S NAG LATHALA BLG III TOMO BLG IV.
SETYEMBRE - OKTUBRE 2017
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL SA DIYALEKTONG LOKAL NG PAMANTASAN NG ATENEO DE ZAMBOANGA
Hakbang Patungo sa
Luntiang Ateneo ni Dave U. Cervas
BALITA Silingan Seni Visual Arts Festival 2017 ginanap sa AdZU
ISPORTS AdZU Umarangkada sa 3rd MPG 2017
G
umising nang maaga, magbihis nang mabilis, ihanda ang mga sarili at siyempre, ang inyong mga baunan!
Ang opisina ng Social Awareness and Community Service Involvement o mas kilala bilang SACSI ay isa lamang sa mga kasapian sa Ateneo na naglalayong palawigin ang kamalayan ng mga estudyante sa pangkalahatang suliraning kinakaharap ng pamantasan at lipunan, sa kabuuan, na maaaring nisanhi ng tao. Noong ika-4 ng Setyembre ay inilunsad ng nasabing organisasyon katuwang ang EcoWatch, ang kampanyang “Reuse More, Throw Less” (Muling gumamit, Iwasang magtapon) upang itaguyod ang paggamit ng mga baunan (lunch box) at sikero (tumbler). Ang proyektong ito ay isinagawa sa layuning masugpo bilang isa sa mga pangunahing problemang dinaranas ng unibersidad- ang iresponsableng pagtapon ng basura. Sa pagsisimula ng kanilang proyekto, mapapansin ang ilang pagbabago: ang pagpapalabas ng telebisyon sa kapetirya ng iba’t ibang proyekto at aktibidad na isinasagawa ng organisasyon sang-ayon sa inilunsad na programa, pagpapaskil sa
kuha ni MOHAMMAD SARAJAN
mga bulletin boards ng mga karagdagang kaalaman o lathala hinggil sa proyekto at naglagay at paglalagay ng mga standee sa mga matataong lugar sa kampus na naglalaman ng katagang “AdZU Goes Green” bilang paglalayong hikayatin ang bawat isa na pangalagaan ang kapaligiran sa pamamagitan ng ilang simpleng kaugalian. Halimbawa na lamang ay ang pagliligpit ng kinainan bilang paggalang sa susunod na kakain, pagsunod sa alituntunin ng wastong segregasyon ng mga basura, at pagpap’anatiling malinis ng mga pasilidad sa unibersidad.
Inilunsad ang kampanya sa pamamagitan ng isang programang isinagawa sa backfield, datapwa’t masama ang panahon, naitawid ng SACSI at Ecowatch ang aktibidad at mas napaigting ang kaalaman ng mga magaaral ukol sa nasabing proyekto. Tangi pa riyan, hindi lamang ang mga estudyante ang nakilahok sa panukulang gawain kundi pati rin ang mga concessionaires o mga nanininda sa loob ng kapiterya. Lahat ay inaasahang makikipagtulungan sa ikatatagumpay ng programang ito. Itinakda sa ika-18 ng Setyembre nitong taon ang pagpapatupad ng nasabing proyekto.
ASEAN Youth Forum Naganap sa AdZU ni Putli Monaira B. Amilbangsa II
LATHALAIN El Celebración: Hermosa Festival
BALITA Sauras Hall, binasbasan na at binuksan para sa 1 day Open House
B
ilang pagpapatuloy sa mga naganap na kampanya ng PIA-ASEAN noong Mayo sa mga lungsod ng Ipil, Pagadian, at Dipolog, ang Philippine Information Agency(PIA), katuwang ang Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga at ang Commission on Higher Education (CHED) ay nagsagawa ng isang forum tungkol sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa mga pinuno ng kabataan noong ika-5 ng Hulyo sa St Edmund Campion Lecture Hall ng Salvador Campus ng Ateneo de Zamboanga University. May di kumulang sa 200 panauhin mula sa 10 mga kolehiyo/pamantasan sa lungsod ang nakisama sa ASEAN youth forum, na may temang “UNIDO: One Vision, One identity, One Community, One ASEAN.”Kasama ng mga sarisaring youth-related activities para sa ASEAN campaign, layunin ng forum na maibahagi sa mga kabataan ng bayan ang impormasyon patungkol sa mga pagkakataon at mga benepisyo na makukuha mula sa ASEAN 50 plan kagaya na lang ng mga scholarship, student exchange program, madaling pagkakaroon ng trabaho, at iba pa. Malugod na binati ng dekano ng AdZU School of Liberal Arts (SLA) na si Dr. Robert Panaguiton ang mga panauhin sa kanyang paunang pagbati. Sa isang mala-Talk Show na paguusap, sina Rody P. Garcia, CHED assistant chief at NYC head Raymond Domingo ay nagbahagi
ng mga benepisyo ng kabataan sa ASEAN. Ang mga alumni ng Ship for Southeast Asian and Japanese Youth Program (SSEAYP) na sina Mark Saavedra at Joseph Lou Sta. Teresa ay nagbahagi rin ng kanilang mga karanasan sa ASEAN mula sa kanilang organisasyon. Matapos ang Talk Show ay ibinida naman ng mga kalahok ng mga kolehiyo ang mga pambansang kasuotan ng mga bansang miyembro ng ASEAN. Brent College bilang Myanmar; Immaculate Conception Archdiocesan School (ICAS) bilang Thailand; Pilar College bilang Cambodia; Southern City Colleges bilang Singapore; STI College bilang Indonesia; Universidad de Zamboanga (UZ) bilang Laos PDR; Western Mindanao State University (WMSU) bilang Vietnam; Zamboanga City State Polytechnic College bilang Malaysia; Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology bilang Brunei Darussalam; at Ateneo de Zamboanga University bilang Pilipinas. Nagtapos ang programa sa pagbibigay parangal sa mga nanalo sa parada ng pambansang kasuotan. Best Dressed: na sina Ginoo at Binibining Singapore mula sa Southern City Colleges. Nilagdaan din ng mga dumalo ang Commitment Pledge o ang kasulatan ng kasunduan ng mga naroroon upang ibahagi sa kani-kanilang mga paaralan ang mga impormasyong natutunan nila sa ASEAN Youth Forum.
mula sa League of Leaders - AdZU SHS Facebook Page
Ecowatch Patuloy sa Adhikaing Bamboo Propagation ni Sylvia Lyssandra Tipoe
P
atuloy ang mga miyembro ng organisasyong Ecowatch sa kanilang proyektong naglalayong panumbalikin ang kalinisan at kagandahan ng mga tabing-ilog dito sa Lungsod ng Zamboanga sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga punong kawayan. Nagsimula ang proyekto noong 2015 sa punlaan ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga (AdZU), kung saan pansamantalang itinanim ang mga punlang kawayan hanggang sa mapalaki ang mga ito at maari nang ilipat sa kanilang permanenteng lokasyon. Ang paunang pondong pinansyal ay nanggaling sa Embahada ng Estados Unidos na sinundan naman ng paglugay suporta ng Kagawaran ng Kalikasan at Likas na Yaman (DENR). Layunin ng kagawaran na maipagpatuloy ang pangangalaga sa mga tabing-ilog. Natukoy ang 13 barangay sa lungsod ng Zamboanga na ipagpatuloy sa pahina 2