Himig: Hinuha at Hiwaga Tomo III

Page 1

“Huwag kang matakot, ‘di mo ba alam nandito lang ako, sa iyong tabi, ‘di kita pababayaan kailanman”

Pahayag ng PatnugotAngPabalat

Sa kabila ng lahat, ito ang boses na iyong piniling pakinggan. Ito ang boses mo.

Kuha ni Reiben Jay Denaga at Sining nina Gabriel Tan at Edrian Kyle Verzosa Tulala sa lalim ng gabi kung saan lahat ay nahihimbing. Nababalot sa mahigpit na mga bisig ng mga palaisipan. Ang simoy ng hangi’y sariwa ngunit hindi ang mga katagang paulit-ulit tumatakbo sa iyong isipan.

Ang musika ng Eraserheads, Apo Hiking Society, Silent Sanctuary, at Ben&Ben ay hindi lamang umiikot sa paksa ng iba’t ibang emosyon at damdamin. Ang kanilang mga awitin ay may taglay na katotohanang sumasalamin sa buhay na nagdurugtong sa puso’t diwa ng bawat Pilipino bunga ng pinagsaluhang karanasan. Kaya naman, hindi maikakaila ang kanilang malawakang impluwensya na nag-iwan ng malaking marka hindi lamang sa industriya ng musika kundi sa buhay ng nakaraan, kasalukuyan, at marahil ay maging sa susunod pang mga henerasyon. Mula sa kanilang mga awiting ating kinalakihan, damhin natin ang sarili nating mga kwento. Handog ng Berdeng Parola, narito ang isang magasing magdadala sa atin upang tahakin ang daan ng pag-ibig, kasiyahan, kalungkutan, kaisipan, katanungan, at katotohanan kasabay ang mga himig na kumakatawan sa ating pagkakakilanlan. Halina’t maglakbay sa daloy ng awit ng buhay. Handa ka na ba?

Sumabay sa indak ng iyong diwa sa daloy ng awitin ng panahon.

Marahil ikaw ay nakangiti dahil sa isang masayang pangyayari na bumuo sa iyong araw. Marahil ikaw ay umiiyak dala ng iyong magdamag na tinagong mga emosyon.

Sa bawat kumpas ng lumilipas na panahon ay kasabay rin ang pagdagdag ng mga pangyayaring humulma sa kung sino man tayo ngayon, at sa patuloy na pagdaan ng kamay ng oras, musika ang naging daan sa unibersal na ekspresyon. Musika ang ating kaagapay sa agos ng buhay. Ang mga awitin ang ating nagiging sandalan sa mga pagkakataong maging sa ating sariling ekspresyon tayo’y nahihirapan. Ang mga himig ang humahagod sa ating damdaming nagbibigay alwan sa ating mga puso. Higit sa lahat, ang musika ay ang higit nating masasandalan sapagkat ito ang nagtataglay ng ating kwento.

Tayong mga tao ay may sariling taglay na tinig na nagiging instrumento sa pagpapahayag ng ating mga kaisipan, damdamin, pagkakakilanlan, at kabuuang pagkatao. Sa kabila nito, kalakip ng magkakaiba nating mga himig ay ang tanging tiyak na markang maiiwan natin sa mundo — ang ating mga kwento.

Marahil ikaw ay hindi makatulog dahil sa kaba, takot, at pag-aalala. Sa kabila ng lahat, isa lamang ang sigurado. Sa lalim nga gabi, ikaw ngayon ay mag-isa. Ani ng isang boses. Boses na iyong kaagapay.

Boses na nagbibigay hinahon sa bawat bigkas ng mga salita sapagkat ito ay ang boses na iyong pinagkakatiwalaan.

Boses na nagwagi sa nakakasakal na hinahon at nakakabinging ingay ng mga palaisipan.

08 Kuha ni Jestin Teodoro | Litrato mula sa Redbubble | Sining ni Edrian Kyle B. Verzosa

09Litrato mula sa Official Music Video ng Eraserheads | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

10

Dagdag pa, nararapat din na maging mas maingat tayo sa ganitong kasensitibong bagay. Kahit saan ka man dalhin o mapadpad ay dapat pa ring ituring itong sensitibo. Hindi dapat ginagawang katawa-tawa, pantasya o kababawan ang rape. Kung hindi ka maingat, maaaring hindi mo na namamalayan na ikaw din pala ay sumusuporta at nagiging parte na ng “rape culture” na siyang patuloy na umiiral at lumalaganap sa ating lipunan sa kasalukuyan.

11

Nakakapanlumo ngunit talagang laganap ang kultura ng panggagahasa. Ito ay malalim nang nakatanim sa ating pag-iisip, pananalita, at paggalaw sa mundo. Kaya naman sa ngayon ay inaanyayahan ko ang lahat na tumindig laban sa mga ugat nito, tigilan na ang paninisi sa biktima. Sa halip ay pakinggan ang kanilang kuwento, palawakin ang pag-uunawa, huwag gawing katawatawa ang rape, maging aktibo, at sumali sa mga makabuluhang pag-uusap at kilusang maaaring magbunga ng mga positibong resulta. Sa paghiram ng linyang “Puwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo?” mula sa kantang Spoliarium ng Eraserheads, ang nabubukod-tangi kong hiling ay nawa’y sa paggalaw muli ng mundo ay gaya ng isang mapagmahal na Maria Clara ay makamit din sana natin ang mundong nakakaalam, nakakaranas, at pinaparamdam sa kapwa ang tunay na kahulagan ng radikal na pagmagmahal.

Si Maria Clara na maganda’t mahinhin. Ang suot, hitsura, gaano kahinhin kumilos, kung ano at gaano karami ang nainom, o ang kinaroroonan ng isang indibidwal sa isang tiyak na oras ay hindi isang imbitasyon upang samantalahin siya. Ang panggagahasa at iba pang anyo ng sekswal na pang-aabuso ay hindi kailanman kasalanan ng biktima. Ito ay maaaring mangyari sa sinuman, anuman ang kanilang edad, lahi, ugali, Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE), o estado sa buhay. Kaya nararapat lang din na isulong ang kaisipan na wala dapat sinasanto ang batas; at hindi rin dapat nakabatay sa lahi, kasarian, edad, kayamanan, relihiyon, at kapangyarihan ng isang tao ang pagpaparusa at pagkamit ng hustisya.

Si Maria Clara na madasalin. Sa kabila ng madasalin at maka-Diyos na ugali ni Maria Clara, alam mo bang siya’y saklaw rin ng isang rape culture na umiiral sa simbahan? Sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal, inilantad na si María Clara ay bunga ng pagpilit ni Padre Dámaso, isang prayleng Kastila, sa kay Doña Pía, ang ina ni Maria Clara sa isang bawal na pakikipagtalik. Nakakalungkot lamang isipin na sa totoong buhay talagang hindi natin maipagkakait ang pagkakaroon ng paghihinala at pagkadismaya sa mga sistema sa ating bansa, hindi lamang sa simbahan kundi pati na rin sa politika. Walang perpektong relihiyon o gobyerno, ngunit nararapat lamang na bilang mga mamamayan ay ginagawa rin natin ang ating tungkulin sa pagpuna sa mga kamalian at kawalang-katarungan sa mga iba’t-ibang mga istrukturang panlipunan sa ating mga komunidad.

Isinulat ni Slara Garzon | Mga litrato mula sa RollingStone | Sining ni Edrian Kyle Verzosa Isa ka bang Maria Clara? Maganda, mahinhin, madasalin, at mapagmahal na anak — iyan ay ilan lamang sa mga katangiang taglay ng isang “Maria Clara” o ang terminolohiyang kadalasang ginagamit upang kumatawan sa ulirang babaeng Pilipina. Ngunit sa kabila ng mga kaaya-ayang katangiang ito, inaanyayahan kitang buksan mo ang iyong mga mata, tainga, at isipan sa realidad. Realidad kung saan ang isang “Maria Clara” at maging ang bawat isa sa atin ay patuloy pa ring namumuhay sa mundo kung saan ang patriyarkal na paniniwala, pagkauhaw sa kapangyarihan, at kontrol ay laganap at siyang kadalasang ugat ng ‘Rape Culture.’ Ang rape culture ay pumapatungkol sa nangingibabaw na mga paniniwala kung saan ang panggagahasa at karahasang sekswal ay tinatanggap at inaangkop sa mga usaping mababaw at di-kritikal. Kabilang din sa grupo ng mga paniniwalang ito ay ang paninisi sa mga biktima ng panggagahasa; “Catcalling”, paniniwalang babae at magaganda lamang ang nagiging biktima; At “sexist” na pag-uugali, mga biro patungkol sa panggagahasa at marami pang iba. Sa loob din ng rape culture, ang sekswal na karahasan ay tinatanggap, binibigyang katwiran at hindi sapat na hinahamon at binabatikos ng lipunan (Field, 2004).

Nararapat din na pumili tayo ng mga pinuno na malinaw na nakatuon sa pagtataguyod ng tapat at maaasahang pamamahala at ligtas na kapaligiran para sa lahat. Si Maria Clara na mapagmahal na anak. Bilang isang mapagmahal na anak, palaging sinusunod ni Maria Clara ang mga nais ng kanyang ama. Ngunit ano nga ba ang kahalagahan ng pagiging mabuting ehemplo ng mga magulang sa kabataan? May kapangyarihan ang mga magulang na baguhin ang paraan ng pagtingin at pakikisalamuha ng mga anak nila sa mundo. May kakayahan silang itaguyod ang tamang mga kaisipan at maituro sa kanila ang pagpapahalaga sa dignidad ng sarili at kapwa, at huwag pahintulutan ang kultura ng panggagahasa hindi lamang para sa sariling kapakanan kundi pati na rin sa mga nangangailangan ng kasangga. Sa kabilang dako, ganoon din na may kapangyarihan din ang mga bata na baguhin at wakasan ang nakakalason na mga paniniwala ng mga nakakatanda nang sa gayon ay matuldokan at hindi na makukunsinti ng mga susunod pang henerasyon ang banta ng patuloy na pag-usbong ng rape culture sa lipunan.

12 Isinulat ni Cheve Grace Gaudite | Mga Litrato mula sa FilipiKnow at Wikipedia | Sining ni Edrian Kyle B. Verzosa

13Litrato mula sa Reddit

sa KatotohaNaN 14 Isinulat ni Debbie Heart Yapoyco | Guhit ni Marvin Lim

Partikular na pinatunayan ng nakaraang halalan na huwad ang kalayaan ng bansa. Sa Timog Katagalugan pa lamang, mayroon nang 272 na anomalya ang naitala, ayon sa Kontra Daya Southern Tagalog. Humigit-kumulang 2,000 ticket vote-counting machine sa buong bansa ang nabigo. Dagdag pa rito, naidokumento nito ang karahasan, red-tagging, pagbili ng boto at ilegal na pangangampanya sa buong halalan. Binibigyang-liwanag din ng fact-checking initiative kung paano susuportahan si Presumptive President Ferdinand “Bong-Bong” Marcos at ang paglaganap ng fake news at disinformation ng Presumptive Vice President Sara Duterte na naglalayong pabanguhin ang mga imahe ng kani-kanilang pamilya. Ang disimpormasyong ito na pumapabor sa kanila ay malubhang pagtalikod sa mga pangalan ng libo-libong inaresto, hinaras, tinortyur, at pinatay noong Batas Militar ni Ferdinand Marcos Sr., at sa mahigit libong indibidwal na pinatay sa ilalim ng War on Drugs ni Rodrigo Duterte. Gamit ang kanilang malawakang makinarya, sinupil ng mga naghaharing-uri ang ating karapatan sa isang patas na eleksyon – makinarya na pinondohan ng nakaw mula sa kaban ng bayan. Nasaksihan natin kung paano kayang-kayang manipulahin ng ilang naghaharing-uri ang makinarya ng eleksyon para sa kanilang sariling interes. Ngunit ang pagsupil sa ating kalayaan sa pagpili ay hindi na bago sa katangian ng ating lipunan. Matagal nang hindi iginagalang ng naghaharing-uri ang pandaraya sa elektoral. Alalahanin natin ang ‘Hello Garci Scandal’ noong 2004 sa ilalim ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Nagkaroon ng parehong “plus o minus” noong halalan noong 1995, na nanalo sa Senado, na kontrolado ng rehimeng Arroyo. Ngunit sa kabila nito, tumakbo siya sa halalan sa Senado noong 2007 sa ilalim ng koalisyon na “Team Unity”, at ipinagpatuloy ang mga mapanlinlang na gawain ng mga nakaraang halalan. Noong 2022, nakinabang ang Marcos-Duterte coalition sa malawakang pandaraya noong 2019 midterm elections sa ilalim ng walang laman na pangako ng isang “united team” nang hindi nagbabago ng mga taktika noong nakaraang pambansang halalan. Sa pinagsamang Marcos at Duterte, wala tayong maaasahang kalayaan. Ang nagbabadyang rehimeng Marcos at Duterte ay lalo lamang magpapalawak sa imperyalistang tanikala ng bansa. Alalahanin na mga araw pagkatapos mabilang ang mga boto, nagagawan ang mga konsul ng US at Chinese na ilagay ang kanilang mga imperyalistang interes sa pekeng presidente. Dalawang araw lamang bago matapos ang hindi opisyal na pagbibilang ng boto, tumawag si U.S. President Joe Biden upang batiin ang anak ng diktador, habang tinawagan ni Xi Jinping ang China kinabukasan. Malinaw na ipinaglalaban ng mga imperyalistang bansa ang puwang sa opisina ni Marcos para sa kanilang sariling interes. Bago pa man ang Hunyo 30, naging kaibigan at papet na kaagad si Marcos sa US at China. Hindi kailanman dapat kaibiganin ang imperyalistang mga bansa na silang dahilan kung bakit atrasado at hirap sa pag-unlad ang ating lipunan. Kasabay nito, ang kalayaan sa pamamahayag ay nasa panganib sa ilalim ng rehimeng Marcos-Duterte, tulad ng makikita sa pag-iwas ni Bongbong Marcos sa mga panayam, paglalagay ng mga mamamahayag na may kinikilingan, at pagdaraos ng mga press conference sa mga piling pahayagan. Mas binibigyang pabor ang mga blogger at vlogger na magbalita sa mga hakbang ng palasyo. Alam ng rehimeng Marcos-Duterte na mas makokontrol at mapapaboran nila ang nilalaman ng mga pahayag na ginawa ng mga blogger at vlogger. Sa ganitong paraan, sinusupil ng rehimeng Marcos-Duterte ang kalayaan sa pamamahayag at karapatan ng mga mamamayan sa balanse, totoo at responsableng impormasyon. Sa demokrasyang may bahid ng pasismo at panlilinlang, walang laman ang kalayaan. Tiyak na tayo ay may limitasyon ng makinang panlipunan, lalo na kung ang operasyon ng makina ay nasa kamay ng diktadura ng naghaharing-uri. Hindi sapat ang eleksyon para sabihing mayroon tayong demokrasya. Hindi malinaw kung ang mekanikal na aspeto ang tanging batayan upang sabihin na mayroon tayong kalayaan. Kahit araw-araw pa tayong magdaraos ng halalan, kung kontrolado pa rin ng mga garapal at mapang-aping mga uri ang industriya ng elektoral, wala pa ring tunay na kalayaan at walang tunay na demokrasya ang ating lipunan. Hindi malaya ang turing sa isang lipunang hawak ng iilan ang kalayaan ng nakararami. sa NKasiNuNgaliNgaN, abubulag

NalalasiNg

15Litrato mula sa Official Music Video ng Eraserheads | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

sinematograpiya,kagayaatmakapangyarihangmgamgaangkan,kungkaya’tnagingmahirapangpaghahatol.Uunahinnatinghimay-himayinangmgaeksenasapelikulaangmgasalikngmusika,atiskriptna

siyang naging mahalaga sa pagpapahayag ng mga tema at aral. Sa panimulang bahagi, pinakita ng pelikula ang pagtanda ni Maggie Dela Riva: magmula sa kanyang kamusmusan patungo sa kanyang pagiging aktres at tagapagbigay ng mga pangangailangan ng pamilya. Tumitingala si Maggie sa kanyang ina — ang ganitong eksena ay masasaksihan din matapos siyang mahalay, at dahil sa paralelismong ito, masasabing kahit malaki na at tinutustos na ni Maggie ang pamilya, babalik at kakalinga pa rin siya sa ina upang humugot ng lakas at simpatya bilang kapwa babae. Kung tutuusin, ang dayalogo ay siyang nakatulong din sa pagpapaalam ng konteksto sa mga kaganapan na humantong sa panggagahasa kay Maggie at sa mga naunang naging biktima. Dagdag pa rito, maoobserbahan na ang mga eksena ng panggagahasa ay mahaba at may mga parteng gumagamit ng musikang hindi angkop sa mga makikita. Habang ang ‘di wastong pagpili ng musika ay walang dinagdag sa kabuuang mensahe at kahulugan ng pelikula, ang kahabaan ng eksena ay masasabing may layong gulantangin at bagabagin ang madla at ipakita ang humihinang isipan ni Maggie. Matapos ang lahat na ito, pumanig at tinulungan si Maggie ng kanyang mga kakilala, kapamilya, at maging ang kanyang kasintahan. Matagal man, pero ipinakita ng pelikula na gustong-gusto talaga ng mga mahal niya sa buhay na labanan ang mga humalay sa kanya. Sa paksa ng mahal sa buhay, dadako tayo sa pananampalataya nina Maggie at ng kanyang ina. May eksena kung saan nagdadasal ang ina sa rebulto ng Birheng Maria. Minsan, makakarinig tayo ng mga taong ginagawa ang kakulangan sa takot at pananampalataya bilang ang pangunahing dahilan kung bakit siya ginahasa, ngunit dahil sa pagkaroon ng takot at malalim na pananampalataya ni Maggie ay hindi ito totoo. Ang panghahalay ay nangyayari dahil sa mga nanghahalay, at pinapahalagahan din ito ng Matapospelikula.malipat si Maggie sa Camp Crame, may mga nagawang pagbanta sa kanyang buhay at sinuhulan ang mga taong malapit sa kanya. Umabot ito sa puntong ang isa sa mga ina ng mga nanggahasa ay pumunta kay Imelda Marcos (ang unang ginang ng Pilipinas sa panahong iyon). Sa seksyong ito nakikita ang pagiging desperado ng mga may sala, at sa huli, ang kasalanan ng kalalakihan ay hahantong palagi sa pasakit ng magulang, lalo na ng ina. Habang pinapatay gamit ang silya elektrika ang mga salarin, sumisindi si Maggie ng mga kandila; ang simpleng detalyeng ito ay mas nagbibigay-kahulugan sa hustisya na kanya nang nakamtan. Kung ititimbang ko ang pagiging epektibo ng pelikula, tunay na magaling ang gamit ng sinematograpiya, dayalogo, at tayutay (simbolismo at paralelismo) para sa mga eksena upang mapaigiting ang tema ng pagkakaroon muli ng kapangyarihang lumaban mula sa mga nagkasala at, sa kabuuan, ang pinapairal na kultura ng pagpapatahimik ng mga indibidwal. Sa kabila nito, marami-rami ang mga eksenang mahaba, at kahit may dahilan naman ang iba, minsan ay napapahaba ang isang eksena dahil sa ‘dead air’, at para mailahad ang nais na ipahayag ng mga karakter na pwede namang magawa sa loob ng isa o dalawang minuto. Dagdag pa, ang iilang mga eksena ay magagawa naman na hindi pasobra-sobra; minsan, ang pagiging simple sa paglalahad ng mga detalye ay mas may kapangyarihang makapagpaintindi. Sa mundo ng mga makapangyarihan, isang babae ang tumindig para sa kababaihan. Siya ang nanaig at hindi siya pinagkaitan ng hustisya dahil sa kanyang paglaban. Walang tumalab na suhol o pagbanta sa kanya; hindi siya nabusalan ng mga demonyo at ng mga walangNgunit,puso. isa lamang si Maggie Dela Riva sa mga babaeng nakakuha ng hustisya. Paano naman ang iba? Paano ang susunod na henerasyon ng kababaihan? May mga sumisigaw, pero sila nama’y tinatakpan ang bibig. Nawa’y hindi na mapatahimik ang sigaw ng kababaihan para sa pantay na karapatan. Nawa’y hindi na sila mabusalan sa pambabastos na nangyayari sa mga dalaga sa pangkalahatan.

Sa mundo ng mga makapangyarihan: kung saan mas pabor ng lipunan ang lalake sa kababaihan, at kung saan ang pagbulyaw ay hindi pupukaw sa kamalayan ng sangkatauhan, ano pa ba ang iyong magagawa? Iyan ang naisip noon ng beteranang aktres na si Maggie Dela Riva. Napagtanto niya na maliit ang pagkakataong makakamit niya ang hustisya, kung kaya’t nanghinayang siya. Ano pa ba ang silbi ng paglaban, kung ang kahahantungan ay siyang pagsisi sa sariling kasosyohan, o ang paglantad ng sarili sa kalalakihan? Ngunit, sa kabila ng posibilidad ng kahihiyan, hindi nagpatinag si Maggie at hinarap niya ang mga nanggahasa sa kanya. Layong ilahad ng pelikulang “The Maggie dela Riva Story (God... Why Me?)” ang mga naganap sa buhay ni Maggie Dela Riva at ang hustisya na tila kay hirap makuha. Taong 1994 nang ipinakita sa mga teatro ang pelikulang ito. Ginawa ang pelikula sa direksyon ni Carlo J. Caparas at ginampanan ni Dawn Zulueta ang pangunahing karakter na si Maggie Dela Riva. Sa pagbubuod, umikot ang kwento sa mga kaganapan bago mangyari ang panggagahasa kay Maggie Dela Riva at ang kinalalabasan ng nasabing pambababoy na nagdulot sa pagsampa ng kaso sa apat na gumawa ng krimen. Isang pagpapatanto lamang: ang apat na katauhang ito ay miyembro ng

16 Isinulat ni Reiben Jay Denaga | Litrato mula sa Stories After Dark | Sining ni Edrian Kyle B. Verzosa

17Isinulat ni Amiel Zeth Aplaon | Guhit ni Marvin Lim

SA MULI Isang hakbang pabalik tungo sa pagpapatuloy ng naudlot na kaunlaran 18 Kuha ni Mariel Manzures

Hindi natatapos ang paglalakbay tungo sa paglago ng edukasyon sa gitna ng pandemya hangga’t patuloy itong nalilimitahan. Para sa Basic Education Unit (BEU) ng University of St. La Salle (USLS), kahit na matagumpay ang naisagawang programa para sa paglipat ng edukasyon sa platapormang online sa gitna ng pandemya, hindi pa rin ito sapat sapagkat marami pa ring mga kasanayan at kakayahan ang hindi nahahasa ng mga mag-aaral na tanging magagawa lamang sa sistemang face-to-face. Kaya naman, masusing naghanda ang paaralan upang ito ay maganap. Matapos ang maingat na proseso at pagsusuri, nabigyan nga ng pagkakataon ng Department of Education ang USLS bilang kauna-unahang pribadong paaralan na magsagawa ng limited face-to-face classes dito sa lungsod. Ang pangyayaring ito ay ang nagbigay daan sa programang Shifted 3.0 kung saan bida ang ‘Blended Learning’ na maaari nang makamtan simula sa susunod na akademikong taong 2022-2023.

Upang maipamalas ang nasabing paghahanda at masubukan maisagawa ang inaasam na limited face-to-face classes, nag-imbita ang paaralan ng mga piling estudyante upang maging kalahok ng ‘Face-to-Face Classes Simulation’ kung saan ang mga kalahok ay nabigyan ng briefing patungkol sa nasabing programa at isang maikling tour sa bagong gusali at mga pasilidad kung saan gaganapin ang mga klase. Ilan sa mga piling klaseng naimbitahan ay ang ika-siyam na baitang mula sa University of St. La Salle - Integrated School (USLS-IS) at ang ika-labing isa at labing dalawang baitang mula naman sa Liceo. Kasamang nakilahok din ang mga guro at piling mga staff upang magbantay at masigurado ang pagpapatupad ng basic health protocols tulad ng social distancing, paghuhugas ng kamay, pagsuot ng facemasks, at iba pa. Kasabay nito, patuloy ring ipinamalas ng paaralan ang kanilang programa sa online learning sa pamamagitan ng Burgeon 2022, isang ‘virtual open house.’

Isinulat ni Julienne Caye Villanueva | Kuha ni Mariel Manzures

Ayon kay G. Baldomero F. Defensor Jr., Liceo Vice Principal for Academics, sa isang naturang panayam mula sa Digicast Negros, “The virtual open house will also showcase how we translate the curriculum into reappropriated learning modalities... the online and the blended learning (Maipapamalas rin sa virtual open house kung paano natin isinalin ang kurikulum sa naangkop na learning modalities… ang online at blended learning).”

Sa loob ng dalawang taon, masusing hinanda ng paaralan ang iba’t ibang mga pampaaralang kagamitan na magagamit ng mga mag-aaral at guro sa pagbabalik sa klase. Gayundin, patuloy ring naghanda ang mga guro upang masiguro at maipagpatuloy ang kalidad na serbisyong edukasyon. “We have been preparing our teachers for the use of the facilities [and] technology, so that we will be able to cope up with the demands. (Inihanda namin ang aming mga guro sa paggamit ng mga pasilidad at teknolohiya upang masabayan ang mga inaasahan),” ani Dr. Roseller M. Bejemino Jr., Vice Principal for Student Affairs, sa isang panayam nito sa Digicast Negros.

“Burgeon means to flourish, to thrive. It’s a bud— not yet a plant but not anymore a seed (Ang burgeon ay nangangahulugang paglago, pag-unlad. Isa itong usbong— hindi pa ganap na halaman ngunit hindi na isang buto),” ani Br. Alexander Ervin Diaz, FSC, USLS Principal. “We hope that by participating in the open house, that bud, that shoot, will flourish through the Lasallian way (Ninanais naming sa pamamagitan ng pakikilahok sa open house, ang nasabing usbong ay lalago sa pamamaraang Lasalyano).”

Sa nalalapit na pagsisimula ng panibagong akademikong taon, handa na ang USLS sa panibagong yugto pabalik sa nakasanayan at hindi tasadong edukasyon. Hindi man ito buong-buong tulad ng sistema bago ang pandemya, ngunit isa na itong malaking hakbang tungo sa pagbukas ng pintuan sa maraming oportunidad, kakayahan, at kasanayan na maaari muling matamasa ng mga mag-aaral. Kasabay sa paglalakbay tungo sa pagbabalik ng hindi tasadong edukasyon ay ang unti-unting pagkamit muli ng hindi tasadong kinabukasan. Ika nga ni Br. Diaz sa kanyang talumpati, “We look forward to a new future that is ours to create (Inaabangan namin ang bagong kinabukasang kami ang may kakayahang lumikha).”

19

20 Litrato mula sa Official Music Video ng Eraserheads | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

21Isinulat ni Jay Angelo Olayra | Litrato mula sa Vogue

Ang bawat bansa ay may kanya-kanyang watawat na sumasagisag sa mga natatanging katangian na mayroon sila. Sinisimbolo ng isang watawat ang kultura, paniniwala, pati na ang kasaysayan ng isang bansa, at ipinapakita rin ng isang bandila ang mga katangiang ito sa buong mundo. Gayunpaman, sa likod ng makukulay na watawat ng mga bansang ito ay may mga kabanatang puno ng mga dagok at pagsubok. Isang halimbawa ang bansang Pilipinas o ang Perlas ng Silanganan na siyang humarap sa maraming isyung lumantad sa harapan ng sarili nitong mga mamamayan. Dito, ating balikan ang ilan sa mga isyung nangyari sa Pilipinas sa nakalipas na dekada. Tensiyon sa Bahura (2012) Noong Abril 8, 2012, namataan ng isang Philippine Navy aircraft ang isang grupo ng mga Tsinong mangingisda sa Scarborough Shoal. Agad na ipinadala ng Pilipinas ang kanilang pinakamalaki at pinakabagong Bapor de Gera noong panahong iyon—ang BRP Gregorio del Pilar na galing pa sa Estados Unidos—at sinubukan ng mga Pilipinong mandaragat na arestuhin ang mga mangingisda. Sunod na dumating ang dalawang Chinese Maritime Surveillance Ships at namagitan sa dalawang panig na naroon sa bahura upang pigilan ang pag-aresto sa mga mangingisda. Bunga nito, sumiklab ang isang ‘standoff’ sa pagitan ng Tsina at UpangPilipinas.maayos na maresolba ang nabuong hindi pagkakasundo, nakipag-usap noon ang dating kalihim ng ugnayang panlabas na si Albert del Rosario sa embahador ng Tsina na si Ma Keqing. Subalit, nagpatuloy ang ‘standoff’ ng dalawang panig sapagkat pareho silang tumanggi na umatras. Kalauna’y ipinaatras ng Tsina ang dalawa nitong sasakyang pandagat noong ika-23 ng Abril 2012, ngunit nagpadala muli ng sasakyang pandagat ang Pilipinas. Noong Abril 26, 2012, nagbabala ang Tsina na maaari silang gumamit ng puwersa militar kung kinakailangan, at nanawagan din ang Pilipinas ng interbensiyon mula sa EstadosDatapwatUnidos. nagkaroon ng panibagong mga pag-uusap sa pagitan ng dalawang panig, nabigo pa rin ang mga iminungkahing negosasyon para maibalik ang ‘status quo ante.’ Magpasahanggang ngayon ay may tensiyon pa ring nangyayari sa pagitan ng dalawang bansa dulot ng pag-aagawan nila ng West Philippine Sea. Kalunos-lunos na Pagpaslang (2014) Taong 2014 naman sumiklab ang isyu sa pagpaslang sa 26 anyos na transwoman na si Jennifer Laude. Kinilalang suspek sa pagpatay si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na siyang nakilala ni Laude sa isang bar sa siyudad ng Olongapo noong Oktubre 11, 2014. Ayon sa ulat ng imbestigasyon, isang ‘hate crime’ daw ang nangyaring pagpaslang, at ‘asphyxia’ o kawalan ng oksidyen dulot ng pagkalunod ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ni Laude, ayon sa lumabas na autopsy report. Nagsampa ng kasong murder ang kapatid ni Laude na si Marilou Laude laban kay Pemberton, at nagsimula ang paglilitis sa Amerikano noong Marso 23, 2015. Umamin si Pemberton na sinaktan niya si Laude pero giit niya, ipinagtanggol lang daw niya ang kanyang sarili noon. Sinentensiyahan naman si Pemberton ng anim hanggang 12 taong pagkakakulong sa pagkakasalang homicide, ngunit ibinaba ito ng Olongapo Regional Trial Court (RTC) sa 10 taon lamang. Noong Setyembre 2020 naman, binigyan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ng ‘absolute pardon’ si Pemberton. Ayon kay Duterte, hindi patas ang naging pagtrato sa Amerikano sa kasong isinampa sa kanya. Ganap na umalis ng Pilipinas si Pemberton noong Setyembre 13, 2020, lulan ng isang US military aircraft.

Ibinabang Watawat mga nakaraang isyu sa Pilipinas

Isang pagbabalik-tanaw sa

22 Isinulat ni Jasper Laguitan

Ang Kontrobersiyal na Libing (2016) Umusbong naman noong 2016 ang kontrobersiyal na paglilibing ng mga labi ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani matapos napagdesisyunan ng Korte Suprema, sa ruling na 9-5-1, ang isyung ito. Ayon sa dating tagapagsalita ng Korte Suprema na si Theodore Te, ibinasura daw ng Korte ang mga petisyon laban sa paglilibing ng mga labi ni Marcos. Giit ni Te, walang mali sa pagpapasyang ginawa ni dating pangulong Duterte sa pagpapalibing kay Marcos sapagkat alinsunod daw ito sa mandato niya. Dagdag pa niya, wala ring batas na nagbabawal sa pagpapalibing ng mga labi ni Marcos. May kapangyarihan din daw si Duterte na ipareserba para sa anumang pampublikong layunin ang mga lupaing pampubliko. Maaari ding ilibing ang mga labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani alinsunod sa mga regulasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil isa siyang dating presidente, punong komander, sundalo, mambabatas, at dahil din nakatanggap siya ng medalya ng kagitingan mula sa AFP. Hindi rin sumang-ayon ang Korte na “dishonorably discharged” si Marcos dahil naaangkop lang daw ang diskuwalipikasyong ito sa militar. Panghuli, hindi rin daw maaaring idiskuwalipika si Marcos sa pagpapalibing ng kanyang mga labi dahil hindi naman daw siya hinatulan ng mga krimeng may kinalaman sa ‘moralUmaniturpitude.’ngsamu’t saring reaksiyon ang balita ng pagpayag ng Korte Suprema sa pagpapalibing ng mga labi ng dating pangulo at diktador. Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nagpapasalamat daw ang pamilya Marcos sa Korte Suprema dahil sa pagpayag nito sa pagpapalibing sa kanyang ama. Sa kabilang dako naman, dismayado ang mga nagpetisyon at nagprotesta laban sa desisyon. Giit pa ng lead counsel ng mga nagpetisyon kontra sa libing, kabiguan man ang naramdaman nila, hindi pa rin daw tapos ang isyu. Ganap na inilibing ang mga labi ng dating pangulo at diktador noong ika-18 ng Nobyembre 2016. Pribadong isinagawa ng pamilya Marcos ang libing; hindi rin naganunsiyo ang pamilya sa publiko bago ang libing.

Binugbog na Dignidad (2018) Sa paglipas ng mga taon, lumaganap na rin sa social media ang iba’t ibang isyu sa bansa. Naging usap-usapan ng netizens noong Disyembre 2018 ang kumalat na mga bidyo ng pambu-bully ng isang junior high school na mag-aaral sa mga kapwa niya estudyante sa Ateneo De Manila University (ADMU). Sa isang bidyo, makikita at maririnig na pinilit ng estudyante ang isang lalaki na tawagin ang kanyang sarili na “bobo.” Sa isa pang bidyo naman ay masasaksihang gumamit ng ‘martial arts’ ang estudyante upang saktan ang kapwa niyang mag-aaral sa loob ng banyo sa kanilang paaralan. “Bugbog o dignidad?” pilit na tanong ng estudyante sa parehong lalaki bago niya ito sinaktan. Agad namang sinimulan ng mga opisyal ng paaralan ang pagsisiyasat hinggil sa kumalat na isyu matapos makarating sa kanila ang ulat ukol dito.

Umapela rin sa publiko ang punongguro ng Ateneo Junior High School (AJHS) na si Jose Antonio Salvador na makipagtulungan sa pagpupuksa ng aniya “indiscriminate spreading” ng bidyo. Nanawagan naman ng hustisya ang mga magulang at iba pang miyembro ng komunidad ng pamantasan sa pamamagitan ng pagpapaalis sa estudyante mula sa nasabing paaralan. Noong Disyembre 23, 2018, nagsalita ang mga magulang ng nabiktimang mag-aaral at anila, ayaw nilang makilala ng publiko ang kanilang anak bilang isang “talunan”; bagkus ay nais nilang makilala siya para sa kanyang ipinamalas na dignidad at hustisya sa kabila ng nangyari. Noong parehong araw na iyon ay pormal na ring pinaalis mula sa institusyon ang estudyanteng maton pagkatapos ng masusing pagsisiyasat. Nagsalita naman ang parehong estudyante noong Enero 10, 2019, at aniya, ipinagtanggol lang daw niya ang kanyang sarili kung kaya’t nabugbog niya ang kapwa niya magaaral. Sabay ring humingi ng dispensa ang ina ng nasabing mag-aaral. Paalam sa Boses ng Bayan (2020) Isa sa mga hindi malilimutan at tumatak na pangyayari sa bansa ay ang pagpapasara sa ABS-CBN matapos tumanggi ang National Telecommunications Commission (NTC) na i-renew ang pasong prangkisa ng nasabing network. Matatandaang nilagdaan ni dating pangulong Fidel Ramos ang RA 7966 noong Marso 30, 1995, na nagbibigay sa ABS-CBN ng prangkisang tatagal nang 25 taon. Nagkabisa ang Batas Republika na ito noong ika-4 ng Mayo ng parehongGayunman,taon. nagsampa ng petisyon noong ika-10 ng Pebrero 2020 si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema upang ipawalang-saysay ang hindi pa napapasong prangkisa ng ABS-CBN. Iginiit ni Calida na lumabag ang nasabing network sa mga alituntunin ng Kongreso nang inaprubahan nito ang kanilang prangkisa noong 1995 matapos daw nilang gumawa ng magkahiwalay na KBO channel at matapos nila umanong pumayag na kontrolin ng mga namumuhunang banyaga ang kompanya.Hindinaglaon, nagpaso ang prangkisa ng ABS-CBN noong ika-4 ng Mayo 2020. Sumunod ang kaliwa’t kanang mga pagdinig sa Kongreso kung saan tinalakay ang mga umano’y paglabag at akusasyon sa nasabing network. Naganap ang panghuling pagdinig noong Hulyo 6, 2020, at noong ika-10 ng parehong buwan at taon, ipinasara na nga ang ABS-CBN, na siyang nangungunang broadcasting network

sa Pilipinas, matapos ang 70-11 na boto ng mga mambabatas. Dismaya ang naramdaman ng humigit-kumulang 11,000 mga empleyado ng network, at maraming mga mamamayan din ang nagpahiwatig ng kani-kanilang mga pananaw sa isyu. Halalang Dumaya sa mga Mamamayan (2022) Simula pa lang ng halalan noong ika-9 ng Mayo, pero naglipana na agad ang maraming isyu. Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), aabot sa 2,000 na mga vote counting machine (VCM) ang naaberya noong araw na iyon. Nakatanggap din umano ang COMELEC ng mga ulat ng pamimili at pagbebenta ng boto. Isang marahas na araw ng halalan naman ang sumalubong sa ilang parte ng Mindanao matapos masawi ang pitong tao habang 20 naman ang sugatan. Pinasok umano ng armadong kalalakihan ang ilang mga presinto sa Lanao del Sur at Basilan, at sinubukan nilang kuhanin ang mga balota at sirain ang mga VCM doon. Nabulabog din ang ilang mamamayan nang inilabas ang partial unofficial tally ng halalan. Lumabas na doble ang lamang ni Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pinakamalapit na katunggali sa eleksiyon na si dating Bise Presidente Leni Robredo, pagkatapos niyang umani ng 31 milyong boto. Bunga nito, sari-saring reaksiyon ang nagsilabasan: may mga tagasuportang nagalak at mayroon ding mga nakaramdam ng lungkot at Kontrobersiyalpagkabigo.dinang naging resulta ng mga inihalal na miyembro ng Senado matapos manguna si Robin Padilla na isang aktor habang pumangatlo si Raffy Tulfo na isa namang broadcaster. Tanging si reelectionist Risa Hontiveros ang kandidato mula sa senatorial slate ni Robredo na nakapasok sa listahan ng 12 nahalal na mga senador. Pormal namang iprinoklama ang bagong halal na mga senador noong ika-18 ng Mayo. Gayundin, iprinoklama rin ng Kongreso sina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte bilang ika-17 Pangulo at ika-15 Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, ayon sa pagkakabanggit, noong ika-25 ng Mayo pagkatapos lamang ng dalawang araw ng pagka-canvass. 23Mga litrato mula sa Rappler

24 Isinulat ni Bianca Manuela Diva | Guhit ni Marvin Lim

25Kuha ni Jestin Teodoro | Litrato mula sa Discogs | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

26 Litrato mula sa Official Music Video ng Apo Hiking Society | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

27Isinulat ni John Rosh Macasero | Mga litrato mula sa Spotify

“[Habang tinatahak ang kahabaan ng kalye] nanaig yung pag-asa sa akin na makamit yung mga batayang karapatan ng mga bakla kasabay na rin ang mga karapatan ng ibang uri,” salaysay ni Drel Batalon, isang iskolar ng bayan mula sa UP Tacloban at kasapi ng Youth Defy Marcos and Duterte ST. Isang patunay ang sentimentong ito ni Drel na ang martsa ay nagsisilbing liwanag na makakaalpas rin sa hirap na dinaranas ng mga bakla sa lipunan. Bitbit nila sa paradang iyon ang panawagan na ipasa na ang Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression (SOGIE) Bill na matagal nang ipinaglalaban. Isa rin sa buong tapang na ikinalampag ng mga dumalo ay ang pagpapatalsik ng pasistang Pangulo na si Duterte. Iniladlad ang mga kakulangan ng Pangulo upang tugunan ang panawagan ng sangkabaklaan. Isa rito ay ang patuloy na pagpapanatili at pagsuporta sa Visiting Forces Agreement (VFA) na siyang dahilan ng opresyon sa komunidad katulad na lamang ng sinapit ng isang pinay na transgender na si Jennifer Laude sa kamay ng isang Corporal mula sa US Marine Corps na si Joseph Scott Pemberton, na kalaauna’y binigyan ni Duterte ng ‘Pardon.’ Ang aksyong ito ay nagpapakita na walang pakialam ang estado sa kapakanan ng mga miyembro ng LGBT+. Umusbong ang martsang ito sa pagdaan ng mga taon sa paggunita nito. Dumadami ang panawagang binabandera sapagkat talamak ang kawalan ng hustisya tungo sa mga miyembro ng komunidad at iba pang uri.

28 Litrato mula sa Rappler

Buong tapang na sigaw ng malawak na hanay ng mga bading na lumalaban. Ang ‘Pride Month’ na isinasagawa sa buong buwan ng Hunyo ay kinagawian na ng mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT+) mula sa iba’t ibang batayang sektor sa lipunan.

Ngayon higit kailanma’y ang pagdiriwang ng pride ang isang ligtas na ‘avenida’ upang ipahayag ang mga kampanya at hinaing na nag-udyok ng pakikibaka. Ang Pagdadala ng mga Bading at Pag-usbong ng Malawakang Protesta

Habang patuloy na gising at nag-aalab ang kagalakan tuwing pride, ang ating kagalakan ay patuloy na natatabunan ng katotohanang marami sa atin ang patuloy na nahaharap sa pagkiling at pag-uusig — isang katotohanan na marami sa ating mga kapatid na ang tingin lamang sa Pride ay parada at tinatangan na walang saysay ang kasaysayan sa likod nito.

Makibeki! Wag mashokot!

29

Pride: Pananawagan ng Pagbabago Ang pagdiriwang ng ‘Pride Month’ ay hindi lamang para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ Community na isinusulong ang ekwalidad, makipaglaban para sa mga miyembrong nakikibaka, at patuloy na maghimagsik sa lupit ng mga taong nagpapakabulag sa usaping sekswalidad at kasarian. Bagkus ito rin ay nagbabandera ng mga isyung panlipunan at pang-ekonomiya. Ang protestang ito ang interseksyunal na protesta upang ikalampag ang mga kampanya at panawagan, ‘di lamang ng mga bakla kundi sa lahat ng mga nakakaranas ng panunupil, pang-aalipusta at sa mga nakakaranas ng kawalan ng katarungan. Ang selebrasyong ito ay sumasaklaw sa mga isyung kinakaharap ng masa.

Ang panawagang tanggihan ang pagbabalik ng isang Marcos at ekstensyon ng isa pang Duterte. Ang pagkapanalo ng mga pamilyang ito na iniluwa na ng bayan ay ang hudyat na nanganganib ang demokrasya na ating tinatamasa. Huwad na demokrasya ang nilalako nila at tahasang bumubuo ng koalisyon ng mga magnanakaw at pasista, at tahasang nagpapakatuta sa isang mandaraya na si Gloria Arroyo, na kilalang salarin sa ‘Hello, Garci’ scandal.

Bading Marcos-Dutertekontra

boses ng sangkabaklaan sa pakikibaka kontra tiraniya. Buhay na ehemplo ang mga LGBT+ sa kung paanong naging traydor si Duterte sa kapwa Pilipino nang palayain ang Amerikanong sundalong si Pemberton, at ang kanyang pagbingibingihan sa mga krimeng nakabase sa kasarian kaya’t hindi pa naipapasa ang SOGIE Bill” sagot ni Kim Federizo, chairman ng Bahaghari Batangas nang siya ay tinanong kung gaano kahalaga ang partisipasyon ng mga bading sa pakikibaka laban sa tambalang Marcos-Duterte. Kaya’t ganito kagalit ang komunidad at ganoon kadesidido na tanggihan at ibagsak ang tambalang ito, dahil nga sa malinaw na pagbalewala sa karanasan ng mga bakla sa lipunan. “Mula rito, ang boses ng mga LGBT+ ay nararapat na ipatambol dahil unanguna, biktima tayo mismo ng rehimeng Marcos-Duterte” buong tapang na tinapos ni Kim ang kanyang salaysay.

Isa rin sa dapat nating ibandera ay ang “Solusyong medikal hindi militar.” Sa mga oras na ito lantarang ipinapakita ng dating administrasyong Duterte ang kanilang pagka-pasista nang binigyang diin nila ang pag modernize at pagbigay ng ‘Salary Increase’ sa pwersang-militar. Bakit hindi natin ituon ang ating pokus sa pagpapalakas ng pwersang medikal at pagbibigay ng sapat na sustento sa ating mga medical frontliners. Sila ang dapat pagtuunan ng pansin sa panahong may krisis sa kalusugan.

At ang panawagang ipasa na ang SOGIE Bill na matagal nang ipinaglalaban ngunit parang walang gumagalaw ng baso. Marami pa rin ang mal-edukado patungkol sa batas na ito. Mahalagang malaman na ang batas na ito ay hindi eksklusibo para sa mga miyembro ng komunidad, ngunit kahit na ang mga heteroseksual ay makakatamasa din sa biyayang dala nito.

Dekada na ang pakikibaka ng mga bading laban sa iba’t ibang isyung panlipunan na nakaugnay, hindi lamang sa mga miyembro ng komunidad ngunit saklaw rin sa kanilang pangangalampag ang tunggalian ng uri at mga isyung “Mahalagapolitikal.ang

Ang panawagang Ligtas Na Balik Eskwela ay kolektibong aksyon ng masang-estudyante para sa Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd), pati na sa administrasyon na pag-isipang mabuti ang pagpapatuloy ng klase sa isang taktikang hindi pabor sa mahihirap na Pilipino. Lalo na ang pagpapatupad ng “Flexible Learning” na ayon kay Prospero De Vera na chairperson ng CHED ay dapat nang maging ‘norm’ sa edukasyon.

| Sining

Ngayon higit kailanman ang panalangin at hiling ng sangkabaklaan ay palayain ang kasarian, kasabay na rin ng pagpapalaya sa iba pang uri na biktima ng mapanlinlang na lipunan at elistang gobyerno. Maging mas masigasig sa paglaban, keri natin itez! Isinulat ni Flytzyl Philip Kyentchie Mejia ni Edrian Kyle Verzosa

Kaniya ring isiniwalat na pinapaalala umano ng konseptong ito na ang lahat ng klase ng katawan ay karapat-dapat na igalang.Sa ganitong aspeto, mahalaga rin ang pananaw ng ating mga guro sa asignaturang Physical Education sapagkat isa sa kanilang mga layunin ay panatilihing malakas ang ating mga pangangatawan. Kaugnay dito, alam ng karamihan na ang pag-eehersisyo ay magreresulta umano sa isang katawan na tunay na kamangha-mangha, ngunit hindi lahat ng indibidwal ay masasabing maayos ang kanilang pisikal na pangangatawan. Kaya ayon kay Ginoong John Patric Plaida na isa ring guro sa parehas na institusyon, “Body positivity, in my own understanding and from what I’ve seen on social media, is a social movement that promotes acceptance of all bodies, regardless of size, shape, skin tone, gender, or physical limitations, while criticizing modern beauty standards as a negative social construct.”

Sa pag-usbong ng mga bagong henerasyon, paiba-iba rin ang mga inaasahan sa atin ng madla. Iba-ibang mga pamantayan ang lumilitaw na mistulang ito na ang makakatukoy sa buong pagkatao ng isang indibidwal. Isa sa mga paksang pasok dito ay ang pamantayan ng lipunan sa salitang ‘kagandahan,’ partikular na sa pisikal na kaanyuan ng isang tao. Kalimitang sinasabi na ang kagandahang panloob ay mas importante sa kagandahang panlabas, ngunit sa kasalukuyan, ang konseptong ito ay tila tuluyan nang naibasura. Magkakaibang tao, magkakaibang paniniwala rin sa kung alin nga ba ang nararapat na mas matimbang na katangian ng lalaki o babae para lamang maging pasok sa salitang ‘maganda’ o kaya naman ay ‘gwapo.’ Sa bawat araw na lumilipas, nagdudulot ang mga pamantayang ito ng kahirapan sa mga tao upang tuluyang matanggap ang kanilang sarili dahil higit na lumalamang ang kanilang nais na makatanggap ng katiyakan mula sa iba. Maiuugnay sa salitang kagandahan ang pagkakaroon ng isang katawang makisig para sa mga lalaki at balingkinitan naman o seksi para sa mga babae. Sa madaling salita, ito ang nagsisilbing ‘beauty standard’ ng lipunan. Nakakalungkot, hindi ba? Kung paanong sa katawan na lamang binabase ang pagtanggap sa ating kapwa, at kung paanong sa ibang lupalop ay ito ang nagiging paraan upang matanggap mo ang respeto na sa iyo ay nararapat. Ngunit, hindi sa ganito magtatapos ang ganitong kalagayan dahil may mga konseptong umiiral na nagpapahiwatig sa tiyak na kagandahan ng isang tao. Isa na rito ang ‘body positivity.’ Ngunit ano nga ba ito? Paano yayakapin ng isang indibidwal ang konseptong ito kung siya ay tuluyan nang nabulag sa mga pamantayang nais ng lipunan? ‘Body Positivity’ sa Mata ng Tao Maaaring hindi lahat ay sumang-ayon sa nabanggit na konsepto, ngunit hindi maitatangging ang dala nito ay pag-asa at kaginhawaan sa mga palaging nabibiktima at napupuna ng mga mapanghusgang mata ng mga tao sa lipunan.

Isa itong paraan para ‘ma-hype’ natin hindi lang ang ating sarili kundi pati na rin ang ibang tao sa paligid natin na nakakaranas din ng diskriminasyon dahil sa kanilang laki, hugis, kulay ng balat, o iba pang pisikal na katangian.”

Wika naman ni Kaitlyn Antonette Salibio na mula rin sa Liceo de La Salle, “Para sa akin, ang ‘body positivity’ ay isang paraan para tanggapin natin ang ating mga sarili at manatiling may pananalig anuman ang ating pagkakaiba sa pisikal na kaanyuan.

30 Isinulat ni Jewel Mae Guzman

Crisrey Mark Diosano Sir John Patric Plaida Kaitlyn Antonette Salibio | litrato mula sa mga taong nakapanayam

Mga

Para kay Crisrey Mark Diosano, isang estudyante ng Liceo de La Salle, ang ‘body positivity’ ay naiiba ang pagtukoy depende sa isang indibidwal ngunit siya ay naniniwalang ito umano ay ang pagtanggap at pagmamahal sa kahit ano mang hugis ng katawan na sa iyo ay ipinagkaloob. “Pagtanggap ito kahit ano man ang kulay ng iyong balat, ano mang hugis ng iyong katawan, ano man ang pisikal mo na anyo, o ano man ang mga katangiang mayroon ang isang tao na nagreresulta upang siya ay hindi maging perpekto,” dagdag pa niya.

Gaano man kaganda at kanais-nais ang mithiin ng naturang konsepto, hindi ito madaling matatanggap ng mga tao partikular na kung kanilang personal na naranasan ang magaspang na trato mula sa mga estrangherong hindi tanggap ang kanilang pagkatao base lamang sa hugis na kanilang dinadala.

Ang mga testamentong ito ay puno ng mga salitang hihikayatin tayo upang mas mahalin ang ating mga sarili, dahil sa bandang huli, tayo lamang ang maiiwan upang lubusang mahalin at tanggapin kung ano ba talaga tayo. Dito papasok ang pinaniniwalaan ng karamihan na malaking salik upang mahalin nang lubos ay ang pagkakaroon ng isang magandang hugis ng katawan. Ang konseptong ito ay nakakalungkot dahil kailanman, hindi dapat maging basehan ang

Bilang gabay sa mga taong nahihirapan pang iparamdam sa kanilang mga sarili ang yaong konsepto, narito ang isang mensahe mula kay Ginoong John Patric Plaida. “Selfacceptance and self-love are two of the most basic and effective methods to embrace this philosophy. Give yourself daily encouraging words and inspiration. We must embrace and like ourselves as what and who we are right now. We must also appreciate each person’s unique talents and strengths in order to feel good about ourselves beyond our weight, shape, and appearance, and reject the urge to aim for the myth of the “ideal perfect body” that we see in the media, on social media, and in our communities.” Ang pahayag na ito ay isa sa mga simpleng bagay na maaari nating gawin, ngunit paniguradong ating papasalamatan ang ating mga sarili sa laki ng dala nitong epekto sa atingSapagkatao.mata naman ni Kaitlyn Antonette Salibio, normal na ang pagtatakda ng mga tao sa tinatawag na ‘beauty standards’ sa lipunang ating ginagalawan. Ito umano ay nagreresulta sa mga indibidwal upang hindi mapahalagahan ang kanilang mga sarili sapagkat hindi sila pasok batay sa pamantayan na ginawa ng lipunan. Ayon pa sa kaniya, makakamit lamang nang lubos ang ‘body positivity’ kung matututo tayong tanggapin nang walang pag-aalinlangan at buong-puso ang natatanging hugis na sa atin ay ibinigay. “Sa pagtanggap sa sarili, dito sumusunod ang pagpapahalaga at pagpuri na nagiging daan upang mas pahalagahan ng isang tao ang kanyang anyo,” dugtong pa niya.

Dagdag pa ni Crisrey Mark Diosano, “Hindi dapat tayo basta-basta humuhusga batay sa ating pag-unawa sa depinisyon ng kagandahan. Ang pagtanggap at pagpuri sa isang tao ay nakakatulong din para matulak pataas ang kanyang pagpahalaga sa kanyang sarili. Atin ding tandaan na hindi kakulangan ang pagiging iba dahil ito ang mas nagpapaespesyal sa atin; ito ang naghuhulma sa ating totoong sarili at pagkakakilanlan.”

31

Ang tuluyang pagtanggap sa pisikal na anyo ng isang tao ay mahirap, ngunit ang dala nitong kaginhawaan sa pakiramdan ng isang indibidwal ay tunay na hindi mapapalitan ng anumang bagay. Sino ba namang hindi nanaisin ang magkaroon ng isang isipang puno ng mga positibong bagay at paninindigan, lalong-lalo na sa usaping pagtanggap sa pisikal na kaanyuan.

Kung tatanungin sa isa sa mga karanasan niya na makakapagpabigay ng inspirasyon sa ibang tao ay ito ang kaniyang sinabi, “Tulad ko, noon ay kinasusuklaman ko rin ang aking sarili sapagkat hindi ako pasok sa ‘body standard’ ng mga tao sa paligid ko. Subalit, habang ako’y lumalaki, napagtanto ko na lahat tayo ay magkakaiba sa lahat ng aspeto. Natutunan ko na hindi ko mapapasaya ang lahat sa aking pisikal na anyo. Lahat tayo ay hindi panatag sa ilang mga bagay, ngunit hindi ito rason upang tayo’y panghinaan ng loob, at naniniwala ako na ito’y normal at bahagi na ng buhay. Hindi dapat hayaang kontrolin ng isang indibidwal ang kanyang pag-iisip sa mga pamantayan ng kagandahan ng lipunan.” Tinapos niya ang pahayag sa pagsabi na ang proseso sa pagtanggap ay hindi magiging madali, ngunit nakatitiyak siyang ito naman ay sulit sa huli.

katawan para masabing mahal mo ang isang tao. Ang pagmamahal ay isang mapayapang konsepto na tinuturuan tayong mahalin ang isang indibidwal nang buong-buo sa kabila ng kaniyang mga lakas at kahinaan. Ang pagmamahal ay matatawag lamang na buo at tunay kung handa nito tayong tanggapin sa kung ano ang mayroon tayo. Mistulang ang tingin man natin sa ating mga sarili ay hindi kamahal-mahal, papaniwalain tayo ng pag-ibig na tayo ay kamahal-mahal pa rin sa mata ng tao na tanggap tayo nang buo-buo. Ito ang uri ng pag-ibig na dapat nating ipanalangin. Ang pagpili ng kapareha ay hindi nakabase sa hugis ng katawan, sa ganda ng mukha, o sa laki ng yaman ng isang tao. Ang mga bagay na ito ay panandalian lamang. Malalaki na tayo upang makipaglaro pa. Dapat nakapokus ang ating tingin sa ganda ng kalooban ng isang tao, at sa kaniyang mga pinaniniwalaan. Sa kabuuan, lahat tayo ay kamahalmahal kahit hindi pasok ang kung anong mayroon tayo sa ‘beauty standard’ ng ibang tao. Dapat nating unahin ang pagpapaganda sa ating mga kalooban dahil ito ang isa sa mga bagay na hindi natin maipagpapalit sa kahit ano. Ating patuloy na ipanalangin ang pagdating ng isang pag-ibig na tatanggapin tayo sa kung ano ang totoong tayo. Ipanalangin natin ang isang klase ng pagmamahal na ipaparamdam sa atin ang tunay na kahulugan ng tahanan. Isang klase ng pagmamahal na patuloy tayong pipiliin sa paglipas ng panahon, mawala man ang ating ganda sa Walangitsura.labis na hugis para sa isang tao. Lahat ng hugis ng katawan ay perpektong inihulma. Hindi dapat natin ito ikahiya. Bagkus, mas lalo pa natin itong mahalin dahil hindi tayo kayang patumbahin ng iba gamit ang mga masasakit at mapanghusgang salita kung alam natin sa ating mga sarili na walang mali sa kung ano ang ating anyo. Sigurado akong mayroong isang tao na ipanapanalangin ka sa ngayon, ngunit nariyan ang posibilidad na siya ay hindi mo pa nakikilala. Dahil dito, ipapanalangin kong makita mo na ang tao na mamahalin ka anuman ang hugis ng iyong katawan dahil ikaw ay kamahal-mahal, at ikaw ay nararapat na mahalin sa lahat ng posibleng paraan na mabuti. Pakatandaan mong maganda ka, gwapo ka, anuman ang sabihin ng iba.

Pagyakap nang Tuluyan sa Konsepto ng ‘Body Positivity’

WALANG LABIS NA HUGIS Guhit ni Carla Mae

Tating

32 Litrato mula sa Official Music Video ng Apo Hiking Society | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

Sinira ng maling impormasyon ang ating demokrasya.

Kamakailan lamang nang ginunita ang Halalan 2022– isang hamon para sa lahat dahil sa kaunaunahang pagkakataon, ginanap ang makasaysayang pangyayari sa gitna ng pandemya. Mahigpit ang naging proseso nito – maraming binago sa mga patakaran. Naging makabuluhan ang eleksyong ito dahil umusbong na ang makabagong teknolohiya. Social Media ang naging sandalan ng mga kandidato sa kanilang mga plataporma at proyekto. Ngunit, gaano ba makatotohanan ang nakikita ng lahat sa mga platapormang nabanggit? Tila’y nakasalalay ang sagot sa resulta ng pangkalahatang eleksyon noong Mayo. Bago pa man nagsimula ang panahon ng halalan, mainit na sa madla ang mga pangalang tatakbo ng mga pulitikong nais na maupo sa dalawang pinakamataas na puwesto ng bansang Pilipinas. Naging kompetisyon nila ang isa’t isa nang humarap sila sa isa’t isa sa mga inihandang debate ng Commission on Elections (COMELEC) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Nang isinahimpapawid ito sa ‘free TV’, mga radyo, at ‘social media’, naging daan ito para tuluyang makilatis ng madla ang karapat-dapat na mamuno ng bansa. Ngunit, kalauna’y naging malubhang problema na ito dahil sa paglaganap ng maling impormasyon at galit na nagpabaluktot sa mukha ng katotohanan. Isang araw matapos ang halalan noong ika-9 ng Mayo, umamin ang isang indibidwal sa programang “Good Times” ng DWTM Magic 89.9, isang istasyon ng radyo sa Metro Manila na naging bahagi siya sa suliraning ito nang ibinunyag niya na gumamit siya ng troll farm para siraan at ipalaganap ang ‘fake news’ sa Facebook. Ayon sa kanya, kumikita siya at ang kaniyang mga kasama sa pamamagitan ng pagbayad ng kanilang mga kliyente. Inutusan sila na manguna sa kanilang trabaho na bumili ng mga lumang accounts sa Facebook at magpakita ng suporta sa kanilang mga kliyente. Hinikayat rin sila na magpaskil ng mga komentong umaakma sa kanilang liderato. Nang tinanong kung sino ang kandidato sa likod ng pagkalat ng maling impormasyon, ang sagot niya ay si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., anak ng diktador na si Ferdinand Marcos. Dumagdag pa sa pagkukumpisal ng nabanggit ang mga alegasyong binayaran ng kampo ni Marcos Jr. ang mga ito na naging daan sa kanyang kandidatura sa nasabing halalan. Hindi maitatanggi na tayo’y mahumaling sa hiwaga ng ‘social media’. Ngunit dapat nating tandaan na ating responsibilidad na alamin at kilatisin ng mabuti kung ano ang tama sa mali, makatotohanan sa palilinlang, at ang liwanag sa dilim. Kaya dapat tayo ang unang magsasagap nito at itama ang mali. Sa huli, tayo ang maapektuhan sa mga nakikita at tinatanggap sa ating makikita.

33Isinulat ni John Rosh Macasero | Litrato mula sa Rappler

34 Isinulat ni Grace Biñas

35Mga litrato mula sa mga taong nakapanayam

36 Guhit ni Christian Mombay

37

M ga guhit ng crayola at lapis sa bawat silid ng tahanan, pagtampisaw sa maaliwalas na ulan, paglaro ng patintero, at tumbang preso. Sa pagdating ng tag-init at pagtapos ng taong-panuruan, habang tumitindi ang init at sikat ng araw, galak na galak ang mga kabataan sa paglaro sa labas. Isa na dito si Franco sa mga nasasabik maglaro sa parke malapit sa kanilang bahay. Tuwing hapon, sinasamahan si Franco ni Nanay Edna sa parke upang makipaglaro sa kanyang mga kaibigan. Ito ang nakasanayan na niya mula noon. “Nay! Pwede po ba doon muna ako sa mga kaibigan ko?” kakarating palang nila ni Franco at ni Nanay Edna sa parke ay agad niyang tinanong ang kanyang nanay. “Oo naman anak basta ‘wag kang lalayo,ha? Dito lang ako kasama ang Tita Karmen mo.” napangiting sinabi ng kanyang nanay. “Opo, ‘nay!” ang sagot niya sa kanyangHabangina.sila’y naglalaro ng tagu-taguan, napag-isipan niyang magtago sa likod ng puno na malayo-layo sa kanyang mga kaibigan. “Bibilang na ako ng sampu, ha. Dapat, nakatago na kayong lahat! Isa! Dalawa..” ang sabi ng kanyang kaibigan at silang lahat ay unti-unting umalis para magtago. Habang nagtatago sa kanyang mga kaibigan sa likod ng puno, kanyang napansin ang lalaking nakaupo sa palagi niyang inuupuan sa parke. Siya’y masayang tumititig sa mga kaibigan niyang naunang nahuli. Hindi nagtagal ay siya naman ang sumunod na nahuli ng kaibigan niya. “Franco, huli ka!”, sigaw ng kaibigan niyang si Jun mula sa kabilang dulo ng parke. Malayo pa lang ay kitang-kita na ang buong pigura ni Franco sa gilid ng puno. Inip na inip, tumabi siya kung saan nakaupo ang lalaking nakatitig sa kanila habang naglalaro kanina. Napansin niya na kumakain ang lalaki ng sorbetes ngunit siya’y nagtataka sapagkat wala namang nagtitinda malapit sa parke. “Kuya, matanong ko lang. Saan mo ba binili ang sorbetes? Alam mo paborito ko talaga ‘yan!” sabi niya sa kay kuya. “Ah, binili ko to sa may tindahan ni Aling Susan” dugtong ni kuya sa kanya at tinuro ang tindahan sa kabila ng kalsada. “Ahhh” siya’y napatango na lamang at bumalik sa panginginis dahil sa kanyang pagkatalo. “At bakit ka naman, nanginginis?” tanong ni kuya sa kanya. “Kasi parati nalang ako ang isa sa mga unang nahuhuli kapag kami ay naglalaro ng tagu-taguan.” ang sabi niya sa kuya. Hindi nagtagal ay ang mga mata ni Franco ay tila unti-unting napupuno ng luha at nababaha ng lungkot. “O? Bakit nalulungkot ka naman?” nag-aaalalang tanong ni kuya. Nagulat ang lalaki sa pagiyak ni Franco ngunit patuloy na nakikinig sa bata. “Alam mo kuya, noong ako’y malungkot dahil pinagalitan ako ni nanay kasi hindi ko gusto ang aming ulam at noong nawala ang aking baon sa eskwelehan, dito ako pumupunta sa parke at umuupo sa upuang ito. Tapos pupuntahan ako dito ni nanay at binibilhan niya ako ng ice cream tapos hindi na ako malungkot!” kwento niya sa kay kuya na maiging nakikinig sa kaniya. Si kuya ay nakangiti lamang matapos ang kwento ni Franco. “Tsaka nga pala, kuya. Bakit ka nakatingin sa aking mga kaibigan kanina? Nung una parang malungkot ka rin tapos bigla kang ngumiti nang nakita mo silang naglalaro. Bakit ka malungkot e, meron ka namang sorbetes?” tumawa ng madali ang lalaki at tinapos niya munang kainin ang sorbetes bago niya sinagot ang bata. Tinitigan lang siya ni Franco, naghihintay ng sagot mula sa lalaking hindi niya kilala ngunit patuloy niyang kinakausap. “Hindi ako malungkot. Naaalala ko lang kasi ang mga kaibigan ko noon. Parati din kaming naglalaro ng tagutaguan tsaka patintero sa mga kalye.” aniya at tumingin siya sa mga batang nagtatakbuhan. “Alam mo, ang batang-bata mo pa. Naiinggit nga ako sa inyong mga bata.” dugtong na sinabi ni kuya sa “Naiinggitkanya.kakasi pinapagalitan ako ni nanay?!” sambit ni Franco sa kanya. Tumawa lamang si kuya sa kanya habang siya’y nagtataka kung bakit masaya ang reaksyon ni kuya. “Tsaka nga pala, matanong ko lang. Bakit ka nakikipag-usap sa hindi mo kakilala?” nagtatakang tanong ni kuya sa kanya. Napaisip si Franco sa sinabi ng nanay niya na huwag makipagusap sa kung sino-sino at baka siya’y dukutin. Tumahimik at nanatiling kalmado si Franco. ‘Di nagtagal ay tinawag na siya ng kanyang nanay. “Naku! Tinawag na ako ni nanay baka papagalitan niya naman ako.” sabi ni Franco sa nakatatandang lalaki. “Oo nga pala, ako si Franco. Dahil nakinig ka sa’kin ngayon, ika’y aking itinuturing bagong kaibigan. Iyan pala ang sabi ni nanay sa akin.” masayang sinabi ni Franco sa kanya, sabay tumayo at tumakbo papunta sa piling ng kanyang pinakamamahal na ina. “Franco, anak, sino ba yung kinakausap mo kanina?” tanong ng kanyang ina sapagkat siya’y“Bagongnagtataka.kaibigan ko po ‘yun, nay! Ehh…nakalimutan ko siyang tanungin kung sino siya pero pakilala ko po siya sa inyo, nay! Halika ka at nandoon lang siy…” habang hinawakan niya ang mga kamay ng kanyang nanay, nang siya’y tumingin sa upuan malapit sa puno, bigla nalang nawala ang lalaki. Sa pag-alis ng bata, agad na tumayo ang lalaki at naglakad palabas sa parke. Pumunta siya sa parke na puno ng kalungkutan at umuwing busog sa mga masasayang alaala ng nakaraan. Sa huli, siya’y tumalikod upang makita ang kanyang sarili sa piling at yakap ng mga kamay ng kanyang ina. Sabik na sabik, siya’y sumakay ng traysikel papunta sa kanilang bahay, ang kaniyang unang tahanan. Isinulat ni Jeri Mae Therese Espinosa

38 Isinulat ni Trexie Pia Villarosa | Mga litrato mula sa KindPng at Tumblr | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

M arahil ikaw ay nagtataka kung bakit bawat tanaw mo sa mga kabataan ngayon ay iyong nakikita ang pagkakaiba ng mga naunang henerasyon sa kanila, lalonglalo na sa kung paano sila umasta at ang paraan ng kanilang pamumuhay. Ito ay dahil na sa katotohanang sa paglipas ng mga nagdaang taon, ang kultura ng mga Pilipino ay lubos na naimpluwensyahan ng kanluran: ang ating edukasyon, musika, mga negosyo, pamumuhay, pananamit, kinakain, at maging ang ating mga imprastraktura. Kaya naman halos lahat ng kabataan ngayon ay nakakalimutan nang pahalagahan ang sariling atin sapagkat sila ay okupado sa samu’t saring impluwensyang naidulot sa atin ng mga ito. Dagdag pa, ang Pilipinas ay unti-unting nawawalan ng kanilang pamana at tradisyon, pabor sa ‘Western Pop Culture’. Ang “Kanluran” ay isang puwersang nangingibabaw sa mundo mula noong nagtapos ang World War 2 at ngayon, ang mga impluwensyang hatid nila ay nasa halos lahat ng aspeto ng bansa, mula sa kung paano tayo nakikipagusap, hanggang sa kung paano tayo nakikinig at gumagawa ng musika, panonood at paggawa ng pelikula at telebisyon, gaya ng nasabi na ang ating pananamit, hanggang sa kung paano tayo magpakete ng ating mga produkto. Ang katotohanan na tayo ay naimpluwensyahan ng maraming mga bansa, nasakop ng mahabang panahon ng Espanya, at pagkatapos ng mga Amerikano nang ilang dekada na talaga namang makatuwiran kung bakit tayo nagkaroon ng malawak na kaalaman sa pamumuhay. Sa kadahilanang ito, sa halip na ang mga kabataan sa henerasyon ngayon ay mas pagtuunang pansin ang kultura na mayroon tayong mga Pilipino, mas naipapamalas ng isa ang kulturang mayroon ang mgaDumakotaga-kanluran.naman tayo sa usaping pang-musika kung saan tiyak na laganap sa mga kabataan ngayon sa kaalamang ang henerasyon ngayon ay napakahilig makinig sa mga iba’t ibang dyanra ng kanta na makikita sa mga aplikasyon gaya na lamang ng Spotify. Ating maoobserbahan na pagdating dito, hindi masyadong binibigyang pansin ang mga kantang isinagawa ng mga lokal na artista ng musika dito sa Pilipinas kumpara sa mga nasa internasyonal. Mas kinahihiligang pakinggan ng mga kabataan ngayon ang mga kantang ‘All Too Well’ ni Taylor Swift, ‘Shivers’ ni Ed Sheeran, ‘As It Was’ ni Harry Styles kaysa sa pakikinig sa mga kantang Original Pilipino Music (OPM) na handog ng mga parehong hindi kilala at kilalang artista ng musika sa bansa. Dito, ating makikita kung gaano talaga naimpluwensyahan ng mga kanluraning bansa ang pananaw ng mga kabataan pagdating sa musika. Gayunpaman, hindi natin sila masisisi dahil kung ang industriya na ng musika o kaya ay pelikula na ang pinag-uusapan, alam naman nating lahat na hindi sapat na atensyon at suporta ang binibigay sa dalawang industriya, kung kaya’t labis ang negatibong epektong naidudulot sa produksyon ng mga ito. Ang patuloy na pagbaba ng dating umuunlad na industriya ng pelikula sa Pilipinas ay hindi dapat ikagulat ng sinuman. Ngayon, pinagsisikapan ng iba’t ibang mga ahensya sa pelikula ang pagbangon muli ng industriya sa pamamagitan ng paglalagay ng pamantayan sa kalidad ng mga pelikulangTandaanginagawa.naang pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino ay talagang nagpapatibay sa nasyonalismo ng bansa, kaya hangga’t maaari, dapat nating pahalagahan kung ano ang mayroon tayo at bigyan ng pagpapahalaga ang ating mga pagkakaiba, na siyang nagbubukod sa atin sa mga banyagang bansa. Ang pagiging Pilipino ay hindi nagtatapos sa pagpili ng Ingles kaysa sa Filipino, o pagpili ng hamburger kaysa sa sinigang. Bagkus ito ay magtatapos kapag makalimutan nating mayroon tayong sariling panitikan, kultura, at pamana mula sa ating mga ninuno na walang takot na nakipaglaban upang ito’y ating matamasa.

39Litrato mula sa Official Music Video ng Apo Hiking Society | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

“Iba talaga ang saya kapag kasama ang barkada”, ika nga nila. Ang salitang ‘kaibigan’ ay binubuo lamang ng walong letra – ngunit nakagagawa ng libo-libong saya sa tuwing sila ay kasama. Sa mga panahong tayo ay nasa pinakamababang kalagayan ng ating buhay, sila ang nagbibigay kulay at nagsisilbing liwanag upang hindi lang malimot ang mga suliraning hinaharap, pati na rin ang mabigyang solusyon ang anumang suliraning dala-dala ng agos ng buhay.

Ang balangkas ay umiikot sa siyam na magkakaibigan na di umano’y sa nakakatuwang pakikipagsapalaran ay nakatuklas sila ng kwento at pagkaunawaan tungkol sa pagtataksil, katapatan, tunay na pag-ibig, at pagkakaibigan.

40 Isinulat ni Hannah Clarice Galona | Litrato

Sa Direksyon ni Gilbert Perez, ang pelikulang ‘Trip’ ay pinagbibidahan ng ilan sa mga sikat na artista sa panahong iyon na sina Kristine Hermosa, Heart Evangelista, John Prats, Jericho Rosales, Marvin Agustin, Julia Clarete, Onemig Bondoc, at Desiree Del Valle.

Tulad ng kantang Awit ng Barkada ng Apo Hiking Society na maiuugnay sa pelikulang ‘Trip,’ ito rin ay may mensaheng nais ipaabot sa mga tagapakinig. Isang mensaheng tiyak na mauukit sa ating puso’t isipan —- na kahit anumang pagsubok na dumarating at kung minsa’y ating mararamdaman ang kalungkutan sa buhay, ‘wag sana nating kalimutang may mga kaibigan tayong malalapitan at masasandalan sa hirap man o sa kaginhawaan. Rebyu ng Pelikula mula sa Amazon

Bago nagkaroon ng ‘Dead Kids’ at ‘Bloody Crayons’ na barkada na ating hinangaan, naroon na ang ‘Trip’ barkada, isa sa mga patok na movie squad noong early 2000s. Sa mga pelikulang ito, nagkaroon tayo ng pagninilay at damdamin tungkol sa pag-ibig at katapatan na umiiral sa mga pagkakaibigang ito.

41Isinulat ni Aia Daniela Villarino | Mga litrato mula sa TripAdvisor at TheFunSizedTraveller | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

ngMundosaPamumuhayTEKNOLOHIYA 42 Sining ni Edrian Kyle Verzosa | Mga litrato mula sa Apple

Marie Merabe

Khan Academy Ang Khan Academy ay nag-aalok ng higit sa 10,000 na mga educational videos. Ito ang ultimate online learning app, na may mga mapagkukunan para sa matematika, agham, ekonomiya, kasaysayan, musika at iba pang mga asignatura. Mayroong higit sa 40,000 na mga tanong tungkol sa pagsasagawa na nakahanay sa mga pamantayan ng karaniwang klase. Nagbibigay ito ng mga instant na feedback at sunod-sunod na mga tagubilin. Ang mga gumagamit ay maaari ring i-bookmark ang nilalaman sa “Iyong Listahan” at mag-refer pabalik kahit offline.

Minimalist – To do list & Task Gamit ang mga paalala at takdang petsa, hindi hinahayaan ng Minimalist na mawala ang anumang mahahalagang bagay. Bukod dito, kasama rin ang tampok na ‘intuitive collaboration’ para maimbitahan ang iyong mga kaibigan at makipagtulungan sa kanila sa isang proyekto. Habang isinasama ito sa maraming app at serbisyo tulad ng Gmail, Google Calendar, at Mail, tinitiyak ng app na mayroon ka ng lahat ng mahahalagang tool para sa pamamahala ng iyong mga gawain mula mismo sa isang lugar.

Ecosia Ang proyekto ng Ecosia ay nakalap ng pondo upang magtanim ng higit sa 9,734,900 na mga puno sa buong mundo. Ito ay isang app na may modelong handa para sa modernong henerasyon na tunay na nagmamalasakit sa mundo at sa kalikasan. Gayundin, ito ay isang ‘search engine’ sa internet na aktibong nakatutulong sa pamamagitan ng isang katumbas na pagtatanim ng puno sa bawat isang paggamit.

Canva Ang Canva ay nilikha upang makatulong sa grapikong disenyo. Ang kakayahang umangkop na format ng Canva ay maaaring gamitin para sa iba’t ibang mga gawain tulad ng mga social media post, mga presentasyon, mga poster, mga bidyo, mga tatak o logo, at iba pa. Sa aplikasyong ito, ang mga user ay maaaring mag-upload ng ‘pre-approved graphics,’ pumili ng iba’t ibang mga font, at makinabang sa libreng mga larawan online na maaaring idagdag o makatulong sa rebisyon ng kanilang grapikong disenyong proyekto. Dagdag pa, ang mga naisagawang disenyo ay maaaring ibahagi at i-download sa iba’t ibang mga format.

Notability Ang Notability app ay nagbibigay-daan sa mga users na lumikha ng mga tala na nagbubuklod ng sulat-kamay, pag-type, mga guhit, audio, at mga larawan na higit na mapakikinabangan. Tampok dito ang tool na audio-recording na nakatutulong nang higit sa mga mag-aaral upang mabilis na makuha ang mga talakayan sa klase. Bukod doon, ang Notability ay maaari ring magamit sa paglikha ng mga review sheet bago ang mga pagsusulit at makatutulong din ito para sa mga grupo sa pagtatrabaho sa mga proyekto nang magkakasama.

CamScanner Gamit ang app na ito, madali mong magagawa ang pag-scan ang mga tala, sertipiko, resibo, dokumento, at iba pa. Ito ay may kasamang ‘automatic tool’ sa pag-optimize na nagbibigay-daan sa maayos at magandang kalidad ng pagscan sa mga dokumento nang walang kinakailangang anumang karagdagang kagamitan. Kabilang dito ay ang crop tool na nakatutulong upang alisin ang mga hindi gusto o hindi importanteng bahagi sa larawan ng dokumentong iyong ninanais na i-scan. Isinulat ni Glency

43

44 Kuha ni Jestin Teodoro | Litrato mula sa WordPress | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

45Litrato mula sa Official Music Video ng Silent Sanctuary | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

46 Isinulat ni Karl Francis Ferreras

47Kuha ni Reiben Jay Denaga

48 Isinulat ni Kyle Daniel Esmeralda | Sining ni Mariel Manzures

49Isinulat ni Marisha Nel Nanas | Kuha ni Reiben Jay Denaga

50 Isinulat ni Jeri Mae Therese Espinosa

51Guhit ni Mariel Manzures

52 Litrato mula sa Official Music Video ng Silent Sanctuary | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

M araming tao ang nakakadama’t nakakaintindi sa kantang “gusto ko nang bumitaw” sa palabas ng “The Broken Marriage Vow.” Ang The Broken Marriage Vow ay isang Philippine Drama Television Series na isinahimpapawid ng Kapamilya Channel, sa direksyon ni Connie Macatuno at Andoy Ranay. Ito rin ay pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Zaijan Jaranilla, at Sue Ramirez. Ang programang ito ay hango sa British Drama Series na ‘Doctor Foster.’ Maaring sa iba, ito ay isang teleserye lamang. Ngunit sa panahon ngayon, ito ay akmang-akma lalo na sa kababaihang paulit-ulit na niloloko’t niyuyurakan ang pagkatao ng mga kalalakihan. Ang kwento ay umiikot sa dalawang mag-asawang may isang anak at masayang namumuhay. Ngunit ang mala-pantasyang buhay nila ay naglaho’t nabura nang matuklasang mayroong kerida ang lalaki sa istorya. Kasalanan ba ang magmahal? Iyan ang tanong ng karamihan sa mga kabataan. Mga kabataang nabigo sa pag-ibig, at binigo ng pag-ibig. Ang pagmamahal sa anumang bagay at sa sinumang tao, ay hindi kailanman magiging mali sapagkat tayong lahat ay bunga ng pagmamahal. Bagkus, bigyan natin ito ng limitasyon. Limitasyong hindi makakasama, ngunit makakabuti sa ating mga sarili. May mga bagay na kailangang paka-ingatan. Habang nagmamahal tayo, huwag nating hayaang mawala ang ating sarili sapagkat ang pagmamahal na walang kondisyon ay atin lang maibibigay sa pagkakaroon nito. Hindi kasalanan ang pagmamahal o ang paghanap ng kalinga. Ngunit sa mga panahong patuloy na sinasaktan at dinudurog ang ating mga damdamin, huwag sana tayong mag-atubiling umalis, at pumiglas sa nakataling lubid ng kasakiman. Bitawan at iwan ang anumang pighati’t pagpapasakit. Sabihin ang mga katagang, “Ako naman muna” at “Ako naman muli.” “gusto ko nang bumitaw, ngunit ayaw pa ng puso”

KASALANAN BA ANG MANATILI 53

Isinulat ni Angel Marie Abalayan | Guhit ni Carla Mae Tating

Ngunit kalaunan ay napapalitan ng mga pagsubok, problema, at suliraning mawawaksi lamang ng dalawang taong nag-iibigan at nagmamahalan.Angpanahon ngayon ng mga kabataan sa bagong henerasyon ay tiyak na malaki ang pagkakaiba, kumpara sa pamumuhay ng mga kabataang kabilang sa dekada ‘70 hanggang dekada ‘80. Kung babalikan ng karamihan, mas payak ang pamumuhay noon. Gayunpman, ang pagmamahal ay higit na sigurado’t tiyak at hindi laro-laro lamang. Bukod pa rito, karamihan sa mga binata’t dalaga ay pinapahalagahan at ginagawang sagrado ang mga bagay na kailangang ingatan at pahalagahan kapag nag-iibigan.

54 Isinulat ni Dominic Rivera

Sa pagtatagpo ng dalawang tao, lumilitaw ang panimulang pag-irog sa pamamagitan ng pabirong panliligaw at pang-aakit. Ang unang pagbuhos ng damdamin ay yumayabong sa higit na pagmamahal.

Sa mundo ng makabagong teknolohiya na nagpapatakbo sa pamumuhay ng kabataan ngayon, hindi maitatanggi na ito ay nagdulot ng mga hindi gaanong kagandang bagay. Gaya na lamang ng kanilang pagkalimot sa ibang tradisyong Pinoy. Nag-iba rin ang kanilang pananaw sa mga bagay-bagay na hindi akma sa nakasanayan ng karamihan sa mga Pilipino. Dagdag pa, sa usaping pagmamahal ay ginawa itong ng ilan sa mga kabataan bilang panlibangan, at hindi bilang isang bagay na kailangang ingatan at ipaglaban. Datapwat ang pagkakaiba ng kabataan ngayon sa mga naunang henerasyon ay malaki, hindi maikakaila na ito rin ay nagresulta ng ibang mga mga magagandang bagay. Gayunpaman, sila’y walang pananagutan sa kung ano ang mundong kanilang kinamulatan. Bagkus, responsibilidad nilang i-respeto at kilalanin ang kanilang Pilipino. Iwaksi ang nakasanayan. Isipin ang bayan. 55Kuha ni Jestin Teodoro

56 Litrato mula sa IMDb

57

Isinulat ni Jay Angelo Olayra

Kaya ba ng isang pagkakataong maayos ang nasirang relasyon?

Ang pelikulang “One more chance” ay isang paglalarawan ng tunay, bagama’t hinding perpektong relasyon ng dalawang magkasintahan—hindi lahat ay masaya kundi may mga hindi pagkakaunawaan na nauuwi sa hiwalayan. Subalit, ang pinagsamahang wagas ay hindi lamang tutungo sa pagbuwag ng kanilang mga puso. Ang bugso ng damdamin ay siya pa ring didikta kung bakit nagpapatuloy pa rin ang ritmo ng kanilang mga puso. Marahil mahal pa nila ang isa’t isa o masaya na silang makita na kontento sa kasalukuyan. Pero ang koneksyon pa rin ng kanilang mga puso ang mag-aangkin ng kanilang kapalaran. Ang kwento nina Popoy at Basha na mahigit limang taon nang nagsasama ay nakatuon sa hindi inaasahang unos ng kanilang relasyon. Nag-aaral pa lamang ay magkasintahan na ang dalawa. Iisang grupo ng kaibigan ang kanilang kinabibilangan, boto ang pamilya ng bawat isa sa relasyon nilang dalawa, at kahit sa trabaho ay parehong kumpanya ang kanilang pinasukan. Mahal nila ang isa’t-isa subalit nagkaroon ng personal na krisis si Basha kung saan ay kinailangan niya itong harapin ng mag-isa. Hindi lubos na maunawaan ni Popoy ang mga pangyayari dahil wala siyang nakikitang problema sa kanilang relasyon. Ang tanging idinadaing ni Basya ay ang pakiramdam na nasasakal na siya sa kanilang kasalukuyang relasyon, at dahil sa kanyang pakiramdam ay labis siyang umaasa kay Popoy. Ganon na lamang ang hinagpis ni Popoy ng dumating ang oras na nakipaghiwalay na si Basha sa kanya. Hindi matanggap-tanggap ni Popoy ang lahat ng mga nangyari, subalit natauhan siya sa puntong gusto niya ng tapusin ang kanyang buhay at doon ay saka niyang napagpasyahang lumayo na lamang at hintaying humilom ang makirot na sugat ng kanyang puso. Sa pagtatapos ng kanilang istorya, sa dalawang taong paghahanap at pag-intindi sa kanilang mga sarili, napagtanto rin nila kung saan sila mas malaya. At ito ang kanilang pagumpisa sa simula ng kanilang dugtong na kuwentong hindi matapos-tapos. Katulad ng awit “Sa’yo” na isinulat ng bandang Silent Sanctuary, ang pelikulang ito ay nagmumungkahi rin na hindi sa lahat ng pagkakataon ang relasyon ay nakatuon lamang sa mga masasaya at walang hanggang kasiyahan, kundi, humahantong rin ito sa paghihinagpis at poot kaya minsan tama, minsan mali ang mga padalos-dalos na desisyon na kanilang ginampanan. Datapwat kung tunay nga ang pag ibig nila. Kaya ba nilang isigaw at iparating sa mundo na mahal nila ang isa’t isa? Ito ang tanging nagpapatatag sa relasyon ng magkasintahan sapagkat alam nila sa kanilang mga sarili na hindi nila niloloko ang isa’t isa. Walang pagkakamali sa ibinigay at binabalik na pagmamahal na kanilang hindi ipinagdamot. Kahit may mga pagkukulang at pagkakamali, palagi silang naghahanap ng solusyon upang magkaintindihan. Pero, kailangan ba nilang iwasan? Sa tuwing lalapit, may paalam. Dahil hindi sa lahat ng oras ay palagi na lang silang magkakaunawaan. Kadalasan, nakakasakal, at nakakasakit din ang pagpapalipas sa mga pangyayaring ito. Kailangang bigyan din ng puwang at hayaan ang kanilang mga sarili na intindihin ang mga hinaharap na suliranin, at itama ang lahat ng pagkakamali.

Higit sa lahat, kung tunay nga ang pag-ibig mo, hindi mo na kailangang iparating sa mundo. Bagkus, kailangan mo lamang ipabatid sa minamahal mo at ito’y kontento na. Ganito ang ginawa ni Basya nang hindi niya na makayanang makita ang sarili na iba na ang minamahal ni Popoy. Gayunpaman, kailanman hindi nagbago ang pagmamahal ni Popoy kay Basya. Kaya noong nagkabalikan na sila at kung ibubuod ang emosyon na isasadula ni Popoy, walang alinlangan ito’y sisigaw ng, “Kung maging tayo. Sa’yo lang ang puso ko”. Ang pelikulang ito ay isang pahiwatig sa lahat ng mga may minamahal, na ang inyong mga pinapagimpan at sinumpaan ay hindi kadalasang masusuklian ng mga kalalabasan. Sa isang relasyon, kailangan lahat ng sangkot sa pagiibigan ay nagkakaunawaan at may balanse, dahil ito ang tanging susi sa minimithing wagas na pagmamahalan. Sa huli, ang bugso ng damdamin pa rin ang mananaig sa digmaan sa sarili—ito pa rin ang magdedesisyon ng kahihinatnan sa kasalukuyang tinig na tinitibok ng siyang puso.

“You had me at my best; she loved me at my worst.”

Sinuman sa mundong ito ay nakaranas na ng pagmamahal at nasuklian nito. Maaring sa pamilya, kaibigan, sarili, mga alaga at kasama, o sa kasintahan. Ang pag-ibig ay isa sa mga makapangyarihang elemento kung bakit tayo’y nagpapatuloy sa pagplano ng ating kinabukasan. Ito ay naging dahilan kung bakit tayo’y hindi sumusuko sa laban ng buhay. Ang mahika ng pagmamahal ay ang ugat kung bakit tayo’y nakaapak sa ating kinatatayuan. Ang sagot sa patuloy na pagtibok ng ating mga puso. Ngunit ang pag-ibig ay siya ring wawasak sa lahat ng ating mga sinimulan. Papawiin ang mga alaala na hanggang sa gunita na lamang maipipinta. At ang lahat ng mga pangako ay mapapako. Dahil sa katapusan, umiikot lamang ito sa isang mahalagang tanong, “tama ba ang lahat ng aking naging desisyon?”

58 Litrato mula sa Official Music Video ng Silent Sanctuary | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

59Isinulat

Valencia

tumutunog na mga kampana naririnig ko pa ang hiyaw ng mga bisita tayo’y nagsumpaan sa harap ni Bathala na magmamahalan sa hirap at ginhawa ikaw lang ang minahal simula nung una nagmistulan kang araw ko sa umaga ngunit isang araw akala ko’y namalikmata magkahawak kamay kayong tumawid sa kalsada

Lahat sa paligid ko’y huminto bigla-bigla habang pinagmamasdan ko kayong dalawa iba ang iyong ngiti kapag siya ang kasama hindi ko namalayang ako’y umidlip na pala ang ingay ng paligid ako’y nangangamba ‘di na makagalaw ‘pagkat nakahiga ako sa ambulansya kahit sa huling sandali iniisip ka pa rin sinta paalam, magkita na lang tayo sa kabilang banda. ni Angel Marie Abalayan Guhit ni Anna Dominique

Sumpa sa ikaapat na taon

|

60 Isinulat ni Yla Ariola | Guhit ni Anna Dominique Valencia

61Sining ni Edrian Kyle Verzosa

62 Isinulat ni Ma. Angela Baloyo | Guhit ni Carla Mae Tating

1 954 ang taong napagdesisyunan ni lolo Manuel Biñas na sumama sa kanyang ama sa lungsod ng Bacolod upang magtrabaho, lingid sa kanyang kaalaman ay sa mismong taon din niya makikila ang taong makakasama niya habang buhay. Si lola Nenita Celedonio ay isang tagabantay ng tindahang pagmamay-ari ng kanyang kapatid. Si lolo Manuel naman ay dumayo lamang sa Bacolod, galing sa lungsod ng Iloilo upang magtrabaho kasama ang kanyang ama. “Kinailangang magtrabaho ng lolo ninyo upang makatulong sa kanyang pamilya” ang sabi ni lola Nenita. Nagkataong nakahanap ng trabaho si lolo Manuel sa katabing gusali ng tindahan na binabantayan ni lola Nenita — at doon na naganap ang una nilang pagtatagpo. Nagpatuloy ang kanilang pagkikita, nang araw-araw ng sumasadya si lolo Manuel sa tindahan. “Arawaraw talaga siyang pumupunta sa tindahan, hindi ata nakatiis at nagpapansin na sa akin” ang laging panunukso ni lola kay lolo. Tinusok kasi nito si lola ng walis tingting sa braso habang nagtitinda. Nagkaroon pa ng pag-aalinlangan si lolo bago gawin ito — kapag hindi nagalit si lola Nenita sa kanyang gagawin, ito na ang hudyat ng kanyang panliligaw. Niligawan ni lolo si lola, mabilis na lumipas ang mga panahon at dama nila ang kaligayahang taglay ng kanilang pagsasama. “And the rest is history (At ang mga natitirang detalye ay kasaysayan na lamang).” ang sabi ni lola Nenita. Apat na taon pa silang nagsama bago magbunga ang kanilang pagmamahalan noong 1959, “Nagpakasal kami noong 1958 at pagkalipas ng isang taon ay nagkaroon kami ng anak na lalaki ” pag-aalala ni lola. Sila ay matiwasay na namuhay at marami rin silang naipundar. Si lola Nenita ay mayroong karinderya at si lolo Manuel naman ay isang Kagawad sa kanilang barangay. Dahil sa trabaho ni lolo Manuel, mas nakatuon ang kanyang oras na maglibot at magsaya sa ibang mga baryo kasama ang kanyang mga katrabaho. Habang si lola Nenita naman ay isang babaeng ubod ng sipag na ginugol ang kanyang oras sa kanilang negosyo. Hinayaan niya lamang si lolo, pinili niyang intindihing sinusulit pa ni lolo ang kabataang hindi niya naranasan. “Minsan ay gabi na siyang uuwi at kadalasan ay wala rin siya sa bahay, nakakapagtampo man ay iniintindi ko,” ang sabi ni Kalaunanlola.ay nadagdagan sila sa pamilya, nagkaroon sila ng pitong anak na lalaki at isang babae. Hindi na rin masyadong nakapag trabaho si lola Nenita dahil sa katandaan, kaya naman ay unti unting nawala ang kanilang mga naipundar na mga ari-arian. Naghirap ang kanilang pamilya at inako ni lolo ang kanyang kapabayaan. “Palaging sinasabi ni Manuel sa akin ang kanyang pagsisisi sa pagtalikod niya sa kanyang responsibilidad sa amin; pero palagi kong pinapaalala sa kanyang kahit subukin man kami ng kahit na ano, hangga’t kaagapay ko siya ay palagi kong kakayanin,” ang sabi ni lola. Nagtagal pa ng apatnapu’t siyam na taon ang kanilang pagsasamahan at ni isang beses ay hindi makikita si lola Nenita na wala si lolo sa tabi niya. Nagretiro silang dalawa sa kanilang mga trabaho upang magpalipas ng oras nang magkasama. Nagsisimula ang kanilang araw na sinasalubong ang isa’t-isa, magkakape, at minsan ay sasamahan ni lolo si lola na mamalengke. Sinusulit nila ang mga panahong nawala sa kanila, mga panahong inaamin nilang nawalan ng direksyon ang kanilang pagsasama; pero hindi batid ng kahit sinuman ang pagtatapos ng yugto sa buhay ng isang tao. Dumating na ang silay ng araw, ngunit walang lolo ang nag-abang sa pagmulat ni lola ng kanyang mga mata. Isang bagay na kinatatakutan niya.

Isinulat ni Grace Binas | Mga litrato mula kay Grace Binas

Naghinagpis si lola Nenita sa pagpapahinga ni lolo, masyadong madaya raw ang asawa sapagkat ito ay nauna ng walang paalam habang nagsisimula pa lamang ulit sila. Tila huminto ng tuluyan ang kanyang mundo at pilit na kinalimutan ng utak ang sakit na dulot sa kanyang pagkatao. Pitong taon na ang nakalipas, unti-unti mang nakalilimot dahil sa kanyang edad ay, hindi pa rin nababaon sa alaala ni lola Nenita ang mga bakas ng yumaong iniirog. Sa kahit anong talastasan ay hindi mawawala ang pangalan ni lolo Manuel. Sa hapag at pagtulog ay presensya niya lamang ang kanyang hinihintay. Hanggang ngayon, lahat ay umusad na at nagpatuloy ng wala si Lolo, ngunit pilit pa ring itinatanggi ni lola Nenita ang kanyang pagkawala. Ika nga ng mga anak nila “Masyadong malakas ang pagsasamahan para ibaon niya ang kanilang pagmamahalan, kaya’t hanggang siya ay naririto ay hindi rin mawawala si papa”. “Baka nga, kayang piliin ng utak ang gusto lamang maalala nito” sabi ng nakatatandang anak nila. Nawala man sa pananaw ng lahat si lolo Manuel ay hindi pa rin siya mabitawan ni lola Nenita. Hanggang sa mga araw na ito ay naiwan pa ring nakahintay si lola Nenita sa kanilang tahanan, nagbabakasakaling batiin siyang muli ng pinakamamahal niya.

63

64 Kuha ni Jestin Teodoro | Litrato mula sa Behance | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

65Litrato mula sa Official Music Video ng Ben&Ben | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

66 Isinulat ni Jewel Mae Guzman

Pagmamahal. Isang napakahiwagang salita sapagkat walang nakakaalam kung ano ba ang tamang pamantayan para rito. Isang salitang maaaring iba para sa iyo, at iba rin para sa kaniya. Isang simpleng kataga lamang, ngunit ang dalang ginhawa ay nakakakalma o ang dalang pighati ay nakakapanghina. Lumipas ang mga taon na samu’tsari ang interpretasyon ng mga tao sa salitang ito. Kung sa iba ay mababaw, para naman sa iba ay kasing lalim ito ng isang malawak na dagat na kailangang paghirapan at pagsumikapan upang lubos na maramdaman. Sa kabila ng iba’t ibang interpretasyon sa salitang ito, nariyan ang katotohanang marami rin itong saklaw sapagkat magkakaiba ang uri ng pagmamahal na maaaring iparamdam at matanggap ng isang indibidwal. Ngunit, sa kabila ng kanilang pagkakaiba ay nariyan din ang kanilang pagkakatulad. Ito ang reyalidad na hindi sapat ang isang habambuhay upang tayo ay magparamdam ng pagmamahal sa ibang tao. Ang tunay na pagmamahal ay patuloy at patuloy na dadaloy magpakailanman.

Ikalawa , ang pagmamahal ng ating mga kaibigan. Ito naman ay isang uri ng pagmamahal na kadalasang hindi masiyadong nabibigyang pansin ngunit nararapat itong usisain at bigyan ng karampatang pagkilala. Sa ating buhay, ang pagkakaroon ng mga kaibigang maaasahan ay mahalaga sapagkat sa kabila ng mga problema at kahirapang dala ng buhay, kailangan natin ng mga taong masasandalan. Sila ang mga taong maiintindihan tayo dahil malaki ang posibilidad na kanila ring napagdaanan o kasalukuyang pinagdadaanan ang kung anong nagpapabigat sa ating mga kalooban. Kahit saan tayo magpunta, mayroon tayong tinatawag na kaibigan. Hindi man natin ito kalimitang inaamin, ngunit totoong isa ang ating mga kaibigan sa dahilan kung bakit patuloy nating ninanais na lumaban sa hirap ng agos ng buhay na walang kasiguraduhan. Ikatlo, ang pagmamahal ng Panginoon na sa atin ay ipinagkaloob. Ito naman ang uri ng pagmamahal na malayo sa pagiging makasarili at makakapagpabigay sa atin ng kaginhawaan. Isang pagmamahal na tuturuan tayo ng mga bagay na magiging susi upang mas lubos nating makilala ang ating mga sarili at kung anong mga bagay ang makakapagpabigay sa atin ng kapayapaan. Ito rin ang klase ng pagmamahal kung saan ating mapapagtanto na tayo man ay makasalanan, patuloy na may tatanggap

Unang-una, ang pagmamahal na sa atin ay inialay ng ating mga magulang. Mula pagmulat ng ating mga mata at mula noong tayo ay magkaroon ng muwang, sila ang laging nariyan upang tayo ay gabayan. Sa kanila natin unang naranasan ang isang uri ng pagmamahal na magtatagal ng walang hangganan at puno ng pagsasakripisyo. Hindi biro ang dugo at pawis na kanilang inialay kapalit lamang ang mabigyan tayo ng isang maginhawang buhay. Ito ang uri ng pagmamahal na hindi perpekto, ngunit makakasigurado kang ang lahat ng ito ay para sa iyong ikakabuti. Ito ang uri ng pagmamahal na magmumulat sa iyong isipan sa mas malalaki at importanteng aspeto ng buhay. Ito ang pagmamahal na magpapasensya at pagmamahal na puno ng mga pagtanggap at pagpapatawad.

nang buo-buo sa kung ano o sino ang tunay na tayo, kung ano ang ating tunay na pagkatao. Panghuli, ang pagmamahal na ating makukuha sa ating kapareha. Ito ang uri ng pagmamahal na dumadaan sa malalaking pagsubok, dulot ng reyalidad na iba-iba ang uri ng pagmamahal na nais matanggap ng isang tao. Malungkot isipin na isa ito sa minamadali sa kasalukuyang panahon kaya naman laganap ang mga hiwalayan. Dito ka mapapaisip kung totoo bang tunay ang pagmamahal na iyong natatanggap, o ito ay puno ng pagpapanggap at kasinungalingan. Ito rin ang pagmamahal kung saan mababansagan kang swerte kung ang napili mong mahalin ay wasto ang ginagawang pagtrato sa iyo sapagkat karamihan ay nais lamang ng panandaliang saya at kilig, ngunit hindi naman handang panagutan ang kanilang nararamdaman. Iba-iba man ang pagkakaintindi sa temang ito, lahat naman tayo ay nais lamang maranasan ang lubos na mahalin sa kung sino talaga tayo, sa kabila ng ating personalidad na hindi perpekto at mga kahinaan. Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin Sa susunod na habang buhay Ang mga katagang ito ay nagmula sa sikat na kanta ng Ben and Ben na pinamagatang ‘Sa Susunod na Habang Buhay’. Sino nga ba naman ang hindi nanaising maranasan ang ganitong pagmamahal? Ang pagmamahal na sisiguraduhing ikaw lamang ang pipiliin nito, sa kabila ng mga problemang inyong dadanasin, kahit pa sa susunod niyong mga buhay. Masayang isipin na may isang taong handa kang mahalin nang buong-buo, na ikaw lamang ang ninanais, na ikaw lamang ang nanaisin. Mahirap man itong hanapin sa ngayon, ngunit ito ay kusang lalapit sa ating buhay. Kinakailangan lamang nating maghintay sa nararapat na panahon kung saan tayo naman ang laging pipiliin, maging malubak o maginhawa ang daan, maging maliwanag man o makulimlim man ang kulay ng buhay.

67Litrato mula sa Manila Bulletin

Laging pakatandaan na hindi ka man pinagpala sa isang uri ng pag-ibig, nariyan ang iba pang mga uri nito na paniguradong iyo ring nararamdaman. Pinili ka ng iyong mga magulang upang alagaan sa mundong ito, pinili ka ng iyong mga kaibigan upang samahan at tulungan sa iyong paglalakbay, at pinili ka rin ng Panginoon bilang isa sa mga karapat-dapat niyang anak. Ang mga bagay na ito ay dapat maging sapat na para sa atin dahil ang mga pagmamahal na ito ay taglay din ang isang salik sa romantikong pagmamahal na nais nating makamtan — ang pagkilala at pagtanggap sa atin ng mga taong ito ng walang halong pagpapanggap at kasinungalingan. Isang pagmamahal na habang buhay nating aalalahanin dahil sa dala nitong saya sa ating mga buhay. Kapos ang bilang ng habambuhay upang maipahiwatig nang lubusan at maayos ang ganitong mga pag-ibig. Ito ay patuloy na dadaloy sa lahat ng oras at lugar na tayo ay naroroon, ito man ay sa nakaraan, kasalukuyan, o hinaharap, at maging tayo man ay wala na sa mundong ibabaw. Bakit? Dahil ang isang tunay na pagmamahal ay mananatili sa ating mga puso hindi lamang sa ngayon, kundi sa magpakailanman. “ “

Kailan ba Masaya ang

Sa mundong ibabaw, hindi na lingid sa ating kaalaman na ang lahat ng bagay ay pabago-bago. Ito ay isang katotohanang araw-araw nating hinaharap, ngunit tila ay hindi pa rin natin magawang harapin bilang isang karaniwang pangyayari sa buhay. Kalakip lagi ng pagbabago sa ating mga tao ay ang emosyon; ang pagkakaroon man o ang pagkakawalan. Mayroong mga pagbabagong nagaganap dahil nag-iiba ang ating pagtingin at kahit isa man itong magandang senyales ng ating paglago, ito ay itinuturing na isa sa pinaka masakit at madayang dahilan para sa mga taong ating maiiwan. Paalam. Isang karaniwang salitang nakasalubong natin mula pagkabata. Paalam sa ating mga kaibigan pagkatapos ng buong araw na paglalaro. Paalam sa ating guro pagkatapos ng klase. Paalam sa ating mga magulang kapag sila ay aalis para sa trabaho. Marami pang sitwasyon ng pagpapaalam, ngunit iilan lamang ang mga nabanggit. Kung iisipin, hindi naman ito isang mahirap na salita ngunit ito ay isa sa mga salitang nagdadala ng malaking epekto sapagkat sa usapang literal, ang paalam ay nangangahulugang pagtatapos. Kaya naman, ang laging katambal ng paalam ay lungkot. Ngunit alang-alang sa patas na pakikitungo sa kasamaan at kabutihan sa mundo, hindi lahat ng pagtatapos ay malungkot. Mayroong pagtatapos na nag-iiwan ng kaginhawaan o itinuturing na mas nakabubuti sa sitwasyon. Subalit sapat ba ito upang ituring na masaya? Kailan nga ba natin maituturing na masaya ang isang paalam? Marahil ay iniisip ninyo ngayon ang pagsambit ng paalam sa mga bagay na inyong kinamumuhian o kaya nama’y hindi gusto. Bilang isang mag-aaral, kapanapanabik ang pamamaalam sa mga takdang-aralin at ‘academic stress.‘ Maaari ring bilang isang taong ayaw sa sibuyas, kapanapanabik ang pamamaalam dito sabay kuha mula sa kinakaing hamburger. Panigurado, marami pang ibang mga paalam para sa iba’t ibang dahilan— mga paalam na madaling banggitin. Ngunit itong mga madadaling paalam ay hindi tunay na paalam. Madali lamang alisin sa ating buhay ang mga bagay na noon pa ma’y wala nang halaga. Madali lamang sambitin ang salitang paalam dahil matagal na natin itong ninanais. Walang pagpapahalaga na masasayang at walang pagmamahal na matatapos, kaya naman hindi ito isang tunay na paalam. “Kung gayon, eh, kailan nga ba natin masasabing masaya ang isang paalam?” Sa totoo lang, walang ganoon. Katulad ng katotohanang lahat ng bagay ay nagbabago, lahat din ng bagay ay may kahalagahan. Kaya naman ang tunay na paalam ay mayroon talagang kaakibat na sakit, lungkot, at poot. Gayunpaman, hindi ito masama.

Kabilang sa ating pagkatao ang ating emosyon at hindi kamalian ang pagdaramdam nito. Nangangahulugan lamang na may kakayahan tayong magmahal, mangalaga, at magpahalaga nang dalisay sa mga tao, bagay, hayop, gamit, lugar, at pangyayari sa ating buhay. Kaya naman, hayaan mong masaktan ang iyong sarili sa mga pagkakataong ika’y nagmahal ng buong puso. Hayaan mo ang sarili mong malungkot dahil mahirap kumawala sa anumang dati’y hinayaan kang maging masaya. Hayaan mo ang sarili mong magalit dahil ang iyong galit ay parte ng iyong pagkataong nagmamahal sa iyo. Ang galit na nakakaalam na dinaya ka ng panahon—ang galit na nakakaalam na nararapat kang tratuhin nang mas maayos. Hayaan mong maapektuhan ka ng isang paalam, at hayaan mo rin ang sarili mong matuto mula rito kahit pa ikaw ang umalis o ikaw ang naiwan. Katulad ulit ng pagkakaroon ng lahat ng mga bagay ng halaga, sa iyong buhay, magkakaroon din ito ng aral. Wala mang masayang paalam, wagi pa rin tayo dala ang ating mga natutunan. Ang katotohanang nakawala tayo sa anumang hindi pala karapat dapat sa ating buhay o sa anumang hindi na makatutulong sa ating landas; at ang katotohanang patuloy pa rin tayo sa ating paglalakbay at paglago bilang isang tao. Ito ang totoong kasiyahan.

Paalam? 68 Isinulat ni Julienne Caye Villanueva

69Guhit ni Carla Mae Tating

70 Isinulat ni Jasper Laguitan

Ito ang pinatunayan ng limang mga estranghero matapos nilang ibahagi ang kani-kanilang mapapait na karanasan sa pag-ibig at kung paano sila nagsikap at nagsusumikap na ibaon sa limot ang mga pasakit na pasan nila.

Sa Tagpuan ng mga Sugatan

Lungkot, sakit, at panghihinayang ang unang naramdaman ni Mary, hindi niya tunay na pangalan, pagkatapos ng paghihiwalay nila ng kanyang ex, halos dalawang taon na ang nakalilipas. Dulot ng labis na paninibago, dumating ang mga pagkakataon kung saan napapaiyak na lang siya sa pighating nadarama, at natutulala sa tuwing naaalala ang pait ng nakaraan. Ayon din kay Mary, halos hindi na siya makakain at makatulog nang maayos noong mga panahong iyon. “Nahirapan akong magpatuloy sa pang-araw-araw ko na buhay dahil sa ilang taon ay may parte sa sarili ko na naging dependent sa kanya,” wika niya. Nasanay raw siyang may kasangga sa bawat laban sa buhay, at dahil tumagal ng tatlong taon ang kanilang pagsasama, mas nahirapan siyang malagpasan ang sakit na dala ng kanilangGayunpaman,hiwalayan. hindi nag-iisa si Mary sa kanyang mapait na karanasan. Lumuluhang mga mata at mga gabing puno ng pagpupuyat din ang napagdaanan ni Lara. Nanghina rin daw siya noong hiniwalayan siya ng kanyang ex-boyfriend, mag-iisang taon na ang nakalilipas. “Hindi ako masyadong makatulog, at palaging lumuluha ang aking mga mata. Sobrang hina rin ng aking katawan na para bang nananamlay,” wika niya. Para naman kay Pearl, hindi niya rin tunay na pangalan, tatlong uri ng heartbreak ang kanyang naranasan sa loob lamang ng lima hanggang anim na buwan. Marami ang nawala sa kanyang buhay noong taong 2021, kagaya ng paghihiwalay nila ng kanyang ex, pagkawala ng ibang mga kaibigan, at maging pagpanaw ng mahahalagang tao sa buhay niya. “Nawala ko ang aking sarili matapos din mawala ang maraming tao sa buhay ko,” ani Pearl. Ibinalik niya sa kanyang sarili ang sakit na kanyang naramdaman at nilayuan ang lahat ng damdaming nakakubli sa kanyang puso. “Sinimulan kong saktan ang sarili ko at gumawa ng iba pang bagay para lang ma-distract ko ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko sa loob,” dagdag niya. Naligaw din siya sa buhay at tila nawalan ng patutunguhan, katulad ng karanasan ni Jacob, hindi niya rin tunay na pangalan. Pagkatapos ng paghihiwalay nila ng kanyang kasintahan bago pa man ang pandemya, hindi lamang siya nawalan ng sinisinta, kundi nawala rin niya ang kanyang buong pagkatao. Nakiusap siya para sa isa pang pagkakataon, ngunit tinanggihan siya dahil pagod na raw ang kanyang iniirog at gusto nitong makipagkita sa iba. Tila nadurog at kinuha ang puso ni Jacob mula sa sarili niyang dibdib noong mga panahong iyon. Napilitan siyang libangin ang kanyang sarili para unti-unting kalimutan ang mga emosyong nadama niya. “Nakipagusap ako sa ibang tao para libangin ang sarili ko,” aniya. Para naman kay Dice, pinagdudahan niya ang kanyang sarili pagkatapos ng heartbreak na naranasan niya kamakailan lang. Lingid din sa kanyang kaalaman kung ano ang dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang ex. “Pagdududahan mo ang sarili mo dahil dito. Talagang magugulumihanan at manlulumo ka kung hindi mo alam ang dahilan ng hiwalayan,” pahayag niya.

Dumurugong mga Sugat

Isang paglalakbay ang pagpapagaling sa mga sugat ng nakaraan. Walang sinuman ang agad na gumagaling mula sa sakit, at wala ring sugat na humihilom habang dumurugo pa ito. Ngunit, gaano man kapait at kasakit ang alaala ng nakaraan, kalaunan ay mapapawi ang hapdi na dulot nito sa paglipas ng panahon. Tatahiin ng oras ang mga pusong nabutas hanggang sa matagpuan nila muli ang kanilang sarili sa susunod na habang buhay.

Pagsara’t Paghilom

hindi na raw gaanong mahapdi para kay Mary ang mga sugat niyang unti-unti nang humihilom. Pinaaalalahanan siya ng mga pasakit na ito na malayo na ang kanyang narating mula sa lugmok na pinaggalingan niya. “Minsan kasi hindi tayo makakaahon nang tuluyan kapag minamadali natin ang lahat para sa sarili natin,” pahayag niya. “May mga bagay na matagal ang proseso ngunit sulit ang resulta sa dulo, tulad na lamang ng proseso ng pag-una at pagmamahal natin sa ating sarili.”

Gayunman, naging tulay ang masasakit na karanasan nilang lima upang piliin muli nila ang kanilang mga sarili. Sa kabila ng pighati at lumbay na kanilang napagdaanan, mas pinili nilang umabante at subukang magpatuloy sa agos ng buhay sa sarili nilang mga “Ngunitparaan.totoongang walang constant sa buhay nating mga tao. Natapos ang aming ugnayan kaya’t dapat na tumayo ako sa aking sariling mga paa nang mag-isa,” wika ni Mary. Ginawa niya itong pagkakataon upang pagbutihin ang kanyang sarili at kalaunan ay nagsimula na nga ang paghilom ng sugat ng kanyang kahapon. “Ginawa ko ang lahat ng bagay na makakapagpasaya sa akin,” sabi ni Mary. “Nagbasa ako ng mga libro, natuto ng bagong hobby, nagsulat hanggang mapagod at maubos ang iniisip, natuto ng bagong sport, at sinubukan kong i-acknowledge ang bawat emosyon na naramdaman ko.” Hindi nagtagal, nalagpasan niya ang pagsubok na dala ng kanyang heartbreak. Ang paglapit naman sa Panginoon ang naging susi sa paghilom ng mga sugat ni Pearl. Una niyang hinanap muli ang kanyang kaligayahan, kapayapaan, ang kanyang sarili, at ang tunay niyang pagkatao sa sarili niyang paraan, pero nabigo siya. Nagsimula lamang ang paglalakbay niya tungo sa paggaling nung lumapit siya sa biyaya ng Maykapal. “Sa pamamagitan niya, natagpuan ko ang tunay na kaligayahan at Hindi na ako ang nabubuhay kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin,” saad ni Pearl. Pagtanggap naman sa nakaraan ang ginawa ni Jacob. Bagaman sinubukan niyang makipag-usap sa ibang tao, hindi naglaon ay unti-unti niyang tinanggap ang nakaraang hindi na mababago. “Hindi nagtagal, hinarap ko ang aking sarili at tinanggap ang katotohanang hindi na siya babalik,” pahayag niya. Para naman kina Lara at Dice, pinalibutan nila ang kanilang sarili ng mga taong mahalaga sa kanilang buhay. Sa tulong ng kanilang mga mahal sa buhay, unti-unti nilang pinahahalagahan ang kanilang sarili at nang tuluyan nilang mabaon sa kahapon ang masasaklap nilang karanasan sa pag-ibig. “Sinubukan kong tanggapin ang aking hitsura at nararamdaman sa tulong ng mga taong mahalaga sa akin,” wika ni Dice.

Para naman kina Jacob at Dice, nangangamba pa rin sila paminsanminsan. Kahit naka-move on na raw si Jacob mula sa kanyang ex, may mga pagkakataon pa rin kung saan naaalala niya siya at iniisip kung ano kaya ang kanilang kahihinatnan ngayon kung hindi sila naghiwalay. Kaunting tinik sa dibdib din ang nadarama ni Dice sa tuwing mababanggit o maririnig niya ang pangalan ng kanyang lumisang sinta. “Apektado pa rin ako sa tuwing nakikita o naririnig ko ang pangalan niya, isang munting sakit sa dibdib sa tuwing nababanggit siya.” wika niya. Payapang nakabaon sa limot naman daw para kay Lara ang nakaraan nila ng kanyang ex—nabura na ang pangalan niya sa pamagat ng aklat ng kanyang buhay. “Sa ngayon, payapa na ang nakaraan naming dalawa dahil hindi na ako masyadong apektado sa tuwing naiisip ko siya,” pahayag ni Lara. Sa lawak nitong mundo, walang sinuman ang mag-aakalang may mga tao palang magkapareho ng karanasan—na may mga tao ring may sugat na patuloy pang humihilom. Ngunit, gaano man kapait at kasakit ang alaala ng nakaraan, kalaunan ay mapapawi ang hapdi na dulotBilinnito. nga nilang lima, masakit mang tanggapin ang katotohanan, kinakailangan pa ring gawin ito. Huwag itong takasan, at sa halip ay damhin ang bawat emosyong paparating hanggang sa mapagtagumpayan mo ang paglalakbay tungo sa pagmamahal muli sa iyong sarili. Magtiwala lamang sa proseso at paglipas ng panahon dahil makakayanan ang lahat ng ito kahit pa nahihirapan.

Naiwan man sa mga pahina ng nakaraan ang pait at lumbay na kanilang napagdaanan, nananatili pa rin sa kanilang mga damdamin ang alaala at sugat ng kahapon. Nalagpasan man nila ang kasukdulan ng kasawian, para sa karamihan sa kanila, nasa proseso pa rin ng paghilom ang mga nalalabing sugat sa kanilang“Maypuso.mga sugat na gumaling na pero may natitira pang mga sugat na nasa proseso pa rin ng paghilom,” sabi ni Pearl. “Hindi isang madaling proseso ang paggaling. Ito ay isang panghabambuhay na proseso lalo na kung ito ay tumatalakay sa emosyonal at espirituwal na mga sugat. Pero sa ngayon, mananatili akong mapagkumbaba at matiyaga habang nagpapagaling pa at magiging bukas din ako sa anumang aral na mapupulot ko dahil alam kong may matututuhan ako sa prosesongGayundin,ito.”

Mga Peklat ng Kahapon 71Litrato mula sa Manila Bulletin

72 Litrato mula sa Official Music Video ng Ben&Ben | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

73Isinulat ni Hannah Grace Abalos | Mga guhit mula sa Flaticon

74 Sining ni Carla Mae Tating

Pinangakong Katiyakan

K adalasan, ang ating mga sarili na abala sa mga bagay na nagpapahinahon sa ating mga puso ay masusumpungan natin. Dahil sa kakayahan nating magdama, tiyak na nahahanap natin ang pag-ibig sa mga bagay na nagbibigay saysay sa buhay. Ang tawag ng nakararami dito ay ‘passion’ o ang silakbo ng damdamin; ang nagpasisiklab ng apoy sa ating mga ninanais; mga bagay na karapat-dapat bigyan ng panahon. Mapa-libangan man ito, kinahihiligan, o kahit ano na nagpapakalma sa ating isipan; sa tuwing nakakasalamuha natin ito, hindi namamalagi ang oras at tila balakid ito sa ingay ng mundo. Hinahayaan nating anurin tayo ng isang karagatang sagana sa emosyon, dahil ito ay isang pagkakataon upang huminga at mabuhay lamang. Habang tayo ay tumatanda, maaaring makita natin ang ating sarili na nakikipagsapalaran sa isang hindi pamilyar na landas — landas na naiiba sa kung ano ang minsan nating pinangarap. Maaaring ito ay dahil sa mga responsibilidad na kailangan nating gampanan, o dahil nawalan tayo ng sigla sa paggawa ng mga bagay na nagdulot sa atin ng matinding damdamin noon. Sa buhay, may mga pangyayari kung saan mapipilitan tayong talikuran ang mga pangarap na nagpapatibok ng ating puso, upang makamit ang mga praktikal na layunin. Magkakaroon ng mga mapaghamong desisyon na dapat pagpasyahan, at kinakailangang harapin ang mga nakakapagod na laban kung saan maaari tayong madapa. Sa kabila nito, hindi dapat natin kalimutan na sa atin ay may naghihintay—isang bagay na laging nariyan, nakaukit sa ating mga puso. Lagi nating alalahanin na may kaginhawaan sa mga bagay na minsa’y nagbura ng ating pagkabalisa.

Isinulat ni Julia Marie Acosta

75

Ito man ay nasa anyo ng mga taospusong tula, ngunit nakatago sa isang lumang kuwaderno. Maaaring isa rin itong kalahating tapos na sining ng isang masigasig na pintor. Lahat tayo ay may iba’t ibang anyo ng ‘passion’ na ating tinatangkilik, at lahat tayo ay may iba’t ibang kahulugan kung ano ang halaga nito sa atin. Bilang mga tao, may mga nakatakdang responsibilidad sa atin at maaaring mawalan tayo ng oras para sa mga hilig na ito. Ngunit, itong mga bagay na mahal natin ay nauunawaan kung bakit pansamantalang hindi tayo nakikipag-ugnayan sa kanila. Dahil minsan, noong bata pa tayo at tila naguguluhan sa mundo, alam ng silakbo ng ating damdamin kung ano ang tunay na minimithi ng ating mga puso. Samakatuwid, sa kabila ng mga ganap sa buhay, tandaan na nakatira sa ating puso ang mga bagay na minamahal natin. Sa darating na mga panahon, maaaring may kaluwalhatian at pagkatalo, at baka balutin tayo ng mga hamon, ngunit ang paghahanap ng oras para sa mga bagay na ating iniibig ay patuloy na nagbibigay ng sigasig at buhay.

76 Isinulat ni Hannah Grace Abalos | Kuha ni Reiben Jay Denaga

Goodreads

Isang gabi, sa gitna ng malakas na ulan, nakasalamuha ni Stella si Von, kung saan siya ay tinulungan nito sa pagbibigay ng matutuluyan. Hindi inaasahang ang tulad ni Stella, isang makasarili at manggagamit para sa kanyang sariling kapakanan, ay mapapamahal sa tulad ni Von na ang tanging maibibigay lamang ay pagmamahal at kasiyahan. Isang taong tiyak na pipiliin siya arawaraw. Masakit man para kay Fidel na hindi siya ang pinili sa kabila ng buong pusong pagsisikap na mabuo ang sandaang tula, sa huli’y ito’y kanyang tinanggap at hinayaang manaig ang pag-ibig at tadhana.

77Isinulat

Kung tutuusin, ang pelikulang ito ay hindi lamang nagsisilbing aliw sa mga manonood, ngunit ito ay naghatid ng mga aral upang maintindihan pa lalo nating lahat ang salitang pag-ibig. May mga bagay na kinakailangang bigyang halaga at mga bagay na dapat tanggapin, sang-ayon man sa atin o hindi. Ang pag-ibig ay isang paglalakbay tungo sa ating tadhana upang hanapin at piliin ang karapat-dapat ng ating pagmamahal. Hindi batayan ang mukha, pera, o anumang bagay para ibigin ang isang tao. Bagkus dapat ito’y nakabase kung paano ka niya aalagaan, mamahalin, at pipiliin sa araw-araw. Sa pagwawakas ng kwento ng ‘100 Tula Para kay Stella,’ hindi inaasahan ng lahat na sa simple at mapagmahal na tao tulad ni Von, ay matatagpuan niya ang kanyang ‘Mahiwaga.’ Ang pagmamahal ay isang sagradong bagay. Sa mundong puno ng mga salitang “Mamahalin kita araw-araw,” ugaliin sana nating sambitin ang mga katagang“ Pipiliin kita araw-araw.” Ang pagmamahal ay puno ng saya’t kaligayan, at kasabay nito ang mga unos na kailangang labanan. Madali ang umibig, ngunit mahirap ang manatiling umiibig. Ang pag-ibig ay hindi lamang dinaramdam, bagkus ito’y pinipili. Rebyu ng Pelikula ni Martin Hggoriles | Guhit mula sa

Sa rami ng mga pelikulang Pilipino na ating napanood, mula pagkabata hanggang sa pagtanda, nasanay na tayo na puro pagmamahalan, kataksilan, o di kaya’y mga nawawalang anak o ampon ang nilalaman ng mga kwentong ito. Paulit-ulit na lamang, na minsa’y nakakadismaya at napipilitan na lang tayong manood ng mga pelikulang banyaga. Gayunpaman, mayroon talagang iilan sa mga gawang Pinoy ang maari nating isaalang-alang o matuturing bilang isang obra maestra — ang pelikulang ‘100 Tula Para Kay Stella’ na hindi lang nagpapakilig at nagpaiyak, kundi nagpapabatid din ng mga aral tungkol sa pag-ibig at buhay. Tampok sa makabagbag-damdaming pelikulang ito ay sina Stella at Fidel, na mula sa hindi magkakilala hanggang kalaunan ay naging magkaibigan sa kanilang unang tagpo. Sa unang sulyap sa kanyang mga mata, tila mabilis na nahulog ang damdamin niya para kay Stella. Sa bawat araw na sila ay magkasama, ginagawan niya ito ng mga tula upang ipahayag ang kanyang nararamdaman sa kanya habang naghihintay ng panahon upang magkaroon siya ng kumpyansa at ibigay ang mga ito. Sa paglipas ng mga araw, ang kanilang naging masayang pagsasama, ay tila naglaho na parang bula. Iniwan ni Stella ang kanyang pag-aaral at pinagtuunan ng pansin ang kanyang pangarap bilang isang mang-aawit. Bagkus siya’y nabigo sa kabila ng pagbuhos ng kaniyang lakas, pagbigay ng lahat ng kaniyang makakaya, at pananamantala sa mga taong kakilala na malapit sa industriya. Sa kabilang banda, sa pagtungtong ng kolehiyo ni Fidel, pinasok niya ang larangan ng musika, partikular ang pagkanta sa kabila ng kapansanan na kalauna’y nagbigay oportunidad sa kanya bilang isang sikat na mang-aawit.

Tila gumuho na parang lumang gusali ang buhay ni Stella at para bang walang patutunguhan pa ang kanyang pangarap, kung saan napilitan siyang lumayas at magpalaboy-laboy kung saan-saan. Hindi nagtagal, nakipagkita siya muli sa kanyang matalik na kaibigang si Fidel at isiniwalat ang kanyang pinagdaanang problema. Lubos na ipinaramdam ni Fidel na handa siyang maging sandigan at tumulong sa babaeng minamahal. Simula noon, tuluyang bumalik din ang nakaraang pagsasama ng dalawa kung saan ipinakita ni Fidel kung gaano niya kamahal si Stella, at napagtantong ipagpatuloy ang mga tulang alay sa kanya. Subalit, matapos ang kanilang masayang sandali, biglang umalis ng mag-isa si Stella na hindi alam kung saan pupunta dahil labag sa kalooban niyang gamitin ang kanyang matalik na kaibigan sa kanyang sariling interes.

78 Litrato mula sa Official Music Video ng Ben&Ben | Sining ni Edrian Kyle Verzosa

Pinatay ng kapwa ko Pilipino ang pangarap na matagal ko nang pinanghahawakan.

Hindi ito ang iyong tipikal na akda na sasagot sa inyong mga katanungan. Hindi ako maglalahad ng mga patunay mula sa mga bayaran at selektibong pinagmumulan ng huwad na katotohanan. Ngunit ang akdang ito ay palaging magtatanong sa’yo ng tanong na, “Paano na?”

Kung tunay tayong malaya, bakit hindi natin masagot ang mga tanong na ito. At bakit nananatiling buhay ang mga tanong na ito. Hindi tayo malaya. Mahaba lang tanikala.

Paano na ang aking mga kaibigan sa sakahan? Doon na lang ba sila palagi? Araw-gabi silang nag-aararo. Habang buhay na lang ba nilang lalakbayin ang pilapil. Walang tayuan simula sa unang oras ng araw, patungo sa bukang-liwayway. Ngunit katiting lamang ang natatanggap at inaalipusta pa’t sinasabihan na, “tamad kaya hindi umaangat sa buhay,” o “kaya lang naman sila mayaman kasi laki sa nakaw.”

Paano na ang aking mga guro? Kung ang kanilang itinuturo sa mga bugwit kong kapatid ay mga naratibong minanipula ng mga matataas na uri. Paano na kung ang kanilang nalalaman ay puro na lang kasinungalan na pabor sa kanila?

Paano na? Isinulat ni Flytzyl Philip Kyentchie Mejia | Litrato mula sa ForeignPolicy

Paano na ang mga kaibigan kong aktibista? Maiinit ang mata ng mga pasistang ito sa kanila. Minsan nakausap ko sila at naramdaman kong tunay silang pag-asa ng bayan, ‘di ko mawari ang karahasan na kanilang nararanasan.

Bakit ganito na lang kadali na kalimutan ang madilim na kasaysayan? Paano na ako magiging abogado kung ang lipunang tinitirhan ko ay pumatay ng mahigit 63 na abogado sa loob lamang ng buong rehimen ni Duterte. Kung kasama sa iba pang manunulat ang katawan ng aking kaibigan na nakahandusay, at walang laban na hawak ng mga pyudal na pulis at tila ginawang tropeo upang makakuha ng mataas na posisyon. Sa pagbabalik ng pamilyang Marcos, paano na tayo?

Paano na ang kinabukasan ng tatlong batang pulubi na binibigyan ko ng biskwit? Mananatili na ba silang gutom? Gutom na nga ang sikmura, uhaw pa sa karunungan.

79

“Pangarap ko maging isang abogado.” Iyan ang minsang binitawan kong mga kataga sa aking matalik na kaibigan, gayong alam din niya na nais kong maging isang mamamahayag. Ngunit minsan naiisip ko kung matutupad ko ba itong mga pangarap, kung ako’y nasa isang lipunang ‘kontradiksyon’ ang pangalan, kung ako’y naninirahan sa isang lipunang hindi malaya.

Nandilim ang aking mundo at nagunaw ang aking mga pangarap, ika-9 ng Mayo 2022 araw ng halalan. Muling ibinalik ng aking kapwa Pilipino ang pamilyang matagal ng iniluwa ng bayan.

Paano na ang mga kaklase kong pangarap ang maging siyentista, kung nagbibingihan lang naman sila sa suliraning pangkapaligiran?

Paano na ang mga kaibigan kong bakla at ako mismo na bakla, kung mananatili ang patriyarkal na kaisipan at gawi sa lipunan? Kung buhay pa rin ang matagal na pilit na pinatay heteronormative na kaisipan.

Paglalakbay tungo sa Tadhana 80 Guhit ni Carla Mae Tating

Sa pagkawala ng tunay nating sarili sa gitna ng mga hamon na ating nakasagupa sa paglalakbay na ito, isang bagay lamang ang ating tinatanong: “Paano ba natin matatagpuan ang tunay at dating sarili natin?” Upang mahanap ang nawawalang sarili, kinakailangang magbalik tanaw kung sino ba talaga tayo noon. Ang dati, subalit hindi na susunod sa mga kagustuhan ng iba, upang ituring kabilang nila. Sa lahat ng kamalian na ating nagawa, nararapat lamang na ituwid ito at tayo’y makuntento kung sino ang tunay na tayo. Isa sa mga importanteng bagay na dapat nating gawin sa ating buhay ay tanggapin ang ating tunay na sarili. Sa mukha man o sa pamumuhay, dapat nating ipagmalaki ang mga bagay na nagdulot sa kung ano tayo. Kahit na hindi man natin matapatan ang iba, ang mahalaga ay tayo’y kuntento sa mga bagay na ipinagkaloob sa atin. Huwag sana nating ibahin ang ating pagkatao at huwag magpaapekto sa mga sinasabi ng iba, sapagkat sa huli, ang tanging mayroon tayo na naiiba sa lahat ay tayo — ang kabuuan nating pagkatao. Isinulat ni Martin Hagoriles

81

Sa pagdaan ng mga araw, iba’t ibang hamon ang ating kinakaharap, dala ang ating sarili sa bawat oras at sandali sa paglalakbay ng ating buhay. Sa bawat pagsubok, parang napipilitan tayong baguhin ang sarili natin na minsan hindi natin namamalayan kung sino na ba talaga tayo. Nawawala, at patuloy na hinahanap ang tunay na sarili sa gitna ng malawak, magulo, at mala-kulungang mundo sa ating isipan. Sa panahon ngayon, sa dami ng taong nakakasalamuha natin, kung saan kanya-kanya ang pananaw ng bawat isa. May iba’t ibang opinyon na minsa’y di kaaya-aya ang ating naririnig na hindi inaasahang susundin, para lamang makakuha ng balidasyon o pagsang-ayon mula sa iba. Sinisikap nating ibahin ang ating sarili para lang makita ng ibang tao na tayo ay kaisa nila kahit malayo tayo sa ating tunay na sarili. Dahilan kung bakit natin ibinababa ang ating mga sarili na tila isang preso sa ating isipan na napapalibutan ng mga batikos ng iba. Nakakulong sa maling pag-iisip na parang nawawalang paslit sa kalagitnaan ng dilim, na pilit hinahanap ang labasan na tutungo sa ating tadhana.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.