Bangsamoro Transition Commission

Page 1

Praymer tungkol sa

Bangsamoro Transition Commission at

Bangsamoro Basic Law t a g a l o g Ang produksyon ng praymer na ito ay sinuportahan ng

pebrero 2014


Bangsamoro Transition Commission

Members’ Profiles

The Transition Commission (TC) was created by virtue of President Benigno Aquino III’s issuance of Executive Order 120 in December 2012. It is mandated to draft the Bangsamoro Basic Law provided for in the Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) that was signed by the Government of the Philippines (GPH) and the Moro Islamic Liberation Front (MILF) in October 2012.

Hon. Mohagher Iqbal

Hon. Maulana Alonto

Chairman

Deputy Chairman

Iqbal is a Maguindanaoan from Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. He obtained both his Bachelor’s and Master’s degrees on Political Science from the Manuel L. Quezon University. He served the MNLF and MILF in various capacities. Currently, he is a member of the MILF Central Committee, sitting as chair of its Committee on Information, as well as Chair of its Peace Negotiating Panel since July 2003. He was nominated by the MILF as head of the Bangsamoro Transition Commission.

A writer and activist from Lanao del Sur, Alonto joined the MNLF as a young Moro student and fought against the Marcos dictatorship as head of information and propaganda of the Northern Mindanao Regional Revolutionary Committee (NMRC). In 2000, he joined the MILF Peace Negotiating Panel as member of its Technical Committee when peace negotiations were held in Tripoli, Libya. In 2003, he was elevated to full panel membership. He is also a member of the MILF Central Committee.

Hon. Akmad Sakkam

Hon. Johaira Wahab

Deputy Chairman

Floor Leader

Sakkam, a lawyer, has a built a distinguished career in Diplomatic Relations. He served as Ambassador to three Islamic states within a period of nearly two decades—to Iraq from 1986 to 1992; to Bahrain from 1994 to 1999; and to Oman from 1999 to 2003. Sakkam is a recipient of the Presidential Award of Merit given by former President Cory Aquino for his “outstanding service to the country in the safe evacuation of Filipino workers in Kuwait and Iraq during the first Gulf War of 1991.” Sakkam is a Muslim and a native of Sulu.

Hon. Timuay Melanio Ulama An Indigenous Peoples (IP) Consultant of the MILF, Ulama is a Teduray leader who heads the Organization of Teduray and Lambangian Conference. He finished BS Agronomy in Upi Agricultural School in 1986 and took his Master’s degree in Public Administration at the Notre Dame University. Ulama hails from Upi, Maguindanao.

Wahab is from Maguindanao and is the youngest member of the Transition Commission. She obtained her Bachelor’s degree in Philosophy, minor in Psychology at the University of the Philippines - Diliman (magna cum laude) in 2005 and her Law degree (Juris Doctor) at the same university in 2009. She is a member of the board of Nisa Ul Haqq Fi Bangsamoro and sits as a member of the International Advisory Group of Musawah. She was head of the legal team of the Government Peace Panel from July 2010 until her appointment in the Commission.

Hon. Talib Abdulhamid Benito A practicing Shari’ah lawyer, Benito is former Dean of the King Faisal Center for Islamic, Arabic, and Asian Studies at the Mindanao State University in Marawi City from 2008 to 2012. He is a long-standing member of the Philippines Shari’ah Bar since 1985 and has served as a legal researcher and professor, specializing in Muslim Procedural Law and Muslim Law of Personal and Family Relations. Benito is Maranao by ethnicity.

Hon. Ibrahim Ali Ali is a regular member of the Central Committee of the MILF and has been with the organization since the 1970s. He was educated in the Kingdom of Saudi Arabia, studying at the Arabic Language Institute of the King Abdul Aziz University and at the College of Islamic Law at Ummol Qura University, among others, in Mecca. He was Director at the Kutawato Islamic Institute in Cotabato City in 1989-1993 and a member of the Darul Ifta of the MILF and a permanent member of the Board of Trustees of Hayatol Ulama of the Philippines.


Praymer tungkol sa

Bangsamoro Transition Commission at

Bangsamoro Basic Law t a g a l o g

Ang produksyon ng praymer na ito ay sinuportahan ng

pebrero 2014


Credits Photos of Commissioners and their profiles are courtesy of the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process. www.opapp.gov.ph

Layout & Design

Ryan G. Palacol AX Digital Palette Designs E: rgpalacol@yahoo.com M: +63 927.654.4785 W: http://www.axdpdesigns.com


Mensahe mula sa Chairman

B

ilang tagapangulo ng BTC, isang malaking karangalan na ipaabot sa publiko ang Praymer na ito tungkol sa Komisyon at sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Nilalaman ng praymer na ito ang sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa BTC at BBL mula sa media, mga talakayan at pampublikong konsultasyon na kasalukuyang ginagawa ng BTC. Ang praymer na ito na nakasalin sa iba’t ibang wika ay ginawa upang maabot hindi lamang ang mga pinuno at tagagawa ng mga polisiya, higit sa lahat ang mga komunidad na apektado ng mga alitan at kapayapaan sa Mindanao. Ang publikasyon ng praymer ay isang buhay na patunay ng aming pangako na ang proseso ng pagsusulat ng BBL ay maging transparent at may pagpapahalaga sa mga pananaw ng lahat ng may kinalaman dito. Nais kong hikayatin ang lahat na aktibong talakayin ang praymer na ito at tumulong sa pamamahagi sa pinakamalawak na bahagi ng madla. Ang mga institusyon at organisasyon ay malayang makapagpapakopya ng praymer para ipamahagi sa publiko, kinakailangan lamang na maipaalam sa BTC Communications Group sa simula. Upang makakuha ng kopya ng Praymer na ito sa wikang Ingles, Filipino, Cebuano, Tausug, Maranao, Teduray at Maguindanaon, mangyaring bisitahin ang www.bangsamoroonline.com. Nagkakaisa sa ating iisang bisyon ng kapayapaan, sumulong tayo bilang sangkatauhan.

Kgg. Mohagher Iqbal Tagapangulo Bangsamoro Transition Commission


Nilalaman 1. Ano ang Bangsamoro Transition Commission (BTC)?

4

2. Sino ang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission?

4

3. Ano ang mga prinsipyong pinagtitibay ng BTC sa pagsulat ng Basic Law?

4

4. Paano isinasalamin ang mga prinsipyong ito ng mga alituntunin at proseso ng BTC?

5

5. Paano maisusulat ng BTC ang Basic Law?

5

6. Agaran bang magiging mabisa ang Basic Law kapag ito ay inaprubahan ng Kongreso at ng Pangulo?

5

7. Ano ang kahalagahan ng pagpapatibay sa Basic Law sa pamamagitan ng plebisito?

5

8. Paano maghahanda ang mga mamamayan sa plebisito?

5

9. Sino ang kalahok sa plebisito?

5

10. Posible bang mailahok sa plebisito ang mga lugar na hindi nakalista sa mga nabanggit sa taas?

6

11. Ang resolusyon ba o petisyon ng 10% ng mga kuwalipikadong botante ay sapat upang maisama sa teritoryo ng Bangsamoro?

6

12. Ano ang mangyayari kapag napagtibay na ang Basic Law?

6

13. Ano ang mangyayari sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) matapos ang promulgasyon at ratipikasyon ng Basic Law?

6

14. Sa pagkabuo ng Bangsamoro, sino ang manunungkulan ng pamamalakad sa teritoryo?

6

15. Ano ang mga magiging tungkulin ng BTA?

6

16. Ano ang Bagsamoro Basic Law ?

7

17. Paano kung sa pagsusulat ng BBL ay makita ng BTC na may probisyon sa BBL na maaaring hindi tugma sa Konstitusyon ng Pilipinas?

7

18. Paano nauugnay ang Basic Law sa 1996 Final Peace Agreement?

7

19. Ano ang bagong politikal na entidad ng Bangsamoro?

7

20. Ano ang awtonomiyang politikal at piskal?

7


21. Bakit ang totoo at makahulugang awtonomiya ay importante sa Bangsamoro?

7

22. Paano maibibigay ng Basic Law ang pababago at makabuluhang awtonomiya sa Bangsamoro?

8

23. Ano ang sistemang ministeryal na pamahalaan sa Bangsamoro?

8

24. Paano naihahalal ang mga miyembro ng Bangsamoro Assembly?

8

25. Ano ang papel ng lokal na sangay ng pamahalaan (Local Government Units/LGUs) sa sistemang ministeryal?

8

26. Paano nabibigyang kapangyarihan ng Basic Law ang Bangsamoro?

9

27. May pondo ba ang Bangsamoro upang pagbutihin ang kondisyon ng pamumuhay ng mga mamamayan nito?

9

28. Ano ang bahaginan sa nalikom at kinita sa eksplorasyon at pagpapa-unlad ng likas-yaman ng Bangsamoro?

9

29. Ngayong mas maraming pondo at mapagkukuhanan para sa Bangsamoro, paano kami makasisiguro na magkakaroon ng transparency at kapanagutan ang pag-gamit sa mga ito?

10

30. Ang mga problemang pangkapayapaan at seguridad ay nakahahadlang sa pagpapa-unlad ng ekonomiya. Paano tutugunan ng Basic Law ang mga isyung ito?

10

31. Paano gumagana ang sistemang panghustisya ng Bangsamoro sa Basic Law?

11

32. Ano ang mga karapatan sa pag-aari ng lupa ng mga hindi Bangsamoro na naninirahan sa teritoryo ng Bangsamoro?

11

33. Ano ang mga karapatan ng mga katutubo sa Bangsamoro?

11

34. Ano ang nararapat na gawin sa mga kaso kung saan ang mga Bangsamoro ay inagawan ng lupa sa hindi-makatarungang paraan?

11

35. Ako ay residente ng isa sa mga iminungkahing lugar ng Bangsamoro. Ano ang mga maaari kong gawin para makatulong?

12

36. Mayroon bang maaaring gampanan ang mga tulad ko na nasa Maynila?

12

37. Ano ang mga maaaring gawin ng mga institusyong panlipunan?

13


Bangsamoro Transitory Provisions Political Autonomy Transition Commission Basic Rights Culture

Justice

IP Matters

Security Matters

Fiscal Autonomy

Social Justice

BTC

Ano ang Bangsamoro Transition Commission (BTC)?

Ang Bangsamoro Transition Commision (BTC) na binuo ng Executive Order 120, ay ang lupon na naatasang sumulat ng Bangsamoro Basic Law (BBL o Basic Law) para sa bagong pulitikal na entidad ng Bangsamoro. Isusulat ng mga kasapi ng Komisyon ang BBL na nakaayon sa mga kasunduang pangkapayaan sa pagitan ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GPH) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Kaugnay ng tungkuling isulat ang BBL, ang BTC ay naatasan na magrekomenda sa Kongreso o sa mamamayan ang pag-aamyenda ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987, kung sa palagay na ito ay kinakailangan.

BTC

Sino ang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission?

Mayroong labin-limang (15) miyembro ang BTC, lahat ay Bangsamoro at hinirang ng Presidente. Pito (7) sa mga miyembro ay pinili ng gobyerno, habang ang walo (8), kasama ang Tagapangulo, ay pinili ng MILF. Sa 15 miyembro, tatlong (3) mga komunidad ang may representasyon sa Komisyon: Ang mga Muslim, mga Kristiyano, at mga Katutubo (Indigenous Peoples, o IPs).

4

Bangsamoro Transition Commission

BTC

Bangsamoro Basic Law

BBL

BTC

1

Ano ang mga prinsipyong pinagtitibay ng BTC sa pagsulat ng Basic Law?

Ang BTC ay ginagabayan ng mga sumusunod na prinsipyo: Una, ang BTC ay nararapat na magsilbi bilang kinatawan na may iisang layunin para sa kapayapaan at progreso ng rehiyon ng Bangsamoro, na dapat na nakasaad sa isang Basic Law, at batay sa Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) at mga Annexes nito na pinagkasunduan ng GPH at ng MILF.

2

3

Ikalawa, ang BTC ay nararapat na humimok ng partisipasyon sa pagsasagawa ng Basic Law sa pamamagitan ng mga pampublikong pagdinig at konsultasyon upang matiyak na maisasama ang mga hinaing ng at makalikom ng suporta mula sa mga stakeholders. Ikatlo, ang Basic Law ay nararapat na magbigay ng pakinabang sa mga mamayan ng Bangsamoro, tulad ng mga Muslim, Kristiyano, ang mga katutubo sa loob ng teritoryo ng Bangsamoro.

Praymer tungkol sa Bangsamoro Transition Commission at Bangsamoro Basic Law


BTC

Paano isinasalamin ang mga prinsipyong ito ng mga alituntunin at proseso ng BTC?

Sinasaad ng alituntunin ng BTC na ang Komisyon ay kailangang magdesisyon ng may konsensus sa mga isyung substantibo tulad ng mga lalamanin ng Basic Law. Upang maitaguyod ang popular na partisipasyon, nararapat na konsultahin ng BTC ang mga lokal na pinuno ng mga ipinapanukalang masasakopan ng Bangsamoro, kasama na rin ang mga dayuhang eksperto. Isinama rin ng BTC ang mga sibil na organisasyon sa lipunan o NGOs upang tumulong sa pagpapalaganap ng mga impormasyon sa iba’t-ibang komunidad. BTC

Agaran bang magiging mabisa ang Basic Law kapag ito ay inaprubahan ng Kongreso at ng Pangulo?

BTC

4

5

Ano ang kahalagahan ng pagpapatibay sa Basic Law sa pamamagitan ng plebisito?

6 BTC

7

Ang pagpapatibay ng mga mamamayan sa isang plebisito ang magsasabisa sa Basic Law. Pinagtitibay nito ang Basic Law bilang pundamental na batas ng Bangsamoro. BTC

Paano maghahanda ang mga mamamayan sa plebisito?

Ang plebisito ay isang kilos ng pansariling pamumuno o self-determination kung saan ang mga mamamayan ng Bangsamoro at ang mga naninirahan sa ipinanukalang Bangsamoro ay pipili kung susunod o hindi sa Basic Law na siyang gagabay sa kanilang politikal, sosyal, at ekonomikong pamumuhay. Importante para sa mamamayan na maintindihan at makilahok sa mga diskusyon tungkol sa mga probisyon ng Basic Law, upang sila ay makagawa ng maalam na desisyon sa panahon ng plebisito. Praymer tungkol sa Bangsamoro Transition Commission at Bangsamoro Basic Law

Ang BTC ay gumawa ng limang (5) komite upang magsulat ng mga probisyon ng Basic Law. Ito ang mga komite sa 1) Awtonomiyang Politikal 2) Awtonomiyang Piskal 3) Usaping Panghustisya at Seguridad 4) Batayang mga Karapatan, Kultura, Katarungang Panlipunan at mga Katutubo 5) Mga Probisyon Pantransisyon, Amyenda, Rebisyon, at iba pang mga usapin. Dalawa (2) pang hiwalay na komite ang binuo, ang Komite para sa Koordinasyon, at Komite para sa Pag-aamiyendang Konstitusyonal.

Hindi. Mayroon pang panghuling hakbang. Magkakaroon ng plebisito upang bigyan ang mga mamamayan ng pagkakataong pagtibayin ang Basic Law sa isang popular na referendum. BTC

Paano maisusulat ng BTC ang Basic Law?

8 9

Sino ang kalahok sa plebisito?

Ang mga rehistradong botante ng mga sumusunod na lugar ang siyang makakalahok sa plebisito: a. Ang mga kasalukuyang lugar sa loob ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM); b. Ang mga munisipalidad ng Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan, at Tangkal sa probinsya ng Lanao del Norte at ang lahat ng mga barangay sa munisipalidad ng Kabacan, Carmen, Aleosan, Pigkawayan, Pikit, at Midsayap na bumoto upang maging bahagi ng ARMM sa isang plebisito noong 2001. c. Ang mga siyudad ng Cotabato at Isabela; at d. Iba pang mga karatig lugar kung saan may resolusyon ang lokal na pamahalan o petisyon galing sa hindi bababa sa sampung porsyento (10%) ng mga kuwalipikadong botante sa lugar na hihiling na sila ay isama hindi bababa sa dalawang buwan bago ang pagsasagawa ng pagpapatibay o plebesito para sa Bangsamoro Basic Law.

5


BTC

Posible bang mailahok sa plebisito ang mga lugar na hindi nakalista sa mga nabanggit sa taas?

Oo. Ang mga karatig lugar at nasa labas ng nakasaad na teritoryo kung saan may malaking populasyon ng Bangsamoro ay maaaring piliin na maging bahagi ng teritoryo sa pamamagitan ng petisyon nang hindi bababa sa sampung porsiyento (10%) ng mga residente at aprubado ng mayorya ng mga kuwalipikadong botante sa plebisito. BTC

10 11

Sa pagkabuo ng Bangsamoro, sino ang manunungkulan ng pamamalakad sa teritoryo?

Kapag napagtibay na ang Basic Law sa pamamagitan ng isang plebisito, ang Bangsamoro Transition Authority (BTA), bilang pansamantalang gobyerno, ang siyang maaatasan ng kapangyarihan sa pamumuno at magtitiyak ng pagpapatuloy ng mga gawain ng gobyerno sa teritoryo ng Bangsamoro. Maaaring buuin ng BTA ang burukrasya ayon sa mga nararapat na institusyon ng pamumuno sa ilalim ng sistemang ministeriyal. Ang pangunahing konsiderasyon ay masigurong ang serbisyong publiko ay hindi nahahadlangan; ang kalusugan at seguridad ay hindi mapipinsala.

12

13

14

15

Ang resolusyon ba o petisyon ng 10% ng mga kuwalipikadong botante ay sapat upang maisama sa teritoryo ng Bangsamoro?

Hindi. Ang resolusyon o petisyon ng 10% ng mga kuwalipikadong botante ay layunin lamang na maisama sa plebisito ang isang lugar. Ang paborableng boto ng mayorya ng rehistradong botante sa plebisito ay kailangan pa rin upang ang teritoryo ay maisama sa Bangsamoro.

Ano ang mangyayari kapag napagtibay na ang Basic Law?

Ang mga probinsya, siyudad, munisipalidad, at mga barangay kung saan ang mayorya ng mga botante ay nagpatibay sa Basic Law sa pamamagitan ng pagboto sangayon sa batas na ito ay mabibilang sa Bangsamoro na siyang papalit sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM). BTC

BTC

BTC

Ano ang mangyayari sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) matapos ang promulgasyon at ratipikasyon ng Basic Law?

Pagkatapos ng promulgasyon at ratipikasyon ng Basic Law, na bubuo sa Bangsamoro, ang ARMM ay matuturing na nabuwag na. Gayunman, magkakaroon ng mga mekanismo sa Basic Law para sa paglalansad ng ARMM, ang pagputol sa serbisyo ng mga empleyado ayon sa mga patakaran at batas ng serbisyong sibil, at ang paglilipat ng mga pag-aari sa Pamahalaan ng Bangsamoro.

BTC

Ano ang mga magiging tungkulin ng BTA?

Gagampanan ng BTA ang mga tungkulin ng pansamantalang pamamahala sa Bangsamoro hanggang sa eleksyon at pagkaluklok ng mga miyembro ng Bangsamoro Assembly at ang pagbuo ng pamahalaan ng Bangsamoro sa 2016.

Ang organisasyon at komposisyon ng BTA ay ilalahad sa Basic Law. Ang mga miyembro nito ay itatalaga ng Presidente. Ito ay pamumunuan ng MILF. Agad magsisimula ang minesteryal na porma at sistema ng gabinete kapag naitatag na ang BTA.

6

Praymer tungkol sa Bangsamoro Transition Commission at Bangsamoro Basic Law


BBL

Ano ang Bagsamoro Basic Law?

Ang Bangsamoro Basic Law ay ang batas sa pamamahala ng politikal na entidad ng Bangsamoro. Tulad ng nabanggit, itinatatag nito ang Pamahalaan ng Bangsamoro, ipinapaliwanag ang mga kapangyarihan at nagtatakda ng estruktura nito, pangunahin sa iba pang gawain. BBL

16

Inaasahang maipapahayag ng Basic law ang mga aspirasyon ng Bangsamoro at ng iba pang mga naninirahan sa rehiyon. Ipinaliliwanag ng Basic law ang mga bagong imprastracturang political, pinansiyal, ekonomiko, komersyal, etniko at administratibo tungo sa pagkakamit ng kapayapaan at kaunlaran para sa iba’t ibang grupo ng tao sa Bangsamoro.

Bakit ang totoo at makahulugang awtonomiya ay importante sa Bangsamoro?

Ang totoo at makabuluhang awtonomiya ay magtataguyod sa Bangsamoro na tugunan ang mga matagal nang problema ng kawalan ng hustisya, kahirapan, panlipunan at politikal na marhinalisasyon dulot ng mga institusyon, mga batas at mga polisiya na hindi tumutugon sa mga pangangailangan, hinaing, identidad at hindi akma sa karanasan ng Bangsamoro. Ang tunay na awtonomiya ay dapat nakapagbibigay sa mga mamamayan ng karapatan sa pansariling pagpapasya tungo sa pagpapa-unlad ng mga politikal na institusyon at proseso, at ng kanilang mga yamang materyal, habang napapanatiling buhay ang mga pamanang kultural, pagpapahalaga at tradisyon. Praymer tungkol sa Bangsamoro Transition Commission at Bangsamoro Basic Law

Paano kung sa pagsusulat ng BBL ay makita ng BTC na may probisyon sa BBL na maaaring hindi tugma sa Konstitusyon ng Pilipinas?

17

Ang BTC ay may kapangyarihan na magmungkahi sa Kongreso o sa mga mamamayan ang pag-amyenda ng Konstitusyon ng Pilipinas, kung sa palagay ng BTC na ito ay kailangan.

18

BBL

Paano nauugnay ang Basic Law sa 1996 Final Peace Agreement?

Maaring isama ang naumpisahan at natamo ng 1996 Final Peace Agreement sa pagbuo ng Basic Law. Sa katunayan, sinasabi sa Annex on Power Sharing na dapat bigyang konsiderasyon ng BTC ang mga rekomendasyon mula sa rebyu ng mga proseso ng 1996 Final Peace Agreement upang maisama ang mga ito sa Basic Law.

BBL

BBL

19

Binubuo ito ng mga mamamayan, pamahalaang rehiyunal at teritoryo na bahagi pa rin ng Republika ng Pilipinas. Ito ay magkakaroon ng natatanging sistemang politikal, ekonomikal, at panlipunan na angkop sa pamumuhay at kultura ng mga mamamayan ng Bangsamoro. Tatamasahin nito ang autonomiyang politikal at piskal.

BBL

20

21

Ano ang bagong politikal na entidad ng Bangsamoro?

Ano ang awtonomiyang politikal at piskal?

Ang awtonomiyang politikal ay nangangahulugan ng mas kakaunting panghihimasok ng sentral na pamahalaan sa pamumuno ng rehiyon at ang mga mamamayan ng Bangsamoro ay mabibigyan ng mas maraming kalayaan na magdesisyon kung paano nila patatakbuhin ang kanilang panloob na pamumuhay. Ang awtonomiyang piskal ay nangangahulugan na ang Bangsamoro ay nararapat na bigyang kalayaan na mangalap ng sarili nitong mapagkukunan ng yaman at maglaan at magbadyet ng pondo at yaman batay sa kanilang mga pangangailangan. Ang politikal at piskal na awtonomiya ay nagbibigay daan para sa Bangsamoro na mabuhay ayon sa sarili nilang kakayahan at pangangailangan.

7


BBL

Paano maibibigay ng Basic Law ang pababago at makabuluhang awtonomiya sa Bangsamoro?

Ang espesyal na relasyon sa pagitan ng pamahalaang sentral at pamahalaang Bangsamoro ay tinuringan ng kasunduang pangkapayapaan bilang asimetriko (o asymmetric). Ang Framework Agreement at mga Annexes ay nagbibigay kapangyarihan sa Bangsamoro, sa pamamagitan ng Basic Law, na bumuo at mangasiwa ng pamahalaang may sistemang ministeryal , ang bahaginan ng kapangyarihan, pagbabahagian ng kayamanan mula sa likas na yaman, ang proseso ng normalisasyon, mga probisyon para sa mga paraan ng transisyon, at ang awtonomiyang piskal na may may maliit lamang na pakikialam mula sa sentral na pamahalaan.

BBL

BBL

22

23

Ang mga pribilehiyong tinatama ng mga LGU sa ilalim ng mga umiiral na batas ay hindi maaaring mabuwag, maliban na lamang kung binago, binawasan, o nireporma para sa layuning ikabubuti ng pamamahala alinsunod sa mga probisyon ng babalangkasin na lokal na kodigo ng pamahalaan ng Bangsamoro.

Higit pa rito, magkakaroon ng konseho ang Bangsamoro ng mga pinuno na siyang binubuo ng Punong Ministro, mga gobernador ng probinsiya, mga alkalde ng mga siyudad at mga kinatawan ng iba’t-ibang sektor. Ang Pamahalaan ng Bangsamoro ay may awtoridad na mangasiwa sa sarili nitong responsibilidad sa mga usapin ng mga lokal na yunit ng pamahalaan.

8

Sa pamahalaang ministeryal, ang Bangsamoro Assembly (o Kapulungan ng Bangsamoro) ay hindi lamang gagawa ng mga batas at polisiya, kundi sila rin ang magpapatupad ng mga ito sa pamamagitan ng gabinete. Ang parehong kapangyarihan ng paggawa ng batas at pangangasiwa ng pamahalaan ay ibibigay sa Bangsamoro Assembly. Ang gabinete ng Bangsamoro ay binubuo ng Punong Ministro (Chief Minister), Katuwang na Punong Ministro (Deputy Chief Minister), at iba pang mga ministro na kailangan para sa pagganap ng mga tungkulin ng pamahalaan. Ang Punong Ministro (Chief Minister) ay siyang ihahalal ng mayoryang boto mula sa mga miyembro ng kapulungan at nararapat na gampanan ang ehekutibong awtoridad sa ngalan nito. Ang Punong Ministro) ang hihirang sa Katuwang na Punong Ministro (Deputy Chief Minister) mula sa iba pang mga naihalal na miyembro ng kapulungan at iba pang mga ministro, karamihan sa sa mga ito ay manggagaling rin mula sa mga miyembro ng kapulungan.

Ano ang papel ng lokal na sangay ng pamahalaan (Local Government Units/ LGUs) sa sistemang ministeryal?

Sa pamamagitan ng prinsipyo ng mga sangay sa pamamahala, ang mga desisyon ay isasagawa sa naaangkop na lebel upang matiyak ang pampublikong kapanagutan at transparency, na nagbibigay halaga sa mabuting pamamahala at pangkalahatang kagalingan. Ang Basic Law ang magtataguyod ng kooperasyon sa pagitan ng mga pampublikong ahensiya sa Bangsamoro.

Ano ang sistemang ministeryal na pamahalaan sa Bangsamoro?

BBL

24

25

Paano naihahalal ang mga miyembro ng Bangsamoro Assembly?

Ang Basic Law ang siyang magbibigay ng sistema ng alokasyon ng bilang ng mga puwesto, at ang mas malawak na representasyon ng mga sektor at mga grupong pang-interes sa Bangsamoro Assembly. Ang Basic Law ay nagbibigay diin sa importanteng papel ng mga partidong politikal na may mga tunay na prinsipyo at plataporma at naninindigan sa mga isyu ng pamamahala na siyang maaaring makaapekto sa mga mamamayan.

Praymer tungkol sa Bangsamoro Transition Commission at Bangsamoro Basic Law


BBL

Paano nabibigyang kapangyarihan ng Basic Law ang Bangsamoro?

Ang Basic Law, sa pag-alinsunod sa Annex on Power Sharing, ay malinaw na nagsasaad ng napagkasunduang paghahati sa kapangyarihan sa pagitan ng Bangsamoro at Sentral na Pamahalaan. Ang Pamahalaan ng Bangsamoro ay mayroong ekslusibong kapangyarihan na maaaring ipatupad sa sakop nitong teritoryo. Nanatili naman sa Sentral na Pamahalaan ang mga reserbadong kapangyarihan nito. Gayunpaman, parehong ang Sentral na Pamahalaan at ang Pamahalaang Bangsamoro ay magkabahagi sa ilang mga magkaayon na kapangyarihan (concurrent powers) sa loob ng Bangsamoro.

BBL

Ano ang bahaginan sa nalikom at kinita sa eksplorasyon at pagpapa-unlad ng likas-yaman ng Bangsamoro?

Ang kita mula sa ekplorasyon, pagpapaunlad at eksploytsayon sa lahat ng mga likas na yaman sa loob ng Bangsamoro ay maaaring hatiin sa mga sumusunod na paraan: a. Para sa mga non-metallic na mineral tulad ng mga buhangin, graba at mga yamang-silyaran sa loob ng Bangsamoro, ang mga kikitain ay pagmamay-ari ng Bangsamoro at ang mga lokal na sangay ng pamahalaan nito; b. Para sa mga metallic na mineral sa loob ng Bangsamoro, pitumpu’tlimang porsyento (75%) ang magiging pagmamay-ari ng Bangsamoro, at dalawampu’t-lima (25%) ang mapupunta sa Pamahalaang Sentral. c. Para sa mga fossil fuels katulad ng petrolyo, natural gas at uling, at uranium, magkakaroon ng pantay na paghahati ng kita ang Pamahalaang Sentral at ng Bangsamoro.

Praymer tungkol sa Bangsamoro Transition Commission at Bangsamoro Basic Law

BBL

26

27

28

May pondo ba ang Bangsamoro upang pagbutihin ang kondisyon ng pamumuhay ng mga mamamayan nito?

Ang Basic Law ay dapat magbibigay ng mga karagdagang mapagkukunan ng pondo para sa Bangsamoro. Maliban sa kasalukuyang kinokolektang buwis ng ARMM, ang Bangsamoro ay maari ding mangolekta ng capital gains tax, estate tax, documentary stamp tax at donor’s tax. Lahat ng mga kita mula sa mga nalikom na buwis ay magiging bahagi ng Bangsamoro Treasury o kaban ng yaman ng Bangsamoro. Mula naman sa mga buwis, bayarin at singilin na nalikom mula sa Bangsamoro, 75% ay mapupunta sa Bangsamoro at 25% ang mapupunta sa Sentral na Pamahalaan. Ang mas malaking awtonomiyang piskal ay sinisiguro ng awtomatikong aproprasyon at pagpapalabas ng taunang block grant transfers mula sa Sentral na Pamahalaan. Isang Special Development Fund ang ibibigay ng Sentral na Pamahalaan para sa rehabilitasyon at pag-unlad. Ang Bangsamoro ay may awtoridad na makipagkontrata para umutang, magpautang at iba pang porma ng utang sa pamahalaan o pribadong bangko at mga institusyong nagpapautang maliban sa mga may kahingian ng garantiyang pansoberenya. Ang Bangsamoro ay maaari ring tumanggap ng tulong pinansyal mula sa mga donor agencies mula sa ibang bansa (tinatawag na Overseas Development Assistance o ODA) para sa prayoridad na proyektong pangkaunlaran. Ang iba pang mapagkukunan ay mula sa bahaging kita mula sa mga korporasyong pagmamay-ari ng Bangsamoro, institusyong pinansiyal, economic zones, at freeports na pinanghahawakan ng pamahalaan ng Bangsamoro sa loob ng nasasakupang teritoryo nito. Maaari itong tumanggap ng mga kaloob mula sa mga kasunduang pang-ekonomiya na pinayagan o awtorisado ng Bangsamoro Assembly katulad ng mga donasyon, endownment, at iba pang klase ng mga tulong, na naaayon sa reserbang kapangyarihan ng pamahalaang sentral tungkol sa ugnayang panlabas. Ang mga kaloob at donasyon ay maaring direktang tanggapin ng pamahalaan ng Bangsamoro na maaari lamang gamitin ayon sa layon ng pagtanggap.

9


29 BBL

Ngayong mas maraming pondo at mapagkukuhanan para sa Bangsamoro, paano kami makasisiguro na magkakaroon ng transparency at kapanagutan ang pag-gamit sa mga ito?

Ang Basic Law ay magbibigay ng mga mekanismo at regulasyon upang itaguyod ang pananagutan sa pag-gamit ng mga pondo ng pamahalaan ng Bangsamoro. Ang Bangsamoro ay magkakaroon ng kinatawan sa pag-aaudit na may responsibilidad tungo sa pampublikong pondo ng Bangsamoro. Ito ay naaayon sa kapangyarihan, awtoridad at tungkulin ng National Commission on Audit na suriin, i-audit at pasyahan ang mga tala kaugnay sa nakalap at paggamit ng mga pondo. Ang Bangsamoro Assembly ay maaaring gumawa ng batas na sisiguro sa mekanismo ng transparency at pananagutan ng mga opisyal. Binabanggit rin sa Basic Law ang opisina ng hisbah, isang opisina para sa pampublikong kapanagutan, katulad ng Ombudsman.

30 BBL

Ang mga problemang pangkapayapaan at seguridad ay nakahahadlang sa pagpapa-unlad ng ekonomiya. Paano tutugunan ng Basic Law ang mga isyung ito?

Ang pagpapatibay at ratipikasyon ng Basic Law ay siya mismong tagapagdala ng mensahe ng kapayapaan at pagkakasundo ng mga partido. Ang pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ang siyang pangunahing tungkulin ng puwersa ng pulisya para sa Bangsamoro, na nararapat maging propesyonal, sibilyan, mabisa at epektibo sa pagpapatupad ng batas, patas, walang kinikilingan at may kapanagutan sa ilalim ng batas. Ang puwersa ng pulisya para sa Bangsamoro ay mananagot sa parehong Pamahalaan ng Bangsamoro at Sentral na Pamahalaan at sa mga komunidad na pinaglilingkuran nito. Ang Basic Law ay dapat magtakda ng pagbubuo ng puwersang kapulisan para sa Bangsamoro, at istruktura nito. Ang sistemang pang-hustisya ay nararapat na palakasin at madaling malapitan upang ang mga alitan at hindi pagkakaunawaan ay naidadala sa tamang forum at hindi nagdudulot ng marahas na salungatan. Ipapatupad ng pamahalaan ng Bangsamoro ang Sajahatra Bangsamoro, mga programang sosyoekonomiko na nakahanay sa mas malawak pang Bangsamoro Development Plan upang tugunan ang hindi pagkakabalansng pag-unlad ng ekonomiya at imprastraktura sa mga komunidad ng Bangsamoro. Ang pamahalaan ng Bangsamoro ay magsisikap na buuin ang isang mapayapaang lipunan, malaya mula sa takot at kahirapan, tapat sa karangalan at karapatang pantao.

10

Praymer tungkol sa Bangsamoro Transition Commission at Bangsamoro Basic Law


BBL

Paano gumagana ang sistemang panghustisya ng Bangsamoro sa Basic Law?

Lahat ng mga mamamayan ay ginagarantiyahan ng mga pangunahing karapatan para mapakinggan ang mga karaingan at dumaan sa tamang proseso ng batas. Dagdag pa sa batayang mga karapatan na tinatamasa na sa ilalim ng Konsitusyon, naglalaan ang Basic Law ng mga institusyong pang-katarungan sa Bangsamoro. Ang pormal na institusyunalisasyon at operasyon ng sistemang pangkatarungan ng Shari’ah, ang pagpapalawak ng hurisdiksyon ng mga korte ng Shari’ah at ang kakayahan sa sistemang pang-katarungan ng Shari’ah ay itatatag sa Bangsamoro. Ang Bangsamoro ay magkakaroon ng kakayahan para sa sistemang pang-katarungan ng Shari’ah. Ang pangingibabaw ng kapangyarihan ng Shari’ah at ng pagpapa-iral nito ay para lamang sa mga Muslim.

BBL

31

32

Kung kinakailangan, ang Basic Law ay maaaring magtatag ng mga pamamaraan upang mapabuti ang mga gawain ng mga lokal na korteng sibil. Ang mga partido na nabiktima na naninirahan sa Bangsamoro ay maaaring humingi ng tulong mula sa lokal na korte, o kaya sa mga Muslim sa distrito ng Shari’ah o kinaloloobang korte nito.

Ang Basic Law ay kumikilala rin sa iba pang mga katutubong proseso bilang alternatibong pamamaraan ng pagsasaayos ng mga alitan.

BBL

Ano ang mga karapatan ng mga katutubo sa Bangsamoro?

Ang mga indengous peoples (IPs) ay ang mga katutubo o mga naunang naninirahan sa Bangsamoro sa panahon ng kolonisasyon. Sila ay may kalayaan na piliin ang pagkakakilanlan bilang Bangsamoro, pati na ang kanilang mga asawa at kaanak sa pamamagitan ng pagtanggap sa pagkakakilanlang ito. Sa ilalim ng Basic Law, ang karapatan, kaugalian, at tradisyon ng mga katutubo ay binibigyang respeto. Praymer tungkol sa Bangsamoro Transition Commission at Bangsamoro Basic Law

Lahat ng mga naninirahan sa Bangsamoro ay maaaring magtamasa ng lahat ng pangunahing karapatan na ginarantiyahan ng Konstitusyon ng Pilipinas at mga pandaigdigang kumbensyon sa karapatang pantao. Walang tao sa Bangsamoro ang maaaring makaranas ng diskriminasyon dahil sa edad, antas ng buhay, kasarian, kapansanan, entinisidad, kasapiang politikal at relihiyon. Tinitiyak ng Basic Law na ang mga karapatan sa pagmamay-ari ay kinikilala at nirerespeto. Sinuman na may wastong titulo sa lupa na nakuha niya ng patas at legal ay walang dapat katakutan.

BBL

Ang Basic Law ay naglalahad ng respeto para sa karapatan ng mga katutubo na ayusin ang mga alitan sa pamamagitan ng sariling batas ng kanilang mga lipi at mga tradisyunal na sistema.

33 34

Ano ang mga karapatan sa pag-aari ng lupa ng mga hindi Bangsamoro na naninirahan sa teritoryo ng Bangsamoro?

Ano ang nararapat na gawin sa mga kaso kung saan ang mga Bangsamoro ay inagawan ng lupa sa hindimakatarungang paraan?

Ang karapatang magmay-ari ay kikilalanin at bibigyang respeto. Ang mga lehitimong karaingan ng mga mamamayan ng Bangsamoro mula sa hindi makatarungang pagkuha sa kanilang mga teritoryo at pagaaring lupa, ang kaugaliang pagmamay-ari ng lupain o ang kanilang marginalization ay kikilalanin. Kung ang restorasyon ng pagmamay-ari ay hindi na posible, ang Pamahalaang Sentral at ang Pamahalaan ng Bangsamoro ang siyang gagawa ng epektibong panukala para sa sapat na bayadpinsala na siyang mapakikinabangan ng mga mamamayan ng Bangsamoro.

11


35 BBL Ako ay residente ng isa sa mga iminungkahing lugar ng Bangsamoro. Ano ang mga maaari kong gawin para makatulong? Una, importanteng makakuha ng tamang impormasyon, pag-aaral at pang-uunawa sa mga isyu. Maaaring magkaroon ng mga maling impormasyon, malisyosong haka-haka, pinsala, kawalan ng kaalaman at mga spekulasyong walang batayan na may tendensiyang hatiin at pag-alabin ang mga emosyon. Mangyari lamang na huwag paniwalaan ang mga ito. Sa halip, magbasa ng direkta at mapagkakatiwalaang materyal na naglalaman ng mga impormasyon katulad na lamang ng Praymer na ito, at maki-bahagi sa mga pampumblikong konsultasyon ukol sa Basic Law sa pamamagitan ng pagtatanong at pagpapahayag ng inyong mga malasakit. Ikalawa, maging tagapagtaguyod ng Basic Law. Ipaliwanag at bigyang linaw sa iyong mga kapamilya at kaibigan na ang Basic Law ay maaaring maging pinakamahusay na pagtugon upang matapos na ang mga hindi pagkakaunawaan at karahasan, sa pamamagitan ng implementasyon ng makatutuhanan at maisasagawang banghay para sa kapayapaan at sosyo-ekonomikong pag-unlad ng rehiyon ng Bangsamoro. Ikatlo, kapag naisumite na sa Kongreso ang naisulat na Basic Law upang maipatupad sa pagsasabatas, mangyari na ipakita ang iyong suporta sa pamamagitan ng pagtawag, pakikidalo o pakikipagkita, pagpapadala ng mga sulat at mensahe gamit ang social media sa inyong mga kinatawan sa Kongreso at sa Senado. Kung ikaw ay miyembro ng isang organisasyon, mangyari na ilunsad sa inyong grupo ang kampanya upang ipakita sa Kongreso ang pagpapahayag ng inyong matibay na suporta sa pagpapasa ng Basic Law. Ika-apat, bumoto sa panahon ng plebisito, at himukin ang iba pa na bumoto ng “Oo!� sa Basic Law.

36 BBL Mayroon bang maaaring gampanan ang mga tulad ko na nasa Maynila? Oo. Importanteng kilalanin na ang bawat isa ay bahagi ng solusyon sa problema ng hindi pagkakasundo at alitan sa Mindanao. Tinatawagan ang buong bansa na magbigay suporta sa pormulasyon ng Basic Law na pinagkakasunduan sa usaping pangkapayapaan, at tanggapin ang ating bahagi sa pagbubuo ng mga kasunduan alang-alang sa kapayapaan. Kailangan natin tigilan ang pagsasalita at pag-iisip ng mga negatibong termino tungkol sa mga institusyon at mga tao dahil sa kaibahan ng relihiyong kinabibilangan. Upang magkaisa bilang isang bansa, kinakailangan nating isantabi ang ating mga pagkakahon, masamang pagpapalagay, suspetya at pagkapoot na makakagulo sa ating isipan, sa halip na gumabay sa mga kasalukuyan nating hinaharap na problema. Kailangan nating matutunan ang mga kagawian at tradisyon ng karamihan ng mga katutubong tribo sa Mindanao, tungkol sa kadalisayan ng mga aral ng Qur’an kung saan ay sumasaklaw sa parehong aral ng Bibliya. Upang maging isang mapayapa, progresibo at modernong Pilipinas, kinakailangan natin maging bukas sa pagdidiskubre ng ating mayamang pagkakaiba-iba sa kultura na siya mismong nasa loob ng ating mga tahanan.

12

Praymer tungkol sa Bangsamoro Transition Commission at Bangsamoro Basic Law


37 BBL Ano ang mga maaaring gawin ng mga institusyong panlipunan? Ang mga paaralan, simbahan, mosque, at ang media ay nasa estratehikong posisyon upang lumikha ng mga pamamaraan para sa diyalogo at diskurso tungkol sa mga kasunduang pangkapayapaan at Basic Law. Ang mga estudyante ay maaaring magkaroon ng talakayan tungkol sa Basic Law at lubos nitong kabuluhan sa Bangsamoro at pagsulong ng ating bayan sa kanilang mga klase sa araling panlipunan, agham pampulitika, ekonomiks, pagpaplanong pang urban at rural, kalakalan at komersyo, Islamic banking, produktibidad pang agrikultural at pampala-isdaan, ang humanidades at pag-unawang internasyunal. Ang mga pinuno ng relihiyon ay maaaring magtaguyod ng mga mensahe tungkol sa kabaitan sa mga mahihirap, pagiging bukas sa pagkakaiba-iba, at walang maliw na pagpapahalaga sa espirituwal na katotohanan na kanilang itinuturo at isinasagisag sa modernong mundo.

Bigyan natin ng pagkakataon ang kapayapaan. Tumulong tayo sa pag-lutas ng mga hindi pagkakapantay-pantay sa mga pinakamahihirap na mamamayan ng ating bansa. Sila rin ay ating mga kapatid sa tinutuluyan nating tahanan. Huwag tayong mabuhay sa salita lamang na ating pinaniniwalaan, kundi maging halimbawa nito. Pagkat winiwika na ang pangmatagalang kapayapaan ay patungo lamang sa mga kababaihan at kalalakihan ng mga mabubuting gawa.

Praymer tungkol sa Bangsamoro Transition Commission at Bangsamoro Basic Law

13



Hon. Abdulla Camlian An alternate member of the MILF Peace Panel since 2010, Camlian has been an erstwhile member and later Chairman of the MILF Technical Committee. He finished BS Military Science in 1965 in the Cairo Military Academy. Camlian hails from Basilan and is of Sama-Bangingi-Tausug descent.

Hon. Hussein Muñoz A native of Davao Oriental, Muñoz is a graduate of AB Political Science at the University of Mindanao in Davao City. He is the Deputy Chief of Staff of the Bangsamoro Islamic Armed Forces and is a respected Base Commander. Also known as “Sonny Davao,” he is fluent in English ang Tagalog, as well as in Maguindanaon, Tausug, and Bisaya. Muñoz hails from Lupon, Davao Oriental.

Hon. Pedrito Eisma Eisma is a prominent figure in local Basilan media and has been recognized twice as an Outstanding Municipal Councilor, being an awardee of the Gawad Parangal ng Bayan in 1999 and the Excellence in Public Service Award in 2000. Eisma has the distinction of authoring the resolution which led to the conversion of the municipality of Isabela into a component city. He finished his Bachelor of Law at Silliman University. Eisma is a Roman Catholic and is a native of Basilan.

Hon. Raissa Jajurie Jajurie is a Tausug and hails from Jolo, Sulu. She obtained her Political Science degree from the Ateneo de Manila University and then finished Law at the University of the Philippines in 1994. She has worked with marginalized sectors and identities even while in college, and then moved on to full-time human rights lawyering after passing the bar in 1995, working specifically on issues of workers, women, and later on, on peace in Mindanao, indigenous peoples, and the Moros. She sits in the Board of Consultants of the peace panel of the MILF.

Hon. Said Shiek Shiek was the head of the MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities. He finished his degree in Secondary Education at the Lanao National College and practiced his teaching profession in the province. Shiek is Maranao by ethnicity.

Hon. Asani Tammang Tammang is a proud son of the town of Panamao in the Province of Sulu. He came from a humble yet respected family of the municipality and became one of the most outstanding trial lawyers of the province. He served as an Assistant Provincial Prosecutor before he was elected to the House of Representatives for three consecutive terms during the 9th, 10th, and 11th Congresses.

Hon. Fatmawati Salapuddin Salapuddin is a peace advocate and have worked in the area of peacemaking in the civil society sector before serving as the Director of the Bureau of Peace and Conflict Resolution under the National Commission on Muslim Filipinos since 2010. She also served as a member of the Consultative Assembly of the Southern Philippines Council for Peace and Development (SPCPD), the transition mechanism of the 1996 Final Peace Agreement with the MNLF. Salapuddin is a native of Sulu.

Hon. Froilyn Mendoza Mendoza is a Teduray who hails from South Upi, Maguindanao. She was a member of the all-women contingent of the Civilian Protection Component of the International Monitoring Team. She obtained her degree in Bachelor of Science in Agriculture from the University of Southern Mindanao in Kabacan. She was the advocacy specialist of the Institute for Autonomy and Governance for the empowerment of Indigenous Peoples in the ARMM. She is one of the founding members of the Teduray Lambangian Women’s Organization, Inc.


Bangsamoro Transition Commission BangsamoroTC

www.bangsamoroonline.com

Para sa mga mungkahi o hinaing na gustong iparating sa Bangsamoro Transition Commission, maaring makipag-ugnayan sa BTC Secretariat sa pamamagitan ng e-mail

btc.secretariat@mail.com Mobile Number

(+63) 916 440 6783 Communications Group

comgroup.btc@gmail.com o kaya sa pagpadala ng liham sa opisina ng BTC: Elena V. Co Building, Don Rufino Alonzo Street, Cotabato City, Philippines 9600

Upang makakuha ng kopya ng praymer na ito sa salitang English, Tagalog, Cebuano, Maranao, Maguindanaon, Teduray at Tausug at para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na website ng BTC: www.bangsamoroonline.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.