ulayaw:
hiraya manawari
Tomo V, Hunyo 2022 Ang Pampanitikang Aklat ng Berdeng Parola ay inilimbag ng mga mag-aaral ng Liceo de La Salle.
BAKAS Ang aklat na ito ay ganap na bunga at kathang-isip lamang. Ang anumang pagkakahawig sa totoong buhay ng mga ginamit na mga pangalan, karakter, at pangyayari ay hindi sinasadya sapagkat produkto lamang ito ng malikhaing imahinasyon ng mga manunulat.
Ito ay opisyal na pagmamay-ari ng Berdeng Parola at hindi maaaring kopyahin ninuman sa pamamagitan ng anumang uri ng paglilimbag para ipamahagi o ipagbili.
Pabalat Carla Mae Tating Konsepto at Disenyo Ma. Angela Baloyo Bianca Manuela Diva Cheve Grace Gaudite Edrian Kyle Verzosa Mga Tagadibuho Marvin Lim Christian Mombay Carla Mae Tating Anna Valencia Tagadisenyo Edrian Kyle Verzosa
CREDS
MGA NILALAMAN Silakbo
Dugong Bughaw Kindat Sabik Ihip ng Pag-ibig Sulyap Bakit Mali ang Magmahal Lagablab Sinagtala Talaarawan Tara Marilag Tinatangi Isa, Dalawa, Tatlo Sinta Sine at Nobela Paalam Na Banggaan ng Dalawang Sansibukob Narahuyo Hatinggabi, Ating Gabi
7 8 9 11 12 12 13 14 16 17 18 19 21 23 23 24 25 26 27
Pagsamo Kubli Galak Mga Salita Halika Na Ang Pag-ibig ay Rebolusyonaryo At Sa Wakas Antukin Hiling Madaling Araw, Ikaw, at ang 7/11 ILYSM Hayaan Mo Ako Ika-apat ng Hunyo Paruparong Manlalakbay Giliw, Tumitig Ka Paboritong Yugto Apat, Lima, Anim Disyembre Pahinga Pulang Pangako Sol at Luna Higugma Tinatangi Liham Biro Paghuhumaling Tagpuan sa Lunduyan Maskara
29 29 31 32 33 34 35 36 37 38 39 41 42 42 44 45 46 46 47 49 49 50 51 53 54 54 55
Balakid Mapanglaw Tots Pagsisisi 143
57 58 60
Alipin Mo Dehado Kwentong Naubusan ng Kabanata Tanong Ayaw Ko Na Hagkan ng Akala Sawi Taka Pano na Lang? Sandali Pluma’t Pighati Pagbitaw Tatlong Taong Pagsasama Hikbi Piring sa Mata Tugma Hinagpis Maraya Pito, Walo, Siyam Sugarol Kailan at Saan Kaibigan Panimdim
Pahimakas
Kulog Tanggap Pagtangis Pwede Ba? Sulat para sa Hinaharap Liham para sa Dalaga Alpas Alas Tres y Media Huling Liham Tila Isang Panaginip Takipsilim Sampu Lampara Pangakong Wagas May Hangganan Minsa’y Isang Bilog na Buwan Larawan ng Alaala Halos Isang Gasuklay Gusot Mahirap Kalabanin ang Bayan Tinta Tapos Na! Bakas ng Kahapon Bagong Buhay Munimuni Salamat, Paalam Ikaw ang Pahinga Ko Pusong Payapa Liham sa Aking Estranghero Abril Uno
60 61 62 63 64 65 66 67 68 68 70 72 73 75 76 79 79 80 81 82 83 84 85 87 87 88 89 90 92 93 94 95 97 97 98 99 100 101 103 103 104 104 106 107 107 108 108 109 111 112 113 115 116
PAMBUNGAD
Kalugud-lugod na pagbabasa, kaibigan Bago tayo magsimula, nais kong ilayo mo ang sarili’t isipan sa mga bagay na nakakapagpabagabag sa taganas mong puso at hayaan mo muna ang iyong sarili na pakiramdaman ang mga sariwang emosyon na kay tagal mong sinisiwata. Hangad kong ituring mo ang sining na ito bilang isang ligtas na puwang kung saan lahat ng iyong mga nais ay nababahagi’t nararamdaman. Nakalakip sa obrang ito ang mga pyesang galing sa puso’t karanasan ng mga kapwa kong makatang manunulat. Nagawa nilang ibahagi ang mga masasaya’t malulungkot na karanasan dulot ng pagmamahal. Gayunpaman, sana’y maging isang inspirasyon itong munting obra namin, para sa iyong lakbay papunta sa payak na pagmamahal. Ninanais naming nawa’y magkaroon ng koneksyon sa pagitan natin sa pamamagitan ng aming gawa, gaya ng inaasahan naming maiuugnay sa’yo, aming mahal na mambabasa. Sa likhang ito, walang paghuhusga sapagkat gaya nga ng sabi-sabi, hindi madaling gawain ang umibig. Ang ilan ay maaaring makuha ang pagmamahal na nararapat sa kanila sa isang subok lamang, at ang mailan-ilan naman ay nangangailangan pa ng ilang subok ng luha’t giting. Marahil, tulad ng lahat ng bagay, ang pag-ibig ay nangangailangan ng pasensya’t pagsisikap upang ito’y lumago at umunlad. Kung kaya’y sa samu’t-saring taong nakapalibot sa’yo, hangad naming mahanap mo sana ang iyong kaulayaw, at sabay ninyong ranasin ang tamis ng hiraya manawari. Nawa’y maranasan mo ang saya sa isang punyaging pagmamahal — mapakaibigan man, o ka ibigan.
Bianca Manuela Diva
Patnugot ng Panitikan
Silakbo I. ang pagsisimula
GUHIT NI CARLA MAE TATING
dugong bughaw ni leon alfonso
sa asul na bandila nagtagpo ang ating mga mata —malamig, maamo, mamisteryoso bagay sa mukhang pawang tinutukso hindi ko lubusang maisip na sa mga biro mong walang k’wenta ako’y unti-unting sinagip ng binatang mabenta dalawang linggo ang lumipas maraming ala-ala ‘di kukupas damdaming ‘di maintindihan sumasayaw sa malawak kong isipan tila’y hindi ako makakatakas sa rehas ng boses mong mapangahas tiyak na nakakapanibago ang bugso ng hangin sapagkat ikaw lamang ang mamahalin
07
Pasulyap-sulyap na mga mata, At pintig ng mga puso’y tumutugma. Maging ang kislap ng mga tala Ay sumasabay sa kindat ng ating tadhana. Araw-araw mas nahuhumaling Sa tamis ng iyong mga ngiting Abot hanggang buwan at mga bituin Ang liwanag at ningning. Awitin ba’y akin pang isusulat Upang ikaw ay tuluyang mamulat? O isasalaysay ko pa ba sa isang aklat, Ang pagtinging umaapaw hanggang sa dagat? Pasulyap-sulyap ang aking mga mata Sa’yong gandang ‘di maikukumpara. Kahit sa larawan ng mga prinsesa’t reyna, Sa’kin ay ikaw ang tanging diyosa. Gabi-gabi’y mas lumalalim ang damdamin; Kislap ng mga tala’y mas kapansin-pansin. Abot-tanaw sa lawak ng dilim Ang iyong liwanag at pagniningning. Kundiman ay ‘di na isusulat Pagkat tila ito’y hindi sasapat Para maipahayag nang tapat Ang pag-ibig kong sumiklab sa isang kindat.
08
Kindat ni binhi
Sabik
ni Marchioness
Sa unang sulyap Umaapaw na ngiti’y Nasilayan sa harap Parang timang Akala’y wala lang Tila naguguluhan Sa nararamdaman
Di mawaglit sa isipan Ikaw na nasaksihan Sabay tibok ng dibdib Nais kumubli sa liblib Nahihiyang ipagtapat Pusong hindi maawat Isip ay di mapakali Pagkat nagbabakasakali Sana’y may pag-asa At di na mapag-isa Kaluluwang nananabik Sa yakap mo’t halik
GUHIT NI CHRISTIAN MOMBAY
09
GUHIT NI MARVIN LIM
Ihip ng
Pag-Ibig ni Ligaya Kasabay ng malamig na simoy ng hangin, Nahagip ko ang iyong mga malalamig at mapanuring titig. Mga titig na mistulang nanibago sa aking presensya’t, Tila kinikilatis pa kung ano ang magiging parte ko sa iyong estorya. Kasabay ng patuloy na pag-ihip ng hangin, Ay siya ring pag-usbong ng isang samahan. Samahang nanganganib na maisugal dahil sa umuusbong damdamin. Mga damdaming magsisilbing paliwanag kung bakit kasama ka na sa gabi-gabing mga hiling at dalangin.
11
Sulyap ni Lito
Napahinto, napatingin
Simpleng pagkakataon lang ba o tadhana
Sa gandang ‘di akalain
Ang ating unang pagkikita?
Kabog ng dibdib
Tanging panahon ang makakapagsabi
Abot hanggang pandinig
Kung tayo’y nararapat hanggang sa huli
Bakit Mali ang
Magmahal? ni dekada otsenta
Kapara ng balangaw, ako ay kaisa-isa Na siya ring nagsisilbi sa aki’y sumpa Kapara ng subersibo ako ay karungis-dungis Na siya ring sa gabi’y aking itinatangis.
12
Lagablab
ni Ada
Taong dalawang libo’t labing walo kita nakilala Sa apat na sulok ng ating silid, ikaw ang reyna Tuwing ika’y nagsasalita, sa’yo lamang nakatuon ang aking mga mata Tila napipipi, nabibighani sa kariktan mong dala. Ngunit alam kong sa’yo ay mabibigo lamang Sapagkat ang pagmamahal kong ito’y di mabubuhos, ito’y mangangalawang lamang Mamahalin na lang kita sa malayo upang magbigay galang Dahil batid kong guro kita at ako’y estudyante mo lang.
GUHIT NI ANNA VALENCIA
13
Sinagtala ni Mariposa
Sinagip mo ako sa kadiliman Inilayo sa ligaw na kinalalagyan Pag-asa’y aking nasilayan Napunan lahat ng aking kakulangan Mga ngiting hindi ko maikubli Pagtingin sa iyo’y hindi ko maitanggi Maging ang takot at pangamba Naglaho sa pag-ibig na iyong dala Panahon na ang nagkusa Sa kinumpas ng tadhana Nakaukit na sa mga sinagtala Ang dinikta ng bathala
14
GUHIT NI CARLA MAE TATING
Talaarawan ni Asul
Nitong ika-7 ng araw ng Hunyo, ako’y tila nabuhayan ng pag-asang makita muli ang aking giliw na minimithi sa panghabang-buhay. Isang bukod-tanging ganda ng mapusok at pambihirang dilag ang nakabihag sa tumitibok kong pagkatao. Siya ay walang katulad sa isang karaniwang babae. Sigurado ako na kung sinuman ang makakadapo ng tingin sa kanya, ay mapapatigil at malilito kung tao ba talaga o isang diwata. Ngunit sa isang sandali, napawi ang aking pagkahumaling sa pag-agos ng simoy ng hangin na nagpakurap sa aking mga mata at tuluyan siyang nawala sa aking pananaw. Ako’y lubos na nanghinayang at sinisi ang sariling kamalasan sa mga oras na iyon. Ngunit pagdating ng dapithapon, langit ay unti-unting napapalibutan na ng dilim, datapwa’t patuloy pa rin ang pagsinag ng araw habang ito’y papalubog na. Ako’y palakad-lakad sa isang hardin na puno ng mga nagpupulahang bulaklak at ang mga tinik nito’y parang ngingitngitin ka sa katalimang dala. Lubos na biniyayaan na ata ako ng Panginoon— mapungay at malumanay na tinig ang sumalubong sa akin patungo sa nagiisang puno. Nasa tapat ito ng isang malawak na damuhan at napapalibutan ng katubigan ang sumasangay sa kapaligiran. Kay gandang pagmasdan ang tanawing lingid sa kapookan. Gayunpaman, ang takbo ng aking pag-iisip ay naroon pa rin sa isang boses na nagbibigay landas sa aking paroroonan. Ngunit, tila sagwil ang aking damdamin at pandinig kung saan nanggaling ang mala-anghel na boses. Nawindang na lamang ako sa mga titig na nagmula sa kayumangging mga mata, makinis at maputing balat, nakalugay ang mahabang buhok, at nakaayos nang marangya’t rikit ang bumungad sakin. Subalit, ganon na lamang ang aking pagkadismaya ng sinalungat ito ng matipuno at halatang may-kaya ang nagdampi ng labi sa kanyang namumulang mga pisngi. Kumaripas na lamang ako ng takbo papunta sa kalabit-labit na kahoy, puno ng mga iba’t ibang hayop at ano pa nga ba ang inaasahan ko? Amo’y kaning-baboy akong nakatunganga sa kanila. Wala akong magagawa sapagkat ako’y isang lingkod ng pamamahay lamang. Sa ganun na lamang ba matatapos ang paghuhumaling ko sa kanya? O baka kapag may naipong lakas sa sarili ako’y may pag-asa pa?
16
-Alejandro B.
Tara. Ito ang sabi mo sabay pahid ng aking mga luha. Aking naalala pa, Sa tabi ng karinderya ni Aling Nora, Ang pagpatak ng ulan sa daan, Ang pagtinginan ng bawat mata, Ganito ba kabilis nagsimula ang ating istorya? Isang iglap, ako’y nabighani, Tumigil ang pag-iyak ng ulan at lumabas si bahaghari, Siguro nga’t dito nagsimula. Ang pagyanig ng aking mapayapang mundo, Ang pagsimula ng mga bakit at paano, Maaari kayang panaginip lamang ito? O ‘di kaya’y panaginip lang ba ang iyong pagkatao? Mga naramdaman ay hindi mabasa, Sadyang tuluyan nang nalunod sa iyong ganda, Ako’y tumayo at sinabi ,”Saan?” Aking kamay ay iyong hinawakan, At dito ko na nalaman Isang kwentong hindi kong inaasahan.
Tara ni Mayari
17
Marilag ni Lexi Howard Hindi ko sadyang mawari, kung paano ko sisimulan, Paghabi ng mga tugmang, iaalay sa iyo sinta, Kinakapos ang isip, kung paano isasalansan, Sa tindi ng kasiyahan ng puso, na ngayo’y nararamdaman. Sa simula noong tayo ay magkita, tayo ay magkaibigan, Ang malungkot kong mundo’y, nawala ng lamlam, Animo’y may mahika ka’t, lungkot ko’y napaparam, Iba yung sigla sa tuwina, ang aking nararamdaman. Sa pagmamahal mo ako, kumukuha ng lakas, Pag-ibig mo ang inspirasyon, sa pangarap na bukas, Sisikapin na ang buhay natin, ay magiging maaliwalas, Nang masilayan ko araw-araw, mga ngiti mong kaytimyas.
18
GUHIT NI CHRISTIAN MOMBAY
Sa pagsapit ng bukang-liwayway, Ika’y tila araw na sumisikat sa kabila ng unos. Kadiliman, kapighatian, at mga sariwang sugat— Lahat ng ito’y iyong hinihilom at tinatapos. Ikaw ang bahaghari na hatid ng mga ulan— Ang takipsilim na nagwawakas sa bawat hapon. Tanging pahinga sa mga pagsubok na dala ng hangin; Na nagpapahinahon sa aking di-mapaamong mga alon.
ni Bb. Mangangatha
Tinatangi
19
GUHIT NI MARVIN LIM
Isa, Dalawa, Tatlo ni ISKAs Isang nakaw na tingin ay tuluyang nauwi sa titigan Hindi maipinta ang gulat nang ako’y biglang nilapitan ‘sang kaway lang naman sana ngunit ako’y biglang kinamayan Pintig ng puso ay ambon na naging bagyo di kalaunan Dalawang mata mo ay nilunod ako sa kayumanggian Kaginhawaan sa sinag ng iyong mga ngiti ay nasilayan Nakipagkilala ka sakin at tayo’y nagkamabutihan Hanggang sa naglakas loob kang magtapat ng nararamdaman Tatlong salitang noon pa man ay hirap nang paniwalaan Ngunit ang manggaling ‘to sa’yo tila ako’y naliwanagan Ang maramdaman ito’y talaga namang ‘di pangkaraniwan Sa unang pagkakataon, ako’y may hinangaan ng lubusan
21
GUHIT NI ANNA VALENCIA
Sinta ni Klara
Sa mundong puno ng walang
Nang dumating ka
kasiguraduhan
Paligid ay nag-iba
Ika’y aking natagpuan
Ang aking puso ay labis natuwa
Parang sadya ng tadhana
Dahil nandiyan ka,
Na tayo ay magkita
aking sinta
Sine at Nobela ni Fernando Kalmado
Ang puso ko’y nagagalak kapag nakita kita sa daan. Akala ko ang ganitong pakiramdam ay mararanasan lang sa sine O sa mga librong nobela na nababasa ko sa wattpad Bakit parang naging totoo? Nananaginip ba ako? Hay! Pag-ibig nga naman Isang bagay na hindi mapipigilan Kapag dumating na ang tamang tao para sayo Tiyak na bibilis ang tibok ng iyong puso
23
Paalam Na ni Piaya
GUHIT NI CHRISTIAN MOMBAY
Aking kaibigan, wala kang alam kung gaano ko kagusto na ika’y mapasaakin, Hindi mo nakikita iyon sapagkat isang matalik na kaibigan lamang ang turing mo sa akin. Noong ating unang pagkikita, ako’y nabighani kaagad, Sa iyong taglay na ganda, mga prinsipyo sa buhay at kaalaman; Ngunit alam kong walang pag-asa kung susubukan man, Kaya, paalam sa aking umaapaw na damdamin para sayo at aking pinapanaad, Lahat ng aking binitawang pangako sa sarili para sayo’y matutupad, At isa na roon ay ang manatili bilang iyong kaibigan at hindi isang ka ibigan, Ang kagustuhang umamin ay pinipigilan, Damdaming ibaon na dapat sa limot at hindi na kailangan pang-ilantad. Huwag mag-alala dahil palagi akong narito sa tabi mo, Aking tinatanggap nang paunti-unti na hanggang dito na lang talaga tayo; Paalam...sa aking hindi nasukliang nararamdaman.
24
Sa panahong labis ang pagkasabik sa pagmamahal at saya Ang pagkakasabik ng mangingibig sa matatamis na salita Sabik na sabik sa paghahaplos mula sa nagmamahal Pagtawag sa mga santo - pagmamakaawang dasal Unang pagsagi ng mga kamay na bagama’y para sa isa’t-isa Rason sa pisngeng biglaang namumula-mula Ang dalangin ng mangingibig ay dininig at nagkalapat nga sa kasinta Kuwento ng pag-ibig, sa unang sagi nagmumula Kadalasa’y napapaibig sa unang pagkikita Ngunit imbes na ang mga mata ang magtititigan Ang malalambot na kamay ang nagkasanggian Tila nakakawala ng kakayahang magsalita Napagtanto ng mangingibig na kailangan niyang kumilos Baka sa simula pa lang ay biglaang magtapos Nilakasan ang loob - pangalan at numero’y hiningi Sobra-sobra ang saya noong siya’y nakauwi Ang pagkakasagi ng mga kamay ay parang kuryenteng dumdaloy sa katawan Kaya hindi imposible na ang dalawang sansinukob ay maaaring magkabanggaan
Banggaan ng Dalawang Sansinukob ni Bubbles
25
Narahuyo ni Paraluman
Parang nakakulong ako sa madilim na selda Palaging nakapikit ayaw idilat ang mata Punong-puno ng poot nilimot na ang saya Walang pagmamahal na nadarama Ngunit nagbago ang lahat ng ika’y nakilala Parang Anghel, liwanag ang iyong dala Nalilumutan ko ang lahat ‘pag ikaw ang kasama Nagdadasal kay Bathala na sana’y manatili ka Sa isang iglap lahat ay biglang nagbago Binigyan mo ng kulay ang buhay ko Hindi inakalang mapapamahal ng ganito Ikaw ang pahinga sa mundong magulo Habang pinagmasdan kita sa harap ko Hindi maikailang magduda baka panaginip lang ‘to Nangangamba baka ikay biglang maglaho Ngayon lang nakaramdam ng pag ibig na totoo
26
sa gabing kay dilim ngunit liwanag ay di halos maatim ito ba’y nagmumula sa mga bituin o sa mga ngiting tinatagong palihim mga alaala ng bawat pagsulyap masilayan ka lamang ay para nang nasa ulap bawat paglingon, bawat pagkisap ikaw ang laging hinahanap-hanap pagsapit ng gabi’y tahimik malayo sa mga balakid napuno ng mga pag-aming dati’y binubulong lang sa hangin sa gabing lahat ay nahihimbing bakit pa ba magsisinungaling payapa, sa duyan ng mga tala ikaw ang inaasam na hiwaga
hatinggabi, ating gabi ni lirio blanco
27
Pagsamo II. mga bulaklak, liham, at harana
GUHIT NI CARLA MAE TATING
Kubli ni ISKAs
Mga pagsamo niya sa aking tainga ay tuwirang naririnig ng puso Kasabay ng paghaplos ng kamay niya ay ang pagtaas din ng balahibo Magiliw na pagdampi ng halik sa labi ay dama ng kaluluwa ko At sa maalwan na mga yakap niya ay doon ko na lamang napagtanto Bigat ng pagkubli’y natanggal, piniling magmahal at magpakatotoo
Galak ni Marchioness
Sa bawat araw na ika’y kasama Galak at tuwa, aking nadarama O kay sayang isipin Napasakin ka man din Ngayong ika’y kapiling Bawat sandali’y di palalampasin Puso ay gising na gising Pag-ibig na wagas ay damhin
29
GUHIT NI MARVIN LIM
Mga Salita
ni Bb. Mangangatha
Sa pagpapalitan pa lamang natin ng mga titig, Papel at panulat ang aking sinunggaban. Napagtanto ko na kung paano ipahiwatig Ang aking malumanay na pag-ibig. Ang pagsusulat sayo ay naging nakagawian— Ito’y naging pahinga sa paglipas ng mga oras. Natagpuan ko ang ‘di mahanap na kapayapaan Sa mga linya at salitang may nakatagong kahulugan. Lahat ng mga salita ko’y para sayo— Nakalatag sa isang malawak na puting espasyo. Umiibig sa pagsusulat ng mga makabuluhang salita; At iniibig ang kanilang nag-iisang paksa.
31
Halika Na ni binhi Tanging ngiti mo lang Ang nagbibigay buhay sa’kin Sa tuwing naliligaw at nababalisa. Tanging halik mo lang Ang nagpapatamis ng mga sandaling Puno ng pait at pighati. Mangako na tayo sa isa’t isa Na kahit sa katapusa’y tayo pa rin. O sinta, halika na’t sumama. Halika’t tumakas tayo, At iwanan na ang lahat. Halina’t magpakasaya tayo Kahit mawala sa atin ang lahat. Halimuyak mo ang nagpapaalala Na ikaw ang dilag Na ipinagkaloob ng Diyos. Sa titig at tawa mo, labi’t mga mata mo, Nagising ang damdaming nakakubli. O sinta, halika na tungo sa’ting tadhana. Halika’t tumakas tayo, At iwanan na ang lahat. Halina’t magpakasaya tayo Kahit mawala sa atin ang lahat.
32
Halika’t maghalakhakan tayo Na parang wala nang bukas. Halika’t isayaw mo’ko Hanggang magtagpo ang buwan at araw.
Siya ay tibak, aktibista, artista ng bayan, Laging nakataas ang kamao handang lumaban. Nagseserbisyo sa masa. Kahanay ang mga ulirang aktibista. Pumapakat, Pumapaot. Ang kailaliman ng buwan ay pilit na inaabot. Nilalakbay ang kaputikan, nadudumihan ang paa, Pero hindi niya ito inda. Makikibaka kahit anong oras, Agit na agit tila Agilang sabik pumiglas. Hawak niya’y karit at pluma, Handang maningil, sa kalye’y magmamartsa. Natutunaw ako pag siya’y nagsasalita, Musika ang naririnig ng aking tainga. Musika kahit na “Marcos Diktador” ang isinisigaw niya. Musika kahit sigaw niya ay “SOGIE BILL NA!” Ang pag-ibig ay matapang, At para sa matatapang. Ang pag-ibig ay rebolusyonaryo, Kailangan mong isulong at ilaban ito. Aktibista siya, At mahal ko siya. Rebolusyonaryo siya, Mas minamahal ko pa siya.
Ang Pag-ibig ay
Rebolusyonaryo. ni Juan Pesante
33
At Sa Wakas ni Piaya Mga alaala ng kahapon ay binalikan, Iyong pag-ibig ay nais muling maramdaman; Sarili ay gustong tanungin ka, “Kailan pa ba ako magiging sapat?”, Subali’t alam ng puso’t isipan hanggang doon na lamang ang lahat. Sana aking panalangin ay dinggin, Na aking pagmamahal sa iyo’y mawakasan; O kay hirap man gawin, Gayunpaman, sarili ko’y kailangan nang ligtasin sa pait ng nakaraan.
GUHIT NI CHRISTIAN MOMBAY
34
pagsapit ng gabi’y nais kong higpitan ang mga kamay sa tumatakbong orasan ‘pagkat sa iyong mga bisig nakatagpo ng himbing damdaming pagmamahal lamang ang hiling mga matang nasanay na sa luha nakatagpo ng pahingang sa’yo nagmumula at sa bawat pag-uwi’y sa’yo ang punta mahiwaga, ikaw ang aking pahinga bagkus lumagi’y maaari ba kahit nagpaalam na ang buwan at mga tala maaari bang dito ka na ngayon, bukas, at sa mga susunod pang mga umaga
Antukin ni lirio blanco
35
Hiling ni binhi
Saksi ang langit Sa sumpang sinambit Ng dalawang kaluluwa Na pinag-isang dibdib Totoo ba? Na tayo na? Walang halong biro Pag-ibig na puro Araw gabi’y nananaginip Di ka mabura sa isip Sana’y wag na magising Basta’t ika’y kapiling O kay sarap damhin Di ko man sabihin Nang ika’y napasakin Sagot sa panalangin Sana’y di maglaho Ang pag-ibig natin Mundo ko’y guguho Pag ika’y lumayo sa ‘kin
36
madaling araw, ikaw, at ang 7/11 ni lirio blanco
may ililiwanag pa ba ang mga bituin?
nawa’y sana matakpan ang mga ngiti kong palihim sa ganda ng iyong mukha, paumanhin at di ko maiwasang mapansin damdaming nagwawala, natutunaw sa’yong mga tingin pasensya ka na sa mga kamay kong pawisin sa lalim ng gabi ako’y sadyang matatakutin ngunit pagdating sa’yo’y kaya ko ‘tong indahin makasama ka lang, kahit saang lupalop pa ‘ko dalhin
GUHIT NI ANNA VALENCIA
37
ilysm ni Bubbles
Ikaw. Hindi ko alam kung ano nga ba ang mayroon ka at kung bakit ikaw ang aking napili. Sa dami-dami ng iyong katangian, hindi ako makapili ngunit tiyak na ikaw lamang ang aking pipiliin. Walang araw na hindi ikaw ang tumatakbo sa isipan ko’t pinipintig ng aking puso. Palagi man ako nagtataka ngunit pagdating sa’yo, ako’y siguradong-sigurado. Walang pagtataka sa mga panahong may tumatanong kung sino ang nag mamayari ng puso ko, walang ibang sagot kundi, ikaw. Ikaw at ikaw lamang. Liham. Nagsimula lamang sa liham na una mong ipinadala. Hindi pa nga ikaw ang nagbigay ngunit iniabot lamang ng iyong mabuting kaibigan. Sobrang saya ang aking nadama noong nalaman ko na ang sulat na iyon ay nagmumula sa’yo. Lahat ng mga salita’y nakatatak sa aking isipan at hindi na maalis-alis. Unang pagkita ko pa lamang sa’yo ako’y nabihag na, kaya sa sulat mong pag-amin ng iyong nadarama patungo sakin ay kulang ang salitang ‘tuwa’ sa paglalarawan ng aking nadama. Yakap. Unang yakap mong sobrang higpit. Unang araw na tayo’y nagtagpo harap-harapan. Malayo ka pa ay tanaw na tanaw na kita. ‘Di ko namamalayan na ako pala’y patungo na sa’yo. Hindi ko alam paano iyong ilalarawan na para bang mayroong magneto na nagtutulak sakin kung saan ka nakatayo. Nakikiliti ang aking sikmura sa kilig. Ikaw lamang ang nagpaparamdam ng yakap na kumukuha ng sakit at kadalamhatiang dulot ng buhay. Salamat. Sobrang liwanag ng buhay ko noong dumating ka. Ikaw lamang ang nakapagpasaya sa akin sa haba ng panahon. Hindi ko alam na sasaya pa pala ako ng ganito, ngiting aabot hanggang tainga at mga halakhak na maririnig ng mga kapitbahay. Ikaw lamang ang aking pahinga’t kasiyahan sa magulong mundong ito kaya maraming salamat at pinadama mo sakin ang ganito.
38
Mahal Kita.
hayaan mo akong mahalin ka— sasalubungin ka sa dapithapon aabutin ang iyong mga ambisyon titigan ka sa bawat segundo’t pagkakataon hayaan mo akong mahalin ka— hanggang sa mapagod ako hanggang sa manigas ang katawan ko hanggang sa pagnipis ng buhok ko hayaan mo akong mahalin ka— sa abot ng aking makakaya sa hirap at ginhawa sa lungkot at saya hayaan mo akong mahalin ka— dahil karapat-dapat ka dahil natatangi ka dahil akin ka lamang hayaan mo ako
Hayaan Mo Ako ni Leon Alfonso
39
GUHIT NI CARLA MAE TATING
Ika-apat ng Hunyo ni Asul
Hindi ko alam. Ano ang pinagmulan ng nadarama. Simula’t una, Magkaibigan lamang— ating akala. Pero paglipas ng panahon, nag-iba; Nahulog nga ba? ‘Di mo man pansin, ang aking paghumaling— piling huminhin. Ika’y nagpreno, pero hindi nahinto— Tibok ng puso. Sibol ng araw Sa iyo’y nagpalitaw— Mahal na ikaw. Dito nagmula Ika-apat ng Hunyo Pag-ibig ko sa’yo.
41
Paruparong Manlalakbay ni Bubbles Ang pakiramdam na naghahalo-halo ang kaba at saya Hindi alam kung ano nga ba ang dapat madama Sa unang kita, sa unang hawak, sa unang halik Masyado namang ginalingan, ako’y nasasabik Ang mga unang karanasan ay siyang ‘di makakalimutan Parang sirang plakang paulit-ulit sumasagi sa aking isipan Kailan ko nga ba ulit ito mararanasan? Buhay na punong-puno ng pagmamahal at kasiyahan? Datapwat mahal ko’y nasa kabilang bahagi ng karagatan Tanging natira’y mga paruparong kumikiliti sa aking tiyan
Giliw, tumitig ka ni Lito Mga kasunod na araw Na ikaw ang laging kasama Tuwa’t saya hindi maipipinta Pagmamahal na nadarama Sa tuwing kapiling ka, o aking sinta Mga salitang naging kanta Sa umaapaw na pagsuyo Ang sagot, harana para sa’yo
42
GUHIT NI MARVIN LIM
Paboritong Yugto ni Ligaya Walang makakapagsabi kung kailan at paano nagsimula Na ang buong pagkatao mo ang aking naging pahinga At ang ating estorya naman ang naging paboritong pahina. Hinalintulad mo ako sa isang buwan, Hindi mo man palaging tanaw at hindi man ako palaging buo Ako pa rin ang hanap-hanap sa gabing kapayapaan at liwanag ang gusto. At ikaw naman ang paborito kong yugto, Yugtong paulit-ulit na babasahin at iintindihin Yugtong sa puso’t-isip ay palaging mananatili Sapagkat sa libro ng buhay ikaw lamang ang yugtong namumukod-tangi. At gaya nga ng sabi ko, wala ng imposible sa pagmamahalang ito, Lahat ng ating kailangan at inaasam ay narito Liwanag, pagmamahal, mahika, at ang isa’t-isa. Sa walang tigil na pag-ikot at pagbabago ng mundo, Asahan mong babalik at babalik ako sa iyo, aking paboritong yugto.
44
Apat, Lima, Anim ni ISKAs
Apat ay isang numerong sumisimbolo ng katatagan Maihahambing sa kaligtasang taglay ng isang tahanan Ang ‘yong bisig ang naging kanlungan ng aking puso’t isipan Aking pagsamo’y ikaw, ako, tayo magpasawalang-hanggan
Limang liham na isinulat mo ay pinahahalagahan Sa mga salitang nakapaloob ay aking nasaksihan Randam ang kabantugan ng pag-irog na sakin nakalaan “Pano matutugonan?” pagtanong sa sarili’y di maiwasan
Anim, ang siyang numerong sumisimbolo ng kaginhawaan Ngunit isinasagisag din nito ang ating kahinaan Kahinaan ng tao na sa kasawiang palad nalimutan Na siya ring naging ugat ng kamalian ni Eba at Adan
GUHIT NI CHRISTIAN MOMBAY
45
Disyembre ni Ada
Disyembre noon nang una kitang masilayan kaklase rin naman kita ngunit wala tayong ugnayan ngunit sa pagkakataong yaon, iba ang aking naramdaman di mabatid kung ito ba ay may hangganan. Disyembre noon nang una kitang masilayan —kaklase kita, at tayo’y nagmamahalan.
Pahinga ni Mariposa
iyong mga mata ang nagpapawi, lumbay ay nahahawi, sa iyong mga ngiti nananabik sa iyong pisngi
46
kahit buong bahaghari pa ang masulyapan, ikaw ang kulay ng mundo sa ibang paraan aking sinta, ika’y naging pahina. Sa aking puso— ikaw lang ang nag-iisa.
“Ihaharap kita sa watawat na pula” Nanginig ako, Kinilig ako. naniwala si tanga. “Mamahalin kita kasama ang masa” Nanginig ako, Kinilig ako, Naniwala ulit si tanga. Lahat ng iyon ang kanyang pangako, Pangako ng isang rebolusyonaryo, Nakakakilig no? Pero lahat ng iyon ay napako. Inalay niya ang kanyang buhay sa bayan, Inalay para manilbihan. Manilbihan sa masa, At magserbisyo para sa kanila. Mahirap kalabanin ang Bayan.
Pulang Pangako ni Juan Pesante
47
GUHIT NI ANNA VALENCIA
Sol at Luna ni Klara
Ikaw si Sol, ako si Luna Tayo ay magkaiba Hindi nagtutugma Palaging nakadistansya
Higugma ni Paraluman
sa bilyon-bilyong tao sa mundo Lubos akong pinagpala’t ikaw ang natagpuan ko Sa lahat ng siguro sa’yo lamang sigurado Pagmamahal ko sayo’y walang duda’t tiyak na totoo Hindi ka mapapantayan ng kahit nino man Kapag naliligaw ikaw ang nagsilbing tahanan Mapalayo man sayo’y gagawa lagi ng paraan Upang makapiling ka hanggang sa walang hanggan Nagpapasalamat at narining ang dalangin kay bathala Nag dila kang anghel nung dumating ka Pinalitan mo ang malungkot kong mundo ng saya Mamahalin kita hanggang sa huling hininga
49
Tinatangi ni Lexi Howard
Buwan at bituin ang saksi ng pagmaliw sa gabi, Tadhana ay hindi hadlang sa pusong nagmimithi, Bawat bati ay hindi maalis-alis ang ngiti, Inisip na sa paghihintay, ang pagtingin ay mananatili. Maihahalintulad tayo sa araw at buwan, Ang makita ka’y sa pamamagitan lamang ng larawan, Sa ating bangka ang pagtingin ang sagwan, Hinihiling na sana ang puso ko ay hindi bitawan. Ang salitang pag-ibig ay parang harana, Sapagkat ito’y nagbibigay sa puso ng saya, Kaya naman sinta ating pagkaingatan, Na huwag mawala ng tuluyan.
50
Bago pa man sumapit ang madilaw na araw, Maganda ang aking tanaw, Mga salita na lumalabas sa aking labi, Pintig ng aking puso’y may sinasabi.
Liham
ni Lexi Howard
GUHIT NI CARLA MAE TATING
Napapangiti sa sinusulat na liham, Ang tibok ng puso ay kay sarap sa pakiramdam, Bawat ihip at haplos ng hangin, Mga mata ay napako sa’yo ang tingin. Liham ang tangi kong paraan, Upang ipahiwatig ang aking nararamdaman, May kwento ang bawat taludturan, Umaasang di mo ‘ko malilimutan kailanman.
51
GUHIT NI CHRISTIAN MOMBAY
Biro ni Fernando Kalmado
Hindi ko inaasahan na madali akong mahuhulog sa’yo Nagsimula lamang sa mga hindi seryosong mga banatan at biro Ngayon, bakit parang nag-iba? Tila naging seryoso ang puso kong mapagbiro.
Totoong pag-ibig ba ito o isa lamang ilusyon ng aking puso. ‘Di ko inakalang magugustuhan kita sa araw-araw nating pagbobolahan. Kapag nakita ko ang ngiti mong maganda Parang handa na akong mamatay ng mapayapa.
53
Paghuhumaling ni Mariposa Mula noong mabuo ang ikaw’t ako Di inasahang sa’king salita kikibo Pinakinggan ang himig ng ating mga puso Ang akin ay sayo at ang iyo’y sakin nakaturo Hindi man kita masilayan Hindi man kita makapiling Sa oras na lamang malalaman kung kailan tayo pag-iisahin sa tagpuan
Tagpuan Sa Lunduyan ni Mayari Tanging boses mo lamang ang naririnig, Ramdam ng langit ang ating sariling himig, Saksi ang mga bituin at ang buwan, Alam nila ang ating tanging tagpuan. Ang tatanda na natin pero, Naglalaro pa rin tayo ng tagu-taguan at patintero, Masayang nakatago sa pagitan ng takipsilim, Pag-ibig na lubos ngunit nakatago sa lunduyan ng liwanag at dilim.
54
maskara mong makulay may kaunting bahid ng lumbay maaari ko bang alisin, nang sa gayon ika’y akin? maskara mong suot na binalot ng lungkot mga emosyong tinatago sa puso mo, ako’y patungo maskara mong mahirap alisin damdaming malakas pa sa hangin pangako, papalitan ko ng saya ang mga ngiting hindi mo na kaya maskara mong makapal unti-unting natanggal matatamis mong ngiti huwag hayaang mapawi
Maskara ni Leon Alfonso
55
Balakid III. ang pagkabulag
GUHIT NI CARLA MAE TATING
Mapanglaw Tots ni Juan Pesante
May dahilan pa ba na lumigaya? Kung ang pinapana ni kupido ay kayong dalawa. Hindi na nga ako masaya, Sinasaktan niyo pa. Durog na durog na ako, Kulang na lang ay ang ipasagasa mo ako Di ba pwedeng ako naman? Ang maging dahilan ng iyong kasiyahan. Balik tayo sa dati, Ibalik natin ang kiliti. ‘Di mo ba namimiss? O sadyang hindi mo lang alam ang aking pagtangis. Di ako marunong tumula, Pero para sa’yo ay mag-iisip ako ng tugma. Kahit alam kong mapaglaro ang tadhana Ipipilit natin kasi alam kong pwede pa. Pwede pa? Pwede ba?
57
Pagsisisi ni Mayari Sa bawat salitang iyong binigkas, ako ay naniwala, Isang matiwasay na buhay ang ipinangako natin sa isa’t isa, Mahimbing sa iyong yakap, puso’y natutulog, Buhay na kasinungalingan, ipinaglaban ko para sa aking iniirog. Kagaya ng rosas, mahalimuyak, kaakit-akit, nakakahalina, Kahit anong tindi ng mga tinik, lahat ay binalewala, Kagaya ng mga bulaklak, ito’y nilalanta, Pag-ibig pa kaya? Kumakatok ang katotohanan sa labas ng bintana, Inakala ko’y ikaw ang aking tahanan, akala ko lang pala. Totoo mong kulay unti-unti nang lumalabas, Ang halimaw na tumatago sa anino mo’y isang ahas. Hindi na ako magpapanggap at imumulat ko na ang aking mga mata, Ang ating pagsasama’y puno ng kamandag at lason, Pagmamahal ay nilanta at tinangay ng alon, Ikinalulungkot ko na huli na at ako’y naging tanga.
58
GUHIT NI MARVIN LIM
143 ni Lito
“maging tayo na” sambit mo aking sinta ‘di mawari ang kasiyahang nadama nang iyong binitawan ang mga kataga kahit tinotoyo at mahirap intindihin ang pasensya ay nandiyan pa rin bagkus minsa’y away-bati isang 143 lang, ika’y mapapangiti
Alipin Mo ni Leon Alfonso Ikaw lamang ang sakit na gusto kong ulit-ulitin. Sa inaakalang langit, duguan ang damdamin
60
Alipin mo pala ako sa mga pangakong ako’y iyo katiwalian ang lumiliwanag sapagkat ikaw ang huwad na sinag
sa magulong ikot ng mundo tayo’y pinagtagpo nagpatuloy kahit hindi sigurado sa biyaheng hindi alam kung saan patungo lahat biglang naging komplikado araw’t gabi nagiging malabo pareho na tayong hindi naging kalmado masasakit na kataga sa isa’t-isa’y binabato walang katapusang pagsumbat ang s’yang nabubuo mga puso’y nagiging dehado sa pagmamahalang naging delikado hindi pala sasapat ang sandata ng salitang iniibig kita hindi napatibay ng tiwala ang matagal na binubuong pagsasama sa pag-ibig na minsan lang lumitaw pareho tayong naligaw sa agos ay nahirapang sumabay gumalaw kaya’t mas pinili na lang ang pagbitaw
Dehado ni Mariposa
61
GUHIT NI CHRISTIAN MOMBAY
Kwentong
Naubusan
ng Kabanata ni Klara Mga masasayang tagpo ng ating istorya Ay aking isinulat na ikaw ang laman ng bawat talata Subalit lahat ng ito ay iyong binura Pati ang ating mga alaala
Sa bawat pahina ng libro ikaw ang laman Ikaw ang naging paksa Hanggang sa talata Magiging tampok pa rin ang kislap ng iyong mga mata
62
hanggang ngayon akoy nagtataka kung ba’t ka naglaho na parang bula kahit na ganon ay hinanap pa rin kita laking gulat at natagpuan ka sa piling ng iba siguro mali na minahal kita ng sobra parang wala ng natira nung lumisan ka unti-unting nauubusan ng pag-asa tila’y pinaglaruan lang ako ng tadhana kahit saan tumingin ikaw ang nakikita naaalala ko pa rin ang ngiti mong nakahahalina kakaiba talaga ang taglay mong ganda daig mo pa ang isang diwata kay bilis mo akong nalimot aking sinta wala na akong rason upang maging masaya kahit anong mangyari sa puso kong nag iisa kailanma’y hindi magsisisi na minahal ka laking tuwa, isang araw ako’y iyong binisita puti ang iyong suot habang tumitirik ng kandila ‘wag ka ng umiyak aking sinta magkita na lang tayo muli na kaharap na si Bathala
Tanong ni Paraluman
63
Ayaw Ko Na ni Paraluman “Sorry” limang letrang sinabi mo sakin Limang letra na masakit ulit-ulitin Akala ko tatagal tayo ng panghabang buhay Ngunit hindi pala iyon tunay
Sayang ng mga oras na binigay ko sayo At mga pangakong magiging tayo Sayang ng mga salitang pag-ibig binigkas ko Dahil sa huli’y nagsisi lang ako
Ayaw ko nang umibig pa kailanman Sapagkat ayaw ko nang masaktan Poot at luha ay aking aalisin Dahil sarili ko na, aking mamahalin
64
Hagkan ng Akala ni Asul
Ang sarap ng awitin pakinggan, Sumasabay sa pulso ng sayawan. Napapaisip kung ito’y magpakailanman Wala ng hangganan sa aking nararamdaman. Bagkus sa bawat tibok ng orasan, Puso’y dumurugo at luhaan Sa nakikita ng isipan Iba na pala ang iyong hagkan.
GUHIT NI ANNA VALENCIA
Doon sa isang silid Na walang nakapaligid Mata’y nakapikit Kirot ng sugat ang bitbit Sa bawat madilim na gabi Puting unan ang katabi Na siyang hinihigaan Tanging saksi sa kasawian Mapapait na alaala’y nakaukit Namalagi’t nanatili Sa kaluluwang kalupit-lupit
Sawi Ang sinapit
ni Marchioness
66
Taka ni Marchioness
Isipa’y pilit na nagtataka Kung bakit mo ito nagawa Patuloy na nagtaka Nang iniwan mo bigla Hindi ba’t sabi mo Di mo ‘ko sasaktan Hindi ba’t sabi mo Di mo ‘ko iiwan Ikaw ang hiniling ko Ikaw ang pinili ko Bakit mo ako sinaktan Ba’t mo ako iniwan
67
Pano na lang? ni Piaya
Bakit kay hirap sundin, Ang puso kaysa sa isip, Pangarap na sana ika’y maging akin, Ngunit marami pa akong mas nais abutin. Sarili o pag-ibig ba ang uunahin? Nagdadasal ng taimtim na sana ako’y masagip, Sapagka’t hindi ko na alam ang gagawin, Napunta sa isang daan na masikip. Sandamakmak ang gustong tuparin, Sarili ang tiyak na uunahin, Gayunpaman pano na lang siya na aking iniibig?
Sandali ni lirio blanco
bukas ay gigising nang mag-isa sa pagdampi ng init ng araw na noo’y mga labi mo pa pipiliting bumangon tuwing sa mga alaala mo’y nadadapa nais ko mang lumaban, subalit ano pa bang panghahawakan ngayong wala ka na?
68
ngunit maaari bang humiram muna ng sandali itigil ang mga kamay ng oras ngayong gabi pagkat sa huling pagkakataon, sa aking mga bisig ay narito ka at sa init ng iyong yakap, kahit sandali’y napawi ang puso kong nangungulila
GUHIT NI CARLA MAE TATING
pluma’t pighati ni lirio blanco
huwag kang mag-alala sa bawat tula kong hindi ikaw ang paksa ‘pagkat hindi gamay ng aking mga salita ang mga masasaya’t magagandang kataga nagsusulat ako tungkol sa mga pasakit aking dalang pighating nauwi na sa galit bawat kirot na saki’y dumaan sa tula ko ibinubunto ang aking mga pinapasan katulad ng dahang-dahan mong paglayo totoo nga yatang napapako lang lahat ng pangako pangakong tatanggapin, iintindihin, at kakayanin paanong naiwan lahat ng gawa sa akin? magpakailanmang pinangarap nating matamasa pagmamahal mo ba’y lubos na ibinuhos kaya’t naubos na? para sa mga sagot, sa dilim ay patuloy pa ring nangangapa nawala na pala ang aninag ng ating hiwaga huwag kang mag-alala sa aking pagmumuni-muni’y napagtanto ko na ang dilim, ang lungkot, ang sakit, at ang pag-iisa alay kong itong tula na sa wakas, mahal, ikaw na ang paksa
70
GUHIT NI CHRISTIAN MOMBAY
Pagbitaw ni Lexi Howard
Marahil ang mundo’y parisukat at hindi bilog, Kagaya ng pintig ng pusong tila wala nang tunog, At bawat salita ay wari’y salaming naging bubog, Mga ngiti mong unti-unting nawalan ng alindog. Tila mga ulap ay puno ng galit, Hintaying dumampi sa iyong balat ang ulan na kay pait, Habang inaalala ang sakit na paulit-ulit, At iyong hiniling na sana’y hindi sinapit. Sa huli, ang mundo ay bilog at hindi parisukat, Ang puso’y natutong umawit at namulat, Unti-unting pinulot ang bubog na sanhi ng sugat, Ang sakit ay pinalaya at naglaho ang bigat.
72
Tatlong taong pagsasama— Inakala’y puno ng kaibig-ibig na mga salita. Tatlong taong pagsasama— Pinahulog sa iyong maskara. Tatlong taong pagsasama— Nagtaka ako kung saan tayo napunta. Tatlong taong pagsasama— Sa unang lamat pa lamang, lumisan ka na. Tatlong taong pagsasama— Binuhos ko ang aking pasensya. Tatlong taong pagsasama— Naglaho na mistulang bula.
Tatlong Taong Pagsasama ni Bb. Mangangatha
73
GUHIT NI MARVIN LIM
Hikbi ni Ligaya
Unang hikbi, Unang hikbi para sa matatamis mong ngiti Ngiting hindi na ako ang dahilan Hindi na rin ako ang kasayaw sa gitna ng ulan At sa unti-unting pagtila nito, Tanggap ko na rin ang nalalapit na pag-alis mo. Ikalawang hikbi, Ikalawang hikbi para sa yakap mong hindi na kasing higpit. Kahit magdamag na nakakulong sa bisig mo, ramdam ko pa rin ang lamig at pait Sapagkat alam kong hindi na ako ang iyong Paraluman, At hindi na rin ako ang tinuturing na tahanan. Ikatlong hikbi, Ikatlo at huling hikbi dahil tuluyan na tayong natapos, Huling hikbi dahil tuluyan na rin akong naubos. Sa aking huling hikbi, Di ka na pipiliting manatili Maging malaya at masaya ka, aking tinatangi.
75
Piring sa Mata ni Bubbles Ang sabi nila pagmahal mo ang isang tao, ikaw ay nababaliw. Nawawalan ng kakayahang mag-isip para sa ikabubuti ng sarili. Lahat ay ating ibinibigay - hinahayaang mabawasan ang ating pagkababae dahil sa ‘pagmamahal’, At huli na ang lahat kapag sinimulan na nating hanapin kung sino nga ba tayo dati. Dati na kung saan hindi pa nabubulag sa pagmamahal. Ako si Maria, matagal-tagal na noong ako’y nakunan ng piring sa mata. Ako ay dating nabiktima ng mga matatamis na mga salita, palagi akong nakakatanggap ng mga regalo, laging pinupuri ang aking kagandahan, tila bang prinsesa ang pagtrato sa akin, ‘di ko naman alam na doon pala magsisimulang mabulag ako sa pagmamahal. Siyempre, sa una, masaya’t naninibago sapagkat unang beses ko pa lang ‘to naranasan. Dati kasi nakukulangan ako sa atensyon ng aking mga magulang, ako’y pinagkakaitan din ng pagkain at mga damit na ‘di tulad ng mga kapatid kong tuwing linggo ay mayroong bago. Kaya noong niligawan niya ako ay ‘di ko na ipinalagpas ang pagkakataong may magmamahal sa akin ng sobra-sobra. Iyon pala ay isang palatandaan ng trauma. Hinayaan ko nalang siyang takpan ang aking mga mata para sa kapakanang may magmamahal sa akin.
76
Natutunan kong hindi pala tamang manatili sa taong lubos na lubos kang minamahal, sapagkat darating sa puntong bibilangin at isusumbat sa’yo lahat ng kanyang ginawa upang hindi mo siya iiwan hanggang sa puntong ‘di na maganda ang kanyang ginagawa’t malayo na sa mala-prinsesang buhay ang iniaalay niya sa’yo. Ang dating punong-puno ng koloreteng mukha ay ‘di na makikilala sa dami ng mga sugat at pasa. Hindi na rin nakakasuot ng magaganda sa kadahilanang makikita ang ginagawang pag aalipusta ng aking kasinta. Ang sabi nila kapag mahal mo ang isang tao, ikaw ay nababaliw. Nawawalan ng kakayahang mag-isip para sa ikabubuti ng sarili. Lahat ay ating ibinibigayhinahayaang mabawasan ang ating pagkababae dahil sa ‘pagmamahal.’ Huli na ang lahat kapag sinimulan na nating hanapin kung sino nga ba tayo dati. Dati na kung saan hindi pa nabubulag sa pagmamahal. Ngunit ako’y naglakas loob na tanggalin ang mga piring sa aking mga mata -naging matapang at ginawang leksyon ang aking mga karanasan. Doon ko napagtanto na hindi sa lalaki mahahanap ang labis na pagmamahal. Bagkus, ito pala ay nagsisimula sa ating sarili.
GUHIT NI ANNA VALENCIA
77
GUHIT NI MARVIN LIM
Tugma ni ISKAs ikaw, ako, tayo tayo’y pinagtagpo mahal ba o biro hindi sigurado
pusong magkatugma hindi tinadhana tila pinagpala sa maling akala
tadhanay tuliro sadyang mapaglaro kahit ‘lam kong talo sumugal pa ako
nagkatugmahang puso parehong nabigo tanaw na ang dulo sigurado ako.
Hinagpis ni Mariposa nakubkob ako sa isang sitwasyon pinaasa ako sa isang ilusyon ‘di pa rin pala sapat kinapos pa rin at naging salat – ang pag-ibig na buong buhos kong binuhat ako ang iyong kasama pero lagi mong hanap ay iba habang minamahal kita mas minamahal mo siya wala ng halaga sa bawat saglit wala ng tamis sa poot at pait sa masalimuot na pangyayari ang ating katapusan ang siyang naging huli kung saan hindi ako ang iyong pinili
79
Maraya ni Asul
Ang saya. Nang una tayong nagkakilala, Kailanman hinding-hindi maipagkakaila Kung gaano iyon kaganda at ligaya Ang ating wagas na pagsasama. Ang tanong. Nararapat ba na tayo’y humantong, Sa mundong hindi sa atin nakatuon? Siguro nga tayo ay tinapon Sa hinaharap ng mundong kahapon. Ang taimtim. Ngunit, kailangan pa rin dapat tanggapin Ang inilaan ng tadhana sa atin Masakit man isipin at damdamin Tayo’y pinagtagpo sa sariling salamin.
80
Pitong araw sa isang linggo ang nauuwi sa bangayan Pagsasama ay lumabo at di na nagkakaintindihan Paglisan ng bahaghari ay maaari mang nasaksihan Panatag ako dahil sinubukan naman nating ilaban
Walong patagilid ay sumisimbolo sa kawalang-hanggan Ngunit sadyang suntok sa buwan lamang ang naging pagmamahalan Sa pagguhit ng pagitan sa kung ano mang namamagitan Pinapalaya ka na at lubos na pinasasalamatan
Siyam, mahal ko, nararapat lang na ako ngayon ay lumisan Sarili’y hahanapin at marami pang dapat matutunan Upang manalo sa buhay kung minsan kailangan mong mawalan Kung makahanap ka man ng bago, siya na sanang nakalaan
Pito, Walo, Siyam ni ISKAs
81
muli, susugal ako tatayain ang buong puso haharapin ang mga alon sa baybayin susubok sa mga hamong inilaan sa’tin susugal ako, —at hindi ako susuko manalo o matalo ang mahalaga ay minahal kita hanggang dulo. para sa ating relasyon, —susugal ako.
Sugarol ni Leon Alfonso
GUHIT NI CHRISTIAN MOMBAY
82
Kailan at Saan ni binhi
Kailan ko muling matatanaw Pagsikat ng panibagong araw Kung saan ‘di na lilitaw Alaala ng kanyang pagbitaw?
Kailan ko muling makakapiling Ang tanging binibining aking Ipinagkalooban ng sanlibong mga hiling Na sana’y habambuhay akong iibigin? Ako’y kanyang binigyan Ng pagkakataon upang Magpakatapang na lumaban Sa digmaan ng pagmamahalan. Siya’y aking inalagaan, Binigyang pag-asa upang Kanyang mapag-alamang Siya ang aking tahanan. Saan ba nagsimulang nalusaw, Natunaw at naging mapanglaw Pag-ibig naming nawalan ng linaw At naubusan ng pangakong “walang bibitaw”? Saan ba nagsimulang gumising Mula sa panaginip naming kay himbing Kung saan lahat ng aming hiling Ay sinagot ng mga dalangin? Ako’y sundalong nawalan ng tahanan At nagluluksa sa libingan Ng mga naduwag sa digmaan Ng tadhana at orasan. Siya’y ‘di na muli aawitan At susulatan ng tulang tugmaan Dahil ‘di na pala ako ang nilalaman Ng mga talata sa kanyang talaarawan.
83
Kaibigan ni Asul Ang sabi mo tayo lang. Bakit mayroong naghahadlang? Sa puso nating nagmamahalan. Ano nga ba ang tunay na dahilan? Walang pagkukulang sa pag-iibigan, Bagkus lahat nga ay pinanindigan Sadyang nahulog ka sa linlang, Sa taong pinangako mong kaibigan lamang.
84
GUHIT NI ANNA VALENCIA
Sa bawat paghinga ko, iniisip kita, Hindi maalis ang lungkot sa aking mga mata, Tuwing naalala ko ang mga araw na magkasama tayo, Masayang alaala na hindi ko mapagtanto.
Nalaman ko nalang na may ibang mahal ka na pala, Parati kong tinatanong sa sarili ko kung ako ba’y may nagawa, May nagawa ba akong hindi tama? Bakit ganun? Paano? Paano na lamang ang pangako natin noon?
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako naliliwanagan, Sinubukan kitang kausapin, ngunit ako’y tinatalikuran, Ganito pala kasakit ang maiwan ng isang tahanan Ganito pala kasakit ang pinagtagpo ng panahon para hindi magkatuluyan.
Panimdim ni Lexi Howard
85
Pahimakas IV. ang pagtatapos
GUHIT NI CARLA MAE TATING
Kulog ni binhi
Sana’y payapa At mahimbing ang tulog Kahit maulan At malakas ang kulog Dahil sa’ting paalam.
Tanggap ni Paraluman nung ika’y nakilala laking pasasalamat kay bathala tila’y nadinig ang dalangin sa kanya na bigyan ako ng makakasama di ko lang alam may hangganan pala napalitan ang saya ng pagdurusa wala na akong nararamdaman, hindi ko na kaya parang namatay na rin ako nung lumisan ka ilang taon na rin ang lumipas mula noon talaga’y sa akin hindi ka naaayon salamat sa mga memoryang iyong pinabaon dala-dala kita kahit saan maparoon
87
Sa mga iniwan mong memorya Luha ang aking naging pambura Nung ako’y iyong pinabayaan na Sa akin ay wala nang natira Sumuko na ang tibok ng aking puso Sa kasisigaw ng pagsamo ko sa’yo Hanggang sa napagtanto nito Na hindi na pala ako ang laman ng puso mo Sa ating patuloy na paglayag Isa sa ating ang nalaglag Ang isa’y nakahanap ng pag-ibig Ang isa’y nanatiling basag
Pagtangis ni Mariposa
88
pwede ba? ni Marilag
sa buhay na ito’y palaging sawi hanggang sa buhay pag-ibig ba naman, ‘di na ito mapapawi? nagtataka’t nagtatanong sa sarili kung bakit o tadhana, ano ba ang iyong ikinagagalit? hanggang kailan pa ba ako magtitiis sa’yo konting pag-ibig lamang na totoo ang hangad ng munting puso kong ito ngunit tatanggapin ko na marahil nga’y ‘di tayong dalawa ang itinadhana kaya ang tanging hiling ko na lamang sayo sinta, pwede ba? tama na GUHIT NI CHRISTIAN MOMBAY
89
Sulat Para sa Hinaharap ni Mayari Isinulat ko ito upang ipaalam, Ngayon, ako’y nagpapaalam, Para sa aking minahal sa hinaharap, Para sa’yo, aking pinakawalang pangarap. Sa araw na matanggap mo ang sulat na ito, Alam kong wala na ako sa piling at yakap mo, Hindi ko nais na pakawalan ka, Ngunit, kailangan at nararapat bitawan ang lubid ng tadhana. Humihingi ako ng patawad, Sinta ako’y naglaho at nawala na parang bula, Isang nakaraang nauwi sa masamang palad, Umalis ng walang paalam, sarili’y iniligtas sa alon ng luha. Natakot akong mawala ka, Nangangamba sa mga paulit-ulit na tanong sa aking isipan, Sa sobrang takot ko hindi ko namalayan, Ika’y binitawan ko na pala.
90
Minahal kong sinta, Paalam na, Nawa’y ika’y ngumiti at maging masaya, Ngayon at magpakailanman, ngayo’y ako’y wala na.
GUHIT NI MARVIN LIM
Liham Para sa Dalaga ni Ligaya
Sa mga gabing kay panglaw, Huwag mo sanang pagsisihan ang iyong pagbitaw. Huwag nang humikbi, Dahil ang pagpili sa sarili ay hindi naman pagkakamali. Katulad ng iba, napapagod ka rin naman ah? Nauubos, Nadudurog. Dakilang dalaga, salamat sa pagtapos ng estoryang alam mong hindi na masaya, Hindi na malaya, At hindi na payapa. Maghilom ka sana Sa paraang tahimik, Sa paraang masaya, At sa paraang malaya.
92
Ako’y inalipin mo sa matagal nating pinagsamahan, Ako’y sinunggab mo ng iyong mga palihim na kataksilan, Ngayon, paano na ako lalaban, Na kung ang dating tayo, sayo ay wala ng dahilan?
Sinusubukan kitang kalimutan, At pakiusap ‘wag mo na sana ‘kong lapitan, Kung magbabalik ka man sinta, Ako’y buo na at sa isip ko’y matagal ka ng nabura.
Ito na, buo na ang aking pasya, Kung aalis ka, umalis ka na, Hindi na kita kailangan at hubog na ako, Hinubog ng maling tao pero may bago’t mas maayos na ako.
Alpas ni Lexi Howard
93
alas tres y media GUHIT NI ANNA VALENCIA
ni Leon Alfonso
tuwing sasapit ang alas tres, lumalabas ang tunay kong anyo malaya na ako at ‘di nagtatago
tuwing sasapit ang alas tres, namamatay ang nabubuhay natatahimik ang mga sigaw ng mga espiritung nagdudusa
tuwing sasapit ang alas tres, lumalakas ang pag-ikot ng mundo binabaon ko na sa limot ang mga sumpa mo— Salermo
ngayon ay alas tres na ng umaga
94
at hindi na ikaw ang aking inaalala
Huling Liham ni binhi
‘Di ba pinangako mong ako’y hindi iiwan Kahit na may ibang naninirahan Sa pusong aking naging tahanan? Kung maglaho ka man sa kawalan, Mawawalan ng liwanag ang aking mundong Nadurog nang ika’y lumisan. Pinagtagpo ba ang ating nakaraan? Tahanan ang hinahanap ng aking pusong Patuloy na nasasaktan. ‘Di ba nangako kang ika’y hindi lilisan Kahit na may pinagdadaanan Ang puso mong itinuring kong tahanan? Kung iwanan mo man ang ating tagpuan, Mawawalan ng tahanan ang aking pusong Handa nang masaktan. Kung gumuho man ang kalawakan, ‘Wag mong kalimutan ang pagmamahalang sinuko mo. Iba na nga ang iyong hinahagkan.
95
GUHIT NI CARLA MAE TATING
Tila isang panaginip ni Piaya Sa isang iglap, ika’y nawala sa aking tabi, Gustong malaman kung ito ba ay isang masamang panaginip, Dahilan kung bakit hindi makatulog sa gabi. Hinahanap-hanap ang kasagutan sa lahat na mga bakit, Sa ating pag-iibigan na puno ng pagmamahal at pagmamalasakit, Nawa’y iyong mga rason ay aking madinggan, Upang makamtan ang kapayapaan ng aking puso’t isipan.
Takipsilim ni Lito
Sa pagdaan ng panahon Saya’t tuwa di mabilang ng taon Pagmamahalan na parang isang bulaklak sa hardin Kapag ikaw ang kapiling, ikaw lang ang nasa aking tingin Sa sobrang kaligayahan Ako’y napangiti at nabigla Bagkus sa mahimbing na tulog namulat ang aking mata Sa malalim na gabi, pinukaw ako ng tadhana Hindi mawari ang nadarama, patuloy na pumapatak ang mga luha Binibining aking sinisinta, nagtapos na pala ang ating estorya
97
Sampu ni ISKAs
Sampu, sampung sumpang itinakda ng tadhana Siyam, mahalagang naalala natin na sa Walo, ika’y wala na sa aking piling sinta Pito, pag-iisa ng puso ay damang-dama Anim, inaamin ko ang aking pagkukulang sa kanya Lima, liham niya ay palihim na binabasa Apat, sapat bang sa pag-ibig ako’y tumaya? Tatlo, tatlong salita’y maririnig pa kaya? Dalawa, dalawang taong nagpasyang tama na Isa, isang aral na dala ng pagsasama Mahal, mahalin ang sarili bago ang iba
98
Ilaw ng lampara’y lumiliwanag, Iniilawan ng pag-ibig ang buong sulok at hangganan, Sinag ng pagmamahal ika’y akin nang iiwanan, Tayo’y itinagpo ngunit iba na ang tatahaking daan. Alam ko ‘di tatagal ang liwanag na ito, Balang araw ika’y mawawala sa mga anino, Lampara’y iilawan kahit magpakailanman, Ngunit iba na ang lahat, at huli ko ng nalaman. Ilaw ng lampara’y unti-unting nawawala, Tanging ang kadiliman na lamang ang iyong kasama, Tinatanggap ko na ang kapalarang ito, Na ika’y lilisan na dito sa mundo. Ilaw na nagbigay saya at pag-asa, Iyong binuhay ang aking puso at binigyang sigla, Ngayo’y nagpapaalam sa init ng iyong yakap, Tatandaan kita sa mga lumilipad na alitaptap sa mga ulap.
Lampara ni Juan Pesante
99
Pangakong Wagas ni Asul
Hinding-hindi maipagkakaila. Ang samahan ng unawa at tiwala. Dahil pangako’y tumanda sa hirap at ginhawa Magmamahalan ng wagas at payapa.
Tila’y pinanindigan mo at sinorpresa ako ng hindi inakala. Bawat sulok ng kwarto’y pinuno mo ng mga bulaklak at kandila, Ika’y naghihintay sa dulo ng iyong kama Nakapikit ang mga mata at pilyong nakahiga.
Paalam at mamahalin pa rin kita, aking sinta Ikaw lamang at wala ng iba pa.
100
May Hangganan ni Piaya Sigaw ng iyong puso ay gustong mapakinggan, Sana’y mapaabot sa iyo ang tunay na nararamdaman, Ngunit wala nang saysay pa kung ito’y iyong malaman.
Sapat na sa akin ang makitang masaya ka, Kaya sa tingin ko hanggang dito na lang, O’ kay lalim kong pag-ibig para sayo’y kakalimutan na.
GUHIT NI ANNA VALENCIA
101
GUHIT NI MARVIN LIM
Minsa'y Isang Bilog na Buwan ni Bb. Mangangatha
Tayo’y minsa’y isang bilog na buwan— Magkasamang umiiral sa iisang kalangitan. Tayo’y minsa’y isang bilog na buwan— Dalawang kalahati na magkatabi kailanman. Kahit anong yugto man, Palagi tayong nakakalipas ng gabi. Walang panig na mas maliwanag sa isa, Kapag madilim, tayo’y sabay at magkasama.
Larawan ng Alaala ni Klara
Sa pagdilat ng aking mga mata Ikaw ay aking naalala Iyong larawan ay hindi mabura-bura Maraming taon na ang dumaan Ngunit ikaw pa rin ang nasa isipan Kailan ka ba makakalimutan?
103
Halos Isang Gasuklay ni Bb. Mangangatha
Alam mo, Siguro, tinuring nating buwan ang isa’t isa dahil inakala nating hindi natin kailangan ang iba sa lalim ng dilim at sa gitna ng kawalan. Ngunit, bigla mong ninais na maging araw na nagniningning para sa lahat, kaya naiwan akong mag-isa. Sinama mo ang kalahati ko sa’yo.
Gusot ni Asul
Wala na bang pagkakataon? Balikan ang mga masasayang kahapon. Nakaligtaan na ang ating mga pangako? Sabagay, ako’y iniwang nakapako. Ang tanong, kung ako ba siya, Mamahalin mo rin ba ako katulad ng sa kanya?
104
GUHIT NI MARVIN LIM
Mahal, piliin mo ang bayan. Ang tapang at galit mo ay kanyang kailangan. Piliin mo ang masa, Ipaglaban mo sila. Mahal, alalahanin mo ang layunin mo. Imperyalismo! Pyudalismo! Burukrata Kapitalismo! Ibagsak! Lek, lagi’t lagi ako’y naririto. Hindi man nabuo ang tayo. Banayad na ako sa tagumpay na tinatahak mo. Salamat lek! Pagbutihan mo.
Mahirap Kalabanin ang Bayan ni Juan Pesante
106
Tinta ni dekada otsenta
Nakatitig ako sa lenteng may rosas na tinta Kusang nilimot ang mga masasamang alaala Ang mga oras na halos naiiyak na ako sa gitna, At ang mga birong may halong insulto na pala Pero magkukusa akong alalahanin ang saya Na dulot ng aking mga nahalubilo’t nasama At patuloy akong titingin sa lenteng may tinta Sapagkat ang mga araw ay naglaon na
Tapos Na! ni Fernando Kalmado Ayoko nang balik-balikan pa Ang masasayang araw nating dalawa O ang mga matatamis na pangako Na humantong lang sa wala Kailangan na kitang pakawalan Upang ako’y maging malaya Sa nakakalasong nakaraan Na pilit kong pinanghahawakan. Dahil tapos na tayong dalawa, Ako’y namulat na tayo ay wala na. Maraming salamat sa lahat kahit ako’y di karapat-dapat. Hiling ko na ikaw ay maging masaya at makahanap ng taong mamahalin ka.
107
Bakas ng Kahapon ni Klara Sa aking paglalakbay Aking natamo ang mga paghihirap sa buhay— Sa bawat hakbang, ako’y nilalamon ng sumasagsag na alon Ilang beses man natumba Patuloy pa ring bumabangon— Kakalimutan ang bakas ng kahapon
Bagong Buhay ni Fernando Kalmado Sisimulan ko sa paglimot sa’yo Dahil hindi naman naging tayo. Maraming alaala na gustong ko nang mabura, Dahil pinapakawalan na kita. Naniwala pa ako noon sa mga sinabi mo, Na ako lang ang mamahalin mo. Inuuto mo lang pala ako, at ako naman ay nagpabilog sa’yo. Ayaw na kitang makita pa Upang mabuhay ako ng tama Gusto kong maghanap ng iba, Na hindi ako papakawalan pa.
108
Sa mundong ito Marami talagang mahilig mang-uto. Kaya paalala ko sa inyo kilatisin bago gawing sa’yo.
munimuni GUHIT NI ANNA VALENCIA
ni lirio blanco
paano ba magpaalam sa mga alaalang kay saya? mga sandaling may kislap pa ang ating mga mata ano ba ang dapat kong gawin upang kumawala na? mula sa pagsasamang napuno ng mga ngiti, tuwa, at tawa paano ba magpaalam sa dalawang taon? kung ang lalim ng pagmamahal sa puso ko pari’y naroroon pakiusap, sabihin mo sana kung paano ba magpaalam sa’yo kung sa simula pa lang ayaw ko naman sanang lumayo
109
GUHIT NI CARLA MAE TATING
Salamat, Paalam ni Marchioness
Salamat Tayo’y pinagtagpo Salamat Tayo’y pinaghiwalay Salamat Dahil ako’y natuto Di lang tungkol sa’yo Kundi pati na rin sa sarili ko Paalam Tapos na ako Paalam Mas mahal ko pala ang sarili ko Ngayon Mag-isa na ulit ako Mas masaya na ako Paalam.
111
Ikaw Ang Pahinga Ko ni Juan Pesante
Sa marahas na mundo, ikaw ang pahinga ko. Sa madilim na gabi, Hinahanap ko ang iyong labi. ‘Di ko alam kung bakit ako ganito, Kung bakit ganito ang atake mo. Tila isang malalalim na hinga ang pagdating mo. Sinlakas ng bantingaw ang pintig nitong puso. Sinta, ramdam mo rin ba ang init? Ang init ng pagmamahal na handang ibigay? Mata’y ipikit, Ulo ay ipatong sa aking dibdib, hawakan mo aking kamay. Ramdam mo ba? O sadyang manhid ka.
112
Gamit ang mga matang walang buhay at lakas, Binigkas mo ang bawat pantig ng iyong pahimakas. Bawat salita’y palakas ng palakas, At tila dalisay mo pang napaghandaan ang iyong pagtakas.
Nakakaiyak, nakakagalit, nakakatawa, Pero kailanman hindi magiging kaawa-awa. Sa paglisan mo, patuloy akong magiging buo, Patuloy na magiging sapat, At higit sa lahat, Patuloy na magiging masaya at payapa.
Pusong Payapa ni Ligaya
113
GUHIT NI CHRISTIAN MOMBAY
Liham sa Aking Estranghero ni Ada Taong dalawang libo’t labing-pito. Panahong sa akin, ika’y estranghero. Nakikita, nakakasama, at nakakausap ka sa loob ng apat na sulok ng silid. Bagkus sa labas nito, hindi tayo nagkikibuan, malayo’t malabo na tayo’y maging magkaibigan. Lumipas ang panahon at kaklase pa rin kita, ngunit Abril pagkalipas ng dalawang taon, lubos kitang nakilala. Noong una ako’y nag-alinlangan, sapagkat langit ka at ako’y hamak lang na mag-aaral. Marami rin tayong pagkakaiba sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Datapwat ganito, pagmamahal ang nangibabaw at ang respetong taglay. Natutunan kitang mahalin bilang kaibigan kong karnal, pag-aarugang sayo’y binuhos, wagas at ‘di mapapantayan. Minsan ako’y napapaisip kung kaibigan nga lang ba ang aking pagtingin, o higit pa roon ang aking nadarama pero hindi napapansin. Sabi ko noon, malabo maging tayo. Ngunit heto ako, pilit na tinatago’t tinatakpan ang sigaw nitong puso. Matinding pagninilay ang aking ginawa, sa mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Subalit iisa lamang ang naging kasagutan. Batid kong walang kasiguraduhan ang kapalaran nating dalawa, bagkus pakiusap, sakyan natin ito nang magkasama. Sa ngayon, mamahalin na lang muna kita sa malayo, kaibigan kong sinisinta. Ang mahika ay nakapalibot sa mundo, ako’y nagpapasalamat na nakilala ko ang estrangherong tulad mo. ~Hindi mo man batid ang may akda ng liham na ito, sana’y pakiramdaman mo sa kaibuturan ng iyong puso. Nagmamahal, Ada
115
Abril Uno ni Ada
Sabi ng iba, mas mainam sa isang relasyon kung ang lalaki ang higit na mas nagmamahal. Ngunit para sa akin, mas mabuti kapag parehong pantay ang inyong nararamdaman. Ako’y nagsimulang umibig sa murang edad. Hindi batid kung bakit, ngunit tila naging tama ang mali. Alam ko ring bawal pa, bagkus ito’y aking sinubukan. Sino nga ba naman ang taong-bato na ang kanyang puso’y ‘di papakinggan. Saya, lungkot, galit, poot at iba pang emosyon. Iyan ang mararamdaman mo sa isang relasyon. May mga problema’t hamon kayong haharapin. Ngunit nakasalalay sa inyo kung paano ito lulutasin at kung isa’t isa’y patuloy niyong pipiliin. Abril Uno. Araw kung kailan namayani sa aking puso ang galit at poot, kaysa sa pagmamahal at saya. Ang araw na binitawan ko ang aking mga pangako, at mas piniling talikuran ang aking sinta. Abril Uno. Panahon na pinalaya namin ang nakagapos na puso. Panahon na aming napagtantong hindi kami ang itinadhana ng mundo. Abril Uno. Petsa kung saan pinili ko ang aking sarili. Petsa kung kailan ko sinabing, “Ako naman muli.”
116
GUHIT NI CHRISTIAN MOMBAY
PAGKILALA
Ma. Angela Baloyo, sa pagiging pinaka-maaasahang Punong Patnugot at kaibigan kong karnal. Salamat sa pagsama’t paggabay mo sa aming lahat sa publikasyon. Hinding-hindi ito maisasakatuparan at matatapos kung wala ang iyong pagtitiwalang ipinakita’t ibinigay. Mga pangunahing patnugot at kapwa kong manunulat, sa walang kupas na pagsuporta ninyo sa munting obrang ito, higit na pinapasalamatan namin kayo. Salamat sa pagbahagi ng inyong talento sa pagsusulat at mga karanasan sa pag-ibig. Nawa’y mahanap niyo na ang taong nakakapagbigay kapayapaan sa mga puso niyong nahihirapan at naliligaw. Mga tagalikha ng sining, para sa pagiging malikhain, handa, at pagkakaisa, sa pagpapahiram ng inyong mga kakayahan at talento upang bigyang-buhay ang ating mga sariling gawang literatura. Gumawa kayo ng mga detalyadong mga dibuho upang higit na maisakatuparan ang aming mga gawa. Mula sa kaibuturan ng aking puso, salamat. Mga magulang at kaibigan namin, para sa paniniwala at pagtulak na gawin ang aming makakaya sa pagpupunyaging ito. Taos puso kaming nagpapasalamat at palagi kayong nandiyan sa buong proseso ng paggawa ng folio na ito. Kung wala ang pagmamahal at suporta ninyo, maaaring hindi namin ito nagawa sa aming sarili. Mga mambabasa, sa pagiging inspirasyon namin sa paggawa ng aming trabaho. Kung wala ang inyong walang katapusang suporta sa aming mga piyesa, hindi namin magagawa ang kahanga-hangang piraso ng sining na ito. Nawa’y maging inspirasyon ito sa inyo na magmahal sa kabila ng mga hamon. Madali ang umibig, ngunit ang pag-ibig at ang pananatili sa pag-ibig, ay nangangailangan ng pagsusumikap at saripisyo. Kung kaya’y ituring mo ang lahat ng mga nabigong pagsubok bilang mga aral na magdadala sa iyo sa pinakadalisay na pag-ibig na iyong mararanasan sa buhay na ito. Taos-puso akong nagpapasalamat.
PATNUGUTAN
Punong Patnugot Ma. Angela T. Baloyo
Manunulat ng Editoryal Flytzyl Kyentchie Philip M. Mejia
Pangalawang Patnugot Edrian Kyle B. Verzosa
Manunulat ng Opinyon Karl Francis A. Ferreras John Martin C. Hagoriles Dominic N. Rivera
Tagapamahalang Patnugot Cheve Grace M. Gaudite Patnugot ng Balita John Rosh N. Macasero Patnugot ng Editoryal Debbie Heart P. Yapoyco Patnugot ng Opinyon Slara S. Garzon Patnugot ng Lathalain Julienne Caye R.Villanueva Patnugot ng Panitikan Bianca Manuela P. Diva Patnugot ng Pampalakasan Aia Daniela G. Villarino
Manunulat ng Lathalain Julia Marie D. Acosta Grace L. Biñas Jasper G. Laguitan Manunulat ng Panitikan Angel Marie B. Abalayan Amiel Zeth Z. Aplaon Kyle Daniel S. Esmeralda Jeri Mae Therese L. Espinosa Manunulat ng Pampalakasan Yla E. Ariola Tagadibuho Christian G. Mombay Anna Dominique T. Valencia
Patnugot ng Sining Carla Mae L. Tating
Tagadisenyo Marvin Lim Mariel C. Manzures
Tagapamahala ng Radio at TV Broadcasting Trexie Pia C. Villarosa
Retratista Reiben Jay C. Denaga Jestin M. Teodoro
Technical Application Director Glency Marie B. Merabe
Radio Broadcasters Hannah Clarice D. Galona Marisha Nel A. Nanas
Manunulat ng Balita Jewel Mae A. Guzman Jay Angelo H. Olayra
Tagasipi Hannah Grace F. Abalos
Tagapamahala ng Publikasyon April T. Atesora