Sa pagpasok ng bawat kulay, pagpapamalas ng talento, lakas loob at buong boses na ipinagmalaki ng bawat pangkat na kabilang sa 7-Sparks, Golden Blazers, Red Warriors, Trojans, at Pink Titans, ang matagumpay na pagdaraos ng Intramurals 2023 na may temang
"CITYHAYNON: Abilidad sa Isports
Ipasundayag," sa Bacolod City National High School, noong ika-1 hanggang ika3 ng buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan. Naging hudyat ng pagsisimula ng nasabing aktibidad ang isinagawang parada na binubuo ng mga pambato ng Mr. and Ms. Intrams 2023 at ng mga atleta sa iba't-ibang larangan at baitang na kanilang kinabibilangan kasama ang kanilang mga coaches.
Matapos ang parada, nagtipon-tipon ang lahat ng mga mag-aaral at guro sa Bacolod Arts Center upang pormal na simulan ang taunang aktibidad sa pamamagitan ng isang maikling programa na pinangunahan ng punongguro na si Dr. Richard Gelangre para bigyang-diin ang tunay na layunin ng Intramurals sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaniyang mensahe.
Dagdag pa rito, bahagi din ng naturang programa ay ang tradisyunal na pagsindi sa "Urn of Sportsmanship" na taas-noong ginampanan ni Mark Jason Apostolero, at buong pusoamang binigkas ng mga manlalaro at team coaches ang "Oath of Sportsmanship", isang daan tungo sa isang Sportsfriendly competition.
Tampok sa pagbubukas ng pagdiriwang sa unang araw ng Intramurals ang pagpapakitang-gilas
ng mga mag-aaral at guro mula sa bawat baitang sa kanilang galing sa pagsasayaw sa Mass Demonstration gamit ang tugtog na Galaw Pilipinas. Sa huli, tinanghal na panalo ang 7-Sparks.
Sa pagwawakas ng programa, inanunsyo naman ang mga playing venue at iskedyul para agad na simulan
ang iba't-ibang pampalakasang kaganapan.
Nagbunga naman ang lahat ng pagsusumikap ng Team Trojans matapos makoronahan bilang pangkalahatang kampeon ng
Intramurals 2023 sa huling araw ng aktibidad.
“Oh, kay sarap sa ilalim ng kalawakan.”
Nauso na ang pagkagusto sa panonood ng mga buwan at bituin sa madilim na kalangitan, kaya't hindi mapagkakaila na lahat tayo ay mahuhumaling sa kay gandang kalawakan sa kadiliman.
Sa interes ng mga estudyante, hindi lang mapupunan ang kanilang pagkahumaling kundi madadagdagan din ang kanilang kaalaman tungkol sa kamangha-manghang mga tampok ng ating kalawakan. Kaya't inorganisa ng Passereaux Club na siyang dinaluhan naman Science Club na makilahok ang mga kapwa mag-aaral na sumali sa Stargazing nitong ika-18 ng Marso. Ano-ano kaya ang mga natutunan nila?
"Yes, super especially when you’re open minded to learn new things about constellations of the stars and
many more kag the one time experience was worth it. It felt like nag unwind ko by looking at the stars kg mag-sight seeing indi lang looking pero identifying na din. And made new memories na ma treasure ko gid forever," ayon sa isa sa mga lumahok sa stargazing.
Batay sa pananaliksik, nagsiwalat na ang stargazing ay ginagawang mas makihalubilo tayo sa ibang tao at pinapakalma ang ating utak at modo.
Sa pagtingin sa kalangitan, hindi mapagkakaila ang kapayapaang epekto nito sa atin na dala ng langit na puno ng kay gandang mga bituin.
Sa paglipas ng panahon, maraming mga kuro-kuro ang lumaganap at isa na rito ay ang paniniwala na matutupad ang iyong mga hiling kung ito ay hihilingin mo sa sa bulalakaw. Hanggang ngayon ay pinaniniwalaang ito ay totoo sapagkat ang makakita ng bulalakaw
ay isang hindi pangkaraniwang kaganapan, at maraming iba pang mga bihirang kaganapan ay madalas na iniisip na magdadala ng suwerte. Ngunit ating tandaan na huwag na lamang tayong umasa sa tinatawag na suwerte o humiling na lamang nang humiling— tayo rin ay magsikap at magtiyaga upang makamtan ang mga mithiin at ninanais.
Ang mga bituin at buwan ay kabilang sa mga pinakahinuhumaling na gawa ng Poong Maykapal. Ilang henerasyon na ang naging saksi sa kagandahan ng kalangitan bawat gabi, subalit ni isang beses ay hindi kumupas ang kariktang hatid ng mga tala. Nawa’y ating pakatandaan na tulad ng mga katawang makalangit, ating matutuklasan na kahit sa kalayuan mayroong liwanag na gagabay sa ating sariling mga desisyon at kapalaran.