Buena Mano 2018

Page 1

BUENA MANO

Ang Wit t y at walang EM Eng Freshman’ s Gu ide for College Li f e

00


Pacesetter a hindi kalayuang lugar, matatagpuan ang lunduyan ng mga matatalino at cutie, magkikita ang isang witty at isang korni. Na siyang gigiba at magpapataob *in most modulated voice*. Ang kilabot ng kawitty-han at ka-emehan. Ang magpapabagsak sa Ex B! Buena Mano Proudly Presents… Kuya EMS: Ang ma-eme at korni, pero ma-clingy at si WittyWel, Ang Chikadorang Confidently Corny!

S

At sa kanilang pagpapasabog ng ka-kornihan sa lupain ng BulSU, sabay nilang matatagpuan ang Go na Go na si DieGo! Ang freshman na laging go lang sa mga adventures, ang

01

#KaladkarinMongFriend, na kakaharapin ang kanyang buhay Kolehiyo, ngayon, bukas, at sa mga susunod pang taon. In all fairness ha, fresh na fresh ang Go na Go na Si DieGo! Chill na chill at no pressure lang ang peg n’ya habang binabagtas n’ya ang unfamiliar territory ng BulSUlandia. Mukhang wala s’yang dala na bala para sa digmaang kanyang susuungin dahil naniniwala siyang malakas ang kanyang guardian angel. Wala na, finish na! All smiles when walking towards BulSU. Parang nilatagan ng red carpet ang kuya mo. Relax lang siya ih. Daming time! Ang hindi niya alam, naka-facepalm na sa kanyang likod ang guardian angel dahil ito na ang oras na ang red carpet na kanyang dinaraanan ay unti-unti nang tinatanggal para maihanda siya sa mas matindi n’yang adventures.


BUENA MANO

FOR FRESHIES By Jewel Rain Fabian

W

elcome to a whole new world! Hindi man ako ang genie in a bottle, kaya ko namang tuparin ang kahilingan mong gabayan ka sa pagpasok mo sa college life! Ako ang iyong guardian angel, Battousai. Char! Ako lang naman si Witty Wel, namimigay ng tips, hindi ng jacket. Hihi.

Bago ang lahat, binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang masalimuot na yugto ng high school! Yehey! How to be yours po? Char! Nandito ka na sa boss level kung saan hindi na uubra ang cheat cards na inilabas mo sa advisers mo dati. It’s time to unleash your potentials! Rawr. Hahaha. Paalala ko lang, back to square one tayo rito mga besh! Walang pa-tarpaulin at sabitan ng garlands na magaganap para i-welcome ang mga Valedictorian no’ng high school. Hindi rin po naka-reserve ang front seats ng room para sa Top 10. Baka nga magkanya-kanyang kuha pa kayo ng upuan sa kabilang classroom ‘pag nagkataon! Charot. Anyway, kumusta naman ang tulog, bunso? Mahimbing ba?! Last mo na ‘yan! Joke lang! Hahahahalfmeant. Dahil once na magsign-up ka sa college life, package deal na yata nito ang pimples, antok at pagod. Iyong tipong papasok ka pa lang pero mukhang pauwi na. Yikes. Kaakibat na rin pala nito ang pag-ikot ng 360 degrees hindi lang ng iyong mata kundi pati na rin buhay mo dala ng mga changes na magaganap. #ChangeIsComing The bright side though? Malaya ka rito. Nasa sa iyo kung papasok ka sa klase mo at mag-aaral nang mabuti o diretso tambay sa Graceland at videoke sa Planetarium. Walang manghuhusga bukod sa akin na manlilisik nang todo ang mata sa iyo kung ang panghuli ang pinili mo! Charot. Huwag sayangin ang free tuition, beshies! Handa ka na bang sumabak sa pinaka-intense na parte ng iyong student life, Private? Pakatandaan, soldiers today, degree holders tomorrow! Iyon nga! 02


Pacesetter Take risks. Huwag kang matakot na magbakasali. Gamitin mo itong pagkakataon para maranasan ang mga bagay na ‘di mo pa nasusubukan dati. Siyempre, exception sa tip ko na ‘yan ang mga bagay na illegal, okay? Wag mahiyang sumali sa mga organizations lalo na’t gusto mo talaga. Push lang nang push! ‘Wag isiping sayang sa oras dahil believe me, mas mae-enjoy mo ang college life kung may org ka na kinabibilangan. Stay organized. Say goodbye to procrastination and say hello sa planner at alarm clock sa phone mo! Hindi mo sila dapat kaligtaan sapagkat kasangga mo sila once magkapatong-patong ang school works mo (na madalas mangyari). Gumawa ka ng schedule of activities. Paniguradong hindi na lang sa section mo iikot ang buhay mo ngayon dahil maraming ganap saanmang sulok ng BulSUlandia! Time management ang secret formula para ma-survive ang college life nang bonggang-bongga! Make friends. Bumuo ng squad na ang goal ay magkaroon ng diploma. Realtalk: Hindi lahat ng nasa paligid 03

kailangan mong i-please at kausapin. Choose your friends wisely. Ang connections na mabubuo mo will either make you or break you. Masarap suungin ang mga challenges at milestones sa college lalo na’t komportable ka sa mga taong kasama mo. Know your professors/ instructors. Sila ang may hawak ng time frame mo sa BulSU. Daig mo pa ang isang masugid na manliligaw sa panunuyo at paghahabol na gagawin mo sa kanila. Kung ako sa’yo, bumili ka na ng running shoes. Char! Isa pa, kung ayaw mong manganib ang lifeline mo sa iyong subjects, ‘wag kang gagawa ng ikati-trigger nila dahil sure ako na malala pa kay Hulk ang makikita mong grade. Sabi nga sa The Godfather, keep your friends close, but your enemies closer. Charot! Attendance is a must. Hindi ikaw ang NDRRMC para magtakda ng sarili mong class suspension. Kahit walang checking ng attendance, may mga klase na parang binagyo sa tindi ng discussion, surprise quizzes at activities. Damhin mo naman ang #FOMO ng millennials! Isa pa, may prof na considered ang pagpasok equals pagpasa. Odiba? Pasok lang nang pasok!


BUENA MANO Sumunod sa rules. Hindi lang si Dua Lipa ang nagse-set ng rules. Bawal ang IDGAF (I Don’t Give A Fakialam, okay?) attitude dito dahil may nakaambang parusa sa mga lalabag! Don’t worry! May matatanggap ka namang handy dandy student handbook kung saan nakasulat ang blues clues tungkol dito. Kung nais mong magtagal sa BulSU, alamin at sundin ang mga policies. Be sensitive. Matuto tayong makiramdam sa ating paligid. Please lang, iwasan ang pagiging manhid! Char. Mas ayos nang maraming alam at maging kalahi si Totoy Bibo kaysa mangmang sa maraming bagay. Maging advanced mag-isip. Kung mayroon ka namang hindi maiintindihan, huwag mahiyang magtanong. ‘Ika nga ni Mamshie Miriam, ignorance can be cured!

Maging matibay. Tiyak na susubukin ang katatagan mo sa sandamakmak na research works at projects. Isa pa, parang si Marian Rivera ang nag-choreograph ng schedules ng midterms at final exams mo dahil sabay-sabay sila! Huhu. Ite-test din ang kakayahan mong panatilihin ang skin care routine dahil kakaway na sina pimples at eyebags sa’yo. CHARAN! Be confident. Sa lahat ng sinabi ko, ito ang huwag na huwag mong kakalimutan. Sayang ang beauty at stock knowledge kung hindi mo lang din naman ifo-flaunt. Believe in yourself. Walang lugar ang kolehiyo para sa mahiyain at mahihina ang loob. Lavern lang! Alalahanin mo na may kapupulutan din ang kakapalan ng mukha!

Ilang taon ka ring makikipagbuno rito sa kolehiyo, Private! Make the best out of it para sa huli, #NoRegrets. Dahil sa real life, walang undo button. O sige, humayo ka na at magparami ng uno! Charot!

04


Pacesetter

rayt! Wassup Freshies! Bago ka mag-Go Go Go, alamin muna ang mga karapat-dapat mong dalhin na mga bagahe sa buhay. Yaaaas! Este bilang isang college student.

O

By Christina Michaela Cambiado 1. Schedule Must have. Huhu. Kailangan mo nito para hindi ka maligaw sa mga klase mo. Tandaan! Huwag kayong magpapabiktima sa room na TBA dahil walang room na gan’yan. To Be Announced. *wink* 2. Tarpaulin for all seasons Nasa BulSU ka na talaga kapag nakita mo na ang mga tarpaulin sa gilid ng ginagawang E-library. 05

Kung saan may pa-sunflower garden, autumn at winter background na pasado sa IG feed n’yo. Oh, diba? 3. Sariling tumbler at tupperware ni mama Hindi ito 'yong social media site. Ito ‘yong actual na lalagyan. Nakakatamad magdala, pero hindi na kasi uso sa BulSU ang plastic/paper cups/box (kaya itapon mo na ‘yang mga plastic mong friends). NEED niyo talaga ito or else makikipagsiksikan ka sa CON Canteen o kung saan man. Tandaan! Ingatan ang tupperware ni mama.


BUENA MANO 4. Mini upuan (Optional) Kung sa high school n'yo naging uso ang nakawan, dito hindi lang gamit n'yo (at jowa. Charot!) ang nakukuha pati na rin ang upuan mo sa room. Just in case lang naman na wala kang makandungan, dala ka na rin nito. Alam niyo naman, mahirap tapusin ang klase sa lapag. 5. CON Hindi ito ‘yong mismong college, pero yung nasa tabi lang. Hehe. Dito ang tirahan ng mga mura, masasarap na food sa BulSU at syempre, ang Ka Ekek store. Kay Ka Ekek mo lang mahahanap ang lahat ng mga kaekekan na nakalimutan mong dalhin. 6. Mapa It takes a LONGGGGG time and a strong photographic memory bago niyo ma-master ang pagme-memorize ng buildings sa BulSU. Isama mo pa ang papalit-palit na room na ina-assign sa section niyo.

7. Guardian Angel Kailangan mo ang gabay ng iyong guardian angel sa harap, gilid at likod. Huhu. Lalo na kapag midterm at finals. 8. Proper Attitude S’yempre naman. No need to explain naman kung bakit natin kailangan nito. Haha *winkkkkk* 9. Self Confidence Aba’y s’yempre. Eto ang pinaka-must have (anuraw? Hahaha). Feel free to express yourself. Malay mo isang ‘tong way for a bigger opportunity. 10. BF BF as in Best friend/ Friend/Tropa/Squad. Sila ang magiging kasangga mo sa buong college life mo. Choose your friends wisely *winnnnnk. Hanggang sa hirap na dumilat. Charot!*

Walang halong ka-emehan at ka-charotan subalit bago ka pumasok sa isang institusyon ay may mga bagay ka na dapat malaman, para naman hindi ka magulat kung sakaling makakita ka ng isang mahabang pila mula Valencia Hall hanggang third floor ng Federizo Hall, akala mo pila sa paborito mong sine, ayon pala pila lang sa makasaysayang enrolment! Charot! 06


Pacesetter

113 YEARS OF EXCELLENCE Oo, tama ang nabasa mo. Mas matanda pa sa ating mga lolo at lola ang dating Bulacan Trade School (BTS) noong 1904, Bulacan National Trade School noong 1953, Bulacan National School of Arts (BNSAT) noong 1957, Bulacan College of Arts and Trade noong 1965 at ngayon ay mas kilala sa tawag na Bulacan State University na napalitan noong 1996. *Hiningal dahil dinaig ‘yong bata sa commercial na nagrecite ng train stations*

Itinayo ito noong 1904, panahon ng mga Amerikano sa kapangyarihan ng Legislative Act ng Philippine Constitution noong 1901. At dahil sa pinirmahang House Bill 461 o Republic Act 7665 ni Former President Fidel V. Ramos ito ay tuluyan nang naging Bulacan State University. #NEVERENOUGH Ito ang peg ng ating unibersidad dahil *ehem* every year lang naman ay naguuwi ang mga kapwa natin BulSUans ng mga karangalan mula sa iba’t ibang patimpalak sa loob at labas ng bansa dahil

#neverenough ang buong BulSUlandia para paglagyan ng mga tropeo at medalya. *wink* Patatalo ba naman ang mga Licensure Exam top notchers mula sa iba’t ibang kolehiyo? S’yempre hindi. Kamakailan lang ay may nag-rank 2 sa Master Plumber Licensure exam mula sa College of Engineering. *salute!* INTERNATIONAL BESHIES Hindi lang sa Pilipinas kilala ang mga BulSUan dahil ang BulSU ay may international linkages sa Thailand, Japan, China, Vietnam, Singapore, Macau, Malaysia, at Ethiopia. Pak genern, ‘di ba? OPTION BUT NEVER THE CHOICE (CHAROT!) Alam mo ba na bukod sa Malolos Campus ay may apat pang satellite campuses at isang extension campus na p’wede mong pagpilian depende sa lugar ng iyong tirahan? Ito ay matatagpuan sa Bulakan (Meneses Campus), San Jose Del Monte (Sarmiento Campus), Hagonoy (Hagonoy

Mga impormasyon na dapat mong malaman dahil *tententen* BulSUan ka na! *sabog confetti* By Jonah Micah Cruz 07


BUENA MANO Campus), Bustos (Bustos Campus) at ang extension campus sa Pulilan. UNKABOGABLE Alam mo ba na champion lang naman ang BulSU sa State Universities and Colleges Olympics o mas kilala sa tawag na SUC III Olympics for 21 years. Oh, ‘di ba? #ProudMum jk. #ProudBulSUan. BEAT THE HEAT Walang panama ang init ng panahon at mahabang pila tuwing enrolment para sa mga estudyanteng gustong matuto. Sa katunayan, matatandaan na noong 1st semester of A.Y. 2015-2016 ay umabot sa 45,453 ang naitalang bilang ng mga magaaral ng BulSU. The more the merrier! BULSU-MAIN 2.0 At dahil tapos na ang pag-uusap ukol sa sakahan malapit sa ating unibersidad, magagamit na ang lima sa 25 ektaryang lupain upang pagtayuan ng mga bagong opisina at mga building na soonest ay mapapakinabangan na natin. HOME OF BAR PASSERS Ang Marcelo H. Del Pilar Law Foundation Inc., ang unang namahala sa pamamalakad ng Law school sa ating unibersidad noong 2002. Taong 2006 sa unang Bar Exams na nilahukan ng mga graduate mula sa BSIJ-Marcelo H. Del Pilar College of Law sila ay nakapagtala ng 42.8% na passing rate na mas mataas sa national passing rate na

30.6%. At dahil sa tagumpay ng ating mga kapwa BulSUan, inilipat na sa BulSu ang Law school na ito at tinawag na BulSUCollege of Law. ONE OF THE MOST TRUSTED INSTITUTION Noong panahon ni Dr. Rosario Pimentel sila ay boluntaryong nagpasa ng mga requirements para sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (AACCUP), at noong 2007, nakapasa sa Level III accreditation ang elementary, secondary at industrial education programs mula sa College of Education na mas mataas sa mga public higher education institution sa Region 3. Sa ngayon, halos lahat ng mga programs na ino-offer ng BulSU ay nasa Level II na ang status at naghahanda na para sa Level III. SALUTE! Let us all welcome the first ever female president of Bulacan State University, President Cecilia N. Gascon! Bukod pa rito, siya ay isang propesor, environmental advocate at naunang nanungkulan sa Southern Luzon State University, na naging ganap na unibersidad sa kan’yang termino. *Around of applause* Huwag nating kalimutan ang mga bagay na ating maipagmamalaki sa loob at labas ng ating bansa dahil tayo ay #TatakBulSuan #TatakGoldGear 08


Pacesetter

#OHMYGHAD WAT IS DA MEANING OF THESE by John Marc Cruz

s in oh my ghad! You have to know the meanings ng mga terminologies dito sa loob ng BulSU. Para hindi ka naman mukhang kaEME-EME at kaCHAROT-CHAROT. Kailangang maalam tayo sa mga bagay-bagay para hindi tayo maiwanan. EME!

A

COR (CERTIFICATE OF REGISTRATION) – Ito ang katibayan na magsisimula na ang tunay mong adventures sa loob ng BulSU, na hindi ka lang basta-basta papasok kundi may tungkulin ka rin bilang isang mag-aaral. Ito ang panghahawakan mo kapag sasabihin mong “Yes, enroled po ako.” COG (CERTIFICATE OF GRADES) – Ito ang bunga ng iyong walang humpay na pagtuklas at pagtanggap ng walang humpay na ka-charotan ng mga instructor mo. TOR (TRANSCRIPT OF RECORDS) – Ito naman ang listahan ng lahat ng ginawa mo. Kung umawra at nang-eme ka lang ba or sineryoso mo ang bawat paglalakbay mo. At makukuha mo ito kapag tapos na ang adventures mo rito sa BulSU. IRREG – Sila ‘yong mga magiging kaklase mo na kailangan ng pang-unawa. Hindi mo alam ang 09

pinagdadaanan nila. Pero baka lang kasi magulat ka na may kaklase ka sa ganitong subject na hindi mo kilala. ‘Wag kang mag-alala, malay mo next time ay ikaw naman ang bida, karma-karma lang yan. UNO – Pinakamataas na grade sa COG. Kapag naka flat-uno ka, ang itatawag sayo ng classmates mo ay anak ng Diyos; siyempre naman, uno means 100. DOS – Ang grade na p’wede na dahil masasabi na mataas pa rin ito para sa isang simpleng estudyante. TRES – P’wede na rin ito. At the very least, pasado ka. INC – Ito ‘yong acronym na hihilingin mo na sana religion na lang. Pero may pag-asa ka pa rin kahit incomplete ka, sundin lang ang payo ni prof.


BUENA MANO

SINGKO – Failure, wala nang other word. Bagsak ka, yes.

BJ – Sa Federizo Hall mo mahahanap ang store na nago-offer ng BJ, buko juice.

MIDYEAR CLASS – Kapag nakulangan ka sa please o kaya walang habas talagang magbagsak ang prof niyo, dito ka babagsak. Ito ang dating summer class pero dahil nga sa nag-shift ang calendar ng BulSU ay nalipat ito from June to July.

WELLNESS CENTER – Ikaw ba ay napapagal? Down? May dinadala-dala sa buhay? No problem. Kumonsulta lang sa ating Wellness Center. Tutulungan ka nila. ‘Wag ka mahiya, karapatan mo ‘yan.

LOVERS’ LANE – Ito ang tambayan ng mga kapwa natin BulSUan na may mga lovelife. Matatagpuan ito sa main gate ng BulSU na malapit sa Alvarado Hall. FOOTBRIDGE – Sa tapat ng McDonalds’ may footbridge. Ginawa ito upang hindi ka na makipagpatintero pa sa mga sasakyan. Ito ang tama at safe na daanan pero marami pa rin ang hindi sumusunod dito. DEAN’S LISTER – Sila ‘yong ang grade ay not lower than 2.0. Sila ‘yong aral-aral lang, wala munang dota-dota. Subsob sila sa pag-aaral. HEPA-ZONE – Kapag short ka sa budget pwede ka rito pumunta. Tuhog-tuhog lang kayo doon sa Gate 2.

CASHIER – Magiging mag-friendship kayo nito during your stay here in BulSU. Dito ka magbabayad ng utang mo. KA EK-EK STORE – Ang tindahan ng kung anu-anong abubot. Kahit ano ay mayroon sila. Perdible, clips, panyo, medyas, flashcards, window card, at na-shookt ako, may sinturon din sila, lahat na talaga. PACESETTER – Ang opisyal na pahayagan ng Bulacan State University. Ang pinakamagaling na pahayagan sa Region III. Lagi lang naman silang champion, at hakot awards na rin. Nagre-release sila ng five major issues. Kung fan ka, alam mo kung ano ‘yon. (Newsletter, Broadsheet, Tabloid, Literary Folio, at Magazine). P’wede ka ring mag-join dito kung gusto mo.

Ito ay ilan lamang sa mga dapat tandaan upang maging maayos ang paglalakbay mo dito sa BulSU. Makakatulong ito ng malaki sa iyong adventures kaya dapat tandaan mo sila. Sabi nga nila, lamang ang may alam!

10


Pacesetter

By Ronaldo Magsakay to naman talaga ang obvious kaya ka tumapak sa lupaing ito. Kailangan mong matumbasan ng kasipagan at matinding patnubay ng iyong guardian angel sa likod upang maging matiwasay at walang eme ang buhay mo sa BulSU.

I

“Which to aim” and “What to do” Pagbati mula sa Unibersidad ng Pak Ganern. Ngayong nakapasok ka na sa tahanan ng mahuhusay, panahon na upang malaman mo ang mga bagay-bagay sa loob ng unibersidad. Upang makatagal dito sa aming kuta *grrrrrr*. Narito ang mga dapat mong tandaan upang hindi ka ma-evict sa Bahay ni Kuya este ni Madam. Ito lang naman ang dapat mong mga isaalangalang nang makatapos ka with flying colors, and confetti pa. Bet mo ‘yon? “Ang misteryo ng iyong grado” Dahil nga narito ka na sa Bulacan State University upang magpakadalubhasa, aba karerin mo na Dudung! Itodo mo na ang pag-aaral dahil lahat ng makukuha mong grado ay pagbabasehan lang naman ng mga kumpanyang susubukan mong pagtrabahuhan kapag nakatapos ka na. Kung bigyan ka ng magiging guro mo ng ganitong grado, at least alam mo na kung ano ang katumbas nito. 11

1.00 = 97 – 100 % 1.25 = 94 – 96 % 1.50 = 91 – 93 % 1.75 = 88 – 90 % 2.00 = 85 – 87 % 2.25 = 82 – 84 % 2.50 = 79 – 81 % 2.75 = 76 – 78 % 3.00 = 75 % (Passed) 4.00 = Conditional Passed 5.00 = Failed Inc = Incomplete D = Officially Dropped FDA/ UD = Failure Due to Absences or Unofficially Dropped


BUENA MANO

M

insan talaga ang hirap maging option! ‘Yong tipong wala lang silang mapagpilian kaya ka nila pupuntahan. Pero dito sa BulSU, ikaw mismo ang mamimili ng option dahil ikaw ang priority dito. There are three easy (easy ba talaga? EME!) way para makapag-enrol ka.

At dahil sumasabay tayo sa uso mga kapuso, kapatid at kapamilya, obvious naman na mayroon na rin tayong student portal kung saan maaaring tingnan ang grades, para makakuha ng assessment form at marami pang iba. Pero, paano nga ba gumawa ng account sa student portal? Register as Student Tandaan: Isa lamang kada estudyante/student number ang account na maaaring ma-activate. 1. 2. 3. 4. 5.

Pumunta lamang sa myportal.bulsu.edu.ph at pindutin ang CREATE ACCOUNT. Ilagay ang mga impormasyon na kailangan (submit a valid e-mail address) then i-check ang box I agree to the Terms and Condition para ikaw ay maging registered. Kailangan mong kumpletuhin ang Captcha para masigurado na authenticated ang iyong registration. Once na ma-register ka na, hihilingin na i-verify ang iyong account gamit ang ibinigay mong email address (Gmail, etc.) Siguraduhin na valid ang iyong ginamit na email address. Pagkakita mo sa message ng PRISMS, buksan ang mensahe at i-click ang Verify Now. Once na ma-validate ang iyong account, p’wede ka na mag-sign in sa Web Portal Account. Kailangan mong ilagay sa iyong account kung ikaw ay aplikante (Applicant) or Mej Oldie pero fresh (Current Student) NOTE: Kailangan mong piliin sa tab kung alin ka sa dalawa.

ANG OPTION NA PANALO By Jonah Micah Cruz

12


Pacesetter • • 6.

Para sa mga freshies, click proceed and fill-up the necessary information para sa iyong admission. Para sa mga not-so-oldies pero fresh, ilagay ang iyong student number at birth date OR Official Receipt Number para ma-activate ang iyong account. Kailangan mong mag-log in ulit once na successful ang iyong Web Portal Account.

Options… Options…. Options…. Oo, beshie. May option ka na ngayon para makapag-enrol. Oh ‘diba, pak! Payment Options and Procedures Maaari kang mamili sa tatlong pagpipilian A.) Ang magbayad ng cash sa University Cashier's Office B.) Or magbayad sa kahit saang branch ng Landbank nationwide. 1. Dalhin ang iyong Assessment Form para magbayad ng iyong tuition or Certificate of Registration para bayaran naman ang iyong balance. 2. Kailangan mong mag-fill oup ng deposit slip, Don’t you worry dahil tutulungan ka naman ng Landbank personnel para turuan ka kung paano.BulSU Account no. 2792-2220-24 3. Bumalik naman sa BulSU after 4-5 working days at ipakita ang deposit slip sa Dean’s Office para makuha ang Official Receipt at Certificate of Registration. C.) Pay online through the Landbank ePayment Portal. 1. Hanapin ang Landbank ePayment Portal Page. 2. From the option provided at the leftmost portion, i-select ang Pay Bills upang maumpisahan ang transaction. 3. Hanapin naman ang “Bulacan State University” sa search bar at i-click ang Bulacan State University kapag nakita na ito sa resulta. 4. Piliin ang iyong babayaran. 5. Ilagay ang mga kinakailangang detalye at i-click ang Submit. NOTE: Tandaan na limitado lamang ang mga transaction sa Landbank Debit Card, BancNet Debit Cards at Globe GCash. 6. 7. 8.

Pagkatapos nito, lalabas ang transaction details, i-check kung tama ang mga nakalagay. Ilagay ang iyong ATM account number pati na rin ang joint account indicator (BulSU) Ilagay ang iyong ATM pin sa pin pad at i-click ang submit.

Ayan, dahil alam mo na kung paano mag-enrol, maaari mo itong subukan next sem (kung nakapagenrol ka na ngayon) para bumilis ang iyong enrolment process. Pero (ulit) dahil free tuition ngayon, mamimili ka kung opt out mechanism or RSA ang gusto mo. (Oh, ‘di ba? Ikaw ang mamimili, hindi ikaw ang pinagpilian. CHAROT!) 13


BUENA MANO

BULSU BUILDINGS By Kei Ane Manalili

t dahil naging matagumpay ka na maging isang BulSUan, chance mo na para sa *tententenen* exclusive BulSU one-day-tour with *drum roll* kuya n'yong ma-Eme at ate n'yong Witty and confidently corny.

A

14


Pacesetter 24

D

17 14

4

2 11 10

1

00

23


BUENA MANO C

25

22

20 21

19

18

16 B

12

15

13 8

9

3

A

6

7

5

00


Pacesetter ALVARADO HALL

1

Ito ang unang building na sasalubong sa’yo kung sa main gate ka manggagaling. Ito ang building na animo'y refrigerator sapagkat lumalabas ang aircon (lamig) mula sa siwang ng mga pintuan sa bawat silid. Hindi pa tapos ang paggawa sa gusali na ito. COLLEGE OF HOME ECONOMICS (CHE BUILDING)

2

Dito mo naman matatagpuan ang mga future chef at flight attendant. Ito ay binubuo ng apat na palapag para sa lecture/laboratory/faculty room at ang ika-limang palapag naman ay ang lugar kung saan matatagpuan ang mga Oppa at Noona tuwing 2nd sem pati na rin ang isang function room kung saan madalas may event. 17

RIZAL PARK

3

Dito mo matatagpuan ang rebulto ni Rizal at ang tila malaking tauban ng plato. Hehe.

Dito madalas matagpuan ang mga kapatid nating "Ben 10" in red color. COLLEGE OF NURSING/ COLLEGE OF INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY

6

HOSTEL

4

Ito naman ang nagsisilbing tahanan ng mga exchange students at ibang mga opisyal ng BulSU. ACTIVITY CENTER

Pinaghahatian naman ng dalawang kolehiyo ang building na ito. Sa una at pangalawang palapag ang mga future registered nurse at sa ikatlo at ika-apat na palapag naman ay ang mga future IT. ATHLETE’S QUARTER/ ATHLETE’S DORMITORY/ HOSTEL-ANNEX

7

5

Ito ang Multi-Purpose Covered Court ng Unibersidad.

Dito naman namamalalagi ang mga atleta ng BulSU. Sa ikatlong palapag nito matatagpuan ang Annex ng Hostel.


BUENA MANO CON CANTEEN

8

Ito ang magsisilbing guide mo sa loob ng Unibersidad. Mas mainam na rito ka muna dumiretso dahil tutugunan nila ang lahat ng iyong katanungan. SCHOLARSHIP’S OFFICE (BESIDE ADMISSIONS OFFICE)

Ito naman ang lugar na kung saan hindi nawawalan ng estudyante sapagkat food is here! Mula sa pangalan, matatagpuan ito sa pagitan ng College of Nursing at College of Education. COLLEGE OF LAW

9

Ang gusaling ito ay sadyang tahimik sapagkat ito ang tahanan ng mga future Lawyers. Sila ang tipo ng mga BulSUan na hindi mo madalas makikita o makakasalubong dahil hapon ang umpisa ng kanilang klase.

CARPIO HALL

13

11

At dahil lahat ng paghihirap ay may kapalit sa hinaharap, ang opisina na ito ang magkakaloob ng suporta pang-edukasyonal. Kaya't magsunog pa lalo ng kilay upang mapagaan ang buhay! (Uy, that rhymed!) ROXAS HALL

At s'yempre, hindi maaaring mawala ang tahanan ng mga bunso sa ating Unibersidad. Walang iba kung hindi ang mga bunsong nasa Laboratory High School. SCIENCE RESEARCH AND LEARNING CENTER (SRLC BUILDING)

14

12

ADMISSIONS OFFICE

10

mo rin mararamdaman na hindi ka mag-isa dahil #HelpIsHere, #HelpIsThere at Guidance Office.

Dito mo matatagpuan ang mga future ma’am and sir. At bukod pa sa Wellness Center ng Mendoza Hall, narito rin ang Guidance Office na makikinig sa'yong problema at tutulong sa’yo sa pagreresolba nito. Dito

Ang gusaling ito ang siyang bunso sapagkat ito ay bago pa lamang. Dito matatagpuan ang mga laboratory equipments na silang ginagamit sa experimental activities.

18


Pacesetter HEROES PARK

15

FEDERIZO HALL

17

balik at manatili ang mga alumni ng ating mahal na BulSU. FLORES HALL

19 Dito matatagpuan ang iba't-ibang mga estatwa kagaya no’ng kay Marcelo H. Del Pilar na isa sa naging patnugot ng La Solidaridad. Upang malaman ang iba pa, mamasyal na rito! Ito ay matatagpuan sa gilid ng Natividad Hall. #Trivia! Kapag tinignan ito sa itaas (aerial view) makikita mo ang logo ng BulSu. NATIVIDAD HALL

16

Sa unang tingin, sadyang iikot ang ‘yong paningin. Tila isang puzzle ang itsura ng gusaling ito at may taas na limang palapag. Ito ang tahanan ng mga future Engineers.

19

Ito ang teritoryo ng mga estudyanteng may puso sa artes, literatura, letra, arkitektura at siyensya. Ito ang gusali na isa sa huling nauubusan ng mga estudyante sapagkat kabila't-kanan ang maaring pagtambayan ng mga estudyante. Ito rin ang tinatawag na ‘senior citizen’ na building dahil sa tanda nito at ang mga kababalaghang nagaganap “hindi umano” sa pagkagat ng dilim. ALUMNI AFFAIRS OFFICE (BESIDE NATIVIDAD AND FLORES HALL)

Dito namamalagi ang mga matataas na opisyal ng BulSU mula kay President Gascon hanggang sa kany’ang mga bise presidente. Kasama rin ang record’s office, registrar, cashier at accounting. CLINIC (BESIDE FLORES HALL)

20

18

Hindi lahat nang umaalis ay bumabalik. Pero sa loob ng Unibersidad, umalis ka man, siguradong may opisina na maghihintay sa’yo. Ito ang lugar kung saan maaring magpabalik-

Ang opisina na ito ay siyang magpaparamdaman sa’yo ng malambot na kama at lamig ng aircon. Pero, hep! Sa tuwing may dinaramdam ka lamang na sakit, ha?


BUENA MANO CHESS INSTITUTE

21

Dito naman ang opisina ng mga halal na estudyante na inilalaban ang karapatan at nais ng bawat BulSUan.

GATE 1

A

MENDOZA HALL

24 Dito naman namamalagi ang mga kursong may kinalaman sa sports. VALENCIA HALL/OFFICE OF CULTURAL AFFAIRS AND PERFORMING ARTS/STUDENTS DEVELOPMENT OFFICE

22

Kaunting kembot lang at dito mo matatagpuan ang lugar para sa mga talentadong BulSUan. Mula rito, mabibigyan sila ng pagkakataong maipakita ang kanilang talento. STUDENT GOVERNMENT OFFICE

GATE 2 Ito ang nagsilbing 'spratley island' ng BulSU. Dito matatagpuan ang Wellness Center na kung saan mo maaaring idulog ang iyong sumbong pang-emosyonal. #HelpIsHere. Dito mo rin makikita ang mga future businessmen/businesswomen. Limitado lamang ang may alam sa 'ngalang Mendoza Hall sapagkat mas kilala ito sa tawag na 'CSSP Building'. Now you know! CHOCOLATE BUILDING (NEAR GATE 3)

25

B

GATE 3

C

GATE 4

D

23 Walang chocolate dito, pero kulay brown ang building na ‘to. Dito naman namamalagi ang mga mag-aaral na ang kurso'y may kinalaman sa batas. 20


Pacesetter

HINDI HINDI IBIG IBIG SABIHIN SABIHIN NA NA MASAYA, MASAYA, SAPAT SAPAT NA NA By David James Michael Lim indi mo na ba kaya? Nahihirapan ka na ba? ‘Wag kang mag-alala! Dahil sa iyong pag-GO sa buhay kolehiyo ay may malalapitan ka na handang tumulong at magbigay gabay. Narito ang mga opisinang hindi mangcha-charot at mange-eme sa’yo:

H

Admissions Office (beside CLaw) Ito ‘yong unang lugar na pinuntahan mo no’ng naghahanap ka ng tatanggap sa’yo. Sila ang magsasabi ng mga pagkukulang mo sa requirements (kung mayro’n man) at gagabay sa’yo para maging opisyal na estudyante ka ng BulSU.

Management Information System Office (Natividad Hall, Ground Floor) Kasabay ng pagbukas mo sa pinto ng opisinang ito ay ang pagharap mo sa hatol sa’yo ng mga propesor mo. Dito maa-access ang Student Portal – portal kung saan nakahimlay ang mga grades mo.

Alumni Affairs Office (Beside CoE) Limitado lang ang pananatili mo sa BulSU. Dito nagpupunta ang mga minsang naging estudyante nito, sina ate at kuya o ang mga alumni.

Canteen and Food Stalls (Beside CoN & Valencia Hall) Kung sakaling magutom at gustuhing mabusog sa murang halaga, nariyan ang canteen sa gilid ng Valencia Hall, masarap na ang mga pagkain, air-conditioned pa! Pero kung kulang pa rin sa’yo ‘yon, magpunta ka lang sa gilid ng CoN at makikita mo ang mahabang linya ng mga food stalls.

Student Records (Flores Hall, Second Floor) Dito nakatago ang mga school records ng estudyante. Alam nila kung minsan ka nang nabiktima ng pulang marka, pero ‘wag kang mag-alala, confidential lahat ng records dito. Medical and Dental Health Clinic (Beside Flores Hall) Tuwing mayro’ng nararamdamang sakit sa katawan, dito lang magpunta, meron silang gamot para d’yan. Maliban lang kung sakit mula sa nabigong pag-ibig… *silence* 21

Guidance and Counseling Office (Roxas Hall, Ground Floor) Para sa mga tuliro at nakakaramdam ng emptiness sa sarili nila, isang katok lang sa opisinang ito at makikita mong may mga tao pa ring makikinig at aalalay sa’yo.


BUENA MANO

Office of the Student Organizations (Roxas Hall, Ground Floor) Dito nagtutungo ang mga outgoing BulSUans na nais sumali sa mga organizations sa loob ng university. P’wede rin itong takbuhan ng mga iniwan para matuon ang pansin sa mga extra-curricular activities at mas mabilis na ang proseso ng paglimot. *hugs* Student Government Office (Across Valencia Hall) Sila ang nangangalaga sa karapatan ng masang estudyante; kung sakaling may hinaing, siguradong pakikinggan ka nila.

Center for Bulacan Studies (Roxas Hall, Third Floor) Kung may mga tanong tungkol sa kasaysayan, sining at kultura ng Bulacan, ito ang dapat puntahan. Suki nito ang mga may thesis na may may kaugnayan sa local culture ng lalawigan. Office of Sports Development (Beside Valencia Hall) Para sa mga sporty na nais maging isa sa BulSU Gold Gears, pumunta lang dito at siguradong may kalalagyan ‘yang husay mo sa larangan ng isports.

Office of the Student Publications and Information (CLaw, Third Floor) Ang kanlungan ng bawat student publications sa BulSU. Nagbibigay sila ng seminars at iba pang skill-honing activities para maging mas mahusay ang paghahatid nila ng balita.

Pacesetter’s Office (CLaw, Third Floor) Ito ang opisina ng official student publication ng BulSU. Kung nais humingi ng kopya ng published issues ng Pacesetter, dito lang magpunta. Kung gusto namang maging miyembro ng publikasyon, maghintay lang sa announcements online kung kailan ang application.

Student’s Scholarship Office (Behind Admissions Office) Sa opisinang ito makakakuha ng scholarship grants ang mga BulSUan, pero s’yempre kasabay nito ang pagpapanatili mo ng magandang performance sa pag-aaral, ‘wag laging walwal.

Safety and Security Office (CSSP, Ground Floor) Para sa mga mapagmat’yag na makaka-witness ng ilegal na gawain sa loob ng unibersidad, mga aksidente o kung ano pa man, magpunta lang dito upang agad maaksyunan. Red alert!

Office of Cultural and Performing Arts (Across BulSU Cooperative) Ito ang tamang opisina para sa mga talentadong estudyante na mahilig sa stage performances, lalo na’t maraming oportunidad ang maaaring ihandog nito para sa nasabing larangan.

22


Pacesetter

K A PA G H I N D I M O NASUNOD ‘TO By Edmond Rivera

t hindi porket ikaw ang Go na Go na si DieGO! Ay i-go-go mo na lang lahat --- Ile-let go mo na ang lahat ng iyong feelings and everything in behind. Huwag ganun, huy! May mga panuntunan pa rin na dapat sundin sa pagpasok mo rito.

A

Improper uniform, no ID , improper haircut, improper haircolor and wearing earrings (male). Oops, kaibigang Freshie, kahit gaano ka pa ka-cute at ka-astig sa pormahan mo, meron tayong proper haircut, hair color at proper uniform na dapat sundin. But, don’t yah worry dahil may wash day naman tayo tuwing Wednesday, Saturday at Sunday, ang mga araw na p’wede kang mag-civilian. Maaari namang magsuot ng PE at NSTP shirts sa araw kung kailan n’yo ito subject. Physical and verbal abuse, hazing, sexual misconduct, or any conduct that 23

threatens health and safety inside or outside the campus. Respeto, mga mumsh at papsh ang isa sa susi kung paano ka makasu-survive sa ROS, este sa BulSU. Ang bullying ay walang lugar kahit saan. Ipinag-babawal ang pananakit sa kapwa mo estudyante pisikal man o berbal. Ang pag-labag dito ay may karampatang parusa na pagkasuspinde sa loob ng dalawang linggo hanggang isang taon o kaya naman ay expulsion. Carrying of firearms or deadly weapons Keep in mind mga Freshies na bawal na bawal ang pagdadala ng armas na maaaring


BUENA MANO makasakit sa kapwa Bulsuan mo. Ang sinomang mahulihan nito ay maaaring makatanggap ng karampatang parusa mula sa unibersidad na suspension or expulsion. Academic dishonesty (cheating, plagiarism) Honesty is the Best Policy. Ang pangongopya at pandaraya ay ipinagbabawal kahit bago mo pa masilayan ang mother earth. Kung ikaw ay mahuhuli, maaari kang ibagsak ng professor mo. Mag-aral nang mabuti para hindi lang sa uno cards maka-uno, pero s’yempre, mas mahalaga na makapasa tayo. Theft, immorality and lewd behavior Bawal ang FAST HAND, Freshie. Huwag manguha ng mga bagay na hindi naman sa iyo (Oo, bes. Pati jowa, bawal.) Kung sakali na ikaw ay mahuli, hindi lamang parusa kundi damay na rin ang imahe mo. Mabuting pag-uugali ang inaasahan sa atin, kasi nga “College student ka na.” Drug abuse, alcohol and cigarette smoking inside the campus Bawal na bawal ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at paggamit ng ipinag-babawal na gamot sa loob ng Unibersidad dahil pumasok ka rito para mag- aral at matuto. Be a good boy/girl inside and outside the campus dahil you are one step ahead to your competitor kay crush. Hahaha.

Damage to the university premises and facilities, vandalism, littering Ipinag-babawal ang paninira ng mga kagamitan at pagsusulat sa pader, upuan, desk, C.R. at iba pa na pagmamay-ari ng Unibersidad. S’yempre, kahit saan, bawal magkalat. Behave lang mga Freshie. Falsification, forging of records and documents Mahigpit na ipinag-babawal dito sa BulSU ang pandaraya sa mga dokumento tulad ng COR, COG at iba pang mahahalagang papeles. Kung mapapatunayan na ikaw ay nandaya, suspension o kaya naman ay expulsion ang karampatang parusa na naghihintay sa’yo. Deception, impersonification, or fraud Bawal ang mga hokage moves Freshie, ang paggamit ng ID ng iba o pag-papanggap gamit ang katauhan ng iba ay hindi tinotolerate sa BulSU. Kung wala kang ID, p’wede mong gamitin ang COR mo para makapasok ka sa BulSU. Kapag wala rin, pray na lang. Completion period Kahit gaano mo pa kamahal si BulSU, it’s time to say goodbye na kapag umabot na sa seven years ang stay mo. Mahigpit ang administrasyon sa bilang ng taon na pamamalagi ng estudyante at hindi na pwedeng mag-extend pa. 24


Pacesetter

ORGS AND COURSES M

agsisimula na ang adventures sa loob ng unibersidad. Hindi mo naman gugustuhing mag-isa sa bawat araw na tatahakin mo ang lupain ng BulSU. Kaya naman kakailanganin mo ng squad na Go rin sa mga bagong kaalaman outside the classroom.

Kaya naman ito na, narito na ang mga organisasyon na magpapalago ng iyong pagkatao: *in Ruffa Mae’s voice* Go, go, gooooo! UNIVERSITY WIDE ACADEMIC GROUPS Mergence of Innovative and Nurtured DOST Scholars (MINDS) Chamber of Young Business Leaders BulSU Junior Marketing Association (CYBL-BulSU JMA) Junior Academic Research Enthusiast Society (JARES) * BulSU Advertising Guild (AdBulSU) FRATERNITIES Alpha Phi Omega (AΦΩ) Epsilon Kappa Chapter Omega Rho Omicron (ΩρО) Gamma Epsilon Chapter Alpha Sigma Phi (A∑Φ) Philippines, Incorporated LIFESTYLE GROUPS BulSU - The Otaku Philippines (BulSU-TOP) Rock Our Music Association of the Students in the University (ROMASU) * Yoga Haribol Club (YHC) 25

POLITICAL GROUPS BulSU-ONE Partido-Pagkakaisa ng Demokratikong Magaaral (PDM) SOCIO-CIVIC GROUPS Bulacan State University Debate Society (BSUDS) Bulacan State University LEXIS (LEXIS) BulSU Bahaghari Entrepreneurial Action Us (ENACTUS) Kababayang Yayakapsa mga Kapus-palad (KAYAKAP) * Rotaract Club of Malolos – BulSU (RACBulSU) Samahan ng mga Ikararangal na Kabataan (SIKAT) Serve Inspire Nurture Aspire Goal (SINAG) * Youth Empowerment and Advancement of Bulacan BulSU Chapter (YEABULSU) SPIRITUAL AND RELIGIOUS GROUPS Bible Readers Society International (BREAD) BulSU Teen’s Army Serving for the King (BulSU-TASK)


BUENA MANO

BSU Achievers in Mission (BSU AIM) * Christian Brotherhood International (CBI) ELEVATE Influencers with Christ-Like Identity Conquering for the Kingdom (I-CLICK) * Kristiyanong Kabataan Para Sa Bayan (KKB) Proud Disciples of Jesus (PRODI-J) Society for the Propagation of the Catholic Faith (SoProCaFa) * Upgrade Youth Hub (U-Hub) Youth Alive Students Movement (YASM) * PUBLICATIONS Pacesetter, The Official Student Publication of Bulacan State University Mentors’ Journal (College of Education) The Engineers (College of Engineering) Cursor (College of Information and Communications Technology) CS Wizards (College of Science) The Sizzlers (College of Hositality and Tourism Management) CIT Gazette (College of Industrial Technology) The Communique (College of Arts and Letter) Laurel Publication (Sarmiento Campus) Ang Dambana (Meneses Campus) The Executives (College of Business Administration) IEmmensity (College of Engineering – Industrial Engineering) The Manufacturers (College of Engineering – Manufacturing Engineering) Piscatores (Hagonoy Campus) Forerunner (Bustos Campus) The Busy Bee (Laboratory High School)

BUSTOS CAMPUS Association of Skilled Students for Excellence in Technology (ASSET) BSU Catholic Charismatic Renewal Movement (BSU CCRM) Food Enthusiasts, Educated & Disciplined Students (FEEDS) Guild of Leading Elementary Educators (GLEE) Guild of Resourceful Environmental Artistic and Talented Students (GREATS) Lingua Franca Club (LFC) Organization of Math Geniuses (OMG) Science Club in Real Essence (SCIRE) Society of Future Educators (SFEd) Society of Modified Artistic Physical Educators (SoMAPHEd) Union of Information Technology Engineering and Business Administration Students (UNITES & BA) HAGONOY CAMPUS BulSU Hagonoy Tourism Society (BHTS) Hagonoy’s Young Hoteliers Organization (HYHO) Prestigious Organization of Software & Hardware Elite Developers (POSHED) Realm of Aspiring Builders for Better Institution (RABBI) MENESES CAMPUS Bulacan State University Meneses Campus Information Technology Students (BITS) Business Administration Organization (BA Org) Meneses Future Educators Guild (MFEG) Sipnayan Society (S²) Society of Physical Education and Recreation

26


Pacesetter Enthusiast (SPHERE) Successful Achievers’ Club - BulSU Meneses Campus (SAC-BMC) SARMIENTO CAMPUS Association for Better Advocacy and Toil of Hotel and Restaurant Management (ABATHARM) Association of Business Administration and Coordinated Union of Students (ABACUS) Central Education Student Commission (CESC) * Exemplary League of Information Technology Students (ELITES) Junior Financial Executives- Bulacan State University Sarmiento Campus (JFINEX BULSU SC) * Junior Marketing Association BulSU SC(JMA BulSU SC) * Science Society of Sarmiento Campus (S³C) Society for the Advancement of Mathematics Education (SAME) Society of Food Technology Students (SOFTS) Student Association for Visionary Entrepreneurs (SAVE) Supreme Willed Order of Remarkable Drafting Students (SWORDS) The Linguists’ Society (TLS) ** United Christian Societies (UCS) Young Educators Society (YES) Youth on the Rock (YROCK) * COLLEGE OF ARCHITECTURE AND FINE ARTS (CAFA) Advertising Students Central Organization (ADCORE) Architectural Students’ Association of the 27

Philippines, Inc.-BulSU Chapter (ASAPhil, Inc.-BulSU) Circle of Landscape Architecture StudentsBSU (CLAS-BSU) Prime League (PL) United Architects of the Philippines Student Auxiliary (UAPSA) COLLEGE OF ARTS AND LETTERS (CAL) BulSU Cinephilia (BC) * Performing Arts Division (PAD) * Journalism Society (JournSoc) COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION (CBA) Junior Business Economics Society (JBES) * Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA) Society of Young Entrepreneurs (SYE) Junior Financial Executives (JFINEX) COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION (CCJE) Legal Management Society (LMS) COLLEGE OF EDUCATION (COED) Biological Science Students Association (BIOSSA) BLIS-Bibliophile Students Organization (BLISBSO) E-Circle Generalist Society (GenSoc) Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan (KAPIMAPA) MAPEH Major Society (MMS) Pre-School Major Society (Pre-MaS) Society of Mathematics Major for Education


BUENA MANO Students (SMMES) Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL) Society of Physical Science Major (SoPhySM) Society of Technology and Livelihood Education Students (SOTLES) COLLEGE OF ENGINEERING (COE) Association of Integrated Mechatronics Engineering Students (AIMEES) Institute of Electronics Engineers of the Philippines BulSU Student Chapter (IECEP BulSU SC) Institute of Integrated Electrical Engineers BulSU Student Chapter (IIEE BulSU SC) JuanpiECE Research and Extension (JuanpiECE) * Philippine Institute of Civil Engineers BulSU Student Chapter (PICE BulSU SC) Integrated Students of Industrial Engineering –BulSU (ISIE-BulSU) *** Philippine Society of Mechanical Engineers BulSU Student Chapter (PSME BSU SC) Institute of Computer Engineers of the Philippines Student Edition – Bulacan State University (ICpEP.SE – BulSU) Society of Manufacturing Engineering BulSU Student Chapter (SME BulSU SC) COLLEGE OF HOSPITALITY AND TOURISM MANAGEMENT (CHTM) Bartending Enthusiasts and Students Team (BEST) Council of Hotel and Restaurant Management Students (CHARMS) Federation of Accelerating Students of Tourism

(FAST) Society of Future Home Economists (SOFHE) COLLEGE OF INDUSTRIAL TECHNOLOGY (CIT) College Organization of Student Machine Operators (COSMO) * Technikous Omada (TO) COLLEGE OF INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY (CICT) Association of Computer Technology Students (ACTS) Society for the Welfare of Information Technology Students (SWITS) COLLEGE OF NURSING (CON) Knightingale Society (KS) COLLEGE OF SCIENCE (CS) Biological Society (BioSoc) Mathematics Society (MathSoc) COLLEGE OF SOCIAL SCIENCES AND PHILOSOPHY (CSSP) Alliance of Public Administration Student (ALPAS) Samahan ng mga Mag-aaral sa Sikolohikal na Kamalayan (SAΨK) Management Economics Society (MECOSOC) COURSE OFFERED •College of Architecture and Fine Arts Bachelor of Science in Architecture Bachelor of Science in Landscape Architecture 28


Pacesetter Bachelor of Science in Fine Arts - Major in Visual Communication •College of Arts and Letters Bachelor of Arts in Broadcasting Bachelor of Arts in Journalism Bachelor of Arts in Theater Arts Bachelor of Arts in Malikhaing Pagsulat •College of Business Administration Bachelor of Science in Business Administration - Major in Marketing Management - Major in Financial Management - Major in Entrepreneurship Bachelor of Science in Accountancy Bachelor of Science in Accounting Technology •College of Criminal Justice Education Bachelor of Arts in Legal Management Bachelor of Science and (and ba talaga to?) Criminology College of Education Bachelor of Elementary Education - Major in General Education (Generalist) - Major in Pre-School Education Bachelor of Secondary Education - Major in Biological Science - Major in Computer Education - Major in English - Major in Filipino - Major in Mathematics - Major in Music, Arts, Physical Education and Health - Major in Physical Science - Major in Social Studies - Major in Technology and Livelihood Education 29

•College of Engineering Bachelor of Science in Civil Engineering Bachelor of Science in Mechanical Engineering Bachelor of Science in Electrical Engineering Bachelor of Science in Electronics and Communication Engineering Bachelor of Science in Computer Engineering Bachelor of Science in Industrial Engineering Bachelor of Science in Mechatronics Engineering Bachelor of Science in Manufacturing Engineering and Management •College of Law Bachelor of Laws Juris Doctor •College of Hospitality and Tourism Management Bachelor of Science in Home Economics - Major in Beauty Culture and Hair Science - Major in Home Economics Education - Major in Food Production Entrepreneurship Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management Bachelor of Science in Tourism Management •COLLEGE OF SPORTS, EXERCISE AND RECREATION Bachelor of Science in Exercise and Sports Sciences with Specialization: Fitness and Sports Coaching Fitness and Sports Management


BUENA MANO

HOTLINES

ung mala-Adele ka na nais humello from the other side, nandito ang mga kaalyado ni Charlie Puth na one call away lang sa inyo, BulSUans! If may ibang journeys ka subalit ayaw mo pa ring malayo sa unibersidad at makapag-update (yes naman sume-SepAnx), may mga hotlines na p’wede kang ma-dial para go lang nang go ang adventures mo! #StayConnected

K

EXECUTIVE OFFICES Office of the President 1016 Vice President for Academic Affairs 1022 Vice President for Planning, Research, and Extension 1020 Vice President for External Affairs 1028 Dean of the Student Affairs 1024 OFFICES Accounting Office 1006 Admission Office 1088 Alumni Office 1037 Cashier’s Office 1004 Clinic 1014 Center for Learning and Innovation for Professional 1066 Commission on Audit 1007 Confucius Institute 1104 Data Center 1113 Finance Office 1026 Food Testing Laboratory 1081 General Services Office 1011 Guidance Office 1072 Hostel 1097 Hostel II 1105 Human Resources Office Management 1034 Management Information Office 1065 National Service Training Program Office 1106 Office of the Student Organizations 1077 Planning and Information Office 1030 Project Management Office 1012 Public Assistance Desk (Administrative Building) 1017 Public Employment Service Office 1042 Records Office 1032 Registrar’s Office 1002 Research Office 1029 Student Scholarships Office 1086

COLLEGES AND SATELLITE CAMPUSES College of Architecture and Fine Arts 1050 College of Arts and Letters 1047 College of Business Administration 1058 College of Criminal Justice Education 1064 College of Education 1074 College of Engineering 1069 College of Home Economics 1095 College of Industrial Technology 1089 College of Information and Communication Technology 1101 Collge of Law 1084 College of Nursing 1099 College of Physical Education, Recreation, and Sports 1052 College of Science 1044 College of Social Sciences and Philosophy 1060 Graduate School 1040 Laboratory High School 1082 Bustos Campus 2005 to 2006 Hagonoy Campus 2001 to 2002 Meneses Campus 2003 to 2004 Sarmiento Campus 2007 to 2008 Operator Assistance 1000 BULACAN PROVINCIAL HOTLINES Bureau of Fire Protection 796-2900 Red Cross 896-0568/662-5922 Department of Social Welfare and Development 662-1828 PDRRMO Emergency 791-0566 Rescue 117, 760-7049 City of Malolos, Bulacan Police Station (044) 7910257 NATIONAL National Emergency Hotline 911 Citizen’s Complaint Hotline 8888

Oh, ayan! *in Korina Sanchez’s voice* Handa ka na ba? Sana may lesson kang napulot at babaunin sa bawat pagpasok mo sa shining, shimmering, splendid na gates ng university. Abangan ninyo rin ang tambalang magsasaboy ng ka-emehan at ka-wittyhan sa Entertainment Section ng Peys! Go lang nang go! 30


Pacesetter BULACAN STATE UNIVERSITY VISION Bulacan State University is a progressive knowledge-generating institution globally recognized for excellent instruction, pioneering research, and responsive community engagements MISSION Bulacan State University exists to produce highly competent, ethical and service-oriented professionals that contribute to the sustainable socio-economic growth and development of the nation

Pacesetter

The Official Student Publication of Bulacan State University

Issue-in-charge Jonah Micah Cruz, Jewel Rain Fabian, John Marc Cruz, Ronaldo Magsakay, Edmond Rivera, Christina Michaela Cambiado, Julianne Florendo, David James Michael Lim, Kei Ane Manalili Photojournalists Mari Dennisis Pascual, Mao-len Abad, Edmond Rivera, Glecy Alberto Graphic and Lay-out Artist Vincent Angelo R. Pablo facebook.com/BulSUPacesetter

00


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.