Ang Tanglaw JHS - Bacolod City National High School

Page 1

AGOSTO - NOBYEMBRE 2021

Ang TOMO 3, BLG. 1

SOLUSYON SA PANDEMYA. Bakuna para sa lahat para makamtan ang kaligtasan ng sambayanan.

bakunapara parasa samenor menor bakuna

Moderna at Pfizer, inaprubahan ng DOH 630 kaso ng Delta Variant, naitala nitong Lunes LOUREN JOY BISAGAR

ARTHUR CLYDE TAMAYO

Inaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng Moderna at Pfizer na mga bakuna laban sa sakit na COVID-19 para sa mga menor de edad na 12 hanggang 17 sa Pilipinas nitong ika-3 ng Nobyembre. Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, dahil sa matatag na suplay ng mga bakuna para sa COVID-19, nagpasya ang pamahalaan na magsagawa ng pambansang paglunsad ng pagbabakuna sa bata sa halip na ipatupad sa pamamagitan ng mga yugto. BALITA PAHINA

03

Nag-ulat ang mga awtoridad sa kalusugan ng 630 pang kaso ng nakakahawang Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas noong Lunes mula sa mga sample na nakolekta noong mga nakaraang buwan. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga kaso ng Delta ay umabot sa 94.59% ng 666 na sample na ipinadala para sa buong genome sequencing. BALITA PAHINA

03

Ligtas na balik-eskwela, ginanap na sa ibang parte ng bansa LIEN WENCE CASTRO Sa kabila ng banta ng COVID-19 o coronavirus disease 2019, ligtas na nakabalik ulit sa paaralan ang ibang mga estudyanteng napabilang sa low risk areas ng bansa nito lamang ika-15 ng Nobyembre. Matagumpay ang unang araw ng pilot implementation ng face to face classes dahil sinisigurado pa rin ng mga guro at mag-aaral ang pagsunod sa mga health protocols kabilang na dito ang pagsuot ng face mask at face shield, paghugas ng kamay o paggamit ng hand sanitizer at temperature check. BALITA PAHINA

03


02

BALITA

Ligtas na Balikeskwela, ginanap na sa ibang parte ng bansa LIEN WENCE CASTRO Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang face-toface classes ngunit ito ay limitado lamang sa 100 na pampublikong paaralan at 20 pampribadong paaralan na kung saan tatlong oras lamang ang ilalagi sa paaralan ng kindergarten hanggang ikatlong baitang na mga estudyante habang apat na oras naman para sa mga estudyante ng senior high school. Ayon sa Department of Education (DepEd), aktwal na nagagamit ng mga estudyante ng senior high school ang mga kagamitan lalo na sa strand ng Technical Vocational and Livelihood (TVL).

Namahagi din ang ibang paaralan ng school supplies at hygiene kits sa kanilang magaaral at nag disinfect matapos ang unang araw sa face to face classes. Tiniyak din ng DepEd na nabakunahan na laban sa sakit na COVID-19 ang mga guro na dadalo sa pilot implementation ng face to face classes.

56 na paaralan sa anim na rehiyon, pinangalanan para sa limitadong face-to-face classes

Region 5 4 Region 6 3 Region 7 12 Region 9 25 Region 10 6 Region 12 9

Pag-anunsiyo ng kompanya ng Facebook sa “Meta” CHLOE ANDON Pormal na inanunsyo ng Facebook CEO na si Mark Zuckerberg ang pagpalit ng pangalang Facebook sa “Meta” na ang ibig sabihin sa salitang Greek ay ‘beyond’ na iginananap nitong nakaraang Oktubre ika-28 taong 2021 sa pamamagitan ng pinalaking Facebook Connect at Virtual Reality Conference. Pinakagamit na social media app ang Facebook sa lahat na platforms kagaya ng Instagram, Twitter, at Whatsapp sa mga tao ngunit nais pa itong palawakin ni Zuckerberg. Ayon kay Zuckerberg, “We focus on building technology so people can interact with each other,” nakatuon ito sa paggawa ng Metaverse gamit ang pinagsamang Augmented Reality at Virtual Reality. Dagdag din ni Zuckerberg, “We focus on building technology so people can interact with each other,” nakatuon ito sa paggawa ng Metaverse gamit ang pinagsamang Augmented Reality at Virtual Reality. "Today we're seen as a social media company, but in our DNA, we are a company that builds technology to connect people,” ani Zuckerberg. Naglabas ang Meta ng Virtual Reality Headset na pinangalanang Project Cambria, nag-anunsyo rin sila ng code name ng pinakaunang AR-capable smart glasses; Project Nazare. Samantala, iniba ang tanyag na simbolo ng Facebook na thumbsup sa bagong simbolo ng Meta na kamukha ng infinity sign o pretzel sa headquarters sa lugar ng Menlo Park.

Ang

AGOSTO-NOBYMEBRE 2021

Tanglaw

Bilang ng mga kaso ng COVID19 sa Bacolod, walang tigil sa pagtaas LIEN WENCE CASTRO

Tumataas pa rin ang kaso ng COVID19 o Coronavirus disease 2019 sa lungsod ng Bacolod simula noong naitala ang unang kaso nito. Pangalawa sa may pinakamataas na kaso ang nasabing lungsod sa buong Western Visayas na mayroong 23,084 total cases, 20,770 total recoveries at 557 total deaths noong ika-31 ng Oktubre nitong taon.

Payo naman ng Department of Health (DOH) na magpabakuna na ang mga taong nasa edad na 18 pataas na kung saan makakakuha sila ng dalawang dosis ng bakuna at para naman sa mga bata na mayroong komorbididad, mauuna sila sa pagpapa bakuna laban sa sakit na COVID19, at susunod naman ang mga menor de edad. Samantala, ayon sa Local Government Unit (LGU) ng lungsod ng Bacolod, siguraduhin pa ring sumunod sa mga health protocols na iginiit ng gobyerno para sa kaligtasan ng lahat.

630 kaso ng Delta Variant, naitala nitong Lunes LOUREN JOY BISAGAR

Sa kabuuan ng sequenced sample, naitalang may 630 kaso ng Delta variant, isa dito ang kaso ng Alpha Variant. Iniulat niya sa isang briefing na ang mga ito ay nakolekta mula Marso hanggang ngayong buwan. Sinabi ng DOH na nagsasagawa sila ng retrospective testing upang matunton ang pinagmulan ng variant ng Delta sa bansa.


03

Ang

BALITA

Tanglaw

Bakuna laban sa sakit na COVID 19 para sa menor de edad, aprubado na

Tinalakay ang tema ni Elsa Subong, Freelance Communication and Research Consultant, ang pagsulat ng balita at lathalain ni Eric Loterizo, Media and Public Relations Specialist, at ang ARTHUR CLYDE TAMAYO pagsulat ng pangulong tudling at Samantala humigit kumulang pagwawasto ng sipi at pag-uulo 31.8 million katao na ang ganap na ng balita ni Francis Allan Angelo, bakunado laban sa sakit na Punong Patnugot ng Daily COVID-19 at tinatayang 38.4 Guardian sa unang araw ng million katao na ang nakakuha ng pagpupulong. kanilang unang dosis ng bakuna Pinag-usapan naman ang at 70.2 million mga bakuna na ang pagsulat para sa agham at nabibigay sa buong bansa. teknolohiya, pagsulat para sa kultura at sining, e-publikasyon at disenyo Hinihikayat din ng gobyerno na ng pahina at lay-out, at kumbinsihin ng mga magulang pamamahayag at social media nina ang kani-kanilang mga anak na Alicia Sol Salazar, Regional huwag matakot sa bakuna at Information Officer, Department of magpabakuna na hangga't Science and Technology (DOST) VI, maaari. Professor Tito Valiente, Film and Art Critic; Columnist, Business Mirror, PIA-6 NAGSAGAWA NG Eng. Ray Adrian Macalalag, Senior Economic Development Specialist, SEMINAR Pahayagang National Economic and Pangkampus ng Development Authority (NEDA), at Kanlurang Visayas, nina Marco Dueñas at Alfred Lucot, nakisali ANGELICA CARIÑO Digital Specialists na magkasunod para sa ikalawang araw. SEMINAR: Philippine Information Agency-6 (PIA-6) nagsagawa ng PIA Journ Talk Series para sa mga pahayagang pangkampus ng Kanlurang Visayas na iginanap noong Oktubre 13-15 na may temang "DEVCOM: Relevance in Campus Journalism During Pandemic Time." Pinamumunuan ni Jemin B. Guillermo, OIC-Pinuno ng Rehiyon, PIA 6 ang seminar at nagbibigay pambungad na mensahe mula unang araw hanggang sa pagtapos ng pantasaral. Mahigit 70 na mga publikasyon ang sumali sa sinabing seminar.

AGOSTO-NOBYMEBRE 2021

Nagbahagi ng kaalaman si Henni Espinosa, Producer and New Desk Editor, ABS-CBN International para sa pag-uulat, si Cedalf Tupas, Former Sports Writer, Philippine Daily Inquirer; Broadcast and Production Head, The Philippine Football Federation para sa pagsulat ng balitang pampalakasan, at si Aeson Baldevia, Multimedia Artist, Photographer, Photojournalist para sa pagkuha ng larawang pampahayagan sa ikatatlong araw ng seminaryo. Pagdating ng Oktubre 18 ay inanunsyo ang mga nanalo sa Ingles at Filipino sa iba't ibang kategorya; Most-Promising at Promising ang naging parangal sa mga estudyante at gurong nakisali sa PIA-6 seminar.

Guro ng Bacolod City National High School; inirepresenta ang Pilipinas para sa 3rd Ki Hajar Dewantara Award ng Indonesia ANGELICA CARIÑO OIC - Pinuno ng departamento sa agham ng Bacolod City National High School, Joey Ian C. Singson, inirepresenta ang Pilipinas para sa kompetisyon sa 3rd Ki Hajar Dewantara Award na pinangunahan ng SEAMEO QITEP in Science (SEAQIS). Ginanap ito sa Yogyakarta nitong Nobyembre 17 na may temang "Innovation in Science Teaching and Learning Towards Industrial Revolution 4.0."

Nagsimula ang kompetisyon noong ika-17 ng Nobyembre 2020 kung saan bukas ang rehistrasyon para sa lahat ng guro sa Timogsilangang Asya. Pitong kalahok sa iba't ibang bansa ang naglabanan para sa 3rd Ki Hajar Dewantara Award. Kinilala ang anim pang mga kandidato na sina Dr. Makarimi bin Haji Awang Kassim ng Brunei Darussalam, Mov Veasna ng Cambodia, Binar Kasih Sejati ng Indonesia, Mohd Azif bin Shukor ng Malaysia, Ang Peng Siang ng Singapore at si Kiettisak Inrajsadon ng Thailand.

School-based SSG Election, matagumpay na iginanap GWEN ALENTEJO

Matagumpay na nasimulan at natapos ang isang halalan ng Supreme Student Government (SSG) ng Bacolod City National High School (BCNHS) noong ika-15 hanggang ika-17 ng Oktubre. Layunin ng paaralan na tanging mga class mayors lang ang makakatakbo bilang SSG president, vice president, secretary, treasurer, protocol officer, auditor, P.I.O., at grade level representatives sa nasabing halalan .

Tumagal ng tatlong araw ang nasabing halalan at hindi pa ipinakita ang resulta ngunit ramdam na randam ang pananabik ng mga mag-aaral at mga kandidato na malaman kung sino-sino ang mga nanalo sa isinagawang halalan. Isinagawa ang eleksyon sa pamamagitan ng google forms at mga class presidents lang ang makakaboto para sa maayos na daloy ng nasabing kaganapan. Inilabas naman ang resulta ng eleksyon noong ika-24 ng Oktubre.


04

OPIN

ANG TANGLAW/ TOMO 3, BLG. 1

Lahat ng tao ay may karapatan at kalayaan anuman ang kasarian.

Katotohanan Laban sa Tao

OPIN

Sa mundong ating ginagalawan, ilan ba sa atin ang nakakaintindi kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng pagkakapantay-pantay na kasarian o gender equality? Marami sa atin ang hindi komportable kapag ito ang pinag-uusapan. Hindi lang dahil tayo ay may iba't-ibang pananaw, tayo rin ay may iba't-ibang bagay na pinaniniwalaan na naaayon sa ating relihiyon at kultura. Kagaya na lamang sa pag-aalaga ng mga magulang sa isang anak. Lahat sa atin ay naniniwala na kung ang mag asawa ay maghihiwalay, sa nanay na agad sasama ang anak, marahil ay nasa isip natin na walang kakayahan ang isang tatay na mapalaki niya ng maayos ang kanyang anak. Ang karapatan ng mga kababaihan at mga bata ay dapat gamitin bilang proteksyon kung inaabuso ka ng iyong kapareha o asawa. Hindi upang tanggihan ang isang ama na magkaroon ng karapatan nito para sa anak. Sa palagay ko tayo ay may ganitong pag-iisip sa kabila ng makabagong sistema sapagkat tayo ay nakakulong sa ating sariling isipan dahil sa mga sinasabi ng mga tao sa ating paligid. Dahil para sa iba kapag ikaw ay naghahangad ng pagkakapantay-pantay na kasarian, ikaw ay walang respeto sa Diyos at sa mga taong nasa paligid mo. Lahat ng tao ay may karapatan at kalayaan anuman ang kasarian. Pantay na karapatan ang kailangan upang makamit ang mga layunin sa pag-unlad ng isang lipunan. Tayo ay dapat na mamuhay sa isang mundo kung saan ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay isang katotohanan. Ang relihiyon ay hindi kailanman dahilan para kamuhian, ibaba o kumilos nang walang pakialam sa pagdurusa ng iba. Sa makabagong sistema sana maging bukas ang ating isipan na hindi sa lahat ng oras ang ating sariling pananaw ay katotohanan.

Ang Tanglaw-JHS RV Grace Solitano Pangalawang Patnugot

Lien Wence Castro

Punong Patnugot

Sebastian Marqueses

Louren Joy Bisagar

Patnugot sa Lathalain

patnugot sa balita

Janice Vailoces Krystally Ledesma kartunists

Britshine Cabatu-an Erecka Gracee Barbas taga-anyo

Angelica Carino Tagapangasiwang Patnugot Jade Templatora patnugot sa isports Raesan Perez Tagakuha ng larawan Lorenzo Magsipoc

tagapayo

Sarswela sa Marami ng mga salita at mga pangakong binitawan ang mga politiko para sa pag unlad “daw” ng lipunan ngunit ito ay nanatili paring salita hanggang sa ngayon. Mayroong mahalagang papel na ginagampanan ang bawat politikong inihahalal sapagkat sa kanila nakasalalay ang pagpapatakbo sa kabuuang sistema ng bansa. Isa ka rin ba sa mga nagulat sa mala telenobelang tagpo sa pagpapalit ng kandidatura para sa eleksyon 2022? Ang “Substitution of candidacy” ay ang kasanayan ng pagpapalit ng isang partido sa ibang kandidato para sa isa na nakapaghain na ng sertipiko ng kandidatura na naaayon sa seksyon bilang 77 ng Omnibus election code. Subalit kahit na ano pang tibay ng batas na ito, minsan ay mayroong mga partido ang ginagamit ito para makakuha ng dagdag na pondo at para linlangin ang isip ng mga botante. Wala na bang pag-asang mabago ang patakaran ng Commission on Election o COMELEC sa pagpapalit ng mga kandidato?


YON

AGOSTO-NOBYEMBRE 2021

05

Wala kamang ni sentimo, huwag na huwag mong subukang kumapit sa patalim upang magkaroon lamang nito. Lahat ng bagay ay may paraan, at marami ang mga ito.

Buhay kapalit ng pera? N

aging patok ang Korean Series na Squid Game sa buong mundo dahil sa kakaibang storya at plot twist nito. Ngunit ang mga pangyayaring ipinakita ba sa drama ay dapat na tularan ng mga tao? Sa palagay ko ay hindi sapagkat nagpapakita ito na kaya nilang isakripisyo ang buhay nila at pumatay ng ibang tao upang magkaroon ng malaking halaga ng pera. Sa seryeng Squid Game, ang mga tao ay inatasang maglaro ng mga pambatang laro ng Korean na kung saan ang isang matitira sa huli ay makakatanggap ng pera na nagkakahalaga ng 45.6 billion won na kapalit ng kanyang mga kasama. Nagpapakita lamang ito na kung gaano kasakim ang mga tao sa pera. Sabihin mo mang maganda at nakakamangha ang paraan ng pagkakaroon ng pera nito dahil ito ay “easy money,” diyan ka nagkakamali. Wala namang madaling paraan upang magkaroon ng malaking pera, maliban kung ikaw ay determinado at pursigido.

a Politika LIEN WENCE CASTRO Sa pagtakbo sa isang halalan, kailangang maging sigurado ang mga kandidato sa kanilang mga posisyon. Maaaring matapos ang pagpapalit ng kandidatura kung tayo ay magtutulungan kasama ang COMELEC at ang kongreso. Tiyak nga ang katalinuhan ng mga tatakbo sa halalan 2022, ngunit isipin din natin na dito nakasalalay ang dapat at tama na pamamahala sa bansa. Ang pagiging isang responsableng mamamayan ay dapat taglayin. Sa tahasang sabi, nakasalalay ang pag-asa ng bansa sa mga boto ng mga tao sa lipunan. Isa na itong pahiwatig na tayo ay maging “Political literate” para makaboto ng karapatdapat na umupo at paglingkuran ang bansa.

Wala ni sentimo, huwag na huwag mong subukang kumapit sa patalim upang magkaroon lamang nito. Lahat ng bagay ay may paraan, at marami ang mga ito. Hindi man magandang halimbawa ang katangian ng mga tao sa ginanap na serye ngunit marami namang aral ang ipinapahiwatig dito.

KUMUSTAHAN Ano ang iyong pahayag sa ikalawang taong pagsagawa ng Distance Learning? "Ito'y hindi madali pero may magandang dulot din naman ito sa amin kagaya ng kami ay may mahabang oras sa pag-aaral ngunit iba pa din talaga kapag merong guro na nagtuturo sa harapan namin."

-xxy2


06

LATHALAIN

Isang libo kapalit ng ilang taong kalbaryo SEBASTIAN MARQUESES

N akakagulat, nakakakaba,

nakakalito.... Sa ganitong paraan ko mailalarawan ang takbo ng politika sa Pilipinas.

T

uwing papalapit ang halalan ay nagsisimula nang magsilabasan ang mga politikong aniya'y parang mga santo na patuloy tayong inuuto sa mga matatamis na salita at mga pangakong palagi namang napapako. Hindi natin maikakaila na minsan na tayong naging "Bobotante" o bobong botante. Mga botanteng nakikisabay sa agos, nagpapauto sa mga ritmo at himig ng mga tinuran ng mga politiko na tila tayo'y hinihipnotismo upang sila ay iboto.

Sa aking personal karanasan ay may mga tagpo akong napapansin na kapag malapit na ang eleksyon ay nagkakandarapa na ang mga nanunungkulan na magbigay ng mga "relief goods" ngunit noon namang lubos na kailangan natin sila ay ni anino nila'y di natin mahagilap.

Mayroong ding mga hudas na nag-iikot sa mga bahaybahay upang subukang bilhin ang iyong boto na nakalaan sana upang maling sistema ay mabago. Sa patuloy na pamamayagpag ng pandemya ay lalong naghihirap ang mga Pilipino, Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng SWS ay tumaas ng 3-6% bahagdan ang antas ng kahirapan at mahigit 15% naman sa kaso ng unemployment. kaya'y hindi natin masisisi ang ating mga kababayan na ipagbili ang kanilang boto sapagkat ito na lamang ang paraan nila upang may panlaman tiyan at iahon ang pangaraw-araw na pangangailangan. Ngunit alam natin na ito ay kasalanan sa mata ng diyos, moralidad, at sa batas. Saklaw ng Seksyon 241 ng Omnibus election code (Batasang pambansa bilang 881) na nagbabawal sa pagbili at pagbebenta ng boto, ang sinumang mapapatunayang lumabag ay paparusahan ng batas. Sapat na bang rason ang kahirapan at kawalan ng makain upang ipagkanulo ang bayan sa isang lider na maglulugmok dito? Maatim mo bang ipagbili ang iyong dignidad, kalayaan at kinabukasan sa halagang isang libo? Hindi mo ba batid na ang politikong bumili sa iyo ay siya ding rason kung bakit ka nagdurusa, kung bakit ka salat sa buhay. Ang isang libong ibinayad sayo ay kukubrahin din naman ng mga politiko mula sa buwis na galing sa inilaan mong dugo at pawis galing sa pagtatrabaho. Ngunit ipinagpalit mo sa kaunting halaga ang magandang buhay na nag-aabang sa iyo. Tama na! Sobra na! Kapatid, ito na ang panahon upang mangibabaw naman ang pagpalahalaga mo sa iyong dignidad at ang pagmamahal sa ating bayan. Sa darating na ika-9 ng mayo ay huwag mong hayaan na mangibabaw ang tukso, bumoto ka batay sa iyong konsensya at iyong piliin ang politiko na sa tingin mong aahon sa ating bayang nalugmok ng baluktot na sistema.


07

LATHALAIN

ANG TANGLAW/ AGOSTO-NOBYMEBRE 2021

Walang Emosyong Maskara

H

LOUREN JOY BISAGAR

indi ba't isang balintuna ang pagsusuot ng walang emosyong maskara sa pagdiriwang ng Masskara Festival sa City of Smiles?

LATHALAIN

07


ANG TANGLAW/ AGOSTO-NOBYMEBRE 2021

08

PADYAK. Sa patuloy na pakikipagsapalaran sa kalungkutan at kawalan ng pag-asa ay nakahanap ng pagkakalibangan ang karamihan sa pamamagitan ng pagbibiseketa. Ang pagpadyak ay hindi lamang isang simpleng ehersisyo, bagkus ay kinikilala ito ng iba bilang isang "stress reliever" na makakatulong sa ating mental na kalusugan.

LATHALAIN

T

ISPORTS ISPORTS BALITA

adyak… Pedal… Tadyak...

JADE TEMPLATORA

Sa gitna ng sumisikat na araw, ang mga natatanging indibidwal ay piniling lumakbay upang makamit ang kanilang minimithing patutunguhan. Libo-libong mga kilometro ang tinahak, libo-libong mga puno ang dinaanan, at libo-libong mga pawis ang tumulo sa mga noo.

Halos lahat ng mga kabataan ay limitado ang mga aktibidad na makakapagpagalaw sa mga buto sa kanilang mga katawan. Isa sa kanilang mga natuklasan ay ang pagbibisikleta. Ito ay makakapagprotekta sa mga tao mula sa iba’t-ibang uri ng sakit katulad ng stroke, heart attack, diabetes, at arthritis.

Nakikita sa mga daan ang iba’t-ibang mga taong nagbibisikleta, mapabata man o matanda, mapa babae man o lalaki. Dala nila ang mga samu’t-saring dahilan kung ano ang tumulak sa kanilang magsimula sa pagpepedal.

Sa kabila nito, maraming mga tao ang natatakot na sumubok sapagkat ito ay ‘delikado’ lalong-lalo na sa mga komersyal na kalsada at sa matatarik na mga bundok.

Ayon sa panayam sa isang estudyante mula sa paaralan ng Bacolod City National High School, maraming mga benepisyo ang naidulot sa kanya ng pagbibisikleta para sa kanyang pisikal na kalusugan. Dagdag niya pa na nakatulong ito sa kanyang kalusugang pangkaisipan, “habang pinagdadaanan natin ang pandemya, ang ating mental health” aniya. Nagsimula ang unang lockdown sa bansang Pilipinas noong Marso ng 2020, dahil sa kumakalat na COVID-19 virus. Tumaas ang mga kaso ng mga nagkasakit araw-araw, at ang isa sa mga solusyon upang maiwasan ang paglaganap nito ay ang pagpapasara ng mga paaralan, na nagresulta sa pagsuspinde ng mga torneyo.

Batay sa Manila Standard Sports, kailangang maging maalam ang mga tao sa kung anong klase ng bisikleta ang pipiliin, gumamit ng mga kagamitang pangbisikleta na makakaprotekta sa kanila, at lumahok sa mga grupo ng mga siklista, dahil tiyak na marami silang maituturo upang maging ligtas sa daan. Kailangan lamang na dumistansya sa iba upang hindi mahawaan ng virus. Isports na hindi inaasahang umunlad sa panahon ng pandemya, sapagkat hindi naman karaniwan sa mga paaralan na magkaroon ng paligsahan sa pagbibisikleta. Marami itong benepisyong taglay, subalit may mga balakid na kaagapay. Ikaw? Mas titimbang ba ang mga ‘pakinabang’ na makukuha mo sa mga ‘panganib’ na maaaring maidala nito?

Hidilyn Diaz Hidilyn Diaz, inuwi ang unang Olympic Gold Medal ng Pilipinas Napaluha ang 30-anyos weightlifter pinoy na si Hidilyn Diaz matapos nitong masungkit ang kaunaunahang Olympic gold medal para sa Pilipinas. Tinagurian si Diaz bilang kauna-unahang Pinoy na nanalo ng gold medalya matapos magwagi sa women’s 55-kg weightlifting event sa Tokyo Olympics 2020. Matapos ang 96 taon mula nang sumabak ang Pilipinas sa Olympics noong 1924, Ito ang kauna-unahang Gold medal na nasungkit ng bansa.

LARA LOIS TE “Gaya ng sinabi ko, ‘di ako makapaniwala na nagawa ko ‘yon. Kung babalikan ko ‘yon parang yes, sa wakas nagawa ko, natalo ko ang China. Buti hindi ako na-pressure sa Olympic record.” ani Diaz. Pumuntos si Diaz ng kabuuang 224, na hinigitan ang 223 puntos ni Liao Qiuyun ng China. Binaha ng biyaya si Diaz matapos nitong gumawa ng kasaysayan bilang unang Pilipino na nag-uwi ng gintong medalya.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.