NILALAMAN BALITA
2
EDITORYAL
3
LATHALAIN
5
PALAISIPAN
10
PAMPALAKASAN
12
HOUSE SORT ING 2021: Mga Koponan Nadagdagan ng Panibagong Miyembro TREXIE PIA VILLAROSA
Malugod na tinanggap ng mga Koponan ng Paris, Parmenie, Rheims, at Rouen ang mga mag-aaral ng ika11 na baitang mula sa mga strand ng Accountancy, Business, and Management (ABM), Arts and Design (A&D), Humanities and Social Sciences (HUMSS), Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), at Technical Vocational Livelihood (TVL) ng Liceo De La Salle sa taunang ‘house sorting’ noong ika24 ng Setyembre na pinangunahan ng Liceo Student Government (LSG) sa kanilang opisyal na Facebook page. Nakuha ni Thea Law-a, ‘house coordinator’ ng Koponan ng Paris ang STEM-A, F, M, P, at Q, ABM-B at HUMSS-A; Samantala, naging parte ng Koponan ng Parmenie sa ilalim ni Sheloe Treyes ang mga estudyante mula sa STEM-C, E, I at O, HUMSS-C, A&D-A, at ABM-A;
Sa pagbubukas ng House Cup 2022, itinatag ang House Sorting bilang pagdagdag sa mga bagong kasapi at kaakibat sa labanan sa pagkamit ng kampeonato sa darating na kompetisyon sa iba’t ibang aktibidad ng LSG. Maswerteng naging parte ng Koponan ng Rheims ang mga seksyong STEM-B, J, K at L, ABM-E at F, at HUMSS-B na pinamumunuan ni Mikko Demaulo; at STEM-D, G, H, at N, ABM-C at D at TVL-A naman ang mga naging bagong kaanib ng Koponan ng Rouen sa gabay ni Monica Parcon sa pagkamit ng tagumpay para sa taong ito. Matatandaang naiuwi ng Koponan ng Rheims ang ‘House Cup’ noong akademikong taon 20202021; pangalawang puwesto naman nakaraang taon ang nakamit ng Koponan ng Rouen; sumunod ang Koponan ng Paris sa pangatlong puwesto at Koponan ng Parmenie bilang pang-apat sa puwesto.
APAT NA PANIG. Gumamit ng Facebook Live ang Liceo Student Government (LSG) upang maanunsyo ng mga koordinator ng bawat koponan ang mga seksyong magiging bahagi ng Paris, Parmenie, Rheims, at Rouen. - KUHA NI REIBEN JAY DENAGA
KOPONAN NG PARIS
Nanaig sa Buwan ng Wika
JOHN ROSH MACASERO
Sa pagkakaisa ng publikasyong Berdeng Parola (BP) at Liceo Student Government (LSG), matagumpay na nanguna ang ‘golden chimeras’ ng Koponan ng Paris sa “Panitikang Nasyonal: Bigyan natin ng Diin at Dangal,” isang linggong patimpalak sa paggunita ng Buwan ng Wika noong ika-30 ng Agosto hanggang ika-3 ng Setyembre, taong 2021 gamit ang platapormang Facebook. Ibinida ng mga kalahok mula sa mga Koponan ng Paris, Parmenie, Rheims, at Rouen ang kanilang angking talento sa mga aktibidad na Vocal Solo, Vocal Duet, Pagsasatao o Karakter Impersonasyon Poster at Video. “May mga pagbabago sa Buwan ng Wika ngayong taon, dinagdag namin sa Vocal Solo at Vocal Duet ang patimpalak sa Karakter Impersonasyon Poster at Video, kasama na rin ang Lasallian Press Conference na inihanda ng Berdeng Parola at LSG Executive
Board; Isa itong paraan upang bigyang halaga ng LSG ang mga talento at kakayahang taglay ng mga mag-aaral sa Liceo de La Salle.” ani ni Veronica Aruta, Executive Vice-President ng LSG. Kinilala si Edrian Kyle Verzosa ng Koponan ng Rheims bilang Kampeon sa patimpalak na ‘Vocal Solo’; Nakuha naman ni Alzel Carmona ng Koponan ng Parmenie ang pangalawang pwesto; Sinundan naman ito nina Dominic Rivera ng Koponan ng Rouen at Van Andrin ng Koponan ng Paris sa pangatlong pwesto bilang bahagi ng okasyong Buwan ng Wika 2021 noong ika-31 ng Agosto. Nasungkit nina Therese Law-a at Thea Law-a mula sa Koponan ng Paris ang unang pwesto sa naganap na paligsahan sa Vocal Duet; Pumangalawa naman sa nasabing patimpalak sina Julie Eve Navares at Cindy Bat-og mula sa Koponan ng Rouen, na sinundan sa pangatlong pwesto ng mga kalahok na sina Carlos Lorenzo Villalva at Robyn Ashley Jornadal ng Koponan ng Parmenie, at nina Gleisa Valencia at Xylon Biñas mula sa Koponan ng Rheims sa panghuling pwesto noong ika-1 ng Setyembre.
Dagdag pa ni Aruta, Bilang paghahanda sa aktibidad, nagkaroon ng mga pagpupulong ang mga miyembro ng LSG at BP, pagpapasuri ng mga patakaran, pagpapatupad ng no ‘faceto-face interaction’, at isang ‘test run’ para sa Lasallian Press Conference. Inuwi ng Koponan ng Paris ang unang pwesto sa patimpalak na Karakter Impersonasyon Poster; Siniguro naman ng Koponan ng Rouen ang ikalawang pwesto sa naturang kompetisyon, habang nasungkit naman ng Koponan ng Rheims ang sumunod na pwesto; at hindi naman nagpahuli ang Koponan ng Parmenie sa paghatak ng pang-apat na pwesto noong ika-2 ng Setyembre. Tinaguriang kampeon ang Koponan ng Rouen na nilahukan ni Georgeth Ciocon bilang si Alexandra Trese ng sikat na ‘animated series’ na Trese sa kompetisyong pagsasatao o ‘character impersonation’, ang panghuling patimpalak ng selebrasyong Buwan ng Wika; Sumunod naman sa pangalawang pwesto ang Koponan ng Paris sa karakter ni Flerida ng tanyag na panitikan na Florante at Laura, na isinalaysay ni Danielle Bancal; Pumangatlo naman sa naturang
patimpalak ang karakter na si Donya Maria Blanca, na isinabuhay ni Jewil Perez, kinatawan mula sa Koponan ng Parmenie; at nakuha naman ng Koponan ng Rheims ang pang-apat na pwesto kung saan binigyan ng katangian ni Angel Magbanua ang karakter ni Sisa mula sa akdang pampanitikang Noli Me Tangere noong ika-3 ng Setyembre. “Bago pa nagsimula ang pandemya, ang mga mag-aaral mula sa Liceo de La Salle ay nagsusuot ng Kasuotang Pilipino at nanunuod sa mga pagpapalabas sa Coliseum. Ngayon, gumamit tayo ng Facebook Page ng LSG na makarating sa libolibong Pilipino para maihandog ang mga namumukod-tangi na talento ng mga Koponan.” dagdag pa ni Aruta. Sa kasalukuyan, pinangunahan ng ‘golden chimeras’ ng Koponan ng Paris ang daan patungo sa pagkamit ng ‘House Cup’ sa puntos na 225; Pumangalawa ang ‘mighty griffins’ ng Koponan ng Parmenie sa iskor na 210; Hindi rin nagpahuli ang ‘blue-blooded hydras’ ng Koponan ng Rouen sa kanilang puntos na 200; Sumunod naman ang ‘mighty phoenixes’ ng Koponan ng Rheims sa iskor na 190.
MGA LITRATO MULA SA HOUSE OF PARIS COMMITTEE
FA C E B O O K . C O M / L I C E O B E R D E N G PA R O L A
B E R D E N G PA R O L A @ G M A I L . C O M
02
BALITA
Galing ng Lasalyano Ibinida sa Sining at Tula Para sa Bayan MARISHA NEL NANAS
KUHA NI VERONICA ARUTA
Galak at Palakpak sa Unang Lasallian Press Conference MA. ANGELA BALOYO
Ginanap noong ika-30 ng Agosto ang kauna-unahang Lasallian Press Conference (LPC), isang patimpalak sa pagsulat ng iba’t ibang larangan ng pamamahayag na inorganisa ng publikasyong Berdeng Parola kasama ang Liceo Student Government (LSG) na sinalihan ng bawat Koponan ng Paris, Parmenie, Rheims, at Rouen ng Liceo de La Salle-Senior High School. Nasungkit ni Kristel Oliveres, kinatawan mula sa Koponan ng Rheims ang kampeonato sa Pagsulat ng Balita na sinundan ni Jasmine Mahilum ng Koponan ng Parmenie; April Traigo mula sa Koponan ng Paris para sa pangatlong puwesto; at Bea Marquez ng Koponan ng Rouen para sa pang-apat na puwesto. Sa kabilang banda sa larangan ng Pagsusulat ng Editoryal, nagwagi si Lester Gelisanga mula sa Koponan ng Paris sa pagkuha ng unang puwesto; Pumangalawa naman si Lexie Puedan mula sa Koponan ng Rouen; Louise
Cañada mula sa Koponan ng Parmenie ang pangatlong puwesto; at Angel Gomed mula sa Koponan ng Rheims sa pang-apat na puwesto. Siniguro rin ng Koponan ng Parmenie ang kampeonato sa larangan ng Pagsusulat ng Lathalain sa kanilang pambato na si Rhianne Joie Delmo; Sumunod naman si Bea Legayada ng Koponan ng Paris, Hannah Galona ng Koponan ng Rouen, at Danica Perez mula sa Koponan ng Rheims. Muling nagbunyi ang Koponan ng Parmenie sa pagkamit ni Riezyl Luga ng unang puwesto sa Patimpalak sa Pagdidibuho na sinundan naman ni Vianne Yu mula sa Koponan ng Rheims; Jeptha Bayoneta mula sa Koponan ng Paris para sa pangatlong puwesto; at Christian Mombay kinatawan ng Koponan ng Rouen para sa pang-apat na puwesto. Datapwat nagtagisan man ng galing ang mga kabataan sa kani-kanilang mga talento sa larangan ng pagsusulat, nanatiling isa ang sigaw at mithiin ng kanilang pagiging Lasalyano.
LITRATO MULA SA LICEO STUDENT GOVERNMENT FACEBOOK PAGE
Layuning Payabungin ang Liceo Ipinangako ng LSG JAY ANGELO OLAYRA
Sa pagpupursigi ng pagaaral sa gitna ng pandemya, hindi mahahadlangan ng bagong itinatag na Liceo Student Government (LSG) na maisakatuparan ang kanilang mga layunin sa pagpapaunlad ng mga bago at epektibong mga programang nakatuon sa mga mag-aaral ng Liceo De La Salle–Senior High School sa akademikong taon 2021-2022. Hangarin ng LSG na madagdagan ang mga programa na makatulong, bigyang kasagutan ang lahat ng mga problema, at payabungin ang pagkakaisa ng mga estudyante sa kahusayang edukasyon dulot ng paglipat sa ShiftEd 2.0 na iminungkahi ng administrasyon ng paaralan at sa patuloy na paglaganap ng COVID-19. Itinatag ang LSG nang dahil sa modernisasyon at sa pagbabago ng bisyon at misyon na may layuning mas payabungin at bigyang importansya ang mga mag-aaral ng paaralan. “Ang aming adbokasiya ay nakatuon sa representasyon ng mga mag-aaral na kung saan lahat ng estudyante sa Liceo ay may karapatang ipahayag ang kanilang mga
BERDENG PAROLA
problemang nararanasan at hinaharap sa institusyon. Dahil dito, ang LSG ay nakatutok sa mga proyektong para sa kapakinabangan ng mga estudyante.”, pahayag ni Mark Carlos Imperial, Executive President ng LSG. Matatandaan noong mga nakaraang taon, ang tawag sa nasabing konseho ay Student Activities Council (SAC) na ngayon ay kilala na sa bago nitong pangalan na Liceo Student Government (LSG). Maraming naghihintay na mga aktibidad at programang inihanda ang konseho para sa buong akademikong taon at kabilang na riyan ang ‘Lakbay Lasalyano’, ‘Scholarly Week’, ‘Strand Week’, ‘Liceo Academic Aid’ at marami pang iba ayon kay Imperial. Bukod pa rito, ipinangako ng LSG na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya kasama ang kasapi ng konseho, upang maisakatuparan ang lahat ng programa na kanilang ginagawa nang sa gayon ay mapalakas at mapatibay ang representasyon ng mga mag-aaral sa Liceo. Ika nga ni Imperial, “Maging parte sa mga inisyatibong isinakatuparan ng LSG at sama-sama nating makamit ang hangad natin dito sa Liceo kahit nasa gitna tayo ng pandemya.”
Ipinamalas ng mga Lasalyanong mag-aaral mula sa ika-12 na baitang ang kanilang husay at galing sa paglikha ng sining at tula sa programang inihandog ng Bahandi: Production and Arts Club at publikasyong Berdeng Parola na pinamagatang “Sining at Tula Para sa Bayan” noong ika-23 hanggang ika30 ng Agosto gamit ang opisyal na Facebook Page ng Bahandi: Production and Arts Club. Isa sa mga pangunahing panuntunan ng nasabing patimpalak na kinakailangang magkaroon ng kapareha ang bawat estudyanteng nais sumali sa dahilang isa sa kanila ang magsusulat ng tula habang ang isa naman ay ang guguhit ng sining. Sa huli, hinirang na kampeon ang magkatambal na sina Chelsea De Los Santos at Jolianna Ginete sa kanilang tulang pinamagatang “Cantadora” na kung saan kanilang binigyan diin ang kasaysayan ng bansang Pilipinas. Nasungkit naman nina Angel Magbanua at Carlos Valderrama ang pangalawang pwesto kasama ang kanilang tulang “Kariktan ng Irog Kong Bayan, Dakilang Kasaysayan ng Pilipinas” na nakasentro sa layuning magbalik tanaw sa kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng tula at sining. Ayon sa tagapamahala ng Bahandi: Production and Arts Club na si Jose Karlou Santillana, ang nasabing proyekto ay naglalayong isulong at ipalaganap ang pagpapahalaga sa wika at kulturang Pilipino lalo na sa paggunita ng Buwan ng Wika Ibinahagi sa opisyal na Facebook page ng Bahandi: Production and Arts Club at Berdeng Parola ang mga pambihirang gawa ng mga kalahok.
Ani ni Santillana, “Ang makapagbigay ng oportunidad at ‘open space’ para sa mga mag-aaral na kung saan malaya nilang maipapamalas ang kanilang galing at talento sa pamamagitan ng paglikha ng mga sining at tula ay ang aming
pangunahing mithiin. Sa pagtatapos ng aming inorganisang aktibidad, masasabi ko na napagtagumpayan naming nagawa iyon.” Lubos na nagpapasalamat si Santillana na itinaguyod pa rin ng Bahandi at Berdeng Parola ang aktibidad sa gitna ng pandemya.
LITRATO MULA SA BAHANDI: PRODUCTION AND ARTS CLUB FACEBOOK PAGE
LUPAD nanaig sa Special Elections 2021 HANNAH CLARICE GALONA
Sa pagpatuloy na pumailanlang, nangibabaw ang Lasallian Union for Progressive Advocacies and Development (LUPAD) laban sa Association of Model Lasallians for an Improved Government (AMLIG) matapos nilang masungkit ang apat na posisyon para sa Grade 11 Representative ng iba-ibang strand nitong Special Elections 2021 na inihanda ng Liceo de La Salle Bacolod - Commission on Elections (COMELEC) noong ika-17 ng Setyembre. Kinilala sina Alyzza Grace Tolentino, Reanna Villanueva, Leo Benedict Ramos, at Michaizel Joy Cartagena na bagong halal bilang mga kinatawan ng Accountancy, Business, and Management (ABM), Arts and Design (A&D), Humanities and Social Sciences (HUMSS), at Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM). Ayon kay Michaizel Cartagena, kinatawan ng STEM, “Ngayon, sa aking pagtahak ng aking pagkapanalo, lubos kong naramdaman ang pagmamahal ng mga taong sumusuporta sa aking paglalakbay tungo sa pagkamit ng mga aksyon at solusyon na nais kong gawin at gayundin ang pagkamit ng adhikain ng aking
adbokasiya. Ngayon, adhikain ng aking puso na iparating sa aking mga tagasuporta na lubos akong nagpapasalamat sa kanila sapagkat isa sila sa mga pinaghuhugutan ko ng lakas na magpatuloy sa aking tinatahak na landas.” Sa kabilang banda, idineklara ng Liceo-De La Salle Commission on Elections (COMELEC) si Chie Yoshimura, isang kandidato mula sa AMLIG na bagong halal na kinatawan ng Technical Vocational and Livelihood Cookery (TVL-Cookery). Ayon kay Raezel Palma, tagapangulo ng Liceo COMELEC “Mahalaga ang bawat boto ng Lasalyanong mag-aaral dahil
ito ay kanilang karapatan. Ang paghalal sa isang ‘student-leader’ ay desisyon ng mga mag-aaral kaya’t aking isinusulong ang pagboto ng bawat isa. Mainam din ang pagkakaroon ng batayan at kilalanin ng mga mag-aaral ang mga kandidato para kanilang matukoy kung sino ang karapat-dapat ng kanilang boto.” Inilabas ng Liceo COMELEC ang mga resulta ng Special Elections 2021 noong ika-17 ng Setyembre sa pamamagitan ng platapormang Google Meet matapos bumoto ang mga ika-11 na baitang mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa platapormang Canvas.
LITRATO MULA SA LICEO DE LA SALLE BACOLOD COMELEC FACEBOOK PAGE
TOMO V BILANG VIII
03
OPINYON E D I T O RYA L
#TUMINDIG
Ang Opium ng Rehimeng Duterte Pagkabaldado ng ekonomiya at pagkawala ng teritoryo ng bansa ang dulot ng pakikipag-ututang dila ng administrasyon sa bansang Tsina. Animo’y nalulong sa pagkakaibigan ang Pangulo at marahas na tumaliwas sa kanyang pangako noong panahon ng kandidatura. Pagkabaldado ng ekonomiya at pagkawala ng teritoryo ng bansa ang dulot ng pakikipag-ututang dila ng administrasiyon sa bansang Tsina. Animo’y nalulong sa pagkakaibigan ang Pangulo at marahas na tumaliwas sa kanyang pangako noong panahon ng kandidatura. Matatandaang naging maingay at patok sa masa ang pangalang Rodrigo Duterte at katagang DU30 dahil sa matapang na mga pangako nito at isa na rito ang pagje-jetski niya patungo sa West Philippine Sea at itatanim doon ang watawat ng Pilipinas na kaniyang lantarang ikinaila kahit pa saksi ang masang Pilipino noong panahon ng kanyang pangangampanya para sa pagkapangulo. Pagtalikod sa mga binitawang salita at bukasmatang panonood sa hayagang pagkamkam sa teritoryo ng bansa upang maging maamong tupa sa sinasambang panginoong estado.
Sa Wuhan, isang siyudad sa “bff” na bansa ng pangulo unang kumalat ang Covid-19. Tumindi ang nasabing virus dahil sa makupad na desisyon ng pagbabawal sa pagpasok ng mga Tsino sa ating bansa dahil sa pag-aalala nito sa sasabihin ng kaniyang kaalyado, ani ng pangulo sa isang ambush interview “Mahirap ‘yang ano, sabihin mong you suspend everything because they are not also suspending theirs and they continue to respect the freedom flights that we enjoy.” Dahil sa balikukong hakbang na ito at kawalan ng transparency ng Department of Health (DOH) sa tunay na lagay ng mga kaso at paggalaw ng virus, ay nagresulta ito sa malawakang suliranin gaya ng pagsasara ng mga industriyang pangkabuhayan, pagkawala sa linya ng daloy ng edukasyon, pagkamatay ng libolibong Pilipino at pagkasira ng
GUHIT NI CHRISTIAN MOMBAY
ekonomiya dahil sa pagsipa sa P11.07 trilyong utang ng gobyerno ng Pilipinas—pagkakautang na may pinakamataas na antas sa kasaysayan. Magpahanggang sa ngayon ay sanggang dikit pa rin ng rehimeng Duterte ang Tsina dahil sa walang patid na donasyon ng mga bakuna at iba pang kagamitang pangkalusugan na tila isang pang-iinsulto dahil wala sana sa ganitong kalagayan ang buong mundo kung nakontrol ng mga ito ang pesteng inihasik sa lahat ng
estado. Mga pamumudmod ng mga patibong na lalamon sa buong Pilipinas at sambayanang Pilipino. Matatandaan din na ang kaalyadong ito ng bansa ang nagpondo sa isinisagawang Kaliwa Dam sa lalawigan ng Quezon at Rizal na pinaniniwalaang sagot sa kakulangan ng tubig sa kalakhang Maynila. Ngayon ay hayagang tumatambad sa publiko na hindi tunay na kaalyado ang bansang Tsina dahil panginoon na ito ng kasalukuyang administrasyon. Hindi
na rin nakakagulat kung dumating ang panahon na tuluyan ng magbihisngalan ang ating bansa—Province of the Philipines, Republic of China gayong minsan na itong lumabas sa mismong bibig ng pangulo. Isang hinuhang hindi malabong mangyari gayong nakakabit na ang tanikalang sasakal sa lupain ng Perlas ng Silangan. Sa kabuuan, marapat na masupil na ang pagsamba ng pamahalaan sa kanilang huwad na kaalyado sapagkat lantad na sa publiko ang baho ng singkit na estado.
Pagkapanalo ng Kabataang Pilipino sa Halalan 2022 Ika ng ibang nakakatanda na, “kapag bata ka wala kang alam”. Andyan pa ang awiting “BatangBata Ka Pa” ng APO Hiking Society na nagsasabing “batang-bata ka pa at marami ka pang kailangan malaman at intindihin sa mundo”. Ngunit sa kasalukuyan, dulot na rin ng pandemyang lubhang nakapagbago sa kung paano tayo nag-iisip, nagtatrabaho, at namumuhay, ang social media ang nagsilbing kanluran ng karamihan. Hindi natin maipagkakait na lubusang mas may alam ang kabataan sa paggamit nito kung kaya hindi ba nararapat na sabihin na ang pagka dalubhasa nila ay pruweba ng kanilang talino’t kapangyarihang taglay? Kumbinsido akong kabataan ang siyang tatakbo at magbubuhat ng bansang Pilipinas sa pagkapanalo. Sa tulong ng social media, tiyak na masasaksihan natin kung paano ang mga kabataan makakaapekto sa kalalabasan ng nalalapit na halalan 2022. Ayon sa United Nations Population Fund (UNFPA), ang Pilipinas sa kasalukuyan ang may pinakamalawak na henerasyon ng kabataan sa kasaysayan. Sa pamamagitan ng pagboto ng mga kandidatong may kakayahan at maaasahan, ang oras, pagsisikap, at pondo ng bayan ay maaaring maituon sa pagpapatupad ng mga patakaran at proyektong naglalayong paunlarin ang kinabukasan ng mga kabataan. Dagdag pa, ayon naman kay Commission on Elections (COMELEC) director James Jimenez, sa 62 milyong rehistradong botante noong Oktubre 18, mahigit kalahati (32.7 milyon) ang kabilang sa sektor ng kabataan. Ika nga ng dating pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama, “There’s no such thing as a vote that doesn’t matter,” kung kaya lubos akong
BERDENG PAROLA
naniniwala na ang bawat boto ay may halaga lalong-lalo na kung ang boto ay nanggagaling sa kabataang walang takot at may karangalang nagsusumikap na makamtan ang maliwanag na kinabukusan para sa kanyang bayan. Sa konteksto naman ng fake news na talamak din tuwing panahon ng pangangampanya, ang mga interbensyon na ginawa ng gobyerno patungkol sa isyung ito ay maaaring hindi pa ang pinakamahusay, ngunit sinusubukan nila ang kanilang makakaya upang ito’y malabanan. Isang interbensyon na kasalukuyan nilang ginagawa ay ang pagsama ng Media and Information Literacy (MIL) sa kurikulum ng mga mag-aaral. Dahil dito ay hindi lamang nagiging bihasa ang mga kabataan sa paggamit ng social media, bagkus ay nagiging mas mapagbantay at responsableng netizens din sila. Nalilinang din ang kanilang kakayahan sa pagtukoy ng tama sa mali at ang pagkakaroon ng mabuting pakikitungo sa pagiging bastos.
Maaaring may mas mataas na pinag-aralan at may kaakibat na karanasan ang mga nakakatanda ngunit hindi maipagkakaila ang pananaw at sinseridad ng kabataan pagdating sa pangangampanya sa pagbabago. Lubos na nakakagulat at nakakahanga ang mga nagagawa ng kapwa kong kabataan na patuloy at walang takot na ginagamit ang kanilang boses sa pagpuna ng mga kamalian, kawalan ng katarungan at mga isyung panlipunan sa iba’t ibang plataporma. May kakayahan din silang gumawa ng mga interbensyon na likas na malikhain at nauugnay sa sitwasyon natin sa kasalukuyan. Asahan na marami pang mga hamon ang haharapin ng bansa sa paghahanda para sa halalan. Ngunit sa paggising natin bukas, naway tulad ko ay maging panatag din ang loob mo na ang kabataan ay hindi balakid, kundi ang susi sa pagkamit ng pagbabago patungo sa tagumpay ng sambayanang Pilipino.
TOMO V BILANG VIII
04
OPINYON Balik Eskwela sa Gitna ng Pandemya Ang makapag-aral ng harapharapan ay isang malaking pangarap ng mga estudyante, lalo na ngayon sa panahon ng epidemya na kung saan halos lahat ng mga mag-aaral ay nahihirapan dahilan sa sangkatutak na araling hindi maintindihan at idagdag pa ang mga deadlines na minsan ay wala sa lugar. Noong Setyembre, matatandaan na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limitadong face-to-face classes ng Department of Education (DepEd) na magsisimula nitong darating na Nobyembre 15 hanggang Enero 31 na kung saan 120 paaralan ang makikibahagi sa pilot run. Gayon, ako ay lubos na naniniwala na ang limited face-to-face classes ay mas mainam sa mga kabataan sapagkat hindi lamang sila mabuburo sa kanilang mga tahanan. Bagkus, maaari silang makapag-aral sa ‘new normal set-up’ lalo na sila’y kabilang sa mga lugar na itinuturing ‘low-risk areas’. Ang pagbabalik ng ‘face-toface classes’ ng Department of Education, ay hindi minadali kundi ito ay pinagplanuhan nang maigi ng ilang buwan. Iba’t ibang mga ahensya ang nagsanib-pwersa at
nakipag-tulungan sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions (IATF-EID) at sa Department of Health (DOH) upang mabigyan ng ligtas na edukasyon ang mga estudyante. Kabilang sa mga kinonsidera ng mga departamento ang pagpili sa mga lugar na may ‘low risk areas’ at mga paaralang nakapasa sa School Safety Assessment Tool (SSAT), nang sa gayon ay makalahok sila sa pilot run. Dagdag pa rito, minabuti rin nilang gumawa ng isang mahigpit na patnubay sa mga paaralang kinakailangang magkaroon ng isang Water Sanitation and Hygiene (WASH) facilities, isang silid-aralang may ‘proper ventilation’, at ‘classroom layout’ na makakapag tupad ng physical distancing sa mga magaaral. Lahat ng ito ay tiniyak at masusing sinuri ng mga departamento. Pinasiguraduhan din na ang mga piniling paaralan ay may suporta galing sa Local Government Unit (LGU) at may pahintulot galing sa mga magulang ng mga estudyante na lalahok. Bukod pa rito, magiging kapakipakinabang sa mga mag-aaral ang limitadong face-to-face classes
sapagkat mas mapapabuti ang kanilang kasanayan sa pag-aaral at makakabuo ng mas matibay na koneksyon sa pagitan ng mga estudyante at guro. Dagdag pa, maiiwasan din ang mga problemang bumabalakid sa pag-aaral ng mga bata gaya na lamang ng mahinang ‘internet connection’, unexpected power interruption, ingay sa kapaligiran, at iba pang mga kadahilanan. Sa kabilang banda, ang limited face-to-face classes ay lubos na pabor sa mga magulang na labis nagbabayad ng malaki sa internet, mobile data, at gadyets para lamang makadalo ang kani-kanilang mga anak sa online class at makapasa ng modyul sa tamang oras. Maraming mga magulang ang dumo-doble kayod sa pagtatrabaho para lang mabigyan ang kanilang mga supling ng mga pangangailangan sa pag-aaral kahit mahirap na ang buhay. Ayon sa isang magulang, ang pagkakaroon daw ng face-to-face classes ay makakatulong sa kanila na mabawasan ang perang ginugugol sa pang araw-araw na buhay. Kaya’t ang pilot run na limited face-to-face ay naaprubahan upang mabigyan sila ng pag-asa at mabawasan ang mga bayarin na kanilang ginagastos. Bagama’t tayo ay nasa gitna ng pandemya, sinisikap pa rin ng Kagawaran ng Edukasyon sa abot ng kanilang makakaya ang magkaroon tayo ng ligtas na kapaligiran lalong lalo na para sa mga kabataan. Kung tayo man ay magpapatuloy sa ganitong uri ng pag-aaral, tiyak na limitado rin ang kaalaman na namumulaklak sa ating isipan at pag-unlad na namumukod-tangi sa ating kabuhayan. Gayunpaman, lubos akong naniniwala na ang limited face-to-face classes ang magliligtas sa mga mag-aaral sa pangmatagalang epekto ng COVID, at maging sa mga magulang na labis na kumakayod upang makapag-aral ang kanilang mga anak at makapagbigay ng pagkain sa hapag kainan.
Ang utang ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon ay binabayaran natin, gayundin ng mga susunod pang henerasyon. Kahit ano pang anggulo ay makikitang lubog na lubog na tayo sa utang. Maituturing nga ba talagang malaya ang Republika ng Pilipinas kung mayroon tayong tambak-tambak na utang? Makaalpas pa nga ba tayo sa pagkakakulong kung patuloy na tumataas ang halaga ng inutangan natin? Kung oo, kailan at paano? Hindi na ito tungkol sa pinagyayabang na katatagan ng mga Pilipino, kundi sa kahusayan ng gobyerno sa paghawak ng pondo alang-alang sa kapakanan natin ngayon at ng mga susunod pang henerasyon. Ayon sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury noong Agosto 2021, tuluyan pang tumaas ang utang ng gobyerno mula sa ₱11.61 trillion sa nakakapanlumo na ₱11.64 trillion. Hindi naman maipagkakait ang pangangailangan natin ng pondo, sapagkat ito’y mahalaga upang malabanan ang sunodsunod na ‘pandemic wave.’ Ngunit nakakapagtaka lamang na sa kabila ng napakalaking halaga na ating hinihiram, ay patuloy pa rin tayong nagkukulang ng mga mapagkukunan upang labanan ang sakit at hirap na dulot ng pandemya. Noong Miyerkules, Enero 5, sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na una silang humiling ng P5 bilyon para sa ‘contact tracing.’ Ngunit binawasan ito ng Kongreso oras sa paggamit ng internet na kung sa 2022 General Appropriations saan apat na oras sa social media; Act (GAA) na nilagdaan bilang batas Natuklasan sa aplikasyong Youtube ni Pangulong Duterte. Sa kabila ng naman kadalasang nangyayari ang Pinoy Baiting na tumataas ng halos 50 porsyento kada taon ang ‘watch time’ ng mga bidyo dito. Malaya ba ang bayan kung lantaran ang Pinoy Baiting na siyang ugat ng imperyalismo? 1898 nang kumalas ang mga Pilipinong martyr mula sa pagkakagapos sa ilalim ng represibong pamamahala ng mga Espanyol na tumagal ng 333 na taon. Dugo ang dumanak at buhay ang binawi’t binayad sa mga panahong ito upang matamo ang kalayaan. Sa ganitong mga oras nananatili pa ba ang kalayaang minsan na ipinaglaban? Ang tunay na konsepto ng Pinoy Baiting ay ang pagsasamantala ng ating bayan. Hindi man nila tayo hawak ng direktahan, ngunit ang bansa natin ay apektado sapagkat patuloy na umuusbong ang imperyalismo. Ang dapat at kaaya-ayang sistema na ang Pilipinas sapagkat naghahariay makabayan, siyentipiko, at harian na ang mga kapitalistang makamasang edukasyon. Bagaman banyaga, mga burgis at panginoong ganito, kitang-kita ang nakakasukang may lupa. Tinatapakan ang sistemang mayroon ang ating karapatang mamuhay sa mga bansa dahilan sa pagtangkilik ng lupang ninuno dahil sa epektong kolonyal, komersyalismo, at laban bitbit ng piyudalismo. sa demokratikong pamamalakad. Nananaghoy ang bayan— Maging sa pamumuhay ay atrasado hindi niya na kayang maatim ang
Pinoy Baiting, Imperyalismo, at Tayong mga Pilipino Itinuturing ang henerasyong ito na isang digital na era dahil sa kasalukuyang paglubog ng kalakhan ng mga Pilipino sa mundong pinapatakbo ng teknolohiya. Sa pag-usbong ng mga porma ng mga makabagong makinarya lalo na ang ‘social media,’ nailalahad ang mga isyung pampulitika. Sa katunayan, umugong ang isyung pangkultura sa porma ng Pinoy Baiting. Ang Pinoy Baiting ay isang estratehiya ng mga banyagang ‘content creator’ upang mas lalong dumami ang kanilang mga manonood nang sa gayon ay makapag-ani ng pera (Magcamit, 2021). Ito ay isang suliranin na tila sampal sa ating mga mukha, ngunit nananatili tayong bulag dahilan sa pagkasilaw nating mga Pilipino sa tinatawag na ‘foreign praise’ o ang pagtangkilik ng mga dayuhan sa ating kultura. Masyado nating ginawang batayan ng tagumpay ang mga balidasyon mula sa mga banyaga. Unang umalikabo ang isyung ito nang umalma si Gracia Palicas—ang apo ng National Philippine Artist at kilala bilang mambabatok na si Apo Whang Od, na peke diumano ang isa sa mga akademyang itinatag ni Nas Yusseiri ng Nas Daily na mas kilala sa tawag na “Whang-Od Academy.” Bukod pa rito, ang naturang akademya
BERDENG PAROLA
ay nakikipag ugnayan daw ang WhangOd Academy sa mga serbisyong hatid ng mga Indigenous People sa isang lokal na kompanya na tanyag sa mga proyektong gawa ng mga katutubo. Talaga namang maituturing na Pinoy Baiting ang ginawa ni Nas Daily, sapagkat pinagkakakitaan niya ang pagkahumaling ng mga Pinoy sa konsepto ng Pinoy Pride at kasakiman sa balidasyong pandaigdigan. Sa kabilang banda, may dala rin namang kabutihan ito sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman tungkol sa kultura ng Pilipinas, kung gaano kasigla ang ating bayan, na makulay ang ating kultura, at ipaalam sa mundo ang pagkatao ng mga Pilipino. Ito lamang ay nagiging masama kapag nakasentro na sa Pilipinas at sa nasasakupan nito ang halos lahat ng nilalaman ng kanilang mga gawa upang humakot ng maraming manonood. Bakit nga ba kadalasang mga Pilipino ang biktima ng modus na ito? Ayon sa pananaliksik ng HOOTSUITE at We Are Socials, ang Pilipinas ang siyang nangunguna sa listahan ng mga bansang karamihan sa mamamayan ay lubog at kadalasang nakatutok sa social media. Sa inilahad na datos, naglalaan ang kalakhan ng mga Pilipino ng halos 10
Ang Inutang ng Perlas ng Silanganan patuloy na pagtaas ng impeksyon dahil sa ‘omicron variant,’ ang ilan sa mga ‘contact tracer’ na napawalang bisa na ang kontrata ay nagpasyang magtrabaho na lamang ng libre upang makatulong sa bansa. Nakakadismaya ring makarinig ng mga alegasyong kumakalat tungkol sa maling paggamit ng pondong nakalaan sa pagsugpo ng COVID-19. Higit pa rito, naguudyok din ito ng galit sa mga healthworkers na patuloy na iginigiit ang pangangailangang ipatupad ang pagbibigay ng pinangakong mga benepisyo, lalo na sa panahong ito kung saan may panibagong pagtaas ng mga kaso. Gayunpaman, bilang malalayang mamamayang Pilipino ay may isa pang utang ang kinakailangan nating bayaran. Ito ang utang na loob sa mga ninuno nating walang takot na nakipaghimagsik sa pamamagitan ng pagsulat o paghawak ng armas, upang makamit ang kalayaan at mga karapatang pantao na tinatamasa natin sa ngayon. Ang utang na loob na dapat ay hindi lamang dinadaan sa salita, kundi ay ipinapakita at isinasabuhay. Kaya sa nalalapit na halalan 2022, ating suklian ng paunti-unti ang utang natin sa bayan alang-alang sa pagpapahalaga ng nakaraan, kaginhawaan ng kasalukuyan, at kaunlaran ng kinabukasan. Tiyak na ang lahat ng ito ay makakamtan sa pamamagitan ng pagturo sa sarili at kapwa, pagsasagawa ng malalim na pananaliksik at paggamit ng karapatang bumoto nang matalino at may prinsipyo.
patuloy na pambubugbog sa ating lipunan. Malubha na ang mga pasa na hatid ng mga ugat na problema. Tayo’y tinatawag na tumayo’t makialam, ipabagsak ang sistemang bulok at ipagtanggol ang bansa. Kumilos na para sa kanyang kalayaan at kaginhawaan; Tayo’y humayo at ipaglaban ang Perlas ng Silangan.
TOMO V BILANG VIII
05
LATHALAIN
LINGKOD LASALYANO TUNGO SA PAGBABAGO JULIENNE CAYE VILLANUEVA
Pagdududa, pag-aalinlangan, at pangangamba sa pagharap ng mga panibagong pagsubok—bahagi ang mga ito sa buhay ng mga magaaral. Patuloy tayong pinagtatagpo sa mga hamon na makapaglilinang sa ating mga kakayahan. Hindi lamang tayo inaatasang tumutok sa akademya, ngunit hinihikayat ding hasain ang ating mga kasanayan sa iba pang mga malikhaing larangan. Gayunpaman, napagpasyahan ni Marvin Lim na tanggapin ang hamon na ipinagkaloob sa kanya, at hindi siya binigo ng mga resulta. Sa pagrepresenta ng paaralan, siya ay nagwagi bilang kampeon sa 1st Interschool Live Tour Guiding Competition. Layunin ng Tour Guiding Competition ang magbigay kaalaman tungkol sa magagandang aspeto ng Negros Occidental. Pakay nito ang maghikayat sa mga tao na ang lalawigan ay hindi lamang masagana sa agrikultura, ngunit gayundin sa kasaysayan at kaakit-akit na mga tanawin. Isa itong sagupaan ng kagalingan sa pagsasalita at kasanayan sa pagharap sa madla. Kaugnay nito, lahat tayo ay nakaranas ng malagay sa isang
sitwasyon kung saan nasa kalagitnaan tayo ng pagpapasya. Tayo’y hinahamong mamili sa pagitan ng pagkilos o manatili na lamang sa ating kaginhawaan. “Noong una, hindi ako ganoon ka interesado. Ngunit noong nalaman ko na bukas pa ang pagkakataon para lumahok, napag-isipan kong isa itong pagkakataon upang subukin at pagbutihin ang aking kahusayan sa pagsasalita.” ika ni Marvin sa isang panayam. Habang ang mga patimpalak ay bihirang pagkakataon lamang upang mahasa ang ating mga kakayahan, may mga kadahilanan pa rin na makahahadlang sa kagustuhang nating sumali. “Isang uri ako ng tao na mas gustong manatili sa bahay, kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataong galugarin ang probinsya” ibinunyag niya habang sinasalaysay ang damdamin sa nasabing kompetisyon. Dagdag pa nito, “Ang mga pangyayari ay nakagugulantang, ngunit walang katumbas na halaga ang kagalakan na aking nadama sa pagkapanalo ko sa kompetisyon.” Sa mga paligsahang tulad nito, kailangan din isaisip ang
BAGONG MUKHA, BAGONG PAG-ASA JULIENNE CAYE VILLANUEVA
BERDENG PAROLA
Sa kabila ng mga pagsubok at pagbabago, patuloy pa ring iikot ang mundo. Kaalaman. Karunungan. Kakayahan. Ito ay iilan lamang sa mga mahahalagang bagay na ating mapupulot mula sa ating mga karanasan sa buhay. Kaya naman, sa ikalawang taon nating mga Lasalyano sa gitna ng pandemya, ang ating mas malawak na kaalaman, karunungan, at kakayahan ay ang ating naging puhunan tungo sa mas maayos at mas handang sistema ng paaralan. Ito ang layunin ng Student Life Office (SLO), isang panibagong opisina sa Basic Education Unit (BEU) ng paaralan na pinangungunahan ni Gng. Leanne Faicol. Nabuo ang SLO upang tulungan ang paaralan sa pag-abot ng mithiing kabuuang pag-unlad ng mga magaaral. Dagdag pa rito, ayon kay Gng. Faicol, “This office was designed to help streamline and monitor all studentrelated activities.” Sa iilang buwang presensya ng bagong opisina, may mangilan-ngilan nang pagbabago
pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Pinaniniwalaang makakamit ang lahat na hinahangad basta’t mayroon ka ng pananalig sa sariling kakayahan. May mga oras na, nasa atin na ang talento at galing, ngunit hindi pa rin natin magawa ang mga bagaybagay. Bagaman, ayon kay Marvin, “Maliban sa suporta na natanggap ko galing sa mga nagmamahal sa akin, ang pagsasanay ay nakatulong sa pagbuo ko ng pagpapahalaga sa sarili, na isa rin sa mga dahilan kung bakit ko dinaig ang mga pagsubok.” Mapagtatanto natin sa ibinahaging karanasan ni Marvin Lim na wala tayong kaalaman sa magiging kalalabasan ng mga pangyayari at mga hamong lakasloob nating tinatanggap. Lagi nating tatandaan na bukod sa mga gawaing pang-eskwela na dapat tuonan ng pansin, hindi kailanman magiging aksaya ng oras ang pagpapabuti ng mga kasanayan na sa atin ay may malaking pakinabang. Sa pamamagitan ng pagiging matapang, positibo, at pagkilala sa sarili ng lubusan, tiyak na matatamasa ang tagumpay na pinaghihirapan at gustong makamit nating mga indibidwal.
Kung mayroon man tayong naranasang lahat bilang isang nasyon, iyon ay ang pagbabago. Pagbabago sa paraan ng pamumuhay, pagbabago sa pamamahala, at pagbabago sa sistema. Hindi na lingid sa ating kaalaman ang iba’t ibang mga bagong pamamaraang inihandog at ipinakilala noong magsimula ang pandemya at bilang mga mamamayan, isa ito sa mga mapaghamong sitwasyong ating patuloy pa ring kinakaharap. Ngunit sa kabila ng mga pintong nasara ay pagbubukas ng mga panibago. Para sa ating mga Lasalyano, ang bagong akademikong taon ay hindi lamang nagdala ng bagong mga asignatura, mga kaklase, at mga kaibigan ngunit nagbukas din ng pintuan para kay Br. Alexander Diaz FSC, ang ating bagong punong-guro. Galak. Iyan ang namayagpag sa damdamin ni Br. Diaz nang malaman niyang siya’y magiging bagong punong-guro ng Basic Education Unit (BEU) ng University of St. La Salle (USLS). Noon pa man, naging malaking parte na ang paaralan sa buhay ni Br. Diaz dahil siya’y dati nang mag-aaral dito. At para sa kanya, isang malaking oportunidad ang makapagsilbi sa paaralang pinanggalingan na siyang sa kanya’y humubog at naghanda. Bagama’t
ang naidulot nito lalo na sa linya ng komunikasyon, at dahil nasa aspekto ng transisyon pa lamang ito, inaasahang mayroon pang aabangang malalaki at maliliit na pagbabago sa kabuuan. Gayunpaman, sa kabila ng mga layunin, hindi ito magiging posible kung wala ang taong nasa likod ng pamamalakad at pagtataguyod nito. Para kay Gng. Faicol na mahigit sampung taon nang naging guro, isang malaking hamon para sa kanya ang pagtanggap ng tungkulin bilang tagapamahala ng SLO. “Saying yes to this doesn’t mean that I am fearless, contrary, I feel quite scared but I do trust God, I trust the process, and I do trust the people who put me in that position,” aniya. Dagdag pa, ang tungkuling ito ay ang nagtulak sa kanyang balikan ang pagbabasa ng mga akda tungkol sa likas na katangian ng aktibidad ng mga mag-aaral. Para sa kanya, ang pag-unawa nito at ng layunin ng opisina ay nakatutulong sa kanya at sa iba pang mga miyembrong kabilang sa likod ng SLO sa pagganap ng kanilang tungkulin. “Together with the other
members of the SLO, we are looking forward to achieving not something great but something that would always be beneficial to our students.” Ang presensya’t layuning itinataguyod ng SLO ay patunay na hindi imposibleng makamtan ang mas maayos na sistema ng edukasyon sa gitna ng pandemya at ang pagkakaroon ng pagkakataong patuloy na umunlad ay isang malaking pribilehiyo para sa’ting mga Lasalyano. Kaya naman, huwag natin itong sayangin at hawak-kamay na magtulungan. Mula kay Gng. Faicol, “To our dear young Lasallians, we may not be together physically on campus, but rest assured that the Basic Education Unit continues to thrive in offering you quality education through the provision of different activities aside from your virtual classes. Together with the other members of the Student Affairs Cluster, which includes the student leader. Let this ‘new’ normal be a venue for us to be more innovative in our engagement to our fellow Lasallians and also to the other communities.”
PAGIGING KAMPEON AT PAGTUGON SA MGA HAMON JULIA MARIE ACOSTA
bagong punong-guro sa USLS, hindi nangangahulugang bago rin si Br. Diaz sa karanasang ito. Noong nakaraang taon, siya’y nakapagsilbi na rin sa parehong posisyon sa La Salle Green Hills (LSGH) at siya’y dati na ring bahagi ng Board of Trustees ng USLS. Ayon sa kanya, ang kanyang mga natutuhan mula sa mga karanasang ito, kasabay ng maraming bilang ng mga pagpupulong at pag-aaral sa mga planong inilatag ni Br. Francisco “Br. Sockie” de la Rosa IV FSC, dating punong-guro, ay ang tumulong sa kanyang mas maging handa ngayon. Kaugnay nito, marami ring natutuhan si Br. Diaz sa kanyang karanasang nakapagpalawak pa ng kanyang pag-unawa. Ika niya, ang bawat paaralan ay may sariling kultura at dapat itong galangin sapagkat ito ay nagbibigay ng pagkakakilanlan at nagpapahayag ng kakayahan. Ngunit sa kabila ng pagkakaiba, lahat naman ay may kakayahan para maging mabuti sa iba’t ibang larangan. “Minsan kailangan lang mashake. Do’n malalamang may kaya pa palang magawa other than sa mga nakasanayan na. The changes brought by the pandemic have allowed us to discover this,” aniya. Sa kabila naman ng lahat ng mga programa, plano’t titulo, si Br. Diaz ay isa ring ordinaryong tao. Sa
mga panahong wala siyang pasok sa trabaho, ilan sa mga bagay na kanyang hilig gawin at paglaanan ng oras ay ang pagbabasa ng libro, mag-scroll sa social media, manood sa Netflix, pumunta sa tabing dagat o lumabas ng siyudad, yoga, at mag-alaga ng kanyang halaman at alagang asong si Logan. “[I will] do anything other than work!” sambit nito. Sa kasalukuyan, unti-unti nang inilalatag ang mga mithiin ni Br. Diaz para sa paaralan at kabilang dito ang paghihikayat sa lahat ng miyembro ng BEU na ihanay ang bawat programa at aktibidades na inihahanda sa tatlong direksyon ng BEU na nanggaling sa bagong Vision at Mission Statements ng USLS. Hindi nga naman lahat ng pagbabago ay nangangahulugang masama. Minsan, ito ay simbolo ng isang bagong simula. Bilang mag-aaral, mahaba-haba pa ang ating tatahakin sa pag-aaral sa platapormang online at ang magkaroon ng isang panibagong kakampi sa ating paglalakbay ay talaga namang isang malaking karangalan. Marami pang pagbabago ang nakaabang pero ika nga ni Br. Diaz, “Tiwala ako na mas kaya niyo ang mga challenges of an online setup, compared to us, millennials, and even the boomers. Nasa mga daliri ninyo ang ‘new future’. Create the ‘new future’ and create it well.”
TOMO V BILANG VIII
08
LATHALAIN
PAGLAYAG PARA SA LAHAT NG MAMAMAHAYAG MA. ANGELA BALOYO
Lahat ng indibidwal ay may karapatang magpahayag ng kanilang sariling pananaw at opinyon. Ito ay likas na gawain nating lahat, lalong lalo na ang mga mamamahayag. Ngunit bihira lamang ang mga taong nagbabahagi ng balita’t impormasyon na walang kinikilingan at kinatatakutan. Matapang, may paninindigan, at hindi nagpapatinag sa mga kinauukulan. Iyan ang katangian ng kauna-unahang babaeng Pilipinang binigyang papuri’t dangal na Nobel Peace Prize. Si Maria Ressa na hindi nagpasiil at pinaglaban ang kanyang karapatan. Si Maria Angelita Delfin Aycardo o mas kilala sa tawag na ‘Maria Ressa,’ ay isang Pilipinang mamamahayag at ang kasalukuyang Punong Ehekutibo ng Rappler — isang ‘online news website.’ Ngunit bago pa man siya naging tanyag na mamamahayag, maraming pagsubok din ang kanyang hinarap gayong siya’y naulila sa kanyang ama noong isang taon pa lamang. Sinundan pa nito ang pangingibang bansa ng kanyang ina, at doon na nagsimula ng bagong buhay. Bagaman ganito, umuwi ang ilaw ng kanilang tahanan sa Pilipinas at doon na nga tuluyang nagbagong lubusan ang buhay at ang apelyidong ‘Aycardo’ ng musmos na bata. Sa pagsibol ng administrasyong Duterte, mula sa pakikipag-ututang dila sa mga dayuhan gaya ng Tsina, matatandaan na sangkatutak na kaso at mga murang nakakayurak ng dignidad ng tao ang hinarap ni Ressa; Gayundin ng kanyang mga kasamahan sa Rappler. Ito ay nag-ugat sa ginawang reklamo ni “Wilfredo Keng,” patungkol sa ulat ng Rappler sa kanyang negosyo at sinampahan ng kasong ‘Cyber Libel’ si Ressa. Gayunpaman, ito’y ibinasura ng Korte dahilan sa pag-urong ng kaso ni Keng. Bukod pa rito, noong nakaraang Hulyo 7, 2020, sa isang ‘late-night speech’ na dapat nakatuon sa pagpuksa ng COVID-19, ay pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mamamahayag kasabay sinabi ang mga katagang, “Ressa is a fraud. Maniwala kayo. Give us time. It’s too early for you to enjoy ‘yung mga award-award mo. You are a fraud actually.” Hindi naman nagpatinag sa Ressa at patuloy na lumaban para sa kanyang karapatan sa malayang pagpapahayag. Aniya sa isang panayam,
“Every journalist has to hold the line because we will only get weaker with time. We’re fighting the vast powers of government—and I’m not against President Duterte. I’m just doing my job and I ask the government to do its job and stop abusing its power. “ Maraming pagsubok at dagok sa buhay na ang pinagdaanan ni Maria Ressa. Sandamakmak na mura din ang kanyang nakuha mula sa mga taong makikitid ang utak sa kritikal na pag-iintindi. Datapwat ganito, ginawa ito ni Ressa bilang inspirasyon at ngayon nga ay kanyang nakamtan ang rurok ng tagumpay— ang parangalan ng Nobel Peace Prize. Siya ngayon ay nagsisilbing gabay ng karamihan ng mamamahayag sapagkat siya’y sumisimbolo ng pag-asa. Lason man para sa iba ang pag-asa, kay sarap pa rin ang gumising sa umaga na may lakas ng loob at panibagong sigla.
LITRATO MULA SA BRISTOL IDEAS WEBSITE
BERDENG PAROLA
TOMO V BILANG VIII
09
BERDENG PAROLA
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
TOMO V BILANG VIII
10
PALAISIPAN
INIHANDA NINA REIBEN JAY DENAGA AT JESTIN TEODORO
GUHIT NI CARLA MAE TATING
BERDENG PAROLA
TOMO V BILANG VIII
11
BERDENG PAROLA
PANITIKAN
TOMO V BILANG VIII
PAMPALAKASAN Katok ng Buhay,
Gaan ng Tagumpay E D I T O RYA L
Bren Esports Visa Issue: Perwisyo ni Corona Tila gumuho ang mundo ng mga taga-suporta ng Bren Esports matapos magkatotoo ang naturingang tsismis patungkol sa mga sumibol na komplikasyon na maaaring humadlang sa koponan sa paglupig ng mundong sakop ng “elektronikong isports” o mas kilala sa tawag na Esports. Kinumpirma ng Riot Games ang nasabing kuro-kuro ng opisyal na inalis sa listahan ang grupo noong Biyernes, ika-3 ng Setyembre 2021, sa gaganaping Valorant Champions Tour: Stage 3 Masters sa Berlin, Germany. Aminado ang organisasyon na nabigo itong siguruhin ang kinakailangang “travel visa” ng bawat miyembro sa pagluwas papuntang ibang bansa buhat ng paghihigpit ng mga awtoridad sa kasalukuyang panahon ng pandemya.
Pighati ang sinapit ng mga Pilipinong binata na muntik nang wumagayway ng bandila ng Pilipinas at mag-iwan ng bakas sa kasaysayan ng Esports. Pinatunayan ng Bren ang angking abilidad nang niyanig nito ang buong timog-silangang Asya matapos duminahin ang pinagmamalaking Paper Rex ng Singapore sa makapigil-hiningang pagtutuos sa VCT: Southeast Asia Stage 3 Challengers. Naghari ang koponan sa rehiyon na siyang nagsilbing bilyete patungo sa pinakainaabangang VCT Masters sa Berlin. Gayunpaman, sa kasamaang palad ay napunta sa wala ang walang humpay na pagbanat ng buto nina Jessie “JessieVash” Cristy Cuyco, Jayvee “DubsteP” Paguirigan, Jim “BORKUM”
Timbreza, Kevin “Dispenser” Te, at Riley “witz” Go na kumakatawan nito. Sa kabila ng lalim ng sugat na hatid ng hindi kaibig-ibig na pangyayari, hindi nawalan ng pag-asa ang Bren. Nag-iwan pa ng mga katagang “what doesn’t kill you makes you stronger” si Jayvee Paguirigan o mas kilala bilang “DubsteP,” simbolo ng matibay na pananalig. Walang sinuman ang humiling ng mapait na kaganapan ngunit ito’y hindi maiiwasan. Hindi maitatangging lahat ng bagay ay apektado ng pandemya. Mapa-kalusugan man o patimpalak, lahat ay nadadamay. Ang taong ito ay higit na nanawagan sa matuling pagaksyon ng pamahalaan tungo sa magandang kinabukasan.
PASIKLABAN NG MGA STEMINISTA:
sySTEM Connect Ginanap
LITRATO MULA SA SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING, AND MATHEMATICS - LICEO DE LA SALLE FACEBOOK PAGE
JOHN ROSH MACASERO
Ibinida ng konseho ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) ang programang “sySTEM Connection: A Virtual Strand Interaction,” isang patimpalak para sa mga ‘Steminista,’ kabilang ang mga larong Call of Duty: Mobile, Valorant, Spyfall, Jigsaw Puzzle, at Minecraft: Build Battle noong ika-25 ng Setyembre gamit ang platapormang Discord. Pinasaya ng mga manlalarong sa “Call of Duty: Mobile” na sina Carl Tijing, Sam Serrato, Hillary Tillos, Jahred Rivera, at Mikko Demaulo, ang mga mag-aaral mula sa kanilang strand matapos nilang mapabagsak ang ikaanim na koponan na binuo nina Gene Borbon, Sophia Estelloso,
Bryant Brillantes, Raphael Juguan, at Chem Babol sa iskor na 150-83. Itinanghal naman bilang kampeon ang ikaapat na pangkat na binuo nina Alexei Agabon, Zachary Advincula, Jujin Ferrer, Jathniel Magada, at Ernest Pestaño matapos nitong pataubin ang iba pang grupo sa ‘championship match’ ng larong “Valorant”. Angat si Wheil Engada ng ika11 na baitang nang magpakitang gilas siya sa larong “Minecraft: Hunger Games” na idinaraos sa larong Minecraft; Pinatunayan naman nina Ryan Tecson at Grant Bantilan na may ibubuga ang kanilang sarili nang makalusot ang dalawa sa ‘Top 3,’ pumangalawa si Tecson at pangatlo naman si Bantilan. Layon ng aktibidad ng STEM Council na mapatibay pa angsamahan ng mga ika-11 at ika12 na baitang na mga Steminista sa larangan ng makabagong ‘online gaming.’
LITRATO MULA SA THE U.S. SUN WEBSITE
JASPER LAGUITAN
Maraming mga pagkakataon ang kakatok sa pinto ng ating buhay. Nakasalalay sa atin kung bubuksan ito sapagkat ang susi ng ating kinabukasan ay nasa ating mga kamay. Ngunit, iisang beses lamang dumarating ang mga pambihirang pagkakataon. Kailangang pagpasyahan nang maigi kung tatanggapin o kung palilipasin natin ito sa kadahilanang wala ni isa sa atin ang makakabatid kung ito ba ang magbibigay daan sa malaking pagbabago sa ating buhay. Bagaman lumaki sa isang payak na buhay, pinatunayan ni Hidilyn Francisco Diaz na ang pagtanggap sa isang espesyal na pagkakataon ay ang susi tungo sa kanyang mga pangarap. Noong paslit pa lamang siya, ninais niyang makapagtrabaho sa bangko upang mapalapit siya sa pera at mabawasan ang pag-aalala ng kanyang ina tungkol sa kasalatan nila sa buhay, ngunit biglang nagbago ang landas ni Hidilyn nang pumasok ang weightlifting sa kanyang buhay. Sa edad na 10 taong gulang, nakitaan na siya ng potensyal sa weightlifting. Nagsimula siyang magensayo gamit ang mga barbell na yari sa plastik na tubo na may kongkretong “weights” sa magkabilang dulo. Dahil dito at sa kanyang mga kamag-anak na sumasalang din sa weightlifting, untiunting naging interesado si Hidilyn sa ganitong larangan ng isports. Maraming oportunidad ang kumatok sa buhay niya, tulad ng kanyang pagtanggap ng scholarship mula sa Universidad de Zamboanga kung saan nag-aral siya hanggang kolehiyo ng kursong “Computer Science.” Subalit, kahit naging mabuti ang pag-aaral ni Hidilyn, kalauna’y napilitan siyang tumigil muna sa pag-aaral para pagtuunan ng pansin ang pagwe-weightlifting. Unang sumalang ang atletang Zamboangueña sa paligsahan ng weightlifting noong 2002, kung saan siya’y nakapag-uwi ng gintong medalya mula sa Batang Pinoy sa Puerto Prinsesa. “Gold ako kasi walang kalaban,” sabi niya sa SPIN.ph noong 2016. Ayon sa kanya, nanalo siya noong panahong iyon hindi dahil sa kanyang kakayahan, kundi dahil sa kakulangan ng mga manlalarong kalaban niya. Noong 2007 naman, nakamtan ni Hidilyn ang tansong medalya sa kanyang unang pagsabak sa Southeast Asian (SEA) games, at naging wild card entry naman sa 2008 Beijing Olympics; dito na nagsimula ang kanyang paglalakbay tungo sa rurok ng tagumpay. Bagaman nag-umpisa nang maginhawa at matiwasay ang karera niya sa weightlifting, hindi pa rin
naging madali ang pag-angat ni Hidilyn sa tuktok ng kanyang mga pangarap. Sunod niyang binandera ang watawat ng Pilipinas sa 2012 London Olympics, ngunit bigo ang atletang makapag-uwi ng anumang medalya. “Naging pangit,” aniya. “‘Yung mental toughness, wala talaga. ‘Yung expectation ng tao, pagdating sa platform, wala talaga. Hindi ko talaga pinag-trainingan. Hindi ako prepared.” Dumami ang kanyang mga pasang problema noong panahong iyon—mula sa pagdami ng kanyang mga “injury” hanggang sa paglisan ng kanyang malapit na coach na si Antonio Agustin. Ngunit sa kabila ng lahat ng dagok na kanyang naranasan, bumangon muli si Hidilyn at tumayo sa kanyang sariling mga paa. Noong 2016, sumabak ulit ang atleta sa Rio Olympics kung saan niyanig niya ang buong mundo matapos siyang hinirang na kauna-unahang Filipina silver medalist sa Olympics. Nagpatuloy ang paghahanda ni Hidilyn sa sunod na laban niya sa 2020 Tokyo Olympics, subalit nang ipinatupad ang malawakang lockdowns sa buong mundo, isa na namang suliranin ang humarang sa kanyang landas. “Hindi natin alam kung hanggang kailan ito, so yung sa akin lang as an athlete, kailangan kong gawin yung kung anong kailangan kong gawing training,” saad niya. Hindi naglaon, dumating na ang sandali para iwagayway niya muli ang bandila ng Pilipinas. Pagkatapos ng kanyang “event,” tila nabago ni Hidilyn ang kasaysayan ng bansa nang kanyang matamasa ang kauna-unahang gintong medalya sa Women’s 55 kg event sa Olympics. Matapos ang 97 taong ‘gold medal drought’ ng bansa, napatugtog na rin sa wakas ang Lupang Hinirang sa Olympics sa unang pagkakataon. Dahil sa simpleng pagkatok ng weightlifting sa pinto ng buhay noon ni Hidilyn, iba’t ibang tagumpay at kaunlaran na ang dumating sa kanyang buhay sa kabila ng mga hirap na dinanas niya, mula sa mga medalyang kanyang nakamtan, hanggang sa pagbago ng kasaysayan ng kanyang bansang sinilangan. Sa kasalukuyan, nagsisilbi siyang inspirasyon sa mga kabataang atletang gustong sumunod sa yapak ng 30 taong gulang na weightlifter. Isa rin siyang Airwoman sergeant ng Philippine Air Force, at may sariling negosyo na rin. Ang lahat ng mga ito ay bunga ng pagbabagong dala ng pagkakataong kanyang tinanggap noon. Datapwat hindi man mabilang ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan, sa kanyang hindi pagpalampas ng pagkatok ng tadhana, malayo na ang kanyang narating sa paglalakbay sa buhay.