MODYUL 3 "Baliw" Orihinal na Komposisyon ni John Paul Mark B. Basilla
Baliw na raw ako ‘Yan ang sabi-sabi ng ibang tao. Baliw na raw ako Dahil madungis ako at mabaho.
“Hindi ako baliw!”, sagot ko Hindi ako baliw dahil kahirapan ang problema ko Dahil nga ba ito sa kurapsyon O dahil ito sa mga ordinaryong tao?
‘Di ka ba nababahala dahil kahirapan ay lumalala Ito'y isang babala hindi ito paalala Kahirapan ay hindi mapuksa-puksa, ako ay nag aalala, Hindi katamaran ang dahilan bagkus ito’y sa tiwaling gobyernong lumalala.
Sila’y mga makasarili hindi iniisip ang mga kapwa Pilipino, Mga pera sanang para sa ati’y ibinubulsa ng mga gobyernong matatalino, Paano kasi halos lahat ng nakaupo hudas at iilan lang ang matitino, Pilipinas? Papaano llalago kung sa iilang tao lang napupunta ang pondo.
Ganyan ba ang gusto niyo, dapat kayo lamang ang tingalain? Gusto niyo kayo lamang ang may pera habang ang lahat ay walang makain. P’wede bang buksan niyo ang isip niyo sa mga pera'y wag kayong magpakain, Paulit-ulit lamang kaming maghihirap kung patuloy niyo kaming aalipinin.
Oo, baliw ako Nababaliw sa gobyernong ganito Oo, baliw ako Mababaliw sa mga dinadaldal niyo.