BANYUHAY (bago, anyo, at buhay)

Page 1

Photo by Christoph Oberschneider

BANYUHAY Bago

-

Anyo

-

Buhay

Aklat ni John Paul Mark B. Basilla (BS Architecture 1A) Ipinasa kay Princess Mae O. Morata (Propesor)


Paunang Salita Ang librong ito ay may pamagat na BANYUHAY (bago, anyo, at buhay) na isinulat ni John Paul Mark B. Basilla Isang mag-aaral ng kursong arkitektura sa Pamantasan ng Bicol. Ginawa ito upang matugunan ang pangangailangan ng isang estudyante at bilang pagtugon na rin sa Filipino 22, Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan (SosLit). -

John Paul Mark B. Basilla BS Architecture - 1A


Pagkilala Ako si Paul Basilla, at gusto kong ipakilala ang aking sarili. Sa Pilipinas, nagtatrabaho ako bilang isang taga-guhit/pintor. Ang aking tinapay at mantikilya ay isang ilustrasyon, samakatuwid ginagawa ko ang parehong pang-korporasyon at mamamahayag na gawain. Kadalasan, nag-aalok ako ng sining at mga kuwento sa lokal at pambansang digital at print media, gayundin sa mga non-profit na organisasyon. Ang karamihan sa aking mga personal na gawain ay maaaring makita sa aking mga pahina sa social media, partikular sa Facebook at Instagram. Ginawa ko itong aklat upang makapagbigay kaalaman sa mga mambabasa at maibahagi ang aking simpleng akda. Kung interesado kang makipagtrabaho sa isang proyekto, mangyaring makipag-ugnayan sa akin sa pamamagitan ng email at maaari nating pag-usapan ito. Gayon pa man, salamat sa paglalaan ng oras upang tingnan ang aking libro. See you when I see you!

Email: paulbasilla50@gmail.com


Talaan ng nilalaman Modyul 1………………….....................................06 Modyul 2………………….....................................09 Modyul 3…………………………………………….10 Modyul 5………………………………………….....14 Modyul 6……………………………………….…....17 Modyul 7……………………………………….…....19



MODYUL 1 “Pani (tikan) nindigan" Orihinal na komposisyon ni John Paul Mark B. Basilla

Kailangan nating aralin ang sariling atin Binansagan tayong pilipinong may mithiin Dahil sa panitikang dapat tangkilikin Ito’y ginintuang kayamanan natin.

Sariling panitikan ay bigyang halaga Dahil dito tayo kinilala ng mga banyaga Minsa’y ginagawa pa natin itong halimbawa Kahit maliliit na detalye ay itinuturo sa mga bata.

Panitikang taga-bigay ng impormasyon Para sa hinahangad nating edukasyon Nagsisilbing labasan ng ating emosyon Dahil tayo’y Pilipinong may dakilang tradisyon.

MIthii’y maipabatid ang ating minanang kaisipan Sa tunay na lahing ating pinagmulan Taglay nating katalinuhan Na siyang nag-impluwensiya sa ibang kabihasnan

Panitika’y magsisilbing puhunan Sa pagbuo ng makabagong lipunan Panitikan ay bahagi ng kayamanan Na dapat ingatan at pahalagahan.


Transit Dreams Kuhang litrato kay Jilson Tiu (https://www.instagram.com/p/Bm21JazgF48/)


A new(old) era Kuhang litrato ni Jilson Tiu https://www.instagram.co m/p/CeLWQDarMcC/


MODYUL 2 " Maraming Diyalekto" Orihinal na Komposisyon ni John Paul Mark B. Basilla

Damdamin natin ay mailabas Sa wikang ating binibigkas Tuwing tayo'y nakipagtalastas Ito'y nagsisilbing lakas.

Ginagamit natin sa komunikasyon Upang mabigyan ng atensyon Ang damdamin at emosyon Ng mga taong naghahanap ng solusyon.

Ang wika ang siyang daan Tungo sa pag-uunawaan Ng mga taong may hidwaan Sa kanilang ngayon at nakaraan.

Sa ating pamumuhay Ating maisasabuhay Sa sarili nating bahay Ang wikang ating binabanghay.

Kaya wika ay napakahalaga Dahil ito ang kaluluwa ng ating bansa Kaya wika ay napakahalaga Dahil kahit ano mang diyalekto, wika pa rin ang nag-iisa.


MODYUL 3 "Baliw" Orihinal na Komposisyon ni John Paul Mark B. Basilla

Baliw na raw ako ‘Yan ang sabi-sabi ng ibang tao. Baliw na raw ako Dahil madungis ako at mabaho.

“Hindi ako baliw!”, sagot ko Hindi ako baliw dahil kahirapan ang problema ko Dahil nga ba ito sa kurapsyon O dahil ito sa mga ordinaryong tao?

‘Di ka ba nababahala dahil kahirapan ay lumalala Ito'y isang babala hindi ito paalala Kahirapan ay hindi mapuksa-puksa, ako ay nag aalala, Hindi katamaran ang dahilan bagkus ito’y sa tiwaling gobyernong lumalala.

Sila’y mga makasarili hindi iniisip ang mga kapwa Pilipino, Mga pera sanang para sa ati’y ibinubulsa ng mga gobyernong matatalino, Paano kasi halos lahat ng nakaupo hudas at iilan lang ang matitino, Pilipinas? Papaano llalago kung sa iilang tao lang napupunta ang pondo.

Ganyan ba ang gusto niyo, dapat kayo lamang ang tingalain? Gusto niyo kayo lamang ang may pera habang ang lahat ay walang makain. P’wede bang buksan niyo ang isip niyo sa mga pera'y wag kayong magpakain, Paulit-ulit lamang kaming maghihirap kung patuloy niyo kaming aalipinin.

Oo, baliw ako Nababaliw sa gobyernong ganito Oo, baliw ako Mababaliw sa mga dinadaldal niyo.


“ Today’s tired Filipinos, tired of the pandemic, tired of incompetency and tired of failed promises that’s been glorified into “success”. - Jilson Tiu Kuhang larawan ni Jilson Tiu https://www.instagram.com/p/CDJRBjInme_/


MODYUL 4/ MIDTERM OUTPUT

“Magsulat, Mag-ulat, Magmulat” Orihinal na Komposisyon ni John Paul Mark B. Basilla

Magsulat Ilang dekada na ang nakaraan, Isa sa problema ng bansa pa rin ay kamangmangan. Edukasyon nga ba ang susi sa tagumpay? O edukasyon na lang din ang maging rason ‘pag tayo’y bulag-bulagang nakabantay. Nakabantay sa wala. Walang natutunan dahil sa bulok na sistema. Gobyerno mismo ang sumisira sa mga kabataang gumagawa ng eksena. Kasaysayan ng bansa’y unti-unti nang nabubura. Hindi na naituturo nang tama at nagpapaniwala sa mga nababasa. Nababasang mga mali [mapa-politika man o kultura] Nababasang mga mali [kasaysaya’y pinapalitan gamit ang maling paggamit sa demokrasya]

Mag-ulat Mayroon pa bang pinoy na nasa mababang estado ang nagbabasa ng libro? Sa katunayan, kakaonti na lang. Malamang babad sa Youtube at Social Media ang mga ‘yan. Malamang History Videos sa TikTok at Facebook na walang ebidensiya o pineke ang sandalan ng mga ‘yan. Dapat mas ilapit ang katotohanan sa kanila. Dapat mas ilapit ang katotohanan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Magmulat Mananatiling bulag-bulagan pa rin ba? Mananatiling mataas pa rin ba ang tingin sa sarili? Mamulat ka naman, huwag puro salita. Puro patama puro dada. Wala na ngang sinabing katotohanan puro pa pagpaakitang tao sa mamamayan ng bansa. Mali si Dr. Jose Rizal na, “kabataan ang pag-asa ng bayan”, Maling banggitin niya ang ‘kabataan’ kung maging kabataan mismo ay mahawaan ng maling lider sa maling kasaysayan. Ano maninindigan ka pa ba? Sabi nga ni Antonio Luna, “para kayong mga birheng naniniwala sa pag-ibig ng isang puta!”


Today’s decision will set the course of the Philippines for the next six years. One day to vote to change lives, for future and for the country. - Jilson Tiu Kuhang Larawan ni Jinson Tiu https://www.instagram.com/p/CdVWk0LrdpU/


MODYUL 5

“Wala na ang BANYUHAY (Bago, Anyo, Buhay)” Orihinal na Komposisyon ni John Paul Mark B. Basilla

Ano bang bago Pati tao ay hindi na tinatao Problema ng bansa’y mula mismo sa gobyerno Mga mamamaya’y hindi na nabibigyan ng magandang serbisyo.

Pagsasaka, pangingisda at ano pang uri ng pangmanggagawa Habang tumatagal ay hindi nabibigyang atensyon at ala-ala Buwan, taon o ilang katawan pa man ang tumihaya Mukhang bansa nati’y wala pa ring aksyon sa mga manggagawa nating hindi pinapalaya.

Anong anyo pa ba ang hihintayin Kung pati mga manggagawa ay bumabagsak na rin Anong anyo pa ba ang hihintayin Kung maging ang namamahala sa atin ay nag-aaway-away pa rin.

Pagbagsak ng sahod at ekonomiya ay sabay-sabay Gobyerno natin ay paunti-onting naging pilay Mahihirapan tayong bumangon dahil kulang sa gabay Wala na nga talaga ang BANYUHAY.


Kuhang litrato mula sa instagram.com/jilson.tiu/


Photo by Martin Leung


MODYUL 6 “Sino ba naman kasi Ako?” Orihinal na Komposisyon ni John Paul Mark B. Basilla

Ako si Paul, Ang sadboi ng Tondo. Sino ba naman kasi ako? Para tanggapin mo nang totoo.

Alam mo, huwag nating husgahan ang ibang tao Mga taong taliwas ang kasarian kaysa tunay na pagkatao. Mga kalalakihan pero lalaki rin ang gusto. Kababaihan na ayaw magpaganda dahil gusto maging gwapo,

Tayo’y walang karapatan na sila'y husgahan Dahil hindi natin alam ang kanilang nararamdaman. Hindi natin alam kung gaano sila nasasaktan Na magpakatotoo sa sarili dahil takot na mabungangaan.

May karapatang mamili kung sino ang iibigin. May karapatang mamili ng kasariang tatahakin. Sila'y nararapat na mahalin at respetuhin. Sila’y mayroon ding puso tulad natin.

Kasi ganito yan [...] Mahirap mabuhay nang taliwas sa kasarian, Kakambal mo ang pang-aapi saiyong pisikal na kaanyuan, Mamumuhay ka nang mayroong, “uy napakapangit mo bruha ka…” Mamumuhay ka nang mayroong, “ano ba ‘yan, ayusin mo nga buhay mo, bakla ka!”

Pagtanggap at pagrespeto ang kanilang kailangan. Hindi rin madali sa kanila na harapin ang katotohanan, Huwag na nating hahayaan na may taong patuloy pang masaktan, Karapatan nilang maging masaya at maramdaman ang tunay na kalayaan [...]

Ako si Paul Nagsasabi lang nang totoo. At ang kinakatakot ko, Ay ang magpatuloy ang pangungutya at mawalan nang pake ang mga tao sa’yo.


Kuhang litrato mula sa instagram.com/jilson.tiu/


MODYUL 7 “Katutubo” Orihinal na Komposisyon ni John Paul Mark B. Basilla

Katutubo na lamang ba, Na tutubo na walang may pake sa kanila? Katutubo na lamang ba, Na itinatakwil ng sariling bansa?

Maraming beses na pinagkaisahan Ilang beses nang pinagmalupitan. Higit isang daang beses nang inagawan, Karapatan nila’y niyuyurakan.

Kapag may dayuhan sila ang pinepresenta, Kapag wala naman sila’y isinasantabi na Kasuotan nila ang ibinibida, Ngunit ano na nga ba ang kalagayan nila?

Pare-pareho silang tinatapak-tapakan ng mga makapangyarihan Hindi naman sila gumaganti kahit sila’y pinanghihinaan. Sabihin na natin sila’y kapos sa kapalaran, Tandaan mong sa katutubo pa rin ang ating pinanggalingan.


Photo by Christoph Oberschneider

https://www.instagram.com/p/Cc5cl UjpCMm/

BANYUHAY Bago

-

Anyo

-

Buhay


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.