napupuno ng nana at iba pang mga likido, na siyang humaharang sa oxygen at pinipigilan na maabot ang daluyan ng dugo. Kung ang dugo ay hindi naaabutan ng dumadaloy na hangin, ang mga tinatawag na 'cells' ng katawan ay maaaring hindi makapagtrabaho nang maayos, na pwedeng humantong sa kamatayan.
Maaaring gamitin ang iba’t ibang paraan tulad ng pag-iimbak ng karne sa tamang temperatura, pagluluto ng tama at sapat na oras, at paghuhugas ng mga kagamitang kusina pagkatapos gamitin upang maiwasan ang pagkalat ng bacteria o tinatawag na cross-contamination. Ibukod din ang mga gamit na madalas ginagamit para sa karne lamang, at huwag na itong gamitin sa iba pang uri ng pagkain o sangkap. Sa pamamagitan nito ay mapapaliit ang tsansa ng kontaminasyon at mapapanatiling malinis hindi lamang ang kusina, kundi pati na rin ang ating pagkain. Ang salmonella ay isa lamang sa maraming potensyal na banta sa na maaaring makukuha sa karne ng manok kapag hindi ito naihahanda nang wasto bago ito lutuin.
Kaya’t mahalaga ang tamang paghahanda at pagluluto ng mga pagkain upang maiwasan ang pagkakaroon ng ganitong uri ng sakit, at mapanatiling ligtas ang sarili at ang mga kakain ng ating nilutong putahe.
Nakakatakot man kung iisipin, hindi maipagkakailang ito ay nagpapakita lamang na ang ating kalusugan ay nakasalalay sa sarili nating mga kamay. Sa maayos at mabusising paghahanda ng karne ng manok ay mababawasan ang ating pag-aalala, at kampante nating sa hapag kainan.
Palaging pakatatandaan, ang malinis na pagkain ay katumbas ng masayang sikmura at malawak na ngiti. Ano pa bang hinihintay mo? Halina’t magluto ng putaheng manok na iyong paborito!
PakikibakaLabansa
Mayroon ding mga paraan upang maiwasan ang sakit na pneumonia, nangangailangan ito ng maramihang proseso na nakatuon sa bakuna, kalinisan, mga gawi sa pamumuhay, at agarang medikal na atensyon. Kinakailangan rin ang pagpapanatili ng mabuting kalinisan sa pamamagitan ng regular na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, pag-iwas sa paninigarilyo, at pagpapanatili ng kalusugan sa pamamagitan ng balanseng diyeta, regular na ehersisyo, at sapat na pahinga.
Mahalagang ibahagi ang impormasyon tungkol sa pneumonia sa nakakarami upang maipaalam sa mga tao ang kahalagahan ng pag-iingat at pagbibigay ng tamang pangangalaga laban sa sakit na ito. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa mga hakbang ng pagpigil, pagkilala, at paggamot sa pneumonia, mas maraming tao ang magiging handa at magkakaroon ng kaalaman kung paano ito maiwasan at masugpo. Ating ipakalat ang ganitong mga impormasyon upang maipakalat ang kaalaman at kamalayan sa lahat.
Patok sa masang Pilipino
Mapa-selfie man o groufie, patok na patok at kinagigiliwan ngayon ng masa ang makabagong paraan ng pagkuha ng mga litrato, kaya naman halos lahat ay pare-pareho na ang kuha dahil sa ganitong makabagong pamamaraan. Napapaisip pa lang na kukuha ng litrato ay tiyak na maraming mapapasigaw na i 0.5 na yan.
Ayon pa nga sa pananaliksik ng mga eksperto, marami na ang gumagamit at mas naaliw sa ganitong makabagong pamamaraan kung kaya ito ay tinaguriang “most used camera lens” sa kasalukuyan. Dito na rin nagpapakita na patuloy na ang paglaganap ng teknolohiya.
Higit na ito ang pinupuntahan ka agad ng mga “millennials” kung saan mas nakakapukaw atensyon sa medya ang mga litratong nakuha. Patuloy na pinapalawak ang kakayahang mahagip ang napaligirang natatanaw.
Pinapadali din ng mas malawak na mga kuha ang pagkuha ng mga head-to-toe outfits nang solo. Kasama na riyan ang mga halos tambay na sa iba’t ibang social media platform ay ang pagpopost pa ng payo para sa pagkuha ng mga natatanging larawan gamit ang 0.5 lens na tumutuon sa mga detalye tulad ng mga sapatos, o makeup ng paksa depende sa anggulo kung saan ito kinunan.
Kasama ng pag-usbong at pagsikat ng 0.5 selfie ay maaari ding maiugnay sa maraming trend na nakitang muling nagmana ang Generation Z sa highly-edited, picture-perfect aesthetic na nakikita ng mga influencer. Gayunpaman, para sa maraming millennials, ang 0.5 selfie ay hindi walang kamali-mali gaya ng tradisyonal na self-portrait sa social media. Dahilan na ng tumataas na katanyagan ng mga kaswal na pagtatambak ng larawan sa Instagram at iba pang mga “app” na nagbabawal sa pag-edit at pag-filter, ang 0.5 selfie ay may katulad na nagpapatunay rito.
Ayon pa nga sa mga kasulukuyang henerasyon, ang 0.5 ay isa sa mga umaaliw sa kanila tuwing sila ay nag-iisip na kumuha ng litrato kasama ang barkada. Sa ganitong paraan, tunay ngang nagbibigay ng kapaki-pakinabang na intensiyon ito sa madla. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pag-abanse ng teknolohiya sa mundo na patuloy nating ginagalawan. Marami na rin ang umaasa na lamang sa patuloy na pag-unlad ng iba’t ibang klase ng teknolohiya. Katulad na lamang nito ay ang 0.5 na patuloy na gagamitin pa rin ng madla. Kahit sa anong pamamaraan kapag makakuha lang ng mabuti at mataas na kalidad ng litrato ay tiyak na makakapagbigay aliw sa lahat.
REPRESENTA SA
KOREA. Bibida ang mga kabataang Pilipino sa larangan ng short track speed skater, sa lalapit na Winter Youth Olympics 2024 /The Game
Manalo Pinoy ako!
Ilalaban ng mga kabataang Pilipino sa larangan ng Short Track speed skater, cross-country skier, at Freestyle skiing sa nalalapit na Winter Youth Olympics 2024 sa Gangwon, South Korea. Ang mga pambato na sina Peter Joseph Groseclose, Avery Uriel Balbanida, at Laetaz Amihan Rabe ay magsisilbing inspirasyon at simbolo ng pag-asa para sa bansa habang binubuksan ang bagong kabanata ng tagumpay mula ika-19 ng Enero hanggang unang araw ng Pebrero.
Kahit hindi sa sariling bayan lumaki, nananatili pa rin sa kanilang puso at diwa ang pagiging Pilipino. Bagamat hindi perpekto, puspusan ang kanilang pagsasanay para maiangat ang dangal ng bansa at ipakita ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng palakasan.
Sa harap ng mga hamon ng laro, handang madapa, malamigan, at masugatan ang kanilang mga katawan. Ang kanilang pangunahing iniisip ay kung paano haharapin at sugpuin ang mga dayuhang manlalaro upang makamtan ang tagumpay at dangal ng bayan.
Sa bawat laban, ang mga manlalaro ay nagbibigay ng kanilang buong pusong pagsusumikap at
nag-aalay ng sapat na sakripisyo upang makamtan ang kanilang mga pangarap. Dala nila ang malaking responsibilidad na itaguyod ang dangal ng Pilipinas sa bawat kompetisyon na kanilang sinalihan. Bagamat walang gintong medalya ang naiuwi, ang kanilang paglalakbay sa Palarong Pambansa ay nagsilbing inspirasyon para sa mga kapwa Pilipino sa buong mundo. Ipinakita nila na sa kabila ng mga pagsubok at hamon, walang mahirap sa taong may pangarap at nagpupunyagi. Ang kanilang determinasyon at dedikasyon ay nagpapakita ng di-matatawarang halaga ng pagtitiyaga at pagpupursigi sa pag-abot ng mga pangarap. Sa mga atletang ito, bukas ang mata ng buong mundo sa kakayahan at giting ng mga Pilipino. Sa bawat pagtatagumpay at kabiguan, patuloy na lumulutang ang mensaheng “MANALO MATALO, PINOY AKO!”. Isang pahayag na nagpapatunay na ang pagiging Pilipino ay isang yaman na hindi kayang tapatan ng kahit anong medalya.
EJ OBIENA, Ilaw
at Inspirasyon ng mga
Atletikong Pilipino
Sa mundong nililok ng pag-asa at tagumpay, isang pangalan ang nagtatangi sa gitna ng mga hamon sa larangan ng atletika, si Ernest John "EJ" Obiena. Sa kanyang pagiging pole vaulter, hindi lang siya isang atleta, siya ay nagiging tanglaw at inspirasyon para sa bawat Pilipino.
Sa kampeonato ng World Athletics sa Budapest, naging makasaysayan ang tagumpay ni Obiena. Ang pagkamit niya ng pilak ay hindi lamang pagtatagumpay para sa kanya kundi patunay din ng kakayahan ng Pilipinas sa pandaigdigang palakasan. Ito'y isang pahayag ng giting at dedikasyon ng isang atletang handang isakripisyo ang lahat para sa bansa.
Bagamat dumanas ng matinding pagsubok, lalo na ang kanyang pagkakalad ng ACL noong 2017, hindi sumuko si Obiena. Sa kanyang masusing pagsasanay at di-mabilang na pagpupunyagi, nagtagumpay siyang bumangon at ipinakita ang kanyang kahusayan sa larangan ng pole vault.
Bilang isang pole vaulter, nagbibigay si Obiena ng diwa ng pagsusumikap at pagtitiyaga sa bawat pagangat niya sa latag. Sa bawat kompetisyon, ipinapakita niya ang halaga ng matibay na determinasyon at hindi pag-atras sa harap ng mga hamon. Ang kanyang mga tagumpay ay hindi lamang nagpapatunay ng kanyang sariling kakayahan, kundi nagbibigay-daan din para sa iba na maniwala sa kanilang sarili at sa kanilang mga pangarap.
Sa bawat pag-angat ni Obiena, ito'y nagiging ilaw para sa kapwa niyang atleta.
Sa kanyang mga payo, "Enjoy it and keep pushing. It’s the only way up!!!" iniiwan niya ang aral ng determinasyon at tapang, na nagbibigay-inspirasyon sa iba na hindi sumuko sa mga hamon ng buhay.
Sa pagtutulungan ng kanyang mga tagumpay at karanasan, patuloy na nagiging boses si Obiena para sa pagpapalakas ng atletikong komunidad sa Pilipinas. Ang kanyang adbokasiya para sa pagsusumikap, dedikasyon, at pagtitiyaga ay naglilingkod bilang inspirasyon at patnubay para sa mga kabataan at kapwa atleta na nangangarap ng tagumpay. Sa pamamagitan ng kanyang mga gawa at salita, patuloy niyang pinapakita na ang tagumpay ay maaaring makamit sa pamamagitan ng tiyaga, determinasyon, at hindi pagurong sa harap ng mga pagsubok. Higit pa sa kanyang mga tagumpay, si Obiena ay nagiging ilaw at inspirasyon para sa mga kabataan at kapwa atletang nagnanais magtagumpay. Sa bawat salita at gawa, ipinapakita niya na sa pamamagitan ng pagsusumikap, determinasyon, at dedikasyon, maaaring abutin ng bawat Pilipino ang tagumpay sa anumang larangan na kanilang pinipili.
Provincial Meet '24, nagwakas; Bacolod City, namayagpag
isports balita
BCNHS SPED, bitbit ang Liwanag sa Tagumpay ng Paralympiada
Blink Lawrence BelaongSa pista ng Cadiz City, ang mga kinatawan mula sa Bacolod City National High School ng Division ng Bacolod, Special Needs Education Program ay nagpamalas ng kahusayan at determinasyon sa pagiging kampeon ng 26th Paralympiada. Hindi lamang sila nagwagi sa larangan ng sports kundi ipinakita rin ang kakaibang kakayahan at potensyal ng mga kabataang may espesyal na pangangailangan. Itinampok din nila ang kahalagahan ng pangarap at determinasyon sa harap ng mga pagsubok sa laban. Mula paaralan hanggang Cadiz, nagdala ng kahanga-hangang tagumpay ang BCHNS na nagbigay liwanag sa Dinagsa Festival.
Hinamon ng mga batang ito ang kanilang sarili sa pamamagitan ng diwa ng pagsusumikap at dedikasyon. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang tagumpay ng paaralan kundi inspirasyon para sa lahat na ipakita ang kanilang kakaibang kakayahan at magpatuloy sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa kabila ng anumang hamon.
Naging masigla at mas makahulugan ang selebrasyon ng Dinagsa Festival dahil sa tagumpay na ito ng paaralan. Bilang isa sa mga ilaw ng festival, nagbibigay saysay at kahulugan ang Paralympiada sa diwa ng Golden Dinagsa, nagpapakita na ang sports ay para sa lahat, anuman ang kondisyon o pangangailangan.
Nagdala ng liwanag sa komunidad ang mga kabataang atleta mula sa BCHNS, nagpakita ng inspirasyon, at nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagpapahalaga sa talento at determinasyon ng bawat isa. Sa kanilang tagumpay, tayo ay hamon na bigyang-pansin at suportahan ang mga espesyal na atleta hindi lamang sa sports kundi pati na rin sa kanilang mga pangarap at ambisyon sa buhay.
isports editoryal
Video Games: Ligaya o Pagdurusa?
Sa pag-unlad ng teknolohiya at ekonomiya, ang paglalaro ng video games o mas kilala bilang esports ay naging sentro ng maraming usapin sa lipunan. Ang patuloy na pag-usbong ng industriya ng online gaming ay naglalagay sa harap ng ating mga mata ng mga hamon at pagkakataon. Ano nga ba ang dulot nito sa ating lipunan? Ang tanong na ito ay nagdadala ng pangamba, ngunit maaaring maging susi rin sa masusing pagsusuri.
Isa sa mga pangunahing benepisyo na nakikita sa paglalaro ng video games ay ang positibong epekto nito sa kognitibong pag-unlad ng tao. Sa pamamagitan ng mga laro, mas nakikilala at napapabuti ang kasanayan sa pagsusuri at pagsasakatawan ng mga suliranin. Ang mga manlalaro ay inaasahan na magkaroon ng mabilis at malikhain na pag-iisip, nagbubunga ng mas mataas na antas ng katalinuhan.
Bukod dito, ang esports ay isang paraan ng pampalipas-oras at pampalibang para sa marami, lalo na sa mga kabataan. Hindi lamang ito nagbibigay daan para sa pag-unlad ng teknolohiya, kundi nagtataglay din ng potensyal na maging plataporma para sa koneksyon at komunikasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa isang klik, ang isang manlalaro ay nakatagpo ng mga kaibigan mula sa iba’t ibang kultura, nagbubukas ng pintuan para sa pagunlad ng pang-unawa at pagtanggap sa iba’t ibang pananaw.
Sa kabila ng mga potensyal na benepisyo ng paglalaro ng video games, mahalagang isaalang-alang din ang epekto nito sa pisikal at emosyonal na kalusugan ng mga manlalaro. Ang labis na pagkakaroon ng oras sa harap ng screen at ang kakulangan sa pisikal na aktibidad ay maaaring magdulot ng mga isyu tulad ng pagiging overweight at iba pang mga sakit sa katawan. Bukod dito, ang labis na pagpapalibang sa video games ay maaaring humantong sa sosyal na pag-aalis at isolasyon sa tunay na mundo, na maaaring magresulta sa pagkawala ng mga personal na ugnayan at kahalagahan ng pakikisalamuha sa kapwa.
May mga pag-aaral din na nagpapakita ng kaugnayan ng labis na paglalaro ng video games sa mga problema sa mental na kalusugan tulad ng pagkabahala, pagkabalisa, at depresyon. Ang patuloy na pagkakaroon ng mataas na antas ng stress mula sa hindi natatapos na mga laro at ang presyon mula sa online na komunidad ay maaaring makaapekto sa emosyonal na kalusugan ng mga manlalaro. Samakatuwid, mahalaga ang tamang pagtutok sa paggamit ng video games upang maiwasan ang mga negatibong epekto nito sa kalusugan ng katawan at isipan.
Habang patuloy na lumalago ang industriya ng esports, mahalaga rin na suriin ang mga aspeto ng patas na kumpetisyon at etika sa larangan ng online gaming. Ang mga isyu tulad ng pandaraya, cyberbullying, at labis na pagkakaroon ng presyon sa mga manlalaro ay dapat bigyang-pansin upang mapanatili ang integridad at kaligtasan ng komunidad ng mga manlalaro. Sa pamamagitan ng tamang pagsasanay at edukasyon, maaaring maibsan ang mga negatibong epekto ng video games habang pinananatili ang kahalagahan ng disiplina at respeto sa larangan ng esports.
Sa huli, ang paglalaro ng video games ay hindi lamang simpleng libangan kundi isang aspeto ng kultura at lipunan na patuloy na nagbabago at lumalaki. Sa tamang pagtutok at pag-unawa, maaari nating pagsamahin ang ligaya at pag-unlad na dala nito sa ating mga kabataan at komunidad, habang pinapanatili ang paggalang sa pisikal at emosyonal na kalusugan, pati na rin sa mga halaga ng integridad at etika sa larangan ng esports.
NAGBABAGANG MGA
PAA. Nasungkit ni Mico Villaran ang apat na gintong medalya at isang pilak sa magkaibang kategorya sa larangan ng athletics sa ginanap na Palarong Pambansa 2023, sa Marikina City Sports Center nitong Agosto 4. /Panay News
isports balita
Mico Villaran, nasikwat ang panalo sa Palaro 2023 sa larangan ng Atletismo
Blink Lawrence Belaong
Hinablot ni Mico Villaran ang apat na gintong medalya at isang pilak sa magkaibang kategorya sa larangan ng athletics sa ginanap na Palarong Pambansa 2023, sa Marikina City Sports Center, Agosto 4.
Ipinamalas ni Villaran ang kanyang husay sa larangan ng Athletics matapos siyang maguwi ng ginto sa 200-meter dash,110 meter hurdles, 400-meter hurdles, 4x100meter team relay events, at binulsa rin niya ang pilak na medalya 4x400-meter
“2019 yung mga athlete ng coach ko po nung nanood po ako na inspired po ako kaya sumali ako,” pahayag ni Villaran.
Ayon kay Villaran, para sa kanyang pamilya at sa mga taong walang sawang sumusuporta ang panalo na nakulimbat niya.
Batay kay Miguel Arca ang tagapag-ensayo ni Villaran, ang
nakamit na panalo nito ay resulta ng kanyang puspusang ensayo at walang sawang determinasyon. Inaasahan na Maglalaro si Villaran sa paparating na Batang Pinoy 2023 para sa lungsod ng Bacolod na gaganapin sa lungsod ng Pasig.
West PHI Sea sinelyuhan ang FIBA World Cup 2023
Gerald SaysonMatapos ang sunod-sunod na talo
ng Gilas Pilipinas at pagkalaglag sa First round ng FIBA World Cup 2023 First round-Group A sa standing na 0-4. Matagumpay na naipanalo ng Gilas Pilipinas ang unang panalo at huling laro nila sa Classification round laban sa China sa iskor na 96-75 na naganap sa Araneta coliseum noong, Setyembre 2 ng parehong taon.
Binubuo nila Rhenz Abando, Japeth Aguilar, Jordan Clarkson, AJ Edu, June Mar Fajardo, Jamie Malonzo, CJ Perez, RR Pogoy, Dwight Ramos, Kiefer Ravena, Kai Sotto, at Scottie
Thompson ang Gilas Pilipinas kasama ang kanilang Punong tagapagsanay na si Chott Reyes.
‘’West Philippine Sea secured na!’’, ito ang binitawang komento ng isang tagasubaybay ng Gilas Pilipinas matapos siyang makapanayam ng media.
Itinanghal na MVP o Most Value Player ang naturalized Player ng Gilas na si Jordan Clarkson siya ay nag tala ng 34 points,2 rebounds,3 assist, at 1 steal.
Nasungkit ng Gilas Pilipinas ang ika-38 na pwesto sa FIBA World Cup 2023 Final standings.
HAGIS NG KAMPEON
Bacolod softball team, namayani sa Provincial Meet 2024
Naitala ng koponan ng Bacolod City ang dalawang malaking panalo para buhayin ang sisinghap-singhap na kampanya sa kanilang pagtutuos para sa kampeonatong laro sa softball, sa ginanap na Provincial Meet 2024, sa Bacolod City National High School (BCNHS) Open field, nitong ikalimang araw ng Abril.
Rexinne Kezzia BarrientosUnang napasakamay ng Bacolod ang panalo nang binokya ang Escalante City, 15-0, para buhayin ang kampanya para makalusot sa finals ng torneo para sa kampeonato.
Kontra Negros
Occidental, ibinuhos ng buong koponan ng Bacolod ang buong lakas sa paghataw upang magapi ng koponan ang inaasam na ginto sa kanilang kampeonatong laro.
Sa simula pa lang ng laro ay ibinida na ng pitcher ng Bacolod ang kanyang mga nagbabagang pagbato na dumehado sa batters ng kalaban.
Tuluyang pinadapa ng Bacolod at nakamit ang ginto laban sa naghihikaos na Negros Occidental sa huling inning, nang
SINUPALPAL. Hinakot ng Bacolod City ang dalawang panalo laban sa Escalate City at Negros Occidental sa naganap na Provincial Meet 2024 sa larong softball. /Jade Pachoro
AGOSTO 2023-ABRIL 2024
Ano-ano ang mga isports na kadalasang nilalaro ng mga Pilipino?
Sanggunian: Statista Department Research, 2023
Brgy. Taculing, nanalasa sa Greg Gasataya Basket
Rexinne Kezzia Barrientos
Di pinaimik ng Barangay Taculing ang Barangay 7 matapos nanalasa at tinaguriang kampeon sa makapigilhiningang sagupaan sa kampeonatong laro sa Finals ng Greg Gasataya Basketball League 2023 sa iskor na 81-63, na ginanap sa University of St. La Salle Coliseum noong ika-9 ng Oktubre.
Umarangkada agad ang Brgy. Taculing sa unang kwarter ng harapan matapos iwagayway ang 17-5 na iskor. Nagpatuloy ang walang humpay na pagharurot ng Brgy. Taculing hanggang pangalawang kwarter kung saan nagpamalas ng mala-matibay na pader